Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
-
Upload
virginia-rana -
Category
Education
-
view
849 -
download
111
Transcript of Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
Wika
Ito ay isang mahalagang
instrumento na ginagamit
ng tao upang ipahayag ang
kaisipan at damdamin.
Ito ay ginagamit sa lahat ng
larangan ng disiplina at sa
lahat na gustong paunlarin,
tuklasin at pagyamanin.
Wika
Ito ay binubuo ng
masistemang balangkas;
a.Makahulugang tunog o
pasalita.
b.Masistemang kayarian
kung pasulat.
Wika
Ito ay may kapangyarihan
na manghikayat, mag-
utos, manira, manggulo,
makiusap, magpaalaala,
magturo, magtanong,
manakit at iba pa.
• Konsepto:
Ang Wikang Filipino tungo sa
intelektwalisasyon ng wika.
• Pagpapahalaga:
Pagkilala at Pagpapahalaga sa
wika bilang wikang pambansa.
Matagal na nating ginagamit ang wikang
filipino, hindi ngalang natin ito gaanong
ginagamit bilang midyum sa mga
akademiko at teknikal na usapin. Bunga na
rin ng edukasyong kanluranin, kailangan pa
nating patunayan na kaya nitong maging
midyum sa talastasang akademiko. Ayon
kay Zeus Salazar, ang paggamit ng wikang
filipino ay patunay lamang ng kasapatan sa
mga nangangailangan nito, dahil dito
nagsimula ang pagdududa sa kakayahan
ng ating wika at dahil dito ang pagkakaroon
ng kaalaman sa Ingles ay itinuturing na
karunungan.
Maaari ring batayang pang-
ekonomiya ang bagay na ito
sapagkat kung gusto mong
matutong mag-Ingles ay kailangan
mo pang magbayad kumpara sa
ating wika na nagmumukhang
walang class sapagkat hindi mo na
kailangang mag-aral upang
matutunan ito.
Hindi na natin kailangang
tanungin ang ating sarili kung
may tiwala at pagtanggap
tayo sa sarili nating wika at
kung ibabaling pa natin sa
karanasang kolonyal ay
talagang walang mangyayari.
Nakabatay sa kapasidad ng
pagpapayaman ng wika sa
kakayahan nitong kumatawan sa
mga karanasang luwal sa lipunan
tulad ng, lumikha ng salita sa mga
dayuhang salita,
manghiram,magbanyuhay at
umangkin ng bagong salita at
kaalaman.
Marami na ring pananaliksik ang
nagtala sa bisa ng wikang filipino sa
pagtuturo at napatunayan na
nakakakuha ng mataas na marka ang
mga mag-aaral na gumagamit ng
wikang filipino. Sa karanasan ng mga
guro, nakita nila ang bilis at pagkatuto
at pagsasalin sa praktika ng aktwal na
ibinabahagi ng ating wika. Ayon kay
Salazar, mainam na tangggapin ang
wikang Filipino at pag-ukulan ng sikap
ang pagpapayaman nito.
• FORMULASYON
• KODIFIKASYON
• ELABORASYON
• IMPLEMENTASYON
Ito ang yugto ng
deliberasyon at/o
pagdedesisyon
kaugnay sa wikang
pipiliin. Mahalagang
isaalang-alang dito ang
layunin ng mga
gagamit nito.
Ito ang yugto kung saan
nagkakaroon ng teknikal na
preparasyon ang mga language
academies ng
napagkasunduang patakaran.
Mahalaga namang tingnan dito
ang pananaw, paniniwala,
saloobin ng kapwa
magpapatupad at tatanggap ng
napagkasunduang patakaran.
Ito ay pinaiiral ng
ahensyang pangwika na
kung saan inihahanda
na ang mga materyal na
kakailanganin sa
pagpapalawak ng gamit
ng piniling wika.
Ito naman ang yugto ng
pagtanaw sa epekto ng
plinanong pagbabago sa
wikang pinili.
Ang FILIPINO bilang Wika
ng Edukasyon
Kailangang gamitin ang
Filipino bilang wikang
panturo dahil sa wikang ito
pinakamabisang matututo ang
ating mga estudyante. Ang
katotohanang ito ay kinilala
na sa konstitusyon nang itakda
rito ang maging wika ang
Filipino ng sistemang pang-
edukasyon.
Kapag ginamit ang Filipino
bilang wikang panturo,
natututo ang mga mag-aaral at
natutuhan din nila ang
nilalaman ng ating kultura –
ang kaluluwa ng ating
pagkabansa. Ang pinapangarap
ng pamahalaan na matatag na
Republika ay matatamo lamang
kapag nauunawaan at
minamahal ng sambayanan ang
kanilang sariling kultura.
Ang Alibata ay
ipinapalalagay na
katutubo at kauna-
unahang abakada o
alpabetong Filipino. Ito’y
binubuo ng labimpitong
titik: 3 patinig at 14
katinig.
• Mapapansin na pinag-isa and D at
R; E at I; at ang O at U. Ito’y dahil
sa may mga salitang ginagamitan
ng D at R na hindi nagbabago ang
kahulugan; gayon din ang E at I, at
O at U. Halimbawa
D R
Nandito Narito
Madumi Marumi
Doon Roon
E I
Lalake Lalaki
Babae Babai
Binte Binti
O U
Naroon Naruon
Totoo Tutuo
Ngayon Ngayun
Sang-ayon sa pagsulat ng matatandang
Tagalog, ang bawat katinig ay binibigkas na may
titik a, alalaong baga’y kung B ay Ba kung K ay
Ka.
Ang isang kudlit sa ibaba ng titik ay
nangangahulugang ang titik ay binibigkas na
kasama ang O o U gaya ng
- Bo, Bu
Kung ang kudlit ay nasa itaas, ang titik ay
kasama ng E o I gaya ng
- Be, Bi
Datapwa’t kung ang huling titik ng salita ay
isang katinig halimbawa B ang tandang krus
(+), na nangangahulugan ng pagpatay ng tunog
na A, ang inilalagay sa ilalim ng titik:
- Dibdib
- Kudlit
MUNGKAHING GAWAIN:
• Pagsanayan ang pagsulat ng
labimpitong titik
• Sulatin sa katutubong abakada ang
mga sumusunod:
a. Ang pangalan mo.
b. Ang pangalang ng paaralan mo
c. Ang pangalan ng mga magulang
mo.
Mga Sanggunian:
Santiago, Erlinda M at Inocencio, Evelina T., atbp. Ang
Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo, National Book
Store, Inc., 1988
Filipino 1 Inihanda ni Bb. Virginia S. Rana