Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

16
0 U8 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa Pipiliing Kurso PartnershipZest Zeal of 9 Pangalan ng Mag-aaral: _________________________ Baiting at Seksyon:____________________________ Paaralan:____________________________________

Transcript of Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

Page 1: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

0

U8Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa Pipiliing

Kurso

PartnershipZest

for Progress

Zeal of

9

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________

Baiting at Seksyon:____________________________

Paaralan:____________________________________

Page 2: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

1

Alamin Ito na ba talaga ang iyong kursong kukunin? Ito ang madalas na tanong natin

sa mga kabataang pumipili o nakapili na ng kanilang tatahaking landas sa kolehiyo.

Madaling sagutin pero napakahirap gawin lalong lalo na kung hindi ito pinag-isipan

at binigyang halaga.

Sa nakaraang modyul ay iyong natutunan ang mga detalye sa mga kursong

nais mong kunin, at nakapagpasiya kana na ito ang iyong napili na track, sabi nga

nila “wala ng urungan…ito at ito na talaga!”

Ang mga gawain at pagsasanay sa modyul na ito ay naglalayon na

patnubayan kayong makamit ang mga sumusunod na mga tiyak na layunin :

a. Natutukoy ang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling

kursong akademiko, teknikal- bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal.

pagkuha ng impormasyon at pag- unawa sa mga tracks sa Senior High

School)

b. Nakakabuo ng sariling career goal sa pamamagitan ng paggawa ng Force

Field Analysis

c. Nakakabahagi ng mga gagawing hakbang para makamit ang kursong kukunin.

Code: EsP9PK-IVb-13.4.

Page 3: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

2

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa

iyong kuwaderno.

____1. Alin ang HINDI angkop na kurso para sa iyo kung ikaw ay mas

nasisiyahan

sa pagbuo ng mga bagay gamit ang iyong mga kamay o

kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao?

A.Industrial Arts B. Technician C. Air Conditioning D.Lawyer

____2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang hakbang sa paghahanda

na makamit ang iyong pinili na kurso?

A. Mahalagang matukoy mo ang iyong mga interes/ pagpili mo ng

iyong

B. Maiugnay mo ang kukuning kurso at strand sa Senior High

School sa iyong minimithing kurso.

C. Kukuha ng kurso o strand sa Grade 11 kung ano ang meron

lang sa iyong paaralan

D. Mai-uugnay ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso,

akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports sa iyong

paghahanda para sa paghahanapbuhay.

____3. Si Nilda ay Troup Leader ng Girl Scout. Siya ay palakaibigan,

popyular, at responsable. Mahilig din siya sa interaksiyon at masaya

tuwing nakakatulong sa iba, ano ang nababagay na kursong kukunin

nya?

A.Bookkeeper B. Librarian C. Credit Manager D. Social Work

____4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nararapat na hakbang na

gagawin ni Yannah tuwing bakasyon para sa paghahanda niya sa

pasukan bilang Grade 11- Accountancy & Business Management

student?

A. Magbasa ng mga refresher courses tungkol sa ABM

B.Manghiram ng mga aklat tungkol sa ABM

C.Magtanong mula sa Senior na ABM student

D.Mamasyal sa mga magagandang tourist spot

Page 4: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

3

_____5. Ano ang strand sa Senior High School ang pipiliin ni Riley kung

pangarap niyang maging Lawyer?

A. Accountancy & Business Management

B. Information & Communications Technology

C. General Education

D. Humanities & Social Sciences

______6. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbantayan sa pagpili ng

kurso na

may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak

na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga

taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay,

pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?

a. Hilig c. Pagpapahalaga

b. Kasanayan (skills) d. Talento

______7. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin

ang

kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang

kaniyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilag

munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga

tiyak niyang plano at mga paalaala upang maging gabay niya. Anong

pansariling salik ang isinagawa ni Cita?

a. Katayuang Pisikal c. Mithiin

b. Hilig d. Pagpapahalaga

______8. Ito ay ang pangkat ng taong mapanghikayat, mahusay magumbinsi

ng iba para makamit ng inaasahan o target goals.

a. Enterprising c. Investigative

b. Conventional d. Realistic

______9. Ang mga ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan,

popular at responsible.

a. Realistic c. Investigative

b. Artistic d. Social

______10. Anong interes meron si Rita kung mas nasisiyahan sa pagbuo ng

mga bagay gamit ang kanlang malikhaing kamay o gamit ang mga

kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng

opinion?

a. Artistic c. Realistic

b. Conventional d. Enterprising

Page 5: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

4

Modyul

4

Balikan

Sa nakaraang araw ay iyong natunghayan ang mga leksiyon o aralin

patungkol sa ibat-ibang track o kurso na pwede mong kunin para maging maayos at

maunlad ang iyong hinaharap.

Sa gawaing ito, ating babalikan ang iyong mga natutunan ukol sa mga

alituntunin o tseklist na kinakailangan upang matulungan ka sa pagkuha ng iyong

kurso ayon sa iyong mga kasanayan, talento at hilig.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilog, ayon sa iyong sariling pananaw o

karanasan

\

Mga Hilig/Interest

1.

2.

3.

Mga Kasanayan/Skills

1.

2.

3.

Mga Pinapahalagaan sa

Buhay

1.

2.

3.

Mga Paghahanda ko sa Pipiliin na Kurso

Page 6: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

5

Tuklasin Panuto: Mula sa mga talata ng deskripsyon ng mga interes at hilig. Pumili ng tatlong

(3) deskripyon na angkop sa iyong sariling hilig, ugali at interes. Isulat ang letra ng

napiling deskripsyon sa loob ng kahon sa ibaba na magkasunod-sunod ayon sa

pagkaka-angkop at pagkakatugma nito sa iyong sarili.

Deskripsiyon

A Mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang mga kamay o

kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao

B May mataas na impluwensiya ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham.

Ganitong interes ay mas gustong magtrabaho mag-isa, mayaman sa ideya at

malikhain sa kakayahan.

C Mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may

malawak sa isipan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining,

musika, pag-arte, pagsulat at iba pa.

D Palakaibigan, popular, at responsable. Gusto ang interaksiyon at pinaliligiran ng

mga tao, madalas interesado sa talakayan, mahilig magturo, magsalita,

manggamot, tumulong.

E Mapanghikayat, mahusay mangumbinsi, pagkamit ng inaasahan o target goals.

Madalas masigla, nagunguna at may pagkusa at minsan madaling mawala ang

pagtitimpi

F Mataas ang interes ditto ay naghahanap ng mga panuntunan at direksiyon.

Mailalarawan bilang matiyaga, mapanagutan, at mahinahon. Maayos ang mga

datos at organisado ang record

Mga Tugma sa Aking Interes, Ugali at Hilig

Letra

1.Pinaka-angkop sa aking

hilig

2. Pangalawang Tugma sa

aking hilig

3. Pangatlong Tugma sa

aking hilig

Page 7: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

6

Suriin Mahalagang matukoy mo ang iyong mga interes/hilig, kasanayan (skills),

talento, mga pagpapahalaga at mithiin sa buhay sa pagpili mo ng iyong kukuning

kurso at strand sa Senior High School na magiging hakbang sa iyong minimithing

kurso. Mai-uugnay ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso, akademiko o

teknikal-bokasyonal, sining at isports sa iyong paghahanda para sa

paghahanapbuhay. Ang pagbububuo ng sariling pagpapasya ay batay sa

obhetibong pagsusuri ng pansariling salik.

Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa

pagpili, maaarin kang pumili ng kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at

isports) na gusto mo sa ngayon na angkop sa iyong kakayahan at interes sa pag-

abot ng mga mithiin ayon sa itinakda mong panahon.

Mahalagang makabuo ka ng mga hakbang at paghahanda para makamit

ang iyong kursong napili maaring ito ay hakbang o paghahanda na pangmadalian

(short-term) at pangmatagalan (long-term). Ano man ang iyong pipiliin na kurso

dapat positibo ka na ito ay matutupad ayon sa itinakda mong panahon na

mangyayari ito. Mahalaga din na magkaroon ka ng alternatibo o iba pang paraan

kung sakasakaling ang mga naihanda mong mga hakbang ay hindi magtatagumpay.

Importante din na matutukoy mo ang mga mahahalagang tao tao na magiging gabay

mo at makakatulung sa iyong pagkamit sa iyong napiling kurso.

Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal –

bokasyonal ay ilan lamang sa gabay tungo sa maayos na pagpili patungo sa

maunlad na hanapbuhay na nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High.

Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-

bokasyonal ay ilan lamang na gabay tungo sa iyong maayos na pagpili patungo sa

maunlad na hanapbuhay na nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High.

Kaya, ngayon pa lamang mula sa iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan

ng kilos-loob (freewill) ay gamitin ito tungo sa tama at wastong pagpili o

pagpapasya. Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang kurso para sa

Baitang 11, makakamit mo ang tunay na layunin nito: Una, ang pagkakaroon ng

Page 8: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

7

makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang makatutulong na maiangat ang

antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong kalakip nito kundi ang

halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at

pagpapahalaga sa iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay ang iyong kahusayan

dahil ang talento, kasanayan at interes ang iyong puhunan. Pangalawa, tataglayin

mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang produktibong

manggagawa ay masasabing isang “asset” ng kanyang kompanya o institusyong na

kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at adhikain ng

kaniyang pinagtatrabahuhan tungo sa sama-samang paggawa. Pangatlo, kung

masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay nakikibahagi

sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa pamamagitan ng

tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga proyekto

sa takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon at

maayos na pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin. Kung

ang isang mag-aaral na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi malayo

na taglayin mo ang mga kahanga-hangang gawi na ito at maging bahagi ka ng

lumalaking bilang ng mga magagaling na manggagawa ng ating bansa.

Page 9: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

8

Pagyamanin Panuto: Mula sa tsart ng iba't ibang interes sa nakaraang aralin at ang mga angkop

na trabaho na natalakay, balikan mo ang iyong mga sagot sa tuklasin at kumpletuhin

mo ang tsart sa ibaba.

Ang Tsart ng Aking mga Hilig

Deskripsyon (Note: Ito ay dapat

nakabatay sa iyong sagot sa

Tuklasin)

Kategorya o

Interes

Mga trabahong

nababagay sa akin

Hal. Palakaibigan, popular, at

responsable. Gusto ang interaksiyon

at pinaliligiran ng mga tao, madalas

interesado sa talakayan, mahilig

magturo, magsalita, manggamot,

tumulong.

Social Education, teaching, social

welfare, human development,

health and welfare

coordinator, therapist,

business agent

1.

2.

3.

Page 10: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

9

Isaisip Panuto: Pagnilayan at sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon.

Ano ang pangarap ko na

propesyon o trabaho?

Ano ang kukunin ko na

strand sa Grade 11 na

hakbang para sa

pangarap ko na propesyon

o trabaho?

Ano ang mga hakbang at

paghahanda na aking

gagawin sa aking sarili

upang makamit ko ang

aking pangarap na

propesyon?

1.

2.

Page 11: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

10

Rubriks sa Pagmamarka

Mga Batayan Antas ng Pagmamarka

5 3 2

Nilalaman Naipapahayag sa

talata ang sariling

opinyon kaugnay

sa katanungan na

ibinigay.

Hindi masyadong

naipahayag ang

opinyon

Malayo sa paksa

ang nasulat sa

talata

Organisasyon Mahusay ang

pagkakasulat ng

talata.

Nagkasunod-sunod

ang mga ideya.

Mayos ang

pagkasulat.

Hindi maayos ang

pagkasulat ng

talata.

Page 12: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

11

Isagawa

Panuto: Gumawa ka nang isang talatang tula tungkol sa iyong pangarap na Buhay.

Ilahad mo ang iyong Career Goal gamit ang paglalarawan sa pamamagitan ng tula.

Rubriks sa Pagmamarka ng ginawang Tula

Mga Batayan Antas ng Pagmamarka

5 3 2

Nilalaman Naipapahayag sa tula ang sariling pangarap sa buhay

Hindi masyadong naipahayag ang mensahe ng tula

Malayo sa paksa ang nasulat sa tula

Organisasyon Mahusay ang pagkakasulat ng tula. Nagkasunod-sunod ang mga ideya.

Mayos ang pagkasulat ng tula

Hindi maayos ang pagkasulat ng tula

Page 13: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

12

Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga

sagot sa iyong kuwaderno.

____1. Alin ang HINDI angkop na kurso para sa iyo kung ikaw ay mas

nasisiyahan

sa pagbuo ng mga bagay gamit ang iyong mga kamay o kasangkapan

kaysa makihalubilo sa mga tao?

A. Industrial Arts B. Technician C. Air Conditioning D.Lawyer

____2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang hakbang sa paghahanda na

makamit ang iyong pinili na kurso?

E. Mahalagang matukoy mo ang iyong mga interes/ pagpili mo ng

iyong

F. Maiugnay mo ang kukuning kurso at strand sa Senior High

School sa iyong minimithing kurso.

G. Kukuha ng kurso o strand sa Grade 11 kung ano ang meron lang

sa iyong paaralan

H. Mai-uugnay ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso,

akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports sa iyong

paghahanda para sa paghahanapbuhay.

____3. Si Nilda ay Troup Leader ng Girl Scout. Siya ay palakaibigan, popyular,

at responsable. Mahilig din siya sa interaksiyon at masaya tuwing

nakakatulong sa iba, ano ang nababagay na kursong kukunin nya?

Page 14: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

13

A.Bookkeeper B. Librarian C. Credit Manager D. Social Work

____4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nararapat na hakbang na gagawin

ni Yannah tuwing bakasyon para sa paghahanda niya sa pasukan

bilang Grade 11- Accountancy & Business Management student?

A. Magbasa ng mga refresher courses tungkol sa ABM

B.Manghiram ng mga aklat tungkol sa ABM

C.Magtanong mula sa Senior na ABM student

D.Mamasyal sa mga magagandang tourist spot

_____5. Ano ang strand sa Senior High School ang pipiliin ni Riley kung

pangarap niyang maging Lawyer?

A. Accountancy & Business Management

B. Information & Communications Technology

C. General Education

D. Humanities & Social Sciences

______6. Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbantayan sa pagpili ng kurso

na

may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na

abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong

nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at

masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?

c. Hilig c. Pagpapahalaga

d. Kasanayan (skills) d. Talento

______7. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin

Page 15: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

14

ang

kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang

kaniyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship sa kanilag

munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga

tiyak niyang plano at mga paalaala upang maging gabay niya. Anong

pansariling salik ang isinagawa ni Cita?

c. Katayuang Pisikal c. Mithiin

d. Hilig d. Pagpapahalaga

______8. Ito ay ang pangkat ng taong mapanghikayat, mahusay magumbinsi ng

iba para makamit ng inaasahan o target goals.

c. Enterprising c. Investigative

d. Conventional d. Realistic

______9. Ang mga ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan,

popular at responsible.

c. Realistic c. Investigative

d. Artistic d. Social

______10. Anong interes meron si Rita kung mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga

bagay gamit ang kanlang malikhaing kamay o gamit ang mga

kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng

opinion?

c. Artistic c. Realistic

d. Conventional d. Enterprising

Page 16: Ikaapat na Markahan Modyul 4: Mga Paghahanda ko para sa ...

15

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul -I3 para sa Mag-aaral, DepEd- BLR , 2015 ,p. 117-231

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mercy Ann M. Patagoc

Teacher-1 Zamboanga Sibugay National High School

Editor: Ivy A. Samson,MAGC

Imelda NHS, Zambo. Sibugay Division

Tagasuri: Reynante B. Diodos, Ed.D Imelda NHS, Zambo. Sibugay Division

Denna M. Balasabas, MAED Basalem NHS, Zamboanga Sibugay Division

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS

Education Program Supervisor

Tagapamahala: Evelyn F. Importante

OIC-CID Chief EPS

Aurelio A.Santisas,Ed.D.

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito,Ed.D.

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Dr.Jeanelyn A. Aleman, CESO VI OIC-Schools Division Superintendent