Pagbuo ng Pangungusap

22
Pagbuo ng Pangungusap Eden Mae Selim BSEd-English-3

Transcript of Pagbuo ng Pangungusap

Page 1: Pagbuo ng Pangungusap

Pagbuo ng

Pangungusap

Eden Mae SelimBSEd-English-3

Page 2: Pagbuo ng Pangungusap

1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.

Page 3: Pagbuo ng Pangungusap

Di-timbangMatapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater.

TimbangMatapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater.

Halimbawa

Page 4: Pagbuo ng Pangungusap

Di-paralelAng pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

ParalelAng pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

Halimbawa

Page 5: Pagbuo ng Pangungusap

2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng

pandiwa sa pangungusap.

Page 6: Pagbuo ng Pangungusap

Di-nagkakaisaNagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina.

NagkakaisaNagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina.

Halimbawa

Page 7: Pagbuo ng Pangungusap

3. Huwag pagsasamahin sa pangungusap ang hindi

magkakaugnay na kaisipan.

Page 8: Pagbuo ng Pangungusap

Di-magkakaugnayHindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit at nahilig tayo sa kalayawan.

WastoHindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit.

Halimbawa

Page 9: Pagbuo ng Pangungusap

4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan

sa isang pangungusap.

Page 10: Pagbuo ng Pangungusap

Di-mabisaAng pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan kung gabing walang buwan at ng pagdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakakaaliw.

MabisaAng pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng mga bata, ay tunay na nakalilibang.

Halimbawa

Page 11: Pagbuo ng Pangungusap

5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang

panulong na sugnay.

Page 12: Pagbuo ng Pangungusap

Hindi MalinawDahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang aklat.

Malinaw Dahil ayaw ko sa aklat, hindi ko iyon binili.

Halimbawa

Page 13: Pagbuo ng Pangungusap

6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng

pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos.

Page 14: Pagbuo ng Pangungusap

MaliSi Joel ay binili ang relo para kay Bernie.

TamaAng relo ay binili ni Joel para kay Bernie.Binili ni Joel ang relo para kay Bernie.

Halimbawa

Page 15: Pagbuo ng Pangungusap

MaliSi Marie ay kinuha ang hinog na papaya sa puno.

TamaAng hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Marie.Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.

Halimbawa

Page 16: Pagbuo ng Pangungusap

7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.

Page 17: Pagbuo ng Pangungusap

MalayoMaganda ang kuwentong binasa ko talaga.

MalapitMaganda talaga ang kuwentong binasa ko.

Halimbawa

Page 18: Pagbuo ng Pangungusap

MalayoTinawag ni Romy ang bata nang malakas.

MalapitMalakas na tinawag ni Romy ang bata.

Halimbawa

Page 19: Pagbuo ng Pangungusap

8. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa

karaniwang ayos ng pangungusap.

Page 20: Pagbuo ng Pangungusap

Minamahal at ginagamit niya ang sariling wika.Mabait na bata si Aldrin.

Kaysa…

Ang sariling wika ay minamahal at ginagamit niya.Si Aldrin ay mabait na bata.

Halimbawa

Page 21: Pagbuo ng Pangungusap

1. Si Mareng Susan ay isinampay ang mga nilabhang damit.

2. Mas kapana-panabik ang pelikulang pinanood ko nang di-hamak kaysa sa pelikulang pinanood ninyo.

3. Nanalangin si Ester sa simbahan nang mataimtim.

4. Ang mga handang pagkain ay mabilis na naubos sa mesa ng mga bisita.

5. Si Bernie ay binili ang regalo para kay Jubaile.

Panuto: Iwasto ang mga sumusunod na pangungusap.

Page 22: Pagbuo ng Pangungusap

Magaling!Mag-aral ng mabuti.