Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga...

27
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1) Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata 7

Transcript of Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga...

Page 1: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1)

Mga Angkop at Inaasahang

Kakayahan at Kilos sa Panahon ng

Pagdadalaga/Pagbibinata

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carmelita B. Ginoo

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Jocelyn C. Pacaldo

Moderator: Glicerio L. Camongay

Tagaguhit: May Joy B. Ginoo

Management Team

Schools Division Superintendent:

Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

Assistant Schools Division Superintendents

Dr. Cartesa M. Perico

Dr. Ester A. Futalan

Dr. Leah B. Apao

Chief, CID: Dr. Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS: Mr. Isaiash T. Wagas

EPS in ESP: Mrs. Jane O. Gurrea

Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 7

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1) Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos

sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region VII, Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255 - 6405

E-mail Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1)

Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at

Kilos sa Panahon ng

Pagdadalaga/Pagbibinata

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

ii

Mga Tala para sa Guro

Ito'y nagpapaloob ng iba't-ibang repleksiyon, mga tanong para maging gabay sa

mga mag-aaral. Inaasahang magkaroon ng inspirasyon upang matanggap at

lubusang maunawaaan ang mga bagay-bagay na bubuo ng mabuting pagtingin sa

iyong sarili. Inaasahan din ito ang maggaganyak sa iyo upang patingkarin pa ang

iyong halaga bilang isang kabataang may magandang hinaharap at produktibong

kinabukasan.

Para sa tagapagdaloy:

Paunang Salita

Ang modyul na ito ay binuo, pinag-isipan at kritikal na sinuri ng tagapagturo

upang gabayan ang mag-aaral, ang mga gurong tagapagdaloy sa Edukasyon sa

Pagpapakatao (EsP) upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to 12 sa kalagitnaan ng Pandemya na kumitil ng maraming

buhay dito sa Pilipinas at sa buong mundo.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

pamamagitan ng iba't-ibang gawain na inihanda ng manunulat. Ito ay naglalayon na

ang bawat mag- aaral sa ikapitong baitang ay masigasig at aktibo sa pag-intindi at

pagsagot kahit nasa kanilang kabahayan. Ang gabay ng mga magulang ay isang

mahalagang elemento sa pagtatagumpay sa modyul na ito.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gagamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa

Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano

na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot

(100%), maaari mong laktawan ang bahaging

ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang

aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng

isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang

mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi

sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

iv

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong natutuhan mo

mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad

ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit

ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng

modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka

o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

v

rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man

sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong

isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

1

Alamin

Panimula

Ang modyul na ito ay isang alay sa panahon ng iyong pamumukadkad at

pamumukod- tangi. Ito ay hinabi para sa pagtatamo mo ng mataas na pansariling

kamalayan. Inaasahang magkaroon ka ng inspirasyon upang matanggap at lubusang

maunawaan ang mga bagay-bagay na bubuo ng mabuting pagtingin sa iyong sarili.

Inaasahan din na ito ang maggaganyak sa iyo upang patingkarin pa ang iyong halaga

bilang isang tinedyer na may magandang hinaharap at produktibong kinabukasan.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili? Nakahanda ka bang makaalam at makialam sa lipunan?

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman,

kakayahan at pag-unawa:

1.1 Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9

hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (EsP7PS-Ia-1.1)

a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag ugnayan (more mature relations) sa mga

kasing edad (Pakikipagkaibigan)

b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan

c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala

sa mga ito

d. Pagnanais at pagtatamong mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan

e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga /nagbibinata

1.2 Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng

pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.2)

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

2

Subukin

Isasagawa mo: Sa talahanayan sa ibaba, isulat ang mga pagbabagong naranasan mo

Sa edad na 8 hanggang sa kasalukuyan. Isulat din kung paano mo

tinatanggap ang mga pagbabagong ito. Gawin ito sa malinis na isang

pirasong papel.

Mga Pagbabagong

Pisikal

Mga

Pagbabagong

Emosyonal

Mga Pagbabagong

Sosyal/Panlipunan

Paraan ng

Pagtanggap

Mga Tanong:

1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang

aspeto?

2. Sinu-sino ang makikinabang sa pagkakamit nito?

3. Ano ang pakiramdam na tawaging tinedyer?

4. Ano-ano ang mga hamon na kailangan mong harapin bilang isang tinedyer?

5. Anong tulong o gabay ang kailangan ng isang tinedyer mula sa kanyang mga

magulang?

6. Bilang isang tinedyer, paano ka pumipili ng mga kaibigan. Itala sa ibaba ang iyong

mga pamantayan sa pagpili ng kaibigan. Lagyan ng tsek(/) kung nasusunod mo ang

mga pamantayang ito o hindi nasusunod. Maaaring dagdagan ng iyong sariling

pamantayan sa pagpili ng kaibigan. Gumamit ng ibang papel sa pagsagot nito.

Mga Pamanatayan sa

Pagpili ng Kaibigan

Nasusunod Di-Nasusunod

1. 2. 3. 4. 5.

Tanong:

1. Batay sa talahanayan, Bakit hindi mo nasusunod ang ilan sa iyong mga pamantayan. Ipaliwanag.

2. Anong klaseng mga kaibigan ang dapat piliin ng isang tinedyer?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

3

Mga Tala para sa Guro

Paalalahanan ang mga mag-aaral na maglaan

ng Activity Notebook/Porfolio para sa modyul na

ito.

Balikan

Panuto: Sa isang pirasong papel, isulat/iguhit ang simbolo ng iyong mga katangian sa bawat mapa na may bilang.

1. Pisikal na katangian

2. Ang pinakamahalagang kaalamang pangkaisipan na natutuhan mo mula sa

iyong mga magulang o mga guro

3. Ang gusto mong mangyari sa iyong buhay

4. Simbolo ng paniniwala mo sa Diyos

5. Ang maaari mong ibahagi sa iyong kapwa mula sa iyong sarili

6. Ang pinakamahalagang gampanin mo ngayon bilang teenager

7. Ang maialay mo sa lipunan/pamayanan

Gawain: "Pagbuo ng Mapa ng Aking Pagkatao"

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

4

Tuklasin

Ang Kalikasan ng Tao

Ang tao ay may karapatan at kaukulang pananagutan sa paglinang ng kanyang mga 1. Bilang pisikal mayroon siyang mga materyal na pangangailangan. Dapat

niyang pangalagaan ang kalusugan, kaayusan at mabuting ugnayan sa

kalikasan.

2. Bilang intelektwal, dapat patuloy niyang kamtin ang pag-aaral at

karunungan tungkol sa tunay na kahulugan ng buhay at upang malaman

kung paano niya mapapauunlad ang kaniyang pagkatao at mapabubuti ang

kanyang kapwa at pamayanan.

3. Ang kanyang pagkamoral na dulot ng kaniyang kalayaang umisip at

kumilos nang mabuti na siyang nagpapakita ng pagmamahal niya sa

kanyang kapwa nilalang.

4. Likas sa kaniya ang katangiang ispirtiwal na nagbubuklog ng kanyang pagkatao sa kaniyang Maykapal. Ang kanyang pananampalataya sa Dios ay ipinakikita sa kaniyang kilos, sa kanyang pagmamahal sa sarili at kanyang kapwa at sa pagbibigay ng katarungan sa lahat ng bagay.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

5

5. Ang tao ay likas na nakikiugnay sa iba. Nabubuhay siya sa piling ng kaniyang pamilya, kapwa at pamayanan. Ang dapat pahalagahan sa anumang pakikipagugnayan ang daan tungo sa kabutihang panlahat.

6. Sa kaniyang pangkabuhayan, kinakailangan niyang magkaroon ng mga

paraan upang makapaghanap-buhay ng sapat.

7. Ang tao ay kailangan ding mabuhay ng maayos sa isang pamayanan. ang

kanyang layunin ay upang makatulong na maalagaan ang makatarungang

pag-unlad ng mga mamamayan.

Ang panahon ng kabataan ay may mga kaakibat na mga pagbabago na kinakailangan unawain ng mabuti dahil ito ay makatutulong sa paghahanda nila sa kanilang kinabukasan.

Ang pag-unawa at pagganap ng mga kabataan sa kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang tinedyer ay makatutulong upang sila ay maging responsableng

mamamayan sa susunod na yugto ng kanilang buhay.

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.Isulat ang

mga kasagutan sa inyong Activity Notebook. Situation Analysis: Ano ang iyong dapat gawin sa mga sumusunod na sitwasyon 1. Ang iyong kaklase ay may tagos ng dugo sa palda 2. Ang matalik mong kaibigan ay nangongopya panahon sa pagsusulit 3. Palaging huli sa klase ang kaibigan mo 4. Hindi ka nabigyan ng baon ng iyong ina dahil nagkasakit ang iyong tatay 5. Maagang magkaroon ng boypren/girlpren ang iyong pinsan na kasing-edad mo.

6. Magbigay ng at least 5 na tungkulin na dapat mong gawin/ gampanan bilang

isang tinedyer.

a. sa pamilya 1-5

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

6

b. sa paaralan 1-5

c. sa lipunan 1-5

d. sa simbahan 1-5

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

7

Pagpapayaman ng Konsepto:

Ang tao ay pinakatangi sa lahat ng mga nilalang ng

Diyos. Likas sa kanya ang kaisipan na wala sa ibang nilalang.

Ang kanyang isip at kamalayan ang batayan ng kanyang kilos.

Ginagamit niya ito sa kanyang pag-unawa kung mabuti o di

mabuti ang isang bagay o gawain.

Pagyamanin

A. Ipaliwanag at sagutin ng mabuti ang mga sumusunod na tanong.Gamitin ang inyong Activity Notebook.

1. Bakit maraming tinedyer ang nabubuntis sa panahon ngayon?

2. Ano kaya ang epekto nito sa pamilya at lipunan?

3. Bilang isang tinedyer, paano mo maagapan ang suliraning ito?

B. Batay sa ulat na nakita o naririnig sa panahon ng Covid-19, paano mo maiiwasan na hindi ka madapuan o mahawaan ng virus na ito? Magbigay ng limang paalala na dapat tandaan. Isusulat ito sa isang malinis na papel.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

8

Ang panahon ng pagbibinata at pagdadalga ay isang paghahanda para sa

kinabukasan. Isa sa mga tanda ng pagdating sa tamang edad na kinikilala ng lipunan ay ang kakayahan ng kabataan na suportahan ang kanyang sarili sa aspetong pinansiyal. Gayunpaman, hindi ito palaging eksaktong sukatan dahil may mga kabataan na hindi agad nakapagtatrabaho. Ang maagang pag-aasawa ay mahirap para sa nakakaraming

kabataan dahil nalilito silang makita ang kaibahan ng pagkaakit na sekswal sa tunay at wagas na pag-ibig.

Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at

kilos na dapat malinang ayon kay Havinghurst (Hurlock, 1982, p.11)Si Robert

James Havinghurst, isang propesor ng experimental education ay nagsasagawa

ng mga pag-aaral tungkol sa tungkuling nagpapaunlad na dapat mong pagdaanan

bilang tao.

Isaisip

Isagawa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

9

Pagpapalalim sa walong inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata:

1 . Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad Bilang isang tinedyer ay nais mong kasama ang iyong mga kamag-aaral at mga kaibigan

sapagkat magkapareho kayo ng gusto at hindi gusto, nagsasalita at kumikilos kayo sa parehong paraan.

2 . Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa lalaki at babae

Karaniwang pananaw sa mga lalaki ang pagiging mapamilit at malakas samantalang ang sa babae naman ay ang pagiging mapagbigay at mahina. Sa kasulukuyan, tanggap na sa lipunan ang pagpapalitan ng papel ng babae at lalaki kaya't hindi na kahiya-hiya para sa mga lalaki ang gampanan ang mga gawain ng babae gayundin sa mga babae na gampanan ang mga bagay na dati ay para sa mga l alaki lamang.

3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang

pamamahala sa mga ito

Sa kasalukuyan, laganap ang telebisyon, internet, at mga babasahin na nakaiimpluwensiya kung ano talaga ang dapat taglayin sa pisikal na kaanyuan. Ang

kabiguang matamo ang kahanga-hangang pisikal na anyong ito ay nagdudulot sa ibang kabataan ng kakulangan.

4 . Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa Kailangan natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at halaga ng buhay. Ang

tao ay hindi mabubuhay sa sarili lamang kailangan niya ang pakikipag kapwa tao.

5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

Ang isang bata ay labis na palaasa sa kaniyang mga magulang. Hindi siya makapagpasiya kung hindi nasa ilalim ng kanilang paggabay. Dapat sanayin at piliin ang pagtungo sa kabutihan na makabubuti sa sarili, sa kapwa, pamayanan at sa bansa.

6 . Paghahanda para sa paghahanapbuhay

Ang panahon ng pagbibinata/ pagdadalaga ay isang paghahanda sa kinabukasan. Dapt kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan. Hingin ang payo ng

mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso para sa iyo upang makakuha ng magandang hanap -buhay sa hinaharap.

7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya

Ang pagkakaroon ng asawa at sariling pamilya ay mahirap para sa nakararaming kabataan. Ito ay dahil nalilito silang makita ang kaibahan ng pag-aakit na sekswal (sexual attraction)sa tunay at wagas na pag-ibig.

8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Ito ay maaaring bumuo o sumira ng inyong

kinabukasan. Kailangang maging maingat sa mga gagawing pagpapasya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapamalas ng mabuting pamumuhay. Hayaang mangibabaw ang iyong kalikasan. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon.

Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Huwag umasa sa opinyon ng ibang tao lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

10

pagtubo ng balahibo sa kili -kili at ari may regla buwan -buwan

self - conciousness

kurba na katawan malapad na katawan

walang regla

Nagdadalantao

malakas pag-iiba ng tunog ng boses

may adam's apple mahina

pagkakaroon ng tigyawat

hindi nagdadalantao

May matres

pagkakaroon ng crush

malaki ang suso malambot na kutis

Panuto: Sa bawat inaasahang kakayahan at kilos, pumili ng lima (5) at ipaliwanag.

Isulat ang mga kasagutan sa inyong Activity Notebook. (5 pts. each)

1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad

2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa lalaki at babae

3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa

mga ito

4. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa

5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay

7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya

8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal.

Tayahin

A. Gamit ang isang Venn Diagram, isulat sa sagutang papel ang pagkakaiba at

pagkakapareho ng babae at lalaki. Pumili ng mga sagot sa kahon.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

11

B. Sumulat ng isang maikling karanasan sa iyong activity notebook na nagpapakita ng

tiwala sa sarili sa pamamagitan ng limang pangungusap.

C. Panuto: Punan ang chart sa ibaba gamit ang iyong activity notebook. Sa hanay ng

"Ako Ngayon", isulat ang mga pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa

hanay ng "Ako Noon", itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa

gulang na 8 hanggang 11 taon.

Profayl Ko, Noon at Ngayon

Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon

Pakikipag-ugnayan sa

mga kasing-edad

Papel sa lipunan bilang

babae at lalaki

Pamantayan sa asal sa

pakikipagkapwa

Kakayahang gumawa ng

maingat na pagpasiya

D. Sa iyong dyornal notebook, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa

paghahambing ng iyong ginawa. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa

ibaba.

1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at ngayon?

2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/bibinata?

Ipaliwanag.

3. Ano ang ibig sabihin ng pagbabagong ito sa iyo bilang dalaga/binata?

4. Sa anong paraan makakatulong ang pagbabagong ito?

5. Anong epekto ng pagbabagong ito sa sarili mo?

6. Ano-ano ang mga positibong pagbabago na naranasan mo sa iyong buhay?

E. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.

Panuto: Sa sagutang papel, Lagyan ng tsek (/) ang bawat aytem kung ito ay

naglalarawan sa iyo.

1. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan

2. Mas madaling nakapagmememorya

3. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap

4. Nahihilig sa pagbabasa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

12

Malalaman natin kung paano ang wastong pamamaraan ng pagpapasiya upang sa

gano’n ay magiging mabuti at matalino ang pasiya natin tungo sa pagpapaunlad ng

ating pagkatao.

5. Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang

6. Nagkaroon ng maraming kaibigan sa katulad na kasarian

7. Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian

8. Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid

9. Madalas na magsimba tuwing linggo

10. Madalas na mainitin ang ulo

11. Madalas na nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase at

pangangatawan.

12. Nagiging mapag-isa sa tahanan

13. Madalas malalim ang iniisip

14. Alam kung ano ang tama at mali

15. Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon.

Karagdagang Gawain

Sino ang Magpapasya

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

13

Gawain: Ako, Tayo, Sila... Sino ang Magpapasya?

Panuto: Basahin ang bawat aytem sa ibaba at kilalanin kung ito ay maari mong pagpapasyahang mag-isa (AKO), o kailangan pagpasyahan kabilang ng iyong pangkat (TAYO), o pagpapasyahan ng ibang tao (SILA). Isulat ang bilang ng gawain sa tamang parisukat: AKO, TAYO, SILA. Gawin ito sa

inyong activity notebook.

1. Ang isusuot ko sa "party" ng aking kaibigan

2. Oras ng aking pagpasok sa paaralan

3. Magkano ang baon ko sa pagpasok

4. Gagawin ko sa bakanteng oras sa paaralan

5. Gupit ng buhok ko

6. Sineng panonoorin

7. Pagkain ko sa almusal

8. Paano gastusin ang pera ko

9. Ang magiging guro ko

10. Ang dapat magin proyekto sa EsP

11. Mga magiging kaibigan ko

12. Saan ako uupo sa klase

13. Ang magiging hanap-buhay ko

14. Pagbili ng bagong sapatos

15. Saang paaralan ako papasok

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

14

Mga Tala para sa Guro

Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring

magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga gawain.

Susi sa Pagwawasto

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

15

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

16

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 24: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

17

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 25: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

18

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 26: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

19

Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELCs)

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral, pp 1-29

Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay sa Pagtuturo, pp.1-2

Enclosure no. 7 to DepEd Memorandum No. 97 s. 2012

UbD 2010 Batay sa Kurikulum ng Edukasyong Sekondari 2010

Barrientos Catherine R., Gabay sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapahalaga 1 pp.4-7

Punsalan Twila G., Gonzales Camila C., et al., AKO: Biyayang Pinahahalagahan (Edukasyon sa Pagpapahalaga) pp. 1-9

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 27: Edukasyon sa Pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/EsP-7-FIRST...1. Bakit mahalaga na makamit ang kagalingang pisikal, emosyonal, at panlipunang aspeto? 2. Sinu-sino

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – DepEd-Cebu Province

Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu

Telefax: (032) 255 - 6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark