Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng...

30
Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa kasaysayan, sinasalamin ng magagarang gusali ang adhikain ng isang pamahalaang magmukhang progresibo ang bansa. Ang edifice complex ay isang sakit kung saan nahuhumaling ang isang rehimen na magpatayo ng mga nagsisilakihan at magagarbong gusali na sisimbulo sa pambansang kaunlaran. Noong dekada 1970, sa ilalim ng Rehimeng Marcos, ginamit nila ang kanilang kapangyarihan upang makapagpatayo ng mga gusaling ito para sa kanilang propaganda. Layunin ng papel na itong ungkatin kung paano ginamit ng Rehimeng Marcos ang retorika ng pamilya upang maisulong ang pagpapatupad ng kanilang adhikaing mapaniwala ang taumbayan na ang kanilang mga gawain ay para sa ikabubuti ng bansa. Gamit ang architectonic framework ni Preziosi at ang konsepto ng spatial triad ni Lefebvre, uungkatin ko ang usapin kung paano ginamit ng rehimen ang retorika ng pamilyang Pilipino upang paniwalain na tinatahak nila ang pambansang kaunlaran, ngunit ito ay para lamang sa kakaunting mayayaman at nasa kapangyarihan. Sa huli, naipatayo ang mga gusaling ito upang ilahad at patuloy na paigtingin ang pambansang imahinasyon na ang Pilipinas ay iisang pamilya sa ilalim ng diktaduryang Marcos. Mga Panandang Salita arkitektura, Batas Militar, kasaysayan, Marcos, pamahalaan CORE Metadata, citation and similar papers at core.ac.uk Provided by Ateneo de Manila University: Journals Online

Transcript of Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng...

Page 1: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

Pagbahay sa Rehimen

Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian

Juan Miguel Leandro L. Quizon

AbstrakAyon sa kasaysayan, sinasalamin ng magagarang gusali ang adhikain ng isang pamahalaang magmukhang progresibo ang bansa. Ang edifice complex ay isang sakit kung saan nahuhumaling ang isang rehimen na magpatayo ng mga nagsisilakihan at magagarbong gusali na sisimbulo sa pambansang kaunlaran. Noong dekada 1970, sa ilalim ng Rehimeng Marcos, ginamit nila ang kanilang kapangyarihan upang makapagpatayo ng mga gusaling ito para sa kanilang propaganda. Layunin ng papel na itong ungkatin kung paano ginamit ng Rehimeng Marcos ang retorika ng pamilya upang maisulong ang pagpapatupad ng kanilang adhikaing mapaniwala ang taumbayan na ang kanilang mga gawain ay para sa ikabubuti ng bansa. Gamit ang architectonic framework ni Preziosi at ang konsepto ng spatial triad ni Lefebvre, uungkatin ko ang usapin kung paano ginamit ng rehimen ang retorika ng pamilyang Pilipino upang paniwalain na tinatahak nila ang pambansang kaunlaran, ngunit ito ay para lamang sa kakaunting mayayaman at nasa kapangyarihan. Sa huli, naipatayo ang mga gusaling ito upang ilahad at patuloy na paigtingin ang pambansang imahinasyon na ang Pilipinas ay iisang pamilya sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

Mga Panandang Salita

arkitektura, Batas Militar, kasaysayan, Marcos, pamahalaan

CORE Metadata, citation and similar papers at core.ac.uk

Provided by Ateneo de Manila University: Journals Online

Page 2: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

2 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

Because President Marcos has a thoroughly organized mind, I am able to apply energies to the social, cultural, and welfare spheres of our common life – not as an official with power and responsibility but as a Filipino woman, a wife, sharing a common fate with my husband.

– Imelda Marcos

But the newspapers were full of groundbreaking ceremonies; Imeldawas flitting charmingly back and forth between ribbon-cutting, and no one else could possibly trace every peso anyway.

– Katherine Ellison

All I ever dreamed of when I was a tiny girl was a little house with a littlepicket fence by the sea.

– Imelda Marcos

Nagsimula ang pag-akyat nina Ferdinand at Imelda Marcos sa kapangyarihan sa mga estratehikong hakbang upang tiyakin ang paghanga mula sa mga mamamayan. Sa maingat na pagmamanipula ng damdaming pampubliko sa pamamagitan ng mga espektakulo, naging isa sila sa mga pinakamakapangyarihang paris sa mga talâ ng kasaysayan ng Pilipinas. Sa pagkakabatid na nakamit nina Ferdinand at Imelda Marcos ang kaluguran ng masa, ipinagpatuloy nila ang kanilang naratibong, sa huli, tumulak sa kanila sa pinakatuktok ng awtoridad. Sa maraming propagandang ginamit nina Ferdinand at Imelda Marcos, ang kanilang romantikong naratibo mula sa panahong nagkakilala sila bilang pawang magkaibigan hanggang sa panahong nagkaroon sila ng labing-isang araw ng ligawan na kinalaunang humantong sa kanilang kasal ay nakapagtatag sa kanilang posisyon sa mas masaklaw na kamalayan ng mga Filipino.

Tinatangka ng papel na ito na suriin kung paano pinagana at pinatakbo ng Rehimeng Marcos ang kanilang propaganda sa pagdulog sa retorika ng pamilya ng nasyon. Sa paggamit ng balangkas arkitektoniko ni Preziosi at konsepto ng spatial triad ni Lefebvre, ipinangangatwiran kong ginamit ng mga Marcos ang retorika ng pamilya upang kontrolin at paniwalain ang bansa sa isang uri ng kahibangan na nagpapahayag ng pananaw ng “bagong” elite. Tinatalakay ng unang bahagi ang Unang Pamilya ng mga Marcos, simula sa mitikong romanse nina Ferdinand at Imelda. Sa kanilang tangkang isulat muli ang kasaysayan para sa mapanariling pakay ng kanilang pamilya, ang kanilang kasal ay naging mahalagahang instrumentong panghulma ng estado at propagandang lumilikha ng mito—mga magkakatugmang pagsisikap na ituro ang kaisipang ang kanilang pamumuno ay itinakda at itinadhana, at na ang mga gulong ng kasaysayan ng Pilipinas ay malaon nang pumapatungo sa kanilang paghahari. Tinatalakay ng ikalawang bahagi kung paano inilaan ng mga Marcos ang kapangyarihan sa mga kamag-anak (oligarkiya)

Page 3: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 3

at mga kaibigan (kapitalismong crony) na sa huli ay nagpapakita ng higit na madilim na bahagi nitong naisamito subalit problematikong pamilya. Tinatalakay ng ikatlong bahagi ang arkitekturang Marcosian. Pinag-uusapan sa bahaging ito kung paanong itinatampok ng mga konseptong disenyo ni Leandro Locsin ang mga salik ng bahay-kubo, idiniriin kung paano binago at isinamoderno nina Locsin at Mañosa ang bahay-kubo alinsunod sa utos ni Imelda Marcos. Sa huling bahagi ng papel, pinalalawig ko ang nosyon ng mga sistemang arkitektoniko ni Preziosi na binabasa ang espasyo bilang isang patunay ng kalagayan ng lipunan sa isang tiyak na panahon at lunan. Sa huli, tinataya kong nililinang ng arkitekturang Marcosian ang mga argumento ni Preziosi dahil na rin sa propagandistikong dating na isinasagisag ng mga estrukturang ito.

Pagroromansa sa Diktaturyang Conjugal: Pagbibinyag sa Batas Militar

Noong 1965, nahalal si Ferdinand Marcos sa pagkapangulo. Noong 1969, siya ang unang pangulo ng Pilipinas na mahalal muli. Mula sa mga araw ng kaniyang unang pangangampanya para sa pagkapangulo, si Imelda Marcos ang kaniyang pinakatatagong sandata. Kapag kinailangan niya ng isang dramatikong espektakulo, naroon si Imelda Marcos para umawit ng mga love song. Kapag kinakailangang aliwin ang mahahalagang bisitang dayuhan, lumilikha si Imelda Marcos ng mga “magarang pista.” Sa ibang salaysay, nang isang eskandalong pangkabayaran ang gumambala sa mga Marcos noong 1972, “Imelda Marcos went so far as to stage a miscarriage to win sympathy for her husband” (Ellison 9). Kaagad itong naging sensasyong romantiko na lumugod sa mga mamamayan.

Ang mga sandaling ito sa buhay nina Ferdinand at Imelda Marcos ay ginamit sa anyo ng pelikula na ipinalabas noong 1965. Ipinalabas ito sa Maynila bilang karagdagang materyal pangkampanya para sa pagtakbo ni Marcos para sa halalang pampangulo. Ganap na ginamit ng mga Marcos ang kapangyarihan ng midya sa pamamagitan ng pelikulang pinamagatang Iginuhit ng Tadhana: The Ferdinand E. Marcos Story. Nagsimula ang pelikula sa pagpapakita ng isang matalinong bata na si Ferdinand Marcos na nag-aaral sa kaniyang bayan, hanggang sa panahon ng kaniyang “hindi makatarungang” pagkakakulong bilang salarin sa pagkakapaslang ng politikal na karibal ng kaniyang ama. Hanggang sa puntong ito, maliwanag kung papaano nakatuon ang pelikula sa kahalagahan ng pagtatanggol ng kaanak ng isa at ng karangalan ng pamilya. Tumutungo ang pelikula sa kaniyang pagkakalaya, sa kaniyang karera bilang batang kinatawan sa kongreso at senador,

Page 4: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

4 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

Larawan 1. Poster ng pelikulang Iginuhit ng Tadhana: The Ferdinand Marcos Story.

at hanggang sa panahong pinakasalan niya si Imelda Marcos. Inilarawan ng pelikula si Ferdinand Marcos bilang isang tao na higit pa sa isang politiko. Kilala ang mga Marcos bilang personal (at maingat) na namimili sa mga gagampan upang iwasan ang mga artistang may “masama” at mababang kalagayan bilang maaaring mailapat nila sa mga manonood ang maling imahen. Ang mga artistang gumanap sa kanila ay mga superstar ng Sampaguita Studio: si Luis Gonzales, beteranong aktor, bilang si Ferdinand Marcos, si Gloria Romero, batikang aktres, bilang si Imelda Marcos, at si Vilma Santos bilang Imee Marcos. Sa isang banda, ang uri ng pamilya na inilapat ng mga Marcos sa pelikula ay gayong nabuhay nang may partikular na prinsipyong pangkarangalan subalit nagmumula pa rin sa mga may pribilehiyong elite.

Kapansin-pansing natatapos ang pelikula sa katuparan ng hiling ni Imelda Marcos—isang posisyon ng kapangyarihang pinagtrabahuan at pinaggugulan niya ng buhay upang makamit. Ang mga credit sa pagtatapos ng pelikula ay nagtatapos sa isang pangungusap: “The eyes of the world are upon Ferdinand Marcos, man of destiny.” Sa isang paraan, ipinagdiriwang ng pelikula ang tagumpay ng isang tao, itinadhana upang mamuno ng isang republika, katabi ang isang pigura ng malakas na babae. Sa romantikong naratibo ng mga Marcos, pinupunan ng pigurang babae ni Imelda Marcos ang hungkag na puwang o guwang sa buhay ni Ferdinand. Ayon na rin sa mga dakilang tagumpay at pangarap, kinailangan niya ng isang kaparis na makapagsasalin ng kaniyang mahuhusay na nakamit bilang “an

Page 5: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 5

aesthetically and a morally desirable form of domestic life” (Ellison 120). Tunay ngang nakayanang punan ni Imelda Marcos ang ganitong puwang sa personal na buhay ni Ferdinand, bilang “she [was] poised to do the same for the nation at large” (Espiritu 143).

Sa mabagal na pag-iimpit ng oposisyon noong panahon ng Batas Militar, ang mga politiko ay naging mga personalidad ng showbiz at nagsimulang mabighani kina Ferdinand at Imelda Marcos. Nakita ni Ferdinand Marcos ang bisa ng pelikula bilang kasangkapan. Pinili niyang pasimulan ang “mobiliz[ation of] stars for political means – to attract crowds during campaign periods and publicize edifice projects” (Tolentino, 2007). Ang dating pangulong Diosdado Macapagal, sa kaniyang pakikipagkarera kay Ferdinand Marcos para sa pagkapangulo, ay nagpakomisyon din ng isang pelikulang biograpiko para masagad ang kaniyang pagkakataong manalo sa halalan. Gayunpaman, sa kaniyang pagkabigo, hindi ito naging mabisa. Ipinagbawal ng administrasyong Macapagal ang pelikula, na likas na ipinagtaka ng mga tao. Ang Iginuhit ng Tadhana ay ang magiging “only successful political [film] – commercial and election wise – as other film biographies in the post-Marcos period by senatorial and presidential aspirants would prove dismal, unhelpful for election bids” (Tolentino, 2007). Kinalaunang sinuhayan ng mga Marcos ang industriyang pampelikula, “creating the Film Academy of the Philippines, comprised of the various artisan guilds, the Experimental Cinema of the Philippines that provided for production incentives to worthy film projects” (Crisostomo 314). Ang bisa ng kapisanan para sa sensura sa panahon ng rehimen ang nagtalaga kay Ferdinand Marcos bilang direktor nito. Mahalagang maitalang “no other president in the history of the Philippines was involved in the development of the local film industry, creating agencies and incentives, than Ferdinand Marcos” (Tolentino, 2007). Maingat na minanipula ni Ferdinand Marcos ang pelikula upang itulak siya at si Imelda Marcos sa higit na taas ng awtoridad at kapangyarihan.

Ayon kay Espiritu (2007), idiniin ng pelikulang pangkampanya kung paano inilagay si Imelda Marcos sa kakatwang gampanin para maglingkod bilang “cultural custodian” ng pambansang imahen ng pamilya (30). “Tinuruan” ni Ferdinand si Imelda upang maging masunurin subalit may-kapangyarihang maybahay. Sa kaniyang pagiging Unang Ginang kay Ferdinand Marcos, si Imelda Marcos ay naghanda “to ease into the accepted role of the upper-class Filipina wives of the 1950s” (Ellison 49). Ang kanilang mga gampanin ay nangailangan ng isang tiyak na nibel ng mapagtanggap na kalabuan: ang tungkuling hayagang pangmaybahay ay walang kasariang pagkamasunurin, habang ang kubli naman ay ang marahas na kakahayang pangpamamahala.

Page 6: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

6 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

Magkabahagi ang mga Marcos sa isang komunal na pananaw hinggil sa kanilang mga sarili. Ang kanilang pagpapahalaga sa tadhana ay napakalakas na inihahambing nila ang kanilang mga sarili kay Malakas at Maganda, ang unang lalaki at babaeng Filipino na ayon sa alamat ay nagmula sa iisang kawayan. Sa mga sumusunod na larawan ipininta ang mga Marcos sa wangis ng mga persona nitong alamat na Filipino, na nagpapalabas sa kanila bilang mga bukal ng buhay sa mga mural at retrato. Ang lohiko sa likod nitong narsisistikong pagnanasa ay ang isaganap ang kanilang tadhana: ang pagsusulong ng isang uri ng paninibago ng pambansang identidad at mga katulad na likhang-sining ay nagpapakita ng kanilang hangaring maging bahagi ng pambansang mitolohiya. Mula sa analohiyang ito, naniwala silang sila ay nasa “origin of all that was new in the Philippines” (Rafael 595). Pinahalagahan nila ang kanilang pribilehiyong posisyon bilang kanilang bala sa pagtawid at pagbabago ng lahat ng mga hangganan—panlipunan, pampolitika, at pangkultura.

Larawan 2. Mga pintang larawan nina Ferdinand at Imelda Marcos bilang Malakas at Maganda—ang katutubong tumbas nina Adan at Eba

sa Filipinong alamat ng paglikha.

Ang masisteng paggamit sa alamat nina Malakas at Maganda ang nagpahayag sa mga Marcos na buoin muli ang kanilang mga sarili bilang “ideal na katulong” na namamahala sa nasyon animo isa itong maalamat na pamamahay. Sa baluktot

Page 7: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 7

na pilosopiyang politiko ni Imelda Marcos, ang ganitong uri ng pag-ibig ay isinasakatawan ng domestisidad ng babae. Ang kaniyang mga ideal ay nakatulong sa pagpapataw ng mga proyekto ng estado, “[which] forwarded her image as the nurturer (via social welfare programs) and civilizing agent (via her role as a custodian of culture) in the imagined household of the Philippines” (Ellison 79). Ang kinailangan ng mga Filipino, sa kaniyang pagkakatanda, ay isang ina. Ang pagnanais ni Imelda Marcos na maging ina para sa mga Filipino ang nagbigay ng higit na matatag na batayang pang-institusyon sa pagkakalikha ng Bagong Lipunan.

Dahil sa Batas Militar, ang mga diskursong hindi opisyal ay hindi pinahintulutan. Anumang hindi alinsunod sa mga ideolohiya ng Bagong Lipunan ay ipinagbawal. Kontrolado at isinasensura ng pamahalaan ang lahat ng anyo ng midya. Pinili ng pamahalaan alin ang mga ipapalabas, ilalathala, at pag-uusapan sa radyo, diyaryo, at telebisyon. Sa panahong ito, kontrolado ng pamahalaan ang malaking bahagi ng pang-araw-araw na gawaing panlipunan ng bansa. Kilala ang Bagong Lipunan para sa slogan nito: “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.” Narinig muli ng nasyon ang awtoritatibong tinig ng ama, subalit sa pagkakataong ito, isang tinig na nagbabawal ng anumang anyo ng paghamon o pagbabago. Marami sa mga pasinaya at proyekto sa ilalim ng rehimen ay kagyat na sinusuportahan ng militar at/o ng hukbong sandatahan.

Bahagi ng tangka ng rehimen para sa isang nagkakaisang pambansang identidad ay ang lumikha ng iisang anyo ng pambansang ideal sa ilalim ng banderang “Isang Diwa, Isang Bayan.” Itong konsepto ng “isang diwa” ay isang kamalayang pangkultura na nakaugat at nakapaloob sa mga pasinayang proyekto ni Imelda Marcos. Sa rurok ng mapuwersang paggigiit ng mga Marcos ng kanilang mga ideolohiya, lumikha sila ng mga institusyon, organisasyon, at programang pangkultura para ilatag ang matibay na muhon ng Bagong Lipunan. Pinagsama ng rehimen ni Ferdinand Marcos ang kapwa kapangyarihang panlehislatibo at ehekutibo sa pangulo. “Marcos baptized the Conjugal Dictatorship as the ‘New Society,’ and alternately, as a regime of constitutional authoritarianism operating under the aegis of Martial Law” (Mijares 83-84). Ninais ni Ferdinand Marcos na magkaroon ng isang mapayapa at tahimik na rebolusyong nagdiriin kung papaanong taglay talaga ng estado ang kapangyarihang makapagsanhi ng pagbabago at maging mabisa sa mga pagsusumikap nitong pabutihin ang lipunan. Subalit sa loob ng espektakulong ito, ang iilang may pribilehiyong pamilya, kabilang na ang Unang Pamilya, ang higit na nakinabang kaysa iba.

Page 8: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

8 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

Ang larawan ng Unang Pamilya sa ibaba ay naging kilalang imahen kung paano nakita ng pamilya ang kanilang sarili. Ipininta ito ni Ralph Wolfe Cowan, na kilala sa pagpinta ng maraming naghaharing monarko at pinuno kaysa iba pang pintor sa kasaysayan. Ipinakikita sa larawan ang regalidad, wari monarkikong manipestasyon ng Unang Pamilya. Mapagmalaking suot ni Ferdinand Marcos ang kaniyang mga medalya at ni Imelda

Larawan 3. Larawan nina Imelda Marcos at ang Unang Pamilya, ipininta ni Ralph Cowan, kilalang pintor ng mga monarko.

Marcos naman ang kaniyang magagarang alahas at tiara. Pawang si Imelda Marcos at kanilang anak na lalaki, si Ferdinand Jr., ang may suot ng pulang laso, na marahil ay sumasakatawan na kapwa sila nararapat na tagapagmana sa “trono.” Sa likod, ipinakikita ang bukang-liwayway na humahanay sa kanilang pagpapahalaga sa Bagong Lipunan bilang pagdating ng bagong anyo ng pamahalaan. Sinasalamin ng larawan ang tadhana na nais makamit ng Unang Pamilya—isang dinastiya. Kapalit ng mga posisyong higit na ninanais nina Ferdinand at Imelda Marcos para sa kanilang mga anak, ang kanilang pinakamalalapit na mga kamag-anak at kaalyado ang pansamantalang pumuno sa mga gampaning ito. Subalit, sa pagtanda ng kanilang mga anak noong dekada 1980, “[three] showed little of their parents’ political or business flair” (Ellison 177).

Kasama sa naratibo ng tulak nina Ferdinand at Imelda Marcos para sa isang maalamat na dinastiya ang kanilang mga anak. Noong 1980, inihalal nang walang kalaban si Ferdinand Marcos, Jr., o mas kilala bilang Bongbong, bilang bise-gobernador ng Ilocos Norte sa edad na 22. Nakatanggap siya ng sariling bahay na nakaharap sa dalampasigan, na may pool na pinalilibutan ng mga puno ng

Page 9: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 9

niyog at silid-kainang puno ng mga chandelier at kasinlaki ng pasilyo ng isang hotel. Ang karangyaan at kalabisan ng kaniyang ina ay naisalamin sa panlasa at pili ng kaniyang anak. Gayunpaman, ang maluhong pamumuhay na ito ay hindi nakaakit kay Bongbong sa panahong iyon, “[as he] preferred spending time with his friends at the discos in Manila. His biggest accomplishments while in office included development programs for slaughterhouses and improvement of athletic programs” (Ellison 179). Ang kaniyang pag-iwas mula sa posisyong pampamahalaan ay lumabas sa publiko. Nagbiro siya hinggil sa kaniyang kawalan ng kalayaan at nagreklamo kung paanong ninakaw ang kaniyang kabataan ng posisyong kaniyang inupuan. Sa paraang ito, ang kaniyang pasyang tumaliwas mula sa kaniyang itinadhanang buhay ay isa ring rebelyon laban sa mas malaking pangarap nina Ferdinand at Imelda Marcos. Subalit, ang palagiang presensiya ni Bongbong sa pampublikong opisina at kaniyang kinalaunang pagtakbo (at pagkatalo) sa pambansang halalan noong 2016 ay patunay sa tagumpay ng kaniyang mga magulang sa pagbago ng kaniyang paniniwala hinggil sa mga posisyon sa pamahalaan.

Ang relasyon ni Imee sa kaniyang mga magulang ay higit na hindi mahuhulaan. Ibinahagi niya sa kaniyang mga magulang kung paano sila nagsisindakan ng kaniyang ina. Sa kabila nito, matinding nasasalamin kay Imee ang bisa sa kaniya ni Imelda Marcos. Lumalabas ang suwail na bahagi ni Imee, sa kung papaanong “[she eluded] her security detail as often as she could to slip away from the palace and meet [her] friends in the city” (Ellison 180). Parikalang sa New Jersey, nagsalita siya laban sa Batas Militar kasama na ang politika nito sa palasyo, hanggang sa matawag niya ang Malacañang na isang bahay ng mga ahas. Ayon sa mga talâ at panayam, sinadyang gawin ito ni Imee at humarap sa mga kinalabasan nito, simula sa mga away sa kaniyang inang may mataas na pangarap para sa kaniya. Gayunpaman, nakaranas si Imee ng palagiang kaugnayan sa kaniyang ama. Hinangaan at hinikayat ni Ferdinand Marcos ang talino at masining na diwa ni Imee; isinulat niya ang isang tipikal na hindi mapangutyang paglalarawan sa kaniyang talaarawan noong 22 Mayo 1973, “for she is me all over again: sensitive, brilliant, emotional, schizophrenic – searching always inquiring – never content” (Ellison 178).

Si Irene, ang pinakabatang anak, ang pinakaseryoso sa magkakapatid. Hindi niya nakita ang punto sa pagpapahayag ng kaniyang mga nakapailalim na daig tulad ng kaniyang nakatatandang mga kapatid. Gayunpaman, nakaranas siya ng kronikong sakit sa kaniyang likod, na sinasabi ni Imee na nagmula sa “angst and ennui she’s been repressing all [those] years” (Ellison 179). Noong 1983, sa edad na 22, napagpasyahang magpakasal ni Irene sa mayamang entrepreneur

Page 10: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

10 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

na si Greg Araneta, at iginugol sa kasal na ito ni Imelda Marcos ang kaniyang pagkasiphayo kina Bongbong at Imee. “With the lavishness of a Hollywood mogul, [Imelda Marcos] transformed the entire Ilocos Norte farming village of Sarrat (with a population of 20,000) into a fantastical rendition of a Spanish colonial town” (Ellison 179). Muli, maraming Filipino ang nagbunyi sa wari fairytale na matrimonyang ito, hindi inaalintana ang katotohanang milyon-milyong mga Filipino ang nabubuhay sa mga lalawigan ang walang maayos na patubig at sapat na pagkain.

Sa kaso ng iba pang mga kaanak nina Ferdinand at Imelda Marcos, inuna sila nang dumating ang pagtatanggal mula sa posisyon ng mga nangungunang oligarko ng Maynila at pagpupurga ng mga oposisyonista mula sa opisinang pampubliko. Upang mapag-isa nang maayos ang mga kapangyarihang pang-ekonomiko at pampolitika, inalis ni Ferdinand Marcos ang lumang oligarkiya subalit kinalaunang lumikha ng kaniyang sarili. Tiniyak ng mga Marcos na ang kanilang mga pinakapinagkakatiwalaang mga pamilya at malalapit na kaibigan at kaalyado ang nakaupo sa mga posisyon sa ilalim ng Bagong Lipunan. Ang kapatid ni Ferdinand Marcos na si Elizabeth Marcos-Keon ay naglingkod ng ilang ulit bilang gobernador ng Ilocos Norte, hanggang ang kanilang unang anak na si Bongbong ay humalili sa puwesto. Ang kapatid ni Imelda Marcos na si Kokoy Romualdez naman ang nakakuha sa Manila Electric Company (Meralco) ng mga Lopez, at naglathala rin ng kaniyang sariling pahayagan, ang Times Journal, sa kanilang sariling palimbagan. Higit pa dito, binili rin niya ang pinakamalaking kompanya ng transportasyong panlupa “after the government drove it to desperation by stalling approval of rate hikes” (Ellison 174). Sa loob ng walong taon, isa pang kapatid ni Imelda Marcos, si Conchita Romualdez, ang humawak ng milyon-milyong dolyar na padala sa Philippine National Bank mula sa mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa isang kultura kung saan mga pamilya ang tradisyonal na humahati sa mga politikal na kita, umaangat ang mga Marcos para sa kanilang pagiging mapagbigay sa kanilang kauri.

Ang Bagong Lipunan ng mga Crony

Sa kaniyang deklarasyon ng Batas Militar, ipinangako ni Ferdinand Marcos na sasagipin ang bansa mula sa oligarkiyang kumuha para sa sarili nito ng lahat ng kapangyarihan at gantimpala. Sa kaniyang SONA noong 1971, inulit ni Ferdinand Marcos:

Page 11: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 11

We live, work, and die in a democratic political system corrupted by a social and economic order that is best described as oligarchic. When economic power, driven only by the pursuit of gain, encroaches on political power – the power of the people, because it is accountable to the people – then we have a system thatpermits the rule by the few for the few.

It may be the duty of a democratic President to reconcile the few who are rich with the many who are poor. But if the oligarchs would be adamant and block the progress of the many, I shall gladly break with the few, no matter how powerful and wealthy they might be, to fight for the many (Official Gazette of the Philippines, 1971).

Inamin niya ang institusiyonalisasyon at pagtatangi sa mga elite at nangako siya para sa pagbali ng gayong sistema mangahulugan man itong pagtaliwas dito sa mayayaman at makapangyarihang pamilya. Habang nagawa niyang amuhin ang ilang oligarko na itinuturing na banta sa kaniyang rehimen, ang mga bagong oligarko ng Bagong Lipunan ay nagawang umangat sa loob ng maraming sektor pang-ekonomiko. Ang sistemang crony na ito ay nakadagdag ng milyon-milyong dolyar sa pambansang utang, “[which] disheartened would-be legitimate entrepreneurs, left the poor even poorer and pitched official credibility to a new low” (Ellison 174). Iba pang manipestasyon ng oligarkong pandarambong sa ilalim ng rehimeng diktaturyal ay mga “businessmen who walk the corridors of the presidency and by virtue of this proximity to Marcos, drove policy-making, and by doing so were able to control specific sectors of the economy” (Salonga 73).

Ang mga kilos ng higit na malalayong kaanak at kaibigan, mga kapitalistang crony, ay humantong pa rin sa “unprecedented criticism in the foreign press” (Ellison 175). Ang kapitalismong crony ay isang terminong nilikha ni Jaime Ongpin, dating presidente ng Benguet Corporation, upang pangalanan ang mga operasyong pangnegosyo noong Batas Militar na pinamamahalaan ng mga malapit na kaibigan at kasabwat ng administrasyon. Inilantad niya at palagiang kinontra ang kapitalismong crony, na higit na tumulak sa kampanya laban kay Ferdinand Marcos at kaniyang mga kaalyado. Ang mga negosyong ito na may pribilehiyo ay nakatanggap ng hindi mauubos na tulong pampinansiyal mula sa mga pautang at garantiya ng pamahalaan. Dagdag pa dito, may lisensiya rin sila upang makapagpiyansa, sa pamamagitan ng mga pondo ng estado, sakaling nailagay nila ang kanilang mga sarili sa alanganin.

Page 12: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

12 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

Nakatanggap ang mga kapitalistang crony ng pinakalabis na pribilehiyo at eksklusibong karapatan pagdating sa pag-aangkat ng mga materyales para sa kanilang mga negosyo. Gayunpaman, nakapag-udyok ang espesyal na pagtratong ibinigay sa mga kapitalistang crony ng hindi maganda at kaduda-dudang pamamahala. Ang katatagan at kaunlarang ekonomiko (ng naghaharing uri) sa panahon ng kapitalismong crony ay labis na nakasandig sa iniaangkat palabas na agrikultura. Sa pagitan ng 1962 at 1985, ang industriya ng iniaangkat na agrikultura ay dumoble pa nang higit, subalit hindi bumuti nang naaayon ang kita dahil na rin sa bumabagsak na halaga ng palitan.

Sa lahat ng mga industriya, pinakanagtuon ang mga Marcos at kanilang mga kapitalistang crony sa iniaangkat na agrikultura. Noong 1984, isang pag-aaral ang inilathala ng Philippine Economic Society, “estimat[ing] that sugar cultivators lost 11 billion pesos to these cronies from the inception of the sugar monopoly while coconut farmers lost no less than 1 billion pesos a year with monopolization of the coconut industry” (Romero, 2012). Sa kaniyang aklat, inisa-isa ni Salonga kung papaanong nalikom at napag-ingatan ng mga Marcos ang kanilang ipinagbabawal na kayamanan. Pinangalanan ni Salonga sina Roberto Benedicto at Eduardo Cojuanco bilang mga pangunahing tagakontrol ng mga industriya ng asukal at niyog. “[The Marcos administration] restricted an increasing share of the profits from the traditional export crops, sugar cane and coconut” (Salonga 73). Ang kinalabasan ay ang realokasyon ng kita mula sa kabuoan ng elite ng agro-export sa isang politikal na magkakaugnay na maliit pang pangkat mula sa mga elite na ito.

Kung nakatadhana man ang mga Marcos para sa kadakilaan, iyon ay mapili at elitista. Pawang mayayaman na ang umani mula sa mga pinasinayaan ng rehimen. Kung gayon, ang marami sa mga pangako ng Bagong Lipunan, binigkas, ipinalabas, at maging itinayo sa rehimen nina Ferdinand at Imelda Marcos, ay maaaring nasira, nahungkag, o nahalinhan na. Makapagpapatuloy pa sana (at makapaggigiit) ang dinastiya, subalit sa pamamagitan lamang ng mga pamamaraang awtoritaryo. Sinasalamin nito ang pinapahalagan ni Lefebvre na representasyon ng espasyo—ang naisakonseptong espasyo o ang ideal nito sa isang sistema. Ang Bagong Lipunan, sa pamamagitan ng espektakulo nito ng pamilya, ay nagnais na maidealisa ang bagong lipunan ng nasyon bilang isang pamilya sa ilalim ng isang naisaalamat na ama at ina. Ang mga kasaysayang ito ng ideolohiya ay masusuri sa pag-aaral kung paano nagbago sa panahon ang mga balak at pananaw. Ang gayong pantastikong kahibangan sa paglikha ng alamat ang nakapagbigo sa publiko at sa nalikom na kapangyarihang taglay ni Ferdinand Marcos, ang retorika ng pamilya ay nagbago mula sa isang disiplinado

Page 13: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 13

at progresibong pamamahay tungong cronyismo at oligarkiya. Nagbago sa panahon ang utopikong pangarap ng diktaturyang conjugal, partikular na noong ikalawang termino ni Ferdinand Marcos. Ang mga gayong katangiang naidiin sa mga representasyon ng espasyo ay kalimitang nagsisilbi bilang mga sagisag ng mga baog na ideolohiya. Sa kaso ng rehimeng Marcos, ang mga representasyong ito ng espasyo ay nagkaroon ng napakahalagang gampanin at partikular na bisa sa produksiyon ng espasyo. Nagagawa ng mga espasyong ito ang “interven[tion] by construction and by architecture, as a project embedded in a spatial context and a texture which call for ‘representations’ that will not vanish in the symbolic or imaginary realms” (Lefebvre 42).

Ang mga pangyayaring kontekstuwal na ito ang naglulunan sa pagkakatayo ng mga estrukturang pang-arkitekturang Marcosian at nakapagbibigay ng mga pananaw arkitektoniko na sumusuhay sa ideolohiya sa likod ng pagsasamonumento ng rehimen sa pamamagitan ng edipisyo. Ayon kay Preziosi, itong mga sagisag arkitektoniko “are realized through what appears to be an impossibly complex hybrid of media” (4). Samakatwid, itong “complexity of its material component – particularly its relative permanence – lead to an appropriate model for the visual sign-system” (Preziosi 7-8). Ang iba’t ibang midya na sinamantala ng rehimen ay nakapag-ambag dito sa biswal na sistemang panagisag at nakapagsamaterya ng matatatag na bahaging tumulak sa mga pasinaya ng Bagong Lipunan. Nakatulong, nakapagpasulong, at kinalaunang nakapagpatagal ang pagdaragdag ni Ferdinand Marcos ng mga pautang at tulong mula sa mga dayuhan sa edipisyong pasikot ni Imelda Marcos. Ipinaabot niya ang pagpapalaganap ng Bagong Lipunan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga monumento at estrukturang pang-arkitektura na nagdiriwang ng kultura at diwa ng lipunang kanilang itinatag. Sa susunod na bahagi ng papel, tatalakayin ko kung papaanong arkitektura ang naging isa sa pinakapinagdiriwang (at pinakamahal) na materyang propaganda na isinakasangkapan ng mga Marcos, at kung paano nila patuloy na isinasakongkreto ang retorika ng pamilya sa paggamit ng bernakular na pang-arkitektura na naglalarawan sa katutubong Pilipinas—ang bahay-kubo.

Arkitekturang Marcosian: Pagbahay sa Elite

Habang pinagtuonan ni Ferdinand Marcos ang pamamahala sa estado, ibinabad naman ni Imelda Marcos ang kaniyang sarili sa malalaking proyekto na makapagbibisang espektakular ang maalamat na pamamahay ng mga Marcos. Sa rurok ng kaniyang kapangyarihan, umupo si Imelda Marcos sa opisina

Page 14: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

14 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

bilang gobernador ng Metropolitan Manila noong 1975 at Minister of Human Settlements noong 1978. Noong 1981, naglabas siya ng mga pondong kapwa pampubliko at pribado, “equivalent to half of the government’s funds, having taken charge of numerous government projects and programs, most of which were administered with little or no accountability” (Magno 172). Kaniyang ipinangatwiran sa mararangyang proyekto ang pagpapakita kung papaano makakakamit ang nasyon ng magandang patsada. Ayon kay Lico (2003), ang kaniyang mabibilisang proyekto at kaniyang “mania for constructing the biggest edifices with bloated budgets, in the face of a nation staggering under the weight of widespread poverty” ay nananatiling hindi natatapatan sa kasaysayang pang-arkitektura ng Pilipinas (51). Ipinakita nito ang kalabisan ng rehimen, naisakongkreto sa pagpapatayo ng gayong magagarang estruktura bilang pawang isang narsisistikong papuri para sa kanilang maalamat na kalagayan.

Para maisainstitusyon ang pakikisangkot ng pamahalaan sa sining at kultura, nagbigay ang Konstitusyon ng 1973 ng sugnay na nagsasama sa kultura bilang bahagi ng pambansang interes; ayon sa Artikulo XV, seksiyon 9 (2), “Filipino culture shall be preserved and developed for national identity. Arts and letters shall be under the patronage of the state.” Ang pagkakaroon ng ganitong kautusan na tahasang itinakda sa konstitusyon ay nangangahulugang kinikilala ng pamahalaan ang potensiya ng mga manlilikhang Filipino, kabilang na ang kanilang mga paraan ng pagpapahayag, bilang pangunahing tagapaglikha ng mapananatiling diwa ng nasyon. Napilitan ang mga manlilikhang Filipino para sa paglalahad ng“Filipino to himself” (Marcos 1982, 223). Ipinagmamalaki ang mga napagtagumpayan ng mga Marcos sa konstruksiyon sa isang aklat na pinamagatang The Marcos Revolution, na inilathala ng National Media Production Center (NMPC), isang sangay ng makinaryong pampropaganda na pinagagana ng pamahalaan; “Between 1972 and 1977, the government invested over 19 billion pesos in infrastructure” (169). Sa pamamagitan ng Liham Panuto Blg. 73, noong 14 Mayo 1974, tinipon ang isang kinatawang “to study ways of and means of making Greater Manila more attractive as a site for locating the Asian regional headquarters of international companies” (Feliciano, 1975). Bininyagan ni Imelda Marcos ang kaniyang saklaw na pinamumunuan bilang “City of Man,” isang kapaligiran kung saan “man can develop his full potential; where any man can live fully, happily, and with dignity” (Feliciano, 1975).

Para sa mga Marcos, gumagana ang arkitektura hindi lamang bilang mga estrukturang diningdingan, subalit bilang talinghaga para sa ideolohiyang Filipino at pagbubuo ng nasyon. Dinala ng mga Marcos, sa pamamagitan ng kanilang mga pasinaya at proyektong pangkultura, ang mga pinakamalalawig na pagkakataon

Page 15: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 15

para sa mga manlilikhang Filipino. Inalok nila ang mga arkitekto ng ilan sa mga pinakamalalaking proyektong gusali na malalampasan ang kanilang panahon. Sinalamin ang mga kinalabasan ng kanilang diktaturyang conjugal sa kalayaan ng paglilihis ng mga pondo mula sa ibang mga programang pampamahalaan upang tustusan ang mga proyektong pinakamahalaga sa listahan. Magkasamang gumana ang kapangyarihan at kultura upang isulong ang mga pangarap ng rehimen habang pinanatiling bulag ang nasyon sa mga gayong dakila at marangyang proyekto. Panahon iyon kung kailan makabago at nagsisilakihan ang mga estrukturang pang-arkitektura, iminumungkahi ang maliwanag at mabuting hinaharap sa ilalim ng Bagong Lipunan. Sa mga ganitong pasinaya, napagpatibay ng mga Marcos ang kamalayang makabayan sa pagbalik sa katutubo.

Parating may hangarin ang mga proyekto ni Imelda Marcos na itaas ang edukasyong pangkultura ng mga Filipino sa bawat aspekto ng kanilang mga buhay. Sa kaniyang aklat, sinasabi ni Imelda Marcos na:

My belief that Truth, Goodness, and Beauty are a spell under which man is inspired toexcel is self-evident in the human developments that have elevated mankind. The uncompromising dedication to Truth led science to discover physical wonders. Goodness provided religion force and compelling influence upon man’s life. And Beauty motivated the artist to create his immortal work of art. In man, therefore, these virtues coalesce in his science, religion, and art to nourish his body, mind, and spirit (55).

Dahil sa kapangyarihang ipinatataglay nitong kontrol sa arkitektura, ibinuhos ni Imelda ang “generous logistical assistance to each building project and personally looked after the progress of construction” (Lico 454). Ang manipulasyon ng rehimen sa sining, partikular na sa arkitektura, “entailed the reincarnation of a vernacular civilization fashioned from a synthesis of indigenous and cosmopolitan aspirations of modernity” (Lico 452).Nagkaroon ng malakas na presensiya ang sining bilang ang estado ang naging bago nitong patron. Ibinabad ni Imelda Marcos ang kaniyang sarili sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa sining at kultura.

Ayon kay Preziosi (1979), “an architectonic formation provides evidence for the state of a society at a certain time and place. But it is not always clear what is being signified or how a given formation is signifying” (80-81). Ang pagbuo ng mga edipisyong Marcosian ay talaga ngang nakapagparating sa bansa sa kaitaasan, lalo na pagdating sa mga pagsasamoderno ng katutubo. Malinaw na nakapagbigay ito ng balatkayo para suotin ng bansa upang maipanggap ang isang progresibong ekonomikong kalagayan. Subalit, madaragdagan at mapalalawig

Page 16: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

16 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

ang mga pagtatayang ito ni Preziosi sa pagpapahalaga sa mga estrukturang ito bilang itinayo upang tunay na makalikha ng huwad na imahen ng bansa. Sa isang paraan, bahagi ang mga edipisyong ito ng propaganda; higit pa dito, sa kaso ng mga Marcos, malinaw sila sa kung ano ang isinasagisag ng mga estrukturang ito. Subalit, muli, salungat ito sa kung papaano nalikha at nalilirip ang mga esktrukturang ito.

Sa isa sa mga sanaysay ni Lico (2008), sinasabi niyang kinukuha ng mga Marcos ang “nexus of architecture and society more seriously than any other administration in promoting the aesthetics of power in built form” (453). Ang konseptong mapagmoderno na isinulong ni Imelda Marcos ay tahasang naisalamin sa mga gusali at esktrukturang pangkultura na dinisenyo ni Leandro Locsin. Noong 1966, pinaboran ni Imelda Marcos si Locsin bilang isa sa kaniyang itinatanging arkitekto. Ito ay sa taon kung kailan inimbitahan ni Imelda Marcos si Locsin sa isang pagtitipon ng mga manlilikha bilang panauhing pandangal. Matapos makita ang kaniyang mga disenyo para sa Philippine American Cultural Center, isang hindi natapos na proyekto ng pamahalaan ng Estados Unidos at Pilipinas, bumaling si Imelda Marcos kay Locsin at inatasan itong magdisenyo ng marami sa mga proyektong pang-arkitektura ng rehimen.

Nailalahad ng daloy ng modernistikong arkitektura ng Pilipinas na “there was almost no conscious need to incorporate local traditions with modern practices” (Paredes-Santillan 3). Malimit humiram ang modernong arkitekturang Filipino mula sa mga disenyo at konseptong kanluranin. Sa panahon ni Locsin, higit na pinagkakatiwalaan ng maraming arkitekto ang edukasyon at teoryang pang-arkitektura na higit na kanluranin kaysa Asyano. Sa napakabatang edad, ipinakita ni Locsin ang isang partikular na kamalayan sa mga anyo at espasyo ng arkitekturang Filipino. Iniuugat ang gayong kamalayan sa paglaki ni Locsin sa isang “culturally-rich environment such as Silay [in Negros Occidental]” (Paredes-Santillan 3). Sa isang eksibisyong pang-arkitektura ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, sinabi ng manlilikhang si Fernando Zobel de Ayala, “only one of the projects (that of Locsin) had a distinct Philippine look to it, which in those days came as a total surprise” (Polites 8). Napatunayan si Locsin bilang isa sa mga maagang arkitektong Filipino na may taglay na matalim na kamalayan hinggil sa mga konsepto at praktika ng gusaling tradisyonal.

Matapos ang pagbisita ni Locsin sa Estados Unidos, nagbago nang drastiko ang kaniyang pananaw pang-arkitektura, partikular na hinggil sa pagkalap ng mga materyang pambansa. Sa monograpo ni Polites hinggil sa pinakapipitagang proyektong pang-arkitektura ni Locsin, binanggit niya sa introduksiyon kung

Page 17: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 17

paanong bumalik si Locsin mula sa kaniyang sandaling pamamalagi sa Estados Unidos nang may muling masiglang paniniwala sa paggamit ng semento at kongkreto. Nagbukas ng mga posibilidad ang pananaw ni Locsin para sa arkitekturang Filipino. Inilalarawan niya:

If the best American architects regarded concrete as one of the most exciting modern materials – and it was by no means cheap in the United States – because it gave them the opportunity to create plastic shapes, forms, and sculpture, why should architects in the Philippines feel deprived in having to use it? Cement was plentiful, labor and formwork were inexpensive. Forget steel and glass. Concrete is our material (10).

Lumikha ang kaniyang paggamit ng kongkreto ng mga kahanga-hangang disenyo na walang takot at maparaan. Mula sa sandaling iyon, naramdaman ni Locsin na naging pinakamainam ang kongkreto bilang materyal para sa anumang arkitektura na lilitaw bilang tugon sa mga kalagayan ng Pilipinas. Bago noon, nagpakita ang mga proyekto ni Locsin ng mga katulad na katangian: “a lightness of form, an airiness and grace lent by the slender, tapering columns, the thin sunscreens, and the almost weightless balconies and overhangs” (Polites 11). Ipinagpatuloy niya ang mga gayong paunang estilo na nasasalamin sa mga obrang pang-arkitektura ni Locsin, partikular na ang mga nasa loob ng CCP Complex (hal. Theater of the Performing Arts, Folk Arts Theater, the Manila Film Center, at Philippine International Convention Center).

Maging sa mundo ng mga pasinayang pang-arkitektura, si Locsin ay kakatwa nang pili ni Imelda Marcos, sa kung paano may ginagampanan dito ang katanyagan ng pinagmulan niyang pamilya. Bilang apo ng unang gobernador ng Negros Occidental, nabuhay nang marangya si Locsin. Sa isang paraan, nakuha ni Locsin ang mga mata (at panlasa) ni Imelda Marcos dahil sa kaniyang may-kayang posisyon, na nakapagbigay-daan sa kaniya tungo sa de-kalidad na edukasyon at naaangkop na mga kaugnayan. Ang kuwento nina Ayala at Locsin ay hindi nagtapos sa eksibisyon ng mga mag-aaral ng arkitektura. Nangyari ang pakikipag-ugnayan ni Locsin kay Ayala kasabay ng kaniyang malimit na pagdalaw sa Philippine Art Gallery kung saan si Ayala ang tagapangasiwa. Samakatwid, nakakilos si Locsin sa nakatataas na antas ng lipunan dahil sa kaniyang mga katangiang pang-uri, at hindi nakaligtaan ni Imelda Marcos na mapansin ang mga ito.

Ang maagang interes ni Locsin sa mga estrukturang Filipino ang nakapagtulak sa kaniya na pag-aralan ang mga tradisyong panggusaling Filipino na may mga tahasang praktikong mapaglalapatan sa kaniyang mga disenyong

Page 18: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

18 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

pang-arkitektura. Ang kaniyang masinsing pagpansin ng kapwa estrukturang katutubo at gusaling kolonyal ang nakapagbatid sa kaniyang “older building traditions – wide overhanging eaves, big roofs, massive supports, interior lattices and trellises, spacious interior layouts, raised floors – essentially, the Filipino farmer’s nipa house, were not only still valid for Philippine conditions, but also provided a source for architectural inspiration and stylistic devices” (Polites 12).

Ang bahay-kubo, na karaniwang ipinakikilala sa awiting-bayang Filipino na naglalarawan dito, ay kumakatawan sa pambahang imahenaryo ng isang mapagkumbabang pamamahay. Ang estrukturang ito ay karaniwang binubuo ng kawayan at katawan ng mga puno para sa muhon at balangkas nito, habang ang mga dingding at at bubong nito ay mula naman sa nipa, kugon, bule, niyog, palay, talahib, dahon ng tubo, hinating kawayan, o maging itim na lumot. Gawa ang bahay-kubo sa mga materyal na likás na matatagpuan sa paligid. Ito ay payak, mabisa, at komportable. Mula ang salitang bahay sa ugat na balai, habang ang kubo naman sa salitang Kastila na cubo, na nangangahulugang “cube.” Sa nakaraan o sa isip ng mga tao, ang idea ng bahay-kubo ay itong may isang silid na yunit ng paninirahan para sa anumang gamit, na may mga dingding na kasintaas kung gaano it kahaba, na nagbibigay sa silid ng hitsura nitong malakahon—isang hugis kubong bahay. Ang estrukturang ito ay nagtataglay ng “elevated living floor, which is raised on sturdy stilt foundations with a voluminous, well-ventilated roof cavity above, providing a straightforward solution to the environmental problems imposed by the hot, humid, tropical climate with seasonal monsoon rain” (Dacanay 154). Sa ngayon, hindi na pawang bahay na malakahon ang bahay-kubo, subalit kombinasyon ng dalawa o higit pang mga kubo na isinasama bilang karugtong. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon na ang bahay-kubo ng iba’t ibang hugis at laki, pati na rin materyales. Sa kabila ng malinaw na pagkakaiba at pag-iiba pagdating sa estilo at pagkakaayos ng mga bahagi nito, nananatili pa rin itong pareho—binubuo pa rin ang bahay-kubo ng balkonahe, silid-tulugan, silid-tanggapan, kusina, kainan, at isang bukas na harapan na tinatawag na batalan.

Ang mga katutubong katangian ng bahay-kubo, kabilang na ang tatag at tibay nito, ang naging kataingang nagsalalay sa mga kalagayan ng panahon sa Pilipinas. Ginamit ni Locsin at iba pang pinaborang arkitekto ng rehimen itong mga tiyak na katangian ng bahay-kubo at inilapat ito sa kanilang mga sariling paraan, subalit alinsunod pa rin sa panuto ni Imelda Marcos. Ang mga katangiang ito ng katutubong pang-arkitekturang prototipo—“visual lightness, simplicity of materials, exterior-interior continuum, rapport with the environment, and non-compartmentalized arrangement of interior spaces”—ay inilapat sa pamamagitan ng “crisp modernist vocabulary, to celebrate the

Page 19: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 19

sculptural plasticity of concrete, purity of space, and distinct lines, simplicity in manipulation of primary Cartesian rectangular masses and spatial drama in the cantilever projections” (Lico 2003, 11). Ang mga modernistang pag-aangkop ni Locsin sa katutubong bahay-kubo ay sumalamin sa nasa ng rehimen. Ang tiyak na katangian ng bahay-kubo bilang mapagkumbabang pamamahay ay naging magara at malabis.

Noong 1966, pinagkalooban ni Imelda Marcos si Locsin ng kalayaan sa pagsasakonsepto ng Theater of the Performing Arts ng CCP, kabilang na ang dibuho ng gusali, ang loob nito at mga palamuti. Ang pangkalahatang konsepto ng Theater of the Performing Arts ay kinakailangang magkaroon ng “very strong and precise form” (Polites 187). Mula sa labas, ninais ni Locsin ang estruktura na maging isang “piece of sculpture reflected by a pool and silhouetted against the sky,” habang ang loob naman ng gusali kung saan “acoustical considerations would reign supreme” (Polites 187).

Sinadyang maingat na inilaan ni Locsin ang piling dingding upang maipakita doon ang mga likhang-sining ng ilang manlilikha, tulad ng mga eskulturang tanso nina Manansala at Castillo sa orchestra foyer, at ang mga espektakular na mural nina Legaspi at Luz sa maliit na tanghalan. Sa halip ng karaniwang kurtinang pelus para sa entablado, gumamit si Locsin ng “tapestries woven after a painting by Ocampo for the large theater and another tapestry based on a collage by Chabet for the small theater that defining the color range of both to contrast and relate with the interior spaces” (Polites 13). Pinuno ang mga pasilyo ng mga palamuti at nagsilbi ang buong estruktura bilang isang kapansin-pansing palabas para din sa sining-biswal ng Pilipinas. Nagsilbi ang Theater of the Performing Arts na tuong biswal at puno ng buong complex. Sinasabi ni Locsin:

I envisioned the center as a complex of pavilions leading one to another, interspersed by plazas, lush gardens, serene reflecting pools, and shaded covered areas, rather than a singlemonumental structure. In this way, the public is beguiled at every turn as new vistas unfold (187).

Ang kinalabasang proyekto ang nagsamonumento ng kamahalan at kalawigan ng kahibangan ni Imelda Marcos sa karangyaan. Sumasalamin man ang disenyo ng gusali sa kapayakan ng kubo, subalit naisasamonumento ang estruktura ng labis na mga palamuti nito bilang edipisyong Marcosian. Binabagayan ito ni Locsin sa paggamit ng kaniyang sariling bersiyon ng kalabisang pang-espasyo, na nakapagbibisa sa Main Building ng CCP, ang Theater of the Performing Arts, bilang katangi-tangi.

Page 20: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

20 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

Ayon kay Preziosi, “distinctions and disjunctions in formation exist to cue the perception of differences in meaning. The elements in an architectonic array are defined by perceptually-palpable edges, boundaries, and other contrasts and discontinuities” (1979, 58). Malinaw nitong pinakahuhulugan ang isa sa mga pinakamahalagang katangian ng arkitekturang Marcosian—ang pisikal na mga hangganang isinakongkreto ng rehimen ay sumasalamin sa mga panlipunang hangganang itinayo ng mga edipisyong ito. Dagdag pa dito, sasalaminin at palalakasin dapat ng mga gusaling ito ang paninibagong pangkultura ng bansa sa pagbalik sa katutubo; idiriin dapat ng mga estrukturang ito ang diwa ng sambayanang Filipino. Subalit, ang mga edipisyong ito ay naging mga espasyo kung saan ang pagkakaiba sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay naging higit na ganap at litaw. Mayroong hindi pagkakatugma sa kung papaano nilikha at nalilirip ang mga gusaling ito.

Napalalawig ng pag-aaral ng arkitekturang Marcosian ang konsepto ni Preziosi ng arkitektoniko sa paraang sinasabi niyang “architectonic formation is perceptually palpable from any one stance or perspective” (1979, 58). Nangangahulugan itong ang korporealidad at kakongkretuhan ng mga edipisyong Marcosian ay mapahahalagahan mula sa anumang pananaw o anggulo. Tinatangkang pabulaan ng sanaysay na ito ang pagpapalagay na ito sapagkat malimit na pawang ang mga elite ang nakapagpasasasa sa paghanga sa mga nasabing edipisyo, dahil na rin sa kanilang posisyon ng pribilehiyo. Dagdag pa dito, maaaring unawain ang pananaw panlipunan hinggil sa mga estrukturang pang-arkitekturang ito sa dalawang paraan: sa isang banda, nagbago ang mga ito, at sa kabila, sa katotohanan, nanatiling pareho ang mga ito. Halimbawa, ang mga estruktura sa loob ng CCP Complex (tulad ng Theater of the Performing Arts at Folk Arts Theater) ay nagbago sa paraang nagamit ng publiko ang mga espasyong ito sa iba’t ibang layunin. Isa nang sityo ang paligid ng Theater of the Performing Arts kung saan makapagpapalipas ng panahon ang publiko upang magpahinga, tumakbo, o kumain sa bukas na espasyo. Inuupahan na ngayon ang Folk Arts Theater ng isang malaking internasyonal na organisasyong relihiyoso, ang Day by Day Christian Ministries, at inilalaan ang tanghalan bilang Bulwagan ng Panginoon. Kakatwang maitala kung paano nagbago ang pangalan ng estrukturang ito sa panahon: mula Folk Arts Theater, tinatawag na ito ngayong Tanghalang Francisco Balagtas at Bulwagan ng Panginoon. Gayunpaman, nananatili pa ring pareho ang mga espasyong ito sa paraang nakikita pa rin ang mga ito bilang mga pangunahing muhon na sumasagisag sa rurok ng rehimeng Marcos.

Page 21: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 21

Larawan 4. Harapan ng Theater of the Performing Arts, sa loob ng CCP Complex, dinisenyo ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Arkitektura, si Leandro Locsin,

kinomisyon ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos. Kuha ni Paul Blasco.

Sa larang ng arkitektura, sumasagisag ang CCP Complex, sa magkakatulad nitong estrukturang pang-arkitektura, sa “long-standing intoxication with megalithic construction” ng mga Marcos (Lico 2003, 50). Ang naglalakihang estrukturang pang-arkitektura na itinatag sa kanilang panahon ay naghalo sa mamahaling materyales at palamuti. Gayunpaman, malimit magbigay ng pakiramdam ng kalamigan ang mga karaniwang esktrukturan sa ilalim ng pamumuno ni Imelda Marcos, sapagkat ang mga ito ay “hard-edged,” at sa kabila ng paggamit ng mga mamahaling materyales, “[there is] little to adorn the vast spaces but its own forms” (Lico 2003, 51). Inuulit ni Imelda Marcos na sinasalamin ng mga estrukturang ito ang diwang Filipino (mainit at mapagpatuloy, para lamang pangalanan ang iilan), subalit uli, kaduda-duda ang mga pahayag na ito. Isa muli itong patunay na idiniriin ng mga arkitektoniko ng mga Marcos ang mga kontradiksiyon.

Itinatala ni Preziosi kung paanong how “architecture has both syntagmatic and paradigmatic elements, played out over time” (62). Iminumungkahi niya ang isang alternatibong proseso ng pagsusuri ng mga espasyo at arkitektura. Sa halip ng pagsusuri sa mga tiyak na salik nang hiwalay, nilayon niyang tukuyin ang “higher-order relationships common to a number of buildings and discover consistent elements” (Preziosi 63). Sa kaso ng arkitekturang Marcosian, ang dibuho ng mga disenyo at kung papaano isinasaganap ang mga pananaw na ito ay nagiging isang mahalagang katangian, hindi lamang ng mga aktuwal na estruktura subalit maging ng rehimeng nagkomisyon sa pagbuo ng mga ito. Samakatwid, maaaring mahinuhang ang mga estrukturang Marcosian na ito ay dinisenyo nang

Page 22: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

22 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

minsanan at hindi pawang pagtitipon ng kung anong mga edipisyo. Higit pa dito, dahil sa kanilang rectilinyal at hugis kubong katiyakan, nailalahad ng isang maingat na pagsusuri ng mga salik ang isang malalim na kaayusan ng pagkakaunawaan. Nagiging mahalaga ang pagkakaunawaang ito sa pagsusuri ng mga estrukturang dinisenyo ni Locsin.

Noong 2003, kinapanayam ng Philippine Daily Inquirer ang nostalhikong Imelda Marcos, na nagbigay ng sumusunod na pangangatwiran para sa kaniyang unang proyektong pang-kultura, ang CCP, na nagtakda ng batayan para sa mga teknolohiyang pangkultura ng Bagong Lipunan. Sa unang termino ni Ferdinand Marcos, tinanong siya ni Imelda:

“What is my role as a First Lady?” And he said, “As President, I’ll be the father of this country. I’ll establish a strong house for the Filipino people. And you will make it a home.” That kept me thinking. What makes a home? Values, art… So I built the Cultural Center of the Philippines.

Naging bahagi ang kontrobersiyal na naratibo ng CCP Complex sa patuloy na alamat ng romansang Marcos, na nagtatangka para sa “naturaliz[ation of] the conjugal union and political partnership of Ferdinand and Imelda Marcos” (Lico 98). Ang pagkakatayo ng nasabing estrukturang pang-arkitektura ay hindi lamang nakapagsalikás ng conjugal, subalit nailatag din nito ang pambansang pamamahay (at tahanan) na pinantasya ng mga Marcos. Magsisilbi ang gayong institusyong pangkultura hindi lamang bilang bukal ng pamanang pangkultura ng bansa, subalit bilang muhon din ng kagandahang pang-arkitektura. Muli, napatunayang napakahalaga para sa rehimen ang mga pahayag pang-estetiko, hindi lamang sa mga salita, kung hindi maging sa isang kahanga-hangang arkitektura.

Mula sa pinakasimula nito, hindi maihihiwalay ang CCP Complex mula sa makapangyarihang pagsasama nina Ferdinand at Imelda Marcos. Ang mga pagsisikap ni Imelda Marcos na buoin ang kaniyang mansiyong pangkultura, gaanupaman nagmula ito sa kaniyang mga pansariling kapritsuhan, ay hindi hiwalay o malayo mula sa alamat ng kanilang matrimonya. Kitang-kitang nagsasakatawan sa mga popular na salaysay ng mga unang taong Marcos ang Theater of the Performing Arts, kasama na ang iba pang mga estruktura sa loob ng CCP Complex, bilang edipisyong sumasagisag sa kanilang rehimen. Sa sariling mga salita ni Imelda Marcos, ang CCP Complex ay magiging isang “showcase of Filipino artistic expression” at “mansion of the Filipino Soul” noon (Kasilag 2). Kahanay ng bawat iba pang pasinayang mayroon ang rehimen, masasalamin ang kalabisan sa paggamit ni Imelda ng salitang “mansiyon,” na kakatwang mapansin

Page 23: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 23

sapagkat sinasalungat nito ang kaniyang pagpapahalaga para sa isang katutubong disenyo na umaangkop sa mga layunin ng Bagong Lipunan.

Sa isang panayam para sa kampanya noong 1965, inilarawan ni Imelda Marcos ang Theater of the Performing Arts, ang pangunahing halimbawa ng arkitektoniko ng mga Marcos, bilang “dovetailing with the nation-building platform of her husband,” ang kandidato noon para sa pagkapangulo na si Ferdinand Marcos. Ipinangako niyang kung magiging pangulo si Ferdinand Marcos, personal niyang isasagawa itong “two programs to complement his efforts towards the achievement of national goals: social action aimed at improving the welfare of the population and a program to foster pride in Filipino cultural heritage” (Ellison 88). Idiniriing mahalagang bahagi ng pagbuo ng nasyon ang pagsulong na pangkultura, pinagtuonan ni Imelda Marcos ang mga pasinayang pang-arkitektura upang itulak ang mga ideolohiya ng Bagong Lipunan. Bagaman ginagad ng pamamahay ng Bagong Lipunan ang payak na anyo ng katutubong bahay-kubo, nilikha nitong muli ng mga Marcos sa isang malaking estrukturang sumasagisag sa kapangyarihan at karangyaan. Sa isang paraan, ang bahay na nagpabigat sa mga mamamayan ay naging higit pang mabigat, sa parehong antas materyal at panagisag.

Ginamit ng isa pang pinaborang arkitekto ng mga Marcos, si Francisco Mañosa, ang konsepto ng bahay-kubo. Kilalang arkitekto si Mañosa dahil sa kaniyang paggamit ng mga katutubong materyales tulad ng kawayan at nipa sa mga kontemporanyong disenyong pang-arkitektura. Inilarawan bilang “the most outspoken champion of indigenous Filipino architecture,” ipinagtanggol ni Mañosa ang kapakanan ng arkitekturang Filipino para sa mga Filipino, “bringing local architecture to a more progressive stature, not just in the Philippines, but also in the international field” (Tejero, 2013). Idinisenyo ni Mañosa ang isang kilalang estruktura sa loob ng CCP Complex—ang Tahanang Pilipino, na higit na kilala bilang Coconut Palace. Kinomisyon ng mga Marcos ang pagtayo ng Coconut Palace sa karangalan ng pagbisita ng Papa John Paul II noong 1981, subalit tumanggi ang Papa na manatili doon sapagkat labis itong marangya, lalo na sa antas ng kahirapan sa Pilipinas.

Tulad ni Locsin, pinag-eksperimentuhan ni Mañosa ang mga anyong tradisyonal at katutubo at pinangarap ang mga ito na maabot ang kapwa pangangailangang pambisa at pang-estetika ng kaniyang mga proyekto. Ang Coconut Palace ni Mañosa ay para dapat sa pagtatangi sa mga tradisyonal na materyales na Filipino; subalit, ito ay naging isang malabis na pagkilala para sa

Page 24: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

24 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

patron nitong si Imelda Marcos. Binuo para sa kaniya noong 1978 at dinisenyo para sa “highlight [of] the ingenuity of Filipino craftspeople,” mula ang 70% ng estruktura sa iba’t ibang bahagi ng niyog. Gawa ang Coconut Palace mula sa iba’t ibang uri ng matitigas na kahoy mula sa Pilipinas, bao ng niyog, at isang “specially engineered coconut lumber apparently known as Imelda Madera” (Sahakian 49). Ipinagpatuloy nitong estrukturang pang-arkitektura ang retorika ng kakayanan ng pamilya na bumuo ng isang mapagkumbabang pamamahay sa maparaang paggamit lamang ng mga makakalap na materyales. Subalit, nasalamin sa pagbuo at disenyo ng nasabing estruktura ang uri ng banidad at kalabisan ni Imelda Marcos. Maging ang pangalan nito, Tahanang Pilipino, na dapat sanang maglarawan sa mapagkumbabang bahay-kubo ay naging parikala. Sa panahong iyon, maaari lamang maging pangarap ang gayong marangyang tirahan para sa karaniwang mamamayan.

Larawan 5. Tahanang Pilipino, na higit na kilala bilang Coconut Palace, dinisenyo ng arkitektong si Francisco Mañosa, kinomisyon ng estado

sa ilalim ng panuto ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos.

Isa pang mahalagang likha ni Mañosa na sumalamin sa kaniyang paggamit ng bahay-kubo ay ang Light Rail Transit (LRT) System. Mula sa Executive Order No. 603, itinatag ni Ferdinand Marcos ang LRT Authority at inatasan si Imelda Marcos, bilang gobernador ng Metropolitan Manila at Minister of Human Settlements, bilang una nitong tagapangulo. Idiniin ni Mañosa ang kaniyang mga konseptong pandisenyo sa pamamagitan ng nasabing proyekto, hango sa mga anyo at likhang-katutubo tulad ng salakot na bubong ng Coconut Palace at katutubong bahay. Tulad ni Locsin, itinuturing ni Mañosa ang espasyo bilang mahalagang tagapagtukoy kung paano magtatagpo at magkakaugnay ang

Page 25: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 25

tao at arkitektura. Sa isang artikulong isinulat hinggil sa mga krusada ni Mañosa bilang isang arkitektong Filipino, ipinaliwanag niya ang kaniyang prinsipyo sa pagdidisenyo at pilosopiya sa konstruksiyon:

The practice of architecture today is much more than determining the relationships of spaces – how human requirements, such as working, eating, sleeping, playing, traveling and worshipping, are creatively handled to meet different needs. Architecture is no longer the sole practice of creating buildings.

Sa paglalapat ng bahay-kubo sa transportasyong pampubliko, napaalalahanan ang mga mamamayan kung gaano kahalaga ang konsepto ng pamamahay sa panahon ng mga Marcos. Ang bisa nitong katutubong bahay ay mainam na gumana para sa mga disenyong pang-estruktura. Gumana ang nakataas at matarik na bubong gawa sa pawid para sa higit na aliwalas. Mahalaga ang konsepto ng aliwalas sa transportasyon sapagkat mahalagang tagapagtukoy ang daloy sa pangungusap hinggil sa mabisang paggana ng mga estruktura.

Isang namumukod na katangian ng bahay-kubo ay maituturing itong arkitekturang yari sa kamay, “requir[ing] no help from architects and engineers” (Dacanay 16). Tanging responsable ang may-ari para sa pangwakas na konsepto, disenyo, at pagsasagawa ng bahay-kubo. Sa puntong ito, isa sa mga kaugnay ng bahay-kubo, ang bayanihan, ay nagsisilbing mabuting paraan upang ipaliwanag kung paanong nagbago ang bisa ng katutubong pamamahay sa pamamagitan ng pagtangkilik dito ng mga Marcos. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy sa isang diwa ng pagkakaisa o pagsisikap na pampamayanan upang makamit ang isang layon. Nagmula ang bayanihan mula sa ugat na bayani, kung kaya nangangahulugan ang una bilang pagiging bayani para sa iba: tulad sa klasikong tradisyon ng pagbuhat ng isang bahay, dinadala ng isa ang bahagi ng bigat ng bahay, at sa gayon nagiging isang bayani para sa iba. Ang bawat isa samakatwid ay nagiging isang bayani sa lahat habang ang lahat din ng iba ay bayani rin sa kaniya.

Binanggit ni Preziosi sa kaniyang diskurso na “the architectonic organization of the hut is not unfamiliar. It is a complex object whose component parts are designed to interact in a fully integrated way” (85). Tumutugma ito sa pagsusuri sa bahay-kubo sa payak at masalimuot nitong halaga. Hinahamon at pinalalawig ng papel na ito ang mga pagtataya ni Preziosi sa isang paraang nakapagtatatag ito ng kahalagahang pangkultura ng bahay-kubo bilang payak at tahasan (ayon sa disenyo) subalit kasabay rin nito, nakapaglalatag kung paano pinalamutian ito ng mga Marcos upang maging isang masalimuot din itong uri ng sagisag. Mahalaga ang impormasyong ito sa pagtulay sa argumento ni Preziosi na

Page 26: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

26 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

“culture is code-specific, and the formative ‘simplicity’ or ‘complexity’ of an object is not inherently iconic with respect to the simplicity and complexity of its associations” (75-76). Halimbawa, tumataliwas ang ilang katangian ng bahay-kubo at bayanihan sa mga prinsipyong ipinakita ng rehimen. Bagaman karaniwang mumunti, itong laki ng bahay-kubo ay “often governed by the number of occupants,” at sa pananaw ekonomiko, nasasagad ng payak at mabisang katangian nito ang pagiging pamamahay nito (Dacanay 22). Ang isang malaking bahay-kubo ay hindi kinakailangan, bilang ang bahay ay karaniwang walang laman tuwing araw. Subalit, sa kaso ng mga Marcos, naisamonumento ng mga estrukturang nagsasakatawan sa Bagong Lipunan ang malabis na palamuti na nagpapatuloy ng isang alamat na mahusay na itinatanghal ng bansa. Nagpipinta ang kaisipan ng pagtulong sa pamahalaan sa pamumuno ng isang pambansang bayanihan ng isang larawan ng kilos ng kabayanihan—ang sumunod sa utos ng Bagong Lipunan ay nagiging isang kilos ng kabayanihan para sa mas malaking pamilya, ang pamayanan, ang nasyon. Pinasuso ng kabayanihan ng mga tao ang elite.

Ang mga katangiang ito ng katutubong pamamahay ng prekolonyal na Pilipinas ay nagsisilbi para sa isang layon—na gumawa ng isang estrukturang panirahan na angkop para sa sagarang paggamit ng espasyo at madaliang pagpapanatili ng kaayusan. Sa huli, sinasalamin din ng bahay-kubo ang etnikong arkitektong-tagabuo at may-aring nagtatatag ng isang pamamahay nang ayon sa pagkatagpo rin niya sa mga materyales, tulad kung paano idiniin ni Locsin ang kahalagahan ng kongkreto para sa arkitekturang Filipino. Subalit, ang mga kilalang katangian ng isang payak na pamamahay ng mga Filipino, ang bahay-kubo, na itinatag at ikinahong muli ng rehimen ay iba. Maliban sa mga kontradiksiyon, sinasalamin ng arkitekturang Marcosian ang kalabisang arkitektoniko. Ayon kay Preziosi, gumagana ang anumang uri ng likhang-sining, maging arkitektura, bilang isang sagisag. Gumagana ito bilang “metaphor from verbal language and from a perspective on language that remains essentially wed to a communicational metaphor. The art object is a medium of intermediary in a transitive transfer from artist (addresser) to beholder-addressee” (Preziosi 118).

Ipinakikita ng arkitekturang Marcosian ang karangyaan. Subalit, ipinalalabas ang kalabisan hindi sa pawang disenyo kung hindi maging sa lahat ng lumiligid sa mga estruktura. Halimbawa, binuo ang Folk Arts Theater sa loob lamang ng 77 araw ng mga manggagawang nagtatrabaho sa 24 oras kada araw, 7 araw sa isang linggo, para lamang makasunod sa mga panuto ni Imelda Marcos. Ang nakita

Page 27: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 27

ng bansa ay ang labis na produksiyon sa pagbubukas nito. Ang mapagpahayag na pagtawid mula sa manlilikha (ang arkitekto at ang patron) tungo sa tagatanggap (mamamayan) ay ang pagsulong para sa nasyon. Sabalit, itong kalabisang arkitektoniko ay hindi lamang napabubulaanan ang pangkalahatang pilosopiya at disenyo ng mga estruktura, kung hindi naglalahad din kung paanong pinaaabot ng Bagong Lipunan ang payak na bahay-kubo sa mararangyang mansiyong pangkultura at malalabis na palasyo na pinamamahayan ng mga elite.

— salin ni Christian Jil Benitez

Mga Sanggunian

Crisostomo, Isabelo. President Joseph Ejercito Estrada: From Stardom to History Lungsod Quezon: J. Kriz Publishing, 1999.

Dacanay, Julian, Jr.. Balai Vernacular. Manila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1992.

Ellison, Katherine. Imelda: The Steel Butterfly of the Philippines. USA: McGraw-Hill Book Company, 1988.

Espiritu, Talitha. “Revisiting the Marcos Regime: Dictatorship, the Media, and the Cultural Politics of Development.” PhD diss, New York University, 2007.

Feliciano, Myrna. Subject Guide to Presidential Decrees and Other Presidential Issuances (From the Proclamation of Martial Law up to June 1975). LungsodQuezon: University of the Philippines Law Center, 1975.

Kasilag, Lucrecia. “The Cultural Center of the Philippines: Its Role in the Development of National Culture.” Papel na nipresenta sa National Conference on Enhancing the Developmentof Our National Culture, National Library, Maynila, Abril 7-9, 1980.

Lefebvre, Henri. The Production of Space. Oxford: Blackwell, 1991.

Lico, Gerard. Edifice Complex: Power, Myth, and Marcos State Architecture. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 2003.

Page 28: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

28 | Juan Miguel Leandro L. Quizon

______. Arkitekturang Filipino: A History of Architecture and Urbanism in the Philippines. Lungsod Quezon: The University of the Philippines Press, 2008.

Magno, Alexander. “A Nation Reborn.” Kasaysayan: The Story of the Filipino People. Hong Kong: Asia Publishing Co. Ltd, 1998.

Marcos, Ferdinand Edralin. The Philippines: A Renaissance in Art and Culture. Maynila: Office of the Media Affairs, 1982.

_____. Notes on the New Society of the Philippines. Maynila: National Media Production Center, 1973.

Marcos, Imelda Romualdez. Paths to Development. Maynila: National Media Production Center, 1981.

Mijares, Primitivo. The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos. San Francisco: Union Square Publications, 1986.

Official Gazette of the Philippines. “1971 State of the Nation Address by President Ferdinand Marcos.” Binuksan February 13, 2017. http://www.gov.ph/1971/01/25/ferdinand-e-marcos-sixth-state-of-the-nation-address-january-25-1971-2/.

Paredes-Santillan, Caryn. “A Study on Bipolarity in the Architecture of Leandro V. Locsin.” Journal of Asian Architecture and Building Engineering 8, blg. 1 (Mayo 2009): 1-8.

Polites, Nicholas. The Architecture of Leandro Locsin. Tokyo: Weatherhill, 1977.

Preziosi, Donald. Architecture, Language, and Meaning: The Origins of the Built World and Its Semiotic Organization. The Hague: Mouton Publishers, 1979.

Rafael, Vicente. “Nationalism, Imagery, and the Filipino Intelligentsia in the Nineteenth Century.” Critical Inquiry 16, blg. 3 (Tagsibol 1990): 591-611.

Romero, Jose. “Marcos Economic Legacy – Crony Capitalism.” Binuksan Pebrero 18, 2017. http://joeromeroschronicles.blogspot.com/2012/08/marcos-economic-legacy-crony-capitalism.html.

Salonga, Jovito. Presidential Plunder: The Quest for the Marcos Ill-Gotten Wealth. Lungsod Quezon: U.P. Center for Leadership, Citizenship, and Democracy, 2000.

Page 29: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa

KATIPUNAN No. 5 (2020) • Pagbahay sa Rehimen | 29

Tadem, Eduardo. “Philippines, Cronyism and Dictatorship: The Marcos Debt.” Philippine Daily Inquirer, Nobyembre 24, 2016. Binuksan February 20, 2017. http://www.europe-solidaire.org/spip.php?article39563.

Tejero, Constantino. “Francisco Mañosa’s ‘Lonely’ Crusade for a Truly Filipino Architecture.” The Philippine Daily Inquirer, Oktubre 7, 2013. Binuksan Marso 2, 2017. http://lifestyle .inquirer.net/129669/francisco-manosas-lonely-crusade-for-a-truly-filipino-architecture/.

Tolentino, Rolando. “The Rise and Fall of a Politician Star: Joseph Estrada, Philippine Politics and Cinema.” BinuksanPebrero 13, 2017. http://rolandotolentino.blogspot.com/2007/03/rise-and-fall-of-politician-star-joseph.html.

Page 30: Pagbahay sa Rehimen · 2020. 8. 13. · Pagbahay sa Rehimen Ang Bagong Lipunan at ang Retorika ng Pamilya sa Arkitekturang Marcosian Juan Miguel Leandro L. Quizon Abstrak Ayon sa