Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

66
1 Isang Pagsulyap sa Buhay ng Propeta ng Islam Tinipon ni Yusuf Morales

description

This is a biography of the Prophet Muhammad (PBUH) in the Filipino language, taken from several sources it is presented from a teachers persepective

Transcript of Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

Page 1: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

1

Isang Pagsulyap sa Buhay

ng

Propeta ng Islam

Tinipon ni

Yusuf Morales

Page 2: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

2

Isang Pagsulyap sa Buhay

ng

Propeta ng Islam

Page 3: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

3

Isang Pagsulyap sa Buhay

ng

Propeta ng Islam

Tinipon ni

Yusuf Morales

Ramadhan 2010

Manila Philippines

Page 4: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

4

Unang Limbag 2010

©2010 Yusuf Morales

Copyright para sa Edisyong Pilipino 2010

Library of congress Catalogue card number :

ISBN:

Page 5: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

5

Bismillah Hirahman Niraheem

Panimula:

Napakarami nang isinulat sa tungkol sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), subalit, sa Pilipino ay lubos na may pangangailangan pa na magkaroon ng mga babasahin na tumatalakay sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan), habang dumarami ang mga nagsiyakap ng Islam mula sa iba't ibang antas ng buhay ay kinakailangan ng mga babasahin na madaling basahin at talakayin ang ilang mahahalagang paksa sa Islam.

Alam po natin na ang pagsulat ng mga babasahing ito ay tunay nga na pinag-tutuunan ng pansin at pinaghahandaan. Aming pong itinipon ang mga datos dito mula sa perspektiba ng isang guro, na nagbabakasakaling magagamit din ito hindi lamang ng mga bagong yakap sa Islam, bagkus ay magagamit sa pagtuturo sa Islam.

Ang ano mang bagay na natatapos ay nararapat lamang ipagpasalamat sa Allah, at sa mga taong naging dahilan upang matapos ang abang libretong ito.

Yusuf Morales

Ramadhan, 2010

Page 6: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

6

Isang pagsulyap sa kanyang katauhan.....

Si Propeta Muhammad ay isinilang ng ika-12 ng buwan ng Rabi’l ng taong 571 ng Panahong Kristiyano. Siya ay nagmula sa pinakamarangal na pamilya ng Arabya, ang Quraish na itinuring na may pinakamataas na pagpapahalaga bilang mga katiwala ng Banal na Bahay-Dalanginan sa Mecca, ang Ka’ba, ang espiritwal na sentro ng buong Arabya. Sa panahon ng kaniyang kapanganakan, ang Arabya ay nakalubog na malalim sa pinakamasamang uri ng idolatriya na maaaring manaig sa anumang bansa. Ang Ka’ba mismo ay puno ng mga idolo, at ang bawa’t pamilya ay, sa karagdagan pa, may sariling mga idolo. Ang hindi pa natatabasang mga bato, puno, at bunton ng buhagin ay sinasamba rin.

Sa kabila ng malawak at malalim na idolatriya, ang mga Arabe ay materiyalistiko gaya ng pagkasabi ni Bosworth Smith. “Kumain at uminom ay ang epikureyong himig ng mga tula na dumating sa atin”, bilang wika niya. Ang bawa’t isa ay wala halos paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan at wala rin pakiramdan ng pananagutan sa kaniyang mga ginawa. Ang mga Arabe, gayunpaman, ay naniniwala sa mga demonyo at ang mga karamdaman ay inuugnay sa impluwensiya ng mga masasamang espiritu. Ang kamangmangan ay namayani sa mga matataas at pati na rin sa mga mabababa na anupa’t ang pinadakila sa mga tao ay maaaring magyabang ng kanyang kawalang-alam. Walang alituntunin ng mga mabubuting asal at ang bisyo ay laganap. Malaya ang mga sekwal na relasyon. Ang mga malalaswang tula at awit ay binibigkas sa mga pampublikong pagtitipon. Walang parusa para sa mga pangangalunya o ni anumang moral na pagbabawal laban dito.

Walang nakahihiya sa prostitusyon na anupa’t ang mga pangunahing mga tao ay maaaring mag-ingat ng mga kasa. Ang mga babae ay “nasa pinakamababang kalagayan na mas masahol pa kaysa kung sila ay nasa ilalim ng mga batas ni Manu sa Hindustan.”1 Ang babae ay tinitignan bilang isa lamang pansariling ari-arian. Sa halip na magkaroon ng anumang karapatan sa mana ng ari-arian, ang kanyang sarili ay nagiging bahagi ng mana, at maaari siyang italaga sa anumang nasa ng tagapagmana kahit hindi niya mabutihing kunin siya bilang isang asawa.

1 1 Bosworth Smith

Page 7: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

7

Walang nanatiling pamahalaan, walang batas sa lupain, at ang kapangyarihan ay itinuturing na halos matuwid. Ang mga Arabe ay nabibilang sa isang lahi at nagsasalita ng isang wika. Gayunpaman, sila ay ang pinaka-magkakasalungat na mga tao. Nakikipagdigma ang tribo sa tribo at ang pamilya sa pamilya sa pinaka-walang halagang dahilan. Tinatapakan ng malalakas ang mga karapatan ng mahihina, at hindi maiwasto ng mahihina ang mga kamalian ginawa sa kanila. Ang mga balo at ulila ay lubos na walang kakayahan at ang mga alipin ay pinakikitunguhan ng buong kalupitan.

Kabilang sa mga tao na ito ay ang ipinanganak na si Muhammad, isang ulila mula sa kaniyang kapanganakan, na namatayan ng ina nang siya ay anim na taong gulang. Nagmula siya sa pinakamarangal na angkan ng Quraish, nguni’t hindi siya naturuan ng pagbasa at pagsulat. Nag-alaga siya ng mga tupa ng ilang panahon, at ang pinakadakila sa mga Arabe ay walang paghamak sa gawaing iyon, datapuwa’t siya ay lubhang naging abala sa kalakalan noong kaniyang kabataan.

Kanyang Personalidad.

Gayunpaman, ang kaniyang mataas ng moralidad ang nagpaiba sa kaniya mula sa pangunahin tao sa lahat niyang mga kababayan. Ang Banal na Koran, na naglalaman ng pinaka-mapagkakatiwalaang salaysay ng buhay ng Propeta, ay nagsasabing siya ay “nag-aangkin nang mataas na moral na pag-uugali.”2 Dahil namuhay nang tahimik, nagkaroon lamang siya ng mga kaibigan na may dakilang moralidad na kinilala ng lahat. Ang kaniyang katapatan ay ipinahayag sa pinaka-malinaw na mga salita.3Ang kaniyang mga pinaka-mahigpit na kaaway ay hinamon na ituro kahit isang maitim na mantsa sa kaniyang pagkatao sa loob ng apatnapung taong pamumuhay bago niya tinanggap ang Banal Pagtawag.4

Tinamo niya ang titulong al-Amin o ang Matapat mula sa kaniyang mga kababayan noong kaniyang kabataan dahil sa kaniyang malinis at walang batik na pagkatao at sa kaniyang pagmamahal sa katotohanan at katapatan.

2 2 68:43 3 6:334 4 10:16

Page 8: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

8

Kinasuklaman ni Muhammad ang idolatriya mula sa kaniyang pagkabata bagama’t nakatira siya sa isang bansa na ang pagsamba sa idolo ay ang saligan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng komunidad, at ang Banal na Koran ay atin muling saligan na hindi siya nagtungo ng noo sa harap ng isang idolo.5

Kahit is Sir William Muir ay nagpatotoo sa kadalisayan ng kaniyang pagkatao sa kaniyang kabataan: “Nagkakasundo ang lahat nating mga awtoridad na ipalagay sa kabataan ni Muhammad ang kaugalian ng kababaang-loob at kalinisan na pambihirang matagpuan sa mga taga Mecca.” At muli: “Taglay ang isang malinis na pag-iisip at maselang na panlasa, walang kibo at mapagnilaynilay, nabuhay siya parang nag-iisa, at ang pagbubulaybulay ng kaniyang puso na walang pasubali na ginamit na sana ng iba ang panahon iyon sa mga marahas na laro at bisyo. Pinuri ng kaniyang mga kababayan ang kaniyang makatarungang pagkatao at marangal na bikas ng isang tahimik na kabataan, at pinagkaloob sa kaniya sa pagkakaisa ng lahat ang titulong al-Amin, Ang Matapat.

Ang kanyang pagkadalisay (purity)

Wala kahit isang patak na alak ang sumagi sa kaniyang mga labi, bagama’t nanirahan siya sa isang lungsod na kung saan ang walang-habas na pag-inom ay pangkaraniwan na lamang. Nakatagpo ng kasiyahan ang Mecca sa pagsusugal, subali’t hindi nakilahok si Muhammad sa ganoong uri ng palipasan ng oras. Nanirahan siya sa gitna ng mga taong gumon sa digmaan katulad ng kanilang pagka-gumon sa alak, subali’t wala siyang pagkagusto alinman sa mga ito.

Kanyang Pakikihalubilo at pamumuhay.

Banggit muli ni Muir, “kahit na ngayong halos dalawampung taong gulang na, hindi siya nagkahilig sa mga armas.” Sa hindi maiiwasan pangyayari, siya ay nakilahok sa isang pagkakataon sa isang walang-pakudangang digmaan na nagpatuloy ng apat na taon sa pagitan ng Quraish at ng Hawazin. Gayunman, ang kaniyang pakikisali ay hindi hihigit sa pamumulot lamang ng mga pana mula sa kaaway at ibinigay ang mga iyon sa kaniyang mga tiyo.

5 5 109:4

Page 9: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

9

Nakipagkalakalan siya hindi dahil sa pag-ibig sa kayamanan kundi sa kaniyang pagmamahal sa kaniyang tiyong si Abu Talib na nais niyang matulungan.

Kaya sabi ni Muir: “Si Muhammad ay hindi mapag-impok ng kayamanan o naging masigasig sa pagtatamo ng kariwasaan para lang pagtatamo lamang ng mga ito. Kung hinayaan lamang siya sa kaniyang gustong gawin, malamang na minabuti niya ang matahimik at mapayapang buhay pangkasalukuyan kaysa pagmamadali at pagmamalasakit sa isang pangkalakal na paglalakbay. Hindi siya marahil nagkusang-loob na isipin ang gayong karabana. Datapuwa’t kapag ang panukala ay napagtibay na, naramdaman ng kaniyang mapagbigay na kaluluwa na gawin ang lahat nang nararapat upang paginhawahin ang kaniyang tiyo at malugod siyang tumalima sa panawagan.

Higit sa lahat, ang kaniyang mas maagang buhay ay natandaan ng pinaka-pambihirang katangian na pinaka-madalang sa lahat ng taga Arabya sa panahong iyon, ang pagmamahal sa mga mahirap, ulila, balo, walang kaya at alipin. Bago siya naging sagana sa buhay, isa siya sa mga nanumpa na tulungan ang mga naaapi at nagbuo sila ng isang samahan bilang tagapagtanggol ng mga napinsala.

Pinakasalan niya ang isang mayamang balo, si Khadija, at malayang tumulong sa mga mahihirap. Nakamit niya ang katanyagan sa pagtulong sa mahirap na anupa’t nang matapos ang kaniyang Pagkatawag ay hiniling ng Quraish kay Abu Talib na patayin siya; tumanggi ang matandang pinuno at pinuri siya sa isang tula bilang ang “Tagapagtanggol ng mga ulila at mga balo.” Mas maaga pa dito, bago tumanggap si Muhammad ng Pagtawag ay nag-alanganin siya kung magagawa niyang makamit ang dakilang layunin na mapagbago ang kaniyang mga kababayan.

Nang magkagayon, inaliw siya ng kaniyang asawang si Khadija na nagsasabing “Hindi siya hihiyain ng Diyos yayamang dinala niya ang pasanin ng mga napapagod at tumulong sa mga mahihirap at nagbigay ng ginhawa sa mga nababalisa at nagparangal sa mga panauhin at nagmahal sa kaniyang mga kamag-anak.” 6

6 6 Bukhari I:I

Page 10: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

10

Ang Pagsisimula ng kanyang Nubuwwah.

Napadagdag sa mga dakilang katangian ito ang kaniyang pagkabalisa para sa nalugmok na sankatauhan. Ang Koran ay bumabanggit dito nang paulit-ulit.7 Habang lumipas ang mga taon, ang malubhang idolatriya ng mga Arabe at kanilang masasamang kalakaran ay lalung nagdulot ng bigat sa kaniyang puso, at gumugol siya ng mga oras sa pag-iisa sa mga kalapit bundok.

Nang kalaunan, nagtungo siya sa yungib ng ilang mga araw sa paanan ng Bundok Hira at dito sumikat sa kaniya ang Banal na liwanag nang buong ningning. Nag-alinlangan siya nang una kung may kakayahan siya na ganapin ang dakilang gawain, subali’t ang kaniyang pagkabalisa ay nagbigay ng dako para sa lubos na pananampalataya na ang katotohanan ay magtatagumpay sa huli, at siya ay nakatakdang gumawa na may tibay ng kalooban at tatag ng layunin na hindi matitigatig ng mahigpit na pagtutol ng buong Arabya.

Mula sa kaniyang pinakaunang mensahe ay para sa lahat, para sa mga Arabe at pati na rin ang mga di-Arabe, para sa mga idolotroso at gayundin sa mga Hudyo, Kristiyano, at Mago. Hindi rin ito limitado lamang sa bayan ng Mecca dahil sa ang Mecca ay ang sentro na pinupuntahan ng mga libu-libong mga kalalakihan at kababaihan taun-taon mula sa lahat ng bahagi ng Arabia, at sa pamamagitan ng pagtitipong ito ang mensahe ng Propeta ay umabot sa pinaka-malayong sulok ng Arabia. Ang kaniyang asawa na si Khadija ay ang unang naniwala sa kaniya, at sinundan siya ng mga iba pa na alinman sa kaniyang mga pinakamatalik na kaibigan o malapit na kamag-anak.

Sa pahayag ni Muir: “Ito ay matibay na pagpapatotoo sa katapatan ni Muhammad na ang pinakaunang mga kumberte ay hindi lamang may matuwid na pagkatao, kundi kaniya mismong mga matatalik na kaibigan at miyembro ng kaniyang sambahayan na may malapit na kabatiran sa kaniyang pribadong buhay, ay hindi mabibigo na mapansin ang kaibhan ng mga pahayag sa labas ng tahanan ng isang mapankunwaring mandaraya at sa kaniyang mga kilos sa loob ng bahay”.

7 7 9:128; 18:6; 26:3; 35:8

Page 11: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

11

Ang Pagsimula ng Kanyang Misyon.

Ang kanyang unang mga pabubunyag ay nagbigay diin sa dakilang kapangyarihan at kamahalan ng Banal na Isa at sa hindi maiiwasang paghuhukom. Kinutya siya nang una ng Quraish, pinakitunguhan siya nang may panglalait at tinawag siya na isang taong baliw. Sa kabila ng mga ito, siya ay nagkakaroon ng dalawa at tatluhang mga tagasunod hanggang umabot ang bilang sa apatnapu sa loob ng apat na taon at ang pag-uusing ay lalung naging masaklap.

Sa una, ang mga alipin ay pinahirapan nang labis. Si Bilal, isang ipinanganak na Negro, ay pinahiga sa nakakapasong buhanging sa ilalim ng araw ng tanghaling-tapat ng Arabya na nagpatuloy sa pagsigaw ng “Isa, Isa,” sa kalituhan ng kaniyang mga nang-uusig. Ngunit ang apoy ng pag-uusig sa sandaling magningas ay hindi maaaring mapatay. Ang mga kumberteng maharlika ay pinahirapang kasama ng mga mahihirap na tagasunod.

Ang Propeta mismo ay hindi nakaiwas sa mga kalupitan ng mga nang-uusig. Ang mga Muslim ay hindi magkapagtipon o makapanalangin sa isang liwasang bayan. Gayunpaman, si Muhammad ay nagpatuloy na nagkaroon pa ng mga bagong tagasunod at ang kaniyang mga kaaway ay lalung naging marahas sa kanilang pag-uusig, kaya ang mga ilan sa mga mas hamak na mananampalataya ay pinatay sa pinaka-malupit na paraan.

Nabagbag ang mahabaging puso ng Propeta sa panooring ito nang malupit na pagtrato sa walang salang kalalakihan at kababaihan at bagama’t pinabayaan siya ng nayayamot na mga kaaway, pinayuhan niya ang maliit niyang pangkat ng mga tagasunod na sikapin nilang pumunta sa isang ligtas na lugar. Labing-isang mga lalaki at babae ang umalis ng Mecca noong ikalimang taon ng Hijra, at dumayo sa Abisinya. Sinundan sila ng lupon ng mga sugo ng kanilang kaaway na humiling sa pinuno ng Abisinya na sila ay isuko. Ang kaso ng mga Muslim ay inilahad ng kanilang lider sa harap ng hari na ganito ang sinabi:

O Hari! Kami ay mga mangmang na tao at gumon sa idolatriya. Dati kaming kumakain ng mga bangkay na mga hayop na namatay sa likas na paraan, at gumagawa ng lahat ng uri ng mga nakahihiyang bagay.

Hindi kami tumutupad nang mabuti sa aming obligasyon sa mga kamag-anak at aming pinamamalupitan ang mga kapitbahay. Ang malakas

Page 12: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

12

sa amin ay umunlad sa kapinsalaan ng mahina hanggang sa wakas ay ibinangon ng Allah ang isang Propeta para sa aming pagbabago.

Ang kaniyang pinaggalingan, ang kanyang katuwiran, ang kaniyang integridad at ang kanyang magandang katangian ay kilalang-kilala namin.

Tinawag niya kami sa pagsamba sa Allah at inanyayahan niya kami na talikdan ang idolatriya at pagsamba sa bato. Nagtagubilin siya na magsabi kami ng katotohanan, gumawa nang mabuti sa pinagkatiwala sa amin, magkaroon ng pagsasaalang-alang sa aming mga kaibigan at kamag-anak, at gumawa ng mabuti sa aming mga kapitbahay.

Tinuruan niya kami na lumayo sa lahat ng bagay na masama at umiwas sa pagdanak ng dugo. Pinagbawal niya ang lahat ng uri ng mga bagay na mahahalay, pagsasabi ng mga kasinungalingan at paglustay sa mga pag-aari ng mga ulila. Kung kaya’t naniwala kami sa kaniya, sumunod sa kaniya at kumilos kasuwato ng kaniyang mga pagtuturo. Kapagdaka, ang taung-bayan sa amin ay nagsimulang gawan kami ng masama, pahirapan kami nang labis, sa pag-iisip na maaari naming itakwil ang aming pananampalataya at manumbalik sa idolatriya. Nang kung gayun, ang kanilang mga kalupitan ay lumampas na sa lahat ng mga hangganan, kami ay naparito upang humanap ng pagkupkop sa inyong bansa.

Malabis na nabagbag si Negus sa pahayag na ito at sa isang pagbigkas mula sa Banal na Koran, at tumangging ibigay ang mga Muslim sa kanilang mga kaaway. Marami pang mga Muslim ang nagpunta sa Abisinya nang sumunod na taon hanggang ang kabuuang bilang ay umabot sa 101, hindi kasama ang mga bata.

Nagsikap nang lubos ang Quraish na mapigil ang pagsulong ng emigrasyong ito, nguni’t sa walang kabuluhan. Sa hindi katagalan, sila ay lubhang nayamot sa kawalang silbi ng kanilang balak laban sa Propeta at sa maliit na pangkat ng mga Muslim, na nagpaiwang kasama niya sa Mecca.

Ang Pagsisikap sa pagpapalaganap ng mensahe ng Islam

Page 13: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

13

Hindi sila nakapanaig kay Abu Talib, ang pinuno ng mga Hashimita (ang angkan ng Propeta), na isuko sa kanila ang Propeta para tapusin ang kaniyang buhay, at sa kabiguan na maakit ang Propeta sa pag-aalok sa kaniya ng pagkahari, kayamanan at kagandahan, sila sa wakas ay nagbuo ng isang kapisanan at pinigilang makalabas ang mga Hashimita at Muslim mula sa isang maliit na dako na kung saan sila ay nagdusa nang sukdulang kakapusan sa loob ng tatlong mahabang mga taon, na binigyan lamang ng kalayaan ng pagkilos sa panahon ng pilgrimahe. Ang tatlong taong ito ay ang mga taon ng pinakamahigpit na paghihirap para sa mga Muslim, at ang Islam ay umunlad lamang nang bahagya sa panahong ito.

Nakawala sa wakas sa pagkakulong, ang Propeta, kahit na nakaharap sa panlulumo sa lahat ng panig, ay mayroon pa ring labis na pananalig sa laging pagtatagumpay ng katotohanan. Babaling na lang siya sa ibang dako kung sadyang bingi na ang Mecca sa kaniyang pangangaral. Siya ay pumunta sa Ta’if na isa pang malaking lungsod ng Arabya. Gayunpaman, ang lupa dito ay mas matigas kaysa sa Mecca. Hindi siya pinahintulutang manatili sa Ta’if matapos ang sampung araw, at siya ay pinukol ng mga bato habang lumakad pauwi. Pumatak-patak sa dugo at hindi man lamang pinahintulutan ng kaniyang mga mang-uusig na makapagpahinga, nakabalik siya sa wakas sa Mecca na mas malungkot kaysa nang iwan niya ito. Subali’t kung ang mga tao ay hindi nakinig sa kaniya, gayunpaman, bubuksan niya ang kaniyang puso sa Diyos na laging handang makinig, at nanalangin sa Kaniya nang ganito matapos makabalik mula sa Ta’if:

“O Diyos ko! Sa Iyo ako dumadaing ng kahinaan ng aking lakas at ng kakulangan ng aking kapamaraanan at ng kawalan ng halaga sa paningin ng mga tao. Ikaw ang pinaka-maawain sa mahabagin, Ikaw ang Panginoon ng mahina.

Para kanino mo ako ipagkakatiwala, sa isang kaaway na may matigas na puso na nakakunot ang noo sa akin, o sa isang malapit na kaibigan na binigyan mo ng kapamahalaan sa akingpamumuhay?

Page 14: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

14

Hindi naman ako nababalisa para sa anumang bagay maliban na lamang na mangyari sana na makamit ko ang Iyong pagkalinga. Sa liwanag na Iyong mukha ako magtatamo ng pangangalaga, sa liwanag na tumatanglaw sa langit at nagtataboy sa lahat ng uri ng kadiliman, at namamahala sa lahat ng mga pangyayari sa daigdig na ito pati na rin sa Kabilang Buhay. Huwag naman sanang matamo ko ang Iyong matinding poot o mayamot sa akin. Walang lakas o kapangyarihan kundi sa Iyo lamang.”

Nararamdaman niya na walang nakikinig sa kaniyang mensahe, nguni’t nanampalataya siya sa kabutihan ng Diyos at sa tiyak na pagtatagumpay ng kaniyang layunin ay hindi natinag tulad ng dati. Para sa kanya, ang Diyos ay ang lahat sa lahat at ang pagututol ng buong mundo ay walang kabuluhan. Nagdanas siya nang napakahigpit na tiisin na dapat niyang batahin para na rin sa kapakanan ng mismong mga tao na nalugod na ipataw sa kaniya ang pinakamalupit na pagpapahirap. Ang lahat ng mga ito, wika niya, ay hindi gaanong mahalaga hangga’t ikinasisiya niya ang kaluguran ng Diyos. Napakatatag na pananampalataya sa Diyos, napakaligayang pagsang-ayon sa Kaniyang pinakadakilang kalooban, napakalantay na kaligayahang espiritwal!

Tatlong taon ay lumipas sa Mecca sa gitna pinakamahirap na kalagayan. Samantala, ang Islam ay nag-ugat sa Medina at mabilis na kumalat. Habang ang ikalabintatlong taon ng Pagtawag ay malapit nang matapos, pitumpu’t limang mga Muslim (kabilang ang dalawang babae) mula sa Medina ay dumating upang magsagawa ng pilgrimahe ay nanumpa ng katapatan sa Propeta, na pinatitibay na kung siya ay magpasiya na pumunta sa Medina, siya ay ipagtatanggol nila laban sa kaniyang mga kaaway gaya ng pagtatanggol nila sa kanilang mga anak at asawa. Kasunod nito, nagsimula ang paglisan ng mga Muslim patungong Medina.

Pinili ng Propeta na manatili na lamang sa gitna ng kaaway na patuloy na nayayamot, at makita ang kaniyang mga tagasunod na ligtas sa bagong sentro. Ipinakikita nito ang lalim ng kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit sa kaniyang mga tagasunod. Siya ay nabalisa nang higit pa para sa kanilang kaligtasan kaysa sa para sa kaniyang sarili.

Page 15: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

15

Ang Pagtatangka sa Buhay ng Propeta at ang Hijrah sa Madinah

Sa loob ng dalawang buwan, humigit-kumulang sa 150 ng mga Muslim ang umalis ng Mecca at nanatili lamang doon ang Propeta na kasama ang dalawang sa pinakamatalik niyang mga kaibigan.

Ang peligrosong sandali ay dumating na ngayon para sa kaniyang mga kaaway na umulos nang huling suntok. Ang mga indibidwal na pagsisikap ay ginawa upang patayin ang Propeta, nguni’t sila ay nabigo. Kung ang huling suntok ay hindi naipatama kaaga-agad, ang Propeta ay maaaring makatakas patungong Medina at hindi na maabot.

Ginanap ang isang malaking pagpupulong ng lahat ng mga tribo at isang pangwakas na pasiya ang napagkasunduan. Isang kabataan mula sa bawa’t angkan ay dapat piliin at ang lahat ng mga ito ay saba-sabay na sasalakay sa Propeta upang walang nag-iisang angkan na dapat managot sa pagpaslang.

Ang bahay ng Propeta ay kinubkob ng mga kabataang uhaw sa dugo kapagdakang dumilim, nguni’t malakas ang loob at sa pagkakaroon niya ng pananampalataya sa banal na proteksyon, dumaan sa kanila ang Propeta na hindi nila napapansin.

Dumaan siya sa mga kalye sa Mecca sa kadiliman ng gabi na may isa lamang kasama patungo sa hantad at baku-bakong mga burol sa labas, at natagpuan sa wakas ang taguang dako sa yungib na tinatawag na Thaur. Nang dumating ang umaga, nakita ng kaaway ang kabiguan ng kanilang balak at ginalugad ang buong kanayunan.

Isang grupo ang nakarating sa bukana ng yungib. Nakita ni Abu Bakr sa pamamagitan ng siwang ang kaaway sa bungad at nagdalamhati. “Huwag magdalamhati sapagka’t sumasaatin ang Allah,” sabi ng Propeta. Lalo siyang nagiging walang kalaban-laban ay higit na tumitibay ang kaniyang pananampalataya sa Diyos.

Walang alinlangan na may di-nakikitang kapangyarihan ang nagligtas sa kaniya sa buong buhay na sa bawa’t pagkakataon ng panganib sa kamay ng kaaway. Matapos ang tatlong araw, ang Propeta at ang kaniyang kasama ay nag-umpisang lumakad patungong Medina.

Page 16: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

16

Hindi lamang ang Propeta ang kusang-loob na nagtiis ng lahat nang mahirap na pagsubok sa Mecca sa loob ng labingtatlong taon. Ang mga tumanggap sa kaniya ay pinagbantaan rin ng mga pag-uusig taglay ang katulad na damdamin. :

Ang mga mananampalataya ay nag-ugat ng mga pag-uusig na may diwa ng pagtitiyaga at pagpaparaya…

Isang daan na mga lalaki at babae ay nag-iwan ng tahanan at naghanap ng kanlungan sa pagiging tapon sa Abisinya hanggang

malampasan ang unos sa halip na itakwil ang mahalagang pananampalataya.

At sa muli ngayon, isang higit na malaking bilang, na kasama mismo ang Propeta, ay

lumisan mula sa kinagigiliwan nilang mahal na lungsod na kinaroonan ng Banal na Bahay-Dalanginan na itinuturing nilang pinakabanal na dako sa daigdig.

Ang walang pinagbagong kagila-gilalas na halina ay naghanda sa kanila doon ng isang kapatiran na handang ipagtanggol ang Propeta at ang kaniyang mga tagasunod ng kanilang dugo. Matagal nang narinig ng mga lalaki sa Medina ang katotohang mula sa mga Hudyo, subali’t nagising lamang sila sa kanila pagkatulog at bumangon kapagdaka sa isang bago at taimtim na buhay nang napakingan ang himig ng Propeta sa Arabya.

Ang Pagdating sa Madina at Pagtatag ng isang bagong simula.

Nakarating ang Propeta sa Medina noong ika-12 ng Rabi’l na katumbas sa Hunyo 28, 622 ng Panahong Kristiyano. Ang unang bagay na kaniyang ginawa sa pagdating sa Medina ay ang magtayo ng isang moske na ngayon ay kilala sa tawag na Moske ng Propeta. Dito inaalay ang mga panalangin sa Diyos na limang beses araw-araw sa isang malayang kapaligiran sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Islam. Bumaling siya pagkatapos nito sa pagtatatag ng kapatiran ng mga Muslim. Ang mga tumakas mula sa Mecca ay tinatawag na Muhajir (Nagkabya mula sa Mecca) na nag-iwan ng lahat nilang mga ari-arian. Para paglaanan sila ng silungan, ang bawat takas ay obligado sa isang kasunduan ng kapatiran sa isa sa mga nakatira sa Medina na tinatawag na Ansar (Kaakbay).

Ang ikatlong mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng Propeta ay ang magtibay ng palakaibigang mga ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang mga tribo na naninirahan sa Medina. Kasama sa mga ito ay ang

Page 17: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

17

tatlong tribong Hudyo at isang kasunduan ang napagtibay din sa kanila. Ang pangunahing mga tadhana ng kasunduan ay ang mga sumusunod: 1. Ang mga Muslim at mga Hudyo ay mamumuhay bilang isang bayan. 2. Pananatilihin ng bawa’t panig ang kaniyang sariling pananampalataya. 3. Kung sakali ng pakikidigma sa ikatlong partido, ang isang panig ay obligado na magbigay ng tulong sa ikalawa kung ang pangkat na ito ay hindi ang unang sumalakay. 4. Kung mangyari ang pagsalakay sa Medina, pagtutulungan nilang kapuwa ang pagtatanggol dito. 5. Ang pakikipag-payapaan ay gagawin matapos ng pagsangguni sa isa’t isa. 6. Pareho nilang ituturing ang Medina bilang banal at ipagbabawal ang lahat ng pagdanak ng dugo dito. 7. Ang Propeta ay magiging hukumang pangwakas ng mga inaapelang usapin. Ang kasunduang ito sa mga Hudyo ay nagpapakita ng pangamba ng Propeta na ang kunsumidong Quraish, na binigo sa kanilang tangkang pagpatay sa kaniya sa Mecca, ay lulusob na sa Medina.

Noong tumakas ang mga Muslim patungong Abinsinya, sinubukan ng Quraish ang lahat ng mga paraan sa ilalim ng kanilang kapangyarihan na patalsikin sila mula roon.

Paano nila mamasdan ang pagtatagumpay ng Islam na napakalapit sa kanila mula sa Medina, isang mahalagang lungsod na 270 mga milya ang layo at daanan ng pangangalakal patungong Sirya. Tinanggap na ni Muhammad ang pahiwatig mula sa Itaas na dapat niyang ipagpatuloy ang digmaan upang iligtas ang Islam mula sa lubusang pagkalipol.

Sinabihan siya na ang tabak ay itataas laban sa kaniya at kailangan niyang lumaban upang iligtas ang munting komunidad ng Islam mula sa pagkawasak sa mga kamay ng makapangyarihang kaaway na determinadong bunutin ang ugat ng Islam sa lupa ng Arabya. Sa pag-uugali, walang hiling sa digmaan si Muhammad. Kahit minsan man ay hindi siya humawak ng tabak sa tunay na labanan hanggang sa edad na limampu’t lima.

At ito ay sa isang bansa na ang pakikidigma ay naging bokasyon ng mga tao sanhi ng patuloy na labanan ng magkabilang mga panig. Ang pananampalataya na kaniyang ipinangaral ay Islam, na literal na kapayapaan o pagpapasakop ang kahulugan, ay isang pananalig sa kapayapaan, nagdidiin sa pagdarasal sa Diyos at paglilingkod sa sangkatauhan. Kinakailangan niyang ipangaral ang paniniwalang ito upang ihatid ang mensahe at hindi upang ipilit ito sa iba:

Page 18: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

18

Ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon, kaya, kahit sinuman ang magkusa, hayaan siyang maniwala, at kahit sinuman ang magkusa, hayaan din siya na hindi maniwala. 8

Aming ipinapakita sa tao ang daan, maaari siyang magpasalamat o maaari siyang maging walang utang na loob. 9

Walang pamimilit sa relihiyon. 10

Dangan lamang at ipinilit sa kaniya ang digmaan at kaniyang tungkulin, gaya ng pahayag sa kaniya, na ipagtanggol ang kaniyang naaaping komunidad na tumakas nang dalawang ulit mula sa kanilang mga tahanan patungo sa malayong dako makaiwas lamang sa mga pag-uusig ng isang malupit na kaaway:

Ang pahintulot upang labanan ay ibinibigay sa mga sa kung sino ang digmaan ay ginawa dahil sila ay inaapi, at ang Allah ay lubos na makatutulong sa kanila. 11

Bakit sila ay pinatalsik mula sa kanilang mga tahanan? Bakit ang digmaan ay ipinilit sa kanila? Ano ang kanilang kasalanan?

Sila na pinatalsik sa kanilang mga tahanan ng walang katuwiran, matanging sinasabi nila, Ang aming Panginoon ay ang Allah. 12

Ang sambahin ang Allah, na sabihin na ang Allah ay aming Panginoon, na yumukod sa harapan Niya, ay isang kasalanan sa lupaing ito. Ang parusa sa mga taong sumamba sa Diyos at sa mga dakong Siya ay sinamba ay dapat na wasakin. Dahilan dito, kailangan ng mga Muslim na ipagtanggol ang lahat ng mga bahay sambahan kahit na ito ay pag-aari ng mga Hudyo or mga Kristiyano o ng kanilang komunidad:

At kung hindi lamang sa pagtataboy ng Allah sa ibang mga tao sa pamamagitan ng iba, ang mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga moske na kung saan ang ngalan ng Allah ay inaalala nang sukdulan, ay tiyak na mabubuwag nang ganap. 13

8 8 18:299 9 76:310 10 2:25611 11 22:3912 12 22:4013 13 22:40

Page 19: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

19

Ang tatlong mga deklarasyong ito ay sumunod sa isa’t isa sa Banal na Pagsisiwalat sa Propeta. Sinabihan siya bilang karagdagan sa isang mas huling pahayag na hindi siya dapat bumaling sa anumang paraan sa isang agresibong digmaan. Pinayagan lamang siyang magtaas ng tabak sa pagdedepensa:

At lumaban sa paraan ng Allah sa mga nakikipaglaban sa inyo, at huwag lalampas sa katakdaang ito, sapagka’t hindi minamahal ng Allah yaong mga lumalampas sa mga takda. 14

Walang pagtatalo sa pamimilit sa sinuman sa Islam sa pamamagitan ng puwersa. Ang kaaway ay ang siyang nagnais na italikod ang mga Muslim mula sa Islam gamit ang dahas:

At sila ay hindi hihinto sa pakikidigma laban sa inyo hanggang sa maitalikod kayo

sa inyong relihiyon kung makakaya nilang gawin. 15

Ang relihiyon ay isang bagay sa pagitan ng Diyos at ng Kaniyang mga lingkod at walang sinuman ang may karapatan na namilit sa kahit sino na tanggapin ang isang partikular na relihiyon, at ang Propeta kung gayon ay kailangan lumaban para sa dakilang layunin ng kalayaan ng tao:

At labanan sila hanggang sa matigil ang pag-uusig at ang relihiyon ay ginaganap

para sa Allah. Datapuwa’t kung sila ay himinto na sa pag-uusig, kung gayon ay wala

na dapat paghahamok matangi laban sa mga mang-aapi. 16

Kung ang Propeta ay kinakailangan tumigil sa paglaban kapag ang kaaway ay tumigil sa pang-aapi dahilan sa relihiyon, kailangan din niyang tumigil ng paglaban kung ang kaaway ay mag-alok ng kapayapaan, kahit na siya ay maaaring nakikinabang lamang sa panahon upang pasimulang muli ang kaniyang pag-atake.

At kung sila ay umaayon sa kapayapaan, ayunan mo rin ito at magtiwala sa Allah; Siya ay ang Dumirinig, ang Nakababatid.

14 2:19015 15 2:21716 16 2:193

Page 20: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

20

At kung balak ka nilang linlangin, kung ganoon walang alinlangan na ang Allah ay sapat na para sa iyo. 17

Ang Propeta ay pinahintulutang lumaban sa ilalim ng ganitong mga pangyayari at kalagayan. Hindi pa siya nakapag-sanay sa pagkakataong iyon ng kahit isang lalaki upang lumaban. Mayroon siyang isang maliit na komunidad ng mga tagasunod na sinanay lamang sa pagdarasal sa Diyos, at kahit sila ay hindi maaaring piliting lumaban. Katungkulan niyang ituloy ang digmaan kahit siya ay nag-iisa:

“Lumaban kung gayon sa paraan ng Allah; hindi ito ipinataw sa iyo kung hindi nga lamang may kaugnayan sa iyong sarili; at pukawin ang mga mananampalataya sa maalab na damdamin; maaaring supilin ng Allah ang paglaban ng mga taong ayaw maniwala, at ang Allah ay pinakamatindi sa kahusayan at pinamasidhi na magparusa sa mga lumalabag.” 18

Ang Labanan ng Badr.

Ang mga patrolya ng Quraish ay dating naglalakbay sa kanilang pangungulimbat at gumagalugad sa lupain hanggang sa dakong labas ng Medina. Ang sitwasyon ay nangangailangan ng pagbabantay sa bahagi ng Propeta. Ang mga grupo ay ipinadala upang matyagan ang mga galaw ng kaaway at lapitan ang mga tribo para kunin ang kanilang alyansa o niyutralidad.

Isa sa ganitong mga grupo ay ipinadala na may maliwanag na mga utos na lumikom ng impormasyon tungkol sa mga kilos na Quraish nang hindi sinasadyang mapatay ang isang miyembro ng Quraish, Ibn Hadzrami ang pangalan. Ngunit ang Quraish ay naghahanap ng dahilan upang gisingin ang mga tao laban sa mga Muslim, at ibinigay ito ng pagpatay kay Ibn Hadzrami. Ang isa pang pagdadahilan ay ibinigay sa tamang panahon ng isang karabana mula sa Sirya.

Sa pagka-alam na ang mga Muslim ay masyadong pa ring mahina, naisip ng Quraish na sapat na ang 1,000 mga tao upang lipulin sila, at sila ay sumulong palakad sa Medina sa pamamagitan ng hukbong ito sa buwan ng Ramadzan, ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim, sa ikalawang buwan ng Paglikas ng Propeta.

Nang umabot ang balitang ito sa Medina, ang Propeta ay gumawa ng mabilisang mga pahahanda upang salubungin sila, nguni’t nakagtipon

17 17 8:61,6218 18 4:84

Page 21: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

21

lamang ng isang hukbo na binubuo ng 313 mga Muslim. Nagtagpo ang dalawang hukbo sa Badr, ang layo ng tatlong araw na paglalakbay mula sa Medina at sampung araw naman mula sa Mecca; sa isang banda ay 1,000 na sanay na mandirigma na ang pakikipaglaban ay isang habang-buhay na propesyon, na nasasandatahan ng lahat ng armas pandigma ng panahong iyon, at sa kabila naman ay 313 mga tao na kulang sa kagamitan, kabilang ang mga walang karanasang kabataan at mga lalaki na napakatanda na.

Nakita ito ng Propeta at sa matinding pagkabalisa ay nagpalipas ng gabi na nagdarasal sa Diyos sa isang maliit na kubo. “O Allah! Kung titiisin Mo na malipol ngayon ang maliit na pangkat ng mga sumasampalatayang ito, walang maiiwan sa lupa na sasamba sa Iyo at magdadala ng Iyong mensahe sa mundo”.

Nangyari ang hindi inaasahan . Halos lahat ng mga pinuno ng Quraish, ang pasimuno ng kampanya laban sa Islam, ay napatay sa labanan. Sa pagkakita na ang kanilang mga pinuno ay nabuwal, ang karaniwang hanay ng mga mandirigma ay napangibabawan ng kalituhan at mabilis na tumakas. Humigit-kumulang sa Pitumpu ay nalagas at halos kasingtulad na bilang ang hinuling bilanggo. Mayroong labing-apat na nasawi sa panig ng mga Muslim.

Ang Labanan ng Uhud

Ang pagkatalo ng Quraish sa Badr ay isang kahihiyan na hindi nila maaaring pabayaan na walang ganti. Isang malakas na hukbo na binubuo ng 3,000, kabilang ang mga mandirigmang katulad ni Khalid, ay sumulong patungong Medina ng sumunod na taon, Shawwal A.H. Ang mga Muslim ay nakatipon lamang ng hindi hihigit sa 700 katao, at lumakad palabas ng Medina upang salubungin ang kaaway sa paanan ng Uhud, tatlong milya lamang ang layo sa lungsod.

Ang mga Muslim ay lumaban nang walang takot at pito sa mga may hawak ng bandila ay isa-isang napatay. Lubos na kalituhan ang nangibabaw sa Quraish. Dali-dali silang tumakas at tinugis sila ng mga Muslim, nguni’t nakita ni Khalid sa pagkakataong ito na iniwan ng mga mamamanang Muslim ang kanilang likuran na walang depensa sa pamamagitan ng pag-iwan sa isang dako upang sumali sa pagtugis, at iniliko niya ang unahan ng 200 tropang kabayuhan na sumalakay mula sa likod.

Pumihit ding pabalik ang hukbo ng Quraish sa pagkakita nito, at ang kakaunting mga Muslim ay nagipit sa magkabilang panig dahilan sa kaguluhan ng hindi nararapat na pagtugis. Ang kalagayan ay mabuway na anupa’t ang buong hukbo ng mga Muslim ay nanganganib ngayong malipol.

Page 22: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

22

Ang Propeta, na buong tapang na hinarap ang panganib na siya ay maging tudlaan ng pagsalakay ng kaaway, ay sumigaw nang malakas sa kanyang mga tauhan na magsama-sama sa palibot niya: “Sa akin, O mga lingkod ng Allah! Ako ang Sugo ng Allah.” Isang hudyat ito sa kaaway na ituon ang kanilang pagsalakay sa tanging dakong ito. Nakita ito ng mga Muslim, binagtas ang mga hanay ng kaaway, at nagtipong matatag sa palibot ng Propeta. Subalit nagtamo sila ng malubhang pagkalagas sa ganitong pagtatangka, napatay si Mus'ab ibn Umair na kahawig ng Propeta at kumalat ang balita sa lahat na dako na ang Propeta ay nasawi. Hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga Muslim.

"Lumaban tayo para sa layunin na ipinaglaban ng Propeta,” sabi ng isa sa kanila. Sa pagkakataong ito, ang Propeta ay nagtamo ng malubhang mga sugat at nabuwal, ngunit ang kalagayan ay naging matatag na kapuwa sa hukbo at sa Propeta na napaligiran sa lahat ng panig ng matatapat na mga kaibigan. Pinaramdam nila ang kanilang lakas sa kaaway nang magkaisa ang kanilang mga hanay sa mataas na lupa na may bundok na nagsasanggalang ng kanilang likuran. Nilisan ng Quraish ang pook ng labanan at naglakbay pabalik ng Mecca. Nang makiusap ang isang tao na manalangin ang Propeta para sa kapuksaan ng kaniyang mga kaaway, itinaas niya ang kaniyang mga kamay na nagwika ng: “O Allah! Patawarin mo ang aking bayan dahil hindi nila nauunawaan.”

Labanan ng Azhab/khandaq

Bagaman sa pagkakataong ito ay nasaktan ang mga Muslim ng matinding pinsala, alam ng Quraish na kahit na ang pagsalakay na ito sa Medina ay napatunayang wala talagang kinahinatnan. Sa madaling salita, matapos bumalik mula sa Uhud, sinikap nilang gisingin ang mga tribong Hudyo at Bedowin laban sa mga Muslim, at sa ganito sila ay matagumpay.

Ang mga Hudyo, Bedowin at Quraish ay nagbuklod upang bigyan ang Islam ng panlupig na dagok. Ang isang malaking hukbo ng 10,000 ay nalikom ng ikalimang taon ng Paglikas. Walang kakayahan ang mga Muslim na salubungin ang mga pulutong na ito sa lantad na pook ng labanan, kaya pinatibay nila ang tanggulan ng Medina sa pamamagitan ng paghuhukay ng kanal sa dako na walang depensa. Ang Propeta mismo ay sumali sa pahuhukay ng kanal gaya ng isang karaniwang manggagawa.

Natatakpan ng alikabok at nagkubkubli sa kanilang mga isip ang pangamba ng pagkalipol, masaya silang umawit nang sabay-sabay:

Page 23: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

23

O Allah! Kung hindi sa Iyong kahabagan, hindi sana kami napatnubayan nang wasto, Ni hindi rin kami nakapagbigay ng limos, ni hindi rin kami nakapanalangin sa Iyo.

Ihatid sa amin ang kapanatagan at itatag ang aming mga hakbang sa labanan,Dahil sila ay bumangon laban sa amin at nais nilang iligaw kami ng landas sa tulong ng dahas,

Subali’t tumanggi kami, nguni’t tumanggi kami.

Ang malaking hukbo ay nakarating na rin sa wakas sa Medina. Ito ay oras ng pagkatuliro para sa mga Muslim. Sa ganoon, ang Banal na Koran ay naglarawan ng dalamhati at kalituhan ng sandaling iyon:

Nang sila ay dumating sa inyo mula sa itaas ninyo at mula sa ibaba ninyo, at nang ang mga mata ay lumabo at ang mga puso ay umakyat sa mga lalamunan, at angilan sa inyo ay nagsimulang mag-isip nang magkaka-iba tungkol sa Allah. Sa bagay na iyan, ang mga mananampalataya ay sinubok nang mahigpit at inalog ng isangmalubhang pagkakalog. 19

Sa gitna ng tagpo ng pangamba at takot, ang puso ng mga Muslim ay puno ng pananampalataya:

At nang makita ng mga mananampalataya ang magkakaanib na mga tribo, kanilang sinabi: Ito ang ipinangako sa atin ng Allah at ng Kaniyang Sugo, at ang Allah at ang Kaniyang Sugo ay nagsalita ng katotohanan: at nadagdagan lamang ang kanilang pananampalataya at pagpapasakop. 20

Ang mga Muslim ay tumayong matatag sa buong buwan ng pagkubkob. Dumating ang nakasisindak na pag-ulan ng mga palaso at bato, subali’t hindi nila nasira ang depensa. Ginawa ang mga pag-atake at mabilis na naitaboy nang sunod-sunod. Ang pagkubkob ay nakapagpahina sa sumalakay na hukbo, na nagsimula ding kapusin ng mga panustos. Ang mga elemento ng kalikasan ay tumulong sa bandang huli sa magiting na depensa ng mga Muslim.

Isang bagyo ang nanalanta ng isang gabi na humampas sa mga tolda ng mga Quraish. Nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng magkakaanib ng

19 33:10,1120 20 33:22

Page 24: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

24

mga tribo at tumakas sila sa gabi, sa malaking kagalakan at pasasalamat ng mga Muslim.

Ang Kasunduan ng Hudhaibiyah

Ang Quraish ngayon ay nawalan na ng lahat ng pag-asa na maaari nilang madurog ang mga Muslim. Halos isang taon matapos ito, ang Propeta na kasama ng 1,400 (lumaganap ang Islam sa kabila ng mga digmaan) ay gumawa ng isang paglalakbay sa Mecca upang magsagawa ng mas mababang pilgrimahe, nguni’t natagpuan nila na handa ang Quraish na magtangka ng armadong pag-tutol sa kaniyang pagpasok sa Mecca, kahit na ito ay sa layunin lamang ng pagsasagawa ng isang banal na katungkulan, kinakailangan niyang huminto sa halos siyam na milya mula sa banal na lungsod, sa isang lugar na tinatawag na Hudaibiya. Ipinadala ang mga emisaryo upang makahanap ng isang mapayapang solusyon, nguni’t sila ay pinagmalupitan, at sa wakas isang tao na may mataas na kalagayan na si Uthman, ipinakatawan sa kaniya ang makipagkasundo, ay dinakip ng Quraish. Mapanganib ang kalagayan; ang kinatawan ng mga Muslim ay piniit at mayroon usap-usapan na siya ay pinaslang. Ang mga Muslim ay walang sandata kundi mga tabak na nasa kaluban kanilang dinala bilang kailangan sa paglalakbay sa bansa tulad ng Arabya, at nagpasiya sila na hindi sila babalik. Tinanggap ng Propeta ang isang pangako galing sa kanila, at nangako silang muli na sila ay lalaban hanggang kamatayan sa pagtatanggol sa Propeta na nais pataying ng kaaway. Ang pangakong ito ay kilala sa tawag na Bai’ak al-Ridzwan (Pangako ng Banal na Kasiyahan) sa kasaysayan ng Islam.

Ang paninindigang ito sa bahagi ng mga Muslim ay gumising sa Quraish sa katinuan at isang pansamantalang kapayapaan ay napagkasunduan hanggang sa panahon ng sampung taon, kasama ang mga sumusunod na kondisyon:

1. Ang mga Muslim ay dapat bumalik na hindi magsagawa ng isang pilgrimahe, kung saan ay maaaring bumalik sa susunod na taon.

2. Kung sakali na isa sa mga taga Mecca ay lumipat sa Medina, ibabalik siya ng mga Muslim sa Mecca, nguni’t kung sinuman sa mga Muslim ang lumipat sa Mecca, ang Quraish ay walang pananagutan na ibalik siya sa mga Muslim.

3. Ang mga tribo sa Arabya ay may kalayaan na pumasok sa anumang alyansa sa alinmang pangkat na piliin nila.

Madaling mapansin ang mabigat na halaga na handang bayaran ng Propeta alang-alang sa kapayapaan. Sumang-ayon siya na huwag magbigay ng kanlungan sa mga pinag-uusig dahil sa pagtanggap ng Islam,

Page 25: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

25

samantalang ang kaniya mismong mga tao ay malaya na sumama sa mga hindi sumasampalataya at maghananap ng kanlungan sa Mecca.

Ang lakas ng moralidad ang siyang umaakit sa mga tao sa Islam ay totoong kahanga-hanga. Wala kahit isang Muslim ang nagbalik sa Mecca na doon siya ay tiyak na makakakuha ng silungan. Sa kabilang banda, maraming bilang ng mga taga Mecca ang tumanggap ng Islam.

Sa pagkakita na ang mga pinto ng Medina ay nakasara sa kanila, manirahan sila sa Is, isang pook na hindi sakop ng kapangyarihan ng Propeta o ng Quraish. Ang Islam ay lumaganap sa kabila ng karahasan.

Ang Pag-anyaya ng Islam sa labas ng Arabia.

Matapos bumalik mula sa Hudaibiyah, gumawa ang Propeta ng kaayusan na ipahatid ang mensahe ng Islam sa lahat ng mga tao, mga Kristiyano man o mga Mago na nakatira sa mga hangganan ng Arabya. Nagpadala siya ng mga liham sa mga soberano ng mga karatig na kaharian, Emperador ng Roma, Chosreos II ng Persiya, ang hari ng Ehipto, Negus ng Abisinya, at ilang mga pinuno ng Arabya, na inaanyayahan sila sa Islam. Ang liham sa Emperador ng Roma ay ginamitan ng sumusunod na mga pananalita:

Sa pangalan ng Allah, ang Mapagkalinga, ang Mahabagin. Mula kay Muhammad, na lingkod ng Allah at ang Kaniyang Sugo, kay Heraclius, ang pinuno ng mga Romano.

Kapayapaan ang sumakaniya na sumusunod sa patnubay. Matapos ito, inaanyayahan ko kayo ng paanyaya sa Islam. Maging isang Muslim at kayo ay magiging payapa – pagkakalooban kayo ng Allah ng ibayong gantimpala, nguni’t kung kayo ay tatalikod, mapapasa inyo ang kasalanan ng inyong mga sakop.

At, Oh mga tagasunod ng Aklat! Magkaroon ng makatarungang panuka sa pagitan namin at ninyo na hindi tayo maglilingkod sa iba kundi sa Allah, at wala tayong iuugnay na anuman sa Kaniya at hindi dapat ituring ng ilan sa atin ang iba bilang mga panginoon kundi ang Allah; nguni’t kung sila ay tumalikod, kung gayon ay sabihin:

Sumaksi na tayo ay mga Muslim. 21

Sa mga pinadalhan ng liham, tinanggap ni Negus ang Islam. Nagpadala ng ilang mga regalo ang hari ng Ehipto bilang tugon. Ang

21 21 Bukhari I:I

Page 26: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

26

Emperador ng Roma ay humanga, subali’t ang kaniyang mga heneral ay tutol. Samantala, pinunit ng Chosroes ang liham at nagpadala ng kautusan sa gobernador ng Yemen na dakpin ang Propeta.

Nang makarating ang mga kawal ng gobernador sa Medina upang ipatupad ang kautusan, sinabi ng Propeta sa kanila na patay na ang Chosroes at wala na ang hari ng Persiya. Bumalik sila na dala ang ulat na ito sa gobernador ng Yemen at napag-alaman na ang Chosroes II ay talaga ngang pinaslang ng kaniyang anak na lalaki sa mismong gabi na ibinabala ng Propeta. Ang kaganapang ito ay humantong sa kumbersiyon ng gobernador sa Islam at sa huli ay ang pagkahagis ng pamatok ng Persiya.

Ang malaong pagsakop sa Makkah

Ang kasunduan sa Hudaibiya ay halos wala ng bisa sa loob ng dalawang taon nang salakayin ng Banu Bakr, isang kaalyado ng Quraish, ang Khuza’a na isa naman kaalyado ng mga Muslim, sa tulong ng Quraish.

Ang Propeta ay nagparating ng pasabi hinggil dito sa Quraish na dapat silang magbayad ng perang pang-areglo sa kamag-anak ng mga napatay mula sa Khuza’a o tumiwalag sila sa Banu Bakr, o ang huling remedyo na ihayag na ang kasunduan sa Hudaibiya ay wala ng bisa.

Hindi sumang-ayon ang Quraish sa alinman sa unang dalawang mungkahi at ang resulta ay ang pagpapawalang-saysay ng kasunduan. Ang Propeta ay nag-utos may kaugnayan dito ng pagsalakay sa Mecca sa pagtatapos na mga buwan ng ikawalong taon ng Paglikas. Ang dalawang taong pag-iral ng kasunduan ay nagdala sa marami sa Islam na anupa’t ang Propeta ngayon ay lalakad patungong Mecca na may kasamang 10,000 sa ilalim ng kaniyang bandila.

Ang mga taga Mecca ay walang kakayahan na gumawa ng anumang paghahanda upang salubungin ang pagsalakay. Humiling ng kapatawaran si Abu Sufyan, ang pinuno ng Mecca, sa pook ng Marr al-Zahran, isang araw na lakbayin mula sa Mecca, at pinatawad siya ng Propeta bagaman siya ay pangunahing manlalabag na gagawin ang lahat malipol lamang ang Islam. Ang pananakop sa Mecca ay halos walang pagdanak ng dugo.

Walang kakayahan ang Quraish na sagupain ang hukbong ito at ipinahayag ng Propeta ang pangkalahatang pagpapatawad, tinitiyak ang kaligtasan ng lahat na mga pumasok sa tahanan ni Abu Sufyan, o magsara

Page 27: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

27

ng pinto ng kanilang mga bahay or pumasok sa mga banal na looban ng Ka’ba. Ang pagyakap sa Islam ay hindi bahagi ng mga kondisyon na tumitiyak ng kaligtasan ng buhay at ari-arian. Mayroong mga mahigpit na kautusan sa sumusugod na hukbo na dapat ay walang pagdanak ng dugo. Mayroon lamang na ilang bilang ng nasawi dahil kay Ikrima, anak ni Abu Jahl, nang salakayin nila ang isang bahagi ng hukbo ng mga Muslim sa ilalim ni Khalid, na ngayon ay isang ng Muslim.

Ang unang ginawa ng Propeta nang mapasok ang Mecca ay nilinisin ang Ka’ba sa mga idolo. Nagsalita ang Propeta sa oras na iyon sa nagkatipong Quraish na nagkasala ng kasuklam-suklam na mga kasalanan laban sa mga Muslim. Sila ay nakatayo sa harap niya ngayon bilang mga salarin na nagmalupit sa mga Muslim, nagpataw sa kanila ang pinamalupit na pahirap, pumatay ng marami sa kanila sa kanila at sa huli pinatalsik ang mga ito mula sa Mecca. Hindi man nila hinayaan ang mga Muslim na mamuhay nang tahimik sa kanilang bagong tahanan sa Medina, nguni’t sinalakay nila ang lungsod ng tatlong ulit sa pamamagitan ng malalaking mga hukbo na alam naman nila na ang mga Muslim ay walang kaparaanan na sumagupa. Ito ang mga tao na nasa ngayon ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Propeta, at tinanong sila: “Anong pakikitungo ang inaasahan ninyo mula sa akin?”

Kilala nila ang dating al-Amin. Kilala nila na si Muhammad ay may mapagbigay na puso sa loob ng kaniyang dibdib. "Ikaw ay isang marangal na kapatid, ang anak na lalaki ng isang marangal na kapatid," ang walang atubili nilang sagot. Subalit sa pakikitungong ibinibigay ni Muhammad sa kanila ay higit sa kanilang inaasahan. "Sa araw na ito," sinabi niya sa mga salita ni Yusuf sa kanyang mga kapatid na lalaki, "walang paninisi laban sa iyo." 22

Hindi pa rin sila mananampalataya, nguni’t tandaan ang kagandahang-loob ng dakilang kaluluwa na hindi man lamang nanisi dahil sa kanilang mga masasamang gawa, na hinayaan sila na malaya kahit hindi kinunan ng pangako para sa hinaharap.

Ito ay isang tunay na patotoo ng kapuri-puring utos, Mahalin mo ang iyong kaaway. Hindi lamang ang Mecca ang nasakop, ngunit kasama nito ang pagsakop din sa mga puso ng mga pinakalupit na kaaway ng Islam.

Nakita ng kanilang mga sariling mata kung paano ang pinagsamang lakas ng oposisyon na inalay ng buong bansa ay napatunayang isang lubos na kabiguan laban sa makapangyarihang katotohanan na nagmula sa mga

22 19.92

Page 28: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

28

labi ng isang tao na tumayong mag-isa sa gitna ng lahat ng pagsalungat. Ang kabanalan ng ipinaglalabang paniniwala ay ngayon lang naging napakalinaw sa kanila at ang mga kalalakihan at kababaihan ay kusang-loob na lumapit upang yumakap sa pananampalataya. Wala kahit isang pagkakataon ng kombersiyon sa pamamagitan ng dahas.

Yaong mga naninindingan pa rin sa dating relihiyon ay pinakikitunguhan ng kabaitan bilang ng mga kasapi ng kapatiran. Kahit na ang isang hindi kapanalig na kritiko ay umamin:

Kahit na ang lungsod ay may kagalakang tinanggap ang kanyang awtoridad, hindi lahat ng mga naninirahan ay yumakap sa bagong relihiyon o pormal na kinilala ang kanyang pag-aangkin bilang Propeta. Marahil sinadya niyang sundan ang landasin na kaniyang itinaguyod sa Medina at hayaan ang pagbabagong-loob ng mga tao na unti-unting maganap nang walang pamimilit. 23

Ang pagbagsak ng Mecca ay isang hudyat sa buong Arabya. Sa katunayan, ang Quraish ay karaniwang nasa ilalim ng lahat ng mga organisadong oposisyon. Maliban sa labanan sa Hunain na kinakailangang isagawa kontra sa Hawazin matapos ang pagsakop ng Mecca, ang karaniwang labanan sa pagitan ng mga Muslim at di-Muslim ay natapos na sa buong Arabya, at kahit na sa Hunain, ang mga hindi naniniwalang taga Mecca ay nakidigma sa panig ng mga Muslim.

Ang Ekspedisyon ng Tabuk

Ang Islam ay naging malaya na ngayon mula sa kaluguluhang panloob, datapuwa’t minamasdan ng kapangyarihang Kristiyano sa hilaga ang kaniyang puwersa nang may pagmamatyag, at ang patuloy na mga balita ng paghahanda ng Imperyo ng Roma sa paglusob sa Arabya ay hindi maaaring ipagwalang bahala. Ayon sa nararapat, pinamunuan mismo ng Propeta ang hukbo ng 30,000 tao tungo sa hilagang hangganan noong ikasiyam na taon ng paglikas.

Nang marating niya ang Tabuk, gayunpaman, nahatak niya na ang kaniyang hanay pakikipagbaka ay may bisa na makapigil sa kaaway, at dahil wala ang kaaway na puwersa sa larangan, bumalik ang Propeta na hindi man

23 Muir, op cit

Page 29: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

29

umatake sa mga Romano o nagpahayag ng digmaan laban sa kanila. Sa katunayan, laging sinusunod ng Propeta ang kautusan ng Koran na makidigma lamang sa mga nagtaas nang una ng tabak laban sa mga Muslim.

Matapos ng pagbabalik mula sa Tabuk, ang kapayapaan ay tila naitatag na sa peninsula, ngunit ang nasasakupan ng mga Muslim ay pinamumugaran ng mga pulutong ng mandarambong na kasapi ng mga tribong pumasok sa kasunduan sa estado ng mga Muslim, subali’t sila ay may bahagya lamang na paggalang sa kanila mga kompromiso. “Sila na ginawan mo ng kasunduan, sumisira sa kanilang pagkakasundo sa bawa’t pagkakataon at wala silang pagpapahalaga sa kanila mga tungkulin.” 24 Ang mga taong ito ay naging isang banta sa seguridad ng buhay at ari-arian, at kaya naman sa pagtatapos ng ikasiyam na taon ng Hijra, pinapunta ng Propeta si Ali upang magpahayag ng isang mahalagang deklarasyon ng kalayaan hinggil sa mga ganoong kasunduan sa taunang pilgrimahe sa Mecca. Ang deklarasyon ito ay nasasaad sa mga panimulang talata ng kabanatang may pamagat na Ang Kalayaan sa Kasunduan: “Ito ay isang pahayag ng kalayaan sa pananagutan mula sa Allah at sa Kaniyang Sugo para sa mga mananamba sa diyos-diyosan na ginawan mo ng kasunduan.” 25

Ang mga mushrik na tinutukoy ay ang ating unang pinag-uusapan sa naunang kabanata, : “Sila na ginawan mo ng kasunduan, sumisira sa kanilang pagkakasundo sa bawa’t pagkakataon.” Nilinaw ito sa mga sumusunod na ilang talata na nagbubukod nang may pagsang-ayon sa mga hindi lumabag sa kanilang mga kasunduan:

Maliban sa mga idolotroso na ginawan mo ng kasunduan na hindi naman nagkulang sa inyo sa anumang bagay at hindi tumulong sa kaninuman laban sa inyo, kaya dapat ninyong tuparin ang kasunduan sa kanila hanggang sa pagtatapos ng mga taning nito, sapagka’t mahal ng Allah ang mga nagpapahalaga sa kanilang mga tungkulin. 26

At muli:

Paano ba magkakaroon ng isang kasunduan para sa mga mushrik maliban lamang sa mga ginawan mo ng kasunduan sa Banal ng Bahay Dalanginan; kaya’t hanggang tapat sila sa inyo maging tapat din kayo sa kanila, sapagka’t mahal ng Allah ang mga nagpapahalaga sa kanilang mga tungkulin. Papaano mangyayari ito! Dahil kung sila ay mananaig laban sa inyo, hindi sila mag-uukol ng pagpapahalaga sa mga tali ng inyong ugnayan o maging sa kanilang kasunduan; binibigyan kayo ng kasiyahan ng kanilang mga bibig habang ang kanilang mga puso ay hindi sumasang-ayon

24 8:5625 25 9:1

Page 30: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

30

atkaramihan sa kanila ay masuwayin…Hindi nila bibigyan ng halaga ang mga tali ng inyong ugnayan o ang kanilang kasunduan sa isang mananampalataya, at ang mga ito ay lumampas sa mga hangganan.

Ang may kinalamang mga idolotroso ay nakipagkita kay Ali na may ganitong tugon: “O Ali! Dalhin mo ang pasabing ito sa pinsan mo (ang Propeta) na aming iniwaksi ang mga kasunduan at wala ng kasunduan sa pagitan niya at namin .” Ang matatag na saloobin ng Propeta ay humantong sa pagsuko ng mga tribo at ang napagkasunduang kalagayan ng kapayapaan ay nangibabaw sa buong peninsula.

Ang deklarasyong ito ng kalayaan mula sa kasunduan na ukol sa mga sumusuway ay paminsan-minsan na nauunawaan nang may kamalian bilang pagpapawalang-bisa ng mga kondisyon ng digmaan na inilatag sa simula: “Lumaban sa mga lumalaban sa inyo at huwag lalampas sa hangganang ito.” Bilang isang bagay na totoo, kalagayan na inilatag noon ay nanatiling may bisa hanggang sa katapusan. Ang isang malinaw na katibayan nito ay ang pagbabalik ng Propeta mula sa Tabuk na walang pagsalakay na naganap sa lupaing sakop ng Roma o ng alinmang pook na saklaw ng alinmang tribo.

At kahit natapos ang deklarasyon ng kalayaan, ang mga Muslim ay kinakailangang makilaban sa mga taong unang sumalakay sa kanila:

Ano! Hindi ninyo ba lalabanan ng mga taong sumira ng kanilang mga panunumpa at nagbalak mapatalsik ang Sugo at sumalakay sa inyo nang una?

Ang mga delegasyon na nagpasimula nang dumating sa Propeta ng ikasiyam na taon ng Paglikas upang malaman ang katotohanan tungkol sa Islam ay higit ngayong dumami. Dumating ang mga tao mula sa iba't ibang sulok sa lahat ng dako ng Arabya at yumakap sa Islam sa kanilang sariling malayang kalooban. Nang maitatag ang kapayapaan kapagdaka, ang Islam ay lumaganap nang daglian at maramihan, at nasaksihan ng ikasampung taon ng Paglikas ang pagbabalik-loob ng buong Arabya sa Islam, kabilang ang ilang mga tribong Kristiyano.

Hindi lamang ito isang kombersiyon sa kahulugan na ang idolatriya ay tinalikdan para sa pinaka-dalisay na pagsamba sa iisang Diyos mula sa isang dulo ng malawak na peninsula hanggang sa kabilang dulo; ito ay isang pagbabago sa lahat ng mga pitak ng buhay. Ang buong takbo ng buhay ng buong bansa ay nabago – kamangmangan, pamahiin at barbarismo ay nagbigay daan sa pagpapalaganap ng kaalaman at sa makatwirang pananaw sa lahat ng aspeto ng buhay.

Page 31: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

31

Ang huling pilgrimahe ng Propeta (SAW)

Sa katapusan ng ikasampung taon ng Hijra, ang Propeta ay naghanda upang magsagawa ng pilgrimahe sa Mecca. Samantalang ang buong Arabya ay Muslim na ngayon, wala isa mang idolotroso sa malaking kalipunan ng 124,000 na mga pilgrimo na nagkatipon sa Mecca na nagmula sa lahat ng sulok ng bansa. Ang mismong lugar na kung saan ang Propeta ng nakaraang dalawampung taon ay isang taong itinakwil, na walang gusto makinig sa kaniya, ay isa ngayong tanawin ng kahanga-hangang debosyon sa kanya.

Saan man dako siya tumingin, nakita niya ang mga pulutong ng kaibigan na kumikilala sa kaniya bilang kanilang pinunong temporal at espiritwal. Isang nakakapukaw na kapahayagan ng Banal na kapangyarihan sa kaniya at gayundin sa mga nagkatipon doon. Dito ng ikasiyam na araw ng Dhul Hijja, ang araw ng pagtipun-tipon ng mga pilgrimo sa Bundok Arafat, tinanggap niya ang isang pahayag mula sa Itaas na naghatid ng matinding kagalakan sa maraming nagkakatipon.

“Ginawa Kong ganap ang inyong relihiyon para sa inyo at nalubos na ang Aking kalooban at pinili ang al-Islam bilang isang relihiyon para sa inyo.” 26

Kapansin-pansin, nadama ng Propeta na ang mensahe ng kaganapan ng relihiyon ay nangangahulugan ng kaniyang nalalapit na pamamaalam. Sa dakong ito niya binigkas ang sumusunod na sermon – ang sermon ng Islam sa Bundok – ukol sa buong Arabya sa pamamagitan ng mga kinatawan ng mga tribo na nanggaling sa bawat panig:

O bayan! Matamang makinig sa akin, dahil sa hindi ko alam kung pagkaraan nito ay magkakaroon pa ako ng pagkakataon na magkita tayong muli dito…Ipinababatid ko sa inyo na ang inyong mga buhay, ang iyong mga ari-arian at ang inyong karangalan ay dapat na banal sa isa’t isa, sa banal na araw na ito, sa banal na buwan na ito, sa banal na lungsod na ito.

Hayaang ipaalam ng mga naririto ang mensahe ito sa mga wala dito.Haharap kayo sa inyong Panginoon na tatawag sa inyo upang magbigay-

sulit sa inyong mga gawa…

O bayan! Nawalan ng pag-asa si Satanas sa araw na ito na muli niyang itatag ang Kaniyang kapangyarihan sa lupain ninyo. Subali’t kung sundin ninyo siya kahit sa isang bagay na parang walang halaga, magbibigay ito ng kasiyahan sa kaniya. Kaya dapat na nag-iingat kayo sa kaniya sa bagay ng inyong pananampalataya.

26 5:3

Page 32: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

32

O aking bayan! Mayroon kayong mga karapatan sa inyong mga asawang babae at gayundin ang inyong mga asawang babae sa inyo…Ipinagkatiwala sila ng Allah sa inyong mga kamay. Kaya dapat ninyo silang pakitunguhan nang may kabaitan…At tungkol sa inyong mga alipin, tiyakin na bigyan ninyo sila ng pagkain na kinakain ninyo mismo at damitan sila ng anuman dinadamit ninyo sa inyong mga sarili.

O bayan! Makinig sa kung ano ang sinasabi ko at isapuso ito. Dapat ninyong malaman na ang bawa’t isang Muslim ay kapatid ng isa pang Muslim. Kayong lahat at pantay-pantay at mga kaanib ng isang kapatiran. Ipinagbabawal sa kaninuman sa inyo na kumuha ng kahit ano sa kaniyang kapatid malibang ibibigay niya nang maluwag sa loob. Huwag gumawa nang labag sa katarungan sa inyong bayan.

Nang sandaling iyon, ang Propeta ay humiyaw nang malakas:O Allah! Inihatid ko ang Iyong Mensahe,

At ang lambak ay umalingawngaw sa ganito mga salita:Opo! Tinupad ninyo.

Tinatawag ito na Pamamaalam na Pilgrimahe ng Propeta. Nagkasakit siya nang hindi pa natatagalan matapos niyang bumalik sa Medina. Pumunta pa siya noong una sa moske upang manguna sa mga panalangin kahit na sa panahon ng kaniyang karamdaman, nguni’t naging masyado siyang mahina nang kalaunan at hinirang niya si Abu Bakr upang manguna sa mga dasal. Pagkatapos ng labingdalawang araw ng pagkakasakit, noong ikalabindalawa ng Rabi’l, Lunes ng ikalabinisang taon ng Paglikas, ay ipinakatiwala niya ang kaniyang kaluluwa to kaniyang Maylikha. Ang kaniyang mga huling salita ay:

Salah Salah Salah.

Pinagpalang Pakikipag-ugnayan sa Kaitas-taasan.

Ang pinakabukod tanging katangian sa buhay ng Propeta ay ang kahanga-hangang tagumpay na kaniyang nakamit. Ang lubos na pagbabago na naganap sa loob ng maigsing panahon na mas maigsi pa sa sangkapat ng isang siglo ay tunay na walang katulad sa kasaysayan ng daigdig. Walang isa mang repormista na naging sanhi ng lubos na pagbabago ng buhay ng isang bansa na tumatahan sa isang napakalawak na lupain.

Page 33: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

33

Sa katunayan, walang nakatagpo sa kaniyang bayan sa lalim ng kadustaan na gaya sa pagkasumpong ng Propeta sa mga Arabe, at walang isa mang nagtayo sa kanila sa taas ng materyal, moral at espiritwal na katulad nang ginawa niya. Napakalalim ng ugat ng kanilang idolatriya, napakatibay ng tali ng kanilang mga pamahiin at kaugalian na anupa’t walang nagawa kahit bahagya man ang masikap na propaganda ng mga Hudyo at Kristiyano, na itinaguyod nilang magkahalili sa mga daang taon, sa tulong ng materyal na kapangyarihan ng mga kaharian.

Ang kilusang katutubo ng mga Hanif sa Arabya ay napatunayang higit na bigo. Ang lahat ng mga pagsisikap para sa reporma ay nag-iwan sa mga Arabe na isang bansa na mangmang sa mga tuntunin ng relihiyon at moralidad na gaya pa rin ng dati. Ang gawain ng Propeta sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, gayunman, ang talagang nagpabago sa kanila.

Ang epekto ng kanyang pamamahayag sa mga Arabe.

Ang pagsamba sa mga idolo at sa lahat ng mga bagay na maliban sa Diyos, maging sa langit o sa lupa, ay itinuturing ngayon na isang kahihiyan sa sangkatauhan. Walang bakas ng isang idolo ang naiwan sa buong buong Arabya.

Ang buong bansa ay nagising sa isang kahulugan ng tunay na dangal ng pagkatao at napagtanto ang kahangalan ng pagpapatirapa sa harap ng mga bagay na ginawa ng tao upang mamahala at sa harap ng mga kapangyarihan na kailangan niyang pagtagumpayan. Ang pamahiin ay nagbigay ng dako sa isang makatuwirang relihiyon.

Ang Arabe ay hindi lamang nalinis sa malalim na bisyo at lantarang imoralidad, kundi nabigyan siya ng higit ng sigla na may maalab na hangarin para sa pinakamahusay at pinakamarangal na mga gawa sa paglilingkod, hindi para sa alinmang bansa at bayan, kundi sa mas mataas pa kaysa kanila, ang sangkatauhan.

Pagbabago sa mga kaugalian, pamahiin at tradisyon.

Page 34: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

34

Natanggal ang mga lumang kaugalian na nagsasangkot ng pang-aapi at inhustisiya sa mga mahihina at inaapi sa tila kumpas ng baston ng isang salamankero, at pumalit ang mga makatarungan at makatuwirang batas. Ang kalasingan, na kung saan ang Arabya ay gumon mula nang napakatagal na panahong lumipas, ay naglaho nang lubusan na naupa’t hindi na matagpuan ang mga kopita at sisidlan na ginagamit sa pag-inom at pag-imbak ng alak. Pagsusugal ay lubos na hindi na alam at ang malayang sekswal na relasyon ay nagbigay ng daan sa pinakamataas na pagpapahalaga sa kalinisang-puri.

Ang Arabe na nagmalaki ng kanyang sariling kamangmangan ay naging mangingibig ng kaalaman, umiinom nang malalim sa bawat bukal ng karunungan na kung saan siya ay maaaring makalapit. Ang pinakadakila sa lahat, mula sa isang Arabya, ang iba’t ibang bahagi ay putuloy na nakikidigma sa bawa’t isa kaya ang buong bansa ay nasa bingit ng pagkalipol, ay tunay ngang “nasa bingit ng hukay sa apoy,” 27 gaya ng pagkahulugan nang maigsi ng Banal na Koran – mula sa mga naghihiwaan at nagdidigmaang elemento, pinagkaisa ng Propeta ang isang bansa, isang nagkakaisang bansa na puno ng buhay at sigla, na sa kaniyang pagsulong ang mga pinakadakilang kaharian ng daigdig ay nagkalansag-lansag na parang mga laruan sa harap ng katotohanan ng bagong pananampalataya. Walang tao kailanman ang huminga ng gayong bagong buhay sa ganoong kalawakan na antas – isang buhay na nagpapabago sa lahat ng mga aspeto ng gawain ng tao; isang pagbabagong-anyo ng indibidwal, ng pamilya, ng lipunan, ng bayan, ng bansa; isang paggising sa materyal at gayundin sa moral, intelektuwal at gayundin sa espiritwal. Narito ang ilang mga patotoo mula sa mga manunulat na di-Muslim:

Ang pag-asa sa hinaharap ng Arabya bago dumating si Muhammad ay hindi kanais-nais kagaya ng kalagayan ng reporma sa relihiyon, pagkakaisa sa pulitika at pagbabagong-anyo ng bansa. Ang pundasyon ng pananampalataya sa Arabya ay ang idolatriya na nag-ugat na nang malalim na sa nakaraang panahon, naging malayo, na walang malinaw na palatandaan ng panghihina laban sa bawa’t tangka ng ebanghelismo mula sa Ehipto at Sirya.28

27 3:10328 Sir William Muir

Page 35: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

35

Noong kabataan ni Muhammad, ang pananaw ng Peninsula ay matinding makaluma; marahil ang reporma ay higit na walang pag-asa gaya nang nakaraang panahon. 29

Ang mga katuwiran ay minsang ipinamamanhik upang ipaliwanag ang mga resulta na ibinunga ng isang kinatawan na kapansin-pansin na bigo upang isakatuparan ang mga iyon. Tumayo si Muhammad at kaagad na pinukaw ang mga Arabe sa isang bago at espirituwal na pananampalataya; kung gayon, ang konklusyon na nasaproseso ang Arabya sa pagbabago, at handa na sa pag-angkop dito. Sa atin na nagsusuring mahinahon sa nakaraan, ang kasaysayan mismo bago dumating ang Islam ang mangpapasinugaling sa pag-aakalang nabanggit. 30

Sa panahong lipas na sa alaala, ang Mecca at ang buong Peninsula ay

nasa mataas na antas ng espirituwal na pagka-manhid. Ang mga bahagya at pansamantalang impluwensiya ng Hudaismo Kristiyanismo, o pagsisiyasat ng pilosopiya sa kaisipan ng Arabe ay tulad ng pagpaspas na paroo’t parito sa ibabaw nang tahimik na lawa; ang lahat ay nanatiling payapa at walang galaw sa ilalim.

Ang mga tao ay nakalubog sa pamahiin, kalupitan at bisyo…Ang kanilang relihiyon ay isang malubhang idolatriya; at ang kanilang pananampalataya, ang madilim na pamahiin ng kakila-kilabot ng mga bagay na hindi nakikita…Labintatlo taon bago ang Hijra, ang Mecca ay nakaratay sa napakababang kalagayang ito. Anong pagbabago ang naganap sa loob ng labintatlong taon… Matagal nang narinig ng mga lalaki sa Medina ang katotohang mula sa mga Hudyo, subali’t nagising lamang sila sa kanila pagkatulog at bumangon kapagdaka sa isang bago at taimtim na buhay nang napakingan ang himig ng Propeta sa Arabya. 31

Pagsilip sa kanyang katauhan.

Gayunpaman, masasabi namin marahil na walang kasaysayan ang maaaring makapagmamalaki ng mga pangyayari na pumupukaw ng imahinasyon sa mas masiglang paraan o magiging higit na kamangha-mangha sa kaysa kaganapan mismo, higit sa mga taong aming nakilala sa buhay ng mga unang Muslim; kahit na ituring naming ang Dakilang Puno o ang kaniyang mga ministro, ang pinaka-mabunyi sa mga tao; kahima’t isaalang-alang namin ang kagandahang-asal ng mga bansa na kaniyang

29 ibid30 ibid

31 Sir William Muir

Page 36: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

36

sinakop; o pansinin ang kagitingan, kabutihan at pagkaunawa na pantay na nangibabaw sa kaniyang mga heneral at kawal. 32

Mahirap hanapin ang higit na magkakasalungat na lahi hanngang sa maganap bigla ang himala. Isang tao ang lumitaw na sa pamamagitan ng kanyang pagkatao at ng kaniyang pag-aangkin ng tuwirang Banal na pamatnubay ay tunay na pinangyari ang imposible,ang pagkakaisa ng mga naglalabang pangkatin. 33

Wala kailanman na ang isang lahi ay inakay nang may kabilisan kaysa mga Arabe sa pamamagitan ng Islam. 34

Tulad noon, sa madaling sabi, ay ang kalagayan ng mga Arabe sa lipunan at relihiyon, nang gamitin ang pananalita ni Voltaire ... ‘ang pagkakataon ng Arabya ay dumating’; na ang panahon ay dumating para sa pinakaganap, ang pinakamabilis at ang pinakapambirang rebolusyon na kailanman ay dumating sa kahit anong bansa sa lupa. 35

Sa lahat ng mga personalidad sa relihiyon, si Muhammad ay ang

pinaka-matagumpay. 36

Ang taong nagdala ng pinaka-masusing pagbabago ng isang bansa sa loob ng dalawampung taon; na nag-iisa at walang katulong na nag-alis ng bisyo at imoralidad mula sa buong bansa na kung saan nabigo ang pinakamasipag na pagsisikap ng isang makapangyarihan na misyonerong bansa, na sa pamamagitan ng kanyang personal na halimbawa ay nagdalisay sa buhay ng malawak na bilang ng sangkatauhan;

kaya ba iyon ng isang tao ang kaniyang sarili mismo ay nasa mahigpit na kapit ng kasalanan?

Ang isang maruming tao ay hind maaaring patuloy na mangaral ng kalinisang-puri; papaano niya maaakay ang iba at palayain sila sa kasalanan, at nagbigay sigla sa kaniyang mga kawal at heneral sa damdamin ng kalinisan?

32 Life of Muhammad, by Count of Boulainvilliers33 Ins and Outs of Mespot34 New Researches, by Hirschfeld35 Bosworth Smith36 Encyclopedia Britannica, 11th edition, Art. “Koran.”

Page 37: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

37

Kaya ba ng isang taong kumakapa sa dilim ay mag-akay sa iba sa liwanag? Gayunpaman, ang Propeta - ang dakilang tagapagligtas ng sangkatauhan mula sa pagkaalipin ng kasalanan - ay tinatawag na makasalanan dahil sa isang yugto sa kanyang buhay siya nagka-asawa na higit sa isa.

Kahit anong pagtingin ng modernong mundo sa poligamya, walang pag-aalinlangan na ang pag-aasawa ng marami ay matatagpuan sa buhay ng mga dakilang personalidad sa relihiyon, na nabuhay nang may nakahihigit na kadalisayan sang-ayon sa nagkakaisang opinyon. Si Abraham, na pinaniniwalaan ng mahigit sa kalahati ng mundo hanggang sa ngayon, ay mayroong asawa ng higit sa isa.

Katulad ng mga halimbawa nina Jacob, Moises at David sa gitna ng mga Israelita, at ng mga sitwasyon ng ilang pinipitagang Hindu. Gayunpaman, totoo na ang mga dakilang pantas na ito ay hindi inaakay ng mahalay na pagnanasa sa buhay poligamista. Ang kalinisan sa lahat ng aspeto ay ang nabubukod tanging katangian ng kanilang buhay, at ang katotohanang ito ay sapat na upang tuligsain ang pagtatangka na siraan sila batay sa pagpili nila sa poligamya.

Mahirap sabihin hanggang ngayon kung ano ang layunin nila sa paggawa nito sa dahilan na ang kanilang mga kasaysayan ay nababalot sa hiwaga. Dahil sa ang buhay ng Propeta ay maaaring mabasa sa ganap na liwanag ng kasaysayan, kunin natin ang kaniyang detalyadong halimbawa.

Ang talambuhay ng Propeta ay maaaring hatiin sa apat na panahong may kaugnayan sa kaniyang buhay pantahanan. Namuhay siya nang walang asawa hanggang edad dalawampu’t lima; namuhay siya na kasal sa iisang asawa mula sa edad na dalawampu’t lima hanggang limamput’s apat; nakipagkasundo siya ng ilang mga pag-aasawa mula edad limamput’s apat hanggang animnapu; at sa katapusan, hindi na siya nagpakasal mula edad animnapu hanggang sa kaniyang kamatayan.

Ang panahon ng buhay na walang asawa ay ang pinaka-mahalagang panahon upang matukoy kung alipin nga ang Propeta ng kanyang mga pagnanasa.

Kung hindi siya ang ganap na kontrolado ang kaniyang silakbo ng damdamin, hindi siya maaaring mamuhay nang katangi-tangi, na nagbigay sa kaniya ng pamagat na al-Amin, sa edad na dalawampu’t lima sa isang

Page 38: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

38

mainit na bansang tulad ng Arabya na kung saan ang kaganapan ay kailangang maganap nang maaga at ang simbuyo ng damdamin ay higit na malakas. Kapag hinamon sa bandang huli, hindi naman maituro ng kanyang mga pinakamatinding kaaway ang isa mang mantsa sa kaniyang pagkatao.

Ayon kay Muir, ang lahat ng mga awtoridad ay sang-ayon na “ipalagay sa kabataan ni Muhammad ang kababaang-loob na pagkilos at kalinisan ng pag-uugali na pambihirang matagpuan sa mga tao sa Mecca.” Yayamang ang kabataan ay isang panahon ng magulong pag-agos ng mga pagnanasa, at ang isang tao na may kakayahang sumupil ng mga pagkahilig sa kaniyang kabataan, at na sa buhay na walang asawa, mahirap marahil na akalain na siya ay babagsak na biktima sa kalibugan sa kaniyang katandaan. Kaya ang unang panahon ng kaniyang buhay, ang kaniyang buhay na walang asawa hanggang sa gulang na dalawampu’t limang taon, ay kapani-paniwalang patunay na hindi siya maaaring mahulog bilang biktima ng kaniyang maiinit na damdamin.

Dapat tandaan na may kaugnayan sa lipunan ng Arabya sa panahong walang moral na pumipigill sa isang buhay imoral, kaya hindi masasabing siya ay nahadlangan mula sa masamang landas ng moral na pwersa ng lipunan. Ang kahalayan, sa kabilang dako, ay ang kaayusan ng kapanahunan; at ang Propeta ay namuhay nang nakahihigit na kalinisan sa kabila ng pagmamalaki ng mga tao sa kanilang mga malayang sekswal na relasyon; at samakatuwid, ang lahat na kredito ay utang sa kalinisan ng kaniyang pagkatao.

Personal niyang buhay.

Tingnan ngayon ang sunod na panahon, ang panahon ng isang monogamyang buhay may asawa.

Pinakasalan ni Muhammad si Khadija, isang balo na mas matanda ng labinglimang taon, nang siya ay dalawampu’t limang taon gulang, at namuhay na buong tapat sa kaniya hanggang kaniyang kamatayan, nang siya ay limampu’t limang taong gulang.

Ang poligamya ay ang tuntunin sa Arabya sa panahong iyon; at ang asawa ay walang dahilan upang magreklamo o magmaktol kung ang asawang lalaki ay magdala ng ikalawa o ikatlong asawa. Ang Propeta ay nabibilang sa pinaka-marangal na pamilya ng Quraish at nagpayaman sa

Page 39: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

39

kaniya ang pag-aasawa kay Khadija; at madali lamang sa kaniya na pumili na makasal sa iba pa. Subalit namuhay siya na iisa lamang ang asawa nang buong katapatan sa lahat ng panahon. Nang si Khadija ay namatay, nagpakasal siya sa isang napakatanda nang babae, kay Sauda, na ang rekomendasyon lamang para sa karangalan ay siya ang balo ng isa niyang matapat na kasama na lumikas sa Abisinya mula sa pag-uusig ng Quraish.

Ang malaking bahagi ng kanyang buhay, mula sa gulang na dalawampu’t lima hanggang limampu’t apat, ay isang halimbawa kung gayon para kaniyang mga tagasunod na ang monogamya ay ang tuntunin sa buhay may-asawa.

Ngayon ay dumating ang ikatlong panahon. Si Aisha lamang ang kaniyang pinakasalang birhen sa lahat ng kaniyang mga asawa. Inialok siya ng kaniyang amang si Abu Bakr, ang pinakamalapit na kaibigan ng Propeta, upang mapangasawa ng huli nang ito ay nagdurusa sa pangungulila sa pagkamatay ng asawa at ng tiyong si Abu Talib. Ang batang babae ay nagtataglay ng mga bukod-tanging kakayahan, at nakita kapuwa nina Abu Bakr at ng Propeta sa kaniya ang isang dakilang babae ng hinaharap na pinaka-akma upang magsagawa ng mga tungkulin ng asawa ng isang guro na isang sakdal na pamarisan ng sangkatauhan.

Kaya tinanggap siya ng Propeta; ngunit tila hindi pa siya umabot sa edad ng pagdadalaga, at ang kaniyang pag-asawa ay naganap sa pagtatapos ng ikalawang taon ng Paglikas.

40 Isang maling kuru-kuro ukol sa edad ni Aisha nang kunin ng Propeta bilang asawa ang malawakang nangingibabaw. Sinabi ni Ibn Sa'd sa Tabaqat na nang lapitan si Abu Bakr sa ngalan ng Banal na Propeta, sumagot siya na ang batang babae ay tapos nang ipagkasundo na pakasal kay Jubair, at kailangan niya munang ayusin ang usaping ito sa kaniya. Ito ay nagpapakita na si Aisha papalapit na sa karampatang gulang ng panahong iyon.

Isa pa, ang Isaba ay nagsasabi tungkol kay Fatima na anak na babae ng Propeta, na siya ay ipinanganak limang taon bago ang Pagtawag at mas matanda kaysa kay Aisha ng limang taon. Nagpapakita ito na si Aisha ay dapat na sampung taon gulang nang ipagkasundo na ipakasal sa Propeta, at hindi anim na taon na gaya nang kalimitang akala. Ito ay higit pang pinatutunayan ng katotohanan na iniulat mismo ni Aisha na sinabi na nang

Page 40: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

40

ihayag ang kabanatang may pamagat na “Ang Buwan” (ika-limampu’t apat na kabanata),siya ang batang babae na naglalaro at nakatanda ng ilang mga talata pagkatapos na mahayag. Kaya nga, ang ika-limampu’t apat na kabanata ay walang pagsalang nasiwalat bago ang pang-anim na taon ng Pagtawag.

Ang lahat ng mga pagsasaalang-alang na ito ay nagtuturo sa isa lamang konklusyon, na si Aisha ay maaaring mas bata pa ng sampung taon gulang sa panahon ng kaniyang nikah, na sa katunayan ay isa lamang kasunduan sa pagpapakasal. At mayroong ulat sa Tabaqat na si Aisha ay siyam na taong gulang sa panahon ng nikah. Minsan pa, isang katotohanang tinatanggap ng lahat na ang nikah ni Aisha ay naganap ng ikasampung taon ng Pagtawag sa buwan ng Shawwal, habang namamayani ang katibayan na ang kaganapan ng kasal ay nangyari sa ikalawang taon ng Hijra sa parehong buwan, na nagpapakita na hustong limang taon ang lumipas sa pagitan ng nikah at ng kasal. Samakatuwid, wala kahit kaunting alinlangan na si Aisha ay hindi bababa sa siyam o sampung taong gulang sa panahon ng kasunduang pagpapakasal at labing-apat o labing-limang taon nang talagang kasal.

Nagsimula ang serye ng mga labanan sa mga Quraish at ang iba pang mga tribong Arabe ng ikalawang taon ng Paglikas, na kapuna-punang nakabawas ng bilang ng mga lalaki, mga tagapag-hanapbuhay ng pamilya. Ang mga labanan ay nagpatuloy hanggang sa walong taon ng Paglikas, at sa panahon ito nakipagkasundo ang Propeta ng lahat niyang mga pag-aasawa na tila hindi kanais-nais sa makabagong kaisipan, bagama’t hindi tinutulan ng mga kaibigan o kaaway man nang panahong iyon. Isang manunulat na Kristiyano ay nagsasabi:

Dapat tandaan, gayunman, na ang karamihan ng mga pag-aasawa ni Muhammad ay maaaring maipaliwanag ng kaniyang pagkahabag sa kaawa-awang kalagayan ng mga taong nasasangkot, tulad sa iba pang mga motibo. Sila ay halos lahat na mga balo na walang pambihirang ganda o yaman, nguni’t sa totoong kabaligtaran. 37

37 Bosworth Smith

Page 41: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

41

Tingnan nating tuwiran ang mga pangyayari. Nasa bahay na ng Propeta ang isang kabataan at magandang asawang si Aisha. Wala sa ibang mga asawa na pinakasalan niya nang kalaunan ang inihambing sa kaniya, alinman sa kabataan o kagandahan. Walang alinlangan kung gayon na hindi ang pagkaakit ang nagbunsod sa mga pag-aasawang ito.

Ang Kadahilanan sa likod ng kanyang mga pag-aasawa.

Ating napag-alaman na mula sa kaniyang kabataan hanggang sa kaniyang katandaan, ang Propeta ay nanatiling ganap na panginoon ng kaniyang damdamin. Ang tao na maaaring mamuhay sa buhay na walang asawa hanggang sa gulang na dalawampu’t lima at nagtataglay pa rin ng reputasyon na walang bahid na pagkatao, na hanggang sa limampu’t apat na taon ay nabuhay na may iisang asawa at sa kabila ito ng katunayan na ang poligamya ay higit pa sa tuntunin kaysa kataliwasan sa panahon na ang isang poligamyang relasyon ay hindi man lamang tinututulan – ang ganoong tao ay hindi masasabi na nagbago nang biglaan matapos ang limampu’t limang taon, ang panahong kalimitan ay mas kalmado na ang damdamin kahit na sa mga hindi nakapagpigil ng pagkakahilig noong kabataan.

Walang ibang dahilan kundi ang pagkahabag sa mga babae na binigyan ng karangalang ito ang maaaring ipakahulugan sa mga pag-aasawang nabanggit. Kung ang motibo ay hindi marangal, ang kaniyang pipiliin ay hindi mga balo at sa ilalalim ng kaugalian ng mga Arabe, ang isang tao na nasa kaniyang kalagayan ay maaaring magkaroon ng maraming kabataang birhen.

Nasabi ko na ang mas masamang pagbabago ay hindi maaaring mangyari sa isang taong namuhay nang tiyak sa walang bahid na buhay hanggang sa umabot ang gulang na limampu’t lima. Kung ang kagandahan ng mga kababaihan ay hindi nakapukaw ng kanyang pagnanasa noong kabataan at nakapaglayo sa kanya mula sa daan ng pagkamatuwid, paano pa siya matatangay palayo sa panahon ng katandaan? At anong mga kalagayan ang umiral habang siya ay nasa Medina ng mga taon na ito? Hindi siya namuhay dito nang may kaalwanan at karangyaan ng panahong iyon.

Ang Kanyang Katatagan sa harap ng panganib at pagsubok.

Page 42: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

42

Ito ay isang buhay ng kahirapan, sapagkat ito nag tunay na panahon na kailangan niyang ipagpatuloy ang isang buhay-at-kamatayan pakikibaka sa mga kaaway ng Islam. Malalaking mga hukbo ang dumating sa Medina upang durugin siya at ang maliit na pangkat ng mga Muslim.

Ang buong Arabya ay nagliliyab laban sa kanya. Hindi siya ay ligtas kahit isang minuto. Ang mga pagbabaka ay dapat ipaglaban nang mabilis na pagkakasunud-sunod. Ang pagsalakay militar ay kailangang ayusin at isulong.

“Propeta ng Diyos. Pagod na kami sa paghawak ng mga armas araw at gabi,” ang nais sabihin ng kaniyang kasamahan; at kailangan niya aliwin ang mga ito sa pagsasabi na darating ang panahon na ang manlalakbay ay maaaring pumunta mula isang dulo ng bansa hanggang sa kabila nang walang hawak na mga armas.

Ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay kaniyang mga kaaway, kasama ng mga idolotroso.

Ang kaniyang mga matatalik na kaibigan ay paminsan-minsang bumabagsak sa labanan at kung minsan ay sa pamamagitan ng kataksilan. Posible ba para sa tao humantong sa isang buhay na maalwan at marangya sa ilalim ng naturang mga pangyayari? Kahit na ang isang tao ay nagkaroon ng isip para sa buhay ng pagpapakalayaw, kung saan ang Propeta ay hindi ganoon ayon sa lahat ng mga makukuhang patotoo, ito ay hindi ang tamang panahon para dito. Sa ganitong kalagayan ng digmaan, sa mga kaaway sa loob ng Medina at sa lahat ng mga kaaway sa paligid nito, sa bilang ng mga Muslim na napakaliit kung ihahambing sa mga kaaway, sa mga balita ng pagsalakay ng napakaraming bilang ng kaaway sa lahat ng panig, kahit ang buhay ng napakasamang tao ay mababago; hindi masasabi na ang isang tao na kinilala sa kadalisayan ng pagka-tao, na hindi maaaring yanigin ng tukso, ang magiging mahalay.

Kung ang mga araw ng Propeta sa panahong ito ay lumipas nang nakakapagod, papaano siya nagpalipas ng mga gabi? Siya ay may bilang ng mga lehitimong asawa, nguni’t hindi siya gumugol ng mga gabi sa kasiyahan na kasama nila. Mayroong napakamalinaw na katibayan sa ulat ng Banal na

Page 43: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

43

Koran at gayundin sa Hadis na siya ay nagpalipas ng kalahati, at kahit dalawang-ikatlo paminsan-minsan, ng gabi sa palangin at sa pagbikas ng Banal na Koran habang nakatayo sa pagdarasal. Siya tumatayo nang matagal hanggang mamaga ang mga paa.

Masasabi ba na ang ganoong tao ay kumuha ng mga asawa para sa pagpapakalayaw, kahit na ang mga nakalaan sa ating mga detalye ng kaniyang buhay ay kapani-paniwalang nagpapakita ng isang nakakapagod na buhay na malayo sa anumang uri ng pagpapakalabis?

Isaalang-alang natin ang isa pang punto. Nasaksihan ba ang anumang pagbabago sa huling bahagi ng kaniyang buhay nang siya ay naging pinuno ng isang estado? Sa pagiging pastol ng disyerto, sa mangangalakal ng Sirya, sa pag-iisa sa Bundok Hira, sa repormista ng iisa, sa tapon ng Medina, sa kinilalang mananakop, sa kapantay ng Chosroes ng Persiya at ng Heraclius ng Gresya, maaari pa rin nating sundan ang kabuuang pagkakaisa. Duda ako kung ang ibang tao, na ang panlabas na mga kalagayan ay lubhang nagbago, ay hindi kailanman nagbago ng kanyang sarili upang matugunan ang mga ito: ang mga pangyayari ay nagbago, nguni’t para sa akin ang diwa ay tila magkatulad sa lahat.

Ang Kadalisayan ng Kanyang puso.

Mula sa duyan hanggang libingan, ang Propeta ay dumaan iba’t ibang mga pangyayari - pagkakaiba na halos hindi matutugunan sa buhay ng isang tao. Ang pagiging ulila ay ang sukdulan nang kawalang kakayahan, habang ang pagiging hari ay ang kaitaasan ng kapangyarihan. Mula sa pagiging isang ulila, siya ay umakyat sa rurok ng pangharing karangalan, nguni’t hindi ito nagdala ng kahit bahagyang pagbabago sa kaniyang paraan ng pamumuhay. Nabuhay siya sa pareho mismong uri ng simpleng pagkain, nagsuot ng parehong simpleng damit, at sa lahat ng mga detalye ay namuhay nang simple gaya ng pamumuhay niya bilang ulila. Mahirap isuko ang trono ng hari at mamuhay bilang isang asetiko, nguni’t mas mahirap ang sabay na humawak ng kapangyarihan ng hari at mamumuhay bilang isang asetiko; ang magkaroon ng kapangyarihan at kayamanan, nguni’t gamitin ang mga iyon sa pagtataguyod ng kapakanan ng iba; ang magkaroon sa harap niya ng mga pinaka-nakakaakit na kagandahan, gayunman hindi dapat maakit nila kahit isang sandali. Nang ang Propeta ay naging pinuno ng isang estado, ang mga kasangkapan sa kanyang bahay ay binubuo ng

Page 44: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

44

isang magaspang banig ng mga dahon ng palma para sa kanyang higaan at isang luwad na pitsel para sa tubig. Nagpalipas siya ng ilang mga gabi na walang pagkain.

Mayroong mga araw na walang sinindihang apoy upang magluto ng pagkain, na ang buong pamilya ay kumain na lamang ng mga hulma. Walang kulang na kaparaanan para siya makapamuhay nang mariwasa at maginhawa. Ang pampublikong pondong salapi ay nasa kaniyang kapasiyahan.

Ang mga nakaririwasa sa kaniyang mga tagasunod, na hindi uurong na iaalay ang kanilang mga buhay para sa kaniyang kapakanan, ay tunay na matutuwa na bigyan siya ng bawat kaginhawaan ng buhay basta gustuhin niya. Subali’t ang mga bagay sa mundo ay may babahagyang halaga sa kaniyang pagtingin. Walang makamundong paghahangad ang maaaring makapanaig sa kaniya kahit na sa panahon ng kasayahan o kasaganaan man. Tulad nang pagtanggi niya sa kayamanan, kapangyarihan at kagandahan na inalok ng Quraish nang panahong wala pa siyang kakayahan, samakatuwid siya ay nanatiling walang pagpapahalaga sa kanila nang bigyan siya ng Diyos ng lahat ng mga bagay na ito mula sa Kaniyang biyaya.

Hindi lamang siya namuhay ng simpleng buhay ng isang manggagawa, kundi hindi rin niya pinahitulutan ang kayamanan na magkaroon ng pag-akit sa kaniyang mga asawa.

Hindi nagtagal matapos ng pandarayuhan sa Medina, ang kalagayan ng mga Muslim at nagbago, at nagpatuloy sila sa maunlad na pangangalakal. Ang kanilang mga pagtatagumpay ng kalaunan ay nagdagdag sa kaginhawahan ng buhay na tinamasa ng mga Muslim. Sadyang hangarin ng tao ang pumasok sa puso ng mga asawa ng Propet, katulad ng sa pamilya ng ibang mga Muslim, sila rin ay dapat magtamasa ng kanila bahagi sa kaginhawahan. Kung kaya, lumapit sila sa Propeta bilang isang grupo upang himukin siya na hayaan sila sa kanilang bahagi ng pangmundong kaluwagan. Hinggil dito, dumating ang Banal na atas:

O Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa! Kung nais ninyo sa buhay ang mundo at ang palamuti nito, bibigyan Ko kayo ng mga panustos at hahayaan Ko kayo na lumayo ng magandang paglayo. At kung iniibig ninyo ang Allah at ng Kaniyang Sugo at ang tahanan ng Sugo, kung ganoon tiyak

Page 45: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

45

ipaghahanda ng Allah ng isang malaking gantimpala ang mga gumagawa ng mabuti. 38

Sa gayon, inaalok sila ng dalawang mapagpipilian. Sila ay maaaring magkaroon ng makasanlibutang pananamit, o manatili sa sambahayan ng Propeta. Kung pipilin nila ang una, magkakaroon sila ng sagana ng mga gusto nila, subali’t isusuko nila nag karangalan bilang mga asawa ng Propeta. Ito ba ang sagot ng isang taong mahilig sa kaluguran ng katawan? Gagawin ng ganoong tao ang bigyan nang kasiyahan ang lahat ng mga kapritso ng mga pinagtutuunan ng kaniyang pagmamahal. Bagkus, gugustuhin niya mismo na ang kaniyang mga asawa ay magsuot ng pinakamagandang damit at mumuhay sa kaginhawahan. Siya ay may malawak na pagpapahalaga sa mga karapatan ng mga kababaihan at naging tagapagtanggol ng kanilang kapakanan.

Nguni’t nang ang kaniyang mga asawa ay dumating sa kaniya hinggil sa wari ay medyo lehitimong kahilingan na magkaroon nang mararangyang mga damit at palamuti, malamig na sinabihan sila na kung gusto nilang magkaroon ng mga bagay na ito, hindi sila bagay na manirahan sa bahay ng Propeta. Nagpapakita ito na walang duda, kung gaano kalaya ang isip ng propeta mula sa lahat na mababa at mahalay na pagpapahalaga. Handa niyang hiwalayan ang kaniyang mga asawa sa halip na pagbigyan sa bagay na itinuturing niya na hindi nararapat sa pagigiging asawa niya – ang pagkahilig sa mga makasanlibutang bagay. Kapani-paniwalang ipinakikita nito na ang layunin ng kaniyang mga pag-aasawa ay anumang bagay maliban sa pagbibigay layaw sa sarili.

Hayaan nating isaalang-alang minsan ang mga makasaysayang katotohanan na kung ano ang naghatid sa Propeta na kumuha ng isang bilang ng mga asawa sa loob ng maikling panahon na limang taon mula sa ikatlong taon ng Hijra hanggang sa ikapito, habang bago ito dumating ay nagpalipas siya ng halos tatlumpung taon ng kanyang buhay sa isang monogamyang kalagayan. Tamang-tama na kasabay ng pahahong ito ang panahon ng walang tigil na digmaan sa pagitan ng mga Muslim at mga di-Muslim. Napaka-liit ang kapisanan ng mga Muslim sa panahong iyon. Ang palagiang digmaan ay naging dahilan ng pagkakaiba ng panlalaki at pambabaeng elemento ng lipunan.

38 33:28,29

Page 46: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

46

Ang mga asawang lalaki ay napatay sa larangan ng labanan at ang kanilang mga balo ay kailangang masustentuhan. Hindi lamang ang kabuhayan ang kailangan sa ganoong mga kalagayan. Ang pagnanasa sa sekso ay nakatanim sa kalikasan ng tao, at ang namumuno na magpapabaya sa pangangailangang sekswal ay maghahatid sa lipunan tungo sa kasamaang moral, na magwawakas sa pagkawasak ng buong bayan. Ang Propeta ay nabalisa sa kanilang kalinisang-puri nang lubhang higit kaysa kanilang mga pangkatawang pangangailangan. Samakutuwid, kinakailangan na payagan ang poligamya. Hindi mapipili ang mga balo kung ang pagpapakalayaw sa sarili ang motibo. Isang nakakainggit na pribilehiyo na maging biyenan ng Propeta. Subali’t ang layunin ay marangal – ang pangalagaan ang mga balo ng kaniyang mga kaibigan. Sa poligamya lamang nakasalalay ang kaligtasan ng lipunan ng mga Muslim.

Pumunta muna tayo sa ika-apat na panahon. Ang panloob na digmaan ay halos natapos na nang masakop nag Mecca noong 8 A.H. Mayroong mga kaguluhan, nguni’t, sa kabuuan, ang kapayapaan ay naitatag na sa bansa at ang normal na kalagayan ay naibalik na rin. Makikita natin muli na ang Propeta ay hindi nakipagkasundo ng anumang bagong pag-aasawa mula nang ikawalong taon ng Paglikas. Ano ang katibayan ng mga pangyayari kung gayon.

Ang Propeta ay nagdagdag lamang ng bilang ng kaniyang mga asawa sa panahon na kailangan niyang mamuhay sa kalagayan ng digmaan, nang ang bilang ng mga lalaki ay nabawasan at maraming babae ang maiiwanan sana na walang pagkalinga at tahanan kung ang kagipitan ay hindi malulutas sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng isang limitadong poligamya.

Bago lumahok ang Propeta sa isang nagtatanggol na digmaan, siya ay namuhay kasama ang isang asawa, at nang natapos na ang digmaan, hindi na muli siyang nagpakasal. Pinapayapa nito ang lahat ng mga alinlangan sa motibo ng Propeta. May ilang mga nakatagong tunguhing moral sa lahat ng mga pag-aasawa na kinontrata niya sa panahon ng digmaan. May mga kalagayan sa kaniyang buhay na sa ilalim nito ay hindi maaaring iwasan, kalakip ang moral at relihiyosong layunin, na kumuha ng mga asawang higit sa isa. Dahil dito, ipinakita lamang niya ang pagkahabag sa mga babae.

Page 47: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

47

Namumuhay sa isang bansa na kung saan nag poligamya ay tuntunin, ang Propeta ay walang hilig sa poligamya. Lampas na siya sa kasariwaan ng kanyang buhay, asawa ng iisang lamang babae hanggang sa limampu’t-apat na taon gulang, kaya ipinakikita nito na ang pagsasama ng isang lalake at isang babae ay ang tuntunin sa ilalim ng normal na mga kalagayan. Nguni’t kapag lumitaw ang mga abnormal na kalagayan, hindi siya tulad taong mapangsentimyento na iiwas sa kanyang tungkulin. Nakita niya na nakataya ang kalinisang puri ng babae kapag ang polgamya ay hindi pinahintulutan, at para sa mas mataas na kapakanan, pinayagan niya ang polgamya bilang isang pagtatangi upang tugunan ang mga natatanging kalagayan. Kaya tamang-tama na kailangan niyang tunguhin ang digmaan kahit na ang kalooban ay tutol dito.

Buong apatnapung taon bago ang Pagtawag, siya ay nanirahan sa isang lupain kung saan ang tabak ay malayang hinawakan tulad ng tungkod kahit saan, kung saan ang labanan at alitan ay tuntunin ng pahanon, kung saan ang tao ay dadaluhong sa lalamunan ng bawat isa tulad ng ligaw na hayop, kung saan walang pagkakataon ng kaligtasan ng buhay para sa isa na hindi gumagamit ng tabak, sa kabila noon, hindi siya nanuntok ng isang kaaway kahit minsan man sa panahon ng apatnapung taon. Ganoon din ang kalagayan niya sa labing-apat na taon pagkatapos ng Pagtawag.

Ipinakita ng malinaw na atas may kinalaman sa kapayapaan sa Banal na Koran na siya ay likas na mapagmahal sa kapayapaan:

At kung sila ay sumang-ayon sa kapayapaan, sumang-ayon ka rin dito at mag-tiwala sa Allah ... At kung balak nilang dayain ka, walang alinlangan ang Allah ay sapat na para sa iyo.

Ang pagtanggap ng Propeta ng kasunduang pangkapayapaan ng Hudaibiya, kahit na ang mga kondisyon nito ay nakakahiya para sa mga Muslim, na handa magbigay ng kanilang buhay sa bawa’t isa sa halip na tanggapin ang mga tadhana nito, ay isang malinaw na patunay ng kanyang likas na pagmamahal sa kapayapaan. Nguni’t kapag tinawag ng tungkulin na pumunta sa larangan upang iligtas ang komunidad, hindi siya ang nag-atubili na humawak ng tabak laban sa lubhang karamihan.

Kumilos bilang marunong na heneral sa lahat ng mga larangan ng digmaan at nag-asal tulad ng isang matapang kawal kapag hiningi ng

Page 48: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

48

pagkakataon. Alam niya kung paano paghiwalayin ang kaaway bago pa ito magkaroon ng sapat na lakas upang bigyan ng isang matinding dagok ang mga Muslim. At minsan, sa labanan sa Hunain, nang ang kaniyang hukbo ay tumatakas dahil sa mabangis na pagsalakay ng mga mamamana ng kaaway, nag-iisa siya na sumugod tungo sa hukbo ng kaaway, hanggang ang kaniyang mga kawal ay nagtipun-tipon sa palibot niya. Wala sa kalooban niya ang hilig sa pakikihamok, gayunpaman, ipinakita niya sa panahong iyon ang karunungan ng isang heneral at ang kagitingan ng isang kawal. Gayundin, wala sa kalooban niya ang hilig sa polgamya, namuhay nang walang katulad na kalinisan bilang walang asawa hanggang dalawampu’t limang taong gulang at buhay may-asawa bilang asawang lalaki ng monogamya hanggang limampu’t apat, nguni’t kapag tinawag ng katungkulan na kumuha ng dagdag pang mga asawa, sinagot niya ang tawag ng tungkulin.

Ang dagliang pagtalakay sa buhay ng Propeta ay hindi buo kung walang maikling pangungusap hinggil sa kaniyang pag-uugali at moralidad. Nang ang kaniyang asawa, si Aisha, ang may pinamaraming alam sa lihim niya, ay tinanong tungkol sa kaniyang moralidad, ang kaniyang sagot ay: “Ang kaniyang moralidad ay ang Koran.” Sa ibang salita, taglay niya ang pinakamataas na moralidad na inilalarawan sa Banal na Koran.

Ang pagkasimple at pagkamatapat ay mga tema ng pagkatao ng Propeta. Gusto niyang gawin ang lahat ng mga bagay-bagay sa kaniyang sariling kamay. Gusto niyang gatasan ang kaniyang sariling mga kambing, sulsihan ang kaniyang sariling damit at kumpunihin ang kaniyang sariling sapatos. Nililinisan niya ng alikabok ang bahay, itinatali ang kaniyang kamelyo, at inaalagaan ito nang personal. Walang gawain ang napakababa para sa kaniya. Nagtrabaho siya tulad ng isang manggagawa sa pagtatayo ng moske, at muli sa paghuhukay ng kanal sa paligid ng Medina. Siya mismo ang namimili, hindi lamang para sa kaniyang sariling pamilya, kundi pati na rin para sa kanyang mga kapitbahay o para sa kaawa-awang kababaihan. Hindi niya kailanman hinamak ang anumang gawain, gaano mang kababa iyon, sa kabila ng karangalan ng kanyang kalagayan bilang Propeta at Hari. Samakatwid, pinakita niya sa pamamagitan ng personal na halimbawa na ang bokasyon ng tao ay hindi tunay na titiyak sa kanyang kadakilaan o ang kanyang kasakiman.

Page 49: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

49

Ang kaniyang mga pag-uugali at paggalaw ay nakakitaan ng pagiging simpleng-simple. Hindi niya gusto na ang kaniyang mga kasamahan na tumatayo kapag siya ay dumarating. Minsan niyang pinagbawalan sila, na nagsasabing: “Huwag kayong tumayo para sa akin na gaya ng ginagawa ng mga di-Arabe,” at sinabi pa na siya ay isa lamang hamak na nilalang ng Diyos, kumakain gaya nang pagkain ng iba at umuupo gaya nang pagupo nang iba. Nang gustong halikan ng isang tao ang kaniyang kamay, iniwas niya ito na pumuna na iyon ay paggawi ng mga di-Arabe sa kanilang mga hari. Tinanggap niya ang paanyaya ng kahit isang alipin. Kumain siya kasama ng mga tao na wala siyang bagay na ginawa upang ang sarili ay maging kapuna-puna.

May malalim na pagmamahal ang Propeta sa kaniyang mga kaibigan, Hindi siya ang unang nag-aalis ng kamay habang nakikipag-kamay sa kanila. Sinalubong niya ang bawat isa nang may masayang mukha. Isang ulat mula kay Jarir ibn Abdullah na nagsasabi na hindi nakita kailanman ang Propeta kundi may ngiti sa kaniyang mukha, Siya ay malayang nakipag-usap na hindi kailanman ng pakunwaring katahimikan upang bigyan ang sarili ng anyo ng kahigitan ng sarili. Dinadala niya sa mga braso ang mga bata at inalagaan sila. Ayaw niya nag manirang-puri nang patalikod at ipinagbawal nag pag-uusap ng masama laban kanino man niyang mga kaibigan. Nanguna siya sa pagbati sa kaniyang mga kaibigan at pagkamay sa kanila.

Ang kabutihang loob ng Propeta kahit na sa kanilang mga kaaway ay walang katulad sa nakatalang kasaysayan ng daigdig. Si Abdullah ibn Ubayy, ang pinuno ng mga mapangkunwari, ay isang mahigpit na kaaway ng Islam, at gumugol ng araw at gabi sa pagpaplano ng masama laban sa mga Muslim. Gayunpaman, sa kaniyang kamatayan, nanalangin ang Propeta sa Panginoon na patawarin siya at ibinigay ang kahit kaniyang damit upang ibalot sa bangkay niya. Ang mga taga Mecca, na mula pa sa simula ay ipinailalim siya at ang kaniyang mga kaibigan sa pinakamalupit na pagpapahirap, ay hindi lamang sila pinagkalooban ng pangkalahatang kapatawaran kundi hinayaan sila nang walang panunumbat. Ang dalawampung taon ng mga pag-uusig at paglalabanan ay lubusang pinatawad at kinalimutan.

“Ang kadakilaan na kung papaano ituring ni Muhammad ang mga taong namuhi at nagtakwil sa kaniya nang lubos sa matagal na panahon ay

Page 50: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

50

karapatdapat ng paghanga,” sabi ni Muir. Ang katotohanan na wala pang ibang halimbawa ang natagpuan sa kasaysayan sa ganoong kadakilang pagpapatawad ng mga pusakal na kaaway, na nagpadanak ng walang salang dugo, na hindi nagpakita ng awa sa walang labang mga lalaki, babae at bata, na nagpunyagi nang sukdulan upang patayin at lipulin ang mga Muslim. Ang mga bihag-digma ay halos laging pinakakawalan ng walang hininging pantubos. Sa halimbawa lamang ng mga bihag sa Badr na ang pantubos ay hiningi. Pagkatapos nito, daan-daang mga bihag at sa isang pangyayari sa pakikidigma sa Hawazin, kasing dami ng anim na libo, ay pinakawalan nang walang hiningi kahit isang pantubos.

Isang kasama niya ang humiling sa kaniya na sumpain ang mga nag-uusig samantalang nasugatan at nabuwal siya. Ang kaniyang sagot ay: “Hindi ako isinugo upang manumpa kundi bilang isang taga-anyaya sa kabutihan at kahabagan. O Panginoon! Patnubayan ang aking bayan, dahil hindi nila naunawa.” Hinila siya minsan ng isang Bedowin at itinapon ang kaniyang balabal sa leeg. Nang tanungin ang Propeta kung bakit hindi dapat ibalik ang katulad na ganti sa kaniya. Nangatwiran siya na hindi niya kailanman ibinalik ang masama sa masama.

Sa pangangasiwa ng katarungan, ang Propeta ay metikuluso sa parehas na pagtrato sa lahat. Ang mga Muslim at di-Muslim, kaibigan at kaaway, ay magkahalintulad sa kaniyang mga mata. Kahit bago dumating nag Pagtawag, ang kaniyang pangalan ay kilalang-kilala sa pagiging walang kinikilingan, katapatan at integridad, at dinala ng mga tao ang kanilang mga usapin upang kaniyang pagpasiyahan. Tinanggap siya sa Medina ng mga Hudyo at idolotroso bilang hukom ng lahat nilang mga usapin.

Sa kabila ng malalim na malisya ng mga Hudyo laban sa Islam, nang idulog sa kaniya ang isang usapin sa pagitan ng isang Hudyo at isang Muslim, humatol siyang pabor sa Hudyo, sa kabila ng katotohanan na ang mga Muslim, o kaya kahit marahil ang buo niyang tribo, kung ganoon, ay magtampo.

Lagi siyang tapat sa atas ng Koran sa kaniyang pakikitungo sa kaniyang pinakamasamang kaaway, na nagsasabi: “Huwag hayaan na ang

Page 51: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

51

pagkapoot ng mga tao ang mag-udyok sa inyo na huwag kumilos nang makarungan, kumilos kayo nang may katarungan, mas malapit ito sa kabanalan” 45 Sa higaan na kaniyang kakamatayan, kagyat bago huminga siya nang kahuli-hulihan, pinilit niyang ihayag sa madla na: “Kung may utang ako ng anumang bagay sa kaninuman, maaari itong singilin; kung nakasugat ako ng damdamin, maaari siyang humingi ng kagantihan.”

Hindi niya kailan man inilagay ang sarili sa mas mataas na kalagayan sa kaniyang pakikitungo sa iba. Minsan habang ginagampanan ang tungkulin ng isang hari at Medina, lumapit sa kaniya ang isang Hudyong inutangan at nagsimula na murahin siya. Umar ay galit na galit, nguni’t sinaway siya ng Propeta, na sinabi: “Mas marapat sa iyo na masabihan ang bawat isa sa atin – ako, ang may-utang na dapat magbayad na may pasasalamat, at sa kaniya, ang pinagkakautangan na maninigil sa mas angkop na paraan.” At binayaran niya ang Hudyo nang higit sa dapat bayaran. Sa isang pagkakataon, dumating ang oras ng paghahanda ng pagkain nang lumabas siya na kasama ang kaniyang mga kaibigan sa kahuyan. Bawa’t isa ay may laang gawain at siya mismo ay lumabas upang mamulot ng panggatong. Kahit na siya ay espirituwal at temporal na awtoridad, gayunpaman, gagawin niya ang kaniyang bahagi sa gawain tulad ng isang pangkaraniwang tao. Sa kanyang pakikitungo sa kaniyang mga katulong, sinunod niya ang parehong prinsipyo ng pagkapantay-pantay. Ang isang ulat mula kay Anas ay nagsasabi na sa panahon ng sampung taon ng paglilingkuran niya sa Propeta sa Medina, kung saan siya ay naging ganap na makapangyarihan ng buong Arabia, hindi siya napagalitan kahit minsan man. Hindi niya pinatili ang sinuman sa pagka-alipin. Sa lalong madaling panahon na nagkaroon siya ng isang alipin, pinakakawalan niya ito kaagad.

Ang Propeta ay walang kapantay sa pagkakawanggawa. Hindi siya kailanman tumanggi sa isang pulubi. Pinakain niya ang mga nagugutom kahit na siya mismo ay mawalan ng pagkain. Hindi siya kailanman nag-ingat ng pera sa kanIyang ari-arian. Habang sa kaniyang higaan na kakamatayan, ipinadala niya kung anuman ang nasa bahay niya at ibinahagi ito sa mga mahihirap.

Umapaw ang awa sa puso niya kahit na sa mga mangmang na nilalang ng Diyos. Sinabi niya na ang isa na sumalok ng tubig upang pawiin ang uhaw ng kaniyang aso ay nagkamit na nag paraiso sa gawang ito ng

Page 52: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

52

kagandahang-loob. Sinabi rin niya ang isang namatay na babae ay sumasailalim ng parusa dahil sa pagtatali ng kaniyang pusa at hayaan itong magutom. May malalim siyang pakikiramay sa mga balo at ulila mula pa sa mga pinamaagang araw niya.

Palagi siyang naninindigan para sa mga inaapi. Nanindigan siya sa mga karapatan ng mga babae sa mga lalaki, ng mga alipin sa kanilang panginoon, ng mga pinamamahalaan sa mga namamahala, at ng mga nasasakupan sa kanila hari. Ang mga aliping Negro ay binigyan ng katulad na karangalan gaya ng sa mga pinuno ng Quraish. Siya ang tagapagtanggol ng mga inaapi at minamaltrato. Mahilig siya sa mga bata, tinatapik at hinahagod ang mga bata na makasalubong niya sa daan habang siya ay naglalakad. Hindi niya kinaligtaang dalawin ang mga maysakit upang alamin ang kanilang kalusugan at aliwin sila. Sumasama rin siya sa libing.

Siya ay mapagpakumbaba at maamo sa pinakamataas na antas, gayunman, may tapang siya ng pinakamatapang sa mga tao. Hindi siya kailanman nagkimkim ng takot sa kaniyang mga kaaway. Lumakad siya nang walang takot araw at gabi kahit na ang mga sambuwatan ay binubuo upang patayin siya. Sinabihan niya ang lahat niyang mga kasama na lumikas mula sa Mecca at nagpaiwan lamang siya na halos nag-iisa sa gitna ng nagsisiklab sa galit ng mga kaaway. May mga tumutugis sa bukana ng yungib na pinagtataguan niya, gayunman, inaliw niya ang kaniyang kasama, na nagsasabing: “Ang Allah ay sumasaatin.” Sumigaw siya nang habang ang kaniyang hukbo ay nahulog sa isang bitag sa labanan sa Uhud, hindi alintana ang lahat ng panganib para sa sarili, upang palakasin ang mga nalilitong kawal. Sumugod siyang mag-isa sa kaaway nang ang mga karaniwang kawal Muslim ay tumakas sa labanan sa Hunain, tumatawag nang malakas na: “Ako ay ang Propeta.” Nang isang gabi na may hinalang pagsalakay, naguna siya sa pagmamatyag sa mga dakong labas ng bayan ng Medina, sumakay sa kabayo nang walang inilagay na upuan sa ibabaw nito.

Sa isang paglalakbay, habang mag-isang nagpapahinga sa ilalim ng puno, dumating ang kaaway at nagbunot ng tabak na sumisigaw: “Sino ang magliligtas sa iyo mula sa aking mga kamay?” Mahinahong sumagot ang Propeta: “Allah”. At nang sumunod na sandali, ang katulad na tabak ay

Page 53: Isang Pagsulyap Sa Buhay Ng Propeta Ng Islam

53

nasa kamay ng Propeta na nagpahayag ng katulad na tanong nang buong kaamuan, at hinayaan siya ng Propeta na umalis.

Ang integridad at katapatan ng Propeta ay karangalang kinilala ng lahat sa buong Arabya. Kahit ang kanyang pinakamasama kaaway ay madalas na umamin na siya ay hindi kailanman nagsalita ng isang kasinungalingan. Nang minsan niyang isinagla ang kaniyang tabak, iningatan niya ito sa ilalim ng mga mahihirap na kalagayan at kahit na sa mataas na halaga. Matapat niyang tinupad ang kasunduan sa Hudaibiya kahit na kailangan niyang tumangging magbigay ng kanlungan sa mga Muslim na tumatakas mula sa pag-uusig ng mga taga Mecca. Nagkakaisa ang kaniyang mga biyograpo sa paghanga sa kaniyang matatag na kalooban at tuluy-tuloy na katapatan. Hindi niya kilala nag kahinaan ng loob at kawalan ng pag-asa. Ang kaniyang paniniwala sa pagtatagumpay ng katotohanan sa bandang huli ay hindi man lamang nayanig kahit isang saglit bagama’t napaligiran siya sa lahat ng panig ng malungkot na hinaharap at marahas na oposisyon.