Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga...

25
Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco. Na-update noong 4/7/2021. Pahina 1 sa 25 Gabay Muling Pagbubukas ng Mga TK-12 na Paaralan para sa Personal at Nasa Site na Pagtuturo: Pansamantalang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021 Marso 21, 2021 Ang gabay na ito ay binuo ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH) para sa lokal na paggamit. Ipo-post ito sa https://www.sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Buod ng Mga Pagbabago mula sa Bersyon noong 3/12/2021 Naka-highlight ang mahahalagang pagbabago sa buong dokumento sa asul na kulay. Na-update ang mga rekomendasyon para umayon sa gabay ng (California Department of Public Health, CDPH) na inilabas noong 3/20/2021. Dapat ay hindi bababa sa 3 talampakan ang layo ng mga upuan ng mga mag-aaral sa isa't isa, at hindi kailangang nakaharap ang mga ito sa iisang direksyon. Hindi na regular na inirerekomenda ang mga plexiglass barrier o iba pang partition, gaano man kalayo ang pagitan ng bawat upuan ng mga mag-aaral. Paglilinaw sa pagkilos at aktibidad ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Puwedeng lumahok ang mga mag-aaral sa hanggang 2 extracurricular cohort. Na-update ang gabay para sa sports. Pinapayagan ang outdoor na pagkanta at paggamit ng mga wind instrument sa kundisyong dapat nakasuot ng mga face mask at may cover ang mga instrumento. Pinapayagan ang mga outdoor na field trip kung walang gagamiting sasakyan para sa lahat o pampublikong sasakyan. AUDIENCE: Mga pampubliko, pribado, at sektaryang (Transitional Kindergarten to 12th grade, TK-12) na paaralan sa San Francisco. Ang mga programa sa transitional kindergarten (Transitional Kindergarten, TK) na hindi bahagi ng isang paaralang elementarya ay dapat sumangguni sa gabay ng SFDPH para sa mga programa ng childcare. LAYUNIN: Para matulungan ang mga TK-12 na paaralang maunawaan ang mga kinakailangang kagawian sa kalusugan at kaligtasan para sa personal na pagtuturo. BACKGROUND: Mula noong nagsimula ang epidemya ng COVID-19, mas lumawak na ang ating pag-unawa sa COVID-19. Alam nating mabisang nakakatulong ang mga pag-iingat, gaya ng mga pangkalahatang pantakip sa mukha at pagbuo ng mga cohort na paliitin ang posibilidad na mahawa ng COVID-19. Sa pamamagitan ng pag-uugnay at pagle-layer ng mga epektibong interbensyon, mapapababa ng mga paaralan ang panganib ng COVID-19 nang sapat para ligtas na muling magbukas para sa mga staff at mag-aaral. Ang mga rekomendasyon sa ibaba ay batay sa pinakamahusay na pag-aaral na available sa ngayon, at sa kasalukuyang dami ng nahawa ng COVID-19 sa San Francisco. Puwedeng magbago ang mga ito kapag may bagong napag-alaman at may nagbago sa lokal na transmisyon sa komunidad.

Transcript of Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga...

Page 1: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco. Na-update noong 4/7/2021. Pahina 1 sa 25

Gabay

Muling Pagbubukas ng Mga TK-12 na Paaralan para sa Personal at Nasa Site na Pagtuturo:

Pansamantalang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021 Marso 21, 2021

Ang gabay na ito ay binuo ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH) para sa lokal na paggamit. Ipo-post ito sa https://www.sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare

Buod ng Mga Pagbabago mula sa Bersyon noong 3/12/2021

Naka-highlight ang mahahalagang pagbabago sa buong dokumento sa asul na kulay.

• Na-update ang mga rekomendasyon para umayon sa gabay ng (California Department of Public Health, CDPH) na inilabas noong 3/20/2021.

• Dapat ay hindi bababa sa 3 talampakan ang layo ng mga upuan ng mga mag-aaral sa isa't isa, at hindi kailangang nakaharap ang mga ito sa iisang direksyon.

• Hindi na regular na inirerekomenda ang mga plexiglass barrier o iba pang partition, gaano man kalayo ang pagitan ng bawat upuan ng mga mag-aaral.

• Paglilinaw sa pagkilos at aktibidad ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. • Puwedeng lumahok ang mga mag-aaral sa hanggang 2 extracurricular cohort. • Na-update ang gabay para sa sports. • Pinapayagan ang outdoor na pagkanta at paggamit ng mga wind instrument sa kundisyong

dapat nakasuot ng mga face mask at may cover ang mga instrumento. • Pinapayagan ang mga outdoor na field trip kung walang gagamiting sasakyan para sa lahat o

pampublikong sasakyan.

AUDIENCE: Mga pampubliko, pribado, at sektaryang (Transitional Kindergarten to 12th grade, TK-12) na paaralan sa San Francisco. Ang mga programa sa transitional kindergarten (Transitional Kindergarten, TK) na hindi bahagi ng isang paaralang elementarya ay dapat sumangguni sa gabay ng SFDPH para sa mga programa ng childcare.

LAYUNIN: Para matulungan ang mga TK-12 na paaralang maunawaan ang mga kinakailangang kagawian sa kalusugan at kaligtasan para sa personal na pagtuturo.

BACKGROUND: Mula noong nagsimula ang epidemya ng COVID-19, mas lumawak na ang ating pag-unawa sa COVID-19. Alam nating mabisang nakakatulong ang mga pag-iingat, gaya ng mga pangkalahatang pantakip sa mukha at pagbuo ng mga cohort na paliitin ang posibilidad na mahawa ng COVID-19. Sa pamamagitan ng pag-uugnay at pagle-layer ng mga epektibong interbensyon, mapapababa ng mga paaralan ang panganib ng COVID-19 nang sapat para ligtas na muling magbukas para sa mga staff at mag-aaral.

Ang mga rekomendasyon sa ibaba ay batay sa pinakamahusay na pag-aaral na available sa ngayon, at sa kasalukuyang dami ng nahawa ng COVID-19 sa San Francisco. Puwedeng magbago ang mga ito kapag may bagong napag-alaman at may nagbago sa lokal na transmisyon sa komunidad.

Page 2: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina2 sa 25

Mga Nilalaman Key messages for schools ............................................................................................................................. 2 Prepare for reopening .................................................................................................................................. 3

Eligibility to reopen under the CDPH Reopening Framework .................................................................. 3 Applying to reopen ................................................................................................................................... 4 Prepare for re-opening ............................................................................................................................. 4 Required signs .......................................................................................................................................... 6

Strategies to prevent spread of COVID-19 in schools .................................................................................. 7 Prevent COVID-19 from entering the school ............................................................................................ 7 Stable groups of staff and students ......................................................................................................... 8 Physical distancing ................................................................................................................................... 9 Face masks and cloth face coverings ...................................................................................................... 11 Ventilation and outdoor spaces ............................................................................................................. 13 Testing .................................................................................................................................................... 15 Hand hygiene ......................................................................................................................................... 16 Limit sharing ........................................................................................................................................... 16 Cleaning and disinfection ....................................................................................................................... 16

Specific situations ....................................................................................................................................... 17 Staff break rooms and teacher work rooms ........................................................................................... 17 Transportation ........................................................................................................................................ 18 Arrival and dismissal ............................................................................................................................... 18 Meals and snacks ................................................................................................................................... 19 Field trips ................................................................................................................................................ 20 Sports, dance, wind instruments, singing, and related activities ........................................................... 20 Students receiving special services ........................................................................................................ 21

What to do when someone has COVID-19 symptoms or confirmed COVID-19 ......................................... 21 For staff or students with symptoms of COVID-19 ................................................................................. 22 For confirmed COVID-19 cases, take these steps ................................................................................... 22 Deciding if your school should close due to COVID-19 .......................................................................... 23

Resources ................................................................................................................................................... 24

Mahahalagang mensahe para sa mga paaralan • Tugunan ang hawaan sa pagitan ng mga staff at ang mga staff bilang pinagmumulan ng

hawaan. May ilan nang pag-aaral na nagpakitang mas malamang ay makahawa ng COVID-19 ang staff sa mga paaralan kaysa sa mga mag-aaral.

o Limitahan ang bilang ng staff na magkakasamang kumakain sa mga indoor na break room. Ang sama-samang pagkain sa mga break room ay isang karaniwang paraan kung paano nalalantad ang mga staff sa COVID-19 sa mga lugar ng trabaho.

Mas mahalagang maiwasan ang hawahan sa pagitan ng mga tao na nangyayari sa pamamagitan ng mga respiratory droplet kaysa sa paglilinis at pag-disinfect. Pinakamahalaga ang mga face mask, physical distancing, at indoor na bentilasyon sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

Kumakalat ang COVID-19 mula sa isang tao patungo sa isa pa sa hangin sa pamamagitan ng mga respiratory droplet na may virus. Napupunta ang mga droplet na ito sa hangin kapag humihinga ang isang taong may COVID-19, lalo na kung nagsasalita, kumakanta, umuubo, bumabahing, o

Page 3: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina3 sa 25

nag-eehersisyo siya. Sa mga indoor na espasyong hindi maayos ang bentilasyon, ang mga mas maliliit na droplet ay puwedeng magpalutang-lutang at sumama sa hangin sa loob ng mahigit 6 na talampakan. Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 ay dapat pumasok sa mata, ilong, o bibig ng tao para mahawa siya.

Puwede ring kumalat ang COVID-19 kung hahawakan ng isang tao ang kanyang mata, ilong, o bibig pagkatapos humawak sa kontaminadong surface (na kilala din bilang fomite), pero hindi ito gaanong pangkaraniwan.

• Ang panganib ng pagkakalantad ay nakasalalay sa pagpapatuloy nito. Bilang pamantayan, dapat tumagal ang isang tao nang kabuuang 15 minuto sa 24 na oras nang may distansyang 6 na talampakan mula sa isang taong may COVID-19 para magkaroon ng panganib na mahawa.

o Mas ligtas kung hindi gaanong magsasama-sama; mas ligtas din ang magpanatili ng distansya sa isa't isa.

o Mas ligtas ang maliliit na grupo kaysa sa malalaki, mas ligtas sa labas kaysa sa loob.

o Mas ligtas kung mas maraming tao ang nagsusuot ng face mask kaysa sa kung mas kaunti ang mga taong nagsusuot ng face mask.

o Ang mga aktibidad na nagdudulot ng mas kaunting respiratory droplet ay mas ligtas kaysa sa mga aktibidad na nagdudulot ng maraming droplet (katahimikan < tahimik na pakikipag-usap < malakas na pakikipag-usap < kantahan).

Maghanda para sa muling pagbubukas

Pagiging kwalipikadong magbukas ulit sa ilalim ng Framework sa Muling Pagbubukas ng CDPH

Pula, Kahel, at Dilaw na Tier Purple na Tier kapag ≤ 25 ang

na-adjust na rate ng kaso

Purple na Tier na may na-adjust na rate ng kaso na >25

Mga site ng paaralang hindi pa muling nagbubukas

Ang lahat ng paaralang naaprubahan ng SFDPH ang aplikasyon ay puwedeng muling magbukas kapag 25 pababa na ang na-adjust na rate ng kaso ng county.

Wala pang paaralan na puwedeng muling magbukas. Puwedeng mag-alok o magpalawig ang mga site ng paaralan ng naka-target at naka-specialize na suporta at limitadong pagtuturo para sa maliliit na cohort ng mga mag-aaral (ibig sabihin, “Mga Lugar ng Pagkatuto” (“Learning Hubs”) o Mga Espesyal na Klase sa Araw para sa mga mag-aaral sa espesyal na edukasyon).

Mga site ng paaralang muli nang nagbukas

Puwedeng magpatuloy ang mga paaralan na magpasok ng mga karagdagang baitang, mag-aaral, o araw/oras kada linggo.

• Para maituring na “muling nagbukas” para sa personal na pagtuturo para sa mga layunin ng

chart sa itaas, dapat ay inialok ng partikular na site o lokasyon ng paaralan sa LAHAT ng mag-aaral sa kahit 1 baitang ang opsyong dumalo sa personal, at nakapagsimula na ito sa personal na pagtuturo sa kahit ilan sa mga mag-aaral nito.

Page 4: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina4 sa 25

• Nalalapat ang muling pagbubukas sa site ng paaralan, hindi para sa isang buong paaralan o (Local Educational Agency, LEA). Halimbawa, kung ang paaralan ay may isang campus para sa baitang (Kindergarten to 2nd grade, K-2) at isa pa para sa baitang 3-5, ang bawat site ay ituturing na magkahiwalay kapag tiningnan ang pagiging kwalipikado ng mga ito para sa muling pagbubukas.

• Kung naaprubahan nang muling magbukas ang paaralan, at naging mas mataas pa ang rate ng kaso ng county sa 25, puwede pa ring muling magbukas ang paaralan sa loob ng 3 linggo. Para sa mga detalye, tingnan ang https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/COVID19-K12-Schools-InPerson-Instruction.aspx

• Kung pansamantalang isinara ang isang paaralan, halimbawa, sa loob ng 10-14 araw pagkatapos ng pagkalat ng virus, puwedeng muling magbukas ang paaralan.

Pag-a-apply para muling magbukas • Magsumite ng aplikasyon sa SFDPH. Mangangailangan din ang iyong paaralan ng pagsusuri ng

pasilidad at pagtatasa ng site para maaprubahang muling magbukas para sa personal na pagtuturo. Para sa proseso ng aplikasyon, tingnan ang https://www.sfdph.org/dph/COVID-19/Schools-Education.asp

Kailangang kasama sa iyong aplikasyon ang mga sumusunod na dokumento: o Isang Pangkalusugan at Pangkaligtasang Plano na naglalarawan sa gagawin ng paaralan

para maipatupad ang mga kailangan sa gabay na ito at ang anumang nauugnay na Pangkalusugang Kautusan o Direktiba ng San Francisco.

Isang Plano ng Kaligtasan sa COVID-19 ng CDPH (COVID-19 Safety Plan, CSP), na binubuo ng dalawang dokumento: o Checklist ng Gabay ng Paaralan para sa COVID-19 ng CDPH

o CDPH COVID-19 Programa ng Pag-iwas sa COVID-19 ng Cal-OSHA (COVID-19 Prevention Program, CPP), na iniaatas sa lahat ng employer alinsunod sa Cal/OSHA’s Emergency Temporary Standards (Mga Pansamantalang Pamantayan sa Emergency ng Cal/OSHA) na inilathala noong 12/1/2020. Puwedeng magsilbi bilang CPP mo ang Plano sa Kalusugan at Kaligtasan ng paaralan mo kung kasama rito ang lahat ng elementong ipinag-aatas ng Cal-OSHA.

• Ipaskil ang iyong Plano sa Kaligtasan sa COVID-19 ng CDPH sa paaralan mo o i-post ito sa homepage ng website ng LEA nang hindi bababa sa 5 araw bago ang muling pagbubukas. Na-post na dapat ng mga paaralang muli nang nagbukas ang kanilang Plano sa Kaligtasan sa COVID-19 ng CDPH sa homepage ng kanilang website bago ang Pebrero 1, 2021.

Maghanda para sa muling pagbubukas • Magtalaga ng tauhang tagapag-ugnay na nakatuon sa COVID-19 na maging nag-iisang taong

makakaugnayan sa bawat paaralan para sa mga tanong o alalahanin tungkol sa mga kagawian, protocol, o potensyal na pagkakalantad. Magsisilbi ring tagapag-ugnay sa SFDPH ang taong ito.

• Magpatupad ng mga pangkalusugan at pangkaligtasang protocol para mapigilan ang pagkakahawa sa COVID-19, gaya ng iniaatas ng mga Pangkalusugang Kautusan ng SFDPH.

• Isailalim ang mga staff at mag-aaral sa pagsasanay tungkol sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang kagawian. Iniaatas ng Cal/OSHA na saklawin ng pagsasanay ng empleyado ang

Page 5: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina5 sa 25

ilang partikular na Impormasyon tungkol sa COVID-19. Tingnan ang https://www.dir.ca.gov/dosh/coronavirus/COVID19FAQs.html

• Tukuyin ang mga kuwarto para sa pag-isolate para sa mga mag-aaral na may mga sintomas ng COVID-19 na naghihintay na sunduin. Ang mga kuwarto sa pag-isolate ay dapat nasa bahagi kung saan hindi nakakapasok o nakakadaan ang iba.

• Magpatupad ng mga protocol para sa mga staff at mag-aaral na may mga sintomas ng COVID-19 at para sa pakikipag-ugnayan sa mga staff, mag-aaral, at pamilya pagkatapos magkaroon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa paaralan.

• Ibahagi ang pangkalusugan at pangkaligtasang plano ng paaralan mo sa mga staff, pamilya, mag-aaral, at iba pang miyembro ng komunidad ng paaralan.

Mga pagsasaalang-alang sa staff Protektahan ang mga staff, lalo na ang mga nanganganib na magkaroon ng malubhang kaso ng COVID-19. Tingnan ang sfcdcp.org/vulnerable para sa listahan ng mga grupong mas nanganganib na magkaroon ng malubhang kaso ng COVID-19.

• Mag-alok ng mga opsyong nagpapababa sa pagkakalantad sa panganib sa mga staff na kabilang sa mga grupong mas nanganganib na magkaroon ng malubhang kaso ng COVID-19 (hal., telework, pagtatalaga sa ibang gawain, o mga binagong tungkulin sa trabaho na naglilimita sa pagkakaroon ng direktang pakikisalamuha sa mga staff at mag-aaral).

o Iwasang italaga ang mga hindi medikal na staff sa mga grupong mas nanganganib na magkaroon ng malubhang kaso ng COVID-19 para tasahin ang mga mag-aaral na hindi maganda ang pakiramdam o subaybayan/alagaan ang mga mag-aaral na may sakit na naghihintay na masundo.

o Pag-isipan ang paggamit ng mga face shield na gagamitin kasama ng mga pantakip sa mukha para sa mga staff na may mga tungkulin kung saan mahirap magpanatili ng physical distancing.

o Huwag hayaang magsama-sama ang mga staff na mula sa magkakaibang stable na grupo. Sa loob ng dalawang linggo bago magbukas ang paaralan, huwag magsagawa ng personal na pagpapahusay ng staff, mga pulong, o aktibidad sa team-building kung saan magsasama-sama ang mga staff na magtatrabaho sa iba't ibang stable na grupo.

• Magpatupad ng mga patakaran sa sick leave, na sumusuporta sa pananatili sa bahay kapag may sakit.

• Subaybayan ang pagliban sa trabaho ng mga staff. Magplano para sa mga 10 araw na pagliban ng mga staff dahil sa pagkakahawa o pagkakalantad sa COVID-19 kapag dumarami ang mga nahahawa sa komunidad. Magkaroon ng roster ng mga back-up na sinanay na staff.

o Iwasan ang pagsasama ng mga stable na grupo kapag may staff na lumiban, dahil pinapataas nito ang panganib ng pagkalat ng impeksyon sa iyong paaralan.

o Maging handa sa pagbibigay ng distance learning sa mga mag-aaral na may mga gurong dapat manatili sa bahay dahil sa pagkakahawa o pagkakalantad sa COVID-19, at walang iba pang guro na makakapagturo.

Page 6: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina6 sa 25

Mga pagsasaalang-alang sa mag-aaral • Isapriyoridad ang mga mag-aaral na malamang na makakaranas ng pinakamalaking negatibong

epekto mula sa kawalan ng kakayahang aktwal na makapasok, nang isinasaalang-alang ang equity.

• Tiyaking may access sa pagtuturo ang mga mag-aaral pati ang mga mag-aaral na may mga kapansanan, alinsunod sa iniaatas ng batas ng pederal at estado.

• Mag-alok ng distance learning para sa mga mag-aaral na maaaring malagay sa panganib ang kalusugan o ang kalusugan ng kanyang pamilya/sambahayan kapag pumasok siya sa paaralan nang personal. Para sa listahan ng mga grupong mas nanganganib na magkaroon ng malubhang kaso ng COVID-19, tingnan ang sfcdcp.org/vulnerable.

• Huwag ibukod ang mga mag-aaral mula sa aktwal na pagpasok dahil lang sa mga medikal na kundisyon na naglalagay sa kanila sa mas mataas na panganib na magkaroon ng malubhang kaso ng COVID-19. Hayaan ang medikal na pangkat at pamilya ng bata na tukuyin kung ligtas na pumasok siya nang personal.

Mga kinakailangang karatula Dapat ipaskil ng mga paaralang nakabukas ang mga karatulang ito:

• Tandaang magsuot ng pantakip sa mukha, manatili sa layong 6 na talampakan, at manatili sa bahay kung may sakit Ipaskil sa lahat ng pampublikong entrance at iba pang lugar kung saan madaling mapapansin ang mga karatula. Makikita ang mga karatulang naaprubahan ng SFDPH online sa sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-covid-19

• Pag-uulat ng mga hindi ligtas na kundisyong nauugnay sa COVID-19 Magpaskil sa mga break room ng staff at iba pang lugar ng staff. Online sa https://sf.gov/file/reporting-health-order-violations-poster-11x17 at https://sf.gov/sites/default/files/2020-11/YourHealthOnTheJob-8.5x11-111220.pdf

Dapat sabihin ng mga karatula na magagawa ng mga staff na mag-ulat ng mga paglabag sa mga pangkalusugang kautusan at direktiba kaugnay ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagtawag sa 311 o online sa https://www.sf.gov/report-health-order-violation, at hindi ibubunyag sa employer ang pagkakakilanlan ng empleyado.

• Mga Checklist para sa Bentilasyon (mga indoor na programa lang) Ipaskil sa mga break room ng staff. Online sa https://sf.gov/file/ventilation-checklist-poster

• Nakalista dapat sa mga karatula kung paano ang bentilasyon ng mga programa:

§ Mananatiling nakabukas ang lahat ng magagamit na bintana at pintuan

§ Mga ganap na tumatakbong (Heating, Ventilation, and Air Conditioning, HVAC) system

§ Mga portable na air cleaner na may naaangkop na laki sa bawat kuwarto

§ Wala sa itaas

• Magpahinga nang Ligtas Ipaskil ito sa mga break room ng staff. Online sa https://sf.gov/file/covid-break-room

Page 7: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina7 sa 25

Mga istratehiya para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga paaralan

Pigilang makapasok ang COVID-19 sa paaralan I-screen ang lahat ng papasok sa paaralan para sa mga sintomas ng o pagkalantad sa COVID-19.

• Bigyan ang mga staff at pamilya ng mga mag-aaral ng form ng pag-screen na susuriin sa bahay bawat araw. Sabihan ang mga staff at mag-aaral na manatili sa bahay at magpasuri kung mayroon silang mga sintomas ng o pagkakalantad (close contact) sa COVID-19. Maaaring atasan ng mga paaralan ang mga staff at pamilyang magsumite ng mga sagot sa pag-screen sa pamamagitan ng app, email, sa papel, o sa pamamagitan ng ibang paraan.

• Tanungin ang lahat ng taong pumapasok sa paaralan tungkol sa mga sintomas ng at pagkakalantad sa COVID-19 – kasama ang mga magulang/tagapag-alaga, bisita, contractor, at opisyal ng pamahalaan. Hindi kailangang suriin ang mga pang-emergency na tauhang tumutugon sa 911 na tawag.

• Kung sasagot ang mga tao ng “oo” sa alinman sa mga tanong sa pag-screen at pagkakalantad, huwag silang hayaang pumasok.

• Kung darating ang mga mag-aaral na may mga sintomas, pauwiin sila. Panatilihing nasa nakatalagang isolation room ang mga mag-aaral na naghihintay na masundo.

• Maaaring piliin ng mga paaralang mag-atas ng mga pagkuha ng temperatura ng mga taong papasok sa paaralan, sa bahay man o pagkarating. Hindi iniaatas ng SFDPH ang pagkuha ng temperatura sa mga paaralan.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-screen at pagkuha ng temperatura, tingnan ang sfcdcp.org/screen.

Dapat manatili sa bahay ang staff at mga bata na may sakit. • Ipaalala sa mga magulang na panatilihin sa bahay ang mga mag-aaral kapag may sakit sila.

Mayroong kopya ng handout para sa magulang/tagapag-alaga, na “COVID-19 Health Checks/If Your Child has Symptoms”( “Mga Pagsusuri sa Kalusugan para sa COVID-19/Kung May Mga Sintomas ang Inyong Anak") sa https://sfcdcp.org/covidschoolschildcare.

• Hikayatin ang mga kapamilya ng mga mag-aaral at staff na may mga sintomas ng COVID-19 na magpa-test kaagad bago sila makahawa sa mga mag-aaral at staff.

Hikayatin ang mga staff at mag-aaral na manatili sa bahay sa loob ng 10 araw pagkatapos magbiyahe.

• Dapat umiwas ang mga mag-aaral at staff sa hindi kinakailangang pagbiyaheng mahigit 120 milya mula sa kanilang bahay, tulad ng ipinapayo ng CDPH. Dagdag pa rito, dapat mag-quarantine sa loob ng 10 araw ang mga taong papunta o pabalik sa San Francisco mula sa ibang estado o bansa. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/Travel-Advisory.aspx

Paghigpitan ang mga hindi kinakailangang bisita • Limitahan ang mga hindi kinakailangang bisita kabilang ang mga volunteer.

• Huwag magpapasok ng mga magulang at iba pang kapamilya sa paaralan. Huwag payagan ang mga kapamilya na pumasok sa mga silid-aralan at iba pang lugar para sa mga mag-aaral.

Page 8: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina8 sa 25

• Dapat makatugon ang mga tour ng paaralan at open house sa mga ipinag-aatas ng CDPH at SFDPH para sa mga pagtitipon. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang https://sfcdcp.org/gatheringtips. Huwag magsagawa ng mga tour at open house kapag may mga mag-aaral. Magpanatili ng log ng lahat ng taong naroroon, kung sakaling magpopositibo sa pagsusuri para sa COVID-19 ang isang taong kasama sa tour o open house sa ibang pagkakataon.

• Para sa mga nauugnay na Utos at Direktiba sa Kalusugan, tingnan ang https://www.sfdph.org/healthorders at https://www.sfdph.org/directives.

Mga stable na grupo ng mga staff at mag-aaral Ang isang stable na grupo ay may pare-parehong staff at mag-aaral sa bawat araw, magkakasama sa lahat ng aktibidad (hal., sa tanghalian, sa recess, atbp.), at umiiwas sa pakikisalamuha sa mga taong hindi kasali sa nasabing grupo. Ang pagpapanatili ng mga guro at mag-aaral sa iisang grupo ay nakakatulong na mapababa ang kanilang panganib na mailantad sa pamamagitan ng pagbawas sa bilang ng mga taong nakakasalamuha nila sa bawat araw. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga maliliit na grupo hangga't maaari, mas napapababa pa ang panganib ng pagkakalantad.

• Dapat panatilihin ng mga paaralang elementarya ang mga mag-aaral sa mga hindi pabago-bagong grupo ng silid-aralan, hindi mas malaki sa karaniwang laki ng klase para sa bawat kaukulang baitang, na pareho lang ang (mga) guro para sa buong araw.

• Ang mga middle school at high school ay maaaring magkaroon ng mas malalaking grupo na may mga mag-aaral mula sa mahigit sa isang silid-aralan. Hangga't maaari, panatilihing maliit ang mga stable na grupo, habang tinitiyak na hindi nakabukod-bukod ang mga grupo ayon sa lahi/etnisidad o sosyoekonomikong antas.

o Hangga't maaari, limitahan ang pagpapalipat-lipat ng mga mag-aaral at guro. Pinapahintulutan ang pagpapalipat-lipat ng mga mag-aaral sa pagitan ng mga grupo para matugunan ang mga pang-edukasyong pangangailangan ng mga mag-aaral.

o Pag-isipan ang mga block na iskedyul o iba pang iskedyul na may mas mahahabang klase at mas kaunting asignatura kada araw para mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na nakakasalamuha ng mga guro sa bawat araw. Makakatulong din ito na mabawasan ang mga pagkakataon na magkahalo-halo ang mga mag-aaral sa mga pasilyo kapag lumilipat ng klase. Kung ginagamit ang block na iskedyul, hindi dapat magbago ang mga grupo nang mas madalas sa tuwing 3-4 na linggo.

• Dapat idokumento ng mga staff ng paaralan ang mga pagbisita sa mga silid-aralan na hindi bahagi ng kanilang grupo. Pag-isipang maglagay ng sign-in sheet/log sa pinto ng silid-aralan.

Puwedeng maging bahagi ang mga mag-aaral ng hindi lalampas sa dalawang cohort sa labas ng paaralan.

• Puwedeng lumahok ang mga mag-aaral sa hindi lalampas sa 2 extracurricular cohort, bilang karagdagan sa kanilang stable na grupo sa pagtuturo sa paaralan. Nalalapat ito kahit na nasa magkakaibang mga araw sa isang linggo ang mga programa. Halimbawa, hindi puwedeng dumalo ang isang bata sa isang programa pagkatapos ng klase tuwing MWF, art class tuwing Mar-Huw, at programa para sa pangkabataang sports tuwing Sabado.

o Hindi ibibilang sa limitasyong ito ang mga extracurricular na aktibidad kung saan mga mag-aaral lang mula sa iisang grupo sa pagtuturo ang kasama. Halimbawa, kung bubuo ng cohort ng mga mag-aaral ang isang mataas na paaralan ayon sa baitang, ibibilang sa limitasyong ito ang drama club pagkatapos ng klase na pinagsasama-sama ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang, pero hindi ibibilang ang drama club ng ika-9 baitang.

Page 9: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina9 sa 25

• HINDI dapat lumahok ang mga mag-aaral na naglalaro ng indoor na moderate- o high-contact sport sa ika-2 extracurricular cohort nang sabay. Ang mga high-contact sport na tulad ng basketball at hockey ay nagbibigay ng mas mataas na panganib ng pagkalat ng COVID-19, at dati nang naiugnay ang mga ito sa mga pagkalat sa mga kabataan.

Halimbawa, ang mag-aaral na naglalaro ng indoor na basketball ay hindi dapat lumahok sa anupamang extracurricular cohort. Gayunpaman, puwede siyang patuloy na lumahok sa mga aktibidad sa sports, pagsasayaw, at pag-eehersisyo na bahagi ng kanyang mga personal na klase sa paaralan. Para sa listahan ng mga moderate- at high-contact sport, tingnan ang https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/outdoor-indoor-recreational-sports.aspx

Limitahan ang paghahalo ng mga grupo, kasama ang staff na nakatalaga sa ibang grupo. • Huwag pagsabay-sabayin ang mga iskedyul para sa pagdating/pag-uwi, recess, at tanghalian

para maiwasan ang paghahalo-halo ng mga grupo.

• Magtalaga ng mga partikular na ruta para sa pagpasok at paglabas sa paaralan para sa bawat grupo gamit ang maraming pasukan/labasan hangga't maaari.

• Bawasan ang paggalaw ng mga mag-aaral sa mga pasilyo Mga halimbawa ng mga istratehiya para mapanatiling walang tao sa mga pasilyo:

o Magtakda ng maliit at hindi pabago-bagong hanay ng mga guro na magpalipat-lipat ng silid-aralan para sa iba't ibang asignatura habang nananatili sa silid-aralan ang mga mag-aaral.

o Huwag pagsabay-sabayin ang mga oras ng pagpapalit ng klase para isang grupo lang ang nasa pasilyo sa anumang partikular na oras.

o Pag-isipang gumawa ng mga one-way na pasilyo para mabawasan ang pagkukumpulan. Maglagay ng mga pisikal na gabay, tulad ng tape, sa mga sahig at bangketa para markahan ang mga one-way na ruta.

o Magtalaga ng magkakatabing silid-aralan sa mga gurong nasa iisang grupo para mabawasan ang distansyang nilalakad ng mga mag-aaral sa pagitan ng mga klase.

• Kasalukuyang ipinagbabawal ang mga pagtitipon ng higit sa isang grupo (ibig sabihin, mga asamblea sa paaralan, mga pagtatanghal, pagpupulong sa umaga).

Physical distancing Binabawasan ng physical distancing ang panganib ng pagkakaroon ng COVID-19 mula sa mga respiratory droplet. Napag-alaman sa mga kamakailang pag-aaral ng mga sistema ng paaralan na nakabukas para sa personal na pagkatuto na epektibo ang physical distancing na 3 talampakan sa pagpigil sa hawahan ng mga mag-aaral kapag sinamahan ng mga mask, kahit mataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa komunidad. Gayunpaman, mas malaki ang posibilidad na makahawa ang staff sa ibang staff at mag-aaral sa mga silid-aralan kumpara sa mga mag-aaral. Dahil dito, dapat patuloy na manatili sa layong 6 na talampakan ang mga staff mula sa mga mag-aaral at mula sa isa't isa.

Physical distancing para sa staff • Dapat manatili ang mga staff nang hindi bababa sa 6 na talampakang distansya mula sa iba pang

nasa hustong gulang, kasama na ang staff na nasa iisang grupo, hangga't maaari.

Page 10: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina10 sa 25

o Mag-set up ng mga workspace ng staff nang sa gayon ay hindi sila nagtatrabaho o nakaupo nang may distansyang 6 na talampakan mula sa isa't isa.

o Pag-isipan ang mga virtual na meeting gamit ang mga app para sa video conferencing para sa mga pulong ng magulang at guro at pulong ng mga staff, kahit na nasa campus ang lahat ng staff.

• Manatili dapat ang staff sa 6 na talampakang layo mula sa mga mag-aaral hangga't posible habang tinutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-unlad at pagkatuto.

Physical distancing sa pagitan ng mga mag-aaral • Paaralang elementarya: Sa panahon ng mga panggrupong aktibidad, paglalaro, at recess,

puwedeng luwagan ang physical distancing para sa mga mas batang mag-aaral sa isang silid-aralan na may suot na mga face mask. Kapag nasa labas o nasa mga pampublikong espasyo, isapriyoridad ang pag-iwas sa mga interaksyon sa pagitan ng mga stable na grupo kaysa sa paglalayo-layo ng mga mag-aaral sa loob ng isang grupo.

• Middle school at high school: Mas nagiging mahalaga ang physical distancing ng mga mag-aaral kapag ang mga stable na grupo ng mag-aaral ay mas malaki kaysa sa isang klase, o kung may mga pagpapalipat-lipat na nangyayari sa pagitan ng mga stable na grupo.

Sa silid-aralan • Kahit na may mga limitasyon sa espasyo, dapat ay hindi bababa sa 6 na talampakan ang layo ng

mga upuan ng mga staff mula sa mga upuan ng mga mag-aaral.

• Hindi dapat bababa sa 3 talampakan ang pagitan ng mga upuan ng mga mag-aaral sa isa't isa.

• Pag-isipang gumamit ng mga alternatibong espasyo tulad ng mga cafeteria at bulwagan para sa pagtuturo para magkaroon ng mas malawak na espasyo sa pagitan ng mga mag-aaral.

• Paupuin ang mga mag-aaral sa parehong upuan kung saan sila umuupo kung posible. Iwasan ang mga pagbabago ng mga puwesto ng pag-upo nang mas madalas sa kada 3-4 na linggo, maliban na lang kung kailangan para sa kaligtasan o kapakanan ng mag-aaral. Kung lilipat ng silid-aralan ang mga grupo para sa iba't ibang asignatura, subukang panatilihin ang parehong mga puwesto ng pag-upo sa lahat ng klase.

• Magagawa ng mga mag-aaral na umikot sa silid-aralan para kumuha ng mga supply, magpasa ng gawa, o pumunta sa ibang bahagi ng silid-aralan, kahit na pumasok sila sa loob ng 3 talampakan mula sa ibang mag-aaral habang naglalakad papunta sa ibang lugar. Halimbawa, puwedeng iwan ng mga mag-aaral ang kanilang mga mesa para makibahagi sa grupo ng pagbabasa sa isang classroom rug.

Sa labas ng silid-aralan • Limitahan ang bilang ng mga taong gumagamit ng mga banyo, elevator, locker room, kuwarto ng

staff, at iba pang espasyong para sa lahat para mabawasan ang pagsisiksikan. Puwedeng gumamit ng magkakatabing stall ng banyo. Magpaskil ng mga karatula tungkol sa mga limitasyon sa paggamit.

• Sa mga lugar kung saan nagsasama-sama o naghihintay sa pila ang mga mag-aaral, maglagay sa sahig o sa mga pader ng marka para isaad kung saan tatayo.

• Pag-isipang ihinto ang paggamit ng mga locker sa mga pasilyo at iba pang espasyong para sa lahat. Halimbawa: Magtalaga ng mga locker para mabigyan ng mga locker na may layong hindi bababa sa 3 talampakan sa isa't isa ang mga mag-aaral sa iisang stable na grupo, at huwag pagsabay-sabayin ang mga oras ng pag-access sa locker sa pagitan ng mga grupo.

• Pag-isipang suspindihin ang mga pangangailangan sa uniporme para sa (Physical Education, PE) para hindi kailanganin ng mga mag-aaral na gamitin ang locker room para magpalit.

Page 11: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina11 sa 25

Mga face mask at telang pantakip sa mukha Nakakatulong ang mga face mask at iba pang pantakip sa mukha na mapigilang makahawa ng iba ang mga tao sa pamamagitan ng pagpigil sa mga respiratory droplet bago liparin ang mga ito sa hangin. Nakakatulong din ang mga itong protektahan ang taong nagsusuot ng pantakip sa mukha mula sa impeksyon.

Para sa gabay na ito, kasama sa “mga face mask” ang mga pantakip sa mukha na tumatakip sa bibig at ilong at walang exhalation valve.

• Ang lahat ng nasa hustong gulang at mag-aaral ay dapat magsuot ng mga face mask na nakakatakip sa kanilang ilong at bibig habang nasa campus. Kasama rito ang mga miyembro ng pamilya at tagapag-alagang naghahatid o sumusundo sa mga mag-aaral sa labas ng gusali.

• Hindi maaaring pumasok sa gusali ang mga tao maliban na lang kung may suot silang face mask o may dokumentasyon sila ng medikal na kontraindikasyon sa mga face mask.

• Magbigay ng face mask sa mga mag-aaral na makakalimot magdala nito sa paaralan. Inirerekomenda ang mga nagagamit muli (reusable) na face mask na gawa sa tela kaysa sa mga mask na itinatapon na pagkatapos gamitin nang isang beses (disposable), at puwedeng ipauwi ang mga ito sa mga pamilya para labhan.

• Magkaroon ng supply ng mga face mask para sa iba pang indibidwal na nakalimutang magdala nito.

• Iniaatas ng CDPH na huwag isama ang mga mag-aaral sa personal na attendance kung ayaw magsuot ng mag-aaral ng face mask at wala siyang medikal na pagbubukod.

• Mangangailangan ang ilang mag-aaral ng karagdagang suporta para patuloy na makapagsuot ng mga face mask. Dapat isaalang-alang ng mga paaralan ang pagiging patas at ang indibidwal na sitwasyon ng bawat bata kapag nagpapasya kung paano pinakamahusay na suportahan ang mga mag-aaral sa pagsusuot ng mga face mask.

• Huwag ibukod ang mga mag-aaral sa personal na pag-aaral kung mayroon silang inaprubahang medikal na pagbubukod sa mga face mask. Para sa mga mag-aaral na may pagbubukod dahil sa developmental delay, autism, o iba pang kundisyong nakakalimita sa kanilang kakayahan na makagamit ng face mask, hikayatin, at ipaalala sa kanila na magsuot ng face mask hangga't maaari.

Para sa mga mag-aaral na nahihirapang magsuot ng face mask sa lahat ng pagkakataon, bigyang-priyoridad ang tuluy-tuloy na paggamit ng face mask sa mga sumusunod na sitwasyon:

o Sa mga pasilyo, banyo, at iba pang nakabahaging lugar kung saan posibleng may makasalubong ang mag-aaral na mga tauhan at mag-aaral mula sa iba pang stable na grupo.

o Para sa mga mas batang mag-aaral, sa mga panahong maluwag ang physical distancing.

o Kapag nasa labas ng campus sa mga pampublikong lugar, halimbawa, kapag naglalakad sa isang kalapit na parke o nasa labas ng gusali sa drop-off o pick-up.

o Kapag may sakit ang isang mag-aaral at hinihintay niya ang kanyang sundo (at hindi siya natutulog).

• Dapat lang isagawa ang pagbubukod sa personal na pag-aaral pagkatapos magawa ang lahat ng pagsisikap para masuportahan ang mga mag-aaral sa tuloy-tuloy na pagsusuot ng face mask. Mag-alok ng mga alternatibong oportunidad sa pagkatuto para sa mga mag-aaral na nakabukod sa campus.

Page 12: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina12 sa 25

Mga hindi kasali sa mga face mask at pantakip sa mukha na gawa sa tela; paggamit ng mga face shield

• Hindi kasama rito ang mga mag-aaral na may mga dokumentadong medikal o sikolohikal na kontraindikasyon sa mga telang pantakip sa mukha. Kasama rito ang mga batang walang kakayahang magsuot ng face mask dahil sa autism o developmental delay, at mga batang walang kakayahang mag-alis ng face mask nang mag-isa dahil sa delay o kapansanan sa development. Paupuin ang mga mag-aaral na hindi nakakapagsuot ng face mask nang hindi bababa sa 6 na talampakang layo mula sa iba pang mag-aaral, kung posible, gawin ito nang hindi nagkakaroon ng stigma sa mag-aaral.

• Dapat kumpirmahin ng mga pangkat ng kalusugan ng mga distrito ng paaralan o independiyenteng paaralan ang mga pagbubukod ng mag-aaral. Dapat magsuot ng hindi nakakasagabal na alternatibo ang mga mag-aaral na may mga pagbubukod, gaya ng face shield na may drape sa ibabang dulo, kung maaari para sa kanilang kundisyon.

• Ang hika, claustrophobia, at pagkabagabag ay hindi itinuturing, sa pangkalahatan, bilang mga kontraindikasyon sa mga face mask.

• Gayunpaman, hindi ito kasing-epektibo ng face mask sa pagpigil sa pagkalat ng impeksyon.

• Ang staff na hindi nakasuot ng pantakip sa mukha, face shield na may drape o iba pang mabisang alternatibo, sa anumang dahilan, ay dapat na nasa layong hindi bababa sa anim na talampakan mula sa lahat ng iba pang tao maliban na lang kung sinusuri ang hindi naka-mask na empleyado nang hindi bababa sa dalawang beses kada linggo para sa COVID-19. Huwag gumamit ng pagsusuri para sa COVID-19 bilang alternatibo sa mga pantakip sa mukha kapag iniaatas ang mga pantakip sa mukha.

• Ang staff na may medikal na kontraindikasyon sa face mask, na nadokumento ng isang provider ng serbisyong medikal, ay maaaring payagang magsuot ng face shield na may nakataling tela sa ilalim na nakaipit sa itaas ng kanilang kamiseta. Hindi kailangang magsuot ng face mask ng mga staff nagtatrabaho nang mag-isa sa isang pribadong indoor na espasyo kung

o Ang espasyo ay ganap na sarado (ibig sabihin, isang pribadong opisina, at hindi isang cubicle), at

o Malamang ay walang pumasok na tao sa espasyo anumang oras sa susunod na ilang araw

Hindi nakabukod ang mga tauhang nagtatrabaho nang mag-isa sa isang silid-aralan na kalaunan ay gagamitin ng iba, at dapat silang magsuot ng mask. Gayundin, ang mga administrator sa isang pribadong opisina ay dapat magsuot ng mask, kahit mag-isa sila, kung makatuwiran nilang maaasahan ang iba na pumasok sa kanilang opisina para magtanong o makipagpulong.

• Ang staff na nagtatrabaho kasama ang mga mag-aaral na may problema sa pandinig ay maaaring gumamit ng clear mask (isang disposable o tela na pantakip sa mukha na may clear na harap). Kung hindi ito posible, maaari ding gumamit ng face shield na may nakabalot na tela na nakaipit sa kamiseta o clear na harang. Dapat magsuot ng pantakip sa mukha ang staff sa iba pang pagkakataon.

• Huwag gumamit ng mga face shield kapalit ng mga face mask sa ibang sitwasyon. Walang patunay na nakakatulong ang mga face shield na hindi makahawa ng iba ang may suot nito.

Page 13: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina13 sa 25

• Pag-isipang gumamit ng face shield bukod pa sa face mask. Nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mata ang mga face shield para sa nagsusuot nito. Kapag ginamit ang face shield kasama ang mask, hindi na kailangan ng nakabalot na tela.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang https://www.sfdph.org/dph/alerts/files/Order-C19-12-Face-Coverings.pdf https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/guidance-for-face-coverings.aspx

Bentilasyon at mga outdoor na espasyo Mas mababa ang panganib sa pagiging nasa labas kaysa sa pagiging nasa loob. Kapag nasa indoors, mas liliit ang posibilidad ng impeksyon kapag pinahusay ang sirkulasyon ng hangin sa labas dahil “mada-dilute” ang anumang nakakahawang respiratory virus sa hangin sa sariwang hangin.

Mga outdoor na espasyo • Gawin sa labas ang maraming aktibidad kung posible, lalo na ang mga aktibidad na may mas

mataas na panganib tulad ng pagmemeryenda/pagkain at pag-eehersisyo.

• Iba-ibahin ang oras ng paggamit sa mga outdoor na espasyo para maiwasang magkahalo-halo ang mga grupo. Kung sapat ang luwang ng outdoor na espasyo, subukang magtalaga ng hiwa-hiwalay na lugar para sa bawat grupo.

• Puwedeng takpan ang mga outdoor na espasyo gamit ang tent, canopy, o iba pang silungan, basta't nakakasunod ang silungan sa mga alituntunin ng CDPH at SFDPH para sa ventilation ng mga outdoor na structure sa https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/Use-of-Temporary-Structures-for-Outdoor-Business-Operations.aspx at https://www.sfdph.org/dph/files/ig/Guidance-Shared-Outdoor-Spaces.pdf

• Kailangan lang ng regular na pagpapanatili sa mga outdoor na palaruan/karaniwang lugar para sa paglalaro. Tiyaking maghuhugas o magsa-sanitize ang mga bata ng kanilang mga kamay bago at pagkatapos gamitin ang mga lugar na ito. Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa hygiene ng kamay, hindi kailangang linisin ang mga outdoor na palaruan sa pagitan ng paggamit ng mga grupo.

Page 14: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina14 sa 25

Tiyaking may magandang bentilasyon ang mga indoor na espasyo. Puwedeng mabawasan ng mga system ng bentilasyon ang bilang ng mga nakakahawang respiratory droplet sa hangin sa pamamagitan ng pagpapalit sa indoor na hangin ng sariwa at hindi kontaminadong hangin, at/o pag-filter sa mga droplet sa hangin. Sinusuri ng SFDPH ang bentilasyon bilang bahagi ng aplikasyon ng lahat ng paaralan para muling magbukas para sa personal na pagtuturo. Dapat gawin ng mga paaralan ang anumang pagpapahusay sa bentilasyong iniaatas ng SFDPH.

Kasama sa mga pangkalahatang rekomendasyon ang:

• Magbukas ng mga bintana para pahusayin ang natural na bentilasyon sa pamamagitan ng outdoor na hangin kapag hindi magiging banta sa kalusugan at kaligtasan. Kung puwede, pag-isipan ding iwanan ang mga pinto nang bahagyang nakabukas para pumasok ang sariwang hangin sa indoor na espasyo.

• Huwag harangan o ipitan ang mga fire exit. Patuloy na sundin ang mga ipinag-aatas sa kaligtasan sa sunog at gusali.

• Kung magkakaroon ng banta sa pagkahulog para sa mga bata ang mga bukas na bintana, gumamit ng mga kandado ng bintana para hindi magbukas ang mga bintana nang lampas 4 na pulgada, o ng iba pang pangkaligtasang device para maiwasan ang pagkahulog.

• Kung may HVAC system ang iyong programa (minsan ay tinatawag na mekanikal na bentilasyon, forced air, o central air), i-maximize ang pagpasok ng outdoor na hangin at pababain ang umiikot na hangin.

• Pag-isipan ang paggamit ng mga portable na air cleaner (mga “[High-Efficiency Particulate Air, HEPA] filter”).

• Kung gumagamit ang paaralan ng mga fan, i-adjust ang direksyon ng mga fan para hindi ito bumubuga mula sa indibidwal na espasyo ng isang tao patungo sa espasyo ng isa pang tao.

Para sa gabay tungkol sa bentilasyon, tingnan ang https://www.sfcdcp.org/COVID-ventilation at https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/schools-childcare/ventilation.html

Page 15: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina15 sa 25

Pagsusuri Ang mga routine na pagsusuri ng mga asymptomatic na staff at mag-aaral sa mga paaralan sa San Francisco na muling nagbukas ay nagpakita ng mga napakababang rate ng impeksyon sa COVID-19, lalo na para sa mga mag-aaral. Tumutugma ito sa mga napag-alaman mula sa New York City at iba pang distrito ng paaralan na muling nagbukas para sa in-person na pag-aaral. Sa San Francisco, napakakaunting pagsusuri ang nagpositibo, at malaking bahagi ng mga ito ang naging mga false positive na pagsusuri sa COVID-19. Dahil sa mga ito, hindi na inirerekomenda ng SFDPH ang regular na pagpapasuri ng mga mag-aaral na walang sintomas ng COVID-19 o pagkakalantad dito, at hindi na nito inirerekomenda ang regular na pagpapasuri ng mga staff na walang sintomas ng COVID-19 o pagkakalantad dito, kung sila ay nasa mga dilaw o kahel na tier.

Tingnan ang Direktiba Blg. 2020-33 ng Opisyal sa Kalusugan para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga kasalukuyang kinakailangan sa pagsusuri para sa mga paaralan sa https://www.sfdph.org/directives

• Dapat suriin sa loob ng pitong araw ang mga staff sa mga site ng paaralang nag-aalok ng personal na pagtuturo bago ang kanilang unang araw ng trabaho sa site ng paaralan.

• Dapat suriin ng paaralan ang asymptomatic na staff at mag-aaral sa mga site ng paaralang nag-aalok ng personal na pagtuturo gaya ng nakalista sa ibaba. Ang mga mag-aaral at staff na nagkaroon ng COVID-19 sa nakalipas na 90 araw, na kinumpirma ng pagsusuri sa laboratoryo, ay hindi kasali.

Dilaw/Kahel Pula/Purple Deep Purple kapag

Na-adjust na Rate ng Kaso >14

Mga asymptomatic na staff na walang alam na pagkakalantad

Hindi kinakailangan.

Lahat ng staff, kada 2 linggo

Lahat ng staff, kada linggo PCR o dalawang beses kada linggo na

antigen testing

Mga asymptomatic na mag-aaral na walang alam na pagkakalantad

Hindi kinakailangan.

o Sa ngayon, inirerekomenda lang ang rapid antigen testing para sa dalawang beses kada linggong pag-screen na pagsusuri.

o Kung ang isang tao na walang sintomas ay may positibong rapid antigen testing, dapat kumpirmahin ang resulta gamit ang isang PCR test. Kung negatibo ang PCR, ang tao ay itinuturing na WALANG COVID-19. Para sa mga detalye, tingnan ang https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/lab/resources/antigen-tests-guidelines.html#evaluating-test-results

• Iniaatas ng Cal/OSHA na masuri ang mga staff kada linggo sa panahon ng pagkalat ng virus. Dapat ding alukin ng pagsusuri ang mga manggagawang nalantad sa trabaho. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang https://www.dir.ca.gov/dosh/coronavirus/COVID19FAQs.html#testing

Page 16: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina16 sa 25

Hygiene ng kamay Naaalis ng madalas na paghuhugas ng kamay at paggamit ng hand sanitizer ang mga mikrobyo ng COVID-19 sa mga kamay ng mga tao bago sila maimpeksyon sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang mga mata, ilong, o bibig.

• Gumawa ng mga routine para sa mga staff at mag-aaral sa lahat ng baitang para mahugasan at ma-sanitize ang kanilang mga kamay, lalo na bago at pagkatapos kumain, kapag papasok/muling papasok sa silid-aralan, bago at pagkatapos gumamit ng kagamitang ginagamit din ng ibang tao tulad ng mga keyboard ng computer.

• Dapat ay may hand sanitizer o lugar para makapaghugas ng kamay sa pasukan ng bawat silid-aralan/lugar ng pagtuturo at common area (mga work room ng staff, kainan).

• Magpatupad ng mga pamamaraan para matiyak na hindi mauubusan ng sabon o mga paper towel ang mga lababo at istasyon para sa paghuhugas ng kamay, at para masigurong hindi mauubusan ng hand sanitizer.

• Magpaskil ng mga paunawa na naghihikayat sa hygiene ng kamay. Makakapag-download ng karatula sa hygiene ng kamay na nasa maraming wika sa http://eziz.org/assets/docs/IMM-825.pdf

Limitahan ang paghihiraman • Pag-isipan ang pagsuspinde o pagbabago ng paggamit ng mga drinking fountain. Sa halip,

hikayatin ang paggamit ng mga reusable na bote ng tubig. Puwedeng manatiling nakabukas ang mga water bottle filling station, o “hydration station.”

• Hangga't posible, limitahan ang paghihiraman ng mga indibidwal na art supply, manipulative, at iba pang materyales na madalas na hinahawakan.

• Puwedeng gumamit ang mga mag-aaral ng mga supply at kagamitang para sa lahat tulad ng mga computer, aklat, laro, palaruan, at area rug. Utusan ang mga mag-aaral na hugasan o i-sanitize ang kanilang mga kamay bago at pagkatapos gumamit ng mga supply at kagamitang para sa lahat.

Paglilinis at pag-disinfect Dapat magpatuloy ang regular na paglilinis, pero hindi na inirerekomenda sa mga paaralan ang routine na pag-disinfect ng CDPH. Ang mga kontaminadong surface ay hindi ipinagpapalagay na mahalagang ruta ng transmisyon, at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga mag-aaral ang madalas na pag-disinfect dahil sa malalakas na kemikal na madalas na ginagamit.

• Linisin ang mga madalas hawakang surface araw-araw at sa pagitan ng paggamit ng mga stable na grupo. Nakatuon ang regular na paglilinis sa mga surface na madalas hawakan tulad ng mga hawakan ng pinto, pinaghihiramang desk at lamesa, switch ng ilaw, hawakan sa lababo, at keyboard.

o Ang mga mesa at upuang ginagamit ng iisang tao ay hindi kailangang linisin araw-araw.

o Hindi kailangang regular na linisin sa bawat paggamit ang mga aklat, magazine, at envelope na gawa sa papel.

Page 17: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina17 sa 25

• Pagkatapos makatukoy ng kaso ng COVID-19, linisin at i-disinfect ang mga lugar kung saan nagtagal ang taong may COVID-19 (silid-aralan, o opisina ng administrator). Isagawa ang mga sumusunod na hakbang:

o Buksan ang mga bintana at gumamit ng mga fan para dagdagan ang sirkulasyon ng sariwang hangin sa mga lugar na lilinisin.

o Maghintay nang 24 na oras o hanggang sa kailangan bago maglinis at mag-disinfect.

o Linisin at i-disinfect ang lahat ng surface sa mga lugar na ginamit ng may sakit na tao, kabilang ang mga electronic na kagamitan tulad ng mga tablet, touch screen, keyboard, at remote control. Gumamit ng disinfectant na mabisa laban sa COVID-19. Tingnan ang Listahan ng (Environmental Protection Agency, EPA) para sa mga disinfectant na naaprubahan ng EPA na mabisa laban sa COVID-19.

o I-vacuum ang espasyo kung kailangan.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang gabay ng (Centers for Disease Control and Prevention, CDC) sa https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/disinfecting-building-facility.html at Framework ng COVID-19 at Muling Pagbubukas ng Personal na Pagtuturo at Gabay sa Pampublikong Kalusugan para sa mga K-12 na Paaralan, seksyon tungkol sa Paglilinis at Pag-disinfect https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/CDPH%20Document%20Library/COVID-19/Consolidated_Schools_Guidance.pdf

Mga partikular na sitwasyon

Mga break room ng staff/work room ng guro Ang mga break room ang karaniwang pinagmumulan ng pagkakalantad sa COVID-19 sa lahat ng lugar ng trabaho. Karaniwang hindi itinuturing ng mga tauhan ang kanilang mga sarili at mga kasamahan nila bilang mga pinagmumulan ng impeksyon, at nakakalimutan nilang magsagawa ng mga pag-iingat kasama ang mga katrabaho, lalo na sa panahon ng pakikisalamuha tulad ng mga break o tanghalian, kapag nasa copy room, kapag tumitingin ng mga mailbox, atbp.

• Huwag hayaan ang mga staff na kumain nang magkakasama lalo na kapag nasa loob.

o Dapat abisuhan ng mga paaralan ang mga staff na hindi sila dapat kumain indoors kapag posible.

o Dapat magbigay ang mga paaralan ng outdoor na break area, kung maaari, para magsilbing kainan ng mga staff.

• Pigilan ang mga staff na magsama-sama sa mga break room at iba pang indoor na espasyo ng mga staff.

• Limitahan ang bilang ng mga tao sa mga indoor na break room at iba pang espasyo ng mga staff sa mas mababa sa a) 25% ng maximum na bilang ng tao o b) sa bilang ng mga taong pinapayagan sa 6 na talampakang distansya.

• Ipaskil ang maximum na bilang ng tao sa loob ng mga break room at iba pang espasyo para sa staff.

Page 18: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina18 sa 25

• Ipaskil ang mga iniaatas na karatula sa mga break room, kasama ang mga karatulang nagpapaalala sa mga staff na manatili sa distansyang 6 na talampakan mula sa isa't isa, panatilihing nakasuot ang kanilang mga facemask maliban na lang kung kakain, at hugasan ang kanilang mga kamay bago at pagkatapos kumain

• Buksan ang mga bintana at pinto para ma-maximize ang bentilasyon kapag posible lalo na kung kumakain ang mga staff o kung malapit nang umabot sa maximum na pinapayagang bilang ng tao ang kuwarto.

Transportasyon Dahil ang mga sasakyan ay maliliit na nakasaradong espasyo kung saan hindi magagawa ang physical distancing, maaaring maging lugar ang mga ito kung saan mataas ang panganib na mahawa ng COVID-19. Mas mababa ang panganib kapag nagbibisikleta o naglalakad kaysa sa pagsakay nang magkakasama sa mga sasakyan.

• Mga School Bus

o Dapat i-screen ng mga magulang/tagapag-alaga ang mga mag-aaral para sa mga sintomas ng at pagkakalantad sa COVID-19 bago lumabas ng bahay ang mga mag-aaral para sumakay ng bus.

o Ang mga driver at pasahero ay dapat magsuot ng mga pantakip sa mukha na tumatakip sa kanilang ilong at bibig, maliban na lang kung may dokumentadong medikal o sikolohikal na kontraindikasyon ang isang mag-aaral. Ang mga driver ay may supply dapat ng mga pantakip sa mukha kung sakaling makalimutan ng mag-aaral ang kanyang pantakip sa mukha.

o Dapat umupo ang mga mag-aaral sa puwestong may distansyang 6 na talampakan mula sa driver.

o Sagarin ang espasyong mailalaan sa pagitan ng mga mag-aaral. Maaaring umupo nang magkatabi ang mga mag-aaral na nakatira sa iisang bahay.

o Depende sa panahon at kung ligtas na gawin, panatilihing nakabukas ang mga bintana ng sasakyan kapag magagawa ito.

o Dapat linisin ang mga bus araw-araw at pagkatapos magsakay ng sinumang indibidwal na may mga sintomas ng COVID-19.

• Pampublikong transportasyon: Sa pamamagitan ng hindi sabay-sabay na oras ng pasukan, magagawa ng mga mag-aaral at staff na gumagamit ng pampublikong transportasyon na gawin ito sa oras na mas kaunti ang tao sa mga bus at tren. Makakabawas ito sa panganib na malantad sa sakit.

• Mga carpool at magkakasamang pagsakay: Abisuhan ang staff at pamilya na makipag-carpool sa parehong stable na grupo ng mga tao. Buksan ang mga bintana at i-maximize ang sirkulasyon ng sariwang hangin. Dapat ay may suot na pantakip sa mukha ang lahat ng nasa sasakyan.

Pagpasok at uwian Kung magtitipon-tipon at makikipagsalamuha ang mga mag-aaral at magulang/tagapag-alaga mula sa iba't ibang bahay sa oras ng pagdating at pag-uwi, nagkakaroon ng oportunidad na kumalat ang COVID-19 sa komunidad ng paaralan.

• Huwag pagsabay-sabayin ang oras ng pasok at uwian para mabawasan ang pakikisalamuha, at gumamit ng iba't ibang entrance/exit para sa bawat grupo.

Page 19: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina19 sa 25

• Markahan ang mga espasyo nang may distansyang 6 na talampakan mula sa isa't isa para sa mga mag-aaral na naghihintay na makapasok sa gusali at para sa mga nasa hustong gulang na naghihintay na makapagsundo ng mga mag-aaral. Magpaskil ng mga paunawa para mapaalalahanan ang mga miyembro ng pamilya na magpanatili ng distansyang 6 na talampakan mula sa mga taong mula sa iba pang bahay kapag inihahatid o sinusundo ang kanilang estudyante.

• Kailangan ang mga pantakip sa mukha para sa mga adult na personal na naghahatid o nagsusundo ng mga bata. Magbigay ng mga pantakip sa mukha para sa mga miyembro ng pamilya na nakalimutan ang kanilang pantakip sa mukha.

Oras ng pagkain Partikular na mataas ang panganib na magkaroon ng hawahan ng COVID-19 kapag magkakasamang kumakain dahil kailangang alisin ng mga tao ang kanilang mga mask para makakain at makainom. Madalas na hinahawakan ng mga tao ang kanilang mga bibig kapag kumakain. Bukod pa rito, ang oras ng pagkain ay karaniwang itinuturing na oras para magkakasamang mag-usap na higit na nakakadagdag sa panganib, lalo na kung kailangang magsalita nang malakas ang mga mag-aaral para marinig.

• Kumain outdoors o sa mga silid-aralan ng grupo, sa halip na kumain sa mga cafeteria o dining room kapag posible. Ilagay ang mga pagkain sa magkakahiwalay na plato o bag. Huwag gumamit ng mga mesang may iba pang gumagamit o ng mga self-service na buffet.

• Mas ligtas na kumain sa labas ng gusali kaysa sa loob.

o Magtalaga ng outdoor na kainan para sa bawat klase, at markahan ang mga lugar kung saan uupo ang mga mag-aaral nang may distansyang 6 na talampakan mula sa isa't isa. Kapag walang minarkahang espasyo, uupo ang karamihan ng mga mag-aaral nang mas malapit sa isa't isa.

o Puwedeng takpan ang mga outdoor na kainan (hal., ng isang tent, canopy, o iba pang silungan), basta't nakakasunod ang silungan sa gabay ng CDPH at SFDPH, sa https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/Use-of-Temporary-Structures-for-Outdoor-Business-Operations.aspx at https://www.sfdph.org/dph/files/ig/Guidance-Shared-Outdoor-Spaces.pdf).

• Huwag pagsabay-sabayin ang oras ng tanghalian para maiwasan ang paghahalo-halo ng mga grupo at para ma-maximize ang paggamit ng outdoor na espasyo.

• Pag-isipang ipadala ang mga pagkain sa silid-aralan o sa kainan sa labas sa halip na papuntahin sa cafeteria ang mga mag-aaral para sa mga pagkain.

• Dapat maging alisto ang mga staff sa pagpapanatili ng distansyang 6 na talampakan mula sa mga mag-aaral at sa pagtiyak na nananatiling may distansyang 6 na talampakan mula sa isa't isa ang mga mag-aaral kapag hindi nakasuot ang mga mask ng mga mag-aaral para makakain. Kung kumakain sa silid-aralan, tiyaking hangga't maaari ay malayo ang distansya ng mga mag-aaral mula sa isa't isa.

• Ang lahat ay dapat maghugas kaagad ng kanilang mga kamay o gumamit ng hand sanitizer bago at pagkatapos kumain. Partikular na pagtuunan ng pansin ang mga mas batang mag-aaral na malamang na kakain gamit ang kanilang mga kamay o na susubo o didila ng kanilang mga kamay.

• Pag-isipang simulan ang tanghalian sa oras para sa tahimik na pagkain, na susundan ng oras para sa pakikipag-usap, para mapigilan ang pagsasalita habang hindi nakasuot ang mga mask.

• Linisin at i-disinfect ang kainan sa pagitan ng magkaibang klase. Hindi kailangang i-disinfect ang mga bangketa at aspalto.

Page 20: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina20 sa 25

Mga field trip • Pinapayagan ang mga outdoor na field trip sa kundisyong hindi mangangailangan ang mga ito ng

sasakyang para sa lahat o ng pampublikong sasakyan. Halimbawa, pinapayagan ang mga field trip na may kasamang paglalakad sa isang malapit na parke.

Huwag hayaang humalo ang mga mag-aaral sa mga tao sa labas ng kanilang cohort sa mga field trip. Partikular na hindi puwedeng gumamit ang mga paaralan ng pampublikong palaruan sa mga panahong nakabukas ang palaruan sa publiko alinsunod sa alituntunin ng SFDPH para sa palaruan. Gayunpaman, kung papahintulutan ng operator ng palaruan, puwedeng magpareserba ang isang paaralan ng oras para sa eksklusibong paggamit ng palaruan.

Sports, pagsasayaw, mga wind instrument, pagkanta, at mga nauugnay na aktibidad

Ang sports at mga aktibidad na may kasamang pagkanta, pag-chant, pagsigaw, pag-cheer, at pag-perform gamit ang mga wind instrument ay nagbibigay ng mas mataas na panganib ng pagkalat ng COVID-19 dahil mas maraming hinihingang hangin at mas malakas na bumubuga ng hangin ang mga tao kapag ginagawa ang mga aktibidad na ito. Mas mataas ang panganib sa mga indoor kaysa sa mga outdoor, at mas mataas ito kapag walang suot na face mask kaysa kapag may mga suot na face mask. Dapat isagawa ng mga paaralang nag-aalok ng mga aktibidad na ito ang lahat ng posibleng hakbang para mabawasan ang panganib ng COVID-19.

Sports, pagsasayaw, at grupo-grupong pag-eehersisyo • Tingnan ang Pangkalusugang Direktiba 2021-01 ng SFDPH

(https://www.sfdph.org/dph/alerts/files/Directive-2021-01-Sports-Youth-and-Adult.pdf) para sa mga aktibidad sa sports at pagsasayaw na kasalukuyang pinapayagan sa San Francisco. Naglalaman ang Direktiba ng impormasyon tungkol sa mga kinakailangang kagawian sa kalusugan at kaligtasan para sa mga pinapahintulutang sports, pagsasayaw, at grupo-grupong pag-eehersisyo.

• Pinapayagan pa rin ang pisikal na paggalaw at aktibidad sa loob ng silid-aralan. Halimbawa, ang “air writing” at iba pang paggalaw na idinisenyo para tulungan ang mga bata na matuto ng mga letra, o matukoy ang pagkakaiba ng kaliwa sa kanan; ang pagpalakpak o pagpadyak, pagtayo, pag-uunat, pag-meditate, at pag-“hokey pokey” sa naka-record na musika ay mga pinapayagang aktibidad.

Mga wind instrument, pagkanta, at nauugnay na aktibidad Ang mga mag-aaral at staff ay puwedeng tumugtog ng wind instrument (ibig sabihin, woodwind o brass), mag-cheer, mag-chant, o kumanta kapag natugunan ang lahat ng sumusunod na kundisyon:

• Sa outdoor lang

• May physical distancing na hindi bababa sa 6 talampakan mula sa iba sa grupo

• May physical distancing na hindi bababa sa 12 talampakan ang layo mula sa audience o sinumang tagasubaybay

• May suot na face mask o may cover ang instrumento (para sa mga instrumento) kapag nasa loob ng 12 talampakan mula sa iba.

o Lubos na hinihikayat ang mga face mask at/o cover ng instrumento sa lahat ng distansya.

Page 21: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina21 sa 25

o Gawa dapat ang mga cover ng instrumento sa mga materyales na kapareho sa mga kinakailangan para sa mga pantakip sa mukha. Suriin ang Direktiba sa Mga Pantakip sa Mukha sa https://www.sfdph.org/directives.

o Para takpan ang kanilang ilong, puwedeng magsuot ang mga musikero ng pantakip sa mukha na may slit sa bibig bilang karagdagan sa, pero hindi kapalit ng, cover ng instrumento.

• Hindi lalampas sa 25 tao kada grupo. Hindi nalalapat ang limitasyong ito sa mga taong nasa grupo na tumutugtog ng mga percussion, string instrument, o iba pang instrumentong hindi wind instrument.

• Hindi pinapayagan ang mga sideline na cheer, band, drumline group, o iba pang grupo ng pagsuporta na dumalo sa mga sporting event sa ngayon alinsunod sa gabay ng CDPH.

• Tumutukoy ang “cheer” sa impormal na pag-cheer. Dapat sumunod ang mga cheerleading team sa isang kumpetisyon sa gabay para sa sports.

Mga mag-aaral na nakakatanggap ng mga espesyal na serbisyo • Magbigay ng mga akomodasyon at kaugnay na serbisyo para sa special education, mga

kapansanan sa pagkatuto, at mga medikal na kundisyon, kahit na magkakaroon ng mga pagpapalipat-lipat sa pagitan ng mga stable na grupo dahil dito.

• Maaaring kailangan ng karagdagang tulong para sa mga mag-aaral para ligtas na makadalo sa klase. Halimbawa, ang isang mag-aaral na hindi kayang tiising magsuot ng pantakip sa mukha dahil sa medikal o developmental na kundisyon ay maaaring mangailangan ng mesang may harang o clear na screen. Maaaring mangailangan ang iba pang mag-aaral ng karagdagang pagsubaybay at suporta sa pagpapanatili ng physical distancing, pagsusuot ng pantakip sa mukha, o paghuhugas ng kamay.

• Ang mga nurse at therapist na hindi mga empleyado ng paaralan ngunit nag-aasikaso ng mga mag-aaral sa mga paaralan, tulad ng mga occupational therapist at physical therapist, ay itinuturing na mga essential na staff at dapat silang payagan sa campus para makapagbigay ng mga serbisyo.

o Kapag hindi makakapasok sa paaralan ang mga mag-aaral dahil sa pagkakahawa o pagkakalantad sa COVID-19, pag-isipang mag-set up ng mga remote na video session para sa therapy.

Ang dapat gawin kapag may mga sintomas ng COVID-19 o kumpirmadong may COVID-19 ang isang tao

Sumangguni sa Mabilisang Gabay para sa Mga Pinaghihinalaan o Kumpirmadong Kaso ng COVID-19. Una, tingnan muna ang Mabilisang Gabay para sa pinaghihinalaan o kumpirmadong COVID-19 sa sfcdcp.org/COVIDSchoolsChildcare para sa mga sumusunod na tsart ng buod:

• Mga hakbang na isasagawa kapag may staff o bata na may mga sintomas ng COVID-19, nalantad (halimbawa, may nagpositibong magulang o kapatid), o kumpirmadong may COVID-19.

• Pagbalik sa paaralan matapos magkaroon ng mga sintomas ng COVID-19, malapitang pakikisalamuha, o kumpirmadong COVID-19.

Page 22: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina22 sa 25

Para sa mga staff o mag-aaral na may mga sintomas ng COVID-19. • Dapat magsabi sa kanilang supervisor ang mga staff magkakasakit habang nasa paaralan, at

dapat silang umalis sa trabaho sa lalong madaling panahon.

• Pauwiin sa bahay ang mga may sakit na mag-aaral. Panatilihing nasa nakatalagang isolation room ang mga mag-aaral na naghihintay na masundo. Tiyaking papanatilihin ng mga mag-aaral ang kanilang mga pantakip sa mukha.

• Kapag may dumating na magulang o tagapag-alaga para sunduin ang isang mag-aaral, palakarin ang mag-aaral palabas para kitain siya kung posible sa halip na payagan ang magulang o tagapag-alaga na pumasok sa gusali. Posibleng may COVID-19 din ang magulang, dahil ang mga bata, kadalasan, ay nahahawahan ng nasa hustong gulang na kasama nila sa bahay.

Para sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, gawin ang mga hakbang na ito Online ang lahat ng dokumentong nakalista sa ibaba sa sfcdcp.org/COVIDSchoolsChildcare.

1. Gamitin ang tool para sa Pagkakalantad at Pagsisiyasat para kolektahin ang mahahalagang detalye tungkol sa kaso BAGO makipag-ugnayan sa Pangkat ng Paaralan at Childcare.

2. Kung posible, humingi ng kopya ng ulat sa laboratoryo at ilakip ito sa Tool para sa Pagkakalantad at Pagsisiyasat. Kung wala pa sa paaralan ang mga resulta ng pagsusuri, pakitandaang nakabinbin ang mga resulta ng pagsusuri. Ipadala ang resulta ng laboratoryo sa pangkat ng Paaralan/Childcare kapag natanggap mo na ito.

3. Iulat ang kaso sa loob ng 1 oras Hub para sa Mga Paaralan at Childcare ng SFDPH sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] (pakilagay ang SECURE: sa subject line) O pagtawag sa (628) 217-7499. May makikipag-ugnayan sa iyong on-call na propesyonal sa pampublikong kalusugan sa lalong madaling panahon.

4. Puwedeng hilingin sa iyo ng Hub para sa Mga Paaralan at Childcare na tukuyin ang mga taong nagkaroon ng close contact sa kasong may COVID-19 at posibleng naimpeksyon. Sa pakikipanayam sa mga tao para matukoy kung nagkaroon sila ng close contact, at pagpapabatid sa kanilang posibleng nalantad sila, huwag ihayag ang pagkakakilanlan ng taong may COVID-19, gaya ng iniaatas ng batas.

5. Gamitin ang template na Listahan ng Mga Close Contact para kolektahin ang mga detalye tungkol sa sinumang close contact.

6. I-email ang Listahan ng Mga Close Contact sa [email protected] sa loob ng 24 na oras. Pakilagay ang SECURE: sa subject line ng email.

7. Makipag-ugnayan sa komunidad ng iyong paaralan sa loob ng isang araw ng negosyo gaya ng nakasaad sa Mabilisang Gabay. May ginawa ang SFDPH na mga pamantayang liham ng pag-abiso para sa mga paaralan. Ang mga pagsasalin ay nasa sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare.

o Abiso sa Close Contact — Mga Bata at Teenager na wala pang 18 taong gulang o Abiso sa Close Contact — Nasa Hustong Gulang o Pangkalahatang Abiso sa Pagkakalantad — Mga Bata at Teenager na wala pang 18

taong gulang o Pangkalahatang Abiso sa Pagkakalantad — Nasa Hustong Gulang o Pag-abiso sa miyembro ng paaralang nagka-quarantine para sa pagkakalantad sa

COVID-19

Page 23: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina23 sa 25

Linisin at i-disinfect ang mga lugar kung saan nagtagal ang taong may COVID-19 • Buksan ang mga bintana sa mga lugar na ginamit ng taong may sakit upang dagdagan ang

sirkulasyon ng sariwang hangin.

• Linisin at i-disinfect ang silid-aralan at iba pang lugar kung saan nagtagal ang tao. Hindi ito kailangang gawin hanggang makaalis na ang mga mag-aaral at staff para sa araw na iyon.

• Kung kinakailangan, maghanap ng mga alternatibong lokasyon para sa mga klase na may mga regular na silid-aralan na nililinis o dini-disinfect.

Pagpapasya kung dapat magsara ang iyong paaralan dahil sa COVID-19 Dapat iwasan ng mga paaralan na unilateral na magsara dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa komunidad, nang walang tagubilin mula sa mga opisyal sa pampublikong kalusugan. Sa paggawa nito, posibleng hindi mabawasan ang panganib sa mga staff at mag-aaral. Sa katunayan, posible itong humantong sa mas maraming impeksyon sa COVID-19 kung magreresulta ito sa paggugol ng mga staff at mag-aaral ng higit pang oras sa mga setting kung saan mas mataas ang panganib ng pagkakaroon ng impeksyon kumpara sa paaralan.

Kahit kalat na ang COVID-19 sa pangkalahatang komunidad, nananatiling bihira ang transmisyon ng COVID-19 sa mga paaralan. Ang halos lahat ng kaso ng COVID-19 sa mga paaralan sa San Francisco ay mga staff at mag-aaral na nahawahan sa labas ng paaralan. Ang regular na pagsusuri ng mga staff at mag-aaral sa paaralang elementarya ay nagbigay rin ng katibayang nagbibigay ng kapanatagan ng loob, na nasa mababang panganib na transmisyon sa mga paaralan.

Ipinapakita nito ang tagumpay ng mga programa ng mga paaralan sa pagpapatupad ng mga pag-iingat gaya ng mga face mask, physical distancing, paghuhugas ng mga kamay, at pananatili sa bahay kapag may sakit. Kapag naipatupad ang mga pangunahing pag-iingat, napakamabisa ng mga ito sa pagprotekta sa mga tao laban sa COVID-19. Kabaliktaran nito, napakalaki ng naging bahagi ng mga taong hindi sumusunod sa mga pag-iingat na ito sa mga hindi pormal o hindi sinusubaybayang lugar sa pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

Ang pagpapasyang isara ang isang paaralan ay dapat ibatay sa mga kaso ng COVID-19 sa paaralan, at hindi sa rate ng COVID-19 sa komunidad, na posibleng hindi nagpapahiwatig sa mga kundisyon ng paaralan. Dapat gawin ang anumang pasya nang kumokonsulta sa SFDPH. Sa pangkalahatan, mas maliit ang posibilidad na kailangang isara ang mga paaralang may mas maliliit at mas kontaminadong stable na grupo.

Kasama sa mga sitwasyon kung saan maaaring irekomenda ng SFDPH ang pagsasara ng isang paaralan ang sumusunod:

• 25% o higit pa ng mga stable na grupo sa isang paaralan ay nagkaroon ng mga pagkalat ng virus1 sa nakalipas na 14 na araw.

1 Ang pagkalat ng virus ay 3 o higit pang kaso ng COVID-19 sa isang paaralan sa loob ng 14 na araw na yugto, kung saan malaki ang posiblidad na nangyari ang transmisyon sa paaralan. Halimbawa, ang 3 kaso sa 3 magkakapatid ay hindi magdudulot ng pagkalat ng virus, maging ang 3 kaso sa mga mag-aaral na naglalaro din sa isang pangkat ng sports na sinisiyasat na para sa pagkalat. Gayundin, hindi ituturing na pagkalat ng virus ang 3 kaso sa mga mag-aaral o staff na walang contact (o overlap sa mga nakabahaging espasyo) sa paaralan.

Page 24: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina24 sa 25

• Hindi bababa sa tatlong pagkalat ng virus ang nangyari sa nakalipas na 14 na araw AT mahigit 5% ng populasyon ng paaralan ang nahawaan.

• Ang pagsisiyasat ng SFDPH sa isang pagkalat ng virus ay nagpapahiwatig ng kasalukuyang transmisyon ng COVID-19 sa paaralan.

Ang isang mas karaniwang sitwasyon ay ang mga paaralang hindi naglilimita sa mga pakikisalamuha sa pagitan ng mga staff na nakatalaga sa iba't ibang grupo ay maaaring sapilitang maisara dahil sa kaunting staff pagkatapos magpositibo sa pagsusuri ng isang miyembro ng mga staff, kung ang ilan sa iba pang staff ay nalantad at dapat mag-quarantine.

Sa pangkalahatan, 10-14 na araw ang mga pagsasara, at layunin ng mga itong pigilan ang higit na transmisyon sa paaralan at mas maunawaan kung paano nangyari ang transmisyon sa paaralan, nang sa gayon ay maiwasan ang pag-ulit ng mga pagkalat ng virus.

Mga Mapagkukunan Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH)

• Mga Paaralan at Hub ng Childcare para sa COVID-19 ng SFDPH para sa mga paghingi ng payo at gabay tungkol sa COVID-19 (628) 217-7499 o sa [email protected]

• Gabay tungkol sa COVID-19 para sa publiko, kasama na ang mga employer https://www.sfcdcp.org/covid19

• Gabay para sa mga paaralan, childcare, at programa para sa mga bata at teenager sa panahon ng COVID-19 https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare

“Ano ang dapat gawin kung pinaghihinalaan o kumpirmadong may COVID-19 ang isang tao: Mabilisang Gabay para sa Mga Paaralan, Childcare, at Programa para sa Mga Bata at Teenager”

“Handout ng Magulang at Tagapag-alaga: Mga Pagsusuri sa Kalusugan para sa COVID-19/Kung May Mga Sintomas ang Iyong Anak” Mga tagubilin para sa mga magulang tungkol sa mga pag-screen ng kalusugan at mga alituntunin sa pagbalik sa paaralan

• Outreach Toolkit para sa Coronavirus. May mga poster at flyer tungkol sa physical distancing, kalinisan ng kamay, mga face mask, pagpapasuri, at iba pang paksa tungkol sa COVID-19 sa https://sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-COVID-19

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California (California Department of Public Health, CDPH)

• “COVID-19 and Reopening In-Person Instruction Framework & Public Health Guidance for K-12 Schools in California, 2020-2021 School Year (COVID-19 at Framework para sa Muling Pagbubukas ng Personal na Pagtuturo at Gabay sa Pampublikong Kalusugan para sa Mga K-12 na Paaralan sa California, Taong Pampaaralan 2020-2021)” na na-update noong 3/20/2021 https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/COVID19-K12-Schools-InPerson-Instruction.aspx

• State of California Safe Schools for All (Mga Ligtas na Paaralan para sa Lahat sa Estado ng California) https://schools.covid19.ca.gov/

Page 25: Paunang Gabay para sa Taong Pampaaralan 2020-2021posibilidad, sa pangkalahatan, na makaranas ng mga hindi kanais-nais na epekto ng COVID-19 kaysa sa karamihan ng mga mag-aaral. Ang

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 4/7/2021. https://sfcdcp.org/CovidSchoolsChildcare Pahina25 sa 25

o Buod ng Patunay: Mga TK-6 na Paaralan at Transmisyon ng COVID-19 https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/Safe-Schools-for-All-Plan-Science.aspx

• Gabay na Nauugnay sa Mga Cohort https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID-19/small-groups-child-youth.aspx

• Gabay para sa Paggamit ng Mga Pantakip sa Mukha https://www.cdph.ca.gov/Programs/CID/DCDC/Pages/COVID 19/guidance for face coverings.aspx

Departamento ng Edukasyon ng California (California Department of Education, CDE) • “Stronger Together A Guidebook for the Safe Reopening of California’s Public Schools (Mas

Malakas Kapag Magkakasama Isang Guidebook Para sa Ligtas na Muling Pagbubukas ng Mga Pampublikong Paaralan sa California)” https://www.cde.ca.gov/ls/he/hn/documents/strongertogether.pdf

Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (Centers for Disease Control and Prevention, CDC)

• Mga Paaralan at Programa sa Child Care https://www.cdc.gov/coronavirus/2019 ncov/community/schools childcare/index.html

• Estratehiya sa Pagpapatakbo para sa Mga K-12 na Paaralan sa pamamagitan ng Ayon sa Yugto na Mitigasyon https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/schools-childcare/operation-strategy.html

American Academy of Pediatrics • “COVID-19 Planning Considerations: Guidance for School Re-entry (Mga Pagsasaalang-alang sa

Pagpaplano kaugnay ng COVID-19: Gabay sa Muling Pagpasok sa Paaralan)” https://services.aap.org/en/pages/2019-novel-coronavirus-covid-19-infections/clinical-guidance/covid-19-planning-considerations-return-to-in-person-education-in-schools/