OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa Rosa, Laguna

4
· f!" I ' t~ Repu blic of the Phili ppines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of La guna OF FICE OF THE SANGGUNIANG DAY AN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-TATLUMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MIYERKOLES, IKA-2 NG AGOSTO, 2000 SA BULWAGANG PULUNGAN NG PAMAHALAANG BA YAN. Mga Dumalo: 1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA 10. Kgg. ROMEO P. AALA 11. Kgg. ARIES A. ALCABASA *********** **** - Pang. Punong-bayan-Namuno - Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong-barangay - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan KAUTUSANG BAYAN BLG. 991-2000 (Sa mungkahi ni Kag. Algabre na pinangalawahan ni Kag. Bustamante) ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGTATAKDA NG MGA TUNGKULIN AT PANANAGUTAN ANG BAWA'T BOLUNTARYONG MIYEMBRO NG TASK FORCE BANTAY KALINISAN. SAPAGKA'T, tμngkulin ng Pamahalaang Bayan na magsagawa ng mga pamamaraan upang masugpo ang mga pagdudumi o pagkakalat sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na kampanya sa pagpapatupad ng mga pinagtibay na Kautusang Bayan hinggil sa kaayusan at kalinisan; SAPAGKA'T, mahigpit ang pangangailangan ng pamahalaan sa mga boluntaryong mamamayan upang maitaguyod ang ganap na kalinisan ng pamayanan; SAPAGKA'T, maraming mga mamamayan sa iba't-ibang sektor ng Pamahalaang Bayan na nag-aambag ng tulong upang maitatag sa bayan ng Santa Rosa ang Task Force Bantay Kalinisan; SAPAGKA'T, nakapaloob sa Local Government Code of 1991 na dapat kilalanin at pahalagahan ang pagtulong na inaalok ng mga taong mamamayang NGO; , .....

Transcript of OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa Rosa, Laguna

Page 1: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa Rosa, Laguna

· f!" I ' ~

t~

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-TATLUMPUNG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA W NG MIYERKOLES, IKA-2 NG AGOSTO, 2000 SA BULWAGANG PULUNGAN NG PAMAHALAANG BA YAN.

Mga Dumalo:

1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA

10. Kgg. ROMEO P. AALA

11. Kgg. ARIES A. ALCABASA

***************

- Pang. Punong-bayan-Namuno - Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong-barangay

- Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

KAUTUSANG BAYAN BLG. 991-2000 (Sa mungkahi ni Kag. Algabre na pinangalawahan

ni Kag. Bustamante)

ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGTATAKDA NG MGA TUNGKULIN AT PANANAGUTAN ANG BAWA'T BOLUNTARYONG MIYEMBRO NG TASK FORCE BANTAY KALINISAN.

SAPAGKA' T, tµngkulin ng Pamahalaang Bayan na magsagawa ng mga pamamaraan upang masugpo ang mga pagdudumi o pagkakalat sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na kampanya sa pagpapatupad ng mga pinagtibay na Kautusang Bayan hinggil sa kaayusan at kalinisan;

SAPAGKA' T, mahigpit ang pangangailangan ng pamahalaan sa mga boluntaryong mamamayan upang maitaguyod ang ganap na kalinisan ng pamayanan;

SAPAGKA'T, maraming mga mamamayan sa iba't-ibang sektor ng Pamahalaang Bayan na nag-aambag ng tulong upang maitatag sa bayan ng Santa Rosa ang Task Force Bantay Kalinisan;

SAPAGKA'T, nakapaloob sa Local Government Code of 1991 na dapat kilalanin at pahalagahan ang pagtulong na inaalok ng mga taong mamamayang NGO;

, .....

Page 2: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa Rosa, Laguna

\~

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-2-

SAP AGKA'T, kung hindi isasakatuparan ang mga balaking pagtatayo ng Task Force Bantay Kalinisan, hindi matatamo ng pamahalaan ang ganap na implementasyon ng mga Kautusang Bayan;

NGAYON, SAMAKATUWID, ng dahil sa isang mungkahing pinangalawahan ay IPINASIY A ang mga sumusunod na pambayang patakaran, tungkulin, kapananagutan ng mga boluntaryong miyembro ng Task Force Bantay Kalinisan.

Seksiyon 1 TUNGKULIN ATPANANAGUTAN

1. Tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran, establisimyento pribado man o pampubliko sa pamamagitan ng pamamahagi ng sipi ng ordinansang ipinatutupad sa mga mamamayan ng Santa Rosa.

2. Mag-ulat ng mga mamamayan o establisimyentong hindi tumutupad sa nasabing Kautusang Bayan sa Pinunong itinalaga para sa pormal na pagsasampa ng habla sa husgado. (Para sa lumabag hanggang sa ikatlong babala o warning).

3. Mag-ulat sa mga lugal na hinihinalang may mga sakit o epidemya sa Tanggapan ng Pambayang Kalusugan at Kalinisan.

4. Magpaalala sa mga mamamayan hinggil sa pagbabawal sa pagsasabit ng mga basurang nasa supot o plastik na nakasabit sa pader o bakod na nagsisilbing masagwa sa paningin ng tao sa kapaligiran.

5. Manguna at tumulong sa mga gawaing pangkalusugan at kalinisan at iulat ang mga batang hindi pa nababakunahan sa .Tanggapan ng Pambayang Kalusugan. ·

6. Rumota ang bawat boluntaryong miyembro ng Task Force Bantay Kalinisan sa kani-kanilang Barangay Assignment at mag-ulat ng kanilang ginawa sa Tanggapan ng Punong-bayan o sa Pinunong itinalaga ng Punong-bayan kasama ang pagbibigay ng sipi · sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan.

7. Mag-ulat ng mga pangalan ng taong lumalabag sa nasabing Kautusang Bayan (pangalan ng tao at kumpletong tirahan) sa kinauukulang departamento ng Pamahalaang Bayan.

Page 3: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa Rosa, Laguna

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-3-

Seksiyon II TERMINO NG PANUNUNGKULAN

Ang boluntaryong miyembro ng Task Force Bantay Kalinisan ang itatalaga ng Pamahalaang Bayan sa kani-kanilang itinalagang barangay, oras at araw ng kanilang pagganap na may tungkulin sa loob ng I taon matapos na siya ay kilalanin at makapanumpa sa mga tungkuling kanyang babalikatin sa atas ng Pamahalaang Bayan at ito'y maaaring ipagkaloob muli ang termino sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan at Punong-bayan batay sa kanyang pagganap.

Seksiyon III MGA KATANGIAN NG MGA MAGSISIGANAP

1. Permanenteng naninirahan sa bayan ng Santa Rosa ng hindi kukulangin ng I taon.

2. May mabuting pagkatao - sa pagpapatunay na Police Clearance, Barangay Clearance.

3. Walang nabibinbing kaso, Kriminal man o Sibil.

4. Labing walong (18) taong gulang pataas.

Seksiyon IV

Ito 'y magkakabisa matapos na mapagtibay ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa at mailathala sa mga pampublikong lugar at maipabatid sa mga boluntaryong miyembro ng pagpapatupad nito.

Hinihiling na mapadalhan ng sipi ng Kautusang Bayang ito ang mga sumusunod na kawani ng Pamahalaang Bayan:

~

1. Lahat ng Punong-barangay 2. Tagamasid Pampurok, lahat ng Punong-guro at mga guro sa kabatiran

nito. 3. Mga Pribadong Paaralan

Page 4: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa Rosa, Laguna

-Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-4:-

Mangyari lamang na makipagtulungan at makapagbigay ng boluntaryong miyembro at rekomendasyon para sa pagpapaunlad ng Task Force Bantay Kalinisan para sa pagpapanatili ng Pambayang Kalusugan at Kalinisan.

BU ONG P AGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

Pinatotohanan:

(Lgd) 0. RAMON L. LIJAUCO Pang.Punong-bayan

Pinagtibay:

(Lgd) LEON C. ARCILLAS Punong-bayan

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-30 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-2 ng Agosto, 2000.

~

(lJ CYN 1:i. GOMEZ

Pa ayang Kalihim