Idyoma_ppt
-
Upload
aldrin-jadaone -
Category
Documents
-
view
108 -
download
1
description
Transcript of Idyoma_ppt
Ang Idyoma
Kahulugan ng Idyoma
•Mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan
• Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.
Sa pamamagitan ng idyoma, nakikilala ang yaman ng isang wika
Mga Halimbawa
Nagbibilang ng poste
“Ayon sa sarbey ng NSO, parami ng parami ang mga Pilipinong nagbibilang ng poste.Walang
trabaho
Kahiramang suklay
Sa lungkot man o saya, sina Lani at Karen ay
magkahiramang suklayMatalik na magkaibig
an
Nagsusunog ng kilay
Ikinararangal si Jem ng kaniyang mga magulang
dahil nagsusunog siya ng kilay.
Nag-aaral nang mabuti
Anak-dalitaLumaki siyang anak-
dalita subalit nakapagtapos siya ng
pag-aaral.mahirap
Ilaw ng tahanan
Si Aling Susan ang pinarangalang
Huwarang Ilaw ng Tahanan.Ina
Alog na ang baba
Igalang natin ang mga alog na ang baba sa
ating lipunan.
Matanda na
Alog na ang baba
Igalang natin ang mga alog na ang baba sa
ating lipunan.
1.Mababaw ang luha ni bunso kaya kaunting pang-aasar lamang ay hahagulhol na ito.
-Madaling umiyak
2. Dahil pinalaki na di tapat, sanay maglubid ng buhangin si Maria.-Magsinungaling
3. Masigasig na nagbatak ng buto sa Saudi si Berto dahilan upang siya’y agad na yumaman.-Nagtrabaho
4. Si Diego ay putok sa buho at walang kinikilalang ama.-Anak sa pagkadalaga
Si lolo ay kayod kalabaw mapag-aral lamang ako.- Walang tigil sa pagtratrabaho
Nagtataingang kawali ang aking kasintahan dahil ayaw niyang marinig ang mga natuklasan ko sa kanya.- Nagbibingi-bingihan
Walang tulak kabigin ang mga magagandang binibining kalahok sa Mutya ng Bayan 2015.- Pare-pareho ng katangian
Dahil masama pa rin ang loob ni Jose sa ina, pabalat-bunga lamang ang imbitasyon nito sa kanyang kasal.- Hindi tapat sa loob na anyaya
Parang nilubugan ng araw ang aking pangarap na makapag-aral ng malugi ang aming negosyo.- Nawalan ng pag-asa
Si Diego at Tonio ay mga anak pawis na nagsisikap magtabaho sa ibang bansa upang umunlad ang buhay.-Manggagawa
Hawak sa tainga ni Hilda ang nobyo at tila alipin niya sa lahat ng pagkakataon.-Taong sunud-sunuran
Si Diego lamang ang may utak sa aming pitong magkakapatid.-Matalino
Kalatog pinggan lamang si Roger sa kasal kaya naiinip na siya sapagkat napakatagal matapos ng seremonya.-Taong nag-aabang sa kainan o handaan
Huwag kang papatay-patay sa pagbubuhat ng mga sako sapagkat marami pang trabaho ang nag-aantay.- Babagal-bagal/ Mahiyain
Sinasabing bukas ang palad ni Don Timoteo sa lahat ng taong nangangailangan ng kanyang tulong.-Galante/handang tumulong
Ayaw kong maniwala sa sanga-sangang dila ng tsismosa naming kapitbahay.-Sinungaling/kasinungalingan
Matindi ang kuskos balungos nang aming guro bumili lamang kami ng kanyang tindang kendi.-Hindi makatwirang pamimilit
Nagpuputok ang butse ni ate ng makita niyang basag ang kanyang mamahaling relo.- Galit na galit
GAWAIN BLG. 5
“Gamitin ang mga sumusunod na idyoma sa isang malikhaing katha (DAGLI) na naglalahad ng iba’t
ibang katangian at mga karanasan ng mga PLMarian sa loob ng
Parokya Kingdom.”
1. Kapit tuko -Mahigpit ang kapit /ayaw bumitaw2. amoy-lupa - Malapit nang mamatay/matanda na3. May gatas ka pa sa labi - Bata pa4. Tulog mantika – mahirap gisingin5. Hilong-talilong - litung-lito/tuliro6. Butas ang bulsa - walang pera7. patay-gutom - walang makain/hayok sa pagkain8. aral-baon - hindi prayoridad ang pagkatuto9. Balat sibuyas - maramdamin/mabilis mapikon10. balat-kalabaw- Hindi marunong mahiya11. Pusong-bato - manhid/ walang pakiramdam12. Bantay-salakay – traydor na kaibigan13. basa na ang papel – ‘di mapagkakatiwalaan14. Bahag ang buntot – duwag/ nagtatapang-tapangan15. ‘di -makabasag pinggan - mahinhin/mayuming kumilos16. Utak-ipis – Makitid ang pag-iisip/mahina17. Basag ang pula – sira ang ulo/baliw18. Ligaw-tingin - torpe / di kayang magtapat ng nararamdaman19. Nagbukas ng dibdib - nagtapat ng tunay na saloobin20. Matang kuwago - malinaw na paningin.