Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

8
Liksyon 6 para sa ika - 11 ng Mayo, 2019

Transcript of Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

Page 1: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019

Page 2: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

Ang sekswal na ugnayan ay bawal na paksa samaraming kultura. Tinuturing ito sa kabuuan naparang kasalanan.

Gayunman, pinapaunawa ng Biblia na ginawa ng Dios ang babae at lalaki hindi lang para magparami, ngunit upang ikasiya ang malapit at kasiyasiyangugnayan, sa parehong pisikal at espiritwal.

Ang sekswal na ugnayan ay kaloob ng Dios. Paanonatin ito ma-enjoy sa tamang paraan? Ano ang mgahangganan sa ganitong uri ng ugnayan?

Page 3: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

May maling Griegong ideya na lumaganap sa Kristianismomula ng pasimula: na ang ating pisikal na bahagi ay likas namasama at ang ating espiritwal na bahagi ay likas namabuti.

Bunga nito, ang turing sa sekswalidad ay kasalanan.

Ganunpaman, sa Biblia, ang pisikal at espiritwal ay di-mapaghihiwalay (Genesis 2:7). Ang kabanalan ay hindi salungat sasekswalidad. Ang malusog na buhay sekswalay hindi hadlang sa isang may asawa namagtalaga sa Dios sa katawan at espiritu.

Sinalaysay na may kapayakan ng Awit niSolomon ang pisikal na relasyon. Paa, pusod, suso, halik, karinyu… Ginawa lahat iyon ng Dios para sa pisikal na kaligayahan ng mag-asawa (5:10-16; 7:1-9).

Page 4: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

“Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'yaking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem!”

(Awit ni Solomon 5:16)

Upang malubos ang kasiyahan sa kanilangrelasyon, ang nag-aasawaay nararapat na magingmagkaibigan muna. Matalikna magkaibigan.

Gumugugol sila ng panahong magkasama, bukas na nag-uusap, at kumakalinga sa isa’t-isa.

Ang mapagmahal na pagkakaibigang iyon ang tumutulong sa asawang magsama, ipakitaang kanilang parehong atraksyon na may kahustuhan at magiliw na mga kilos.

Ganunpaman, hindi natural saatin ang tunay na pag-ibig, ngunit ito’y kaloob mula saEspiritu Santo. Ang tapat at di-makasariling pag-ibig na ito ay matibay at tumatagal na bigkis.

Page 5: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

“Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan, at kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga.” (Awit ni Solomon 4:16)

Hinimok ng Dios sina Adan at Eba na maging“isang katawan” sa Hardin ng Eden. Sa talinhagang ito mula sa Awit ni Solomon, ang katawan ng mag-asawa ay nagiging hardin naikakalugod nila.

Ang ganitong uri ng pananalita ay nagpapakita na ang sekswal na ugnayan sapag-aasawa ay kaloob ng ating Manlalalang.

Ang pinakamadalas na pahayag upangtukuyin ang matalik na relasyon sa Biblia ay “kilalanin” (Gn. 4:1, 17, 25; 1S. 1:19; 1K. 1:4; Lk. 1:34).

Ang pandiwang iyon ay ginagamit din sapaglarawan sa relasyon ng tao at Dios (Juan 17:3).

Page 6: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

“Halamanang nababakuran ang kapatid ko, ang kasintahan ko; bukal na nababakuran, balon na natatakpan.” (Awit ni Solomon 4:12)

Sa Awit ni Solomon, ang ideal salalaki at babae ay manatiling birhen("binakurang hardin") hanggangsila’y ikasal.

Sa Awit ni Solomon 8:8-10, ang pamilya ng batang Sulamita ay nag-iisip kung siya ba ay pader (sirado) o pintuan (bukas).

Nanindigan siyang siya ay birhen pa (pader). Nagpayapa ito sa kanya, at nagpahintulotnamasiyahan ang kanyang mangingibig sa “gatas at pulot” (4:11), isang buo at parehong pagpapasakop.

Pakiramdam nila’y dumating sila sa lupang pangako[umaagos ng gatas at pulot] na magkasama.

Page 7: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

“Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon.” (Awit ni Solomon 8:6)

Ang pagsasama ng lalaki at babae ay sumasalamin saimahe ng Dios (Gen 1:26-27).

Ganunpaman, sinira ng kasalanan ang sekswal naugnayan. Kaya naglagay ng limitasyon ang Dios sapagtatalik. Tinukoy Niya kung ano ang tama at ano ang mali (Levitico 20:7-21; Roma 1:24-27).

Pangangalunya, pakikipagrelasyon sa kapamilya, pakikipagrelasyon sa kapwa babae o lalaki, pakikipagrelasyon sa hayop, at iba pang hindikatanggaptanggap ng mga gawain ay tinuturing nakasalanan sa Biblia.

Hinihimok tayong tanggapin na ang ating katawan at sekswalidad ay pag-aari ng Dios. Dapat gamitin natin itoayon sa plano ng Dios—at sa Kanyang tulong.

Page 8: Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019 - Fustero

“Ang makadios na pag-ibig mula kay Cristo ay hindi

sumisira sa pag-ibig ng tao, ngunit sinasangkot ito. Sa

pamamagitan nito ang pag-ibig ng tao ay dinadalisay,

nililinis, inaangat at pinapadakila. Hindi magbubunga

ang pag-ibig ng tao habang hindi ito kaisa ng makadios

na likas at naturuang lumago papunta sa langit. Nais ni

Jesus Makita ang masayang pag-aasawa.

Gaya ng ibang mga mabubuting kaloob ng Dios na

ipinagkatiwala sa tao, ang pag-aasawa ay sinira ng

kasalanan; ngunit layunin ng magandang balita na

ibalik ang kadalisayan at kagandahan nito...

Ang biyaya ni Cristo, at ito lang, ang makakagawa sa

samahang ito gaya ng dinisenyo ng Dios—isang ehente

ng pagpapala at pagtaas ng sangkataohan. Sa gayon ang

mga pamilya sa Lupa, sa kanilang pagkakaisa,

kapayapaan at pag-ibig, ay kumatawan sa pamilya ng

langit.”

E.G.W. (The Adventist Home, cp. 15, p. 99-100)