Final Thesis (Extra curricular)

26
Kabanata 1 Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon Ang paaralan bilang pangalawang tahanan ay naglalayong mapataas ang karunungan ng bawat indibidwal. Kaagapay ang mga nanunungkulan sa bayan ng Bataan, na nakapokus sa edukasyon ng mga mag-aaral. Kaisa ang mga libo-libung estudyante ng Bataan Peninsula State University sa hangarin ng Bataan na maging sagot sa pagtaas ng ekonomiya. Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ay nagbubunga ng magandang kinabukasan upang mapaunlad ang sari-sariling buhay. Sa paaralan, hindi lamang ang kaisipan ang nahuhubog kundi maging ang katauhan at kakayahan ng isang tao. Dahil hindi lamang mga aral na patungkol sa kinuhang kurso ang kanilang natututunan. May mga organisasyon ding maaari nilang lahukan depende sa kanilang hilig at ito ang tinatawag na extra-curricular activities. Ang extra-curricular activities ay mga gawaing pang- edukasyong hindi bumabagsak sa loob ng saklaw ng mga regular na kurikulum. Ito ay iba pang mga gawain ng mga mag-aaral sa labas ng regular na araw sa paaralan. Sa kadahilanang ito, 1

description

Ito ay ukol sa pagkakaraon o pagiging sangkot sa eskwelan sa mga pang ekstra kurikular na mga gawain. Nakasasagabal o hindi, pano ginagampanan at ano ang mga tulong.

Transcript of Final Thesis (Extra curricular)

Page 1: Final Thesis (Extra curricular)

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon

Ang paaralan bilang pangalawang tahanan ay naglalayong mapataas ang karunungan

ng bawat indibidwal. Kaagapay ang mga nanunungkulan sa bayan ng Bataan, na nakapokus

sa edukasyon ng mga mag-aaral. Kaisa ang mga libo-libung estudyante ng Bataan Peninsula

State University sa hangarin ng Bataan na maging sagot sa pagtaas ng ekonomiya. Mahalaga

ang edukasyon sapagkat ito ay nagbubunga ng magandang kinabukasan upang mapaunlad

ang sari-sariling buhay. Sa paaralan, hindi lamang ang kaisipan ang nahuhubog kundi maging

ang katauhan at kakayahan ng isang tao. Dahil hindi lamang mga aral na patungkol sa

kinuhang kurso ang kanilang natututunan. May mga organisasyon ding maaari nilang lahukan

depende sa kanilang hilig at ito ang tinatawag na extra-curricular activities.

Ang extra-curricular activities ay mga gawaing pang-edukasyong hindi bumabagsak

sa loob ng saklaw ng mga regular na kurikulum. Ito ay iba pang mga gawain ng mga mag-

aaral sa labas ng regular na araw sa paaralan. Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng

iba’t ibang epekto ang ekstra kurikular sa akademikong pag-aaral ng mga estudyante.

Sa Bataan Peninsula State University ay mayroon ding mga organisasyong pang-

extra-curricular. Tulad ng BPSU Campus Student Council organisasyong namumuno sa

kolehiyo. CYM na patungkol Katolisismo, Varsity na patungkol sa mga larong pampalakasan

at mga organisasyong may kinalaman sa sining ng pagsayaw, pag-awit, at pag-arte tulad ng

BC Legs, BPSU Chorale Chamber, at Teatro Peninsulares.

1

Page 2: Final Thesis (Extra curricular)

Maaaring sagabal ang extra-curricular activities sa mga estudyante sapagkat maaaring

mas mapagtuunan nila ito ng pansin kaysa sa kanilang pag-aaral at magkaroon ng hindi

magandang epekto dahilan ng pagbaba ng kanilang marka.

Ang bawat estudyanteng makikilahok sa anumang organisasyon ay nararapat lamang

na mabigyan ng impormasyon ukol sa kanyang sinalihan upang matukoy ang maaaring

maging kahinatnan nito.

Ang mga nabanggit na dahilan ang nag-udyok sa mga mananaliksik upang alamin ang

mga dahilan ng pagkawala ng konsentrasyon sa pag-aaral ng mga estudyante sa BPSU.

Mga Layunin

a. Mailahad ang epekto ng extra-curricular activities sa mag-aaral ng Bataan

Peninsula State University.

b. Mailahad ang dahilan ng pagbaba ng marka ng sobrang pagkatutok sa mga extra-

curricular activities.

c. Mailahad ang posibleng solusyon upang hindi mapababa ang mga marka sa pag-

aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay malaki ang maitutulong sa mga sumusunod:

Sa mga Guro:

Isa itong hakbang upang malaman nila ang magiging pokus nila sa pag-organisa sa

mga aktibidades ng paaralan at ang maaaring pagbabago na kanilang gagawin upang

mapataas aing grado ng mga mag-aaral.

2

Page 3: Final Thesis (Extra curricular)

Sa mga Mag-aaral:

Matutukoy nila kung may makabuluhang epekto sa pagsali sa mga extra-curricular

activities sa kanilang akademik na pag-aaral. Kanila ding malalaman ang mga nararapat

pagtuunan at bigyang atensyon upang hindi mapabayaan ang buhay akademiko.

Sa mga Magulang:

Makatutulong ito sa pag-gabay sa kanilang mga anak upang higit na maging inspirado

sa kanilang mga ginagawa at magkaroon ng mas magandang performans at hindi mapabayaan

ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Para sa BPSU Faculty:

Magbubukas sa isip ng mga namumuno sa paaralan kung anong gawain ang dapat

pagbigyan ng tuon at suporta upang sa mas ika-uunlad ng mga mag-aaral. Makapagbigay ng

payo upang magabayan ang mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon:

Ang mga mananaliksik ay namili lamang ng isangdaang (100) estudyante sa BPSU

(Balanga Campus at Main Campus) upang magsagawa ng isang survey. Nakapaloob lamang

sa pag-aaral na ito ang pahayag ng mga mag-aaral ukol sa epekto ng extra-curricular

activities. Isinagawa ang survey na ito sa ika-4 na linggo ng ebrero hanggang unang linggo ng

Marso taong 2014.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Pinahahalagahan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na salik upang

makapagbigay-linaw sa kabuuan ng pag-aaral.

3

Page 4: Final Thesis (Extra curricular)

Extra-curricular activities – mga aktibidad na nasa labas ng kurikulum ng isang

unibersidad, kolehiyo o paaralan

Organisasyon – isang grupo na may iisang hilig or interes

BPSU – Bataan Peninsula State University

BC – Balanga Campus

CYM – Campus Youth Ministry

4

Page 5: Final Thesis (Extra curricular)

Mga Tala sa Kabanata I

http://wennchubz.blogspot.com

www.vsb.bc.ca

Bpsu.edu.ph

5

Page 6: Final Thesis (Extra curricular)

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pahayag na nakalap ng mga mananaliksik

kaugnay ng ginagawang pag-aaral. Nakapaloob dito ang ilang pahayag na nagpapatunay ng

magandang ibinubunga at hindi sa isang mag-aaral sa paglahok sa extra-curricular activities.

Dagdag pa rito, ang mga mananaliksik ay nangalap din ng ilang impormasyon tungkol sa

kung paano naaapektuhan ng extra-curricular activities ang araling pangakademiko.

Napatunayan ng ilang pag-aaral tulad ng Organisation for Economic Co-operation and

Development (OECD) at ng National Research Council (U.S.) na ang paglahok sa extra-

curricular activities, pampalakasan at klab ay isang paraan upang maramdaman ng mag-aaral

na siya ay kabilang sa paaralan. Napatunayan din ng isang pang pag-aaral sa Amerika na

malaki ang tiyansa ng mga mag-aaral na kabilang dito ang makakuha ng mas mataas ng

marka kaysa sa mga mag-aaral na nakapokus lamang sa araling pangakademiko.

Ayon sa pag-aaral ni Erin Massoni, may-akda ng “The Positive Effects of Extra

Curricular Activities of Students” ang isa sa mga dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa

extra-curricular activities ay upang mas tumaas ang kanila self-steem na makatutulong sa

pagkakaroon nila ng mas mataas na grado sa pagsusulit.

6

Page 7: Final Thesis (Extra curricular)

Ayon kay Steven Dowshen, MD sa kanyang sinulat na artikulo sa Kidshealth.org, ang

pagsali sa mga organisasyon ay hindi lamang tungkol sa palakasan nakalakip din dito ang

hilig at interes ng mga mag-aaral. Sa ganitong paraan mas nahahasa ng mga mag-aaral ang

kanilang talento gaya ng pagkanta, pagsayaw pati na rin sa usaping pampalakasan. May mga

organisasyon ding naitatag upang mapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin at

opinyon sa isang partikular na paksa sa pagsulat sa pahayagan ng paaralan.

Ayon sa Ontario Public School Board’s Association, ang extra-curricular activities ay

maaaring mapagyaman ang pagpapahalaga sa buhay at interes ng isang indibidwal at

maihanda ang mga ito sa buhay na higit pa sa akademikong tagumpay.

Ayon kay Laura Wood, isang manunulat sa eHow Moms, ang paglalaan ng mga bata

ng kanilang sobrang oras sa extra-curricular activities ay nagdudulot ng kakaonting panahon

sa pag-aaral. Maaari itong maapektuhan ang grado ng isang magaaral dahil sa kakulangan sa

oras pangakademiko.

Ayon sa isang artikulo ni Chris Anigwe sa “Positives of Extra Curricular Activities”,

disiplina, pagiging responsible at kakayahang mabalanse ang oras ay isang mahalagang

kasangkapan ng bawat indibidwal na dapat ugaliin hindi lamang sa trabaho kundi sa

pangaraw-araw na pamumuhay. At ito ang nakukuha ng isang mag-aaral na kabilang sa extra-

curricular activities.

Batay sa impormasyon at pahayag na nakalap ng mga mananaliksik nabigyang linaw

nito ang mga maaaring maging epekto ng extra-curricular activities sa mga mag-aaral.

7

Page 8: Final Thesis (Extra curricular)

Dagdag pa rito, ang mga nailathalata ay nagbigay ng mas malalim na pakahulugan at

interpretasyon ukol sa nasabing pag-aaral.

8

Page 9: Final Thesis (Extra curricular)

Mga Tala sa Kabanata II

http://thethunderproject.org/positives-of-extra-curricular-activities/

Wood, L. (2009). eHow Moms. Retrieved from

http://www.ehow.com/info_8034677_effect-extracurricular-activities-academic-grades.html

http://www.peopleforeducation.ca/document/are-extra-curricular-activities-important/

Massoni, E. (2011). College of DuPage. Retrieved from

http://dc.cod.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1370&context=essai

9

Page 10: Final Thesis (Extra curricular)

Kabanata III

Mga Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng iba’t ibang mga talatanungan na nauukol

saextra-curricular activities. Ito ay upang magamit sa serbey at gawing basehan sa

mgapananaliksik na kailangan gawin. Upang malaman ang epekto sa pagsali sa mga extra-

curricular activities sa akademikong pagaaral ng isang estudyante.

Ang Pamamaraan at mga Teknik na Ginamit

Ang istilo ng pananaliksik na ginamit ay ang Deskriptib dahil ito ay naglalarawan

ngepekto at posibleng solusyon sa problema sa extra-curricular activities.

Instrumento ng Pananaliksik

A.Talatanungan

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan na ukol sa extra-curricular

activities. Ginawa ito upang malaman kung ano ang nasasaloob ng isangdaan (100)

estudyante sa pagsali sa organisasyon sa paaralan. Ginawa ang talatanungan na ito sa loob ng

isang lingo.

B.Pakikipanayam

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan para sa estudyante ng BPSU.

Mga pili lamang ang maseserbeyan ukol sa extra-curricular activities. Ito ay upangmalaman

din kung ito ay nakakabuti o nakakasama sa pagaaral ng isang estudyante.

C.Pagsusuri sa mga Dokumento

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet. Upang mapadali at makatulong sa

10

Page 11: Final Thesis (Extra curricular)

ginagawang pananaliksik. Ito ay lubos na nakatulong sapagkat mas napadali ang mga gawain

na

ayon sa extra-curricular activities.

D.Ginamit na Istatistikong Pahayag (statistical tools used)

%=m/M

m= bilang ng indikasyon

M= bilang ng respondent

11

Page 12: Final Thesis (Extra curricular)

Kabanata IV

Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nagpakalat ng talatanungan kaugnay sa extra-curricular

activities na naglalayong malaman ang epekto, dahilan at mga posibleng solusyon nito sa

pagbaba ng grado ng mga estudyante. Sa kabanatang ito makikita ang resulta ng mga

kasagutan ng 100 respondente, na masusing isinaayos upang malinaw na makita ang mga

indikasyon at mailahad ang mga datos.

Epekto ng Extra-curricular Activities

0

5

10

15

20

25

30

35

40

45

50

6

17

1114

47

0.05

figura 1.2

pigura 1.1

12

Page 13: Final Thesis (Extra curricular)

A; 6%

B; 17%

C; 11%

D; 14%

E; 47%

F; 5%

ABCDEF

pigura 1.2

Nakalahad sa pigura 1.1 at 1.2 ang mga indikasyon kaugnay sa epekto nang Extra-

curricular activities. Nagtala ng pinaka mataas na indikasyon ang E.nagkakaroon ng mga

kaibigan, 47 na indikasyon (47%). Sinundan ito ng B. napapagud, na nagtala ng 17

indikasyon (17%). Samantalang pangatlo naman ang D. nawawalan ng oras sa akademiko,

14indikasyon (14%). 11 indikasyon (11%) ang naitala sa C. na napapabayaan ang pag-aaral,

na sinundan ng A. bumababa ang marka, na nagtala lamang ng 6 na indikasyon (06%). Pang

huli ay ang F. ibang kasagutan, 5 indikasyon (05%).

13

Page 14: Final Thesis (Extra curricular)

Dahilan ng Pagsali sa Extra-curricular Activities

0

5

10

15

20

25

30

35

40

45

5

13

1 2

42

1

pigura 2

pigura 2

Inilalahad naman sa pigura 2 ang mga indikasyon sa dahilan ng pagsali sa

extra-curricular activities. Naitala ang pinakamataas ng indikasyon sa E. maipamalas ang

talento, 42 indikasyon (42%). Pangalawa ang D. pagkakaroon libangan, na nakapagtala nang 20

indikasyon (20%). Samantalang 13 indikasyon (13%) ang naitala sa B. dibidendo sa tuition fee.

Ang C. impluwensya ng mga barkada, at F. ibang kasagutan ay parehong nakapagtala ng 10

indikasyon (10%) . Nasa huling pwesto naman ang A.makaiwas sa guro, 5 indikasyon (5%)

lamang ang naitala

14

Page 15: Final Thesis (Extra curricular)

Posibleng solusyon sa Epekto ng Extra-curricular Activities sa Grado ng mga Estudyante

0

10

20

30

40

50

60

70

80

4

73

14

8

1

pigura 3

pigura 3

Inilalahad ng pigura 3 ang mga indikasyon ng mga posibleng solusyon sa epekto ng

Extra-curricular activities sa grado ng mga estudyante. Ang B. pagbalanse sa oras, ang

nakapagtala ng 73 indikasyon (73%) na pinakamataas. Pumangalawa naman C. higit na

pagtuunan ng pansin ang pag-aaral na nakapagtala na 14 na indikasyon (14%) . Sinundan ng

8 indikasyon (8%), D. advance reading / tutorial at ang A. paglimita sa bawat gawain na

nakapag tala lamang ng 4 na indikasyon (4%). Pinakahguli ay ang F, 1 indikasyon (1%) ang

naitala.

15

Page 16: Final Thesis (Extra curricular)

Kabanata V

Lagom

Ang paaralan bilang pangalawang tahanan ay naglalayong mapataas ang karunungan

ng bawat indibidwal. Kaagapay ang mga nanunungkulan sa bayan ng Bataan, na nakapokus

sa edukasyon ng mga mag-aaral. Kaisa ang mga libo-libung estudyante ng Bataan Peninsula

State University sa hangarin ng Bataan na maging sagot sa pagtaas ng ekonomiya. Mahalaga

ang edukasyon sapagkat ito ay nagbubunga ng magandang kinabukasan upang mapaunlad

ang sari-sariling buhay. Sa paaralan, hindi lamang ang kaisipan ang nahuhubog kundi maging

ang katauhan at kakayahan ng isang tao. Dahil hindi lamang mga aral na patungkol sa

kinuhang kurso ang kanilang natututunan. May mga organisasyon ding maaari nilang lahukan

depende sa kanilang hilig at ito ang tinatawag na extra-curricular activities.

Ang extra-curricular activities ay mga gawaing pang-edukasyong hindi bumabagsak

sa loob ng saklaw ng mga regular na kurikulum. Ito ay iba pang mga gawain ng mga mag-

aaral sa labas ng regular na araw sa paaralan. Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng

iba’t ibang epekto ang ekstra kurikular sa akademikong pag-aaral ng mga estudyante.

Sa Bataan Peninsula State University ay mayroon ding mga organisasyong pang-

extra-curricular. Tulad ng BPSU Campus Student Council organisasyong namumuno sa

kolehiyo. CYM na patungkol Katolisismo, Varsity na patungkol sa mga larong pampalakasan

at mga organisasyong may kinalaman sa sining ng pagsayaw, pag-awit, at pag-arte tulad ng

BC Legs, BPSU Chorale Chamber, at Teatro Peninsulares.

Maaaring sagabal ang extra-curricular activities sa mga estudyante sapagkat maaaring

mas mapagtuunan nila ito ng pansin kaysa sa kanilang pag-aaral at magkaroon ng hindi

magandang epekto dahilan ng pagbaba ng kanilang marka.

16

Page 17: Final Thesis (Extra curricular)

Ang bawat estudyanteng makikilahok sa anumang organisasyon ay nararapat lamang

na mabigyan ng impormasyon ukol sa kanyang sinalihan upang matukoy ang maaaring

maging kahinatnan nito.

Ang mga nabanggit na dahilan ang nag-udyok sa mga mananaliksik upang alamin ang

mga dahilan ng pagkawala ng konsentrasyon sa pag-aaral ng mga estudyante sa BPSU.

d. Mailahad ang epekto ng extra-curricular activities sa mag-aaral ng Bataan

Peninsula State University.

e. Mailahad ang dahilan ng pagbaba ng marka ng sobrang pagkatutok sa mga extra-

curricular activities.

f. Mailahad ang posibleng solusyon upang hindi mapababa ang mga marka sa pag-

aaral.

Ang mga mananaliksik ay malaki ang maitutulong sa mga sumusunod:

Sa mga Guro:

Isa itong hakbang upang malaman nila ang magiging pokus nila sa pag-organisa sa

mga aktibidades ng paaralan at ang maaaring pagbabago na kanilang gagawin upang

mapataas aing grado ng mga mag-aaral.

Sa mga Mag-aaral:

Matutukoy nila kung may makabuluhang epekto sa pagsali sa mga extra-curricular

activities sa kanilang akademik na pag-aaral. Kanila ding malalaman ang mga nararapat

pagtuunan at bigyang atensyon upang hindi mapabayaan ang buhay akademiko.

Sa mga Magulang:

17

Page 18: Final Thesis (Extra curricular)

Makatutulong ito sa pag-gabay sa kanilang mga anak upang higit na maging inspirado

sa kanilang mga ginagawa at magkaroon ng mas magandang performans at hindi mapabayaan

ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Para sa BPSU Faculty:

Magbubukas sa isip ng mga namumuno sa paaralan kung anong gawain ang dapat

pagbigyan ng tuon at suporta upang sa mas ika-uunlad ng mga mag-aaral. Makapagbigay ng

payo upang magabayan ang mga mag-aaral.

Konklusyon

Ang nanguna at nagtala ng pinakamataas na indikasyon kaugnay sa epekto ng extra-

curricular activities ay ang (e.) pagkakaroon ng kaibigan kung saan nakakuha ito ng 47%. Sa

pagsali sa mga extra-curricular activities nagkakaroon ang mga mag-aaral ng mga bagong

kaibigan na maaaring makatulong upang mas mahubog pa ang kanilang kakayahan.

Kaugnay naman sa pagsali sa extra-curricular activities, naitala ang pinakamataas na

indikasyon sa (e.) maipamalas ang talento na nakakuha ng 42%. Dahil ito ay makakatulong at

makakabuti din lalo na sa mga estudyanteng sumasali dito. Maipakita ang kanilang talento

ang isa sa mga dahilan sa pagsali sa extra-curricular activities na nakatutulong din sa pagtaas

ng kanilang self-steem.

Naitala naman ang pinakamataas na indikasyon kaugnay sa posibleng solusyon sa

epekto ng extra-curricular activities sa grado ng mga estudyante ay ang (b.) pagbabalanse ng

oras dahil ito ay nakakuha ng 73%. Para sa mga estudyante, ang tamang pagbalanse ng oras

ay malaking tulong upang hindi mapabayaan ang pag-aaral.

Rekomendasyon

18

Page 19: Final Thesis (Extra curricular)

Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, ang mga mananaliksik ay nagmumungkahi ng

mga rekomendasyon sa epekto ng extra-curricular activities sa mga mag-aaral.

a. Para sa mga mag-aaral na nais mapabilang sa extra-curricular activities ay kailangang

matutunan ang tamang pagbabalanse ng oras.

b. Pagkakaroon ng pantay na atensyon sa pangakademikong pag-aaral at extra-

curricular activities.

c. Pagsasaalang-alang ng mga estudyante sa kanilang kalusugan kung kakayanin ang

mga kinabibilangan nilang gawain.

d. Magself-study upang hindi mahuli sa literaturang pangakademiko

e. Pagpaplano ng mga gawaing kailangang gawin at tapusin

f. Pagbibigay pansin sa mga bumabang marka

g. Mag-advance reading o tutorial

19