Noli me tangere

29
Ni Jose P. Rizal

Transcript of Noli me tangere

Page 1: Noli me tangere

Ni Jose P. Rizal

Page 2: Noli me tangere

Dr. Jose protacio mercado realonda alonzo y rizal

Page 3: Noli me tangere

Buhay ni Dr. Jose RizalMAITUTURING na nagmula sa may kayang pamilya ang ating

pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang kanyang amang si Don Jose ay isang magsasaka ng tubo, at katiwala ng malawak na lupain. Samantalang ang kanyang inang si Donya Teodora ay may mataas na pinag-aralan na bihira sa kababaihan noong panahong iyon. Nang siya ay magbalik sa Pilipinas noong 1892, ipinatapon siya sa Dapitan ng pamahalaang Espanyol, dahil sa umano'y pag-iingat ng mga subersibong papeles. Papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang boluntaryong doktor nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas. Hinuli siya at kinasuhan ng rebelyon at sedisyon. Noong Disyembre 3, 1896, binaril siya sa Luneta. Ayaw ni Rizal na barilin siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, pero hindi pinayagan ang kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw sa umagang iyon ng Disyembre - kagaya ng isang kagalang-galang na tao na dapat na pagkilala sa kanya.

Page 4: Noli me tangere

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Crisostomo Ibarra

Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

EliasPiloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Page 5: Noli me tangere

Kapitan TiyagoMangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre DamasoIsang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre SalviKurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Page 6: Noli me tangere

Maria ClaraMayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo TasyoMaalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

SisaIsang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Page 7: Noli me tangere

Basilio at CrispinMagkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

AlperesMatalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya VictorinaBabaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Page 8: Noli me tangere

Donya ConsolacionNapangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de EspadañaIsang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

LinaresMalayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Page 9: Noli me tangere

Don FilipoTinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol JuanNamahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

LucasTaong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at BrunoMagkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Page 10: Noli me tangere

Tiya IsabelHipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya PiaMasimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. 

Iday, Sinang, Victoria,at AndengMga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Page 11: Noli me tangere

Don Rafael IbarraAma ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don SaturninoNuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang PabloPinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan BasilioIlan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Page 12: Noli me tangere

Tinyente GuevarraIsang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana MariaTanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre SibylaParing Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

AlbinoDating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

Page 13: Noli me tangere

Kabanata xSan Diego

Ang likas-yaman ng bansa ay mahalaga tulad din ng

pinagugatan ng angkan ng bawat Pilipino

Page 14: Noli me tangere

PP

A. Naibibigay ang napiling angkop na larawan batay sa kahulugan ng salita

B. Nababago ang larawang kinakitaan ng pagkalbo ng gubat sa tulong pag-guhit

C. Nakagagawa ng plano upang mapayaman ang kapaligiran

Mga Layunin

Page 15: Noli me tangere

Sagipin ang ating kagubatan at

pagyamanin ang kalikasan

Halagang Pangkatauhan

Page 16: Noli me tangere

Ang bansang Pilipinas a sagana sa likas na yamang matatagpuan sa kagubatan,karagatan, kabundukan, at malawak na lupain ng bansa. Dapat nating mahalin at ingatana ng kalikasan upang patuloy tayong makapaglakbay sa lalawigan dito sa may maraming punongkahoy,may malinis na ilog na maaring panalaminan sa sobrang linaw ng tubig nito,at may sariwang hangin na malalanghap. Saang lalawigan dito sa Pilipinas ka ba nakarating na? Napuna mo ba ang likas-yaman na taglay ng kapaligiran nito? May napuna ka bang pagbabago sa kapiligiran ng lalawigang ito?

Panimula

Page 17: Noli me tangere

Napuna mo ba ang kagubatan na sinira ng tao dahil sa illegal logging upang kumita ng malaking salapi? Nasilaw ang tao sa limpak-limpak na salaping kapalit ang pagkawasak ng ating kagubatang pinagyaman ng ating mga ninuno. Mainam na lamang at may proyekto ang pamahalaan na pagyamanin ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim. May maga paaralang isa sa mga proyekto ng mga magaaral ay ang pagtatanim ng gulay at pagtatanim ng punongkahoy upang maibalik ang likas na kayaman ng ating bansa. Ang San Diego ay naging maunlad dahil sa kasipagan ng mga tagaroon sa pagtatanim na dapat sanang pamarisan ng bawat Pilipino sa ating panahon

Page 18: Noli me tangere

1 Ang bayan ng San Diego aysaganang-saganang-sagana sa biyaya ng lupa,tulad ng tubo ng ginagawang asukal,palay,kape,mga gulay at bungang-kahoy na ipinagbibili sa iba’t-ibang bayan lalo na sa mga mapagsamatalang intsik. Ang bayab ay nasa baybay-lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin.

Kabanata xSan Diego

(talata bilang 1-16)

Page 19: Noli me tangere

2 Ang buong kabayanan ay tanaw sa simboryo ng simbahan ng San Diego. Ang mga kabahayan ay nakatumpo sa pinkagitna ng malawak na kabukiran. Ang mga bahay ay karaniwang naatipan ng pawid na bubong na pinalitan ng mga kabunegro,yero,at tisa. Mula pa rin sa tuktok ng simbahan ay kitang-kita rin ang mala has na ilog sa gitna ng bukid na kumikinang sa tama ng sikat ng araw. Sa Hindi kalayuan ay may isang dampa na nakatayo sa gilid ng isang talampas na nakabukod sa karamihan.

Page 20: Noli me tangere

3 Ang gubat sa gitna ng sakahang lupa ay kapansin-pansin para sa lahat. Ang mga puno rito ay masinsin na malalaki at maliliit, kaya’t kahit ang sikat ng araw ay maramot na palaganapin ang liwanag sa loob ng gubat. Ang lugar ay pinagilagan ng mga tagaroon dahil sa iba’t-ibang alamat na bumabalot dito.ang isa sa pinakapalasak sa mga alamat ay maaaring totoo bagama’t sumulpot ang isang mahiwagang pangyayari.

Page 21: Noli me tangere

4 Noong unag panahon ang San Diego ay hindi pa ganap na baryo at kaunti pa lamang ang dito’y naninirahan. May isang matandang Kastila ang biglang dumating dito. Ang matanda kahit purong Kastila ay matastasmagsalita ng Tagalog. Nilibot ng Kastila ang buong kagubatan na parang snusukat ang lawak nito. Kapansinpansin ang mainit na tubig na dumadaloy ssa loob ng gubat.

Page 22: Noli me tangere

5 Ipinagtanong ng matandang Kastila sa mga tagaroon kung sino-sino ang nagmamay-ari ng gubat. May ilang nagpanggap at sila ay binayaran ng matanda ng damit,alahas,at salapi. Ngunit ang nakakapagtaka ay ang biglang pagkawala ng matanda. Naglaho itong parang bula na nagdulot ng pagkakagulat ng marami

Page 23: Noli me tangere

6“Siguro, naengkanto ang matanang Kastila,” ito ang paniniwala ng karamihan.

7 Isang araw, naamoy ng ilang pastol ang mabahong alingasaw na nagmumula sa gubat. Hinanap ng mga pastol ang pinagmulan ng Hindi kanais-nais na amoy. Ganoon na lamang ang kanilang pang hihilakbot nang makita ang nabubulok na bangkay ng matandang Kastila na nakabitin sa isang puno ng balite

Page 24: Noli me tangere

8 Labis na nahintakutan ang mga tagaroon nang matuklasan ang nakabiting bangkay ng matandang Kastila.

9 Sabi nga ng isang matandang babae,” Noon pa mang nabubuhay pa ang Kastilang iyan, talagang nakakatakot na. ang boses niya ay parang nagmumula sa isang madilim na balon. Nanlilisk ang kanyang nanlalalim na mga mata. Maging ang kanyang pagtawa ay parang nananaghoy”.

Page 25: Noli me tangere

10Dahil sa matinding takot,ang mga salai’t hiyas na nanggaling mula sa Kastilaay itinapon ng mga tao sa ilog. Ang mga damit ay kanilang pinagsusunog.

11 Ang labi ng matanda ay ibinaon mismo sa puno ng balite kung saan siya natagpuang nakabigti. Magmula noon ang nasabing puno ay kinakatakutan at pinangilangan dahil sa mga balitang kumalat na may nakikitang ilaw sa punong kahoy kung gabi at makaririnig din sila ng mga panaghoy na nanggagaling mula sa puno.

Page 26: Noli me tangere

12 Lumipas ang ilang taon, dumating sa nasabing pook ang isang binatang mukhang mestisong Kastila. Nagpakilala ito sa pangalang Saturnino. Ayon kay Saturnino,siya ang anak ng namtay na matanda. Simula noo,dito na siya namalagi.

13 Si Saturnino ay masipag at matiyaga pero walang kibo,mapusok,at malupit kung magalit. Pinagyaman ang mga lupang naiwan ng kanyang mga amang si Eibarramendia. Tinamaan niya ang indigo o tina ang sakahang lupa. Pinabakuran ni Saturnino ang libing ng ama at madalas siyang dumalaw rito.

Page 27: Noli me tangere

14 May edad na si Saturnino nang magpakasal sa sang dalagang taga-maynila. Isa lamng ang kanilang anak na pinangalanan nilang Rafael. Si Don Rafael ang ama ni Chrisostomo Ibarra.

15 Dahil sa mabuting pag-uugali ni Don Rafael,siyaay napamahal sa mga magsasaka. May katangi-tanging karunungan siya sa pagpapaunlad ng ari-arian kaya’t mabilis na umangat ang kanyang buhay. Dumagsa ang mga dayuhan lalo na ang mga Intsik na manirahan sa nasabing lugar dahil sa mabilis na pagsulong nito. Hindi nagtagal ito ay naging isang nayon. Nang mamatay ang paring Indio, si Padre Damaso ang humalili.

Page 28: Noli me tangere

16 Iginalang at Hindi tinirihan ang pinaglibingan sa matandang

Kastila hanggang ang pokk ay parang naging gubat na nahiwalay

sa karamihan.

Page 29: Noli me tangere

Mga Talasalitaan

Simboryo- kampanaryo

Naatipan- napatungan

Talampas-lupang mataas sa patag

Sumulpot- dumating

Nagpanggap- nagkunwari