EDITORYAL: Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng Bigas, Nakaaalerto

4
Rice Price Hike Ika-20 ng Setyembre 2015 Alvin Cuaresma Edulsa ___________________ Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng Bigas, Nakaaalerto Sa gitna ng maiinit na isyu at problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon, tila hindi na nabibigyan ng sapat na pansin ng ating pamahalaan maging ng mga sangay at kasapi nito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas. Isang suliraning malimit na pinagkakaabalahan at pino-problema ng bawat mamamayang Pilipino; mahirap man o mayaman. Ang pagtaas ng presyo ng bigas o “Rice Price Hike” ay ang sapilitang pagdagdag ng karagdagang halaga sa permanenteng presyo o fixed price ng bigas kada kilo. Ito ang hindi inaasahang pag- angat ng presyo nang bigas na siyang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang pamilyang Pilipino at lubhang nakakaapekto sa antas ng ekonomiya ng bansa. Kaya, hindi natin maipagkakaila kung bakit isa ang Pilipinas sa mga bansang naghihirap sa buong Asya dahil sa epektong dulot nito. Isa sa mga pinakasanhi sa pagtaas ng presyo ng bigas ay ang “Price Manipulation” o ang paghawak at pagkontrol sa presyo nito na siyang naging kongklusyong mahigpit na hinahawakan ng Senate Comitee on Agriculture. Batay sa ginawang imbestigasyon ng

Transcript of EDITORYAL: Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng Bigas, Nakaaalerto

Page 1: EDITORYAL: Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng Bigas, Nakaaalerto

Rice Price HikeIka-20 ng Setyembre 2015

Alvin Cuaresma Edulsa

___________________

Patuloy na Pagtaas ng Presyo

ng Bigas, Nakaaalerto

Sa gitna ng maiinit na isyu at problemang kinakaharap ng ating bansa ngayon, tila hindi

na nabibigyan ng sapat na pansin ng ating pamahalaan maging ng mga sangay at kasapi nito ang

patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas. Isang suliraning malimit na pinagkakaabalahan at pino-

problema ng bawat mamamayang Pilipino; mahirap man o mayaman.

Ang pagtaas ng presyo ng bigas o “Rice Price Hike” ay ang sapilitang pagdagdag ng

karagdagang halaga sa permanenteng presyo o fixed price ng bigas kada kilo. Ito ang hindi

inaasahang pag-angat ng presyo nang bigas na siyang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap

ang pamilyang Pilipino at lubhang nakakaapekto sa antas ng ekonomiya ng bansa. Kaya, hindi

natin maipagkakaila kung bakit isa ang Pilipinas sa mga bansang naghihirap sa buong Asya dahil

sa epektong dulot nito.

Isa sa mga pinakasanhi sa pagtaas ng presyo ng bigas ay ang “Price Manipulation” o ang

paghawak at pagkontrol sa presyo nito na siyang naging kongklusyong mahigpit na hinahawakan

ng Senate Comitee on Agriculture. Batay sa ginawang imbestigasyon ng nasabing komite,

inilahad ni Senador Cynthia Villar ang modus operandi ng mga traders sa bigas kung saan

binibili nila ang mga importation rights na siyang eksklusibong ibinibigay sa mga kooperatiba

para makatulong sa mga magsasaka.

Pangalawa, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas ay dulot umano ng “Market

Forces” dahil sa hindi normal na galaw ng supply at demand na siyang patuloy namang mino-

monitor ng National Food Authority (NFA) at ng Department of Agriculture (DA). Dahil sa

kakulangan ng suplay ng bigas, naitalang tumaas ang presyo nito mula pa noong taong 2013 sa

abereyds na ₱2 hanggang ₱3 kada kilo at ito’y inaasahan pang tataas sa tuwing sasapit ang

panahon ng mababang produksiyon ng butil. Natukoy din ng pamahalaan ang talamak at ilegal

Page 2: EDITORYAL: Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng Bigas, Nakaaalerto

na pagpupuslit at pagbebenta ng NFA rice sa Metro Manila at sa ilang karatig lugar matapos

sinalakay ng mga otoridad ang labinwalong (18) warehouses na naglalaman ng libo-libong sako

ng NFA rice. Napag-alaman din umano ng mga otoridad na ibinebenta bilang commercial rice

ang mga nakaimbak na NFA rice at sa halip na ibenta ito sa murang halaga’y ibinebenta umano

nang hindi bababa sa kwarenta pesos (₱40) ang mga narekober na mga NFA rice. Dahil dito,

napilitang mag-angkat ng mga imported rice ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito gaya ng

Thailand at Vietnam na siyang mas nakapagpataas sa presyo.

Pangatlo, nagkaroon din umano nang “Hoarding” o ang pagtatago ng mga bigas sa ilang

imbakan at pamilihan dahilan para tumaas ang presyo nito. Sa kabilang dako naman, malaking

isyu pa rin ang pag-aangkat ng pamahalaan kahit sobra-sobra na ang suplay ng bigas sa bansa

mula pa man noong 2012 na siyang mas ikinagagalit ng mga magsasaka. Kinumpirma ni

National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo na sa kasalukuyan ay sobra ang

suplay ng bigas sa bansa. Dagdag pa ni Banayo, ang pag-aangkat ng bigas ay bahagi lamang sa

commitment ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO). Binigyang diin naman ng

mga magsasaka na nabubulok na ang mga bigas na nakaimbak sa bodega ng NFA dahil sa

patuloy na pag-aangkat ng bigas ng pamahalaan. Dahil dito, napilitan ang mga magsasaka pati

ang mga market traders na magsagawa ng hoarding na siyang mas nakakaapekto sa pagtaas ng

presyo nito.

Alinsunod sa mga naipaliwanag na mga kadahilanan, patuloy pa ring sinisisi ng

pamahalaan ang mga bagyo, ulan, baha, at iba pang kalamidad dulot ng nagbabagong panahon o

“Climate Change” na siyang mas nakakaapekto sa pagbaba ng mabagal na produksiyon nito.

Dagdag pa rito ang kawalan ng sapat na sistema ng irigasyon na siyang pinababayaran ng malaki

sa mga magsasaka. Isa pang sinisising dahilan ay ang pagkalugi ng mga magsasaka bunsod ng

mga nagmamahalang abono o fertilizers maging ng mga pesticides. Hindi rin daw sapat ang

pondong inilalaan ng pamahalaan para sa mga programang pang-agrikultura. Higit sa lahat, mura

lang daw ang presyong inaalay ng mga rice traders sa mga magsasaka dahilan sa kanilang

pagkalugi habang ibinebenta naman daw sa malaking halaga pagdating sa merkado na siyang

dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang presyo ng bigas.

Ang bigas ay ang pangunahing pagkain o “Staple Food” ng mga Pilipino. Ang pagtaas ng

presyo nito ay maaaring makapagdudulot ng malaking problema sa kalusugan at sa pang-araw-

araw na pamumuhay ng mga Pilipino na lubhang nakakaapekto sa seguridad at maging sa

Page 3: EDITORYAL: Patuloy na Pagtaas ng Presyo ng Bigas, Nakaaalerto

ekonomiya ng bansa. Bilang pagtugon, ang suliraning ito ay nararapat lang na bigyang pansin,

hanapan ng solusyon, bigyan ng aksyon, at tuldukan sa mas lalong madaling panahon hindi lang

ng pamahalaan kundi maging ng lahat ng sambayanan. Kaya, bilang suhestiyon, nararapat lang

din na dagdagan pa ng pamahalaan ang pondong ilalaan para sa mga programang pang-

agrikultura upang maiwasan na rin ang pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa. Bigyan sana natin

ng halaga ang mga magsasakang buong araw na nakababad sa tubig at sinag ng araw para

lamang matugunan ang ating pangunahing pangangailangan. Pagbutihin pa sana ng mga otoridad

ang kanilang gawaing sugpuin ang mga ilegal at talamak na nagbebenta ng bigas upang

maiwasan na ang pagkaubos sa suplay nito. Kaugnay nito, upang mas maiwasan natin ang

pagkaubos sa suplay ay matuto sana tayong magtipid at hindi magsayang ng kahit ilang butil ng

bigas. Ika nga, “Ang bawat butil ay mahalaga”.