Intermedia ng Indang - Kabanata 08

16
KABANATA 8 ANG PANGANGASIWA NI MR. HENRY WISE SA INTERMEDIA NG INDANG 1908-1911 Si Henry Wise Bago Manungkulan sa Indang Ang humalili kay Mr. C. E. Workman bilang principal sa intermedia ng Indang ay si Mr. Henry Wise. Hindi matiyak ang mga paunang mga taon ng kaniyang buhay, maliban sa siya ay naitalaga sa serbisyo ng pamahalaang insular ng mga Amerikano sa Pilipinas bilang guro noong Setyembre 5, 1901. 1 Naglingkod na supervising teacher sa bayan ng Bacnotan, La Union. Ang kaniyang asawa na si May Swanson Wise ay narekluta sa serbisyo ng Kawanihan noong Nobyembre, 1901 mula sa South MacAlester Ind. T. at nakasama ni Henry Wise sa pagtuturo sa paaralang sentral sa bayan ng Bacnotan, La Union. Ang dokumentadong tagumpay ng distrito ng Bacnotan sa ilalim ng pamumuno ni Henry Wise ay nang ito ay isa sa mga napagkalooban ng medalyang ginto sa ginanap na St. Louis Exposition noong 1904. Isa sa mga kapanahong ulat na kasasalaminan ng kahusayan ni Mr. Henry Wise bilang guro ng wikang Ingles ay ang kaniyang komento na nalathala sa pang- akademikong dyornal na nanawagan noong 1905 para sa isang konperensiya para sa adaptasyon ng isang pandaigdigang alpabeto. HENRY WISE, BACNOTAN, UNION, PHILIPPINE ISLANDS. 1 Dahilan sa ang petsa ng pagkakatalaga kay Mr. Henry Wise ay Septyembre, 1901 ay dumating siya sa Pilipinas, kasunod ng biyaheng USAT Thomas. 116

Transcript of Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Page 1: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

KABANATA 8ANG PANGANGASIWA NI MR. HENRY WISE SA INTERMEDIA NG INDANG 1908-1911

Si Henry Wise Bago Manungkulan sa Indang

Ang humalili kay Mr. C. E. Workman bilang principal sa intermedia ng Indang ay si Mr. Henry Wise. Hindi matiyak ang mga paunang mga taon ng kaniyang buhay, maliban sa siya ay naitalaga sa serbisyo ng pamahalaang insular ng mga Amerikano sa Pilipinas bilang guro noong Setyembre 5, 1901.1 Naglingkod na supervising teacher sa bayan ng Bacnotan, La Union. Ang kaniyang asawa na si May Swanson Wise ay narekluta sa serbisyo ng Kawanihan noong Nobyembre, 1901 mula sa South MacAlester Ind. T. at nakasama ni Henry Wise sa pagtuturo sa paaralang sentral sa bayan ng Bacnotan, La Union. Ang dokumentadong tagumpay ng distrito ng Bacnotan sa ilalim ng pamumuno ni Henry Wise ay nang ito ay isa sa mga napagkalooban ng medalyang ginto sa ginanap na St. Louis Exposition noong 1904.

Isa sa mga kapanahong ulat na kasasalaminan ng kahusayan ni Mr. Henry Wise bilang guro ng wikang Ingles ay ang kaniyang komento na nalathala sa pang-akademikong dyornal na nanawagan noong 1905 para sa isang konperensiya para sa adaptasyon ng isang pandaigdigang alpabeto.

HENRY WISE, BACNOTAN, UNION, PHILIPPINE ISLANDS.

I have been teaching the English language for twenty years to pupils of many ages, nations, and races, and if there is anyone who realizes the hardships and difficulties which our present orthography imposes on teacher and pupil, it is I. 2

1 Dahilan sa ang petsa ng pagkakatalaga kay Mr. Henry Wise ay Septyembre, 1901 ay dumating siya sa Pilipinas, kasunod ng biyaheng USAT Thomas.

2 Proposed International Conference to a Universal Alphabet (College of Liberal Arts, Boston University 1905) p. 25.

116

Page 2: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Intermedia ng Indang/Anciano

Nagtapos ang mahabang taon nang paglilingkod ng mag-asawang Wise sa Bacnotan sa kanilang pagkalipat sa Indang noong 1908.3

Si Henry Wise sa Indang

Noong magbukas ang Taong Pampaaralan ng 1908-1909 ay dumating sa Indang ang mag-asawang Henry at May Wise. Si Henry Wise ay nanungkulan bilang principal ng intermedia at supervising teacher ng Indang. Ang kaniyang asawa ay napatoka sa pagtuturo ng iba pang aralin partikular ang Ingles sa mga mag-aaral ng intermedia.4 Si Mrs. Mary S. Wise ay tiyakan na nagkaroon ng interes na isulong ang Domestic Science na maaring isa sa mga pangunahing salik upang maitayo sa paaralan ang isang gusali para sa mga araling pantahanan.5

Kung pag-aaralan ang kalakarang pang-edukasyon sa kapanahunan ng panunungkulan ni Henry Wise bilang principal sa intermedia ng Indang, masasabing hinarap niya ang isang mapanghamong sitwasyon. Ang unang taon ng panunungkulan ni Henry Wise ay natapat sa malakihang pag-aaral ng kawanihan sa paghahanda ng isang komprehensibong programang pang-edukasyon na ipapatupad sa lahat ng mga paaralang intermedia sa bansa sa ilalim nang pinapanukalang noon na bagong kurikulum para sa susunod na taong pampaaralan sa 1909.6

Kahit wala pa ang programa para sa bagong kurikulum ay isinaayos naman ni Henry Wise ang paaralan para sa programang nakalaan niyang tutukan – ang pagtuturo ng pagsasaka. Ang mga kalagayang ito ang posibleng nagtulak kay Wise na ipagpatuloy ang bigong programa sa pagtuturo ng agrikultura para sa paaralan. Maaring ang kaniyang unang

3 Ukol sa larawan ng mga mag-aaral sa Bacnotan, La Union ay ipinakilala sa mismong finding aid ng Philippine Photographs Digiral Archive ng University of Michigan na ang kanilang kasamang guro ay si Mr. Henry Wise.

4 Ang pagiging guro ni May Wise ay mababasa sa Official Roster ng 1912, at ang tiyakang bumanggit na si May Wise ay nagturo sa Indang ay ang humaliling principal ng paaralan na si Joseph A. Cocannouer.

5 Walang eksaktong taon kung kailan naitayo ang gusaling Home Economics sa paaralang intermedia ng Indang. Subalit ang istilo nito sa larawan ay nagpapakita ng halos sumunod itong naitayo pagkatapos ng gusaling intermedia at maaring ginugulan mula sa pondo ng lalawigan ng Cavite.

6 9th ARTDE 1908:10

117

Page 3: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Kabanata 8 – Mr. Henry Wise (1908-1911)

ginawa upang mapanatili ang reputasyon ng intermedia ng Indang sa larangan ng pagsasaka ay harapin ang pagtuturo ng paghahalaman. Ang pagpipilit ni Henry Wise na iangat ang pamantayan ng kahusayan ng pagtuturo ng paghahalaman na kaniyang nadatnan sa Indang ay bunga ng pressure ng kawanihan na maging sentro ng ispesyalisasyon ang mga paaralang intermedia sa bansa na makikita sa ulat ng kawanihan para sa taong 1908.

The instruction in intermediate schools has now been specialized so as to give pupils the opportunity of training in shop work, farming, domestic science, in preparation for teaching or for business. When the intermediate school course was first developed, it was aimed to give it a distinct and practical character and it was provided that the boy and girl should received not only in common branches, but in elementary science and in such subject as agriculture, toolworks, mechanical drawing, and housekeeping. But the effort to include all these subjects in the intermediate training of every pupil resulted in overloading the course and in giving an insufficient training in the branches pursued. Hereafter the pupil who has completed the primary course and gained the fundamental knowledge of reading, writing and ciphering will be allowed to choose what his further studies shall be to what they shall lead. Such specialization of intermediate instruction would seem to be within the next year.7

Sa ulat na ito ay makikita ang patuloy na pangangapa ng Kawanihan ukol sa mga ispesyalisasyon. Subalit sa kabila naman nang pangangapang ito ng Kawanihan ay positibo naman ang pagtanggap ng Ulat ng lalawigan ng Cavite sa pagtuturo ng paghahalaman ni Henry Wise sa paaralan.

Aside from the primary, there is an agricultural school in the pueblo of Indang, where an American supervising teacher directs the studies with every effort for its improvement, which causes me to prophesy a great improvement in agricultural knowledge in this province.8

7

Ibid.8

RPC 1908:287 - Bahagi ng Provincial Report ng Cavite para sa taong

118

Page 4: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Intermedia ng Indang/Anciano

Sa kabuuan ng taong pampaaralan ng 1908-1909 ay makikita na ang isa sa ginawa ni Mr. Henry Wise ay ang pagpapagaan sa kaniyang administratibong katungkulan bilang supervising teacher ng malawak na distritong pang-edukasyon ng Indang. Matutunghayan ito sa ulat ng superintedent ng Cavite sa panahong iyon na si Mr. Ernest H. Hammond sa asemblea ng mga guro sa Baguio noong Mayo 1909.

Cavite: There are two Filipino assistant supervisors in the Division of Cavite; one at Bacoor, a sub-district of Imus, and one at Alfonso, a sub-district of Indang. These assistants are given full authority to act within their district ad are held responsible for the results obtained. The supervisors of Imus and Indang, however, are required to visit the sub-districts, at least monthly, to confer with their assistants and to offer their aid in any difficulty that may arise. Under this arrangement the results obtained at Bacoor and Alfonso have proved most gratifying, In both cases greater local interest in school and marked liberality in appropriations for school furniture and for repairs and construction of school building, as well as larger daily attendance in each town have fully justified the creation of new position.9

Ang pagkakalikha ng sub-district ng Alfonso ay nakatulong ng malaki kay Mr. Wise upang maibsan ng malaking pasanin ang kaniyang katungkulan, ito ay ang bisitahin ng lingguhan ang pinakamalayong bayan na sakop ng kaniyang distrito. Sa ganito, nagkaroon siya ng malaking oras upang harapin ang administratibong gawain sa loob ng intermedia.

Kasama sa pag-uulat na ito ang ang balita ukol sa aktibidad ng mga mag-aaral sa intermedia ng Indang sa nagtapos na taong pampaaralan.

1908. 9 Teachers’ Assembly Herald – May 13, 1909

Ang pagiging assistant supervising teacher ng Alfonso, Cavite ay naitalaga kay Fernando Matro na sa paglipas ng panahon ay nagsilbing unang Pilipinong supervising teacher ng distrito ng Indang

Si Mr. Ernest H. Hammond ay mula sa Dover, Delaware at nagtapos ng AB at naging kamag-aral ni Mr. Charles John Anderson sa Class 1900 ng Harvard College.

119

Page 5: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Kabanata 8 – Mr. Henry Wise (1908-1911)

Grade IV -The entire division contained only two of the fourth grade industrial schools that have attempted to follow fully the requirements of fourth grade work in carpentry and elementary science. In so far as practical work in road building and grading, ditching, fence building, repairs to school houses, and the making of simple furniture in bamboo or wood meet these requirements, the two primary industrial schools of Indang and San Francisco de Malabon, and the Silang fourth grade have fully conformed to them. At Indang the seventh grade boys spent most of their time in ditching and grading roads and in laying out extensive grounds, but a few desk and tables were made.10

Taong Pampaaralan ng 1909-10

Sa taong pampaaralan ng 1909-1910 ay pinasimulan nang ipatupad sa lahat ng mga paaralang intermedia sa Pilipinas ang bagong programa sa pagtuturo. Tinawag itong Intermediate Curriculum of 1909 na pinagtibay sa pamamagitan ng Memorandum ng Direktor ng Edukasyon noong Hulyo 1909. Sa layunin na matutunan at magawa ng mga mag-aaral ang mga bagay na mapapakinabangan nila pagkatapos ng kurso.11 Ang pinakamalaking pagbabago na nakapaloob rito ay ang pag-iiba ng grado ng mga mag-aaral na papasok ng intermedia na naglalaman ng mga mag-aaral ng Grade V, VI, at VII. Ang aralin na nakapaloob sa binagong kurikulum ay nahahati sa anim na ispisipikong programa ng pagtuturo katulad ng General Curriculum, Teaching Curriculum, Business Curriculum, Trade Curriculum Farming Curriculum, at House Keeping and Household Arts Curriculum. Sa mga kurikulum na nabanggit ay dalawa ang itinuro sa intermedia ng Indang ang Farming Curriculum para sa mga mag-aaral na lalaki at ang House Keeping and Household Arts Curriculum para sa mga mag-aaral na babae.

10

Ibid. Ang bahaging ito ang natuklasan ng nagsasaliksik na koroborasyon sa salaysay ni Mrs. Dominga Alono-Sosa sa naging gampanin ng kaniyang ama si si Mr. Numeriano Alanao bilang toolkeeper sa intermedia ng Indang sa mga unang taon ng operasyon nito.

11 10th ARTDE: 18-19

120

Page 6: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Intermedia ng Indang/Anciano

Ang programa ng mga aralin para sa mga nabanggit na ispesyalisasyon ay matutunghayan natin:

Sa pagkakaroon ng bagong kurikulum ay ipinahanda ng kawanihan ang mga kaukulang bulletin na magsisilbing mga textbook para sa bagong programa ng pagtuturo sa intermedia. Partikular na gagamitin sa intermedia na naka-pokus sa pagsasaka at housekeeping gaya ng nasa Indang ang mga sumusunod na textbook na School and Home Gardening, Freehand and Mechanical Drawing for Intermediate and Trade School, Embroidery and Lace Making, at A Manual of Domestic Science and Household Arts.12

Sa taong pampaaralan na ito ay naging popular ang kalakaran ng Trade Instruction na naglalayon na ang mga paaralan ay magturo ng mga praktikal na kaalaman at pagsasanay sa mga mag-aaral sa partikular na mga gawaing pangkabuhayan na kanilang magagamit pagkatapos ng pag-aaral.13 Ang programa sa Trade Instruction ay hindi lamang limitado sa bokasyonal industriyal na aspekto, kundi maging sa pagtuturo ng bokasyonal na agrikultura. Sa mismong Kawanihan ng Edukasyon ay nakaramdam sila ng pagpipilit upang magbukas pa ng mga paaralang pansakahan sa bawat lalawigan at kahilingan na paghusayin ang pagtuturo rito:

This office has been strongly urged by prominent Americans and Filipinos to establish numerous new

12

Ibid. 2313

Ibid. 25

121

Page 7: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Kabanata 8 – Mr. Henry Wise (1908-1911)

school farms. The importance of instruction in agriculture is fully recognized and there is no doubt that this will be one of the most valuable lines of activity of the Bureau of Education in future years. It is a fact, however, that we are only just coming into knowledge of how to conduct these institutions.14

Higit na kapansin-pansin ang sumunod na pag-uulat:

The task of standardizing school farms is still in the experimental stage; no type has yet been fixed upon as wholly satisfactory. One of the most promising is that which is being developed at Batac, Ilocos Norte. This farm consist of 6 ½ hectares and is operated in connection with an intermediate school. 15

Sa kapanahunang iyon ay lumilitaw na ang mga paaralang intermedia na nakalaan sa pagsasaka ay hindi ganap na nakakatugon sa ekspektasyon ng Kawanihan para sa orihinal na pinaglalaanan nito.

Ang Normal Institute sa Indang -1909

Isa sa pinakamahalagang kaganapan sa larangan ng kasaysayan ng edukason sa Indang, Cavite ay nalathala sa magasin na The Filipino Teacher noong Enero 1910. Ibinalita nito ang isagawang Normal Institute sa Indang noong Oktubre 4 -29, 1909. Ang institute ay dinaluhan ng 33 guro mula sa mga bayan ng Alfonso (12), Indang (13), Silang (7), at Magallanes (1).

Ang mga itinalagang magbigay ng pagsasanay sa institute na ito ay sina Mr. Jose Ambalada at Pedro Leonor para sa mga guro ng Grade V at VI. Sina Mr. Mariano Mondoñedo at Fernando Matro ay para sa Grade VI at Unang Taon sa high school. Si Mr. Mariano Mondoñedo ay nagbibigay ng lecture ukol sa Elementary Agriculture sa loob ng tatlong beses isang linggo at dalawang beses para sa direktang field work. Si Mr. Lorenzo Varias16 ang siyang nagtuturo at nagsagawa ng pagsasanay sa

14

10th ARTDE: 3115

Ibid.3016

Si Lorenzo Varias ay isang gurong taga-Indang. Sa tag-init ng taong 1909 ay ipinadala sa Paaralang Normal ng Pilipinas upang sanayin sa araling paghahalaman. Sa listahan ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas noong Oktubre 10, 1911 ay nakatala bilang gurong insular at nagtuturo sa

122

Page 8: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Intermedia ng Indang/Anciano

gawaing industriyal ayon sa balangkas na ibinigay sa kaniya ni Superintendent E. H. Hammond na siyang superintendent noon ng Dibisyon ng Cavite. Kasama sa mga itinuro sa institute ay ang Language at Number Works at direktang pagsasanay ng mga kalahok na guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na magsanay na turuan ang mga mahihinang mag-aaral sa Grade 1 at 2.

Naging matagumpay ang institute dahilan sa kaalaman na natutunan ng mga gurong lumahok. Ang epekto nito ay nakita sa naging pagsisikhay ng mga guro na makibahagi sa mga gawaing industriyal.

Makasayssayan ang isinagawang Normal Institute sa Indang noong 1909. Ito ang unang institute na ginanap sa Pilipinas magmula ng itayo ng mga Amerikano ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas na ang lahat nang namahala at nagturo ay pawang mga gurong Pilipino.

Isa sa mahalagang bagay na mapapansin sa ginanap na Normal Institute sa Indang ay ang presensiya ni Mr. Mariano Mondeñedo bilang isa sa mga nagturo sa nabanggit na aktibidad pang-edukasyon. Ito ay magpapatibay sa posibilidad na siya ay nasa Indang Agricultural School na sa mga nabanggit na taon upang maging isa sa mga guro sa larangan ng pagsasaka. Mahalaga rin ang presensiya ni Mr. Fernando Matro, dahilan sa

Paco Primary School sa Maynila.

123

Page 9: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Kabanata 8 – Mr. Henry Wise (1908-1911)

siya ang magiging unang Pilipino supervising teacher sa distrito ng Indang.

Taong Pampaaralan ng 1910-1911

Ang taong pampaaralan na ito ang huli para kay Mr. Henry Wise at kailangan niya na maisakatuparan ng epektibo ang Curriculum of 1909. Ang pagsisikap ni Henry Wise na magkaroon ng intensipikadong pagtuturo ng agrikultura ay dikta ng pagpapatupad ng Kawanihan ng Edukasyon sa taong 1910 ng Food Campaign. Sa programang ito ay hinahanapan ang mga paaralan na pag-ibayuhin ang aktibidad sa paghahalaman upang labanan ang kakulangan ng pagkain sa Pilipinas at magtanim ng mga alternatibong pagkain pamalit sa bigas.17

Sa kabila ng mga pagsisikap ni Henry Wise ay parang hindi ito labis na pinahalagahan ng Kawanihan ng Edukasyon. Maipapalagay na ang kaniyang kaalamang pang-agrikultura ay hindi pumasa sa pamantayan ng kawanihan upang mapamahalaan na matagumpay ang intermedia ng Indang upang maging ganap na isang Farm Demonstration School. Sa kabila nito, labis naman na hinangaan ng humalili sa kaniya ang mag-asawang Wise sa kahusayan nila sa pagtuturo upang tiyakin na ang mga mag-aaral ng intermedia ng Indang ay makahigit kaysa sa karaniwang kakayahan ng ibang mga mag-aaral sa lalawigan ng Cavite at sa naunang pagsisikap ni Henry Wise na pasimulan ang programa ng pagtuturo ng agrikultura sa paaralan.18

Ilang buwan bago umalis ang mag-asawang Wise sa Indang ay inabutan pa sila ng pagputok ng Bulkang Taal, kung saan ang Indang ay naging istratehikong lugar sa paghahatid ng gamot at paglilikas ng mga sugatan.19 Pagkatapos ng

17 North H. Foreman. The Food Campaign Philippine Craftstman February 1914.18

Cocannouer. Indang Farm School Philippine Craftstman February 1914. 19

Para maunawaan ang ginampanan ng bayan ng Indang sa naganap na pagputok ng Bulkang Taal noong 1911 ay maaring basahin ang artikulong sinulat ni William C. Farr na Taal Eruption, 1911 sa Philippine Magazine (May 1938). Si William C. Farr ay naging pinuno ng konstabularya sa distrito ng Katimugang Cavite na ang himpilan ay nasa bayan ng Indang. Siya at ang kaniyang mga tauhan ay naatasan na magbigay ng agarang saklolo sa Taal sa panahon ng pagputok ng

124

Page 10: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Intermedia ng Indang/Anciano

paglilingkod ni Henry Wise ay inilipat siya ng destino bilang guro sa mga paaralan sa Moro Province.

Mga Salik sa Panimulang Kahandaan ng Intermedia ng Indang sa Araling Pagsasaka

Sa kabuuan ay masasabing hindi naging matagumpay ang intermedia ng Indang sa larangan ng pagsasaka mga unang taon nang eksistensiya ng institusyon. Ito ay dahilan sa kawalan ng isang komprehensibong programa ng Kawanihan ng Edukasyon sa edukasyong agrikultural sa Pilipinas sa kapanahunang iyon. Ang sumunod na dahilan nang kabiguan ay makikita sa komposisyon ng mga mag-aaral sa paaralang intermedia, ang mga ito ay binubuo ng mga anak na nagmula sa mga nakakariwasang pamilya ng Indang at mga karatig bayan nito.

Ang mga naganap na pangyayari sa mga taong 1907 at 1911 naman ay nagbigay ng mga mahahalagang salik na unti-unting pagkakahanda sa intermedia ng Indang upang ito ay magtagumpay sa araling pagsasaka gaya ng mga sumusunod:

1. Ang kaunlarang pangkabuhayan ng bayan dala ng malakas na kahilingan at mataas na presyo sa domestiko at internasyonal na mercado para sa abaca ng Indang na kinikilala na pinakamataas na kwalidad sa buong kapuluan.20

2. Ang pagpasok ng mga mag-aaral na mula sa mga paaralang baryo sa Katimugang Cavite na mga anak ng mga magsasaka na mayroong kaalaman at interes sa mga gawaing pambukid.

bulkan. Ang sumunod na malagim na trahedya na nasaksihan sa Indang pagkatapos ng Pagsabog ng Tall noong 1911 ay ang Trahedya ng pagkahulog ng dalawang bus ng BLTB sa Tulay ng Italaro na naganap noong Enero 1967. 20

Ang kataasan ng kwalidad ng Abaca mula sa Timugang Cavite ay tinalakay sa mga aritkulo nina Hugo Miller Abaca (Philippine Crafstman – August 1912); Hammon H. Buck Abaca. Two Methods of Stripping Abaca (The Philippine Crafstman- March 1913) at sa artikulo ni J. E. Spencer. Abaca and the Philippines (Economic Geography Vol. 27, No. 2 (April. 1951) p. 95-106.)

125

Page 11: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Kabanata 8 – Mr. Henry Wise (1908-1911)

3. Ang pagbubukas ng serbisyo ng tren sa linyang Manila-Cavite-Naic na nagpadali ng pagluluwas ng mga produktong kalakal ng mataas na lupa sa mga karatig pook hanggang sa Maynila. Pinadali rin ng serbisyo ng tren ang paglalakbay ng mga tao sa Indang lalo na ng mga estudyante upang makapag-aral sa Maynila at sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos.21

4. Ang pagbubukas ng Kolehiyo ng Agrikultura sa UPLB - Ang kolehiyong ito ay unang nagbigay ng programang anim na taon na pag-aaral para sa mga nagtapos ng araling intermedia at apat na na taon para sa mga nagtapos ng araling sekondarya para sa makatapos ng kursong Batsilyer sa Agricultura.22 Ang paglitaw ng UPLB ay nagbukas sa

21

Ang serbisyo ng tren mula sa Cavite ay nagsimula sa taong 1906 nang magwagi ang Speyer & Co. ng New York sa kontrata para pagtatayo ng linya mula Manila- Cavite-Naic na sumasakop sa kahabaang 29 na milya. Ang serbisyo ng tren ay nagbukas sa taong 1908. Sa taong 1909, isa sa mga naging panukala ng pamahalaang panlalawigan na ang serbisyo ng tren ay paabutin hanggang sa Indang.22

Edwin Copeland.The College of Agriculture. The Philippince Craftsman (Pebrero 1914). Sa pag-aaral ng nagsasaliksik ukol sa degree na nakuha ng mga mag-aaral ng intermedia ng Indang sa UPLB ay lumilitaw a hindi na sila pumapasok sa kursong sekondarya. Sa

126

Page 12: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Intermedia ng Indang/Anciano

panibagong pananaw upang tingnan ng mga susunod na mag-aaral ng intermedia ng Indang na ang pagsasaka ay isang marangal na propesyon katulad ng ibang kursong pangkolehiyo.

5. Sa taong 1910 ay inilathala ng Philippine Agricultural Review ang talumpati sa pagkakatalaga kay Dr. Henry Jackson Waters bilang bagong pangulo ng Kansas State Agricultural College noong Nobyembre 11, 1909. Ang talumpati ni Dr. Waters sa kaniyang inagurasyon ay pinamagatang The Duty of the Agricultural College. Dito ay inihanay niya ang dapat na maging programang pang-edukasyon para sa mga paaralang agrikultura ng Amerika na nakapokus sa kahalagahan ng pagtuturo ng agrikultura na kaabase sa eksperimentasyon, mga mahuhusay na guro, at ang pangangailangan na ilapit ang paralan sa mga mamamayan.23

Ang pilosopiya ni Dr. Waters ay maaring naging pangunahing pilosopiyang pang-edukasyon na nagamit ni Dr. Copeland sa UPLB at napakinabangan din ng mga paaralan na nagtuturo noon ng agrikultura sa Pilipinas. Kung pag-aaralan ang naging kalakaran ng programa ng edukasyong pang-agrikultura na ipinatupad ng Kawanihan ng Edukasyon mula sa pagbubukas ng taong pampaaralan ng 1911-1912 ay makikita ang naging inpluwensiya ng talumpati ni Dr.Waters sa blueprint ng sa pagtuturo ng agrikultura ng Kawanihan ng edukasyon.

pagpasok nila sa UPLB ay tinatapos nila sa loob ng anim na taon ang degree na Bachelor of Agriculture. Ang nais na magpakadalubhasa ay nagpapatuloy ng karagdagang dalawang taon upang pagkakalooban naman ng panibagong degree na Bachelor of Science in Agriculture.

23 Ang Talumpati ni Dr. Henry Waters na Duty of the Agricultural College na nalathala sa The Philippine Agricultural Review July, 1910. Mababasa ito sa www.kabsu.blogspot.com

127

Page 13: Intermedia ng Indang - Kabanata 08

Kabanata 8 – Mr. Henry Wise (1908-1911)

6. Ang mga kaisipan ni Dr. Waters ay naipasok sa Indang sa pamamagitan ni Mr. Joseph A. Cocannouer na noon ay isa sa mga pinaka-inpluwensiyal na guro ng agrikultura ng Kawanihan ng Edukasyon at naging masugid na tagasunod ng bisyon ni Dr. Waters. Ang nasabing guro ay nakatakdang magiging kahalili ni Mr. Henry Wise bilang principal sa intermedia ng Indang.

128