Komiks-Banghay Aralin Sa Filipino 8

3
BUKIDNON STATE UNIVERSITY SALAY EXTERNAL STUDIES CENTER Banghay Aralin sa Filipino 8 Komiks Strip I. LAYUNIN: A .Nakakatalakay sa klase kung ano ang Komiks Strip at ang pinagmulan nito.. B. Nakakagagawa ng sariling komiks ayon sa ibinigay na ideya o paksa. K. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa binuong mga larawan sa tunay na buhay II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Komiks Strip Sanggunian: Modyul sa Filipino G-8, (pahina 201-205) Kagamitan: Pandikit,Kartolina at Pentel Pen III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain a. Pagganyak Panuto:Pangkatin sa dalawa ang klase.Bawat Pangkat ay mgkakaroon ng bubuohing mga larawan ayon sa daloy ng kwento nito .Siguraduhin na sunod-sunod ang kwento at Pagdikitin ito.Dapat maayos at Ilahad ito sa klase.10 puntos ang mananalo at 5 puntos sa hindi pinalad na pangkat. B. Paglalahad A.Maglagay ng Pangkatang Iskor sa pisara para maging gabay at himukin ang mag-aaral na magkaroon ng interaksyon.Batay sa ginawa ninyo pagbubuo sa larawan ano ang napansin ninyo? 1.Ano ang inyong naintindihan sa mga larawang Binuo? 2.Ano ba ang mga ito ? Sagot: Komiks 3. Saan ninyo madalas makita ang mga ito? Magandang hapon mga mag-aaral sa hapon na ito ay ating babalikan ang isang masining na pamana na ating bayan.Pero bago tayo magpatuloy Babalikan na muli natin kung Paano, Saan at kailan nag umpisa ang paggawa ng komiks strip. Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat lamang na may titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino. C. Pagtatalakay at Pagpapalawak ng Kaisipan Ang Komiks Strip- Isa itong makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura

description

Komiks

Transcript of Komiks-Banghay Aralin Sa Filipino 8

Page 1: Komiks-Banghay Aralin Sa Filipino 8

BUKIDNON STATE UNIVERSITYSALAY EXTERNAL STUDIES CENTER

Banghay Aralin sa Filipino 8Komiks Strip

I. LAYUNIN:A .Nakakatalakay sa klase kung ano ang Komiks Strip at ang pinagmulan nito..B. Nakakagagawa ng sariling komiks ayon sa ibinigay na ideya o paksa.K. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa binuong mga larawan sa tunay na buhay

II. PAKSANG ARALIN:Paksa: Komiks StripSanggunian: Modyul sa Filipino G-8, (pahina 201-205)Kagamitan: Pandikit,Kartolina at Pentel Pen

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain a. Pagganyak

Panuto:Pangkatin sa dalawa ang klase.Bawat Pangkat ay mgkakaroon ng bubuohing mga larawan ayon sa daloy ng kwento nito .Siguraduhin na sunod-sunod ang kwento at Pagdikitin ito.Dapat maayos at Ilahad ito sa klase.10 puntos ang mananalo at 5 puntos sa hindi pinalad na pangkat.

B. Paglalahad

A.Maglagay ng Pangkatang Iskor sa pisara para maging gabay at himukin ang mag-aaral na magkaroon ng interaksyon.Batay sa ginawa ninyo pagbubuo sa larawan ano ang napansin ninyo?1.Ano ang inyong naintindihan sa mga larawang Binuo?2.Ano ba ang mga ito ? Sagot: Komiks3. Saan ninyo madalas makita ang mga ito?

Magandang hapon mga mag-aaral sa hapon na ito ay ating babalikan ang isang masining na pamana na ating bayan.Pero bago tayo magpatuloy Babalikan na muli natin kung Paano, Saan at kailan nag umpisa ang paggawa ng komiks strip.

Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat lamang na may titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino.

C. Pagtatalakay at Pagpapalawak ng KaisipanAng Komiks Strip- Isa itong makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw

sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

Sinasabing si Jose Rizal ang kaun-unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang

komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya. Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito nagtataglay ng mga serye ng komiks, pero pagdating ng 1929, "Album ng Mga Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na si Kenkoy ang bida sa seryeng ito,

Mga naging tanyag na Komiks noon ay ang sumusunod :Halakhak Komiks (1946)Pilipino Komiks (1949)Tagalog Komiks (1949) Silangan Komiks

(1950).

Page 2: Komiks-Banghay Aralin Sa Filipino 8

E.Malikhang Pangkatang GawainPanuto: Lagyan ng Pag-uusap ang bawat larawan na naaayon sa daloy ng kwento. Pumili ng membro mga magrerepresenta at basahin ang pag -uusap.10 puntos ang mananalo at 5 puntos sa hindi pinalad na pangkat.

D. Pagpapahalaga

Mahalagang Dapat Tandaan!Ang Komiks strip ay isang pamana ng ating mga ninuno upang tayo ay maaliw at maglibang. Isa rin ito Sining upang ipakita ang ating pagiging malikhain at

pagkakaroon ng malawak na imaginasyon.

IV. PAGTATAYA:Panuto: Sa kalahating Papel. Gumawa kayo ng Komiks Strip na may 4- 5 larawan at lagyan

ng pag-uusap. Ang Paksa o Pamagat ay: Ang Pakikipagsapalaran ni ( inyong pangalan). Isagawa ito ng Malinis,Maganda , Maayos at Kaaliw-Kaaliw.

V. TAKDANG ARALIN:Panuto: Kumuha at kumulekta ng mga komiks strip galing sa mga magasin

o newspaper at gawing collage ito. Idikit ito sa malinis na bond paper.Ipasa ito bukas.

Inihanda ni:

G. Erwin Mark G. Poblete Guro