Noli Me Tangere

27
16 : Si Sisa Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.

Transcript of Noli Me Tangere

Page 1: Noli Me Tangere

16 : Si Sisa

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang

mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga

yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit

na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang

tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang

pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga

anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa

kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o

alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng

loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng

katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang

kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong

tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin.

Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay

Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting

bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura,

na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang

mga ito sa simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat

dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa

kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat

ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa

siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.

Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang

kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos uubusin lamang ng

kanyang walang pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat

naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa

paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina.

Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang

kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain.

Page 2: Noli Me Tangere

Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng

malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

17 : Si Basilio

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy

ang kanyang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang

pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa

paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang

kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa

hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi

din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng

maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man

ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na

lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na

napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi

ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha

si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila

ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si

Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang

ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina.

Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang

kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay

pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya

ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan mayor

hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na

pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang

napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang

sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak

ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya

Page 3: Noli Me Tangere

si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang

pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin

niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay

magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin

kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa

paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si

Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng

anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

18 : Mga Kaluluwang Nagdurusa

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng

magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong

upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa

kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa

kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa

pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng

mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang

karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit

na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay

pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang

Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang

pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas

niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad

ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang

pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang

dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya Makapal na

panitikan marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati

niya ang mga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga

ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa

isang hapag.

Page 4: Noli Me Tangere

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero,

sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang

tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang

pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng

dalawang onsa at pagkawala ng magkapatid. Naipagbigay alam na ng alila

sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay

maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa

ng alila.

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang

dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong

mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

19 : Mga Suliranin ng Isang Guro

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong

nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa,

nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung

saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya,

kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang

tanging magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San

Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa

pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng

mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga

magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng

mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na

karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata

Page 5: Noli Me Tangere

sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang

klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura.

Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa

kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa,

madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait

ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa

katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay

tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di

marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa

kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang

magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng

wikang kastila para sa kanyang pansariling interes.

Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa

paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang

ipabalik sa kanya ang paggamit ng pamalo sapagkat mabisa ito sa

pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya

saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik

ang pamalo sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo,

nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo,

kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik,

nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-

asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa

wikang Kastila.

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa

katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio

at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito

dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang

ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa

pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng

tinyente mayor.

Page 6: Noli Me Tangere

20 : Ang Pulong sa Tribunal

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar

na pulungan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Nang dumating sina

Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat

na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang

conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng

mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don

Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego.

May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don

Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda

sa piyesta.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan

Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at

walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo

ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay

magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng

komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga

ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi.

Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don

Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga

matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang

paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa

ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng

kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng

kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa

mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na

lamang ang dalawang pangkat.

Page 7: Noli Me Tangere

21 : Kasaysayan ng isang ina

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa

kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para

siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maililigtas sina

Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang

dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag

dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.

Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding

pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na

tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang

ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng

kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang

pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip

pakaladkad na sinama siya sa kuwartel.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap.

Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil

habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa

kabayabnan na.

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos

malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel.

Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang

kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nagdayami.

Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa.

Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na

si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang

nakabalndra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa

kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan

ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita,

Page 8: Noli Me Tangere

kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may

gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa

bahay.

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid

ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng

araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob ng matinding

nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak.

Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang

banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.

Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-

iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na

ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya

ay nahihintakutan sa kanya ni Ibarra.

22 : Liwanag at Dilim

Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego

para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria

sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa,

minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at

kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa

kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre

Salvi.

Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin

ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang

piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman

niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.

Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila

sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot

sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay

Page 9: Noli Me Tangere

Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang

hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria

sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San

Diego.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi

ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing

masakit ang kanyang-ulo.

Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik.

Inaasahan iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.

Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan,

nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa

kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa

kanyang problema sa asawa at mga anak.

At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

23 : Ang Pangingisda

Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang

matatandang babae na patungo sa dalawang bangka nakahinto sa

dalampasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na

mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay

nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba't-ibang kulay na kagaya ng gitara,

alpa,akurdiyon at tambuli.

Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday,

Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad ay masaya silang

nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng

mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang

kanilang kuwentuhan.

Nag-tig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang

sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang

Page 10: Noli Me Tangere

sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay

Maria Clara. Si Albino ay kay Victorina. Natameme sa pagkakagulo ang mga

dalaga.

Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangka para umusad sa tubig ay

isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang

pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.

Habang hinihintay na maluto ang tanghalian. Si Maria ay umawit ng

Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang

sabaw para sa isisigang na isda.

Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang

magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad.

Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.

Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok.Sumalok ito. Ngunit,wala

ring nahuling isda. Sinabi niya ang kawalan ng isda sa lawa.Sigawan ang

mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga

kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.

Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang

buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at

lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga

'dalaga noon ay hindi marunong mahimatay'.

Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng

mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sina Ibarra, ang

piloto at si Elias dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang

niya ang kanyang buhay dito.

Natauhan mula sa pagkapatda si Maria Clara ng lumapit sa kanya si Ibarra.

Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng

marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa

lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.

24 : Sa Kagubatan

Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa

kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang

Page 11: Noli Me Tangere

kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-

almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.

Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa

kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si

Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na

sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si

Ibarra nang hindi siya makikita nito.

Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang

sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga

kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang

galos, sinabi niyang siya ay naligaw.

Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong

tumatampalasan kat Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito.

Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos

na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.

Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni

Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi tt Don Felipo

sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa

nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.

Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya

sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok

na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng

Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa

kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama

sa: ” Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang.” Ipinihayag niyang

nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.

Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na

nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-

paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang

natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa

kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.

Dumating si pari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-

punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang

Page 12: Noli Me Tangere

mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at

sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang

hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon

ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na

ito sa kumbento.

Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias

na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra

dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni

Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong

kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito.

Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na

umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang

nakita.

25 : Sa Tahanan ng Pilosopo

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Pilosopo Tasyo

(Tandang Tacio/Mang Tasyo). Inabutan niya ito ng nagsusulat

ngheroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng

gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan

si Ibarra, Sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan

ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat

ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon

ng kanilang mga ninuno.

Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang

kilala si Mang Tasyo ng mga tao. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang

balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na

huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ng maraming tao,

at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at

ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga taong

kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang

pagsangguni ay hindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang

Page 13: Noli Me Tangere

kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa

mga pinagsangunian.

Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero

mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan

ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa

pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang

binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang

mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan.

Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at

pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at

Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang

ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento

at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan.

Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati – rati

tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang

Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating

ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping

buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa

gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng

bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon

ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran

naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi

natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng

bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay

nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin

ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong

panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila

ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang

payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga

naghari-harian.

Page 14: Noli Me Tangere

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na

tanong ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at

mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing

kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin?

(3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?

Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na “Sapagakat ang lupang

pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina

upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!” Mariing

sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa

pagsasabing:”humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin

sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon.

Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!”

Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-

ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol

sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na

lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan.

Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya

abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng

payo kay Mang Tasyo.

Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong

payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na

sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay

magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang

sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay

isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat

hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim

niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay

ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing

mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi

kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay

sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.

Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na

baka pakitang –tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro

ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.

Page 15: Noli Me Tangere

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay

maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim

mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting

halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang

Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman

kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na

tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang

umalis na si Ibarra.

26 : Bisperas ng Pista

Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging

masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng

bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng

kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang

kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng

hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na

inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkaing ganito ay inuukol sa mga

banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o

mayamanupang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan

ay inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong

ginansilyo,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan

ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay

pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at

pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din.

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan.

Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng

patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang

makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang

magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tondo.

Madalas na tinutugtog ang kampana kasunod ang mga putok ng mga kuwitis

Page 16: Noli Me Tangere

at bomba. Nakapahilis na panitik Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng

musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista.

Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik

na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan

buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas at Sta. Cruz ang inaasahang na

darating. Batay sa mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga

at magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang mag magbubukid at

taga bundok ay naghahanda ng manok,baboy bungangkahoy at mga gulay

na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga

trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay

paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang

abala ang mga manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay

isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalakiat ang

ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng

mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Nol

Juan, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng

maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga

batang tamad na mag-aral.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman

samantalang ang kura ay humiling na siya ang gawing padrino at

magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling araw ng pista. Sa mga

pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman

simabahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang klahat ng gastos.

Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa

siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay

maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna

tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones

ngtsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na

hinala ni Pilosopo Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit tinugon siya nng

matanda sa isang aral ni Balagtas na “Kung ang isalubong sa iyong

pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong pag-ingata’t

kaaway na lihim…siyang isaisip na kakabakahin..

Page 17: Noli Me Tangere

27 : Sa Pagtatakipsilim

Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang

pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga

lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra

ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay

bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating

ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan

Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria

na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula

sa bangka ni San Pedro.

Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang

kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng

pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman,

nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat

darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan

Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero,

nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita.

Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay

napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel.

Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng

kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang. Nanaog

kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay

at pinuri naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging

kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan.

Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre

Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang

ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.

Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na

nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at

nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito.

Page 18: Noli Me Tangere

Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas

niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.

Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni

Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng

kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay

kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at

isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip

ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.

Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa

bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo

at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid.

Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman ang

anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na

kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.

Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang

mga taong kulang-palad.

28 : Ilang Sulat

Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista.

Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga

pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na

walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga

paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at

mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong

bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga

makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng

Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don

Page 19: Noli Me Tangere

Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso

Verdolagas.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang

sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil

sa kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang

mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa

komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng

lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen

de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak

nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada

sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag nagkatapos ng . Siyang-siya

ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at

ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay

Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa

ganda.

Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya

na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga

batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan Juaquin,

Kabesang Manuel at ang konsul.

Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang

liham:

Crisostomo:

Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal

kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha.

Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May

ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre

Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay..

Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya

kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara:

Habol:

Page 20: Noli Me Tangere

Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa

paaralan. paalam

29 : Ang Umaga

Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang

mga nututulog. Muling narining ang tunog kampana at mga paputok.

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na

itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng

bihisan. Binati siya ng tinyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang

magsaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang

pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si

Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit wala siyang

magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.

Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot.

Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng

kanilang inihandang pagkain.

Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng

araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi

makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi

sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat

nakapag-aral sa buhay ng San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito,

siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento.

Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot.

Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binatil sa alak.

Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa

ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni

San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang

mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na

makikilala ang mayayaman at mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang

Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si

Page 21: Noli Me Tangere

Pari Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Sibyla. Ang prusisyon ay

sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.

Huminto ang karong sinusundan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan

Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si Maria, si

Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito

ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.

30 : Sa Simbahan

Nagjajakol si padre Damaso habang nasa isip si Maria Clara, pareho sila ng

ginagawa ni Ibarra.Magbespren tlga ang dalawang nililibog na manyakis.

31 : Ang Sermon

Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang Kastila

at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX,

Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng

nagsasaad ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang sila’y

turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila

ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw”

Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin

ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang

pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.

Nagpugay ang pari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang

pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang

isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan anp alperes, iniisip niyang

tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng

magsalita ang predikador.

Sinabi ni Padre Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng Diyos

upang maging kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at

lumalaki sa lupain ng banal na si francisco. Hinikayat niya ang mga

Page 22: Noli Me Tangere

makasalanan na tularan ang mapagwaging si gideon, ang matapang na si

David, ang mapagtagumpay na si Roldan ng kakkristiyanuhan, ang

guwardiya sibil ng langit.

Nakita ni pari Damaso na napakunot – noo ang alperes sa kanyang tinuran.

Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na “opo, ginoong Alperes,

higit na matapang at makapangyarihan bgamat walang armas kundi isang

krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat

ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay

diego de Alcala.”

Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang

Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng

karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San

Francisco. Umasim din ang muha ng alperes, kaya inakala ng marami na

pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga

tulisan.

Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang

pagwawalang – bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang

namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng

alak at madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng

patente.

Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay napahikab. Samantala, si

Maria ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa

kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamanng sa kanya. Nang simulan na sa

tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padre Damaso

sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang

isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng

pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa

bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-

aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang

salbahe at pilosopo…ang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero,

nagsawalang kibo na lamang siya.

Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si Padre

Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita ng

may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si

Page 23: Noli Me Tangere

Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang

sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa

hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maari siyang mamamatay. Nakilala

ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.

32 : Ang Panghugos

Ipinakita ng taong madilaw kay Nol Juan kung paano niya mapapagalaw ang

pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo. Ito ay mayroong walong metro

ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang

malalaking lubid kaya tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang

bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.

Tinignang mabuti ni Nol Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong

malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit

isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan

sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.

Sinabi ng taong madilaw kay Nol Juan na natutuhan niya ang paggawa ng

makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay

maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa araw ang

kanyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga natutulog at

magpatulog ng gising.

Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng

panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na

itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing

isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay

mga guro at mag-aaral.

Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng

damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na

ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahang

bakal. Ang kahang bakal ay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.

Page 24: Noli Me Tangere

Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may

hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at

magbaba ng bato na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna

ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.

Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang

alkalde. Pagdaka’y isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle , mga kawani,

ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa biro ni

Kapitan Tiyago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra. Hustong

nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba

ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang

mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na

kalo at ng batongbuhay.

Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga

biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa

pagpapagawa, na walang iba kundi si Nol Juan. Pero, nakiusap si Ibarra na

siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria, kaagad na

umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit.

Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw

ay isang masamang simula.