13. Mga Aktibidad - media.ldscdn.org

17
138 MAYO 2019 13. Mga Aktibidad 13.1 Mga Layunin ng mga Aktibidad ng Simbahan Napagsasama-sama ng mga aktibidad sa ward, stake, at multistake level ang mga miyembro bilang “mga kababayan na kasama ng mga banal” (Mga Taga Efeso 2:19). Bukod sa pagbibigay ng tuwa at saya, ang mga aktibidad ay dapat magpatibay ng mga patotoo, magpalakas ng mga pamilya, at mag- taguyod ng pagkakaisa at pansariling pag-unlad. Ang mga aktibidad ay nagpapatatag sa mga miyem- bro sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapanatagan na sila ay may karamay at may sumusuporta sa kanila. Dapat na makatulong ang mga aktibidad na madama ng mga miyembrong konektado sila sa iba pang kaedad nila, sa kanilang mga lider, at sa kanilang mga pamilya. Dapat na makatulong din ang mga aktibidad na makita ng mga miyembro kung paano naghahatid ng “kagala- kan [sa] mga banal” (Enos 1:3) ang pamumuhay ng ebanghelyo. Ang mga aktibidad sa Simbahan ay dapat planuhin upang maisakatuparan ang mga layuning naka- sentro sa ebanghelyo. Bukod pa sa mga pangkala- hatang layuning nabanggit sa itaas, kabilang din dito ang: 1. Pagsali sa mga proyekto sa paglilingkod na magpapala sa iba at bumubuo ng pagsasamahan sa komunidad. 2. Pagpapaunlad ng mga talento at pagpapahalaga sa mga sining pangkultura. 3. Pagpapalakas ng katawan at pagkatuto ng pagiging maginoo sa mga laro. 4. Pagkuha ng edukasyon at bokasyonal na pagsasanay. 5. Pagdiriwang ng mga espesyal na okasyon at paggunita sa mga kaganapan sa Simbahan o lokal na kasaysayan. 6. Pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pamumuno. 7. Pagyamanin ang pag-asa sa sariling kakayahan. 8. Pakikibahagi sa gawaing misyonero, pagpapanatili at pagpapaaktibo sa mga miyembro, gawain sa templo, at gawain sa family history. 13.2 Pagpaplano ng mga Aktibidad 13.2.1 Responsibilidad sa Pagpaplano ng mga Aktibidad Bago magplano ng isang aktibidad, isinasaalang- alang ng mga lider ang mga espirituwal at temporal na pangangailangan ng mga miyembro. Humihingi ng patnubay ng Espiritu ang mga lider upang maka- pagpasiya kung anong uri ng aktibidad ang maka- tutulong na matugunan ang mga pangangailangang iyon. Kinakailangan ang maingat na pagpaplano upang matiyak na maisasakatuparan ng mga akti- bidad ang mga layuning nakasentro sa ebanghelyo at matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong nakikibahagi. Sa ilalim ng pamamahala ng bishopric, sinusubay- bayan ng ward council ang pagpaplano ng mga akti- bidad sa ward. Kapag ang isang aktibidad ay para sa isang partikular na organisasyon o grupo sa ward, pinaplano ang mga ito sa ilalim ng pamamahala ng

Transcript of 13. Mga Aktibidad - media.ldscdn.org

138 MAYO 2019

13.

Mga Aktibidad13.1

Mga Layunin ng mga Aktibidad ng SimbahanNapagsasama- sama ng mga aktibidad sa ward, stake, at multistake level ang mga miyembro bilang “mga kababayan na kasama ng mga banal” (Mga Taga Efeso 2:19). Bukod sa pagbibigay ng tuwa at saya, ang mga aktibidad ay dapat magpatibay ng mga patotoo, magpalakas ng mga pamilya, at mag-taguyod ng pagkakaisa at pansariling pag- unlad.

Ang mga aktibidad ay nagpapatatag sa mga miyem-bro sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapanatagan na sila ay may karamay at may sumusuporta sa kanila. Dapat na makatulong ang mga aktibidad na madama ng mga miyembrong konektado sila sa iba pang kaedad nila, sa kanilang mga lider, at sa kanilang mga pamilya. Dapat na makatulong din ang mga aktibidad na makita ng mga miyembro kung paano naghahatid ng “kagala-kan [sa] mga banal” (Enos 1:3) ang pamumuhay ng ebanghelyo.

Ang mga aktibidad sa Simbahan ay dapat planuhin upang maisakatuparan ang mga layuning naka-sentro sa ebanghelyo. Bukod pa sa mga pangkala-hatang layuning nabanggit sa itaas, kabilang din dito ang:

1. Pagsali sa mga proyekto sa paglilingkod na magpapala sa iba at bumubuo ng pagsasamahan sa komunidad.

2. Pagpapaunlad ng mga talento at pagpapahalaga sa mga sining pangkultura.

3. Pagpapalakas ng katawan at pagkatuto ng pagiging maginoo sa mga laro.

4. Pagkuha ng edukasyon at bokasyonal na pagsasanay.

5. Pagdiriwang ng mga espesyal na okasyon at paggunita sa mga kaganapan sa Simbahan o lokal na kasaysayan.

6. Pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pamumuno.

7. Pagyamanin ang pag- asa sa sariling kakayahan.

8. Pakikibahagi sa gawaing misyonero, pagpapanatili at pagpapaaktibo sa mga miyembro, gawain sa templo, at gawain sa family history.

13.2

Pagpaplano ng mga Aktibidad

13.2.1

Responsibilidad sa Pagpaplano ng mga AktibidadBago magplano ng isang aktibidad, isinasaalang- alang ng mga lider ang mga espirituwal at temporal na pangangailangan ng mga miyembro. Humihingi ng patnubay ng Espiritu ang mga lider upang maka-pagpasiya kung anong uri ng aktibidad ang maka-tutulong na matugunan ang mga pangangailangang iyon. Kinakailangan ang maingat na pagpaplano upang matiyak na maisasakatuparan ng mga akti-bidad ang mga layuning nakasentro sa ebanghelyo at matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong nakikibahagi.

Sa ilalim ng pamamahala ng bishopric, sinusubay-bayan ng ward council ang pagpaplano ng mga akti-bidad sa ward. Kapag ang isang aktibidad ay para sa isang partikular na organisasyon o grupo sa ward, pinaplano ang mga ito sa ilalim ng pamamahala ng

139

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

mga lider ng priesthood o ng auxiliary na siyang responsable para sa organisasyon. Kapag ang isang aktibidad ay para sa buong ward, maaaring iatas ng bishop ang responsibilidad na ito sa isa o higit pang organisasyon na bahagi ng ward council. Maaari din niyang iatas ang responsibilidad para sa isang aktibidad sa iba pang indibiduwal o sa isang komite, na kumikilos sa ilalim ng pamamahala ng ward council. Karaniwan, pansamantala lamang ang mga takdang- gawaing ito para sa isang partikular na aktibidad.

Sa ilalim ng pamamahala ng panguluhan ng stake, ang stake council ang sumusubaybay sa pagpaplano ng mga aktibidad sa stake. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga aktibidad sa stake, tingnan sa 13.3.

13.2.2

Pagpapalakas ng mga PamilyaTinitiyak ng mga lider na pinalalakas ng mga akti-bidad ang pamilya sa halip na makipagpaligsahan dito. Ilan sa mga aktibidad ay maaaring nakasentro sa pamilya, na nagbibigay ng mga oportunidad sa mga pamilya na makibahagi nang sama- sama. Dapat na sumuporta ang mga aktibidad sa mga magulang sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang mga anak na maging matatapat na tagasunod ni Cristo.

Tinitiyak din ng mga lider na hindi maging napaka-rami ng mga aktibidad na magbibigay ang mga ito ng malalaking pasanin sa mga miyembro.

13.2.3

Manghikayat ng PakikibahagiSinisikap ng mga taong nagpaplano ng mga aktibi-dad na aktibong makibahagi ang mga kasali, dahil kadalasang mas kapaki- pakinabang ang makibaha-gi kaysa sa magmasid lamang. Ang pagbibigay sa mga miyembro ng mga pagkakataong magamit ang kanilang mga kaloob, kasanayan, at talento sa mga

aktibidad ay isang paraan upang mahikayat ang pakikilahok.

Ang mga taong nagpaplano ng mga aktibidad ay dapat gumawa ng natatanging pagsisikap na matu-lungan ang mga bagong miyembro, di- gaanong aktibong miyembro, kabataan, single adult, mga taong may kapansanan, at mga taong iba ang relihiyon. Dapat na maging sensitibo ang mga lider sa anumang natatanging kalagayan ng mga kasali, tulad ng mga pisikal na limitasyon, alalahanin sa pamilya, at pagkakaiba- iba ng kultura at wika.

13.2.4

Mga PamantayanAng mga aktibidad ng Simbahan ay dapat na sumusunod sa at nagtuturo ng mga pamantayan ng Simbahan. Dapat na magbigay ang mga ito ng isang kapaligirang kaaya- aya kung saan ang mga kasali ay makabubuo ng pakikipagkaibigan sa iba na katulad nila sa mga paniniwala at pamantayan. Ang mga aktibidad ay dapat na nakapagpapasigla at nagbibigay- diin sa mga bagay na “marangal, kaaya- aya, o magandang balita o maipagkakapuri” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13). Hindi dapat mahaluan ang mga aktibidad na ito nang anumang bagay na imoral o mahalay o magmukhang katang-gap- tanggap at normal ang mga bagay na masama. Tinitiyak ng mga lider na naaayon sa mga turo ng Tagapagligtas ang anumang paglilibang.

Ang pananamit at ayos ay dapat na disente, kaaya- aya, at angkop para sa aktibidad. Ang bishopric o panguluhan ng stake ang nagpapasiya ng mga pamantayan sa pananamit para sa mga aktibidad. Ang mga lider na nagpaplano ng aktibidad ay maa-aring magrekomenda ng mga pamantayan sa pana-namit na tugma sa mga alituntunin ng ebanghelyo.

Ang mga sangkap na labag sa Word of Wisdom ay hindi pinahihintulutan sa mga aktibidad ng Simbahan o sa loob ng bakuran ng Simbahan. Ang mga taong halatang nakainom ng alak o nasa

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

140 MAYO 2019

impluwensiya ng droga ay hindi tinatanggap sa mga aktibidad ng Simbahan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pamantayan ng Simbahan, tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.

13.2.5

KaligtasanTingnan sa 13.6.20.

13.2.6

Balanse at Sari- Saring AktibidadAng mga lider ay dapat magplano ng balanseng programa ng mga aktibidad na kinabibilangan ng mga iba’t ibang aktibidad. Dapat magkaroon ng mga oportunidad na makasali ang mga miyembro sa mga aktibidad na pumupukaw sa kanilang mga interes. Dapat ding magkaroon ng mga oportuni-dad na suportahan ng mga miyembro ang ibang tao sa kanilang mga interes. Nakatutulong sa mga lider ang pagpaplano ng taunang kalendaryo upang makamit ang balanse sa paglilingkod, sining pangkultura, at pisikal na aktibidad nang walang gaanong oras na hinihingi sa mga miyembro.

Ang mga sumusunod na talata ay nagbibigay ng ilang halimbawa ng mga makabuluhang aktibidad.

Paglilingkod

Ang mga aktibidad na may kinalaman sa pagliling-kod ay nagbibigay ng mga oportunidad sa mga miyembro na magpakita ng pagmamahal sa mga nangangailangan, miyembro man sila ng Simbahan o hindi, at madama ang kagalakan ng pagtulong sa kanila. Maaaring kabilang sa mga aktibidad na ito ang pagbisita sa mga maysakit o nalulungkot, pagtupad sa mga takdang- gawain sa welfare, pagpa-paganda sa mga gusali at bakuran ng Simbahan, at pakikibahagi sa mga proyekto sa komunidad.

Sining Pangkultura

Ang mga aktibidad sa sining pangkultura ay nag-bibigay ng mga oportunidad sa mga miyembro na paunlarin ang kanilang mga talento at interes. Pinagyayaman din ng mga aktibidad na ito ang pagkamalikhain, pagtitiwala, komunikasyon, at kooperasyon. Maaaring kabilang sa mga ito ang pagtatanghal ng mga talento o pagtatanghal ng sayaw, musika, at dula. Maibibilang din sa mga ito ang pagdiriwang ng lokal o pangkalahatang kasay-sayan ng Simbahan.

Sports, Libangan, Kalusugan, at Lakas ng Pangangatawan

Para sa impormasyon tungkol sa mga aktibidad sa sports sa Simbahan, tingnan sa 13.6.21.

Ang mga aktibidad na panlibangan ay maaaring iba- iba ayon sa mga mapagkukunan sa lugar. Maaaring kabilang sa mga aktibidad na ito ang mga pagguni-ta sa kasaysayan, camping, hiking, o mga libangan. Ang mga aktibidad na panlibangan ay madalas na maaaring planuhin upang magawang makibahagi ng mga pamilya nang sama- sama.

Bilang mga indibiduwal, pamilya, at bilang mga grupo sa Simbahan, ang mga miyembro ay hinihika-yat na makibahagi sa mga aktibidad na mag- aambag sa kanilang kalusugan at lakas ng pangangatawan. Maaaring kabilang sa mga aktibidad na ito ang paglalakad, pagdi- jogging, paglahok sa mga aerobic at iba pang mga ehersisyo, mga klaseng pangkalusu-gan, at mga pagsasanay na pampalakas ng katawan (tingnan sa 13.6.25, item 2).

13.2.7

Pag- iskedyul ng mga AktibidadAng mga aktibidad ng Simbahan ay dapat planuhin nang maaga hangga’t maaari. Dapat na isama ang mga ito sa kalendaryo ng stake o ward. Dapat ipaa-lam ng mga lider sa mga magulang ang tungkol sa mga aktibidad para sa mga bata at kabataan.

141

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

Kung gaganapin ang aktibidad sa isang meeting-house o iba pang pasilidad ng Simbahan, dapat na ipareserba nang maaga ng mga tagapagplano ang pasilidad upang maiwasang makagulo sa iba pang mga aktibidad o pulong. Bawat meetinghouse ay may agent bishop na itinalaga ng panguluhan ng stake. Siya ang nangangasiwa sa pag- iiskedyul ng mga pasilidad ng meetinghouse, bagama’t karani-wan ay humihirang siya ng ibang tao na aktuwal na gagawa ng pag- iskedyul.

Ang mga gabi ng Lunes ay nakalaan para sa family home evening (tingnan sa 13.6.10).

13.2.8

Pagpopondo para sa mga AktibidadTinitiyak ng mga lider na ang gastusin para sa mga aktibidad ay ayon sa kasalukuyang budget at mga patakaran sa pananalapi ng Simbahan. Ang mga sumusunod na alituntunin ay ipinatutupad.

Karamihan sa mga aktibidad ay dapat simple at maliit lang ang gastos o walang gastos. Ang mga gastos ay kailangang aprubahan ng panguluhan ng stake o bishopric bago ito gawin.

Ang mga pondo ng stake at ward budget ay dapat gamiting pambayad para sa lahat ng aktibidad, programa, at supply. Hindi dapat magbayad ang mga miyembro para makibahagi. Ni hindi sila dapat magbigay ng mga materyal, supply, bayad sa upa o pagpasok, o bumiyahe nang malayo sa sariling gastos. Ang mga aktibidad kung saan mga miyem-bro ang magdadala ng pagkain ay maaaring idaos kung ang paggawa nito ay hindi magiging pabigat sa kanila.

Ang mga posibleng eksepsyon sa patakaran ng pag-popondo na nakasaad sa naunang talata ay nakalis-ta sa ibaba. Kung walang sapat na pondo ang ward budget para mabayaran ang mga sumusunod na aktibidad, maaaring hilingin ng mga lider sa mga kasali na bayaran ang bahagi nito o ang lahat ng ito:

1. Isang pinalawig na taunang Scout camp o katulad na aktibidad para sa mga kabataang lalaki.

2. Isang taunang young women camp o katulad na aktibidad.

3. Isang taunang day camp o katulad na aktibidad para sa mga bata sa Primary na edad 8 hanggang 11.

4. Opsiyonal na mga aktibidad tulad ng nakasaad sa 13.5.

Kung ang pondo mula sa mga kalahok ay hindi sapat, maaaring pahintulutan ng bishop na magka-roon ng isang group fund- raising activity taun- taon na naaayon sa mga tuntuning nakasaad sa 13.6.8.

Hindi dapat lumabis sa paggastos o pagbibiyahe para sa taunang camping o kahalintulad na akti-bidad. Ni hindi dapat maging hadlang sa pakiki-bahagi ang kawalan ng personal na pera ng isang miyembro.

Para sa isang posibleng eksepsyon sa pagpopondo ng malaking multistake o area event para sa mga young single adult, tingnan ang 16.3.7.

Para sa mga tuntunin tungkol sa pagpopondo sa paglalakbay na may kaugnayan sa mga aktibidad, tingnan ang 13.6.24.

13.2.9

Pagpopondo para sa mga Kagamitan at SupplyKung maaari, ang mga kagamitan at supply na kailangan ng ward para sa taunang youth camp ay bibilhin gamit ang pondo ng ward budget. Kung hindi sapat ang pondong ito, maaaring pahintu-lutan ng bishop na magkaroon ng isang group fund- raising activity taun- taon na naaayon sa mga tuntuning nakasaad sa 13.6.8.

Ang mga kagamitan at supply na binili gamit ang pondo ng Simbahan, mula man sa budget ng ward

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

142 MAYO 2019

o sa fund- raising activity, ay para lamang sa pag-gamit ng Simbahan. Hindi ito para sa personal na paggamit ng mga indibiduwal o pamilya.

Ang pondo ng Simbahan ay hindi maaaring ipambi-li ng uniporme ng mga indibiduwal.

13.3

Mga Aktibidad sa Stake, Multistake, at Area

13.3.1

Mga Pangkalahatang TuntuninHalos lahat ng aktibidad ng Simbahan ay gina-ganap sa ward level. Gayunman, hinihikayat ang mga lokal na lider na magdaos ng mga paminsan- minsang stake at multistake na aktibidad kapag mas mainam na maisasagawa ng mga aktibidad na ito ang mga layuning nakasaad sa 13.1. Makapagdaraos din ng mga aktibidad sa Area, kapag inaprubahan ng Panguluhan ng Area. Ang mga aktibidad na ito ay sa ilalim ng pamamahala ng Area Seventy.

Partikular na kapaki- pakinabang ang mga stake at multistake na aktibidad para sa mga kabataan, young single adult, at kababaihan, lalo na sa mga lugar kung saan kakaunti ang mga miyembro o bihirang magkasalamuha ang mga miyembro sa malalaking grupo. Ang mga stake at multistake na aktibidad na mahusay na naplano ay makapag-bibigay sa mga miyembro ng tiwala sa kanilang pagiging miyembro ng Simbahan at mas maraming kaibigan.

Ang mga lider na nagpapasimula ng proseso ng pagpaplano ng mga stake at multistake na akti-bidad ay karaniwang mga panguluhan ng Young Men, Young Women, at Relief Society sa stake. Ang young single adult committee sa stake ang nagsi-simula ng proseso ng pagpaplano ng mga stake at multistake na aktibidad para sa mga young single adult. Tinutukoy ng mga lider na ito ang mga pangangailangan ng mga taong pinaglilingkuran

nila at isinasaalang- alang kung makatutulong na matugunan ng mga stake o multistake na aktibidad ang mga pangangailangang iyon. Pagkatapos ay nagrerekomenda ang mga lider na ito ng mga akti-bidad sa panguluhan ng stake.

Para sa impormasyon tungkol sa mga multistake na aktibidad para sa mga single adult edad 31 pataas, tingnan sa 16.1.2 at 16.1.3.

Paminsan- minsan ay maaaring isama ang mga kaba-taang babae at mga batang babae na edad 8 pataas sa mga stake o multistake na aktibidad. Ang mga panguluhan ng Relief Society, Young Women, at Primary sa stake ay nagsasanggunian upang maka-pagrekomenda ng mga gayong aktibidad sa pangu-luhan ng stake.

Para matugunan ang mga pangangailangan ng mga young single adult, dapat magdaos ng mga multis-take na aktibidad para sa kanila kung saan sila ay makapagtitipun- tipon sa makatwirang panahon at gastos. Ang mga gayong aktibidad ay dapat na iba- iba, simple, at katamtaman ang dalas. Maaari ding magdaos paminsan- minsan ng malalaking kagana-pan para sa mga young single adult.

Lahat ng aktibidad sa stake ay dapat aprubahan ng panguluhan ng stake at pinag- uugnay sa mga pulong ng stake council. Maaga pa man ay inaabisu-han na ng mga lider sa stake ang mga lider sa ward tungkol sa mga aktibidad ng stake. Tinitiyak din nila na ang mga aktibidad sa stake ay pandagdag sa mga aktibidad ng ward at hindi nakikipagpaligsa-han sa mga ito.

Kung sa pakiramdam ng mga stake president na makikinabang sa isang multistake na aktibidad ang mga miyembro ng kanilang mga stake, maaari silang humingi ng pahintulot mula sa Panguluhan ng Area. Maaaring magbigay ng mga oportunidad para sa gayong mga aktibidad ang mga espesyal na okasyon na gaya ng pista- opisyal o paggunita sa isang mahalagang kaganapang lokal. Ang mga youth conference (tingnan sa 13.4), mga akti-bidad sa paglilingkod, mga aktibidad sa sining

143

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

pangkultura, at sports o mga aktibidad na panliba-ngan ay maaaring idaos na lahat sa multistake level. Ang gayong mga aktibidad ay madalas na pinag- uugnay sa mga pulong ng coordinating council.

Bago magpanukala ng isang multistake na akti-bidad, ang mga stake president ay nagpapasiya kung iyon ang pinakamagandang paraan upang matugunan ang mga pangangailangang natukoy nila. Isinasaalang- alang din ng mga stake president ang gastos, oras, at paglalakbay na kakailanganin ng aktibidad na ito. Dagdag pa rito, isinasaalang- alang ng mga stake president ang mga bagay na may kinalaman sa kaligtasan at kinakailangang mapagkukunan.

Maaaring italaga ng Panguluhan ng Area ang mga Area Seventy o stake president na maging mga chairman ng mga komite na siyang magpaplano at magsasagawa ng mga aktibidad na pang multistake o area. Maaaring tumawag ang mga panguluhan ng stake ng mga miyembro ng kanilang mga stake na maglingkod sa mga komiteng ito. Mag- uulat ang mga miyembrong ito sa kani- kanilang mga pangulu-han ng stake.

Ang pagpopondo sa karamihan sa mga multistake na aktibidad ay mula sa mga pondo ng budget ng mga makikibahaging stake. Ang pagpopondo para sa mas malalaking aktibidad, tulad ng mga pagdiri-wang na pangkultura na may kaugnayan sa pagla-laan ng mga templo, ay maaaring magmula sa mga budget ng area o headquarters ng Simbahan kapag naaprubahan.

Ang mga aktibidad ng stake, multistake, at area ay dapat na naaayon sa mga pamantayan ng Simbahan at sa mga patakaran ng Simbahan na nauukol sa paglalakbay (tingnan sa 13.2.4 at 13.6.24). Ang mga aktibidad na ito ay nangangailangan ng mahusay na pamumuno, maingat na pagpaplano, at sapat na mga mapagkukunan.

13.3.2

Stake Activities CommitteeAng mga aktibidad sa stake ay pinaplano nang naaayon sa mga tagubilin sa 13.2. Ang panguluhan ng stake ay maaaring bumuo ng isang stake activi-ties committee upang tulungan ang mga lider ng stake council at stake auxiliary na magplano ng mga aktibidad sa stake. Ang stake activities committee ay binubuo ng isang chairman (isang high councilor), isa o higit pang mga stake activities director at stake activities specialist (kung kinakailangan).

Bukod pa sa pagtulong sa pagplano ng mga aktibi-dad sa stake, ang mga miyembro ng stake activities committee ay maaaring magpayo, magsuporta, at magtagubilin sa mga lider ng ward sa kanilang mga pagsisikap na magplano ng mga aktibidad ng ward.

Hindi tulad ng mga pansamantalang komite na nagpaplano ng mga aktibidad ng ward, ang stake activities committee ay karaniwang nagpaplano ng mahigit sa isang aktibidad ng stake.

Stake Activities Committee Chairman

Kung bumubuo ang panguluhan ng stake ng isang stake activities committee, nagtatalaga sila ng high councilor na maging committee chairman. Ayon sa pasiya ng panguluhan ng stake, maaaring ipagkalo-ob sa committee chairman ang mga sumusunod na responsibilidad:

Nakikipag- ugnayan siya at nag- iingat ng kalendaryo ng mga aktibidad ng stake na aprubado ng pangu-luhan ng stake.

Pinangangasiwaan niya ang mga miyembro ng komite sa pagtulong sa pagpaplano ng mga aktibi-dad ng stake.

Nagrerekomenda siya ng detalyadong budget ng mga aktibidad ng stake sa panguluhan ng stake bago pa ang pagsisimula ng bawat taon. Hindi kasa-ma sa budget na ito ang mga aktibidad na napagpla-nuhan ng mga stake auxiliary.

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

144 MAYO 2019

Naglilingkod siya bilang sanggunian ng mga lider ng stake auxiliary kapag nagpaplano sila ng mga aktibidad.

Nag- iingat siya ng isang updated na listahan ng mga talento at interes ng mga miyembro ng stake. Sa paglikha at pag- iingat ng listahang ito, maaari siyang tulungan ng mga high councilor na naka-laga sa mga ward sa stake. Maaari niyang gamitin ang Talent and Interest Survey form para sa layu-ning ito.

Mga Stake Activities Director at Espesyalista

Ang isang miyembro ng panguluhan ng stake o isang naatasang high councilor ay maaaring tuma-wag ng mga stake activities director. Naglilingkod sila sa stake activities committee sa ilalim ng pama-mahala ng committee chairman. Ang mga stake activities director ay makatutulong sa pagpaplano at pag- oorganisa ng mga aktibidad sa paglilingkod, mga aktibidad sa sining pangkultura, mga aktibidad sa sports at pampalakas ng pangangatawan, at iba pang uri ng mga aktibidad.

Ang isang miyembro ng panguluhan ng stake o isang naatasang high councilor ay maaari ding tumawag ng mga stake activities committee specia-list. Ang mga espesyalista na ito ay hindi sinasang- ayunan o itinatalaga. Naglilingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng stake activities committee chairman.

13.4

Youth ConferenceAng mga kabataang lalaki at kabataang babae na edad 14 hanggang 18 ay inaanyayahang makibahagi nang magkakasama sa isang aktibidad o serye ng mga aktibidad na tinatawag na youth conference. Karaniwang ginaganap ang mga youth conference ng isang beses kada taon sa ward o stake level. Maaari ding ganapin ang mga ito sa multistake o area level.

Layunin ng mga youth conference na tulungan ang mga kabataan na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo, patibayin ang kanilang mga patotoo, paunlarin ang mga talento, magkaroon ng mga bagong kaibigan, at magsaya kasama ng mga kaba-taan na katulad nila ang mga paniniwala at paman-tayan. Maaari ding matuto ang mga kabataan ng mga kasanayan sa pamumuno habang tumutulong sila sa pagpaplano ng mga youth conference.

Ang mga youth conference sa ward ay pinaplano at isinasagawa ng bishopric youth committee, sa ilalim ng pamamahala ng bishopric. Hinihingi ng bishopric ang pahintulot ng panguluhan ng stake kaugnay ng mga plano para sa isang youth confer-ence sa ward.

Ang mga youth conference sa stake ay pinaplano at isinasagawa ng Aaronic Priesthood–Young Women committee ng stake, sa ilalim ng pamamahala ng panguluhan ng stake. Dapat anyayahan ang mga kabataan na tulungan ang komite sa pagpaplano ng mga youth conference sa stake hangga’t maaari. Maaaring anyayahan ng panguluhan ng stake na dumalo ang mga kabataan sa mga pulong ng komite kung kinakailangan.

Ang mga youth conference ay pinopondohan mula sa stake o ward budget. Hindi dapat sumingil ng bayad sa mga miyembro para sa mga youth conference.

Habang pinaplano ng mga lider at kabataan ang isang youth conference, dapat nilang sundin ang mga patakaran sa kabanatang ito at ang mga sumu-sunod na tuntunin:

1. Pumili ng isang tema ng ebanghelyo, gaya ng isang talata mula sa banal na kasulatan, na magbibigay- inspirasyon sa mga kabataan at tutulungan silang maunawaan ang mga inaasahan sa kanila sa kumperensiya. Ang taunang tema ng Mutual ay maaaring gamitin bilang tema ng youth conference. Kailangang aprubahan ng bishopric o panguluhan ng stake ang tema.

145

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

2. Magplano ng mga aktibidad na gaya ng debosyonal, mga group meeting, pag- aaral, at proyekto sa paglilingkod na akma sa tema.

3. Hingin ang pahintulot ng bishopric o ng panguluhan ng stake para sa lahat ng tagapagsalita at aktibidad. Ang mga tagapagsalita ay dapat mga miyembro ng Simbahan na nagtuturo sa pamamagitan ng Espiritu. Ang mga tagapagsalita na ang pangunahing layunin ay magbigay ng mapaglilibangan, na kaswal lamang kung tukuyin ang ebanghelyo, ay hindi dapat piliin. Hindi rin dapat pumili ng mga tagapagsalita na kailangan pang magbiyahe nang malayo. Tingnan sa 21.1.20 para sa iba pang mga tuntunin hinggil sa mga tagapagsalita.

4. Iwasang mag- iskedyul ng mga kaganapan sa araw ng Linggo na hindi angkop sa araw ng Sabbath. Pinahihintulutan ang mga testimony meeting, talakayan ng bishopric at mga kabataan, o katulad na mga pagpupulong. Gayunman, hindi dapat magdaos ng mga sacrament meeting—at hindi pangangasiwaan ang sakramento—sa labas ng nasasakupan ng ward o stake kung saan mamumuno ang mga lider ng priesthood. Anumang eksepsyon ay kailangang aprubahan ng Panguluhan ng Area. Ang mga grupo ay hindi naglalakbay papunta o pabalik mula sa youth conference sa araw ng Linggo.

5. Tiyaking may sapat na bilang ng mga adult na naroroon upang magbantay sa lahat ng oras (tingnan sa 13.6.2).

Ang mga miyembro ng bishopric o panguluhan ng stake ay inaanyayahang dumalo sa buong kumpe-rensya hangga’t maaari. Ang mga panguluhan ng Young Men at Young Women ay hinihikayat na dumalo sa buong kumperensya.

13.5

Mga Opsiyonal na AktibidadMaaaring mag- sponsor ang mga unit ng mga opsiyonal na aktibidad na ginagawa ng mga ins-titusyong may kaugnayan sa Simbahan. Kabilang sa mga aktibidad na ito ang pagtatanghal ng mga grupong mula sa unibersidad ng Simbahan, mga espesyal na programa ng kabataan, at paminsan- minsang malakihang pagtatanghal ng kultura. Sa pahintulot ng Panguluhan ng Area, ang mga miyembro ay maaaring pagbayarin ng katamtamang halaga para mabayaran ang mga ginastos sa gayong mga kaganapan kung (1) ang programa ay lubos na opsiyonal, (2) ang halaga ay hindi mabigat, at (3) ang kaganapan ay hindi gagawin para mangalap ng pondo. Ang mga pondo ng budget ay maaaring gamitin para tulungan ang mga gustong dumalo ngunit walang pambayad.

13.6

Mga Patakaran at TuntuninTinitiyak ng mga lider na nasusunod ang mga sumusunod na patakaran at tuntunin sa lahat ng aktibidad ng Simbahan.

13.6.1

Pag- iwas at Pagtugon sa AksidenteTingnan sa 13.6.20.

13.6.2

Pagbabantay ng AdultSa lahat ng aktibidad na itinataguyod ng Simbahan na dinadaluhan ng mga bata, kabataan, at young single adult, dapat mayroong kahit dalawang adult na magbabantay. Maaaring mangailangan ng mga karagdagang adult depende sa laki ng grupo, antas ng kasanayan ng grupo (para sa mga aktibidad na nangangailangan ng partikular na kasanayan), inaasahang magiging lagay ng kapaligiran, at ang

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

146 MAYO 2019

pangkalahatang antas ng hamon ng aktibidad. Dapat hikayating tumulong ang mga magulang.

Sa Estados Unidos, dapat na nakarehistro ang lahat ng adult leader na nakikibahagi sa Scouting sa Boy Scouts of America (tingnan sa First Presidency letter, Mayo 12, 2017). Ang mga lider na ito ay dapat sumunod sa mga patakaran ng Simbahan at sa mga tuntuning nasa lathalain ng BSA na Guide to Safe Scouting.

13.6.3

Komersiyal o Pulitikal na mga AktibidadHindi pinahihintulutan ang mga aktibidad na gagamitin ang mga pasilidad ng Simbahan para sa anumang komersiyal o pulitikal na layunin. Para sa mga patakaran sa paggamit ng mga gusali ng Sim-bahan at iba pang ari- arian, tingnan sa 21.2.

13.6.4

Mga Materyal na may Karapatang- sipiTingnan sa 21.1.12.

13.6.5

Mga Batas ng CurfewAng mga aktibidad ay dapat sumunod sa mga batas ng curfew ng komunidad.

13.6.6

Mga Sayawan at MusikaSa lahat ng sayawan, ang pananamit, ayos, ilaw, mga estilo ng pagsasayaw, mga titik, at musika ay dapat mag- ambag sa isang kaaya- ayang kapaligiran kung saan makakapanahan ang Espiritu ng Panginoon (tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan). Dapat na maingat na sinusunod ng mga taong nanganga-siwa sa mga sayawan ang mga patakarang nakasaad sa ibaba.

Ginagamit ng mga lider ang Performance Contract form kapag mag- aarkila ng banda, orkestra, o disc jockey. Tumutulong ang kontratang ito na matiyak na angkop ang pagkilos at musika sa mga sayawan sa Simbahan. Ang mga taong nagpapatugtog ng musika ay hindi dapat gumamit ng mga titik na hindi angkop at hindi mahalay ang pananamit o pananalita. Nagpapa- audition ang mga lider at gumagawa ng matatag at malinaw na nakasulat na mga kasunduan na siyang titiyak na ang mga taong magpapatugtog ng musika ay susunod sa mga pamantayan ng Simbahan kapag nagtatanghal sa mga aktibidad ng Simbahan.

Ang tiyempo o beat ng musika, instrumento man o tinig, ay hindi dapat na mas malakas pa sa himig o melody. Katamtaman lamang dapat ang lakas ng tugtog upang magkarinigan ang dalawang taong nakatayo at magkatabi habang normal na nag- uusap.

Makasasapat dapat ang liwanag ng ilaw upang makita ng mga tao ang buong silid. Ang strobe at psychedelic lighting na sumasabay sa tiyempo ng tugtog ay hindi katanggap- tanggap. Ang mga ilaw sa sahig, sa mga sulok ng silid, o spotlighting ng mga dingding at dekorasyon sa kisame ay angkop.

13.6.7

Debosyonal para sa mga Kasali sa AktibidadMaaaring magdaos ng isang maikling programang debosyonal bilang bahagi ng isang aktibidad. Ang mga debosyonal ay karaniwang kinapapalooban ng panalangin, isang himno o piling musika, mensa-he ng isang lider, at pagbahagi ng espirituwal na saloobin, patotoo, o mga banal na kasulatan ng isa o higit pang mga kasali. Makatutulong ang gayong mga programa na anyayahan ang Espiritu at panati-lihin na nasa tamang lugar ang mga aktibidad.

147

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

13.6.8

Mga Aktibidad para Mangalap ng PondoAng mga aktibidad para mangalap ng pondo o fund- raising activity ay hindi karaniwang inaapruba-han dahil ang mga gastusin para sa mga aktibidad ng stake at ward ay binabayaran mula sa pondo ng budget. Bilang eksepsyon, maaaring payagan ng stake president o bishop ang isang group fund- raising activity bawat taon. Ang gayong aktibidad ay maaaring idaos upang makakalap ng pon-dong gagamitin lamang para sa mga sumusunod na layunin:

1. Para makatulong sa pagbabayad ng halaga ng isang taunang camping o katulad na aktibidad gaya ng nakasaad sa 13.2.8.

2. Para makatulong sa pagbili ng mga kagamitang kailangan ng unit para sa taunang camping gaya ng nakasaad sa 13.2.9.

Kung magdaraos ng isang fund- raising activity, ito ay dapat na makabuluhan o nagbibigay- serbisyo. Ito ay dapat na isang magandang karanasan na naghihi-kayat ng pagkakaisa.

Ang mga kontribusyon sa mga fund- raising activity ay hindi sapilitan. Dapat sikaping mabuti ng mga lider ng priesthood na tiyaking hindi iisipin ng mga miyembro na obligado silang mag- ambag.

Ang mga stake at ward na nag- i- sponsor ng mga fund- raising activity ay hindi kailangang magpa- advertise o mag- solicit sa labas ng mga nasasakupan nila. Ni hindi sila dapat magbahay- bahay upang magbenta ng mga produkto o mag- alok ng serbisyo.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga aktibidad sa pangangalap ng pondo na hindi aprubado ay:

1. Mga aktibidad na dapat ipagbayad ng buwis.

2. Mga aktibidad na ginagawa sa pamamagitan ng pag- upa sa serbisyo ng ibang tao, mga empleyado man o nangongontrata.

3. Pagtatanghal o entertainment kung saan binabayaran ng stake o ward ang mga nagtatanghal para sa kanilang serbisyo, pinagbayad ang mga manonood, at kung pangangalap ng pondo ang intensyon ng aktibidad.

4. Ang pagbebenta ng mga produkto o serbisyo, kabilang na ang mga food storage item.

5. Mga game of chance o sugal, gaya ng pa- raffle, loterya, at bingo.

Anumang eksepsyon sa mga tagubiling ito ay dapat aprubahan ng Panguluhan ng Area.

Ang Friends of Scouting fund drive sa Estados Uni-dos ay mananatiling isang hiwalay at boluntaryong pagso- solicit.

13.6.9

Insurance

Insurance ng Sasakyan

Tingnan sa 13.6.24.

Insurance para sa Personal na Kalusugan at Aksidente

Sa maraming bahagi ng mundo, ang insurance coverage para sa kalusugan at aksidente ay makuku-ha ng mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng kumpanyang kanilang pinapasukan, nang perso-nal, o sa programa ng pamahalaan. Kung saan may mga gayong insurance coverage, responsibilidad ng mga miyembro na gamitin ang lahat ng makuku-hang benepisyo na laan ng mga ito kung nasaktan sila sa isang aktibidad sa Simbahan.

Church Activity Medical Assistance Program

Sa Estados Unidos at Canada, ang Church Activi-ty Medical Assistance Program ay nagbibigay ng pangalawang benepisyong medical at dental, at mga benepisyo para sa pagkamatay at pagkaputol ng

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

148 MAYO 2019

anumang bahagi ng katawan. Ang programang ito ay dinisenyo bilang pandagdag, hindi panghalili, para sa sariling insurance sa kalusugan at aksidente ng isang tao.

Ang mga miyembro na nagpaplano, nangangasiwa, at sumusubaybay sa mga aktibidad sa mga bansang ito ay dapat maging maalam tungkol sa Church Activity Medical Assistance Program, kabilang na ang mga restriksiyon at limitasyon nito. Ang progra-ma ay nakasaad sa Church Activity Medical Assistance Handbook, na maaaring makuha sa pamamagitan ng pagkontak sa:

Deseret Mutual Benefit Administrators P.O. Box 45530 Salt Lake City, UT 84145- 0530 Telepono: 1- 801- 578- 5650 o 1- 800- 777- 1647 E- mail: churchactivity@ dmba .com Web site: www .dmba .com/ churchactivity

Personal Liability Insurance

Kung saan posible, dapat protektahan ng mga taong nangangasiwa sa mga aktibidad ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na halaga ng liability insurance. Ang gayong insurance ay maaaring makuha sa pamamagitan ng homeowners insurance o iba pang mga policy.

13.6.10

Mga Gabi ng LunesNakareserba ang mga gabi ng Lunes para sa family home evening sa buong Simbahan. Walang dapat na idaos na mga aktibidad, pulong, serbisyo sa binyag, laro, o praktis sa Simbahan paglampas ng alas- 6:00 n.g. ng Lunes. Dapat iwasan ang iba pang bagay na makagagambala sa family home evening. Maaaring eksepsyon ang Bisperas ng Bagong Taon kapag tumapat ito sa araw ng Lunes (tingnan sa 13.6.11).

Tinitiyak ng mga lider na sarado ang mga gusali ng Simbahan at iba pang pasilidad sa mga gabi ng Lunes. Ang mga salu- salo at iba pang katulad

na mga aktibidad ay hindi maaaring idaos sa mga pasilidad ng Simbahan sa mga gabi ng Lunes. Hindi rin hinihikayat ang pagdaraos ng mga miyembro ng mga salu- salo sa iba pang mga pasilidad sa mga gabi ng Lunes.

Kung posible, maaaring hikayatin ng mga miyem-bro ang mga lider sa komunidad at sa mga paaralan na iwasan ang mag- iskedyul ng mga aktibidad sa mga gabi ng Lunes na maglalayo sa mga anak o magulang sa kanilang mga tahanan.

13.6.11

Mga Party sa Bisperas ng Bagong TaonKapag tumapat ang Bisperas ng Bagong Taon sa mga araw ng Sabado, Linggo, o Lunes, at kapag nagplano ng mga aktibidad sa Simbahan, dapat sundin ng mga lider ang mga sumusunod na tuntunin.

Sabado. Ang stake president ang nag- iiskedyul ng kahaliling Linggo para sa pagdaos ng araw ng pag- aayuno. Ang mga sayawan at katulad na mga aktibidad ay itinitigil pagsapit ng hatinggabi, ngu-nit maaaring maghain ng mga meryenda o pagkain. Hindi dapat magtagal sa mga alanganing oras ang mga kasali upang makadalo sila sa mga pulong sa araw ng Linggo.

Linggo. (1) Ang mga sayawan at katulad na mga akti-bidad ay dapat planuhin para sa araw ng Sabado, Disyembre 30, gamit ang mga tuntunin sa naunang talata. (2) Sa halip na magplano ng mga aktibidad ang mga unit ng Simbahan, ang mga pamilya ay maaaring hikayating ipagdiwang ang Bisperas ng Bagong Taon sa kani- kanilang mga tahanan. Dapat na angkop ang mga aktibidad sa araw ng Sabbath. (3) Maaaring magdaos ng mga natatanging pulong sa makatwirang oras sa Linggo ng gabi.

Lunes. Lahat ng pamilya ay hinihikayat na magdaos ng kanilang family home evening bago makilahok sa mga pampublikong pagtitipon. Walang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan para sa Bisperas ng

149

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

Bagong Taon ang dapat maiskedyul bago mag- ika 9 n.g. Ang stake president o bishop ay maaaring pahintulutan ang paggamit ng mga gusali ng Sim-bahan sa gabi ng Lunes sa pagkakataong ito.

13.6.12

Mga Magdamagang AktibidadAng pahintulot ng mga magulang ay kailangan para sa lahat ng magdamagang aktibidad na itinatagu-yod ng Simbahan na kasama ang mga kabataan (tingnan sa 13.6.13).

Ang mga magdamagang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan para sa pinagsamang grupo ng mga kabataang lalaki at babae o sa pinagsamang gru-po ng mga single adult na lalaki at babae ay hindi pinahihintulutan maliban kung inaprubahan ng stake president at bishop. Bihirang magdaos ng mga ganitong aktibidad, tulad ng isang youth conference o pagbisita sa templo.

Sa mga magdamagang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan, inaayos ng mga lider ang mga matutu-lugan upang ang lalaki at babae na kasali ay hindi matutulog nang malapit sa isa’t isa. Ang mga lider na lalaki at babae ay dapat magkaroon ng magkahi-walay na mga pasilidad na matutulugan. Maaaring magsama sa isang tulugan ang mga mag- asawa kung may angkop na pasilidad.

Sa mga magdamagang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan, ang isang bata o kabataan ay hindi mananatili sa tolda o silid ng isang adult maliban kung (1) ang adult ay kanyang mga magulang o tagapag- alaga o (2) may dalawang adult man lamang sa tolda o silid na pareho ng kasarian ng mga bata o kabataan.

Kung magkakasama ang mga adult leader at mga bata o kabataan sa iba pang mga magdamagang pasilidad, tulad ng isang cabin, kailangang may dalawa man lamang na adult sa pasilidad, at dapat na pareho ng kasarian ng mga bata o kabataan.

Dapat na may dalawang adult man lamang na kasama sa lahat ng aktibidad na itinataguyod ng Simbahan.

Dapat may sapat na bilang ng mga adult na lider ng priesthood ang naroroon sa lahat ng oras ng mga magdamagang aktibidad upang magbigay ng suporta at proteksiyon. Sa kaso ng mga aktibidad ng Young Women, ang mga lider ng priesthood ay kailangang manatili sa mga pasilidad na hiwalay sa mga kabataang babae.

Ang mga lider ay kinukumpleto ang Activity Plan form para sa lahat ng magdamagang aktibidad.

Hindi inaaprubahan ang mga magdamagang aktibi-dad sa mga meetinghouse ng Simbahan o sa loob ng bakuran ng meetinghouse.

Hindi inaaprubahan ang mga magdamagang aktibidad sa mga komersyal na gusali na gaya ng sports mall o gym. Sa pagsang- ayon ng mga lider ng priesthood, ang mga sayawan o iba pang mga aktibidad ay maaaring idaos sa mga komersyal na gusali pagkalipas ng oras ng pagsasara nito, kung magtatapos ang mga aktibidad sa hatinggabi.

13.6.13

Pahintulot ng MagulangDapat na magpaalam sa mga magulang o tagapag- alaga at magbigay sila ng pahintulot kapag sasali ang mga kabataan sa isang aktibidad ng Simbahan. Kailangan ng isang nakasulat na pahintulot kung kasama sa aktibidad ang pagbibiyahe sa labas ng kanilang lokal na lugar (ayon sa pasiya ng mga lokal na lider) o magdamagan ito. Maaari ding humiling ng nakasulat na pahintulot para sa iba pang mga aktibidad kapag sa palagay nila ay naaangkop ito.

Ibinibigay ng mga magulang at tagapag- alaga ang pahintulot na ito sa pamamagitan ng paglagda sa Parental or Guardian Permission and Medical Release form. Ang taong namumuno sa aktibidad ay dapat magkaroon ang nilagdaang form para sa

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

150 MAYO 2019

bawat kasali para sa bawat aktibidad na nangangai-langan ng nakasulat na pahintulot.

13.6.14

Pagsali ng mga Kabataang Wala pang 14 na Taong GulangKaraniwang hindi kasali ang mga kabataang wala pang 14 na taong gulang sa mga youth conference o sayawang idinaraos maliban sa regular na nakais-kedyul sa gabi ng Mutual.

Ang mga miyembro ng bishopric o panguluhan ng stake ang nagpapasiya kung hanggang saan maaaring makisali ang mga kabataang wala pa sa edad na 14 sa iba pang mga aktibidad. Isinasaalang- alang ng mga lider ang mga bagay na gaya ng oras sa gabi, paksang tatalakayin, uri ng aktibidad, at kahustuhan sa kaisipan ng mga kasali.

13.6.15

Pagganap sa Papel ng DiyosHindi dapat ganapin ang papel ng Diyos Ama at Espiritu Santo sa mga pulong, drama, or musical na pagsasadula.

Kung gaganapin ang papel ng Tagapagligtas, ito ay dapat gawin nang buong pagpipitagan at dignidad. Mga kapatid na lalaki lamang na mabubuti ang pagkatao ang dapat isaalang- alang para sa papel na ito. Ang taong gumaganap na Tagapagligtas ay hindi dapat umawit o sumayaw. Kapag nagsasalita, mga tuwirang pananalita lamang na hango sa mga banal na kasulatan na binigkas ng Tagapagligtas ang dapat niyang gamitin.

Sa pagtatapos ng pagtatanghal, hindi dapat suut- suot ng tao ang costume sa pasilyo o saan man. Dapat na magpalit siya kaagad ng mga damit na panlakad.

Hindi dapat gumanap na Tagapagligtas ang mga bata sa isang pagsasadula maliban sa tagpo ng kapanganakan.

13.6.16

Mga Panalangin sa mga AktibidadLahat ng aktibidad ay dapat umpisahan at, kung naaangkop, tapusin sa pamamagitan ng panalangin.

13.6.17

Pag- arkila ng mga Pasilidad na Hindi Pag- aari ng Simbahan para sa mga AktibidadKapag ang mga pasilidad ng Simbahan ay hindi angkop para sa isang stake o multistake na akti-bidad, maaaring umarkila ng mga pasilidad sa pahintulot ng bishopric o stake president at ng mga kinatawan mula sa Church physical facilities.

Ang mga lokal na unit ay maaaring hilingang magpakita ng katibayan na mayroon silang liability insurance kapag umaarkila o gumagamit ng mga pasilidad na hindi pag- aari ng Simbahan. Makaku-kuha ang bishop o stake president ng isang serti-piko na nagpapakita ng katibayang may insurance sila mula sa Risk Management Division sa head-quarters ng Simbahan o sa nakatalagang adminis-trative office. Dapat na kasama sa kahilingan ang pangalan at address ng humihiling (karaniwang ang may- ari ng pasilidad), paglalarawan at lokasyon ng pasilidad, ang mga limitasyon ng pananagutan na kailangan, at iba pang mahalagang impormasyon. Dapat magplano nang maaga ang mga lider upang magkaroon sila ng sapat na panahong maghanda at ipadala sa koreo ang mga katibayan.

13.6.18

Mga Ulat ng Pang- aabusoKung napag- alaman ng isang lider na may pisikal, seksuwal, o emosyonal na pang- aabusong nagaga-nap sa isang tao sa oras ng aktibidad sa Simbahan, dapat niyang kontakin kaagad ang bishop. Nagla-an ng mga tagubilin para sa mga bishop sa Han-buk 1, 17.3.2.

151

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

13.6.19

Pagpapanatiling Banal sa Araw ng SabbathWalang mga kaganapan sa sports (tulad ng mga palaro, praktis, o paglalakbay) o mga kaganapang panglibangan (tulad ng camping o hiking) na itina-taguyod ng Simbahan ang dapat na maiskedyul sa araw ng Linggo. Ni hindi dapat maglakbay ang mga grupo ng kabataan at ang iba pa papunta o pabalik mula sa mga camping o youth conference sa araw ng Linggo.

Kapag seryoso ang mga usapin sa seguridad o gas-tos sa paglalakbay, maaaring mag- iskedyul ang mga lider ng ilang aktibidad ng mga kabataan sa araw ng Linggo. Ang mga gayong aktibidad ay dapat na hiwalay sa iskedyul ng pulong sa araw ng Linggo at naaayon sa diwa ng Sabbath.

13.6.20

Mga Pag- iingat para sa Kaligtasan at Pagtugon at Pag- uulat ng Aksidente

Mga Pag- iingat para sa Kaligtasan

Dapat na kakaunti lamang ang posibilidad na may masaktan o magkasakit sa mga kasali sa mga aktibi-dad. Dapat ding kakaunti lamang ang posibilidad na may mapinsalang ari- arian sa mga aktibidad. Sa mga oras ng aktibidad, lahat ng pagsisikap ay ginagawa ng mga lider upang matiyak ang kaligta-san. Sa pamamagitan ng epektibong pagpaplano at pagsunod sa mga pag- iingat para sa kaligtasan, mababawasan ng mga lider ang posibilidad na may maaksidente.

Kabilang dapat sa mga aktibidad ang angkop na pagsasanay at wastong pamamahala. Dapat na naa-angkop din ang mga ito sa edad at kahustuhan ng isipan ng mga kasali.

Ang mga lider ay dapat na nakahanda para sa anumang emergency na maaaring mangyari. Maaga pa lamang ay dapat ding alam na nila kung paano kontakin ang lokal na pulisya at serbisyo para sa emergency.

Pagtugon sa Aksidente

Kung may mangyaring aksidente o may masaktan sa loob ng pag- aari ng Simbahan o sa oras ng isang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan, dapat sun-din ng mga lider ang mga sumusunod na tuntunin, kung naaangkop:

1. Magbigay ng paunang lunas o first aid. Kung kailangan ng isang tao ang panggagamot na higit pa sa simpleng first- aid, tawagan ang makatutulong na serbisyong- medikal para sa emergency, ang bishop o stake president, at ang magulang, tagapag- alaga, o iba pang kamag- anak.

2. Sa kaso ng isang nawawalang tao o pagkamatay, kaagad na ipagbigay- alam ito sa mga lokal na tagapagpatupad ng batas at makipagtulungan nang husto sa kanila.

3. Magbigay ng emosyonal na suporta.

4. Huwag manghikayat o magmungkahi ng legal na aksyon laban sa Simbahan, at huwag magbitaw ng mga pangako para sa Simbahan.

5. Tipunin at ingatan ang pangalan at impormasyon ng mga saksi, salaysay tungkol sa nangyari, at mga nakunang larawan.

Pag- uulat ng Aksidente

Ang bishop o stake president ay kaagad na inaabisu-han kung:

1. May naaksidente, nasaktan, o nagkasakit sa loob ng pag- aari ng Simbahan o sa oras ng isang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan.

2. Nawawala ang isang taong kasali sa isang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan.

3. May napinsalang ari- arian na pribado, pampubliko, o pag- aari ng Simbahan sa oras ng isang aktibidad na itinataguyod ng Simbahan.

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

152 MAYO 2019

Kung may isang taong malubhang nasugatan o nawawala, kung malaki ang nasira sa ari- arian, o kung may nagbabanta o inaasahang legal na aksyon, ang stake president (o isang bishop na nasa ilalim ng kanyang pamamahala) ay kaagad na ginagawa ang mga sumusunod na hakbang:

1. Sa Estados Unidos o Canada, inaabisuhan niya ang Risk Management Division sa headquarters ng Simbahan (1- 801- 240- 4049 o 1- 800- 453- 3860, extension 2- 4049; matapos ang oras na may opisina o kapag Sabado’t Linggo, tumawag sa 1- 801- 240- 1000 o 1- 800- 453- 3860, at agad na kokontakin ng operator ang isang tao).

2. Sa labas ng Estados Unidos at Canada, inaabisuhan niya ang area office.

Inuulat din ng mga lider ang mga nasaktan at pinsa-lang may kinalaman sa mga pasilidad o ari- arian ng Simbahan sa facilities manager.

Insurance at mga Tanong

Dapat rebyuhin ng mga lider ang kaangkupan ng Church Activity Medical Assistance Program kung may nasaktan sa oras ng isang na aktibidad, kagana-pan, o takdang gawain na itinataguyod ng Simba-han. Para sa impormasyon tungkol sa insurance, tingnan sa 13.6.9.

Isinasangguni ng stake president (o isang bishop na nasa ilalim ng kanyang pamamahala) ang mga tanong tungkol sa mga usaping pangkaligtasan o mga paghahabol laban sa Simbahan sa Risk Management Division o sa area office.

13.6.21

SportsNagbibigay ng mga oportunidad ang mga aktibidad sa sports ng Simbahan para sa kapaki- pakinabang na mga gawaing may kinalaman sa pangangata-wan, pakikipagkapatiran, at pagiging maginoo sa pakikipaglaro. Ang binibigyang- diin sa mga sports

sa Simbahan ay partisipasyon, pagiging maginoo sa pakikipaglaro, at pagpapaunlad sa kasanayan, hindi pakikipagpaligsahan. Lahat ng miyembro ng koponan ay dapat bigyan ng patas na oportunidad na maglaro.

Ang panguluhan ng stake ang nag- aapruba sa mga tuntunin ng mga aktibidad sa sports na sponsored sa loob ng kanilang stake. Kung nagdaraos ng area o multistake na aktibidad sa sports, ang Panguluhan ng Area ang nag- aapruba sa lahat ng patakaran para sa lahat ng unit na kalahok. Maaaring sumangguni sa mga patakarang ginagamit sa mga lokal na paara-lan at komunidad para sa mga aktibidad sa sports.

Kung nagdaraos ng mga multistake na sports activi-ty, ang mga ito ay pinangangasiwaan ng mga sports specialist na tinawag ng mga agent stake president na itinalaga ng Panguluhan ng Area. Hindi inaapru-bahan ang mga area sports tournament.

Hindi kailangang mga miyembro ng Simbahan ang mga kalahok sa mga aktibidad sa sports na itinata-guyod ng Simbahan. Gayunman, dapat na nakatira sila sa mga hangganan ng stake at pumapayag na sumunod sa mga pamantayan at patakaran ng Simbahan.

Ang panguluhan ng stake ang bumubuo ng mga tuntunin na bumabanggit sa edad na makasasali ang mga manlalaro sa sports sa Simbahan. Dapat isaalang- alang sa mga tuntuning ito ang lokal na kultura, lugar na kinaroroonan nila, sistema ng paaralan, at mga patakaran ng namamahala sa mga organisasyon ng sports. Ang mga gayong desisyon ay dapat gawin bago magsimula ang season ng pala-ro upang maunawaan ng lahat ng kalahok ang mga patakaran sa edad at pagsali.

Kadalasang nagtatakda ng mga patakaran ang mga paaralan, estado, lalawigan, at organisasyon ng pambansang sport tungkol sa paglalaro sa koponan ng paaralan at Simbahan sa parehong sport season. Tinitiyak ng mga lider ng Simbahan at ng mga kalahok sa sports sa Simbahan na sinusunod nila ang mga patakarang ito. Ang paglabag sa mga ito ay

153

13. MGA AK TIBIDAD

MAYO 2019

maaaring magresulta sa pagkawala ng karapatang makilahok ng mga koponan ng paaralan at ng mga indibiduwal.

Sa Estados Unidos at Canada, ang isang tao na miyembro ng isang koponan sa sports ng paaralan ay karaniwang hindi maaaring lumahok sa pare-hong sport sa parehong season sa programa sa sports ng Simbahan. Kabilang sa mga koponan ng paaralan ang mga nauugnay sa junior high o middle school, high school, at mga kolehiyo at unibersidad, kabilang na ang junior college. Ang tuntuning ito ay hindi angkop sa mga taong kalahok sa intramural sports. Kung ang iskedyul ng dalawang laro ay mag-kasabay o halos magkasabay, itinuturing na nasa isang season lamang ang mga ito. Hinihikayat ng mga lider na tumulong sa mga programa sa sports ng Simbahan ang mga kabataang naglalaro sa mga koponan ng paaralan sa ibang paraan bukod pa sa pagiging mga manlalaro.

Ang mga uniporme ng koponan ay dapat simple, hindi mamahalin, disente, at angkop para sa aktibi-dad. Ang mga de- kolor na T- shirt o baligtarang shirt ay karaniwang sapat na. Dapat bayaran ang mga uniporme mula sa budget ng stake o ward.

Ang pagbibigay sa koponan o indibiduwal ng mga award o tropeo ay hindi iminumungkahi.

13.6.22

Mga Aktibidad na Maaaring Patawan ng BuwisTinitiyak ng mga lider na ang aktibidad ay hindi malalagay sa alanganin ang tax- exempt status ng Simbahan. Para sa mga tuntunin, tingnan sa 21.2.

13.6.23

Mga Pagbisita sa TemploInoorganisa ang mga pagbisita sa templo sa ward o stake level na sakop ng temple district. Hindi hinihikayat na mag- organisa ang mga ward at stake

ng pagbista sa mga templo sa labas ng kanilang itinalagang temple district. Kailangang aprubahan ng panguluhan ng stake ang gayong mga pagbisi-ta. Ang mga magdamagang pagbisita sa templo ay kailangan ding aprubahan ng panguluhan ng stake.

Ang mga pagbisita sa templo ay naaayon dapat sa mga patakaran sa paglalakbay sa 13.6.24. Dapat na naaayon din ang mga magdamagang pagbisita sa templo sa mga patakaran sa 13.6.12.

13.6.24

PaglalakbayAng mga miyembrong naglalakbay sa mga grupo na itinataguyod ng Simbahan ay dapat na aprubado ng bishop o stake president. Hindi dapat maging pabigat sa mga miyembro ang paglalakbay para sa mga aktibidad.

Ang malayuang paglalakbay para sa mga aktibi-dad ay hindi hinihikayat. Kung sa pakiramdam ng isang stake president o bishop na mabibigyang- katwiran ang gayong paglalakbay, mapanalanging isinasaalang- alang niya ang maaaring maging espirituwal na benepisyo ng aktibidad, ang gastos sa paglalakbay, at ang epekto nito sa mga pamilya bago niya aprubahan ito.

Kung naaprubahan ang malayuang paglalakbay para sa isang aktibidad, dapat na hindi ito bayaran ng mga miyembro. Ang malaking bahagi ng budget allowance ng stake o ward ay hindi rin dapat itabi para sa gastusin sa paglalakbay sa susunod na taon.

Ang mga kagawian sa paglalakbay at ang pagpapa-tupad ng mga tagubilin sa bahaging ito ay dapat na magkakatugma sa mga unit sa iisang coordinating council. Maaaring talakayin at magkaisa ang mga stake president sa pangkalahatang pagkakatugma sa mga kagawian sa paglalakbay sa mga coordinating council meeting.

HAnBUK 2: PAnGAnGA SIWA SA SIMBAHAn

154 MAYO 2019

Pinupunan ng mga lider ang Activity Plan form para sa lahat ng aktibidad na may kinalaman sa paglalakbay sa labas ng lokal na lugar.

Kapag bahagi ng aktibidad ng Simbahan para sa mga kabataan ang paglalakbay sa labas ng lokal na lugar o at pamamalagi nang magdamagan, ang mga magulang ay dapat magbigay ng mga nakasulat na pahintulot para sa kanilang mga anak na sumali (tingnan sa 13.6.13). Dapat maglaan ng responsa-bleng adult na magbabantay (tingnan sa 13.6.2).

Kapag maaari, ang mga grupo sa Simbahan ay dapat gumamit ng mga komersyal na transportas-yon na lisensiyado at protektado ng isang liability insurance.

Kapag nagbibiyahe ang mga grupo sa Simbahan gamit ang isang pribadong sasakyan, bawat sasak-yan ay dapat na nasa maayos na kondisyon at ligtas patakbuhin, at dapat gumamit ng seat belt ang bawat tao. Bawat nagmamaneho ay dapat na lisen-syado at responsableng adult. Ang lahat ng sasakyan at nagmamaneho ay dapat na sakop ng automobile liability insurance sa makatwirang halaga.

Hindi dapat magmay- ari o bumili ng sasakyan o bus ang mga organisasyon ng Simbahan para sa pangka-tang paglalakbay.

Ang isang lalaki at isang babae ay hindi dapat mag-lakbay na sila lamang ang magkasama para sa mga aktibidad, pulong, o takdang- gawain sa Simbahan maliban kung sila ay kasal sa isa’t isa o parehong walang asawa.

13.6.25

Mga Aktibidad na Hindi InaaprubahanAng mga unit ng Simbahan ay hindi dapat mag- sponsor ng mga sumusunod na aktibidad. Alam dapat ng mga lider, magulang, at iba pang nagpa-plano o sumasali sa mga aktibidad ng Simbahan ang mga restriksiyong ito.

1. Mga aktibidad na may mataas na posibilidad na may masaktan o magkasakit o nangangailangan ng di- karaniwang laki ng magagastos o layo ng paglalakbay (tingnan sa 13.6.20 at 13.6.24).

2. Mga programa sa pag- eehersisyo na sinasaliwan ng musika, mga titik, pananamit, o iba pang mga elemento na hindi nakaayon sa mga pamantayan ng Simbahan.

3. Mga aktibidad na kailangan ang pagsusuot ng mga maskara, maliban sa mga dulaan.

4. Mga sayawan para sa debutante, mga coming- out party, o mga aktibidad na kinabibilangan ng pagpili ng mga hari at reyna.

5. Anumang mga aktibidad na hindi nakaayon sa mga tuntunin sa kabanatang ito.

Kung may tanong ang isang bishop tungkol sa kaangkupan ng aktibidad, inilalapit niya ito sa stake president. Maaaring iparating ng stake president ang mga tanong sa Panguluhan ng Area.