Interaktibong Pagbasa

download Interaktibong Pagbasa

of 8

description

FIlipino

Transcript of Interaktibong Pagbasa

  • PROSESO NG PAGBASAIkalawang Semestre, AY 2014-2015

    G. Mar Anthony Simon dela Cruz

  • ANG PAGBASA BILANG INTERAKTIBONG PROSESOKombinasyon ng bottom-up at top-down

    Ang pagbasa ay bidireksiyonal o may dalawang direksiyon.

    Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng mambabasa ang kaalaman niya sa wika kasabay ang paggamit ng dating kaalaman at mga pananaw.

  • INTERAKTIBONG PAGBASAMambabasaKontekstoTekstoBokabularyoEstrukturaElementoOrganisasyonDating KaalamanAtityud sa PagbasaMotibasyon Gamit ng Wika

    Lipson at Wixson (1991)

  • Mas mabuti ang peryodiko kaysa magasin at mas magandang lugar ang dalampasigan kaysa kalye. Sa simula, mas mainam ang tumakbo kaysa maglakad. Kailangan mo itong subukan nang ilang ulit. Kailangan ang kasanayan, pero madali itong matutuhan. Kahit mga bata ay nasisiyahang gawin ito. Kaunti na lamang ang mga kumplikasyon kapag nagtagumpay. Iniiwasan ito ng mga ibon. Ngunit problemang malaki kung may ulan at marami ang sabay-sabay na gumagawa nito. Minsan, ito ay nakakawala.

    (Brandford & Johnson, nasa Aulls, 1982)ANO KAYA ANG TINUTUKOY RITO?

  • Sa klasikong pakahulugan, ito ay ang pag-aaral ng heometriya na gumagamit ng sistema ng tugmaang pampook. Ito ay sumasalungat sa sintetikong pag-aaral sa Heometriyang Euclidean. Malawakan itong ginagamit sa inhinyeriya at pisika, at ito ang pundasyon ng makabagong pag-aaral sa heometriya.

    E, DAPAT ALAM MO TO

  • TAMA, ANALITIKONG HEOMETRIYA!

  • PAMILYAR KA BA SA MGA ITO?

  • Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng isang papel na naglalaman ng mga pangungusap.

    Dugtungan ito ng 3 pangungusap. Pagkatapos ng 3 minuto, ipasa sa susunod na grupo ang papel at dugtungan ito ng 3 pangungusap.

    Iikot ang mga papel hanggang bumalik sa mga pangkat ang orihinal nilang papel.

    Ang catch: Magsisimula ang kuwento sa katapusan.

    HUWAG MAG-IINGAY. Ititigil ang gawain kapag sumobra na sa katanggap-tanggap na lebel ang ingay.PANGKATANG GAWAIN

    *