IKAPITONG ARAW NG PAGDIRIWANG NG PASKO NG …ng taong 2019. Halina’t magpuri at magpasalamat sa...

36
Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya para sa IKAPITONG ARAW NG PAGDIRIWANG NG PASKO NG PAGSILANG Huling Araw ng Taon, paggunita kay San Silvestre I, papa 31 Disyembre 2019

Transcript of IKAPITONG ARAW NG PAGDIRIWANG NG PASKO NG …ng taong 2019. Halina’t magpuri at magpasalamat sa...

  • Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya para sa

    IKAPITONG ARAW

    NG PAGDIRIWANG

    NG PASKO NG PAGSILANG

    Huling Araw ng Taon,

    paggunita kay San Silvestre I, papa

    31 Disyembre 2019

  • PASIMULA __

    Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo

    sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

    Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa

    hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik

    sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay

    paroroon sa kanyang upuan.

    Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay

    magkukrus, ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

    a Ngalan ng Ama,

    at ng Anak, † at ng Espiritu Santo.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinapahayag:

    ng pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,

    ang pag-ibig ng Diyos Ama,

    at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo

    nawa’y sumainyong lahat.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin.

    S

    A

  • PAMBUNGAD NA PANANALITA __

    Ang pari o ang diyakono o anumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng

    maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipinagdiriwang.

    ga kapatid kong minamahal,

    ngayon ang huling araw

    ng taong 2019.

    Halina’t magpuri at magpasalamat sa Diyos

    sa biyayang ipinagkaloob Niya sa atin

    sa loob ng taong ito.

    Gayundin ating ipinagdiriwang

    ang paggunita kay San Silvestre I, papa

    kaalinsabay ng ating pagdiriwang

    sa walong araw na sunod-sunod

    para sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon.

    Kaya’t mga kapatid,

    halina’t pagsisihan ang ating mga kasalanan

    upang marapat tayong magdiwang

    sa kabanal-banalang misteryong ito.

    m

  • PAGSISISI SA KASALANAN __

    Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa

    nagawang kasalanan.

    naamin ko sa makapangyarihang Diyos,

    at sa inyo, mga kapatid,

    na lubha akong nagkasala

    Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

    sa isip, sa salita, sa gawa

    at sa aking pagkukulang.

    Kaya isinasamo ko

    sa Mahal na Birheng Maria,

    sa lahat ng mga anghel at mga banal

    at sa inyo, mga kapatid,

    na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

    Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad.

    aawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,

    patawarin tayo sa ating mga kasalanan

    at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan Mo kami,” maliban kapag naganap

    na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan.

    I

    K

  • PAPURI SA DIYOS __

    apuri sa Diyos sa kaitaasan,

    at sa lupa’y kapayapaan

    sa mga taong kinalulugdan Niya.

    Pinupuri Ka namin,

    dinarangal Ka namin,

    sinasamba Ka namin,

    ipinagbubunyi Ka namin,

    pinasasalamatan Ka namin

    dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

    Panginoong Diyos, Hari ng langit,

    Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

    Panginoong HesuKristo, Bugtong na Anak,

    Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,

    Anak ng Ama.

    Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    maawa Ka sa amin.

    Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    tanggapin Mo ang aming kahilingan.

    Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama

    maawa Ka sa amin.

    Sapagka’t Ikaw lamang ang banal,

    Ikaw lamang ang Panginoon,

    IKaw lamang, O HesuKristo,

    ang Kataas-taasan,

    kasama ng Espiritu Santo

    sa kadakilaan ng Diyos Ama.

    Amen.

    P

  • PANALANGING PAMBUNGAD __

    ma naming makapangyarihan,

    tulungan Mo ang Iyong Sambayanan

    sa idinadalangin ni Papa San Silvestre nang lubusan

    upang sa Iyong pamamahala

    kami’y pagindapating lumigaya kailan man

    sa pagsapit saw akas ng kasalukuyang buhay

    sa pamamagitan ni HesuKristo

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    A

  • Liturhiya ng Salita ng Diyos

    UNANG PAGBASA: 1 JUAN 2: 18-21 __ Ngunit ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu,

    at dahil dito, kayong lahat ay may pagkaunawa.

    ANG SALITA NG DIYOS MULA SA UNANG SULAT

    NI APOSTOL SAN JUAN

    ga anak, malapit na ang wakas!

    Tulad ng narinig ninyo,

    darating ang anti-Kristo.

    Ngayon nga’y marami nang lumitaw na mga anti-Kristo,

    kaya’t alam natin na malapit na ang wakas.

    Bagamat sila’y dating kasamahan natin,

    hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon.

    Sapagkat kung sila’y tunay na atin,

    nanatili sana silang kasama natin.

    Ngunit umalis sila,

    kaya’t maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.

    Ngunit ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu,

    at dahil dito, kayong lahat ay may pagkaunawa.

    Sumusulat ako sa inyo,

    hindi dahil sa di ninyo alam ang katotohanan.

    Alam ninyo ito,

    at alam din ninyo na walang kasinungalingang

    nagmumula sa katotohanan.

    Ang Salita ng Diyos.

    M

  • SALMONG TUGUNAN: Salmo 95: 1-2. 11-12. 13 __

    Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

    Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;

    Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!

    Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;

    araw-araw ang ginawang pagliligtas

    ay banggitin. (Tugon)

    Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,

    lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

    Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,

    pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan. (Tugon)

    Panginoo’y pupurihin, pagkat siya ay daratal,

    paparito sa daigdig, upang lahat ay hatulan.

    Tapat siya kung humatol

    at lahat ay pantay-pantay. (Tugon)

  • ALELUYA (Juan 1: 14a. 12a)

    Aleluya! Aleluya!

    Naging anak ng D’yos tayo

    sa Salitang naging tao

    na nanirahan sa mundo.

    Aleluya! Aleluya!

    MABUTING BALITA: JUAN 1: 1-18 __ Naging tao ang Salita.

    † ANG SIMULA NG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN

    a pasimula pa’y naroon na ang Salita.

    Kasama ng Diyos ang Salita

    at ang Salita ay Diyos.

    Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa.

    Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay,

    at walang anumang nalikha

    nang hindi sa pamamagitan niya.

    Mula sa kanya ang buhay,

    at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.

    Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw,

    at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

    Sinugo ng Diyos ang isang tao

    na nagngangalang Juan.

    Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw

    s

  • at manalig sa ilaw ang lahat

    dahil sa patotoo niya.

    Hindi siya ang ilaw

    kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw.

    Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao

    ay dumarating sa sanlibutan.

    Nasa sanlibutan ang Salita.

    Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya

    ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan.

    Naparito siya sa kanyang bayan

    ngunit hindi siya tinanggap

    ng kanyang mga kababayan.

    Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya

    ay pinagkalooban niya ng karapatang

    maging anak ng Diyos.

    Sila nga’y naging anak ng Diyos,

    hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan,

    ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao.

    Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

    Naging tao ang Salita

    at siya’y nanirahan sa piling natin.

    Nakita namin

    ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan,

    puspos ng pag-ibig at katapatan.

    Tinanggap niya mula sa Ama

    ang kapangyarihan at kadakilaang ito

    bilang bugtong na Anak.

  • Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya.

    At ganito ang kanyang sigaw,

    “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin,

    ‘Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin,

    sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

    Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig,

    tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya

    ng abut-abot na kaloob.

    Sapagkat ibinibigay ang Kautusan

    sa pamamagitan ni Moises

    ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan

    ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo.

    Kailanma’y walang nakakita sa Diyos,

    subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak –

    siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

    At saka isusunod ang Homiliya o Pangaral.

  • PANALANGIN NG BAYAN __

    Pasisimulan ng Pari ang Panalangin ng bayan sa mga sumusunod na salita:

    a kabanal-banalang panahong ito,

    mga mahal na kapatid ko,

    ngayong ipinahayag ng Poong Tagapagligtas

    ang pag-ibig Niyang makatao,

    at sa huling araw ng taong ito,

    halinang dumalangin sa ating Diyos

    at magmakaawa tayo.

    Ang ating itutugon:

    PANGINOONG MAAWAIN,

    KAMI’Y IYONG DINGGIN!

    Babanggitin ng tagabasa ang mga sumusunod na kahilingan:

    Para sa Sambayanan ng Poong Maykapal, upang ang

    ipinaglihi ng Mahal na Birhen sa tugon niyang bigay, at

    ang ipinanganak niya sa hatinggabing tigib ng

    katahimikan ay ating tanggapin nang may tiwala at

    patuluyin nang may kagalakan, manalangin tayo sa

    Panginoon.

    Para sa kaunlaran at kapayapaan ng sanlibutan, upang

    ang lahat ng bigay ng Poong Maykapal ay humantong sa

    pagkakamit ng tanan sa gantimpalang Kanyang inilaan,

    manalangin tayo sa Panginoon.

    S

  • Para sa mga kagutuman, karamdaman at kapanglawan,

    upang ang naganap na pagpapakita ng Mesiyas na

    isinilang ay magdulot ng lakas ng loob, sigla at

    kalusugan, manalangin tayo sa Panginoon.

    Para sa mga mag-anak ng ating Sambayanan, upang sa

    pagtanggap kay Kristong nanunuluyan siya’y matutuhang

    paglingkuran ng mga bata at magulang sa katauhan ng

    mga nasa karalitaan, manalangin tayo sa Panginoon.

    Para sa nagdaang panahon, upang magpasalamat tayo sa

    mga biyayang kaloob ng Diyos, pagsisihan ang mga

    nagawa nating kasalanan, at manalangin sa mga ginawan

    natin ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

    Para sa paparating na bagong taon, upang salubungin

    natin ito nang may galak at buong lugod na tanggapin

    ang hamon na darating at mga pagpapalang bigay ng

    Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

  • Pagkatapos nito, ipahahayag ng Pari ang Pangwakas na Panalangin nang magkadaop ang

    mga kamay:

    ma naming makapangyarihan,

    kami’y naninikluhod na Iyong pagbigyan

    sa mga kahilingan naming ang Tagapag-alay

    ay ang Diyos na totoo at tao namang totoong

    na siyang isinilang,

    ang Panginoon naming HesuKristo

    na namamagitan kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Amen.

    a

  • Liturhiya ng Eukaristiya

    PAGHAHANDA NG MGA HANDOG AT DAMBANA __

    Pagkatapos, sisimulan ang awit sa pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga

    tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang

    Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

    Nababagay ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng

    pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga

    dukha.

    Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan

    ng tinapay na bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

    apuri-puri Ka,

    Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.

    Sa Iyong kagandahang-loob,

    narito ang aming maiaalay.

    Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa

    ang tinapay na ito

    para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

    Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

    Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal

    nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

    Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.

    Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang

    dinarasal nang pabulong:

    a paghahalong ito ng alak at tubig

    kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo

    na nagpagindapat makisalo sa aming pagkatao.

    k

    S

  • Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang

    nakaangat sa dambana habang dinarasal nang pabulong:

    apuri-puri Ka,

    Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.

    Sa Iyong kagandahang-loob,

    narito ang aming maiaalay.

    Mula sa katas ng ubas

    at bunga ng aming paggawa ang alak na ito

    para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

    Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

    Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal

    nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

    Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.

    Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal nang pabulong:

    iyos Amang Lumikha,

    nakikiusap kaming mga makasalanan.

    Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog

    upang kami’y matutong sumunod sa Iyo

    nang buong puso.

    Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana, pagkaraa’y

    iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

    Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay,

    samantalang pabulong niyang dinarasal:

    Diyos kong minamahal,

    kasalanan ko’y hugasan

    at linisin Mong lubusan ang nagawa Kong pagsuway.

    k

    D

    O

  • Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga

    tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinapahayag:

    analangin kayo, mga kapatid,

    upang ang paghahain natin ay kalugdan

    ng Diyos Amang makapangyarihan.

    Sasagot ang mga tao:

    Tanggapin nawa ng Panginoon

    itong paghahain sa Iyong mga kamay

    sa kapurihan Niya at karangalan

    sa ating kapakinabangan

    at sa buong Sambayanan Niyang banal.

    Pagkaraa’y ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang mga panalangin

    ukol sa mga alay.

    PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY __

    ma naming Lumikha,

    ang tapat na pag-ibig at pagkakasundo

    ay sa Iyo nagmumula.

    Ipagkaloob Mong aming mahainan

    ng aming mga alay ang Iyong kadakilaan

    at aming mapagsaluhan sa banal na pakikinabang

    ang aming ipinagdiriwang

    sa pamamagitan ni HesuKristo

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    m

    A

  • PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT __

    Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya

    ang kanyang mga kamay habang Kanyang sinasabi:

    umainyo ang Panginoon.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin.

    Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas ang kanyang mga kamay:

    taas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

    Sasagot ang mga tao:

    Itinaas na namin sa Panginoon.

    Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

    asalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

    Sasagot ang mga tao:

    Marapat na Siya ay pasalamatan.

    S

    I

    P

  • UNANG PREPASYO SA PASKO NG PAGSILANG __ Si Kristo at ang Ilaw

    ma naming makapangyarihan,

    tunay ngang marapat

    na Ikaw ay aming pasalamatan

    sa pamamagitan ni HesuKristo

    na aming Panginoon.

    Ang Anak Mong ‘di na naiiba sa amin

    ay Siyang pumawi sa dilim

    kaya ngayo’y Ikaw ang aming nababanaagan.

    Ang Anak Mong ‘di naiiba sa Iyo

    ay Siyang iisang Salita Mo.

    Sa katauhan Niya ang Iyong sarili’y aming nakikita.

    Sa pamamagitan Niya

    ang Iyong pag-ibig ay kahali-halina

    kahit Ikaw ay lingid sa aming mata.

    Kaya, kaisa ng mga anghel

    na nagsisiawit ng papuri sa Iyo

    nang walang humpay sa kalangitan,

    kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:

    Aawitin o bibigkasin nang malakas ang Santo.

    A

  • UNANG PANALANGIN

    NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

    PAMANTAYANG PANALANGIN NG ROMA

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    ma naming maawain,

    ipinaaabot namin ang pasasalamat sa Iyo

    sa pamamagitan ng aming Panginoong HesuKristo.

    Pagdaraupin ng pari ng kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,

    samantalang kanyang dinarasal:

    Ipinakikiusap namin

    sa pamamagitan ng Anak Mong ito

    na ang mga kaloob namin

    ay tanggapin at basbasan Mo †

    sa pagdiriwang namin ng paghahain Niya sa Iyo.

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    niaalay namin ito sa Iyo,

    unang-una para sa Iyong banal

    na Simbahang Katolika.

    Pagkalooban Mo ng kapayapaan at pagkupkop,

    pagkakaisa at pagtataguyod,

    ang mga kaanib nito sa sansinukob,

    kaisa ng aming Papa FRANCISCO na Iyong lingkod,

    kasama ng aming Obispo N.,

    at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap

    sa pananampalatayang katoliko

    na galing sa mga apostol.

    A

    I

  • PAG-ALALA SA MGA NABUBUHAY SA DAIGDIG

    ma namin,

    Iyong alalahanin ang Iyong mga anak

    na ngayo'y aming idinadalangin:

    N. at N.

    Sila'y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na kamay. Pagkatapos, ang pari

    ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

    Ang aming pananampalataya ay nababatid Mo

    gayun din ang pagsisikap naming maging tapat sa Iyo.

    Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay

    para sa kapakanan namin

    at ng mga mahal namin sa buhay,

    para sa aming kalusugan

    at walang hanggang kaligtasan

    sa pagdulog namin sa Iyong kadakilaan,

    Diyos na totoo at nabubuhay kailanman.

    PAG-ALALA SA MGA BANAL

    Tagapamuno o ibang Nakikipagdiwang:

    aisa ng buong Simbahan,

    ipinagdiriwang namin sa araw na ito

    ang dakilang kapistahan ng Pasko ng Pagsilang

    ng Tagapagligtas sa sanlibutan,

    noong Siya’y ipanganak ni Santa Maria

    na nagdalang-tao at nanatili pa ring Birhen.

    Pinararangalan namin ngayon, unang-una

    ang Ina ng Diyos at Panginoon naming HesuKristo

    si Maria na maluwalhating laging Birhen,

    A

    K

  • gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,

    ang Iyong pinagpalang mga apostol at martir

    na sina Pedro, Pablo, at Andres,

    (sina Santiago, Juan,

    Tomas, Santiago, Felipe,

    Bartolome, Mateo,

    Simon at Tadeo,

    gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,

    Cornelio, Cipriano,

    Lorenzo, Crisogono,

    Juan at Pablo,

    Cosme at Damian)

    at ang lahat ng Iyong mga banal.

    Pakundangan sa kanilang ginagawang mga kabutihan

    at walang sawang pagdalangin

    para sa aming kapakanan,

    kami ay lagi Mong kalingain at ipagsanggalang.

    (Sa pamamagitan ng aming Panginoong HesuKristo.

    Amen.)

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    ma namin, Iyong tanggapin

    ang handog na ito ng Iyong buong angkan.

    Loobin Mong kami ay makapamuhay

    araw-araw sa Iyong kapayapaan.

    Huwag Mong ipahintulot na kami

    ay mawalay sa Iyo kailan pa man.

    Ibilang Mo kami sa Iyong mga hinirang.

    A

  • Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    (Sa pamamagitan ng aming Panginoong HesuKristo.

    Amen.)

    Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya'y nagdarasal.

    ma namin, basbasan Mo

    ang mga handog naming ito.

    Marapatin Mong sambahin Ka namin

    sa Espiritu at katotohanan,

    kaya para sa amin

    ito ay gawin Mong maging Katawan at Dugo

    ng pinakamamahal Mong Anak,

    ang aming Panginoong HesuKristo.

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng

    malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihngi ng kahulugan ng mga ito.

    Noong bisperas ng Kanyang pagpapakasakit,

    Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang

    patuloy na ipinahahayag:

    hinawakan Niya ang tinapay

    sa Kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.

    Ang pari ay titingala.

    Tumingala Siya sa langit,

    sa Iyo, Diyos Ama Niyang makapangyarihan,

    at nagpasalamat Siya sa Iyo.

    Pinaghati-hati Niya ang tinapay,

    A

  • iniabot sa Kanyang mga alagad at sinabi:

    Bahagyang yuyuko ang pari.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:

    ITO ANG AKING KATAWAN

    NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

    Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito

    sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

    Ang pari ay magpapatuloy:

    Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,

    Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang

    kanyang patuloy na ipinahahayag:

    hinawakan Niya ang kalis na ito ng pagpapala

    sa Kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,

    muli Ka Niyang pinasalamatan,

    iniabot Niya ang kalis

    sa Kanyang mga alagad at sinabi:

    Bahagyang yuyuko ang pari.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:

    ITO ANG KALIS NG AKING DUGO

    NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,

    ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS

    PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT

    SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

    GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

  • Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo,

    at luluhod siya bilang pagsamba.

    Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

    pagbunyi natin ang misteryo

    ng ating pananampalataya.

    Ang mga tao ay magbubunyi:

    Aming ipinahahayag

    na namatay ang iyong Anak

    nabuhay bilang Mesiyas

    at magbabalik sa wakas

    para mahayag sa lahat.

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

    ma,

    kaming mga lingkod Mo

    at bumubuo sa Iyong bayang banal

    ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo

    na Iyong Anak at aming Panginoon.

    Ginugunita namin

    ang Kanyang dakilang pagpapakasakit

    ang pagbangon Niya mula sa kamatayan,

    at ang matagumpay na pag-akyat Niya sa kalangitan.

    Kaya mula sa mga biyayang sa Iyo rin nanggaling

    inihahandog namin sa Iyong kataas-taasang kamahalan

    ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:

    ang pagkaing nagbibigay-buhay kailanman

    at ang inuming nagbibigay-kagalingang

    walang katapusan.

    I

    A

  • Masdan Mo nang buong kasiyahan

    ang aming mga alay na ito.

    Ganapin Mo sa mga ito ang ginawa Mo

    sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa Iyo,

    sa paghahain ni Abraham,

    na ama namin sa pananampalatayang totoo,

    at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,

    na paring hirang Mo.

    Paunlakan Mo ngayong tanggapin

    ang banal at dalisay na paghahain.

    Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay:

    akapangyarihang Diyos,

    hinihiling naming Iyong ipaakyat

    sa banal Mong anghel

    ang mga alay na ito

    sa dakilang dambanang nasa Iyong harap

    upang sa pagsasalo

    sa banal na Katawan at Dugo ng Iyong Anak

    sa pakikinabang namin ngayon dito

    sa banal Mong hapag,

    Tatayo nang matuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal:

    kami ay mapuspos ng Iyong pagpapala

    at tanang pagbabasbas.

    M

  • PAG-ALALA SA MGA YUMAO SA DAIGDIG

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    Tagapamuno o ibang Nakikipagdiwang:

    ma namin, Iyo ring alalahanin

    ang mga anak Mong naunang yumao sa amin

    sa paghimlay sa Iyong kapayapaan

    yamang ang tatak ng pananampalataya

    ay kanilang taglay

    at sila ngayon ay aming ipinagdarasal:

    N. at N.

    Sila'y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang

    pari ay patuloy na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

    Sila, at ang tanang nahihimlay sa kandungan ni Kristo

    ay aming idinadalangin sa Iyo

    upang Iyong pagbigyang makarating

    sa pagsasalo, pagliliwanag

    at pamamahinga sa Iyong piling.

    Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang

    magdasal.

    Tagapamuno o ibang Nakikipagdiwang:

    Kahit kami ay mga makasalanan Mong lingkod

    Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

    kami rin ay nagtitiwala

    sa Iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay

    sa aming pamumuhay sa araw-araw.

    A

  • Kaya pagindapatin Mo ring

    kami ay makaugnay ay makapiling

    ng Iyong mga banal na apostol at martir,

    kasama nina Juan Bautista, Esteban, Matias, Bernabe

    (Ignacio, Alejanrdro,

    Marcelino, Pedro,

    Felicidad, Perpetua,

    Agata, Lucia,

    Agnes, Cecilia, Anastacia)

    at ng lahat ng Iyong mga banal.

    Kami nawa'y makapisan nila

    hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang

    kulang na kulang

    kundi pakundangan sa Iyong pagpupuno

    sa aming kakulangan

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    sa pamamagitan ng aming Panginoong HesuKristo.

    At patuloy siyang magdarasal.

    Sa Kanyang pamamagitan

    ang tanang mabubuting kaloob Mong ito

    ay lagi Mong pinaiiral, pinababanal,

    binubuhay, binabasbasan

    at sa amin ibinibigay.

  • Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at kalis na kapwa niya itataas habang kanyang

    ipinahahayag:

    a pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya,

    ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,

    Diyos Amang makapangyarihan,

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Ang mga tao ay magbubunyi:

    Amen.

    s

  • RITU NG PAKIKINABANG __

    Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na

    mga kamay:

    a tagubilin ng mga nakagagaling na mga utos,

    at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos

    ipahayag natin ng lakas-loob:

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

    ma namin, sumasalangit Ka,

    sambahin ang ngalan Mo.

    Mapasaamin ang kaharian Mo

    sundin ang loob Mo

    dito sa lupa para nang sa langit.

    Bigyan Mo kami ngayon

    ng aming kakanin sa araw-araw.

    At patawarin Mo kami sa aming mga sala

    para nang pagpapatawad namin

    sa nagkakasala sa amin.

    At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.

    At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

    Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na

    mga kamay:

    inihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,

    pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,

    iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan

    samantalang aming pinananabikan

    S

    A

    H

  • ang dakilang araw ng pagpapahayag

    ng Tagapagligtas naming si HesuKristo.

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin

    sa pag-awit ng pagbubunyi:

    Sapagka’t Iyo ang kaharian

    at ang kapangyarihan at ang kapurihan

    magpakailan man!

    Malakas na darasalin ng pari habang nakalahad ang mga kamay:

    anginoong HesuKristo,

    sinabi Mo sa Iyong mga apostol

    “Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.

    Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”

    Tunghayan Mo ang aming pananampalataya

    at huwag ang aming mga pagkakasala.

    Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan

    at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Paharap sa sambayanan, maglalahad at magdaraop ng mga kamay ang pari at sasabihin:

    ng kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin. Aanyayahan niyang magbigayan ng kapayapaan ang sambayanan:

    P

    A

  • agbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

    Magbibigayan ng kapayapaan ang mga tao.

    Samantala, hahawakan ng tagapamuno ang ostiya at hahatiin niya iyon sa ibabaw ng

    pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong na dinarasal:

    a pagsasawak na ito,

    ng Katawan at Dugo

    ng aming Panginoong Hesukristo

    tanggapin nawa namin sa pakikinabang

    ang buhay na walang hanggan.

    Habang isinasagawa ito, aawitin ang Kordero ng Diyos:

    Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    maawa Ka sa amin.

    Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    maawa Ka sa amin.

    Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

    Samantala, hahawakan ng tagapamuno ang ostiya at hahatiin niya iyon sa ibabaw ng

    pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong na dinarasal:

    anginoong HesuKristo, Anak ng Diyos na buhay,

    sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,

    binuhay Mo sa Iyong pagkamatay ang sanlibutan.

    Pakundangan sa Iyong banal na Katawan at Dugo,

    M

    s

    P

  • iadya Mo ako sa tanang aking kasalanan

    at lahat ng masama,

    gawin Mong ako’y makasunod lagi sa Iyong mga utos,

    at huwag Mong ipahintulot

    na ako’y mawalay sa Iyo kailan man.

    O kaya:

    ng pakikinabang ng Katawan at Dugo Mo,

    Panginoong HesuKristo,

    ay huwag nawang magdulot

    ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.

    Alang-alang sa Iyong dakilang pag-ibig

    nawa’y aking matanggap

    ang pagkupkop Mo sa akin at kaloob Mong lunas.

    Luluhod ang pari at pagtayo niya’y hahawakan niya ang ostiya na itataas sa ibabaw ng

    kalis. Sasabihin niya sa mga tao nang malakas:

    to ang Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.

    Mapapalad tayong inaanyayahan sa banal na piging.

    Sasabihin ng lahat:

    Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa Iyo

    ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.

    Makikinabang ang pari nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na

    nagdarasal:

    Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo

    para sa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

    A

    I

  • Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

    Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo

    para sa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

    Tatanggap na ang mga tao ng pakikinabang. Habang ginaganap ito, magsisimula ang awit

    ng pakikinabang.

    Titipunin ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan sa kalis na huhugasan. Habang

    ginaganap ito, pabulong na darasalin ng naghuhugas:

    ma naming mapagmahal,

    ang aming tinanggap ngayon

    ay amin nawang mapakinabangan

    at ang Iyong ipinagkaloob

    ay magdulot nawa sa amin

    ng kagalingang pangmagpakailan man.

    Mag-uukol ng ilang saglit na katahimikan pagkatapos na makapakinabang ang lahat.

    Mula sa kanyang upuan, tatayo ang pari at ilalahad ang kanyang mga kamay habang

    ipinahahayag ang Panalanging Pagkapakinabang.

    A

  • PANALANGING PAGKAPAKINABANG __

    ma naming mapagmahal,

    kaming pinapagsalo Mo sa Iyong banal na piging

    ay papakinabangin Mo sa Iyong dakilang pag-ibig

    ngayon at kailan man

    upang pagkalipas ng mga kaloob Mong pansamantala

    makamtan namin ang aming inaasahang pampalagian

    sa pamamagitan ni HesuKristo

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    A

  • PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS __

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay sa pagpapahayag:

    umainyo ang Panginoon.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin.

    Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

    agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,

    Ama, at Anak, † at Espiritu Santo. araw

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Ipahahayag ng pari ang paghayo:

    aglayin ninyo sa inyong pag-alis

    ang kapayapaan ni Kristo.

    Sasagot ang mga tao:

    Salamat sa Diyos.

    Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos

    makapagbigay-pitagan ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo habang nagaganap ang

    awiting pangwakas.

    S

    p

    T