Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa,...

138

Transcript of Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa,...

Page 1: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 2: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 3: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Manwal ng Titser sa Paghahanda ngMissionaryReligion 130

Inilathala ngAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling ArawSalt Lake City, Utah

Page 4: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ang mga komentaryo at pagwawasto ay pasasalamatan. Mangyaring ipadala ang mga ito, pati naang mga pagkakamali, sa:

Seminaries and Institutes of Religion Curriculum Services50 E. North Temple St., Floor 8

Salt Lake City, Utah 84150-0008USA

Email: [email protected] lamang ang iyong buong pangalan, address, ward, at stake.

Tiyaking ibigay ang pamagat ng manwal. Pagkatapos ay ibigay ang iyong mga puna.

© 2016 ng Intellectual Reserve, Inc.Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Inilimbag sa Estados Unidos ng AmerikaVersion 1, 6/15

Pagsang-ayon sa Ingles: 4/14Pagsang-ayon sa pagsasalin: 4/14

Pagsasalin ng Missionary Preparation Teacher ManualTagalog

02160 893

Page 5: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Mga NilalamanPambungad sa Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary . . . . . . . . . . . . . v

1 Ang Layunin ng Missionnary . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

2 Ang Pangangailangan Natin sa Pagbabayad-sala . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

3 Pagkatuto sa Pamamagitan ng Espiritu . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 16

4 Pagtuturo sa Pamamagitan ng Espiritu . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

5 Ano ang Papel na Ginagampanan ng Aklat ni Mormon? . . . . . . . . . . . . . 31

6 Paghahandang Mabuhay Bilang Missionary . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 39

7 Pagtuturo ng Mensahe ng Panunumbalik (Part 1) . . . . . . . . . . . . . . . . . 49

8 Pagtuturo ng Mensahe ng Panunumbalik (Part 2) . . . . . . . . . . . . . . . . . 56

9 Pagkakaroon ng mga Katangiang Tulad ng Kay Cristo . . . . . . . . . . . . . . 63

10 Pagtuturo ng Plano ng Kaligtasan (Part 1) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 70

11 Pagtuturo ng Plano ng Kaligtasan (Part 2) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 78

12 Paghahanap ng mga Taong Tuturuan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 83

13 Pagtuturo ng Ebanghelyo ni Jesucristo (Part 1) . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 92

14 Pagtuturo ng Ebanghelyo ni Jesucristo (Part 2) . . . . . . . . . . . . . . . . . . 101

15 Gawain sa Templo at Family History . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 108

Page 6: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 7: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pambungad sa Manwal ng Titser saPaghahanda ng Missionary (Religion130)Ang Ating MithiinAng Mithiin ng Seminaries and Institutes of Religion ay nagsasaad na:

“Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at mga young adult na maunawaanat umasa sa mga turo at sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maging karapat-dapat samga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba papara sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Pagtuturo atPag-aaral ng Ebanghelyo: Isang Hanbuk para sa mga Titser at Lider sa Mga Seminary atInstitute of Religion [2012], 1).

Bilang institute teacher, makakatulong ka sa pagkakamit ng mithiing ito habangepektibo mong itinuturo ang ebanghelyo: “Itinuturo natin sa mga estudyante ang mgadoktrina at alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at samga salita ng mga propeta. Ang mga doktrina at alituntuning ito ay itinuturo saparaang humahantong sa pagkaunawa at pagiging matatag. Tinutulungan natin angmga estudyante na gampanan ang kanilang papel sa proseso ng pagkatuto atinihahanda sila para ituro ang ebanghelyo sa iba” (Pagtuturo at Pag-aaral ngEbanghelyo, x).

Ang Fundamentals of Gospel Teaching and Learning [Mga Pangunahing Alituntuninsa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo] ay tutulong sa iyo at sa iyong mgaestudyante na matugunan ang mga Mithiin ng Seminaries and Institutes of Religionhabang sama-sama ninyong pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan, ang mgasalita ng mga propeta, at ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ang mahahalagangalituntuning ito ay ang mga sumusunod:

• Magturo at matuto sa pamamagitan ng Espiritu.

• Bumuo ng kapaligiran ng pagkatuto na may pagmamahal, paggalang, at layunin.

• Pag-aralan araw-araw ang mga banal na kasulatan, at basahin ang teksto para sakurso.

• Unawain ang konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan at ang mga salitang mga propeta.

• Tukuyin, unawain, damhin ang katotohanan at kahalagahan ng, at ipamuhay angmga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo.

• Ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang mga doktrina at alituntunin ngebanghelyo.

• Isaulo at unawaing mabuti ang mga pangunahing talata ng banal na kasulatan atmga Batayang Doktrina.

“Kapag naipatupad nang buong talino at nakaayon sa isa‘t isa, [ang mahahalagangalituntuning ito ay] makapag-aambag sa kakayahan ng mga estudyante namaunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mga doktrina at alituntuningnilalaman ng mga ito. Hinihikayat din nito ang mga estudyante na gampanan angkanilang papel sa proseso ng pagkatuto at inihahanda sila para ipamuhay ang

v

Page 8: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

ebanghelyo at ituro ito sa iba” (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo, 10). Angmahahalagang alituntuning ito ay dapat ituring na resulta sa halip na mgapamamaraan sa pagtuturo (tingnan sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo, 10). Angmga mungkahi sa pagtuturo sa manwal na ito ay naglalahad ng mga paraan paramakamtan ang mga resultang ito sa iyong pagtuturo.

Layunin ng Kursong ItoReligion 130: Ang Paghahanda ng Missionary ay dinisenyo upang tulungan ang mgaestudyante sa paghahanda para sa full-time mission sa pamamagitan ng pagtutuon samga doktrina, alituntunin, at payo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan, mgasalita ng mga propeta, at sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ang manwal na ito, angscriptures, at Mangaral ng Aking Ebanghelyo ang iyong pangunahing teksto sa iyongpaghahanda at pagtuturo ng kursong ito. Ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo angnagsisilbing student manual para sa kursong ito, kaya dapat mong hikayatin ang mgaestudyante na magkaroon ng sariling kopya para sa kanilang sariling pag-aaral at paramagamit sa klase. Pagpapalain mo ang buhay ng iyong mga estudyante habangtinutulungan mo silang maging pamilyar dito at gamitin ito sa paghahanda nilangmagmisyon.

Paano Binuo ang mga LessonAng manwal na ito ay dinisenyo upang tulungan ang bagong tawag at gayundin angmatatagal nang titser. Ang kurso ay dinisenyo para sa isang semestre, at ito aynahahati sa 15 lesson. Bawat lesson ay dinisenyo upang ituro sa isang 90-minutongklase. Kung kulang sa 90 minuto ang klase ninyo, maaari ninyong iklian ang mgalesson o kaya‘y hatiin ito sa iba’t ibang bahagi upang maituro sa dalawang class periodo higit pa.

Bawat lesson sa manwal ay binubuo ng limang bahagi:

• Pambungad

• Paunang Paghahanda

• Mga Mungkahi sa Pagtuturo

• Mga Tulong sa Pagtuturo

• Mga Paanyayang Kumilos

PambungadBawat lesson ay nagsisimula sa maikling pambungad na nagbubuod sa mga doktrina,alituntunin, at pangunahing ideyang tatalakayin sa lesson.

Paunang PaghahandaAng bahaging ito ay kinapapalooban ng mahahalagang resources na pag-aaralan atnakalista rin dito ang resources (halimbawa, mga video, handout, at marami pang iba)na ginagamit sa bawat lesson outline at kakailanganin ninyong ihanda nang maaga.Halimbawa, kapag nakamungkahi sa lesson na ipalabas ang isang video,makabubuting i-download o kaya naman ay ihanda ang video nang maaga.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng bahaging ito ay may mga mungkahi sa pagtuturo ng mga course topic. Bilangtitser, dapat pag-aralan mong mabuti ang bahaging ito. Ang mga mungkahi sapagtuturo na nasa manwal na ito ay nakasunod sa pattern na inilarawan sa chapter 3

PAMBUNGAD SA MANWAL NG TITSER SA PAGHAHANDA NG MISSIONARY (RELIGION 130)

vi

Page 9: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

ng Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo. Ipinapakita ng mga ito kung paano ilalangkapang Fundamentals of Gospel Teaching and Learning [Mga Pangunahing Alituntunin saPagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo] sa iyong pagtuturo para matulungan ang mgaestudyante na maunawaan at ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo at lalo pasilang maging matatag sa ebanghelyo.

Sa katawan ng bawat lesson, makikita ninyo ang ilan sa mahahalagang doktrina,alituntunin, at katotohanan na naka-bold print. Ang mga doktrina at alituntuning itoay tinukoy sa kurikulum dahil (1) nakikita sa mga ito ang mahalagang katotohanangmatatagpuan sa scriptures at sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, (2) talagang angkop angmga ito sa pangangailangan at kalagayan ng mga prospective missionary, o (3) angmga ito ay mahahalagang katotohanan na makatutulong sa mga estudyante napalalimin ang kanilang ugnayan sa Panginoon at ihahanda sila sa paglilingkod bilangfull-time missionary. Ipinayo ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan na:“Habang naghahanda ka ng lesson, hanapin ang mga alituntuning nakapagpapabagong kalooban. … Ang alituntuning nakapagpapabago ng kalooban ay iyong umaakaytungo sa pagsunod sa kagustuhan ng Diyos” (“Converting Principles” [mensahe saCES religious educators, Peb. 2, 1996], 1; si.lds.org). Dapat mong malaman na hinditatangkain ng manwal na ito na tukuyin ang lahat ng doktrina at alituntunin namaaaring itinuturo sa isang lesson, at maaari kang maakay ng Espiritu na ituro ang ibapang mga alituntunin at doktrinang hindi tinalakay sa mga materyal ng lesson. Para saiba pang mga ideya sa pag-aakma ng mga lesson, tingnan sa bahaging “MagpasiyaKung Ano at Paano Magtuturo” sa ibaba.

Mga Tulong sa PagtuturoAng mga tulong sa pagtuturo ay nasa mga kahon sa lahat ng lesson, at ito aygumagabay sa iba‘t ibang pamamaraan ng pagtuturo, mga skill, at teknik. Dinisenyoang mga ito para magbigay ng dagdag na kaalaman sa mga pangunahing alituntuninng pag-aaral ng relihiyon. Humanap ng mga paraan para maisagawa ang mga tulongna ito sa paraang epektibo at palagian sa iyong pagtuturo.

Mga Paanyayang KumilosItinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Taimtim konginaasam sa bawat isa sa inyong [mga prospective missionary] na hindi lamang kayomagpunta sa misyon—kundi maging misyonero kayo bago pa ninyo ipadala anginyong mga papeles sa misyon, bago pa ninyo matanggap ang tawag na maglingkod,bago pa kayo italaga ng inyong stake president, at bago pa kayo pumasok sa MTC”(“Pagiging Misyonero,” Ensign o Liahona, Nob. 2005, 45). Ayon sa konseptong ito,bawat lesson ay naglalaman ng mga iminungkahing aktibidad para hikayatin ang mgaprospective missionary na simulan ang pag-iisip, pagkilos, at paglilingkod tulad ngmga missionary bago sila pumasok sa missionary training center. Ang mga aktibidadsa bahaging ito ay humihikayat sa mga miyembro ng klase na ipamuhay sa tahananang natutuhan nila sa klase. Maraming iba’t ibang paraan sa pag-aatas opagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay nghandout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong mga aktibidadpara sa bawat linggo ng semestre. Maisusulat mo rin ang lingguhang listahan ng mgaaktibidad sa pisara o padalhan mo ng text o email message ang mga estudyante molinggu-linggo.

PAMBUNGAD SA MANWAL NG TITSER SA PAGHAHANDA NG MISSIONARY (RELIGION 130)

vii

Page 10: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Magpasiya Kung Ano at Paano MagturoPumili ng mga Ideya sa Pagtuturo na Tumutugon sa Pangangailangan ng mgaEstudyanteHabang naghahanda kang magturo, maaari mong itanong sa sarili mo ang ganito:Anong mga pamamaraan o aktibidad sa pag-aaral ang tutulong sa mga estudyante kona maunawaan ang kailangan nilang malaman? Ano ang makatutulong sa mgaestudyante ko para matukoy, maunawaan, at maipaliwanag ang mahahalagangdoktrina at alituntunin? Ano ang magagawa ko para tulungan ang mga estudyante namadama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina o alituntuning iyon? Paanoko matutulungan ang mga estudyante na ipamuhay ang mga doktrina at alituntuningito?

Ang manwal na ito ay dinisenyo para tulungan ka sa proseso ng pagpaplano ng lesson.Repasuhing mabuti ang materyal ng lesson. Piliin ang mga ideya sa pagtuturo napinakamainam na tutugon sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante, atiakma ito sa iyong estilo ng pagtuturo. Papatnubayan ka ng Espiritu Santo saprosesong ito. Maaari mong piliing gamitin ang lahat o bahagi ng mga mungkahi sakurikulum, o maaari mong iakma ang mga iminungkahing ideya para sa mgapangangailangan at kalagayan ng inyong klase. Habang iniisip mo kung paano iaakmaang mga materyal ng lesson, tandaang maghanda nang lubusan at hayaang gabayanka ng Espiritu. Isaisip ang payong ito mula kay Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol: “Pinipili muna natin, pagkatapos ay iniaakma natin. Kunglubos nating nauunawaan ang iminungkahing lesson na ibibigay natin, masusunodnatin ang Espiritu para iakma ito” (“A Panel Discussion with Elder Dallin H. Oaks”[Seminaries and Institutes of Religion satellite broadcast, Ago. 7, 2012], 6; si.lds.org).

Bigyan ng Pagkakataong Magturo ang mga EstudyanteIsa sa mga pinakamahalagang magagawa mo bilang titser ng kursong ito ay bigyan ngpagkakataon ang mga estudyante na magpraktis na magturo at magpatotoo sa klase,dahil maraming kabataan ang kulang ang tiwala sa sarili sa pagtuturo ng mga doktrinaat alituntunin ng ebanghelyo. Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na sagutinang mga tanong, ipaliwanag ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa iba pangmiyembro ng klase, at ituro ang mga missionary lesson na matatagpuan sa Mangaralng Aking Ebanghelyo. Kapag naunawaan ng mga prospective missionary kung paanotayong inaakay ng mga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo tungo sa kaligtasan,ituturo nila ang ebanghelyo nang mas taimtim at mabisa.

Bukod sa pag-alam kung ano ang sasabihin at gagawin, kailangang matuto ang mgaprospective missionary na magpokus sa mga kailangan ng mga investigator atmalaman sa pamamagitan ng Espiritu kung ano ang mga kailangan ng bawatinvestigator para patuloy na tahakin ang landas tungo sa conversion o pagbabago.Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang tuluyang conversion ng isanginvestigator ay hindi gaanong nakasalalay sa sinasabi at ginagawa ng missionary kundisa pagkilos ng investigator nang may pananampalataya. Ang pinakamahuhusay namissionary ay nakatuong mabuti sa sinasabi at ginagawa ng mga investigator atpagkatapos ay magiliw silang tinutulungang umunlad tungo sa conversion opagbabalik-loob.

PAMBUNGAD SA MANWAL NG TITSER SA PAGHAHANDA NG MISSIONARY (RELIGION 130)

viii

Page 11: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Bigyang-kahulugan ang mga Inaasahan sa mga EstudyanteAng sumusunod na mga mungkahi ay maaaring makatulong sa paghahanda atpagtuturo mo ng mga lesson:

• Atasan ang mga estudyante na basahin ang angkop na mga bahagi ng Mangaral ngAking Ebanghelyo o mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya bago simulanang bawat lesson. Isiping bigyan ang mga estudyante ng syllabus o course outlinesa simula ng kurso na nagpapaliwanag kung ano ang itinuro sa bawat klase at anoang dapat basahin ng bawat estudyante bilang paghahanda para sa bawat klase.Ang mga estudyanteng maagang naghahanda ng kanilang sarili ay mas malamangna maturuan ng Espiritu Santo habang nagle-lesson.

• Asahang gagampanan ng mga estudyante ang kanilang papel bilang mag-aaral(tingnan sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo, 6, 15, 55).

• Hayaang tuklasin mismo ng mga estudyante ang mga katotohanan ng ebanghelyo.Sumisigla ang mga estudyante kapag inaakay mo sila sa proseso ng pag-aaral nakatulad ng naranasan mo sa paghahanda ng lesson. Sa pagkatulas mismo ng mgaestudyante sa mga doktrina at alituntunin, bigyan sila ng mga pagkakataon paraipaliwanag ang mga katotohanang ito sa sarili nilang mga salita at ibahagi atpatotohanan ang nalalaman nila, ang nadarama nila, at ang plano nilang gawin.

• Lumikha ng kapaligiran kung saan madarama ng mga estudyante ang Espiritu ngPanginoon habang nagtuturo at natututo sila sa isa‘t isa (tingnan sa D at T 88:78,122).

• Hikayatin ang mga estudyante na magdala ng sariling kopya ng scriptures, kopyang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at study journal sa klase. Ipaliwanag kung anoang study journal at kung paano ito gagamitin.

Habang nagpapasiya ka kung ano at paano magtuturo, isaisip ang mga salitang ito niElder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Napansin ko ang katangiang karaniwan sa mga instructor o tagapagturo nanagkaroon ng malaking impluwensya sa buhay ko. Tinulungan nila akong maghangadna matuto sa pamamagitan ng pananampalataya. Tumanggi silang magbigay sa akinng madadaling sagot sa mahihirap na tanong. Sa katunayan, wala silang ibinigay namga sagot sa akin. Sa halip, itinuturo nila ang daan at tinulungan akong gawin angmga hakbang para mahanap ko mismo ang mga sagot. Hindi ko talaga gusto angganitong paraan, ngunit natulungan ako ng karanasan na maunawaan na angkasagutang ibinigay ng ibang tao ay karaniwang hindi matatandaan sa matagal napanahon. Ngunit ang kasagutan na natuklasan natin o nakamtan sa pamamagitan ngpananampalataya, ay karaniwang naaalaala sa habambuhay” (“Seek Learning byFaith” [isang gabi kasama si Elder David A. Bednar, Peb. 3, 2006], 5; si.lds.org).

Mga Aktibidad sa PagtuturoMaraming paraan para maisaayos ang mga aktibidad sa pagtuturo sa silid-aralan naiminungkahi sa mga lesson outline. Makabubuting iba-ibahin ang pagsasaayos ng mgaaktibidad para tulungang manatiling interesado at nakapokus ang mga estudyante.Halimbawa, sa mga role-play, isiping anyayahan ang mga estudyante na magpalitan sapagiging missionary at investigator at evaluator kung angkop ito. Maaari ka ringmakilahok sa alinmang papel kung kinakailangan.

PAMBUNGAD SA MANWAL NG TITSER SA PAGHAHANDA NG MISSIONARY (RELIGION 130)

ix

Page 12: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

M = Missionary; I = Investigator; E = Evaluator

Training ModelAng training model na ginagamit sa kurikulum ng MTC ay maaaring iangkop paragamitin sa kursong ito para tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mga skillat kakayahan. Ang mga elemento ng model na ito ay maaaring gamitin sa anumangpagkakasunud-sunod at paulit-ulit para maisakatuparan ang mithiin ng pagtulong samga estudyante na pagbutihin ang pagsasagawa sa pamamagitan ng pagpapraktis.

Ipaliwanag—Ipakita—Praktisin—Suriin—Muling Praktisin

IpaliwanagIpaliwanag ang mga konsepto at kasanayan na dapat malaman ng mga estudyante, atituro sa kanila kung paano nakatutulong ang mga kasanayan at konseptong ito sapagsasakatuparan ng layunin ng missionary.

IpakitaMagpakita ng halimbawa ng dapat gawin ng mga estudyante. Ito ay maaaring gawinsa pamamagitan ng mga live demonstration, video, o iba pang paraan.

PraktisinSabihin sa mga estudyante na praktisin ang mga kasanayan nang may kapares o sagrupo.

SuriinGamit ang input ng mga estudyante, tukuyin ang mga bagay na nagawa nila nangmabuti at ang mga paraan na mapagbubuti nila ang kanilang mga kasanayan.Hikayatin sila.

Muling PraktisinKapag maaari, mag-ukol ng panahon para paulit-ulit na magpraktis.

PAMBUNGAD SA MANWAL NG TITSER SA PAGHAHANDA NG MISSIONARY (RELIGION 130)

x

Page 13: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Online Missionary WorkBilang mga full-time missionary, gagamitin ng inyong mga estudyante ang Internetbilang proselyting tool para maghanap at kontakin ang mga investigator, kontakin angmga miyembro, makipagtulungan sa mga local leader ng priesthood at mission,sagutin ang mga tanong, tumanggap at kontakin ang mga referral, mag-follow up samga commitment, mag-confirm ng mga appointment, at ituro ang mga alituntuninmula sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Tutulungan ka ng iba’t ibang mungkahi sabuong manwal na ito na hikayatin ang mga estudyante na simulang ibahagi angebanghelyo gamit ang online tools.

Bilang instructor para sa kursong ito, maaari mong gamitin ang electronic tools sapamamagitan ng pagkontak sa iyong mga estudyante sa loob ng linggo gamit ang mgatext message o social media para mag-follow up tungkol sa mga class assignment, parahikayatin silang mag-aral bago sila pumasok sa klase, o paalalahanan silang basahinaraw-araw ang Aklat ni Mormon.

Pag-aangkop ng Manwal sa mga Taong may KapansananKapag nagtuturo sa mga estudyanteng may kapansanan, maaaring iakma ng mgatitser ang mga lesson para mapagtuunan ang mga kayang gawin ng mga estudyante.Halimbawa, para iakma ang mga lesson sa mga estudyante na hindi makabasa,maaaring ikaw na mismo ang magbasa nang malakas, pabasahin ang mga estudyante,o gumamit ng mga prerecorded material (tulad ng audio o video version ng scriptures,ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at ng mga mensahe sa pangkalahatangkumperensya). Kapag kailangan sa lesson ang nakasulat na mga sagot, maaari monghikayatin ang mga estudyante na bigkasin na lang ang kanilang mga sagot. Maaariring tulungan ng iba pang mga estudyante ang mga taong may kapansanan sapamamagitan ng pagbabasa ng materyal para sa kanila o pagsusulat ng mga sagot parasa kanila.

Para sa mas marami pang ideya at resources, tingnan ang Disability Resources page sadisabilities.lds.org at ang bahagi ng S&I policy manual na may pamagat na “AdaptedClasses and Programs for Students with Disabilities.”

PAMBUNGAD SA MANWAL NG TITSER SA PAGHAHANDA NG MISSIONARY (RELIGION 130)

xi

Page 14: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 15: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

1

Pag-anyaya sa EspirituSanto. Kadalasan angisang debosyonal nanaihandang mabuti atpinamumunuan ng isangestudyante na maykasamang panalangin,isang himno, at maiklingkaisipan mula sascriptures ay nag-aanyaya sa Espiritu,nagbibigkis sa mgaestudyante, atnaghahanda ng kanilangpuso’t isipan para saespirituwal na pagkatuto.

Ang Layunin ng Missionary

PambungadItinuturo ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo na ang layunin ngmissionary ay “imbitahin ang iba na lumapit kay Cristo sapagtulong sa kanila na matanggap ang [ipinanumbalik] naebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristoat sa Kanyang Pagbabayad-sala, pagsisisi, [pagpapa]binyag,pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggangwakas” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 1). Sabi ni Elder Neil L.

Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang pagmimisyonninyo ay isang banal na pagkakataon upang maakay ang ibapatungo kay Cristo at tumulong sa paghahanda para sa IkalawangPagparito ng Tagapagligtas” (“Paghahanda sa Mundo para saIkalawang Pagparito,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 50). Angkursong ito ay maghahanda sa inyong mga estudyante namakilahok sa sagradong pagkakataon ng gawaing misyonero.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang 2 Nephi 31:2, 10–21; 3 Nephi 11:31–41; at 3 Nephi 27:13–21.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 1.

• Maghandang ipalabas ang video na “The Purpose of Missionary Work: RoblesFamily” (9:19), makukuha sa LDS.org.

• Ihanda ang handout na pinamagatang “Ang Ating Layunin Bilang Missionary,” namatatagpuan sa dulo ng lesson.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Layunin ng Gawaing MisyoneroHilingin sa mga estudyante na tumukoy ng mga aktibidad at gawain na regular naginagawa ng mga missionary, at ilista ang mga ito sa pisara. (Ang mga sagot aymaaaring kabilangan ng pagbabahay-bahay, pag-aaral, pagtuturo, pagdarasal, atpaglilingkod.)

Ipabasa sa isang estudyante ang teksto sa kahon na “Ang Layunin Mo” sa pahina 1 ngMangaral ng Aking Ebanghelyo. (Dahil ito ang unang class meeting, maaaringmaraming estudyante ang walang dalang kopya ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kayamaaaring kailanganin mong mamigay ng mga photocopy nito at ng iba pang kaugnayna mga pahina.)

Pagkatapos, ipakumpara sa mga estudyante ang missionary purpose statement salistahan ng mga gawain na nasa pisara, at itanong:

• Paano pinalalawak ng pag-unawa sa missionary purpose statement ang pag-unawamo sa ginagawa ng mga missionary? Paano nagbibigay ng kahulugan ang layuningito sa mga gawaing isinasagawa ng mga missionary?

• Aling mga bahagi ng purpose statement na ito ang tumutukoy sa responsibilidadng mga missionary, at aling mga bahagi ang tumutukoy sa responsibilidad nginvestigator?

• Paano ka magiging mas epektibong missionary kapag ginawa mong gabay naalituntunin ang purpose statement na ito sa iyong gawain? (Ang purposestatement ay nagbibigay ng direksyon sa gawaing ginagawa ng isang missionary.Hindi nito gaanong itinutuon ang mga missionary sa pagsasagawa ng mga gawainkundi sa pagsasakaturapan ng kanilang tunay na layunin.)

1

Page 16: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Para matulungan ang mga miyembro ng klase na mas maunawaan ang layunin nggawaing misyonero, ipabuklat sa kanila ang pahina 2 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo,at ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang huling talata, simula sa “Tinawagka.”

Paalala: Ipaliwanag sa mga estudyante na ang manwal nila para sa kursong ito ay ang Mangaral ngAking Ebanghelyo. Hikayatin silang magdala ng print o electronic copy ng Mangaral ng Aking

Ebanghelyo sa klase linggu-linggo. Maaari ka ring kumuha ng mga kopya ng mga polyeto ng Mangaral ngAking Ebanghelyo na gagamitin sa mga practice activity na nakabalangkas sa manwal ng guro.

Bilang isang klase, talakayin ang sumusunod na mga tanong:

• Ayon sa talatang ito, ano ang dapat gawin ng isang tao para mapalapit saTagapagligtas?

• Ayon sa talatang ito, ano ang ginagawa ng isang missionary para matulungan angiba na lumapit kay Jesucristo?

Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng handout na “Ang Ating Layunin BilangMissionary.” Ang handout ay naglalaman ng isang bahagi ng mensaheng ibinigay niElder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ayusin ang mgaestudyante sa maliliit na grupo, o anyayahan silang bumuo ng sarili nilang grupo.Ipabasa nang malakas ang handout sa mga grupo at talakayin ang mga tanong sa dulo.

Matapos mabigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante na pag-aralan attalakayin ang mensahe ni Elder Christofferson, ipabahagi sa ilang estudyante angkanilang mga sagot sa mga tanong sa talakayan. Pagkatapos ay itanong ang mgasumusunod:

• Paano ka makapagsisimulang magtuon sa missionary purpose statement? (Angmga sagot ay maaaring kabilangan ng alinman sa mga sumusunod: maaaring piliinng mga estudyante na isaulo ito, maaari nila itong isulat at ilagay kung saan nila itomakikita araw-araw, maaari nilang ipagdasal na mas maunawaan ito, o maaarisilang maghanap ng partikular na mga bahagi ng layuning ito bilang bahagi ngkanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na sipi mula kay ElderDallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Hindi tayo nangangaral at nagtuturo para ‘dalhin ang mga tao sa Simbahan’ o paradagdagan ang mga miyembro ng Simbahan. Hindi tayo nangangaral at nagtuturo paralamang hikayatin ang mga tao na pagbutihin ang kanilang pamumuhay. …Iniimbitahan natin ang lahat na lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng pagsisisi atbinyag at kumpirmasyon para mabuksan ang mga pintuan ng kahariang selestiyal sa

mga anak ng Diyos [tingnan sa D at T 76: 51–52]. Walang ibang makagagawa nito” (“The Purpose ofMissionary Work,” missionary satellite broadcast, Abr. 1995).

• Bakit mahalagang tandaan na ang pangangaral ng ebanghelyo ay tungkol sa isangbagay na mas dakila kaysa pagtulong lamang sa isang tao na maging miyembro ngSimbahan? (Tingnan din sa 3 Nephi 11:33–34.)

• Ano ang nasa isipan mo kapag inisip mo na tutulong kang “mabuksan ang mgapintuan ng kahariang selestiyal” sa mga tinuturuan mo?

LESSON 1: ANG LAYUNIN NG MISSIONARY

2

Page 17: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagsasabuhay. Dapatbigyan ng mga guro ngoras ang mga estudyantesa klase na pag-isipan,pagbulayan, o isulat angpartikular na mgahakbang na maaarinilang gawin paramaipamuhay ang mgaalituntunin. Dapathikayatin ng mga guroang mga estudyante nahumingi ng patnubay atdireksyon mula saPanginoon sapaghahangad nilangmalaman kung paanoipamuhay nang personalang mga alituntunin.

Ipaisip sa mga estudyante kung paano nila maipamumuhay ang layunin ng missionary,at kung ang mga personal na layon nila sa pagmimisyon ay tumutugma sa missionarypurpose statement na matatagpuan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Sabihin sa mgaestudyante na sumandaling isulat sa isang pirasong papel o sa isang study journal angpartikular na mga hakbang na maaari nilang gawin para mas umayon ang mga dahilannila sa pagmimisyon sa purpose statement na ito.

Paalala: Ang study journal ay maaaring isang bound journal, isang notebook, o mga pahinang naka-binder. Maaari ding gamitin ng mga estudyante ang notes and journal tool sa LDS.org o isang note-

taking app sa electronic device. Dapat gamitin ng mga estudyante ang kanilang study journal para magsulatng mga tala at mga pahiwatig habang nagtuturo at nag-aaral nang personal.

Pagtuturo ng Doktrina ni CristoIpaliwanag sa klase na ipinahayag ng Tagapagligtas na ang isa sa mga pangunahinglayunin ng Aklat ni Mormon ay “[dalhin] sa liwanag ang aking ebanghelyo [at] angmga tunay na paksa ng aking doktrina” (D at T 10:62). Kabilang sa doktrina ni Cristoang utos na ang buong sangkatauhan ay maniwala na si Jesucristo ang Panginoon atTagapagligtas, magsisi sa kasalanan, magpabinyag, at tanggapin ang Espiritu (tingnansa 3 Nephi 11:32). Isulat sa pisara ang mga sumusunod:

2 Nephi 31:2, 10–21 3 Nephi 11:31–41 3 Nephi 27:13–21

Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Ipaaral sa unang grupo ang 2 Nephi 31:2, 10–21;ipaaral sa pangalawang grupo ang 3 Nephi 11:31–41; at ipaaral sa pangatlong grupoang 3 Nephi 27:13–22. Ipabasa sa bawat grupo ang kanilang mga talata at ipatukoykung ano ang kailangang gawin ng mga taong naghahangad na sundin si Jesucristo.Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na i-highlight o markahan sa kanilangmga banal na kasulatan ang partikular na mga katotohanan tungkol sa doktrina atebanghelyo ni Jesucristo.

Matapos mabigyan ng ilang minuto ang mga estudyante na rebyuhin ang mga talatangito, ipalista sa kanila sa ilalim ng bawat reperensyang nasa pisara ang partikular namga hakbang na kailangang gawin ng mga alagad ni Jesucristo.

Pagkatapos ay itanong ang katulad ng mga sumusunod:

• Kung may magtanong sa iyo kung naniniwala ang mga Mormon kay Jesucristo,paano makakatulong sa iyo ang tatlong talatang ito sa banal na kasulatan paramasagot ang tanong na ito?

• Sa sarili mong mga salita, paano mo ipaliliwanag ang doktrina o ebanghelyo niJesucristo sa isang taong hindi alam kung ano iyon?

• Maaari kang tanungin ng ilang tao kung bakit nangangaral ang mga missionary samga taong naniniwala na kay Jesucristo. Paano nakakatulong ang doktrina niCristo, ayon sa nakabalangkas sa mga talatang ito sa pisara, na sagutin ang tanongna iyan?

Kapag tumugon ang mga estudyante, tiyakin na nauunawaan nila na ang doktrina niCristo ay binubuo ng (1) nagawa ni Jesucristo at patuloy na ginagawa para mapalapittayo sa Ama (tingnan sa Alma 33:22; D at T 76:40–42) at ng (2) kailangan nating gawinpara matamo ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, pati na angpagkakaroon ng pananampalataya, pagsisisi, pagpapabinyag, pagtanggap ng kaloob naEspiritu Santo, at pagtitiis hanggang wakas (tingnan sa 3 Nephi 27:16–21).

LESSON 1: ANG LAYUNIN NG MISSIONARY

3

Page 18: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ibalik ang pansin ng mga estudyante sa missionary purpose statement na nasa pisaraat itanong:

• Paano nauugnay ang doktrina ni Cristo sa layunin ng gawaing misyonero?

Habang tinatalakay ng mga estudyante ang tanong na ito, malamang na ipahayag nilaang sumusunod na katotohanan: Isinasakatuparan ng mga missionary angkanilang layunin sa pagtulong sa mga investigator na tanggapin ang doktrina niCristo, magkaroon ng pananampalataya, magsisi, magpabinyag, matanggap angkaloob na Espiritu Santo, at manatiling tapat hanggang wakas.

Para mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante na kailangang kumilos ang mgainvestigator ayon sa doktrina ni Cristo na tanggapin ang ipinanumbalik na ebanghelyo,ipabuklat sa mga estudyante ang pahina 6 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at ipabasanang malakas sa isang estudyante ang unang dalawang talata sa bahagingpinamagatang “Ang Ebanghelyo ni Jesucristo.” Pagkatapos ay magtanong gaya ng mgasumusunod para malaman ng iyong mga estudyante kung bakit mahalagang kumilosang mga investigator nang may pananampalataya:

• Anong katibayan ang maaaring hanapin ng isang missionary para malaman kungang isang investigator ay nananampalataya kay Jesucristo at sa KanyangPagbabayad-sala, nagsisisi, at naghahandang tanggapin ang tipan ng binyag?

Matapos sumagot ang mga estudyante, ipaliwanag na kadalasan ay nag-aalala angmga missionary kung ano ang tamang sabihin at gawin. Gayunman, mas mahalagakaysa sa sinasabi at ginagawa ng mga missionary ay ang pagkilos ng mga investigatornang may pananampalataya sa itinuturo sa kanila. Ang isa sa mga pinakamahalagangkasanayang maaaring taglayin ng isang missionary ay ang mahiwatigan sapamamagitan ng Espiritu kung ang isang investigator ay talagang kumikilos nang maypananampalataya at nagbabagumbuhay.

• Anong katibayan ang maaaring hanapin ng isang missionary para malaman kungnadarama ng isang investigator ang Espiritu Santo habang nagle-lesson?

• Ano ang magagawa ng mga magiging missionary para mas maunawaan atmaipamuhay ang doktrina ni Cristo? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ngalinman sa mga sumusunod: manalangin nang may pananampalataya para masmakaunawa pa, pag-aralan sa mga banal na kasulatan ang partikular na mgaaspeto ng doktrina ni Cristo tulad ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at mgapangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo, kausapin ang iba tungkol sanagawa nila para lumago ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo, pag-aralanang mga panalangin sa sakramento para mas maunawaan ang mga tipan sabinyag, at iba pa.)

Ipalabas ang video na “The Purpose of MIssionary Work: Robles Family” (9:19),at sabihin sa mga miyembro ng klase na isulat kung ano ang ginawa ng mga

missionary para matulungan ang pamilya Robles na lumapit kay Cristo.

Matapos ipalabas ang video, magtanong tulad ng mga sumusunod para matulunganang mga estudyante na ipaliwanag kung ano ang ginawa ng mga missionary paramaisakatuparan ang kanilang layunin:

• Ano ang ginawa ng mga missionary na ito para mapalago ang pananampalataya ngpamilya Robles? (Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod:hinikayat nila silang ipagdasal ang Aklat ni Mormon, sinagot ang kanilang mgatanong, itinuro sa kanila kung bakit mahalagang sundin ang mga kautusan,

LESSON 1: ANG LAYUNIN NG MISSIONARY

4

Page 19: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

pinapangako silang sundin ang mga kautusan, tinulungan silang tanggapin angordenansa ng binyag, tiniyak na tinutulungan sila ng ward sa kanilang buhay, atitinuon sila sa templo.)

• Bakit mahahalagang aspeto kapwa ang pagtuturo sa mga investigator at pag-anyayasa kanila na lumapit kay Cristo sa ginagawa ng mga missionary?

• Anong katibayan ang nakita ninyo na lumago ang pananampalataya ng mgamiyembro ng pamilya Robles at na nadama nila na mas nakaayon sila sa Espiritu niCristo?

Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante mo para pag-aralan ang bahagingpinamagatang “Pagtulong sa Iba na Gumawa ng mga Pangako: Ang Daan tungo saPananampalataya at Pagsisisi” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 9. Pagkataposay atasan ang mga estudyante na magpares-pares at maghalinhinan sa pagbabahaging nadarama nila tungkol sa pag-anyaya sa iba na tumupad sa mga pangako. Ano angkanilang mga pinangangambahan at ipinag-aalala? Ano ang nakakatulong sa kanilana magkaroon ng tiwala sa sarili na kakayanin nilang gawin ito? Pagkatapos ay itanongang mga sumusunod:

• Paano makakatulong sa iyo ang pag-unawa sa doktrina ni Cristo na anyayahan angmga investigator na gumawa ng mga pangako?

• Bakit sinabi ni Elder Jeffrey R. Holland na ang isang missionary ay dapat “magingnapakalungkot” kapag hindi tumupad ang mga tao sa pangakong basahin oipagdasal ang Aklat ni Mormon?

Ipawari sa klase kung ano kaya ang pakiramdam ng tumulong sa mga tao na gumawang mga pagbabago at magpabinyag. Itanong kung sino sa kanila ang nakatulong na saisang kaibigan o kapamilya na lumapit kay Cristo, at anyayahan silang ibahagi kungano ang pakiramdam ng makatulong sa prosesong iyan.

Ang Pinakamahalagang TungkulinTalakayin kung paano nagkaroon ng awtoridad ang mga missionary na ituro angebanghelyo sa mga anak ng Ama sa Langit at tulungan silang tanggapin ang mgaordenansang magtutulot sa kanila na matamasa ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala. Idispley ang sumusunod na mga pahayag, at hilingin sa isang estudyante nabasahin nang malakas ang mga ito sa klase:

“Matapos masabi ang lahat, ang pinakadakila at pinakamahalagang tungkulin ayipangaral ang Ebanghelyo” (Joseph Smith, sinipi sa Mangaral ng AkingEbanghelyo, 13).

“Ang pagtuturo ng ebanghelyo ay mas mahalaga kaysa iba pang mabubuting gawa.Kayo ay nasa pinakadakilang gawain sa mundo, at walang anumang bagay sa mundongito na maihahambing dito. Balewala ang pagtatayo ng mga bahay at tulay. Balewalaang pagbubuo ng mga mundo kumpara sa buhay na binubuo ninyo. Ang pagliligtas ngmortal na buhay ng mga tao ay hindi mahalaga kumpara sa ginagawa ninyo. Maaari

kayong lumabas dito at magpunta sa isa sa mga sementeryong ito at magpabangon ng patay, magingng isang libo o sampung libo sa kanila, at hindi pa rin ito maikukumpara sa ginagawa ninyo kapagnagliligtas kayo ng mga tao” (The Teachings of Spencer W. Kimball [1982], 547).

LESSON 1: ANG LAYUNIN NG MISSIONARY

5

Page 20: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Tanungin ang mga estudyante mo kung gustong sabihin ng ilan sa kanila ang kanilangpalagay kung bakit ang pangangaral ng ebanghelyo ang pinakamahalaga natingtungkulin. Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na sa pangangaral ngebanghelyo, tinutulungan natin ang iba na matamo ang mga pagpapala ngPagbabayad-sala.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:10, 15–16habang sumasabay sa pagbasa ang klase, na hinahanap ang mga pagpapalangdumarating sa mga nangangaral ng ebanghelyo at sa mga tumatanggap saebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ilan sa mga pagpapalang dumarating sa mga nangangaral ng ebanghelyoat sa mga tinuturuan ng ebanghelyo?

Ipaliwanag na ang gawaing misyonero ay maaari ring maging mahirap. Ipabasa saisang estudyante ang sumusunod na sipi mula kay Elder Jeffrey R. Holland ng Korumng Labindalawang Apostol:

“Naniniwala ako na hindi madali ang gawaing misyonero dahil hindi mumurahingkaranasan ang kaligtasan. Hindi kailanman naging madali ang kaligtasan. Tayo angSimbahan ni Jesucristo, ito ang totoo, at Siya ang ating Dakilang Walang-hanggangPinuno. Paano natin mapaniniwalaang magiging madali para sa atin ito samantalanghindi ito kailanman naging madali para sa Kanya? Palagay ko ay kailangang danasin ng

mga misyonero at pinuno ng misyon kahit ilang sandali man lamang ang Getsemani. Kailangangdumanas ng hirap at pasakit ang mga misyonero at pinuno ng misyon tulad ng dinanas ngTagapagligtas paakyat sa Kalbaryo.

“… Naniniwala ako na upang malaman ng mga misyonero at mga nagsisiyasat ang katotohanan,kaligtasan, at maunawaan ang halagang ibinayad dito, kailangan nilang magbayad ng bahagi ngkatumbas na halaga nito” (“Gawaing Misyonero at Pagbabayad-sala,” Liahona, Okt. 2001, 31–32).

• Paano makakatulong sa inyo ang pananaw na ito tungkol sa gawaing misyonerokapag dumaranas kayo ng mga hamon bilang missionary?

Sa pagtatapos mo ng klase, isiping bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante paraisulat ang natutuhan nila tungkol sa kaugnayan ng gawaing misyonero sa doktrina niCristo. Hikayatin ang mga estudyante na magtakda ng mithiin na maaari nilang gawinpara mas maunawaan ang doktrina ni Jesucristo habang naghahanda sila para sakanilang misyon. Tanungin ang mga estudyante kung gustong magpatotoo ngsinuman sa kanila sa klase. Magpatotoo na kung matututo at kikilos ang mgaestudyante ayon sa doktrina ni Cristo, magtatagumpay sila bilang missionary.

Mga Paanyayang KumilosPaalala: Bawat lesson ay may iminungkahing mga aktibidad na dinisenyo upang tulungan ang mgaestudyante na maging mas handang maglingkod sa misyon. Maraming iba’t ibang paraan sa pag-

aatas o pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamahagi ng isang handout saoras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong mga aktibidad para sa bawat linggo ng semestre.Maisusulat mo rin ang lingguhang listahan ng mga aktibidad sa pisara, o kung maaari ay padalhan mo ngtext o email message ang mga estudyante mo linggu-linggo tungkol sa mga aktibidad na ito.

Ipaliwanag sa mga estudyante na ang epektibong paghahanda para sa full-timemission ay nangangailangan ng pagsisikap sa labas ng klase. Samakatwid, sapagtatapos ng bawat lesson, magbibigay ka ng iminungkahing mga aktibidad nadinisenyo upang tulungan silang maging mas handang maglingkod sa misyon. Upang

LESSON 1: ANG LAYUNIN NG MISSIONARY

6

Page 21: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

matulungan ang mga estudyante na simulan na ngayong makibahagi sa gawain ngPanginoon, hamunin silang gawin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod:

• Gamit ang social media, ibahagi sa iba kung bakit ka sabik na maglingkod samisyon at ano ang ginagawa mo para makapaghanda.

• Panoorin ang ilan sa mga video na matatagpuan sa bahaging Hastening the Workof Salvation ng LDS.org at isulat sa isang study journal ang damdamin mo kapaginisip mo ang pagkakataon mong makibahagi sa gawain ng kaligtasan.

• Anyayahan mong sumama sa iyo ang isang kaibigan sa pagdalo sa klaseng ito sapaghahanda ng mga missionary. (Maaari mong ipaabot ang paanyayang ito sa mgaestudyante sa pagtatapos ng bawat klase.)

• Hikayatin ang isang di-miyembro o di-gaanong aktibong miyembro na magpaturong mga missionary lesson.

LESSON 1: ANG LAYUNIN NG MISSIONARY

7

Page 22: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paghahanda ng Missionary—Lesson 1

Ang Ating Layunin Bilang MissionaryElder D. Todd ChristoffersonSeminar para sa mga Bagong Mission President, 2008

Isipin ang ilang halimbawa ng kaibhan sa pagitan ng nangya-yari kapag nakasentro ang gawaing misyonero sa layunin ng missionary at sa maaaring mangyari kapag nakatuon lamang ito sa mga aktibidad ng missionary:

(1) Kung ang mga missionary ay kumikilos ayon sa layunin, tinuturuan nila ang mga tao sa paraan na tunay na nauuna-waan ng mga ito ang ebanghelyo at kung bakit at paano sila nararapat magsisi. Kung hindi sa layunin nakatuon ang mga missionary, maaaring magturo lang sila para maabot ang partikular na bilang ng mga lesson na itinuturo sa bawat linggo. Sa gayon, sisikapin nilang tapusin ang lesson sa halip na talagang makinig at tumugon sa nasa puso’t isipan ng investigator. Magbabahagi sila ng impormasyon sa halip na mag- alok ng kaligtasan, at lubhang magkaiba ang dalawang karanasang iyon para sa isang investigator (at para sa isang missionary).

(2) Ang mga missionary na nakakalimot sa kanilang layunin ay maaaring “buksan ang kanilang bibig” at makibahagi sa paghahanap ng mga aktibidad para punuin ang teaching pool ng partikular na bilang ng mga tao nang hindi hinahangad at pinakikinggan ang Espiritu para malaman kung sino ang nakadarama sa Espiritu habang nagsasalita sila. Ang pagha-hanap ay matutuon lamang sa dami ng matuturan nang hindi iniisip ang potensyal na makapagpabago ng buhay.

(3) Kung wala ang layunin sa isipan ng missionary, ang daily planner ay malamang na magsilbi na schedule at appoint-ment calendar lamang. Gayunman, kung pakakaisipin ang layunin, ang planner ay magiging kasangkapan sa pagtiyak na ang mga bagay na kailangang mangyari para magkaroon ng bunga, ibig sabihin, ang pagbabagumbuhay at pagpapabin-yag, ay talagang natukoy, naalala, at pinapangyari sa bawat in-vestigator. Kung hindi, malamang na mahulog ang missionary sa bitag ng pag- iisip na ang sukatan ng kanyang tagumpay ay nasa pagiging abala.

(4) Ang missionary na seryoso sa kanyang layunin ay aasamin sa araw- araw ang pagkakataong magpakabusog sa salita ng Diyos dahil ang pag- aaral niya ay magiging makabuluhan. Maghahanap siya ng mga sagot sa taos- pusong mga tanong ng kanyang mga investigator, gayundin sa sarili niyang mga tanong. Hahangarin niya ang patnubay kung paano turuan at akayin ang mga investigator sa landas ng pagsisisi. Kung

wala ang ganitong layunin, malamang na di- gaanong maging masigasig ang missionary sa pag- aaral nang sarilinan at nang kasama ang kanyang kompanyon. Kahit mag- ukol siya ng oras, hindi ito mag- aalab na kalaunan ay maaaring lalong magpasigla sa kanyang pagtuturo nang may diwa ng pag-hahayag at propesiya. (Tingnan sa Alma 17:2–3; 43:2; D at T 11:21, 25–26.)

(5) Maaaring isipin ng isang missionary na anyayahan ang mga tao na dumalo sa Simbahan dahil naniniwala siya na iyon ang dapat gawin ng mga missionary. Gayunman, kapag nag- aalab sa kanyang puso ang layunin ng missionary, nauunawaan ng missionary na ang pakikibahagi sa Simba-han ay mahalaga para lalong hangarin ng investigator na magpabinyag at magkaroon ng pundasyon para makapagtiis hanggang sa wakas sa tipan ng ebanghelyo. Nasasaisip ang pangunahing layuning iyon, ang paanyayang dumalo sa Simbahan ay magkakaroon ng higit na kahalagahan, ang paliwanag tungkol sa kahalagahan ng pagsamba sa araw ng Sabbath at kung ano ang aasahan sa serbisyo ng mga LDS sa araw ng Linggo ay mag- iiba, ang diwang kalakip ng mga salita ng mga missionary ay magkakaroon ng kapangyari-hang manghikayat na hindi mangyayari kung hindi natin iyon iisipin.

Huwag sana ninyong balewalain ang unang kabanata ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo at ang tanong doon na: “Ano ang layunin ko bilang misyonero?” Kapag naisaloob na ng mga missionary ang layuning magdala ng mga tao kay Cristo sa pamamagitan ng mga alituntunin at ordenansa ng ipina-numbalik na ebanghelyo, mauunawaan nila na ang gawaing misyonero ay hindi isang programa, ito ay isang layunin—ang layunin ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Mau-unawaan nila na hindi sila mga salesman o technician kundi sila ay binigyang- karapatan ng langit at itinalagang mga guro ng kabutihan. Mauunawaan nila na hindi matatanggap ng daigdig ang biyaya at kaligtasang hatid ng pagbabayad- sala kung hindi sa pamamagitan nila at ng Simbahang kanilang kinakatawan, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Mauunawaan nila kung ano sila at tungkol saan ang gawaing ito, at magiging abala sila sa gawain ng kanilang Ama. Tulad ng mga anak ni Mosias, sila ay mag-tuturo “nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos” (Alma 17:3).

© 2

016

NG IN

TELL

ECTU

AL R

ESER

VE, I

NC. L

AHAT

NG

KAR

APAT

AN A

Y NA

KALA

AN.

Page 23: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paghahanda ng Missionary—Lesson 1

Mga Tanong sa Talakayan 1. Paano malalaman ng isang missionary kung ang kanyang

ikinikilos ay ginagabayan ng layunin ng missionary?

2. Paano maaapektuhan ng pagtutuon sa layunin ng gawaing misyonero ang pagganap mo bilang missionary araw- araw?

3. Paano naipapaunawa sa iyo ng huling talata ang kawalang- hanggan ng gagawin mo bilang missionary?

Page 24: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

2 Ang Pangangailangan Natin saPagbabayad-sala

PambungadAng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang pinakamahalaga sa planong kaligtasan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, isinakatuparan ni Jesucristo ang mga layunin ng KanyangAma sa pagtubos sa atin mula sa espirituwal at pisikal nakamatayan, pagtugon sa mga hinihingi ng katarungan, at paglilinissa atin mula sa sari-sarili nating mga kasalanan kung tayo aymagsisisi. Pinapanatag din tayo ng Tagapagligtas sa ating mgakahinaan, binibigyan tayo ng lakas na maisagawa ang mga bagay

na hindi natin kayang gawing mag-isa, at binibigyan tayo ng pag-asa na makakabalik tayo sa piling Niya at ng Ama sa Langit. Angmga full-time missionary ay nakikibahagi sa gawain ng kaligtasansa pagtulong sa iba na malaman kung paano matatamo ang mgapagpapala ng Pagbabayad-sala sa pamamagitan ngpagsampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, pagpapabinyag,pagpapakumpirma, at pagtitiis hanggang wakas.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang mga sumusunod para mas maunawaan kung bakit natin kailangan

ang Pagbabayad-sala: Mga Taga Roma 3:23; 2 Nephi 9:6–10; at Alma 42:9–14.

• Pag-aralan ang mga sumusunod para makita ang ilan sa mga pagpapalangmakakamtan sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala: Mosias 3:19; 4:3; 24:12–15; atAlma 5:12–13; 7:11–13.

• Pag-aralan ang Elder Jeffrey R. Holland, “Gawaing Misyonero at Pagbabayad-sala,”Liahona, Okt. 2001, 26–32.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 56–57 at 66–67.

• Maghandang ipalabas ang video na He Lives! All Glory to His Name!” (2:51; clipmula sa mensahe ni Elder Richard G. Scott, Ensign o Liahona, Mayo 2010, 75–78),na makukuha sa lds.org/media-library.

8

Page 25: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paglinang ngkapaligirang maypagmamahalan atpaggalang. Pagpasok ngmga estudyante sa klase,batiin sila sa pangalan,sabihin sa kanila namasaya kang makita sila,pasalamatan sila sapagdalo, o magtanongtungkol sa kanilangpamilya, trabaho, opaaralan. Ang mgaestudyante nanadaramang sila aymahal,pinagkakatiwalaan, atpinahahalagahan ngkanilang guro at ng ibapang mga estudyante aymalamang na mashandang pumasok saklase, mas tanggap angimpluwensya ng Espiritu,at mas malaki anghangaring makibahagi.

Mga Mungkahi sa PagtuturoBakit Natin Kailangan ang Pagbabayad-salaMagsimula sa pagtatanong sa mga estudyante ng mga sumusunod:

• Paano nauunawaan ng mga tao na kailangan nila ang Pagbabayad-sala ni Jesucristosa kanilang buhay?

Susunod, idispley ang sumusunod na pahayag:

“Tulad ng pag-ayaw ng tao sa pagkain kung hindi siya gutom, gayon din naman nahindi niya hahangaring maligtas kay Cristo hangga’t hindi niya alam kung bakit niyakailangan si Cristo.

“Walang sinumang sapat at wasto ang kaalaman sa kung bakit kailangan niya si Cristohangga’t hindi niya nauunawaan at tinatanggap ang doktrina ng Pagkahulog at ang

epekto nito sa [buong] sangkatauhan” (Pangulong Ezra Taft Benson, A Witness and a Warning[1988], 33).

Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang tinutukoy natin kapag pinag-uusapan natin ang Pagkahulog ni Adan?

Idispley ang sumusunod na sipi at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante saklase:

“Dahil sina Adan at Eva … ay kumain ng bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama,pinalayas sila mula sa harapan ng Panginoon (tingnan sa D at T 29:40–41). Sa madaling salita,dumanas sila ng espirituwal na kamatayan. Naging mortal din sila—na daranas ng pisikal nakamatayan. Ang espirituwal at pisikal na kamatayang ito ay tinatawag na Pagkahulog. …

“Bilang mga inapo nina Adan at Eva, mamanahin natin ang nahulog na kalagayan sa mortalidad(tingnan sa Alma 42:5–9, 14). Tayo ay nahiwalay mula sa presensya ng Panginoon at daranas ngpisikal na kamatayan. Nalagay rin tayo sa kalagayan ng oposisyon, kung saan susubukin tayo ng mgahirap ng buhay at mga tukso ng kaaway (tingnan sa 2 Nephi 2:11–14; D at T 29:39; Moises6:48–49)” (Tapat sa Pananampalataya [2006], 137–38).

Tulungan ang mga estudyante na tukuyin ang mga doktrinang itinuturo sa siping ito sapagtatanong ng:

• Paano naaapektuhan ng Pagkahulog ni Adan ang bawat isa sa atin bilang mgainapo nina Adan at Eva? (Katulad nina Adan at Eva, tayo man ay daranas ngpisikal at espirituwal na kamatayan. Nabubuhay tayo sa isang makasalanangmundo at daranas tayo ng mga hirap ng buhay at mga tukso ng kaaway. Tayoay nahiwalay mula sa harapan ng Ama at kailangan natin ang tulong ngTagapagligtas para tayo ay makabalik sa Kanya.)

Isulat sa pisara ang sumusunod na mga scripture reference, at bigyan ng ilang minutoang mga estudyante para pag-aralan ang mga ito:

Mga Taga Roma 3:23

2 Nephi 9:6–10

Alma 42:9–11, 14

LESSON 2: ANG PANGANGAILANGAN NATIN SA PAGBABAYAD-SALA

9

Page 26: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagpapaliwanag sadoktrina. Isa sa mgakasanayang kailangan nglahat ng missionary ayang kakayahangunawain ang mgadoktrinang itinuturo nilaat ipaliwanag ang mgaito sa simpleng mgakataga. Madaragdaganmo ang kakayahan ngiyong mga estudyante nagawin ito sapamamagitan ng regularna paghiling sa kanila naipaliwanag ang doktrinaat pagtatanong kungbakit mahalaga sa kanilaat sa mga investigator namaunawaan ito.

Habang nag-aaral sila, hikayatin ang mga estudyante na hanapin kung paanonaaapektuhan ng Pagkahulog nina Adan at Eva ang bawat isa sa atin.

• Paano ipinaliliwanag ng mga talatang ito kung paano naaapektuhan ng Pagkahulognina Adan at Eva ang bawat isa sa atin? (Kapag sumagot ang mga estudyante,isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Bagama’t maaaring magkakaiba angkanilang mga sagot, maaaring kagaya ito ng mga sumusunod: Tayong lahat aynagkakasala at nagiging marumi sa paningin ng Diyos; dahil nagkakasalatayo, nahiwalay tayo mula sa harapan ng Diyos; daranas tayo ng pisikal nakamatayan; nabubuhay tayo sa isang makasalanang mundo at kailangannating daigin ang “likas na tao” [Mosias 3:19].)

Tanungin ang mga estudyante kung ano ang mga tanong nila tungkol sa mga doktrinaat katagang natukoy nila. Hayaang magkaroon ng talakayan sa klase para masaliksikang mga tanong na ito. Pagkatapos ay itanong:

• Paano nakakatulong ang mga talatang ito na ipaliwanag kung bakit kailangannating lahat si Jesucristo? Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay tinutubos tayomula sa Pagkahulog ni Adan at mula sa sarili nating mga pagsuway.

Ipaliwanag na bilang bahagi ng maawaing plano ng Diyos, tinutulutan tayo ngPagbabayad-sala ni Jesucristo na matakasan ang mga “halimaw” ng kamatayan atimpiyerno (tingnan sa 2 Nephi 9:10), ibig sabihin ay ang pisikal at espirituwal nakamatayan. Lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli. Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaari tayong malinis nang husto sa ating mga kasalanan kapag tayoay nagsisi. Kung wala si Jesucristo, hindi lang tayo masasawi, kundi mapapailalim tayosa diyablo sa buong kawalang-hanggan.

Magbahagi ng maikling patotoo tungkol sa karunungan at awa ng plano ng Diyos.Tiyakin sa mga estudyante na lahat ng bunga ng Pagkahulog ay maaaring madaig sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Ang Kahalagahan ng Pagtuturo ng Pagbabayad-salaIsiping basahin o ipalabas ang video clip ng sumusunod na pahayag mula kayElder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol. Itanong sa mga

estudyante kung bakit mahalagang pag-ibayuhin natin ang ating pag-unawa saPagbabayad-sala.

“Habang ginugunita ninyo ang Pagkabuhay na Mag-uli at halagang ipinalit at kaloobna ibinigay sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, pag-isipan kung ano ang itinuturo ngmga banal na kasulatan tungkol sa mga sagradong pangyayaring iyon. Ang personal napatotoo ninyo tungkol sa katotohanan ay lalakas. Dapat ay higit pa ito sa mgaalituntuning isinasaulo ninyo. Dapat ay maging bahagi ito ng inyong pagkatao bilang

isang makapangyarihang proteksyon laban sa nag-iibayong pagkasuklam na humahawa sa atingmundo. …

“Kung hindi sa Pagbabayad-sala, hindi ganap na maisasakatuparan ang plano ng kaligayahan ngAma sa Langit. Ang Pagbabayad-sala ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na madaig ang mgabunga ng mga pagkakamaling nagawa natin sa buhay. Kapag sinunod natin ang isang batas,tumatanggap tayo ng isang pagpapala. Kapag sinuway natin ang isang batas, wala nang natitira mulasa dating pagsunod upang bigyang-kasiyahan ang mga hinihingi ng katarungan para sa sinuway nabatas. Ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay tinutulutan tayong pagsisihan ang anumangpagsuway upang maiwasan natin ang mga parusang ipapataw ng katarungang iyon.

LESSON 2: ANG PANGANGAILANGAN NATIN SA PAGBABAYAD-SALA

10

Page 27: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Ang pagpipitagan at pasasalamat ko para sa Pagbabayad-sala ng Banal ng Israel, ang Prinsipe ngKapayapaan at ating Manunubos, ay patuloy na lumalago habang sinisikap kong unawain pa itonglalo. Alam ko na walang mortal na isipang sapat na makapaglalarawan, ni hindi angkop namaipapahayag ng dila ng tao, ang buong kahalagahan ng lahat ng ginawa ni Jesucristo para sa mgaanak ng ating Ama sa Langit sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala. Subalit mahalagangmatutuhan ng bawat isa sa atin ang kaya nating matutuhan tungkol dito. Pagbabayad-sala angmahalagang sangkap na iyon sa plano ng kaligayahan ng ating Ama sa Langit na kung wala ay hindimaisasagawa ang plano. Ang pagkaunawa ninyo sa Pagbabayad-sala at ang ideyang laan nito sainyong buhay ay lubhang magpapaibayo sa makabuluhang paggamit ninyo ng lahat ng kaalaman,karanasan, at mga kasanayang natutuhan ninyo sa buhay. …

“Talagang kailangang palakasin ng bawat isa sa atin ang ating pag-unawa sa kahalagahan ngPagbabayad-sala ni Jesucristo upang maging di-matitinag na pundasyon ito na mapagtatatagan ngating buhay. …

“Ang malalim na personal na pagbubulay-bulay ng mga banal na kasulatan na nilakipan ngpagsasaliksik, taos-pusong panalangin ay magpapatibay sa inyong pag-unawa at pagpapahalaga saKanyang walang katumbas na Pagbabayad-sala” (“Siya’y Buhay! Luwalhati sa Kanyang Ngalan!”Ensign o Liahona, Mayo 2010, 75–77).

Tulungan ang mga estudyante na suriin ang pahayag ni Elder Scott sa pagtatanong ngmga sumusunod:

• Anong mga bahagi ng mensahe ni Elder Scott ang nagbigay-diin sa kahalagahanng pag-unawa sa Pagbabayad-sala? (Tiyaking matukoy ng mga estudyante angmga pahayag na gaya ng mga sumusunod: ang pagdurusa ng Tagapagligtas “ayaapekto sa atin hindi lamang sa buhay na ito kundi sa buong kawalang-hanggan”;“lubos na isinakatuparan ng Kanyang Pagbabayad-sala ang plano ng kaligayahanng Kanyang Ama sa Langit”; “si Jesus ang nagbabalanse sa pagitan ng katarunganat awa kung susunod tayo”; “ang Pagbabayad-sala ay nagbibigay ng pagkakataonsa lahat na madaig ang mga bunga ng mga pagkakamaling nagawa natin sabuhay”; at “ang pagkaunawa ninyo sa Pagbabayad-sala at ang ideyang laan nito sainyong buhay ay lubhang magpapaibayo sa makabuluhang paggamit ninyo nglahat ng kaalaman, karanasan, at mga kasanayang natutuhan ninyo sa buhay.”)

• Sinabi ni Elder Scott na ang mga alituntunin ng Pagbabayad-sala “dapat ay higit pa… sa mga alituntuning isinasaulo ninyo. Dapat ay maging bahagi ito ng inyongpagkatao.” Paano ito mapangyayari ng isang prospective missionary?

Hindi nauunawaan ng maraming kabataan ang mga pagpapala, maliban sakapatawaran ng mga kasalanan, na dumarating sa kanilang buhay sa pamamagitan ngPagbabayad-sala. Para mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante sa iba pang mgapagpapalang ito, bigyan ng ilang minuto ang klase para pag-aralan ang sumusunod namga talata sa banal na kasulatan, na hinahanap ang mga pagpapalang dumarating sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo: Mosias 3:19; 4:3; 24:12–15; Alma5:12–13; 7:11–13. Pagkaraan ng sapat na panahon, hilingin sa mga estudyante naipaliwanag ang ilan sa maraming pagpapala ng Pagbabayad-sala. Ibuod sa pisara angkanilang mga sagot.

Paalala: Bago magpatuloy, maaari kang mag-ukol ng ilang minuto para basahin at talakayin sa mgaestudyante ang nakasulat sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan tungkol sa Pagbabayad-sala.

Idispley ang sumusunod na sipi at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 2: ANG PANGANGAILANGAN NATIN SA PAGBABAYAD-SALA

11

Page 28: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Habang nadaragdagan ang pagkaunawa mo sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo,madaragdagan din ang hangarin mong ibahagi ang ebanghelyo” (Mangaral ng AkingEbanghelyo, 2).

Tulungan ang mga estudyante mo na mas maunawaan ang alituntuning ito sapagtatanong ng:

• Bakit nag-iibayo ang hangarin ng isang tao na ibahagi ang ebanghelyo kapagnauunawaan niya ang Pagbabayad-sala?

Atasan ang mga estudyante na makipaghalinhinan sa isa pang miyembro ng klase sapagbabasa nang malakas ng 1 Nephi 8:10–12; Enos 1:5–9; at Mosias 27:34–36 at28:1–4. Magpahanap sa kanila ng isang pattern na matatagpuan sa mga talatang ito.Pagkaraan ng sapat na panahon, anyayahan ang ilang estudyante na ipaliwanag angpattern na natagpuan nila. (Matapos maranasan nina Lehi, Enos, at ng mga anak niMosias ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala, nakadama sila ng hangaring ibahagiang ebanghelyo at tulungan ang iba na matanggap ang mga pagpapala ring iyon.)

Para matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ngalituntuning isinulat mo sa pisara, itanong ang mga sumusunod:

• Kung hindi masyadong personal, ano ang mga naranasan mo sa Pagbabayad-salana gumaganyak sa iyo na ibahagi ang ebanghelyo sa iba?

• Paano ka ginaganyak ng kaalaman at damdamin mo tungkol sa Pagbabayad-salana mas mailapit ang iba kay Jesucristo?

Bigyan ng ilang sandali ang mga estudyante na pagbulayan kung ang pagkaunawa nilasa Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay bahagi ng nagganyak sa kanila na maglingkod samisyon at kung ano ang maaari nilang gawin para mag-ibayo ang kanilangpasasalamat sa nagawa ni Jesucristo para sa kanila.

Pagtulong sa mga Investigator na Tanggapin ang mga Pagpapala ngPagbabayad-salaSabihin sa mga estudyante mo na walang doktrina silang ituturo bilang mgamissionary na mas mahalagang maunawaan at tanggapin ng mga investigator atmissionary kaysa sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Ipaaral sa mga estudyante ang 2 Nephi 2:6–8 at ipahanap ang itinuro ni Lehi na dapatnating gawin sa ating kaalaman tungkol sa Pagbabayad-sala. Matapos tumugon angilang estudyante, ipaunawa sa kanila ang pangangailangang maunawaan at tanggapinng mga investigator ang Pagbabayad-sala sa pagdidispley at pagbabasa ng sumusunodna pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Sa mga zone conference, na ilan sa pinakamagagandang sandali ng pagtuturo naminbilang mga General Authority sa mga kabataang elder at sister, tinanong ko ang mgamissionary kung ano ang gusto nilang gawin ng mga investigator bunga ng mga[talakayan] nila rito.

“‘Magpabinyag!’ ang sabay-sabay nilang hiyaw.

“‘Oo nga,’ sabi ko, ‘gusto natin silang magpabinyag, ngunit bago iyon ay ano?’ …

“… Bihirang matukoy ng mga misyonero ang dalawang pinakapangunahing bagay na nais natingipagawa sa mga [investigator] bago ang binyag: magkaroon ng pananampalataya sa PanginoongJesucristo at magsisi sa kanilang mga kasalanan. Gayunpaman, ‘naniniwala tayo na ang mga

LESSON 2: ANG PANGANGAILANGAN NATIN SA PAGBABAYAD-SALA

12

Page 29: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

pangunahing alituntunin at ordenansa ng Ebanghelyo ay: una, Pananampalataya sa PanginoongJesucristo; pangalawa, Pagsisisi; [at pagkatapos] pangatlo, Pagbibinyag sa pamamagitan ngpaglulubog sa tubig para sa kapatawaran ng mga kasalanan; pang-apat, Pagpapatong ng mga kamaypara sa kaloob na Espiritu Santo’ (S ng P 1:4; idinagdag ang pagbibigay-diin).

“Ang bagong buhay ng isang nagbalik-loob ay itinatag ayon sa pananampalataya sa PanginoongJesucristo at sa Kanyang nakatutubos na sakripisyo—isang paniniwalang Siya ay tunay na Anak ngDiyos, na buhay Siya sa sandaling ito mismo, na Siya lamang ang tanging mayhawak ng susi sa atingkaligtasan at kadakilaan. Ang paniniwalang iyan ay dapat sundan ng tunay na pagsisisi, pagsisisingnagpapamalas ng ating pagnanais na maging malinis at napanibago at ganap, pagsisisingnagpapahintulot sa atin na angkinin ang lubos na mga pagpapala ng Pagbabayad-sala” (“GawaingMisyonero at Pagbabayad-sala,” Liahona, Okt. 2001, 26–28).

Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang kailangang gawin ng isang investigator para makamtan ang lubos na mgapagpapala ng Pagbabayad-sala? (Sumampalataya kay Jesucristo, magsisi, atmagpabinyag.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na inilalarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:37 ang mgakwalipikasyon para sa binyag. Ipabasa sa mga estudyante ang talata at ipahanap kungano ang dapat gawin ng investigator bago magpabinyag. Itanong:

• Ano ang ilang bagay na dapat gawin ng mga investigator na nagpapakita nanagkakaroon sila ng pananampalataya kay Jesucristo? (Sila ay magpapakumbaba,magsisisi sa kanilang mga kasalanan, magpapakita ng mabubuting gawa, at ibapa.)

• Anong papel ang ginagampanan ng mga missionary sa pagtulong sa mgainvestigator na matugunan ang mga kwalipikasyon para sa binyag? Paano itonauugnay sa layunin mo bilang missionary? (Kung kailangan, ipaalala sa mgaestudyante ang mga alituntunin mula sa nakaraang lesson.)

Ang mga Missionary ay Inuutusang Ituro ang PagsisisiSa pisara, isulat ang sumusunod na mga tanong:

Ano ang pinakamahalagang bagay na magagawa ng mga missionary para madala angmga anak ng Diyos kay Cristo?

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:11–14 at ipahanap ang sagotsa tanong na nasa pisara. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa tanong,pagkatapos ay itanong:

• Bakit pagsisisi ang tanging paraan para matamo ng mga anak ng Diyos ang lubosna mga pagpapala ng Pagbabayad-sala? (Tingnan sa Mosias 16:13; Alma 11:37; atHelaman 14:13.)

Sa pisara, isulat ang sumusunod na sagot sa tanong na nakadispley:

Ang mga missionary ay inuutusang ituro ang pagsisisi upang matamo ng mgatinuturuan nila ang lubos na mga pagpapala ng Pagbabayad-sala atmasimulan nilang magbagumbuhay kay Cristo.

LESSON 2: ANG PANGANGAILANGAN NATIN SA PAGBABAYAD-SALA

13

Page 30: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ipaliwanag,magbahagi, atpatotohanan. Ang isangbasic teaching pattern nadapat matutuhan nglahat ng missionary atmaging komportablesilang gawin ay ang: (1)ipaliwanag ang isangdoktrina sa sarili nilangmga salita, (2)magbahagi ng isangtalata sa banal nakasulatan o isangpersonal na karanasanna tumutulong naipaliwanag ang doktrina,at (3) patotohanan angkanilang nadaramatungkol sa doktrina atkung bakit ito mahalaga.

Hatiin sa dalawa ang klase. Ipaaral sa kalahati ng klase ang bahaging pinamagatang“Ang Pagbabayad-sala,” sa mga pahina 56–57 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Ipaaral sa isa pang kalahati ng klase ang bahaging pinamagatang “Sa Pamamagitan niCristo Malilinis Tayo mula sa Kasalanan,” sa mga pahina 66–67 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante para basahin at maghandangituro sa loob ng dalawang minuto ang buod ng materyal na binasa nila. Bilang bahaging kanilang buod, hikayatin ang mga estudyante na (1) tukuyin at ipaliwanag angmahahalagang punto ng doktrina, (2) magbahagi ng isang personal na karanasan obanal na kasulatan na sumusuporta sa doktrina, at (3) patotohanan ang kanilangitinuturo. Ibuod sa pisara ang tatlong hakbang na ito.

Pagkatapos ng sapat na panahon para makapaghanda ang mga estudyante, maaarimong ipares ang mga estudyante sa unang grupo sa isang estudyante sa kabilanggrupo at maghalinhinan silang turuan ang isa’t isa. Matapos magkaroon ngpagkakataong magturo ang bawat estudyante sa isa pang miyembro ng klase, maaarimong anyayahan ang isang estudyante na boluntaryong magpunta sa harapan ng klaseat ituro ang kanyang buod sa klase. Pagkatapos ng paglalahad, purihin angestudyanteng naglahad at hingan ng anumang feedback ang klase tungkol sakaranasan. Itanong kung may mga tanong sila, at pagkatapos ay itanong:

• Ano ang pakiramdam ng magturo at magpatotoo tungkol sa Pagbabayad-sala niJesucristo?

• Ano ang ilang bagay na natuklasan mo na maaaring makatulong sa iyo kapagitinuro mo sa mga investigator ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

• Bakit mo inaasam na ituro ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa iba?Paalala: Kung may oras pa, maaari mong gamitin ang sumusunod na ideya sa pagtuturo paratulungan ang mga estudyante na magkaroon ng higit na tiwala sa sarili na ituro ang Pagbabayad-sala

ni Jesucristo. Kung hindi, magtapos sa pag-anyaya sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang damdamintungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Paggamit ng mga Banal na KasulatanIpaliwanag sa mga estudyante na bilang mga missionary, maaari silang magturo nangmas mabisa kapag ginamit nila ang mga banal na kasulatan. Ipasaliksik sa kalahati ngklase ang mga talata sa banal na kasulatan sa bahaging “Pagbabayad-sala” ng Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan sa pahina 57 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Ipasaliksik sa isa pang kalahati ng klase ang mga talata sa banal na kasulatan sa Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan sa mga pahina 67 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Hikayatin ang mga estudyante na pumili ng isang talata tungkol sa Pagbabayad-sala niJesucristo na nauunawaan nila at magiging komportable silang patotohanan. Mataposbigyan ng sapat na panahong magbahagi ang mga estudyante, itanong:

• Paano ninyo magagamit ang talatang pinili ninyo para tulungan ang isang tao namas maunawaan ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo? (Hikayating sumagot angilang estudyante.)

• Sa palagay ninyo bakit mahalagang gamitin ng mga missionary ang mga banal nakasulatan kapag nagtuturo sila?

Pagbuklatin ang mga estudyante sa bahaging pinamagatang “Gamitin ang mga Banalna Kasulatan” sa pahina 205 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ipabasa sa isangestudyante ang unang talata, pati na ang apat na puntong may bullet, at pagkatapos aysabihin sa mga miyembro ng klase na isipin kung paano tumutugma ang kanilang mga

LESSON 2: ANG PANGANGAILANGAN NATIN SA PAGBABAYAD-SALA

14

Page 31: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

ideya tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng mga banal na kasulatan sa pahayag saMangaral ng Aking Ebanghelyo.

Sabihin sa klase mo na pagkaraan ng ilang minuto tuturuan nila ang isa pangestudyante, gamit ang talata tungkol sa Pagbabayad-sala na pinili nila kanina.Ipaliwanag na may mga alituntunin sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo na tutulong sakanila habang nagtuturo sila. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsubsection na pinamagatang “Ipakilala ang banal na kasulatan” sa mga pahina205–206 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Tanungin ang mga estudyante kung maymga tanong sila tungkol sa hakbang na ito, at bigyan sila ng ilang sandali para isipinkung paano nila ipakikilala ang talatang pinili nila.

Susunod, ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang subsection napinamagatang “Basahin ang talata” sa pahina 206 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Bigyan ng isang sandali ang mga estudyante na tahimik na basahin ang pinili nilangtalata at tukuyin ang anumang mga salita o parirala na maaaring kailanganin nilangipaliwanag sa isang investigator. Pagkatapos ay ipabasa nang malakas sa pangatlongestudyante ang subsection na pinamagatang “Ipamuhay ang banal na kasulatan” sapahina 206. Muli, tanungin ang mga estudyante kung may mga tanong sila.

Para matulungan ang mga estudyante na magtagumpay sa pagtuturo mula sa mgabanal na kasulatan, dapat mong ipakita ang kasanayang iyon sa kanila. Isiping pumiling isa o dalawang talata mula sa Mosias 3:7–11 at 16–19 na ituturo mo para hindi mona magamit ang mga talatang pinili ng mga estudyante. Ipamalas nang simple atmaikli ang tatlong hakbang: ipakilala, basahin, at ipamuhay ang talata. Angpagpapamalas na ito ay makakatulong para hindi madama ng mga estudyante namahirap gawin ang inaasahan sa kanila. Kapag tapos ka na, tanungin ang mgaestudyante kung may mga tanong sila.

Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante para maghandang ituro ang pinili nilangtalata gamit ang tatlong hakbang na matatagpuan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Pagkatapos ay ipares ang bawat estudyante sa isa pang miyembro ng klase, at utusansilang turuan ang isa’t isa. Kapag tapos nang magturo ang mga estudyante, tiyakin sakanila na kapag pinag-aralan nila ang mga banal na kasulatan at ang Mangaral ngAking Ebanghelyo, madaragdagan ang kanilang kakayahan at tiwalang ituro angebanghelyo.

Sa pagtatapos ng lesson ngayon, itanong sa mga estudyante mo kung gusto ngsinuman sa kanila na ibahagi ang kanilang damdamin tungkol kay Jesucristo, lalo natungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Mga Paanyayang KumilosAnyayahan ang mga estudyante mo na gawin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunodpara mas maunawaan nila ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo:

• Sa personal na pag-aaral mo, markahan o i-highlight ang mga talatangtumutulong sa iyo na maunawaan si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala.

• Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Pagbabayad-sala sa isang tao sa bahay, sasimbahan, o online.

• Kung may pagkakataon, patotohanan ang Pagbabayad-sala sa isang teachingappointment na kasama ang mga full-time missionary.

• Mag-ukol ng oras bawat araw na pag-aralan ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo samga banal na kasulatan.

LESSON 2: ANG PANGANGAILANGAN NATIN SA PAGBABAYAD-SALA

15

Page 32: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

3

Joseph at Hyrum Smith

Pagkatuto sa Pamamagitan ngEspiritu

PambungadPara lumago ang mga missionary sa ebanghelyo at manatili sila salandas tungo sa buhay na walang hanggan, kailangan nilangmakagawian ang pag-aaral ng ebanghelyo. Sa mga missionarytraining center, ang mga missionary ay nag-uukol ng ilang orasbawat araw sa pag-aaral nang mag-isa at kasama ang kanilangkompanyon. Sa mission field inaasahan silang magpatuloy sa pag-aaral ng ebanghelyo bawat araw. Kailangan silang matuto “sapamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng

pananampalataya” (D at T 88:118) para magkaroon sila ngimbakan ng kaalaman tungkol sa ebanghelyo at mapag-ibayo nilaang kanilang sariling pagbabalik-loob. Mahalagang magkaroonang mga missionary ng imbakang ito ng kaalaman na natamo sapamamagitan ng pag-aaral na ginabayan ng Espiritu paramakapagturo nang may kapangyarihan at maisakatuparan angkanilang layunin.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 8:2–3; 9:7–8; 11:12–17, 21–22, 26–28; at

138:1–2, 11.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 19-20, 24–27.

• Maglaan ng mga papel na magagamit ng mga estudyante kung wala silang studyjournal.

• Maghandang ipalabas ang video na “Advice for Studying the Scriptures” (2:07), namakukuha sa LDS.org.

• Ihanda ang handout na pinamagatang “Mga Kagawian sa Personal na Pag-aaral ngmga Banal na Kasulatan,” na matatagpuan sa dulo ng lesson.

• Maghandang ipakita ang larawan nina Joseph at Hyrum Smith.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Kahalagahan ng Pag-aaral ng EbanghelyoMagpakita sa mga estudyante ng isang larawan ni Joseph Smith at ng kanyang kapatidna si Hyrum at sabihin sa kanila na buklatin ang kanilang mga banal na kasulatan saDoktrina at mga Tipan 11. Tulungan ang mga estudyante na unawain ang konteksto ngbahaging ito sa pagpapaliwanag na habang isinasalin ni Joseph Smith ang Aklat niMormon, naging lubhang interesado sa gawain ang nakatatanda niyang kapatid na siHyrum at ginusto nitong ibahagi ang mensahe ng Panunumbalik sa iba. Para malamanang kalooban ng Panginoon, hiniling ni Hyrum kay Joseph na humingi ng paghahayagpara sa kanya. Ang sagot ng Panginoon ay nakatala sa Doktrina at mga Tipan 11. Samaraming aspeto, ang kalagayan ni Hyrum ay kapareho ng mga miyembro ng klasemo, na naghahanda ring ibahagi ang mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo.

Sabihan ang dalawang estudyante na maghalinhinan sa pagbabasa nang malakas ngDoktrina at mga Tipan 11:15–17 habang sumasabay ang klase, na hinahanap ang payong Panginoon kay Hyrum. Pagkatapos ay itanong:

• Bakit sinabi ng Panginoon kay Hyrum na “maghintay … nang kaunti pangpanahon” bago ibahagi ang mensahe ng ebanghelyo sa iba?

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 11:21–22 at 26, na hinahanapang payo na angkop ngayon sa mga magiging missionary.

16

Page 33: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• Ano ang ipinagawa ng Panginoon kay Hyrum nang maghanda siyang ibahagi angebanghelyo sa iba? Ano ang ibig sabihin ng matamo ang salita ng Diyos? Ano angibig sabihin ng pahalagahan ang salita ng Panginoon sa inyong puso?

• Paano makakatulong ang payo ng Panginoon sa mga talatang ito sa isang taongayon na naghahandang magmisyon? (Bagaman maaari silang gumamit ng iba’tibang salita, dapat tukuyin ng mga estudyante ang sumusunod na alituntunin: Angpag-aaral ng ebanghelyo ay inihahanda ang mga missionary na ipangaral angebanghelyo nang may Espiritu at kapangyarihan.)

• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa mga taong “[hangad]munang matamo ang [Kanyang] salita”?

Paalala: Kapag natutuhan ng mga missionary ang mga doktrina ng ebanghelyo at lumakas angkanilang patotoo, mag-iibayo ang kakayahan nilang magturo nang may Espiritu. Ang mga missionary

ay hinihikayat na matuto at lumago sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Mormon at pag-aaral ngmga lesson na matatagpuan sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Tulungan ang mgaestudyante mo na maunawaan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila na magsimulang“matamo ang [salita ng Diyos]” ngayon.

Sabihin sa mga estudyante na buklatin sa pahina 205 ang Mangaral ng AkingEbanghelyo, at ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talatang nagsisimula sa“Ang kakayahan mong magturo … nang may kapangyarihan.” Pagkatapos ay itanong:

• Anong mga ideya sa talatang ito ang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng araw-arawna pag-aaral ng mga banal na kasulatan para sa mga taong gustong magingepektibong mga missionary? (Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ayinihahanda ang mga missionary na ituro ang ebanghelyo nang maykapangyarihan.)

Sabihin sa mga estudyante na ang nalalabing bahagi sa lesson ay magtutuon sa kungpaano sila higit na makikinabang sa personal na pag-aaral nila ng mga banal nakasulatan. Hikayatin ang mga estudyante na pagbulayan sa buong lesson kung paanoipamuhay ang natutuhan nila para maging mas epektibo ang pag-aaral nila ngkanilang mga banal na kasulatan at ng ebanghelyo.

Paggamit ng Study JournalSabihan ang klase na buklatin ang pahina x sa pambungad ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Ipabasa nang malakas sa dalawang estudyante ang dalawang talata sa“Study Journal” subsection. Pagkatapos magbasa ang mga estudyante, itanong:

• Alinsunod sa bahaging ito, paano kayo matutulungan ng paggamit ng studyjournal sa pag-aaral ninyo ng ebanghelyo?

• Bakit mahalagang itala ang mga ideya at damdaming natatanggap mo sa pag-aaralng ebanghelyo?

Isiping itanong sa mga estudyante mo kung may study journal ang sinuman sa kanila,at anyayahan ang mga mayroon na ibahagi kung paano sila nakinabang sa kanilangjournal. Hikayatin ang mga estudyante na magsimulang gumamit ng study journalkung hindi pa nila ito nagagawa. Ipaalala sa kanila na ang study journal ay maaaringkasing simple ng isang mumurahing bound journal, isang notebook, o mga pahinangnaka-binder. Maaari din nilang gamitin ang notes and journal tools sa LDS.org o isangnote-taking app sa isang electronic device. Hikayatin ang mga estudyante na magdalang study journal sa bawat klase para itala ang mga ideya, damdamin, at pananaw nilasa oras ng klase.

LESSON 3: PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

17

Page 34: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Mga follow-upquestion. Ang mgafollow-up question aymakakatulong sa mgaestudyante na pag-isipannang mas malalim angisang alituntunin attumugon nang may higitna katapatan.Halimbawa, kapagsimple o maikli angsagot ng mgaestudyante, maaari mongitanong, “Mabibigyanmo ba ako ng halimbawang ibig mong sabihin?”O, “Makakaisip ka ba ngpagkakataon na nadamamo ang katotohanan ngpinag-uusapan natin?”

Pagkatuto sa Pamamagitan ng EspirituGawing pares-pares ang mga estudyante. Anyayahan silang pagtulungang basahin angikalawang talata sa pahina 19 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo at talakayin pagkataposkung ano ang kailangang gawin para magkaroon ng mga makabuluhang karanasan samga banal na kasulatan. Matapos talakayin ng mga estudyante ang talata, anyayahanang ilan sa kanila na ibahagi ang ilan sa mga pangunahing ideya mula sa kanilangtalakayan. Maaari kang magtanong ng katulad nito:

• Ano ang ibig sabihin ng mag-aral nang may “tunay na layunin”? (Ang ibig sabihinng tunay na layunin ay layon nating sundin o ipamuhay ang natutuhan natin.)

• Paano maaaring makaapekto ang pag-aaral nang may “tunay na layunin” at“pagkagutom at pagkauhaw sa kabutihan” sa pag-aaral ng ebanghelyo ng isangtao? (Kapag sumagot ang mga estudyante, isiping magtanong ng mga follow-upquestion upang hikayatin silang pag-isipan nang mas malalim ang kanilang mgasagot. Halimbawa, kung isagot ng mga estudyante na ang tunay na layunin aymababanaag sa kung paano nagdarasal ang isang tao, maaari mong sabihin sakanila na ipaliwanag kung paano maiiba ang mga panalangin ng isang tao. Kungsumagot ang isang estudyante na ipakikita nito ang kanilang mga hangarin,sabihin sa kanila na ipaliwanag pa ang ideyang iyon.)

Sabihin sa tatlong estudyante na halinhinang basahin nang malakas ang mga talata sabahaging pinamagatang “Matuto sa Pamamagitan ng Espiritu Santo” sa pahina 20 ngMangaral ng Aking Ebanghelyo. Sabihin sa iba pang mga estudyante na sumabay sapagbabasa at markahan ang mga pagpapalang dumarating sa atin kapag tinulungantayo ng Espiritu Santo na matutuhan ang ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Anong mga pagpapala ang maaaring dumating sa atin kapag ginabayan ng EspirituSanto ang pag-aaral natin ng ebanghelyo? (Isiping isulat sa pisara ang alituntuningito kapag sumagot ang mga estudyante: Kapag ginabayan ng Espiritu Santo angpag-aaral natin ng ebanghelyo, tumatanggap tayo ng higit na kaliwanagan atpag-unawa.)

Para mas maipaunawa sa mga estudyante kung paano nila maaaring anyayahan angEspiritu Santo na turuan sila habang nag-aaral ng ebanghelyo, basahin o idispley angsumusunod na sipi mula kay Elder D. Todd Christofferson ng Korum ngLabindalawang Apostol. Anyayahan ang iyong mga estudyante na hanapin kung anoang magagawa nila para mas makinabang sa pag-aaral nila ng mga banal nakasulatan.

“Para masulat sa inyong puso ang ebanghelyo, dapat ninyong malaman kung ano ito atlubos itong unawain. Ibig sabihin, pag-aralan ninyo ito. Kapag sinabi kong ‘pag-aralan,’higit pa ito sa pagbabasa. Kung minsa’y magandang basahin ang isang aklat sa banalna kasulatan sa takdang haba ng panahon para maunawaan ang buong mensahe nito,ngunit sa pagbabalik-loob, mas mahalaga dapat ang oras ninyo sa pagbabasa ng mga

banal na kasulatan kaysa sa dami ng nabasa ninyo sa oras na iyon. Kung minsa’y nawawari kongnagbabasa kayo ng ilang talata, tumitigil sandali para pag-isipan ito, at muling binabasa ang talata,at habang pinag-iisipan ang kahulugan nito, ay nagdarasal kayong maunawaan ito, nag-iisip ng mgatanong, naghihintay ng espirituwal na mga paramdam, at isinusulat ang damdamin at kabatirangdumarating para mas matandaan ito at matuto pa kayo. Sa ganitong pag-aaral, maaaring ilangkabanata o talata lang ang mabasa ninyo sa kalahating oras, pero bibigyan ninyo ng puwang sainyong puso ang salita ng Diyos, at kakausapin Niya kayo” (“Kapag Ikaw ay Nagbalik-loob,” Ensign oLiahona, Mayo 2004, 11. Para sa iba pang mga ideya sa pag-aaral, tingnan sa Elder Richard G. Scott,

LESSON 3: PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

18

Page 35: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Paano Makatatanggap ng Paghahayag at Inspirasyon sa Inyong Personal na Buhay,” Ensign oLiahona, Mayo 2012, 45–47).

Tulungan ang mga estudyante na suriin ang pahayag ni Elder Christofferson sapagtatanong ng mga sumusunod:

• Anong mga hakbang ang tinukoy ni Elder Christofferson na maaaring humantongsa higit na pagkaunawa sa mga banal na kasulatan?

• Paano mas napahihintulutang maturuan kayo ng Espiritu Santo sa paggawa ngmga hakbang na ito?

• Paano kayo natulungan ng isa o mahigit pa sa mga hakbang na ito na palaliminang inyong pag-unawa sa ebanghelyo?

Ipaliwanag na nakakatulong ito kapag nag-aaral ng mga banal na kasulatan paramaunawaan kung paano nangungusap sa atin ang Espiritu Santo. Pagtambal-tambalinang mga estudyante (marahil ay iyong dati nang magkakapareha sa naunangaktibidad). Isulat ang sumusunod na mga reperensya sa pisara, at sabihin sa mgaestudyante na kopyahin ang mga ito sa kanilang study journal o sa isang papel:Doktrina at mga Tipan 8:2–3; 9:7–8; 11:12–14; at 138:1–2, 11.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-aralan ang mga talatang ito at markahanang mga salita o pariralang naglalarawan kung paano nangungusap sa atin angEspiritu Santo. Maaari din silang sumulat ng ilang tala sa kanilang study journaltungkol sa natutuhan nila mula sa mga talatang ito. Sabihin sa mga estudyante napag-usapan nila ng kanilang kapareha ang minarkahan nila sa mga talatang ito at angnatutuhan nila. Matapos magbigay ng sapat na panahon, itanong ang mgasumusunod:

• Anong mga salita o parirala ang nakita ninyo na naglalarawan kung paanonangungusap sa atin ang Espiritu Santo? (Isulat sa pisara ang sagot ng mgaestudyante.)

• Paano kayo naturuan ng Espiritu Santo sa isa sa mga paraang ito at napalalim angpag-unawa ninyo sa isang doktrina o alituntunin ng ebanghelyo? Ano ang mgapartikular na naranasan ninyo?

Anyayahan ang mga estudyante na buklatin sa pahina 24 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo at ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang apat na item nanaka-bullet sa ilalim ng “Mga Ideyang Pag-aaralan at mga Mungkahi.” Isiping itanongang mga sumusunod:

• Paano maaaring maapektuhan ng mga rekomendasyong ito ang kakayahan ngisang missionary na epektibong maibahagi ang ebanghelyo sa iba?

• Paano ninyo maiaakma ang mga ideyang ito at maipamumuhay ang mga itongayon bilang mga magiging missionary?

• Paano makakatulong ang pagpapahusay ng inyong mga kasanayan at gawi sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa inyong tagumpay bilang mga missionary?(Malamang na magbigay ang mga estudyante ng isang alituntuning kahalintuladnito: Kapag nagkaroon ng mga gawi ang mga missionary sa epektibong pag-aaral ng ebanghelyo, tuturuan sila ng Espiritu, mas makikinabang sila sakanilang karanasan, at magiging mas handa silang ituro ang ebanghelyo.)

LESSON 3: PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

19

Page 36: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Hatiin ang klase sa tig-tatatlo o tig-aapat na grupo. Sabihin sa bawat grupo napaghatian nila ang anim na subsection sa ilalim ng “Mga Ideyang Pag-aaralan at mgaMungkahi” sa mga pahina 24–27 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at ipaaral samagkakagrupo ang mga subsection na nakaatas sa kanila. Ang ilang miyembro nggrupo ay maaaring hindi lang isang subsection ang kailangang pag-aralan. Magtalagang isang lider sa bawat grupo na mamamahala sa isang talakayan tungkol sanatutuhan ng mga miyembro ng grupo at kung ano ang magagawa nila ngayon paramaging mas mabisa at epektibo ang pag-aaral nila ng ebanghelyo. Mataposmakapagtalakayan ang mga grupo, itanong sa klase:

• Paano kayo natulungan ng mga kasanayan o kagawiang ito sa pag-aaral na masepektibong pag-aralan ang mga banal na kasulatan?

Para matulungan ang mga estudyante na ipamuhay mismo ang natalakay, bigyan angbawat estudyante ng kopya ng handout na “Mga Kagawian sa Personal na Pag-aaralng mga Banal na Kasulatan.” Bigyan ng ilang minuto ang klase para kumpletuhin angaktibidad sa handout.

Matapos magbigay ng sapat na panahon, magpabahagi sa mga estudyante nganumang mga kaisipan o pananaw na natamo nila mula sa pagsasanay na ito.Hikayatin silang sundan ito ng pagsasama ng pinili nilang mga kasanayan at gawi sapag-aaral ng mga banal na kasulatan sa personal nilang pag-aaral. Tiyakin sa kanila nakapag ginawa nila ito, paliliwanagin ng Espiritu Santo ang kanilang isipan atpalalawakin ang pag-unawa nila sa ebanghelyo.

Ipaunawa sa klase na bukod pa sa kung paano sila nag-aaral, napakahalaga rin kungkailan at ano ang pinag-aaralan nila para makatulong sa kanila na maging epektibongmga missionary. Ipabuklat sa mga miyembro ng klase ang Mangaral ng AkingEbanghelyo sa pahina viii sa pambungad at ipabasa ang Iskedyul ng Misyonero saAraw-Araw na matatagpuan sa bahaging “Personal na Pag-aaral, Pag-aaral ngMagkompanyon, mga District Meeting, at Zone Conference.” Pagkatapos ay itanong:

• Paano inilalarawan ng Iskedyul ng Misyonero sa Araw-Araw ang kahalagahan ngpag-aaral ng ebanghelyo?

• Paano kayo maihahanda ngayon ng tapat na pag-aaral ng mga banal na kasulatanaraw-araw para sa mahigpit na iskedyul na ito bilang missionary?

Pagmamarka ng mga Banal na KasulatanKung may sapat na oras kang nalalabi, isiping ipalabas ang video na “Advice forStudying the Scriptures” (2:07) para tulungan ang klase na mag-isip ng mga

paraan na mapagbubuti nila ang paraan ng pagmamarka nila sa kanilang mga banalna kasulatan.

Matapos ipalabas ang video, itanong:

• Ano ang natutuhan ninyo mula kay Elder Bednar na makakatulong para mapagbutininyo ang inyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

• Ano ang layunin ng pagmamarka ng mga banal na kasulatan? (Para matulungankayong maalala kalaunan ang natutuhan ninyo kapag kailangan ninyo itong muli.)

• Bakit mahalagang magkaroon ng epektibong paraan ang mga missionary sa pag-alala sa natutuhan nila?

LESSON 3: PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

20

Page 37: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ipamuhay ang Natutuhan NinyoIpabasa sa klase sa isang estudyante ang unang talata sa ilalim ng “Ipamuhay angNatututuhan Mo” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 21. Pagkatapos ay ipabasanang malakas sa isang estudyante ang Juan 7:17. Tulungan ang mga estudyante namatukoy ang alituntuning itinuturo sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo at sa Juan 7:17 sapagtatanong ng:

• Ano ang kaibhan ng pagkaalam tungkol sa mga banal na kasulatan sa pamumuhayayon sa mga turong matatagpuan sa mga banal na kasulatan? (Bagama’t maaarisilang gumamit ng iba’t ibang mga salita, dapat maunawaan ng mga estudyanteang alituntuning ito: Kapag namuhay tayo ayon sa mga turo ng ebanghelyo,patototohanan ng Espiritu Santo ang katotohanan ng mga alituntuning iyonat palalakasin ang ating pananampalataya, kaalaman, at patotoo.)

Ipaliwanag na itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostolang kahalagahan ng pagkilos ayon sa ating natutuhan. Idispley ang sumusunod nasipi, at hilingin sa isang boluntaryo na basahin ito nang malakas sa klase:

“Bilang mga mag-aaral ng ebanghelyo, dapat tayong maging ‘tagatupad ng salita, athuwag tagapakinig lamang’ (Santiago 1:22). Nabubuksan ang ating mga puso saimpluwensya ng Espiritu Santo kapag ginamit natin nang wasto ang kalayaan atkumikilos ayon sa tamang mga alituntunin—at dahil diyan ating inaanyayahan angKanyang kapangyarihang magturo at magpatotoo” (“Mangagpuyat sa Buong

Katiyagaan,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 42).

• Ano ang ibig sabihin ng maging tagatupad ng salita at huwag tagapakinig lamang?

• Paano pinalalalim ng pagkilos “ayon sa tamang mga alituntunin” ang ating pag-unawa sa paraang hindi kaya ng pag-aaral lamang?

• Paano kayo natulungan ng pagkilos ayon sa tamang mga alituntunin na magtamong mas malalim na pag-unawa at patotoo tungkol sa isang alituntunin ngebanghelyo na hangad ninyong ipamuhay?

Ipabasa sa isang estudyante ang ikalawang talata sa pahina 21 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo habang sumasabay ang klase, na naghahanap ng iba pang mga paraan nanaaapektuhan ng pamumuhay ng ebanghelyo ang puso at kakayahan ng mgamissionary. Matapos itong basahin, itanong ang mga sumusunod:

• Anong iba pang mga pagpapala ang dumarating sa mga missionary kapagipinamuhay nila ang mga alituntunin ng ebanghelyo na alam nilang totoo?(Tulungan ang mga estudyante na ipahayag ang alituntuning ito: Kapagipinamuhay ng mga missionary ang ebanghelyo, pinag-iibayo ng EspirituSanto ang hangarin at kakayahan nilang ibahagi ang ebanghelyo.)

• Habang naghahanda kayo para magmisyon, paano napag-ibayo ng Espiritu Santoang inyong hangaring maglingkod?

Pag-anyaya sa mga Investigator na MagsimbaTinutulungan ng mga missionary ang mga investigator na mabinyagan sa paghihikayatsa kanila na tuparin ang kanilang mga pangako. Halimbawa, ipaliwanag sa mgaestudyante na kapag nagsimba ang mga investigator, maaari silang tumanggap ng masmatinding paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo at hahangarin nilang masmapalapit sa Diyos. Ang pagsisimba ay makakatulong sa mga investigator na

LESSON 3: PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

21

Page 38: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

magtamo ng patotoo tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo at maghandangmabinyagan.

Ipamalas kung paano anyayahan ang isang tao na magsimba. Una, ibahagi nangmaikli ang mga pagpapalang dumarating sa pamamagitan ng pagsisimba. Pagkataposay gamitin ang missionary pamphlet na Ang Panunumbalik (mga pahina 22–23) paraipaliwanag ang nangyayari sa sacrament meeting. Pagkatapos ay ipamalas kung paanoanyayahan ang isang investigator na dumalo sa mga miting ng Simbahan. Kasunod ngpagpapamalas mo, ipasadula sa mga estudyante ang mga hakbang na ipinamalas monang may kapareha. Hayaang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa sa kanila naibahagi nang maikli ang mga pagpapalang natatanggap nila sa pagsisimba, ipaliwanagang nangyayari sa sacrament meeting, at anyayahan ang ibang tao na magsimba.

Patotohanan ang mga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo na tinalakay sa lesson.

Mga Paanyayang KumilosAnyayahan ang mga estudyante na unahin ang personal na pag-aaral ng ebanghelyosa paghahanda nilang magmisyon. Maaaring makatulong ang sumusunod naiminungkahing mga aktibidad na magtuon ang mga estudyante sa pag-aaral nang mayEspiritu:

• Kagawiang personal na pag-aralan ang ebanghelyo araw-araw, kabilang na angpag-aaral at pagbubulay tungkol sa Aklat ni Mormon.

• Manalangin sa simula ng personal na pag-aaral ninyo ng ebanghelyo paraanyayahan ang Espiritu na tulungan kayo. Kung hindi pa ninyo nagagawa,magsimulang gumamit ng study journal sa inyong personal na pag-aaral ngebanghelyo.

• Pumili ng isa sa mga ideya at mungkahi sa pag-aaral ng ebanghelyo namatatagpuan sa mga pahina 24–27 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, at isama itosa inyong personal na pag-aaral sa linggong ito.

LESSON 3: PAGKATUTO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

22

Page 39: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 40: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

4 Pagtuturo sa Pamamagitan ngEspiritu

PambungadNauunawaan ng matagumpay na mga missionary na “kapag angisang tao ay nagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo, ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ang nagdadalanito sa puso ng mga anak ng tao” (2 Nephi 33:1). Sa kanilangsarili, ang mga missionary ay hindi maaaring magdulot ng mgapagpapala ng patotoo at pagbabalik-loob sa ibang tao, gaano mansila kabihasa o gaano man karami ang kanilang karanasan.

Tanging ang Espiritu Santo ang makapagdudulot ng tunay napagbabalik-loob. Kapag nadama ng investigator ang impluwensyang Espiritu sa kanilang kalooban, o nakita nila ang katibayan ngpagmamahal at awa ng Panginoon sa kanilang buhay, sumisiglasila at lumalakas sa espirituwal, lalo silang sumasampalataya kayJesucristo, at mas malamang silang magbalik-loob.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 42:14; 50:12–14, 17–23.

• Pag-aralan ang sumusunod para makita ang ilang paraan na maaaringimpluwensyahan ng Espiritu Santo ang mga guro at mag-aaral ng ebanghelyo:Lucas 12:12; Juan 14:26; 1 Nephi 2:16; 2 Nephi 33:1; Alma 18:16; Moroni 10:5; atDoktrina at mga Tipan 6:14–15, 23.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 102–104, 200–203, at207–210.

• Maghandang ipalabas ang video na “A Man without Eloquence” (6:06), namakukuha sa LDS.org.

• Maghandang ipalabas ang video na “Teach People, Not Lessons: Jynx” (6:34), TheDistrict 2, na makukuha sa youtube.com.

• Maghandang ipalabas ang video na “Teaching about the Holy Ghost and Prayer:John” (5:00), The District 2, na makukuha sa LDS.org.

Mga Mungkahi sa PagtuturoPagtuturo sa Pamamagitan ng Espiritu

Ipaliwanag sa mga estudyante na minsa’y nagsalita si Pangulong Brigham Youngtungkol sa kanyang pagbabalik-loob sa ebanghelyo at sa missionary na tumulong sakanya na magtamo ng patotoo. Pagkatapos ay ipalabas ang video na “A Man withoutEloquence” (6:06). Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin kung paanoinimpluwensyahan at tinulungan ng Espiritu si Pangulong Brigham Young namagbalik-loob.

Matapos panoorin ang video, itanong ang mga sumusunod:

• Paano nakatulong kay Brigham Young ang pagkakarinig niya sa patotoo ngmapagpakumbabang lalaki para lubos siyang magbalik-loob?

• Mula sa karanasan ni Brigham Young, anong mga alituntunin ang natutuhan ninyotungkol sa pagtuturo sa pamamagitan ng Espiritu? (Maaaring tukuyin ng mgaestudyante ang mga alituntuning ito: Ang pagtuturo sa pamamagitan ngEspiritu ay maaaring humantong sa pagbabalik-loob ng iba; kapag nagturotayo sa pamamagitan ng Espiritu, kailangan tayong magsalita nang tapat attaos-puso; kailangan tayong magpakumbaba [tingnan sa D at T 136:33].)

24

Page 41: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para pag-aralan ang Doktrina at mgaTipan 42:14; 50:13–14 at 17–23, na hinahanap ang mga tagubilin ng Panginoon sa mgataong nagtuturo ng Kanyang ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Anong mga alituntunin ng pagtuturo ng ebanghelyo ang ibinigay sa mgapaghahayag na ito? (May ilang tamang sagot na maibibigay ang mga estudyante.Ang mga sagot ay maaaring kabilangan ng sumusunod na mga alituntunin:Iniutos ng Panginoon na ang ebanghelyo ay kailangang ituro sapamamagitan ng espiritu at hindi sa ibang paraan.)

• Ayon sa Doktrina at mga Tipan 50:22, ano ang nangyayari kapag nagturo ang mgamisyonero sa pamamagitan ng Espiritu? (Ang missionary at investigator ay kapwa“nauunawaan ang isa’t, isa, at kapwa sila pinagtitibay at magkasamang nagsasaya.”Liwanagin sa mga estudyante na ang pagtuturo sa pamamagitan ng Espiritu aymangyayari lamang kapag naroon ang Espiritu Santo at nadama ng guro, ngmag-aaral, o nilang dalawa. Isiping isulat sa pisara ang alituntuning ito.)

Ipaalala sa mga estudyante na ang presensya ng Espiritu ay hindi palaging nahahayagsa damdamin at mga luha. Kung kailangan, basahin sa klase ang sumusunod mula kayPangulong Howard W. Hunter:

“Nais kong magbabala tungkol sa paksang ito. … Nababahala ako kapag lumalabas natila ang matinding emosyon o pagdaloy ng luha ay itinuturing na kasing kahulugan ngpagkakaroon ng Espiritu. Tiyak na ang Espiritu ng Panginoon ay makapagdudulot ngmatitinding damdamin, kabilang ang mga pagluha, subalit ang panlabas napagpapakitang iyon ay hindi dapat ipagkamali sa pagiging naroroon mismo ng Espiritu.

“Namasdan ko ang napakarami sa aking mga kapatid sa mga nagdaang taon at nakasama sa ilangpambihira at hindi mailarawang espirituwal na karanasan. Ang mga karanasang iyon aymagkakaibang lahat, bawat isa ay natatangi sa kaparaanan nito, at ang gayong mga sagradongsandali ay maaaring may mga pagluha o wala. Napakadalas na ganoon, subalit kung minsan angmga ito ay sinasamahan ng lubos na katahimikan. Sa ibang pagkakataon ang mga ito aysinasamahan ng kagalakan. Tuwina sinasamahan ang mga ito ng dakilang pagpapahayag ngkatotohanan, ng paghahayag sa puso” (“Eternal Investments” [mensahe sa Church EducationalSystem religious educators, Peb. 10, 1989], 3; si.lds.org).

Para matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paanomaiimpluwensyahan ng Espiritu Santo ang mga guro at mag-aaral, isulat sa pisara angsumusunod na mga reperensya sa banal na kasulatan, o ipamahagi ang mga ito sa mgaestudyante sa isang handout. (Paalala: mga reperensya lang ang ibigay sa mgaestudyante; ang materyal na nakapanaklong ay para sa titser):

• Lucas 12:12 (itinuturo ang sasabihin)

• Juan 14:26 (ipinapaalala ang mga bagay-bagay)

• 1 Nephi 2:16 (pinalalambot ang mga puso)

• 2 Nephi 33:1 (inihahatid ang mga katotohanan sa puso)

• Alma 18:16 (tumutulong na mahiwatigan ang iniisip ng iba)

• Moroni 10:5 (nagpapatotoo sa lahat ng katotohanan)

• Doktrina at mga Tipan 6:14–15, 23 (pinagliliwanag ang isipan, nagdudulot ngkagalakan at kapayapaan)

LESSON 4: PAGTUTURO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

25

Page 42: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagtatrabaho nangmagkakapareha. Angpagtatrabaho nangmagkakapareha aynagtutulot sa bawatestudyante namakalahok sa isangaktibidad, atmakapagbibigay ito ngligtas na kapaligirankung saan matuturuanng mga estudyante angisa’t isa at maibabahagiang kanilang damdamin,kaisipan, at patotoo.

Atasan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga talatang ito nang magkakapareha.Ipahanap sa isa sa bawat magkapareha ang mga paraan na maaaring impluwensyahanng Espiritu Santo ang isang guro ng ebanghelyo habang naghahanap naman ng mgaparaan ang isa pa na maaaring impluwensyahan ng Espiritu Santo ang isang taongtinuturuan. Pagkatapos ay ipatalakay sa kanila ang natutuhan nila sa isa’t isa. Kapagnagkaroon na ng sapat na panahon ang bawat magkapareha na talakayin angnatutuhan nila, magtanong ng katulad ng mga sumusunod para tulungan sila na suriinpang lalo ang kanilang binasa:

• Ayon sa mga talatang pinag-aralan mo, ano ang ilang paraan nainiimpluwensyahan ng Espiritu ang mga nagtuturo? (Matapos tumugon ang mgaestudyante, maaari ninyong itanong sa kanila kung saang mga talata sa banal nakasulatan nila nakita ang kanilang mga sagot.)

• Paano iniimpluwensyahan ng Espiritu ang iba na magbalik-loob sa ebanghelyo niJesucristo?

• Paano ipinamamalas ng mga talatang ito kung bakit mahalagang magturo ang mgamissionary sa pamamagitan ng Espiritu?

Pag-anyaya sa Espiritu Habang Nagtuturo KaSabihin sa klase mo na ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay may ilang bahagi nanagpapaliwanag kung ano ang magagawa ng mga missionary para maanyayahan angpatnubay ng Espiritu sa kanilang pagtuturo. Hatiin ang klase mo sa maliliit na grupona hindi hihigit sa apat na estudyante ang bawat isa. Atasan ang bawat grupo na pag-aralan ang isa sa sumusunod na mga bahagi ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo:

1. “Paano Sisimulan ang Pagtuturo,” mga pahina 200–202 (hindi kasama ang Activitybox)

2. “Ibagay ang Inyong Pagtuturo para Matugunan ang Pangangailangan,” pahina 202(hindi kasama ang mga kahon sa Activity box at Scripture Study box)

3. “Magturo para Maunawaan,” mga pahina 207–208 (hindi kasama ang ScriptureStudy box)

4. “Makinig,” mga pahina 210–211 (hindi kasama ang Activity box)

Isulat sa pisara ang sumusunod na mga tagubilin para malaman ng mga grupo kungano ang gagawin nila:

Basahin ang bahagi ninyo sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo.

Talakayin sa mga grupo ninyo ang mga alituntuning nabasa ninyo na nagtutulot sa mgamissionary na maging mas epektibong mga titser at mapasakanila ang Espiritu habangnagtuturo sila.

Matapos magbigay ng sapat na panahon, ipabuod sa isang estudyante mula sa bawatgrupo kung paano makakatulong ang kasanayang nabasa nila sa kakayahan ng isangmissionary na magturo nang may Espiritu Santo. Atasan ang isang estudyante naibuod sa pisara ang mahahalagang punto. Habang ibinubuod ng mga grupo angkanilang mga ideya, isiping magtanong na tulad ng mga sumusunod:

• Paano inaanyayahan ng pagsisimula ng isang lesson sa wastong paraan angpatnubay ng Espiritu Santo sa pagtuturo ng lesson?

LESSON 4: PAGTUTURO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

26

Page 43: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Maghanap.”Madaragdagan ng mgaguro ang bisa ng mgatalata ng banal nakasulatan, pagtatanghalsa video, at mga sipi sapagtuturo nang maagasa mga estudyante kungano ang dapat nilanghanapin habangnanonood o nagbabasasila. Maaari itong gawinng mga guro sa pagsulatsa pisara ng partikular namga bagay namahahanap o maiisip naitanong ng mgaestudyante. Pinag-iibayonito ang posibilidad namatukoy at malaman ngmga estudyante ang mgamakabuluhan atmahalagang punto.

• Paano inaanyayahan ng pagpapanatiling simple ng mensahe ng ebanghelyo angEspiritu Santo na turuan at pasiglahin ang isang investigator?

• Paano nag-aanyaya ng Espiritu Santo ang pagpapanatiling nakatuon ang lesson samga pangangailangan ng investigator?

• Paano nakakatulong ang pakikinig sa sinasabi ng investigator sa kakayahan ngisang missionary na magturo sa pamamagitan ng Espiritu?

Para matulungan ang mga estudyante na makita kung ano ang hitsura ng ilansa mga kasanayan sa pagtuturo sa itaas, ipalabas ang video na “Teach People,

Not Lessons: Jynx” (6:34). Hikayatin ang mga estudyante na maghanap ng katibayanna nagtuturo ang mga missionary sa pamamagitan ng Espiritu. Maaaring partikular napanoorin ng mga estudyante ang paraan na ginamit ng mga missionary ang mgakasanayang pinag-aralan ng klase sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo at paanoinanyayahan ng paggamit ng mga kasanayang ito ang Espiritu sa pagtuturo ng mgamissionary.

Matapos panoorin ang video, talakayin ang mga sumusunod:

• Ano ang ginawa ng mga missionary sa kanilang pagtuturo na nagtulot sa kanila namagturo sa pamamagitan ng Espiritu?

• Anong katibayan ang nakita ninyo na natututo si Jynx sa pamamagitan ng Espiritu?

Bago magpatuloy, bigyan ng ilang sandali ang mga estudyante na isulat ang sagot sasumusunod na tanong:

• Paano ninyo maipamumuhay ang mga alituntuning natalakay natin sa lesson naito?

Pagtulong sa mga Investigator na Makilala ang EspirituHilingin sa ilang estudyante na maghalinhinang basahin nang malakas ang bahaging“Ang Kapangyarihan ng Espiritu sa Conversion o Pagbabalik-loob” sa mga pahina102–103 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo (hindi kasama ang Activity box at ScriptureStudy box). Pasunurin sa pagbabasa ang iba pang mga estudyante sa klase atpamarkahan ang mga katagang naglalarawan sa nadarama ng isang investigator paramagbalik-loob. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang kailangang madama ng mga investigator para magbalik-loob? (Tiyakingmatukoy ng mga estudyante ang sumusunod na alituntunin: Kung nadarama ngmga investigator ang impluwensya ng Espiritu, mas malamang na magbalik-loob sila sa ebanghelyo ni Jesucristo.)

• Paano ninyo masasabi na nadarama ng isang investigator ang impluwensya ngEspiritu Santo? (Posibleng mga sagot: nadarama ng missionary ang Espiritu Santo;nadarama ng investigator na maaari siyang magtanong, gusto niyang malaman paang iba, at handa siyang gumawa at tumupad ng mga pangako; may pag-unawa,galak, at pagkamalapit sa Diyos; at may mas matalik na pagkakaibigan sa pagitanng missionary at investigator.)

• Itinuro ni Elder M. Russell Ballard, “Kusang dumarating ang mga espirituwal nakaranasang ito kapag [handang] subukan ng isang tao ang salita” (“Panahon Na,”Liahona, Ene. 2001, 80). Ano ang magagawa ng isang missionary para mahikayatang mga investigator na subukan ang salita?

Ipaliwanag sa mga estudyante na isa sa magiging pinakamahirap nilang mga tungkulinbilang missionary ang tulungan ang mga investigator na kilalanin ang mga paramdam

LESSON 4: PAGTUTURO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

27

Page 44: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

ng Espiritu Santo at pagkatapos ay tulungan silang kumilos ayon sa mga ideya atdamdaming iyon. Sa inspirasyon ng Espiritu Santo, malalaman ng mga missionarykung anong espirituwal na mga paramdam ang kailangan ng isang investigator paramagbalik-loob, at makakatulong silang magkaroon ng isang kapaligiran kung saanmatatanggap ang mga paramdam na iyon.

Para maipamalas kung paano ito magagawa, ipalabas ang video na “Teachingabout the Holy Ghost and Prayer: John” (5:00). Ipahanap sa klase kung paano

tinulungan ng mga missionary si John na matutong kilalanin ang Espiritu.

Pagkatapos ng video, itanong ang mga sumusunod:

• Paano tinulungan ng mga missionary si John na makilala ang Espiritu?

• Ano ang ginawa ng mga missionary para ipaalam kay John kung paano tumanggapng mga sagot mula sa Panginoon?

Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 11:12, pagkatapos ay ipatalakaysa kanila ang sumusunod na tanong nang magkakapareha:

• Kung tanungin kayo ng isang investigator kung ano ang pakiramdam ng madamaang Espiritu Santo, paano kayo matutulungan ng Doktrina at mga Tipan 11:12 nasagutin ito?

Pagkilos ayon sa mga Paramdam ng EspirituIdispley ang sumusunod, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa Langit ay isang bagay na mahalaga. Ito aysagradong pribilehiyo. Ito ay batay sa mga walang-hanggang alituntuning hindinagbabago. Tumatanggap tayo ng tulong mula sa ating Ama sa Langit bilang tugon saating pananampalataya, pagsunod, at wastong paggamit ng kalayaan” (Richard G.Scott, “Paano Makatatanggap ng Paghahayag at Inspirasyon sa Inyong Personal na

Buhay,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 47).

Pagkatapos ay itanong:

• Sa anong mga paraan nagiging walang kuwenta ang pakikipag-ugnayan natin saAma sa Langit? Ano ang magagawa natin para mapanatiling mas makabuluhanang ating mga panalangin?

• Ano ang ibig sabihin ng “tumatanggap tayo ng tulong mula sa ating Ama sa Langitbilang tugon sa ating pananampalataya, pagsunod, at wastong paggamit ngkalayaan”? (Bagama’t maaari silang gumamit ng ibang mga salita, malamang naisagot ng mga estudyante ang katulad ng sumusunod: Tumatanggap tayo ngtulong mula sa ating Ama sa Langit kapag nagtuon tayo sa pagpapaibayo ngating pananampalataya, pagsunod, at wastong paggamit ng kalayaan. Isulat sapisara ang alituntuning ito.)

Para mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante sa alituntuning ito, idispley angsumusunod na dalawang sipi ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 4: PAGTUTURO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

28

Page 45: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Ang tinig na ito ng Espiritu ay magiliw na nangungusap, na itinuturo sa inyo anggagawin o sasabihin, o maaaring pinag-iingat o binabalaan kayo.

“Kapag binalewala o sinuway ninyo ang mga paramdam na ito, lalayuan kayo ngEspiritu. Kayo ang mamili—malaya kayo” (“Personal Revelation: The Gift, the Test, andthe Promise,” Ensign, Nob. 1994, 60).

“Ang Espiritu ay hindi tayo sinisigawan o niyuyugyog nang malakas para pansinin natinito. Bagkus ay bumubulong ito. Napakagiliw ng haplos nito kaya maaaring hindi manlang natin ito madama kapag abala tayo. …

“Kung minsan pipilitin tayo nito nang sapat para makinig tayo. Ngunit kadalasan, kunghindi natin papansinin ang magiliw na damdamin, lalayo ang Espiritu at maghihintay

hanggang sa maghanap at makinig tayo” (“The Candle of the Lord,” Ensign, Ene. 1983, 53).

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga turong ito ni Pangulong Packer?

• Dahil ang Espiritu Santo ay magiliw na nangungusap, anong uri ng mga bagay angmagpapahirap sa atin na marinig o makilala ang Espiritu sa mundo ngayon?

Kapag tumugon ang mga estudyante, isiping talakayin kung paano tayo pahihirapanng sobrang paggamit ng mga electronic device na makilala ang Espiritu. (Para sa iba patungkol sa paksang ito, tingnan sa Elder M. Russell Ballard, “Mapanatag at Malamanna Ako ang Diyos” [Church Educational System devotional para sa mga young adult,Mayo 4, 2014].)

Susunod, isiping basahin nang malakas ang sumusunod na pahayag ni ElderRichard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang pagpapakumbaba ay mahalaga sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Angmapagpakumbaba ay madaling turuan. Ang pagpapakumbaba ay nagtutulot sa inyo namaturuan ng Espiritu at maturuan mula sa mga materyal na binigyang-inspirasyon ngPanginoon, tulad ng mga banal na kasulatan. Tutubo at yayabong ang binhi ng personalna paglago at pag-unawa sa matabang lupa ng pagpapakumbaba. Ang bunga ng mga

ito ay espirituwal na kaalamang gagabay sa inyo rito at sa kabilang-buhay.

“Ang taong mayabang ay hindi malalaman ang mga bagay ng Espiritu. Itinuro ni Pablo angkatotohanang ito, na sinasabing:

“‘Ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios. …

“‘Nguni’t ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios:sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka’t ang mgayaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu’ (I Cor. 2:11, 14)” (“Acquiring Spiritual Knowledge,” Ensign, Nob.1993, 87).

• Anong papel ang ginagampanan ng pagpapakumbaba sa kakayahan natingtanggapin at makilala ang mga paramdam ng Espiritu?

• Naranasan na ba ninyong mapatnubayan ng Espiritu? Ano ang pakiramdamniyon? Paano ninyo nalaman na iyon ang Espiritu? (Tingnan sa Moroni 7:13.)

Kung may oras pa, hatiin sa kalahati ang klase mo. Ipaliwanag sa mga estudyante mona titingnan nila ang dalawang scriptural case study para makita kung paanopinatnubayan ng Espiritu ng Panginoon ang gawain ng Kanyang mga lingkod. Ipabasasa kalahati ng klase ang Mga Gawa 4:5–13. Sabihin sa kalahating ito ng klase na sa

LESSON 4: PAGTUTURO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

29

Page 46: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Mga patotoo ng mgaestudyante. Masmauunawaan ng mgaestudyante kung paanomagagamit ang mgaalituntunin ngebanghelyo at masmagkakainspirasyongipamuhay ang mga itokapag narinig nila angguro at iba pang mgaestudyante namagpatotoo tungkol sakahalagahan ng mgaalituntuning iyon.Mahihikayat ng mgaguro ang mgaestudyante namagpatotoo tungkol samga katotohanan ngebanghelyo sapagtatanong ng mgabagay na mag-aanyayasa kanila na ibahagi angkanilang mga karanasanat paniniwala.

Mga Gawa 3, pinagaling nina Pedro at Juan ang isang lalaki. Sa Mga Gawa 4, dinakipsila at iniharap sa mga pinunong Judio para usisain tungkol sa pagpapagaling na iyon.Ipaaral sa isa pang kalahati ng klase ang Mga Gawa 16:6–15. Sabihin sa kalahating itong klase na ang mga talatang ito ay tungkol kay Pablo sa isa sa kanyang mgapaglalakbay bilang missionary. Atasan ang dalawang kalahati ng klase na hanapinkung paano tinulungan ng Espiritu Santo si Pedro o si Pablo na ipangaral angebanghelyo. Makalipas ang sapat na panahon, ipareport sa mga estudyante kungpaano ginabayan ng Espiritu Santo sina Pedro at Pablo. Pagkatapos ay itanong:

• Paano ginamit nina Pedro at Pablo ang kanilang kalayaan para masunod angpatnubay ng Espiritu?

• Ano ang katibayan na sinusunod nina Pedro at Pablo ang Espiritu?

• Ano ang partikular na nangyari kay Pedro sa Mga Gawa 4 at kay Pablo sa MgaGawa 16 dahil pareho nilang sinunod ang patnubay ng Espiritu?

• Paano kayo napagpala sa pagsunod sa patnubay ng Espiritu Santo?

Magtapos sa pag-anyaya sa mga estudyante na magpatotoo kung paano sila napagpalang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Ipaisip sa kanila kung paanonaapektuhan ng pag-aaral pa tungkol sa pagtuturo sa pamamagitan ng Espiritu anghangarin nilang anyayahan ang iba kay Cristo. Tiyakin sa kanila na kapag hinangadnila ang Espiritu sa kanilang buhay, mag-iibayo ang kakayahan nilang magturo sapamamagitan ng Espiritu.

Mga Paanyayang KumilosAnyayahan ang mga estudyante na maghandang ituro ang ebanghelyo sapamamagitan ng Espiritu sa pagkumpleto ng isa o mahigit pa sa sumusunod naiminungkahing mga aktibidad:

• Panoorin ang ilan sa mga episode ng The District (na matatagpuan sa LDS.org)habang naghahanda kayong magmisyon.

• Magpraktis ng iba’t ibang paraan ng pagsisimulang magturo ng isang lesson gamitang ilan sa makapangyarihang mga katagang nag-aanyaya ng Espiritu sa Mangaralng Aking Ebanghelyo, mga pahina 200–202.

• Pag-isipan at ipagdasal ang isang taong gusto mong palakasin sa ebanghelyo.Ipagdasal ang mensahe ng ebanghelyong ibabahagi mo sa taong ito. Ibahagi angmensahe at patotoo mo sa taong ito, nang personal man o sa social media.

LESSON 4: PAGTUTURO SA PAMAMAGITAN NG ESPIRITU

30

Page 47: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

5Ano ang Papel naGinagampanan ng Aklat niMormon?

PambungadAng Aklat ni Mormon ay napakalakas na katibayan ng kabanalanni Jesucristo at katunayan ng Panunumbalik sa pamamagitan niPropetang Joseph Smith. Sinasagot nito ang “mga tanong ngkaluluwa” (tingnan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 121–122)ng marami sa mga anak ng Ama sa Langit tungkol sa kanilangbuhay. Mahalagang bahagi ng pagbabalik-loob ang tumanggap ng

patotoo mula sa Espiritu Santo na ang Aklat ni Mormon ay totoo.Ang isang prospective missionary ay dapat pag-aralan ang Aklat niMormon araw-araw, magkaroon ng personal na patotoo tungkol saAklat ni Mormon, at magtamo ng karanasan sa pagbabahagi ngpatotoong iyan sa iba.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang 1 Nephi 10:14; 2 Nephi 3:12; 3 Nephi 16:4–5; 20:13.

• Pag-aralan ang “The Book of Mormon: A Witness with the Bible,” Ensign, Okt.2011, 24–27.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 117–126.

• Maghandang ipalabas ang video na “The Book of Mormon—a Book from God”(1:55; clip mula sa mensahe ni Elder Tad R. Callister, Ensign o Liahona, Nob. 2011,74–76, available sa lds.org/media-library.

• Maghandang ipalabas ang video na “A Book of Mormon Story” (5:15), available saLDS.org.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Aklat ni Mormon ay Napakalakas na Katibayan ng Kabanalan niJesucristoPatingnan sa mga estudyante ang kopya nila ng Aklat ni Mormon, o itaas ang isangkopya para masuri ng klase. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

• Kung wala pa kayong alam tungkol sa Aklat ni Mormon, ano ang matututuhanninyo sa pagbabasa lang ng subtitle na (Isa pang Tipan ni Jesucristo)?

• Ano ang aasahan ninyong makita sa loob ng aklat?

Ipabuklat sa mga estudyante ang pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon at ipabasaang pangalawang talata, na pinagtutuunan ang nais ng mga manunulat ng Aklat niMormon na paniwalaan ng mundo. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang nais ng mga manunulat ng Aklat ni Mormon na paniwalaan ng mundo?

Isulat sa pisara ang sumusunod: Ang pangunahing layunin ng Aklat ni Mormon aypapaniwalain ang lahat ng tao na si Jesus ang Cristo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang bahaging pinamagatang “Ang Aklat niMormon ay Nagpapatotoo kay Cristo” sa mga pahina 119–120 sa Mangaral ng AkingEbanghelyo habang sumusunod sa pagbasa ang klase, na naghahanap ng mga paraanna nagsisilbing saksi ni Jesucristo ang Aklat ni Mormon.

31

Page 48: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagkatapos ay itanong sa mga estudyante:

• Sa anong mga paraan nagsisilbing saksi ni Jesucristo ang Aklat ni Mormon?

• Paano napalakas ng Aklat ni Mormon ang inyong patotoo tungkol kay Jesucristo?

Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi sa isa pang miyembro ng klase angpersonal na patotoo nila tungkol sa Aklat ni Mormon, mga karanasan nila sapagbabasa at pagdarasal tungkol dito, o mga paborito nilang talata tungkol saTagapagligtas at sa Kanyang misyon. Sabihin sa mga estudyante na ang isa sapinakamahahalagang bagay na magagawa nila bago pumasok sa MTC ay basahin angbuong Aklat ni Mormon at ipagdasal kung ito ay totoo. Hikayatin ang mga estudyantena sundin ang payo ni Pangulong Ezra Taft Benson sa mga miyembro ng Simbahan namagbasa nang 30 minuto sa isang araw mula sa Aklat ni Mormon.

Sinusuportahan ng Biblia at ng Aklat ni Mormon ang Isa’t IsaIpabuklat sa mga estudyante ang pahina 120 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Sabihinsa ilang estudyante na maghalinhinan sa pagbabasa nang malakas mula sa bahagingpinamagatang “Sinusuportahan ng Aklat ni Mormon at ng Biblia ang Isa’t Isa.”

Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ilang paraan na sinusuportahan ng Aklat ni Mormon at ng Biblia ang isa’tisa?

• Bakit dapat gamitin ng mga missionary kapwa ang Aklat ni Mormon at ang Bibliasa pagtulong sa iba na matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo? (Dapat ay kasamasa mga sagot ng mga estudyante ang sumusunod na katotohanan: Ang Aklat niMormon at ang Biblia ay nagtutulungan bilang mga saksi kay Jesucristo at saKanyang mga turo.)

Para maipaunawa sa klase ang konseptong ito, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang 2 Nephi 3:12. Ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang Ezekiel37:15–17. Pabantayan sa klase ang mga katagang tumutukoy sa Biblia at mga katagangtumutukoy sa Aklat ni Mormon. Matapos basahin ang mga talatang ito, itanong saklase:

• Paano sinusuportahan ng mga banal na kasulatan ang ideya tungkol sa dalawangsaksi?

• Anong mga pagpapala ang ipinangako dahil sa pagsasama ng Aklat ni Mormon atng Biblia?

Para lalo pang mailarawan kung paano nagsisilbing magkasamang mga saksi niJesucristo ang Aklat ni Mormon at ang Biblia, ipabasa sa isang estudyante ang

sumusunod mula kay Elder Tad R. Callister ng Pitumpu, o ipalabas ang video clip ngsipi.

“Ngunit bakit napakahalaga ng Aklat ni Mormon kung may Biblia na para turuan tayotungkol kay Jesucristo? Hindi ba kayo nagtataka kung bakit napakaraming simbahangKristiyano sa mundo ngayon samantalang iisang Biblia ang pinagkukunan nila ng mgadoktrina? Iyon ay dahil iba-iba ang interpretasyon nila sa Biblia. Kung iisa anginterpretasyon nila, iisa ang kanilang simbahan. Hindi ganito ang nais ng Panginoon,

dahil sinabi ni Pablo na may ‘isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo’ (Mga TagaEfeso 4:5). Para magkaroon ng pagkakaisang ito, itinakda ng Panginoon ang banal na batas ng mgasaksi. Itinuro ni Pablo, “Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa’t salita”(II Mga Taga Corinto 13:1).

LESSON 5: ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG AKLAT NI MORMON?

32

Page 49: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Ang Biblia ay isang saksi ni Jesucristo; isa pang saksi ang Aklat ni Mormon. Bakit napakahalaga ngpangalawang saksing ito? Maaaring makatulong ang sumusunod na paglalarawan: Ilang tuwid nalinya ang maiguguhit ninyo mula sa iisang tuldok sa papel? Ang sagot ay walang katapusan.Sandaling ipagpalagay na ang iisang tuldok ay kumakatawan sa Biblia at na daan-daan sa mga tuwidna linyang iginuhit patawid ng tuldok na iyon ay kumakatawan sa iba’t ibang interpretasyon ng Bibliaat bawat isa sa mga interpretasyong iyon ay kumakatawan sa ibang simbahan.

“Gayunman, ano ang mangyayari kung sa papel na iyon ay may isa pang tuldok na kumakatawan saAklat ni Mormon? Ilang tuwid na linya ang maiguguhit ninyo sa pagitan ng dalawang tuldok na ito:ang Biblia at ang Aklat ni Mormon? Isa lang. Isang interpretasyon lang ng mga doktrina ni Cristo angmamamayani sa patotoo ng dalawang saksing ito.

“Muli’t muli ang Aklat ni Mormon ang saksing nagpapatibay, naglilinaw, pinagkakaisa ang mgadoktrinang itinuro sa Biblia kaya mayroon lang ‘isang Panginoon, isang pananampalataya, isangbautismo’” (“Ang Aklat ni Mormon—Isang Aklat mula sa Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 75).

Matapos ipalabas ang video o ipabasa ang sipi, itanong:

• Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dalawang saksi kay Jesucristo sa banalna kasulatan?

• Ano ang natutuhan ninyo sa mensahe ni Elder Callister na makakatulong sa inyona ituro sa iba kung paano nagtutulungan ang Aklat ni Mormon at ang Biblia?

Paunawa: Kung pakiramdam ninyo ay kailangang makakita ang mga estudyante ng mga halimbawakung paano nagtutulungan ang Aklat ni Mormon at ang Biblia upang linawin ang mga turo ni

Jesucristo, isiping gamitin ang ilan sa mga halimbawang matatagpuan sa “Ang Aklat ni Mormon: Kasamang Biblia sa Pagpapatotoo,” Ensign o Liahona, Okt. 2011, 24–27.

Ang Papel na Ginagampanan ng Aklat ni Mormon sa Pagtitipon ng IsraelPara makapaglaan ng konteksto habang itinuturo mo ang susunod na alituntunin,maaari mong ipabasang muli sa mga estudyante ang ikalawang talata sa pahina ngpamagat ng Aklat ni Mormon at pasalungguhitan o ipa-highlight ang pangako na angmga mambabasa ay maaaring “malaman ang mga tipan ng Panginoon, na sila ay hindiitatakwil nang habang panahon.” Ipaliwanag na ang talatang ito ay nagpapahiwatig sakatotohanan na kailangang tipunin ang mga anak ng Diyos sa nangakalat nasambahayan ni Israel. Ipaalala sa mga estudyante na nakipagtipan ang Diyos saKanyang mga anak noong unang panahon. Gayunman, ikinalat ng Panginoon angmga miyembro ng sambahayan ni Israel sa buong daigdig dahil sa kanilang kasamaanat paghihimagsik.

LESSON 5: ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG AKLAT NI MORMON?

33

Page 50: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagtukoy sa mgadoktrina. Ang matutongtukuyin at unawain angmga doktrina atalituntunin aytumutulong sa mgaestudyante na ihalintuladang mga banal nakasulatan sa sarili nilangbuhay at magagabayansila sa mga pagpapasiya.Kung minsa’y ikaw angtutukoy ng mga doktrinaat alituntunin.Gayunman, dapat mongpagsikapang tulunganang mga estudyante natukuying mag-isa angmga doktrina atalituntunin.

Atasan ang mga estudyante na basahin ang isa sa sumusunod na mga talata sa banalna kasulatan at hanapin kung paano tinitipon ang mga anak ng Diyos: 1 Nephi 10:14;3 Nephi 16:4–5; o 3 Nephi 20:13. Pagkatapos ay magtanong ng katulad ng mgasumusunod para tulungan silang tukuyin ang doktrinang itinuturo sa mga talatang ito:

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang kailangang mangyari para matipon ang mga taobilang bahagi ng sambahayan ni Israel? (Kailangan silang madala sa kaalamantungkol kay Jesucristo.)

• Ano ang papel na ginagampanan ng Aklat ni Mormon sa prosesong ito? (Bagama’tmaaaring gumamit ng iba’t ibang salita ang mga estudyante, dapat nilang tukuyinang sumusunod na katotohanan: Ang Aklat ni Mormon ay nagsisilbingkasangkapan na tutulong na matipon ang mga anak ng Diyos sapamamagitan ng pagtulong na madala sila sa kaalaman tungkol kayJesucristo.)

Basahin ang sumusunod na pahayag, kung saan tinukoy ni Elder Bruce R. McConkie(1915–1985) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang papel na ginagampanan ngAklat ni Mormon sa pagtitipon ng Israel.

“Kung pagtitipon ng Israel ang pag-uusapan, ang Aklat ni Mormon angpinakamahalagang aklat na naisulat o maisusulat kailanman. Ito ang aklat nanagtitipon sa Israel at naghahayag, nang buong linaw at perpekto, sa doktrina ngpagtitipon. … Ang Aklat ni Mormon ang dahilan kaya naniniwala ang mga tao saebanghelyo at sumasapi sa Simbahan, at, tulad ng nakita namin noong araw, ito ang

kapangyarihang nagsasakatuparan ng pagtitipon ng Israel” (A New Witness for the Articles of Faith[1985], 554).

Pagkatapos, magtanong ng katulad ng mga sumusunod:

• Paano nakikibahagi ang mga missionary sa pagtitipon ng sambahayan ni Israel? (Sapagtulong sa iba na pag-aralan at unawain ang Aklat ni Mormon upang sila aymaaaring lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya, pagsisisi,pagpapabinyag, pagpapakumpirma, at pagtitiis hanggang wakas.)

• Bakit mahalaga na gamitin ng mga missionary ang Aklat ni Mormon sa pagtulongsa iba na lumapit kay Cristo?

Ang Pagtatamo ng Patotoo sa Aklat ni Mormon ay Mahalagang Bahagi ngPagbabalik-loobIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na salaysay mula satalambuhay ni Apostol Parley P. Pratt (1807–1857), kung saan niya inilarawan angkanyang karanasan sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon sa unang pagkakataon:

“Binuksan ko ito nang may kasigasigan, at binasa ang pahina ng pamagat nito.Pagkatapos ay binasa ko ang patotoo ng ilang saksi na may kinalaman sa pamamaraanng pagkatagpo at pagsasalin nito. Pagkatapos nito sinimulan kong basahin nang sunud-sunod ang nilalaman nito. Nagbasa ako buong maghapon; naging pabigat ang pagkain,ayaw kong kumain; naging pabigat ang pagtulog pagsapit ng gabi, dahil mas gusto

kong magbasa hanggang sa makatulog ako.

“Sa aking pagbabasa, sumaakin ang Espiritu ng Panginoon, at nalaman at naunawaan ko na angaklat ay totoo, nang kasingsimple at kasinglinaw ng pagkaunawa at pagkaalam ng tao na siya aybuhay” (Autobiography of Parley P. Pratt, inedit ni Parley P. Pratt Jr. [1874], 38).

LESSON 5: ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG AKLAT NI MORMON?

34

Page 51: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• Paano naapektuhan ng Espiritu ng Panginoon si Parley P. Pratt nang basahin niyaang Aklat ni Mormon?

• May maibabahagi ba kayong isang pagkakataon na inantig kayo ng Espiritu nangmabasa ninyo ang isang partikular na talata sa Aklat ni Mormon?

Pasalungguhitan o ipa-highlight sa mga estudyante ang sumusunod na pahayag saMangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 118: “Ang Aklat ni Mormon, kasama angEspiritu, ang pinakamabisa ninyong magagamit sa conversion o pagbabalik-loob.” Paramaipaunawa sa mga estudyante ang katotohanang ito, ipabasa sa kanila ang bahaging“Inilalapit ng Aklat ni Mormon ang mga Tao sa Diyos” sa pahina 123 ng Mangaral ngAking Ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Ayon sa bahaging ito sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, ano ang ilang partikular nabagay na maaaring mangyari kapag sinimulang pag-aralan ng isang tao ang Aklatni Mormon?

• Bakit isa sa pinakamahahalagang layunin ng isang missionary ang tulungan angmga investigator na mag-aral at magtamo ng patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon?

Ipaliwanag sa klase na matutulungan nila ang mga investigator na madama angnagpapabalik-loob na kapangyarihan ng Aklat ni Mormon sa pagtulong sa mgainvestigator na mahanap ang mga sagot sa pinakamahahalagang tanong sa buhay saloob ng mga pahina nito. Sabihin sa ilang estudyante na halinhinang basahin nangmalakas ang mga talata at tanong na matatagpuan sa pahina 122 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Sabihin sa klase na hanapin ang kahulugan ng mga katagang “mga tanongng kaluluwa.” Pagkatapos ay talakayin ang sumusunod:

• Ano ang kahulugan sa inyo ng mga katagang “mga tanong ng kaluluwa”?

Sa pisara, isulat ang sumusunod na katotohanan:

Sinasagot ng mga turo ng Aklat ni Mormon ang mga tanong ng kaluluwa.

Talakayin ang sumusunod sa mga estudyante:

• Paano ninyo gagamitin ang Aklat ni Mormon sa paghanap ng mga sagot sa inyongmga tanong ng kaluluwa?

• Anong mga tanong ng kaluluwa ang nahanapan ninyo ng mga sagot sa Aklat niMormon?

Isiping magbigay ng maikling pagtatanghal sa klase kung paano gamitin ang Aklat niMormon sa paghahanap ng sagot sa mga tanong ng kaluluwa. Pumili ng isa sa mgatanong na nasa listahan sa pahina 122 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Gamit angmga talata sa Aklat ni Mormon na nakalista sa tanong, ipamalas kung paano sinasagotng Aklat ni Mormon ang tanong na napili mo. Isipin ding ipamalas kung paanogamitin ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan para mahanap ang mga sagot sa mgatanong. Ibahagi ang damdamin mo sa klase kung paano rin makakatulong sa kanila atsa kanilang mga investigator ang Aklat ni Mormon na mahanap ang mga sagot sakanilang mga tanong.

LESSON 5: ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG AKLAT NI MORMON?

35

Page 52: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paglalaan ng isanghuwaran. Sa pagtulongsa mga estudyante namatuto ng mgakasanayan,makabubutingmagpamalas o maglaanng isang huwaran parasa mga estudyante,magbigay ng oras paramagpraktis, atpagkatapos ay magbigayng nakahihikayat nafeedback.

Matapos ilaan ang huwarang ito sa mga estudyante, anyayahan silang sundan angprosesong iyon. Hilingan silang pumili ng isa sa mga tanong mula sa listahan atpagkatapos ay repasuhin ang kalakip na talata sa Aklat ni Mormon para mahanap angmga doktrina o alituntunin na sumasagot sa tanong. Matapos silang bigyan ng sapatna panahon para maghanda, anyayahan ang mga estudyante na maikling ibahagi angnatuklasan nila sa ibang estudyante. Kapag tapos na sila, talakayin ang mgasumusunod:

• Paano magagamit ng mga missionary ang Aklat ni Mormon para matulungan angmga investigator na mahanap ang mga sagot sa mga tanong ng kaluluwa?

Para mailarawan pang lalo kung paano sinasagot ng Aklat ni Mormon ang mgatanong ng kaluluwa, ipalabas ang video na “A Book of Mormon Story.” Sabihin

sa mga estudyante na panoorin kung paano sinagot ng Aklat ni Mormon ang ilan samga tanong ni Brother Cook bago siya sumapi sa Simbahan.

Pagkatapos ng video maaari mong itanong:

• Ano ang ilan sa mahahalagang tanong na nasagot para kay Brother Cook nangbasahin niya ang Aklat ni Mormon?

• Paano siya naapektuhan nang makita niya ang mga sagot na ito?

Magpaisip sa mga estudyante ng isang mahalagang tanong na may kaugnayan saebanghelyo na gusto nila o ng isang kaibigan na masagot. Magpatotoo na tutulongang Panginoon na masagot ang kanilang tanong kung pag-aaralan nila ang Aklat niMormon.

Ang Aklat ni Mormon ay Nagpapatibay sa Katotohanan ng PanunumbalikAnyayahan ang mga estudyante na maghalinhinan sa pagbasa nang malakas ngbahagi sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo na pinamagatang “Ang Aklat ni Mormon ayang Saligang Bato ng Ating Relihiyon,” simula sa pahina 118 hanggang sa table sapahina 119. Habang nagbabasa sila, ipaisip sa kanila ang pahayag ni Joseph Smithtungkol sa kahalagahan ng Aklat ni Mormon. Pagkatapos ay itanong:

• Sa anong mga paraan naging “pundasyon ng patotoo” ang Aklat ni Mormon?

• Sa palagay ninyo, bakit kinakalaban ng kaaway ang Aklat ni Mormon at gustongpigilan ang mga tao na basahin ito? (Dahil ito ang saligang bato ng ating relihiyon.)

Ipaliwanag na maraming tao sa mundo ang nahihirapang maniwala sa salaysay niJoseph Smith at sa pinagmulan ng Aklat ni Mormon. Ang mga missionary ay dapatmaging handang sagutin ang mga pag-aalinlangan ng mga investigator tungkol sabanal na pinagmulan ng Aklat ni Mormon.

Paunawa: Bagama’t mahalagang malaman ng mga estudyante na maaari silang maharap sa mgapagtutol ng ilan na pumupula sa Aklat ni Mormon, hindi makakatulong sa klase na talakayin nang

detalyado ang mga argumentong ginagamit ng mga kritiko sa mga pagsisikap nilang pabulaanan si JosephSmith at ang Aklat ni Mormon. Linawin sa mga estudyante na ang tungkulin ng missionary ay hindi parapatunayan ang katotohanan ng kasaysayan ni Joseph Smith o ng Aklat ni Mormon. Sa halip, ituturo atpatototohanan ng mga missionary ang Aklat ni Mormon at tutulungan ang mga investigator na basahin atalamin sa kanilang sarili na ang Aklat ni Mormon ay totoo sa pamamagitan ng personal na paghahayagmula sa Espiritu ng Panginoon. Isiping ipabasa sa mga estudyante sa bahay ang mensahe ni Elder Jeffrey R.Holland na “Kaligtasan para sa Kaluluwa” (Ensign o Liahona, Nob. 2009, 88–90).

Habang iniisip mo ang mga pangangailangan ng mga estudyante mo at ang mga paramdam ng Espiritu,maaari kang gumugol ng ilang minuto para ipakita sa klase kung paano mahanap ang impormasyong

LESSON 5: ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG AKLAT NI MORMON?

36

Page 53: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

tumpak sa doktrina gamit ang resources na tulad ng Gospel Topics section ng LDS.org o mga artikulo samga magasin ng Simbahan.

Bilang isang klase, sama-samang basahin ang bahaging pinamagatang “Gamitin angAklat ni Mormon sa Pagsagot sa mga Pagsalungat” na matatagpuan sa Mangaral ngAking Ebanghelyo, mga pahina 123–124. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ngpayo na makakatulong sa kanila na palakasin ang pananampalataya ng mgainvestigator na may mga problema o pag-aalinlangan. Magtanong na katulad ng mgasumusunod para matukoy ng mga estudyante ang isang alituntuning matatagpuan sakanilang pagbabasa:

• Ayon kay Pangulong Benson, bakit mahalagang malaman ng isang taong may mgaproblema tungkol sa ating mga paniniwala kung ang Aklat ni Mormon ay totoo?

• Sa paanong mga paraan matutulungan ng Aklat ni Mormon ang isang tao nalutasin ang espirituwal na mga problema at pag-aalinlangan?

Para maibuod ang mga alituntuning natutukoy ng mga estudyante, maaari mong isulatsa pisara ang alituntuning ito: Ang pagtatamo ng patotoo na ang Aklat ni Mormonay totoo ay makakatulong sa mga investigator na makayanan ang espirituwal namga problema at pag-aalinlangan.

Idispley ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), atipabasa nang malakas sa bawat isa sa ilang estudyante ang isa o dalawang talata:

“Tuwing hinihikayat natin ang iba na basahin ang Aklat ni Mormon, utang na loob nilaiyon. Kung babasahin nila ito nang may panalangin at taos-puso nilang hahangaringmalaman ang katotohanan, malalaman nila sa pamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo na ang aklat ay totoo.

“Mula sa kaalamang iyan ay may dadaloy na pananalig sa katotohanan ng maramipang ibang bagay. Sapagkat kung ang Aklat ni Mormon ay totoo, ang Diyos kung gayon ay buhay. …

“Kung totoo ang Aklat ni Mormon, si Jesus kung gayon ay totoong ating Manunubos, angTagapagligtas ng sanlibutan. Ang dakilang layunin ng pag-iingat dito at paglabas nito, ayon sa sabiroon mismo, ay ‘sa ikahihikayat ng mga Judio at Gentil na si Jesus ang Cristo, ang Diyos na WalangHanggan, nagpapatunay ng kanyang sarili sa lahat ng bansa.’ (Pahina ng pamagat ng Aklat niMormon.) …

“Kung totoo ang Aklat ni Mormon, si Joseph Smith ay isang Propeta ng Diyos, sapagkat siya angnaging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos para dalhin sa liwanag ang patotoong ito tungkol sakabanalan ng ating Panginoon. …

“Kung ang Aklat ni Mormon ay totoo, ang Simbahan ay totoo, sapagkat narito ang awtoridad dingiyon na nagdala sa liwanag ng sagradong talaang ito at nakikita ito sa atin ngayon. Ito’ypanunumbalik ng Simbahang itinatag ng Tagapagligtas sa Palestina. Ito’y panunumbalik ngSimbahang itinatag ng Tagapagligtas nang bisitahin niya ang kontinenteng ito ayon sa ipinahayag sasagradong talaang ito” (“The Power of the Book of Mormon,” Ensign, Hunyo 1988, 6).

Isiping itanong ang mga sumusunod:

• Bakit napakahalagang magtamo ng patotoo ang mga investigator, missionary, atmiyembro tungkol sa Aklat ni Mormon?

• Paano pinagtitibay ng katotohanan ng Aklat ni Mormon na si Joseph Smith ayisang propeta ng Diyos? (tingnan sa Mateo 7:13–15).

• Paano nakatulong ang inyong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon na mapagtibaysa inyong puso ang walang-hanggang kahalagahan ng Panunumbalik?

LESSON 5: ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG AKLAT NI MORMON?

37

Page 54: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Isiping ibahagi ang sarili mong patotoo na ang Aklat ni Mormon ay katibayan ngkatotohanan ng Panunumbalik. Tapusin ang lesson mo sa pag-anyaya sa ilangestudyante na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at ipaliwanagkung bakit sila nasasabik na ipabasa sa iba ang Aklat ni Mormon at ipagdasal ito.

Paunawa: Dapat ninyong malaman na sa lesson 8 ay magkakaroon ng pagkakataon ang mgaestudyante na magpraktis na anyayahan ang isang tao na basahin ang Aklat ni Mormon at ipagdasal

kung totoo ito.

Mga Paanyayang KumilosIpaalala sa mga prospective missionary na ang pinakamainam na paraan ngpaghahanda para sa full-time mission ay magsimula sa paggawa ng gawaingmisyonero ngayon. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magtakda ng personalna mithiing gawin ang sumusunod:

• Basahin ang buong Aklat ni Mormon at ipagdasal na malaman ang katotohanannito, kahit nagawa na nila ito noon.

• Ugaliing magbasa araw-araw mula sa Aklat ni Mormon.

• Ipakilala sa isang tao ang Aklat ni Mormon sa susunod na linggo (nang personal osa social media) at anyayahan silang basahin at ipagdasal ito.

LESSON 5: ANO ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG AKLAT NI MORMON?

38

Page 55: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

6Paghahandang MabuhayBilang Missionary

PambungadAng paglilingkod sa full-time mission ay pagtanggap sa tawag namaging kinatawan ng Panginoong Jesucristo. Ang pagmimisyon ayisang kasiya-siyang karanasan, ngunit kailangan din dito angkasipagan. Para maging epektibong mga missionary, kailangan ayhanda ang mga kabataang lalaki at babae na magtiwala sa

Panginoon kapag naharap sila sa mga hamon. Kapag nagtatag ngmagagandang inaasahan ang mga prospective missionary sa buhaysa misyon, magiging mas handa silang maglingkod nang buong“puso, kakayahan, pag-iisip at lakas” (D at T 4:2).

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang 2 Nephi 4:19–26 at Alma 17:2–3, 9; 26:11–13; 29:10.

• Pag-aralan ang Elder David A. Bednar, “Pagiging Misyonero,” Ensign o Liahona,Nobyembre 2005, 44–47.

• Maghandang ipalabas ang mga video na “Becoming a Missionary, Part 1” (2:26) at“Becoming a Missionary, Part 2” (1:01; mga clip mula sa mensahe ni Elder David A.Bednar, Ensign o Liahona, Nob. 2005, 44–47), na makukuha sa lds.org/media-library.

• Maghandang ipalabas ang video na “Stay within the Lines” (5:10), na makukuha sayouth.lds.org.

• Maghandang ipalabas ang video na “Preparation of Gordon B. Hinckley: ForgetYourself and Go to Work” (2:04), na makukuha sa LDS.org.

• Ihanda ang handout na pinamagatang “Mga Dapat Gawin sa Buhay ngMissionary,” na matatagpuan sa dulo ng lesson.

Mga Mungkahi sa PagtuturoPagiging MissionarySimulan ang lesson sa pagtatanong sa klase ng mga ito:

• Sa anong mga paraan ninyo maaasahang magbago ang inyong pamumuhay kapagnagsimula kayong maglingkod bilang missionary?

• Ano ang masisimulan ninyong gawin ngayon upang mapaghandaan ang mgapagbabagong iyon sa pamumuhay?

Idispley at ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderDavid A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, o ipalabas ang video

clip ng pahayag. Ipaliwanag na kahit sa mga kabataang lalaki nagsasalita si ElderBednar sa priesthood session ng isang pangkalahatang kumperensya, angkop din angmga alituntuning itinuro niya sa mga kabataang babae.

“Sa pakikipagmiting sa mga kabataang miyembro ng Simbahan sa buong mundo,madalas kong imbitahan ang mga dumadalo na magtanong. Ang isang madalasitanong sa akin ng mga kabataang lalaki ay ito: ‘Ano po ang magagawa ko paramakapaghandang mabuti na maglingkod bilang full-time missionary?’ Ang gayonkataimtim na tanong ay kailangan ng taimtin na sagot.

39

Page 56: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Mahal kong mga batang kapatid, ang pinakamahalagang bagay na magagawa ninyo paramakapaghanda sa tawag na maglingkod ay ang maging misyonero bago pa man kayo magpunta samisyon. Sana’y pansinin ninyo na sa sagot ko’y mas binigyan ko ng diin ang pagiging kaysa pagpunta.Hayaan ninyong ipaliwanag ko ang gusto kong sabihin.

“Sa nakaugalian na nating bokabularyo sa Simbahan, madalas nating banggitin ang pagpunta sasimbahan, pagpunta sa templo, at pagpunta sa misyon. Tahasan kong sasabihin na sa paulit-ulitnating pagbibigay-diin sa pagpunta ay hindi natin natutumbok ang talagang punto nito.

“Hindi pagpunta sa Simbahan ang isyu; sa halip, ang isyu ay ang pagsamba at pagpapanibago ngmga tipan habang nasa simbahan tayo. Hindi pagpasok sa templo ang isyu; sa halip, ang isyu ay angpagsasapuso natin ng diwa, ng mga tipan, at ordenansa ng bahay ng Panginoon. Hindi ang pagpuntasa misyon ang isyu; sa halip, ang isyu ay ang pagiging misyonero at paglilingkod natin habambuhaynang ating buong puso, kakayahan, pag-iisip, at lakas. Posibleng makapunta sa misyon ang isangkabataang lalaki at hindi naman maging misyonero, at hindi ito ang iniuutos ng Panginoon okailangan ng Simbahan.

“Taimtim kong inaasam sa bawat isa sa inyong mga kabataang lalaki na hindi lamang kayomagpunta sa misyon—kundi maging misyonero kayo bago pa ninyo ipadala ang inyong mga papelessa misyon, bago pa ninyo matanggap ang tawag na maglingkod, bago pa kayo italaga ng inyongstake president, at bago pa kayo pumasok sa MTC” (“Pagiging Misyonero,” Ensign o Liahona, Nob.2005, 45).

• Ano ang sinabi ni Elder Bednar na pinakamahalagang magagawa ninyo paramakapaghanda sa tawag na magmisyon? (Maging misyonero bago pa man kayomagpunta sa misyon.)

Ipabasa sa isang estudyante ang sumunod na bahagi ng siping binanggit niElder Bednar, o ipalabas ang video clip ng pahayag:

“Malinaw na sa proseso ng pagiging misyonero ay hindi kailangang magsuot araw-araw ng puting polo at kurbata ang isang batang lalaki sa paaralan o sundin angpatakaran ng mga misyonero sa pagtulog at paggising, bagama’t susuportahan ngkaramihan sa mga magulang ang ganyang ideya. Subalit madaragdagan ninyo anginyong hangarin na maglingkod sa Diyos [tingnan sa D at T 4:3], at maaari kayong

magsimulang mag-isip na tulad ng mga misyonero, basahin ang binabasa ng mga misyonero,manalangin na tulad ng mga misyonero, at madama ang nadarama ng mga misyonero. Maiiwasanninyo ang mga makamundong impluwensya na dahilan ng paglayo ng Espiritu Santo, atmadaragdagan ang inyong pagtitiwala sa pagkilala at pagtugon sa mga espirituwal na paramdam.Taludtod sa taludtod, tuntunin sa tuntunin, kaunti rito at kaunti roon, unti-unti kayong magiging angmisyonerong pinapangarap ninyo at misyonerong inaasahan ng Tagapagligtas” (“PagigingMisyonero,” 45–46).

Pagkatapos ay itanong:

• Ayon kay Elder Bednar, sa anong mga paraan kayo magiging misyonero bago kayopumasok sa missionary training center?

Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod nakatotohanan: Maaari akong maging missionary ngayon sa aking mga iniisip,nadarama, at ikinikilos. Para mailarawan ang alituntuning ito, sabihin sa mgaestudyante na buklatin ang Alma 17:2–3, 9, 11, at ipaliwanag na inilalarawan sa mgatalatang ito ang mga anak na lalaki ni Mosias, na nagmisyon sa mga Lamanita. Ipabasanang malakas sa isang estudyante ang mga talata habang sinusundan siya ng klase, nahinahanap kung ano ang ginawa ng mga anak ni Mosias para makapaghandang

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

40

Page 57: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagkatuto saPamamagitan ngEspiritu. Kapag naroonang Espiritu sa oras nglesson, dadalhin ngEspiritu Santo angmensahe sa puso ng mgaestudyante at tutulungansilang personal naipamuhay ang mgaalituntunin ayon sakanilang sari-sarilingmga pangangailangan atsitwasyon (tingnan sa2 Nephi 33:1).Matutulungan mo angmga estudyante namatuto sa pamamagitanng Espiritu at ipamuhayang mga alituntunin sapaghihikayat sa kanila na(1) higit na magtuon sakanilang nadarama saklase kaysa sa nakikita onaririnig nila, at(2) kumilos ayon sakanilang nadarama.

magturo nang may kapangyarihan at awtoridad. Pagkatapos ay itanong sa mgaestudyante:

• Ano ang ginawa ng mga anak ni Mosias para makapaghandang magturo nang maykapangyarihan at awtoridad?

• Paano masusundan ng mga prospective missionary ang halimbawa ng mga anak niMosias sa paghahanda nilang maging missionary ngayon?

Ipabuklat sa mga estudyante ang pahina 155 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, atipabasa nang malakas sa isang estudyante ang ikatlong talata. Pagkatapos ay itanongang katulad ng mga sumusunod:

• Ayon sa missionary call letter, ano ang inaasahang ilalaan ng mga missionary saPanginoon, at ano ang inaasahang iiwanan nila?

• Ano ang mga halimbawa ng “personal na mga gawain” na pinaiiwanan sa mgamissionary kapag nagsimula silang maglingkod sa misyon?

• Kailan kayo napagpala sa pagsasakripisyo para makapaglingkod sa Diyos?

Pagtapos, bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante para pagbulayan at isulat angmga sagot sa sumusunod na mga tanong sa kanilang study journal. Hikayatin ang mgaestudyante na isulat lalo na ang nadarama nila na personal na ipinararating sa kanilang Espiritu Santo. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ilang bagay na magagawa ninyo ngayon para magsimulang mag-isip,makadama, at kumilos na parang misyonero?

• Paano kayo makapaghahandang iwanan ang personal na mga suliranin at ilaan angbuong oras at pansin ninyo sa paglilingkod sa Panginoon?

• Paano makakatulong ang paggawa ng mga bagay na ito sa paghahanda ninyongmagturo nang may kapangyarihan at awtoridad na tulad ng mga anak ni Mosias?

Hikayatin ang mga estudyante na magsulat ng partikular na mga mithiin sa kanilangjournal. Maaaring ibilang sa mga ideya ang pag-aaral ng Aklat ni Mormon araw-araw,pagdarasal sa araw at gabi, pagdalo sa lahat ng miting ng Simbahan, pagtulog bagomag-alas-10:30 n.g. at paggising bago mag-alas-6:30 n.u., pagbabawas ng paggamitng kanilang electronic device, o pagsisikap na maging mas masunurin sa mgakautusan.

Ang Pamantayan ng PagkamarapatIsulat sa pisara ang salitang “kailangan munang gawin,” at magpaisip sa mgaestudyante ng mga tagpo kung saan kailangan munang gawin ang ilang bagay. Bigyanng ilang sandali ang mga estudyante na saliksikin ang Doktrina at mga Tipan 88:74para sa ilang kailangan munang gawin bago makapagmisyon. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ipinayo ng Panginoon sa mga manggagawa sa Kanyang kaharian nagawin nila para maging handang ipangaral ang ebanghelyo? (Pabanalin angkanilang sarili, padalisayin ang kanilang puso, linisin ang kanilang mga kamay.)

• Ano ang ibig sabihin ng mapabanal? (Hangaring maging malinis, maging karapat-dapat sa Espiritu Santo.)

• Anong alituntunin hinggil sa mga missionary ang itinuturo sa Doktrina at mgaTipan 88:74? (Pagkatapos sumagot ng mga estudyante, isulat sa pisara ang mgasumusunod: Inutusan ng Panginoon ang Kanyang mga lingkod na magingmalinis.)

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

41

Page 58: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Para maipaliwanag ang ibig sabihin ng maging malinis at karapat-dapat na magmisyonang isang missionary, idispley ang sumusunod na sipi ng mensahe ni Elder M. RussellBallard ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Bilang Apostol ng Panginoong Jesucristo, nananawagan ako sa inyo na magsimulangayon din—ngayong gabi—na maging ganap at lubos na marapat. Magpasiya atmangako sa sarili at sa Diyos na mula sa sandaling ito ay sisikapin ninyong panatilihingdakila at walang bahid-dungis ang inyong puso, kamay, at isipan mula sa anumang uring kasalanang moral. Magpasiyang iwasan ang pornograpiya na parang pag-iwas sa

nakahahawang sakit, sapagkat gayon nga ito. Magpasiyang lubos na umiwas sa tabako, alak atbawal na gamot. Magpasiyang maging tapat. Magpasiyang maging mabubuting mamamayan atsumunod sa mga batas ng inyong bayan. Magpasiya mula sa gabing ito na hinding-hindi ninyodudungisan ang inyong katawan o sasambitin ang mahahalay at alangan sa isang maytaglay ngpriesthood” (“Ang Pinakadakilang Henerasyon ng mga Misyonero,” Ensign o Liahona, Nob. 2002, 47).

Magtanong ng katulad ng mga sumusunod para matulungan ang mga estudyante nasuriin ang payo ni Elder Ballard:

• Anong mga kautusan ang partikular na binanggit ni Elder Ballard na dapat sundinng mga prospective missionary?

• Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng puso, mga kamay, at isipang “walangbahid-dungis mula sa anumang uri ng kasalanang moral”? (Kung kailangan,maaari kang sumangguni sa bahaging “Kadalisayan ng Puri” sa Para sa Lakas ngmga Kabataan [buklet, 2011], 35–37.)

• Bakit katalinuhang iwasan ang pornograpiya na tulad ng pag-iwas natin sanakahahawang sakit, at paano makakatulong ang pag-iwas sa pornograpiya sapag-iisip, pagdama, at pagkilos ninyo na tulad ng missionary?

Ipalabas ang video na “Stay within the Lines” (5:10) upang tulungan ang mgaestudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng pagiging karapat-

dapat na magmisyon. Bago ipalabas ang video, isiping talakayin kung bakitmahalagang magtakda ng mga hangganan sa ilang isport. Talakayin ang kaibhan sapagitan ng “sa loob ng hangganan” at “lumagpas sa hangganan” at ang paraan nanaaapektuhan ng mga hangganan ang kilos ng mga atleta sa oras ng laro. Sabihin samga estudyante na nagsalita si Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng LabindalawangApostol tungkol sa kahulugan ng manatili sa loob ng espirituwal na mga hanggananbago magmisyon.

Matapos panoorin ang video, isiping itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:

• Ano ang kaugnayan ng “manatili sa loob ng hangganan” sa paghahandangmagmisyon?

• Nakiusap si Elder Holland sa mga nasa panig ng Panginoon na manatili sa team athuwag “lumagpas sa hangganan.” Ano ang kahulugan nito sa inyo?

• Bakit makakahadlang ang hindi pagsisisi sa dating mga kasalanan sa epektibongpagtulong ng isang missionary sa iba na lumapit kay Cristo?

Bigyan ng ilang sandali ang mga estudyante na pagbulayan ang kanilang sariling antasng pagiging karapat-dapat na magmisyon. Ipaliwanag sa mga estudyante na kung maymga problema sila tungkol sa kanilang pagkamarapat, dapat silang maghangad ng

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

42

Page 59: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

patnubay sa taimtim na panalangin at talakayin nila ang mga problemang ito sakanilang bishop o branch president.

Pisikal at Emosyonal na PaghahandaIdispley ang sumusunod na pahayag na inilabas ng Unang Panguluhan noong 2002, atipabasa ito nang tahimik sa mga estudyante. O ipabasa nang malakas ang pahayag saisang estudyante.

“Ang pagmimisyon nang full-time ay isang pribilehiyo para sa mga tinawag sa pamamagitan nginspirasyon ng Pangulo ng Simbahan. Ang mga Bishop at stake president ay may mabigat naresponsibilidad na tukuyin ang karapat-dapat at kwalipikadong mga miyembro na espirituwal, pisikal,at emosyonal na handa para sa sagradong paglilingkod na ito at na maaaring irekomenda nangwalang pag-aalinlangan” (liham ng Unang Panguluhan, Dis. 11, 2002).

Pagkatapos ay itanong:

• Bukod pa sa espirituwal na paghahanda, bakit kailangan ng isang tao na maghandasa pisikal at emosyonal na maglingkod sa misyon?

Idispley ang sumusunod na sipi, at ipabasa ito nang malakas sa isa o mahigit pangmga estudyante:

“Regular (araw-araw) na ehersisyo. Ang isang missionary ay kailangang makalakad nang anim namilya (10 km) kada araw, at magbisikleta nang 12 milya (19 km) bawat araw. Ang mga prospectivemissionary na ang paglalakad ay mula lamang sa kotse hanggang sa klase o sa trabaho ay malamangna sumakit o magpaltos ang mga paa pagdating nila sa mission field. … Ang missionary na hindimalusog ang pangangatawan ay mapapagod sa gawaing misyonero, at ang pagod na missionary aymas madaling panghinaan ng loob at magkaproblema sa kalusugan kaysa sa missionary na malusogang pangangatawan.

“Ang mga prospective missionary ay maaaring maghanda para sa mga hirap ng buhay sapagsasagawa ng regular na aerobic exercise—paglalakad, pagtakbo, o pagbibisikleta nang isang orasbawat araw. …

“Sapat na tulog. Bagama’t iba-iba ang kailangang haba ng tulog, karaniwa’y pito hanggang walongoras ang kailangang tulog ng mga young adult kada araw. Ang tama, dapat ay tulog na sila nangalas-10:30 hanggang hatinggabi at gising na nang alas-6:30 hanggang alas-8:00 n.u. Kapag angisang tao ay gising pa nang alas-2:00 o alas-3:00 n.u. at tulog pa nang alas-10:00 n.u., lagi siyangpagod at gusto niyang matulog hanggang tanghali. … Naka-iskedyul ang buhay ng mga missionary.Tulog na sila nang alas-10:30 n.g. at gising na nang alas-6:30 n.u. araw-araw. Ang iskedyul na ito aymahirap maliban kung maagang magkaroon ng ganitong routine ang mga prospective missionarybago sila magmisyon.

“Mga nakaugalian sa pagkain na nakakalusog. Sa halip na kumain ng pagkaing matamis at purotaba, dapat matuto ang mga kabataan na masayang kumain ng pagkaing puno ng protina at fiber,tulad ng lean meat, yogurt, mga gulay, at prutas. Gayundin, ang pag-inom ng mahigit 12 onsa nginuming carbonated kada araw ay sobra-sobra” (Donald B. Doty, “Missionary Health Preparation,”Ensign, Mar. 2007, 64).

• Kung hindi malusog ang missionary, ano ang magiging epekto nito sa pag-unladng gawain, sa kanyang companion, at sa kapakanan ng missionary mismo?

Paunawa: Ang ilang young adult ay hindi makapaglingkod sa mga proselyting mission dahil sapisikal, mental, o emosyonal na mga hamon. Malaking kabutihan ang magagawa ng mga binata at

dalagang ito sa Simbahan sa buong mundo bilang mga Church-service missionary. Matutulungan mo ang

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

43

Page 60: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

mga estudyante na malaman ang iba pa tungkol sa mga oportunidad na ito sa pagsasabi sa kanila nabisitahin ang Young Church-Service Missionary (YCSM) Program website sa lds.org/ycsm.

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pagbulayan ang sumusunod na mga tanong:

• Paano ninyo ilalarawan ang kasalukuyan ninyong pisikal na paghahanda sapagmimisyon?

• Ano ang ilang bagay na magagawa ninyo ngayon para makapaghandang maabotang mga kinakailangang pisikal na kakayanan ng isang full-time mission?

Hikayatin ang mga estudyante na gumawa ng plano na magsimula na ngayongmatulog nang sapat, kumain ng masustansyang pagkain, at mag-ehersisyo upangmagkaroon sila ng tibay ng katawan na kailangan para magtagumpay bilang mgamissionary. Kung may oras pa, ipasulat sa mga estudyante ang mga plano nila sakanilang study journal.

Sabihin sa isang estudyante na ipaliwanag kung paano tumutugon ang katawan sanakakapagod na mga aktibidad tulad ng pag-akyat at pagbaba ng hagdan (mas mabilisna pagtibok ng puso, hirap sa paghinga, pamamawis, pagod na mga kalamnan, at ibapa). Ipaliwanag na ang physical stress ay isang uri lamang ng hamon na kinakaharapng mga missionary. Pagkatapos ay itanong:

• Paano maaaring tumugon ang katawan at isipan ng isang missionary sa emotional opsychological stress na sanhi ng mahihirap na hamon o di-inaasahang mgaproblema?

Ipaliwanag na lahat ng missionary ay dumaranas ng ilang emotional stress,pangungulila sa pamilya at kakulangan, kalungkutan, o iba pang damdamin namaaaring makabigat sa kanila, at normal na bahagi ito ng buhay ng missionary.

Ipalabas ang video na “Preparation of Gordon B. Hinckley: Forget Yourself andGo to Work” (2:04). Hikayatin ang mga estudyante na antabayanan ang mga

dahilan kung bakit pinanghinaan ng loob si Pangulong Gordon B. Hinckley bilangisang binatang missionary sa England.

Itanong sa klase:

• Ano ang ilan sa mga dahilan kung bakit pinanghinaan ng loob si PangulongHinckley pagdating niya sa mission field?

• Ano ang ginawa ni Pangulong Hinckley na nakatulong sa kanya na madaig angpanghihina ng loob?

Ipaliwanag sa klase na naranasan ng ilan sa pinakamagagaling na missionary sa banalna kasulatan ang dumanas ng panghihina ng loob at iba pang mga hirap sa kanilangmisyon. Isulat sa pisara ang sumusunod na mga reperensya sa banal na kasulatan:Jeremias 1:4–9; Alma 17:5; 26:27; at Moises 6:31–32. Papiliin ang mga miyembro ngklase ng isa sa mga talata sa banal na kasulatan at ipabasa ito sa kanila nang tahimik,na naghahanap ng mga hamon na tinukoy o naranasan ng mga indibiduwal na nabasanila. Kapag sumagot ang mga estudyante, isiping ibuod sa pisara ang kanilang mgasagot, tulad ng nasa ibaba:

Jeremias 1:4–9. Natakot si Jeremias na baka hindi makinig ang mga tao sa kanya dahilnapakabata pa niya.

Alma 17:5; 26:27. Nagdusa ang katawan at isipan ni Ammon at ng kapwa niya mgamissionary. Nalungkot sila at titigil na sana.

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

44

Page 61: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Maliliit na grupo. Anggroup work ay masepektibo kapag hindihumigit sa apat na taoang nasa bawatgrupo—naghihikayat itong partisipasyon ngmiyembro ng bawatgrupo. Ang pag-assign saisang tao na maging liderng bawat grupo ayhahantong din sa masmalaking tagumpay.Mahihikayat ng lider angbawat miyembro nggrupo na mag-ambag attiyakin na nakatuon anggrupo sa gawain upangmakumpleto angassignment.

Moises 6:31–32. Nag-alala si Enoc na baka walang makinig sa kanya dahil mabagalsiyang magsalita at napakabata pa niya.

Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa tatlong kuwentong ito tungkol sa emosyonal namga hamon ng pangangaral ng ebanghelyo? (Kapag sumagot ang mga estudyante,maaari mong isulat sa pisara ang katotohanang ito: Ang pisikal at emosyonal namga hamon ay normal na bahagi ng buhay ng missionary.)

• Ano ang mga naisip ninyo nang basahin ninyo ang pahayag na ang pisikal atemosyonal na mga hamon ay normal na bahagi ng buhay ng missionary?

• Paano maaaring makaapekto sa paghahanda ninyong maglingkod ang pagkabatidna lahat ng missionary ay nahaharap sa mga hamon?

Ipaunawa sa mga estudyante na halos lahat ng missionary ay dumaranas ngemosyonal o pisikal na mga hamon. Samakatwid, dapat matutuhan ng mgamissionary kung paano harapin ang problema sa paraang nakalulusog at angkop samisyon. Kadalasan, ang mabubuting paraan para makayanan ang stress na epektibo salabas ng mission field, tulad ng pag-uukol ng oras na mapag-isa, pakikinig sa musika,o paglalaro ng isports, ay hindi maaaring gawin nang regular ng mga missionary.Kailangang matutuhan ng mga missionary na humarap sa stress sa mga paraangsumusunod sa mga patakaran sa mission.

Hatiin ang klase sa maliliit na grupo, at ipamahagi ang handout na “Mga Dapat Gawinsa Buhay ng Missionary” sa mga estudyante. Utusan ang bawat grupo na (1) basahinnang malakas ang unang bahagi, na pinamagatang “Demands of Missionary Life,” at(2) talakayin kung paano makakatulong sa kanila ang pagkaalam sa mga kailanganggawin sa buhay ng missionary na maging mas handa para sa mga hamon ng buhay samisyon.

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

45

Page 62: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Matapos mabigyan ng sapat na panahon ang mga grupo na basahin at talakayin angbahagi, ipabahagi sa ilang estudyante ang ilan sa mahahalagang puntong tinalakay ngkanilang grupo. Pagkatapos, bilang isang klase, mag-ukol ng ilang minuto parabasahin at talakayin ang susunod na bahagi ng handout, na pinamagatang “Pag-adjustsa mga Bagong Karanasan,” at pag-usapan kung paano maaaring makatulong sa mgaestudyante ang pag-unawa sa karaniwang mga yugto ng pag-adjust pagpasok nila saMTC.

Umasa sa Tulong ng Panginoon sa mga HamonPara mahikayat ang mga estudyante na simulang pag-isipan kung paano nilahaharapin ang mga hamon kapag naranasan nila ito sa mission field, ipaliwanag nanaharap si Nephi sa matitinding damdamin ng kakulangan at panghihina ng loob atnagsulat tungkol sa ginawa niya upang makayanan ang mga damdaming iyon. Ipabasanang malakas sa isang estudyante ang 2 Nephi 4:17–19. Pagkatapos ay itanong:

• Anong mga salita o parirala ang ginamit ni Nephi para ilarawan ang mga resulta ngkanyang mga kahinaan?

Ipaaral sa mga estudyante ang 2 Nephi 4:19–26, na hinahanap ang mga bagay nanakatulong kay Nephi na makayanan ang nadama niyang panghihina. Pagkatapos ayitanong:

• Anong mga kataga ang ginamit ni Nephi para ilarawan kung paano niyanakayanan ang kanyang matitinding negatibong damdamin? (Dapat tukuyin ngmga estudyante na si Nephi ay nagtiwala sa Panginoon [tingnan sa talata 19],naalala niya kung ano ang nagawa ng Panginoon para sa kanya noong araw[tingnan sa mga talata 20–23], nag-alay siya ng taimtim na mga dalangin [tingnansa talata 24], at naalaala niya ang awa ng Panginoon [talata 26].)

• Paano nakatulong sa inyo ang pag-alala sa Panginoon at sa Kanyang kabutihan samga oras ng panghihina o stress?

• Kanina sa lesson, kinilala natin na normal para sa mga missionary na makaranasng emotional stress, pangungulila sa pamilya at kakulangan, kalungkutan, o ibapang damdamin na makakabigat sa kanila. Sa pag-iisip sa isinulat ni Nephi sa2 Nephi 4:19–26, ano ang ipapayo ninyo sa isang missionary na dumaranas ngganitong mga damdamin? (Tulungan ang mga estudyante na tukuyin angsumusunod na alituntunin, at isiping isulat ito sa pisara: Kapag nagtiwala angmga missionary sa Panginoon, matutulungan sila ng Panginoon na kayaninang pisikal at emosyonal na mga pangangailangan sa buhay ng missionary.)

Isiping ibahagi sa mga estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R.Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Hindi ako naniniwala na naging madali ang gawaing misyonero kailanman, ni angpagbabalik-loob, ni ang pagpapanatiling aktibo sa mga nabinyagan, ni ang patuloy nakatapatan. Naniniwala ako na nangangailangan ito ng kaunting pagsisikap, nanagmumula sa kaibuturan ng ating kaluluwa.

“Kung kaya Niyang manalangin sa gabi, lumuhod, isubsob ang Kanyang mukha,labasan ng dugo sa bawat butas ng balat, at magsumamo ng, ‘Abba, Ama (Papa), may pangyayari saiyo ang lahat ng mga bagay; ilayo mo sa akin ang sarong ito’ [tingnan sa Marcos 14:36], hindikataka-taka na ang kaligtasan ay hindi isang masaya o madaling bagay para sa atin. Kung iniisipninyo kung wala nang mas madaling paraan, dapat ninyong tandaan na hindi kayo ang unang

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

46

Page 63: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

nagtanong niyan. Isang mas dakila at mas maringal ang nagtanong noong araw kung wala nang masmadaling paraan.

“Ang Pagbabayad-sala marahil ay mas mapapakinabangan ng mga missionary kaysa mgainvestigator. Kapag nahirapan kayo, kapag kayo ay tinanggihan, kapag kayo ay dinuraan at itinaboyat naging bulung-bulungan at bukambibig, kayo ay nakatayo na may pinakamagandang buhay samundong ito, ang tanging dalisay at sakdal na buhay. May dahilan kayo para manindigan atmagpasalamat na alam ng Buhay na Anak ng Buhay na Diyos ang lahat tungkol sa inyong mgakalungkutan at paghihirap. Ang tanging daan tungo sa kaligtasan ay sa pamamagitan ng Getsemanihanggang sa Kalbaryo. Ang tanging daan tungo sa kawalang-hanggan ay sa pamamagitanNiya—ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay” (” Missionary Work and the Atonement,” Ensign,Mar. 2001, 15).

Pagkatapos ay itanong:

• Ayon kay Elder Holland, ano ang dahilan ng mga missionary para manindigan samga oras ng paghihirap?

Sabihin sa mga estudyante na kapag naharap sila sa mahihirap na sitwasyon samission field, dapat nilang tandaan na ang ginagawa nila ay tumutulong na maakayang iba kay Jesucristo. Isulat sa pisara ang sumusunod na mga reperensya sa banal nakasulatan: Alma 26:11–13; 29:10; at Doktrina at mga Tipan 18:15–16. Hilingin sa ilangestudyante na magpalitan sa pagbasa sa mga talatang ito nang malakas habangsumusunod ang klase, na hinahanap kung ano ang itinuturo ng mga talata tungkol sabuhay ng missionary. Magpabahagi sa mga estudyante ng mga ideya, at pagkatapos aytiyakin sa kanila na bagama’t mahirap maglingkod bilang full-time missionary at kungminsan ay nakapanghihina ito, kapag nagsisikap tayong akayin ang iba kayJesucristo, pinagpapala tayo ng Panginoon ng kagalakan. Isiping magpabahagi samga estudyante ng mga naranasan na nila sa alituntuning ito.

Bigyang-diin sa mga estudyante na paminsan-minsan ay magkakaroon sila ngcompanion na may mga problema sa kalusugan ng damdamin o isipan. Sa gayongmga sitwasyon, dapat silang makinig at magpakita ng pagmamahal sa kanilangcompanion, dahil maaaring mahalaga ang suporta ng companion sa pagtulong namakayanan ang mga isyu. Hindi nila dapat imungkahi kailanman na kung masnanampalataya lang ang isang nahihirapang missionary ay maglalaho ang kanyangmga pagsubok.

Ipaliwanag din na ang ilang hamon ay nangangailangan ng dagdag na tulong mula samga lider ng priesthood at ng mga mental health professional, at na halos lahat ngmission ay makakakuha ng angkop na mga health professional para sa mgamissionary. Ang mga missionary na nahihirapan ang damdamin ay dapat talakayin angsitwasyon nila sa kanilang mission president para malaman kung anong tulong angangkop.

Para matulungan ang mga estudyante na pag-isipan pa kung paano nila haharapin angmga hamon sa kalusugang pisikal at emosyonal na kinakaharap nila bilang mgamissionary, bigyan sila ng ilang minuto para isulat ang isang pagkakataon nakinailangan nilang kayanin ang mahihirap na sitwasyon. Mag-follow up sapagtatanong sa mga estudyante kung ano ang natutuhan nila tungkol sa Panginoon atsa kanilang sarili mula sa karanasan at kung paano nila magagamit ang karanasanupang palakasin sila sa hinaharap.

Bilang pagwawakas, ipahayag ang tiwala ninyo sa inyong mga estudyante at sakakayahan nilang harapin ang mga pagbabagong kaakibat ng buhay ng missionary.

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

47

Page 64: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ibahagi ang inyong patotoo na tinutulungan ng Panginoon ang mga tao nabumabaling sa Kanya na mapangasiwaan ang pisikal at emosyonal na mgapangangailangan sa kanilang buhay.

Mga Paanyayang KumilosAnyayahan ang mga miyembro ng klase na paghandaan ang buhay sa misyon sapagkumpleto ng isa o mahigit pa sa sumusunod na mga aktibidad:

• Isipin kung ano ang kailangan ninyong gawin para maging malinis at karapat-dapat na magmisyon. Kung kailangan, alisin sa isipan at pag-uugali ang mga bagayna nakakasakit sa Espiritu.

• Magtakda ng personal na mga mithiin na sundin ang araw-araw na programa saehersisyo, kumain ng masustansyang pagkain, o ugaliing matulog na sumusunodsa araw-araw na iskedyul ng missionary.

• Repasuhin ang mga pamantayan sa pananamit para sa mga full-time missionary nanasa LDS.org.

• Ipatalakay sa isang returned missionary ang ginawa niya upang makayanan angstress at madaig ang mga hamon sa buhay ng missionary.

• Talakayin sa mga magulang o lider ng priesthood ang mga paraan ng pakikisamasa isang missionary companion na maaaring walang gaanong pagkakatulad sa inyoo nahihirapan kayong pakisamahan.

LESSON 6: PAGHAHANDANG MABUHAY BILANG MISSIONARY

48

Page 65: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paghahanda ng Missionary—Lesson 6

Mga Kailangang Gawin sa Buhay- MissionaryHango sa Pag- adjust sa Buhay- Missionary (resource booklet, 2013)

Kapag nagsimula ka sa anumang bagong karanasan (tulad ng pagsapi sa Simbahan o pagpasok sa isang bagong paaralan), nasasabik ka sa oportunidad—at kinakabahan dahil hindi mo alam kung ano ang aasahan. Sa paglipas ng panahon natututo kang harapin ang mga hamong ito, at lumalago ka dahil dito.

Ganoon din ang mission. Kung minsan ang mission ay parang isang espirituwal na pakikipagsapalaran—o isang hamon na makakaya mo. Gayunman, sa ibang pagkakataon, maaari kang maharap sa di- inaasahang mga problema o karanasan na mas mahirap o hindi kasiya- siya kaysa inasahan mo. Maaaring inii-sip mo kung paano ka magtatagumpay. Ang mga taong minsan mong inasahan na tulungan kang magtagumpay ay maaaring nawala. Sa halip na mahikayat kang magsikap, maaari kang mabalisa, mainis, manghina, o mawalan ng pag- asa. Maaari kang makaranas ng mga sintomas sa katawan na gaya ng kirot, pananakit ng tiyan, di- makatulog, o karamdaman. Maaari kang mahirapang matuto o makipag- ugnayan sa mga tao. Maaari kang panghinaan ng loob o gustuhin mong sumuko na.

Ang mga kailangang gawin sa gawaing misyonero ay nahahati sa ilang kategorya:

PangkalahatanDaranas ka ng maraming pagbabago at paglipat sa panahon ng iyong mission. Ang pamilyar na mga paraan para makaya-nan ito ay hindi palaging nariyan, at kailangan kang matuto ng mga bagong paraan. Ang mga gabi at katapusan ng linggo na dati ay nakakapahinga ka ang siya ngayong pinakaabala mong panahon. Maaari kang maasiwa. Kung minsan ay maaari kang mahirapan. Maaaring iniisip mo kung paano tutulungan ang iba pang mga missionary na nahihirapan.

PisikalMaaaring nasa labas ka 11–12 oras sa isang araw, naglalakad, nagbibisikleta, umaakyat sa hagdan, at nakatayo. Maaaring hindi sapat ang tulog mo na gaya ng dati. Maaaring hindi

ka pamilyar sa pagkain. Nasa labas ka kahit masama ang panahon at lantad ka sa mga bagong mikrobyo. Sa bagong sitwasyon pa lang ay maaari ka nang manghina.

EmosyonalMaaari kang mag- alala tungkol sa lahat ng ginagawa mo, at hindi ka na makapagpahinga. Maaari kang mangulila sa iyong pamilya, panghinaan ng loob, mainip, o malungkot. Maaari kang tanggihan, mabigo, o malagay sa panganib. Maaari kang mag- alala tungkol sa iyong pamilya at mga kaibigan dahil wala ka roon para tulungan sila.

PakikisalamuhaManinirahan ka sa isang bahay kasama ang iyong kompan-yon na maaaring mayroon o walang pagkakatulad sa iyo sa maraming bagay. Inaasahan kang makipag- usap sa mga estranghero, makisalamuha sa mga lider ng Simbahan, kila-lanin kaagad ang mga miyembro ng Simbahan, at matutong mahalin ang mga investigator.

IntelektuwalMaaari kang mag- aral ng bagong wika. Kakailanganin mong pag- aralang mabuti ang mga lesson at talata sa mga banal na kasulatan, magkaroon ng mga kasanayan sa pagtuturo, at lumutas ng mga problemang darating. Kakailanganin mong magplano, magsakatuparan ng mga mithiin, umakma sa mga pagbabago, at lumutas ng iba’t ibang uri ng praktikal na mga problema.

EspirituwalSisikapin mong palakasin ang iyong patotoo, labanan ang tukso, at matutong damhin at mahiwatigan ang Espiritu. Kakailanganin mong tumanggap ng pagwawasto, magsisi, mapagkumbabang harapin ang iyong mga kahinaan at ka-lungkutan, at umasa sa Panginoon nang higit pa kaysa rati.

© 2

016

NG IN

TELL

ECTU

AL R

ESER

VE, I

NC. L

AHAT

NG

KAR

APAT

AN A

Y NA

KALA

AN.

Pag- adjust sa mga Bagong KaranasanGaya ng marami na pumapasok sa bagong sitwasyon, ang mga missionary ay kadalasang dumaraan sa apat na yugto sa pag- adjust ng kanilang damdamin kapag pumasok sila sa MTC at muli kapag nasa misyon na sila:

1. Pag- asamMaaari kang masabik sa hamon (tingnan sa 1 Nephi 3:7).

Maaari kang makadama ng matinding hangaring maisakatu-paran ang iyong layunin at ng lubos na katapatan sa Ama sa Langit (tingnan sa 3 Nephi 5:13).

Page 66: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paghahanda ng Missionary—Lesson 6

2. Di- inaasahang mga tuklasMaaari kang mangulila sa inyong tahanan, pamilya, at mga kaibigan at pagdudahan pa ang desisyon mong magmisyon (tingnan sa Alma 26:27).

Maaari mong mapansin ang pisikal na mga palatandaan ng pag- aalala, gaya ng hindi ka masyadong makatulog, wala kang gana, o madali kang mainis.

Maaari mong mapansin na pinipintasan at kinaiinisan mo ang mga patakaran at inaasahan sa iyo.

Normal lang ang mga damdaming ito. Kung nadarama mo ang alinman dito o lahat ng ito, unawain sana na panandalian lamang ang sitwasyong ito na pinagdaraanan ng maraming bagong missionary. Lakasan mo ang loob mo dahil lilipas din ang mga damdaming ito at makakapag- adjust ka.

3. “Magagawa ko ito”Ang iyong pagtuturo at pagsasalita ng wika ay nagsisimulang humusay.

Natututo kang sumunod sa mga patakaran at inaasahan sa iyo ng mission.

Nagkakaroon ka ng pasensya sa sarili mo habang natututo ka nang “utos [sa] utos” (tingnan sa Isaias 28:10; Mosias 4:27).

Ang mga pisikal na sintomas ng stress, kung nakadama ka man nito, ay nagsisimulang mabawasan.

4. Katatagan ng damdaminKomportable kang sundin ang iskedyul araw- araw.

Napapansin mo ang iyong sariling mga kalakasan at pag- unlad.

Nauunawaan mo na ang ibig sabihin ng magdahan- dahan sa buhay (tingnan sa D at T 98:12).

Lalo kang nagkakaroon ng tiwala sa sarili at ng matinding hangaring maglingkod.

Page 67: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

7

Mga case study. Angmga case study ay totooo kathang-isip na mgasituwasyon nanangyayari sa tunay nabuhay. Nahihikayat ngmga case study ang mgamag-aaral na isipingmabuti o talakayin kungano ang maaari nilanggawin sa gayong mgasitwasyon. Mag-ingat atiwasan ang paggamit ngmga case study na tilanaglalarawan sa isangkilalang tao o grupo.

Pagtuturo ng Mensahe ngPanunumbalik (Part 1)

PambungadAng ebanghelyo ni Jesucristo ay itinuro ng mga propeta sa lahat ngdispensasyon, upang maunawaan ng mga anak ng Diyos angwalang-hanggang mga katotohanan at magtamo ng buhay nawalang hanggan. Pagkamatay ni Jesucristo, ang katotohanan ngebanghelyo at awtoridad ng priesthood ay nawala sa mundo, nanagbunga ng Malawakang Apostasiya. Nadaig ng Panunumbalik sa

mga huling araw ang mga epekto ng Apostasiya at ang Simbahanni Cristo ay muling itinatag sa lupa. Dapat malinaw nanauunawaan ng mga prospective missionary ang mga konsepto ngApostasiya at ng Panunumbalik at dapat maging handangipaliwanag ang mga ito sa simpleng paraan at patotohanan angmga ito nang may kapangyarihan.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 33–38.

• Maghandang ipalabas ang video na “The Great Apostasy” (16:33), na makukuha saLDS.org.

• Maghanda ng kopya ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” para sabawat estudyante.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Diyos ay ang Ating Mapagmahal na Ama sa Langit

Paalala: Ang Kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay naglalaman ng mga aral na itinuturong mga missionary para ihanda ang iba para sa binyag. Dapat pag-aralan ng mga missionary ang

mga lesson na ito at ituro ang mga ito mula sa puso, gamit ang sarili nilang mga salita ayon sa paramdamng Espiritu (tingnan sa “Pahayag Ukol sa Gawaing Misyonero,” Liham ng Unang Panguluhan, Dis. 11, 2002,sinipi sa pahina 32 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo). Para matulungan ang mga estudyante na masmaunawaan ang mga doktrina at alituntuning nakasaad sa unang tatlong lesson ng mga missionary,sasaklawin ng kursong ito ang bawat lesson sa dalawang 90-minutong class period.

Simulan ang klase sa pagsasabi sa mga estudyante na isaisip ang sumusunod na casestudy:

Bago matulog ngayong gabi, makakatanggap ka ng mensahe mula sa isang kaibiganna pinanghihinaan ng loob at nag-iisip kung totoong mayroong Diyos at kungnagmamalasakit Siya sa atin. Tanong ng kaibigan mo, “Naniniwala ka ba na totoongmay Diyos? Ayon sa paniniwala mo, ano ang hitsura ng Diyos?”

Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi kung ano ang maaaring isagot nila sakanilang kaibigan. Pagkatapos ay sabihin sa inyong klase na ang lesson ngayon aynakatuon sa ilang mga doktrina at alituntuning matatagpuan sa unang lesson ng mgamissionary, kabilang na ang katangian ng ating Ama sa Langit.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang bahaging may pamagat na “Ang Diyosang Ating Mapagmahal na Ama sa Langit” sa mga pahina 33–34 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Anyayahan ang mga estudyante na salungguhitan o i-highlight ang mgakataga na magagamit nila para tulungan ang isang tao na mas maunawaan angkatangian ng Diyos bilang ating mapagmahal na Ama sa Langit.

Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyante para saliksikin ang tatlo o apat na talata sabanal na kasulatan na nakalista sa box na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan sapahina 34 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ipaisip sa kanila kung paano maaaring

49

Page 68: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

makatulong ang mga talata sa pagsagot sa mga tanong ng isang tao tungkol sa Diyos,tulad sa case study sa simula ng lesson. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante nai-highlight ang isa o mas marami pang mga talata sa kanilang banal na kasulatan oisulat ang mga ito sa margin o gilid ng kanilang kopya ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Ano kaya ang maikling summary statement ng pinakamahahalagang dotrinangnabasa ninyo sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo at sa mga talata sa banal nakasulatan? (Maaaring kasama sa mga sagot ang doktrina na ang Diyos ay angating mapagmahal na Ama sa Langit at nais Niyang makabalik tayong lahatsa Kanyang piling.)

• Bakit kaya mahalagang maunawaan muna ng mga indibiduwal ang alituntuning itobago alamin ang tungkol sa iba pang mga doktrina?

Pinagpapala ng Ebanghelyo ang mga PamilyaTahimik na ipabasa sa mga estudyante ang bahaging may pamagat na “Pinagpapala ngEbanghelyo ang mga Pamilya” sa pahina 34 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo atgumawa ng summary statement tungkol sa papel na ginagampanan ng tahanan atpamilya sa plano ng Diyos ukol sa kaligayahan. Pagkatapos nilang magbasa, imbitahinang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga summary statement. (Maaaringkasama sa mga summary statement ang doktrina na ang mag-anak ay inorden ngDiyos at bahagi ng plano ng Diyos upang magdulot ng kaligayahan sa Kanyangmga anak. Isulat sa pisara ang alituntuning ito.)

Habang ini-evaluate mo ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante atmagagamit na oras, isiping ilahad ang sumusunod na aktibidad: Ituon ang pansin ngiyong mga estudyante sa huling linya na nababasa nila sa Mangaral ng AkingEbanghelyo: “Sa pamamagitan ng mga propeta sa bawat panahon, pati na sa panahonnatin, inihahayag ng Diyos ang Kanyang plano ng kaligayahan para sa bawat tao atpamilya.”

Para tulungan ang estudyante na mas maunawaan kung bakit napakahalaga ngkatotohanang ito sa mundo ngayon, idispley ang isang kopya ng “Ang Mag-anak:Isang Pagpapahayag sa Mundo” o mamigay ng mga kopya sa klase. Pagkatapos ayimbitahin ang mga estudyante na mag-ukol ng ilang minuto para basahin angpagpapahayag at tukuyin ang mga kataga o alituntunin na tutulong sa atin na masmaunawaan ang papel na ginagampanan ng kasal at pamilya sa plano ng Ama saLangit. Iparekord sa isang estudyante ang mga item na ito sa pisara.

Idispley ang sumusunod na sipi mula kay Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Ang pinakalayunin ng kaaway, na may ‘malaking poot, dahil alam niya na kaunti nalamang ang kanyang panahon’ (Apocalipsis 12:12), ay sirain, gambalain, at wasakinang tahanan at pamilya” (“Ang Ama at ang Pamilya,” Ensign, Mayo 1994, 19).

Itanong sa mga estudyante:

• Bakit ang magiging “pinakalayunin” ng kaaway ay wasakin ang tahanan atpamilya? (Ito “ang pinakamagandang lugar para magturo, matuto, at ipamuhayang mga alituntunin ng ebanghelyo ni Jesucristo.”)

LESSON 7: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 1)

50

Page 69: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• Ano ang ilang makamundong kalakaran na kumakalaban sa plano ng Ama saLangit ukol sa kasal, tahanan, at pamilya? (Paunawa: Huwag masyadong mag-ukolng oras sa pagtalakay sa mga kalakarang ito. Sapat na ang matukoy ang mga ito atpagkatapos ay gamitin ang kasunod na tagubilin para manatiling nakatuon saplano ng Ama sa Langit para sa mga pamilya.)

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung paano nila maaaring gamitin ang“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” sa pagtuturo upang malaman angkaibhan ng plano ng Ama sa Langit sa mga makamundong kalakaran na salungat saKanyang plano para sa kasal, tahanan, at pamilya.

Ipaliwanag sa mga estudyante na may makikilala silang mga tao na kaiba angpananaw o kaya naman ay salungat sa mga itinuturo ng Simbahan tungkol sa kasal,tahanan, at pamilya. Ibahagi ang iyong patotoo na kapag ginagamit ng mga missionaryang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta para magturo, sila aygagabayan ng Espiritu Santo para tulungan ang mga tinuturuan nila na masmaunawaan ang papel na ginagampanan ng kasal, tahanan, at pamilya sa plano ngAma sa Langit para sa Kanyang mga anak.

Paalala: Kung may tanong ang mga estudyante tungkol sa posisyon ng Simbahan ukol sa pagkaakitsa kapwa lalaki o kapwa babae o sa kasal ng kapwa lalaki o kapwa babae, hikayatin silang basahin

ang mga artikulong “Same-Sex Attraction” at “Same-Sex Marriage,” na matatagpuan sa Gospel Topicspage sa lds.org/topics. Kung kinakailangan, maaari mo ring kausapin ang mga estudyante tungkol samaseselang isyu na ito pagkatapos ng klase.

Mga Propeta at mga DispensasyonIpaliwanag sa mga estudyante na ang isang mahalagang paraan na ipinapakita ngDiyos ang Kanyang pagmamahal sa atin ay sa pagtawag ng mga propeta. Idispley angsumusunod na pahayag ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng LabindalawangApostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante. Ipahanap sa mga estudyanteang mga pagpapalang dumarating sa mga taong sumusunod sa propeta:

“Maaaring itanong natin, ‘Mayroon bang tinig na palaging magbibigay sa atin ngmalinaw na direksyon para matunton natin ang landas sa magulong mundo ngayon?’Ang sagot ay oo. Ang tinig na iyon ay ang tinig ng mga buhay na propeta at apostol. …

“Hindi maliit na bagay, mga kapatid, na magkaroon ng propeta ng Diyos sa kalipunannatin. Dakila at kagila-gilalas ang mga pagpapalang dumarating sa ating buhay kapag

pinakikinggan natin ang salita ng Panginoon na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng propeta. …Kapag narinig natin ang payo ng Panginoon na ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ngPangulo ng Simbahan, dapat positibo at kaagad ang ating pagtugon. Batay sa kasaysayan maykaligtasan, kapayapaan, kaunlaran, at kaligayahan sa pagtugon sa payo ng propeta gaya ng ginawani Nephi noon: ‘Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos sa akin ng Panginoon’(1 Nephi 3:7). …

“Ngayon ako ay nangangako sa inyo. Ito ay simpleng pangako, ngunit totoo. Kung makikinig kayo sabuhay na propeta at mga apostol at diringgin [ninyo] ang aming payo, hindi kayo maliligaw” (“HisWord Ye Shall Receive,” Ensign, Mayo 2001, 65–66).

Pagkatapos basahin ang siping ito, itanong:

• Anong mga pagpapala ang dumarating sa mga taong sumusunod sa payo ngpropeta ng Panginoon?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali upang tahimik na basahin ang Doktrina atmga Tipan 1:37–38. Pagkatapos ay itanong:

LESSON 7: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 1)

51

Page 70: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

MTC training model.Para matulungan angmga estudyante namaging mas epektibo sapagtuturo ng mgaalituntunin ngebanghelyo, pag-isipangipatupad ang trainingmodel na ginagamit samga missionary trainingcenter: ipaliwanag,ipamalas, magpraktis, i-evaluate, at mulingmagpraktis. May iba-ibang paraan sapaggamit ng pattern naito para tulungan angmga estudyante sapractice teaching tuladng mga missionary. Parasa karagdagangpatnubay, tingnan angsubsection na maypamagat na “TrainingModel” na matatagpuansa pambungad samanwal na ito.

• Ano ang itinuturo ng talatang ito tungkol sa mga propeta at sa kanilang payo?

• May naiisip ba kayong pagkakataon na pinagpala ang inyong buhay ng pagsunodsa payo ng propeta ng Panginoon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang talata sa ilalim ng pamagat na“Inihahayag ng Ama sa Langit ang Kanyang Ebanghelyo sa Bawat Dispensasyon” samga pahina 35 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Tulungan ang mga estudyante natukuyin ang mga doktrinang itinuturo sa talata sa pamamagitan ng pagtatanong ng:

• Ano ang ilang doktrina na matututuhan natin sa talatang ito tungkol sa mgapropeta? (Bagamat may ilang alituntunin na maibabahagi ang mga estudyante,tulungan ang mga estudyante na tukuyin ang doktrina na natututuhan ng mgapropeta ang ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng paghahayag atresponsibilidad nilang turuan ang iba at magpatotoo tungkol kay Jesucristo.)

Isiping gamitin ang MTC training model sa pagtulong ninyo sa mga estudyante namagturo tungkol sa kahalagahan ng mga propeta. Ipaliwanag sa mga estudyante nadapat nilang basahin ang kahulugan ng propeta na nasa pahina 48 ng Mangaral ngAking Ebanghelyo at pagkatapos ay maghandang isadula ang pagtuturo sa isanginvestigator tungkol sa mga propeta. Pagkatapos ay magpakita ng dula-dulaan sapamamagitan ng pagtuturo sa isang miyembro ng klase tungkol sa mga propeta.Kasunod nito, pahanapin ng kapareha ang mga estudyante at pagpraktisin ng role-playing o dula-dulaan, na kunwari ang estudyanteng tinuturuan ay di-miyembro nanakarinig na ang Simbahan ay pinamumunuan ng propeta. Dapat maikling ipaliwanagng mga estudyanteng gumaganap bilang mga guro kung ano ang propeta atmagpatotoo tungkol sa makabagong mga propeta. Pagkatapos, dapat i-evaluate ngmga estudyanteng tinuturuan ang kanilang kapareha sa pagsasabi kung ano angnakita nilang pinakamakabuluhan at nagbibigay-inspirasyon na bahagi ngpresentation. Pagkatapos ay pagpraktisin muli ang mga estudyante, na inuulit ang roleplay o dula-dulaan na palitan sila ng papel na ginagampanan para mabigyan ang ibapang mga estudyante ng pagkakataong magturo at tumanggap ng feedback.

Sabihan ang mga estudyante na magpalitan sa pagbabasa nang malakas sa hulingtatlong talata sa pahina 35 hanggang sa unang talata ng pahina 36 ng Mangaral ngAking Ebanghelyo. Sabihan ang klase na sundan ang pagbabasa, na hinahanap angkaugnayan ng mga propeta, apostasiya, at mga dispensasyon. Kung kinakailangan,anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang “Dispensations” sa Bible Dictionary.Tulungan ang mga estudyante na talakayin ang mga katotohanang matatagpuan samga talatang ito sa pagtatanong ng sumusunod:

• Bakit malaking tulong sa mga investigator ang maunawaan na ang lahat ng mganaunang dispensasyon ay nagwakas sa apostasiya?

• Ano ang ginawa ng Diyos sa buong kasaysayan upang wakasan ang mga panahonng apostasiya? Paano maihahanda ng pag-unawa sa pattern na ito ang mgainvestigator na malaman ang tungkol sa Panunumbalik ng ebanghelyo sapamamagitan ni Propetang Joseph Smith?

Paunawa: Kung nahihirapan ang mga miyembro ng klase sa pag-unawa kung ano ang mgadispensasyon ng ebanghelyo, maaari mong patingnan sa kanila ang mga depinisyon ng mga

katagang tulad ng apostasiya, dispensasyon, at propeta na nasa pahina 47–48 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo.

Kung may oras pa, maaari mong bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto paramagpraktis na ipaliwanag sa isa‘t isa ang materyal sa pahina 35-36 ng Mangaral ng

LESSON 7: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 1)

52

Page 71: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Aking Ebanghelyo. Hikayatin silang isama sa kanilang mga paliwanag ang mga salitangapostasiya, dispensasyon, at propeta.

Ang Ministeryo sa Lupa at Pagbabayad-sala ng TagapagligtasPatingnan sa mga estudyante ang larawan sa pahina 37 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo, na nagpapakita ng pag-oorden ni Jesucristo sa Labindalawang Apostol.Itanong sa mga estudyante:

• Ano ang ilan sa mga ginawa ni Jesucristo para itatag ang Kanyang Simbahan salupa noong Kanyang panahon? (Maaari mong anyayahan ang mga estudyante natahimik na basahin ang bahaging may pamagat na “Ang Ministeryo sa Lupa ngTagapagligtas,” sa pahina 36–37 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo bilangreperensya.)

• Paanong sumunod ang ministeryo ng Tagapagligtas at pagtanggi sa huli sa patternna nabuo sa naunang mga dispensasyon? (Bago ang pagsilang ni Jesucristo, angmga tao ay nasa kalagayan ng apostasiya. Ibinalik ni Jesucristo ang ebanghelyo salupa, gaya ng ginawa noon nina Noe, Abraham, at Moises sa mga naunangdispensasyon. Pagkamatay ni Jesucristo at ng mga Apostol, ang mga anak ng Diyosay muling nag-apostasiya hanggang sa minsan pang tatawag ang Diyos ng propetaupang ibalik ang ebanghelyo ni Jesucristo.)

Ang Malawakang ApostasiyaUpang tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan na kailangang maibalik angebanghelyo ni Jesucristo, isulat ang sumusunod na tanong sa pisara.

Ano ang mga bagay na nagbunga ng Malawakang Apostasiya, at ano ang mga resultanito?

Ipahanap sa mga estudyante ang sagot sa mga tanong na ito na nasa unang dalawangtalata ng bahaging may pamagat na “Ang Malawakang Apostasiya” sa pahina 37 ngMangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkaraan ng sapat na sandali, pasagutan sa mgaestudyante ang mga tanong sa pisara. Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante nakasunod ng pagkamatay ni Jesucristo at ng Kanyang mga Apostol, sinira ng di-awtorisadong mga pagbabago ang mga doktrina at kaugalian sa Simbahan, nahahantong kalaunan sa pag-aalis ng mga susi at awtoridad ng priesthood salupa.

Imbitahin ang mga estudyante na tahimik na pag-aralan ang ilang talata sa banal nakasulatan na nakalista sa box na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan na nasa pahina38 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ipahanap sa mga estudyante ang ipinropesiya ngmga manunulat ng banal na kasulatan na mangyayari kalaunan sa Simbahan niJesucristo. Matapos magkaroon ng sapat na panahon ang mga estudyante namakapag-aral, ipabahagi ang napag-alaman nila sa isa pang miyembro ng klase.Maaari mong ilista ang ilan sa mga sagot sa pisara at pagkatapos ay isiping isulat angsummary statement na ito: Nakasaad sa sinaunang mga propesiya namagkakaroon ng pangkalahatang pagtalikod sa katotohanan.

Pagpares-parisin ang mga estudyante at sabihing maghanda silang magturo ng apat-hanggang limang-minutong lesson tungkol sa Apostasiya. Ipaliwanag na ang kanilangpagtuturo ay dapat simple, malinaw, at nakatuon sa tatanggap. Patingnan sa mgaestudyante ang materyal na nasa pahina 37 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, (o

LESSON 7: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 1)

53

Page 72: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

maaari nilang gamitin ang missionary pamphlet na may pamagat na Ang Panunumbalikng Ebanghelyo ni Jesucristo). Hikayatin ang mga magkapareha na magbahagi ng isa odalawang talata na nauugnay sa Apostasiya at ipaliwanag kung ano ang kahulugan ngmga ito.

Pagkatapos magkaroon ng sapat na panahon ang mga estudyante na maghanda,paturuan sa isang pares ang isa pang pares. Sa pagtatapos ng karanasan sa pagtuturong mga estudyante, sabihin sa grupo na talakayin ang sumusunod: Ano ang nagingmaayos sa inyong mga lesson? Ano sana ang maaaring napagbuti niyo pa? Ano angpinaka-epektibo sa pagtulong sa iba na maunawaan ang nangyari kasunod ngpagkamatay ng mga Apostol?

Pagkatapos ay magpalitan ng papel na ginagampanan at hayaang turuan angmagkaparehang nagturo ng isa pang pares. Tiyaking may oras silang magbigay attumanggap ng feedback.

Pagkatapos magkaroon ang lahat ng estudyante ng pagkakataong magturo, anyayahanang mga miyembro ng klase na ibahagi sa klase ang mga ideya mula sa kanilang mgakaranasan.

Para mailarawan ang naging epekto ng Malawakang Apostasiya sa daigdig atpara maihanda ang mga estudyante sa susunod na lesson tungkol sa

Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo, ipilabas ang video na “The GreatApostasy” (16:33). Habang nanonood sila, hikayatin ang mga estudyante na isipinkung paano dinaig ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ang mga ibinunga ngMalawakang Apostasiya.

Pagkatapos panoorin ang video, itanong:

• Sa paanong paraan nadaig ng Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo ang mgaibinunga ng Malawakang Apostasiya?

• Habang pinapanood ninyo ang kuwento ng conversion ni Wilford Woodruff, anoang mga naisip ninyo tungkol sa pagkakataong ibahagi sa iba ang mensahe ngPanunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo?

Magtapos sa pagtatanong sa mga estudyante kung mayroon sa kanilang gustongmagbahagi sa klase ng kanilang patotoo tungkol sa Panunumbalik ng ebanghelyo.

Mga Imbitasyon para KumilosImbitahin ang mga estudyante na rebyuhin ang mga doktrinang tinalakay sa lesson naito sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isa o higit pa sa kasunod na mungkahing mgaaktibidad:

• Gamit ang entry sa Topical Guide na “Apostasy of the Early Christian Church,”pag-aralan pa ang tungkol sa Malawakang Apostasiya. Gamitin ang iyong studyjournal para magsulat ng mga tala tungkol sa mga talata sa banal na kasulatan namaaari mong gamitin sa pagtuturo tungkol sa Apostasiya.

• Pag-aralan at pagnilayan ang Gospel Topics article na “Are Mormons Christian?”na matatagpuan sa lds.org/topics.

• Sa paghahanda para sa susunod na klase, simulang isaulo ang paglalarawan ngUnang Pangitain, na matatagpuan sa pahina 40 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo(tingnan din sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–19).

LESSON 7: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 1)

54

Page 73: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 74: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

8 Pagtuturo ng Mensahe ngPanunumbalik (Part 2)

PambungadAng mensahe ng Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo, nakinapapalooban ng walang-hanggang doktrina, awtoridad ngpriesthood, at mga ordenansa ng kaligtasan, ay naipanumbalik salupa sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Sa pamamagitanng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo—ang ebanghelyonginihayag sa bawat dispensasyon ng ebanghelyo—lahat ng anak ng

Diyos ay maaaring magkaroon ng buhay na walang hanggan.Dapat malinaw na nauunawaan ng mga prospective missionaryang mga konsepto ng Apostasiya at ng Panunumbalik at dapatmaging handang ipaliwanag ang mga ito sa simpleng paraan atpatotohanan ang mga ito nang may kapangyarihan.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Moroni 10:3–5 at Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–19.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 39–42.

• Pag-aralan ang Gordon B. Hinckley, “Ang Kagila-gilalas na Pundasyon ng AtingPananampalataya,” Ensign o Liahona, Nob. 2002, 78–81.

• Maghandang ipalabas ang mga video na “‘Come, All Ye Sons of God,’ Part 1”(1:17) at “‘Come, All Ye Sons of God,’ Part 2” (2:00; mga clip mula sa mensahe niPangulong Thomas S. Monson, Ensign o Liahona, Mayo 2013, 66–69), na maaaringmakuha sa lds.org/media-library.

• Maghandang ipalabas ang video na “Invitation to Read the Book of Mormon: Jynx“ (8:06), The District 2, na maaaring makuha sa youtube.com.

• Ihanda ang handout na may pamagat na “Ang Kagila-gilalas na Pundasyon ngAting Pananampalataya,” na matatagpuan sa huli ng lesson.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Pangitain ni Joseph Smith Ukol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo

Ipalabas muna ang video clip mula sa mensahe ni Pangulong Thomas S.Monson na “Halina, mga Anak ng Diyos,” kung saan ibinahagi ni Pangulong

Monson ang karanasan ng pagbabalik-loob ni Elmer Pollard:

“Noong naglingkod ako bilang mission president sa Canada mahigit 50 taon na angnakalipas, isang bata pang missionary na mula sa maliit na bayan sa isang lalawiganang namangha sa laki ng Toronto. Maliit lang siya ngunit malakas ang patotoo.Kalaunan, kasama ang kanyang kompanyon, bumisita sila sa tahanan ni Elmer Pollardsa Oshawa, Ontario, Canada. Dahil naawa sa mga binatang ito na, sa matinding bagyo

ng niyebe, ay nagbahay-bahay, pinapasok ni Mr. Pollard ang mga missionary sa kanyang tahanan.Ibinahagi nila sa kanya ang kanilang mensahe. Hindi niya nadama ang diwa. At pagkaraan ay sinabiniya sa kanila na umalis na sila at huwag nang babalik. Ang huling sinabi niya sa mga elder nangpaalis na sila sa kanyang balkonahe ay binigkas nang may pangungutya: ‘Hindi ninyo maaaringsabihin sa akin na talagang naniniwala kayo na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos!’

“At isinara na ang pintuan” (“Halina, mga Anak ng Diyos,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 68).

Matapos ipalabas ang clip, itanong:

56

Page 75: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• Kung isa kayo sa mga missionary na ito, ano kaya ang maiisip at madarama ninyosa pag-alis ninyo sa bahay ni Mr. Pollard?

• Ano kaya ang gagawin ninyo sa puntong ito?

Ipalabas ang pangalawang video clip, na karugtong ng kuwento ni PangulongMonson:

“Naglakad na ang mga elder sa kalsada. Sinabi ng binata sa kanyang kompanyon:‘Elder, hindi natin sinagot si Mr. Pollard. Sinabi niya na hindi tayo naniniwala na totoongpropeta si Joseph Smith. Bumalik tayo at magpatotoo sa kanya.’ Sa una nag-alanganang mas matagal nang missionary ngunit sa huli ay pumayag na rin na samahan angkanyang kompanyon. Takot ang nadama nila habang papalapit sila sa pinto kung saan

sila pinaalis. Kumatok sila, hinarap si Mr. Pollard, gumugol ng isang matinding sandali, at pagkatapossa kapangyarihan na hatid ng Espiritu, ang ating bagong missionary ay nagsalita: ‘Mr. Pollard, sinabininyong hindi kami talagang naniniwala na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos. Gusto kongpatotohanan sa inyo na si Joseph ay isang propeta. Totoong isinalin niya ang Aklat ni Mormon. Nakitaniya ang Diyos Ama at ang Anak na si Jesus. Alam ko ito.”

“Di-nagtagal, si Mr. Pollard, na Brother Pollard na ngayon, ay tumayo sa isang miting ng priesthood atnagsabing, ‘Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang “SiJoseph Smith ay propeta ng Diyos. Alam ko ito. Alam ko ito. Alam ko ito.” Kinabukasan tinawagan koang mga missionary at hiniling na bumalik sila. Ang kanilang mensahe, lakip ang kanilang patotoo,ang nagpabago sa aking buhay at sa buhay ng aking pamilya’” (“Halina, Mga Anak ng Diyos,” Ensigno Liahona, Mayo 2013, 68).

Itanong:

• Bakit kaya nagkaroon ng malaking epekto kay Mr. Pollard ang patotoo ngmissionary tungkol kay Propetang Joseph Smith?

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Joseph Smith—Kasaysayan sa MahalagangPerlas. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga talata 5–6, at pagkatapos ayipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang mga talata 7–9. Pagkatapos ayitanong sa mga estudyante:

• Paano ninyo maibubuod ang mga talatang ito sa isa o dalawang pangungusap?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:10.Habang binabasa ang talata, hilingin sa mga estudyante na isipin kung paanong angpaghahanap ni Joseph Smith sa katotohanan ng relihiyon ay katulad sa maraming taona makakakilala nila sa kanilang misyon. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang mga tanong na kinaharap noon ng batang si Joseph Smith?

• Ano ang nagpahirap kay Joseph sa pagdedesisyon kung sa aling simbahan siyasasapi?

• Paano kaya natutulad ang mga tanong ni Joseph Smith sa mga tanong ng mga taosa mundo ngayon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:11–13.Pagkatapos ay itanong:

• Anong alituntunin ang natutuhan ni Joseph Smith tungkol sa kung paanomahahanap ang espirituwal na katotohanan? (Kahit iba-ibang salita ang gamitinnila, malamang na banggitin ng mga estudyante ang alituntuning ito:Matututuhan natin ang espirituwal na katotohanan mula sa Diyos kungmagdarasal tayo sa Kanya para sa mga sagot at handa tayong kumilos.)

LESSON 8: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 2)

57

Page 76: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• Paano ninyo magagamit ang halimbawa ni Joseph Smith para tulungan ang iba nanagnanais na mahanap ang espirituwal na katotohanan?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:14–19. Sapaggawa nila nito, ipaisip sa kanila ang matagalang epekto ng Unang Pangitain samundo at sa kanilang personal na buhay. Matapos silang magkaroon ng sandalingkatahimikan para tapusin ang pagbabasa, itanong ang gaya ng sumusunod:

• Ano kaya ang ilang dahilan kung bakit inatake ng kaaway si Joseph Smith bagonagpakita ang Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo? (Gusto ngkaaway na hadlangan si Joseph sa pag-alam ng espirituwal na katotohanan at ng sagayon ay mahahadlangan ang Panunumbalik kalaunan.)

• Sa paanong paraan nagsimulang madaig ng Unang Pangitain ang mga bunga ngMalawakang Apostasiya? (Bigyang-diin ang katotohanang ito sa mga estudyante:Sa pamamagitan ng Unang Pangitain, muling nabuksan ang kalangitan atnagsimula ang Panunumbalik.)

• Anong mga katotohanan ng doktrina ang matututuhan mula sa Unang Pangitain?(Ang Ama at ang Anak ay magkahiwalay na mga nilalang, ang kalangitan aynakabukas, maaari tayong tumanggap ng paghahayag, at marami pang iba.)

• Sa palagay ninyo bakit iminumungkahi ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo na iturong mga missionary ang tungkol sa Unang Pangitain sa una nilang pakikipagkita saisang investigator?

• Paano makatutulong ang pag-aaral tungkol sa pagpapakita ng Ama sa Langit at ngKanyang Anak na si Jesucristo sa mga investigator sa paghahanap nila ngespirituwal na katotohanan?

Paalala: Kung mayroon, maaari mong ipakita sa mga estudyante ang isang video clip ng sipi mula sahandout: Pangulong Gordon B. Hinckley, “Ang Kagila-gilalas na Pundasyon ng Ating

Pananampalataya.” Ang haba ng clip ay tinatayang mula 9:30 hanggang 17:29.

Para tulungan ang mga estudyante na palalimin ang kanilang pagkaunawa sakahalagahan ng Unang Pangitain, bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng handoutna may pamagat na “Ang Kagila-gilalas na Pundasyon ng Ating Pananampalataya,” nanaglalaman ng bahagi ng isang mensahe ni Pangulong Gordon B. Hinckley.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang tatlong talata. Pagkatapos ayitanong:

• Bakit ang “buong lakas” ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mgaHuling Araw ay nakasalalay sa katotohanan ng Unang Pangitain? (Dapatmaunawaan ng mga estudyante na kung totoo ang salaysay ni Joseph Smithtungkol sa kanyang pangitain, kung gayon ay totoo rin na Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tanging totoong simbahan salupa na nagtataglay ng buong pagsang-ayon at awtoridad ng Ama sa Langit at niJesucristo.)

• Ayon kay Pangulong Hinckley, sa paanong paraan naiiba ang gawain ni JosephSmith sa ginawa ng mga naunang lider ng relihiyon na gumawa ng pagbabago onagreporma sa mga kaugalian at aral ng doktrina?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto upang tahimik na basahin ang iba pangnakasulat sa handout. Habang nagbabasa sila, hikayatin silang markahan ang mgasalita, kataga, o pahayag na namumukod-tangi sa kanila. Pagkatapos magbasa ng mga

LESSON 8: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 2)

58

Page 77: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

estudyante, imbitahin ang ilan sa kanila na ibahagi ang minarkahan nila at ipaliwanagkung bakit iyon mahalaga sa kanila. Isiping itanong ang sumusunod:

• Bakit kaya mahirap para sa ilang tao na tanggapin ang katotohanan ng pangitain niJoseph Smith?

• Habang isinasaisip ang mga alituntuning pinag-aaralan sa nakaraan nating lesson,paanong akma ang Unang Pangitain sa pattern ng mga dispensasyon, apostasiya,at panunumbalik? (Kasunod ng isang panahon ng apostasiya, pinasimulan ngUnang Pangitain ang pagpapanumbalik at isang bagong dispensasyon ngebanghelyo. Tulad noong mga nakaraang dispensasyon, isang propeta ang tinawagng Diyos upang ibalik ang mga katotohanan ng ebanghelyo at ang awtoridad ngpriesthood. Si Joseph Smith ay tinawag bilang propeta ng “dispensasyon ngkaganapan ng panahon” [Mga Taga Efeso 1:10]. Ibig sabihin nito ang ebanghelyoay hindi na mawawala dahil sa apostasiya kundi mananatili ito sa lupa hanggang saIkalawang Pagparito ni Cristo.)

• Paano matutulungan ng pagtulong sa investigator na maunawaan ang scripturalpattern na ito ng apostasiya at panunumbalik para tanggapin niya ang katotohananng Unang Pangitain at ng makabagong Panunumbalik ng ebanghelyo?

Imbitahin ang klase na buklatin ang pahina 40 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo attahimik na basahin ang huling tatlong talata sa pahina, na hinahanap ang mga bagayna ibinalik o muling itinatag sa pamamagitan ng Panunumbalik. Pagkatapos ayipabahagi sa mga estudyante ang nalaman nila. Maaari mong tiyakin na babanggitin saklase (1) ang panunumbalik ng awtoridad ng priesthood, mga susi, at ordenansa, (2)ang muling pagtatatag ng Simbahan ni Cristo, (3) ang pagtawag ng labindalawangApostol, (4) ang pagsisimula ng bagong dispensasyon ng ebanghelyo, at (5) angpagtawag ng isang buhay na propeta.

Para tulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ngUnang Pangitain at ng Panunumbalik, sabihin sa iyong klase na sagutin ang mgatanong na gaya ng sumusunod:

• Paano kayo nagkaroon ng patotoo sa katunayan at kahalagahan ng UnangPangitain?

• Paano naimpluwensyahan ng inyong patotoo tungkol sa Unang Pangitain anginyong paniniwala sa Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo?

Itanong kung may estudyanteng gustong ibahagi sa klase ang kanilang patotootungkol sa Unang Pangitain o sa Panunumbalik.

Hatiin sa magkakapares ang klase. Isaayos ang mga estudyante sa maliliit na grupo natig-aapat (dalawang pares sa bawat grupo). Bigyan ang mga estudyante ng sapat napanahon para maghanda kung paano sila magtuturo ng maikling tatlo- hanggang apatna-minutong lesson tungkol sa Unang Pangitain at sa Panunumbalik. Ipaliwanag naang kanilang pagtuturo ay dapat simple at malinaw. Iparepaso sa mga estudyante angmateryal sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 39–40, o sa pahina 11 samissionary pamphlet na may pamagat na Ang Panunumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo.Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang sarili nilang salita para ipaliwanag angkaranasan ni Joseph Smith (maliban kapag babanggitin o babasahin nila ang JosephSmith—Kasaysayan 1:16–17). Ipaalala sa kanila na magtapos sa pamamagitan ngpagbabahagi ng kanilang patotoo. Atasan ang isang pares sa bawat grupo na turuanang isa pang pares.

LESSON 8: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 2)

59

Page 78: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagtulong sa mgaestudyante na sagutinang mahihirap natanong. Kung minsan aynahaharap ang mgaestudyante sa mahihirapna tanong nahumahamon sa kanilangpananampalataya. Bilangguro, matutulungan moang mga estudyante namaghandang sagutin angmga tanong atpaglabanan ang mgahamon sa kanilangpananampalataya(tingnan sa Mga TagaEfeso 6:11–13; 1 Nephi15:24; Helaman 3:29).Makakatulong na pag-usapan ang mahihirap natanong habangnagkaklase; gayunman,ang gayong mga tanongay dapat talakayin nangbuong ingat at tapat.Ipaalala sa mgaestudyante na maramingresources na tutulong sapagsagot sa mahihirapna tanong sa opisyal namga website ngSimbahan; halimbawa,sa Gospel Topics sectionng LDS.org.

Sa pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang karanasan sa pagtuturo, ipatalakay sabawat grupo ang maayos na nangyari ng kanilang pagtuturo at kung paano pa sana itonapagbuti ng mga guro.

Pagkatapos, sabihing magpalitan sila ng role o papel at hayaang ang isang paresnaman ang magturo. Tiyakin na mayroong oras para sa feedback. Pagkatapos magturong lahat ng pares, anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi sa klase ngmga ideya mula sa kanilang mga karanasan.

Maaaring makatulong sa iyong mga estudyante na malaman kung paano sagutin angmahihirap na tanong tungkol sa iba‘t ibang ulat ng Unang Pangitain na isinulat niJoseph Smith. Ipaliwanag na ang kuwento ng Unang Pangitain na nasa JosephSmith—Kasaysayan ay isinulat ng Propeta noong 1838 bilang bahagi ng isang opisyalna kasaysayan ng Simbahan na ilalathala noon sa mundo. Dahil maraming besesinirekord ni Joseph Smith ang kanyang karanasan, may iba pang mga salaysay tungkolsa Unang Pangitain. Ipaliwanag sa mga estudyante na bawat pangyayari ay kaibadepende sa binibigyang-diin nito at ng mga detalye nito. Ang ilang kritiko ay malingnakikipagtalo na anumang pagkakaiba sa mga muling pagsasalaysay ay patunay nagawa-gawa lamang ito. Gayunman, kapag ang isang tao ay muling nagkuwento ngisang karanasan sa iba‘t ibang lugar sa iba’t ibang tagapakinig sa loob ng maramingtaon, bawat salaysay ay malamang na magbigay-diin sa iba‘t ibang aspeto ngkaranasan at naglalaman ng kakaibang mga detalye. Halimbawa, ang mgapagkakaibang makikita sa kuwento ng Unang Pangitain ay makikita rin sa salaysay niPablo tungkol sa kanyang pangitain sa daan patungong Damasco (tingnan sa MgaGawa 9:3–9; 22:6–11; 26:12–18).

Paunawa: Para sa tulong sa pagpapaliwanag ng iba‘t ibang salaysay ng Unang Pangitain, tingnan angartikulong “First Vision Accounts” sa Gospel Topics section ng lds.org/topics. Isiping ibahagi ang link

na ito sa mga estudyante para mabasa nila ang mga materyal na ito.

Pag-imbita sa Iba na Basahin ang Aklat ni MormonSimulang ipakita ang kahalagahan ng bahaging ito ng lesson sa pamamagitan ngpagpapabasa nang malakas sa isang estudyante ang huling dalawang talata sapambungad sa Aklat ni Mormon. Imbitahin ang mga estudyante na hanapin ang mgapangakong ibinigay sa mga taong pinipiling basahin ang Aklat ni Mormon, pagnilayanito, at itanong sa Diyos kung ito ay totoo. Pagkatapos ay ipabahagi sa mga estudyanteang nalaman nila.

Ipabuklat sa mga estudyante ang pahina 41 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, atipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang talata sa bahaging “Ang Aklat niMormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo.” Tulungan ang mga estudyante na matukoy angisang alituntuning itinuro sa talatang ito sa pagtatanong ng:

• Bakit ang Aklat ni Mormon ay mahalaga at napakabisang kasangkapan para samga missionary? (Tulungan ang mga estudyante na makita na ang Aklat niMormon ay naglalaman ng walang hanggang ebanghelyo, ay nakakakumbinsingebidensya na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos, at isa pang tipan ni Jesucristo.(Tingnan sa D at T 20:8–11.)

Para tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang doktrinang ito, itanongang gaya ng mga sumusunod:

• Bakit ang Aklat ni Mormon ay nakakukumbinsing ebidensya na si Joseph Smith aypropeta? (Kung sasabihin ng isang tao na ang Aklat ni Mormon ay totoo,

LESSON 8: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 2)

60

Page 79: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

kailangang sabihin din nila na si Joseph Smith ay kumilos nang ayon sa banal napatnubay para matuklasan at isalin ito at siya ay propeta ng Diyos.)

• Paano pinagpapala ang mga investigator kapag binabasa nila ang Aklat ni Mormonat nagkakaroon ng patotoo na ito ay totoo? (Malalaman nila na si Joseph Smith aypropeta, at magiging handa silang tanggapin ang Panunumbalik ng ebanghelyo niJesucristo at tatanggapin ang nakapagliligtas na mga ordenansa.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante na basahin ang Moroni 10:3–5. Itanong angmga sumusunod:

• Anong mga hakbang ang kailangang gawin ng isang tao para magkaroon ngpatotoo na ang Aklat ni Mormon ay totoo? (Kahit iba-ibang salita ang gamitin nila,malamang na banggitin ng mga estudyante ang alituntuning ito: Sa pagbabasanatin, sa pagninilay, at pananalangin nang may tunay na layunin tungkol saAklat ni Mormon, ihahayag ng Diyos ang katotohanan nito sa atin sapamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.)

• Ano ang ibig sabihin ng “manalangin nang may tunay na layunin” (Moroni 10:4)?(Taos-pusong paghahangad na makatanggap ng sagot sa pamamagitan ng EspirituSanto at pangangako na kikilos ayon sa sagot.)

Para mailarawan kung bakit mahalaga na basahin ng isang investigator angAklat ni Mormon at manalangin nang may tunay na layunin tungkol sa

katotohanan nito, ipalabas ang video na “Invitation to Read the Book of Mormon: Jynx“ (8:06).

Itigil ang video sa 0:55 at hilingin sa klase na pagnilayan sandali ang maaaring magingkaisipan at damdamin nila kung isa sila sa mga missionary na nagtuturo kay Jynx.Sabihin sa ilang estudyante kung ano ang sasabihin nila sa kanya.

Habang ipinapalabas ang iba pang bahagi ng video, isiping sabihan ang kalahati ngklase na tingnan kung bakit kailangang basahin at ipanalangin ng investigator angAklat ni Mormon para magkaroon ng patotoo sa katotohanan nito. Sabihin naman sanatitirang kalahati ng klase na bantayan kung ano ang sinabi ng mga missionary natumulong kay Jynx para mahikayat na basahin ang Aklat ni Mormon. Pagkatapos ngvideo, talakayin ang sumusunod sa mga estudyante:

• Ano ang sinabi at ginawa ng mga missionary para mahikayat si Jynx na basahin atipagdasal ang Aklat ni Mormon?

• Ano ang sinabi o ginawa ng mga missionary para anyayahan ang Espiritu Santo napatotohanan ang kanilang mga salita?

• Bakit mahalaga para sa isang investigator na basahin at ipagdasal ang tungkol sakatotohanan ng Aklat ni Mormon? (Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante nahindi sapat na basta lamang mamigay ang mga missionary ng mga kopya ng Aklatni Mormon. Tungkulin ng isang missionary na tulungan ang iba na madama angkahalagahan ng pagbabasa at pagdarasal tungkol sa Aklat ni Mormon paramatuklasan nila na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos at naibalik ang ebanghelyoni Jesucristo.)

Ipaliwanag sa klase na magkakaroon sila ngayon ng pagkakataong i-role-play oisadula ang pag-imbita sa isang tao na basahin ang Aklat ni Mormon. Ipakita kungpaano ipakikilala ang Aklat ni Mormon at iimbitahin ang isang tao na basahin ito atipagdasal para malaman na ang mensahe nito ay totoo. Pagkatapos ay gawing pares-pares ang mga miyembro ng klase, o isiping gamitin ang isa sa iba pang

LESSON 8: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 2)

61

Page 80: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

iminungkahing teaching configurations na nasa bahaging “Mga Aktibidad saPagtuturo” sa pambungad ng manwal na ito.

Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na maghandang anyayahan ang isanginvestigator na basahin ang Aklat ni Mormon at ipagdasal na malaman kung ito aytotoo. Ipabasa sa mga estudyante ang kahon na may pamagat na “Gamitin ang Aklatni Mormon para Mapatunayan ang Katotohanan ng Panunumbalik,” na nasa itaas ngpahina 42 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Maaari ding gamitin ng mga estudyanteang pahina 15 ng missionary pamphlet na may pamagat na Ang Panunumbalik ngEbanghelyo ni Jesucristo. Dapat nilang tapusin ang practice activity sa pagbabahagi ngkanilang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at pag-iimbitang basahin at ipagdasalang tungkol sa katotohanan nito.

Pagkatapos magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng estudyante na ibahagi angkanilang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at mag-imbitang magbasa at magdasal,hilingin sa mga miyembro ng klase na magbahagi sa klase ng mga ideya mula sakanilang mga karanasan.

Sa pagtatapos mo ng lesson, ipaalala sa mga estudyante ang mga pagpapala ngpagbabasa at pagpapalakas ng kanilang mga patotoo sa Aklat ni Mormon bagosimulan ang paglilingkod bilang full-time missionary. Itanong kung gusto ng sinumansa kanila na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon. Ibahagi angiyong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon, at tiyakin sa mga estudyante namagkakaroon sila ng kagalakan sa pag-iimbita sa iba na basahin angmakapangyarihang saksing ito tungkol kay Jesucristo.

Mga Imbitasyon para KumilosHikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nila sa lesson na ito sasusunod na linggo. Maaari nilang pag-isipang gawin ang sumusunod:

• Manalangin na magkaroon ng mas malakas na patotoo tungkol sa Unang Pangitainat sa katotohanan ng Aklat ni Mormon.

• Basahin ang artikulong “First Vision Accounts” sa bahaging Gospel Topics salds.org/topics.

• Isaulo ang salaysay ng Unang Pangitain na nasa Joseph Smith—Kasaysayan1:16–17. Ibahagi ito sa isang kaibigan o kapamilya at magpatotoo tungkol sakahalagahan ng pangyayari.

• Manalangin para humingi ng tulong upang matukoy ang isang tao na bibigyan mong kopya ng Aklat ni Mormon. Kumilos ayon sa mga espirituwal na paramdam nanatatanggap mo.

LESSON 8: PAGTUTURO NG MENSAHE NG PANUNUMBALIK (PART 2)

62

Page 81: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paghahanda ng Missionary—Lesson 8

Ang Kagila- gilalas na Pundasyon ng Ating PananampalatayaPangulong Gordon B. HinckleyLiahona, Nob. 2002, 80- 81

Ipinapahayag namin na walang pag- aalinlangan na ang Diyos Ama at Kanyang Anak, ang Panginoong Jesucristo, ay nagpa-kita sa batang si Joseph Smith. . . .

. . . Ang buong lakas nati’y nakasalalay sa katunayan ng pangi-taing iyon. Naganap nga ito o hindi. Kung hindi, ang gawaing ito’y huwad. Kung naganap nga, ito kung gayon ang pinaka-mahalaga at kamangha- manghang gawain sa balat ng lupa.

Pag- isipan ninyo, mga kapatid. Sa maraming siglo’y nanati-ling nakapinid ang kalangitan. Mabubuting lalaki at babae, na hindi iilan—tunay na dakila at kahanga- hangang mga tao—ang nagsikap na itama, palakasin, at pagbutihin ang kanilang sistema ng pagsamba at mga doktrina. Kanila ang aking paggalang at pagpipitagan. Bumuti ang mundo dahil sa kanilang magiting na pagkilos. Bagama’t naniniwala akong may inspirasyon ang kanilang gawain, hindi ito kinasihan ng pagbubukas ng kalangitan, pati ng pagpapakita ng Diyos.

Noong 1820 ay dumating ang maluwalhating pagpapamalas bilang tugon sa dalangin ng isang batang nabasa sa Biblia ng kanyang pamilya ang mga salita ni Santiago: “Kung nagku-kulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya” (Santiago 1:5).

Sa kakaiba at kamangha- manghang karanasang iyon nasasa-lalay ang katibayan ng Simbahang ito.

Sa lahat ng naitalang kasaysayan ng relihiyon wala itong kapantay. Isinasalaysay sa Bagong Tipan ang binyag ni Jesus nang narinig ang tinig ng Diyos at bumaba ang Espiritu Santo na anyong kalapati. Sa Bundok ng Pagbabagong- anyo, nakita nina Pedro, Santiago, at Juan ang Panginoon na nagbagong- anyo sa kanilang harapan. Narinig nila ang tinig ng Ama, ngunit hindi nila Siya nakita.

Bakit nagpakita kapwa ang Ama at Anak sa bata, na isang binatilyo pa lang? Ang isang dahilan ay upang pasimulan Nila ang pinakadakilang dispensasyon ng ebanghelyo sa buong panahon, kung kailan ang lahat ng naunang dispensasyon ay dapat tipunin at pagsama- samahin. . . .

Ang kasangkapan sa gawaing ito ng Diyos ay ang batang lala-king hindi nalito sa mga pilosopiya ng tao. Mura at di pa natu-turuan ang isipang iyon ng mga tradisyon ng relihiyon noon.

Madaling makita kung bakit ayaw tanggapin ng mga tao ang salaysay na ito. Halos di ito maunawaan. Ngunit makatwiran ito. Tanggap ng mga pamilyar sa Lumang Tipan na nagpa-kita si Jehova sa mga propetang nabuhay noong simpleng panahong iyon. Makatarungan bang ikaila nila na kailangang magpakita ang Diyos ng langit at ang Kanyang nabuhay na mag- uling Anak sa napakakumplikadong panahong ito sa kasaysayan ng daigdig?

Na Sila’y naparito, Silang dalawa, na nakita Sila ni Joseph sa Kanilang maningning na kaluwalhatian, na nakipag- usap Sila sa kanya at narinig at naitala niya ang Kanilang mga salita—nagpapatotoo kami sa pambihirang mga bagay na ito.

May kilala akong isang intelektuwal daw na nagsabing ang Simbahan ay nabitag sa kasaysayan nito. Tumugon ako na kung hindi sa kasaysayang iyo’y wala tayo. Sa katotohanan ng kakaiba, nag- iisa, at pambihirang kaganapang iyon umiikot ang ating pananampalataya.

Ngunit ang maluwalhating pangitaing ito ay simula lang ng serye ng mga pagpapamalas na bumubuo sa kasaysayan ng gawaing ito noong una.

Parang di pa sapat ang pangitaing iyon bilang katibayan ng personalidad at katotohanan ng Manunubos ng sangkatau-han, nasundan ito ng paglitaw ng Aklat ni Mormon. Narito ang isang bagay na mahahawakan ng tao, “makikita,” na tu-lad nito. Mababasa niya ito. Maipagdarasal niya ito, sapagkat taglay nito ang pangako na ipahahayag ng Espiritu Santo ang katotohanan nito kung hahangarin ito sa panalangin. . . .

Sumunod dito ang pagpapanumbalik ng priesthood—una, ang Aaronic sa ilalim ng mga kamay ni Juan Bautista, na nag-binyag kay Jesus sa Jordan.

Sumunod sina Pedro, Santiago, at Juan, mga Apostol ng Panginoon, na nagkaloob sa panahong ito ng natanggap nila sa ilalim ng mga kamay ng Guro na nakapiling nila sa pagla-kad, maging, “ang mga susi ng kaharian ng langit,” na may

© 2

016

NG IN

TELL

ECTU

AL R

ESER

VE, I

NC. L

AHAT

NG

KAR

APAT

AN A

Y NA

KALA

AN.

Page 82: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Paghahanda ng Missionary—Lesson 8

awtoridad na ibuklod sa langit ang ibinuklod sa lupa (tingnan sa Mateo 16:19).

Kasunod nito’y dumating ang paggawad ng iba pang mga susi ng priesthood sa ilalim ng mga kamay nina Moises, Elias, at Elijah.

Isipin ninyo ito, mga kapatid. Isipin ninyo ang kagandahan nito.

Ito ang ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo. Tayong mga miyembro ay mga Banal sa mga Huling Araw. Nagpapatotoo

tayo na nabuksan ang kalangitan, na nahawi ang tabing, na nagsalita ang Diyos, at nagpakita si Jesucristo mismo, kasu-nod ng paggagawad ng banal na awtoridad.

Nagpapatotoo tayo na nabuksan ang kalangitan, na nahawi ang tabing, na nagsalita ang Diyos, at nagpakita si Jesucristo mismo.

Page 83: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

9Pagkakaroon ng mgaKatangiang Tulad ng Kay Cristo

PambungadDapat sikapin ng mga missionary na maging higit na katulad ngTagapagligtas habang kumikilos sila para anyayahan ang iba nalumapit sa Kanya. Ang Tagapagligtas ang ating perpektonghalimbawa at inutusan tayong maging tulad Niya (tingnan sa 3Nephi 27:27), at dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, tayo aymagiging higit na katulad Niya at ng ating Ama sa Langit.

Mahalagang bahagi ng pagtulad kay Jesucristo ang alamin kungpaano Siya namuhay, kumilos, at nagturo. Kapag lalo natingpinagyaman ang mga katangiang gaya ng kay Cristo, magigingmas handa tayong paglingkuran ang Diyos at ang iba sa ating mgamission at sa buong buhay natin.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Alma 17:22–37; 18:1–3, 8–10; Moroni 7:45–48; at Doktrina at mga

Tipan 4:1–7.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 131–140, 144.

• Gumawa ng mga kopya ng Aktibiti Patungkol sa Katangian sa pahina 144 ngMangaral ng Aking Ebanghelyo para sa bawat estudyante sa iyong klase (opsiyonal).

• Maghandang ipalabas ang video na “Christlike Attributes” (2:54), na available saLDS.org.

• Maghandang ipalabas ang video na “Impressions of Missionaries” (4:32), naavailable sa youtube.com.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Kahalagahan ng mga Katangiang Tulad ng kay CristoIpabuklat sa mga estudyante ang pahina 141 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo attingnan ang larawan ng missionary name tag. Itanong:

• Ano ang dalawang kapansin-pansing bahagi ng missionary name tag? (Angpangalan ng missionary at ang pangalan ng Tagapagligtas.)

• Bakit magiging mahalaga sa inyo at sa iba na maiugnay ang inyong pangalan saTagapagligtas?

Sabihan ang mga estudyante na magpalitan sa pagbabasa nang malakas ng unanglimang talata na nagsimula sa pahina 131 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo habangsinusundan ng klase, na hinahanap kung paano natin matatanggap ang imbitasyon nasumunod kay Jesucristo. Kapag natapos na sila, itanong:

• Paano natin tinatanggap ang imbitasyon ni Jesucristo na sumunod sa Kanya?(Dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntunin: Tinatanggap natin angimbitasyon ni Jesucristo na sumunod sa Kanya sa pagiging tulad Niya atpagtataglay ng Kanyang mga katangian.)

• Paano kayo gagawing makapangyarihan at epektibong ministro ng ebanghelyo niJesucristo ng pagkakaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo?

Papiliin ang bawat isa sa mga estudyante ng mga talata na nasa kahon na Pag-aaralangmga Banal na Kasulatan sa pahina 132 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ipabasa samga estudyante ang pinili nilang talata sa banal na kasulatan at ipahanap kung ano

63

Page 84: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagbibigay ng oraspara pag-isipangmabuti ang mga sagot.Mas malamang namakapagbigay ngmagandang sagot saisang tanong ang mgamiyembro ng klase kungbibigyan sila ng orasupang pag-isipan angkanilang sagot.Halimbawa, mataposmagtanong, maaarimong sabihing, “Pag-isipan ninyo sandali angisasagot ninyo, at sakako hihingin ang mgasagot ninyo.”

ang sinasabi nito tungkol sa pagsunod sa halimbawa ni Jesucristo. Imbitahin ang mgaestudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa klase. Matapos tumugon ang ilangestudyante, itanong:

• Ano ang ilang katangian ng pagkatao ninyo na naiuugnay ninyo kay Jesucristo?

Ipalabas ang video na “Christlike Attributes” (2:54), na naglalarawan ng ilan samga katangian ng Tagapagligtas. Sabihin sa mga estudyante na masdan kung

paanong ang mga banal na katangian ng Tagapagligtas ay nakikita sa kanilang mgakilos—lalo na sa pakikisalamuha sa iba.

Matapos panoorin ang video, magtanong ng katulad ng sumusunod, tinitiyak na mag-uukol ng sapat na oras para mapag-isipan ng mga estudyante ang kanilang mga sagot:

• Paano makikita ang mga banal na katangian ng Tagapaglitas sa kanyang kilos, lalona sa pakikisalamuha niya sa iba?

• Ano ang naging epekto sa ibang tao ng mga ikinilos ni Jesus?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa katabi nila ang isang karanasan kung saannaapektuhan sila ng pag-uugali ng isang tao na katulad ng kay Cristo. Pagkatapos aybigyan sila ng ilang sandali para pag-isipan ang sumusunod na tanong:

• Anong mga katangian ni Cristo na ipinakita sa video ang gusto ninyong lalo pangtaglayin ninyo?

Pagkakaroon ng mga Katangiang Tulad ng Kay CristoSabihin sa ilang estudyante na magpalitan sila sa pagbabasa nang malakas sa Doktrinaat mga Tipan 4:1–7.

• Ayon sa Doktrina at mga Tipan 4:5–6, ano ang kaugnayan ng mga katangiang tuladng kay Cristo at ng mga kwalipikasyon para tawagin sa gawain? (Kahit gumamitsila ng iba‘t ibang salita, dapat matukoy ng mga estudyante ang alituntuning ito:Ang mga taong nagtataglay ng mga katangiang tulad ng kay Cristo aykarapat-dapat na maglingkod sa gawain ng Panginoon.)

Ipabuklat sa klase ang Aktibiti Patungkol sa Katangian sa pahina 144 ng Mangaral ngAking Ebanghelyo. Pagkatapos ipaliwanag ang mga tagubilin sa itaas ng pahina,imbitahin ang mga estudyante na kumpletuhin ang aktibidad. Maaaring makatulongkapag sinabi sa mga estudyante kung gaano katagal ang dapat nilang iukol napanahon sa aktibidad. Pag-isipang bigyan ng kopya ng aktibidad ang mga estudyante.Kung pipiliin ng mga estudyante na kumpletuhin ang aktibidad na ito sa sarili nilangkopya ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, maaari mo silang hikayatin na lapis anggamiting pangsulat. Mag-ukol ng sapat na panahon para matapos ng lahat ng mgaestudyante ang aktibidad. Pagkatapos ay sabihin sa mga miyembro ng klase na ibahagiang kanilang natutuhan at nadama habang ginagawa nila ang self-evaluation na ito.Kung kinakailangan, isiping itanong ang mga ito:

• Aling mga katangian sa aktibiti ang nangingibabaw sa inyo, at bakit?

• Ano ang natutuhan ninyo sa aktibiting ito?

Tulungan ang mga estudyante na palalimin ang kanilang pagkaunawa sa mgakatangiang tulad ng kay Cristo sa pamamagitan ng pag-imbita sa kanila na pumili ngisang katangian na gusto nilang alamin pa at lalo pang pag-igihin sa kanilang buhay.Ipahanap sa mga estudyante ang bahaging naglalarawan sa napili nilang katangian samga pahina 133–140 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay bigyan sila ngpanahon na pag-aralan ang bahaging ito, pati na ang kaukulang mga talata. Maaaring

LESSON 9: PAGKAKAROON NG MGA KATANGIANG TULAD NG KAY CRISTO

64

Page 85: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

makatulong ang pagsasabi sa mga estudyante kung ilang oras ang kailangan nila parasa pag-aaral. Isulat sa pisara ang sumusunod na mga tanong para mapag-isipan ngmga estudyante habang nagbabasa sila:

• Anong mga bagong ideya tungkol sa katangiang ito ang natamo ninyo?

• Ano ang kailangang baguhin sa inyong puso, isipan, o kilos para magkaroon ngganitong katangian?

• Paano madaragdagan ang inyong kahusayan bilang missionary ng pagkakaroon ngkatangiang ito?

Maglakad sa palibot ng silid para tingnan kung ano ang ginagawa ng bawat estudyanteat para sagutin ang anumang tanong ng mga estudyante. Matapos bigyan ng sapat napanahon, imbitahin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa mgatanong na nasa pisara.

Idispley ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, at sabihin samga estudyante na hanapin ang sinabi ni Pangulong Uchtdorf na dapat nating gawinupang magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo:

“Inilalarawan sa mga banal na kasulatan ang ilang katangian ni Cristo na kailangannating taglayin sa buhay na ito. … Ang mga katangiang tulad ng kay Cristo ay mgakaloob mula sa Diyos. Hindi natin magagawang taglayin ang mga ito kung wala angKanyang tulong. Ang isang tulong na kailangan nating lahat ay ibinigay sa atin nanglibre sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Ang pagsampalataya kay

Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala ay lubos na pag-asa sa Kanya—pagtitiwala sa Kanyangwalang-hanggang kapangyarihan, talino, at pagmamahal. Napapasaatin ang mga katangian ni Cristosa matwid na paggamit ng ating kalayaan. … Sa paghahangad na maging higit na katulad ngTagapagligtas, kailangang regular nating suriin ang ating buhay at magtiwala, sa pamamagitan ngtunay na pagsisisi, sa kabutihan ni Jesucristo at sa mga biyaya ng Kanyang Pagbabayad-sala” (“MgaKatangian ni Cristo—Ang Hangin sa Ilalim ng Ating mga Pakpak,” Ensign o Liahona, Nob. 2005,102–103).

• Ano ang ibig sabihin sa inyo ng ang “mga katangian ni Cristo ay mga kaloob ngDiyos”? (Ito ay mga kaloob na hindi lubusang mapauunlad kung wala ang tulongng Diyos.)

• Ayon kay Pangulong Uchtdorf, ano ang magagawa natin upang matulungan ngDiyos sa pagpapaunlad ng mga katangiang ito? (Maaari mong ibuod ang mgasagot ng mga estudyante sa pagsulat sa pisara ng sumusunod: Mapapaunladnatin ang mga katangian ni Cristo kapag nagsisisi tayo, sumasampalatayakay Jesucristo, at umaasa sa Pagbabayad-sala.)

• Paano makakatulong ang pagsisisi at pagsampalataya sa Pagbabayad-sala sapagkakaroon natin ng mga katangian ni Cristo? (Sa pamamagitan ngpananampalataya at pagsisisi, inaanyayahan natin ang Panginoon na biyayaan tayong mga katangian ni Cristo. Kapag nagsisisi tayo, ipinapakita natin ang hangarinnating maging higit na katulad ni Cristo, at inaanyayahan natin lalo ang EspirituSanto sa ating buhay.)

Idispley ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol, at anyayahan ang isang estudyante na basahin ito nangmalakas sa klase:

LESSON 9: PAGKAKAROON NG MGA KATANGIANG TULAD NG KAY CRISTO

65

Page 86: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Sa pagtuturo sa mga Nephita, sinabi ng Tagapagligtas kung ano ang dapat nilangkahinatnan. Hinamon niya silang magsisi at magpabinyag at mapabanal ng pagtanggapng Espiritu Santo, ‘na kayo ay makatayong walang bahid-dungis sa aking harapan sahuling araw’ (3 Ne. 27:20). Nagtapos Siya sa pagsasabing: ‘Kung gayon, maging anonguri ng mga tao ba nararapat kayo? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maging katulad

ko’ (3 Ne. 27:27).

“Ang ebanghelyo ni Jesucristo ang plano kung saan tayo ay maaaring maging mga anak ng Diyos nasiyang dapat nating kahinatnan. Ang walang bahid-dungis at perpektong kalagayan na ito angmagiging bunga ng patuloy na paggawa ng mga tipan, ordenansa, at mga hakbang, ng kabuuan ngmga wastong pagpili, at patuloy na pagsisisi. ‘Ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao namaghanda sa pagharap sa Diyos’ (Alma 34:32)” (“The Challenge to Become,” Ensign, Nob. 2000, 33).

Itanong:

• Ayon kay Elder Oaks, ano ang dapat nating gawin upang maging higit na katuladni Jesucristo? (Kailangan tayong gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan,karapat-dapat na tumanggap ng mga ordenansa, gumawa ng mga tamang pasiya,at magsisi.)

Ipabuklat sa mga estudyante ang Moroni 7:47–48. Ipaliwanag na kahit ukol sa pag-ibigsa kapwa-tao ang mga talatang ito, nagtuturo ito ng mas pangkalahatang alituntunintungkol sa pagtatamo ng mga katangian ni Cristo. Ipabasa sa isang estudyante angmga talata habang sinusundan ng klase, na hinahanap kung ano ang magagawa natinpara maanyayahan ang tulong ng Ama sa Langit sa pagiging tulad ng Kanyang Anak(ang mga sagot ay dapat nakatuon sa kahalagahan ng paghiling sa Ama sa Langit natulungan tayo at pagiging “tunay na mga tagasunod” ni Cristo). Ituro na dahil angmga katangian ni Cristo ay mga kaloob ng Diyos, dapat nating hingin ang Kanyangtulong sa pagkakaroon ng mga katangiang ito.

LESSON 9: PAGKAKAROON NG MGA KATANGIANG TULAD NG KAY CRISTO

66

Page 87: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Learner application.Ang application opagsasabuhay aynagaganap kapag angmga estudyante ay (1)tanggap ang isangdoktrina o alituntunin sakanilang mga puso atisipan at (2) nagsimulangkumilos at mamuhayayon dito. Mapapadaling guro angpagsasabuhay sapamamagitan ngpagbibigay ng oras samga estudyante paraisiping mabuti o isulatang naunawaan atnadama nila at pag-isipan ang partikular namga hakbang na dapatnilang gawin upangmaipamuhay angnatutuhan nila.

Tulungan ang mga estudyante na isipin kung paano nila maipapamuhay angnatutuhan nila, maaari mong hilingin sa mga estudyante na magbigay ng mgahalimbawa ng gagawing pagkilos ng prospective missionary para taglayin angkatangian na napag-aralan nila. Pagkatapos ay bigyan ang mga estudyante ng ilangminuto para isulat ang isang plano, pati na ang ilang tamang pagpili na magagawanila, para tulungan silang higit na mapaunlad ang katangiang iyon. Hikayatin silangibahagi ang kanilang mga plano sa kanilang mga magulang o sa isangpinagkakatiwalaang kaibigan. Hikayatin din ang mga estudyante na huwagipagpaliban ang pagsunod sa kanilang plano. Ang mga pagsisikap nila ngayon aymaaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanilang mga karanasan sa misyon.

Tapusin ang bahaging ito ng lesson sa pagtiyak sa mga estudyante na pagpapalain silang Panginoon sa pagsampalataya nila sa Pagbabayad-sala at sa hangaring magingkatulad Niya.

Mga Katangian ni Cristo sa Gawaing MisyoneroIsulat sa pisara ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf ng UnangPanguluhan, na nagbahagi ng isang quotation na madalas iniuugnay kay Saint Francisof Assisi. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag:

“Ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng oras at kung kinakailangan, gumamit ng mga salita”(“Paghihintay sa Daan Patungong Damasco,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 77).

Pagkatapos ay itanong ang sumusunod:

• Paano natin ipapangaral ang ebanghelyo nang hindi gumagamit ng mga salita?

• Paanong sa pagtatamo ng mga katangiang tulad ng kay Cristo ay maipapangaralnatin nang mas mabuti ang ebanghelyo, kapwa sa paggamit at sa hindi paggamitng mga salita?

• Ano ang nangyayari sa puso ng mga tao kapag ang pakikitungo sa kanila ay tuladng pakikitungo ni Cristo? (Ang kanilang mga puso ay lumalambot at sila aymagiging mas handang makinig sa mensahe ng ebanghelyo).

• Bakit mahalaga sa ikatatagumpay ng gawaing misyonero ang pagtataglay ngmissionary ng mga katangiang katulad ng kay Cristo? (Maaaring kabilang sa mgasagot ng mga estudyante ang katotohanang ito: Ang mga katangian ni Cristo aymaaaring maging mabisang impluwensya sa pagdadala ng mga tao saTagapagligtas.)

Ipalabas ang video na “Impressions of Missionaries” (4:32). Ipasulat sa mgaestudyante ang mga katangian na napansin ng mga investigator sa mga

missionary at ang epekto ng mga katangiang iyon sa mga investigator.

Pagkatapos ng video, itanong:

• Ano ang ilan sa mga mabubuti o positibong katangian ng mga missionary nanatukoy ng mga investigator?

• Sa inyong palagay bakit kaya nagkaroon ng magandang impresyon sa mgainvestigator ang mga katangiang ito?

• Binanggit ang ilan sa mga investigator ang mga di-gaanong positibong katangian.Paano nakaapekto ang mga katangiang ito sa mga investigator?

LESSON 9: PAGKAKAROON NG MGA KATANGIANG TULAD NG KAY CRISTO

67

Page 88: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• Paano maiiwasan ng mga missionary na mag-iwan ng ganitong di-gaanongpositibong mga impresyon?

Para lalong mailarawan kung paano makatutulong ang mga katangian at pag-uugalingtulad ng kay Cristo sa paghahanda ng mga missionary sa kanilang mga tinuturuan natanggapin ang ebanghelyo, ipabuod sa isang estudyante ang kuwento ni Ammon nanagsikap na ipangaral ang ebanghelyo sa mga Lamanita. Hatiin ang klase sa apat nagrupo, at ibigay ang isa sa mga talata sa banal na kasulatan sa bawat grupo. Ipabasanang tahimik sa mga estudyante ang ibinigay sa kanilang talata at ipatukoy ang mgakatangian ni Cristo na ipinakita ni Ammon.

Alma 17:22–25

Alma 17:28–31

Alma 17:33–37

Alma 18:1–3, 8–10

Pagkatapos magbasa ang mga estudyante, pag-usapan ang sumusunod sa klase:

• Aling mga katangian ni Cristo ang ipinakita ni Ammon sa mga talatang binasaninyo?

• Paano nakaapekto ang mga katangian ni Ammon sa mga taong tinuturuan niya?

• Ano ang ilang paraan na masusundan ng mga makabagong missionary anghalimbawa ni Ammon?

Imbitahin ang mga estudyante na mag-isip ng isang taong napansin nila nanagtataglay ng mga katangian ni Cristo. Itanong:

• Paano kayo naimpluwensyahan ng taong ito sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali na tulad ng kay Cristo?

Paglilingkod Kasama ang KompanyonIpaalala sa mga estudyante na ang mga missionary ay laging inaatasang maglingkodkasama ang isang kompanyon. Imbitahin ang mga estudyante na magmungkahi ngpotensyal na mga hamon kapag may kasamang kompanyon. Itanong sa mgaestudyante ang sumusunod:

• Sa palagay ninyo bakit naglilingkod ang mga missionary nang may kompanyon?

Basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan 42:6 at II Mga Taga Corinto 13:1para maipaunawa sa mga estudyante na ang mga missionary ay naglilingkod nakasama ang isang kompanyon dahil ito ay isang pattern na ibinigay ng Panginoon.Pagkatapos ay itanong:

• Bakit mahalagang magpakita ang mga missionary ng mga katangian at kilos nakatulad ng kay Cristo sa pakikitungo sa kanilang kompanyon? (Tingnan sa D at T38:24–25, 27.)

Idispley ang sumusunod na pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ngUnang Panguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 9: PAGKAKAROON NG MGA KATANGIANG TULAD NG KAY CRISTO

68

Page 89: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Huwag hayaang manaig ang pagtatalo sa inyong pagsasama. Ang ilan sa iyong mgamissionary companion ay magiging matatalik mong kaibigan habambuhay. Maging anguri ng kompanyon na gusto mong makasama. Huwag maging makasarili sa pakikipag-ugnayan sa iyong mga kompanyon. Kapag may pagtatalo, ang Espiritu ng Panginoon aylumilisan, kahit sino pa ang may kasalanan. Bawat isa sa atin ay isang indibiduwal na

may kakaibang mga kakayahan at talento, naiiba sa ibang tao sa mundo. Bawat isa sa atin ay maymga kahinaan. Sa magandang pagsasamahan, may teamwork o pagtutulungan—kung mahina angisa, ang isa ay matatag” (“What I Want My Son to Know before He Leaves on His Mission,” Ensign,Mayo 1996, 41).

• Ano ang sinabi ni Pangulong Faust na nangyayari kapag nagtatalo ang mgamissionary companion? (Tingnan din sa 3 Nephi 11:29.)

• Paano makakatulong ang mga katangian na pinag-aaralan natin para makaiwas sapagtatalo ang mga magkompanyon at magkaroon ng pagkakasundo sa kanilangsamahan? (Tulungan ang mga estudyante na tukuyin ang alituntunin na kapagang mga missionary companion ay kinakikitaan ng mga pag-uugali at asal natulad ng kay Cristo sa isa‘t isa, pinagpapala sila ng Espiritu.)

• Bakit kapag may pagkakasundo ay nagiging mas epektibo ang magkompanyon sapangangaral ng ebanghelyo?

Isiping basahin nang malakas ang unang limang talata sa ilalim ng subsection na maypamagat na “Ang Iyong Companion” (sa section na “Pakikipag-ugnayan sa Iba”) saMissionary Handbook (mga pahina 29–30). Pagkatapos ay itanong:

• Paano ninyo nagamit ang isang alituntuning matatagpuan sa mga talatang ito paramapalakas ang iyong pakikipag-ugnayan sa miyembro ng pamilya o sa kaibigan?

Magtapos sa pag-anyaya sa iyong mga estudyante na magpatotoo tungkol kay Cristoat sa kahalagahan ng pagiging katulad Niya.

Mga Imbitasyon para KumilosTulungan ang mga estudyante na matanto na ang proseso ng pagkakaroon ng mgakatangian ni Cristo ay nangangailangan ng tulong ng Panginoon at ng matindingpersonal na pagsisikap. Hikayatin ang mga estudyante na kumpletuhin ang isa omahigit pa sa sumusunod na iminungkahing mga aktibidad bilang bahagi ng kanilangpagsisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas:

• Pumili ng isa sa mga katangian ni Cristo mula sa kabanata 6 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo at pag-aralan pa ito gamit ang banal na kasulatan, pati na ang BibleDictionary, Topical Guide, index, at iba pa. Lumikha ng isang plano upanglubusang mapagyaman ang katangiang iyon sa iyong buhay. Ibahagi ang iyongplano sa iyong mga magulang o pinagkakatiwalaang kaibigan.

• Isipin kung ano ang magagawa ninyo para maging higit na katulad ni Cristo sainyong pamilya, mga kaibigan (kapwa miyembro at di-miyembro), at mga lider ngSimbahan. Isulat ang partikular na mga ideya ninyo at gawin ang mga ito salinggong ito.

• Magtakda ng ilang goal o mithiin sa kung paano kayo makapaghahanda paramaiwasan ang pagtatalo sa magiging missionary companion ninyo.

• Maghanap ng mga paraan para ipadama ang pagmamahal sa mga kapamilya atkaibigan at paglingkuran sila nang may tiyaga at pag-ibig.

LESSON 9: PAGKAKAROON NG MGA KATANGIANG TULAD NG KAY CRISTO

69

Page 90: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

10 Pagtuturo ng Plano ngKaligtasan (Part 1)

PambungadAng plano ng kaligtasan ay ang plano ng Ama sa Langit para sakaligayahan ng Kanyang mga anak. Ito ay nakasentro saPagbabayad-sala ni Jesucristo at nagtuturo kung bakit kailanganang Pagbabayad-sala. Sinasagot din ng plano ng Ama sa Langitang mga tanong na “Saan ako nanggaling?,” “Ano ang layunin ko

sa buhay?,” at “Saan ako pupunta kapag namatay ako?” Dapatmalinaw na nauunawaan ng mga prospective missionary angdoktrina ng plano ng kaligtasan at maging handang ipaliwanag itosa simpleng paraan at patotohanan ito nang may kapangyarihan.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang 2 Nephi 2:22–25; Alma 12:32–34; Moses 1:39.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 52–55.

• Maghandang ipalabas ang video na “God Is Our Father” (3:05), na maaaringmakuha sa LDS.org.

• Maghandang ipalabas ang video na “The Plan of Salvation” (4:30), na available saLDS.org.

Mga Mungkahi sa PagtuturoBuhay Bago Tayo Isinilang: Ang Layunin at Plano ng Diyos para sa AtinIpakanta sa klase ang himno na “Ako ay Anak ng Diyos” bilang bahagi ng pambungadna debosyonal. Para simulan ang lesson, iparepaso nang tahimik ang mga titik saunang verse ng “Ako ay Anak ng Diyos,” at ipahanap sa kanila ang anumang doktrinao alituntuning matatagpuan sa mga titik ng awitin.

Ako ay anak ng Diyos,Dito’y isinilang,Handog sa ‘kin ay tahana’tMabuting magulang.Akayin at patnubayan,Sa tamang daan.Turuan ng gagawin,Nang S’ya’y makapiling.(“Ako ay Anak ng Diyos,” Mga Himno, blg. 189.)

Paalala: Bilang isa pang opsiyon, maaari mong simulan ang klase sa pagpapalabas ng video na “GodIs Our Father” (3:15). Pagkaraan ng ilang sandali ng pagtalakay sa video, ipakanta sa klase ang “Ako

ay Anak ng Diyos.”

Pagkaraan ng ilang sandali, imbitahin ang mga estudyante na ipaliwanag anganumang mahahalagang doktrina o alituntunin na natagpuan nila sa himno. Kungkailangan, maaari mong itanong ang sumusunod:

• Ano ang ipinahihiwatig ng mga titik na ito tungkol sa ating buhay bago tayopumarito sa lupa?

• Ano ang ipinahihiwatig ng mga titik tungkol sa layunin ng buhay dito sa lupa?

70

Page 91: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Sabihin sa mga estudyante na bilang mga missionary, magkakaroon sila ngpagkakataong ituro ang tungkol sa layunin ng buhay. Ipabasa nang malakas sa isa omas marami pang estudyante ang unang dalawang talata ng bahaging may pamagatna “Buhay Bago ang Buhay sa Mundo: Layunin at Plano ng Diyos para sa Atin” sapahina 52 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.

Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer ngKorum ng Labindalawang Apostol:

“Wala nang mas malalim na katotohanang ipinaalam sa atin sa panunumbalik kaysa sakaalaman tungkol sa ating premortal na buhay. Walang ibang simbahan na nakaaalamo nagtuturo ng katotohanang ito. Ang doktrina ay ibinibigay lamang bilang outline,ngunit ang pinakamahahalagang impormasyon ay inulit nang madalas sa mgapaghahayag para tiyakin sa atin ang ilang mahahalagang katotohanan” (Our Father’s

Plan [1984], 14).

Itanong:

• Paano nakapagbibigay ng higit na kahulugan sa ating buhay ang kaalaman tungkolsa buhay bago tayo isinilang at na namuhay tayo bilang mga espiritung anak ngating Ama sa Langit? (Habang sumasagot ang mga estudyante, maaari mongbigyang-diin ang alituntuning ito: Kapag nauunawaan natin na tayo ay mgaanak ng Ama sa Langit, nagiging mas makabuluhan ang ating buhay salupa.)

Para matulungan ang mga estudyante na palalimin ang kanilang pagkaunawasa alituntuning ito, ipalabas ang video na “God Is Our Father” (3:05), at sabihin

sa mga estudyante na pakinggan ang mga pagpapalang inilarawan ng mga tao savideo.

Matapos panoorin ng mga estudyante ang video, itanong ang sumusunod:

• Ano ang ilang pagpapalang inilarawan ng mga tao sa video na dumating dahil sakaalaman na sila ay mga anak ng Diyos?

• Paano nakatulong ang kaalaman na kayo ay anak ng Diyos sa pagkakaroon ninyong mas makabuluhang buhay?

Sabihan ang ilang estudyante na magpalitan sa pagbabasa nang malakas sa unangapat na talata sa pahina 53 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Sabihan ang klase nahanapin ang mga doktrina at alituntunin na nagtuturo kung ano ang layunin ng Diyospara sa Kanyang mga anak at kung paano tinutupad ng plano ng kaligtasan anglayuning iyon. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang gagawin ng plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak? (Maaaringkabilang sa sagot ng mga estudyante ang doktrina na ginagawang posible ngplano ng kaligtasan na matamasa ng lahat ng anak ng Diyos ang mgapagpapala ng kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan. Kungkailangan ng paglilinaw, maaari mong banggitin ang kahulugan ng imortalidad atkadakilaan sa pahina 64 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Bigyang-diin na angbuhay na walang hanggan ay ang uri ng pamumuhay ng Diyos.)

LESSON 10: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 1)

71

Page 92: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagsasaulo. Angpagsasaulo aymakakatulong sa mgaestudyante na kilalaninat mahalin ang mgapiling talata ng banal nakasulatan. Masmalamang din naipaalala sa kanila ngEspiritu Santo ang mgatalatang ito sa kanila saoras ng pangangailangan(tingnan sa Juan 14:26).Sa pag-imbita mo sa mgaestudyante na isaulo angmga talata, tiyakingiakma ang mgainaasahan sa kakayahanat kalagayan ng bawatestudyante. Hindi dapatmadama ng mgaestudyante nanapapahiya sila o labisang ipinagagawa sakanila kung nahihirapansila sa pagsasaulo ngmga talata.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang doktrinang ito, ipabasa atipasaulo sa kanila ang Moises 1:39. Matapos silang magkaroon ng ilang sandali paramagsaulo at magsanay sa pagbigkas ng talatang ito, itanong:

• Paano makakaapekto sa mga pagpiling ginagawa sa araw-araw ng mga investigatorang pagtuturo sa kanila na ang layunin ng Diyos ay ang isakatuparan ang atingkawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para pag-isipang mabuti ang papel naginagampanan ng mga missionary sa pagtulong sa Ama sa Langit sa Kanyang gawain“na isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao”(Moises 1:39). Imbitahin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga iniisip saisa pang estudyante o isulat ang kanilang mga ideya sa isang study journal.

Ang Paglikha at ang Ating Pisikal na KatawanIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang bahaging may pamagat na “AngPaglikha” sa pahina 53 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Sabihin sa mga estudyante nahanapin ang kahalagahan ng Paglikha sa plano ng kaligtasan ng Diyos. Pagkatapos ayitanong:

• Bakit itinuturing nating mahalagang bahagi ng plano ng kaligtasan ng Diyos angpaglikha ng mundo? (Para umunlad at maging katulad ng Diyos, bawat isa saatin ay kailangang pumarito sa lupa upang magkaroon ng katawan atsubukin sa isang panahon ng pagsubok.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ngpagtanggap ng pisikal na katawan, idispley at basahin nang malakas ang sumusunodna pahayag ni Sister Susan W. Tanner noong siya pa ang Young Women generalpresident. Ipahanap sa mga estudyante ang dahilan kung bakit sabik ang bawat isa saatin na tumanggap ng pisikal na katawan.

“Sa mundo bago tayo isinilang nalaman natin na ang katawan ay bahagi ng dakilangplano ng kaligayahan ng Diyos para sa atin. Tulad ng nakasaad sa pagpapahayagtungkol sa mag-anak: ‘Kilala at sinamba ng mga espiritung anak na lalaki at anak nababae ang Diyos bilang kanilang Walang Hanggang Ama at tinanggap ang Kanyangplano na naglaan sa Kanyang mga anak na magkamit ng pisikal na katawan at

magtamo ng karanasan sa mundo upang umunlad patungo sa kaganapan at sa huli ay makamtanang kanilang banal na tadhana bilang tagapagmana ng buhay na walang hanggan.’ Katunayan,tayo’y naghiyawan sa kagalakan’ (Job 38:7) na maging bahagi ng planong ito.

“Bakit tayo galak na galak? Dahil naunawaan natin ang mga walang-hanggang katotohanan tungkolsa ating katawan. Nalaman natin na ang ating katawan ay larawan ng Diyos. Alam nating tatahanang ating espiritu sa ating katawan. Naunawaan din natin na ang ating katawan ay daranas ng sakit,karamdaman, kapansanan, at tukso. Ngunit handa tayo, at sabik pa nga, na tanggapin ang mgahamong ito dahil alam natin na kapag hindi mapaghiwalay ang espiritu at elemento, magigingkatulad tayo ng ating Ama sa Langit (tingnan sa D at T 130:22) at ‘tatanggap ng ganap na kagalakan’(D at T 93:33)” (“Ang Kabanalan ng Katawan,” Ensign o Liahona, Nob. 2005, 13).

Pagkatapos ay itanong:

• Sa premortal na daigdig, anong mga katotohanan ang naunawaan natin paramasabik tayong pumarito sa lupa at tumanggap ng pisikal na katawan?

• Bakit tayo handa at sabik noon na pumarito sa lupa kahit alam natin na mahaharaptayo sa mahihirap na hamon sa buhay na ito?

LESSON 10: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 1)

72

Page 93: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para pag-isipan ang sumusunod natanong: Paano ninyo ipaliliwanag sa isang investigator kung paano tayo tinutulunganng ating mortal na karanasan na umunlad para maging tulad ng ating Ama sa Langit?Kung may oras pa, anyayahan silang pag-aralan ang mga reperensya sa banal nakasulatan sa kahon na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan sa ilalim ng “AngPaglikha” sa pahina 53 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkaraan ng isang minuto omahigit pa, sabihin sa mga estudyante na bumaling sa katabi nila at ipaliwanag angkanilang sagot sa tanong.

Karapatang Pumili at ang Pagkahulog nina Adan at EvaIsulat ang kasunod na mga pamagat sa pisara:

Ang maaaring gawin nina Adan atEva sa Halamanan

Ang hindi maaaring gawin nina Adan atEva sa Halamanan

Imbitahin ang mga estudyante na pag-aralan ang 2 Nephi 2:22–25 at ang bahaging“Karapatang Pumili at ang Pagkahulog nina Adan at Eva” sa pahina 54 ng Mangaral ngAking Ebanghelyo. Habang binabasa nila, pagawin ang kalahati ng klase ng listahan ngmaaaring gawin nina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden (maaari silang mabuhaymagpakailanman sa inosenteng kalagayan, maaari nilang gamitin ang kanilangkalayaan sa paggawa ng mga desisyon). Pagawin ang natitirang kalahati ng klase nglistahan kung ano ang hindi maaaring gawin nina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden(hindi sila maaaring umunlad o dumanas ng oposisyon, hindi sila makakaranas nggalak o kalungkutan o pasakit o dusa, hindi sila maaaring magkasala, hindi siladaranas ng sakit o paghihirap, hindi sila maaaring magkaroon ng mga anak).Pagkaraan ng ilang minuto, ipabahagi sa mga estudyante ang napag-alaman nila. Sapagsagot nila, ipasulat sa isang miyembro ng klase ang sagot ng mga estudyante sapisara.

Ituon ang pansin ng mga estudyante sa mga katagang pisikal na kamatayan atespirituwal na kamatayan sa pahina 54 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Siguromauunawaan ng lahat ng estudyante na ang pisikal na kamatayan ay tumutukoy sakamatayan ng katawan. Tulungan silang maunawaan na ang espirituwal na kamatayanay tumutukoy sa pagkawalay sa piling ng Diyos. Ang kapwa kamatayang ito ay resultang Pagkahulog ni Adan. Sa pamamagitan lamang ng Pagbabayad-sala ni Jesucristonatin mapagtatagumpayan ang dalawang kamatayan.

Mapapalalim mo ang pang-unawa ng mga estudyante na mahalaga ang Pagkahulog saplano ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagdidispley ng sumusunod na sipi mula kayPangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972) at sa pagpapabasa dito ng malakas ngisang estudyante:

“Nang si Adan ay itinaboy palabas ng Halamanan ng Eden, siya ay hinatulan ngPanginoon. Sa ilang tao ang kahatulang iyon ay isang kakila-kilabot na bagay. Hindiiyon kakila-kilabot; iyon ay isang pagpapala. Hindi ko alam na totoong maituturingitong nakabalatkayong kaparusahan.

“Upang matamo ng sangkatauhan ang kaligtasan at kadakilaan kailangan silangmagkaroon ng katawan sa mundong ito, at malampasan ang mga karanasan at pag-aaral na tangingsa mortalidad matatagpuan. Sinabi ng Panginoon na ang Kanyang gawain at kaluwalhatian ay,

LESSON 10: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 1)

73

Page 94: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

‘isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao’ (Moises 1:39). Kungwalang mortalidad ang dakilang pagpapalang ito ay hindi maisasakatuparan. Kaya nga, ang mgadaigdig ay nilikha at tinirahan ng mga anak ng Diyos, at pinagkalooban sila ng pribilehiyo namaranasan ang mabuhay sa mundo, taglay ang dakilang kaloob na kalayaang pumili. Sapamamagitan ng kaloob na ito pinipili nila ang mabuti o masama, at sa gayon ay tatanggap nggantimpala sa darating na mga kawalang-hanggan. Dahil sa paglabag ni Adan narito tayo sa mortalna buhay. …

“Ang pagkahulog ng tao ay isang pagpapalang nakabalatkayo, at ito ang paraan upang maisulongang mga layunin ng Panginoon sa pag-unlad ng tao, sa halip na maging hadlang sa kanila” (Doctrinesof Salvation, tinipon ni Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954–56], 1:113–14).

Pagkatapos ay itanong:

• Bakit angkop na ituring ang Pagkahulog nina Adan at Eva na mahalagang bahaging plano ng kaligtasan ng Diyos? (Ang Pagkahulog nina Adan at Eva angnagtulot sa mga espiritung anak ng Diyos na magkaroon ng pisikal nakatawan at ginawa nitong posible ang kanilang pag-unlad at maging katuladNiya.)

Imbitahin ang mga estudyante na repasuhin ang kahon na “Pagtuturo Tungkol saPagkahulog” sa pahina 54 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay sabihin samga estudyante na ipaliwanag sa sarili nilang mga salita ang doktrina ng Pagkahulogsa katabi nilang estudyante.

Ang Ating Buhay sa LupaIpalabas ang video na “The Plan of Salvation” (4:30) o ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na sipi mula kay Pangulong Boyd K. Packer

ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ipahanap sa mga estudyante ang mga paraanna ang tatlong-yugtong dula-dulaan ay sumasagisag sa plano ng kaligtasan:

“Ang plano ng pagtubos, na may tatlong bahagi, ay maitutulad sa malaking tatlong-yugtong dula-dulaan. Ang yugto 1 ay pinamagatang ‘Buhay Bago Tayo Isinilang.’Inilalarawan ito ng mga banal na kasulatan bilang una nating kalagayan (tingnan saJudas 1:6; Abraham 3:26, 28). Ang yugto 2, mula pagsilang hanggang pagkabuhay namag-uli, ang ‘Ikalawang Kalagayan.’ At ang yugto 3 ay tinatawag na ‘Kabilang Buhay’ o

‘Buhay na Walang Hanggan.’

“Sa mortalidad, para tayong mga artistang pumapasok sa isang teatro pagkataas ng kurtina saikalawang yugto. Nalagpasan natin ang yugto 1. Ang produksyon ay maraming malalaki at maliliit naplanong magkakaugnay, na nagpapahirap na maisip kung sino ang nauugnay kanino at ano angnauugnay saan, sino ang mga bida at sino ang mga kontrabida. Mas kumplikado pa nga dahil hindilang tayo manonood; kasama tayo sa mga tauhan, sa entablado, sa gitna ng mga pangyayari!

“Bilang bahagi ng walang hanggang plano, ang alaala ng ating buhay bago tayo isinilang, yugto 1, aynatatabingan. Yamang pumapasok tayo sa mortalidad sa simula ng yugto 2 nang walang alaala ngyugto 1, hindi kataka-taka na mahirap maunawaan ang nangyayari. …

“Kung kaginhawahan at kapayapaan at kaligayahan lamang ang inaasahan ninyo sa yugto 2, tiyak namabibigo kayo. Kakatiting ang mauunawaan ninyo tungkol sa nangyayari at kung bakit tinutulutangmagkaganito ang mga bagay-bagay.

“Tandaan ninyo ito! Ang linyang ‘At sila ay nabuhay nang maligaya magpakailanman’ ay hindikailanman isinulat sa ikalawang yugto. Ang linyang ito ay nasa ikatlong yugto, kapag nalutas na angmga hiwaga at naitama na ang lahat. …

LESSON 10: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 1)

74

Page 95: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“May kung anong iskrip na sinusunod ang malaking dula-dulaang ito, ang dula ng mga panahon.Binabalangkas nito, nang maikli kahit paano, kung ano ang nangyari sa yugto 1—ang buhay bagotayo isinilang. Bagama’t walang masyadong detalye, nililinaw ng iskrip ang layunin ng lahat ng ito, atsapat ang inihahayag nito ukol sa plano upang tulungan kayong maunawaan kung tungkol saan angbuhay.

“Ang iskrip na iyon, na dapat ay alam na ninyo, ay ang mga banal na kasulatan—ang mgapaghahayag. Basahin ang mga ito. Pag-aralan ang mga ito. Sinasabi nito sa inyo kung ano ang tao,kung bakit ‘inaalala siya’ ng Diyos, at kung bakit tayo naging ‘mas mababa kaysa mga anghel’ at‘maputungan … nang may kaluwalhatian at karangalan’ (Mga Awit 8:4–5).

“Ang mga banal na kasulatan ay nagsasabi ng katotohanan. Mula sa mga ito, sapat na angmalalaman ninyo tungkol sa lahat ng tatlong yugto para mabuhay ayon sa mga katotohanan atmagabayan sa inyong buhay. Inihahayag dito na ‘kayo rin sa simula ay kasama ng Ama; na yaongEspiritu, maging ang Espiritu ng katotohanan;

“‘At ang katotohanan ay kaalaman ng mga bagay sa ngayon, at sa nakalipas, at sa mga darating pa’(D at T 93:23–24)” (Boyd K. Packer, “The Play and the Plan” [Church Educational System fireside,Mayo 7, 1995], 2–3; si.lds.org).

Pagkatapos ay magtanong ng gaya ng mga sumusunod:

• Sa paanong paraan isinasagisag ng isang tatlong-yugtong dula ang ilan sa mgaelemento ng plano ng kaligtasan?

• Ayon sa analohiyang ito, bakit mahirap maunawaan ng maraming tao ang layuninng buhay sa lupa?

• Ayon sa analohiyang ito, saan natin matatagpuan ang iskrip para sa malakingtatlong-yugtong dulang ito?

• Paano matutulungan ng mga banal na kasulatan ang mga anak ng Diyos na masmaunawaan ang kanilang layunin sa plano ng Diyos?

Ipaliwanag sa mga estudyante na kapag itinuturo ng mga missionary ang plano ngkaligtasan, tinutulungan nila ang mga investigator na mas maunawaan ang layunin ngmortalidad at kung paano tayo makakabalik sa piling ng Ama sa Langit (tingnan saAlma 12:32–34). Ipabasa sa mga estudyante ang bahaging may pamagat na “Ang AtingBuhay sa Lupa” sa pahina 55 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Matapos silangmagkaroon ng sapat na panahon para basahin ang bahagi, itanong:

• Paano ninyo ipaliliwanag ang layunin ng buhay na ito sa isa o dalawangpangungusap?

Sabihin sa mga estudyante na mahalagang maunawaan ng mga investigator na angpaghahanda natin sa pagbalik sa piling ng Diyos ay nakasalalay sa mga desisyongginagawa natin sa ating buhay sa lupa. Ang mga desisyon na sundin ang mga utos ngDiyos ay makakatulong sa atin na mas mapalapit sa ating Ama sa Langit, samantalangang paglabag sa mga utos ng Diyos ay humahadlang sa pagbalik natin sa Kanyangpiling. Isulat sa pisara ang sumusunod:

Mga bunga ng kasalanan:

Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang mga bunga ng kasalanan? (Kung kinakailangan, hikayatin ang mgaestudyante na repasuhin ang ikalawang talata ng “Ang Ating Buhay sa Lupa” sa

LESSON 10: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 1)

75

Page 96: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

pahina 55 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Bagama’t gagamit sila ng medyokakaibang mga salita, dapat maunawaan ng mga estudyante ang mgakatotohanang ito: Ang kasalanan ay humahantong sa kalungkutan atnagdudulot ng pagkakonsiyensya at kahihiyan. Ginagawa tayo nitong marumiat di-karapat-dapat na pumasok sa kinaroroonan ng Diyos. Pinipigilan tayo ngkasalanan sa pagbalik sa ating Ama sa Langit maliban kung tayo ay pinatawad.)

• Paano nakatutulong ang pag-unawa sa mga bunga ng kasalanan sa paghahanda samga investigator na tanggapin ang mensahe ng Pagbabayad-sala?

Ipaalala sa mga estudyante na sa buhay na ito daranas tayo ng espirituwal nakamatayan—nakawalay tayo sa piling ng Diyos. Itanong sa mga estudyante:

• Paano tayo tinutulungan ng ebanghelyo ni Jesucristo na madaig ang kamatayangespirituwal at makabalik sa piling ng Diyos? (Habang sumasagot ang mgaestudyante maaari ninyong itanong sa kanila kung paano nakakatulong angpananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, pagbibinyag sa pamamagitan ngpaglulubog sa tubig, at ang kaloob na Espiritu Santo sa bawat isa sa atin na madaigang mga epekto ng Pagkahulog at ihanda tayo sa pagbalik sa piling ng Diyos.)

Mahalagang bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong magpraktis na ipaliwanagang mga elemento ng plano ng kaligtasan na tinalakay sa lesson na ito. Makatutulongito para mas maunawaan nila ang mga doktrina at alituntunin na ituturo nila sa mgainvestigator.

Gawing pares-pares ang mga estudyante. Bigyan ng sapat na oras ang mga pares paramaghandang magturo ng lima- hanggang sampung-minutong lesson tungkol salayunin ng ating buhay sa lupa. Iparebyu sa mga estudyante ang mga materyal sa mgapahina 53–55 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabilang na ang mga banal nakasulatan mula sa mga kahon ng Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan. Kungmayroon, maaari din nilang pag-aralan ang mga pahina 2–9 ng missionary pamphletna may pamagat na Ang Plano ng Kaligtasan. Habang naghahanda ang mga estudyante,maglakad-lakad sa klase at tulungan silang maghanda ng simple at maiiklingpaliwanag tungkol sa mga elemento ng plano ng kaligtasan. Muling pagtibayin na angpaggamit ng mga talata ng banal na kasulatan sa kanilang mensahe at pagpapatotoosa mga doktrina at alituntunin na itinuturo nila ay magdaragdag ng kapangyarihan sakanilang mga lesson.

Matapos magkaroon ang mga estudyante ng sapat na oras para rebyuhin ang materyalat maghanda ng maikling lesson, atasan ang bawat pares ng mga estudyante na turuanang isa pang pares. Pagkatapos ay sabihan silang magpalitan para magkaroon angbawat pares ng pagkakataong makapagturo nang minsan. Sa pagtatapos ng karanasansa pagtuturo ng bawat pares, sabihing talakayin nila sa mga estudyanteng tinuruannila ang sumusunod:

• Ano ang napakainam na ginawa ng mga guro?

• Anong mga pamamaraan ang maaari sanang nakapagpalakas pa ng bisa ngpresentation?

Pagkatapos magkaroon ang bawat pares ng pagkakataong magpraktis at mag-evaluateng kanilang pagtuturo, anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi sa klaseng mga ideya mula sa kanilang mga karanasan.

LESSON 10: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 1)

76

Page 97: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Patuloy napagpapabuti. Ang mgaguro at missionary aykapwa kailangangmatutuhan ang mgaalituntunin ngepektibong pagtuturo atmagpakasanay saepektibong pagtuturonang taludtod sataludtod sapamamagitan ng pag-aaral, pananampalataya,pagpapraktis, atkaranasan. Ang dapatmithiin ng bawatmissionary ay katawaninhangga’t maaari angTagapagligtas ngsanlibutan at maging“isang guro na nagbuhatsa Diyos” (Juan 3:2). Angmga tumatawag saPanginoon araw-araw aymadarama ang Kanyangtulong habang sinisikapnilang pagbutihin pa.

Tapusin ang lesson sa pagsusulat ng sumusunod na pahayag sa pisara at paghiling samga estudyante na isipin kung paano madaragdagan ng mga alituntuning ito anghangarin nilang magmisyon:

Bawat taong nakikilala ninyo ay anak ng Ama sa Langit at minamahal Niya.

Bawat taong nakikilala ninyo ay may nadaramang kalungkutan na dulot ng mgakasalanan na hindi pa nalulutas sa pamamagitan ng nakapaglilinis na Pagbabayad-salani Cristo.

Imbitahin ang ilang estudyante na ibahagi ang nadarama nila habang pinag-iisipanang mga pahayag na ito. Isiping tapusin ang lesson sa pagtatanong sa mga estudyantekung mayroon sa kanilang gustong magpatotoo sa klase tungkol sa mga doktrinangnauugnay sa plano ng kaligtasan.

Mga Imbitasyon para KumilosImbitahin ang mga estudyante na palalimin ang kanilang pagkaunawa sa plano ngkaligtasan at paghusayin ang kanilang kasanayan sa pagtuturo sa pamamagitan ngpagpili ng isa sa sumusunod na mga aktibidad na gagawin sa labas ng klase:

• Rebyuhin ang bahaging “Mahahalagang Depinisyon” sa mga pahina 64–65 ngMangaral ng Aking Ebanghelyo. Magpraktis na ipaliwanag ang bawat isa sa mgasalitang ito gamit ang simpleng pahayag ng katotohanan.

• Repasuhin ang mga talata sa banal na kasulatan na matatagpuan sa mga kahon saPag-aaralang Banal na Kasulatan sa mga pahina 53–54 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Pumili ng isa o dalawang talata na gusto mong gamitin upang ituro angbawat isa sa iba’t ibang bahagi ng plano ng kaligtasan at markahan ang mga ito sainyong banal na kasulatan. Isiping isaulo ang isa o higit pang mga talata.

• Gumawa ng outline para sa pagtuturo ng plano ng kaligtasan. Isiping gamitin angmga ideya sa lesson plan na nasa mga pahina 60–63 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo bilang reperensya.

• Isipin ang isang pagkakataon na pinagpala ng inyong kaalaman tungkol sa planong kaligtasan ang inyong buhay. Ibuod ang karanasang iyon sa iyong study journalo ibahagi ito sa isang kaibigan.

LESSON 10: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 1)

77

Page 98: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

11 Pagtuturo ng Plano ngKaligtasan (Part 2)

PambungadAng plano ng kaligtasan ay naglaan ng isang Tagapagligtas upangmadaig ang mga epekto ng Pagkahulog ni Adan. Sa pamamagitanng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, maaari nating madaig angkamatayan, kasalanan, at kalungkutan. Bukod dito, tayo aymabubuhay na mag-uli at ang mabubuti ay babalik sa piling ng

Diyos at magiging katulad Niya. Dapat malinaw na nauunawaanng mga prospective missionary ang doktrina ng plano ngkaligtasan at maging handang ipaliwanag ito sa simpleng paraanat patotohanan ito nang may kapangyarihan.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Isaias 53:3–5; I Mga Taga Corinto 15:20–22; Alma 7:11–13; Alma

11:42–44; Alma 34:8–9; at Doktrina at mga Tipan 19:15–19.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 56–59.

• Maghandang ipalabas ang video na “For God So Loved the World” (4:48), naavailable sa LDS.org.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Pagbabayad-sala ni JesucristoBago magsimula ang klase, isulat sa pisara ang sumusunod:

“Ibinubuod ng [Juan 3:16] ang buong plano ng kaligtasan” (Elder Bruce R. McConkie).

Kapag nagsimula na ang klase, ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Juan 3:16at pag-isipan kung paanong ang talatang ito ay “ibinubuod ang buong plano ngkaligtasan.”

Matapos magkaroon ng ilang sandali ang mga estudyante para magbasa at magnilay-nilay, anyayahan silang talakayin kung paano ibinubuod ng talatang ito ang plano ngkaligtasan. Kung kailangan, maaari ninyong basahin ang mas buong pahayag tungkolsa Juan 3:16 na ginawa ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Ito marahil ang pinakabantog at pinakamabisang binabanggit na talata ng mga banalna kasulatan. Ibinubuod nito ang buong plano ng kaligtasan, na nagbibigkis sa Ama, saAnak, sa kanyang pagbabayad-sala, ang paniniwala sa kanya na nangangahulugan ngmabubuting gawa, at walang-hanggang kadakilaan sa dakong huli para sa matatapat”(Doctrinal New Testament Commentary, 3 tomo [1965–73], 1:144).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang talata sa bahaging “AngPagbabayad-sala” sa pahina 56 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ayitanong:

• Paano ninyo sasabihin, sa isang pangungusap, kung bakit ang pagbabayad-sala niJesucristo ay napakahalaga para sa bawat anak ng Diyos? (Dapat kasama sa sagot

78

Page 99: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

ng mga estudyante ang doktrina na ginawang posible ng Pagbabayad-sala niJesucristo na madaig natin ang mga epekto ng Pagkahulog.)

• Ano ang mga epekto ng Pagkahulog na nararanasan nating lahat? (Ang mgapangunahing epekto ay ang [1] pisikal na kamatayan, [2] kasalanan at espirituwalna kamatayan [pagkawalay sa Diyos], at [3] pagdurusa at kalungkutan.)

Habang sumasagot ang mga estudyante, isiping ilista ang kanilang mga sagot sa isanghanay sa pisara sa ilalim ng pamagat na “Mga Epekto ng Pagkahulog.” Pagkatapos aypunan ang isang hanay sa kanan na may pamagat na “Paano dinadaig ng Pagbabayad-sala ang mga epekto ng Pagkahulog” (o idispley ang table na ito gamit ang ibangparaan):

Mga Epekto ng Pagkahulog Paano dinadaig ng Pagbabayad-sala ang mga epektong Pagkahulog

Kamatayang Pisikal I Mga Taga Carinto 15:20–22

Alma 11:42–45

Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 56, “AngPagbabayad-sala,” talata 2

Kasalanan at Espirituwalna Kamatayan

Alma 34:8–9

D at T 19:15–19

Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 56–57, “AngPagbabayad-sala,” talata 3–5

Pagdurusa at Kalungkutan Isaias 53:3–5

Alma 7:11–13

Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 56–57, “AngPagbabayad-sala,” talata 6

Hatiin sa tatlo ang klase, at atasan ang bawat isa sa tatlo na pag-aralan ang mgareperensya sa isa sa tatlong kategorya sa tsart. Hilingin sa mga estudyante namaghandang ibahagi kung paano nakatulong ang mga materyal na pinag-aralan sapagpapaliwanag kung paano dinadaig ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang mgaepekto ng Pagkahulog. Sabihin sa mga estudyante na ang mga talata sa tsart na ito aykumakatawan sa maraming talata na magagamit para mailarawan ang doktrina ngPagbabayad-sala at na dapat nilang pag-aralan ang karagdagang mga talata para samas malalim na pagkaunawa sa doktrinang ito. Matapos silang bigyan ng sapat ngoras para mag-aral, anyayahan ang ilang estudyante mula sa tatlong grupo naipaliwanag ang napag-aralan nila at kung paano ito ay tumutulong sa atin namaunawaan kung paano tayo mapagpapala ng Pagbabayad-sala.

Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para isulat ang ilang pangungusap nanagbubuod o nag-a-outline kung ano ang gusto nilang ituro sa kanilang investigatortungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Pagkaraan ng ilang minuto, isiping tawaginang ilang estudyante para basahin sa klase ang kanilang isinulat.

LESSON 11: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 2)

79

Page 100: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Nadarama angkatotohanan atkahalagahan ng isangdoktrina o alituntunin.Bagamat maaaringmatukoy at maunawaanng mga estudyante angmga alituntunin atdoktrina ng ebanghelyo,kadalasan hindi silanahihikayat na ipamuhayang mga ito hangga’thindi nila nadarama angkatotohanan atkahalagahan ng mga itosa pamamagitan ngEspiritu.

Patotoo ngestudyante.Matutulungan ninyo angmga estudyante namaging mas komportablesa pagbabahagi ngkanilang patotoo sapamamagitan ngpagbibigay sa kanila ngmaraming pagkakataonggawin ito sa klase.Itinuro ni PangulongBoyd K. Packer ng Korumng LabindalawangApostol na, “Angpatotoo ay matatagpuansa pagbabahagi nito! …Iba ang pagtanggap ngpatotoo mula sa nabasamo o sa sinabi ng isa pa… Iba rin naman angmagpatunay sa iyongkalooban ang Espiritu naang iyong pinatotohananay totoo” (“The Candleof the Lord,” Ensign, Ene.1983, 54–55).

Anyayahan ang Espiritu na tulungan ang mga estudyante na madama angkatotohanan at kahalagahan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa pamamagitan

ng pagpapalabas ng video na “For God So Loved the World” (4:48). Sabihin sa mgaestudyante na maghanap ng mga paraan na ipinakita ni Jesucristo ang Kanyangpagmamahal sa mundo.

Pagkatapos ipalabas ang video, itanong:

• Ano ang ilang paraan na ipinakita ni Jesucristo ang Kanyang pagmamahal sa iba?

• Paano kayo natutulungan ng video na ito na pahalagahan ang ministeryo atnagbabayad-salang misyon ng Tagapagligtas?

Imbitahin ang mga estudyante na balikan ang isinulat nila tungkol sa mga bagay nagusto nilang ituro sa investigator tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Bigyan silang ilan pang minuto para magsulat pa ng karagdagang mga pangungusap nanagbubuod sa kanilang pinaniniwalaan at maaaring patotohanan tungkol saPagbabayad-sala ni Jesucristo. Pagkaraan ng ilang minuto, atasan ang mga estudyantena makipagpares sa isa pang miyembro ng klase at mag-role-play sa bawat isa kungpaano sila magpapatotoo sa isang investigator tungkol sa Pagbabayad-sala niJesucristo.

Pagkatapos magkaroon ang bawat estudyante ng pagkakataong mag-role-play, tapusinang bahaging ito ng lesson sa pagtatanong ng:

• Bakit mahalagang regular na ibahagi ng mga missionary ang kanilang patotootungkol kay Jesucristo sa mga tinuturuan nila? (Maaari mong bigyang-diin na angisa sa mga papel na ginagampanan ng Espiritu Santo ay ang magpatotoo tungkolkay Jesucristo [tingnan sa Juan 15:26; 3 Nephi 11:32]; kaya nga, kapagnagpapatotoo tayo sa iba tungkol kay Jesucristo, inaanyayahan natin ang EspirituSanto na pagtibayin ang ating patotoo sa puso ng mga tinuturuan natin.)

Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung ano ang maaari nilang gawin parapalalimin ang kanilang pasasalamat at patotoo kay Jesucristo at sa KanyangPagbabayad-sala. Tiyakin sa mga estudyante na sa pagpapalalim ng kanilang patotoosa Tagapagligtas sila ay magiging mas handang anyayahan ang iba na lumapit kayCristo.

Ang Ating Walang-Hanggang TadhanaPatingnan sa mga estudyante ang diagram na nasa kahon na “Plano ng Kaligtasan” sapahina 59 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Imbitahin ang mga estudyante na pag-aralan muna ang diagram at pagkatapos ay idrowing ang sarili nilang version nanghindi tumitingin sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ang sarili nilang diagram aymaaaring kahit anong anyo, basta kabilang dito ang mahahalagang bahagi ng planong kaligtasan. Ipaalala sa mga estudyante na kailangang maipaliwanag ng mgamissionary ang mga pangunahing elemento ng plano ng kaligtasan sa simpleng mgakataga sa isang investigator.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang nilalaman namatatagpuan sa natitirang tatlong bahagi ng lesson 2 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo(mga pahina 57–59), sabihin sa mga estudyante na mag-ukol ng ilang minuto parabasahin ang mga bahagi at tukuyin ang mga doktrina, alituntunin, at ideya nakailangang malaman ng mga investigator. Habang nagbabasa ang mga estudyante,idispley ang mga pamagat ng bahagi sa isang tsart sa pisara:

LESSON 11: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 2)

80

Page 101: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ano ang kailangang malaman ng isang investigator?

Ang daigdig ngmga espiritu

Ang Pagkabuhay na Mag-uli, angPaghuhukom, at imortalidad

Mga kaharian ngkaluwalhatian

Maaaring makatulong sa mga estudyante na isa-isang pag-aralan ang mga bahagi atipabahagi ang mga doktrina, alituntunin, o ideya na natukoy nila bago basahin angsusunod na bahagi. Maaari mong anyayahan ang isang estudyante na irekord ang mgasagot ng klase sa ilalim ng tamang pamagat sa pisara. Isiping ipakopya sa mgaestudyante ang tsart sa kanilang study journal at punan o sulatan ito habangtinatalakay ng klase ang bawat bahagi.

Ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod ay makakatulong para masuri ng mgaestudyante ang kanilang binabasa:

• Ano ang magiging epekto sa atin ng ating mga desisyon dito sa lupa pagkataposnating mamatay?

• Paano makaaapekto sa ating mga desisyon ang pagkaunawa natin saPaghuhukom?

• Paano naaapektuhan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang bawat bahagdan ngating buhay (bago tayo isinilang, buhay na ito, at kabilang-buhay)?

• Bakit mahalagang maging malinaw at simple kapag ipinapakilala ang mgakatotohanang ito sa iba?

Ipaliwanag sa mga estudyante na ang isa sa mahahalagang doktrina ng Panunumbalikay na may potensiyal ang mga anak ng Diyos na maging katulad Niya. Binibigyan tayong ating maunawaing Ama sa Langit ng pag-asa na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaari tayong umunlad at matanggap ang pagpapala ng kadakilaan(tingnan sa “Kadakilaan,” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 64). Kahit nabalang-araw maaari tayong maging tulad ng Diyos, lagi pa rin natin Siyangsasambahin. Hinding-hindi mababago ng ating pag-unlad ang Kanyang identidadbilang ating Ama at ating Diyos. (Para sa karagdagang impormasyon ukol sa paksangito, tingnan sa Gospel Topics ang artikulong may pamagat na “Becoming Like God” salds.org/topics.)

Gawing pare-pares ang klase, at anyayahan ang bawat pares na maghandang turuanang isang tao tungkol sa layunin ng buhay at ano ang mangyayari sa atin pagkataposnating mamatay. Habang naghahanda sila, dapat sumangguni ang mga estudyante samga pahina 56–59 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo o sa mga pahina 10–15 samissionary pamphlet na Ang Plano ng Kaligtasan, kung mayroon nito. Hikayatin angmga estudyante na gumamit ng kahit isang talata sa banal na kasulatan habangnagtuturo sila. Hikayatin din sila na gamitin ang mga diagram ng plano ng kaligtasanna nilikha nila o ang diagram sa pahina 59 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Ipaliwanag na ang kanilang pagtuturo ay dapat simple at malinaw at dapat magtapossa kanilang patotoo. Mag-ukol ng sapat na panahon para makapagturo ang mgamagkakapares, at pagkatapos ay anyayahan ang bawat pares na makigrupo sa isa pangpares. Atasan ang isang pares ng mga estudyante na turuan ang dalawa pangestudyante.

LESSON 11: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 2)

81

Page 102: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Kapag natapos na ang mga magkompanyon sa kanilang pagtuturo, ipatalakay sabawat grupo ang sumusunod: Ano ang naging maayos sa pagtuturo? Paano pangpagbubutihin ng mga estudyante ang pagtuturo?

Pagkatapos ay magpalitan ng papel at hayaan ang mga estudyante na tinuruan na silanaman ang magturo sa ibang pares ng mga estudyante. Tiyaking may oras paramakatanggap sila ng feedback. Pagkatapos magturo ng bawat pares, anyayahan angmga miyembro ng klase na magbahagi sa klase ng mga ideya mula sa kanilang mgakaranasan.

Kung may oras pa, tapusin ang lesson sa pagbibigay ng iyong patotoo tungkol sa planong kaligtasan, o anyayahan ang mga miyembro ng klase na gawin din iyon.

Mga Imbitasyon para KumilosImbitahin ang mga estudyante na pumili ng isa o higit pa sa sumusunod na mgaaktibidad na gagawin sa labas ng klase para mapalalim ang kanilang pang-unawa saplano ng kaligtasan:

• Magsanay na idrowing ang diagram sa pahina 59 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyoat ipaliwanag ang mga pangunahing elemento ng plano ng kaligtasan, gamit angisang talata para suportahan ang bawat elemento.

• Isipin kung paano mo maituturo ang plano ng kaligtasan para tulungan ang isangtao na nawalan kamakailan ng isang kapamilya o mahal sa buhay. Sumulat ngmaikling buod o i-outline ang inyong mga ideya sa inyong study journal.

• Pag-aralan ang mensahe tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo mula sa isangmensahe sa huling pangkalahatang kumperensya. Tukuyin ang mga alituntuninmula sa mensahe na tutulong sa iyo na mas maunawaan ang Pagbabayad-sala niJesucristo. Gumawa ng listahan ng mga paraan na pinagpapala kayo araw-araw ngPagbabayad-sala.

• Manalangin para sa pagkakataong ibahagi ang plano ng kaligtasan sa isang tao namaaaring mapagpala ng mas mabuting pang-unawa sa plano ng Ama sa Langit.Pagkatapos ay kumilos nang may pananampalataya at ituro ang doktrinang itoupang pagpalain ang buhay ng tao.

LESSON 11: PAGTUTURO NG PLANO NG KALIGTASAN (PART 2)

82

Page 103: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

12Paghahanap ng mga TaongTuturuan

PambungadHindi maibabahagi ng mga missionary ang ebanghelyo hangga’twala silang nahahanap na taong tuturuan. Ang paghahanap ngmga tao ay nangangailangan ngpananampalataya—pananampalatayang kausapin ang mga taotungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo, pananampalatayang makitaang mga pagkakataong magturo, at pananampalataya na aakayinsila ng Diyos sa mga taong handang makinig. Ang pinakamabisangparaan sa paghahanap ng matuturuan ay sa pamamagitan ng mga

miyembro ng Simbahan. Lahat ng mga miyembro ng Simbahan,kabilang na ang mga prospective missionary, ay may personal naresponsibilidad na tumulong sa paghahanap ng mga taonghandang tanggapin ang ipinanumbalik na ebanghelyo. Ang mgakabataan ay maaaring maghanda para maglingkod nang full-timesa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo ngayon, kapwasa personal at sa pamamagitan ng online resources.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 18:10, 14–16; 33:6–11; 100:5–6.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 177, 183, 185, 194.

• Maghandang ipalabas ang video na “Developing the Faith to Find” (2:55), TheDistrict 1, na makukuha sa LDS.org

• Maghandang ipalabas ang video na “The Lord of the Harvest: The Adams Family”(4:41), na makukuha sa LDS.org.

• Maghandang ipalabas ang video na “Sharing Your Beliefs” (2:02), na makukuha saLDS.org.

• Atasan ang isa o dalawang estudyante nang maaga para ipakita ang isa o dalawa samga sumusunod sa klase: (1) paano gamitin ang LDS.org o mormon.org sapagbabahagi ng mga video o iba pang mga materyal gamit ang social media at (2)paano lumikha ng profile sa mormon.org.

Mga Mungkahi sa PagtuturoPagkakaroon ng Pananampalataya na Makakahanap ng mga Taong TuturuanIpaliwanag na si Pangulong Wilford Woodruff ay naglingkod bilang missionary saEngland pagkatapos siyang iorden bilang Apostol. Idispley at hilingin sa mgaestudyante na magpalitan sa pagbabasa nang malakas ng sumusunod na salaysay paraipakilala ang kahalagahan ng paghahangad sa tulong ng Panginoon sa paghahanap ngmatuturuan. Ipahanap sa klase ang ginawa ni Elder Woodruff sa paghahanap ngmatuturuan:

“Nanalangin si Elder Woodruff sa Panginoon … , itinatanong kung saan siya dapatmagpunta. Isinalaysay niya: ‘Dahil naniniwala ako na pribilehiyo at tungkulin ko angmalaman ang kagustuhan ng Diyos sa bagay na ito, kaya hiniling ko sa aking Ama saLangit sa pangalan ni Jesucristo na ituro sa akin ang kagustuhan niya sa bagay na ito,at habang nagtatanong ako, sumagot ang Panginoon, at ipinakita sa akin na gusto

niyang pumunta ako kaagad sa katimugang bahagi ng England. Nakipag-usap ako kay BrotherWilliam Benbow tungkol sa bagay na ito, na tumira noon sa Herefordshire at may mga kaibigangnakatira pa roon. Gustung-gusto niyang mabisita ko ang lugar na iyon, at bukas-palad [siyang] nag-

83

Page 104: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

alok na sasamahan ako sa bahay ng kanyang kapatid at babayaran ang pamasahe ko, na kaagad konamang tinanggap.’

“Noong ika-4 ng Marso, 1840, dumating sina Elder Woodruff at William Benbow sa tahanan ngkapatid ni William na si John. ‘Isang oras pagkarating ko sa bahay niya,’ paggunita ni PangulongWoodruff, ‘Nalaman ko kung bakit ako ipinadala ng Panginoon doon. … Natagpuan ko ang pangkatng mga anim na raang kalalakihan at kababaihan, na nagsama-sama sa ilalim ng grupong UnitedBrethren, at nagsisikap na iayos ang mga bagay-bagay ayon sa sinauna. Gusto nilang ituro sa kanilaang Ebanghelyo ayon sa pagkakaturo ng mga propeta at apostol, na ginusto ko rin noong kabataanko.’

“Sa masigasig na pag-aaral ng Biblia, inihanda ni John Benbow at ng kanyang pamilya at mgakaibigan ang kanilang sarili sa pagtanggap sa ipinanumbalik na ebanghelyo.

“Mabilis na tinanggap ng pamilyang Benbow ang mensahe ng Panunumbalik, at nagbalik si Williamsa Staffordshire ‘matapos makamit ang masayang pribilehiyong makita ang kanyang kapatid na siBrother John Benbow, at lahat ng kanyang kamag-anak, … na mabinyagan sa bago at walanghanggang tipan.’ Namalagi si Elder Woodruff sa lugar nang mga walong buwan. Ikinuwento niyakalaunan: ‘Sa unang tatlumpung araw pagkarating ko sa Herefordshire nagbinyag ako ng apatnapu’t-limang mangangaral at ilang daan pang miyembro. … Nakapagbinyag kami sa Simbahan ng 2,000katao pagkalipas ng mga walong buwang pagpupunyagi.’

“Sa pagtukoy sa karanasang ito, isinulat ni Pangulong Woodruf: ‘Ipinakita ng buong kasaysayan ngmisyong ito sa Herefordshire ang kahalagahan ng pakikinig sa marahan at banayad na tinig ng Diyosat sa mga paghahayag ng Espiritu Santo. Inihanda ng Panginoon ang mga tao roon para saEbanghelyo. Nagdarasal sila para sa liwanag at katotohanan, at ipinadala ako ng Panginoon sakanila’” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Wilford Woodruff [2005], 99).

Itanong sa mga estudyante:

• Ano ang ginawa ni Elder Woodruff upang malaman kung saan matatagpuan angmga taong handang tanggapin ang ebanghelyo?

• Sa paanong paraan tinulungan ng Panginoon si Elder Woodruff? (Maaari mongbanggitin sa mga estudyante na hindi lamang binigyang-inspirasyon ng Panginoonsi Elder Woodruff na magpunta sa timog ng England, kundi binuksan din Niya angdaan para makapagturo si Elder Woodruff sa bukirin ni John Benbow, kung saandaan-daang kalalakihan at kababaihan ang inihanda para tanggapin angipinanumbalik na ebanghelyo.)

• Anong alituntunin tungkol sa paghahanap ng matuturuan ang inilarawan ni ElderWoodruff sa kuwento? (Ang mga sagot ng estudyante ay maaaring ibuod sapagsulat ng sumusunod na mga alituntunin sa pisara: Matutulungan tayo ngPanginoon na hanapin ang mga taong inihanda para tanggapin angebanghelyo kapag nanalangin tayo para humingi ng tulong, makinig saEspiritu, at pagkatapos ay kumilos nang may pananampalataya.)

Hilingin sa klase na buklatin ang pahina 177 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, atipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang talata sa ilalim ng pamagat na“Pagkakaroon ng Pananampalataya sa Paghahanap ng Tuturuan.” Pagkatapos ayitanong:

• Paano nakakatulong ang kaalaman na “inihahanda ng Panginoon ang mga taopara tanggapin kayo at ang ipinanumbalik na ebanghelyo” para mahikayat kayongmaghandang magmisyon?

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

84

Page 105: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ipabasa sa mga estudyante ang kasunod na talata sa pahina 177 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo, sa ilalim ng subheading na “Ang Pamilya ng Diyos.” Pagkatapos ayitanong:

• Paano naiimpluwensyahan ng doktrina na ang lahat ng lalaki at babae ay bahagi ngpamilya ng Diyos ang inyong damdamin tungkol sa paghahanap ng mgamatuturuan?

• Sa sipi mula sa Alma 31:34–35, ano ang ipinagdasal ni Alma habang naghahandasiya para mangaral sa mga Zoramita?

• Ano ang matututuhan natin mula sa panalangin ni Alma?

Ipalabas ang video na “Developing the Faith to Find” (2:55), at sabihin sa mgaestudyante na maghanap ng mga ideya tungkol sa paghahanap ng mga taong

tuturuan. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isulat ang natutuhan nila.

Itanong:

• Anong mga ideya ang ibinigay ng mga missionary sa video na ito tungkol sapaghahanap ng matuturuan? (Maaaring ganito ang ibigay na mga sagot ng mgaestudyante: Dapat manalangin ang mga missionary para sa mga pagkakataon,mahalin ang iba at tingnan sila tulad ng pagtingin sa kanila ng Diyos, at tandaanna inihahanda ng Panginoon ang Kanyang mga anak para tanggapin angebanghelyo at inaakay ang Kanyang mga missionary para mahanap sila. Dahilmahal ng Diyos ang Kanyang mga anak, nais niyang magkaroon ang lahat ngpagkakataong marinig at tanggapin ang ebanghelyo.)

• Bakit mahalagang kumilos sa damdaming tulungan ang iba at anyayahan silangalamin ang tungkol sa ebanghelyo?

Ipabasa sa mga estudyante ang tatlong talata sa subsection na may pamagat na“Matatagpuan Sila na mga Tatanggap sa Inyo” sa pahina 178 sa Mangaral ng AkingEbanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ilang hamong kinakaharap natin kapag sinisikap nating makahanap ngmga matuturuan? (Karaniwan ay hindi natin alam kung sino ang handa para saebanghelyo. Hindi kaagad tayo makikilala ng mga tao bilang mga lingkod ngPanginoon. Maaaring hindi nila matanto na hinahanap nila ang ipinanumbalik naebanghelyo.)

• Paano tayo tinutulungan ng Panginoon sa paghahanap ng matuturuan? (IsinusugoNiya ang Espiritu Santo para gabayan tayo.)

• Sa palagay ninyo ano ang nais ng Panginoon na gawin ng mga missionary kapagwala silang makita kaagad na mga resulta sa kanilang mga pagsisikap namakahanap ng matuturuan?

Kung may mga estudyante sa klase na mga convert sa Simbahan, isiping anyayahanang isa o mahigit pa sa kanila na ibahagi kung paano nila nalaman ang tungkol saSimbahan at paano nila natanto na ang mga missionary ay nagtuturo sa kanila ngkatotohanan. Kung walang mga convert sa klase, anyayahan ang mga estudyante namag-isip ng isang bagong binyag na kilalang-kilala nila sa kanilang pamilya o sakanilang ward. Ikonsidera na anyayahan sila na ibahagi kung paano tinanggap ngtaong iyon ang ebanghelyo.

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

85

Page 106: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ang Kahalagahan ng Gawaing Misyonero ng MiyembroIdispley ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson at anyayahanang isang estudyante na basahin ito nang malakas:

“Panahon na para ang mga miyembro at missionary ay magsama-sama, magtulungan,magsigawa sa ubasan ng Panginoon upang magdala ng mga kaluluwa sa Kanya.Naghanda Siya ng maraming paraan para maibahagi natin ang ebanghelyo, attutulungan Niya tayo sa ating mga pagsisikap kung gagawin natin nang maypananampalataya ang Kanyang gawain” (“Pananampalataya sa Gawain ng Kaligtasan”

[mensaheng ibinigay sa Work of Salvation worldwide leadership broadcast, Hunyo 23, 2013]).

Maaari ninyong itanong sa mga estudyante ang gaya ng sumusunod:

• Bakit mahalagang tandaan na hiniling sa atin ng isang propeta ng Diyos namakibahagi sa gawaing misyonero ng miyembro? (Maaari mong banggitin angDoktrina at mga Tipan 88:81, na nagtatampok sa inaasahan ng Panginoon sa mgataong tumanggap sa ebanghelyo.)

• Bakit kaya sinabi ni Pangulong Monson na “ngayon ang panahon” paramagtulungan ang mga miyembro at missionary?

Pagkatapos ay ipabuklat sa mga estudyante ang pahina 183 sa Mangaral ng AkingEbanghelyo, at sabihan ang tatlong estudyante na magpalitan sa pagbasa nang malakassa unang tatlong talata sa ilalim ng pamagat na “Ang Kahalagahan ng mgaMiyembro.” Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang maaaring ibunga kapag ang mga miyembro at missionary aynagtutulungan upang ipangaral ang ebanghelyo? (Maaaring kasama sa mga sagotng mga estudyante ang alituntuning ito: Kapag inaanyayahan ng mga miyembroang iba na maturuan at naroon sila kapag nagtuturo na, mas maraming taoang nabibinyagan at nananatiling aktibo sa Simbahan.)

Ipalabas ang video na “The Lord of the Harvest: The Adams Family” (4:41), atsabihin sa mga estudyante na pansinin ang ginawa ng mga miyembro ng

Simbahan para tulungan ang pamilya Adams na matanggap ang mga pagpapala ngebanghelyo.

Itanong:

• Ano ang ilan sa mga pagsisikap na humantong sa pagtanggap ng pamilya Adamsng mga pagpapala ng ebanghelyo?

• Ano kaya ang naghikayat sa mga miyembro sa video na ibahagi ang ebanghelyo sapamilya Adams?

Ipabasa nang malakas sa mga estudyante ang dalawang talata sa bahaging maypamagat na “Walang Nasasayang na Pagsisikap” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo,pahina 194. Isiping itanong ang mga sumusunod:

• Kahit hindi tanggapin ng mga tao ang imbitasyon na alamin ang tungkol saipinanumbalik na ebanghelyo, bakit walang nasasayang na pagsisikap sapaglilingkod at pagtuturo?

• Paano mananatiling maganda ang pananaw ng missionary kapag pinipili ng mgatao na huwag alamin ang tungkol sa ebanghelyo?

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

86

Page 107: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Panghihikayat sa lahatng estudyante namakilahok. Dapatmaghanap ang guro ngmga paraan para angkopna anyayahan ang lahatng estudyante namakilahok sa talakayansa klase, kahit ang mganag-aalangan dito. Kungminsan isa o higit pangmga estudyante ang maytendensiyangmagdomina sa talakayansa klase. Maaaringkailangang kausapinnang sarilinan ng guroang gayong mga tao atpasalamatan sila sakahandaan nilang mag-ambag sa mga talakayansa klase, at hingin angtulong nila sa paghikayatsa iba na makibahagi rin.

Ipabahagi sa mga estudyante kung ano ang nagawa na nila noon para makibahagi sagawaing misyonero ng miyembro. Sabihing ipaliwanag nila ang nadama nila habangsinisikap nilang ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Partisipasyon sa Gawaing Misyonero ng MiyembroIlista ang sumusunod na mga talata sa pisara, pagkatapos ay tahimik na ipabasa sabawat estudyante ang isa sa mga talata at hanapin ang mga pagpapalang ipinangakosa mga taong pinipiling makibahagi sa gawaing misyonero.

D at T 18:10, 14–16

D at T 33:6–11

D at T 100:5–6

Pagkatapos bigyan ng ilang sandali ang mga estudyante para repasuhin ang talatangpinili nila, hilingin sa mga estudyante na ipaliwanag ang mga talatang binasa nila atibahagi kung paano sila mahihikayat ng ipinangakong mga pagpapala sa paghahanapng mga taong tatanggap sa mensahe ng ebanghelyo. Hikayatin ang lahat ng miyembrong klase na makibahagi sa talakayang ito. Maaari mong ilista ang mga sagot ng mgaestudyante sa pisara sa tabi ng angkop na talata.

Isiping isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Bilang mga miyembrongmissionary, makapagsisimula tayo ngayon sa paghahanap ng mga taongpatuturuan sa mga missionary.

Para tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano sila maaaringmakibahagi sa gawaing misyonero ng miyembro, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na sipi mula kay Elder M. Russell Ballard ng Korum ngLabindalawang Apostol. Hilingin sa klase na pakinggan ang payo kung paanomagkaroon ng tiwala at tapang sa pagtulong sa iba:

“Mga kapatid, mapapalitan ng pananampalataya at tiwala ang takot kapag lumuhod atnanalangin ang mga miyembro at full-time missionary at hiniling sa Panginoon nabigyan sila ng mga pagkakataong makapagbahagi ng ebanghelyo. Pagkatapos, dapattayong manampalataya at maghintay ng mga pagkakataong maipakilala angebanghelyo ni Jesucristo sa mga anak ng ating Ama sa Langit, at tiyak na darating ang

mga pagkakataong iyon. Ang mga pagkakataong ito ay hindi mangangailangan kailanman ng pilit oipinlanong sagot. Likas na dadaloy ang mga ito dahil sa pagmamahal natin sa ating mga kapatid.Maging positibo lamang, at madarama ng mga kausap ninyo ang inyong pagmamahal. Hinding-hindinila malilimutan ang pakiramdam na iyon, kahit hindi pa panahon para tanggapin nila angebanghelyo. Maaari ding magbago iyan sa hinaharap kapag nagbago ang kanilang sitwasyon.

“Imposibleng mabigo tayo kapag ginagawa natin ang lahat ng makakaya natin sa paglilingkod saPanginoon. Yamang ang kalalabasan ay resulta ng paggamit ng kalayaan, responsibilidad natingibahagi ang ebanghelyo.

“Magtiwala sa Panginoon. Siya ang Mabuting Pastol. Kilala Niya ang Kanyang mga tupa, at kilala ngKanyang mga tupa ang Kanyang tinig; at ngayon ang tinig ng Mabuting Pastol ay tinig ninyo at tinigko. At kung hindi tayo kikilos, malalagpasan ang maraming makikinig sana sa mensahe ngPanunumbalik. Sa madaling salita, kailangan tayong sumampalataya at kumilos. Simple lang ang mgaalituntunin—manalangin, nang personal at kasama ang inyong pamilya, para sa mga pagkakataongmagbahagi ng ebanghelyo. …

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

87

Page 108: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Mga writingassignment. Ang mgawriting assignment aynagbibigay sa mgaestudyante ngpagkakataongmakibahagi nangpersonal, tumanggap nginspirasyon, atmaghandang magturo atibahagi sa iba angkanilang damdamin.

Hindi kailangang mahusay kayong makisama o magaling magsalita, at nakakakumbinsing magturo.Kung may namamayaning pagmamahal at pag-asa sa inyong kalooban, nangako ang Panginoon nakung “[itataas ninyo] ang inyong mga tinig sa mga taong ito; [at sasabihin] ang mga bagay nailalagay [Niya] sa inyong mga puso, … hindi kayo malilito sa harapan ng mga tao;

“‘[At] ito ay ibibigay ninyo … sa sandali, kung ano ang sasabihin ninyo’ (D at T 100:5–6)”(“Magtiwala sa Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 44).

Itanong:

• Ano ang iminungkahi ni Elder Ballard na magagawa ng mga miyembro paramagkaroon ng higit na tiwala na ipakilala ang ebanghelyo sa iba?

• Sa paanong paraan ang paghahanap ng matuturuan ay tungkol sapananampalataya?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para maghanap sa listahan ng “Mga Ideyasa Pagtulong sa mga Miyembro” sa pahina 185 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo athanapin ang partikular na mga paraan na makababahagi ang mga miyembro sagawaing misyonero. Papiliin ang mga estudyante ng isa o dalawang ideya namagagamit nila ngayon para makibahagi sa gawaing misyonero ng miyembro.Pagkatapos ay itanong:

• Alin sa mga ideyang ito ang magagawa ninyo ngayon para anyayahan ang iba namakinig sa mensahe ng ebanghelyo?

• Bakit kaya nag-aalangan ang ilang miyembro ng Simbahan na tulungan ang iba samga paraan na matatagpuan sa listahang ito?

Hikayatin ang mga estudyante na mag-ukol ng ilang minuto para isulat ang ilangbagay na gagawin nila para makahanap ng mga taong patuturuan sa mga missionary.Imungkahi sa mga estudyante na ang kanilang mga plano ay magiging mas epektibokung isusulat nila ang pangalan ng partikular na mga di-miyembrong kaibigan atkapamilya na mababahaginan nila ng mensahe ng ebanghelyo. Maaari mongimungkahi na isama ng mga estudyante ang mga hakbang na tulad ng regular napagdarasal para sa mga pagkakataon na maging missionary, pagtulong na makausapang iba tungkol sa paksa ng ebanghelyo, pag-imbita sa iba na sumama sa pagsisimbao sa iba pang mga aktibidad ng Simbahan, pag-imbita sa iba na makinig sa mga lessonng mga missionary, pag-imbita sa iba na basahin ang Aklat ni Mormon, at maramipang iba. Ayon sa patnubay ng Espiritu, maaari mong tawagin ang ilang estudyante naibahagi ang kanilang mga plano sa klase.

Gamitin ang Lahat ng Kasangkapan na Inihanda ng DiyosIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder L. TomPerry (1922–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol, at sabihin sa klase napakinggan kung paano nagbabago ang proseso ng paghahanap ng matuturuan:

“Noong ako ay bata pang misyonero, nagawa naming kausapin ang mga tao sa daan atkumatok sa mga pintuan para ibahagi ang ebanghelyo. Nagbago na ang mundo simulanoon. Ngayon, maraming tao ang abala sa kanilang buhay. Paroo’t parito sila, atmadalas ay ayaw nilang magpapasok ng mga estranghero sa bahay nila, na hindiimbitado, para magbahagi ng mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo. Ang

pangunahing paraan ng pakikipag-ugnayan nila sa iba, kahit sa malalapit na kaibigan, ay kadalasangsa pamamagitan ng Internet. Ang paraan ng paggawa ng gawaing misyonero, samakatwid, ay dapat

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

88

Page 109: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

magbago upang maisakatuparan ng Panginoon ang Kanyang gawaing tipunin ang nakalat na Israel‘mula sa apat na sulok ng mundo’ [2 Nephi 21:12]. Pinahihintulutan na ang mga missionary nagamitin ang Internet sa kanilang pagtuturo ng ebanghelyo. …

“Sa pagpasok ng mga missionary sa bagong panahong ito na gagamit sila ng mga computer sagawain ng Panginoon, inaanyayahan namin ang mga bata at matanda, adult, young adult, kabataanat mga bata saanman na samahan kami sa … pagbabahagi ng kanilang mga mensahe ng ebanghelyoonline. …

“Tulad ng mga missionary na dapat makaagapay sa nagbabagong mundo, dapat ding baguhin ngmga miyembro ang pananaw nila tungkol sa gawaing misyonero. Sa pagsasabi nito, nais kong linawinna ang ipinagagawa sa atin, bilang mga miyembro, ay hindi nagbabago; ngunit ang paraan ngpagsasagawa ng ating responsibilidad na ibahagi ang ebanghelyo ay dapat iakma sa nagbabagongmundo” (“Gawaing Misyonero sa Panahon ng Makabagong Teknolohiya” [mensaheng ibinigay saWork of Salvation worldwide leadership broadcast, Hunyo 23, 2013]).

Itanong:

• Ayon kay Elder Perry, bakit kailangang simulang gamitin ng mga miyembro atmissionary ang online resources sa pagbabahagi nila ng ebanghelyo? Ano ang mgapakinabang ng paggamit ng resources na ito?

• Ano ang ilan sa online tools o resources na magagamit ninyo upang ibahagi anginyong patotoo sa ebanghelyo at anyayahan ang iba na dagdagan pa angnalalaman nila?

• Ano ang ilang partikular na paraan na magagamit ninyo ang tools na ito paraibahagi ang mensahe ng ebanghelyo? (Tutulungan ng talakayang ito ang mgaestudyante na tukuyin ang alituntunin na maaaring gamitin ng mga alagad niJesucristo ang makabagong teknolohiya para ibahagi ang kanilang patotoo saebanghelyo sa mga tao sa buong mundo.)

Paunawa: Habang tinatalakay ng klase ang online resources ng mga missionary, isiping banggitin angmormon.org, na dinisenyo at isinulat upang tulungan ang mga di-miyembro. Ang site ay isang

napakagandang sanggunian para sa mga investigator. Naglalaman ito ng mga sagot sa maraming bagay namadalas itanong, at ang nilalaman nito ay nakaayon sa mga lesson sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. AngMormon.org ay nagtatampok din ng libu-libong profile na na-post ng mga miyembro ng Simbahan sa iba’tibang panig ng mundo. Maaari mong hikayatin ang mga miyembro ng klase na gumawa ng sarili nilangprofile, kung saan maibabahagi nila ang kanilang damdamin tungkol sa ebanghelyo.

Idispley ang sumusunod na mga patnubay mula sa LDS.org, at anyayahan ang isangestudyante na basahin nang malakas ang unang talata. Pagkatapos ay tawagin ang ibapang mga estudyante na basahin nang malakas ang listahan ng mga patnubay sapaggamit ng social media. Hilingin sa klase na hanapin ang mga paraan namatutulungan sila ng impormasyong ito na mas humusay sa pagbabahagi ngebanghelyo online.

“Ang social media ay magiging napakalakas na impluwensya sa buhay ng mga gumagamit nito. Ito aymaaaring maging paraan para ipakita ang ating pananampalataya kay Jesucristo at palakasin angmga ugnayan. Hinihikayat ng Simbahan ang paggamit ng social media na sumusuporta sa misyon ngSimbahan, nagpapatatag sa pakikipag-ugnayan, at nagpapadali sa pagtanggap ng mga paghahayagng mga anak ng ating Ama sa Langit. Ang mga miyembro ng Simbahan ay hinihikayat na maginghalimbawa ng kanilang pananampalataya sa lahat ng panahon at sa lahat ng lugar, pati na sa pagsalinila sa pandaigdigang pag-uusap na nagagawa sa pamamagitan ng social media. …

“Ang sumusunod ay mga mungkahi sa paggamit ng social media sa ating sariling buhay: …

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

89

Page 110: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

“Maging magalang sa inyong online na pakikipag-ugnayan sa iba. Ayon sa mga turo ng mga Banal samga Huling Araw kailangang pakitunguhan ng mga miyembro ang ibang tao nang may paggalang,anuman ang sitwasyon.

“Ipahayag ang inyong personal na patotoo sa ipinanumbalik na ebanghelyo, ayon sa patnubay ngEspiritu. Ang gayong mga mensahe ay dapat personal; huwag mag-iwan ng impresyon sa mga tao nanagsasalita kayo para sa Simbahan, at huwag bumuo ng mga grupo na nagbibigay ng impresyon naopisyal nilang kinakatawan o tinatangkilik sila ng Simbahan.

“Laging maging halimbawa ng isang alagad ni Cristo sa inyong pakikipag-ugnayan sa iba sa socialmedia. Ang inyong mabuting halimbawa ay makaiimpluwensya sa mga nakakasalamuha ninyo.Makabubuting tumigil sa pakikisama sa mga taong palaging naghahangad na hilahin pababa angibang tao at lalo na sa mga taong nagpo-post ng hindi angkop na mga materyal. …

“Maging matalino sa paghatol kapag nagpo-post sa isang social media site. Walang ‘delete’ buttonsa Internet. Ang mga imahe at post ay mananatili nang maraming taon at maaaring makapinsala sapaghahanap ninyo ng trabaho o sa pagpasok sa kolehiyo, gayundin sa ibang mga pagkakataon kungsaan maaaring makita ang inyong public Internet rekord. Tiyaking nakaayon ang inyongkomunikasyon sa inyong pangako na tataglayin sa inyong sarili ang pangalan ng Tagapagligtas”(“Social Media Helps for Members,” LDS.org).

Hilingin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga iniisip kung bakitang mga mungkahi sa listahang ito ay mahalagang tandaan nila habang ibinabahaginila ang ebanghelyo online.

Kung may oras pa, sabihan ang isang estudyante na ipakita sa klase kung paanomagbahagi ng mga video o iba pang mga materyal sa LDS.org o sa mormon.org gamitang social media. Maaari mong sabihan ang isa pang estudyante na ipakita kungpaano lumikha ng profile sa mormon.org.

Isiping ipalabas ang video na “Sharing Your Beliefs” (2:02) para tulungan angmga estudyante na magtiwala sa kakayahan nilang gamitin ang teknolohiya

upang ibahagi ang kanilang damdamin at patotoo sa ebanghelyo. Bago ipalabas angvideo, hikayatin ang mga estudyante na hanapin ang maaaring maging impluwensyang isang tao sa paggamit ng teknolohiya para ibahagi ang kanyang damdamin tungkolsa ebanghelyo.

Pagkatapos ng video, itanong:

• Paano napag-iigi ng teknolohiya ang pagsisikap ng mga miyembro na hangaringibahagi ang mensahe ng ebanghelyo?

Imbitahin ang mga estudyante na ilarawan kung paano nila magagamit angteknolohiya para ibahagi ang kanilang patotoo sa iba. Magtapos sa pagbabahagi ngiyong patotoo tungkol sa mga doktrina at alituntuning itinuturo sa lesson.

Mga Imbitasyon para KumilosTulungan ang mga estudyante na magsimula ngayon sa paghahanap ng mga taonghandang makinig sa mensahe ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pagkumpleto sa isao mahigit pa sa sumusunod na mga iminungkahing aktibidad:

• Kumpletuhin ang mga item na inilista ninyo sa writing assignment sa lesson na itopara makahanap ng mga taong patuturuan sa mga missionary.

• Rebyuhin ang listahan ng mga contact sa inyong cell phone at hanapin ang isangdi-gaanong aktibong miyembro o di-miyembro. Tawagan o i-text ang taong iyon atanyayahan siyang sumama sa inyo sa simbahan sa Linggong ito.

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

90

Page 111: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• I-explore ang website na mormon.org at i-explore ang resources ng site, gaya ngmga video, artikulo at profile na na-post ng mga miyembro ng Simbahan. Ibahagiang isang video, artikulo, o iba pang page sa iba gamit ang social media.

• Gumawa ng sarili ninyong profile sa mormon.org. Ibahagi ang iyong profile sa ibagamit ang social media.

• Ibahagi ang isang Mormon Messages video at ang inyong damdamin tungkol ditogamit ang social media.

LESSON 12: PAGHAHANAP NG MGA TAONG TUTURUAN

91

Page 112: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

13

Kahandaang matuto.Makakatulong ang mgaguro sa pagtutuon ngisipan ng mgaestudyante sa karanasansa pagkatuto sapagsisimula ng bawatlesson sa paraangmaaakit ang pansin ngmga estudyante.Halimbawa, maaari kangmagsulat sa pisara ngnakakapukaw-kaisipanna tanong, o maaarikang magdispley ngisang bagay o larawanna makakaagaw sapansin ng mgaestudyante pagpasok nilasa klase.

Pagtuturo ng Ebanghelyo niJesucristo (Part 1)

PambungadAng ebanghelyo ni Jesucristo ay kinapapalooban ng mga walanghanggang doktrina, alituntunin, batas, tipan, at ordenansa nakailangan ng sangkatauhan para makabalik muli sa kinaroroonanng Diyos at luwalhatiin sa kahariang selestiyal. Ang mgapangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo aypananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, binyag sa pamamagitan

ng paglulubog sa tubig, at kaloob na Espiritu Santo. Ang mgaprospective missionary ay dapat ihanda para matulungan ang mgainvestigator na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo atpagsisihan ang kanilang mga kasalanan bago sila binyagan attanggapin ang Espiritu Santo.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Mosias 3:19; 4:1–3; 5:2; at Alma 36.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 66–70.

• Maghandang idispley ang larawan na Pagbabalik-loob ni Nakababatang Alma(Gospel Art Book [2009], blg. 77) o ang isa pang larawan na katulad nito.

• Maghandang ipalabas ang video na “Jesus Christ Is the Way” (5:02), na makukuhasa LDS.org.

• Gumawa ng mga kopya ng handout na may pamagat na “Pagsisisi,” na nasahulihan ng lesson, na gagamiting kasama ng ideya sa pagtuturo ng pagsisisi(opsiyonal).

Mga Mungkahi sa PagtuturoSa Pamamagitan ni Cristo Tayo ay Malilinis mula sa KasalananPara matulungan ang mga estudyante na maghandang matuto mula sa lesson, isulat sapisara ang tanong na ito bago magsimula ang klase:

Paano naiiba sa pamantayan ng Ama sa Langit ang pamantayan ng daigdig ukol satama at mali?

Kapag nakapagsimula na ang klase, anyayahan ang ilang estudyante na sagutin angmga tanong na nasa pisara. Pagkatapos sumagot ang ilang estudyante, ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang kahon na may pamagat na “Kasalanan” sa pahina 67ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Bakit mahalagang maunawaan ng mga investigator kung ano ang kasalanan at anoang mga bunga nito bago pag-aralan ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo?

Isulat ang kasunod na tanong sa pisara at imbitahin ang mga estudyante na hanapinang sagot habang pinag-aaralan nila ang bahaging “Sa Pamamagitan ni CristoMalilinis Tayo sa Kasalanan” na nasa pahina 66–67 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo:

Ano ang ilang mga katotohanan na itinuro sa bahaging ito na maaaring makatulong samga investigator na hangaring mas lumapit pa kay Jesucristo?

92

Page 113: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagkatapos bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante na magbasa, imbitahinang mga estudyante na ibahagi ang kanilang napag-alaman. Maaaring kabilang samga sagot nila ang sumusunod na mga katotohanan:

• Isinugo ng Diyos ang Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo, sa daigdigupang mapasaatin ang posibilidad na makabalik at mamuhay sa Kanyang pilingpagkatapos nating mamatay.

• Sa pamamagitan lamang ng biyaya at awa ng Tagapagligtas tayo maaaring malinismula sa kasalanan.

• Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, anglahat ng tao ay maibabalik sa kinaroroonan ng Diyos para hatulan.

• Walang maruming bagay na makatatahan sa kinaroroonan ng Diyos.

• Si Jesucristo ang kumatawan sa atin at pinagdusahan Niya ang kaparusahan ngating mga kasalanan.

• Pinatatawad ni Jesucristo ang ating mga kasalanan kapag tinatanggap natin Siya,nagsisisi tayo, at sumusunod sa Kanyang mga kautusan.

Pagkatapos, bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para pag-aralan o markahanang ilang talata na kababasa lang nila o nasa kahon na Pag-aaralang mga Banal naKasulatan sa pahina 67 na naglalarawan sa isa sa mga alituntuning tinukoy nila.Isiping papiliin ang kalahati ng klase ng mga talata sa paragraph na katatapos langnilang basahin at papiliin ang natitirang kalahati ng mga talata sa kahon na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan. Hilingin sa mga estudyante na maghandangipaliwanag kung paano nila maaaring gamitin ang isa o mahigit pang mga talata sabanal na kasulatan upang tulungan ang isang investigator na maunawaan atmapahalagahan ang ginawa ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristoupang tulungan tayong madaig ang mga epekto ng kasalanan. Pagkaraan ng ilangminuto, ipabahagi sa mga estudyante ang napag-alaman nila.

Pananampalataya kay JesucristoIparebyu sa mga estudyante ang missionary purpose statement na nasa kahon na maypamagat na “Ang Iyong Layunin” sa pahina 1 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang pagkakaiba ng (1) pagtulong sa isang tao na “lumapit kay Cristo” atmaging convert sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo at ng (2) pagtulonglamang sa isang tao na maging miyembro ng Simbahan?

• Bakit mas mahalagang tulungan ng mga missionary ang mga tao na lumapit kayCristo kaysa tulungan silang maging miyembro ng Simbahan?

Imbitahin ang mga estudyante na pag-aralan ang unang talata sa bahaging maypamagat na “Pananampalataya kay Jesucristo” sa pahina 68 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Habang pinag-aaralan nila, pahanapin ang mga estudyante ng mga paraanna matutulungan ng pananampalataya kay Cristo ang isang tao na maging convert saKanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Mula sa inyong nabasa, ano ang ibig sabihin ng manampalataya kay Jesucristo?

• Paano inaakay ng pananampalataya kay Jesucristo ang isang tao na maging convertsa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo?

LESSON 13: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 1)

93

Page 114: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Isulat sa pisara: Ang pananampalataya kay Jesucristo ay humahantong sapagkilos. Imbitahan ang mga estudyante na basahin ang iba pang bahagi ng“Pananampalataya kay Jesucristo” sa pahina 68 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Habang nagbabasa sila, anyayahan silang markahan ang ilan sa mga kilos nanagpapakita ng pananampalataya ng isang tao kay Jesucristo at sa KanyangPagbabayad-sala. Pagkaraan ng ilang minuto, itanong:

• Ano ang ilang hakbang na maaaring magpakita na ang isang investigator aynagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo? (Maaaring kasama sa mga sagotang: pagsisisi, pag-aaral tungkol sa at pagiging katulad ng Tagapagligtas, pagsunodsa mga utos, pag-iwas sa kasalanan, pagdarasal para sa lakas na madaig ang tukso,pag-aaral ng salita ng Diyos, at pagtupad ng mga pangako na susundin ang mgaalituntunin ng ebanghelyo.)

• Ayon sa inyong binasa, kapag sumasampalataya tayo kay Jesucristo, paano Niyatayo pinagpapala sa ating araw-araw na buhay? (Maaaring kasama sa mga sagotang: Binibigyan Niya tayo ng kakayahang harapin ang mga hamon ng buhay;tinutulungan Niya tayong baguhin ang mga hangarin ng ating puso; pinagagalingNiya tayo sa pisikal at espirituwal.)

Ipasulat sa mga estudyante ang sagot sa sumusunod na mga tanong sa kanilang studyjournal:

• Paano kayo hinikayat ng inyong pananampalataya kay Jesucristo na kumilos ayonsa mga paraan na inilarawan sa bahaging ito?

• Ano pa ang maaari ninyong gawin para lalo pang maipakita na sumasampalatayakayo kay Jesucristo?

Gawing pares-pares ang mga estudyante. Imbitahan ang magkakapares na maghandang isa- hanggang tatlong-minutong lesson tungkol sa pananampalataya kayJesucristo? Habang naghahanda sila, ipagamit sa mga estudyante ang mga materyal saMangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 68, kasama ang isa o dalawang talata mula sakahon na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan. Maaari ding gamitin ng mgaestudyante ang missionary pamphlet na may pamagat na Ang Ebanghelyo ni Jesucristo.Pagkatapos magkaroon ng sapat na panahon ang mga estudyante na maghanda,bumuo ng grupo ng tig-aapat na estudyante (dalawang pares sa bawat grupo). Atasanang isang pares ng mga estudyante na turuan ang isa pang pares. Ipaliwanag na dapatnilang gamitin ang sarili nilang mga salita at dapat simple at malinaw sa kanilangpagtuturo.

Sa pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang karanasan sa pagtuturo, ipatalakay samaliliit na grupo ang kung ano ang naging maayos sa kanilang pagtuturo, ano angnadama nilang hamon sa pagtuturo at bakit, at paano nakatulong ang kanilangpagtuturo sa mga tao na madama ang kahalagahan ng pagkakaroon ngpananampalataya kay Jesucristo.

Pagkatapos, sabihing magpalitan sila ng role o papel at hayaang ang isang paresnaman ang magturo. Tiyaking may oras para makatanggap din sila ng feedback.

Sa pagtatapos nitong pagpapraktis, itanong sa mga estudyante kung ano ang mgatanong nila o kung anong mga ideya ang natamo nila. Kung atubili ang mgaestudyante sa pagsagot, maaari mong itanong, “Ano ang ilan sa mga bagay na gustoninyo na narinig ninyo mula sa nagturo sa inyo?” Itanong kung may estudyantenggustong magbahagi ng karanasan sa kanilang buhay kung kailan pinagpala sila ngpagsampalataya kay Jesucristo.

LESSON 13: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 1)

94

Page 115: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

PagsisisiIdispley ang isang larawan ni Alma at ng mga anak ni Mosias (tingnan sa Aklat ngSining ng Ebanghelyo, 77), at anyayahan ang isang estudyante na maikling ibuod angkuwento ng conversion ni Nakababatang Alma (tingnan sa Alma 36:6–24). Pagkataposay sabihin sa ilang estudyante na magpalitan sila sa pagbabasa nang malakas sa Alma36:13, 17–21, at 23–25.

Pagkatapos ay itanong:

• Paano ipinakita ni Alma na may pananampalataya siya kay Jesucristo?

• Ano ang nangyari bilang bunga ng pagpapakita ng pananampalataya ni Alma?

• Ano ang bunga ng taos-pusong pagsisisi ni Alma?

LESSON 13: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 1)

95

Page 116: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Positibong pagtugon.Kapag sumagot angisang estudyante,kailangan itong kilalaninng guro sa positibongparaan. Ang pagkilala aymaaaring simpleng“salamat” opagpapatibay sa sagot.Kapag mali ang ibinigayna sagot, maaaringsabihin sa ibang paraanng guro ang tanong paramabigyan ng isa pangpagkakataon angestudyante na sumagot.Dapat makalikha angguro ng kapaligiran ngpagtitiwala sa klaseupang maging panatagang lahat ng estudyantesa pagbabahagi ngkanilang iniisip atnadarama.

Bigyan ang mga estudyante ng isang minuto para isulat sa kanilang study journal angisang pangungusap na kahulugan ng pagsisisi. Anyayahan ang ilang estudyante nabasahin ang kanilang pangungusap sa klase. Para tulungan ang iyong mga estudyantena mabuo sa kanilang isipan ang simpleng depinisyon ng pagsisisi, idispley angsumusunod na sipi mula kay Elder Neil L. Andersen ng Korum ng LabindalawangApostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Kapag nagkasala tayo, tumatalikod tayo sa Diyos. Kapag nagsisisi tayo, muli tayongbumabaling sa Diyos. …

“… Ang pagsisisi ay pagtalikod sa ilang bagay, tulad ng panloloko, kahambugan, galit,at masasamang isipan, at pagbaling sa ibang mga bagay, tulad ng kabaitan, pagigingdi-makasarili, pasensya, at espirituwalidad. Ito ay ‘muling-pagbaling’ sa Diyos”

(“Magsisi … Upang Mapagaling Ko Kayo,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 40–41).

• Paano makatutulong sa iyo ang simpleng depinisyon na ito para maipaliwanag angkahulugan ng pagsisisi? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat angalituntuning ito sa pisara: Ang pagsisisi ay muling pagbaling sa Diyos.)

Para tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang proseso at mga bunga ngpagsisisi, sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mosias 3:19; 4:1–3; at 5:2.Habang pinag-aaralan nila, sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga salita atparirala na nakakatulong sa pagtukoy sa kahulugan ng magsisi. Pagkatapos bigyan ngsapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ipaliwanag sa klase ang napag-alamannila. Pagkatapos ay itanong:

• Anong katibayan ang nakikita ninyo sa mga talatang ito na ang mga tao ni HaringBenjamin ay sumampalataya kay Jesucristo para tumanggap ng kapatawaran ngkanilang mga kasalanan sa huli?

Mamigay ng mga handout na naglalaman ng sumusunod na table, o idrowing ito sapisara at ipakopya ito sa mga estudyante sa kanilang study journal:

Ano ang pagsisisi? Paano tayo nagsisisi? Ano ang mga bunga okatibayan ng pagsisisi?

Pagbabago sa pag-iisip,paniniwala, pag-uugali

Makadama ng lungkot okalumbayang makadiyos

Matanggap ang awa ni Cristo

Hilingin sa mga estudyante na pag-aralan ang bahaging may pamagat na “Pagsisisi” sapahina 69 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Habang nagbabasa sila, papunan sa mgaestudyante ang mga column ng kanilang tsart o handout gamit ang mga salita, pariralao pangungusap mula sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Para tulungan ang mgaestudyante na makita ang uri ng mga kataga na maaaring isama, isang halimbawa angibinigay sa bawat column. Kapag tapos na, maaaring ganito ang maging hitsura ngkanilang tsart:

LESSON 13: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 1)

96

Page 117: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ano ang pagsisisi? Paano tayo nagsisisi? Ano ang mga bunga okatibayan ngpagsisisi?

Pagbabago sa pag-iisip,paniniwala, pag-uugali

Bagong pananaw sa sarili, saDiyos, at sa daigdig

Iaayon ang ating buhay sakagustuhan ng Diyos

Tatalikuran ang kasalanan athindi na ito gagawin

Patuloy na sisikaping itamaang mga kasalanan atmagpapakabuti

Makadarama ng lungkot o kalumbayangmakadiyos

Titigil sa paggawa ng mga bagay na mali

Patuloy na gagawa ng mga bagay na tama

Kikilalanin ang mga kasalanan

Ipagtatapat ang mga kasalanan

Hihingi ng kapatawaran sa Diyos

Itatama ang mga problemang maaaringidinulot ng ating mga kilos

Lalabanan ang anumang hangarin namagkasala

Magkakaroon ng mga katangiang katuladng kay Cristo, daragdagan ang kaalaman,maglilingkod

Ipapakita ang pagmamahal sa Diyos sapamamagitan ng pagsunod

Matatanggap ang awani Cristo

Nagbabago angpananaw sa sarili at sadaigdig

Nauunawaan ang atingkaugnayan sa Diyos

Lalong lumalakas anghangaring sundin angDiyos

Madarama angpagpapatawad ng Diyos

Madarama angkapayapaan ng Diyos

Ang pagkabagabag ngbudhi at dalamhati aynaglalaho

Madarama ang Espiritunang mas sagana

Mas handang mamuhaysa piling ng Diyos atJesucristo

Magiging higit nakatulad ni Jesus

Masaya

LESSON 13: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 1)

97

Page 118: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pag-unawa ng mgadoktrina atalituntunin. Kapagtalagang nauunawaanng mga estudyante angdoktrina o alituntunin,hindi lang simplengdepinisyon angmaibibigay nila.Mauunawaan din nilakung paanomaaapektuhan ngdoktrina o alituntuninang kanilang buhay.Kapag natukoy atnauunawaan ng mgaestudyante ang doktrinao alituntunin, mas madalinila itongmaipapamuhay.Matutulungan ng mgaguro ang mgaestudyante na masmaunawaan atmaipamuhay ang mgadoktrina at alituntunin sapamamagitan ngpagtatanong natumutulong sa mgaestudyante na suriinkung ano ang kanilangnapag-aralan.

Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante na tapusin ang kanilangchart, imbitahan ang mga estudyante na talakayin sa isa pang miyembro ng klase angmga parirala at salitang isinama nila sa kanilang chart. Isiping itanong sa klase ang ilano lahat ng sumusunod na mga tanong para palalimin ang pang-unawa ng mgaestudyante sa mga doktrina at alituntunin na binabasa nila:

• Paano kayo matutulungan ng mga alituntuning natukoy ninyo sa una atpangalawang column na malaman kung ang isang investigator ay talagangnagsisisi?

• Batay sa isinulat ninyo sa ikatlong column, anong mga pagpapala ang dulot ngpagsisisi, bukod sa pagtanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan?

• Isipin ang mga item sa una at pangatlong column. Bakit kailangan natingsumampalataya kay Cristo para mangyari ang mga bagay na ito?

Habang sumasagot ang mga estudyante, maaari mong banggitin na itinuturo ng mgamissionary ang ebanghelyo para tulungan ang mga tao na magkaroon ngpananampalataya kay Jesucristo at mahikayat silang magsisi. Ang pananampalatayakay Jesucristo at pagsisisi ay mga kondisyon para makinabang sa Pagbabayad-sala.Tutulungan din ng pagsisisi ang mga investigator na mas mapalapit sa Ama sa Langitat kay Jesucristo. Para tulungan ang mga estudyante na magpraktis na ituro angtungkol sa pagsisisi, ikuwento ang sumusunod na tagpo o eksena sa klase:

Ikaw at ang iyong companion ay mga tatlong linggo nang nagtuturo sa dalawangmagka-roommate. Ang isa sa kanila ay talagang malaki na ang progreso. Ang isanamang roommate ay parang nawalan ng interes at ngayon ay lumalabas na ng silidkapag sinisimulan na ninyo ang lesson. Nang magkaroon kayo ng pagkakataongtanungin ang hindi interesadong roommate, ipinaliwanag niya na alam niyang hindiayon sa kalooban ng Diyos ang kanyang pamumuhay, kaya lang ganito na talaga angbuhay niya at kuntento na sa ideya na ganito na talaga siya, at wala nang magagawapa tungkol dito.

Gawing pares-pares o magkompanyon ang mga estudyante. Bigyan ng sapat na orasang magkakapares para maghanda kung paano sila magtutulungan sa pagtuturo sa isapang pares ng mga estudyante ng tatlo- hanggang apat-na-minutong lesson tungkolsa pagsisisi. Hikayatin ang mga estudyante na maghandang mag-role-play sapagtuturo sa dalawang magka-roommate sa ganitong situwasyon. Ipaliwanag na angkanilang pagtuturo ay dapat simple, malinaw, at nakatuon sa pangangailangan ng mgaroommate. Dapat nilang pag-isipan kung paano nila matutulungan ang hindiinteresadong roommate na maunawaan kung bakit kailangan niyang magbago at kungpaano siya matutulungan na matanto na sa tulong ng Tagapagligtas, ang pagsisisi ayposible. Ipagamit sa mga estudyante ang materyal sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo,pahina 69, o ang missionary pamphlet na may pamagat na Ang Ebanghelyo ni Jesucristo.Hikayatin sila na isama ang isa o dalawang talata para ilarawan ang kahalagahan ngpagsisisi.

Iorganisa ang mga estudyante sa maliliit na grupo, na may dalawang pares sa bawatgrupo. Atasan ang isang pares ng mga estudyante na turuan ang isa pang pares, nagaganap bilang mga roommate sa eksenang ito. Ipaliwanag sa mga estudyante nakapag gumanap sila bilang mga investigator, dapat malaya nilang sabihin angmaaaring maging mga problema ngunit huwag maging masyadong madamdamin okumakalaban sa mga estudyanteng nagtuturo.

LESSON 13: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 1)

98

Page 119: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Sa pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang karanasan sa pagtuturo, ipatalakay sagrupo kung ano ang naging maayos sa kanilang pagtuturo at kung paano pa sana itonapagbuti ng mga titser.

Pagkatapos ay sabihan silang magpalitan ng role para magkaroon ang bawat pares ngpagkakataong makapagturo nang minsan. Tiyaking may oras para makatanggap silang feedback.

Pagkatapos ng role-play, itanong sa mga estudyante kung ano ang mga tanong o ideyana natamo nila mula sa karanasan sa pagtuturo.

Para tulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan atkahalagahan ng pagsisisi bilang paraan ng muling pagbaling ng mga tao sa

Diyos, ipalabas ang video na “Jesus Christ Is the Way” (5:02).

Pagkatapos ng video, itanong:

• Anong katibayan ang nakita ninyo sa video na ito na ang babaeng ito ay talagangnagbago sa pamamagitan ng pagsisisi at na siya ay muling bumaling sa Diyos?

• Ano ang nadama ninyo nang makita ninyo kung paano nakatulong ang mensaheng ebanghelyo sa babaing ito na magbago at bumaling sa Diyos?

Magtapos sa pagtatanong sa mga estudyante kung mayroon sa kanilang gustongmagbahagi sa klase ng kanilang patotoo tungkol sa kapangyarihan ngpananampalataya at pagsisisi at sabihin kung bakit gusto nilang ibahagi angebanghelyo. Magtapos sa pagbabahagi rin ng iyong patotoo.

Mga Paanyayang KumilosImbitahin ang mga estudyante na alamin pa ang tungkol sa mga pagpapala ngpagsampalataya kay Jesucristo at pagtanggap ng kapatawaran ng kasalanan atkagalakan sa pamamagitan ng pagsisisi sa paggawa ng isa o mahigit pa sa sumusunodna iminungkahing mga aktibidad:

• Ituro ang susunod na family home evening lesson tungkol sa kahalagahan ngpananampalataya kay Jesucristo at pagsisisi.

• Pag-aralan ang mga talata tungkol sa pananampalataya na nasa kahon na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan sa pahina 69 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Markahan o i-highlight ang gusto mong gamitin sa pagtuturo sa iba sa iyongmisyon.

• Gamitin ang Topical Guide at ang mga salita ng mga makabagong propeta atapostol para pag-aralan ang tungkol sa doktrina ng pagsisisi. Isulat angnatututuhan mo sa isang study journal. Isipin kung mayroon kang patotoo tungkolsa doktrinang ito na maibabahagi mo sa iba habang ikaw ay nasa misyon. Patataginang iyong pasasalamat sa alituntunin ng pagsisisi sa paghahangad na magsisiaraw-araw, at irekord sa iyong journal ang mga karanasan mo.

• Gamitin ang online tools tulad ng social media para i-post ang video na “JesusChrist Is the Way” (o iba pang video tungkol sa Tagapagligtas at sa KanyangPagbabayad-sala) para mapanood ng iba. Isama ang paliwanag kung bakitmakabuluhan sa iyo ang video.

LESSON 13: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 1)

99

Page 120: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 121: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

14

Bibinyagan ni Juan si Jesus

Pagtuturo ng Ebanghelyo niJesucristo (Part 2)

PambungadAng ebanghelyo ni Jesucristo ay kinapapalooban ng mga walanghanggang doktrina, alituntunin, batas, tipan, at ordenansa nakailangan ng sangkatauhan para makapasok muli sa kinaroroonanng Diyos at luwalhatiin sa kahariang selestiyal. Ang mgapangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo aypananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, binyag sa pamamagitanng paglulubog sa tubig, at kaloob na Espiritu Santo. Ang mgamissionary ay may mahalagang tungkulin na anyayahan ang iba namagpabinyag at tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo. Bukod pa

riyan, kapag ang mga anak ng Diyos ay naging mga miyembro ngSimbahan, kailangan silang magtiis o manatiling tapat hanggangwakas sa pamamagitan ng pagtanggap sa iba pang mgaalituntunin at ordenansa at pananatiling tapat sa mga utos ngDiyos. Dapat malinaw na nauunawaan ng mga prospectivemissionary ang mga doktrinang ito at maging handang ipaliwanagito sa simpleng paraan at patotohanan ito nang maykapangyarihan.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Mateo 3:13–17; Juan 3:3–6; 2 Nephi 31:17–20; at Doktrina at mga

Tipan 20:37.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 70–73.

• Maghandang idispley ang larawan ni Jesucristo na binibinyagan.

• Maghandang ipalabas ang video na “Invitation to Be Baptized: German,” (2:43),The District 2, na makukuha sa LDS.org

Mga Mungkahi sa PagtuturoBinyag, ang Ating Unang TipanPara tulungan ang mga estudyante na maghandang tukuyin ang mga alituntunintungkol sa binyag, magdispley ng larawan ni Juan na binibinyagan si Jesus, atanyayahan ang mga estudyante na ibuod ang nalalaman nila tungkol sa binyag niJesucristo.

Maaari mong piliing rebyuhin ang salaysay tungkol sa binyag ng Tagapagligtas sapagsasabi sa isang estudyante na basahin nang malakas ang Mateo 3:13–17.Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na bumaling sa katabi nila at sagutin angtanong na ito:

• Anong mahahalagang katotohanan ang itinuturo sa salaysay na ito tungkol sabinyag ni Jesus?

Isulat ang sumusunod na mga salita sa pisara:

Ordenansa Tipan

Sabihin sa kalahati ng klase na pag-aralan ang unang apat na talata sa bahaging“Binyag, ang Ating Unang Tipan” sa pahina 70 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, nanaghahanap ng mga paraan para ipaliwanag ang salitang ordenansa. Ipaaral sanatitirang kalahati ng klase ang bahagi ring iyon, na naghahanap ng mga paraan paraipaliwanag ang salitang tipan.

101

Page 122: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Matapos magkaroon ng sapat na panahon ang mga estudyante na makapag-aral,humiling ng mga volunteer na magpapaliwanag sa mga salitang ordenansa at tipan.Pagkatapos ay itanong:

• Paano nauugnay ang mga katagang ordenansa at tipan sa binyag? (Tulungan angmga estudyante na tukuyin ang katotohanang ito: Sa pamamagitan ng ordenansang binyag, gumagawa tayo ng sagradong tipan sa Diyos.

Ipokus ang pansin ng inyong mga estudyante sa ikaapat na talata ng bahaging“Binyag, ang Ating Unang Tipan”, at itanong:

• Sa pagtanggap natin sa ordenansa ng binyag, ano ang ipinapangako nating gawin?(Kapag nabinyagan tayo, nakikipagtipan tayong tataglayin sa ating sarili angpangalan ni Jesucristo, na lagi Siyang aalalahanin, at susundin ang Kanyangmga kautusan. Kung sa tingin mo kailangan ng mga estudyante ng dagdag natagubilin sa ideyang ito, maaari kang mag-ukol ng ilang minuto sa kanila parasuriin ang Doktrina at mga Tipan 20:37.)

Matutulungan mo ang mga estudyante na mas maunawaan ang tipan sa binyag sapagdidispley ng siping mula kay Elder Robert D. Hales ng Korum ng LabindalawangApostol at paghiling sa isang estudyante na basahin ito nang malakas:

“Sa binyag nakikipagtipan tayo sa ating Ama sa Langit na handa tayong pumasok saKanyang kaharian at sundin ang Kanyang mga kautusan mula sa panahong iyon, kahitnabubuhay pa rin tayo sa mundo. Pinaaalalahanan tayo sa Aklat ni Mormon na angating pagbibinyag ay isang tipan na ‘tumayo bilang mga saksi ng Diyos [at ng Kanyangkaharian] sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar kung saan

kayo maaaring naroroon, maging hanggang kamatayan, nang kayo ay matubos ng Diyos, atmapabilang sa kanila sa unang pagkabuhay na mag-uli, nang kayo ay magkaroon ng buhay nawalang hanggan’ [Mosias 18:9; idinagdag ang pagbibigay-diin].

“Kapag naunawaan natin ang ating tipan sa binyag at ang kaloob na Espiritu Santo, babaguhin nitoang ating buhay at patitibayin ang ganap na katapatan natin sa kaharian ng Diyos. Kapag may mgatukso, kung makikinig tayo, ipapaalala sa atin ng Espiritu Santo na nangako tayong aalalahanin angating Tagapagligtas at susundin ang mga utos ng Diyos” (“Ang Tipan ng Binyag: Ang maging nasaKaharian at para sa Kaharian,” Ensign, Nob. 2000, 7).

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “patibayin ang ganap na katapatan sakaharian ng Diyos”?

• Sa paanong paraan maaaring baguhin ng binyag ang buhay ng isang tao?

Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang natitirang mga talata tungkol sabinyag sa mga pahina 70–71 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ipahanap atpamarkahan sa kanila ang karagdagang mga aspeto ng doktrina ng binyag namahalagang ibahagi sa mga investigator. Bigyan sila ng ilang sandali para kumpletuhinang aktibidad na ito, at pagkatapos ay hilingin sa ilang estudyante na ibahagi angnapag-alaman nila. Habang sumasagot ang mga estudyante, maaari mong itanongang tulad ng mga ito:

• Bakit magiging mahalaga sa isang investigator na maunawaan ang mga doktrinangito?

• Ano ang kaugnayan ng tipan ng binyag at ng mga alituntunin ng pananampalatayakay Jesucristo at ng pagsisisi, na tinalakay natin sa huling nagdaang klase?

LESSON 14: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 2)

102

Page 123: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Mga writing activity.Ang pagsusulat aymaaaring isangepektibong kasangkapansa pagtulong sa mgaestudyante na pag-isipanat pagnilayan ang mgadoktrina at alituntuningitinuro sa klase. Angassignment sapagsusulat ay dapatmalinaw na ipaliwanag,at dapat magbigay ngsapat na panahon paramatapos ito ng mgaestudyante. Kapag taposna ang aktibidad,maaaring magbigay ngoras para maibahagi ngilang estudyante angkanilang mga sagot saklase.

• Bakit mahalagang bahagi ng ordenansa ng binyag ang paglulubog sa tubig? (Ito aysimbolo ng kamatayan, libing, at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Simbolo rinito ng pagwawakas ng dati nating buhay at pagsisimula ng bagong buhay bilangdisipulo ni Cristo [tingnan sa Roma 6:3–6].)

Ipaliwanag na mahalagang maghanda nang wasto ang mga investigator para sabinyag. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 20:37. Atsabihan ang mga estudyante na bumaling sa isa pang miyembro ng klase at talakayinang sumusunod:

Paalala: Pagkatapos ng bawat isa sa sumusunod na mga tanong, tumigil para talakayin ng mgaestudyante ang kanilang mga sagot sa katabi nila sa upuan.

• Paano makakatulong ang talatang ito para malaman ninyo kapag handa ang isanginvestigator para sa binyag? (Kung nahihirapan ang mga estudyante na sagutin angtanong na ito, ituro sa kanila ang kahon na may pamagat na “Bago ang Binyag” sapahina 71 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “lumapit nang may bagbag na puso atnagsisising espiritu”?

• Paano ipinakikita ng tao na talagang “tinanggap na nila ang Espiritu ni Cristo”?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para maisulat sa kanilang study journalang ilang partikular na paraan na nagdulot ng mga pagpapala sa kanilang buhay angpagtupad sa kanilang mga tipan sa binyag. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sadalawa o tatlong estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang isinulat.

Ipalabas ang video na “Invitation to Be Baptized: German” (2:43). Habangpinapanood ng mga estudyante ang video, anyayahan silang tingnan kung

paano itinuro ng mga missionary kay German ang kahalagahan ng binyag.

• Ano ang sinabi ng mga missionary para tulungan si German na maunawaan angkahalagahan ng binyag?

• Ano ang katibayan na nadama ni German ang Espiritu Santo at hinangad namagpabinyag?

Hatiin ang klase sa magkakapares, at anyayahan ang bawat pares na gamitin angmateryal sa mga pahina 70–71 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo at ang isa o dalawangtalata mula sa kahon na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan sa pahina 71 paramaghanda ng apat-hanggang limang-minutong lesson na nakatuon sa pagpapakilalang pagbibinyag sa isang investigator. Maaari ring gamitin ng mga estudyante angmateryal na nasa pahina 8 ng missionary pamphlet na Ang Ebanghelyo ni Jesucristo.

Pagkatapos bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante na maghanda, bumuo nggrupo ng tig-aapat na estudyante, na may dalawang pares sa bawat grupo. Atasan angisang pares sa bawat grupo na turuan ang isa pang pares tungkol sa binyag sa loob ngapat hanggang limang minuto. Hikayatin ang mga estudyante na gumaganap bilangmga missionary na buklatin ang kanilang mga piling talata at basahin nang malakasang mga ito bilang bahagi ng kanilang pagtuturo. Sa pagtatapos ng karanasan sapagtuturo ng mga estudyante, sabihin sa maliliit na grupo na talakayin angsumusunod: Ano ang maayos na natalakay? Paano nakatulong ang lesson sa mgatinuturuan na maunawaan ang kahalagahan ng binyag? Ano ang dapat sanang binagong mga titser para maging lalong epektibo ang kanilang pagtuturo?

Pagkatapos ay magpalitan ng papel na ginagampanan at hayaang turuan angmagkaparehang nagturo ng isa pang pares. Tiyaking may oras para makatanggap ng

LESSON 14: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 2)

103

Page 124: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

feedback ang pangalawang pares. Sa aktibidad na ito, maglakad sa paligid ng silid parapagmasdan ang mga estudyante na nagtuturo, at purihin sila at magbigay ng mgamungkahi kung paano nila ito mapagbubuti.

Kapag nagkaroon na ang lahat ng estudyante ng pagkakataong magturo, mag-ukol ngilang minuto para pag-usapan ng klase ang kanilang karanasan. Para masimulan angtalakayan, itanong ang gaya ng sumusunod:

• Ano ang ilang bagay na natutuhan ninyo mula sa pagtuturo ng doktrinang ito?

• Bakit mahalagang maghanda na kayo ngayon na ituro ang mga alituntunin,katotohanan, at doktrinang ito sa iba?

• Ano ang magagawa ninyo ngayon para maging mas handang magturo tungkol saebanghelyo ni Jesucristo sa inyong misyon?

Ang Kaloob na Espiritu SantoPara maihanda ang mga estudyante sa bahaging ito ng lesson, itanong sa klase kunganong ordenansa ang isinasagawa pagkabinyag sa isang tao (kumpirmasyon, kungsaan ang tao ay nagiging miyembro ng Simbahan at tinatanggap ang kaloob naEspiritu Santo.) Sabihin sa mga estudyante na isipin sa loob ng tatlumpung segundokung bakit kinukumpirma ang mga tao kaagad matapos silang binyagan. Bagosumagot ang mga estudyante, isiping basahin sa kanila ang siping ito mula kayPropetang Joseph Smith:

“Para kayong nagbinyag ng isang sakong buhangin kapag bininyagan ninyo ang isangtao nang hindi para sa kapatawaran ng mga kasalanan at pagkakamit ng EspirituSanto. Walang kabuluhan ang pagbibinyag sa tubig kung hindi pagtitibaying miyembrong Simbahan—ibig sabihin ay pagtanggap ng Espiritu Santo” (Mga Turo ng mgaPangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 111).

Itanong:

• Bakit maituturing ang binyag na “kalahating binyag” lamang kung ito ay hindi nasinundan ng “pagbibinyag ng Espiritu Santo”? (Pagkaraan ng ilang sagot, maaarimong hikayatin ang mga estudyante na pakinggan ang iba pang mga sagot satanong na ito habang nagpapatuloy ang lesson.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na palihim na nagpunta sa gabi ang isang pinunongJudio na nagngangalang Nicodemo para magtanong tungkol kay Jesus ng Nazaret.Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Juan 3:3, at itanong:

• Ano ang ipinahihiwatig ng mga salita ng Tagapagligtas sa Juan 3:3 tungkol sa kungano ang kailangan para makapasok sa kaharian ng Diyos?

Basahin sa klase ang Juan 3:4–6 at itanong:

• Ano ang itinanong ni Nicodemo na nagpapahiwatig na hindi niya naunawaan angturo ng Tagapagligtas sa talata 3?

• Paano sinagot ni Jesus ang mga tanong ni Nicodemo? (Itinuro Niya kay Nicodemoang mahalagang doktrina ng ebanghelyo: Kailangan tayong maipanganak ngtubig at ng Espiritu upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Itinuro Niya naang “ipanganak na muli” ay tungkol sa espirituwal na pagsilang, hindi pisikal napagsilang.)

Isulat sa pisara:

LESSON 14: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 2)

104

Page 125: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Ipanganak na Muli

Ipanganak ng tubig

Ipanganak ng Espiritu

Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ibig sabihin ng “ipanganak ng tubig”? (Ibig sabihin nito ay mabinyagan sapamamagitan ng paglulubog sa tubig.)

• Ano ang ibig sabihin ng “ipanganak ng Espiritu”? (Ibig sabihin nito ay tanggapinang kaloob na Espiritu Santo. Kung nahihirapan ang mga estudyante sa pagsagotsa tanong na ito, ipabuklat sa kanila ang Juan 3:5, footnote a.)

• Sa palagay ninyo bakit ang salitang “ipanganak” ang ginamit para ilarawan kungano ang kailangang mangyari sa atin sa espirituwal? Anong mga aspeto ng pisikalna pagsilang ang maikukumpara sa ating espirituwal na pagsilang na muli? (Kungkailangan, isiping basahin ang Moises 6:58–59 para makatulong sa pagsagot satanong na ito.)

Hilingin sa ilang estudyante na magpalitan sa pagbasa nang malakas sa mga talata sabahaging “Ang Kaloob ng sa Espiritu Santo” sa pahina 72 ng Mangaral ng AkingEbanghelyo. Sabihan ang klase na sundan ang pagbabasa, na naghahanap ng mgapagpapalang kaakibat ng kaloob na Espiritu Santo.

Itanong sa klase:

• Ano ang ilan sa mga pagpapalang kaakibat ng kaloob na Espiritu Santo? (Ang isasa mga doktrinang dapat matukoy ng mga estudyante ay ito: Ang kaloob naEspiritu Santo ay makapagdudulot ng nakadadalisay at nakalilinis na epektosa mga tumatanggap nito.)

Para tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang doktrina, hilinging pag-aralan nila ang isa o dalawa sa mga talata na nasa ilalim ng pamagat na “MgaPagpapala at Impluwensya mula sa Espiritu Santo” sa kahon na Pag-aaralang mgaBanal na Kasulatan na nasa pahina 72 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Habang nag-aaral sila, anyayahan silang i-highlight sa kanilang banal na kasulatan ang ilan sa mgapagpapalang hatid ng pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo. Pagkatapos ay itanong:

• Bakit mahalagang matanggap ng isang tao ang Espiritu Santo pagkataposmabinyagan?

LESSON 14: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 2)

105

Page 126: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagninilay. Sapagbibigay sa iyong mgaestudyante ng oras paramagnilay sa klase,hinihikayat mo silangmatuto sa pamamagitanng Espiritu. Ang isa samga papel naginagampanan ngEspiritu ay ipakita sa atinang “lahat ng bagay nadapat nating gawin”(2 Nephi 32:5). Angpinakamabisang lessonay may kasamang oraspara pag-isipan ng mgaestudyante ang mgakatotohanangnatututuhan nila.

Itanong ang sumusunod, ngunit bago sumagot ang mga estudyante, bigyan sila ngisang saglit para tahimik na pagnilayan ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ng sapatna sandali, anyayahan ang ilang estudyante na sumagot at ibahagi sa klase angkanilang karanasan.

• Anong mga pagpapala ang natanggap ninyo mula sa kaloob na Espiritu Santo?

Gawing pares-pares ang mga estudyante. Hilingin sa mga estudyante na gamitin angimpormasyon mula sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo (o ang bahaging may pamagat na“Bakit Kailangan Kong Matanggap ang Espiritu Santo?” sa mga pahina 8–10 ngmissionary pamphlet na Ang Ebanghelyo ni Jesucristo) at maghanda ng apat- hangganglimang-minutong lesson tungkol sa kaloob na Espiritu Santo. Anyayahan ang mgaestudyante na tahimik na pag-aralan ang ilang talata ng banal na kasulatan nanakalista sa kahon na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan na nasa pahina 72-73 ngMangaral ng Aking Ebanghelyo.

Pagkatapos bigyan ng sapat na panahon para makapaghanda, bumuo ng mga grupong tig-aapat na estudyante, na may dalawang pares sa bawat grupo. Atasan ang isangpares ng mga estudyante na turuan ang isa pang pares. Habang nagtuturo ang mgaestudyante, maglakad sa paligid ng silid para pagmasdan, at purihin sila at magbigayng mga mungkahi kung paano nila ito mapagbubuti. Sa pagtatapos ng karanasan sapagtuturo ng mga estudyante, sabihin sa maliliit na grupo na talakayin angsumusunod: Ano ang maayos na natalakay? Ano ang dapat sanang binago ng mgatitser para maging lalong epektibo ang kanilang pagtuturo? Paano nakatulong angkanilang lesson sa mga tinuturuan na maunawaan ang kahalagahan ng kaloob naEspiritu Santo?

Pagkatapos ay sabihing magpalitan ng papel na ginagampanan ang mga pares, athayaang turuan ng magkaparehang tinuruan ang isa pang pares. Tiyaking may oraspara makatanggap ng feedback ang pangalawang pares.

Kapag nagkaroon na ang lahat ng estudyante ng pagkakataong magturo, mag-ukol ngilang minuto para i-assess ang karanasan sa pagtatanong ng gaya ng sumusunod:

• Ano ang ilang bagay na natutuhan ninyo mula sa pagtuturo ng doktrinang ito?

• Batay sa karanasang ito, ano ang magagawa ninyo upang mapagbuti ang pagtuturoninyo bilang missionary?

Magtiis Hanggang WakasSa pisara, idrowing ang larawan ng isang gate o pasukan na may landas sa likod nito:

Hilingin sa isang estudyante sa klase na basahin nang malakas ang 2 Nephi 31:17.Pagkatapos ay itanong sa klase:

• Ano ang tinukoy ni Nephi na pasukan tungo sa buhay na walang hanggan?

LESSON 14: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 2)

106

Page 127: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Hilingin sa isa pang estudyante na basahin nang malakas ang 2 Nephi 31:18–20habang sinusundan ito ng klase, na naghahanap ng kailangan nating gawinpagkatapos tayong binyagan.

• Ano ang sinabi ni Nephi na naroon sa paglampas ng pasukan? (Ang makipot atmakitid na landas tungo sa buhay na walang hanggan.)

• Ayon kay Nephi, ano ang kailangang gawin ng tao pagkatapos mabinyagan paratumanggap ng buhay na walang hanggan?

• Paano nauugnay ang pagtitiis o pananatiling tapat hanggang wakas sa pagsunod sahalimbawa ng Tagapagligtas?

Ipabasa sa mga estudyante ang bahaging may pamagat na “Magtiis Hanggang Wakas”sa pahina 73 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Hikayatin silang hanapin kung ano angmagagawa natin para manatiling tapat hanggang wakas. Pagkatapos ay itanong:

• Bakit mahalagang manatili tayong tapat hanggang wakas? (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang alituntuning ito: Kung masigasig nating sisikaping magtiis omanatiling tapat hanggang wakas, tatanggap tayo ng buhay na walanghanggan.)

• Paano makakatulong ang pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas sa pagtitiisninyo hanggang wakas?

Magtapos sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa kahalagahan ng ebanghelyo niJesucristo, lalo na ang binyag, ang kaloob na Espiritu Santo, at pagtitiis hanggangwakas.

Mga Paanyayang KumilosIsiping imbitahin ang mga estudyante na palalimin ang kanilang pagkaunawa saebanghelyo ni Jesucristo sa paggawa ng isa o higit pa sa sumusunod na mga aktibidadsa darating na linggo:

• Magpraktis na ipaliwanag ang mga kailangan sa binyag na nasa Doktrina at mgaTipan 20:37. Isulat ang ilang pangungusap sa inyong study journal na naglalarawankung ano ang ginagawa ninyo ngayon para mamuhay nang naaayon sa mga tipansa binyag na nakasaad sa talatang ito.

• Basahin ang mga talata tungkol sa kaloob na Espiritu Santo na nasa kahon na Pag-aaralang mga Banal na Kasulatan sa pahina 73 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.Basahin ang entry na “Holy Ghost” sa Bible Dictionary. Markahan ang iyong banalna kasulatan o isulat sa inyong study journal ang mga talatang gusto ninyonggamitin sa pagtuturo sa isang tao tungkol sa kaloob na Espiritu Santo.

• Ituro ang mga alituntunin ng “Lesson 3: Ang Ebanghelyo ni Jesucristo” sa isangkapamilya o kaibigan (kung maaari sa isang taong hindi miyembro ng Simbahan, oisang taong di-gaanong aktibo), nang personal o online. Ibahagi ang iyong patotoosa mga alituntuning ito habang tinuturuan mo sila.

LESSON 14: PAGTUTURO NG EBANGHELYO NI JESUCRISTO (PART 2)

107

Page 128: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

15 Gawain sa Templo at FamilyHistory

PambungadMaaaring isulong ng mga prospective at full-time missionary anggawain ng kaligtasan sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sagawain sa templo at family history at pagtulong sa iba namaranasan ang mga pahiwatig ng Espiritu na kaakibat ng gawaingito. Ang family history ay maaaring maging mabisang paraan sapaghahanap ng matuturuan at pagpapalakas ng pananampalataya

ng mga bagong binyag at di-gaanong aktibong miyembro. Angpartisipasyon sa gawain sa family history ay nagbabaling sa pusong mga tao sa kanilang mga ninuno at sa Panginoon. Ang familyhistory ay isang kasangkapan na magagamit ng mga missionary sapag-imbita sa iba na lumapit kay Cristo at tanggapin ang mgaordenansa ng kaligtasan.

Paunang Paghahanda• Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 109:22–23; 110:13–16; 138:29–35; at Joseph

Smith—Kasaysayan 1:38–39.

• Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga pahina 94–96, 187–89.

• Maghandang ipalabas ang video na “The Time Is Now” (3:20), na makukuha saLDS.org.

• Maghandang ipalabas ang video na “Family History and MissionaryWork—Finding” (3:53), na makukuha sa LDS.org.

• Maghandang ipalabas ang video na “Family History and MissionaryWork—Activation” (3:05), na makukuha sa LDS.org.

• Gumawa ng kopya ng isang fan chart na ipi-print mula sa FamilySearch.org.

• Maging pamilyar sa pangunahing seach tools sa FamilySearch.org, o anyayahanang isang ward o branch family history consultant na ituro ang tungkol sa tools naito sa lesson.

• Maghandang idispley ang larawan ng isang kalapit na templo.

• Gumawa ng kopya ng blangkong apat na-henerasyong pedigree chart(matatagpuan sa hulihan ng lesson) para sa bawat estudyante.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Kahalagahan ng Endowment sa TemploMagdispley ng larawan ng isang kalapit na templo, at basahin ang sumusunod na sipimula kay Pangulong Howard W. Hunter:

“Ihanda natin ang bawat missionary na magpunta sa templo nang karapat-dapat atgawin nating mas maganda pa ang karanasang iyon kaysa pagtanggap ng mission call”(“Follow the Son of God,” Ensign, Nob. 1994, 88).

Bilang pagbibigay-diin, maaari ninyong muling basahin ang sipi at pagkatapos ayitanong sa mga estudyante:

• Sa paanong paraan ang pagpunta sa templo ay “mas magandang karanasan” kaysapagtanggap ng mission call? (Maaaring kasama sa mga sagot ang sumusunod:

108

Page 129: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

samantalang ang misyon ay pansamantala lamang, ang mga tipang ginagawa natinsa templo ay walang hanggan; ang mga pagpapala ng templo ay magdudulot ngkapangyarihan sa karapat-dapat na mga missionary.)

Ipabasa sa isang estudyante ang unang talata sa ilalim ng “Mga Templo at FamilyHistory” sa pahina 95 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ilan sa mga pagpapalang matatanggap natin sa loob ng templo?

• Paano matutulungan ng mga pagpapalang ito ang isang taong nagsisikap nalumapit kay Cristo?

Para makita kung paano pinagpapala ang mga missionary sa pagdalo sa templo bagomagmisyon, hilingin sa klase na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 109:22–23, atipaliwanag na ang mga talatang ito ay bahagi ng panalangin ng paglalaan para saKirtland Temple. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga talata habangsinusundan ng klase, na hinahanap ang mga pagpapala ng templo na natatanggap ngmga lingkod ng Panginoon. Pagkatapos ay tulungan ang mga estudyante na matukoyang isang alituntuning itinuro sa mga talatang ito sa pagtatanong nito:

• Paano nakatutulong ang mga talatang ito sa inyo na maunawaan kung bakitnapakahalaga sa mga missionary na matanggap ang mga pagpapala ng templobago umalis papuntang misyon? (Ang mga sagot ng mga estudyante ay maaaringibuod ng alituntuning ito: Sa pagtanggap ng mga pagpapala ng templo ang mgamissionary ay nakakahayo sa daigdig nang may banal na tulong atkapangyarihan. Isiping isulat sa pisara ang alituntuning ito.)

Panoorin ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Napakahalagang maunawaan ninyo na ang pagpunta sa templo para sa sarili ninyongendowment … ay mahalagang bahagi ng inyong paghahanda sa misyon. … [Dapatninyong] maunawaan ang kahalagahan ng mga tipan sa templo [at] ang hindimapaghihiwalay na pagkakaugnay ng inyong endowment doon at ng inyong tagumpaybilang missionary. Sa katunayan, ang salitang endowment ay nagpapahiwatig ng diwa

ng mahalagang pagkakaugnay na iyon. Ang endowment ay isang kaloob. …

“Alam ninyong hindi ninyo magagawa ang gawaing ito nang mag-isa. Kailangan natin ang tulong nglangit; kailangang mapasaatin ang mga kaloob ng Diyos. … Napakabigat ng gawaing ito atnapakatindi ng pagsalungat dito ng kalaban kung kaya’t kailangan natin ang bawat banal nakapangyarihan upang mapaigi ang ating pagsisikap at patuloy na maisulong ang Simbahan”(“Keeping Covenants: A Message for Those Who Will Serve a Mission,” New Era, Ene. 2012, 3–4).

Itanong:

• Paano pinagtitibay ng pahayag ni Elder Holland ang itinuturo sa Doktrina at mgaTipan 109: 22–23?

Ipaliwanag na bago tanggapin ang endowment sa templo, kailangang tumanggap angmga karapat-dapat na miyembro ng temple recommend mula sa kanilang mga localpriesthood leader. Pagkataos ay idispley ang sumusunod na pahayag at hilingin saisang estudyante na basahin ito nang malakas sa klase:

“Ang temple recommend ay nangangahulugang tayo ay napatunayang karapat-dapat sapamamagitan ng pag-interbyu ng isang miyembro ng ating bishopric o ng branch president at ng pag-interbyu rin ng isang miyembro ng ating stake presidency o ng mission presidency. Ang mga interbyu

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

109

Page 130: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

para sa temple recommend ay mga pagkakataon para masuri natin kung karapat-dapat tayo. Sabawat interbyu, tatanungin tayo ng ating mga priesthood leader tungkol sa ating sariling pag-uugaliat pananampalataya. Pinananatiling pribado at kumpidensyal ng ating mga priesthood leader angmga interbyung ito. …

“Ang sumusunod ay ilan sa mga paksang itatanong sa inyo ng inyong mga priesthood leader:

1. Ang iyong patotoo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo.

2. Kung sinasang-ayunan mo ang Pangulo ng Simbahan.

3. Kung ipinamumuhay mo ang batas ng kalinisang-puri, nagbabayad ng ikapu, tapat sapakikitungo sa iba, at sinusunod ang Word of Wisdom.

4. Kung sinisikap mong magsimba, tinutupad ang mga ginawa mong tipan, at pinananatilingnakaayon ang iyong buhay sa mga kautusan ng ebanghelyo” (“Pagiging Karapat-Dapat naPumasok sa Templo,” Ensign, Ago. 2010, 8–9; o Liahona, Ago. 2010, 12–13).

• Sa paanong paraan nakatutulong sa inyo ang mga requirement sa pagigingkarapat-dapat na maunawaan ang kasagraduhan ng templo at ng iyong tungkulinbilang missionary?

• Kung hindi napakasagrado o personal ng mga ito, anong mga karanasan angmaibabahagi ninyo na nakatulong sa inyo na maunawaan at madama angkahalagahan ng templo at ng gawaing ginagawa roon?

Sabihin sa mga estudyante na isaisip kung ano ang kailangan nilang gawin upangkarapat-dapat na matanggap ang kanilang endowment sa templo.

Paalala: Hikayatin ang mga estudyante na maging karapat-dapat at magkaroon ng templerecommend. Maaari mong imungkahi na maghanda sila para sa misyon sa pagdalo nang madalas sa

templo kung may pagkakataon upang isagawa ang gawain para sa sarili nilang mga ninuno at sa iba.

Bago magpatuloy, maaari mong ituro sa iyong mga estudyante na bilang mgamissionary dapat nilang gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya paramahikayat ang mga bagong binyag na maghanda sa pagpasok sa templo. Ang mgabagong binyag na nagpupunta sa templo para magsagawa ng binyag para sa kanilangmga ninuno ay malamang na manatiling aktibo at magpunta sa templo kalaunan paratanggapin ang kanilang endowment sa templo at sealing. Tapusin ang bahaging ito nglesson sa pagbibigay ng iyong patotoo tungkol sa templo at sa espirituwal na lakas nanatanggap mo sa pagsamba doon.

Ang plano ng Diyos na Tubusin ang mga PatayIpaalala sa mga estudyante na pagkamatay ni Jesucristo, dinalaw Niya ang daigdig ngmga espiritu (tingnan sa 1 Pedro 3:18–20; 4:6). Pagkatapos ay hilingin sa mgaestudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 138:29–35. Ipaliwanag na angbahaging ito ay naglalaman ng pangitain ni Pangulong Joseph F. Smith tungkol sadaigdig ng mga espiritu. Imbitahin ang ilang estudyante na magpalitan sa pagbasanang malakas sa mga talata. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ginawa ng Tagapagligtas para maorganisa ang pangangaral ng ebanghelyosa mga namatay na nasa daigdig ng mga espiritu?

• Paano tayo tinutulungan ng mga talata 33–35 na maunawaan ang paraan ngpagtanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan ng mga tumanggap sa ebanghelyo sadaigdig ng mga espiritu? (Ang mga tatanggap sa mensahe ng ebanghelyo aymagagawan ng nakapagliligtas na mga ordenansa.)

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

110

Page 131: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Sabihan ang ilang estudyante na magpalitan sa pagbasa nang malakas sa hulingdalawang talata sa bahaging “Mga Templo at Family History” sa mga pahina 95–96 ngMangaral ng Aking Ebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

• Paano nagbibigay ng pagkakataon ang plano ng Panginoon sa mga taong namataynang hindi natatanggap ang mahahalagang ordenansa ng ebanghelyo? (Maaaringisagawa ng mga nabubuhay ang nakapagliligtas na mga seremonya para samga pumanaw na.)

Ang Misyon ni ElijahIpaliwanag na si Elijah ay propeta ng Lumang Tipan na nabuhay noong mga 900 B.C.Ang propetang si Malakias ay nagpropesiya na si Elijah ay babalik sa lupa (tingnan saMalakias 4:5–6), at nang magpakita si Moroni kay Joseph Smith noong 1823, inulitniya na si Elijah ay magbabalik. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang JosephSmith—Kasaysayan 1:38–39 habang sumasabay ang klase, na hinahanap ang itinuroni Moroni tungkol kay Elijah. Itanong:

• Ano ang nalaman ni Joseph Smith tungkol kay Elijah? (Bagama’t maaaringgumamit sila ng iba’t ibang salita, dapat maunawaan ng mga estudyante na bagoang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, si Elijah ay magbabalik sa lupa atibabaling ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama.)

• Ano ang ibig sabihin ng babaling ang mga puso ng mga anak sa kanilang mgaama? (Ang mga indibiduwal ay magiging interesado at mag-aalala para sa walang-hanggang kapakanan ng kanilang mga pamilya noon, ngayon, at sa hinaharap.Ang interes na ito ay bahagi ng humihikayat sa tao na saliksikin ang mga rekord ngkanilang kaanak na yumao na at makibahagi sa nakapagliligtas na mga ordenansapara sa kanila.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na isang linggo matapos ilaan ang Kirtland Templenoong 1836, may mga espesyal na pangyayari na naganap na nakatala sa Doktrina atmga Tipan 110. Anyayahan ang isang estudyante na basahin nang malakas angDoktrina at mga Tipan 110:13–16 habang sinusundan ito ng klase, na hinahanap angmga ibinalik ni Elijah sa lupa. Itanong sa mga estudyante:

• Anong mga susi ang ipinanumbalik ni Elijah kay Joseph Smith? (Kungkinakailangan, anyayahan ang mga estudyante na tingnan ang Doktrina at mgaTipan 110:16, footnote a, para tulungan silang maunawaan na ipinanumbalik niElijah ang mga susi ng pagbubuklod ng priesthood.)

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano pinagpapala ngmga susi ng pagbubuklod ng priesthood ang mga pamilya, hilingin sa isang estudyantena basahin nang malakas ang unang talata sa bahaging may pamagat na “WalangHanggang Kasal” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, pahina 94. Pagkatapos ay itanong:

• Ayon sa talatang ito, ano ang layunin ng mga susi ng pagbubuklod naipinanumbalik ni Elijah sa lupa? (Maaaring gumamit ang mga estudyante ng iba’tibang salita, pero dapat matukoy nila ang doktrinang ito: Sa pamamagitan ngmga susi ng pagbubuklod ng priesthood, maaaring isagawa sa mga temploang mga sagradong ordenansa na nagbibigkis sa mga pamilya sa kawalang-hanggan.)

• Paano napagpala ng mga susing ito kayo, ang inyong pamilya, ang inyong mgakamag-anak, o inyong mga kaibigan?

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

111

Page 132: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagdidispley ng mgasipi o quotation. Kapagmaaari, magandangideya ang magdispley ngmga sipi na babasahinnang malakas. Kapagnakikita at naririnig ngmga mag-aaral ang isangsipi, kadalasan ay masnauunawaan nila angitinuturo. Angpagdidispley atpagbabasa nang malakasng mga sipi aynagtutulot din sa mgaestudyanteng maykapansanan na masmaunawaan angmateryal na itinuturo.

Sa pisara, isulat ang “Ang Diwa ni Elijah.” Idispley ang sumusunod na mga sipi atanyayahan ang ilang estudyante na basahin nang malakas ang mga ito sa klase:

Itinuro ni Elder Russell M. Nelson na ang diwa ni Elijah ay “manipestasyon ng EspirituSanto na nagpapatotoo sa likas na kabanalan ng pamilya” (“A New Harvest Time,”Ensign, Mayo 1998, 34).

Si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagbigay ngkaragdagang mga ideya kung paano naiimpluwensyahan ng diwa ni Elijah ang mgatao: “Ang kakaibang impluwensyang ito ng Espiritu Santo ay naghihikayat sa mga taona tukuyin, idokumento, at itangi ang kanilang mga ninuno at kapamilya—kapwa noonat ngayon.

“Ang Diwa ni Elias ay umaapekto sa mga miyembro at hindi miyembro ng Simbahan. Gayunman,bilang mga miyembro ng ipinanumbalik na Simbahan ni Cristo, may responsibilidad tayo sa atingtipan na saliksikin ang ating mga ninuno at magsagawa ng nakapagliligtas na mga ordenansa ngebanghelyo para sa kanila. …

“Dahil dito nagsasaliksik tayo ng kasaysayan ng ating pamilya, nagtatayo ng mga templo, atnagsasagawa ng nakapagliligtas na mga ordenansa para sa mga patay. Dahil dito isinugo si Elijahupang ipanumbalik ang awtoridad na magbuklod na may bisa sa lupa at sa langit” (“Ang mga Pusong mga Anak ay Magbabalik-loob,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 25–26).

Tulungan ang mga estudyante na matukoy at mas maunawaan ang mga doktrinangitinuro nina Elder Nelson at Elder Bednar sa pagtatanong ng:

• Ano ang ibig nating sabihin kapag binabanggit natin ang “diwa ni Elijah”?

• Sa paanong paraan maiimpluwensyahan ng Espiritu Santo ang ating damdamintungkol sa pamilya? (Ang diwa ni Elijah, na malinaw na impluwensya ngEspiritu Santo, ay nagpapatotoo sa kabanalan ng pamilya at tinutulungantayong pahalagahan ang mga miyembro ng ating pamilya, kapwa noon atngayon. Ikinikintal din nito sa ating isipan ang hangarin na isagawa angnakapagliligtas na mga ordenansa para sa ating mga ninuno.)

• Nadama na ba ninyong bumaling ang inyong puso sa inyong mga ninuno sa ilangparaan? Kung oo, ano ang nadama ninyo na dapat ninyong gawin? (Kungkinakailangan, ipaalala sa mga estudyante ang naunang mga lesson sa kursotungkol sa kung paano nakikipag-ugnayan sa atin ang Espiritu Santo.)

Pakikibahagi sa Gawain sa Family History.Paunawa: Habang itinuturo mo ang bahaging ito ng lesson, kakailanganin mo ng (1) kumpletongapat-na-henerasyong pedigree chart, isang fan chart na na-print mula sa FamilySearch.org, o ang

dalawang ito para ipakita sa klase, (2) blangkong pedigree chart na ibibigay sa bawat estudyante, at (3)kuwento tungkol sa isa sa inyong mga ninuno upang ibahagi sa klase.

Ipakita sa mga estudyante ang kumpletong apat-na-henerasyong pedigree chart oisang fan chart na na-print mula sa FamilySearch.org. Hilingin sa mga estudyantekung ano ang impormasyon na nasa mga dokumentong ito.

Magbigay ng blangkong apat na-henerasyong pedigree chart sa bawat estudyante.Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para suriin ang pedigree chart at isulatang mga pangalan ng kanilang mga ninuno sa abot ng makakaya nila.

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

112

Page 133: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Itanong sa mga estudyante:

• Saan kaya ninyo maaaring mahanap ang impormasyong kailangan paramakumpleto ang iyong pedigree chart o fan chart? (Paalalahanan ang mgaestudyante na dapat muna silang humingi ng tulong sa mga magulang, lolo‘t lola,o iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang mga ward o branch family historyconsultant ay makatutulong din nang malaki sa inyong pagsasaliksik ng familyhistory. Bukod pa riyan, dapat alam ng mga estudyante ang website ng Simbahanpara sa family history research, ang FamilySearch.org.)

Itanong kung gusto ng sinumang estudyante na ibahagi ang kanilang karanasan gamitang FamilySearch para malaman ang tungkol sa kanilang mga ninuno. Kung hindi panagamit ng mga estudyante ang FamilySearch, bigyan sila ng maikling buod ng kungano ang matatagpuan nila roon. Maaari mo ring buksan ang FamilySearch.org sacomputer at gumawa ng pagsasaliksik gamit ang pangalan ng isa sa mga yumaongninuno ng iyong mga estudyante. Bigyang-diin na ang FamilySearch ay isang tool natumutulong sa atin upang matukoy ang ating mga ninuno at ihanda ang kanilangimpormasyon para maisumite sa templo para magawan ng nakapagliligtas na mgaordenansa.

Paunawa: Kung hindi kayo pamilyar sa FamilySearch, maaari mong anyayahan ang isang ward obranch family history consultant para ituro kung paano gamitin ang website.

Ipaliwanag sa mga estudyante na ang isa pang paraan upang maranasan ang familyhistory ay tipunin ang mga kuwento tungkol sa kanilang mga ninuno at miyembro ngpamilya. Matutulungan tayo ng mga kuwento ng family history na madama ang diwani Elijah at pag-ibayuhin ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa mga miyembrong pamilya na nasa kabilang-buhay na. Isiping magbahagi ng maikling kuwentotungkol sa isa sa iyong mga ninuno. Pagkatapos ay itanong:

• Paano maiimpluwensyahan ng mga kuwento ukol sa family history ang inyongdamdamin sa mga miyembro ng inyong pamilya?

• Paano ito nakatutulong sa inyo na mas maunawaan kung sino kayo at ano angmaaari ninyong kahinatnan?

Ipalabas ang video na “The Time Is Now” (3:20). Habang pinanonood nila angtalakayang kasama si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang

Apostol, hikayatin ang mga estudyante na isipin ang mga dahilan kung bakit nilasinimulan o gustong simulan ang pakikibahagi sa gawain sa family history.

• Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa gawain sa family history mula kay ElderBednar at sa mga kabataan sa video na ito?

• Ano ang nadama ng mga kabataang ito nang makibahagi sila sa gawain sa familyhistory?

Sabihin sa mga estudyante na may pangako si Elder Bednar sa mga kabataan nanakikibahagi sa gawain sa templo at family history. Idispley ang sumusunod na sipi atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Sa pagtugon ninyo nang may pananampalataya sa paanyayang ito [na makibahagi sagawain sa family history at magsagawa ng mga binyag para sa inyong mga ninuno],ang inyong puso ay babaling sa mga ama. Ang mga pangako kina Abraham, Isaac, atJacob ay matatanim sa inyong puso. Ang inyong patriarchal blessing, na naghahayag nginyong angkan, ay iuugnay kayo sa mga ninunong ito at magiging mas makahulugan sa

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

113

Page 134: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Pagbabahagi ng mgakaranasan. Kapagnagbabahagi ang mgaestudyante ng personalna karanasan, kadalasanay pinatototohanan ngEspiritu Santo angkatotohanan ngnatutuhan nila sapamamagitan ngkaranasan. Ang isa pangbenepisyo ngpagbabahagi ng mgakaranasan ay madalas nanahihikayat ang mgaestudyante kapagnaririnig nila kung paanonaisasabuhay ng mgakaedad nila ang mgadoktrina at alituntuninng ebanghelyo.

inyo. Ang pagmamahal at pasasalamat ninyo sa inyong mga ninuno ay mag-iibayo. Ang inyongpatotoo at pananalig sa Tagapagligtas ay lalalim at mananatili. At ipinapangako ko namapoprotektahan kayo laban sa tumitinding impluwensya ng kaaway. Sa pakikibahagi atpagmamahal ninyo sa banal na gawaing ito, kayo ay pangangalagaan sa inyong kabataan at sahabambuhay” (“Ang mga Puso ng mga Anak ay Magbabalik-loob,” Ensign o Liahona, Nob. 2011,26–27).

Itanong sa mga estudyante:

• Aling mga pagpapala na binanggit ni Elder Bednar ang gusto ninyong matanggap,at bakit? (Maaaring kasama sa mga sagot ang alituntunin na ang pakikibahagi sagawain sa family history ay nagpapalakas sa ating pagbabalik-loob saTagapagligtas at naghahatid ng espirituwal na proteksyon laban saimpluwensya ng kaaway.)

Matutulungan mo ang mga estudyante na magbahagi ng personal na mga karanasanna nauugnay sa gawain ng family history sa pagtatanong ng gaya ng sumusunod:

• Paano ninyo naranasan ang isa o higit pa sa mga ipinangakong pagpapalang ito sainyong buhay?

• Mayroon ba sa inyo o isang miyembro ng inyong pamilya na nahanap angpangalan ng isang ninuno at pagkatapos ay nagpunta sa templo upangmagpabinyag para sa taong iyon? Paano naiiba ang karanasang iyon sapagpapabinyag para sa isang tao na hindi kamag-anak?

• Kung walang estudyanteng nakaranas nito, isiping itanong: Paano ninyo naranasanang ipinangakong mga pagpapala sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga binyagpara sa mga patay?

Kung sa inyong talakayan sa klase ay may nalaman kayong isa o mas marami pangestudyante na nakibahagi at nagkaroon ng matinding damdamin tungkol sa familyhistory, maaari mong itanong sa kanila kung anong payo ang ibibigay nila sa isang taona kaedad nila na hindi pa nagsimulang gumawa ng gawain sa family history.

Paggamit sa Family History sa Pag-anyaya sa Iba na Lumapit kay CristoSabihin sa mga estudyante na ang paghahanap ng impormasyon tungkol sa familyhistory ay naging popular na aktibidad sa mundo ngayon. Ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

“Milyun-milyon ang mga tao sa buong mundo na gumagawa ng mga talaan ng familyhistory. Bakit? Bakit nila ito ginagawa? Naniniwala ako na ito ay dahil sa naantig sila ngdiwa ng gawaing ito, isang bagay na tinatawag nating diwa ni Elijah. Ito ay angpagbaling ng mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama. Hindi nauunawaan ngkaramihan sa kanila ang anumang tunay na layunin nito, maliban lang siguro sa

matindi at nakahihikayat na pag-uusisa.

“Marapat lang na may layunin sa napakalaking pag-uukol na ito ng panahon at pera. Ang layuningiyon, na taimtim naming pinatototohanan, ay ang matukoy ang mga henerasyon ng mga patay upangmaisagawa ang mga ordenansa para sa kanila para sa kanilang walang-hanggan at habampanahongpagpapala at pag-unlad” (“A Century of Family History Service,” Ensign, Mar. 1995, 62).

Itanong:

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

114

Page 135: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

• Paano magagamit ng mga missionary ang lumalaking, pandaigdigang interes na itosa family history para ipakilala sa iba ang ebanghelyo?

Ipabasa nang malakas sa mga estudyante ang unang tatlong talata at ang huling talatang bahagi na may pamagat na “Family History” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mgapahina 187–89. Ipahanap sa kanila kung bakit ang pagbanggit ng tungkol sa gawain safamily history ay natural na paraan at hindi nagiging sanhi ng pagkabahala sa mga di-miyembro para masimulan ng mga missionary ang pakikipag-usap. Pagkataposbasahin ang mga talatang ito, itanong:

• Paanong ang pakikipag-usap sa iba tungkol sa gawain sa family history aymabisang tool para makahanap ang mga missionary ng mga taong tuturuan?(Dapat maunawaan ng mga estudyante na ang family history ay maaaringmaging mabisang resource na gagamitin sa paghahanap ng mga taonginihahanda ng Panginoon na tumanggap ng ebanghelyo.)

Pagkatapos sumagot ang mga estudyante, ipalabas ang video na “FamilyHistory and Missionary Work—Finding” (3:53). Habang nanonood sila,

hikayatin ang mga estudyante na isipin kung paano nila gagamitin ang paksa ngfamily history para masimulan ang pakikipag-usap sa iba.

Pagkatapos ng video, itanong:

• Ano ang ginawa ng mga missionary sa video para simulan ang pakikipag-usap saiba tungkol sa gawain sa family history?

• Ano ang naging epekto ng mga pag-uusap tungkol sa gawain sa family history sapotensiyal na mga investigator?

Sabihin sa mga estudyante na magpapraktis na sila ngayong gumamit ng pedigreechart para anyayahan ang isang tao na alamin pa ang tungkol sa Simbahan. (Bilangalternatibo, maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nilamagagamit ang isang kuwento tungkol sa isa sa kanilang mga ninuno para masimulanang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo.) Para tulungan ang mga estudyante namagtagumpay sa gawaing ito, hingin ang mga ideya ng mga estudyante kung paanogagamitin ang pedigree chart (o isang kuwento tungkol sa isang ninuno) paramasimulan ang pakikipag-usap tungkol sa gawain sa family history at paano itohahantong sa isang mensahe tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.Habang sumasagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang kanilang mga ideya.

Gamitin ang ilan sa kanilang mga ideya at ipakita sa klase kung paano gamitin angpedigree chart para masimulan ang pakikipag-usap sa isang tao tungkol saebanghelyo. Pagkatapos ay ipares ang bawat estudyante sa isa pang miyembro ng klaseat sabihing magpraktis silang gawin ito. Pagkatapos magkaroon ang bawat estudyanteng pagkakataong turuan ang isa pang miyembro ng klase, magtanong ng follow-up natanong na tulad ng:

• Ano sa palagay ninyo ang nagawa nang maayos sa practice teaching na ito?

• Ano ang gusto ninyong pagbutihin pa?

Kung may oras pa, ipaliwanag sa mga estudyante na sa maraming lugar kungsaan sila maglilingkod, ang mga missionary ay hinihilingang tumulong sa

pagpapatatag ng pananampalataya at katapatan ng mga di-gaanong aktibongmiyembro ng Simbahan. Ang family history ay maaaring maging mahalagang toolpara tulungan ang mga taong ito na madama ang Espiritu Santo at lumapit kay Cristo.Pagkatapos ay ipalabas ang video na “Family History and Missionary

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

115

Page 136: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong

Work—Activation” (3:05), at ipahanap sa mga estudyante ang mga paraan namagagamit ang family history upang tumulong sa pagpapaaktibo sa di-gaanongaktibong mga miyembro:

Pagkatapos ng video, itanong:

• Paano makatutulong ang pag-uusap tungkol sa gawain sa family history at angdoktrina ng mga walang-hanggang pamilya sa pagpapalakas ng pananampalatayang mga di-gaanong aktibong miyembro?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para pag-isipan kung ano ang magagawanila ngayon at kung ano ang magagawa nila bilang mga missionary para magamit anggawain sa family history bilang kasangkapan upang anyayahan ang iba na lumapit kayCristo. (Ayon sa pahiwatig ng Espiritu, maaari mong tawagin ang ilang estudyante naibahagi ang kanilang mga sagot sa klase.) Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa mgaalituntuning itinuro sa lesson na ito.

Mga Paanyayang Kumilos:Anyayahan ang mga estudyante na makibahagi ngayon sa gawain ng kaligtasan sapaggawa ng isa o mas marami pa sa sumusunod na mga aktibidad:

• Mag-set up ng LDS account para ma-access mo ang FamilySearch.org. Kungmaaari, gumawa at mag-print ng apat-na-henerasyong pedigree chart o isang fanchart na may impormasyon ng inyong pamilya.

• Ipakita ang inyong apat-na-henerasyong pedigree chart sa isang kaibigan okapitbahay at anyayahan siyang alamin pa ang tungkol sa family history. Magtakdang petsa para isama ang iyong kaibigan sa isang family history consultant obisitahin ang isang family history library.

• Gamit ang FamilySearch.org, tukuyin ang isa o mahigit pa sa inyong mga ninunona kailangang gawan ng mga ordenansa sa templo. Kung maaari, ihanda angimpormasyon para sa kanilang gawain sa templo at kumpletuhin ang mgaordenansa ng binyag at kumpirmasyon para sa kapakanan nila.

LESSON 15: GAWAIN SA TEMPLO AT FAMILY HISTORY

116

Page 137: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong
Page 138: Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Missionary · pagmumungkahi ng mga aktibidad na ito. Halimbawa, maaari kang mamigay ng handout sa oras ng unang klase na may listahan ng rekomendadong