NAGPAHAYAG NG MAALAB NA PAGBATI SINA MAYOR …

16
NAGPAHAYAG NG MAALAB NA PAGBATI SINA MAYOR CRISTY ANGELES AT ANG MGA MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NA PINAMUMUNUAN NI VICE MAYOR ARO MENDOZA SA PAGSAPIT NG IKA-107 TAON ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO. ANG KONSEHO AY KINABIBILANGAN DIN NG MGA KONSEHAL NA SINA TOPEY DELOS REYES, EMY LADERA-FACUNLA, JOJO BRIONES, PEEJAY BASANGAN, ANA AGUAS, RICKY DIOLAZO, HENRY DE LEON, WENG QUIROZ, VLAD RODRIGUEZ, ATO CHUA, TONTON TORRES - LIGA NG MGA BRGY. PRES., AT GENISE ANNE DELOS REYES - SK FED. PRES. Tunghayan ang artikulo sa Pahina 2.

Transcript of NAGPAHAYAG NG MAALAB NA PAGBATI SINA MAYOR …

NAGPAHAYAG NG MAALAB NA PAGBATI SINA MAYOR CRISTY ANGELES AT ANG MGA MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NA PINAMUMUNUAN NI VICE MAYOR ARO MENDOZA SA PAGSAPIT NG IKA-107 TAON ANIBERSARYO NG IGLESIA NI CRISTO. ANG KONSEHO AY KINABIBILANGAN DIN NG MGA KONSEHAL NA SINA TOPEY DELOS REYES, EMY LADERA-FACUNLA, JOJO BRIONES, PEEJAY BASANGAN, ANA AGUAS, RICKY DIOLAZO, HENRY DE LEON, WENG QUIROZ, VLAD RODRIGUEZ, ATO CHUA, TONTON TORRES - LIGA NG MGA BRGY. PRES., AT GENISE ANNE DELOS REYES - SK FED. PRES.

Tunghayan ang artikulo sa Pahina 2.

Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN

“22 Hulyo 2021

SA IKA-107 ANIBERSARYO NG INCMayor Cristy, VM Aro at SP bumati

Nagpa-abot ng kanilang pagbati sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC)

sina Mayor Cristy Angeles at ang mga miyembro ng Sanggunaing Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Genaro Mendoza kaugnay ng pagdiriwang ng nasabing sekta ng ika-107 taong anibersaryo nito. Sa pamamagitan ng

isang resolusyon ay inihayag ng mga lehislador ang pagbati sa INC at sinabing ito ay hindi lamang tumutugon sa ispirituwal na pangangailangan ng mga kasapi ng relihiyon kundi maging sa mga aktibidad na panlipunan tulad ng Lingap sa Mamamayan. “The INC has also been an active partner of the government in the pursuit of its

Councilor Jojo Briones

Binabati ko ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia

ni Cristo, at ang buong Kapatiran ng INC, sa kanilang ika-107 Founding Anniversary ngayong

Hulyo 27, 2021. Councilor Jojo Briones & Family. Councilor Vlad Rodriguez

Buong puso po ang aking pagbati kasama ang aking pamilya sa ika-107 taong anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo. Hangad namin na manatiling matagumpay ang inyong walang sawang pagpapalaganap ng mga

salita ng Diyos sa buong mundo at patuloy pang ibuhos ng Diyos ang maraming pagtatagumpay at pagpapala sa inyong mga gawain sa kabila

ng nararanasan nating pandemya. Mabuhay po ang Iglesia ni Cristo!

Mula po sa inyong lingkod sampu ng aking pamilya, kami po ay bumabati sa lahat ng kapatiran sa Iglesia Ni Cristo sa buong mundo sa pamumuno ng inyong Tagapamahalang Pangkalahatan na si Kapatid na Eduardo V. Manalo ng isang maligayang pagdiriwang ng inyong ika-107 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia. Tunay na kahanga-hanga ang pagtatagumpay ng INC sa loob ng panahong ito. Nawa ay patuloy kayong gabayan ng Panginoon sa lalo pang mga pagtatagumpay. Mabuhay!

Vice Mayor Aro Mendoza

Sa gitna man po ng pandemya sanhi ng COVID-19, patuloy ang inyong aktibong pagsasagawa ng mga sosyo-sibikong aktibidad na nakatutulong na malaki sa ating mga mamamayan, lalo na sa mga kapus-palad. Bilang lingkod-bayan, nagpapasalamat po kami sa inyo at sa IGLESIA NI CRISTO dahil katuwang namin kayo sa paglilingkod sa ating mga kababayan. Ipinapaabot ko po ang isang taos-pusong pagbati ng MALIGAYANG IKA-107 NA ANIBERSARYO PO! sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo.

Councilor Emy Ladera-Facunla

Isang mainit at mapagpalayang pagbati po sa ika-107 Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo mula sa inyong lingkod na City Councilor Ana A. Aguas, sampu ng

aking pamilya. Kasabay ng pagpapalaganap ng pananampalataya ng Iglesia ni Cristo ay lubos na kumikilala kaakibat ng pagpapatibay ng serbisyo publiko ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng

Tarlac. Mabuhay ang Iglesia ni Cristo!Councilor Ana Aguas

Mapagpalang araw po! Aking pong ipinaaabot ang maluwalhati at malugod na pagbati kasama ng aking

pamilya sa inyong pamunuan at sa lahat ng ating kapatid sa Iglesia ni Cristo sa inyong ika-107 Anibersaryo. Dalangin po namin sa Panginoon na lalo pa po niyang pagpalain ang

Iglesia Ni Cristo at makamit pa po ng Iglesia ang ibayo pang pagtatagumpay sa lahat ng kanyang adhikain. At gabayan nawa ang bawat isa upang lalong magtagumpay sa kabila

man ng pandemya. Muli po, ang aking taos-pusong Pagbati! Councilor Topey Delos Reyes

Isang mapagpalang araw po! Akin pong ipinaabot ang maluwalhati at malugod na pagbati kasama ang Sangguniang Kabataan Pederasyon Lungsod Tarlac sa inyong pamunuan at sa lahat ng ating kapatid sa Iglesia ni Cristo sa pagsapit ng inyong ika-107 Anibersaryo. Dalangin po namin sa Panginoon na lalo pa po niyang pagpalain ang Iglesia ni Cristo at makamit pa po ng Iglesia ang ibayo pang pagtatagumpay sa lahat ng kanyang adhikain. At gabayan nawa ang bawat isa upang lalong matagumpay sa kabila man ng pandemya. Muli po, ang aking taos-pusong Pagbati!

Councilor Genise Anne Delos ReyesCouncilor Genise Anne Delos ReyesPangulo, SK FederationPangulo, SK Federation

Ang akin pong mainit na pagbati sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo sa inyong

pagdiriwang ng ika-107 Anibersaryo ng pagkakatatag ng inyong samahan.

Nawa’y patuloy kayong magtamo ng mga pagtatagumpay.

Councilor Henry De Leon

Sa ngalan ng lahat ng Punong Barangay sa Lungsod ng Tarlac Maligayang Pagbati sa pagdiriwang ng inyong makasaysayang ika-107 taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo

sa mabuting gabay ng Tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Eduardo V. Manalo at ang lahat ng mga Pamunuan

hanggang sa mga Lokal na Sambahan. Manatili nawa po kayong matibay na sandigan ng ating mga kababayan sa

pagpapalaganap ng mga mabuting salita ng Diyos. Mabuhay ang Iglesia ni Cristo!

Councilor Tonton TorresPangulo, Liga ng mga Brgy.

Mula po sa inyong lingkod,isang malugod na pagbati sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa pamumuno ni Ka. Eduardo V. Manalo sa pagsapit ng inyong ika-107 pagdiriwang ng anibersaryo. Nawa’y lalo pa kayong gabayan ng Maykapal sa marami pang pagtatagumpay.

Councilor Ato Chua

Maligayang Pagbati po sa Kapatid na Eduardo V. Manalo at sa lahat ng kaanib sa pagsapit ng Iglesia ni Cristo sa kanyang matagumpay at maningning na ika-107 Anibersaryo, dahil sa pagtatagumpay sa lahat ng inyong mga gawain. Mula sa ating bansa, ngayon ay laganap na sa buong mundo ang Iglesia. Sa gitna man po ng pandemya dulot ng COVID-19, patuloy po ang pagsasagawa ninyo ng mga sosyo-sibikong programa na malaki ang naitutulong sa ating mga kababayan, lalong-lalo na sa mga mahihirap. Bilang lingkod bayan, kinikilala at pinasasalamatan ko po ito dahil matibay po namin kayong katuwang sa pagtupad ng aming tungkulin sa mamamayan. Muli Maligayang Pagbati at Mapayapang Pagdiriwang ng ika-107 Anibersaryo ng Iglesia ni Cristo!

Councilor Peejay Basangan

Hindi maikakaila ninuman na ang Iglesia Ni Cristo ay isang matatag na huwaran ng pagkakaisa at pakikipagkapwa. Sa kanilang mabuting halimbawa, nawa’y magsilbing inspirasyon ang INC sa pamayanan at pamahalaan. Maligayang ika-107 taong anibersaryo po sa inyong lahat mga kapatid sa pamumuno ng Ka. Eduardo V. Manalo.Councilor Ricky Diolazo

Isang malugod na pagbati sa Ika-107 Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo. Dalangin ko po ang inyong pagpapatuloy sa tapat na paglilingkod sa Panginoon, mahal nating bansa at mamamayan. Mabuhay ang kapatiran, mabuhay po ang pamunuan ng INC sa pangunguna ng Ka. Eduardo V. Manalo.

Councilor Roel Quiroz

objectives, having participated in and undertaken numerous activities that greatly contribute in the attainment of goals,” saad ng Resolution No. VIII-28-301. Nakasaad din sa nasabing resolusyon ang mahalagang ginagampanan ng INC na nakapag-aambag sa pagpapalago ng ekonomiya maliban pa sa pagpapa-angat

ng antas ng edukasyon at pagpapalaganap ng disiplina kung kaya’t marapat lamang na pagpugayan ito. Maliban sa resolusyon ay nagpahayag din ng kani-kaniyang indibiduwal na mensahe ang mga miyembro ng konseho upang ganap na maiparating ang kanilang maalab na pagbati sa INC, tulad ng matutunghayan sa ilalim:

Ako po, kasama ang mga opisyales at kawani ng ating pamahalaang lungsod, at gayundin ang lahat ng mga mamamayang Tarlaqueño sa Lungsod ng Tarlac ay malugod na ipinaaabot ang aming taos-pusong pagbati at taimtim na pakikiisa sa selebrasyon ng ika-107 taong anibersaryo ng Iglesia ni Cristo.Lubos po ang aming paghanga na lalo niyo pa pong pinatibay ang pananampalataya at pagkakaisa ng inyong mga kaanib sa gitna ng mga pagsubok na ating kinakaharap sa kasalukuyan bunga ng pandemya. Ito po ang nagsilbing inspirasyon at patunay sa tulad kong isang lokal na lingkod bayan na kaya po nating malampasan ang kahit ano mang pagsubok basta’t lubos ang ating tiwala sa Poong Maykapal. Muli, ang amin pong malugod na pagbati. Mabuhay ang Pinagpalang Kawan!Mayor Cristy Angeles

Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN 33Hulyo 2021

IKALAWANG SERYE NG PULONG PARA SA PANUKALANG LOCAL HOUSING BOARD ORDINANCE

Patuloy na itinataguyod ni Konsehal Emy Ladera-Facunla, tagapangulo

ng Committee on Urban Poor, katuwang si Konsehal Vlad Rodriguez na siya namang tagapangulo ng Committee on Laws, Rules and Good Government, ang kanyang panukala sa pagbubuo ng Local Housing Board (LHB) na nauna na niyang iprinisinta sa mga representante ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP. Partikular na tinalakay sa pangalawang pagpupulong ay ang policy making para sa lilikhaing LHB na siyang mangangasiwa sa mga programang pabahay ng pamahalaang lungsod para sa mga nakatalang informal settlers (IS) dito. Inimbitahan rito sina CPDO head- Arch. Eduardo Quintero, City Engineer Jesus Cawigan Jr., City Assessor Edgardo Cullarin at kinatawan ng CSWDO na si Armida Paderral at kinatawan ng CENRO na si Donna Andrea Nuyles. Naitanong ni Konsehal Emy sa mga panauhin ang tungkol sa kanilang opinyon at mungkahi sa pagsasagawa ng ordinansa na magiging malaking bahagi ng Urban Development Plan ng lungsod. Pahayag ni Arch. Quintero na maganda ang layunin ng ordinansa at ito ay tunay na komprehensibo at nagsabing wala pa ngang housing section ang kanyang tanggapan

kaya naman ang tanggapan ng City Architect ang naiu-ugnay rito. Sabi naman ni Engr. Cawigan na kung maaari ay ipabilang ang tanggapan ng arkitekto sa LHB na sinang-ayunan ni Assessor Cullarin. Ang LHB ay pamumunuan ng City Mayor katuwang ang City Vice Mayor bilang ikalawang tagapangulo kasama ang mga miyembro na bubuuin ng SP Committee on Housing and Urban Development chair; pinuno ng City Planning and Development Office (CPDO); City Engineer; City Assessor; City Treasurer; City Environment and Natural Resources Officer; City Social Welfare and Development Officer; tig-isang representante mula sa PCUP, Department of Human Settlements and Urban Development, at mula sa akreditadong Urban Poor Association sa lungsod; at ang City Architect’s Office. Kaakibat ng pagbuo sa LHB ay ang paglikha sa kanilang tanggapan bilang Local Housing Office na isinasaad din sa panukalang ordinansa na paglalaanan ng sariling pondo na tataguriang Special Housing Trust Fund na siyang magagamit sa pagtatatag sa tanggapan at pondo para sa mga programang pabahay ng pamahalaang lungsod para sa mga walang sariling tahanan at mga IS. Ang naturang pondo ay magmumula sa 0.5 porsiyento ng Real Property Tax na tinaguriang

Socialized Housing Tax base sa Revised Revenue Code of Tarlac City (C.O. No. 018-19), mga pondo na nakatuon sa pabahay at iba pang development programs at sa mga kabayaran o pagmumulta kaugnay sa mga aktibidad na may kinalaman sa programa. Samantala, inalam ng committee chair sa panauhin ang imbentaryo ng relocation sites sa lungsod sakaling ang mga naitalang IS ay palilipatin ng kanilang paninirahan. Tugon ni Arch. Quintero na base umano sa 2018 Comprehensive Land Use Plan ng lungsod, mayroon sa barangay ng Sapang Maragul, tig-dalawa sa barangay San Rafael, Binauganan, Matadero at Buno at mayroon pang ibang lugar na maaaring pagdalhan sa ibang IS. Pahayag ni Konsehal Emy na ito ay upang masiguro na may malilipatan ang mga IS upang hindi na umano maulit pa ang madugong demolisyon ng kabahayan sa mga nagdaang taon. Inalam din ng committee head kung mayroon ding talaan o imbentaryo ng IS ang lungsod at tugon ng mga panauhin na mayroon ngunit pawang hindi pa umano ito kumpleto, bagay na pinatotohanan ni Konsehal Emy dahil ang mga taga-riles ay hindi pa lahat nagpapatala. Idinagdag ni Konsehal Rodriguez na ganito rin umano ang sitwasyon sa ibang nakatira sa may dike. “Objective po kasi

nitong ordinansa ay ang maipatupad ito kaagad upang makatulong sa mga pamilyang maapektuhan upang mapag-tuunan sila ng pansin,” wika niya. “Dapat po ay maisa-ayos ang data banking ng mga IS, upang maisama silang lahat sa programa ng pamahalaang lungsod,” pahayag naman ni Konsehal Emy. Ilan pa sa mga naging katanungan sa pulong ay kung mangangailangan ba ng karagdagang tauhan sa paglikha ng LHB, at tugon ng committee chair na pansamantala ay ang mga kasalukuyang tauhan na gumaganap sa tungkulin na may kinalaman sa pabahay ang siyang ipapabilang dito at kung maaari bang palitan ang pangalan ng City Architect’s Office bilang Local Housing Office at tugon muli ng committee chair na kailangan pang kunsultahin ang tanggapan ng Civil Service at CHRMO sa bagay na ito. Sa paggawa naman ng Implementing Rules and Guidelines para sa ordinansang ito ay kakailanganin umano ng Committee on Urban Development and Housing at Urban Poor ang tulong ng City Legal Office. Mananatili umanong nakabukas ang tanggapan nina Konsehal Emy at Konsehal Rodriguez kung mayroon pang mga maidadagdag na ideya para sa polisiya at maaari umano itong isulat at ipadala sa kanila upang mailahok sa panukalang ordinansa. CHRISTIAN

KONSEHAL LADERA-FACUNLAKONSEHAL LADERA-FACUNLA

Arch. QUINTEROArch. QUINTERO Engr. CAWIGANEngr. CAWIGAN

Assessor CULLARINAssessor CULLARIN Bb. PADERRALBb. PADERRAL

OTHER OUTLETS ENGAGED IN LOCAL MARKET TRADE WHICH ARE OPERATING WITHIN THE TERRITORIAL JURISDICTION OF THE CITY

RESOLUTION NO.VIII-26-277

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY AUTHORIZE THE CITY BUDGET OFFICER, MR. ROMEO J. DE LEON, TO STUDY AND RENDER HIS COMMENTS ON THE PROPOSED APPROPRIATION OF FUNDS FOR THE HONORARIA, BENEFITS AND OTHER EMOLUMENTS OF THE CITY GOVERNMENT’S MEAT INSPECTORS OR MEAT CONTROL OFFICERS WHO ARE RECOGNIZED AS HEALTH WORKERS UNDER THE MAGNA CARTA FOR PUBLIC HEALTH WORKERS, AND THE INCLUSION OF SAID APPROPRIATIONS IN THE FY 2022 ANNUAL BUDGET OF THE CITY GOVERNMENT OF TARLAC

RESOLUTION NO.VIII-26-278

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY AUTHORIZE THE CITY HUMAN RESOURCE MANAGEMENT OFFICER, MS. EMMY LOU S.F SICANGCO-VEGA, TO SUBMIT TO THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD THE PROPOSED PERSONNEL SCHEDULE AND ORGANIZATIONAL STRUCTURE OF THE OFFICE OF THE CITY VETERINARIAN, TO INCLUDE THE NAMES OF PERSONNEL WHO ARE CURRENTLY DETAILED AT THE SAID OFFICE

RESOLUTION NO.VIII-28-297

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY DIRECT THE BUSINESS PERMIT AND LICENSING DIVISION (BPLD) TO UNDERTAKE STRICT MONITORING OF BUSINESS ESTABLISHMENTS OPERATING WITHIN THE CITY AND OTHER NECESSARY MEASURES TO ENSURE STRICT COMPLIANCE TO EXISTING LAWS AND RULES AGAINST LOITERING AND BEGGING WITHIN THE PREMISES OF THEIR RESPECTIVE ESTABLISHMENTS

CITY ORDINANCE NO.VIII-29-018-2021

ENACTING CITY ORDINANCE NO. VIII-29-018-2021, ENTITLED: “AN ORDINANCE CREATING THE TARLAC CITY URBAN DEVELOPMENT AND HOUSING BOARD, DEFINING ITS FUNCTION PURSUANT TO REPUBLIC ACT NO. 7279 AND WITH OTHER LAWS AND ISSUANCES PERTAINING TO URBAN DEVELOPMENT AND HOUSING PROGRAMS OF LOCAL GOVERNMENTS, AND PROVIDING FUNDS FOR THE IMPLEMENTATION THEREOF”

RESOLUTION NO.VIII-29-314

EXPRESSING UNIFIED AND STRONG SUPPORT TO “U.N JOINT PROGRAMME FOR HUMAN RIGHTS IN THE PHILIPPINES” SIGNED BY AND BETWEEN THE PHILIPPINE GOVERNMENT AND THE UNITED NATIONS WITH A VIEW TO IMPROVING FURTHER THE SITUATION OF HUMAN RIGHTS IN THE PHILIPPINES AND TO PROVIDE SUPPORT FOR OUR COUNTRY IN ITS CONTINUED FULFILMENT TO ITS INTERNATIONAL HUMAN RIGHTS OBLIGATIONS AND COMMITMENTS

RESOLUTION NO.VIII-26-275

RESPECTFULLY ENJOINING AND SEEKING THE KIND SUPPORT AND COOPERATION OF THE TARLAC ELECTRIC, INC. (TEI), THROUGH ITS GENERAL MANAGER, ENGR. VITUS ROMERO, BY WAY OF EXTENDING FAVORABLE CONSIDERATION ON AND COMPLYING WITH THE RECOMMENDATIONS OF THE COMMITTEE ON PEACE AND ORDER AND PUBLIC SAFETY, AS STATED IN ITS REPORT, COPY OF WHICH IS HERETO ATTACHED AND MADE AN INTEGRAL PART OF THIS RESOLUTION, RELATIVE TO THE ISSUE ON THE ABRUPT INCREASE IN MONTHLY ELECTRICITY BILLS OF THEIR SUBSCRIBERS/CONSUMERS

RESOLUTION NO.VIII-26-282

APPROVING THE REQUEST OF THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, THEREBY GRANTING HER THE AUTHORITY TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF UNDERSTANDING (MOU), FOR AND ON BEHALF OF THE CITY GOVERNMENT OF TARLAC, WITH THE DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD), REPRESENTED BY ITS REGIONAL DIRECTOR, MARITES M. MARISTELA, CESO III, FOR THE TRANSITION AND

EXITING OF IDENTIFIED SELF-SUFFICIENT HOUSEHOLDS FROM THE PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4PS)

RESOLUTION NO.VIII-28-298

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, IN HER CAPACITY AS CHAIRPERSON OF THE TARLAC CITY IATF, TO KINDLY DIRECT THE CITY HEALTH OFFICE (CHO), THE TARLAC CITY PNP, ALL PUNONG BARANGAYS AND OTHER CONCERNED DEPARTMENT/AGENCY HEADS, TO UNDERTAKE AND RECOMMEND PREVENTIVE MEASURES AMID REPORTS OF CONFIRMED LOCAL INFECTIONS OF THE MORE CONTAGIOUS DELTA VARIANT OF COVID-19 AND THE POSSIBILITY OF ANOTHER SURGE IN INFECTIONS FOLLOWING THE DETECTION OF THE VIRUS IN A NEARBY PROVINCE IN REGION III

RESOLUTION NO.VIII-29-309

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY DIRECT THE CITY HEALTH OFFICE AND ALL PUNONG BARANGAYS OF THE CITY TO UNDERTAKE NECESSARY PREVENTIVE MEASURES, INCLUDING THE CONDUCT OF INFORMATION CAMPAIGNS IN ORDER TO SAFEGUARD THE PUBLIC FROM THE RISK OF LEPTOSPIROSIS INFECTION

RESOLUTION NO.VIII-29-310

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY DIRECT THE CITY ENGINEER, ENGR. JESUS P. CAWIGAN, JR., TO COORDINATE WITH THE DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH), THROUGH THE TARLAC I DISTRICT ENGINEERING OFFICE, IN ORDER TO CAUSE AND FACILITATE THE NECESSARY REPAIR OF THE DAMAGED PORTIONS OF ROAD PAVEMENTS AND ASPHALT OVERLAY ALONG MACARTHUR HIGHWAY, THIS CITY

RESOLUTION NO.VIII-29-311

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY DIRECT THE CITY ENGINEER, ENGR. JESUS P. CAWIGAN, JR., TO UNDERTAKE NECESSARY ACTION AND TO CLOSELY COORDINATE WITH THE DPWH THROUGH THE TARLAC I ENGINEERING OFFICE, FOR THE DECLOGGING OF DRAINAGE CANALS ALONG MACARTHUR HIGHWAY AND OTHER MAJOR THOROUGHFARES, INCLUDING INTERIOR ROADS IN BARANGAYS WHICH ARE PRONE TO FLOODING

RESOLUTION NO.VIII-26-276

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY AUTHORIZE THE HEAD OF THE BUSINESS PERMIT AND LICENSING DIVISION (BPLD), DR. LORINA V. LEDESMA, TO FURNISH THE SANGGUNIAN WITH THE LIST OF ALL MEAT ESTABLISHMENTS LIKE SLAUGHTERHOUSES, POULTRY, DRESSING PLANT, MEAT PROCESSING PLANT, COLD STORAGES, MEAT SHOPS, MEAT MARKETS, GROCERY STORES AND

44

Councilor Topey Delos ReyesSponsor

SP PATULOY SA PAGPASA NG NAPAPANAHONG ALITUNTUNIN

Councilor Emy Ladera-FacunlaSponsor

Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN Hulyo 2021

Councilor Jojo BrionesSponsor

55

Councilor Ana AguasSponsor

RESOLUTION NO.VIII-27-285

RESPECTFULLY ENJOINING AND SEEKING THE KIND SUPPORT AND COOPERATION OF THE TARLAC CITY WATER DISTRICT – PRIMEWATER, THROUGH ITS GENERAL MANAGER, ENGR. ARIS BALLESTEROS, BY WAY OF EXTENDING FAVORABLE CONSIDERATION ON, AND COMPLYING WITH, THE RECOMMENDATIONS OF THE COMMITTEE ON PEACE AND ORDER AND PUBLIC SAFETY, AS STATED IN ITS REPORT, A COPY OF WHICH IS HERETO ATTACHED AND MADE AN INTEGRAL PART OF THIS RESOLUTION, RELATIVE TO THE ISSUE ON THE ABRUPT INCREASE IN MONTHLY WATER BILLS OF THEIR SUBSCRIBERS/CONSUMERS

RESOLUTION NO.VIII-27-292

APPROVING THE REQUEST OF THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, THEREBY GRANTING HER THE AUTHORITY TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA), FOR AND ON BEHALF OF THE CITY GOVERNMENT OF TARLAC, WITH THE DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD), REPRESENTED BY ITS REGIONAL DIRECTOR, MARITES M. MARISTELA, CESO III, FOR THE IMPLEMENTATION OF THE SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM (SFP) IN THE CITY

RESOLUTION NO.VIII-27-293

APPROVING THE REQUEST OF THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, THEREBY GRANTING HER THE AUTHORITY TO INTER INTO AN AMENDED DEED OF DONATION, FOR AND ON BEHALF OF THE CITY GOVERNMENT OF TARLAC, WITH THE NEW TARLAC REALTY CORPORATION, INC. (“NTRCI”), REPRESENTED BY ITS PRESIDENT, MR. SERAFIN C. DAVID, JR., FOR THE EXTENSION OF THE TIMELINE FOR THE CONSTRUCTION OF GOVERNMENT FACILITIES/OFFICES ON THE DONATED PROPERTY LOCATED IN BRGY. BINAUGANAN, TARLAC CITY

RESOLUTION NO.VIII-28-299

RESPECTFULLY REQUESTING THE HON. MARIA CRISTINA C. ANGELES, CITY MAYOR, TO KINDLY CONSIDER THE CREATION OF A TASK FORCE, TO INCLUDE REPRESENTATIVES FROM THE CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE (CSWDO), THE TARLAC CITY PNP, THE PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE (POSO), AND OTHER CONCERNED DEPARTMENT/AGENCY HEADS, WHICH SHALL BE TASKED WITH THE IMPLEMENTATION OF MEASURES TO ADDRESS THE PROLIFERATION OF BADJAOS AND OTHER MENDICANTS IN THE CITY

RESOLUTION NO.VIII-26-274

DECLARING THE HEREIN LISTED SUPPLEMENTAL BUDGETS FOR FY 2021 OF THE VARIOUS BARANGAYS, ALL OF THE CITY OF TARLAC, AS OPERATIVE IN THEIR ENTIRETY

RESOLUTION NO.VIII-26-281

RESPECTFULLY REQUESTING THE NATIONAL GOVERNMENT, THROUGH THE COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), UNDER THE LEADERSHIP OF COMMISSIONER DR. J. PROSPERO DE VERA, THE

SENATE OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES THROUGH THE SENATE COMMITTEE ON HIGHER, TECHNICAL AND VOCATIONAL EDUCATION, UNDER THE LEADERSHIP OF THE CHAIRPERSON, SENATOR JOEL VILLANUEVA, AND THE HOUSE OF REPRESENTATIVES THROUGH THE COMMITTEE ON HIGHER AND TECHNICAL EDUCATION, UNDER THE LEADERSHIP OF THE CHAIRPERSON, CONGRESSMAN MARK O. GO, TO KINDLY CONSIDER THE PROVISION OF APPROPRIATIONS TO INCREASE THE BUDGETARY ALLOCATION FOR TARLAC STATE UNIVERSITY AND OTHER STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

RESOLUTION NO.VIII-28-295

DECLARING THE ANNUAL BUDGET FOR FY 2021 OF BARANGAY SAPANG MARAGUL, THIS CITY, IN THE AMOUNT OF P10,334,579.00, AS OPERATIVE

IN ITS ENTIRETY

RESOLUTION NO.VIII-28-296

DECLARING THE HEREIN LISTED ANNUAL BUDGETS FOR FY 2021 OF THE VARIOUS BARANGAYS, ALL OF THE CITY OF TARLAC, AS OPERATIVE IN THEIR ENTIRETY

RESOLUTION NO.VIII-29-304

DECLARING THE HEREIN LISTED ANNUAL BUDGETS FOR FY 2021 OF THE VARIOUS BARANGAYS, ALL OF THE CITY OF TARLAC, AS OPERATIVE IN THEIR ENTIRETY

CITY ORDINANCE NO.VIII-29-015-2021

ENACTING CITY ORDINANCE NO. VIII-29-015-2021, ENTITLED: “AN ORDINANCE APPROVING THE APPLICATION OF MS. LEVY CABUCANA, REPRESENTED BY MR. BERNARDO ABRIL, FOR THE RECLASSIFICATION OF THE PARCELS OF LAND LISTED HEREIN, ALL LOCATED AT BARANGAY MATATALAIB, TARLAC CITY, COMPRISING A TOTAL AREA OF 13,971 SQUARE METERS, FROM AGRICULTURAL TO RESIDENTIAL USE”

CITY ORDINANCE NO.VIII-29-016-2021

ENACTING CITY ORDINANCE NO. VIII-29-016-2021, ENTITLED: “AN ORDINANCE CREATING THE TARLAC CITY BUSINESS AND LICENSING OFFICE (BPLO), AND SPECIFYING THE FUNCTIONS THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES”

CITY ORDINANCE NO.VIII-29-017-2021

ENACTING CITY ORDINANCE NO. VIII-29-017-2021, ENTITLED: “AN ORDINANCE CREATING THE POSITIONS OF SIX (6) NURSE III, SG 17/1, UNDER THE CITY HEALTH OFFICE, PRESCRIBING THE QUALIFICATIONS, DUTIES AND FUNCTIONS, AND PROVIDING APPROPRIATIONS FOR THE PAYMENT OF THE SALARIES, BENEFITS AND OTHER COMPENSATION THEREOF”

RESOLUTION NO.VIII-29-313

RESPECTFULLY ENJOINING THE LUISITA REALTY CORPORATION TO SOLICIT THE SUPPORT OF THE LOCATORS IN THE LUISITA INDUSTRIAL PARK (LIP), AS WELL AS OTHER INVESTORS WITH COMMERCIAL AND INDUSTRIAL ESTABLISHMENTS IN THE AREA, INCLUDING SOLAR PHILIPPINES CENTRAL LUZON CORPORATION AND AYALA LAND INC., TO JOINTLY UNDERTAKE AND FINANCE THE INSTALLATION OF SOLAR LIGHTS, ESPECIALLY ALONG THE ROAD LEADING TO DON PEPE COJUANGCO HOMES (DPCH), AS PART OF THEIR CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY, IN SUPPORT TO THE CITY GOVERNMENT’S PROGRAM ON ILLUMINATION OF ROADS, FOR THE BENEFIT AND WELFARE OF THE GENERAL PUBLIC

RESOLUTION NO.VIII-26-279

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES

TO THE BEREAVED FAMILY OF THE LATE MR. BRYAN B. LOPEZ, A CITY GOVERNMENT EMPLOYEE ASSIGNED AT THE TARLAC CITY RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE (CDRRMO), WHO PASSED AWAY ON JULY 05, 2021, AT THE AGE OF 33 YEARS OLD

RESOLUTION NO.VIII-26-280

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE LATE MR. EDWIN V. GUMAPAC, A CITY GOVERNMENT EMPLOYEE ASSIGNED AT THE TARLAC CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE (CSWDO), WHO PASSED AWAY ON JULY 05, 2021, AT THE AGE OF 55 YEARS OLD

RESOLUTION NO.VIII-27-286

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE AUNT OF HON. VLADIMIR S. RODRIGUEZ, THE LATE MRS. ERNESTINA SAN PEDRO FAJARDO, WHO PASSED AWAY ON JULY 11, 2021 AT THE AGE OF 89 YEARS OLD

RESOLUTION NO.VIII-27-287

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE LATE MR. ROBERTO “BET” V. NIDERA, FORMER PUNONG BARANGAY OF STA. CATALINA, TARLAC CITY, WHO PASSED AWAY ON JULY 06, 2021 AT THE AGE OF 74 YEARS OLD

Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN

JOINTRESOLUTIONS

Hulyo 2021

Councilor Vlad RodriguezSponsor

66 Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN

RESOLUTION NO.VIII-27-288

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE LATE HON. JECI “BONG” AQUINO LAPUS, FORMER CONGRESSMAN OF THE 3RD DISTRICT OF TARLAC, WHO PASSED AWAY ON JULY 11, 2021 AT THE AGE OF 68 YEARS OLD

RESOLUTION NO.VIII-27-289

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE BROTHER-IN-LAW OF HON. ROEL P. QUIROZ, THE LATE MR. AVELINO S. MENOR, JR., WHO PASSED AWAY ON JULY 05, 2021 AT THE AGE OF 51 YEARS OLD

RESOLUTION NO.VIII-27-290

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE LATE MR. DOMINADOR “ADOR” V. QUIRANTE, A RETIRED CITY GOVERNMENT EMPLOYEE AND FORMER PRESIDENT OF THE TARLAC CITY EMPLOYEE’S UNION, WHO PASSED AWAY ON JULY 10, 2021 AT THE AGE OF 74 YEARS OLD

RESOLUTION NO.VIII-27-291

COMMENDING AND CONGRATULATING LGOO VI ENGR. ROBERT C. DIOLA, CITY LOCAL GOVERNMENT OPERATIONS OFFICER, DILG – TARLAC CITY, FOR BEING RECOGNIZED AS 1ST PLACE AWARDEE FOR TOP PERFORMING FIELD OFFICER OF THE DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT DURING THE DILG TARLAC PROVINCIAL CONFERENCE HELD ON JULY 08, 2021

RESOLUTION NO.VIII-28-300

CONVEYING WARM CONGRATULATIONS AND COMMENDATION TO ALEXANDRA “ALEX” MANIEGO EALA FOR WINNING THE TWIN TITLE IN THE RECENTLY CONCLUDED 2021 JA MILAN GIRLS’ SINGLES AND DOUBLES CHAMPIONSHIP HELD ON JULY 18, 2021 AT THE TENNIS CLUB MILANO ALBERTO BONCOSSA IN MILAN, ITALY, PLACING HER AS THE NO. 2 RANKED PLAYER IN THE INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION (ITF) RANKINGS

RESOLUTION NO.VIII-28-301

CONVEYING WARM GREETINGS AND CONGRATULATIONS TO THE

Hulyo 2021

IGLESIA NI CRISTO ON THE OCCASION OF ITS 107TH CENTENNIAL YEAR/FOUNDING ANNIVERSARY ON JULY 27, 2021

RESOLUTION NO.VIII-29-305

CONVEYING WARM FELICITATIONS AND BIRTHDAY GREETINGS TO THE HONORABLE ROEL PATDU QUIROZ, CITY COUNCILOR, ON THE OCCASION OF HIS NATAL DAY ON JULY 30, 2021

RESOLUTION NO.VIII-29-306

CONVEYING WARM CONGRATULATIONS AND COMMENDATION TO STAFF SERGEANT HIDILYN FRANCISCO DIAZ FOR MAKING HISTORY BY WINNING THE FIRST OLYMPIC GOLD MEDAL AND FOR SETTING THE OLYMPIC RECORD FOR THE PHILIPPINES IN THE WOMEN’S 55KGS CATEGORY FOR WEIGHTLIFTING DURING THE 2020 SUMMER OLYMPICS HELD IN TOKYO, JAPAN

RESOLUTION NO.VIII-29-307

CONVEYING WARM CONGRATULATIONS TO HIS EXCELLENCY, PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE, FOR HIS SUCCESSFUL STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) AND FOR HIS INCOMPARABLE LEADERSHIP AND ACCOMPLISHMENTS AS THE 16TH PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

RESOLUTION NO.VIII-29-308

CONVEYING SINCERE SYMPATHY AND HEARTFELT CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY OF THE LATE MR. FLORENTINO MALLARI, FORMER PUNONG BARANGAY OF BARANGAY ALVINDIA, THIS CITY, WHO PASSED AWAY ON JULY 24, 2021

RESOLUTION NO.VIII-29-312

CONVEYING SINCERE APPRECIATION AND GRATITUDE TO THE TARLAC STATE UNIVERSITY, THROUGH DR. MYRNA Q. MALLARI, TSU PRESIDENT, FOR EXTENDING THEIR VALUABLE SUPPORT AND ASSISTANCE BY WAY OF ALLOWING THE CITY GOVERNMENT TO UTILIZE THE TSU GYMNASIUM AS AN ALTERNATE VACCINATION HUB/FACILITY FOR RESIDENTS OF THE CITY

PICPA BUMISITA SA SANGGUNIANBumisita sa Sangguniang

Panlungsod (SP) ang mga opisyal at miyembro ng

Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) – Tarlac Chapter sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Antonino Ferrer upang maipakilala ang kanilang samahan. Sila ay malugod na tinanggap ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza at inalam mula sa mga ito ang layunin ng kanilang grupo na kinabibilangan din nina City Accountant Roland Domingo at City Budget Officer Romeo De Leon. Kasamang bumisita ang ibang PICPA officers na sina Maria Teresa Agustin, Primitivo Galang, Benedict Siron, Abet Basilio, Elvin Jash Ibarra, Romulo Daneg at Lito Melegrito. Sinabi ni Ferrer na tulad ng ibang organisasyon, layunin nila ang makatulong sa mga kababayang nangangailangan. Sa pamamagitan ng sariling pondo ng PICPA ay nakapagbigay ng tricycle sa kamag-anak ng kanilang kasapi, suporta sa mga nagre-review para sa CPA board exams, uniporme sa Technical Education and Skills Development Authority trainees, at computer units sa mga paaralan. Ikinagalak ito ni VM Aro at nagpahayag na: “Binabati ko po ang

inyong grupo sa inyong mga nagawa at mga gagawin pang proyekto. With all due respect and humility, way back in 1988 nang simulan ko po ang aking political career at marami po tayong nakasamang CPAs, gaya nina Accountant Domingo and Budget Officer De Leon sa mga administrasyon kung saan kapag tungkol sa pondo ang usapin ang lahat ay naging maayos, lalo na po sa pagpasok ng Angeles administration, ang lahat po ay naging positive.” Ibinahagi pa ni VM Aro ang isang magandang panukalang proyektong kabibilangan ng pamahalaang lungsod, na kamakailan ay tinunghayan nila sa isang presentasyon, na naglalayong pagandahin ang Ninoy Aquino Blvd. partikular ang lugar ng dating Uniwide, kung saan itatayo ang tatlong palapag na Tarlac City Commercial Hub. “Ito po ay makapagbibigay ng panibagong job opportunities sa ating mga kababayan kaya we support our chief executive on this joint venture kung saan kakailanganin po namin ang kaisipan ninyo para dito,” dagdag ni Vice Mayor Aro. Bago matapos ang pagu-usap ay nagpahayag ng suporta sa isa’t-isa ang SP at PICPA. CHRISTIAN

MALUGOD NA TINANGGAP NI VICE MAYOR ARO ANG MGA OPISYAL NG PICPA TARLAC CHAPTER SA KANILANG PAGBISITA SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD.

77Ang SANGGUNIANSANGGUNIANHulyo 2021

MGA USAPIN, TINALAKAY SA COMMITTEE MEETING

Tatlong mahahalagang paksa ang tinalakay sa committee meeting ng

Laws, Rules & Good Government na pinamumunuan ni Konsehal Vlad Rodriguez kasama ang mga Konsehal na sina Topey Delos Reyes at Emy Ladera-Facunla. Ito ay ang pagbabagong gagawin sa Business Permits and Licensing Division (BPLD) upang gawing ganap ng departamento ng pamahalaang lungsod, ang paggawa ng panibagong mga posisyon sa tanggapan ng City Health Office at ang pagpapalit ng pangalan ng Sitio Paquillao. Sa unang paksa ay naimbitahan si kasalukuyang BPLD head- Dr. Lorina Ledesma at City Human Resource Office head Emylou Sicangco-Vega at sina Atty. Joselito Castro at Dennis Lumboy ng City Legal Office bilang resource persons. “It’s been long overdue para po sa BPLD to be a city government department dahil sa laki ng naging ambag nito sa pagtatagumpay ng pamahalaang lungsod at isa pa po, nasa 20 taon na rin pong namamahala dito si Dr. Ledesma,” pahayag ni Konsehal Rodriguez. Ayon kay Vega, si Dr. Ledesma ang gumawa sa karamihan ng pagsasaliksik para sa panukalang pagbabago ng kanilang tanggapan kung saan ihahalintulad ito sa ilang lungsod na departamento na ang BPLD gaya ng Balanga. Dagdag pa nito na ipa-prioritize muna sa ngayon ang paggawa sa BPLD department head position kasunod ng pagbabago ng naturang tanggapan kung saan ang detailed personnel dito ay pormal nang mapapabilang sa gagawing sarili nitong organizational chart at ang bawat posisyon ay may katapat ng pondo. Sa pagbubuo ng BPLD department, ang mga posisyon para rito ay mayroong kalakip na kwalipikasyon kaya tanong ni Konsehal Vlad kung kwalipikado ba ang mga kasalukuyang tauhan nito at tugon ng CHRMO head na naniniwala siyang kwalipikado naman ang mga ito ngunit kailangan pa rin nilang magbukas ng pagkakataon sa publiko upang makapag-apply sa mga bakanteng posisyon ng babaguhing tanggapan. Mungkahi ni Konsehal

Emy na dapat ay mag-sumite na rin ng kanilang budget proposal para sa mga tauhan ang BPLD upang mapaglaanan ito ng mga pondo sa susunod na annual budget. Mungkahi naman ni Konsehal Topey na magsama sa kanilang hanay ng inspection team o officer at tugon ni Dr. Ledesma na maaari naman itong idagdag kung papaburan ng punong lungsod. Nagpasalamat naman si Dr. Ledesma kay Konsehal Vlad dahil siya rin umano ang nag-mosyon upang gawing dibisyon ang BPLD noong 2015 at nasaliksik na rin niya ang mga tungkulin ng isang BPLD head kung saan pinaka-una rito ay ang pamunuan ang kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng maagap o pro-active na mga aktibidad. Batay sa Local Government Code, may kapangyarihan ang Sangguniang Panlungsod na baguhin ang isang tanggapan at gawin itong isang ganap na departamento sa bisa ng isang ordinansa. Sumunod na tinalakay ay ang paggawa ng anim na bagong Nurse 3 positions sa CHO upang mabigyang pagkakataon ang mga matagal nang nagsilbing Nurse 2 sa naturang tanggapan gayundin ang iba pang kwalipikadong aplikante sa mga nasabing posisyon. Katanungan lamang ni Konsehal Vlad ay kung ito ba ay nai-sangguni na sa budget office para sa paglalaan ng pondo at tugon ng CHRMO head na natalakay na umano ito at maaaring gawan ng paraan na kung hindi man ngayon ay hanggang sa susunod na taon. Pahayag naman ni Konsehal Topey na napapanahon na rin umano ito dahil hindi na lingid sa madla ang ginagawang sakripisyo ng CHO nurses upang gumanap na front liners laban sa Covid-19 at ang pagkakataong ito ay pawang pasasalamat na lamang sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho. “Nais rin po naming pasalamatan si Mayor Cristy sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod,” wika ng Konsehal. “Tama po ito at we always support the advocacies of Mayor Cristy especially regarding

po sa welfare ng employees,” pagsang-ayon ni Konsehal Vlad. Huling tinalakay ay ang panukala sa pagpapalit ng pangalan ng Sitio Paquillao na bahagi ng barangay ng Care na isinulong ng tribal members nito sa provincial office ng National Commission on Indigenous People. Naimbitahan sa pulong si Engr. Marsyal Lengao na mula sa naturang tanggapan. Ayon kay Lengao, naglabas ng resolusyon noong Setyembre 2020 ang tribong Abeling mula sa sitio Paquillao bilang sitio Rodolfo Rivera Sr. Ito umano ay bilang pagpupugay sa dating tribal leader na maparaan, magiting, masipag at mapagtanggol na pinuno ng Abeling, upang hindi makaligtaan ng mga susunod na henerasyon ang alaala ng isang mahusay na pinuno at magsilbing ehemplo ito sa kanila. Ayon sa legal officer, kailangang konsultahin ng tribal

council ang National Historical Commission of the Philippines upang makasiguro na ang papalitang pangalan ay walang cultural, historical, at ethnic significance bago ito baguhin. Kakailanganin din umano na kumuha sila ng resolusyon ng pag-endorso mula sa barangay council ng Care na kinabibilangan ng naturang sitio at ang panukala ng tribal council ay dapat ring ihayag sa pamamagitan ng public hearing. Ang plebesito o botohan sa pagbabago ng pangalan ay maaaring hindi na umano kailanganin dahil pangalan lamang ng isang sitio ang papalitan at hindi ng barangay o bayan. Sa pagtatapos ng pulong, pinayuhan ng komitiba ang panauhin na isagawa na ang mga nabanggit na kakulangan upang sa lalong madaling panahon ay maisakatuparan na ang kanilang mithiin sa pagpapalit ng pangalan ng kanilang sitio. CHRISTIAN

KONSEHAL LADERA-FACUNLAKONSEHAL LADERA-FACUNLA

KONSEHAL RODRIGUEZKONSEHAL RODRIGUEZ

KONSEHAL DELOS REYESKONSEHAL DELOS REYES

Dr. LEDESMADr. LEDESMA ATTY. CASTROATTY. CASTRO

CHRMO Head SICANGCO-VEGACHRMO Head SICANGCO-VEGA

88 Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN Hulyo 2021

QUARRY TRUCKS DAHILAN NG PAGKASIRA NG KALSADA– DPWH

Dumulog ang tanggapan ng DPWH Tarlac I District Engineering sa isinagawang

executive session ng Committee on Environment na pinamumunuan ni Konsehal Diosdado Briones upang iparating ang kanilang hinaing tungkol sa umano’y pagkasira ng aspalto sa ilang bahagi ng Manila North Road sa may Barangay Salapungan dahil sa mga dumadaang quarry truck mula sa Tarlac River. Ang pulong ay bilang tugon sa liham ni Mayor Cristy Angeles na nauna nang nilapitan ng ahensiya na humihiling ng pagsuporta ng konseho sa gagawing hakbangin ng pamahalaang lungsod patungkol sa naturang suliranin at isa umano sa posibleng hakbangin ay ang pagpapasara sa mga kalsadang dinaraanan ng quarry trucks. Kabilang sa hanay ng DPWH Tarlac na nakipag-pulong sa pamamagitan ng ZOOM online conference sina Engr. Pacifico Catalan Jr. at dalawang kasamahan nito bilang mga kinatawan ni District Engineer Erelina Santos. Naroon din si Ferdinand Cabeso Sr. ng DENR-PENRO Tarlac at DILG-CLGOO Engr. Robert Diola. Personal namang dumalo sina Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza, mga Konsehal na sina Emy Ladera-Facunla, Ana Aguas, Henry De Leon, Liga ng mga Barangay President Winston Torres, SK Federation President Genise Anne Delos Reyes at City Administrator- Atty. Numer Lobo.Naitanong agad ni Konsehal Briones kung responsibilidad ba ng DPWH ang mga dumadaang overweight vehicles at tugon ng mga representante na wala silang police power upang pagbawalan ang mga quarry trucks na karaniwang may kargang buhangin. Ibinaling naman ng Konsehal ang pagtanong kung ang quarry permit ba ay ibinibigay ng DENR at tugon ni Cabeso Sr. na ang permiso ay nanggagaling sa pamahalaang lalawigan ng Tarlac at hindi umano ito maibibigay kung walang kaukulang clearance mula naman sa pamahalaang lungsod. Paglilinaw naman ni Atty. Lobo: “Exclusive po ang quarry permit sa provincial government lalo na ang part ng where, how at who. Ang part po ng city government ay ang regulation ng business.”Humiling si Konsehal Briones ng karagdagang detalye ukol sa clearance na nagmumula sa pamahalaang lungsod at ayon sa administrador, ang

lumalagda umano sa clearance ay ang mga tanggapan ng CPDO, Engineering, CENRO at Task Force Quarry at nakukuha ito gaya ng pagkuha ng business permit. Nagparating din ng kanyang katanungan si VM Aro na may kinalaman sa binabalak na pag-aksiyon ng pamahalaang lungsod sa pagpapasara ng daan.“Are we authorized to adopt a resolution, upon the request of our Mayor, for the closure of the roads leading to quarry sites at Brgy. Salapungan? We chose regulation for this instead. As not to be divided with this issue, hiniling po natin ang pagpupulong na ito sa Kometiba ng Environment upang magkaroon ng gabay sa pagsasara ng daan in accordance with the law.” Sinigundahan ito nina Liga Pres. Torres at Konsehal Jojo sa pagtatanong na kung may otoridad ba ang konseho sa pagpapasara sa quarry gates dahil na rin sa kanilang mandato na dapat umanong pangalagaan ang mga pag-aari ng mga nainirahan sa lungsod.Gayundin ang pahayag ni Konsehal De Leon na “isa lamang ang pinagkukunan ng quarry sa Tarlac and this is Tarlac River, dadaanan ang slope protection ng dike, tapos sa provincial at national road wala ng ibang daanan. Can we possibly adopt a resolution requesting the City Mayor to somewhat close the exit points on McArthur Highway at Brgy. Salapungan?” Tugon dito ni Engr. Diola na kung ibabase sa Sec.16 ng Local Government Code, na kapag ang kapakanan ng mamamayan ang nakataya, may otoridad ang lokal na gobyerno na magsagawa ng kaukulang aksiyon para rito.Agam-agam lamang ng CLGOO na kung maisara nga ang daanan sa Brgy. Salapungan ay dadaan naman ang mga quarry trucks sa may Brgy. Aguso at magiging ganoon muli ang usapin.Gayundin ang tugon ng City Administrator na kung ang kaligtasan at kalusugan ng publiko ang nasa peligro dulot ng usapin tulad ng sa quarry, isa umanong legal na hakbangin ang naturang pagsasara ng daan sa pagdaan ng mga truck. Napag-alaman din na kalakip ng liham ng punong lungsod ay ang mga larawang kuha ng DPWH-Tarlac sa mga nasisirang aspalto sa daan dahil sa quarry trucks maging ang isang liham galing sa mga residente ng Brgy. Salapungan na nagrereklamo tungkol sa

perwisyong dulot ng quarry trucks sa kanilang kalusugan, partikular na ang respiratory diseases. Samantala, muling nagtanong ang committee chair kung sakop ba ng DPWH ang pagma-mantine sa dike at ng slope protection nito at tinugon naman ng tanggapan na sila ang may otoridad at namamahala rito. Naitanong din ni Konsehal Jojo kung ano ba ang partikular na dahilan ng pagkasira ng aspalto sa kalsada at kung ano ba ang tamang kapal nito at tugon ng DPWH na dahil umano sa tubig na nagmumula sa kargang buhangin ng mga quarry trucks at nasa 30 cms. o isang talampakan (12 inches) ang tamang kapal nito. “Kung kayo po ang may responsibilidad sa pag-repair ng slope protection ng dike, may karapatan po kayong huwag padaanin diyan ang mga quarry trucks,” pahayag ni Konsehal Jojo at tugon muli ng DPWH-Tarlac na wala silang police power para dito. Pahayag naman ni Konsehal Ana na kung ang pagbabasehan ng pagkasira ng aspalto ay ang mga tumutulong tubig mula sa quarry trucks ay paano pa kaya ang pagbuhos ng malakas na ulan at bagyo at dapat umano na ang DPWH-Tarlac ay lumiliham sa pamahalaang lalawigan at hindi sa punong lungsod sa kadahilanang ang lungsod ay component city lamang. Sagot ng DPWH na mula pa umano noong 2017 hanggang nitong nagdaang taon lamang ay lumiham na sila kay Gobernador Susan Yap ngunit wala umano silang natatanggap na tugon mula sa punong lalawigan kaya katanungan ng tanggapan kung sino ba ang dapat magbigay kaparusahan sa mga lumalabag na quarry operators.

Naging katanungan naman ni Konsehal Emy na kung sa mga ipinatutupad na regulasyon ng pamahalaang lalawigan, tamang timbang ng ikinakargang buhangin, ang enforcers ba umano ng lungsod ang hindi nagpatupad nito.Tugon ng DPWH na matapos ang taong 2017 ay wala nang naninita sa lungsod sa mga lumalabag na quarry trucks sa mga ibinabang regulations. Sa pagtatapos ng pulong, humiling ang komitiba ng mga rekumendasyon mula sa DPWH-Tarlac, City Administrator at sa CLGOO. “Silipin po ang probations ng regulasyon sa quarry operation at ang mga violations dito gaya ng overweight at pagtatakip ng truck at patawan ng parusa ang mga nagqu-quarry na lalabag dito,” payo ng CLGOO. “Gayundin din po, regulasyon sa mga dadaanan ng quarry trucks,” pahayag naman ng administrador. Humiling pa si VM Aro ng pamamaraan kung paano gagawin ang naturang regulasyon sa mga daanan. “Limitahan po ang kargang buhangin ng mga trucks hanggang 15 cubic-meters upang maiwasan ang paglagpas ng timbang nito at ng kahalo nitong tubig,” ayon naman sa DPWH. “Ang DPWH-Tarlac po ay hindi humihiling na ipasara ang mga daanan ng quarry bagkus ay regulasyon lamang sa operasyon nito sa pamamagitan ng pagpapatupad sa mga pamantayang ibinigay ng pamahalaang panlalawigan. We are trying to avoid conflict between the city and the provincial government sa usaping ito,” pagtatapos ni Konsehal Jojo. CHRISTIAN

KONSEHAL BRIONESKONSEHAL BRIONES

99Ang SANGGUNIANSANGGUNIANHulyo 2021

KILALANG CHINESE GADGET COMPANY NAGPRISINTA NG MGA BAGONG PRODUKTO SA SP

Sa isang executive session na isinagawa ng Information and Communication

Technology Committee na pinamumunuan ni Konsehal Ricky Diolazo, ipinakilala ng Huawei ang kanilang bagong labas na mga kagamitan sa merkado. Ang hanay ng Huawei ay kinabilangan nina B2B Regional Manager Arnel Novesteras, Field Master ng Huawei SM Tarlac na si Jenevie Calma Trinidad, Master Trainer for B2B Elton John Paque, at SL/IT Trainers na sina Ailene Dagatay at Paul Rhian Badon. Sa pagbibigay-daan ni Vice Mayor at Presiding Officer Ganaro “Aro” Mendoza sa naturang komitiba, nakiisa siya sa hanay ng konseho upang tunghayan ang pagpapakilala sa mga makabagong produkto ng naturang Chinese company na kilala rin sa buong mundo at kasalukuyang nasa ika-6 na pwesto pagdating sa bilang ng produksiyon ng smart phones. Sa araw na iyon, apat na gadgets ang iprinisinta ng mga panauhin na kinabibilangan ng kanilang Huawei Smart TV,

laptops, desktop monitors at tablets. Pahayag ni Konsehal Jojo Briones na dapat umano ay magamit nila ng aktwal ang mga gadgets upang kanila itong ma-analisa. Ayon sa Huawei presentor, ang kanilang Vision S TV ay Zoom capable na nababagay umano sa mga pagpupulong ngayong may pandemya, mayroon itong progressive 1080 clarity lalo na sa video calling, 120hz refresh rate at 92% color accuracy, bottom speakers para sa surround sound experience, game distribution at 1 up casting at mayroon na ring camera para sa groupies. Sa kanilang laptop line, nariyan umano ang Mate book digital series na kinabibilangan ng Mate D series para sa entry level, Mate book 14 na midrange level at ang Mate book EX Pro na high-end level. Ang kanilang EX Pro ay mayroong keyboard integrated camera, fast cool down system, multi-screen collaboration para sa mobile phones at laptop.

Ang kanilang monitors, partikular na ang Mate View GT, ay nakatuon sa gamers at stock market enthusiast community dahil sa 3k resolution nito na may kalakip na 165hz refresh rate at sariling speakers at soundboard.Pagdating sa tablets, nariyan ang Mate Pad na WiFi capable at ang Mate Pad T10s na WiFi at LTE sim compatible. Sa pagbanggit ng tablets, naihayag ni Konsehal Ana Aguas ang tungkol sa ipinamahaging Huawei tablets sa 632 city government scholars kamakailan na nagkaroon umano ng issue ng pag-init at hindi magamit kaya naapektuhan umano ang online-classes ng mga ito at naitanong ng konsehal sa panauhin kung maari ba itonng palitan. Tugon ng Huawei na ang kanilang mga produkto ay dumaan sa mga certifications at quality standard kaya maasahan ang maayos na performance nito at ang pag-init umano ng units ay nakadepende sa paggamit ng cosumer at kung ang units ng mga scholars ay under warranty pa, pwede umano itong dalhin sa

kanilang service centers. Naitanong ni Konsehal Ricky kung saan matatagpuan ang kanilang service center na malapit sa lungsod at tugon ng panauhin na pinakamalapit ay ang Memo Express sa SM Clark ngunit maari nilang ipadala ito sa pamamagitan ng Memo Express sa SM City Tarlac. Tanong naman ni Liga ng mga Barangay President Winston Torres kung bakit mas mura sa online shops ang produkto ng Huawei kaysa sa mga nabibili sa malls at tugon nito na dahil umano ang online sellers ay direktang kumukuha sa warehouses samantalang ang nasa malls ay nagbabayad pa ng mga buwis at iba pang charges. Sa pagtatapos ng pulong, pasasalamat ang ipinaabot ni Vice Mayor Aro sa mga bisita at humiling ng kanilang tulong hinggil sa mga kagamitang tablets na ipinamigay sa city scholars na binanggit ni Konsehal Aguas at makakaasa naman umano rito ang konseho ayon sa Huawei representatives. CHRISTIAN

KONSEHAL DIOLAZOKONSEHAL DIOLAZO

ANG MGA KINATAWAN NG HUAWEI NA NAGLAHAD NG KANILANG PRODUKTO AT SERBISYO SA ISINAGAWANG EXECUTIVE SESSION.

1010 Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN Hulyo 2021

ORDINANSA SA PAGLIKHA NG KOMPREHENSIBONG ALITUNTUNIN SA MEAT INSPECTION, PANUKALA NI KONSEHAL EMY

Regulasyon sa pagbebenta ng ligtas na karne sa lungsod, ang

pagpapanatili ng kalinisan sa mga bahay-katayan o slaughterhouses, kaayusan sa pangangalakal ng mga hayop, paglikha ng mangangasiwa at aantabay sa mga sakit na nakaka-apekto sa mga hayop at mamamayan (zoonotic diseases), at iba pang layunin para sa kabutihan ng paghahayupan ang ilan sa mga nais maisakatuparan ng isinusulong na ordinansa ni Konsehal Emy Ladera-Facunla. Sa pagpupulong ng komitiba ng Market, Slaughterhouse & Economic Enterprises, na pinamumunuan ni Konsehal Emy, binusisi ang panukala sa tulong nina Konsehal Vlad Rodriguez (via Zoom), City Veterinarian- Dr. Ponciano Noel Soliman III at Veterinarian IV- Dr. Gian Canlas, City Cooperative & Economic Enterprise Development Officer (CEEMO)- Dr. Mina Tañedo, Atty. John Bautista ng City Legal Office (via Zoom) at Jesse Alejandrino – Senior Meat Inspector upang mas maging epektibo ang pagpapatupad nito. Ang pagsasagawa ng komprehensibong alituntunin at regulasyon sa pagsusuri ng karne ang layunin ng panukala at siyang ipapalit sa nauna nang City Ordinance No. 008-06 at 010-06. Kalakip nito ay ang pagbubuo sa Tarlac City Meat Inspection Service (MIS) na siyang maniniguro at magpapatupad sa mga alituntunin kaugnay sa ligtas at de-kalidad na karneng produkto sa lungsod at ang pagkilala sa mga manininda at mangangalakal ng mga ito alinsunod sa IRR ng R.A. No. 9296 o ang Meat Inspection Code of the Philippines. Ang MIS ay pamumunuan ng City Veterinarian at kabibilangan ng Meat Control Officer na siyang pumapangalawa sa pinuno pagdating sa meat inspection, partikular na sa pagtulong sa pagkuha ng lisensiya ng mangangatay (butchers) at manininda ng karne; ng Meat Inspectors na aktwal na susuri sa mga karneng produkto sa

mga pangunahing pamilihan sa lungsod; at Document Checker na mangangasiwa sa mga dokumento at papeles sa transportasyon ng mga hayop. Mungkahi ni Dr. Soliman at Alejandrino na dapat idagdag dito ang Meat Branders na siyang magbibigay ng kaukulang tatak ng pagkasuri sa mga ibebentang produktong karne. Samantala, tinalakay din sa pulong ang kasalukuyang kalagayan ng tauhan sa City Veterinary Office. Ayon kay Dr. Soliman, mayroong 18 trained meat inspectors ang kanyang tanggapan sa kasalukuyan ngunit 14 sa mga ito ay nalipat sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, at tatlo lamang sa mga ito ang nagsasagawa ng meat inspection kabilang na si Alejandrino. Dahil umano sa kaunting bilang ng tauhan ay nahihirapan silang sumabay sa mga kahilingan ng iniaatas na trabaho kaya ang pagsasa-ayos sa sistema ng meat inspection na bahagi ng panukalang ordinansa ay magiging malaking tulong sa kanila dahil posibleng maragdagan ang kanilang workforce. “Mas mainam po siguro na gawing Meat Inspection System of 2021 ang titulo ng ordinansa,” pahayag ng city veterinarian na sinang-ayunan naman ng committee head. Ang ordinansa umano ang magiging gabay ng kanilang tanggapan para sa pag-oorganisa ng kanilang mga tauhan at sa mga magiging katungkulan ng mga ito sa pagsasagawa ng kani-kanilang mga gampanin. “Kailangan po itong mabigyan ng kinauukulang pondo na dapat ay maging bahagi na ng annual budget ng pamahalaang lungsod na atin pong itataguyod sa pagpapatupad ng ordinansang ito,” tugon naman ni Konsehal Emy. Sa pagtatapos ng pulong, pahayag ni Konsehal Emy na kung may karagdagan pang nais iparating ang mga panauhin sa pagbubuo sa kanyang panukala ay ipagbigay-alam ito sa kanyang tanggapan upang maisama sa ganap na ordinansa. CHRISTIAN

KONSEHAL LADERA-FACUNLAKONSEHAL LADERA-FACUNLA

Dr. SOLIMANDr. SOLIMAN

Dr. TAÑEDODr. TAÑEDO

MAKIKITA SA LARAWAN ANG MGA BUMUBUO SA PAGBALANGKAS NG ALITUNTUNIN PARA SA MEAT INSPECTION.

1111Ang SANGGUNIANSANGGUNIANHulyo 2021

TARLAC NAGHAHANDA SA PAGDATING NG DELTA VARIANT

Sa pag-mosyon ni Konsehal Christopher Delos Reyes, tagapangulo ng Committee on

Health, inanyayahan sina City Health Officer- Dr. Ma. Carmela Go, City Administrator- Atty. Numer Lobo na kinatawanan ni Admin Officer V Jovi Reyes at CDRRMO head Hensel Quiling upang malaman ang isinasagawang paghahanda ng pamahalaang lungsod sa posibleng pagtaas ng Covid-19 Delta variant.Nagbigay ng update ang CHO ukol sa Delta na ang ikatlong variant (Indian) ng Covid-19. Kung paghahambingin umano ang mga variant, ang Alpha ay mayroon lamang transmission rate na 2.9 kumpara sa transmission rate ng Delta na 6 dahil mas mabilis itong makahawa. Sa bansa ay mahigit na sa 100 ang naitalang kaso nito at ang Bulacan at Pampanga ay may tig-1 kaso na mula umano sa mga returning OFWs. Mayroon na ring naganap na local transmission sa Bulacan at 8 na ang tinatayang bilang ng kaso sa Gitnang Luzon. Ang Delta ay makikita lamang sa tinatawag na genome o purposive testing at tanging UP pa lamang ang nagsasagawa sa ngayon kung kaya’t mahihirapan umanong malaman ang tunay na bilang ng kaso. “Darating po talaga ang surge o 3rd wave. Ang ginagawa po natin ay idine-delay lamang ito upang mapaghandaang mabuti,” pahayag ni Dr. Go. Ayon naman kay Reyes, may direktiba si Mayor Cristy Angeles na siyang tagapangulo ng City-IATF, na magpatupad ng mas mahigpit na border control kung saan ang mga papasok ay dapat mag-pakita ng kanilang latest RT-PCR negative result para sa certificate of acceptance. Itinanong ni Konsehal Topey kung paano ang mga nagbabalik na Tarlakenyong OFWs at tugon ng CDRRMO na sila ay ipadi-diretso sa 10-day quarantine at susuriin sila bago gawaran ng certificate of acceptance na tanging ang CDRRMO at City Administrator ang makapagbibigay. Itinanong din ng konsehal kung ilan ang bed capacity ng quarantine facilities ng lungsod at tugon nito na ang Culipat facility ay mayroong 88 bed capacity at on-going pa ang isang building na may 100 bed capacity at added oxygen tanks. “Kailangan po ang intensification sa usual prevention measures. Ipagpatuloy ang pagpapatupad sa minimum health protocols gaya ng physical distancing, wearing of face mask at ang palaging pag-disinfect ng mga kamay, katawan at kagamitan,” paalala ng CHO. Dagdag ni Dr. Go na kailangang dagdagan din ang testing capacity at kung maaari ay magtalaga ng job orders

at contractual employees sa quarantine facilities upang makatulong. Sa kabilang banda, kinumusta ni Konsehal Topey sa CHO ang kalagayan ng vaccination sa lungsod at tugon nito na humigit-kumulang ay nasa 30,000 o 10% ng populasyon ng lungsod ang nababakunahan na mula noong Marso at nasa 12% ang nabigyan ng 2nd dose. Nasa 11,000 umano ang na-ineksiyunan ng Astrazenica at may 11,000 doses din ng Janssen (Johnson & Johnson) ang dumating na kailangang maubos na sa pagtatapos ng Hulyo. Ang pagbili ng pamahalaang lungsod ng karagdagang vaccines ay kasalukuyang nasa negosasyon samantalang ang mga nagpapabakuna ng 1st at 2nd doses ay pinaghiwalay para hindi magkumpulan ang mga tao at maging maayos ang sistema- isa sa TSU gymnasium at sa KAISA hall. Inalam din ni Konsehal Topey ang bilang ng mga ambulansiya ng lungsod na nagagamit sa paghatid ng Covid patients at ang tauhan na nangangasiwa rito at tugon ni Quiling na 3 ang gumaganang ambulansiya na nakalaan bawat isa para sa covid positive, sa covid recovery at ang sa returning OFWs. Sa tauhan ay mayroon ang CDRRMO na mga nakatalaga ng 24 oras, 3 sa gabi at 5 para sa araw. Ayon naman kay Dr. Go, ang mga ambulansiya ng CHO ay matagal na at ginagamit na lamang sa regular patient transport at tanging ang CDRRMO ang may kasanayan sa pagbiyahe ng mga covid patient. Sa contact tracing status naman ng lungsod, isinasagawa ito ng CHO katuwang ng DILG ngunit dahil umano ang nurses din ang nasa vaccination areas, kailangan ng karagdagang tauhan para rito. Nagbigay mungkahi naman si Vice Mayor Genaro “Aro” Mendoza sa CHO na: “Come up with your recommendations po regarding Delta surge upang maipa-abot natin ang inyong concerns sa atin pong Mayor at matugunan. Kami po rito sa SP ang nagsisilbing boses ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod at ng mamamayan. It’s time for a more aggressive program. Sa ngayon po kasi, mas maraming tinatamaang bansa na un-vaccinated at ang mga vaccinated ay mild symptoms lang ang nakukuha, lalo na po yung LGUs na may sariling vaccine procurement.” Itinanong din ni VM Aro kung ang tinatayang bilang na 30,000 bakunado ay sa buong probinsiyang Tarlac na at tugon ni Dr. Go na ang naturang bilang ay sa vaccination areas lamang ng lungsod dahil ang pamahalaang panlalawigan ay may sariling mega vaccination hub.Dagdag ni Vice Mayor Aro na kinakailangan ang proper identification ng vaccinated sa non-vaccinated na

inayunan naman ng CHO ngunit sadyang may ibang mamamayan umano na hindi nagsasabi ng totoo kapag nakaririnig ng mas magandang uri o brand ng bakuna ay sinasamantala ito. May ipina-abot na katanungan kay VM Aro ang ilang mamamayan tungkol sa kung may scientific o medical explanation ba sa mabilis na mutation ng virus dahil sa mga natuklasang variants at tugon ng CHO na wala pang direktang kasagutan para sa nasabing tanong ngunit isa umano sa maaaring dahilan ay ang pagkakaiba ito sa mga naunang karamdaman. Tanong naman ni SK Federation President Genise Anne Delos Reyes kung magpapatupad ba ng stricter measures sa curfew hours at liquor ban at tugon ng tanggapan ng administrador na maaaring i-konsidera ito sa lungsod ngunit ang direktiba ay magmumula pa rin sa pamahalaang panlalawigan. Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Konsehal Jojo Briones sa tanggapan ng CDRRMO sa mabilis na pagtugon nito sa kahilingang ambulance transport para sa kanyang anak na nagpositibo sa Covid-19 sa Bacoor, Cavite dahil nais umano nitong ma-quarantine sa lungsod. Nagbigay mungkahi rin si Konsehal Briones ng priority lanes at dedicated personnel para sa mga magpapabakunang senior citizens na iku-konsidera umano ng CHO. Gayundin ang naging pasasalamat ni Konsehal Henry De Leon sa CHO at CDRRMO sa mabilis nilang aksiyon nang siya mismo ay tamaan ng Covid-19 gaya nina Konsehal Briones at Konsehal Roel Quiroz. Naitanong din ni Konsehal De Leon kung may sapat pang pondo ang CHO at ang tungkol sa pasilidad sa Culipat at tugon ni Dr. Go na mayroon pa naman sa kasalukuyan mula sa pamahalaang lungsod at bukod umano sa Culipat Facility ay mayroon din sa Baras-Baras. Pinuri naman ni Liga ng mga Barangay president Winston Torres ang mga miyembro ng IATF, partikular na ang

mga nakatalaga sa vaccination areas at itinanong kung kakayanin ba ng lungsod ang pagdating ng panibagong supply ng bakuna at ang pagdagsa ng nais mabakunahan. Tugon ng CHO na ang tanggapan ay mayroong Team A at B na nagpapalitan sa 2 vaccination hub ng lungsod at sa pagdating ng bagong vaccines, magsasabay na sa vaccination ang 2 grupo katuwang ng TSU volunteer nurses at may posibilidad umano na ipababa sa mga RHU o CHOs ang vaccines upang mas mapadali at mapabilis ang vaccination program. Pahayag naman ni Konsehal Ana Aguas na maraming lumalapit sa kanilang unregistered senior citizens upang maisama sa vaccination list kaya naitanong nito kung tumatanggap pa ng walk-ins at tugon ng CHO na tumatanggap pa rin sila ng senior citizen na walk-in at pinayuhang pumunta sila ng hapon upang hindi mahirapan sa pila dahil mas kaunti na ang tao sa mga oras na ito. Katanungan naman ni Konsehal Vlad Rodriguez kung tumatanggap din ng vaccination referrals ang Red Cross Tarlac Chapter at sa pagkaka-alam umano ng CHO ay nanananggapan ito at Sputnik umano ang available vaccines dito at makikipag-uganayan umano siya rito para sa kahilingang pagbabakuna. Pagsaludo naman ang ipinaabot ni Konsehal Emy Ladera-Facunla sa covid response team ng lungsod at sana umano ay mabigyan pa sila ng karagdagang lakas ng pangangatawan sa paggawa ng kanilang katungkulan. Naitanong ni Konsehal Emy kung may coordination ang CHO at mga lokal na ospital pagdating sa pagbibigay ng death certificate kaugnay ng nabalitang babae na ibinurol umano ng 3 araw na natuklasang namatay pala sa covid. Tugon dito na mayroon namang ugnayan ang mga ospital sa kanilang tanggapan at sinasabi nito via text ang mga pasyente nilang namamatay ng dahil sa covid upang ito ay maasikaso nang tama. CHRISTIAN

Sina City Health Officer- Dr. Carmela Go,CDRRMO Head Hensel Quiling, at Admin. Officer V Jovi Reyes na kumatawan para sa City Administrator's Office na kinapanayam via Zoom Conference ng mga miyembro ng konseho sa pangunguna ng Committee on Health na pinamumunuan ni Konsehal Topey Delos Reyes ukol sa Delta Variant at mga kaganapan laban sa Covid-19.

1212 Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN Hulyo 2021

http://www.sptarlaccity.net

PAGTAAS NG UPA SA PALENGKE, INAALAM

Pinagtuunan ng pansin ni Konsehal Emy Ladera-Facunla, tagapangulo

ng Committee on Market, Slaughterhouse and Economic Enterprises, katuwang si Konsehal Vlad Rodriguez na siya namang tagapangulo ng Committee on Laws, Rules and Good Government ang diumano’y pagtaas ng sinisingil na upa ng pamunuan ng Paliparan Central Market Corporation o Paliparan sa Tarlac City Uptown Public Market (TCUPM) vendors. Isang pagdinig ang isinagawa ng naturang mga komitiba at inanyayahan sina City Economic Enterprise Management Officer (CEEMO) na si Dr. Mina Tañedo, representante ng City Legal Office (CLO) na si Atty. John Bautista, Tresifel Teofilo, Kagawad Edwin Halili at Gng. Imelda ng Chicken Section – TCUPM. Hindi naman nakadalo si Roland Asuncion, Leasing Manager ng Paliparan. Sa pagsalaysay ni Teofilo, tumatayong pangulo ng Chicken Section Association, sila umano ay sinabihan ng pamunuan ng Paliparan na magkakaroon nga ng pagtaas sa upa ng pwesto noong Hunyo kung saan isa-isang ipinatawag ang mga nangungupahan. Verbal lamang at walang pormal na kasulatan ang naging usapan at sa pagpasok nga ng Hulyo ay ipinatupad na ang panukala. Ang dating P12, P24 at P36 na upa bawat araw ay naging umanong P68 hanggang P88 na tataas pa umano kada dalawang taon na pinatunayan ng mga manininda sa dala-dala nilang mga resibo sa binayarang pwesto na ayun umano sa Paliparan

ay dahil sa P12 milyon nitong bayarin sa pamahalaang lungsod maliban pa ang gastusin sa basura at paglilinis. Dagdag dito, hiningan pa umano ng pamunuan ang mga taga-Wet Section ng kanilang security deposit at kung hindi ay ipapa-raffle umano ang pwesto sa ibang nais magtinda. Sa pagkaka-intindi umano ng mga manininda sa Tarlac City Omnibus Market Code 2020 na ang itinakdang presyo ng pwesto ay nasa P20 lamang kada araw at ito ay magkakaroon ng limang porsiyentong pagtaas bawat limang taon. Pangamba nila umano kung paano ang kanilang magiging kabuhayan kung ito ay itataas pa ng pamunuan ng P200 hanggang P500 bawat taon. Paliwanag naman ni Dr. Tañedo na ang arawang upa ng pwesto ay nakabase sa bawat metro-kwadrado (sq.m) at may bahagyang pagkakaiba kung ito ay extension o corner space base sa Market Code. Wala umanong ipinatupad na pagtataas ng presyo sa pwesto ang pamahalaang lungsod at ito ay nananatili sa P10 hanggang P12 per sq.m. at P16 kung ito ay franchise stall. Sa halimbawang pwesto na may sukat na 1.5 sq.m. ang komputasyon ay magiging ganito umano: 1.5 x 1.5 x P10 = P22 / day Tama rin umano ang mga manininda na limang porsiyento lamang ang itataas ng upa ngunit ito ay sa bawat dalawang taon at walang kinakailangang bayarang deposito. Ang pagpapa-raffle umano ng pwesto ay isinasagawa lamang kung ito ay abandonado o forfeited na.

Tanong ni Konsehal Emy sa CLO kung ano ang posibleng maging violations ng pamunuan ng Paliparan sa kanilang isinagawang pagtataas ng upa at tugon ni Atty. Bautista na isa rito ay ang Revocation of Contract, ang violation of City Ordinance na patuon sa nilalaman ng Market Code at ang paglabag sa Philippine law. Sa probisyon umano ng Market Code, ang paglabag ay may katapat na kaparusahan na pagbabayad ng P500 hanggang P1,000 multa o hanggang anim na buwan na pagkabilanggo na tila magaan na parusa at kailangan umanong susugan pa ang kodigo upang magkaroon ito ng ngipin sa pagpapatupad. Ang mga nagpapa-upa na pawang hindi mga taga-Tarlac ay isa ring paglabag maging ang pag-papa-upa sa mga hindi itinakdang pwesto gaya ng estero o bangketa. Isa umanong malinaw na halimbawa ng panggigipit

o harassment ang ginagawa ng Paliparan sa mga manininda na sinang-ayunan ni Kagawad Halili na may pwesto rin sa palengke. Payo ni Atty. Bautista sa mga dumalong manininda na bayaran ang takdang presyo ng upa base sa kodigo at kung ayaw itong tanggapin ng Paliparan ay gumawa sila ng account sa bangko at dito nila ipunin ang mga bayad sa pwesto upang ipakita nila ang kanilang intensiyon na magbayad na mailalaban nila sa husgado. “Sa anumang laban, dapat po united tayo at matibay ang ating paninindigan lalo na po kung tayo ang nasa katwiran. Magbuo po kayo ng inyong asosasyon upang maging matibay ang inyong laban, at kung kami po sa konseho ang inyong magiging boses, umaasa po kami na kayo ay nasa aming likuran sa pakikibakang ito,” mensahe ni Konsehal Emy na positibo namang sinang-ayunan ng mga manininda. CHRISTIAN

KONSEHAL LADERA-FACUNLAKONSEHAL LADERA-FACUNLA KONSEHAL RODRIGUEZKONSEHAL RODRIGUEZ

DR. MINA TAÑEDODR. MINA TAÑEDO G. TRESIFEL TEOFILOG. TRESIFEL TEOFILO

1313Ang SANGGUNIANSANGGUNIANHulyo 2021

PROYEKTO PARA SA AQUINO BLVD TINALAKAY SA COMMITTEE MEETING

Sa isang committee meeting ng apat na komitiba na pinangunahan ng Ways

and Means sa pamumuno ni Konsehal Henry De Leon kasama ang mga komitiba ng Laws, Rules & Good Government na pinamumunuan ni Konsehal Vlad Rodriguez; Market, Slaughter House and Economic Enterprises na pinamumunuan ni Konsehal Emy Ladera-Facunla; at ng Trade & Industry na pinamumunuan ni Konsehal Ricky Diolazo, isang panukalang proyekto para sa ikagaganda ng Aquino Boulevard, partikular ang dating Uniwide area, ang iprinisinta ng isang pribadong developer. Ang pagpupulong ay bilang tugon sa liham na ipina-abot ni Mayor Cristy Angeles sa Sangguniang Panlungsod (SP) hinggil sa pagtatayo ng isang mixed use commercial development hub sa lugar na kinatitirikan ng Uniwide na inilahad ng RU Aquino Construction and Development Corp. sa pangunguna ng may-ari nitong si Engr. Romeo Aquino at ang Legal Counsel nitong si Atty. Sharlyn Lapus. Layunin ng liham ng punong lungsod na humingi ng pahintulot mula sa SP upang makiisa ito sa isang Joint Venture project, bilang kinatawan ng pamahalaang lungsod, katuwang ng naturang construction firm para sa pagtatatayo sa panukalang proyekto. Matatandaan na naipanalo ng pamahalaang lungsod ang pagbawi sa humigit-kumulang anim na ektaryang

lupain na kinatatayuan ng Uniwide sa Ninoy Aquino Blvd., pati na rin ang mahigit sa isang ektaryang gusali na nakatayo rito noong nakaraang taon. Ayon sa panauhin, kung ito ay sasang-ayunan ng SP, maipatatayo nila sa lugar ang isang 3-storey commercial building na may tinatayang lawak na aabot sa humigit-kumulang 80,000 square meters na nakatuon para sa iba’t-ibang layunin at tataguriang Tarlac City Commercial Hub. Ito ay katatampukan ng elevated commercial parking terminals sa magkabilang panig ng gusali, mga covered link bridges, paradahan para sa mga delivery trucks, anim na escalators, dalawang freight at apat na passenger elevators, green roof na may solar panels at sariling waste disposal system gaya ng MRF at isang sewage treatment plant. Nakiisa sa mahalagang pagpupulong na iyon si Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza na humanga sa magandang panukala ngunit nabigla umano siya dahil mabilis umano ang mga kaganapan kung kaya’t humiling siya sa local finance committee ng isang flow chart mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng mga pinagdaanang proseso ng construction firm upang makamit ang naturang proyekto. Sumang-ayon dito si Konsehal Henry na naniniwala umano ang konseho na naipatalastas ng pamahalaang lugsod ang tungkol sa naturang

proyekto ngunit tila walang nakatunggali at tanging ang RU Aquino Construction lamang ang may presentasyon sa araw na iyon. “Please explain to us clearly first the process for the august body to arrive to a decision and give the Mayor the authority to enter into a Joint Venture agreement with RU Aquino Construction and Development Corporation,” hiling ni Vice Mayor Aro. Dapat din umanong siguruhin na walang nilalabag sa DILG Guidelines ang Selection Committee (SC) patungkol sa paggawa ng joint venture agreement. Tinugon naman ito ni City Legal Officer Joselito Castro na ang Joint Venture ay napagtibay noong Oktubre 8, 2015 sa bisa ng City Ordinance No. 008-15 kung saan ang SC na kinabilangan ng mga kinatawan mula sa CPDO, Legal Office, Budget at SP ang binuo para sa pagpili sa kumpanyang magtataguyod ng proyekto. Ipinaliwanag din ng legal officer na ang SC ay tumanggap ng boluntaryo o unsolicited proposal mula sa RU Aquino Construction upang ito ay kanilang pag-aralan at matapos iyon ay nagsagawa ng “Swiss Challenge” kung saan nagbigay sila ng pagkakataon sa ibang developers na pantayan ang panukala ng kumpanya na maaari pa ring tapatan nito ng ibayong proyekto ayon sa isinasaad ng panuntunan ng DILG. Matapos mapili ang pinaka-mainam na developer ay gagawaran umano ito ng certificate of acceptance or non-acceptance ng punong ehekutibo. Kung ito ay mapapaburan, isasagawa na ang Joint Venture agreement kung saan ang magkabilang panig ay dapat magkasundo sa mga tuntunin at mga kundisyon ng kasunduan. Tila iisa naman ang naging tema ng mga konsehal sa kanilang pagtatanong sa developer at kung ang kanilang panukalang proyekto ba ay

magiging kapaki-pakinabang sa lungsod tulad ng kung ito ba ay makapagbibigay ng karagdagang kita at hanap-buhay sa mga mamamayan dahil kung ito ay malulugi, ang sisisihin ng mamamayan sa mga susunod na henerasyon ay ang konseho at hindi ang developers. Tugon ng legal counsel ng developer, ang lugar ay mananatiling pag-aari ng pamahalaang lungsod at ipahihiram lamang ito sa kanila upang maisaayos bilang katuwang at ang investment o pinuhunan ng pamahalaang lungsod sa naturang lugar na hihigit sa P1 bilyon ay maaasahang maibalik sa loob ng 10 taon. Sa pamamagitan din ng proyekto ay maaaring maging convergence o bagsakan ng mga produkto ng iba’t-ibang karatig na lalawigan na siyang mapapalago sa komersiyo at turismo sa lungsod. “The project must be sustainable o pang-matagalan to assure our city of a long-term progress, kaya hiling ko po sa ating local finance committee ang in-depth study of the proposal,” pahayag ni Vice Mayor Aro. “Kami po sa city council, ay nagsagawa na ng preliminary meetings upon receiving the letter of our honorable Mayor,” pahayag naman ni Konsehal Henry. “Ang feasibility study po ng proyekto ay natapos na at bibigyan po namin kayo ng detailed plan kapag ito po ay nakumpleto na,” tugon naman ng RU Aquino Construction legal counsel. “Sana po ang mga na-input today ay mapag-aralang mabuti ng ating selection committee. We should be doing things that is more advantageous to the city government. I-back track po natin ang proseso at sana huwag pong magkaroon ng misinterpretation sa aming mungkahi dahil hindi po kami tutol sa naturang proyekto at nais lamang po naming maisagawa ito ng maayos,” pagtatapos na pahayag ni Vice Mayor Aro. CHRISTIAN

KONSEHAL DE LEONKONSEHAL DE LEON ENGR. AQUINOENGR. AQUINO

1414 Ang SANGGUNIANSANGGUNIAN Hulyo 2021

PANUKALA SA PAGTATAYO NG COMMERCIAL HUB, BINIGYANG LINAWNagsagawa ng serye ng pagpupulong ang Committee on Ways

and Means na pinamumunuan ni Konsehal Henry De Leon, Committee on Market na pinamumunuan ni Konsehal Emy Ladera-Facunla, at Committee on Trade, Commerce & Industry na pinamumunuan ni Konsehal Richard Diolazo hinggil sa pagpasok ng pamahalaang lungsod sa isang joint venture katuwang ang R.U. Aquino Construction and Development Corp. para sa pagtatayo ng Tarlac City Mixed Use Commercial Hub sa kahabaan ng Aquino Blvd. at kinapanayam nila dito ang Joint Venture-Selection Committee (JV-SC) upang bigyang linaw ang usapin. Ang JV-SC ay kinabibilangan nina CPDO head- Arch. Eduardo Quintero, City Legal Officer Joselito Castro, City Treasurer Agnes Torres, City Assessor Edgardo Cullarin at BPLD chief- Dr. Lorina Ledesma. Tanong ng mga miyembro ng konseho kung bakit tila ang R.U. Aquino lamang ang nagsumite ng panukalang proyekto at kung ito ba ay naipagbigay-alam sa iba pang katulad na developers. Tugon ni Arch. Quintero na dahil umano sa pandemya ay karamihan sa mga developers ay nakatuon ang pansin sa mga proyektong may kinalaman sa Covid-19 kung kaya’t mapalad umano ang lungsod na mayroong natirang nais mag-invest sa proyektong ito. Nailathala din umano sa isang pahayagan ang imbitasyon noong Mayo 10-17 para sa bidding.

Trabaho para sa mga Tarlaqueno

Sinabi ni Vice Mayor Genaro “Aro” Mendoza na trabaho ng Sanggunian na masusing pag-aralan ang mga ganitong mga bagay at maraming beses nang napatunayan ng Local Finance Committee na majority ay siya ring bumubuo sa JV-SC ang maayos na pangangasiwa sa aspetong pinansiyal ng pamahalaang lungsod na pinakikinabangan ng mga empleyado tulad ng CNA. “Kampante po ako sa inyong desisyon sa pagpili sa

R.U. Aquino construction at nais ko lamang po malaman kung makapagdudulot po ba ito ng trabaho sa construction at mismong operation para sa mamamayang lungsod na karamihan ay nawalan ng trabaho ng dahil sa pandemya at ito po ang kanilang inaasahan, at kung ibabatay po sa ating batas, dapat 60-70 porsyento sa mga kukuning trabahador ay dapat mula sa Tarlac,” wika ni Vice Mayor Aro. Ayon sa JV-SC head na sa construction phase ay maaari itong makapagdulot ng humigit-kumulang sa 500 hanggang 1,000 trabaho at 60 porsiyento ay para sa mga Tarlakenyo. Dagdag naman ng Legal Officer na sa commercial phase, kung ihahambing ang leasable stalls at sigla ng palengke sa may lawak na 80,000 sq.m at tatlong palapag ng mixed use commercial hub, maaaring maging lima hanggang anim na ulit ang bilang ng maibibigay na hanap-buhay.

Comprehensive Development Plan

Itinanong din ni Vice Mayor Aro kung ang proyekto ba ay kabilang sa Comprehensive Development Plan of 2018 ng pamahalaang lungsod at ang pagkakaiba ng tungkulin ng JV regulatory authority (JVA) sa Project Monitoring Team. Tugon ni Arch. Quintero na hindi direktang nakabilang ang commercial hub sa 2018 CDP ngunit may mga kahalintulad na proyektong nabanggit dito para sa lungsod. Sagot naman ni Atty. Castro na ang JVA ay nakatuon sa mga joint ventures tulad ng sa commercial hub samantalang ang project monitoring naman ay nakatuon lamang ang pansin sa development ng mismong proyekto gaya ng advertising nito at pagbibigay impormasyon ukol dito.

Pinansiyal na kapasidad ng developer

Huli sa naging katanungan ni Vice Mayor Aro ay patungkol sa financial capability ng R.U. Aquino construction at kung bakit nga ito ang napili ng

JV-SC. Naging tugon ng legal officer na sa background ng naturang development firm gaya ng isinaad nila sa kanilang naunang presentation, marami na silang naging malaking proyekto tulad ng tanyag na Crown Legacy Hotel sa lungsod na Baguio at ang minting building ng Banko Sentral ng Pilipinas kaya umano may sapat itong kakayanang pinasiyal na magsagawa ng malakihang proyekto. Sa naunang pahayag ng Legal Counsel ng R.U. Aquino, tinatayang nasa P15 bilyon ang net worth credit capacity line mula sa reputable financial corporation at handa itong mag-invest sa proyekto ng mahigit sa P1 bilyon.

Lugar ng proyekto Sa pagpili ng developer, maganda umano ang potensiyal ng Uniwide na siyang pagtatayuan ng commercial hub ngunit kakailanganin dito ang titulo ng kalupaan at kung wala na ba itong problema. Upang maging transparent umano, tinapat nila ang developers na ang Uniwide ay may nakabinbing kaso mula sa Abatar corporation na siyang nagpapa-upa sa Uniwide matapos itong ibenta sa kanila ng nagdaang administrasyon sa kabila ng pagiging bangkarote ng naturang korporasyon. Inihambing ng Legal Officer ang naging sitwasyon ng JV-SC sa isang babaeng tumatanggap ng mga manliligaw. Sa pagtuklas ng mga manliligaw sa kaunting sabit ng babae ay umaatras ang mga ito, at dito ay tanging ang R.U. Aquino lamang ang nagpursige sa panliligaw kaya sa kanya iginawad umano ng

lungsod ang kasagutan. Katanungan naman ni Konsehal Emy Ladera-Facunla kung matapos ba ang kaso ay may pag-asang mapunta sa lungsod ang kalupaan sa Uniwide at kung ano ang inaasahan ng R.U. Aquino sa lungsod. Tugon ni Atty. Castro na ipinagtatapat lahat ng pamahalaang lungsod ang mga bagay-bagay ukol sa Uniwide, kabilang dito ang mga case numbers at ang kautangan na babayaran at sa ngayon ay patuloy pa umano ang pakikibaka ng Abatar laban sa pamahalaang lungsod. Sa pagpupursige ng R.U. Aquino sa proyekto, ipinakikita nito na magkakaroon ito ng maayos na ugnayan sa pamahalaang lungsod. Naitanong ng committee chair kung ano ang naging basehan ng paggawad sa R.U. Aquino ng 3-year moratorium sa buwis at tugon ng legal officer na sa construction period naman umano ay karaniwang hindi naniningil ng buwis ang pamahalaang lungsod.

Pabatid sa publiko Samantala, ang tungkol sa proyekto ay ipinagbigay-alam sa publiko sa pamamagitan ng isang pagdinig na inorganisa ng komitiba ni Konsehal De Leon kung saan inimbitahan ang pamunuan ng iba’t-ibang lokal na establisimyento at mga sektor na may kinalaman sa pag-nenegosyo. Nakiisa sa pagdulog via Zoom sina Leonardo Cudo- Pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry

KONSEHAL DE LEONKONSEHAL DE LEON

1515Ang SANGGUNIANSANGGUNIANHulyo 2021

PANUKALA SA PAGTATAYO NG COMMERCIAL HUB, BINIGYANG LINAW

(PCCI)-Tarlac Chapter, Antonino Ferrer- Pangulo ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA)-Tarlac Chapter, P/Lt.Col. Modesto Carrera- City Police chief, Betty Lourdes Ragay ng Magic Star Mall, Jericho Quejada ng City Mall Tarlac, at ang representante ng PESO Tarlac City. Dumalo nang personal sina R.U. Aquino Construction legal counsel Sharlyne Lapus, Atty. Joselito, ang JV-SC maging sina CEEMO head- Dr. Mina Tañedo, POSO head- Engr. Godfrey Aquino at kinatawan ng CENRO na si Donna Andrea Nuyles. Sa pagsisimula ay nagpahayag sina Konsehal Ladera-Facunla at Liga President Torres hinggil sa isinagawang pag-aaral patungkol nga sa JV at ang kanilang pagsuporta sa mga programa ni Mayor Cristy Angeles para sa kapakinabangan ng mamamayan.

Pakinabang ng lungsod Muli ring iprinisinta ang magiging anyo ng naturang commercial hub sa mga dumalong panauhin via ZOOM at personal. Agad na nagtanong si G. Roberto Aguirre, Brgy. Secretary ng San Nicolas, ang may sakop sa lugar ng proyekto, kung magiging prayoridad ba ang kanilang barangay. Tugon ni Atty. Lapus na susundin nila ang ordinansa patungkol dito kung saan 60 porsiyento ng manggagawa sa konstruksiyon ay magmumula sa lungsod, partikular na sa Brgy. San Nicolas. Dagdag ni City

Treasurer Torres na bukod sa magiging bahagi ng pamahalaang lungsod na P20 milyon taunan mula sa kikitain ng commercial hub, may kabuuang P8 milyon na paghahati-hatian ng 76 barangay sa lungsod kung saan kalahati nito ay matatanggap ng host barangay na labis ikinatuwa ng dumalong barangay officials. Sa pagkakataong ito, humiling sa developer si Konsehal Emy ng listahan ng maaaring maging trabaho bago ang pagtatayo ng nasabing commercial hub upang mapag-handaan ito ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga pagsasanay tulad ng sa TESDA. Humiling naman ang pangulo ng PICPA Tarlac Chapter ng oportunidad para sa kanilang mga miyembro upang makapagtrabaho sa commercial hub at tugon ng R.U. Aquino na magiging across the board ang employment opportunities ng proyekto para sa mga Tarlakenyo.

Mga paghahanda Nagpaabot ng katanungan si Konsehal Torres sa POSO head na kung sa panahong dumugin umano ang commercial hub ng mga tao, handa ba umano ang kanilang tanggapan sa maaaring idulot na malalang trapiko sa lugar at tugon ni Engr. Aquino na may nakahanda na umano silang traffic management plan para rito. Naitanong din ng Liga President kay COP Flores kung may kahandaan din sa pagpapanatili ng kaayusan sa lugar ang kapulisan ng lungsod at tugon ng hepe na bago pa umano napag-

usapan ang commercial hub ay naipanukala na nila ang pagtatayo ng standard police station sa lugar upang mas mapabilis ang kanilang pagtugon sa anumang insidente at tanging pondo na lamang umano mula sa kanilang main office ang hinihintay. Naglaan na rin ang pamahalaang lungsod, sa pagpahintulot ng SP, ng lawak na 1,500 sq.m. sa lugar din ng itatayong proyekto para sa bagong headquarters ng kapulisan. Kahit umano ang Bureau of Fire Protection at City Health Center ay paglalaanan ng espasyo sa itatayong commercial hub upang mas mapalapit pa sa publiko ang kinakailangang serbisyo. Sa panig naman ng mga lokal na negosyante, inalam ng mga ito kung magkano ang magiging upa sa mga pwesto at kung gaano ito karami na tinugon ni Atty. Lapus na makakapagbahagi umano ng kabuuang 80,000 sq.m. ng leasable area ang commercial hub at ang presyo sa upa naman ay depende sa konsepto ng supply and demand bagama’t magiging balanse umano ang halaga.

Disenyo Naitanong din ni Cudo kung ang commercial hub ba ay Mall type o Wet Market type at tugon ni Atty. Lapus na bagaman ito ay mixed use, mas magiging moderno ang disenyo nito na nakatuon umanong umakit ng mga turista at mamumuhunan, makapag-dulot ng kaunlaran sa lugar at makapaglinang sa mga lokal na negosyo at produkto. Katanungan naman ni Ragay ng Magic Star kung ilang bahagi ang pagsasagawa ng proyekto at kung gaano katagal aabutin ang pagtatapos nito na tinugon ni Atty. Lapus na ito umano ay may two phases kung saan ang phase 1 ay para sa retro-fitting ng nakatayung istruktura o ang Uniwide building at ang pagdagdag ng dalawa pang palapag dito na aabutin ng isa at kalahating taon para makumpleto samantalang ang phase 2 ay para sa pagpapalawak ng lugar kung saan magdaragdag ng mga pasilidad gaya ng indoor parking

areas. Dagdag na katanungan ng Magic Star representative kung may plano umano ang developer sa maaaring pagbabaha sa lugar at tugon ni Atty. Lapus na magkakaroon ng sariling sewage treatment at solid waste management facilities ang itatayong commercial hub. Inalam din ng PICPA Tarlac president kung gaano katagal ang magiging JV sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng R.U. Aquino at tugon ni Atty. Lapus na sa kanilang P1.8 bilyon investment, ang kanilang partnership ay aabot ng 30 taon na may karagdagang 20 taon na ekstensiyon. Itinanong ni Konsehal Ladera-Facunla sa proponent kung may kasiguraduhan ba ang matatanggap na P20 milyon taunan ng pamahalaang lungsod at kung pwede ba itong ilaan sa scholarship program na tinugon naman ni Atty. Lapus na sigurado umano ang halagang tatanggapin ng pamahalaang lungsod at ang para sa edukasyon ay maaaring i-konsidera sa kalaunan dahil ang proyekto ay uusad kasabay ng pag-unlad ng lungsod. Tanong ni Konsehal Torres kung gaano karami ang magiging espasyong mauupahan sa commercial hub at kung magkakaroon ba ng activity center para sa mga lokal na kaganapan ng lungsod at tugon ni Atty. Lapus na sa 80,000 sq.m. na leasable area, didepende ang bilang ng pwesto sa pagpa-plano ng pasilidad at siguradong magkakaroon ng bulwagan para sa mga aktibidad ng lungsod. Nagbigay naman ng pagtatapos na pahayag si Konsehal De Leon: “Ito po ay hindi lamang isang proyekto na ipatutupad ng pamahalaang lungsod bagkus sangkot na sangkot po tayo dito sa buong pamamalakad at natatangi po ito. Upon the positive outcome of this public hearing today, we at SP will now pursue the process of legislation to give our honorable Mayor the authority to enter in this JV with R.U. Aquino construction. Maraming salamat po sa inyong paglalaan ng panahon para sa pagdulog na ito.” CHRISTIAN

ATTY. LAPUSATTY. LAPUS

San Nicolas, Brgy. Sec. AGUIRRESan Nicolas, Brgy. Sec. AGUIRRE

ANG TAGPO SA PAGDINIG SA PAMAMAGITAN NG ZOOM CONFERENCE KAUGNAY NG PAGTATAYO NG COMMERCIAL HUB SA LUNGSOD.

SP SECRETARY’S OFFICE CORNERSP SECRETARY’S OFFICE CORNERMA. THERESA PANGILINAN - SP SecretaryMA. THERESA PANGILINAN - SP Secretary

PATN

UGUT

AN Ang SanggunianAng Sanggunian

Hotline NumbersCDRRMO(Tarlac City Disaster Risk Reduction Management Office)

(045) 470-8647(Globe) 0995-231-2411 (Smart) 0921-930-0047

PDRRMC TARLAC(Provincial Disaster Risk Reduction Management Office)

(045) 628-0584 / (045) 628-0586(Globe) 0917-806-9276 (Smart) 0908-887-2339

Landline:(045) 982-2101

Landline:(045) 982-1356

Landline:(045) 982-8811

Pangkalahatang Patnugot:KGG. GENARO M. MENDOZAPatnugot:MARCO MANUEL M. MENDOZAKaagapay na Patnugot:JERRY M. HERNANDEZMga Kaagapay sa Produksiyon:RUBEN PHILIP S. DELA CRUZCHRISTIAN REYESRONNIE C. BASAVICE MAYOR’S OFFICEOFFICE OF THE SANGGUNIANGPANLUNGSOD SECRETARYCITY INFORMATION OFFICE

Pakinggan din ang aming programa sa radyo...

ORAS NG SANGGUNIANTuwing Lunes 7:00-8:30 ng umaga

Kinatatampukan ng mga batikangKomentarista at Manunulat:

LENG LOPEZ-TIAMZONAMADO DE LEONJERRY HERNANDEZ

ANG DEDIKADONG SUPORTA NI EA MARCO SA TANGGAPAN NG KALIHIM NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Sa umpisa pa lang ng pag-upo ni Vice Mayor Genaro “Aro” Mendoza bilang Pinuno ng Sangay ng Lehislatibo noong taong 2016 ay ipinakita na niya ang kanyang malasakit sa mga kawani sa ilalim ng nasabing sangay ng pamahalaang lungsod. Ito ay mapatutunayan sa mga ipinatupad niyang mga pagsasanay para sa mga kawani ng Lehislatibo. Bukod pa rito ay ang mga magkakasunod na mga pagbabago sa mga pasilidad

sa lahat ng tanggapan sa ilalim ng Sanggunian upang mai-angat ang kalidad ng mga tanggapan, at nitong mga nakaraang taon naman ay upang maging angkop sa new normal ang mga tanggapan at maging ligtas ang mga kawani sa banta ng COVID-19. Sa lahat naman ng pagbabago at pag-aangat ng kalidad sa Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod ay malaking kahalagahan ang suporta ni Executive Assistant IV Marco Mendoza bilang Pangunahing Tagapagpatupad sa mga programa ni Vice Mayor Aro para sa tanggapan. Matapos na ihayag ni Vice Mayor Aro ang kanyang 5-Point Legislative Agenda noong 2016 ay naging instrumento si EA Marco sa mga pagbabago sa Tanggapan ng Kalihim. Sa pakikipag-ugnayan ni EA Marco kay Vice Mayor Aro at sa mga suppliers ay nagawang mai-upgrade ang mga computers hindi lang sa Tanggapan ng Kalihim kundi pati na rin sa mga ibang tanggapan at mga pasilidad sa ilalim ng Sanggunian. Bukod dito ay naging kasangkapan din siya sa pag-a-upgrade ng mga printers sa bawat tanggapang sakop ng Lehislatibo. Dagdag pa rito ay nagawa ring mapalitan ng mga makabagong gamit ang Session Hall at Conference Room ng Sanggunian na siya ring inasikaso ni Sir Marco. Ang mga ito ay naisagawa mula 2016 hanggang 2019. Pagpasok naman ng 2020 kung saan ang buong bansa ay humarap sa isang pandemya ay kaugnay ni Vice Mayor Aro si Sir Marco sa mga pagbabago sa bawat tanggapan at pasilidad ng Sanggunian upang ang mga ito ay maging angkop sa new normal nang sa gayo’y matiyak ang kalusugan ng bawat isa sa Lehislatibo. Nito lang Enero 2021, sa pagsisikap ni Sir Marco ay isinagawa sa Tanggapan ng Kalihim ang mga kinakailangang pagbabago upang mai-angat ang kalidad ng tanggapan na aangkop sa sitwasyon, kabilang ang paglalagay ng acrylic shields, ang tinatawag na modular design upang masiguro ang distansya sa pagitan ng mga empleyado, at iba pang naa-angkop na pagbabago. Bukod pa rito

ay nabahaginan din ng mga iba’t-ibang gamit ang tanggapan na makatutulong sa mga pagbabagong naisagawa. Bagama’t hindi pa lubusang natatapos ang mga pagbabago sa tanggapan ay patuloy pa rin naman ang pagsisikap ni Sir Marco upang matapos lahat at maging makabago at angkop ang tanggapan sa new normal. Saludo kami sa inyo Vice Mayor Aro at Sir Marco.

ANG MGA PAGBABAGO AT PAGSASAAYOS SA MGA TANGGAPAN NG LEHISLATURA NA MAGKATUWANG NA ITINATAGUYOD NINA VICE MAYOR ARO AT EXECUTIVE ASSISTANT IV MARCO MENDOZA.