Intermedia ng Indang - Kabanata 03

21
KABANATA 3 PANIMULA NG EDUKASYONG AMERIKANO SA INDANG 1900-1902 Ang operasyon ng hukbong Amerikano sa pananakop sa Cavite ay nagsimula noong kalagitnaan ng 1899 at bumagsak ang lalawigan sa mga unang buwan 1900. 1 Sa nabanggit na panahon, pansamantalang napasailalim ang Indang sa pamahalaang militar ng mga Amerikano. Kaugnay sa pananakop ay nagtalaga ng isang detachment ng mga sundalong Amerikano sa bayan na nakaugnay naman sa iba pa nilang mga kasamahan sa pamamagitan ng istasyon ng telegrapo na ginamit nila para sa mabilisang paghingi ng saklolo sa anumang pagsalakay ng mga gerilya sa Katimugang Cavite. 2 Ang Edukasyong Amerikano Para sa Pilipinas Sa taong 1900 nagsimula ng gawain ang Ikalawang Komisyon ng mga Amerikano sa Pilipinas na pinamumunuan ni William H. Taft. Ang komisyon ay gumanap sa gawain ng pamahalaang sibil, lupong pambatasan at tagapagpaganap ng pamahalaang insular ng mga Amerikano sa Pilipinas. Sa mga unang buwan ng 1901 ay unti-unting 1 Para sa paunang inpormasyon sa kasaysayan ng operasyong militar sa Cavite, basahin ang papel ni Dr. Emmanuel Calairo na Ang Pagsalakay ng mga Amerikano sa Lalawigan ng Cavite, 1899-1900 sa Kasaysayan: Journal of the National Historical Institute. v. 2, No. 3 (December 2001):145-157 2 Sa panahon ng mga Espanyol ay mayroong matandang cuartel ng mga guardia civil na malapit sa silangang bahagi ng simbahan ng Indang. Ito ang huling himpilan ng mga Espanyol sa Cavite na hindi pa bumabagsak noong Hulyo 12, 1898 (Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas 1898). Sa pagdating ng mga Amerikano ang cuartel ay ginamit na punong-himpilan ng Philippine Constabulary para sa upland district ng Cavite. 31

Transcript of Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Page 1: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

KABANATA 3

PANIMULA NG EDUKASYONGAMERIKANO SA INDANG 1900-1902

Ang operasyon ng hukbong Amerikano sa pananakop sa Cavite ay nagsimula noong kalagitnaan ng 1899 at bumagsak ang lalawigan sa mga unang buwan 1900.1 Sa nabanggit na panahon, pansamantalang napasailalim ang Indang sa pamahalaang militar ng mga Amerikano. Kaugnay sa pananakop ay nagtalaga ng isang detachment ng mga sundalong Amerikano sa bayan na nakaugnay naman sa iba pa nilang mga kasamahan sa pamamagitan ng istasyon ng telegrapo na ginamit nila para sa mabilisang paghingi ng saklolo sa anumang pagsalakay ng mga gerilya sa Katimugang Cavite.2

Ang Edukasyong Amerikano Para sa Pilipinas

Sa taong 1900 nagsimula ng gawain ang Ikalawang Komisyon ng mga Amerikano sa Pilipinas na pinamumunuan ni William H. Taft. Ang komisyon ay gumanap sa gawain ng pamahalaang sibil, lupong pambatasan at tagapagpaganap ng pamahalaang insular ng mga Amerikano sa Pilipinas. Sa mga unang buwan ng 1901 ay unti-unting isinalin ng pamahalaang militar ng mga Amerikano ang kanilang kapangyarihang sa mga lugar na kanilang napayapa sa kapangyarihan sa Komisyon na noon ay naglalatag na ng mga pangmatagalang plano para Pilipinas. Isa sa mga naging plano ng Komisyon ay ang itayo ang isang kawanihan pang-edukasyon na mangangasiwa sa mga gawaing pagtuturo sa buong kapuluan at itinalaga nila si Dr.

1

Para sa paunang inpormasyon sa kasaysayan ng operasyong militar sa Cavite, basahin ang papel ni Dr. Emmanuel Calairo na Ang Pagsalakay ng mga Amerikano sa Lalawigan ng Cavite, 1899-1900 sa Kasaysayan: Journal of the National Historical Institute. v. 2, No. 3 (December 2001):145-1572

Sa panahon ng mga Espanyol ay mayroong matandang cuartel ng mga guardia civil na malapit sa silangang bahagi ng simbahan ng Indang. Ito ang huling himpilan ng mga Espanyol sa Cavite na hindi pa bumabagsak noong Hulyo 12, 1898 (Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas 1898). Sa pagdating ng mga Amerikano ang cuartel ay ginamit na punong-himpilan ng Philippine Constabulary para sa upland district ng Cavite.

31

Page 2: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

Fred W. Atkinson bilang General Superintendent ng Instruksiyong Publiko. 3

Sa pagdating ni Atkinson sa Pilipinas, pinasimulan niya ang maingat na pag-aaral ng mga suliranin ng edukasyon sa kapuluan sa pamamagitan ng obserbasyon, konsultasyon sa mga opisyal ng hukbong Amerikano at mga katutubong pinuno ng Pilipinas. Mula rito nakagawa siya ng plano at iminungkahi ang pagkakaroon ng mga superintendent sa bawat dibisyon at pagtatalaga ng mga guro sa mga paaralan na magmumula sa Estados Unidos. Pagkatapos ng kaniyang paunang pag-aaral sa mga umiiral na kalagayan ng edukasyon sa Kapuluan, isinumite niya sa Philippine Commission noong Enero 1, 1901 ang panukalang batas na naglalaman ng programang pang-edukasyon na kanilang ipatutupad sa kapuluan. Matapos ang ilang maliit na pagbabago ang panukala ay pinagpasiyahan na maging Act 74 noong Enero 21, 1901 na nagsasabatas pagkakatatag ng burukrasyang pang-edukasyon sa Pilipinas. .4

Sa kabila nang pagkakapasa ng batas pang-edukasyon ay mapapansin ang reserbasyon ni Atkinson sa pagkakaloob ng mataas na antas ng edukasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang pagtatapat :

In this system we must beware the possibility of overdoing the matter of higher education and unfitting the Filipino for practical work. We should heed the lesson taught us in our reconstruction period when we started to educate the Negro. The education of the masses here must be an agricultural and industrial one, after the pattern of our Tuskegee Institute at home.5

Makikita sa pagtatapat ni Atkinson ang kaniyang pananaw sa panimulang yugto nang pagsasakatuparan ng edukasyong Amerikano sa Pilipinas. Ang anyo ng pagtuturo ay ipadron sa isinasagawang pagtuturo sa Estados Unidos sa mga paaralan

3

Glenn May. Social Engineering in the Philippines: the Aims, Execution, and Impact of American Colonial Policy, 1900-1913. (Wesport1980:) 80.

4 Fred W Atkinson (1905:384)

5 Ibid.439

32

Page 3: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

para napalayang mga aliping Afro-American. Ang isa sa mga paaralan na ito ay ang Hampton Institute na itinatag ni Samuel Chapman Armstrong noong 1868, upang maging paaralan para sa mga Negro at Indian ng Estados Unidos. Sa nasabing paaralan ay tinuruan ang mga napalayang mga alipin ng mga kaalaman sa gawaing manwal at pangkalakalan upang makaagapay sa rekonstruksiyon at industriyalisasyon ng kanilang bansa na sinira ng digmaang sibil.6 Ang isa pa ay ang Tuskegee Institute na paaralan ng mga Afro-American, kung saan ang isa sa mga lundo ng pag-aaral ay naka-sentro sa agrikultura. Sa pagsasalaysay ni Glen May ay binanggit nito na binisita muna ni Atkinson ang Tuskegee Institute at nakipagkita sa prinicipal nito na si Booker T. Washington bago magtungo sa Pilipinas para gampanan ang posisyon bilang General Superintendent ng edukasyon.7

Ang epekto ng pagdalaw ni Atkinson kay Booker Washington sa Tuskegee ay makikita sa programang pang-edukasyon ng una para sa agrikultural na edukasyon sa Pilipinas.

Agricultural School – That the Filipinos may be taught those things for which they have a capacity, i.e., industrial and mechanical pursuits, there should be established throughout the Philippine Islands school of agriculture. It will be necessary to send our agricultural colleges for instructors. These must be men who will study the agricultural conditions here, and teach practically the best means of cultivating and improving the products peculiar to this archipelago. These instructors should follow the plan

6 Maaring basahin ang pag-aaral na To Change The World: The Use of American Indian Education in the Philippine ni Anne Paulet sa History of Education Quarterly Vol. 47 No. 2 (May 2007).

Ang paggamit ng modelo sa mga paaralang Hampton at Tuskegee ay direktang inamin ni Kilmer Moe noong kaniyang pangasiwaan ang Central Luzon Agricultural School. Basahin ang artikulo ni Kilmer Moe na Fiji and the Future –Honolulu Mercury. (November 1929)

Isa kritikal na pag-aaral na tumatalakay sa ipinatupad na edukasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas ay ang draft ng artikulong The Strange Career of American Colonial School: Industrial Education and the Philippines na inihanda ni Joshua Gedach ng University of Wisconsin-Madison na naka-post sa internet.

7 May (1980:80)

33

Page 4: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

of work of Hampton and Tuskegee.8

Ang planong ito ni Atkinson na magkaroon ng paaralang sa pagsasaka ay nakaka-apekto nang malaki sa naging kalakaran sa pangkabuuang edukasyon ng Pilipinas, at partikular sa isang paaralan na isinilang sa bayan ng Indang.

Edukasyon sa Indang sa Unang Taon ng mga Amerikano

Sa okupasyon ng mga Amerikano sa Indang noong 1900, kanilang iniulat na ang bayan ay binubuo 1,500 na katao at mayroong isang eksistidong paaralan kung saan ang nagtuturo ay isang gurong babae.9 Kasunod sa okupasyon ng mga kawal Amerikano sa Indang ay ang pagpapatupad ng mandato ni Heneral Ellwel Otis at Arthur McArthur na gamitin ang edukasyon sa pasipikasyon dahilan sa ang Indang ay isa sa mga istratehikong bayan sa lalawigan ng Cavite at siyang nagiging taguan ng mga gerilya sa kanilang operasyon laban sa mga Amerikano sa lalawigan.

Sa pagkabuo ng pamahalaang sibil sa lalawigan ng Cavite at partikular ng pamahalaang lokal sa Indang noong 1901, itinalaga si Mariano Penaflorida bilang presidente ng bayan. Itinatag ng mga pinunong bayan ang isang local school board na binuo ng apat na katao na nanungkulan sa loob ng dalawang taon. Sa pagkakatag ng local school board ng Indang ay nagkaroon ng papel ang mga pamunuang bayan sa direktang pagsubaybay sa primaryang edukasyon sa munisipalidad at magpanukala ng mga kaukulang suhestiyon sa higit pagpapaunlad nito, at maghanap ng kaukulang pondo sa pagsasa-ayos at pagpapatayo ng mga gusaling paaralan sa bayan.

Noong Hunyo 1901, nagsimula ang klase sa Indang sa ilalim ng pamahalaang sibil ng mga Amerikano. Sa pagbubukas ng klase, ang matandang escuela sa poblacion ang siyang pinagdausan ng pagtuturo ng araling primarya na sa pagkakataong iyon ay sinimulan nang ipokus sa pagtuturo ng wikang Ingles. Kapos pa ang datos ukol sa kung sino ang mga unang nagturo ng wikang Ingles sa paaralang primarya sa

8 Atkinson (1905:1327)

9 Report of the Philippine Commission 1900, Part III:23. Magmula rito ay gagamitin na lamang ang panitik na ARPC.

34

Page 5: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

poblacion, subalit mahihinuha ayon sa kalakaran noon na ang unang guro na nagturo ng araling primarya sa Indang ay mula sa mga piniling kawal Amerikano na naitalaga sa gawaing pagtuturo.

Walang pang matiyak ang nagsasaliksik na pangalan ng mga kawal Amerikano na nagturo sa paaralan ng Indang. Subalit nakatawag ng pansin ang inpormasyon na na ang isa sa mga nadestinong kawal Amerikano sa Indang ay si Percy A. Hill, na isa sa mga unang kawal Amerikano na naging matatas sa wikang Tagalog sa loob lamang ng ilang araw niyang pagtigil sa Pilipinas. Pagkatapos ng panunungkulan ni Percy Hill sa Indang ay nadestino siya sa bilang inspektor ng konstabularya sa Imus, Cavite. Sa kaniyang pagreretiro ay nanirahan sa Muňoz, Nueva Ecija.10

Ang Pagtatag ng Dibisyong Pang-Edukasyon sa Cavite

Sa pagsisimula ng gawaing pang-edukasyon ng mga kawal Amerikano ay hinati nito ang Pilipinas ng kaayon sa dibisyon pang-militar. Itinalaga sa gawaing pang-edukasyon si Captain Harrisson S. Kerrick, mula Hunyo 1, 1901 hanggang Septyembre

10 Sa pagtatapos ng tungkulin ni Percy A. Hill sa hukbong Amerikano at konstabularya noong 1907 ay nanirahan siya sa Bantug, Munoz, Nueva Ecija, nagtrabaho bilang magsasaka, nakatulong sa paghahanap ng lupa na pagtatayuan ng Munoz Agricultural School (KNA Central Luzon Agricultural School) at naging aktibo sa pagbibigay ng mga civic lecture sa nabanggit na paaralan. Nagtrabaho bilang manunulat sa pahayagang The Philippine Magazine. Ang mga artikulo na isinumite ni Percy A. Hill sa magasin na nakaukol sa mga paksang pang-kasaysayan ay nagbigay sa kaniya ng kalagayan bilang isa sa mga popular na mananalaysay ng Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Nagsulat din sa American Chamber of Commerce Journal ukol sa kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas partikular ukol sa kalagayan ng panustos ng bigas. Si Percy Hill ay pinatay ng masamang loob sa kaniyang bahay sa Muñoz, Isabela noong Hulyo 23, 1937.

Isa sa artikulo ni Percy A. Hill na nalathala sa American Chamber of Commerce Journal noong Agosto 30, 1930 ay may pamagat na Captain Tommy. Ito ay isang pagsasalaysay ni Percy Hill sa buhay ng isang opisyal Amerikano na kaniyang nakasama sa Indang sa panahon na kanilang itinatatag ang Konstabularya sa lalawigan ng Cavite. Ang kuwento ni Hill ay may lahok ng nakakatawang pangyayari sa buhay ng kaniyang kasamahan na si Captain Thomas I. Mair (ang nagtatag ng Konstabularyo sa Cavite) at ng isang babaeng taga-Indang na kaniyang binansagan na Juana.

35

Page 6: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

25, 1901 bilang superintendent ng pinagsamang dibisyon ng Cavite, Tayabas, Batangas, at Marinduque. Ang punong himpilan ng dibisyon inilagay sa Bacoor, Cavite.11

Sa pagsalin sa kapangyarihang sibil ng burukrasyang pang-edukasyon, ang katungkulang superintendent ng dibisyon ay nasalin kay Molton A. Colton ng Burkesville, Kentucky. Ipinanganak noong Oktubre 23, 1871 sa Chocktaw Nation, Indian Territory, Oklahoma.12 Miyembro ng prestihoyosong honorary fraternity na Phi Beta Kappa at isa sa mga mahuhusay na mag-aaral ng Class 1898 sa Yale University sa Connecticut.13 Sa pagsaluysoy ng nagsasaliksik sa aklat na sinulat ni Colton at sa kaniyang pagtuturo ng araling Modern Languages sa United States Naval Academy, pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas ay lumilitaw na ang kaniyang ekspertisyo ay ang wikang Espanyol at Pranses, na noon ay isa sa mga kinakailangan kaalaman sa transisyong pampamahalaan sa Pilipinas.14

Ang kaayusan ng Dibisyon No. 15 na pinamumunuan ni Colton ay sumasakop noon sa mga pinagsamang lalawigan ng

11 DECS, Cavite Division. History and Cultural Life of Cavite Province. (Local Government of Cavite. 1981)102. Sa pag-aaral na ito ay gagamitin na lamang ang panitik na HCLCP. Ang pagkakatalaga kay Captain Kerrick bilang superintendent ng Cavite sa panahong iyon ay mababasa sa ARPC 1903, Part 3:817. Para sa Karagdagang Inpormasyon:Si Harrisson S. Kerrick ay mula sa Illinois, USA at nagpatala sa serbisyo ng Hukbong Amerikano noong Hunyo 18, 1898 sa Chicago na may ranggong corporal. Naglingkod bilang boluntaryong sa Pilipinas. Sa isyu ng New York Time (Abril 1, 1901) ay ibinalita na isa siya sa 588 na napili para sa regular na serbisyo sa hukbo ng EU at pinagkalooban ng ranggong Tinyente.

12 Para sa heonolohiya ni Colton basahin sa internet:www.freepages.genealogy.rootsweb.com/~coltoninfo/rogerbaldwincolton/a1.htm

13 Yale’s Junior Appointments. New York Times (October 11, 1896)

14 Ang aklat na sinulat ni Molton A. Colton na La Phonetique Castillane ay ni-review ni A. F. Kuersteiner sa dyornal na Modern Language Notes, Vol. 27, No. 2 (Feb., 1912),54-56. Ang pagtuturo ni Molton A. Colton sa US Naval Academy ay ibinalita ng Cornell Alumni News. Vol XXIX No. 35 (June 9, 1927):438. Si Molton A. Colton ay namatay noong taong 1943.

36

Page 7: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

Tayabas, Batangas, at Cavite. Ang punong tanggapan ng dibisyon mula sa Bacoor ay inilipat sa bayan ng San Roque, Cavite. Upang mapamahalaan ni M. A. Colton ang napakalawak na eryang administratibo ay kinailangan niya ng mga deputy superintendent na susubaybay ng direkta sa mga gawaing pang-edukasyon sa bawat lalawigan.

Inpluwensiya ni Hammon H. Buck sa Edukasyon ng Timugang Cavite

Hindi magiging kumpleto ang pag-aaral ng kasaysayan ng edukasyon sa Katimugang Cavite kung hindi babanggitin si Hammon Hall Buck. Si H. H. Buck ay isinilang noong 1876 sa Sabetha, Kansas15 at dumating sa Pilipinas bilang bahagi ng South Dakota Volunteer na nakilahok at nasugatan sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerika sa Pilipinas. Sa taong 1900, umalis siya sa serbisyo ng hukbong Amerikano at hinarap ang gawaing pagtuturo bilang guro sa Pasay at kinalaunan ay inilipat sa Taal, Batangas. Noong Oktubre 1901 binisita ni superintendent M. A. Colton ang bayan ng Taal, dito niya natagpuan na nagtuturo si H. H. Buck at sa buwan ng Nobyembre sa nabanggit na taon ay itinalaga ito sa Cavite bilang deputy superintendent.16 Sa pagdating ni H. H. Buck sa Cavite ay kaniyang hinarap ang ang pangangasiwang pang-edukasyon sa lalawigan ng Cavite.

Ang pagkahirang kay H. H. Buck bilang deputy superintendent ay bunga nang biglaang paglaki ng gawaing pang-edukasyon sa Cavite. Sa taong iyon dumating ang USAT

15 Makikita ang henealohiya ni Hammon H. Buck sa website sa internet na: http://users.rallstech.com/snichol/genealogy/buck.htm.

16 Ananymous. Reminiscences of a Maestro. The Philippine Education Magazine (June 1923).

Sa artikulong ito ay hindi nagbigay ng pangalan ang sumulat. Subalit sa mga kapanahunan, pangyayari at lugar na isinasalaysay at istilo ng pagsulat ay halos nagpapakilala na siya ay si Hammon H. Buck. Bigo ang nagsasaliksik na makakita ng educational qualification ni H. H. Buck, subalit ang naging mataas niyang katungkulan ay malaki ang posibilidad na siya ay tapos ng kolehiyo.

37

Page 8: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

Thomas na may lulan na malaking bilang ng mga guro na galing sa Estados Unidos. Bilang pagsasa-ayos sa paglalagyan ng mga gurong Thomasites sa Cavite, naglakbay si H. H. Buck sa mga bayan ng lalawigan at kinausap ang mga presidente at konseho ng mga munisipalidad, gumawa ng pag-eestima sa mga bubuksang mga paaralang baryo at iba pang mga aktibidad pang-edukasyon. Nakita niya ang pangangailangan sa maraming guro sa mga paaralan at tiniyak na magtatalaga siya ng mga gurong Amerikano sa bawat paaralang sentral (sa mga poblacion). Isinaayos ang programa sa pagsasanay ng mga aspirante na ilalagay sa mga bagong posisyon.17 Ang gawain niya ay nagpatuloy hanggang siya ay maging ganap na superintendent ng bagong tatag na dibisyong pang-edukasyon sa lalawigan ng Cavite sa taong 1902.

Ang panunungkulan ni Hammon H. Buck sa Cavite ay napasabay sa kasagsagan ng kilusang gerilya sa lalawigan na ang pinagkukutaan ay ang mataas na lupa ng Katimugang Cavite. Sa panahong iyonn, ang mga Amerikanong opisyal at mga Pilipinong kawal ng Insular Constabulary ay nakagawa ng paglabag sa karapatang pantao ng mga napaghihinalaang gerilya. Ang kabagsikan ng kampanyang militar ay tinutulan ni H. H. Buck at inilantad sa pamamagitan ng pagsama nito sa kaniyang ginawang taunang pag-uulat ukol sa kalagayan ng edukasyon sa Cavite sa taong 1902. Ang obserbasyon ni H. H. Buck sa taunang ulat ng edukasyon sa Cavite ay nakasama sa Annual Philippine Commission Report ng 1903 at nagbigay daan upang mailantad niya sa kapuluan hanggang sa Estados Unidos ang kalagayan ng karapatang pantao sa Cavite sa kapanahunang iyon. Ang adbokasiya ni H. H. Buck laban sa kalupitan ng kampanyang-anti gerilya ay nauwi sa isang mainitang hidwaan sa pagitan niya at ng pinunong konstabularya sa Cavite na naging dahilan upang siya ay malipat ng dibisyon ng Batangas nago magtapos ang 1903. Ang ginawang pagtatanggol ni Buck para sa karapatang pantao ng mga taga-Cavite ay maituturing na naging isang mahalagang salik upang ang mga gurong Amerikano ay makakilos ng ligtas at nakapagtaglay ng paggalang ng mga taga lalawigan. Ang katotohanan, walang gurong Amerikano na napatay sa Cavite kahit na ang lalawigan noon ay nasa kasagsagan pa nang operasyong gerilya laban sa mga Amerikano.18

17 Ang unang normal institute sa lalawigan ng Cavite ay naganap sa kapanahunan ni M. A. Colton at pagiging deputy suprintendent ni Buck na ginanap sa San Roque. Cavite noong Mayo 2-19, 1902.18

Isang malaking kabalintunaan na walang gurong Amerikano na

38

Page 9: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

Sa pag-aaral ukol sa ilang bahagi ng aktibidad ni H. H. Buck ay kapansin-pansin na nagkaroon siya ng malalimang pag-aaral sa kultural at sosyolohikal na katangian ng mga mamamayan at pagpapaunlad ng Katimugang Cavite.

Sa artikulo ni Dr. Otley H. Beyer ay nabanggit nito na sumulat si Buck ng isang artikulo ukol sa Fire-Walkers ng Alfonso, Cavite na kung makakuha lamang ang kopya ay maaring maging bakasan upang magkaroon matatag na pagsasapantaha na ang sayaw sa apoy ng Alfonso ay isang pre-kolonyal na ritwal sa lalawigan Cavite. Binanggit din ni Dr. Beyer na mayroong iniuulat si H. H. Buck ukol sa isang kuweba sa baryo ng Esperanza sa bayan din ng Alfonso na maaring isang matandang yungib na panirahan ng mga tao sa panahong pre-historikal.19

Ang kaalaman ni H. H. Buck sa ugali at kaisipan ng mga elite na mamamayan ng taga mataas na lupa ng Cavite ay isinulat niya bilang isang aklat na pinamagatang Capitan Baltazar. Dahilan sa ang nagsasaliksik ay hindi nagkapalad na makakita ng nalalabing kopya ng aklat ay masasalamin naman ang mga nilalaman nito sa kaniyang dalawang artikulo na nalathala sa Philippine Magazine. Ang una ay Principle Versus Policy na nagkukuwento ng pamamaraan na ginawa ng isang pinunong lokal sa Katimugang Cavite sa paraan ng pakikitungo sa mga mananakop na Espanyol at Amerikano at tinalakay din kung paano niya sinuway ang utos ni Andres Bonifacio na sunugin ang simbahan sa kanilang bayan. Ang ikalawang maikling kuwento ni H. H. Buck ay ang Capitana Vicenta (asawa ni Capitan Baltazar) na isang komersiyante sa bayan at ang kaniyang kapangyarihan na makainpluwensiya sa kaniyang asawa. Ang dalawang tauhan na ito na ikinuwento ni H. H. Buck sa pagtatasa ng nagsasaliksik sa mga naging historikal na personalidad sa Katimugang Cavite, partikular sa Indang ay maaring kumakatawan hindi sa isa, kundi sa collage ng mga elitistang personalidad na kaniyang nakatagpo sa Katimugang Cavite.20 Sa larangan ng mga karaniwang tao ay sinulat ni H. H.

namatay o pinatay sa Cavite sa panahon na inilalatag nila ang sistema ng edukasyong Amerikano sa lalawigan. Subalit si Hammon H. Buck ay tinambangan at pinaslang sa Lalaan, Silang, Cavite noong 1945.

19 H. Otley Beyer. Outline Review of the Philippine Archelogy by Islands and Provinces. The Philippine Journal of Science 77 (July-August, 1947):242,364. 20

39

Page 10: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

Buck ang ukol kay Tandang Poro na nagtataglay ng mahikal na kapangyarihan na makilala ang mga magnanakaw ng kalabaw sa kanilang pamayanan.21

Sa kabilang ng pagiging isang edukador na Amerikano, nakita ni H. H. Buck ang kahalagahan ng mga lokal na wika bilang gamit na wika sa pagtuturo sa mga paaralan.

Now the matter of national language. A common

language is an important factor in nationhood, but a national language is not made; it grows.

The spread of a dialect and its development until it becomes a national language depends on several factors. One of the most important factors is, as in the case of Tagalog, its location at the educational, political, social, and commercial center of the country. The next most important, perhaps, is the vigor, intellect, and industry of the people using it...

The existing course of instruction in the Philippines has imposed the incubus of a foreign language upon all school children for the past thirty eight years. Are we now saddle them with another incubus for the next thirty years, merely for providing a national language, which in the natural course of events is coming anyway?

The first concern of any educator should be education and no scheme of propaganda should be permitted to interfere with this main puprose. 22

Mapapansin sa siniping artikulo mula kay H. H. Buck ang kaniyang personal na kritisismo sa naging patakarang pang-wika na ipinatupad ng Estados Unidos sa Kapuluan. Bilang isang dating mamamayang Amerikano, awtoridad si H. H. Buck sa wikang Tagalog dahilan sa nabanggit na paliwanag sa artikulo ay kinikulala ang kahusayan/katatasan nito sa wikang Tagalog na kaniyang ginamit sa panahon ng kaniyang pananatili sa Pilipinas.

Basahin ang mga sumusunod na artikulo Hammon H. Buck na Principle Versus Policy.(Philippine Magasine (July 1929) at Capitana Vicenta. Philippine Magasine (November 1930).

21 Basahin ang artikulo ni H. H. Buck na The Thief Detector. The Philippine Magasine (June 1928).

22 H. H. Buck Tagalog, The National Language. The Philippine Magasine (June 1940).

40

Page 11: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

Ang pagkagiliw ni H. H. Buck sa mataas na lupa ng Cavite ay hindi lamang limitado sa kagandahan ng pook kundi maging sa kagandahan ng kadalagahan nito, itinanan at napangasawa niya si Dolores Angeles ng Alfonso, Cavite.23 Sa bayan na ito, si H. H. Buck ay nanatili ng matagal sa kaniyang pamilya, kung saan nagpasiya na siyang iangkop sa kaniyang sarili ang pagkamamamayang Pilipino.

Pagkatapos ng serbisyo sa Kawanihan ng Edukasyon si Buck ay nanirahan sa Alfonso, namili ng mga lupa sa nasabing bayan at nagpatanim ng abaca at nagpakilala sa pagtatanim ng avocado sa lugar na iyon. Sumunod ay ang pamimili at pagbebenta ng mga lupang nakatanaw sa lawa ng Taal. Isang impresyon na ang lupa ni Hammon H. Buck sa Katimugang Cavite ay iyon lamang lugar na Buck Estate sa bayan ng Alfonso. Isang katotohanan na halos ang buong ridge ng Tagaytay ay minsang naging pag-aari niya. 24

23

Sa pakikipanayam ng nagsasaliksik kay Dr. Julian Aviñante na isang lokal na mananalaysay ng Alfonso, Cavite ay tiniyak nito na ang bahay na tinirahan ni H. H. Buck sa Alfonso ay ang lugar na kinatatayuan ngayon ng Sacred Heart Academy. 24

Basahin ang Kabanatang The Man Who Own The Ridge ni Elizabeth V. Reyes sa aklat na Town on the Ridge. (Bookmark, 1996)

41

Page 12: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

Binanggit nang nagsasaliksik ang lahat ng paunang inpormasyon ukol kay H. H. Buck upang maikawing ang kaniyang isang mahalagang desisyon sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Katimugang Cavite at maagang modernisasyon ng ng Katimugang Cavite.25

Ang Pagkakatalaga Kay J. M. Krauss sa Paaralan ng Indang 1901-1902

Ang pagtuturo sa paaralang primarya sa Indang mula sa nagtuturong mga kawal Amerikano ay naisalin sa gurong sibilyan dahilan sa pagdating ng nag-iisang gurong Amerikano sa Indang. Iisa lamang ang gurong nakarating sa Indang sa kabila ng dalawang guro na naunang ipinanukala ni Atkinson. Ang dahilan nito ay hindi naabot noon ang target na bilang ng mga gurong Amerikano na dapat na maitalaga sa Pilipinas. Sa lalawigan ng Cavite ay unang pinanukala ni Atkinson ang pagkakaroon ng 38 gurong Amerikano subalit sa listahan ng mga gurong Amerikano noong 1902 ay mayroon lamang 29 gurong Amerikano ang naitalaga sa lalawigan sa kapanahunang iyon.

Ang naitalaga sa Indang ay si J. M. Krauss na isa sa mga orihinal na mga gurong Amerikano na sakay ng barkong Thomas. Nagmula sa Johnsonburg, Pennsylvania at nagtapos ng Bachelor of Education noong Hunyo 1901 sa Clarion State Normal sa estado ng Pennsylvania at mayroong isang taong karanasan sa pagtuturo bago maitalaga sa Pilipinas.26 Ang antas na naabot na

25 Wala pang ganap na pag-aaral sa buhay ni Hammon H. Buck, ngunit sa preliminaryong pagbubukas ng nagsasaliksik sa mga datos ukol sa kaniya ay lumilitaw na nag-aral siya ng abogasya sa Liceo de Manila (mula sa salaysay ni Maximo Kalaw na kaniyang naging estudyante sa Taal at naging kamag-aral ng abogasya sa Liceo de Manila). Pagkatapos ng kaniyang serbisyo sa edukasyon ay at hinarap niya ang negosyong real estate, magmula sa pagiging manager ng Caridad Estate (sa Lungsod ng Cavite) ay hinarap niya ang pagbili ng mga lupa sa Alfonso at Tagaytay. Maari rin na suriin ang papel at inpluwensiya ni H. H. Buck sa pamahalaan noon upang isabatas ang pagiging lungsod ng Tagaytay bago pa man maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maipagpalagay na ang maagang pagsasabatas ng lungsod ay upang maging libreng adbertisyo nito upang ma-eganyo ang mga mayayaman sa Maynila na bumili ng lupa sa lugar.

26Pinili ni H. H. Buck ang pagka-mamamayang Pilipino, ito ang magpapaliwanag kung bakit sa panahon ng Hapon, siya ay hindi nai-detine sa interment camp sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ayon kay Mr. Antolin Gemanil, si H. H. Buck sa panahon ng digmaan ay nanirahan sa Silang, Cavite – ito ang kawing na magpapaliwanag kung

42

Page 13: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

pinag-aralan ni J.M. Krauss ay isang indikasyon na hindi siya karaniwang guro. Ang kaniyang pagsasanay ay higit na naka-pokus sa adbanseng metodolohiya ng pagtuturo at maaring taglay niya ang isang di karaniwang bisyong pang-edukasyon na karaniwang maasahan mula sa mga gurong nagtapos sa mga paaralang normal.

Sa pagbabago ng pamahalaan sa Indang ay tiyakan na ipinaayos ng pamahalaang bayan ang matandang escuela at ginamit ni J. M. Krauss sa kaniyang pagtuturo at nangupahan ng bahay sa poblacion. Dahilan sa limitado ang batis na nagsasalaysay ng mga naging aktibidad ni J. M. Krauss sa Indang ay masasalamin naman ang kaniyang naging gawaing pang-edukasyon sa noon ay umiiral na kalakaran. Ang pinakamalapit na gurong Amerikano kay J. M. Krauss ay si Moses Flint na nakatalaga sa bayan ng Alfonso, Cavite ay nagsalaysay sa kanilang aktibidad pang-edukasyon noon sa mataas na lupa ng Cavite:

In 1902 I was transferred to Alfonso, a town in the hills of southern Cavite, where the work of starting the schools had to be begun all over again. I selected some young people in the town and taught them the lessons they should teach the children the next day and giving them instruction in the evening and after school hours, I succeeded in fitting them for teachings in the primary grades.

No Americans were nearer than Indang, seven miles away, and for months at a time I would see no one who could speak English. I was obliged to learn Tagalog in order to make myself understood.

bakit siya napaslang sa baryo ng Lalaan noong 1945.

To The Islands Far Away: The Story of the Thomasites and Their Journey in the Philippines. (United States Embassy to the Philippines Public Affairs Section- 2001)

Kasama ni J. M Krauss sa Pilipinas ang isang gurong babae nagtapos din sa Clarion State Normal na si Ms. Mary Krauss na nagtapos sa Clarion Normal ng 1897, may apat na taong karanasan sa pagtuturo, at nadestino sa Cavite Viejo (Kawit). Kung nagkaroon ng sapat na bilang ang mga gurong Amerikano sa Cavite ay maaring ang dalawang ito ay naging magkasama sa Indang. (katulad ng magkapatid na Molton at Susan Colton na nasa bayan ng Cavite.)Hindi matiyak ng nagsasaliksik ang relasyon ng dalawa, subalit ang pagiging iisa ng kanilang pinagmulang county sa Pensylvania at paaralang pinagtapusan ay mayroon silang malapit na relsyon sa isa’t isa.

43

Page 14: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

The greatest difficulties were encountered in finding school buildings and preparing the Filipino teachers for there was very little money available. It took weary months of extra work to prepare the teachers for their duties. We had teachers' classes after school hours and in the evenings and at last opened up schools in the barrios of Bailin, Magallanes and Mendez Nunez. The people of the barrios put up provisional buildings. Civil government had been established and was being appropriated for schools but the demand for new schools was greater than we could possibly supply.The methods of instruction were very similar to those in vogue now. The pupils were first taught a number of words by the use of objects and a few action words. Then the use of these words was taught by means of conversational exercises. After this the questions and answers were written by the pupils, either copied or by dictation. The child taught to read and each new word was treated in the same way. The pupil learned to read, write and use the word the same day. Of course the pupils were older than those generally found in the first grade today. The children had a tendency to commit whole pages of the text and repeat them without any knowledge of their meaning.

As for discipline, I have never found any trouble except that at times the Filipino teachers had to be cautioned against being too severe.

Those early years were full of interesting work and even though there were hardships, privations and disappointments, I look back to them with pleasure. We, the pioneer of the work, feel that we helped lay the foundation stones of our present efficient educational system.27

Sa salaysay ni Moses Flint ay mapapansin sa initimang bahagi ang pananalitang “we” na ang esensiya ay higit na bumanganggit sa kaniyang mga nakasamang gurong Amerikano

27 Moses D. Flint. My Experiences as a Teacher in the Philippines From 1900-1903. Bahagi ng aklat na Bearers of Benevolence nina Racelis at Ick:96-98. Si Moses Flint ay dating kawal Amerikano na pinili ang serbisyong pagtuturo pagkatapos ng paglilingkod sa hukbo. Sa pagtatasa ng nagsasaliksik, sa mga gurong Amerikano na naitalaga sa Cavite, si Moses Flint ang naglingkod nang pinakamahabang panahon sa lalawigan.

44

Page 15: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

(Krauss at Anderson). Sa ganito ang karanasan nabanggit ni Flint ay tiyakan na katulad rin nang pinagdaanan at nakasama niya si J. M. Krauss. Sa kabilang dako ay natutulog pa ang mga inpormasyon sa mga naging gawain ng huli sa Indang.

Ang Unang Paaralang Panlalawigan sa Cavite

Noong Marso 7, 1902, itinadhana ng Batas ng Pamahalaang Insular ang pagtatayo ng mga paaralang sekondarya na magsisilbing paaralang panlalawigan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan. Karamihah sa mga paaralang panlalawigang ito ay itinatag sa mga kabisera ng at sinusuportahan mula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan. Ang paaralang panlalawigan sa Cavite ay itinatag noong Hunyo 19, 1902, subalit ang salot ng kolera sa mga kapanahunang iyon ay nagbinbin sa pagbubukas ng paaralan at aktwal na napasimulan ang klase noong buwan ng Hulyo 1902, at tinawag na Cavite High School. Ang paaralan ay pinamunuan ng principal na si Sydney K. Mitchelle ng New York, na naging kasamahan ni Molton A. Colton sa Phi Beta Kappa Fraternity at kasabayan rin na nagtapos ng Yale University noong 1898.

Ang paaralang panlalawigan ay naglalayon na maging

destinasyon ng mga mag-aaral na nagsipagtapos sa kursong primarya mula sa iba’t ibang mga munisipalidad ng lalawigan. Sa kabilang dako, sa ulat ni H. H. Buck ukol sa unang taon ng eksistensiya ng Cavite High School ay kaniyang ipinaalam na walang mag-aaral mula sa Katimugan ng Cavite ang nakapasok sa paaralang panlalawigan.28 Sa katotohanan ay hindi naging madali para sa maraming mga mag-aaral mula sa mga bayan ng Katimugang Cavite sa mga sumunod na taon na makapasok sa nasabing paaralan dahilan sa kalayuan at laki ng gastusin na papasanin ng mga magulang o ng mismong mag-aaral. Ang suliranin sa kakauntian ng mga mag-aaral mula sa Katimugang Cavite ay magiging daan sa isa sa magiging mapagpasiyang desisyon ni H. H. Buck sa taong 1903.

Ang Pag-alis ni J. M. Krauss sa Indang

28 RPC 1903:572

45

Page 16: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Kabanata 3 – Panimula ng Edukasyong Amerikano sa Indang

Sa pagtatapos ng taong 1902 ay umalis si J. M. Krauss sa Indang. Tahimik pa rin ang batis pangkasaysayan ukol sa tunay na dahilan ng kaniyang maagang pag-alis, maliban sa ulat ukol sa pagliit ng bilang ng mga guro sa lalawigan bago matapos ang 1902. Iniuulat ni H. H. Buck na mayroong tatlong gurong Amerikano sa Cavite na nagbitiw at umuwi sa Estados Unidos. Isa rito ay dahilan sa mag-aasawa at ang dalawa naman ay dahilan sa pagkakaroon ng karamdaman. Ang ilang hindi umuwi ng Amerika ay ay lumipat ng istasyon ng pinagtuturuan sa ibang lalawigan. Dahilan sa ang pangalan ni J. M. Krauss ay hindi na lumabas sa sumunod na listahan ng mga Thomasites sa taong 1903 at sa anumang ahensiya ng pamahalaang insular ay tiyakan na ito ay kasama sa tatlong umuwi ng Estados Unidos bago pa matapos ang taong 1902.29

Sa pagliit ng bilang ng mga gurong Amerikano, ito naman ay naging daan upang maitalaga ang mga nalalabing gurong Amerikano bilang supervising teacher sa mga distrito ng bayan na kanilang kinatatalagahan. Ang positibong bagay sa kalakaran na ito ay nagkaroon ng oportunidad ang mga na gurong Pilipino na nakapasa sa pagsusulit ng Serbisyo Sibil na maitalaga bilang mga gurong insular.

29 Sa ginawang pag-uusisa ng nagsasaliksik ukol kay J. M. Krauss ay sinangguni ang census ng mga mamamayang Amerikano at pakikipanayam sa mga inapo ng mga ito. Ang tanging inpormasyon na nakuha ay ang sumusunod:

from Michael [email protected] [email protected] Sun, Jun 7, 2009 at 6:29 AM Subject Re: Message from Daniel Anciano

All I can tell you is the John Krauss in my family was born in Callensburg, Clarion Co., PA in 1877.  He was married to the former Grace Daugherty and he died in Washington DC in 1971.  His sister Mary, I have no record of other than her birthdate and place.  Their both about the right age for such a trip and I know nothing of Mary having a husband.  I understand female teachers at that time weren't permitted to marry.  Does that help?

Kung sina John M. Krauss at Mary Krauss na tinutukoy ng nakapalitan ng e-mail ng nagsasaliksik ay siya ring sina J. M. Krauss at Mary Krauss ng Clarion Normal State School ay maituturing na si J. M. Krauss ang pinakahuling namatay na gurong Amerikano na sakay ng barkong USAT Thomas.

46

Page 17: Intermedia ng Indang - Kabanata 03

Intermedia ng Indang/Anciano

Upang higit pang malinang ang kakayahan ng mga gurong Pilipino sa pagtuturo ay kinakailangan ng mga ito na dumalo ng Normal Institute na kalimitan na ginagawa sa dalawang magka-ibang lugar sa Cavite. Sa pagkakaroon ng kasanayan ng mga gurong Pilipino sa lalawigan ay unti-unting naiwan sa kanila ang pagtuturo sa mga silid-aralan at maging ang pangangasiwa sa mga paaralang pambaryo.

47