Aralin 4 Banghay, Pangungusap

29
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag- aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod: A. Nailalahad ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa isang pabula. B. Nabibigyang diin ang kahalagahan ng pagkakasunod-sunod ng magkakaugnay na pangyayari sa akda. C. Nalalagom ang banghay ng akda batay sa mga elemento nito. II. PAKSANG ARALIN Mga Elemento ng Pabula: BANGHAY “Ang Matalinong si Pilandok” Sanggunian: Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co. 2010., Lipa City, Batangas. Kagamitan: Visual aids Mga larawan III. PAMAMARAAN

description

Banghay-aralin

Transcript of Aralin 4 Banghay, Pangungusap

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod:

A. Nailalahad ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa isang pabula.B. Nabibigyang diin ang kahalagahan ng pagkakasunod-sunod ng magkakaugnay na

pangyayari sa akda.C. Nalalagom ang banghay ng akda batay sa mga elemento nito.

II. PAKSANG ARALIN

Mga Elemento ng Pabula: BANGHAY“Ang Matalinong si Pilandok”

Sanggunian:Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.

2010., Lipa City, Batangas.

Kagamitan:Visual aidsMga larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaralA. Introduksiyon

1. Pagbabalik- aral: Pagtatanong: >>Bago natin simulan ang kasunod na aralin, magbalik-aral muna tayo. Ano ang ating pinag-aralan sa huli nating pagkikita? >>Kung gayon, ano ang Pang-uri?>>Tama! Ito rin ay may iba’t-ibang uri, anu-ano ang uri nito?

Mga Inaasahang Sagot:

>>Tinalakay po natin ang tungkol sa Pang-uri.>>Ang Pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa katangian o bilang ng pangngalan o panghalip.>>Ito po ay may tatlong uri, una ay ang

>>Magaling! Ngayon ay masasabi kong lubos na ang inyong pagkaunawa sa Pang-uri at mga Uri nito. >>Bago tayo dumako sa ating aralin, meron akong ipakikitang mga larawan, at gagamitin natin ang inyong mga natutunan sa iba pang elemento ng pabula sa gawain ngayon.. Ano na nga mga elemento na iyon?

2. Pagganyak: Susubukan ng mga mag-aaral na ilahad ang pangyayari batay sa larawang ipinakita ng guro upang mabuo ang isang pabula. Pagsusunud-sunurin ang mga pangyayari upang maunawaang mabuti ang daloy nito.Pagtatanong: >>Nabasa niyo na ba ang pabula na “Ang Matalinong si Pilandok?”Ang mga larawang nakikita nito ay mga pangyayari sa pabula. Maaari niyo bang ilahad ang pangyayari sa larawan? Sinu-sino kaya ang tauhan natin sa pabula? Ano ang tagpuan sa pabula? Ilalahad ng mga mag-aaral ang pangyayari batay sa larawan. Itatama ito ng guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong paglalarawan/ deskripsyon sa larawan.

B. Interaksiyon1. Talakayan hinggil sa Paksa

>>Naunawaan niyo bang mabuti ang daloy ng mga pangyayari sa pabula?>>Bakit? Ano ang dahilan kaya’t hindi maunawaang mabuti ang pabula?>>Tama! Kung gayon, bakit mahalaga na magkakasunod ang mga pangyayari sa isang akdang babasahin.

>>Tumpak ang iyong kasagutan! Kung walang pagkakasunud-sunod ang pangyayari sa pabula, mawawalan na ng interes ang mambabasa na basahin pa ito

Paglalarawan, kung saan inilalahad ang mga katangian ng isang pangngalan o panghalip. Pangalawa po ay ang Pamilang na nagsasaad ng bilang ng Pang-uri; maaaring ito ay sa uring Patakaran, Panunuran, Pamahagi,Palansak, o Pahalaga. >> Ito ay ang Tauhan at Tagpuan.

>> Si Pilandok, Tigre, Buwaya at Suso ang mga tauhan sa pabula; samantala, ang tagpuan ay ang batis/ ilog.

>> Hindi po.>> Magulo po ang pabula dahil napansin po naming na hindi magkakasunod ang mga pangyayari.>>Ito ay upang maging malinaw sa mga mambabasa ang mga pangyayari sa kwento. Higit na maiintindihan ito kung may pagkakasunud-sunod, sapagka’t kung magulo ito, maiinip at hindi na ipagpapatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.>> Ang pagkakasunud-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa akda ay tinatawag na Banghay.

dahil hindi na niya mauunawaan ang mga ideya na nais iparating ng akda. Samakatuwid, nararapat lamang na magkakasunod at magkakaugnay ang mga pangyayari sa akda. Ano ngayon ang tawag dito?>>Magaling! Ngayon, tatalakayin natin ang tungkol sa Banghay.

2. Interaksiyon ng guro sa mag-aaral; mag-aaral sa kapwa mag-aaral

Magbibigay ang guro ng pinal na input tungkol sa Banghay at mga elemento nito.>>Ang banghay ay meron ding mga elemento. Sino ang nakakaalam ng mga element ng Banghay? Ibigay nga ang mga ito.

Ilalahad ng mga mag-aaral ang banghay ng pabula batay sa mga elemento nito. >>Ang Banghay ay may Panimulang Pangyayari, Pataas na Aksyon, Kasukdulan, Pababang Aksyon o Kalakasan, at Wakas o Katapusan. Kung gayon, alamin natin ang banghay ng ating binasang pabula batay sa mga elemento nito.

>> Ang mga elemento ng Banghay ay ang Panimulang Pangyayari, Pataas na Aksyon, Kasukdulan, Pababang Aksyon o Kalakasan, at ang Wakas o Katapusan.

Panimulang Pangyayari: Umiinom sa batis si Pilandok nang dumating ang gutom na guton na tigre at gusto siyang gawing hapunan.

Pataas na Aksiyon: Nagkasundo sila na humanap ng tao na magiging hapunan ng tigre. Sa kanilang paghahanap, nakakita sila ng batang lalaki, matanda, at matabang mangangaso. Tunggalian: Tunggalian sa pagitan ni Pilandok at ng Tigre, Buwaya, at Suso.

Kasukdulan: Sa pagsunod kay Pilandok, nabaril at napatay ang tigre.

Pababang Aksiyon: Dahil mapamaraan, at matalino, ilang beses na nailigtas ni Pilandok ang sarili sa kapahamakan.

Wakas: Hindi lamang si Pilandok ang matalino dahil naisahan siya ni Suso na bagamat maliit ay isa ring mapamaraang nilalang tulad niya.

>>Mahusay ang inyong pag-unawa, dahil dyan, bigyan ang inyong sarili ng tatlong palakpak at bigkasin ang “ang galing galing!”

C. Integrasyon1. Pagpapahalaga

>>Ngayon ay nauunawan na ninyo ang banghay at nailalahad na rin ito sa pabula batay sa mga elemento. Tulad ng nabanggit natin kanina mahalaga na magkakasunod-sunod ang pangyayari o ang Banghay sa pabula o anumang kwento upang maging malinaw at lubos na maunawaan ito ng mga mambabasa.

2. Pag-uugnay>>Bukod dito, bakit mahalaga din ito sa buhay ng tao? Alam natin na ang buhay ng tao ay parang isang kwento, may istorya ika nga. Paano mo maiuugnay sa pang-araw-araw na buhay ang paglalahad ng wastong banghay?Magbigay ng konkretong halimbawa.

3. Paglalahat>>Bagamat ang Banghay ng pabula ay payak lamang, meron itong simula, gitna, at wakas. Ang mga elemento nito ang nagbibigay daan upang lalong mapukaw ang interes ng mga mambabasa na basahin ang isang pabula o anumang akda. Kinakailangang maging malinaw ito upang maging kawili-wili at mabisa ang pagpapahayag ng kaisipang nais ikintal sa isipan ng mambabasa. May pagkakaugnay-ugnay rin ang mga pangyayari upang higit na maunawaan ang daloy ng mga kaganapan at ang diwang nakapaloob dito.

4. EbalwasyonMaikling pagsusulit: Ibigay ang hinihinging salita sa mga katanungan.

1. Ito ay tawag sa suliraning lulunasan o lulutasin ng tauhan.

(Pagbibigay ng piling mga mag-aaral ng konkretong halimbawa ukol sa kahalagahan ng Banghay).

(Sagot: Tunggalian)2. Dito tumitindi o tumataas ang

galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa kasukdulan. (Sagot: Pataas na Aksyon)

3. Sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng madamdamin o maaksiyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan.(Sagot: Kasukdulan)

4. Tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa akda. (Sagot: Banghay)

5. Ito ang tawag sa unang kalagayan ng tauhan na nakapupukaw ng interes. Ipinakikilala dito ang tauhan at tagpuan sa pabula. (Sagot: Panimulang Pangyayari)

6. Dito inilalahad ang kinahinatnan ng mga tauhan at pangyayari sa akda. (Sagot: Wakas)

7. Isinasaad sa bahaging ito ang unti-unting pag bibigay linaw sa mga panyayari sa akda, at naghuhudyat ng nalalapit na katapusan. (Sagot: Pababang Aksyon o Kalakasan)

8. Tawag sa isa pang bahagi ng Pataas na Aksyon bukod sa tunggalian. (Sagot: Saglit na Kasiglahan)

9-10. Ibigay ang dalawang mahalagang sangkap ng banghay ayon sa pagpapakahulugan nito. (Sagot: magkakasunod at magkakaugnay na pangyayari)

IV. TAKDANG- ARALIN

Pagbasa sa susunod na pabulang tatalakayin, “Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti.”

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod:

A. Natutukoy ang kahulugan ng mga ginamit na talasalitaan.B. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng positibong pananaw at pagganap sa

tungkulin tungo sa isang matiwasay na buhay.C. Nailalahad ang mga pangyayari sa binasang pabula batay sa pagkakabalangkas ng

banghay nito.

II. PAKSANG ARALIN

Mga Elemento ng Pabula: BANGHAY“Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti.”

Sanggunian:Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.,

2010., Lipa City, Batangas.

Kagamitan:Visual aidsMga larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaralA. Introduksiyon

1. Pagbabalik- aralPagtatanong: >>Bago natin simulan ang kasunod na aralin, magbalik-aral muna tayo. Ano ang ating pinag-aralan sa huli nating pagkikita?>>Mula sa ating pinag-aralan, ano ang

Mga Inaasahang Sagot

>>Huling tinalakay po natin ang tungkol sa Banghay at mga Elemento nito. >>Ang banghay po ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na

banghay at mga elemento nito? Pakilahad.

>>Ibigay ang pagkakaiba-iba o sakop ng mga elemento nito.

>>Dumako tayo ngayon sa ating susunod na aralin.

2. Pagganyak>>Nakakita naba kayo ng putakti? Bakit kaya maliit ang beywang ng Putakti? Ating alamin sa pagbasa ng pabulang “Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti.”

>>Ang pabulang ito ay pabula ng Maranao, ito ay ang mga mamamayan ng Lanao. Ang ibig sabihin ng “ranao” ay lawa kaya’t tinawag silang mga Maranao ay dahil nakatira sila sa gilid ng lawa. Karamihan sa mga Maranao ay mga Muslim at may relihiyong Islam. Isa sa mga kaugalian nila ay ang pagpapahintulot sa lalaking Muslim na mag-asawa ng higit sa isa Subalit magagawa lamang ito kung makakaya niyang bigyan ng pantay na karapatan, suporta, panahon, at ari-arian

pangyayari sa akda. Ito ay may panimulang pangyayari, pataas na aksyon, kasukdulan, pababang aksyon okalakasan, at wakas. >>Panimulang Pangyayari: Ito ang tawag sa unang kalagayan ng tauhan na nakapupukaw ng interes. Ipinakikilala dito ang tauhan at tagpuan sa pabula.Pataas na Aksyon: Dito tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa kasukdulan. Kasukdulan: Sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng madamdamin o maaksiyong pangyayari sa buhay ng mga tauhanKalakasan: Isinasaad sa bahaging ito ang unti-unting pag bibigay linaw sa mga panyayari sa akda, at naghuhudyat ng nalalapit na katapusan. Wakas:Dito inilalahad ang kinahinatnan ng mga tauhan at pangyayari sa akda.

ang kanyang mga asawa.

>>Ano kaya ang kaugnayan ng kulturang ito sa pabulang ating babasahin? Si Lalapindigowa-i kaya ay isang Muslim? Ating alamin. Interaktibong Pagsasalaysay: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong pangkat upang bigyang buhay ang mga tauhan.Unang Pangkat: Lalapindigowa-I (Putakti)Ikalawang Pangkat: Odang (Hipon)Ikatlong Pangkat: Orak (Itlog)

3. Talasalitaan magdadamba magpasya nagsawa nagsumikap nagwika

B. Interaksiyon1. Talakayan hinggil sa paksa

>>Bilang gawain sa aralin, sagutin ang sumusunod na mga tanong hinggil sa pabulang binasa.

1. Anong katagian ng tao ang taglay ni Lalapindigowa-I na dapat pamarisa? Ang hindi dapat pamarisan? Bakit?

2. Anong uri ng asawa sina Odang at Orak? May mga babae bang asawa na may katulad nilang katauhan? Patunayan.

3. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat lamang ang tamang titik ng mga detalye sa dayagram.

__ Kasukdulan

__Pataas na Aksyon __Pababang Aksyon

__Panimulang __ Wakas ng Pangyayari Pabula

magtatalon nagdesisyon nawalan ng gana/ interes nagpursigi, nagtiyaga sinabi

>>Si Lalapindigowa-i ay isang masipag at matapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawang asawa.>>Si Odang at Orak ay walang pagtitiyaga sa tungkulin at mareklamo. May ilang mga babaeng asawa ang katulad nila, ito ay yung mga tamad at walang ginawa kundi magpakasaya sa mga masasamang libangan katulad ng pagsusugal at iba pa. Napapabayaan nila ang kanilang asawa at pamilya.

>>1. Si Lalapindigowa-I (isang putakti) ay masipag na nagtatrabaho sa bukirin upang mapakain ang kanyang dalawang asawa.>>2. Nagsawa ang dalawang asawa ni Lalapindigowa-i na sina Odang (hipon) at Orak (itlog) sa pagdadala ng pagkain

2. Interaksiyon ng guro sa mag-aaral; mag-aaral sa kapwa mag-aaral

>>Pagtalakay sa mga kasagutan.

C. Integrasyon1. Pagpapahalaga:

>> Bigyang pagpapatotoo ang pahayag na “Ang positibong pag-iisip at pagganap sa tungkulin ang daan tungo sa isang matiwasay na buhay.”

2. Pag-uugnay>> Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga halimbawang karanasan o sitwasyon, paano mo tinitingnan ang buhay? Paano nakatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng positibong pananaw dito?

3. Paglalahat>>Ang buhay ay isang napakagandang regalo mula sa Poong May Likha.

sa kanya. Pagalit na tumangging magdala ng pagkain si Odang.>>3. Nagdadamba si Odang hanggang mahulog ito sa kaserola at nagging pula ang balat. Ipinaghele naman siya ni Orak ngunit hindi sinasadyang tumama naman ito sa bunganga ng kaserola kaya’t ang itlog ay naluto rin. >>4. Nainip na si Lalapindigowa-i sa paghihintay sa dalawang asawang magdadala ng pagkain. Umuwi siya sa kanilang bahay at nakita niya ang basag nang kaserola. >>5. Hinigpitan ni Lalapindigowa-I ang kaniyang sinturon kaya’t lumiit nang lumiit ang kaniyang bewang.

A Kasukdulan

E Pataas na Aksiyon B Pababang Aksiyon

D Panimulang C Wakas ngPangyayari Pabula

>> Sa lahat ng bagay, nararapat lamang na positibo ang ating pananaw, pagka’t lahat ng bagay kahit ang pinakamahirap pa sa mga ito ay magagawa kung pagsusumikapan. Ang pagganap sa isang tungkulin ay dapat na bukal sa loob upang maging maganda ang kalalabasan o resulta nito.

(Paglalahad ng mga piling mag-aaral ng kanilang karanasan.)

Bagama’t nakararanas tayo ng mga suliranin, ito ay nagsisilbing mga hamon na nagpapatibay lamang ng ating loob. Kaya naman dapat maging positibo ang pananaw natin sa mundo , at maging sa pagganap ng ating mga tungkulin upang maging matiwasay ang ating buhay. Isang magandang halimbawa ay ang Paglikha. Ang tao ay nilikha ng Diyos upang maging katuwang Niya sa pangangalaga ng Kaniyang mga likha. Tungkulin natin na ingatan, mahalin at lalo pa itong pagyamanin sapagka’t ito ay para rin sa ating mga pangangailangan, at ikauunlad n gating buhay. Kung mayroon lamang tayong positibong pag-iisip at pagganap sa ating tungkulin hindi tayo makararanas ng kasiraan n gating inang kalikasan. >>Sana’y magsilbing aral, at maging totoo sa inyong buhay ang kasabihang, “Ang positibong pag-iisip at pagganap sa tungkulin ang daan tungo sa isang matiwasay na buhay.”

4. EbalwasyonPaglalahad ng mga mag-aaral ng banghay ng binasang pabula batay sa mga elemento nito.

IV. TAKDANG-ARALINPaunang pag-aaral o pananaliksik sa Pangungusap at mga Bahagi nito.

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod:

A. Natutukoy ang mga bahagi ng pangungusap: simuno at panaguri.B. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng mahusay na pagkakabuo ng pangungusap sa pagbuo/ pagsasalaysay ng mga pangyayari o pagkukuwento.C. Nakabubuo ng wasto at mabisang pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN

MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP

Sanggunian:Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.

2010., Lipa City, Batangas.

Dominguez, Leticia F., Ph. D., Lolita R. Nakpil. Gintong Pamana Pansekundarya, Wika at Panitikan., SD Publications, Inc. 2000.

Kagamitan:Visual aids

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaralA. Introduksiyon

1. Pagbabalik- aralPagtatanong: >>Bago natin simulan ang kasunod na aralin, magbalik-aral muna tayo. Ano ang ating pinag-aralan sa huli nating pagkikita?

Mga Inaasahang Sagot

>> Binasa po natin ang pabulang “Lalapindigowa-i: Kung bakit maliit ang beywang ng Putakti” at inilahad ang pagkakasunoud-sunod ng mga pangyayari ayon sa pagkakabalangkas ng banghay nito.>>Tinalakay din po natin na ang positibong pag-iisip at pagganap sa

>>Magaling! Tama ang lahat ng inyong tinuran at natutuwa ako dahil batid kong naunawaan niyo an gating aralin noong huling pagtatagpo.

2. PagganyakPagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mabisang pangungusap. Dugtungang pagbubuo. >>Pagbibigay ng letra, halimbawa: m, magbibigay ang mga mag-aaral ng salita na nagsisimula sa ‘p’ (puso); mula sa salitang iyon at iba pang mga salita ay bubuo sila ng pangungusap.

>>Pagbibigay ng guro ng ilan pang salita na nagsasaad ng buong diwa: Takbo. Tigil. Lakad. Mula dito ay bubuo ng pangungusap ang mga mag-aaral.

B. Interaksiyon1. Talakayan hinggil sa paksa

>> Mula sa ating panimulang gawain-- ang pagsasama-sama ng mga salita, nakabuo tayo ng isang buong diwa na tinatawag nating…?>> Tumpak! Nakabuo tayo ng mga pangungusap. Bigyang pagpapakahulugan natin ngayon ang pangungusap… Ang pangungusap ay … >>Tama! Ang pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa. Kung gayon, ang mga salitang “tigil, takbo, lakad” na ginamit natin kanina, ay matatawag din ba nating pangungusap? >>Mahusay ang iyong pagsusuri!>>Ang pangungusap ay hinndi mabubuo kung wala ang dalawa nitong bahagi, ano kaya ang mga ito?>>Tama! Ano kaya ang pagkakaiba ng simunoat panaguri? Sino ang makapagsasabi?

tungkulin ay daan tungo sa matiwasay na buhay.

Pangungusap!

>> Ang pangungusap ay isang salita o lupon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa.

>> Opo dahil ayon sa kahulugan ng pangungusap ito ay maaaring isang salita lamang, at kahit isang salita lamang ito ay nakapagpapahayag ito ng isang buong diwa.

>>Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno o paksa at ang panaguri.

>> Ang simuno po ay ang paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Samantala, ang panaguri naman ay ang bahaging nagbibigay kaalaman o tumutukoy sa paksa.

>>Tama ang iyong tinuran! Ang simuno ay ang diwa ng pangungusap at ang panaguri ang nagbibigay kaalaman dito.

2. Interaksiyon ng guro sa mag-aaaral

Paglalahad ng kabuuang input tungkol sa mga bahagi ng pangungusap.

>>Maaari bang magbigay ng halimbawang pangungusap?>>Batay sa inyong ibinigay na mga pangungusap, ano ang inyong napapansin sa pagkakabuo nito, partikular sa simuno?

>>Pangkaraniwang ginagamit na paksa o simuno ang pangngalan at panghalip, ngunit maaari ding gamitin ang pang-uri at pandiwa bilang paksa. >>Ang mga ito ay tinatawag nating Payak na Simuno.

Pagbibigay ng mga halimbawa.

>>Maaari bang kayo naman ang magbigay ng halimbawa. Magbigay nga ng halimbawang pangungusap na ang simuno ay pangngalan, panghalip, pang-uri, at pandiwa.>>Pansinin naman natin ang pangungusap na ito:Ang Filipino at Ingles ay ginagamit na mga wika sa Pilipinas.>>Ano ang mapapansin niyo sa simuno?

>>Tama, ang tawag naman natin sa simuno na tulad nito ay Buong Simuno. Ito ay may kasamang iba pang salitang panuring. >>Dumako naman tayo sa isa pang bahagi ng pangungusap, ano na nga iyon?

>>Tama! Tulad ng simuno, ang panaguri

Pagbubuo at paglalahad ng mga mag-aaral ng sariling pangungusap.>>Gumagamit po tayo ng pangngalan o panghalip bilang paksa o simuno sa pangungusap.

Pagbubuo at paglalahad ng mga mag-aaral ng pangungusap na may simuno na pangngalan, panghalip, pang-uri, at pandiwa.

>> Ito po ay may dalawang simuno: Filipino at Ingles. Mayroong mga kasamang m,ga salita tulad ng ‘ang’ at ‘at’

>>Ang isa pang bahagi ay ang Panaguri, ito ay nagbvibigay ng kaalaman sa simuno.

ay maaaring payak o di kaya’y buo. Narito ang ilang halimbawa.>>Ngayon, kayo naman ang magbigay ng halimbawang pangungusap.

C. Integrasyon1. Pagpapahalaga

>> Paano natin magagamit sa ating pang-araw-araw na gawain ang kaalaman tungkol sa mahusay na pagkakabuo ng pangungusap?

2. Pag-uugnay>> Araling Panlipunan: Ano ang kahalagahan ng mahusay na pagkakabuo ng pangungusap sa pagbuo/ pagsasalaysay ng mga pangyayari o pagkukuwento?

3. Paglalahat>>Bilang paglalahat, ano ang naidagdag na kaalaman sa atin ng ating aralin?

4. Ebalwasyon

Gawaing Panggramatika

A. Panuto. Salungguhitan ang buong simuno at makalawa naman ang buong panaguri.

1. Ang panitikan ay salamin ng kultura ng bansa.

2. Ang pabula at epiko ay mga uri ng panitikang Pilipino.

3. Mayaman at malawak ang nakapaloob sa panitikang Pilipino.

4. Ang dalawang asawa ni Lalapindigowa-I ay nagkasundo na dalhan siya ng pagkain.

5. Ang panitikan ay ipinasa nang ipinasa ng mga unang henerasyon.

B. Ikahon ang payak na simuno at bilugan ang payak na panaguri.

1. Inilarawan ni Pilandok ang tao

Pagbubuo at pagbibigay ng mga halimbawang pangungusap.

>>Magagamit po natin ito sa mahusay na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan maayos nating maipapahayag ang mga ideya.

>>Kung iuugnay natin sa Araling Panlipunan, ang mahusay na pagkakabuo ng pangungusap ay makatutulong upang maging malinaw ang pagsasalaysay ng kasaysayan.

Paglalahat mula sa mga mag-aaral.

bilang maganda at pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo.

2. Hinamon ni Pilandok ang suso sa isang karera.

3. Iwinasiwas pa ni Pilandok ang isa niyang paa sa mukha ng buwaya upang mapaniwala ito.

4. Nag-isip ng paraan ang usa upang makawala sa buwaya.

5. Sa pagsunod ng tigre sa payo ni Pilandok na sunggaban ang matabang mangangaso, ito ay nabaril.

IV. Takdang Aralin

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod:

A. Nakasusulat ng mga talata na may wasto at maayos na pagkakabuo ng mga pangungusap.

B. Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng pabula bilang isang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng wika at kultura.

C. Nakabubuo ng sariling mga pangyayari sa pabula batay sa ilang pangyayari at impormasyong inilahad ng guro.

II. PAKSANG ARALIN

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TALATA

Sanggunian:Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.

2010., Lipa City, Batangas.

Dominguez, Leticia F., Ph. D., Lolita R. Nakpil.,Ang magulang ay magulang., Gintong Pamana Pansekundarya,Wika at Panitikan., SD Publications, Inc. 2000.,pp. 3-4.

Kagamitan: Visual aids

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaralA. Introduksiyon

1. Pagbabalik-aral >>Bago natin simulan ang kasunod na aralin, magbalik-aral muna tayo. Anu-ano ang inyong natutunan sa talakayan sa

Mga Inaasahang Sagot

>> Natutunan po namin ang tungkol sa Pangungusap, kung saan ito po ay binubuo ng salita o lipon ng mga salita

huling pagkikita?

>> Mahusay ang pagkakaunawa!

2. Pagganyak>> Hindi ba’t ngayon ay buwan ng Agosto? Ano ang ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto?>> Tama, bakit kailangan itong ipagdiwang?

>> Tumpak! Yaman din lamang na pinag-uusapan natin ang Wikang Filipino, maaari bang magbigay ng mga pangungusap ukol dito?

B. Interaksiyon1. Pagtalakay hinggil sa paksa

Mula sa ating nasimulang gawain, alamin natin kung wasto ba ang pagkakasulat ng inyong talata.

Pagbibigay ng input tungkol sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.>>Kaisahan. Ang lahat ng sangkap ng pangungusap o talataan ay nakapokus lamang sa iisang paksa.>>Kaugnayan. Ang mga salita, pangungusap, at mga kaisipan ay kailangang kaugnay ng mga diwa o paksang tinatalakay.>>Diin. Ipakita ang kabigatan ng isang ideya o kaisipan, pangyayari o anumang mahalagang bagay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang diin dito sa isang talataan.>>Kawilihan. Ang bawat talata ay may layuning makapagbigay ng kasiyahan at maakit ang interes ng sinumang babasa o

na mayroong isang buong diwa. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang Simuno at ang Panaguri.

>> Opo. Tuwing Buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang po natin ang Buwan ng Wika.>> Ipinagdiriwang po ito bilang pagpapahalaga sa Wikang Filipino.

Magbibigay ng magandang pamagat at bubuo ng mga pangungusap ang mga mag-aaral kaugnay dito. Sa gayong paraan ay makasusulat sila ng isang talata na may wastong pagkakabuo ng pangungusap.

Sabayang pagbasa ng mga mag-aaral sa input.

makikinig. Maisasakatuparanang layuning ito kung ang talata ay may kawili-wiling paksa.

2. Interaksiyon ng guro sa mag-aaral

Pagsusuri sa mga inilahad at isinulat na mga pangungusap sa binuong talata. >>May kaisahan ba ang mga pangungusap sa talata? Ano ang paksang bibibigyang diin?>>May kaugnayan ba ang bawat pangungusap?

>>Ano ang binibigyang diin sa ating talata?

>>May kawilihan bang matatamo ang mga mambabasa sa pagbasa ng ating binuong talata?

>>Binabati ko kayo dahil nakabuo kayo ng isang talata na may maayos at wastong pagkakabuo ng mga pangungusap.

C. Integrasyon1. Pagpapahalaga

>>Bakit mahalagang pag-ukulan ng panahon ang pagkatuto sa pagsulat ng anumang akda ng may maayos at wastong pagkakabuo ng pangungusap?

2. Pag-uugnayAraling Panlipunan: Ano ang kahalagahan ng pabula sa pag-aaral ng kultura?

3. Paglalahat>>Muli nating ilahad ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata. Anu-ano ang mga iyon?

4. Ebalwasyon

>>Opo, ang talata ay may kaisahan dahil nakapokus ito sa iisang paksa—ang Wikang Filipino.>>Opo, sapagkat ang bawat pangungusap na ginamit ay tungkol lamang sa paksa.>>Binibigyang diin po dito ang paggamit ng Wikang Filipino, ang pagpapahalaga at lalong pagpapayaman dito.>>Opo, dahil nabibigyan tayo ng mahahalagang kaalaman at kaisipan na buhat sa binuong talata.

>>Mahalagang matutunan ang maayos at wastong pagkakabuo ng pangungusap sa isang talata upang malinaw na mailahad ang mga kaisipan sa akda. >>Mahalaga ang pabula sa pag-aaral ng kultura ng ating bansa sapagka’t karaniwang nakapaloob sa pabula ang ilang kultura ng mga mamamayan sa inba’t-ibang rehiyon ng ating bansa.

Paglalahad ng mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.

Bumuo ng sariling mga pangyayari sa pabula batay sa ilang pangyayari o impormasyon na nakatala sa tsart.

A. Ang Agila at ang Maya

Tauhan: Agila- kilala bilang malakas at malaking ibonMaya- isang maliit na ibon

Panimula: Isang agila ang mayabang na lumilipad sa himpapawid. Nakasalubong niya si Maya, isang maliit na ibon. Hinamon niya ito sa isang paligsahan upang malaman kung sino ang mas mabilis lumipad.

Unang Pangyayari:TInanggap ni Maya ang hamon ni Agila. Napuna ni Agila na biglang nagdilim ang kalangitan, isang palatandaan na may paparating na ulan.

Ikalawang Pangyayari:Upang hgit na maging maganda ang paligsahan, iminungkahi ni Maya na magdala sila ng isang bagay

Ikatlong Pangyayari:

Ikaapat na Pangyayari:

Ikalimang Pangyayari:.

Wakas:

Aral:Maging mapagpakumbaba at huwag maging mayabang sa kabila ng ating mga katangian.

Huwag maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

B . Ang mga Unggoy at mga Tutubi

Tauhan: Unggoy- isang uri ng hayop na may malapit na pagkakahawig sa hitsura at katangian ng tao.Tutubi- isang uri ng insektong lumilipad

Panimula: Isang araw na napakainit, tirik ang araw at ang hangin ay nakapapaso, isang kawawang tutubi na pagod na pagod mula sa malayong paglalakbay ang dumapo sa isang sanga upang magpahinga.

Unang Pangyayari:Naghanap ang tutubi ng madadapuan. Namahinga siya sa isang sanga ngunit nagalit ang isang unggoy dahil ito’y kanilang kanlungan. Pinalayas siya nito.

Ikalawang Pangyayari: Nagsumbong ang tutubi sa kanyang kapatid na hari ng mga tutubi kaya’t ang hari ay nagpahatid ng liham sa hari ng mga unggoy. Nakasaad sa liham ang tungkol sa masamang trato ng isa nitong tauhan sa kanyang kapatid.

Ikatlong Pangyayari:

Ikaapat na Pangyayari:

Ikalimang Pangyayari:

Wakas:

Aral: Maging mapagpakumbaba at huwag maging mayabang sa kabila ng ating mga katangian.

Huwag maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

Huwag kasisiguro hanggang hindi pa natatapos ang labanan.

IV. Takdang Aralin

Paunang pag-aaral tungkol sa elemento ng pabula: Mahalagang Kaisipan; pagbasa sa pabulang “Ang Mag-anak na Langgam.”