Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila....

39
1 Mai Văn Phấn Isinalin sa Wikang Filipino Ni Eden Soriano Trinidad Kapanahunan ng Basura Epic

Transcript of Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila....

Page 1: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

1

Mai Văn Phấn

Isinalin sa Wikang Filipino

Ni Eden Soriano Trinidad

Kapanahunan ng Basura

Epic

Page 2: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

2

Kabanata I : PANANAW

Naantig ko ang iyong mundo, habang ako ay nagpapatuloy sa aking buhay.

Huwag mo naman akong husgahan ng ganon-ganon lamang, na ako’y walang

respeto at walang muwang. May mga kaluluwa sa inyo na hindi maka-akyat, o

naghahanap pa ng daan para makaparoon. O dili kaya ay naririyan pa kayong

lahat? Napapabuntunghininga ako ng malalim. Umaagos ang dugo mula sa gilid

ng aking mga bibig pumapatak sa lupa.

*

Lumaki akong naguguluhan sa kung ano ang tama at mali, nakakagulantang at

nakalilito. Naghahanap ng landas at nalilito sa modernong pagsasaka, kaululan

at paghahangad, pagiging bukas palad at pagkamaawain, kapritso at

kalungkutan, kadiliman at kaamuan, sibilisasyon at pagiging

paurong,…(PLSremove this panahong nagdaan) Isang umaga, nakakita ako ng

isdang lumalangoy ng pasalungat sa agos, at isang bituing ayaw ipikit ang

kanyang mga mata habang naghihintay ng pagbubukang liwayway.

Kinakabahan akong pumasok sa aking silid-paaralan, naupo sa tabi ng aking

kaklase na karamihan sa kanila ay sumakabilang buhay na. Nakinig kami sa

walang kabuhay-buhay na pagtuturo ng aming guro. Gamit ang daliri sumenyas

siya na ilipat ang pahina ng aming kuwaderno. Saglit niya kaming tinitigan isa-

isa, saka lumapit sa akin at tila pautos na sinabi, na kung nauunawaan ko ang

leksiyon dapat ay alam kong pigilan ang aking mga emosyon.

*

Nagpakita ang guro ng iba’t-ibang modelo- digmaan, mga yugto ng

pandarayuhan ,malinis na pagbabago… Ang mga kalansay ay inayos sa

kabundukan, ginawang mga daan at ginawang panandaliang silungan; ang ilan

ay ginawang haligi ng kastilyo upang harangan ang mga panang may lason

mula sa mga dayuhang mananakop. Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na

Page 3: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

3

ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy

ang mga modelong yari sa kandila. Sa unang pagkakataon, naging saksi kami sa

mga kaluluwa at ideya na may pagkakaparehas ng amoy sunog, kapwa

nagpapalabas ng maiitim na usok. Marubdob kong hiniling sa sandaling yaon,

na sana ay magkaroon pa ako ng walang hangganang limitasyon , maluwang na

lupain na may katatagan at kapayapaan . Tangan ko ang kakarampot na

makapal na itim na usok,lumabas ako ng silid -aralan.

*

Dahan-dahan kong tinanggal ang libag ng mga itim na agiw na bumabalot sa

daraanan at tinatakpan ang mga gilid ng damuhan, tulay at mga panandang

kilometro. Kinaskas ko ang mantsa ng natitirang itim na mantsa ng gastadong

langis na nanigas na sa tubig, ibinalik ko ang panandang tela na nakapaikot na sa

aking braso, itim na pananda, at itim na saranggolang nakadikit nalang halos sa

langit. Nakasalubong ko ang isang bata at binulungan ko s’ya sa tinig na tila

nananalangin. Hayaan mong tanggalin ko itong nakadikit at nangingitim ng

mantsa ng iyong damit. Hayaan mong burahin ko ang maiitim na mantsa sa

iyong noo. Matalim akong tiningnan ng bata tila ang nakikita niya ay isang

mabangis na hayop saka tahimik na lumakad papalayo. Palihim ko siyang

sinundan, nagkunwaring hindi pa kami nagkita, saka marahang tinanggal ang

maiitim na uling na nanikit sa kanyang katawan at pagod ng mga mata. Patuloy

kong nililinis sa aking isipan ang nanlilimahid niyang katawan hanggang sa ito

ay maging busilak at hindi ko na makita pa sa aking guni-guni.

* Tuwing umaga, nagigising ako sa tila mga sapot na balita , pakiramdam ko ako

ay nabalahaw sa isang masalimuot na sapot ng higanteng gagamba. May mga

araw na basa ako ng basa ng mga balita at nalilimutan ko na ang kumain ng

agahan. Sa wari ko ang kalupaan ay napapatalon tulad ng nahintakutang

kabayo. Kapag ang alikabok ng lupa ay umalimbukay at binalot ang kalupaan,

hindi mo na makilala pa kung saan ang pinagpapastulan at alin ang daan. Ako

ba ay gising o nananaginip lamang at nasan kaya ako? Hindi ako naniniwala na

ang aking bayan ay puno lamang ng mga bato, bulubundukin, hardin, bukirin,

baybayin o mga kanal. O mga walang buhay na bagay tulad ng –asin at

sawsawan, mga uling at abo, o mga dahon ng dayami. Tinatanong ko din ang

aking sarili gaano kadami kaya ang pangil sa lupang ito. Kung ang lupa ay

walang tumatapak na mga paa , maaring kaladkarin ito ng mga hangal sa kung

Page 4: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

4

saan -saan. Bagamat, wala paring kabuluhan ang mga hangal, nagsisigaw lang

sila at dinurumhan ang kalupaan.

*

May tatlong lalaking tahimik na nagkakape sa kapehan, nakatitig sa isang

inaamag ng butas sa dingding. Biglang may bubuyog na lumabas sa butas at

lumipad papalayo. Ang unang lalaki ay isang preso na nagtangkang tumakas at

maraming beses na nabigo. Ang pangalawang lalaki naman ay nagpalit ng

kanyang kapalaran pagkatapos niyang dayain ang kanyang eksaminasyon. Ang

pangatlong lalaki ay nagpagaling ng kanyang mga sugat pagkatapos niya

mapag-isip-isip ang buong katotohanan. Nagpatuloy sila sa paghigop ng mainit

na tsaa, malalim ang iniisip ng bawat isa. Bawat isa sa kanila ay pinapangarap

kung papaano sila makakalusot sa butas na nilabasan ng bubuyog.

*

Kapirasong hilaw na karne ang tinapyas sa kanyang balat at hinugasang

mabuti. Maingat na hiniwa ng tagapagluto ng pa-kudrado, subalit ang iba ay

wala pa rin sa hugis. Bawat piraso ay ibinabad sa mga rekado na may tuyong

sibuyas, bawang, paminta, asukal, sili, bagoong at matamis. Ang karneng

madulas -dulas pa ay magkakasabay na isinalang sa bumabagang uling.

Samantalang sumasagitsit at lumiliit ang karne sa baga ay magkakasama nilang

ibinahagi ang kanilang mga pangarap kung paanong mabubuhay sila muli sa

ibang katawan, subalit bago iyon, kinailangan nilang mamilipit sa ihawan at

hayaang matunaw ang kanilang mga taba, habang naghihintay na sila ay

bumaho at mangawalang tulad ng mga uwak.

*

Ang mga kaluluwa ay pinangalanang mga bagay. Ito ang mga kaluluwa ng

sabon, basurahan, mga tampon, mga kagamitan sa opisina, kaldero at mga paso,

tuwalya, plato at mga platito, pagkain na pulutan sa alak. Sinakop ng mga

kaluluwa ang mga palatandaan sa lupa…yan ang kaluluwa ng pinanganganakan

sa hospital. Ito ang Kaluluwa ng Kumunal na Silid-Tanggapan (Communal

Administrative Office). Kaluluwa ng paaralan. Kaluluwa ng Museo. Kaluluwa

Page 5: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

5

ng Katarungan. Kaluluwa ng Zoo. Kaluluwa ng mga pampublikong opisina.

Kaluluwa ng magkakasamang pribado at pampublikong tanggapan. Kaluluwa

ng mga panuluyan. Kaluluwa ng mga samahan ng tagapag-alaga ng mga

bubuyog. Kaluluwa ng mga nagpapalahi sa bukirin. Kaluluwa ng kampo ng mga

sundalo… Kahit saan ako pumunta, pinahihinto ako ng mga armadong tauhan,

hinahanapan ako ng mga papeles. Kinapa ko ang aking bulsa, at pilit na

hinahanap ang aking lumang lisensya sa pagmamaneho. Pinagbawalan akong

pumasok sa loob ng isang nakasaradong pinto. Hindi ako maaring

makapasok.Pinagbawalang magsalita. Naubos ang aking pasensya. Para akong

lumulutang at tila malayang nahuhulog at walang sasalo sa akin…Masyadong

nakakasira ng loob, kaya gumising ako. Umuulan na sa labas, pumapasok ang

malamig na hangin sa may bukas na bintana. Muli akong humiga at naghintay

ng panibagong darating na panaginip.

Kabanata II: MATINGKAD NA PAGKAPULA

Ginising ng malamlam na liwanag ng lampara sa gabi ang isang ilog ng dugo.

Naghalo-halong mga dugo at dumaloy nangamoy malansa. Isang

pagkahumaling sa pula.

*

Tila- merong nagtali ng lubid sa palibot ng aking leeg at kinaladkad ako sa may

masikip na pasilyo tungo sa malamlam at mamasa-masang sulok. Napatingala

ako at naramdaman kong may bumara sa aking lalamunan. Maya’t-maya ang

katawan ko ay tumatama sa pako o matalim na bubog ng salamin sa sahig.

Nahiwa ang aking balat, nagdurugo sa nakakapasong sakit. Naging madulas ang

aking katawan sa dumadaloy na dugo, at napadausdos ako gaya ng palos sa

putikan. Napaungol ako sa bunton ng mga kuto at duguang mga hayop. Mabilis

na tinanggal ang lubid sa aking leeg upang gamitin naman sa iba pang kasunod

ko. Nakita ko ang pagpapalit ng mga bantay sa unahan, pigil hininga, nakadapa

ako, hindi gumagalaw, nagkunwaring ako ay patay na.

*

Page 6: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

6

Sa pagpapalit ng bantay, hindi ko nakita ang naunang kapalitan na may iniabot

dito sa kapalitan niya ngayon. Ang bagong sundalo ay pasimpleng nakatindig

lamang sa kanyang puwesto.Maaring ito ay isang butas, isang pagkakataon,

maliit na pagkakamali, nagkulang sa responsibilidad. Malamang nagkamali sila

ng pagpapatupad o marahil kinasayanan na ng mga bantay ang kanilang gawain

, dahil sa matagal na panahon walang malaking pagkakamaling nagaganap sa

bantayan, walang nadudulas o napapalampas na nagiging dahilan ng

pagkakaroon ng seryosong usapin. Dahan-dahan akong gumapang sa walang

kamalay-malay na bantay at hinataw ko ng malakas ang likod ng kanyang ulo.

Itinali ko siya sa bintana ng bantayan. Hinubad ko ang kanyang

uniporme,pinakawalan ko ang mga humihinga pang mga hayop, umaasang

mabubuhay pa sila. Mabilis akong tumakas.

*

Nahintakutan ako sa aking pagkabangungot kung saan ang mga pananim ay

nagkulay dilaw at nangalanta, wala ng sigla tulad ng maysakit na anemia. Ang

mga natuyong dahon ay ipinaalala sa ‘kin ang mga kapanahunan ng

malawakang pagkaubos ng dugo, kapanahunan ng pagiging mura ng halaga ng

dugo, kapanahunan na pinagsasamatalahan ang pangangailangan sa dugo. Isang

kaluluwang nakilala kung ano ang kasarian niya ang tumalon sa madahong

tangkay at inaming dati itong patak ng dugo. Isang di-kalayuang puno at taga-

pitas ng bulaklak ang mga ulo’y napapailing at huminto na sa pakikipagtalo sa

mga nalulungkot na kaluluwa. Yaong patak na dugo pala ay kaparehas ng hugis

ng patak ng hamog may dalang liwanag mula sa liwanag ng bituin sa gabi,

sariwang hamog sa kinaumagahan, gumuhit na sabaw ng kahel ay dumadaloy

sa baba ng sanggol. Ito ay isang patak ng luha na nanuyo na sa sulok ng mata na

punong-puno ng pag-asa at umaasam.

*

Nabubo ang mga dugo sa malawak na bakuran ng mga kabahayan sa nayon

pagkatapos ng sesyon ng pampublikong pagtanggi sa panahon ng reforma sa

lupa. May isang babaeng kinasuhan ang kanyang biyenang lalaki na pinilit at

ginawa siyang alipin nito sa pakikipagtalik, ngayon ay patay na at kapwa sila

nakalibing sa iisang sementeryo. Ang kaluluwa niyang hindi matahimik ay

kumakatok sa kabaong ng kanyang biyenang lalaki, humihingi ito ng

Page 7: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

7

paumanhin tuwing sumasapit ang gabi. Bumabalik ang kaluluwa ng lalaki sa

mga buhay sa panaginip, sinasabihan niya sila na mamili ng pinaka-masiglang

araw bago matapos ang tagsibol upang doo’y minsan pang isalaysay ang

kanyang buhay. At pagkatapos ay huwag ng muli pang babangitin.

*

Ang napapanaginipan na mga dugo at nangangalingasaw na masansang na

amoy ay nagmumula sa mga selda na ginagamit sa mga makabayang sundalo,

silang mga tapat hanggang kamatayan. Labis ang kanilang paniniwala sa mga

paniniwalang kanilang pinili, at nangangarap sila ng pinaka-mainam para sa

mga mamamayan at sa bayan. Tumestigo sila laban sa mga nagtaksil sa

paniniwala at samahan na sinadyang mantsahan ang totoong layunin at tahakin

ng mga dugong dumaloy. Sa aking panaginip, nakita ko ang mga kandado ng

mga pintuan ng mga solong selda na nabuksan. Ang masansang na amoy ay

naroon pa rin ngunit ang mga makabayang sundalo ay matagal ng wala roon.

*

Sumagitsit ang mga dugo. Namuo , dugo sa dugo, sa bawat labanan. Ang

kagubatang naliligo sa dugo ay napuno ng mga naaagnas na mga katawan ng

tao. Nakita ng mga ilog, kabatuhan na nakulapulan ng mga dugo pati ang mga

sapa, lawa ang mga namamaga, nakalutang na mga katawan. Nabubo ang mga

dugo meron o walang nakamasid. Doon nagtapos ang kanilang kapalaran at

natapos na magpakailanman. Bumukal ang dugo, at halos dumudugo ang loob

ng kanilang katawan. Mabilis na namuo ang mga dugo, at hindi na mabuo.

Nahugasan na ang mga dugong dumanak, binura lahat ng palatandaan,

dumadaloy ang mga dugo sa maitim na awang ng lupa at sumama sa mga dumi

ng mga kanal. Kumakampay at tumatawag ang mga dugo sa isa’t -isa, kahit

hindi sila nagpapangita.

*

Sa gabing ito, ang lahat ay mahimbing na natutulog, habang ang duguang ilog

ay patuloy sa pag-agos. Nangakanganga ang mga tao habang natutulog, mga

paa at kamay ay pawang nangakahulilip, tila mga natutulog na mga bulaklak na

ang mga talutot ay nakasara, natutulog na animo’y mga bulok na prutas,

natutulog na tila ibong ibis ang posisyon, nakapamalungkot, animo patay na,

Page 8: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

8

natutulog na ang mga ulo ay nakatungo,merong natutulog na nakatayo, may

nangaka-upo, natutulog habang nagtatrabaho, may natutulog na nakasubo ang

pagkain sa kanilang bibig, may natutulog na nakayakap sa kanilang mga dibdib

ang mga kamay, merong mga nangakahimbing na inunan ang kanilang mga

braso, may natutulog na nakapatong ang mga braso at mga binti sa kanilang

katabi, may nakadapa, natutulog na nakatagilid sa kanyang kanang tagiliran

meron sa kaliwang tagiliran, natutulog na tumutulo ang laway, umuungol,

nakadilat ang mata habang natutulog, may naglalakad habang natutulog at

binubuksan ang pinto, umiihi habang natutulog, nananaginip habang natutulog,

nagngangalit ang mga ngipin habang tulog biglang hihinga at maghihilik ng

napakalakas.

*

Nagbalik ang mga alaala, pinawi ang mga puwang ng nagdaan. Matatalim na

mga bagay ay nangakausli sa mga kahoy na may mga pako,malakas ang putok

sa bawat mga bala, ginagamit panangga ng mga tao ang kanilang mga sariling

katawan habang inuumang ang mga baril o ibinabalandra sa dingding,

natuyong tinta ay nagmantsa sa lamesa na ginagamit sa pag-iinterogasyon,

patong-patong na listahang mga papel ng mga naganap na pagpupulong, may

isang saradong kahon ng balota, may nagdiriwang dahil nadagdagan ang sahod,

namasyal sa ospital upang dalawin ang mga maysakit, namigay ng mga bulaklak

sa mga taong nagsipagretiro na, sa huling pagkakataon pinagmamasdan ang

mukha ng mga kamag-anak, binabati ang ilang tumaas ang tungkulin… Ang

lahat ay pawang malamig ang pakikitungo, gaya ng gumaganap lamang sa isang

palabas. Bigla, animo isang mahikerong lumabas ang tagapamahala ng palabas,

misteryosong nakangisi at saka lumabas upang magsindi ng sigarilyo. Bigla na

lamang siyang naging isang tagapag-ayos, isang makapangyarihan at isang

propeta.

Kabanata III: ANG ENTABLADO

I-Tagpo

Page 9: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

9

Napanaginipan ko ang walang lamang entablado. May mga tinig akong

nagsimulang narinig mula sa likod ng entablado. Bawat manonood ay umaasa sa

sari-sarili nilang karanasan sa pang-unawa ng kahulugan ng palabas. Ang

palabas na ito ay isang pagpupulong, upang ipaalam ang kanilang mga

plataporma sa pagbabago, isang gawain upang ipangalat ang kanilang mga

resolusyon at upang magtalaga ng mga gawain , isang pagpupulong upang

malaman ilan at magkano ang kanilang paghahati-hatian, isang pampublikong

pagtalikod, isang araw ng pagpoproklama ng desisyon ng samahan, pag-uusap

tungkol sa kasalukuyang balita, paghuhugas kamay, magbibilang, isang

seremonyas ng pagbati sa mga representante mula sa pinakamataas, isang

madaliang tugon sa pagbabago ng samahan, isang pagpupulong para sa lihim na

mga balota…

Ganoon pa man sa panaginip. Ang entablado ay nanatiling walang laman. Mga

tinig ay patuloy na naririnig sa mga kaliwang bahagi ng entablado, nakakabingi

ang hindi maunawaang mga tinig na lumalabas sa ‚loudspeakers‛. Sa ibaba, ang

mga manonood ay tahimik na nakikinig, sinasarili ang saloobin.

Muli umaalingawngaw ang ingay sa likod ng entablado. May mangilan-ngilang

matipid na tinig. May tinig na nakikiusap. Nagtatalo-talo. May pumukpok sa

lamesa upang magpatahimik sa lahat. Taimtim na paghingi ng tawad. Mayroong

nagsalita na napakahaba, isang monologo na tila hindi na sila titigil sa kasasalita.

May malakas na tunog ng matigas na bagay na ibinato sa sahig ang narinig.

Isang malakas na tinig ang nagmamay-ari na nagtapos ng mga usapan. Ang

tunog ng baril na kinakargahan ng bala ngunit walang narinig na pumutok.

May isang babaeng hindi kilala ang humahagulgol. Isang istriktong sigaw.

Nakagigimbal na tinig. Tunog ng bakal, humampas sa isa’t-isa. Nangangatog na

tinig ng isang lalaki. Nangangatal ang huling tinig.

Ang balita ay kumalat sa labas ng entablado. Lahat ay pumayag sa

pinagkasunduan. Maliwanag na pagtatagumpay. Isang masayang pagtatapos.

Ika- 2 Tagpo

Maayos na nakahilera ang mga bakanteng upuan. Bawat upuan ay maaring

makaupo ang tatlong tao. Ang pinalamutiang entablado ay may telon na puti,

may plorera ng bulaklak, at takip ng mesa. Seryoso ang mukha ng tagapangulo,

Page 10: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

10

malamyos at maayos ang kanyang kasuutan. Sa isang senyas, ang lahat ay

nagtungo sa ibabaw ng entablado, naupo, walang magkakadikit, ang lahat ay

nasa taimtim na postura, tapat, nakatitig sa isa’t-isa.

Ilang saglit bago magpasimula, ay may nakatulog. Ang ilan ay sinipat ang sarili

sa salamin, inayos ang mga kilay. May isang naglilinis ng tainga, ikiniling ang

ulo , nakanganga ang bibig. Naririnig ang tunog ng mga daliring malutong ang

mga tunog sa ginawang pagbaluktot. May naniniko ng katabi, marahil may

gustong sabihin. Nakiusap ang tagapangulo na makinig ang lahat, walang

makikipag-usap sa katabi, walang ‚magtetext‛ at isara ang kanilang mga

telepono. Maririnig ang ‚booo‛ sa mga manonood. May nagbato ng mga bagay

sa entablado. May bumubulong na ang ginagawang palabas ay kayang gawin ng

iba ng mas mahusay. Ang ilan ay umalis na at malaman ang mga sinasabi.

Ika-3 Tagpo

Hawak ang mga paa sa isang gilid ng mga gumaganap na artista sa isang

tradisyonal na musika ng operata ay nagsimulang umindayog ang kanilang

buong katawan ng may ritmo. Nakalutang sa may entablado ang isang inayos na

bangka. Umaktong sumasagwan ang mga artistang lalaki na ang nguso ng

bangka ay nakatutok sa may tubig at umaawit, ding-a ding sumasayaw ang mga

isda… Pagkatapos itinaas nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga mata

ding-a – ding nilunok ang mga langaw…sa ganoon kasimpleng arte ay napapaluha

ang mga nanonood. Kinaawaan nila ang isda na hindi na lalaki pa dahil nahuli

na sa

taga, at ang mga ibon na nagsisimula pa lamang tubuan ng balahibo ay hindi na

lalaki , nahuli na sa mga bitag. Pinagsabihan ng tagapanguna ng samahan ang

mga tao sa mikropono na huwag masyadong maramdamin, mahaba pa ang

panonoorin nila bago makarating sa dulo ng kwento. Binalaan ang mga

manonood na kapag hindi sila naging maayos ay ipahihinto ang palabas.

Ika-4 na Tagpo

Nahati ang entablado sa dalawang bahagi, ang isang bahagi ay kumakatawan sa

daigidig ng mga buhay, ang kabilang bahagi ay sa daigdig ng mga patay.

Pininturahan ng puting pintura ng mga gumaganap na kaluluwa sa palabas ang

Page 11: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

11

kanilang mga mukha at yaong mga gumaganap na mga buhay ay kinulayan

naman ng ‚pink‛ ang kanilang mga mukha. May gumaganap na kamamatay

lang, Nang magsimula ang kunwari‘y paglilibing, binuhat siya ng mga tao mula

sa bahagi ng kumakatawan sa mga buhay sa bahagi ng mga daigdig ng mga

patay.

Nang matapos mapinturahan ng puti ang kanyang mukha tumingin siya sa

kabilang bahagi ng mga buhay at nagsimula siyang pagpawisan. May mga

simpleng bagay, natural na katotohanan, na pagkatapos mong manirahan sa

mundong ito ng maraming taon, ay hindi ka narin makikilala.

Mayroong dating napakatuwid na daan. May paliko-liko ang daanan. Maraming

matatalim na kurbada…mga tanda ng mga yapak ng mga nangaliligaw ay napatungan

na ng mga bagong naliligaw na yapak at binubura nito ang dati at naunang mga yapak

at tatapakang muli at muling mabubura. Ang rebolusyon ay binawi ng mapaniil na mga

hindi marunong sumunod sa daan ng katwiran, mga mapang-api. Nagtagumpay na mga

naghimagsik ang siyang pumalit sa pamamahala ng kaharian. Pagkalipas ng ilang

panahon, sila ay naging mga diktador. Maraming tao ang nagsakripisyo ng kanilang

buhay upang makamtan ang kalayaan, subalit nakalimutan nila ang aral mula sa puno-

ang maging malayang pagproseso ng ilaw na nagmumula sa araw na tinatawag ng

sensya na potosentisimo, may kalayaang mamulaklak, may kalayaang mamunga.

Sa isang iglap ang mga kaluluwang may pinturang puti ang mukha ay nagsama-

sama at itinuro ang kanilang mga daliri sa mundo. Kapwa may taga dikta ang

mundo ng mga patay at buhay.

Ika 5- Tagpo

Sa tagpong ito ay may sasakyang ginamit bilang korte na nagpapakita ng eksena

sa hukuman na dumidinig sa kaso ng isang taong nakakulong at

nasintensyahang bibitayin. Pinayagan siya ng hukuman na magbigay ng

kanyang huling salita. Isinalaysay niya na siya ay ipinanganak sa bayang yaon at

doon din nag-aral. Natutunan niya sa buhay na ang pangangatwiran ay para

lang sa mga malalakas. Ipinagtapat niya na sa tuwing siya ay nakagagawa ng

krimen pakiramdam niya siya ang pinakamalakas. Biglang may isang nanonood

ang sumampa sa entablado hawak ang isang sapin sa paa. Sinaway siya ng mga

tagapagbantay at pinagsabihang kumalma, dahil palabas lamang ang

nagaganap. Nang mga sandaling yaon ay nakabalik na ang gumanap bilang

bibitayin sa likod ng entablado. Pinunasan niya ang kanyang mukha na may

Page 12: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

12

pintura at nagsimulang lumakad patungo sa kakaibang direksiyon. Ang

maramdaming manonood ay lumakad na rin pauwi, subalit sa dati paring

tinahak niyang daanan siya dumaan.

Pagpupugay sa mga Manonod

Sa buong naganap na palatuntunan, ay walang tumugtog na musika, at wala ni

isang umawit. Isa-isang lumabas sa entablado ang mga artista, lahat ay

nangakangiti, at yumuko at nagpugay sa mga manonood. Ngayon lamang

nakilala ng mga manonood ang mga artistang gumanap.

Masigabong palakpakan ang narinig hanggang sa unti-unti itong napawi.

Wumawagayway na tunog ng mga posas ang narinig samantalang sabay -sabay

ang mga paa na tila mga sundalong nagpaparada ang naglalakad at

nagmamartsa sa may sementadong parisukat.

Ang kulay borgonyang telon ay unti-unting isinara.

Kabanata IV: ANG MGA SANGANDAAN

Ang dalagitang iyon ay naghihintay sa isang binatilyong lumisan at hindi na

muling magbabalik pa. Ngayon , ay matandang uugod-ugod na. Ngayong gabi

ang maliwanag na pulang-ilog ay dumadaloy sa kanyang pagkahimbing.

Marahang hinihila ng tubig ang kanyang likod at hinipan ang kanyang bibig ng

hininga ng bukang liwayway, at ng hininga ng hamog sa umaga, alon mula sa

naglalayag na bangka sa kanyang panaginip, ang kumalabit sa kanyang balikat.

Ibinabalik siya ng ilog sa kanyang kabataan, at doon hindi niya inaasahang

makikita niya ang kanyang kasintahan. May isang kulay, matingkad na

pagkapula, ang pangunahing nagbigay lundo sa napakaraming nagsangang

mga daan sa mga paningin at mata ng dalawang magsing-irog. At naglayag ito

patungo doon sa abot-tanaw na kanilang itinalagang patutunguhan.

Matunog ang kanilang mga tinig na sumasalamin sa mga pagnanasa sa

nagliliyab na ilog ng dugo:

Page 13: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

13

-Makalalayo na tayo sa mga kuko ng diablo. Huwag kayong mag-alala!

-May sumusunod ba sa ‘tin?

-Patungo tayo sa daan na pinili ng dugo.

-Napakaraming pagkakamali ang nagawa ng mga tao.

-Ang karamihan ng mga tao ay pinamumunuan ng mga makasarili, napakasamang mga

tao.

-Pinagsasamantalahan nila ang mga idolohiya, ang bansa , at ang katotohanan.

- Ang sabi nila ang katotohanan ay dapat na magkasya lamang sa isang kuadro.

-Ang lahat ay dapat na mabago ang hugis, nakabaluktot sa isang hulmahan.

-Kailangan nating humanap ng paraan upang sirain ito.

-Naniniwala ka bang may katotohanan?

-Oo, pero ang katotohanan ay nabubuhay sa loob ng ating puso,hindi mula sa mga bibig

ng masasamang tao.

-Mababago ba ang katotohanan?

-Palagi.

- Kailan?

- Kapagka ang tao ay binawian ng Kalayaan.

-Ginawa nila ang mga tao na alipin at mga kawan.

-Sino-sino sila?

-Sila ang mga diktador, mapagsamantala, at mga nagbebenta ng armas.

Page 14: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

14

Tila tunog ng pagsabog ang nasa likod natin. Maari bang bilisan natin ng kaunti?

-Huwag kang mag-alala, nakalampas na tayo sa putok ng baril.

- May sumusunod ba sa atin?

- Hindi, may namuong dugo at nangawala sila.

-Huminto tayo, lumuhod at magpasalamat sa dugo!

-Hindi natin kayang bayaran ang ginawa ng dugo sa atin.

Ang dugo ay walang kapantay na halaga at walang hanggan.

-Babayaran natin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bagong anak.

-Kapag lumaki ang ating mga anak, malalaman kaya nila ang sanga-sangang daan na

ating tinahak?

-Maaring hindi na. At sa panahong yaon maaring wala na tayo o naging ulyanin na

tayo.

-Dapat pala isulat natin sa ating nitso ang salitang KALAYAAN.

-May mga tunog ng alon at malamig na hangin.

-Hubarin natin ang ating mga kasuutan at sabay tayong maligo .

Matataas na mga alon at malalakas na hangin ay nagpabago ng anyo ng mag-

asawa na nagtila nakatihayang bangka. Malayo ang narating ng palo ng bangka

at ibinaon nito ang sarili sa dagat upang ang bangka ay nakataas sa hangin. Ang

katad ay nahila, akala mo ay inunat at halos sira na. Magkakasunod na

malalakas na alon ang sumalpok at tumaas sa itaas ng ilalim ng pababang

bangka, may mga lumot na kumapit, lumubog-lumitaw ang bangka sa araw.

Ang kulay puting ‚foam‛ ay marahang sumama sa alon at tumabi sa katawan ng

bangka. Tinangka ng magsing -irog na maghiwalay upang ang bangka ay

maging matatag tulad ng barko at ang dagat ay maging mas malawak na

karagatan. Nais nilang maging mga isda at hipon, mga maliliit na halaman at

hayop na lumulutang sa tubig dagat, mga korales, upang maging kahalintulad

Page 15: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

15

ng milyon-milyong mga nabubuhay sa dagat, upang walang makahuli sa kanila,

o walang makapaghihiwalay, o walang magparumi sa kanila. Lumubog ang

balantok ng bangka at pagkatapos ay nawala ang timon sa malalaking alon.

Mahina na ang pagkakapit ng nakabaligtad na palo sa loob ng bangka .

Kabanata V: ANG MANGANGATAY

Unang Mangangatay

Buhay pa siya, subalit ang apoy mula sa impiyerno ay nagsimula ng kumalat sa

mukha niya. Itinungo niya ang kanyang ulo humihingi ng kapatawaran, subalit

huli na ang lahat. Ang dugong buhay na umaagos sa kanyang braso ay naging

higanteng hayop na mahigpit na pumulupot sa kanya at hinigop ang kanyang

utak. Bigla siyang pinakawalan ng halimaw. Nadapa siya at humampas ang

kanyang mukha sa lupa, katulad sa huling sandali kapag ang mga hayop ay

kanyang pinapatay: tumitirik ang mga mata ng mga hayop at pulang-pula, dahil

ang ulo nila ay walang awang pinupukpok ng maso. Nangakabuka ang mga paa,

naninginig bago maibuhos ang isang kalderong kumukulong tubig, nilalapnos

nito ang bawat bahagi ng katawan ng hayop. Isinaksak ng husto ng karnero ang

matalim na kutsilyo, hanggang matuklap at lumantad ang puting laman nito.

Biniyak ang ulo ng hayop, pinaghiwalay. Mga litid mula sa balikat, mga

tadyang, at mga laman ay inilatag na maayos. Hinimatay ang mangangatay.

Nagdudumilat ang kanyang mga mata, hindi makagalaw, natotormente siya sa

mga kaluluwa ng ng hayop na bumabalik mula sa mga patay. Ito ang hinaharap

ng mga mangangatay… ito ay libreng pagtitipon na kung saan ang patas na

pagtrato ay binibigay.

Ika -2 Embalsamador

Page 16: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

16

Ang mga mangangatay na may matutuwid na mukha ay nasa lahat ng mga

lugar- sa kusina, sa halamanan, sa palengke, sa mga nakapadyak, sa mga

kariton, sa mga kainan, sa mga pastulan… Ikinalat nila, ikinubli ang galit ng mga

mikrobyo, mula pa sa simula na pinili ng tao ang uri ng unang imbak ng

palahian, at mga butong itatanim. Gumagamit ng pampalago- ginagamitan ng

mga kemikal, pinakukulo at tinuturukan nila ng nakalalasong kemikal ang mga

prutas, inumin , pagkain…ibinabad sa pormalin ang mga karne ng baka upang

mapanatiling mamula-mula ang laman nito, mapanatili ang hugis kahit maputla,

ang malambot ng hipon at pusit. Mapanatili ang pagkasariwa ng mga gulay at

prutas ng hindi nabubulok sa matagal na panahon. Ang mga taga-katay ng mga

hayop ay walang pasabi kung kailan sila magkakatay. At pagkatapos ay biglang

maririnig ang tunog ng umaalingawngaw na sirena,malulungkot na tunog ng

trumpeta at malalakas na tambol nagbabadyang may inililibing na mga hindi pa

gaanong katandaan nangamatay sa mga delikadong sakit na taga-karatig na

bayan o nayon. Walang malay na labaha ay nagtatrabaho sa may mga madilim

na lugar o sa lilim ng araw. Magkakaibang lugar ang mga tao ay namimilipit sa

nadaramang sakit, nagsisipagsuka, naghihirap sa sakit. Mga nakalalasong

kemikal, mga pinag-aaralan palang na mga gamot ang inilalagay sa mga patay

upang hindi agad maaagnas ang kanilang mga katawan habang nakaburol pa

lamang sila. Ilang buwan ang lilipas ang mga kamag-anak ay kukuha ng mga

kutsilyo at kakaskasin at babalatan nila ang mga buto at saka iaayos sa

babasaging lalagyan ng mga abo ng isang bangkay. Habang ang embalsamador

na nakaharap sa hapag-kainan ay walang pakialam sa mga nagaganap. Darating

din ang kanilang oras na kakain sila ng lason mula sa mga kamay ng ibang

salarin.

Ika-3 Pumapatay

Ang pumapatay ay nagsisisi bago siya pumanaw. Nangangako siya na

ipagkakaloob ang dalawa niyang kamay sa museo, bilang testigo sa kanyang

mga ginawang pagkakamali. Ang kanyang pangako ay agad isinasama sa

kanyang ataul. Ang dalawang pares ng kamay ng pumapatay ay ibinababad sa

isang espesyal na solusyon sa loob ng botilyang garapon. Sumabog agad ang

botilya. Ilang beses itong pinalitan ng garapon parin subalit ganoon din ang

nangyari ang lahat ng boteng garapon ay nagkandabasag. Sa huli, ibinabad ng

mga nagtatrabaho sa museo ang kanyang kamay sa isang bariles na may ‚zinc‛

at nababalot ng makapal na pambalot at kandado. Gabi-gabi , ay nakikita ng mga

nagbabantay sa museo ang mga kamay ng pumapatay na tumatakas mula sa

Page 17: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

17

maliit na awang ng takip ng botilyang garapon, naghuhugis na tila mga

‚mollusk‛. Nagpipilit ang mga kamay na makalusot , sa pinaka-gitna kung saan

namamalas ang mga laman ng museo.

Ika-4 na Tagapagpatay

Ang mamamatay minsan ay lumilitaw sa anyo ng bulaklak. Inaakit ka nito sa

kanyang kamangha-manghang kulay at amoy. Dinadala ka nito sa mga eskinita,

sa madilim na lugar o kahit saang mga liblib. Tila sinasabi nito na mamili ka

kung paano ka mamamatay. Siempre, magagalit ka, ngunit ang katapusan ay

walang pinagkaiba. Naglalabas siya ng mga aklat na para pagpilian mo. May

mga aklat na nagtuturo sa’yo kung paanong hindi ka dapat maawa, na maging

matigas ka sa mga sakit at balewalain ang iyong nararamdaman hanggang sa

huling hininga. Ang ibig sabihin, kapag nasinghot mo ang amoy ng isang

bulaklak, magiging kalahati lamang ang iyong paningin sa iyong buong

buhay,hindi makikilala ang iba’t-ibang mga halaga. At ang huling aklat naman

ay nagtuturo sa iyo ng iba’t-ibang mga paraan kung paanong dayain ang iyong

sarili.

Bukas ikaw ay malulungkot, matigas ang kalooban ang isip at kaluluwa, subalit

parati mong papapaniwalain ang iyong sarili na itinatalaga mo ang iyong sarili

sa pawang mga banal at mabubuting gawa.

Ika-5 Mamamatay

Malalim na ang gabi ng siya ay dumating, binuksan ang lampara, at sumugod sa

aking kinaroroonan. Hinablot niya ang aklat na hawak ko at saka ako sinabutan,

at hinila ito sa likod upang ang aking mukha ay nakatingala na upang

mapagmasdan niya itong maige. Sinuri niya ng husto ang hawak kong aklat at

pagkatapos ay dahan-dahan akong binitawan. Siya ba ay nalito? Halatang ang

magkakatay ay may hinahanap na tao. Ilang sandali itong nakatingin sa akin na

may pagdududa at saka tahimik na umalis. Nakaalis na ako ng bigla siyang

nagmamadaling bumalik na nanlilisik ang mga mata at may dalang

nangingintab na itak. Ikinubli ako ng dilim, tinulungan ako nito na makita ko ng

husto at mapagmasdan ang pag-uugali at itsura ng mukha ng makasalanang

Page 18: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

18

magkakatay. Subalit wala siyang kamalay-malay kung nasaan ako, kahit na sa

sandaling ito ay malapit lamang ako sa kanya.

Ika-6 na Tagapagpatay

Pinipilit tayo ng mga tagapagpatay ng kaisipan na maglakbay at tahakin ang

mga tuwid na landas at huwag na huwag lumiko. Subalit ang totoong mundo ay

puno ng di-mabilang na mga lawa, bundok, at mga talon. Walang perpektong

matuwid na daan na dinaraanan dito sa ating daigdig. Sa bawat panahon

maraming beses nagaganap ang ebolusyon ng tao at ang ebolusyon ay

ipinanganganak sa pagitan ng mga panganib ng sangkatauhan. Alam yan ng

mga mangangatay at hinihintay nila tayo doon. Mabilis nilang winawakasan

yaong sa palagay nila ay masyadong malihim at hindi normal ang pag-iisip.

Naaktuhan ko sa mga tuwid na daanan ang mga tagapagpatay na walang suot

na pangtaas na damit at ang kanilang mga hubad na katawan ay may mga tatak

na numero. May tiwala sa sarili at di -kumikibo, nangatayo sila roon bilang

kilometrong pananda.

Ika-7 Magkakatay

Napabilang na siya sa ilalim ng mundo ng mga patay. Ang tanging bakas ng

kanyang paglitaw sa mundo ng mga buhay ay ang larawan ng kanyang katawan

na nakaukit sa kanyang nitso. Sa kanyang larawan, diretso ang kanyang tingin,

natatakpan ng kanyang salamin ang malamyos niyang mg mata, nakasipaka ang

buhok niya sa isang gilid. Nakikita lang ang ikalawang hilera ng mga butones sa

kanyang chaleko. Ang duguan niyang mga kamay ay matagal ng gumapang sa

ilalim ng lupa. Itinago ng kanyang bunsong anak ang isang lihim na pahina ng

kanyang huling habilin, na bubuksan lamang ito sa ikatlong henerasyon ng

kanyang lahi. Sa panahong yaon na sibilisado na ang mga mamamayan ay wala

na ang mga magkakatay. Ang ikatlong henerasyon ang magsasalin at

magsasalaysay ng mabubuti niyang ginawa. Isasalaysay nila na noong siya ay

nabubuhay, siya ay napakamaawain at isang banal na tao na minamahal ang

lahat ng may buhay sa daigdig.

Page 19: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

19

Kabanata VI: ANG MGA PAG-UUSAP

Unang Pag-uusap

-Ako ay binura sa huling araw ng taong 1941

- Saan?

- Dito mismo sa punong ito ng suha.

- Sino ang pumatay sa’yo?

-Mga lihim na ahente ng Prances at isang pinuno ng Canton.

-Ano ang dala-dala mo sa sandaling ‘yon?

Page 20: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

20

-Isang watawat.

-Kanino mo sana ibibigay ‘yon?

-Sa mga mahihirap na mamamayan at mga naapi.

-Magiging sagrado ba ito habang iwinawagayway ng hangin?

- Ginagabayan nito ang mga magsasaka, mga trabahador, at mga taong may pinag-

aralan.

-Hanggang saan?

-Sa pagkakaroon nga Kasarinlan, Kalayaan, Kaligayahan

-Maari bang ipaliwang mo itong mabuti?

-Hindi na makakaranas ng pagdurusa ang mga tao,hindi na magugutom o maghihirap,

hindi na pagbabayarin ng sobrang taas ang buwis, hindi na aalipustain or sasaktan, at

hindi na makakaranas ng kawalan ng hustisya. Sila ay magiging masaya at malaya.

-Pinaniniwalaan mo pa ba ang mga iyan?

Palagi kong pinaniniwalaan.

-Maaari ko bang makita ang paniniwalaang yan?

-Dito ang lupa ay kulay kayumanggi at ang mga damo ay kulay luntian pa rin.

- Hayaan mong hilahin ko ang talim ng dahon palapit sa atin.

- Ang kloropila nito ay palaging nagbababaga. May paraan kayang maipasa ang init nito

sa mga paparating?

-Alam na nila yan, dahil sila ay naturuan na mula sa kanilang pagkabata.

Page 21: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

21

Ika-2 Pag-uusap

-Ako, ang pinunong korporal, mula sa ika-25ng Dibisyon ng Infantry,‛ Tropical

Lightning‛ o Tropikal na Kidlat, Mga Sundalo ng Republika ng Vietnam, nangamatay

mula sa mga sugat noong Abril 28, 1975 sa Đồng Dù Base1.

-Ako, isang ‚petty officer‛, mula C5, 320A, Hukbo ng mga Tao ngVietnam (Vietnamese

Peoples’Army), ay nabaril habang nagmamaneho ng tankeng T54 sa aming base.

- Lumapit kang mabuti, habang iniiwan natin ang ating mga sandata sa mga nabubuhay

sa mundo.

1 Đồng Dù Base sa Củ Chi district, may 60km sa may hilagang kanluran ng lunsod ng Ho Chi

Minh dating Saigon. Ito ay isang pangunahing kampo ng mga military na may mataas na

importansya sa Estados Unidos at sa Republika ongVietnam bago mag 1975.

- Tingnan natin ang mga nabubuhay habang sila ay sama-samang kumakain at

nagtatrabaho sa kanilang mga bukirin.

-Nakaligtas sila ng tumawid sa landas ng dugo kasama natin.

- Halos 5 milyong tao mula sa magkabilang panig ang nangamatay, napakaraming

nasaktan, napakaraming nagkahiwalay mula nagpasimula ang giyera.

-Kalahati ng kabuuan ng kakahuyan ay nawasak. Libo-libo ang nakontamina ng

nakalalasong halamang gamot na ‚Agent Orange‛.

-Nawalan din kami ng hindi matatawarang mga kakayahan.

-O, ano, kinakailangan bang pagdaanan itong landas ng dugo na ito?

-Kaya ito kinakailangan pagdaanan?

Kinakailangan ba?

-Ganoon?

-…

Page 22: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

22

Ika-3 Pag-uusap

-Noong Pebrero 1979, ako ay isinama sa karamihan dito. Nawalan ako ng malay dito

mismo sa tulay ng Bắc Luân2

- Nakita naming ang iyong pinuno na inihagis ang iyong katawan sa ilog ng Ka Long3

upang lumuwag ang daraanan ng mga tropa ng mga Intsik na sumusulong sa teritoryo

ng mga Vietnamita.

2 Isang tulay na tumatawid sa ilog ng Ka Long.

3 Ang ilog ng Ka Long ay isang likas na hangganan sa pagitan ng Quảng Ninh Vietnam at ng Guangxi

China

-Nakita ng aking kaluluwa noon ang aking mga mata nakatingala sa pinuno.

-Pinulot ng mga Militanteng Vietnamita ang iyong katawan sa bukid ng Chắn Coóng

Pha4 at kanilang inilibing.

-Kinamumuhian mo pa rin ba ang Vietnam?

-Bago ako pumarito ako ay sumailalim sa ganyang propaganda.

- Sa pamamagitan ng mga aklat, dukumento , mga sinehan?

- Hindi, sinabi sa amin mismo ng mga pulitikong kumunista mula sa sundalo ng

Pagpapalaya ng mga Intsik.(Chinese People Liberation Army). Kaming mga sundalo ay

bibihirang magbasa ng aklat.

- Sa anumang panahon, palagiang kinukuha ang aming dugo at buto upang magtayo ng

mga lumbak upang mapahinto ang inyong mga tao.

-Naging malinaw ang aking isip pagkamatay ko. Naging klaro sa isip ko pagkamatay ko

-Labis ang iyong naging kasamaan at masamang kaaway sa loob ng apat na libong taon

ng ating kasaysayan.

4 Chắn Coóng Pha field in Thán Phún hamlet, Hải Sơn commune, Móng Cái city, Quảng Ninh prefect

is where the Ka Long river merges with the Beilun river.

Page 23: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

23

- Ang ating dinastiya ay kumakain ng laman ng tao sa ganoong paraan.

-Oras na naging malakas ka, kadalasan ay naghahasik ka ng kalamidad sa iba.

-Miyembro ka ba ng Kumunista?

-Hind na kailangan itanong. Pinarangalan mo lamang ang makitid na pambansang

interes.

-…

Ika-4 na Pag-uusap

- Hindi maaaring walang maging modelo para sa bawat lipunan.

-Ang bawat panahon ay may mga uliran.

-Tayo ay nasa panimulang punto tungo sa papataas na kurbada.

-Walang ibang nagpasimula ng siklo.

Kailangan ba natin ng bagong kahulugan ng kasarinlan, kalayaan, kaligayahan?

Ipinaliliwanag ng daloy ng buhay ang lahat-lahat.

-Mai-dedetalyado mo ba ang Kalayaan?

-Palaging pumapailanlang na ang kaligtasan ng tao ay sa pagiging malaya.

_ Palaging may malay ang tao tungkol sa pakikipaglaban laban sa pang-aalipin sa iba.

-Kung ganon, ang kalayaan ba ang ugat ng kuro-kuro ng karapatang pang-tao at

demokrasaya?

Page 24: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

24

-Oo. Nakadepende ba ito sa pagiging bukas na isip ng isang rehimento?

-Hindi. Ito ay paghahanap para sa Kalayaan sa lahat ng nagsisilang sa pangangailangan

para bunuo ng pamahalaan nakabase sa alituntunin ng batas.

- Kung ganon, ano ang pagsasarili at kaligayahan?

-Yan ang ibinubukas ng Kalayaan. Ito ay kaswal na relasyon.

-Pinakamalaki ba ang kapalit ng kasarinlan?

-Kinakailangan nating isakrispisyo ang ilang henerasyon upang makamtam ito.

-Marahil ito ay nakompromiso noong mga panahong nag-goglobalisasyon.

-Minsan pa kinakailangan mabago ang mga kurukuro na iyan.

-Nakikita mo ba ang iyong sarili na malaya?

-Wala pa rin akong kalayaang maangkin maging ang mga pasakit sa kin.

Ika -5 Pag-uusap

Ako ay isang patak ng tubig.

-Pinaghahalo tayo sa isa’t-isa upang makagawa ng isang makabuluhang patak ng tubig.

-Hindi. Magkakasundo tayo sa isa’t-isa kahit na hindi laging magkakasama.

Page 25: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

25

-May hangganan ba ang ating mga isip at kaluluwa?

- Ang sibilisadong lipunan ay pangkalahatang pagkakahalo ng mga tao na may

magkakakahiwalay na pagkatao at magkakaibang papanaw.

-Yan ba ang pundasyon ng karapatang pang-tao.

-Ang bawat patak ng tubig ay may karapatan isatinig ang kanyang opinyon o kaisipan.

-Kapwa sila magkapantay at malaya.

-Nabubuhay sila dahil sa biyaya ng Diyos.

- Naliliwanagan ako sa mga himala ni Buddha.

-Ang iba ay naglilingkod sa pamamagitan ng masagradong Inang Diyosa.

- Iginagalang ko ang kagustuhan at pinili ng iba.

Kabanata VII: ANG MGA MODELO

I-Modelo

Noong ika-animnapung taon ng huling siglo, maraming pamilya ng mga

Vietnamita sa may Norte ang regular na nakatatanggap ng mga libreng

babasahing cartoon ng Tsino. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang mga

larawan sa loob ng mga takip at pahina ng babasahing nagpapalaganap ng

panghihikayat o tinatawag na propaganda-masusungit na mukha ng mga

Page 26: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

26

trabahador, mga magsasakang tangan-tangan pataas ang mga karit, mga

sundalong iwinawagayway ang kanilang mga armas, isang kopya ng akda ni

Pangulong Mao ang hawak sa isang kamay. Walang magawa ang aking mga

kapatid ay pinaggugunting nila ang larawan ng mga magsasaka at mga sundalo

at idinikit sa kawayang partisyon sa loob ng aming bahay. Pinagtagni-tagni ng

aking kapatid na lalaki ang mga larawan sa harap ng pasukan ng aming pintuan

sa mga huling araw ng taon.

Noong mga panahong yaon ay madalas kong sundan ang aking mga magulang

sa bukid pagkatapos patunugin ang kampana ng samahan. Pumasok kami sa

aming trabaho at inilista namin ang aming araw-araw na tinrabaho sa

pinaglilistahan ng aming mga nagawa. Minsan may mga paligsahan tulad ng

pabilisan ng pag-aararo ng bukid, pagligsahan sa pagtatanim ng palay, pag-

iipon ng dumi ng hayop at paligsahan sa pag-aani…. Bawat paligsahan ay may

kasamang watawat, tambol at mga bandila. Nanonood ang karamihan ng mga

tao

Sa gilid at nagpapalakpakan. Ang pinuno ng samahan noon sa tingin ko ay

kamukha niya ang mga larawan sa magazine.

Ika 2- Modelo

Noong mga huling taon ko na sa kolehiyo, ibinagsak ko ang subject na pulitiko,

dahil hindi ko ipinasa ang pagsusulit tungkol sa espiritu ng kolektibong pag-

mamay-ari. Bagamat marami akong dinalang papel na pinagsulatan ko ng mga

kuro-kuro- isinulat ko rin ang mga pangunahing ideya sa aking mga palad at

talampakan, nakipagpalitan ng mga sagot sa aking mga kaklase na aking katabi

at nasa isang linya lamang ang aming mga upuan-walang nagawa ang mga iyon

para ako ay makapasa. Paglipas ng humigit kumulang na isang taon, nagkataong

nagkita kaming muli ng gurong nagturo sa akin tungkol sa pulitika sa isang

lugar na nag-iinuman ng alak. Inamin niyang sa paglipas ng mga taon ay halos

nakalimutan na niya ang mga itinuro niya. Sinabi pa niya sa akin na bago siya

magturo noon, maraming oras ang ginugugol niya ng buong puso sa pag-aaral

sa bawat pahina ng kanyang araling ituturo. Subalit kinabukasan ay nalilimutan

na niya lahat ang mga iyon. At ng hindi na niya maalala ang inaral niya ng

buong puso ay tinanggap na niyang magretiro. Noong araw na iyon kami ng

aking dating guro ay nalasing ng husto, at ng kami ay lumabas na upang umuwi

Page 27: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

27

ay kapwa kami naglakad ng matuwid dire-diretso sa isang poste ng kuryente na

nasa isang gilid ng daan.

Ika-3 Modelo

Upang maseguro ang kaayusan sa lipunan, hiniling sa amin na tiktikan namin

ang isa’t - isa. Siempre, hindi ko alam kung sino naman ang nag-eespiya sa akin.

Tuwing umaga palagi siyang nakasakay sa kanyang motorsiklo sa kanyang

pagpasok sa trabaho. Palagi ko siyang sinusundan at detalyado kong itinatala

bawat minuto ang kanyang mga regular na gawain. Subalit nakakaramdam ako

ng pagkabigo kapag kanya ng ipinipinid ang pintuan upang matulog. Sino ang

nakakaalam kung ano ang sinasabi niya sa kanyang mga kamag-anak at kung

ano ang mga gawaing kanyang ginagawa sa dilim? Sa araw ng pagpupulong sa

isang maliit na lugar sa aming lunsod, nagboluntaryo akong tumindig at may

katapatang pinuna ang aking sarili. Inamin ko ang ilang mga pagkakamali kong

nagawa, at ipinagtapat ang kawalan ko ng gana sa pagboboluntaryo sa aking

sinumpaang lihim na tungkulin. Upang mapanatili ko ang patakaran ng

paglilihim para sa ikatatagal ng operasyon ng samahan, hindi ko binanggit ang

pangalan ng taong sakin ay inaatas na tiktikan ko at maging ang kanyang mga

tiyakang ginagawa.

Ika-4 na Modelo

Inanyayahan akong sumama sa pagpaplano ng mga tagapayo ng aming

samahan sa aming lugar. Ang tanging punto ng sanggunian ay ang 6x12 cm na

hindi pa di- kulay na larawan. Nagpalitan kami sa pagsusuri nito at saka namin

iginuhit ang aming mga sarili bilang modelo. Pagbali-baligtarin ko man ang

larawan, patayo, pahiga, wala akong makitang detalye. Maraming beses pang

nagpulong ang samahan ng mga tagapayo ngunit hindi sila nakakakita ng

pinaka-mainam na plano. Pagkatapos, isa-isa, parang nagkaroon ng sakit sa

limot ay nakalimutan na namin ang tungkol sa proyekto tila hindi ito umiiral.

Ilang taon pa ang dumaan at wala na akong narinig patungkol sa aming

samahan ng tagapayo sa aming lugar sa lunsod.

Page 28: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

28

Ika 5-Modelo

Kagabi napanaginipan kong ako ay nakatira sa isang maluwang, mahangin na

bahay sa tabi ng lawa ng tubig. Malinis ang hangin, walang polusyon. Maging

ang mga inuming tubig at pagkain ay nakapasa sa mahigpit na pagsusuri at

pamantayan ng seguridad ng kaligtasan. Pumasok kami ng aking mga mahal sa

buhay sa loob ng bahay. Nakapagtataka, ang likod ng kabahayan ay

nakadugtong sa maraming eskinita. Nagkani-kanyang pili kami ng daraanan.

Habang lumalayo ang tinatahak ko, ay padilim ng padilim. Minsan, sa magulong

eskinita ay nagkakatagpo-tagpo kami, o dili kaya ay nababangga namin ang mga

kagamitan na basta na lng iniwan sa kung saan-saan nakahambalang sa mga

daraanan. Sa may dulo ng isang eskinita, nakilala ko ang kaparehong kama na

siyang nagdadala sa akin sa panaginip na ito. Ang maluwang na kabahayan ay

isa palang modelong bahay, na nakatayo sa dulo ng maraming eskinita.

Ika -6 Modelo

Ang pabilog na liwanag sa aking panaginip ay malayo. Upang makalapit sa

pabilog na liwanag , kinakailangan pang pumasok sa isang pintuang daan na

umaapoy. Marami ang sumubok, subalit wala ni isang nakapagpatuloy. Subalit

determinado akong makarating doon. Bago dumaan sa pintuang -daan,

pinatatag at sinanay ko ang aking kalooban. Sa wakas nakapasok ako sa

pintuang daan na nag-aapoy. Pero nasunog ang aking buong katawan, balbas, at

nangawala ang aking mga buhok. Sa likod pala ng pabilog na liwanag ay isa

lamang tigang na lupain. Mga dagang halos patay na, pero nakakayanan pang

mabuhay ang sumalubong sa akin. Magmula noon, ako ang kanilang naging hari

sa kaharian ng mga daga.

Ika-7 Modelo

Proyekto ng kathang isip sa Agham. Naipagsasama ng mga siyentipiko ang

iba’t-ibang mga bungang kahoy sa iisang puno. Maraming mga bungang kahoy

Page 29: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

29

ang sama-samang lumalaki sa loob ng iisang malaking puno, na napaghihiwalay

ng mga isang simpleng lamad. Nagdaratingan ang mga tao sa sentro ng agham

dala ang maraming mga paboritong prutas, mula sa mga kalamansi, longan,

manga, rambutan, langka, duhat, durian,at kaimito buhat sa Timog. Kapag

huminog na ang prutas, ang balat nito ay matingkad na kulay pula. Walang

nakaisip kung papaanong gawin ang prutas na mapula hanggang sa loob ng

laman nito. Pamamaraan kung paanong mabago ang bawat bahagi ng balat

upang makita ang magkakaibang prutas sa loob ng balat.

Ika-8 Modelo

Ang modelong bahay ay dinisenyo at binuo sa paligid ng isang pugad ng ibon sa

dulo ng sanga ng isang punong kahoy. Ang labas ng bahay ay nakapulupot sa

kawad ng kuryente, gamit ang mga de-kuryenteng mga kagamitan tulad ng

radar sa pagmamatyag, pang tuklas ng tunog, pangtuklas ng mga galaw… Ang

bahay ay katulad ng pangunahing modernong kampo ng mga sundalo at

mahabang tirahan ng mga nalipol ng mga dinosaur. Sa teorya o haka-haka,ang

bahay ay isang Paraiso sa daigdig, na kung saan walang basta-bastang

nakapanghihimasok, at wala itong kaaway magpakailanman. Subalit sang-ayon

sa kanyang disenyo, ang malahiganteng pugad ng ibon ay kinailangang manatili

sa malaki at mataas na hugis tinidor na katawan ng sanga ng puno. Mula noon,

ang mga tao ay palagian ng nagtatanim ng mga puno at masigasig na inaalagaan

ang pinakamaliliit na mga usbong.

Kabanata VIII: ANG PANAGINIP

Nagmamadali ang mga tao patungo sa madilim upang mamalas ang matingkad

na pagkapula ng ilog na marahan at malumanay na umaagos. Mabilis na mga

pagtibok ng puso na may kasamang kaba at katuwaan. May mga mapagdudang

mga katanungan ang mabilis na kumakalat sa gabi na tila may lihim na ipinag-

Page 30: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

30

uutos para sa isang paparating na digmaan. Ito ba ay madugong paghihiganti?

Malulunod ba ang ating buhay sa dagat ng dugo?

Mapayapang dumadaloy ang dugo sa mahinahong kaparaanan, mapayapa tulad

ng sa paghinga ng isang batang nahihimbing. Sinaling ng dugo ang hangin,

sinaling nito ang mga makasaysayang mga pook, kasing-tulad ng malahiganteng

ahas na sumisiksik sa isang tapyas ng malaking bato, kahalintulad ng bolang

gumugulong sa damuhan. Kahalintulad ng mga patak ng ulan na tumatawag sa

isa’t-isa upang magsama-sama silang umagos pababa sa may mabababang lugar.

Ipinatong sa tabi ng pisara ang kapirasong yeso. Dumaloy ang dugo at ibinukas

ang kamalayan, upang gisingin ang mga bahagi ng utak para sa mas malinaw na

pag-iisip, upang magkaron ng pang-unawa ng bawat tao, na damputin ang

kapirasong yeso at kopyahin nila ang bawat titik. Paano matututong bumasa ng

maayos ng simpleng pangungusap. Paano isusulat ang pangalan ng kanilang

bansa. Paano isulat ang kanilang mga pangalan.

Nagbabalik ang dugo sa panahon ng pamumulaklak. Buntis ang mga palay.

Lumalaki ang laman ng mga patatas. Ang mga mais na may malamang mga

buto. Mga hayupan at manukan ay maayos ang mga balahibo.

Nagsisipaggalawan ang mga isda sa mga ilog at sapa, munting dagat-dagatan at

lawa. Ginagabayan ng dugo ang mga payat na daliri na magtanim ng punla ng

palay, at tingnan ang bawat buto ng maisan sa matabang lupa.

Umaagos ng payapa ang dugo sa mga hanay ng mga lumot, inaalog ang mga

puno ng mga ligaw na damo. Pinangangatal ng dugo ang daigdig, katulad ng

nangyayari kapag nilagyan ng asin ang katawan ng mga igat, linta at balat bago

ito hiwain. Matahimik na kumalat ang dugo, dala-dala ang kapangyarihan at

kabanalan ng panaginip. Ang mga sundalo sa kanilang pangkat at hanay na

matagal ng nalibing sa mga tama ng mortar at mga raketa, ay bumangon mula sa

ilalim ng pinaglibingang lupa na tulad ng mga mapagbalatkayong multong

nakasuot pa ng kanilang unipormeng sundalo. Nakahanay silang

nagsipagmartsa, pabalik sa dati nilang nayon, bawat isa ay nagsisipanumbalik sa

kanilang mga dating tahanan. Kataka-taka ng makarating sila sa kanilang lugar,

wala ni isa sa kanilang mga kamag-anak ang nawawala. Ipinaghanda sila ng

pagkaing hindi inihandog sa kanila noong sila ay namatay, bagkus ay simpleng

pagkain sa baryo tulad ng sinabawang talangka, at isang bandehadong atsarang

talong.

Page 31: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

31

Ang daloy ng dugo ay nabubo sa mga kloropila sa mga puno, umaalog at

nililinis ang nilagay na tabing. Nagsimula ang pagbabago ng kanilang kalooban,

habang sinasampal ng mga tao ang kanilang mga sariling mukha upang

magising sa pagkakawala sa sarili, ang kinasanayan nilang pagwawalangbahala

ay sumandaling nagbago, sa isang pagnanasa. Lumalakas ang ingay mula sa

isang kakaibang ibon, paghudyat ng isang kakaibang pagbabagong magaganap

sa loob ng daigdig. Ang mga bulating lupa ay naghukay pa ng isa pang antas na

mas malalim upang gawing malambot ang lupa. Natuklasan ng isang munting

luntiang palaka ang liwanag ng buwan at malambing na tinawag ang kanyang

nanay. Inaanyayahan ng ibong engkantado ang kanyang kaparis na sila ay

tumawid sa karagatan.

Mga hilaw pang bunga ng prutas, na pinitas ng wala sa panahon, ay muling

nakita sa mga puno, naghihintay na huminog, sa isang araw ay magiging

matamis at mabango. Nangangatal ang mga bulaklak at prutas na pinamugaran

ng mga uod at tinuka ng mga ibon sa kanilang bagong buhay. Ang mga punong

pinutol ng lagari, ay likas na dumugtong sa kanilang mga puno. Ang mga dagta

ng puno na dumaloy sa mga nabulok na mga troso, nangamoy paminta, at

pamilyar na amoy ng mga nagpanibagong dahon at ugat ng puno.

Ang mga nakaligtas na ibon at mga mababangis na hayop ay magkakasamang

bumalik upang tumanggap ng dugo gaya ng pagtanggap sa pagbabalik ng

kanilang mga kamag-anak pagkatapos ng mga kaguluhan na nagdulot ng

mahabang panahong pagkakahiwalay. Dala-dala nila ang mga hiwa-hiwalay na

mga buntot, tuka, sungay, pangil, at mga kuko ng kanilang kalahi-minsang

pinaghahabol at saka pinagpapatay. Inilagay nila ito malapit sa daloy ng mga

ilog, saka sila lumuhod habang naghihintay. Dumating ang dugo at masayang

binuhay ang bawat patong ng mga balahibo, pinainitan ang bawat selula, mga

nilalabasan ng pawis, at mga patong ng balat.

Sa pamamagitan ng dugo ay pinakawalan nito ang mga hayop sa kagubatan,

mga ibon sa langit. Pinakawalan ng dugo ang mga nabubuhay sa mga tubig,

mga halamang dagat at mga organismo na nakalutang sa ibabaw ng karagatan.

Hinayaan ng dugo na maglaro at lumangoy sa mga lawa ang mga pato at tubig

ibon.

Ang lahat, kasama ako, ay nagsimulang makahinga ng maluwag, hindi na

humihinga na may pagkatakot. Bigla na lang kami ay nagkaroon ng

Page 32: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

32

magkakaparehong uri ng dugo. Nahiga kaming lahat at hinayaang ang

matingkad na pulang ilog ay dumaloy sa amin. Ako pa rin ang dati kong sarili

ngunit kakaiba ngayong gabi. May kasarinlan at malaya tulad ng mga kulisap at

mga hayop - masaya at malaya tulad ng mga isda sa dagat at mga ibon sa

himpapawid.

Kabanata IX: PAGPAPATULOY

Nagsimulang dumaloy ang tubig sa mga bibig ng mga tao, tubig na dala-dala

ang mga kaluluwa ng kanilang mga ninuno at ang kabanalan ng kanilang lupa.

Mga tao ay sumama sa grupo ng magkakaibang kulay, mga kulay na nagsama-

sama sa tumataas na alon ng tubig na nasasakal sa mga latak at saloobin.

Ang bagong pagdaloy ay nagpabago ng panahon sa pagpapalahi, pangingitlog

at paglilipat ng tanim. Pinapalusog ng sariwang dugo ang mga nabubuo pa lang

na sanggol,pinangangalagaan ang mga buto ng mga bulaklak upang ito ay

mamulaklak at ang pulutong ng mga hayop upang magparami ng lahi.

Diwa at maliliit na linya. Mga tinatahak ng Ch’I at ng disenyo ng ‚computer

software‛. Ang estraktura at mga walang estrakturang datus ng mga may halaga

at walang halaga. Mga mukha ng tao, mga alagang hayop at ang halamanan ay

magkakaugnay sa buong magkakasunod na panahon at sa makabagong

panahon.

Ang kaluluwa ng mga datus, ay naghihintay na magkahiwa-hiwalay,

pinapakiusapan ko mga tao sa kasaluyan na huwag mag-alinlangan at huwag

manatili sa isang lugar ng matagal.

Ang mga pagkatao ay nakikita sa tinatawag na HID o ‚Human interface

windows‛ habang sila ay umaangat sa kanilang muling pagsilang, pagpili ng

panibagong mga pagpapahalaga sa panahon ngayon. Ibang tahakin. Ibang mga

pilosopiya. Ibang pagkakataon. Ibang iniidolo. Ibang modelo. Ibang kasarinlan.

Ibang Kalayaan. Ibang kaligayahan. Ibang damdamin.

Ang bulaklak ng Chrysopogon, tahimik lamang sa mahabang panahon, ngayon

ay biglang sumulpot sa kaliwang bahagi ng ‚screen‛. Narinig ang mahabang

Page 33: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

33

tunog tulad ng senyales na nagbababala na pinasok na ng ‚virus‛ ang

‚computer‛. Dumaan kami sa kapanahunan ng basura! Ang ganyang senyales ay

hindi na nakakapagpagalit o nakapagpapagulat sa mga tao, dahil sa panahong

ito ay alam na ng lahat na hindi sila mga pangunahing bagay lamang.

Ang biglang pagsulpot ng bulaklak ng Chrysopogon ay lumikha ng epekto tulad

ng domino, nangatumba ng sunod -sunod na piraso ng chess. Isang anyo na

hindi nakilala ay tumindig at inaming siya ay isa lamang mapurol na kutsilyo.

Tumayo rin ang pangalawa, pangatlo at pang-apat na anyo upang managot.

Napakaraming umamin mula sa nadaragdag pang mga bilang, hindi mabilang

na hukbo ang naglabasan. Inamin ng mga tao na sila ay maaring basahang

pamunas, walis tambo, panalok ng dumi, nalalagas na aklat, sirang upuan, o

plantsang hindi umiinit. Ipinagtapat nilang naging punit na kumot sila, walang

kaparis na sapatos, wala na sa usong damit, o mga lumang plastic na lalagyan na

nabalot na ng alikabok. Silang lahat ngayon ay nagboluntaryong mailagay sila sa

kanilang kategorya, sirain na o maghintay ng kanilang muling pagpapanibagong

kaanyuan.

Tila mga puntod na naglabasan isa-isa ang mga naingatan at naitagong mga

salansan ng mga dokumento o tinatawag na ‚saved files.‛ Ang abalang screen

ng computer ay nakabuo ng animo’y araw ng Kapistahan ng pamamasyal sa

mga puntod, napuno ng mga handog at usok mula sa insenso. Ang dating

pinuno ng kooperatiba ay nagpakita, takang-taka na siya ay nakaugnay sa mga

propeta, sa pinakapunong-tagapayo, at ang mga artista na may pinturang puti

ang mga mukha…Sinalubong ng guro sa pulitiko ang mga sundalo na kapwa

nasa harapan. Ang mga saraduhan ng nag-iisang pinagkulungan ng mga tapat

na sundalo ay pinalitan upang manatili lamang sa hanay ang mga nakakulong

na bibitayin .

Alam ng kahit na ang kapirasong hilaw na karne kung saan ang pugad ng ibon,

ang kaharian ng mga daga, at ang makikitid na higaan. Masayang nilingon ng

kapirasong karne ang inaamag ng butas sa ibaba ng dingding. Biglang lumitaw

ang bubuyog sa ‚screen‛ at nagbukas ng pintuan sa ‚taguan ng mga ala-ala‛,

sapagakat doon nababasa ang mga kakaiba at mahahalagang dukomento na

Page 34: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

34

hindi pa nababasa. Ang bubuyog ngayon ay isa ng pinanggagalingan,

nakamamatay na punto ng kahinaan at may hawak ng pangunahing susi.

Nahihirapang makaalpas ang mga kaluluwang may mantsa mula sa mga

makapal na usok ng mga tore, katayan ng hayop, at planta ng pinagtatapunan

ng mga dumi at basura. Kasama nila ang kanilang mga hindi natupad na mga

isipan at mga kahilingan. Tamang-tama ang maagang pagpatak ng ulan. Nag-

unahang nakisalamuha ang mga kaluluwa sa bawat patak ng malinis na tubig na

bumubuhos mula sa Inang Kalikasan. Ang ulan ay patak ng pag-asa sa mga

pangarap ng mga tao, pinupunasan nito ang mga halaman upang maging

malinis, at nagsisilbing hugasang palanggana para sa buong lugar.

Nagsimulang magliwanag ang iba’t-ibang uri ng mga pako tulad polygonum,

Commelinales, sa kasunod na bakod, pati na ang mga Rasboras at mga itlog ng

lamok sa hindi dumadaloy na tubig. Matagal na nilang hinahangad ang kalayaan

at ang pangangalaga nang kanilang dangal. Nakipag-uganayan sila sa mga puno

at mababangis na hayop upang makamtan ang kanilang matatayog na pangarap,

matatag na kalooban at katapangan.

Natutunan nila ang mapagmataas at masakit na pamamaraan ng mga agila

upang mapalakas ang kanilang mga sariling katawan. Kapagka hindi na nila

kayang lumipad ng mas mataas at mas malayo, inihahampas ng mga agila ang

kanilang mga tuka sa mga gilid ng bangin hanggang mabasag ang mga ito at

tumubong muli ang kanilang mga kuko. Tumititig ito ng diretso sa araw ng

hindi kumukurap at hindi ito natatakot mabulag sa nakakapasong init ng araw.

Lumilipad ang mga ibong agila sa pinakataluktok ng bundok hinihintay ang

pagdating ng bagyo. Ang malalakas na hagupit ng hangin na dala ng bagyo ang

nag-aangat sa kanila sa ibabaw ng ulan. Ang matatalim nilang mga kuko ay

nangungunyapit ng mahigpit sa mga balikat ng bagyo at lumilikha ng matayog

at masagradong simbolo.

Hải Phòng – Hà Nội, 25/8/2018

M.V.P

Isinalin ni

Eden Soriano Trinidad

Marso 18, 2020

Ika-5 ng Hapon

Page 35: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

35

Makati, Pilipinas

ANG TALAMBUHAY NI MAI VAN PHAN

Ang makatang si Mai Văn Phấn ay isang Vietnamita na ipinanganak taong 1955 sa

Ninh Binh, Red Delta sa may Hilagang Vietnam. Kasalukuyan siyang

namumuhay ngayon, nakatira at lumilikha ng kanyang mga tula sa lunsod ng Hải

Phòng. Siya ay nagkamit ng hindi mabilang na mga parangal mula sa kanyang

bansang Vietnam at mga Pandaigdigang Panitikan, kagaya ng Samahan ng mga

Vietnamitang Manunulat sa taong 2010, ang Premyo ng Panitikang Cikada sa

bansang Sweden noong taong 2017, at ang parangal mula sa Akademya ng

Agham at Sining ng Serbiya taong 2019. Nakapaglathala din siya ng may labing -

anim (16) na aklat ng mga Tula at isang aklat na pinamagatang Mga Kritikal na

Sanaysay ‚Critiques‛ – Essays‛ sa bansang Vietnam. May labing -walong (18)

aklat ng mga tula na kanyang isinulat ang nailathala sa iba’t-ibang bansa at sa

Network ng pamamahagi ng mga aklat ng Amazon. Ang mga obra o likhang tula

ng makatang si Mai Văn Phấn ay isinalin rin sa may tatlumpong(30) Wika ng iba’t

ibang bansa sa buong mundo tulad ng:

English, French, Russian, Spanish, German, Swedish, Dutch, Albanian, Serbian,

Macedonian, Montenegrin, Slovak, Rumanian, Turkish, Uzbek, Kazakh, Arabic,

Chinese, Japanese, Korean, Indonesian, Thai, Nepalese, Hindi & Bengali (India).

Page 36: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

36

Talambuhay

Eden Soriano Trinidad

Makata, Tagapagsalin, Tagapagturo,

Siya ay isang pandaigdigang makata. Siya ay Punong-Tagapamahala ng Lucio Abrigo

Memorial Learning Center, sa San Agustin, Iba, Zambales, Pilipinas na kanyang

pinasimulan noong 1991. Siya ang kauna-unahang Tampok na Larawan sa Unang

Album ng mga Dayuhang Makata (Featured Cover ng “1st Album of Foreign Poets) na

nilimbag ng Impluwensiya ng Tulang Tsino (Influence of Chinese Poetry) sa bansang

Tsina. Pinagkalooban siya ng iba’t-ibang sertipiko ng pagkilala at parangal mula sa iba’t

ibang pandaigdigang samahan ng mga makata. Isa siya sa Punong Tagapamahala (Board of Director) ng Galaxy Poetic “Atunis” sa Belgium. Siya rin ang Pandaigdigang

Pangalawang Pangulo ng Jara Foundation Nepal sa bansang Nepal (International Vice

President). Iginawad sa kanya ang pagiging Direktora ng mga Emabahador ng

Pandaigdigang forum ng pagkamalikhain at ng Sangkatauhan (International Forum

for Creativity and Humanity, IFCH) na lisensiyado sa Bansang Morocco sa ilalim ng

Kagawaran ng Interyor. Kauna-unahang piniling Embahador ng Kabutihang-Loob

para sa Waheed Sentro ng Sangkatauhan at Sentro ng Pag-unlad (1st Holder of

Goodwill Ambassador for Waheed Center of Humanity and Humanitarian Development

Center (WCHHD) sa Ghana Africa, at Pandaigdigang Embahador ng Sangkatauhan

(International Ambassador for Humanity) sa bansang Morocco sa ilalim ng

Pandaigdigang forum ng pagkamalikhain at ng Sangkatauhan (International Forum

for Creativity and Humanity, IFCH ) at sya rin ay kaanib sa Samahan ng Makata sa

Tsina at Samahan ng Manunulat sa Tsina (China Poetry Network & China Writer

Network ).

Siya ang bukod tanging Pilipinong naging panauhing pandangal sa ginanap na Guntur

Ika- 12 taong Pandaigdigang Pagdiriwang ng Tula 2019 at Panulaan habang

Page 37: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

37

Naglalakbay (12th

Guntur International Poetry Festival 2019 at Poetry on Wheels) na

ginanap sa Guntur at Hyderabad India noong Setyembre 18-23, 2019 at naging espesyal

na panauhing pandangal at tagapagsalita sa “ Pandaigdigang Makataong Pagpupulong

2018” (International Humanitarian Conference 2018) na ginanap sa Unibersidad ng

Ghana Afrika noong ika 29 ng Setyembre 29.

Ang kanyang mga isinulat na mga tula ay isinalin at inilathala sa iba’t-ibang wika sa mga

pandaigdigang “website”, antolohiya at “mga tampok na babasahing magasin sa mga

wikang Telugu at Hindi sa India, Tsina, Vietnamita, Ruso, Polis, Nepali, wikang Arabo at

Espanyol.

Napili siya na maging tagapagsalin sa wikang Filipino ng sumusunod na mga aklat; ang

epic na aklat ng alamat ng isang matapang na bayaning katutubo sa India na may

pamagat na “Ang Dakilang kahon ng Vermillion” (The Casket of Vermillion) kwento ni

Sammaka at Sarakka sa panulat ng tanyag na Doktor sa puso at tanyag na manunulat sa

India na si Dr. Lanka Siva Rama Prasad, “Umaambon na Init ng Araw”( Sun Shower)

mga tulang Zen ni Krishna Prasai na kilalang makata at manunulat sa Nepal at

“Kapanahunan ng Basura” (Era of Junk- epic), na isinulat naman ng tanyag na

Vietnamitang manunulat at makata na si Mai Van Phan ng Vietnam at ang “Maiikling

Kwentong Pambata” (Collection of Short Stories) na isinulat ng mahusay at tanyag na

Propesor na si Dr. Milutin Djurickovic ng Serbia.

Isinalin at inilathala bilang aklat ng mga tanyag na mga makata at manunulat ang

kanyang mga aklat ng mga tula na may titulong Eden Blooms, Symphony of Souls, Mga

Koleksiyon ng mga Tula sa mga wikang Telugu- Dr. Lanka Siva Rama Prasad, sa

wikang Hindi- Dr. Navin Kumar Upadhyay, sa wikang Serbian- Dr. Milutin Djurickovic,

sa wikang Vietnamita Mai Van Phan at sa wikang Tsino ni Tian Yu isang napakabatang

Akademikong Panitikan sa Akademiyang Panitikan ng Beijing (Beijing Academy of

Literature).

Page 38: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

38

TALAHANAYAN NG NILALAMAN

Kabanata I: Pananaw

Kabanata II: Matingkad na Pagkapula

Kabanata III: Ang Entablado

Kabanata IV: Ang Mga Sangandaan

Kabanata V: Ang Mangangatay

Kabanata VI: Ang mga Pag-uusap

Kabanata VII: Ang mga Modelo

Kabanata VIII: Ang Panaginip

Kabanata IX: Pagpapatuloy

Page 39: Mai Văn Phấn - panitikan.ph · Ilog ng dugo at luha ay magkasabay na . 3 ginamit sa kandila. Nagsindi ng posporo ang guro, at mabilis na kinain ng apoy ang mga modelong yari sa

39

Sa pakikipag-ugnayan sa may katha Mai Văn Phấn:

http://maivanphan.com

[email protected]