Noli

6
Kabanata 36 “Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa aty magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan- Heneral at napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa loob ng silid at taimtim na nananalangin ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito

description

School

Transcript of Noli

Page 1: Noli

Kabanata 36

“Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa aty magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-Heneral at napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa loob ng silid at taimtim na nananalangin ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang harapin ang Kapitan Heneral sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.”

Kabanata 37

“Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos niyang makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid. Sumunod niyang hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang ang mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan. Binanggit din nila ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon. Sumunod namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawa, na tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating na rin si Ibarra upang makausap ng Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang binata ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin ng pari at sa halip ay ipinaabot ang pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga

Page 2: Noli

pari na hindi naibigan ang ipinakita ng Heneral. Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat iminungkahi ng huli na mas makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si Ibarra at sinabing higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si Ibarra upang puntahan ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa alkalde mayor na protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng binata. Tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan Tyago at pinuri ito sa pagkakaroon ng mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, si Ibarra naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na isulat na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak sila papunta sa dulaan. ”

Kabanata 38

Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.

Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon.

Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.

Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang

Page 3: Noli

lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kapitan Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.

Kabanata 39

“Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag-asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan. ”

Kabanata 40

“Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng pagsisimula ng dula. Pinangasiwaan ni Don Filipo ang gabi ng pista. Ng mga oras na iyon ay magkausap ang tinyente at si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang loob ng tinyente na hindi tinanggap ng Kapitan ang kanyang pagbibitiw. Nagsidatingan na ang mga malalaking tao sa bayan kung kaya't nagsimula na ang palabas na pinangunahan nina Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Lahat ay nakatuon ang pansin sa dula samantalang si Padre Salvi ay lantaran ang pagkakatitig kay Maria Clara. Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Ibarra. Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat malaki ang

Page 4: Noli

abuloy ni Ibarra at higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa sa utos nila. Sa inis ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula. Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang paroonann ang nalimutang tipanan. Nangako siya na babalik bago matapos ang dula. Sa kalagitnaan ng dula ay may lumapit na dalawang gwardya sibil kay Don Filipo at iniuutos na itigil ang dula dahil nabubulahaw sa pagtulog sina Donya Consolacion at alperes. Hindi ito mapagbigyan ni Don Filipo kung kaya't nagkaroon ng gulo. Nang pagtangkaang patigilin ang mga musikero, hinuli ng mga kuwadrilyero sa tribunal ang dalawang gwardiya sibil. Nagkataon na nakabalik na rin si Ibarra sa mga sandaling iyon at hinanap kaagad si Maria. Kumapit naman kaagad ang sindak na dalaga sa mga bisig ni Ibarra habang si Tiya Isabel ay naglitanya ng panalangin. Sa galit ng mga kalalakihan doon ay pinagbabato nila ang mga gwardya sibil na huminahon lamang sa pakiusap ni Elias, na inabisuhan naman ni Ibarra sapagkat wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon. Ang pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita rin ito ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si Maria at si Ibarra ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistula itong baliw at nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang makasiguro na hindi totoo ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng Kapitan. Umuwi na ito ng masigurong hindi kasama ng dalaga si Ibarra.