Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

38
Mga Talulot ng Liwanag Ni Jomark M. Baynado

description

Karapatang ari ni Jomark M. Baynado, 2012

Transcript of Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Page 1: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Mga Talulot ng Liwanag

Ni Jomark M. Baynado

Page 2: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Inilathala ni Jomark M. Baynado, 2012

Karapatang ari

Page 3: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Closing

tapos na ang isang taon ng pagtatanghalsubalit ang layon ay hindi papanandaliang isasara ang kurtinaupang makapagbihis at makapaghandang sa ganoon sagad ang ligayang mga tutunghay na siyang gagawa ng mga eksenaat ang entabladong hiniramsa pagdating ng panahonay ipapamana  sa kanila..... 

Page 4: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Dahon

marahang marahang ang pagdaong ng dahon sa aking paladkasabay hagikhikan ng nakatunghay na kawayankukuyumin na sana  nang magmakaawa ang sapana ihulog ko ito sa kanyang dibdibsino ba ako upang 'di magpalaya?pumapatak na lamang ang aking luhahabang sinusundan kita ng tinginna dahan-dahan inilalayo ng agos.

Page 5: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Hiya at suklam

yumuyukod ang rosastuwing ako'y dumaraanwari ba'y nahihiyao kaya 'y nasusuklam

yumukod ako tuwing sa rosas dumaraanwari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam

yumuyukod sila

Page 6: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

tuwing tayo'y magdaraanwari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam

yumuyukod tayotuwing sila'y magdaraanwari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam

Icarus, sa iyong pagbulusok

to travel is better than to arrive

---- unknown

ibinihis  mo na ang kayumangging pakpakhanda na itong kumampay at lumipadbumulong na ng sagradong orasyon ang hangin at napigtas na ang tanikala ng panahonpumapaimbulog at bumubulusok ang iyong dibdibkasabay ng iyong  pamamaalam sa mga dahonaakayin ka ng hanging mangingibigmula sa papawirin hanggang sa pagdaongngunit taksil ito at biglang nang-iwandumaudos  ka at bumulusok sa marahas na  bisig ng mga alon

Page 7: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

tumututol ang iyong kayumangging pakpak subalit anong lakas mo sa  kalawakan ng tubig-dagat?wala, yaposin ang sariling giniginaw at hubadat matapos ang malalakas na salpukanitataboy  ka nitosa pinakamalapit na dalampasigan, at doon ka na mag-uugat.  

M16 ng ikasa ang M16nanginig ang mga madreng putok ito sa irenaglamay ang mga pari

Page 8: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Sapot

dahil nais kitang mabuhaysasaputin kitang aking  hibla kahit magpumiglas kaiikutan kita ng iikutan itatago kita sa kanilaat 'di kanila makikita.

kagabi nagsimula ng rosaryo ang mga  balatinakpan ko ang iyong tengatinakpan ko ang iyong mataat sinapot kita  ng paulit-ulitupang di ka  tablan ng balanalanta ang mga dahon sa kapal ng  pulbura

Page 9: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

at naiwan sa lupa ang mga  luha at pulang mantsa

napagod na sa paghalakhak ang armalite  anakguguputin ko ang sinapot kong  hiblapagkat tayoy malaya nasubalit ano itodi ka nga namatay sa giyeranapatay naman kita.

-----------------------sa mga ina ng WW2

Gagamba

At nangyari ngang ang kamay ay naging matadila, at taynga.Mabilis na sinakmal ang lahat ng kurbasinapot ang  kahubdanhanggat 'di na makagalawsaka  lulurayinat lulusawinng lason mong laway.

Page 10: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Paninda pag gabi sa Plaza Quezon

Dinailang nabubulokBasag na itlog na bugokPatay na Costang linalanggam at inuoodPinaghalo-halo sa isang wasak at tagiptiping plato't mga bubog.

Page 11: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Linggo ng Awa

Tulad ng sinasabi ng maramiang katapusan ay simula.At ngayon nga ay simulang paglalakbay ng puting lobong pinalayasubalit kumapit muna sa duklay ng talisay.Minamasdan  ang huling patak ng luhaat huling pagtawagbago tuluyang kumawala,at pumaimbulog sa kalawakan.Lingo ngayon ng awakaya tinapos na ng sepultureroang pagsambulat ng kirot at hapdi.

Page 12: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Binuksan at sinarhan na ang kwebang lagusan sa kaluwalhatian.Linggo ngayon ng awa.Linggo ngayon ng awa.

Sa Pagbubukas ng Sardinas

Sasaksakin kita,gigilitan ng leegat patitiin ang dugo.Dudukutin ko ang lamang loob,,dudurugin ang pugot-ulo mong kaluluwa,bubudburan ng sili at asinat walang patumanggang lalantakan.Ganyan ako kalupit!Subalit bago ko pa magawa ang lahat ng ito una mo na kong nahiwa.

Page 13: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

-----------------------------pasintabi ka Huli

Abril

INaglalaro na ng bahay-bahayanang mga mayatiyak dadami ang bilang nila.

II

Namumukadkad na ang tabing ilog at dagatng  mga paatiyak ang hagikhik at pagtawa.

Page 14: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

III

Nagugulo ang tahimik na pagdaloyng sapatiyak ang paglirip sa hiwaga ng  umaga.

Pagtakas

Tulad ng bulagdadamhin ko ang rosasgamit ang mga daliri,at kung sakaling matusok itolaging 'di sinasadya at aksidente lamang.

Page 15: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Paalala

Huwag mong alalahaninang iyong alalahanin.Ipapaalala ko sa iyoitong paalaala.Ang pait  ng alaalang inaalalaay enerhiyang nakakamtan ng umaalala.

Page 16: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Bukal at disyerto

Mayroong bukalsa mukha ni amana pag El Niño lamang dumadaloy,upang pumalis ng uhawat paliguan namin. 

Page 17: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Ayaw ko ng ganoon! Mas titiisin  ko ang tuyong dilaat limang pulgadang libagsa disyertong kandungan ni InaSaplot ang di mabilang na buhanginng kanyang pag-irog.

Ritwal

Isa, dalawa, tatlo.Kasabay ng putok

Page 18: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

nagsitakbuhang mananakbo  sa malaking ovalang aking alaala,pabalik sa yugtong iyon.Di ko alam kung saan ako tatakbo at tatagoupang linlangin ang mga balana nais maging bahagi ng aking katawan.Isang sagradong ritwal na aking tinakasanPatawad, hindi pa pala ako handa.

Balinsayawan

Tulad ng mga musmos na naglalaro sa damuhanPumapaimbulog

Page 19: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

at bumubulusok ang balinsayawan.Walang kapaguran ang  pakikipaghabulansa mga tutubi at gamu-gamo.Paikot-ikot. Paawit-awit.Subalit  nasagi ag lambat ng kalupitanat napasakuyom na paladGinupit ang pakpak at di na pinalipad.

Kattrin

Kung ang pag-akyat sa bubongat paghambalos dito nang paulit-ulit

Page 20: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

ang pagligtas sa sangkatauhan,aakyatin ko rin ang aming bubongat walang patumanggang hahambalusinkahit na magkabutas-butasat palayasin ako ni Nanay.

Pagsamo ni Persephone

I

Page 21: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Bumabalong ng luha ng kasiyahanang gabi sa munting siitsa pagsibol ng munting dahonat pagbati nito sa inang sanga.

IIBumalik na si Persephone kay Demeter.

IIINagliliparan na ang mga anghel  na buto.(Siguradong malayo ang lalakbayin nila).

Cinquain

Inaymasipag, maalaganagluluto, naglalaba, nagtuturo

Page 22: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

palagi siyang nakangitiItay

Itaymaunawain, mapagmahalnagtatrabaho, naglilinis, namamalantsayakap lagi akoInay

Buhangin

Susugatan mo  ang aking paladhabang ipinangsasaplot kitasa mga kalansay na tore.

Page 23: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Dudugo iyon at hayok na hayok mong sisipsipin.

Papasok ka sa aking matahabang sinasala ko ang iyong birtudna magpapatibay sa kalansay na tore.

Di ko alam kong may nakikita ka samantalang wala akong makita.

Ako ang unibersiya

Libong mata ang sa aki'y nakatigin(pero hindi ako sa Araneta at CCP)

Page 24: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Lahat sila ay kaakit-akitNa nais kong isa-isang titigan.(Hindi sila artista o mga babae)Maswerte ako dahil sa libong taon na paglalakbay(Hindi sila nag-LRT o nag- jeep)babatiin nila ako ng kanilang ngiti(kahit wala silang labi)Hah! Ngayong gabi kaniig ko ang kalawakanAt ako ang unibersiyang kanilang iniikutan.

Artista

Page 25: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

tulad ng bida sa pelikulaang una kong ipapakita ay ang aking paaang mataas na takongang nakakasilaw na kintab ng sapatos.

muli-muli kakapalan ko ang make-upupang di mo makilalaang multong sisindak sa'yo.

May magagawa kayo

Habang kam'iy pasinghap-singhap na nalulunodsa aming sariling luha at pawisang mga mata ninyo ay nakatitiis.

Page 26: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Pinalaki na namin ang aming tinigdahil hindi ninyo marinigsubalit ang tugon ninyo ay blangkong titig.

Paparahin pa kami sa liblib na daanng mga bakunawang makasalananat sasakmalin ang pitakang kalansing  ang laman.

Mamatay kaming walang laman ang tiyanat nagpapasalamat na di ninyo tinulungan.

Lucky Nine

Ngayong gabi  libong bituinang nakaadorno sa iyong buhok

Page 27: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

ang swerte ko palasa libong taon na kanilang paglalakbaysa buhok pa ng irog ko  sila sasakay. 

Sikolo Humingi ako ng paliwanag sa damo

Page 28: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Ukol sa hiwaga ng buhay at kamatayanAt ito ang kanyang piping  kasagutan:  

` PagsibolPamumulaklak

PagkagalirangPagkagalirang

PamumulaklakPagsibol

   

Damo

Page 29: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

 Susugatan mo  ang tigang na lupaUpang makawala  sa rehas ng karimlan.Yayakapin mo ang hibla ng liwanagAt makikipagsuyuan ka sa hamogPero darating ang isang tag-arawNa ika’y magagalirang upang mahilomAng nalikha mong sugat.  

Page 30: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Sa pagsulat ng tula Tititigan ko ang blankong papelHangang ito’y masugatan.Pagkaraa’y  papatuluin ditoAng dugo ng aking panulat.  

Lumbay at Pag-iisa Kasabay ng pag-ikot ng washing machineAng mabilis na pag-inog ng kanyang paligid.Pagkaraha’y  lumaya sa kanyang bibig

Page 31: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Ang malapot na laway  Na dagliang hinugas ng bulaing tubig. Lihim siyang napangiti. Inaaninaw ng kanyang  nanlalabong paninginAng mga  mantsahing puting damitNa naglalaro ng tagu-taguan sa mga pinong bula.Inilapit niya iyon sa ilong. Di pa rin nahuhugas ng sabonAng  samyo ng mga nakaraang gabi. Ng maabot ng umiikot na knob ang zeroLabis ang paginginig ng makina, Tila nag-aagaw buhay.At bago pa man ito tuluyang pumayapa.Mabilis niyang kinuha ang puting  T-shirt at yinakap,Maingat niya itong brinushAt binanlawan ng mga  alaala at luha.Pagkaraa’y sinampayupang tuyuin ng mga puting talulot ng araw. Muling nagdilim ang kanyang paninginPagkat nagbabalik ang  mga petalyong ikinalat niyasa  huling sinakyan ng kanyang irog.  Pabulong niyang aanasin: May iniwan ka sa akin mahal…  

Page 32: Mga Talulot ng Liwanag: Mga Tula

Ecdysis Magigimbal ang pusikit na karimlanSa biglang pagkapunit ng iyong damitAt paglaglagan nito sa nabubuok na  lupaKasabay ng pagkawasak ng iyong lamanAy ang pag-usli ng mga buto at pangil,At pagtulo ng malapot na laway sa bibig.Pilit mong tatakpan ang kahubdanNg iyong dalawang nanginginig na kamayUpang itago ang mga hayok at nanlilisik na matangBahagi na ng iyong luray na katawan.Iyuyuko mo ang iyong uloHabang yapos ang sariling tila giniginawDahan-dahan kang tatayoAt iindayog sa saliw ng mga kutya ng gabi at bilog na buwanLalaya ang garalgal na tinig ng orasyon at halakhakGugulong ito sa lupaAt sasakop sa mga kanto ng nanangis na daigdig.Sa una’y  mabini ang iyong galawPagkaraa’y mawawala ka sa sarili.Guguhit sa madilim na langitAng mga ugat ng apoy at kuryenteAt mamatay ang lahat ng ilawKasabay ng dapyo ng nangingig na hanginPapaimbulog ang katakot-takot na tili ….  Balita:  Isa na naman ang natagpuang patay             Wakwak ang tiyan at nawawala ang ari.