Liksyon 1 para sa ika-2 ng Oktubre, 2021

10
Liksyon 1 para sa ika - 2 ng Oktubre , 2021

Transcript of Liksyon 1 para sa ika-2 ng Oktubre, 2021

Liksyon 1 para sa ika-2 ng Oktubre, 2021

Ang Dakilang Tunggalian

Rebeldeng mga tao

Ang binhi ni Abraham

Ang tipanan sa Sinai

40 taon sa disyerto

Ang aklat ng Deuteronomio ay naglalaman ng mga pananalita ng pamamaalam ni Moises sa bayan ng Israel bago siya mamatay.

Upang maunawaan natin sila ng maayos, dapat natingbalikan ang mas malawak na konteksto: mula sa paghihimagsik ni Lucifer tungo sa apatnapong taon ng Israel sa disyerto.

Ang salitang “Deuteronomio,” ang pamagat ng aklat, ay nanggaling sa Griyegong salin (ang Septuagint) ng isang parirala na makikita sa Deuteronomio 17:18, “isang salin ng kautusang ito,” na ang ibig sabihinsa literal ay “pangalawa [hal., isang inulit] ng kautusang ito.” Ang pamagat ay nagpapahiwatig ng pag-ulit ng kautusan na natanggap nilasa Sinai, at isang pagrepaso ng mga turo ng Dios.

Ang Hebreo na pamagat ng aklat, Debarim, “mga salita” ay tumutukoysa mga hula ni Moises sa talatang 3. Inuulit nito ang mga huling salita ng aklat ng Mga Bilang, na mababasang“Ito ang mga utos at ang mga kahatulan” (Bil. 36:13). Itong “mga salita” ay ang kautusan ng Dios.

DEUTERONOMIONaglalaman ang aklat na ito ng apat na talumpati:

Isang makasaysayangpanimulangsalita

Dt. 1:1-4:43

Pagrepasong Kautusan

Dt. 4:44-28:6

Panawagangingatan ang tipan

Dt. 29-30

Panghuling panawagan upangbasahin at alalahanin ang Kautusan, ang Awit ni Moises, kanyang mga pagpapala, at pamamaalam bago siya mamatay

Dt. 31-34

Ang pangkalahatang istraktura ng aklat ay makikita sa unang tatlongtalumpati. Sumunod dito ang lumang mga tipanan sa pagitan ng mga nasasakupan at kanilang mga panginoon (mga Ehipcio at Heteo):

Paunang salita (Dt. 1:1-5)Pangkasaysayang panimula (Dt. 1:6-4:49)Mga takda: pangkalahatan (Dt. 5-11)Mga takda: partikular (Dt. 12-26)Mga pagpapala at mga sumpa (Dt. 27-28)Katapatan sa tipan at mga patotoo (Dt. 29-30)

“Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.” (Ezekiel 28:15)

Ang Dios ay pag-ibig. Lahat na nagmumula sa Kanya ay pag-ibig. Nais Niyang mahalin Siya ng Kanyang mga nilalang ng buong puso (Dt. 6:5).

Gayunpaman, tanging ang kusang-loob na pag-ibigang pag-ibig. Kaya, ginawa ng Dios ang malaya at makatwirang nilalang na makakaunawa at makapipili.

Dumating ang kalayaan kasama ng panganib. Ang malayaat perpektong nilalang ay maaaring magpasyang tumigilna mahalin ang Dios, pagdudahan ang paghahari ng Dios, at magrebelde laban sa kanyang Manlalalang.

Sa ganung paraan nagsimula ang paghihimagsik ni Lucifer. Siya ay sakdal at magandang anghel sa mataas na posisyon, ngunit nag-imbot sya ng mas mataas na posisyon (Ezekiel 28:11-19; Isaias 14:12-15).

“At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka'tpinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” (Genesis 6:12)

Ikatlong bahagi ng mga anghel ang sumuporta sa paghihimagsik ni Lucifer (Apoc. 12:4). Sa kasawiang-palad, nagpasya din sina Adan at Eba na maniwala sa kanya sa halip na magtiwala sa Dios (Gn. 3:4-6). Sa sandalling iyon, lumalim ang pagkakasangkot ng Mundo sa Dakilang Tunggalian.

Ang Lupa ay agarang nakalatan ng galit (Gn. 4:8). Halos lahat ng taoay tumigil sa pag-ibig at paggalang sa Dios, at lumago s pagkakasala. Tapos, nagpasyang wasakin ng Dios ang mga mapaghimagsik ng baha(Gn. 6:13).

Gayunpaman, nagsimula silang magsamba sa kanilang mga diosdiosan at magmalaki sa kanilang mga gawa pagkatapos ng Baha. Kailangang mamagitanmuli ang Dios. Sinira Niya ang Tore ng Babel, pinahirap ang kanilangkomonikasyon sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga wika, at pinangalat sila(Gen. 11:5-8).

“at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.” (Genesis 12:3)

Matapos ang pangangalat sa Babel, mga tumawag ang Dios ng lalaki—Abram, i.e. Abraham—upang siya at kanyang mga inapoay maingatan ang kaalaman tungkol sa Dios at ibahagi ang Plano ng Kaligtasan sa iba pa.

Ang pamilya ni Abraham ay hindi perpekto, sila ay naalipin sa Ehipto. Gayunpaman, nasa Dios parin ang control.

Ang binhi ni Abraham (ang bayan ng Israel) ay namuhay na malayo sa katotohanan sa gitnang kamangmangan at mga pagkakamali. Gayunpaman, pinalaya sila ng Dios sa Ehiptosa pamamagitan ng makapangyarihan Niyangkamay at ng Kanyang lingkod na si Moises. Ang kanilang misyon ay manahin ang LupangPangako at maging ilaw na magigingpagpapala sa iba pang mga bansa.

Ang pagkalaya mula sa Ehipto ay lubos na kamanghamangha. Ang dugo ng mga korderosa mga poste ng pintuan ang nagtakda ng pasimula ng kanilang kalayaan. At, nahati ang dagat. Dinala ng Dios ang Kanyang bayan sa Bundok ng Sinai, himala pagkatapos ng isanghimala. Gumawa Siya ng espesyal na tipanansa kanila doon.

Ang tipanan ay nagtakda ng pangakong susundin ang Sampung Utos at ang iba pang mga batas, ngunit iyon ay tipanan ng biyaya. Espesyal ang bayan ng Israel dahil pinili sila ng Dios, hindi dahil may natatangi silang katangiano may espesyal silang maibibigay (Dt. 7:7-8).

Mataimtim na nangako ang bayan ng Israel na susunod sa tipanan. Gumamit muli ang Dios ng dugo upang tatakan ang tipan sa pamamagitanng pagwisik nito sa kanila (Exodo 24:7-8).

Nang sila ay malapit nang pumasok sa Canaan, nawalan sila ng pananampalataya(Bil. 14:3-4). Sa kabila ng kamanghamanghang mga bagay na nakitanila ay tumanggi silang sumunod sa Dios.

“Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitongapat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.” (Deut. 2:7)

Bagaman may mabuting hangarin ang mga tao, hindi nila naingatan ang tipan. Nang unang napalayo si Moises, gumawa sila ng diosdiosan at sinamba ito (Ex. 32:1).

Pinanatili sila ng Dios sa disyerto ng 40 taonbilang parusa, hanggangisang bagong henersyonang handang magmanang Lupang Pangako.

Si Moises ang namumuno sa pagpapasigla sa bagonghenerasyon at upang panumbalikin ang tipanan sa kanila. Tungkol dito ang aklat ng Deuteronomio.

E. G. W. (Prophets and Kings, cp. 46, p. 570)