Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

75
MODYUL 7 MGA KAISIPANG ASYANO SA PAGBUO NG IMPERYO 8 SIMULAN ANG PAGLALAKBAY! Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

description

Used in Grade 8 AP class I DO NOT OWN THE INFO IN THIS PRESENTATION Some font styles are not recognized You might want to just edit the ppt

Transcript of Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

Page 1: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

MODYUL 7MGA KAISIPANG ASYANO SA PAGBUO NG IMPERYO

8SIMULAN ANG PAGLALAKBAY!

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 2: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

8Ako ang Daigdig, ang planeta kung saan ka nakatira. Alam mo bang malaki ang naging impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa paglinang ng sinaunang kabihasnan? Ang mga kaisipang ito ang nagsilbing gabay ng mga Asyano sa pamamahala sa kanilang lipunan. Bago ang lahat, sagutin mo muna ang aking pangunahing tanong.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 3: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

8Paano nakakaapekto ang mga kaisipang Asyano sa uri ng mga imperyo at pamahalaang itinatag ng mga Asyano?

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 4: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

Kabihasnang Shang

8

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

BALANGKAS NG MODYUL 6

Objectives

MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

Kabihasnang Sumerian

Kabihasnang Indus

Page 5: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

8

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Sino ang nagpasimula ng sumusunod na kaisipan?

Balangkas

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.”

Confucius

Buddha

Mencius

Pinaniniwalaan mo ba ang kaisipang ito bilang Golden Rule? Kung oo, naisasabuhay mo ba ang kaisipang ito? Paano?

Page 6: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

Kanlurang Asya at ang Kaisipang Islamiko

8

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

BALANGKAS NG MODYUL 7

MGA KAISIPANG ASYANO SA PAGBUO NG IMPERYO

China at Sinocentrism

Japan at Korea at ang Divine Origin

ng mga Emperador

Timog Silangang Asya

at ang Paniniwala sa mga Diyos-diyosan at

EspirituObjectives

Page 7: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

8

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

OBJECTIVESSa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na kakayahan: Nasusuri ang iba’t ibang kaisipang

Asyano na nagbibigay daan sa paglinang ng pagkakakilanlang Asyano.

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga kaisipang Asyano sa pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnang Asyano.

Page 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

8

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

OBJECTIVES

Natatalakay ang naging epekto ng Sinocentrism, devaraja, at cakravartin sa paghubog ng kulturang Asyano

Nahihinuha ang kahalagahan ng mga kaisipang Asyano sa paghubog ng mga tapat at mabuting pinuno ng mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Asya. Balangkas

Page 9: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Ang kabihasnang Tsino ay isa sa pinakamatandang kabihasnan sa daigdig. Maiuugay ito sa mga turo at kaisipan ng kilalang pilosopo na si Confucius.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 10: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Ang pagiging mayaman ng kabihasnang Tsino ay nagbunga ng mga dakilang kontribusyon sa daigdig sa larangan ng pilosopiya at imbensyon. Naging dahilan ito upang maging mataas ang kanilang pagtingin sa sarili.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 11: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Tinawag ng mga Tsino ang kanilang bansa na Zhongguo na nangangahulugang “Gitnang Kaharian.” Pinaniniwalaan ng mga Tsino na ang China ang sentro ng daigdig. Pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura at kabihasnan ang natatangi sa lahat.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 12: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Dahil sa ganitong paniniwala, ang nagging paningin ng mga Tsino sa mga Europeo at iba pang lahi ay mga barbaro. Ang ganitong tradisyonal na perspektiba ng mga Tsino ay tinaguriang Sinocentrism.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 13: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Bahagi ng Sinocentrism, kinilala ng mga Tsino ang kanilang emperador bilang Anak ng Langit o Son of Heaven. Pinaniniwalaang pinili siya ng langit upang pamunuan ang buong kalupaan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 14: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Ang kanyang pamumuno ay may mandate of heaven o pahintulot o basbas ng langit. Ang emperador ay may malaking responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 15: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Kapag hindi niya nagampanan ang kaniyan mga tungkulin at siya ay naging mapang-abuso at masama, ang kayang pagiging emperador ay babawiin ng kalangitan at igagawad sa susunod na taong puspos ng kabutihan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 16: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Ang mga palatandaang tulad ng kalamidad, peste, tagtuyot, kaguluhan at digmaan ay mga pangitaing hindi nalulugod ang kalangitan sa kasalukuyang emperador.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 17: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Ang mandate of heaven ang nagpapaliwanag kung bakit may mga naganap na pagbabago o pagpapalit ng dinastiya sa China.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 18: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

CHINA AT SINOCENTRISM

•Ang mandate of heaven ang nagpapaliwanag kung bakit may mga naganap na pagbabago o pagpapalit ng dinastiya sa China.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 19: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

DAGDAG-KAALAMAN Araling Panlipunan 9

Unang Markahan

Ang salitang “Zhongguo” ay ula sa dalawang Chinese character na Zhong, na nangangahulugang “gitna,” at guo na nangangahulugang “lupa,” “kaharian,” o “bansa.”

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 20: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

TULONG-KAALAMAN Araling Panlipunan 9

Unang Markahan

Ang “heaven” o “langit” ay hindi nangangahulugang “diyos” kung hindi isang makapangyarihang batas ng kalikasan. Ito ay ayon sa Rites of Zhou, isa sa sinaunang nananatiling dokumento tungkol sa politikang Tsino.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 21: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG JAPAN

•Ang Japan ay may sariling kultura at paniniwala bagama’t sinasabing humiram ito ng kultura mula sa China. Ayon sa Kojiki (Record of Ancient Matters, isinulat noong 712 C.E.), ang kapuluan ng Japan ay nabuo mula sa pagtatalik ng diyos na si Izanagi at diyosang si Izanami.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 22: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG JAPAN

•Mula naman sa paghuhugas ng kaliwang mata ni Izanami nagbuhat ang diyosa ng araw at kinikilalang diyos ng mga Hapones na si Amaterasu Omikami.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 23: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG JAPAN

•Ipinadala ni Amaterasu ang kaniyang apo na si Ninigi sa pulo ng Kyushu upang doon mamuhay. Binigyan niya ito ng tatlong kayamanan: alahas, salamin at espada.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 24: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG JAPAN

•Ayon sa tradisyon, ang kaapo-apuhan naman ni Ninigi na si Jimmu ang naging kauna-unahang emperador ng Japan noong 660 B.C.E. Simula noon, tanging sa lahi na lamang ni Amaterasu dapat magmula ang emperador ng Japan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 25: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG JAPAN

•Taliwas sa paniniwalang Tsino, hindi naniniwala ang mga Hapones sa mandate of heaven. Dahil dito, ang kanilang emperador ay hindi maaaring palitan o tanggalin sa katungkulan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 26: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG JAPAN

•Bagama’t sa kasalukuyang panahon ay hindi na itinuturing na diyos ang kanilang emperador, ang mga Hapones ay may mataas pa rin na pagtingin sa kaniya. Lubos pa rin ang paggalang at pagmamahal nila rito.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 27: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG JAPAN

•Nananatili ang emperador ng Japan bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga Hapones hanggang sa kasalukuyan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 28: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

DAGDAG-KAALAMAN Araling Panlipunan 9

Unang Markahan

Ang pangalang “Japan” ay nagmula sa dalawang Kanji character na nangangahulugang “sun origin.” Ito ang dahilan kung bakit tinatawag na “Land of the Rising Sun” ang Japan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 29: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG KOREA

•Ang mga Korean ay naniniwala rin na banal ang pinagmulan ng kanilang emperador.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 30: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG KOREA

•Masasalamin ito sa alamat ni Tangun Wanggeom, ang nagtatag ng unang kaharian ng Korea. Ayon sa kuwento, noong unang panahon, si Prinsipe Hwanung, anak ng diyos ng kalangitan na si Hwanin ay nagnais na bumaba mula sa langit at manirahan sa daigdig ng mga tao.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 31: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG KOREA

•Nang malaman ang ninanais ng anak ay naghanap si Hwanin ng mataas na kabundukan at natagpuan ang Mount T’aebaek na nagsilbing panirahan ng nasabing prinsipe. Nang makapanirahan na sa lupa ang prinsipe, itinatag niya ang lungsod ng diyos.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 32: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG KOREA

•Tinuruan niya ang kaniwang mga nasasakupan ng kaalaman sa agrikultura at iba’t ibang Gawain tulad ng paghahabi at pagkakarpintero. Bumuo rin siya ng mga batas upang maging gabay sa pagtukoy ng mabuti at masama at sa pagpataw ng kaparusahan sa mga lumabag sa batas.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 33: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NG PINAGMULAN NG KOREA

•Siya ay sinasabing nakapangasawa ng isang oso na naging isang magandang babae. Sila ay nagkaanak at pinangalanan itong Tangun Wanggeom. Siya ang nagtatag ng kaharian ng Gojoseon (Lumang Joson). Namuno siya rito sa loob ng 150 taon.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 34: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

DAGDAG-KAALAMAN Araling Panlipunan 9

Unang Markahan

Ang salitang “Korea” ay nangagnahulugang “Land of the Morning Calm.”

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 35: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

PANINIWALA SA MGA DIYOS-DIYOSAN AT

ESPIRITU•Pinaniniwalaan ng mga taga-Timog silangang Asya ang mga diyos-diyosan at espiritu sa kapaligiran. Ang paniniwalang ito ang nakatulong sa paghubog ng mga imperyo sa naturang rehiyon.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 36: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

PANINIWALA SA MGA DIYOS-DIYOSAN AT

ESPIRITU•Kadalasan, ang nagatataasang bundok ang sinasabing tirahan ng mga diyos at espiritu. Sa Pilipinas, ang mga bundok ng Arayat, Banahaw, at Makiling ang pinaniniwalaang tirahan ng mga anito at diwata.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 37: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

PANINIWALA SA MGA DIYOS-DIYOSAN AT

ESPIRITU•Sa Myanmar, ang Mount Popa naman ay tirahan ng mga espiritu ng kalikasan na kung tawagin at nat. Sa Thailand, ang mga espiritu na kung tawagin ay phi ay sinasabi ring naninirahan sa mga bundok.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 38: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

PANINIWALA SA MGA DIYOS-DIYOSAN AT

ESPIRITU•Ayon sa kuwento, kadalasang nagmumula ang imperyo sa pakikipag-isang dibdib ng diyos sa tao. Mula rito, ang maitatalagang hari ay dapat manguna sa pagsasagawa ng ng mga ritwal bilang pagsamba sa mga espiritu.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 39: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

PANINIWALA SA MGA DIYOS-DIYOSAN AT

ESPIRITU• Ang pagsasagawa ng ng mga pag-aalay at tamang ritwal para sa mga pinaniniwalaang espiritu at diyos ay sinasabing magbibigay sa kanila ng kasaganaan at katatagan ng kanilang kaharian. Ang mapipiling pinuno ay dapat nagtataglay ng hindi pangkaraniwang katangian tulad ng pagiging matapang, magaling, at matalino.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 40: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

PANINIWALA SA MGA DIYOS-DIYOSAN AT

ESPIRITU•Dapat siyang kakitaan ng kahusayan sa pamumuno ng kaniyang nasasakupan at kakayahang magsagawa ng ritwal para sa mga kinikilalang espiritu at diyos.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 41: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

INDIA AT ANG DEVARAJA AT

CAKRAVARTIN•Sa India, ang kinikilalang diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng diyos ng buwan, apoy, hangin, tubig, kayamanan, at kamatayan. Kinilala siya bilang pinakamataas at walang kapantay dahil hindi lamang iisang diyos ang kaniyang taglay. Ang tawag sa kanya ay devaraja.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 42: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

INDIA AT ANG DEVARAJA AT

CAKRAVARTIN•Sa Hinduism at Buddhism, ang hari ay kinilala bilang cakravartin o hari ng sansinukob. Ang natatanging haring ito ay may pangakong mamuno nang makatuwiran at mapagkalinga sa mga mamamayan at kanilang relihiyon.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 43: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

INDIA AT ANG DEVARAJA AT

CAKRAVARTIN•Samantala, nangako rin ng katapatan sa kaniya ang kaniyang mga nasasakupan. Si Haring Asoka ay isang halimbawa ng cakravartin. Isa siyang mandirigma na tumalikod sa karahasan at tumanggap at sumuporta sa Buddhism.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 44: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

INDIA AT ANG DEVARAJA AT

CAKRAVARTIN•Sa Cambodia, ang haring Khmer na si Jayavarman II ay isang cakravartin na nasa pagkalinga at proteksiyon ni Shiva.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 45: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

INDIA AT ANG DEVARAJA AT

CAKRAVARTIN•Lumaganap sa India ang impluwensiya ng Hinduism. Ang maging pagtingin ng mga tao sa hari ay isang buhay na imahen ng diyos. Ang paniniwala sa karma at reinkarnasyon ay bahagi rin ng Hinduism.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 46: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

• Ang “devaraja” ay hango sa dalawang salita– deva, na nangangahulugang “diyos,” at raja, na nangangahulugang “hari.”TULONG-KAALAMAN Araling Panlipunan 9

Unang MarkahanAraling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 47: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

• karma- ang paniniwalang ang kabutihan ay masusuklian din ng kabutihan• reinkarnasyon- ang paniniwalang kapag ang tao ay namatay, siya ay muling mabubuhay sa ibang anyo

TULONG-KAALAMAN Araling Panlipunan 9

Unang MarkahanAraling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan

Page 48: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Ang Islam ay itinatag ni Muhammad na siyang naging tagapaghatid ng mensahe ni Allah (kinikilalang diyos ng mga Muslim) sa sanlibutan. Itinuturing si Muhammad na pinunong panrelihiyon at politikal.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 49: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Namatay si Muhammad nang walang naatasang kapalit kaya nagpasiya ang kaniyang mga tagapayong gawing pinuno ng mga Mislim si Abu Bakr.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 50: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Si Abu Bakr at ang mga sumunod sa kaniya bilang pinuno ay binigyan ng titulong caliph na nangangahulugang “tagapagtaguyod ng pananampalataya.” Kaugnay ito ng kanilang pagiging kahalili o kinatawan ni Muhammad sa kalupaan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 51: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Ang Sistema ng pamahalaang itinatag ng mga pinunong ito ay tinawag na caliphate. Ang caliph ay isa ring hukom at pinuno ng hukbong sandatahan.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 52: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Sa ilalim ng mga pamumuno ng mga caliph, nanakop ang mga Muslim ng mga lupain sa ibang panig ng Asya, Africa, at timog na bahagi ng Spain. Ang pangunahing dahilan sa pananakop ng mga Muslim ay ang pagpapalaganap ng Islam.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 53: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Nakasaad sa Qur’an ang mga katungkulan ng caliph. Ayon sa Qur’an, kapag makatuwiran ang caliph ay bibiyayaan ito ni Allah at dapat magpasalamat ang mga nasasakupan. Bagama’t hindi diyos ang mgacaliph ay may basbas din sila ni Allah.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 54: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Kapansin-pansing ang mga kaisipang Asyano aynakabatay sa mga paniniwalang panrelihiyon. Marami sa mga namuno ng imperyo noon ay naniwalang hinirang at itinakda sila ng diyos.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 55: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

KANLURANG ASYA AT ANG KAISIPANG ISLAMIKO•Dahil dito, nararapat na sila ay maglingkod nang mahusay at tapat. Ito ang dahilan kung bakit maraming kabihasnan at imperyo ang umunlad at umusbong.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 56: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NI TANGUN

•Sa alamat ni Tangun inilalarawan ang pinagmulang lahi ng mga Korean.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 57: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NI TANGUN

•Isang tigre at isang oso ang nanalangin kay Hwanung, anak ng diyos ng kalangitan, upang sila ay maging tao.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 58: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NI TANGUN

•Nang marinig ni Hwanung ang panalangin, iniutos niya sa dalawa na kumain ng 20 clove ng bawang at bugkos ng mugwort at umiwas sa sikat ng araw sa pamamagitan ng pagtatago sa yungib sa loob ng 100 araw.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 59: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NI TANGUN

•Hindi natagalan ng tigre ang nasabing sitwasyon kaya iniwan niya ang yungib. Samantala, ang oso ay nanatili hanggang sa ito ay maging isang magandang babae.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 60: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NI TANGUN

•Ang osong naging babae ang naging asawa ni Hwanung. Sila ay nagkaanak ng lalaki, si Tangun Wanggeom. Kinilala siya bilang tagapagtatag ng Gojoseon, ang unang kaharian ng Korea.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 61: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

ALAMAT NI TANGUN

•Ginugunita ng mga Korean ang araw ng pagkakatatag ng unang kaharian tuwing ikatlo ng Oktubre. Ito ay tinatawag nilang National Foundation Day.

Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan 8

Page 62: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

1. Tumutukoy sa pananaw ng mga Tsino na sila ay nakaangat sa lahat ng lahi.

ISIP HAMUNIN

Page 63: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

2. Turing ng mga Tsino sa mga Europeo.

Page 64: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

3. Tawag ng mga Tsino sa kanilang imperyo.

Page 65: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

4. Paniniwala ng mga Hapones at Korean tungkol sa pinagmulan ng kanilang emperador.

Page 66: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

5. Nangangahulugang “hari ng sansinukob”

Page 67: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

6. Kahulugan ng “deva” at “raja”

at

Page 68: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

7. Haring tumalikod sa karahasan at tinaggap ang Buddhism; halimbawa ng cakravartin

Page 69: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

8. Itinuturing na kauna-unahang emperador ng Japan.

Page 70: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

9. Tawag sa kinatawan ni Muhammad sa kalupaan

Page 71: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

10. Tawag sa sistemang pampamahalaang itinatag ng mga kinatawan ni Muhammad

Page 72: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

Tukuyin ang naging epekto ng mga kaisipang natalakay sa uri ng pamamahal ng mga emperador o pinuno.

Page 73: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

mandate of heaven

divine origin ng mga emperador

pagsamba sa mga diyos-diyosan at espiritu

devaraja

caliph

Page 74: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

Dugtungan ang open-ended statement na ito.

Ang katangian ng mga sinaunang imperyo na nais kong taglayin ng mga kasalukuyang pinuno ay ang__________________________________sapagkat______________________________________________

Page 75: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

SALAMAT SA PAKIKINIG!