DISIPLINA- Mahirap Na Nga Ba? · kilos kung katuwang ng guro ang mga magulang ng kanyang mga...

2
2 May 2017 Publications DISIPLINA: Mahirap Na Nga Ba? By: APRIL LYN M. SANTOS Napakahalagng papel ang ginagampanan ng salitang “DISIPLINA” kapag ang pinag- uusapan ay teaching- learning process sa loob ng silid-aralan. Mas matututo ang mga mag-aaral kung sila ay may disiplina habang ang guro ay nagtuturo. Mas mahuhubog ang kanilang katauhan at pagiging future leader ng ating pamahalaan. Madalas ko marining sa mga kapwa ko guro, lalo na sa mga naging guro ko pa noon, na, “Iba na talaga ang tubo ng mga bata ngayon, mahirap disiplinahin, hindi katulad noong araw, titigan mo lang tumatahimik na”, samantalang ngayon, titigan mo at makikipag titigan din sa iyo. Kaya marami sa mga bagong guro ngayon, hindi kinakaya ang ugali ng mga bata kaya’t umaalis na lang sa pagtuturo. Mahirap talaga ang magkaroon ng disiplinadong mag-aaral. Dumarating sila sa atin ng may kanya-kanyang ugali sa paraan ng pagpapalaki ng kanilang mga magulang. Narito ang ilan sa aking minumungkahi na maaring makatulong sa pagdisiplina sa mga mag-aaral na nasa ating pangangalaga. Una- Magsimula ng tama- sa simula pa lamang ng pagbubukas ng klase ipaliwanag na ang “rules and regulation” at “do’s and dont’”sa loob ng silid aralan. Ito ang ilan sa mga alituntunin na dapat sudin sa loob ng silid aralan: 1. Pumasok sa paaralan sa wastong oras. 2. Makinig sa guro habang ito ay nagtuturo. 3. Tapusin ang mga gawaing ipinapagawa ng guro sa klase. 4. Ligpitin ang pinagkainan pagkatapos ng recess. 5. Itapon ang basura sa tamang tapunan. 6. Gawin ang takdang aralin. Ipaalam din sa kanilang mga magulang ang tungkol sa mga bagay na ito, upang mag simula sa kanila ang pagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga anak patungkol sa alituntuning ito. Pangalawa- Iwasang sumigaw o laging galit sa klase- kahit gaano man katindi ang iyong galit, ingatan ang mga salitang bibitawan at mamumutawi sa iyong mga labi. Tandaan natin, anumang salita ang lumabas sa ating mga labi ay siyang pagbabatayan ng makaririnig sa respetong ibibigay sa atin. Sa halip gumamit ka na lang ng iba’t- ibang uri ng positive

Transcript of DISIPLINA- Mahirap Na Nga Ba? · kilos kung katuwang ng guro ang mga magulang ng kanyang mga...

Page 1: DISIPLINA- Mahirap Na Nga Ba? · kilos kung katuwang ng guro ang mga magulang ng kanyang mga estudyante. Ang sabi nga nila ang wastong pag-gabay ng magulang sa kanilang mga anak ang

2 May 2017

Publications

DISIPLINA: Mahirap Na Nga Ba? By: APRIL LYN M. SANTOS

Napakahalagng papel ang ginagampanan ng salitang “DISIPLINA” kapag ang pinag-

uusapan ay teaching- learning process sa loob ng silid-aralan. Mas matututo ang mga mag-aaral

kung sila ay may disiplina habang ang guro ay nagtuturo. Mas mahuhubog ang kanilang katauhan

at pagiging future leader ng ating pamahalaan.

Madalas ko marining sa mga kapwa ko guro, lalo na sa mga naging guro ko pa noon, na,

“Iba na talaga ang tubo ng mga bata ngayon, mahirap disiplinahin, hindi katulad noong araw,

titigan mo lang tumatahimik na”, samantalang ngayon, titigan mo at makikipag titigan din sa iyo.

Kaya marami sa mga bagong guro ngayon, hindi kinakaya ang ugali ng mga bata kaya’t umaalis

na lang sa pagtuturo. Mahirap talaga ang magkaroon ng disiplinadong mag-aaral. Dumarating sila

sa atin ng may kanya-kanyang ugali sa paraan ng pagpapalaki ng kanilang mga magulang.

Narito ang ilan sa aking minumungkahi na maaring makatulong sa pagdisiplina sa mga

mag-aaral na nasa ating pangangalaga.

Una- Magsimula ng tama- sa simula pa lamang ng pagbubukas ng klase ipaliwanag na ang “rules

and regulation” at “do’s and dont’”sa loob ng silid aralan.

Ito ang ilan sa mga alituntunin na dapat sudin sa loob ng silid aralan:

1. Pumasok sa paaralan sa wastong oras.

2. Makinig sa guro habang ito ay nagtuturo.

3. Tapusin ang mga gawaing ipinapagawa ng guro sa klase.

4. Ligpitin ang pinagkainan pagkatapos ng recess.

5. Itapon ang basura sa tamang tapunan.

6. Gawin ang takdang aralin.

Ipaalam din sa kanilang mga magulang ang tungkol sa mga bagay na ito, upang mag simula

sa kanila ang pagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga anak patungkol sa alituntuning ito.

Pangalawa- Iwasang sumigaw o laging galit sa klase- kahit gaano man katindi ang iyong galit,

ingatan ang mga salitang bibitawan at mamumutawi sa iyong mga labi. Tandaan natin,

anumang salita ang lumabas sa ating mga labi ay siyang pagbabatayan ng makaririnig sa

respetong ibibigay sa atin. Sa halip gumamit ka na lang ng iba’t- ibang uri ng positive

Page 2: DISIPLINA- Mahirap Na Nga Ba? · kilos kung katuwang ng guro ang mga magulang ng kanyang mga estudyante. Ang sabi nga nila ang wastong pag-gabay ng magulang sa kanilang mga anak ang

2 May 2017

Publications

reinforcement na mas akma sa sitwasyon sa loob ng iyong silid-aralan. Nararapat na unang

makita ang disiplina sa atin bilang mga guro upang maging huwaran ng mga batang

ipinagkatiwala ng Diyos at mga magulang sa atin.

Pangatlo- Magsagawa ng buwanang Parent-Teacher Assembly upang mapag usapan ang

mabubuting pamamaraan upang maturuan ang mga mag-aaral ng wastong disiplina sa loob

o labas man ng paaralan.

Mas mabuti ang kalalabasan ng pag- gabay sa mga bata patungo sa wastong pag-uugali at

kilos kung katuwang ng guro ang mga magulang ng kanyang mga estudyante. Ang sabi nga nila

ang wastong pag-gabay ng magulang sa kanilang mga anak ang isa sa mga susi sa pagiging

mabuting tao nito.

Atin ng subukan ang mga mungkahing inilahad sa itaas, posibleng may magandang

kahinatnan sa paghubog sa magandang ugali ng mga paslit na nasa ating mga kamay. Nakasisiguro

ako, Disiplina: Kayang Kaya!

References:

The Modern Teacher; Vol. LVIII No. 3; Series of August 2009 The Modern Teacher; Vol. LVIII No. 4; Series of September 2009