GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito....

20

Click here to load reader

Transcript of GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito....

Page 1: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

Agricultural Training InstituteINTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRY

ISO 9001:2008 CERTIFIED

GABAY SA PAG-AALAGA NG

PALAKIHING BABOY

Page 2: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain
Page 3: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

3Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

ANO ANG LAHI NG BIIK NA DAPAT KONG ALAGAAN?

Inahing Landrace

Ayon sa mga mananaliksik, ang lahi ng biik na magandang palakihin ay ang “triple cross.” Ang “triple cross” na baboy ay anak ng inahin na may lahing Landrace at Largewhite, at Duroc naman ang lahi ng barakong ginamit sa pagpapakasta ng inahin. Bukod sa “triple cross”, ang mga “hybrid” na baboy ay maganda ring alagaan. Ang mga baboy na ito ay sadyang pinaghalu-halo ang lahi upang makuha ang kanilang mga magagandang katangian. Ang mga “triple cross” at “hybrid” na biik ay mabilis lumaki, magaling mag-”convert” ng pakain sa timbang, manipis ang taba at maganda ang karne.

Page 4: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

4 Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

Barakong Largewhite

Barakong Durok

Mga “hybrid” na baboy:

Topigs Seghers JSR PIC Hypor

Page 5: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

5Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

PAANO PUMILI NGMAGANDANG BIIK?

Mahalagang piliing mabuti ang mga biik na palalakihin sapagkat anumang pagkakamali sa pagpili may maaaring maging dahilan ng pagkalugi.

Bukod sa lahi ng biik, kinakailangan ding kilalanin ang pagkukunan ng mga ito. Maganda ba ang pag-aalaga ng baboy? Meron bang sakit ang mga baboy sa pagkukunan? Bakunado ba ang mga ito? Kilala ba ang “piggery” sa pagbebenta ng magandang biik?

Ang magandang bik ay makintab at mala-rosas ang kulay ng balat, manipis at nakalapat ang balahibo sa balat. Ang mga mata ay malinis, makintab at walang muta, hindi namumula o namamaga. Ang ilong ay mamasa-masa ngunit walang sipon. Ang mga biik ay dapat masaya at masiglang kumilos. Suriing mabuti ang balat at alamin kung may mga pantal o kagat ng parasito.

Page 6: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

6 Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

ANO ANG TAMANG PARAAN SA PAGBIBIYAHE NG MGA BIIK?

Ang mga biik ay dapat ding mabilog ang katawan, matibay ang paa, likod at balikat. Ang isang magandang biik ay dapat tumitimbang ng 18 – 23 kilo sa edad na 60 araw o dalawang buwan. Kung magkakapatid ang mga biik, dapat hindi nagkakalayo ang kanilang timbang sa isa’t-isa.

Iwasang ibiyahe ang mga biik sa oras na mataas ang temperatura. Ang biik ay hindi dapat mabilad sa araw o mabasa ng ulan. Maganda rin kung ang mga ito ay hindi mapapaspas ng hangin sa biyahe. Siguruhin na maganda ang bentilayson sa loob ng sasakyan.

Siguraduhing malinis at walng matalas o matulis na bagay sa kargahan ng biik na maaaring maging sanhi ng pagkasugat. Lalong mabuti kung malalagyan ng dayami ang sahig ng sasakyan upang hindi madulas ang mga biik at magsilbing higaan ng mga ito.

Ang biik ay hindi dapat mag-siksikan sa loob ng sasakyan. Ang paglalagay ng mga partisyon ay nararapat upang maiwasan ang pagpapatung-patong ng biik. Iwasan ding na sobrang luwag ang sasakyan. Maglaan ng 7-8 ulong baboy (18-23 kilo ang timbang) kada metro kuwadrado.

Iwasan ang mabilis na takbo at pag-arangkada ng sasakyan, gayundin ang mabilis na paghinto at paliku-likong takbo. Sa lubak-

Page 7: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

7Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

ANO ANG TAMANG SUKAT AT YARI NG KULUNGAN NG BABOY?

Ang tamang sukat ng kulungan ng baboy ay base sa magiging timbang ng palakihing baboy, sa temperatura at bentilasyon ng lugar.

Ang pangkaraniwang sukat na ginagamit ay isang metro kuwadrado kada baboy kung ang mga baboy ay palalakihin hanggang 90 kilo pataas. Ang pinakamaliit na sukat ay .85 metro kuwadrado kada baboy. Kung ang lugar ay mainit at hindi maganda ang bentilasyon, maaaring lakihan ang sukat hanggang 1.2 metro kuwadrado kada baboy.

Ang haba ng pakainan ay 30-35 sentimetro kada ulo ng baboy, na may lalim na 15 sentimetro at luwang na 40 sentimetro.

Mas mainam kung “nipple drinkers” ang gagamitin. Maglagay ng dalawang “drinkers” na may taas na 20 at 50 sentimetro mula sa sahig. Ilagay ang mga ito sa likod ng kulungan.

Upang mabilis matuyo ang kulungan, lagyan ng deklibe (“slope”) ang sahig na 3%. Ang sahig ay di-dapat makinis ang yari upang maiwasang madulas ang baboy. Ito ay hindi rin dapat sobrang magaspang upang madaling linisin.

lubak na daan, ang takbo ay marahan lamang. Ito ay upang maiwasan ang “stress” sa mga kargang biik dahil sa pagka-alog.

Page 8: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

8 Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

Kulungan ng palakihing baboy

Luwang ng kulungan para

sa 10 palakihing baboy

Dingding ng

kulungan

Pakainan

4 m.

3.5 m.

2.5 m.

0.4 m.

0.2 m.

0.5 m.

2.5 m.

0.5 m.

0.5 m.

0.5 m.

0.15 m.

1 m.

Page 9: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

9Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

Ang dingding ay may taas na 80 sentimetro hanggang isang metro. Mas maganda ang bentilasyon kung ito ay yari sa ½” tubo o 12mm “plain round bars.” Ang pagitan ng siwang ay may sulkat na 10 sentimetro. Ang luwang ng sukat ng pinto ay 50 sentimetro.

ANO ANG MGA DAPAT GAWIN SA MGA

PALAKIHING BABOY?

Pagdating ng mga biik, pagsama-samahin ang mga magkakasing-laki o kaya naman ay ang mga magkakapatid. Ito ay upang mabawasan ang pag-aaway-away at kompetisyon sa loob ng kulungan. Kung nag-aaway pa rin ang mga biik, lagyan ng mga laruan tulad ng niyog, bola, kadena o anumang bagay na pwedeng paglaruan ng mga biik. Ito ay makalilibang sa mga hayop. Maaari ring punasan ng suka o anumang matapang na amoy ang leeg ng mga ito. Kung hindi pa rin maawat, ilipat ang agresibong biik.

Iwasan na mabasa o mapaliguan ang mga bagong dating na biik. Ito ay maaaring maging sanhi ng kanilang pagkakasakit. Paliguan lamang ang mga ito pagkalipas ng tatlong araw o kapag nakabawi na sa pagod ang mga biik. Basain ang hulihang bahagi ng kulungan kung saan kalimitang dudumi ang mga biik. Ang mga baboy ay dumudumi at umiihi kung saan laging basa.

Siguraduhing may malinis na tubig sa kulungan. Ang paglalagay ng “multi-vitamins” sa inumin ay makakatulong upang mabilis na makabawi ang biik sa pagod. Ito ay maaaring ibigay sa loob ng tatlong araw.

Page 10: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

10 Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

Bigyan ng konting pakain ang mga biik ngunit huwag bubusugin ang mga ito upang maiwasan ang pagtatae o pagkamatay ng biik. Mas makabubuti kung hihingi o bibili ng konting pakain sa pinagkunan ng biik upang hindi mabigla ang biik sa pagbabago ng pakain. Gawing dahan-dahan ang pagdadagdag ng dami at pagpapalit ng pakain upang hindi magtae ang mga biik. Gawin ito sa loob ng limang araw. Pagkalipas ng isang linggo, purgahin ang biik laban sa bulate at gamutin laban sa parasito sa balat o galis-baboy.

Sa ikalawang linggo, ulitin ang pagbabakuna ng Hog Cholera vaccine o sumangguni sa mga beterinaryo para sa wastong bakuna na kailangan. Panatilihing malinis at tuyo ang mga kulungan ng baboy. Iwasan na ma-“stress” o mapagod ang mga baboy. Ang ”stress” ay nakaaantala sa paglaki ng baboy at pinapahina nito

Page 11: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

11Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

ANO ANG TAMANG PAGPAPAKAIN

SA MGA PALAKIHING BABOY?

1. “Ad libitum feeding.” Ito ay isang paraan na kung saan ang

mga alagang baboy ay laging may pagkain. Ang mga baboy

ay mabibilis lumaki, ngunit maaaring kumapal ang taba at

mas magastos sa pakain.

2. De-takal o “restricted feeding.” Ito ay isang paraan na kung

saan ang dami ng pakain ay batay sa edad, timbang, at

bilis ng paglaki ng baboy. Ang paraang ito ay mas matipid

sa pakain, hindi kumakapal ang taba ngunit mabagal ang

ang resistansya laban sa sakit. Ang pangkaraniwang mga dahilan ng stress ay: pag-aaway-away ng baboy, pabago-bagong oras ng pagpapakain, sobrang init o lamig ng panahon, paglilipat ng baboy sa ibang kulungan, pagtitimbang, pag-iingay sa loob ng bahayan ng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito.

Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa kulungan. Iwasang malapitan ng ibang hayop o tao ang mga kulungan ng baboy. Maaari silang magdala ng sakit. Sumangguni sa beterinaryo o mga “livestock technicians” kapag may problema sa kalusugan ang mga alagang baboy.

May tatlong paraan ng pagpapakain sa baboy:

Page 12: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

12 Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

1. Hog Starter - ito ay pakain sa baboy na may timbang na 15 – 30 kilo.

2. Hog Grower - ito ay pakain sa baboy na may timbang na 30 – 60 kilo.

3. Hog Finisher - ito ay pakain sa baboy na may timbang na 60 kilo hanggang maibenta.

Ang pangkaraniwang uri ng pakain na ibinibigay sa palakihing baboy ay:

paglaki.

3. Kombinasyon. Ito ay paraan na kung saan “ad libitum

feeding” ang ginagamit hanggang 60 kilo ang timbang

ng baboy at “restricted feeding” sa natitirang araw ng

pagpapalaki. Sa sistemang ito, mas mabilis ang laki ng

baboy kaysa “restricted feeding,” mas manipis ang taba at

mas matipid sa pakain kaysa “ad libitum feeding.”

Page 13: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

13Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

Dami ng Pakain sa De-takal o “Restricted Feeding”

Edad Timbang Dami ng Pakain (linggo) (kilo) (kilo)

8 18 0.9 9 20 1.0 10 23 1.1 11 26 1.2 12 30 1.3 13 34 1.4 14 38 1.5 15 43 1.7 16 48 1.8 17 53 1.9 18 58 2.0 19 64 2.1 20 69 2.2 21 75 2.3 22 81 2.4 23 87 2.5 24 94 (2.6)

(Paalaala: Ang sistemang ito ng pagpapakain ay ginagamit sa mga baboy na bumibigat ng mahigit 650 gramo kada araw. Ang edad at timbang ay mula pagkabiik.)

Siguraduhin na laging may malinis na inuming tubig ang mga baboy.

Page 14: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

14 Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

ANO ANG MGA “TECHNICALINFORMATION” NA DAPAT KONG

MALAMAN MULA SA PAG-AALAGA NG BABOY?

1. A.D.G. - “Average Daily Gain” o pangkaraniwang dagdag na timbang kada araw. Ito ay makukuha sa paghati ng ibinigat na timbang ng alagang baboy sa bilang ng araw ng pag-aalaga.

Iwasan ang biglaang pagpapalit ng uri ng pakain. Maghalo muna ng konting bagong pakain sa dating pakain at itaas ang proporsyon araw-araw hanggang makuha ang 100% ng bagong pakain (Halimbawa: ¼ starter + ¾ pre-starter, ½ starter+ ½ pre- starter, ¾ starter + ¼ pre-starter).

Halimbawa:

Timbang ng palakihing baboy 94.0 klsTimbang ng biik sa umpisa - 18.0 kls Ibinigat na timbang 76.0 klsBilang ng araw na inalagaan 112 araw

A.D.G. = 76 kls = 0.679 kilo/araw 112 araw = 679 gramo/araw

Ang isang “hybrid” na baboy ay dapat lumaki ng mahigit sa 650 gramo kada araw.

x 1000

Page 15: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

15Gabay sa Pag-aalaga ng Palakihing Baboy

3. Halaga ng pakain sa bawat kilo ng timbang. Ito ay makukuha sa pag-multiplika ng “FCR” sa halaga ng pakain bawat kilo.

Halimbawa:

Dami ng nakain 193.2 klsIbinigat na timbang 76.0 kls

F.C.R. = 193.2 kls = 2.54 76.0 kls

Mga bagay na maaring makaapekto sa “FCR:” lahi ng baboy, kasarian, kalidad ng pakain, dami ng pakain, kalusugan ng baboy, dami ng “feed wastage”

Halimbawa:

Halaga ng pakain/kilo Php. 16.00 FCR x 2.54 Halaga ng pakain sa bawat kilo ng timbang Php. 40.64

Mga bagay na maaaring makaapekto sa “ADG:” lahi ng baboy, kalidad ng pakain, dami ng pagpapakain, kalusugan ng baboy, kaayusan ng pabahay

2. F.C.R. – “Feed Conversion Ratio” o dami ng pakain sa bawat kilong ibinigat. Ito ay nakukuha sa paghati ng dami ng kinain sa laki ng ibinigat.

Page 16: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

Produced by ATI ITCPH. Content by Technical Staff. Packaging by Information Services. Layout by Anne Kristell Dela Peña.

GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY

Page 17: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

Ang ATI-ITCPH ay handang tumulong sa mga magbababoy at mga nais magtayo ng babuyan sa pamamagitan ng: • Pag sasanay sa pag-aalaga ng baboy at sa iba’t-ibang

aspeto nito tulad ng Artificial Insemination, Waste Management, Feed Milling at Meat Processing

• Pagpapayo at pakikipag-ugnayan

• Paglilimbag ng mga polyeto at mga babasahin

• Pagpapalawig ng mga ideya, kaisipan at isyu na may kinalaman sa indutriya ng baboy

Ang International Training Center on Pig Husbandry (ITCPH) ay isa sa mga sentro ng sanayan sa agrikultura na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI). Itinatag ito taong 1985. Ito ang kaisa-isahang sanayan sa Pilipinas na tumutuon sa pag-aalaga ng baboy. Ang gusali ng ATI-ITCPH ay matatagpuan sa Balintawak Road, Marawoy, Lipa City, Batangas.

Page 18: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

ATI-ITCPHLearning by doing.

Page 19: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain
Page 20: GABAY SA PAG-AALAGA NG PALAKIHING BABOY · PDF fileng baboy at marahas na pagtrato sa mga ito. Magpalit ng damit at sapin sa paa kung papasok sa ... Ang pangkaraniwang uri ng pakain

Para sa karagdagang impormasyon sumulat o tumawag kay:

DR. RUTH S. MICLAT-SONACOCenter Director

Agricultural Training InstituteINTERNATIONAL TRAINING CENTER ON PIG HUSBANDRY

P.O. Box 1, Lipa City, 4217 Batangas

+63 918 903 0121

(043) 756 1996/1987

(043) 756 1995

[email protected]

atiitcph.com

@InternationalTrainingCenterOnPigHusbandry @atiitcph