Music gr.3 tagalog q1

45
3 Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog 1 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Transcript of Music gr.3 tagalog q1

Page 1: Music gr.3 tagalog   q1

3Music, Art,

Physical Education and Health

Kagamitan ng Mag-aaral

Tagalog

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

1

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Page 2: Music gr.3 tagalog   q1

Music, Art, Physical Education and Health- Ikatlong BaitangKagamitan ng Mag-aaral sa TagalogUnang Edisyon, 2014ISBN:

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Dina S. OcampoKawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino

2

Development Team of the MAPEH Learner’s Materials

Music

Reviewers: Myrna T. Parakikay, Chita E. Mendoza, Narcie Fe M. Solloso, Victorina E. Mariano

Authors: Amelia M. Ilagan, Maria Elene D. Digo, Mary Grace V. Cinco, Fely A. Batiloy, Josepina D. Villareal, Ma. Teresa P. Borbor,

Fe V. Enguero, Josephine Chonie M. Obsenares Illustrators: Fermin M. Fabella, Eric S. de GuiaScores notated by: Arthur M. JulianEncoder: Phoebe Kay DoñesFocal Person: Maria Blesseda Alfonso Cahapay

Art

Reviewers: Rosel Valenzuela, Juan Gepullano, Charo Defeo-BaquialAuthors: Cynthia T. Montañez, Adulfo S. Amit, Benjamin M. Castro, Vi-Cherry

C. Ledesma, Larry Canor, Nelson LasagasIllustrator: Gerardo LacdaoEncoders: Arvin FernandezFocal Person: Marilou Gerero-Vispo

Page 3: Music gr.3 tagalog   q1

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig CityPhilippines 1600

Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072

E-mail Address: [email protected]

Talaan ng Nilalaman

3

Physical Education

Reviewers: Rachelle U. Peneyra, Francisco J. Gajilomo Jr., Salve A. Favila, Lordinio A. Vergara, Sonny F. Meneses Jr.

Authors: Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G. Crisostomo, Virginia T. Mahinay, Sonny F. Meneses Jr.

Illustrator: Gerardo G. LacdaoEncoders: Bryan Simara, Leo SimaraProof reviewer: Prof. Teresita EvangelistaFocal Person: Jenny Jalandoni Bendal

Health

Reviewers: Mark Kenneth S. Camiling, Rhodora L. Formento, Evelina M. Vicencio

Authors: Rizaldy R. Cristo, Minerva C. David, Aidena Nuesca, Jennifer E. Quinto, Gezyl G. Ramos, Emerson O. Sabadlab

Illustrator: Eric S. de Guia, Fermin M. Fabella, Raemon C. Dela PeñaEncoders: Danica Nicole G. BañaProof reviewer: Salvacion C. OlinaresFocal Person: Nerisa Marquez Beltran

Page 4: Music gr.3 tagalog   q1

Music

YUNIT 1Aralin 1 Pulso ng MusikaAralin 2 Paggalaw Ayon sa

KumpasAralin 3 Ang Rhythm sa

MusikaAralin 4 Gumalaw ayon sa

RhythmAralin 5 OstinatoAralin 6 Paglikha ng Ostinato

YUNIT 2Aralin 1 Tono

Aralin 2 Melodic Contour

Aralin 3 Tamang Tono

Aralin 4 Mga Anyo ng Musika

Aralin 5 Pag-uulit sa Musika

Aralin 6 Musical Lines

Aralin 7 Umawit nang may Tiwala sa Sarili

Aralin 8 Umawit nang nasa Tono

YUNIT 3Aralin 1 Uri ng Tunog

Aralin 2 Ang Tinig ng Tao

Aralin 3 Pinanggagalingan ng Tunog

Aralin 4 Dynamics Sa Pamamagitan ng Paggalaw

4

Page 5: Music gr.3 tagalog   q1

Aralin 5 Pagkakaiba ng Dynamics

Aralin 6 Damdamin ng Musika

Aralin 7 at 8 Paggamit ng Dynamics

YUNIT 4Aralin 1 Ang Kabilisan at

Kabagalan sa Musika

Aralin 2 Mabagal, Katamtaman, at Mabilis na Tempo

Aralin 3 Pagkakaiba-iba ng Tempo

Aralin 4 Two-Part Round

Aralin 5 Tambalang Awit

Aralin 6 Melodic Lines

Aralin 7 Tekstura sa Musika

Aralin 8 Multiple Melodic Lines

Art

5

Page 6: Music gr.3 tagalog   q1

MUSIC6

Page 7: Music gr.3 tagalog   q1

YUNIT 1

Aralin 1: Pulso ng Musika

Panimula

7

Sa musika, ang tagal o haba ng tunog at pahinga ay mahalaga. Ang haba o tagal ng tunog at pahinga ay may sinusunod na sukat o kumpas na madarama natin, may tunog man o wala. Tayo ay pumapalakpak, lumalakad, sumasayaw, nagmamartsa, at tumutugtog ng instrumentong panritmo para maipakita ang rhythm at pulso ng musika.

Page 8: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain 1Awitin ang “Leron Leron Sinta” at gumalaw ng ayon sa rhythm ng awit.

Leron leron sinta, buko ng papaya,Dala dala’y buslo, sisidlan ng bunga.Pagdating sa dulo nabali ang sanga,Kapos kapalaran humanap ng iba.

Ipalakpak mo ang rhythmic pattern na ito habang inaawit ang “Leron Leron Sinta.”

Magbigay ng mga halimbawa ng mga tunog na naririnig mo sa ating kapaligiran.

Anong kilos ang maaari mong gawin na hindi lilikha ng anumang tunog?

Gawain 2Kumilos ayon sa sumusunod na rhythmic patterns.

8

Page 9: Music gr.3 tagalog   q1

Iguhit ang mga stick notation sa ibaba ng mga larawan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Gawain 3Isasagawa ng bawat pangkat ang rhythmic patterns gamit ang mga kilos na iminungkahi ng guro habang umaawit.

1 - ipalakpak

2 - tapik-tapikin

3 - snap 4 - tugtugin sa kahit anong instrumentong

panritmo

9

Page 10: Music gr.3 tagalog   q1

Evaluation

Pagtataya

Lagyan ng tsek ( ) ang kahon na naglalarawan ng iyong pagsasagawa ng sumusunod na kasanayan. Gawin ito sa sagutang papel.

10

Tandaan: Ang panandang guhit ( ) ay nagpapakita ng pulso

ng tunog.

Ang rest ( ) ang inilalagay na simbolo upang maipakita ang pahinga o walang tunog na bahagi ng awit o tugtugin.

Madarama natin ang pulso sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik, paglakad, pag-chant, at pagtugtog ng instrumentong pangritmo.

Page 11: Music gr.3 tagalog   q1

KasanayanHigit na mahusay

MahusayKasiya-

siya

Kailangan pang

paunlarin1. Nasasabi ang pagkakaiba ng tunog na naririnig at tunog na di naririnig.2. Nakikilala ang

tunog na di naririnig subalit tumatanggap ng bilang.

3. Naisasagawa nang tama ang ibinigay na rhythmic pattern sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik, pag-chant, at pag-snap.

4. Lubos ang paglahok sa mga pangkatang gawain.5. Nagpapakita ng

kabaitan at paggalang sa sarili at sa kapuwa sa pamamagitan ng matamang pakikinig.

Aralin 2: Paggalaw Ayon sa Kumpas

Panimula

11

Ang pantay na daloy ng pulso sa musika ay maaaring mabagal o mabilis. Maipahahayag natin ito sa pamamagitan ng mga kilos o galaw na lilinang sa ating kakayahan na maisaayos ang ating mga pandama.

Page 12: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain I Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns.

Awitin ang “Ang Alaga Kong Pusa” habang itinatapik ang pantay na kumpas ng awit.

Gawain 2

1. Tingnan ang sumusunod na larawan.

12

Page 13: Music gr.3 tagalog   q1

Ano ang ginagawa ng tao sa bubong ng bahay?

Ano ang tawag natin sa taong nagkukumpuni ng bahay?

Ano ang kaniyang hanapbuhay?

Ano ang gawain ng isang karpintero?

Bukod sa paggawa ng bahay, ano ang iba pa niyangginagawa?

13

Page 14: Music gr.3 tagalog   q1

2. A. Ipalakpak/tapikin ang kumpas ng awit na “Mang Kiko.”

B. Gawin ang chant ng awit na “Mang Kiko.”

Mang Kiko (Chant)

Gawain 3

14

Page 15: Music gr.3 tagalog   q1

Ipalakpak/tapikin ang rhythmic pattern ng awiting “Colors at School.”

15

Page 16: Music gr.3 tagalog   q1

Tugtugin ang sumusunod na rhythmic pattern gamit ang instrumentong panritmo bilang pansaliw sa awit na “Colors at School.”

Tambal na stick

Drum

Palakpak

Tambourine

16

Tandaan:

Ang beat ay pulso na nadarama natin sa musika. Maaari itong mabagal o mabilis subalit pantay ang daloy. Ito ang tinatawag nating steady beat.

Maaari tayong gumamit ng mga kilos tulad ng

Page 17: Music gr.3 tagalog   q1

Pagtataya

Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Kasanayan Nangunguna

May kasana

-yan

May sapat na kakayaha

n

Nagsisimu-la pa lamang

1. Naipakikita ang steady beats sa pamamagitan ng mga kilos habang umaawit.

2. Naisasagawa ang steady beats gamit ang mga instrumentong panritmo.

3. Nakaaawit nang tama.

4. Lubusang nakikilahok sa pangkatang gawain.

Aralin 3: Ang Rhythm sa Musika

Panimula

17

Tandaan:

Ang beat ay pulso na nadarama natin sa musika. Maaari itong mabagal o mabilis subalit pantay ang daloy. Ito ang tinatawag nating steady beat.

Maaari tayong gumamit ng mga kilos tulad ng

Ang rhythm ay daloy ng tunog. Lahat ng bagay sa ating kapaligiran ay may rhythm tulad ng pagsikat at paglubog ng araw, indayog ng mga puno, hampas ng mga alon, at maging sa ating pagsasalita.

Page 18: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain 1 Echo clapping

a. b. c.

Gawain 2

Araw at Buwan

18

Ang rhythm ay daloy ng tunog. Lahat ng bagay sa ating kapaligiran ay may rhythm tulad ng pagsikat at paglubog ng araw, indayog ng mga puno, hampas ng mga alon, at maging sa ating pagsasalita.

Page 19: Music gr.3 tagalog   q1

Gamit ang awit sa itaas, isagawa ang mga sumusunod:1. Ipalakpak ang steady beats ng awit.2. Ipalakpak ang rhythmic pattern.3. Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat:

Kung ikaw ay nabibilang sa Pangkat A, ipalakpak mo ang steady beats samantala, kapag ikaw ay nasa Pangkat B ay rhythmic pattern naman ang iyong ipapalakpak.

Aling pangkat ang pumalakpak ng steady beats?Ano ang napansin mo sa pagpalakpak ng Pangkat B sa rhythmic pattern?Batay sa isinagawang pagpalakpak ng dalawang pangkat, ano ang iyong napansin sa nalikhang tunog?

19

Tandaan:Ang rhythm ay tumutukoy sa daloy ng galaw ng tunog at pahinga.

Ang rhythmic pattern ay kumbinasyon ng mahaba ( ) at

maikling ( ) tunog at pahinga.

Page 20: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain 3

Gawin ang sumusunod:

Pangkat 1 – Awitin ang “Araw at Buwan.”Pangkat 2 – 5 – Tugtugin ang rhythmic patterns gamit ang mga instrumentong panritmo.

Ikalawang Pangkat Ikatlong Pangkat Gamit ang kambal na kahoy Gamit ang drum

Ikaapat na Pangkat Ikalimang Pangkat Papalakpak Gamit ang tambourine

Pagtataya

Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

KasanayanHigit na Mahusay

Mahusay

May sapat na

kakayahan

Nagsisimula pa lamang

1. Naipakikita ang mahaba at maikling tunog.

2. Naipapalakpak

20

Page 21: Music gr.3 tagalog   q1

ang rhythmic patterns gamit ang stick notation.

3. Natutugtog ang iba’t ibang rhythmic patterns gamit ang mga instrumentong panritmo.

4. Lubusan ang pakikiisa sa mga gawain.

Aralin 4: Gumalaw ayon sa Rhythm

Panimula

21

Ang rhythm ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng musika. Nagpapakita ito ng kaayusan ng galaw o kilos sa mga kumpas na nasa 2s, 3s, at 4s.

Page 22: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain1

Awitin ang “Soldiers’ March.” Pumalakpak/mag-chant/maglakad/tumugtog ng

instrumentong pangmusika habang umaawit.

22

Page 23: Music gr.3 tagalog   q1

Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns.

2

Left, right, left, right here we go.

March-ing, march-ing in a row.

If you’re strong and brave and true,

You may - be a sol-dier too.

Pangkatang Gawain:

Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may tutugtuging instrumentong pangmusika gaya ng clapper, drum, tambourine, habang inaawit ang “Soldiers’ March.”

Gawain 2

Awitin ang “Rocky Mountain.” Tugtugin ang pulso ng awit gamit ang instrumentong panritmo.

23

Page 24: Music gr.3 tagalog   q1

Panimula

24

Tandaan:

Ang mga tunog ay maaaring pangkatin sa 2s, 3s, at 4s at ito’y maipakikita sa iba’t ibang kilos at galaw ng katawan.

Maaari nating pagsamahin ang pag-awit, paggalaw, at pagtugtog ng instrumentong pangmusika upang maipakita ang kumpas ng musika. Ang pagsayaw ng balse ang pinakamainam na kilos upang maipakita ang tatluhang kumpas.

Page 25: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain 1

Awitin ang “See-Saw” habang ipinapalakpak ang rhythmic pattern nito.

Nasa tonong pag-awit.

Awitin ang “Bahay-Kubo.”

25

Page 26: Music gr.3 tagalog   q1

Pangkatang Gawain:

a. Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Ang unang pangkat ay aawit ng “Bahay Kubo” samantalang ang ikalawang pangkat ay sasayaw ng balse.

26

Page 27: Music gr.3 tagalog   q1

b. Paawitin ng “Bahay Kubo” ang mga mag-aaral habang tumutugtog ng instrumentong panritmo.

Gawain 2

Pumili ng instrumentong panritmo sa loob ng silid-aralan upang tugtugin habang inaawit ang “Tiririt ng Maya”.

27

Page 28: Music gr.3 tagalog   q1

28

Tandaan:Sumasayaw tayo ng balse upang ipakita ang pulso

ng awit sa tatluhang kumpas.

Page 29: Music gr.3 tagalog   q1

Panimula

Gawain 1

Awitin natin ang “Ten Little Indians”. Gumawa ng mga kilos tulad ng pagtapik, pagpalakpak, at pagmartsa.

29

Ang kumpas na apatan (4s) ang malimit gamitin sa mga awit. Upang maging higit na kawili-wili ang mga awit, maaaring saliwan ito ng payak na akompanamiyento.

Page 30: Music gr.3 tagalog   q1

Kilalanin ang sumusunod na instrumentong pangmusika na kalimitang ginagamit upang ipakita ang kumpas ng isang awit.

Ano ang huling binanggit na instrumento sa itaas? Nakakita ka na ba nito?

Awitin ang “Come and Play”.

30

Page 31: Music gr.3 tagalog   q1

Pagsusuri ng awit:Gawin ang sumusunod:

Mag-echo clap ng pulso at rhythm ng awit. Gawin ang pagpalakpak at pagmartsa sa kinatatayuan

habang binibigkas ang titik ng awit ayon sa kumpas nito. Paawitin ang mga bata habang ginagaya ang kilos ng

tumutugtog ng trumpeta.

Paano pinangkat ang tunog sa awiting “Come and Play”? Paano mo naipakita ang kumpas ng awit?

Gawain 2

Hatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral.

31

Page 32: Music gr.3 tagalog   q1

Aawitin ang “Come and Play” at “Ten Little Indians” habang tinutugtog ang mga instrumentong panritmo.

Bawat pinuno ng pangkat ay pipili kung aling awit ang isasagawa ng kanilang pangkat.

Pagtataya

Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Kasanayan Pinakamahusay

Mas Mahusay

Mahusay

1. Naisasagawa nang tama ang mga rhythm sa lahat ng awit.

2. Nasasabi ang mga kumpas gamit ang mga kilos ng katawan.

3. Nakaaawit nang may tamang tono habang nagsasagawa

32

Tandaan:

Maaari tayong pumalakpak, tumapik, mag-chant, maglakad, at tumugtog ng instrumentong pangmusika upang ipakita ang mga awit na nasa apating (4s) kumpas.

Page 33: Music gr.3 tagalog   q1

ng pagkilos.4. Nakatutugtog

nang nasa tamang kumpas gamit ang mga instrumentong panritmo.

5. Lubusan ang pakikiisa sa pangkatang gawain.

Aralin 5: Ostinato

Panimula

33Ang rhythmic ostinato ay paulit–ulit na

rhythmic patterns na ginagamit na pansaliw sa mga awit. Kalimitan ay tinutugtog ito gamit ang mga instrumentong panritmo tulad ng drums, wood blocks, castanets, triangles, at rhythmic sticks.

Page 34: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain 1

a. Isagawa ang pagtapik at pagpalakpak ng chantb. Basahin ang chantc. Basahin ang chant habang isinasagawa ang pagtapik ng rhythmic pattern nito.

Isagawa ang pagtapik para sa sumusunod na rhythmic patterns.

Pag-aralan ang

larawan.

34

Ang rhythmic ostinato ay paulit–ulit na rhythmic patterns na ginagamit na pansaliw sa mga awit. Kalimitan ay tinutugtog ito gamit ang mga instrumentong panritmo tulad ng drums, wood blocks, castanets, triangles, at rhythmic sticks.

4

Page 35: Music gr.3 tagalog   q1

Ano ang masasabi mo sa larawan?

Awitin ang“See-Saw” habang ipinapalakpak ang steady beat.

Pag-aralan ang hulwaran sa ibaba:

o

a. Paulit-ulit na ipalakpak ang rhythmic pattern hanggang makasanayan ng mga bata.

b. Awitin ang “See-Saw” habang ipinapalakpak/ itinatapik/inilalakad ang rhythmic pattern.

c. Gumamit ng kahit anong instrumentong panritmo upang tugtugin ang rhythmic pattern habang umaawit.

Gawain 2Pangkat A – Awitin ang “Mga Alaga Kong Hayop”Pangkat B – Isagawa ang ostinato pattern

Pangkat C – Gawin ang ostinato pattern gamit ang mga instrumentong panritmo.

35

Page 36: Music gr.3 tagalog   q1

2. Tumakbo, tumakbo ang pusa, ang pusa, ang pusa tumakbo, tumakbo, ang pusa sa loob ng bahay

3. Tumalon, tumalon ang aso, ang aso, ang asoTumalon, tumalon ang aso sa mataas na bakod

Pagtataya

36

Tandaan:Ang rhythmic ostinato ay paulit-ulit na

rhythmic pattern na ginagamit na pansaliw sa awit. Maaari itong tugtugin gamit ang instrumentong panritmo at iba pang maaaring panggalingan ng mga tunog.

Page 37: Music gr.3 tagalog   q1

Iguhit ang bituin ( ) kung pinakamahusay, bilog ( ) kung mas mahusay, at tatsulok ( ) kung mahusay ang pagsasagawa. Gawin ito sa sagutang papel.

Kasanayan Pinakamahusa

y

Mas Mahusa

y

Mahusay

1.Nakikilala ang mga instrumentong panritmo at iba pang pinanggaga-lingan ng tunog.

2. Nakagagamit ng mga payak na ostinato pattern bilang pansaliw sa awit.3. Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggamit ng mga bagay na pinanggagalingan ng tunog.4. Umaawit habang tumutugtog ng payak na ostinato pattern.5. Lubusang nakikiisa sa mga pangkatang gawain.

Aralin 6: Paglikha ng Ostinato

Panimula

37

Page 38: Music gr.3 tagalog   q1

Gawain I

Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic patterns gamit ang mga sumusunod na rhythm syllables.

Padiktang ritmo. Ipapalakpak ng guro ang ilang rhythmic patterns sa 2s, 3s, at 4s at isusulat ng mga bata ang narinig na rhythmic patterns sa pamamagitan ng stick notation.

Gawain 2

38

Isang kawili-wiling gawain ang paglikha ng payak na ostinato patterns. Sa araling ito ay magkakaroon ka ng higit na kaalaman at bagong karanasan sa musika sa paglikha ng mga rhythmic patterns gamit ang mga instrumentong panritmo at pagpapatunog ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

Page 39: Music gr.3 tagalog   q1

Mahal mo ba ang iyong bansa? Bakit?

Gawin ang sumusunod:a. Basahin/ipalakpak ang mga hulwaran gamit ang rhythmic syllables. (ta - ti ti)

b. Anong rhythmic syllables ang ginamit sa rhythmic pattern?c. Gumawa ng payak na ostinato para sa awit.

39

Page 40: Music gr.3 tagalog   q1

d. Tugtugin ang rhythmic pattern habang inaawit ang “Bayang Sinta”.

Gawain 3

Hatiin ang klase sa apat (4) na pangkat. Bawat pangkat ay lilikha ng ostinato pattern. Gawin ang ostinato patterns sa pamamagitan ng katawan habang umaawit.

Pagtataya:Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kahon.

Kasanayan Nang May May sapat Nagsisimul

40

Tandaan:

Ang ostinato pattern ay maaaring tugtugin gamit ang instrumentong panritmo at iba pang pinanggagalingan ng tunog. Ang rhythmic patterns ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.

Page 41: Music gr.3 tagalog   q1

unguna

Kasanayan

na kakayahan

a pa lamang

1. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng ostinato

2. Naisasagawa ang rhythmic pattern sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagtapik, pag-chant, pag-snap, at pagtugtog ng instrumentong pangmusika/panritmo.

3. Naisasagawa nang tama ang rhythmic patterns bilang ritmong pansaliw sa awit.

4. Lubusang nakikilahok sa pangkatang gawain.

5. Naipakikita ang pakikiisa sa pangkatang gawain.

41