LIHAM

6
LIHAM NG PAG-AAPLAY NG TRABAHO Prk.5 Bayug Island Iligan City Ika-17 ng Enero, 2010 Gng. Lorena D. Sanchez Iligan City Kagalang-galang na Gng. Sanchez: Isang magandang araw po ang ipinaaabot ko sa inyo. Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang Marso sa Iligan City East High School . Wala na pong pangtustus ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pong trabahong permanente ang aking ama kaya po kami kinakapos sa buhay. Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sa inyong tanggapan. Gusto ko po sanang makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking makakaya. Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay ninyo sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob. Sumasainyo, Hazel Jade E. Kundiman 1

description

ghjuiuik

Transcript of LIHAM

Page 1: LIHAM

LIHAM NG PAG-AAPLAY NG TRABAHO

Prk.5 Bayug Island Iligan City Ika-17 ng Enero, 2010 Gng. Lorena D. Sanchez Iligan City

Kagalang-galang na Gng. Sanchez:

Isang magandang araw po ang ipinaaabot ko sa inyo. Ako po ay nagtapos ng high school noong nakaraang Marso sa Iligan City East High School . Wala na pong pangtustus ang aking mga magulang para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pong trabahong permanente ang aking ama kaya po kami kinakapos sa buhay. Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sa inyong tanggapan.

Gusto ko po sanang makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking makakaya. Maraming salamat po sa anumang tulong na maibibigay ninyo sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loob.

Sumasainyo,

Hazel Jade E. Kundiman

1

Page 2: LIHAM

LIHAM NA NAGTATANONG

#000 Bauan, BatangasSetyembre 10, 2010

G. Nestor P. GajeteUnibersidad ng Pilipinas-Los BanosLos Banos, Laguna

Atensiyon: Dekano, Kolehiyo ng Agham Pampolitika

Mahal na G. Gajete:

Nabalitaan ko po na ang inyong paaralan ay subok na sa pagtuturo sa kursong Agham Pampolitika. Tama naman pong magtatapos ako ng hayskul sa darating na Marso at naghahanap po ako ng paaralan na mayroon ng kursong nabanggit.

Kaugnay po nito, nais ko pong malaman kung kailan at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagong magpapatalang mag-aaral. Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa application form.

Ipinaaabot ko po ang taus-puso kong pasasalamat.

Lubos na gumagalang,

MARIC ALDRIN P. SILANG

2

Page 3: LIHAM

LIHAM KAHILINGAN

97-T F.C. Tuazon Street,Tabacalera Pateros, Metro ManilaPebrero 03,2012

Mahal naming Presidente, 

Magandang araw! Marami ka ng nagawa para sa aming barangay, ngunit ngayon nais ulit naming humiling. Nais po sana naming maging maayos na ang aming barangay dahil nagkakasakit kami dahil sa polusyong dala ng masamang hangin. Ayaw na po naming mabawasan pa ang tao sa aming barangay dahil sa pagkamatay na dala ng polusyon.

Sana po ay maintindihan mo ang kalagayan ng aming barabgay.

Nagmamahal,

Residente ng Brgy. Tabacalera

3

Page 4: LIHAM

LIHAM NA NAG-AANYAYA SA PANAUHING PANDANGAL

Akademya ng San FranciscoMabini, BatangasSetyembre 10, 2010

Gobernador Vilma Santos-RectoPunong LalawiganOpisina ng Gobernador, Batangas

Mahal na Gobernador:

Taun-taon po kaming nagdadaos ng Commencement Exercise. Bilang estudyante sa ikaapat na taon, inaanyayahan po namin kayo sampu ng aking mga kasabay na magsisipagtapos upang maging panauhing tagapagsalita.

Inagahan po namin ang pagpapadala ng liham kaya wala pong eksaktong petsa kung kailan ito gaganapin. Natitiyak po naming magiging ehemplo kayo at inspirasyon sa aming mga magsisipagtapos. Magpapadala po kami ng isa pang liham kung sakaling paunlakan ninyo ang aming imbitasyon na naglalaman ng eksaktong petsa kung kailan ito gaganapin.

Inaasahan po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon. Pauna po ang aming taus-pusong pasasalamat.

Magalang na sumasainyo,

MARIC ALDRIN P. SILANG

4

Page 5: LIHAM

LIHAM NA HUMIHINGI NG PAHINTULOT

1025 Balic-BalicSampaloc, MaynilaOktubre 10, 2013

Ang TagapamahalaLiwayway Publishing, Inc.2249 Pasong TamoLungsod ng Makati

Mahal na Ginoo:

Kalakip po nito ang halagang dalawang daan at walongpu't walong piso (P288.00) hiro postal bilang kabayaran sa amin na buwang suskrisyon ng magasing Liwayway. Sana po ay pahintulutan niyo an gaming hiling na subskripsyon.

Lubos na sumasainyo,

Susan de los Reyes

5