pagbasa _3

3
Bote ng Gin, Kapirasong Katsa “Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-aaral”. Ang tahanan ay masasabing higit pa sa pagiging silungan, anumang relasyon sa kapwa, o sa sinumang nakapaligid sa iyo. Kung saan ka nabibilang at nakatalaga, iyon ang tinatawag na tahanan. Makaraan ang halos dalawampung taon ay muling nakauwi ako sa lupang aking tinubuan. Nais kong kahit sandali’y takas an ang pang- araw –araw at paulit-ulit na takbo ng buhay sa magulong lungsod. Isa pa, nais kong madalaw ang aking butihing ina. Bagama’t umangat ang kabuhayan ditto, kapansin-pansin pa rin ang maaliwalas na pagtanggap ng bawat isa, sa sinumang bagong mukha. Lalo na sa gaya kong kamag-anak na matagal nawala. Malakas ang hatak ng mga alaala. Bumalik sa isip ko ang mga tamis at mapapait na karanasang pumanday sa mura kong isip at katawan. Di ko malilimutan ang nakatukang trabahong dapat gawin bilang panganay na anak na lalaki-mag-igib ng tubig, mangahoy ng panggatong at magpastol sa alagang hayop bago pumasok pagkarating buhat sa eskwela umulan man o umaraw. Sa paggawa ng homework ako higit na nahihirapan nang panahon iyon. Paano ba naman gaseran de gaas ang gawa sa bote ng gin at kapirasong katsa ang tangi kong gamit na ilawan. Marahil ay dahil na rin sa karalitaan kaya madalas kong marinig noon kay Inay habang ako’y nag-aaral ang mga salitang “Anak, malalim na ang gabi. Tigilan mo na ‘yan at baka maubos ang gaas, wala tayong pamparikit ng kalan bukas.” Noo’y napakahaba ng panahong mag-isip sa labinlimang minutong paglalakad patungo at pauwi sa eskwela ay samut saring pangarap na ang aking nahahati. Punumpuno ng pag –asang makaahon sa kinasadlakang kahirapan. Mga pangarap hanggang sa ngayon ay pinagsusumikapan pa ring matupad sa sementadong gubat at kalunsuran. Nasa ikaanim na grado na ako sa elementarya nang magkaroon ng kuryente an gaming lugar. Para kaming mga bulag na biglang nakakita ng liwanag! Pagkatapos ng mahabang panahon ng pangangapa sa dilim, nakaranas akong magsindi ng ilaw sa pamamagitan ng switch. Naranasan kong gumawa ng homework nang di magkakaroon ng agiw sa loob ng ilong at higit kong napataas ang aking marka. Bigla kong naisip ang aking mga anak na nag-aral sa pribadong paaralan. Sa Pasig ay naghihintay ang aking mag-iina maging ang trabaho ko na ipinag-aagdong buhay. A, marahil ay doon na ako lulubugan ng araw. Subalit malayo man ito sa kinalakhan kong uri ng pamumuhay ay wala ako ni katiting na pagsisisi. Dahil alam kong dito’y nag-uumpisa na rin ang aking mga pangarap. Pangarap ng tatlong paslit na bukod sa aking mahal na kabiyak ang pinakamahalagang kaloob sa aking ng Maykapal. Isang bagay lang ang aking natitiyak bago ko lisanin ang luma kong tahanan. Ako’y babalik at muling babalik sa lugar na ito upang minsan pa’y tahakin ang sapang pinaghuhulihan ko ng dalag, ang parang na sugaan ko ng mga alagang hayop, tuntunin ang landas patungo sa paaralang nagdulot sa aking talampakan ng makapal na lipak at mga taong nagging bahagi ng aking kabataan. Ngunit higit sa lahat ay muling aninagin ang payak na buhay sa liwanag na dulot ng bote ng gin at kapirasong katsa. Pagkilatis sa salitang hindi kabilang ayon sa kahulugan Lagyan ng ekis (X) ang hindi kahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Ang katiting na pag-asa ko sa buhay ay unti-unting nagkakaliwanag. (kapiraso, kaunti, malaki) 2. Lagi kong tatahakin ang tamang landas ng buhay. (tatakbuhin, dadaanan, babagtasin) 3. Maaari tayong bumangon sa mababang kinasadlakan ng buhay kung gugustuhin natin. 4. Ang masasakit at mahihirap na naranasan sa buhay ay pumapanday sa ating katauhan. (humuhubog, humuhulma,sumusugat) 5. Tama lang na sundin ang mga nakatukang gawain sa atin. (nakalimutan, nakaatang, nakatakda) 6. Ang magagandang pangarap ay nahahabi sa ating isipan mula pa sa ating pagkabata. 7. Mabuting laging aninagin ang nangyari sa ating buhay sa bawat araw. (tingnang muli, suriing muli, iwang muli) 8. Nais kong lisanin ang masamang pangyayari sa aking buhay. (talikuran, iwan, harapin) 9. Titingnan ko ang dating sugaan ng aming baka at kalabaw. (talian, pastulan,tambakan) 10. Ang lipak ng aking talampakan ay di ko pinapansin. (sugat, kalyo, paltos) II. Pagtukoy sa Detalye Sagutin ang mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Sino ang muling dinalaw ng may – akda? A. Kaibigan C. pinsan B. ina D. kasintahan

Transcript of pagbasa _3

Page 1: pagbasa _3

Bote ng Gin, Kapirasong Katsa“Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pag-aaral”.

Ang tahanan ay masasabing higit pa sa pagiging silungan, anumang relasyon sa kapwa, o sa sinumang nakapaligid sa iyo. Kung saan ka nabibilang at nakatalaga, iyon ang tinatawag na tahanan.

Makaraan ang halos dalawampung taon ay muling nakauwi ako sa lupang aking tinubuan. Nais kong kahit sandali’y takas an ang pang-araw –araw at paulit-ulit na takbo ng buhay sa magulong lungsod. Isa pa, nais kong madalaw ang aking butihing ina.

Bagama’t umangat ang kabuhayan ditto, kapansin-pansin pa rin ang maaliwalas na pagtanggap ng bawat isa, sa sinumang bagong mukha. Lalo na sa gaya kong kamag-anak na matagal nawala.

Malakas ang hatak ng mga alaala. Bumalik sa isip ko ang mga tamis at mapapait na karanasang pumanday sa mura kong isip at katawan. Di ko malilimutan ang nakatukang trabahong dapat gawin bilang panganay na anak na lalaki-mag-igib ng tubig, mangahoy ng panggatong at magpastol sa alagang hayop bago pumasok pagkarating buhat sa eskwela umulan man o umaraw. Sa paggawa ng homework ako higit na nahihirapan nang panahon iyon. Paano ba naman gaseran de gaas ang gawa sa bote ng gin at kapirasong katsa ang tangi kong gamit na ilawan. Marahil ay dahil na rin sa karalitaan kaya madalas kong marinig noon kay Inay habang ako’y nag-aaral ang mga salitang “Anak, malalim na ang gabi. Tigilan mo na ‘yan at baka maubos ang gaas, wala tayong pamparikit ng kalan bukas.”

Noo’y napakahaba ng panahong mag-isip sa labinlimang minutong paglalakad patungo at pauwi sa eskwela ay samut saring pangarap na ang aking nahahati. Punumpuno ng pag –asang makaahon sa kinasadlakang kahirapan. Mga pangarap hanggang sa ngayon ay pinagsusumikapan pa ring matupad sa sementadong gubat at kalunsuran.

Nasa ikaanim na grado na ako sa elementarya nang magkaroon ng kuryente an gaming lugar. Para kaming mga bulag na biglang nakakita ng liwanag! Pagkatapos ng mahabang panahon ng pangangapa sa dilim, nakaranas akong magsindi ng ilaw sa pamamagitan ng switch. Naranasan kong gumawa ng homework nang di magkakaroon ng agiw sa loob ng ilong at higit kong napataas ang aking marka.

Bigla kong naisip ang aking mga anak na nag-aral sa pribadong paaralan. Sa Pasig ay naghihintay ang aking mag-iina maging ang trabaho ko na ipinag-aagdong buhay. A, marahil ay doon na ako lulubugan ng araw. Subalit malayo man ito sa kinalakhan kong uri ng pamumuhay ay wala ako ni katiting na pagsisisi. Dahil alam kong dito’y nag-uumpisa na rin ang aking mga pangarap. Pangarap ng tatlong paslit na bukod sa aking mahal na kabiyak ang pinakamahalagang kaloob sa aking ng Maykapal.

Isang bagay lang ang aking natitiyak bago ko lisanin ang luma kong tahanan. Ako’y babalik at muling babalik sa lugar na ito upang minsan pa’y tahakin ang sapang pinaghuhulihan ko ng dalag, ang parang na sugaan ko ng mga alagang hayop, tuntunin ang landas patungo sa paaralang nagdulot sa aking talampakan ng makapal na lipak at mga taong nagging bahagi ng aking kabataan. Ngunit higit sa lahat ay muling aninagin ang payak na buhay sa

liwanag na dulot ng bote ng gin at kapirasong katsa.

Pagkilatis sa salitang hindi kabilang ayon sa kahulugan

Lagyan ng ekis (X) ang hindi kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Ang katiting na pag-asa ko sa buhay ay unti-unting nagkakaliwanag. (kapiraso, kaunti, malaki)

2. Lagi kong tatahakin ang tamang landas ng buhay.(tatakbuhin, dadaanan, babagtasin)

3. Maaari tayong bumangon sa mababang kinasadlakan ng buhay kung gugustuhin natin.

4. Ang masasakit at mahihirap na naranasan sa buhay ay pumapanday sa ating katauhan. (humuhubog, humuhulma,sumusugat)

5. Tama lang na sundin ang mga nakatukang gawain sa atin. (nakalimutan, nakaatang, nakatakda)

6. Ang magagandang pangarap ay nahahabi sa ating isipan mula pa sa ating pagkabata.

7. Mabuting laging aninagin ang nangyari sa ating buhay sa bawat araw. (tingnang muli, suriing muli, iwang muli)

8. Nais kong lisanin ang masamang pangyayari sa aking buhay. (talikuran, iwan, harapin)

9. Titingnan ko ang dating sugaan ng aming baka at kalabaw. (talian, pastulan,tambakan)

10. Ang lipak ng aking talampakan ay di ko pinapansin. (sugat, kalyo, paltos)

II. Pagtukoy sa Detalye Sagutin ang mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Sino ang muling dinalaw ng may – akda?

A. Kaibigan C. pinsanB. ina D. kasintahan

2. Ano ang nais ihatid ng may –akda sa isip ng mambabasa?A. Kalimutan ang nakaraanB. Maghinanakit dahil sa magandang

karanasan.C. Gawing gabay sa pakikihamok sa buhay ang

dinanas na hirap.D. Muling iparanas sa mga anak ang kahirapang

naranasan.3. Anong mga gawain ang nakaaatang sa kanya?

A. Pagsalok ng tubig C. PagpapastolB. Pangangahoy D. lahat ng nabanggit

4. Ano ang gamit niyang tanglaw sa kanyang pag-aaral noon?A. Gasera C. KandilaB. Fluorescent lamp D. flashlight

5. Saan na naninirahan ang pamilya ng may – akda sa kasalukuyan?A. Baryo C. lungsodB. Probinsya D. Ibang bansa

III. Pagsusuri sa Hindi Kabilang sa PangkatMay tatlong sagot na angkop sa bawat pahayag. Lagyan ng ekis (X) ang hindi sumasagot dito.

1. Tao o bagay na pumapanday sa isip at damdamin ng mamamayan.A. Magulang, guro, kaibiganB. Karanasan, gawainC. Baga, apoyD. Aklat, pag-aaral, simbahan

2. Malalim na ang gabi kung____________A. matagal nang lumubog ang araw.B. mag-aalas dose nan g gabi.C. madaling araw na.D. maghahatinggabi na

Page 2: pagbasa _3

3. Ang sementadong gubat ay nangangahulugangA. Lungsod na puno ng oportunidad pero may

panganib din.B. Maunlad na lungsog na maraming

pakikipagsapalaranC. Progresibong lungsod subalit delikado rinD. Maunlad ang lungsod dahil sementado.

4. Kapag sa lugar na ito sinasabing “lulubugan ka ng araw” ayA. Dito ka na tatandaB. Dito ka na mamamatayC. Dito ka na papanawD. Dito ka na tatanghaliin.

5. Ang ibig sabihin ng “aninagin ang payak na buhay” ayA. Tingnan muli sa simpleng nakaraan.B. Balikang muli ang simpleng nakaraan.C. Alalahaning muli ang dating simpleng buhay.D. Malungkot muli sa dating simpleng buhay.

IV. Isulat ang nawawalang pangngalang pantangi o pambalana sa bawat bilang.

1. Mongol:_________: :________aklat2. Luneta:_________: :________paaralan3. Coke:__________: :________biskwit4. ______________:kotse::Petron:________5. Nido:__________: :_________: kape6. Manila Cathedral:_______: : Fr. Jun_______7. __________: doctor: : Medical City:______8. Singapore : _______; ; Laguna : _________9. ___________: barko : : Batangas Port :_____10. _________: pangulo ; ; Pilipinas :___________

V. Isulat ang pangngalang sumasagott sa bawat bilang. Pumili ng sagot sa kahon.

1. Kahit anong bigat ako’y lumulutang, ang nilalakbay ko’y mga karagatan.

2. Karununga’y mababatid sa aking mga pahina, kaya ako’y basahin saan man magpunta.

3. Kapirasong papel, kaputol na patpat, pag nahahanginan ay nakalilipad.

4. Dalawa ang gulong, sa manibela ang hawak, para umusad ka ang paa’y ipadyak.

5. Hayop na mabangis sa amo’y matapat, mga magnanakaw agad kinagat.

6. Malapad na bulaklak, gabi kung mamukadkad.

7. Nanganak ang aswang, sa ulo dumaan.8. Isang balong malalim punumpuno ng

patalim.9. May alaga akong hayop, mas malaki ang

mata kaysa tuhod.10. Kung kalian ko pinatay saka humaba ang

buhay.

VI. Pagkilatis sa kasalungat

Basahin ang pangungusap. Isulat ang titik ng kasalungat ng salitang may salungguhit.

1. Pagputok ng araw ay pumupunta na sa gubat si Bernardo.A. Pagsikat ng arawB. Pagbubukang – liwaywayC. Pagtatakipsilim

2. Pinapasok niya ang madawag na kagubatan.A. Masukal

B. MalinisC. Madilim

3. Uuwi lang siya kapag dapithapon na at kung may dalang pagkain.A. UmagaB. TakipsilimC. Paglubog ng araw

4.Ang mga babae ay nagkakagusto sa kanya dahil makisig siya.A. GuwapoB. PangitC. Magandang lalaki

5.Naghamok sila sa bundok.A. NagbatiB. NagtunggaliC. Nag-away

II. Pagtukoy sa kasingkahulugan

Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nagdarasal sila ng pasasalamat sa harap ng dulong.A. Silya B. Kasalan C. hapag-

kainan2. Mapalad siya dahil biniyayaan siya ng

kakaibang lakas.A. Binigyan B. pinahanap C. binilhan

3. Lumisan siya ng bahay upang tapusin ang buhay ng nanggugulo sa kagubatan.A. Lumakad B. Dumating C. Umalis

4. Habang siya ay lumalaki ay nag-iibayo ang kanyang lakas.A. Naubusan B. tumitindi C. nawawala

5. Napahamak siya sa patibong ng kaaway at siya ay nagapi.A. Bitag B. plano C.

balakaklat aso banig barko bibig

bisikleta kandila saranggola saging tutubi