clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan...

52
Unang Araw -Ang Paglunsad (Pasimula ng Programa) Paghahanda ng Estasyon Bago magpasimula ang VBX itago si Shadow, ang tupa na nakatayo sa bangka. Maghanda ng saranggola o lobo (may helium) na may tali para sa mga susing talata, Magpatugtog ng musika at ang pinaka-tema ay nasa slide sa screen habang pumapasok ang mga bata. Pagtanggap/Pagbati NSL: (Hipan ang sungay) Malugod naming tinatanggap ang lahat! Maligayang pagdating! Dito sa Hilagang baybayin ng Dagat Galilea, kapag unang pagkikita sa sinoman binabati namin siya nang malugod na “Shalom”! Lumingon kayo sa inyong katabi at batiin sila ng “shalom” (Huminto sandali). Napansin kong naglakbay kayo nang malayo para makarating dito at nagagalak akong kasama namin kayo ngayon! Manalangin tayo. (Panalangin). Ngayong sanglinggong ito may nais akong sabihin sa inyo tungkol sa aking matalik na kaibigan, si Jesus, na tumatawag sa atin na sundin siya araw-araw. At higit sa lahat, malalaman ninyo na hangarin ni Jesus na malamang ninyong kayo’y sa Kanya at lalaging nasa Kanya kayo. Awitin natin ang “Forever Mine”. “Forever Mine”, awit #1 (Mula sa Sea of Miracles music DVD/CD). Ang Huli Sa Araw Na Ito NSL: Nakikita ba ninyo ang malaking pader ng tubig sa dako roon? (Ituturo ang lambat na pader). Sabihin ninyo sa akin kung ano ang nakikita ninyo sa tubig? (Hintayin ang mga sagot). Lambat! Tama! At bakit gumagamit ng lambat ang mga mangingisda? (Hintayin ang mga tugon). Tama! Para manghuli ng isda! May gagawing tayong panghuhuli ngayong linggong ito! Bawat araw dito sa Dagat ng Mga Himala, huhulihin natin ang bago at magandang leksyon tungkol kay 1

Transcript of clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan...

Page 1: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Unang Araw -Ang Paglunsad (Pasimula ng Programa)

Paghahanda ng Estasyon

Bago magpasimula ang VBX itago si Shadow, ang tupa na nakatayo sa bangka. Maghanda ng saranggola o lobo (may helium) na may tali para sa mga susing talata, Magpatugtog ng musika at ang pinaka-tema ay nasa slide sa screen habang pumapasok ang mga bata.

Pagtanggap/Pagbati

NSL: (Hipan ang sungay) Malugod naming tinatanggap ang lahat! Maligayang pagdating! Dito sa Hilagang baybayin ng Dagat Galilea, kapag unang pagkikita sa sinoman binabati namin siya nang malugod na “Shalom”! Lumingon kayo sa inyong katabi at batiin sila ng “shalom” (Huminto sandali). Napansin kong naglakbay kayo nang malayo para makarating dito at nagagalak akong kasama namin kayo ngayon! Manalangin tayo. (Panalangin).

Ngayong sanglinggong ito may nais akong sabihin sa inyo tungkol sa aking matalik na kaibigan, si Jesus, na tumatawag sa atin na sundin siya araw-araw. At higit sa lahat, malalaman ninyo na hangarin ni Jesus na malamang ninyong kayo’y sa Kanya at lalaging nasa Kanya kayo. Awitin natin ang “Forever Mine”.

“Forever Mine”, awit #1 (Mula sa Sea of Miracles music DVD/CD).

Ang Huli Sa Araw Na Ito

NSL: Nakikita ba ninyo ang malaking pader ng tubig sa dako roon? (Ituturo ang lambat na pader). Sabihin ninyo sa akin kung ano ang nakikita ninyo sa tubig? (Hintayin ang mga sagot). Lambat! Tama! At bakit gumagamit ng lambat ang mga mangingisda? (Hintayin ang mga tugon). Tama! Para manghuli ng isda! May gagawing tayong panghuhuli ngayong linggong ito! Bawat araw dito sa Dagat ng Mga Himala, huhulihin natin ang bago at magandang leksyon tungkol kay Jesus. Tinatawag itong Ang Huli sa Araw na Ito! Tiyakin ninyong matatandaan ninyo ang kawili-wiling bagay na matutunan ninyo habang naririto kayo sa Galilea upang maibahagi ninyo sa inyong grupo sa oras ng pagtatapos ng programa. Ang lider ng inyong grupo ang tutulong sa inyong ilagay ang mga isdang ichthus (magpakita ng halimbawa) at idagdag ninyo ito sa inyong lambat. Sa buong sanglinggo, magpapatuloy tayong punuin ito ng ating mga nahuli!

Bible Pal (Shadow)

NSL: Marahil, maaaring ang ilan sa inyo’y hindi napapansing narito ang aking kaibigan—(Kukumpas sa lugar kung saan maaaring nakatayo si Shadow, subalit mapapansing nawawala ito. Lilinga sa paligid ang ilang sandali at matatagpuan ito sa bangka). Shadow, hindi tayo maaaring maglayag ngayon! Halika, nais kong makilala mo ang ilan sa aking mga kaibigan. (Kukunin si Shadow mula sa bangka at ilalagay ito malapit sa kanya sa entablado). Sa inyong lahat, ito si Shadow. Makikilala ninyo ang lahat kong mga kaibigan habang kayo’y naririto sa Hilagang Baybayin ngayong linggong ito, ang bawat isa ay espesyal sa kanilang sariling kakanyahan! Karaniwang kasama ni Shadow

1

Page 2: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

ang kanyang pastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo.

Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol sa Rabbi na minsan kung natagpuan – si Jesus! Isa siyang kamangha-manghang guro at natagpuan ko sa aking sarili na maraming bagay akong natutunan mula sa Kanya. Para akong si Shadow rito; si Jesus ang aking Rabbi, at ako ang Kanyang tagasunod. Maaari ring kayong maging tagasunod ni Jesus! At kung magkaganoon tumayo tayo at ating awitin ang “I Will Follow You”

“I Will Follow You” –awit # 2 (Mula sa Sea of Miracles music DVD/CD)

Ihagis at Batakin

NSL: Sa panahon ng Banal na Kasulatan, kapag nais ng mga mangingisdang manghuli ng isda, kanilang inihahagis ang kanilang mga lambat sa tubig kung saan ipinapalagay nilang may mga isda, matiyagang naghihintay, at pagkatapos kanilang babatakin ang lambat na may isdang nahuli. (Kumilos na parang naghahagis at bumabatak ng lambat). Iyan ang ating gagawin sa bawat araw habang nag-aaral tayo ng ilang mahahalagang leksyon na itinuturo sa atin ng Biblia. Magsasanay akong maghagis ng ilang puntos sa Bilia sa inyo (kilos na naghagis) at babatakin ko kayo na may kasamang sagot (kilos na parang may inihahagis o binabatak). Ipakikita ko sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin.

Ang ating Paghagis at Pagbatak ngayong araw na ito’y “Si Jesus ang ating Rabbi . . . . Tayo ang Kanyang tagasunod.” Hintay! Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng “Rabbi”? Tama, ang ibig sabihin “tagapagturo,” O sige, nais ko lang alamin. Kapag narinig ninyo ang Ihagis, o magsabi ng “Si Jesus ang ating Rabbi,” (Kumilos na parang naghahagis o ituro ang mga bata). Sasagot kayo ng pagbatak, igagalaw ninyo ang inyong mga kamay patungo sa akin na parang may ibibigay kayo sa akin at sasabihin ang, “Kami ay Kanyang tagasunod!” (Aksyon). Kikilos akong parang binabatak ang inyong mga sagot. Ngayon subukan natin.

“Si Jesus ang ating Rabbi..” (Kilos na naghahagis).

Mga Bata: “Tayo ang Kanyang tagasunod! “ (Kilos na bumabatak)

NSL: Wow! Ang lalakas ng inyong mga baga! Sa palagay ba ninyo matutulungan ninyo akong dalhin ang isa sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng paghihip ninyo sa ating dalampasigan? Ok, sa bilang ng tatlo, -- Isa, dalawa,tatlo! (Hipan ang microphone).

(Dalaw na may Susing Talata mahihipan patungo sa entablado na may dalang sarangola o lobong lumilipad na nakatali sa kanyang bayang . May dala siyang Biblia.)

Dalaw: Shalom, sa inyong lahat! Salamat sa tulong ninyo’t nakarating ako dito ngayong araw na ito! May natatanging bagay akong ibabahagi sa inyo. Mula ito sa Biblia, at isa sa paborito kong katuruang sinabi ni Jesus. (Bubuksan ang Biblia). Sinasabi rito, “Sumunod

2

Page 3: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

ka sa akin,” (Marcus 1:17). Sanayin natin ang talata sa Biblia na nagpapabago ng buhay. Ulitin ninyo pagkatapos at sundan ang aking paggalaw.

“Sumunod ka sa akin” (Aksyon) Marcus 1:17

(Galaw para sa “Sumunod” Pagdaupin ang mga palad magkaharap at igalaw nang sabay palabas)

Napakagandang talata iyan! Ano sa palagay ninyo? Kailangan ko nang umalis, oras na para hipan na ninyo akong palayo. Handa na? Isa, dalawa, tatlo! (Hihipan paalis sa entablado).

NSL: Ngayon mga bata, hindi ninyo kailanman malalaman kung ano ang dadalhin ng hangin o kung saan niya tayo dadalhin. Kaya makinig kayong mabuti habang ating pinapanood ang ang unang bahagi ng kuwentong nangyari sa Pinnacle Peaks, ang talampas sa itaas ng Hilagang Baybayin.

Pinnacle Peaks- Taluktok Ng Bundok

Ipakita ang DVD o isagawa ang skit.

(Papasok ang guro at mag-aaral. May dalang isang bungkos na patpat ang mag-aaral.)

Guro: Halika na. Di na kalayuan.

Mag-aaral: (Nagsisikap) Sumusunod ako .. .. . sa bilis na …… aking…… makakaya.

Guro: (Tumikhim)

Mag-aaral: Sa bilis na aking makakaya…. Po

Guro: Mabuti iyan. Ngayon pag-usapan natin ang ating leksyon kahapon. Naala-ala mo ba kung bakit tayo gumawa ng apoy sa bundok?

Mag-aaral: Upang ang mga taong nangingisda’y maaari .. maaari..

Guro: Maaari…?

Mag-aaral: (Ibinaba ang mga patpat na dala.) Para makita ang mga isda?

Guro: O, hindi, Gumagawa tayo ng apoy (susunod ang mag-aaral sa guro). Upang ang mga taong nangingisda’y malamang mayroong mga mapanganib na mga batuhan sa dagat sa ibaba natin.

Mag-aaral: Kaya ang apoy sa bundok ay babala sa mga taong nasa dagat na huwag paglayaging ang kanilang mga bangka sa dakong ito ng dagat.

Guro: Tama iyan. Hindi ka pala mahinang mag-aaral.

Mag-aaral: Guro, bakit kailangan natin gumawa ng apoy? Bakit di nalang natin sabihin sa kanila na huwag maglayag dito?

3

Page 4: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Guro: Magagandang katanungan iyan! Isipin mo ang tungkol dito at sabihin mo sa akin kung natuklasan mo na ang kasagutan. Ngayon, mauna ka at buhatin mo ang iyong mga dala. Huwag mo itong iwanan. Kailangang magpatuloy tayo sa pag-akyat sa bundok kung gusto nating gumawa ng apoy sa takdang oras. (lalabas ang guro).

Mag-aaral: (Titigan ang kanyang dala). Ngayon makinig ka sa akin. Sasama ka sa akin gustuhin mo man o hindi. (Mahihirapang buhatin ang dala). Kaya makipagtulungan ka sa akin para maging madali para sa ating dalawa.

Guro: (Papasok muli) May kinakausap ka ba?

Mag-aaral: Wala po ma’am/sir.

Guro: Kung ganoon halika na.

(Sisipain ng mag-aaral ang mga patpat, nasaktan niya ang kanyang sarili, kaya pinulot niya ito at lumakad palabas ng entablado. Natapos ang skit).

NSL: Nasa palibot natin ang mahuhusay na guro. May kilala ba kayong mahusay na guro? (Hintayin ang mga sagot). Ano sa palagay ninyo ang kanilang sinasabing katangiang ng mabuting mag-aaral? (Hintayin ang mga tugon). Ang mahusay na tagasunod ay isang katangiang mayroon ang mabuting mag-aaral! Kaya makinig na mabuti, dahil nais kong sumunod kayo habang ituturo ko sa inyo ang kasabihan mayroon dito sa Galilee. Ganito iyon “Shabbat Shalom!” Ang kahulugan nito “kapayapaan!” Maaari bang sabihin natin ito? (Hintayin ang kanilang mga tugon). Maganda! Ngayon gusto kong awiting natin ito.

“Shabbath Shalom” awit #8 (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Wow! Hindi ko alam sa inyo, subalit nararamdaman ko ang labis na kapayapaan (sisensyas ng tanda ng kapayapaan) pagkatapos awitin ang awit kasama ninyo! Palagay ko nagiging magkaibigan na tayo! Ngayon ay panahon na para ilunsad lahat kayo upang puntahan at makipagkita sa inyong mga kaibigan. Kailangan ninyong sundin ang inyong Lider, makinig sa sasabihin niya, at magkaroon ng kasiyahan. Magkikita tayo sa inyong pagbabalik at tunay na masasabik akong pakinggan kung ano natutunan ninyo kung paano sundin si Jesus!

(Patugtugin ang “Sabbat Shalom,” song #8 as VBX/ habang paalis ang mga may bahagi.)

4

Page 5: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ang Daungan (Pagtatapos na Programa)

Paghahanda ng Lugar

Bago pasimulan ang pagtatapos ng programa ihanda ang kulay dilaw na sombrero para hanapin ni Mangingisda Dan.

Pagtanggap/Pagbati:

NSL: (Hipan ang sungay nang malakas) Ah, Talagang maganda ang aking pakiramdam ngayon pag-usapan natin kung ano ang kahulugan ng pagiging tagasunod ni Jesus! Sino ang nagtungo sa bahay ni Simona? (Hintayin ang mga tugon). Hindi ba kagulat-gulat na marinig mula kay simona kung paano tinawag ni Jesus ang Kanyang mga alagad na sumunod sa Kanya? (Hintayin ang mga tugon). At ang pinakamagandang bahagi ay ang binigyan tayo ni Jesus ng lakas na gawin din ito! Sinong nakakaala-ala kung anong espesyal na pangalan ni Jesus na ang ibig sabihin ay “guro”? (Hintayin ang mga tugon). Rabbi! Tama kayo! Si Jesus ang ating Rabbi… Tayo ay kanyang tagasunod! (aksyon).

(Itaas ang Biblia) Ang wika ng Biblia linikha tayo kasama ni Jesus! Magkaroon tayo ng panahon para purihin Siya sa pag-awit ng ating theme song, “Forever Mine!”

(“Forever Mine,” song #1 (From the Sea of Miracles music DVD/CD)

Kahanga-hangang pagpupuri! Muli natin sabihin ang ating Paghagis at Paghatak.

Si Jesus ang ating Rabbi .. . .. Tayo ang kanyang tagasunod! (Aksyon)

Mahusay! At ngayon ating sabihin ang ating Susing Talata.

“Sumunod ka sa akin” (Mark :17) (Aksyon)

Panahon para sa Larawan ng Sea of Miracles (Optional)

NSL: Hulaan ninyo? Mga larawan iyan sa Dagat ng Himala. Habang kayo’y nasa Galilee , ang mga pintor ay gumuguhit ng inyong mga larawan habang nagkakatuwaan at nag-aaral kayo kung ano ang kahulugan ng pagiging tagasunod ni Jesus. Ipapakita namin sa inyo ang mga larawan ngayon din sa ating screen. (Ituro ang screen) Maaari ninyong makita ang inyong mga sarili! At panoorin ninyo baka sakaling makita ninyo ang lihim na artista na kasama si Jesus. Hindi ninyo malalaman kung saan sila nanggaling!

(Slideshow)

Ang Huli Sa Araw Na Ito

NSL: Sa bawat araw rito sa Dagat ng Himala, nais kong magkaroon kayo ng oras na alalahanin ang ilan sa mga bagay na natutunan ninyo habang kayo’y nasa Galilee na kumuha ng inyong pansin tungkol kay Jesus. Ito ang tinatawag na “Ang Huli sa Araw na Ito” Magkaroon ng oras sa inyong grupo na ibahagi ang ilan sa mga nahuli ninyong leksyon na may kinalaman sa kahulugan ng pagsunod kay Jesus.

5

Page 6: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Narito ang mga katanungang inyong tatalakayin. Ano ang natutunan ninyo ngayon tungkol sa pagsunod kay Jesus at pag-ukol ng panahon kasama Niya? Mga lider ng grupo, simulan ang pagbibgay ng inyong sariling ideya. Isulat ang mga sagot ng mga bata sa inyong pangkat sa ichthus na isda sa inyong tote bag. At pumili ng bata na pupunta sa may lambat na pader, ilagay ang isda sa lambat at bumalik sa inyong pangkat.

(NSL bibigyan ng tatlong minuto ang talakayan).

Mayroon bang gustong pumarito upang magbahagi ng kanyang huli ngayong araw na ito?

(Maaaaring tawagin ang isang bata na lumapit o ibigay ang microphone sa kanilang upuan).

Ang Mahuli ng Mangingisdang si Dan

Unang Araw – Tinawag tayo ni Jesus na sumunod sa Kanya

Leksyon: Nais ni Jesus na mag-ukol tayo ng oras kasama Siya

Skit Props: Bangka/ Lambat/Biblia

Ipakita ang DVD o isadula ang skit.

May nakahandang tunog mula sa AdventistVBX.org para kay Dan na mangingisda.

(Darating si Dan sa gitna ng silid na may dala-dala sa balikat na lambat, sumisipol ng “I Will Make You Fishers of Men” habang tinitingnan ang lahat ng mga bata sa silid, bumubulong nang gaano karaming tao ang sa bayan ngayon, napansin ang nakakatawang suot na damit nila, at nagtataka kung saan sila nanggaling. Nakita niya ang kakaibang kulay dilaw na sombrero sa lapag, pinulot at inilagay sa kanyang ulo. Sinabi sa sarili nang malakas na maaari itong magamit sa lawa habang pasakay siya sa kanyang bangka. Nakatago ang isdang si Whiskers sa likod ng bangka na hindi nakikita ng mga bata.).

Mangingisdang Dan: (Patuloy na sumisipol, hinablot ni Dan ang lambat at kanyang inihagis sa kabila ng bangka. Nagsimula siyang makipanyagi sa lambat na parang may mabigat na isdang laman, at dahan-dahan hinila habang nakayuko sa kabila upang tingnan ang tubig.) Alis! (nagsisikap na hatakin ang lambat) Halika! Huwag kang lumangoy nang papalayo. Pinahihirapan mo akong hilahin ka sa aking lambat!

Whiskers: (Natatakpan ng lambat at napapapalag, tumayo si Whiskers mula sa kanyang pinagtataguan likod ng bangka, kalahati ng katawan nasa tubig pa) Sigurado ka bang gusto mo akong hulihin?

Mangingisdang Dan: Teka ka muna! Nakita kita kahapon ditong lumalangoy hindi ba? At noong nakaraang araw pa, at nang nakaraan pang araw , at noong nakaraang araw bago kamakalawa , at nang nakaraan pa, pakiramdam ko dapat nagtatawagan na tayo ng ating mga pangalan sa ngayon. Ako si mangingisdang Dan.

Whiskers: (Makikipagkamay kay Dan). Tinatawag nila akong Whiskers.6

Page 7: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Mangingisdang Dan: Nagagalak akong makilala kita, Whiskers. Bakit ba nagpupumiglas ka sa lambat nang gayon na lamang? Halos malagot mo ito.

Whiskers: Oh, hindi ko nga alam hula ko. Nararamdaman kong hindi ako nabibilang dito. Tingnan mo ako! Ako ay isang hito hindi maganda o espesyal gaya ng maraming isda. Mas gugustuhin kong manatili sa ilalim ng lawa.

Mangingingisdang Dan: Ano ang sinasabi mo dyan? Ikaw ay Espesyal! Lahat ng isda ay espesyal, gaya ng lahat ng mga tao na espesyal! At higit sa lahat gusto kong maging kaibigan ka. Palagay ko magiging mabuti tayong magkaibigan basta ba bibigyan mo ito ng pagkakataon. Halika ka na. Lundag na. (Hinatak si Whiskers papunta sa bangka.) O diyan! Eksaktong ganito ang aking mabuting kaibigang si Jesus. Narinig mo na ba Siya? Hindi ko kailanman naisip na espesyal ako hanggan sa magpasya akong kilalanin si Jesus. Wala siyang pakialam kung kasing amoy ko ng isda at bihirang maligo.

Whiskers: Wow, mangingisdang Dan! Hindi ko kailanman naisip na ganito ito! Hey, Salamat sa paanyaya. Nararamdaman kong minamahal ako. (Hahawakan ang kanyang palikpik sa tapat ng kanyang puso).

Mangingisdang Dan: Malugod kitang tinatanggap. Ngayon, mas magandang ibalik na kita sa tubig, subalit bago ka umalis, dalhin mo ito (Ibibigay ang Biblia). Simulan mo ang pagbasa sa Juan 1:12. At wag kang mag-alala, hindi iyan nababasa! Isa, dalawa,tatlo, lundag na! Bumalik ka na! (Inihagis si Whiskers pabalik sa tubig).

NSL: Hey, napakaganda ng ating natutunan ngayon sa Galilee! Ang sundan si Jesus na nag-ukol ng oras kasama Niya ang maghahatid sa atin sa kahanga-hangang pakikipagkaibigan at tulungang silang makita kung gaano sila kahalaga kay Jesus. Si Jesus ang ating Rabbi… Tayo ang kanyang tagasunod! Tinatawagan tayo ni Jesus na sumunod sa Kanya!

Mga lider, ilabas ninyo ang inyong mga Biblia at basahin ang Juan 1:12 kasama ng inyong grupo. Pagkatapos ninyo, sabihin ang “Ihagis at Hatakin: “Si Jesus ang ating Rabbi….. Tayo ang kanyang tagasunod! (Gawin ang aksyon).

(Hipan ang pakakak). Tumayo tayo at awitin ang “ I wiil Follow You” nang minsan pa!

(“I Will Follow You,” awit #2 (Mula sa Sea of Miracles Music DVD.CD).

7

Page 8: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ika-2 Araw :Ang Paglulunsad (Panimulang Programa)

Paghahanda ng Lugar

Bago magpasimula ang VBX, ihanda si Bourne ang Paru-paro na nakatayo sa isang dako ng entablado na makikita kasama ng Shadow at Tupa. Maghanda ng sarangola o lobo na may helium (pampalipad) at may tali para sa Dalaw na may dalang Susing Talata. Magpatugtog ng musika at may slide sa screen habang pumapasok ang mga bata.

Pagtanggap/Pagbati:

NSL: (Hipan ang sungay) Maligayang pagbabalik sa lahat. Wow, Nagagalak akong makita kayong muli. Naala-ala ba ninyo ang ating sasabihing pagbati sa isat-isa rito sa Hilagang Baybayin? (Huminto). Tama, sasabihin natin, “Shalom,” Ngayon batiin ninyo ang malapit sa inyo ng “Shalom,” (Huminto). Kung ngayon lang kayo pumunta rito, Maligayang pagdating! Ang Hilagang Baybayin ay isang magandang lugar para sa bawat isa na makilala ang kanyang magiging mga bagong kaibigan, magsaya kayo at kilalanin ninyo ang aking kaibigan, si Jesus! Tayo”y manalangin nang sama-sama. (Panalangin).

Ngayong araw na ito malalaman natin na maaari tayong mapalaya ni Jesus mula sa mga nagbibigay ng sakit sa ating buhay. Sino rito ang nakaranas ng hirap o sakit sa kanilang buhay? (Hintayin ang mga tugon). Hey, ako rin! Kung ganoon, makakarinig kayo ng magandang balita ngayon, subalit bago ang lahat, awitin nating ang ating theme song, “Forever Mine”

Ang Huli Sa Araw Na Ito

NSL: Mga bata, napansin ba ninyo ang lambat sa pader sa dako roon na mayroon ng isda? (Ituturo ang lambat na pader). Madadagdagan pa iyan sa bawat araw habang tayo’y magpapatuloy na manghuli ng magagandang leksyon tungkol kay Jesus! Tiyakin ninyo na matatandaan ninyo ang kawili-wiling natutunan ninyo habang naririto kayo sa Galilee upang maibahagi ninyo sa inyong grupo sa pagtatapos ng programa. Sa katapusan ng sanlinggo, inaasahan kong ang ating lambat ay mapupuno ng mga tuklasan nating tungkol kay Jesus!

Kaibigan sa Biblia (Bourne)

NSL: May dala akong bagong kaibigan ngayong araw na ito, (Tumatango sa dako ni Bourne) ang kanyang pangalan ay Bourne. Makikilala ninyo lahat ang aking mga kaibigan sa loob ng mga araw na naririto kayo sa Hilagang Baybayin at ang bawat isa ay katangi-tangi sa kanilang sariling pamamaraan! Si Bourne ay isang uod, subalit ngayon malaya nang lumilipad pagkatapos ng pagsisikap niyang makaalis sa kanyang cocoon o krisalis. Naramdaman niyang nakakulong siya sa krisalis, nakakatakot! Hindi niya alam na ang krisalis ang tanging bagay na pumipigil sa kanyang kalayaan at lumipad sa kalangitan.

8

Page 9: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Natatandaan ba ninyo kahapon nang sabihin ko ang tungkol sa aking paboritong Rabbi? Bago ko Siya nakilala, kagaya ako ni Bourne, takot at nagdaramdam dahil sa iba’t ibang problema sa aking buhay. Pinalakas ni Jesus ang aking damdamin. Nang sabihin ko sa Kanya ang aking problema, pinalaya Niya ako. Napakagandang malamang na makakayang tulungan tayo ng Dios kung anoman ang nagbibigay ng sakit sa ating buhay. Tumayo tayo at ating awitin ang “He’s Able”.

Alam ba ninyong iyan ang nagbibigay kaisipan sa akin tungkol sa Rabbi na minsan kong natagpuan – Si Jesus! Kahanga-hangan siyang guro at nasumpungan ko ang aking sariling maraming bagay akong natutunan mula sa Kanya. Para akong si Shadow rito, si Jesus ang aking Rabbi at ako ay Kanyang tagasunod. Maaari rin kanyong tagasunod ni Jesus! Tayo’y tumayo at ating awitin ang “I Will Follow You”.

Ihagis at Hatakin

NSL: Sinong nakatatanda, ano ang Inihagis at Hinatak natin kahapon? (Hintayin ang mga tugon). Tama! “Si Jesus ang ating Rabbi… Tayo ang Kanyang tagasunod” (gumawa ng aksyon). Magaling! Ano naman ang ating Susing Talata kahapon? Handa ba kayo? “Sumunod Ka sa Akin!” (aksyon) Marcus 1:17.

Wow! Talagang mahusay kayo! Mayroon tayong bagong Hagis at Hatak para sa araw na ito. “Si Jesus ang ating Manggagamot ….. Tayo’y malaya! Subukan natin ito nang sabay-sabay ang ating Hagis at Hatak na aksyon.: “Si Jesus ang ating Manggagamot .. . . Tayo’y malaya!”

Ngayon, sa palagay ba ninyo matutulungan ninyo akong ibalik ang Dalaw na may susing talata sa pamamagitan ng pagbibigay ng hangin para sa kanya? Ok, sa bilang na tatlo . . . . isa, dalawa, tatlo! (Hihipan ang microphone)

(Ang dalaw na may susing talata mahihipan patungo sa entablado na may dalang sarangola o lobo na nakatali sa kanyang baywang).

Dalaw: Shalom, sa bawat isa! Tunay na magandang makita kayong muli! Mayroon akong espesyal na ibabahagi sa inyo, subalit . . Saan ko ba nailagay ang aking Biblia (Malalim na bubuntong hininga). Mayroon ba sa inyong may Biblia maaari bang hiramin? (Hinto) Salamat! Ang talata ay matatagpuan sa aklat ni Marcus at ito’y isang bagay na sinalita ni Jesus na lagi kong naala-ala: (Bubuksan ang Biblia). Munting bata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka!” (Marcus 5:41) Sabihin natin ito nang sabay-sabay!  

Munting bata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka!” (Aksyon) Marcus 5:41

(Aksyon para sa bumangon! Pasimula – Ibaba ang dalawang kamay na ang palad ay nakatihaya at itaas ang mga ito).

Dalaw: Magandang talata ito! Ano sa palagay ninyo? O, oras na para hipan ninyo ako palabas. Handa na? Isa, dalawa, tatlo! (Mahihipan palabas ang dalaw).

9

Page 10: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

NSL: O mga bata, hindi ninyo malalaman kung ano dala-dala ng hangin o kung saan niya tayo dadalhin. Ngayon makinig kayong mataman habang pinanonood ang susunod na bahagi ng kuwento na nangyayari soa Pinnacle Peaks.

PINNACLE PEAKS- TALUKTOK NG BUNDOK

Papasok ang mag-aaral na may dala-dalang patpat, at hihinto upang ilagay ang mga ito sa lapag upang makapagpahinga.

Papasok ang guro.

Mag-aaral: Kailangang ko lang ng kaunting pahinga sir/ma’am. Mabigat ang mga patpat na iyon!

Guro: Kalokohan! Nang bata pa ako, dati akong nagbubuhat ng dalawang beses ang bigat sa mga iyan paakyat sa bundok nang sampung beses sa loob ng isang araw. Tingnan mo, tungkol lang ito sa paggamit ng iyong mga tuhod (maglalakad) sa halip ng iyong likod. (Pinulot ang mga patpat. May tunog ng paglagatok) Oh!, oh! oh! Oh!

Mag-aaral: Sir/ma’am Ok lang ba kayo? Ma’am?

Guro: (Namaluktot sa lapag, ang mga patpat ay nasa kanya pa ring likod .) Hindi, sa palagay ko nasaktan ko ang aking sarili. (Lumapit ang mag-aaral) Hindi, hindi, bigyan mo lang ako ng ilang sandali. Oh, Oh!

Mag-aaral: Sa palagay ko maaari ko kayong matulungan.

Guro: Sa palagay ko nga, tama ka. Matutulungan mo akong ihanap ng doctor.

Mag-aaral: Opo ma’am, subalit ang isa sa mga patpat ay nabali at bumabaon sa inyong likod. Kung ibaba ninyo ang inyong dalahin, ang kirot ay hihinto.

Guro: Oh, Oh, Oh (sumasakit). Sigurado nasaktan ko ang aking sarili at ngayon ang dalahing ito ang tanging bagay na sumusuporta sa aking likod.

Mag-aaral: (Kikilos palapit sa guro) Subukan lang nating alisin ito.

Guro: Hindi, hindi, huwag kang lumapit, lumayo ka.

Mag-aaral: Sa palagay ko talagang kailangang subukan ninyong pakawalan ito, at bubuti ang inyong pakiramdam.

Guro: Hindi, kailangan ko talaga ang suporta. (Hihiklasin ng mag-aaral ang bungkos ng mga patpat. Ang guro ay babagsak sa kanyang tagiliran).

Guro: (Dahan-dahan tatayo) Magaling na ako.

Mag-aaral: Sa palagay ko ang mga patpat ang bagay na nagbibigay ng sakit sa inyo.

Guro: Marahil, subalit sa palagay ko hindi ito kailanman malalaman. Tayo na!. Huwag mong kalimutan ang mga patpat; huwag mong aalis sa iyong paningin ang mga ito. (Lalabas).

10

Page 11: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Mag-aaral: Subalit, pero. . . (Pupulutin ang bungkos ng mga patpat). Ikaw naman ngayon ang magdadala ng mga patpat.

(Lalabas ang mag-aaral. Nagtapos ang skit).

NSL: Bakit ninais tulungan ng mag-aaral ang guro? (Hintayin ang mga tugon) sino ang maaari ninyong lapitan pag may dinaramdam kayo? (Hintayin ang mga tugon). Kung mananatili tayong malapit kay Jesus at susundan Siya, Tutulungan Niya tayo! Tumayo tayo at awitin an gating awit “I will Follow You”

“I Will Follow You” awit # 2 (mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Gustung-gusto kong umawit na kasama ng bawat isa, subalit oras na para lumabas kayo at katagpuin ang marami kong mga kaibigan. Kailangan ninyong sundin ang lider ng inyong grupo, pakinggan ang kanilang sasabihin at magmasaya kayo! Muli tayong magkikita pagbabalik ninyo at tunay na masasabik akong mapakinggan kung ano ang inyong natutunan kung paano tayo pinagagaling ni Jesus kapag tayo’y may dinaramdam at may sakit.

11

Page 12: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ang Daungan (Pangkatapusang Programa)

Paghahanda ng Lugar - Bago pasimulan ang programa, maglagay ng lambat ng isda sa bangka para sa Skit ng Mangingisdang Dan. Magkaroon ng lalagyan ng tubig (glass jar) na may patpat na nagliliwanag para dalhin ni Mangingisdang Dan sa pasimula ng pangkatapusang programang skit.

Pagtanggap o pagbati

NSL: (Hihipan ang sungay) Wow, Maganda ang aking araw ngayon ang matutunan kung paano tayo pinagagaling ni Jesus! Tunay na nagbibigay ng kagalakan ang muling dalawin ang bahay ni Simona! Ang kuwentong kanyang isinaysay ay kamangha-mangha, hindi ba? Nais ba ninyong makita si Jesus na nagpapagaling kagaya noon? (Hintayin ang mga tugon). Siguro kahanga-hangang masaksihan ito! Subalit alam ba ninyong napapagaling tayo ni Jesus sa maraming kaparaanan. Sinong nakakatanda ng ilang kaparaanan na nabanggit sa taluktok ng bundok ngayong araw na ito na maaaring gamitin ni Jesus para maramdaman natin ang mabuting pakiramdam o ginhawa? (Maghintay ng mga tugon) Kamangha-mangha! Nagagalak akong si Jesus ang ating Manggagamot…. Tayo ay malaya! (Aksyon)

Tumayo tayo at awitin ang (He’s Able”

“You Are The Miracle”, (Mula sa Sea of Miracles Music DVD/CD)

Napakagandang awit ng pagpupuri! Sabihin natin muli ang ating “Ihagis at Hatakin”

Si Jesus ang ating manggagamot…. Malaya tayo! (Aksyon)

Mahusay! At ngayon sabihin natin ang susing talata.

“Munting bata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka!” Marcus 5:41 (Aksyon)

Panahon para sa Mga Larawan Mula sa Sea of Miracles (Opsyunal)

NSL: Hulaan ninyo? Oras na para sa mga Larawan mula sa Dagat ng Himala! Panoorin ang screen at tingnan kung may mapapansin kayong lihim na artistang dinala ang kanilang mga karamdaman kay Jesus. Oh, baka makita ninyo ang inyong mga sarili!

Ang Huli Sa Araw Na Ito

NSL: Ngayon ay oras na para sa Ang Huli Sa Araw Na Ito! Magkaroon kayo ng ilang sandali na ibahagi sa inyong pangkat ang leksyong inyong nahuli ngayong araw na ito kung papaano tayo pinapagaling ni Jesus sa ating karamdaman.

Narito ang mga tanong na inyong tatalakayin: Ano ang natutunan ninyo ngayong araw? Papaano kayo matutulungan ni Jesus kung may nararamdamang kayong sakit? Mga lider simulang ninyo ang pagbabahagi ng inyong ideya. Isulat ang mga sagot mula sa mga bata ng inyong grupo sa isdang ichthus sa inyong tote bag. Pagkatapos pumili ng bata na

12

Page 13: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

pupunta sa lambat na pader para ilagay ang isda sa lambat at muling pabalikin sa inyong grupo.

(Magbibigay ng tatlong minuto ang NSL para sa talakayan).

Mayroon bang may nais na pumarito at ibahagi ang kanilang nahuli ngayong araw na ito?

Ang Mahuli Ni Mangingisdang Dan

Ikalawang Araw – Pinalaya Tayo Ni Jesus!

Object Lesson – Linulutas Ni Jesus ang Problema at Pinagagaling Niya Ang Karamdaman

Skits Prop: Dilaw na Kapote/Lambat/Taling Pilipit? Malaking Gunting

VBX Kids Prop: Pisi/ Gunting

Ipakita ang DVD o magsagawa ng skit

(Maglalakad si Mangingisdang Dan sa gitnang dala-dala ang lambat sa kaniyang balikat, at may kabatirang bumalik ang mga bata at habang patungo sa entablado makikipag-usap sa mga bata. Nakakita siya ng dilaw na kapote sa kanyang daraanan at isinuot niya ito. Si Whiskers ay nakatago sa likuran ng bangka na may taling nakapulupot. Sumakay si Dan sa bangka at inihagis ang kanyang lambat.)

Whiskers: (Hindi nakikita, at umuungol) Oh, ow! Ow!

Mangingisdang Dan: (Babatakin ang lambat? Halika Whiskers! Pumasok ka na sa lambat! Pasok na sa Lambat!

Whiskers: (Umangat sa lambat na may mahigpit na tali sa kanyang katawan, at di maganda ang pakiramdam). Wow! May pakiramdam akong bagay na hindi maganda.

Mangingisdang Dan: (Tumayo sa bangka at inalis ang lambat kay Whiskers). Um, maaaring dahil sa napupuluputan ka ng tali? Ang ibig kong sabihin, mukhang di maganda ang iyong nararamdaman!

Whiskers: Oh! Ang mga ito? Marahil.. Hindi ako makapagpasya kung ang tali ngang ito ang umaabala sa akin o ang katotohanang tinalian ako ng ibang mga isda. Palagay ko alam nilang masakit ito. Kahit maaalis mo ako sa mga taling ito, patuloy pa ring mararamdaman ko ang kirot. At higit sa lahat, walang sinoman makapag-aalis nito sa akin!

Mangingisdang Dan: O, Halika nga Whiskers, magtiwala ka sa akin. Tunay at talagang gusto kong tulungan ka.

Whiskers: O sige, Pero paano mo aalisin ang mga tali?

Mangingisdang Dan: (Kinuha ang gunting mula sa kanyang bangka at nagsilang guntingin ang mga tali). Una, gugupitin ko ang tali sa pamamagitan nito (itinaas ang

13

Page 14: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

gunting) dahil pinipigil nito ang iyong sirkulasyon at sinasaktan ka. (Natapos sa paggupit). At ngayon…. (Yinakap si Whiskers) Hayan! Ano ang pakiramdam mo?

Whiskers: Wow! Malaya na ako! Bakit ba di ako lumangoy palapit sa iyo agad?

Mangingisdang Dan: Whiskers, Kaibigan mo ako. Mahalaga sa akin ang nararamdaman mo loob at labas ng iyong buhay. Inaasahan kong magpapalakas ito sa iyo. Halika na, oras na para bumalik ka sa tubig. Isa, dalawa, tatlo, hagis! Ho! Bumalik ka na! (Tunog ng splash)

(Ang mangingisdang Dan umalis sa bangka at lumabas ng silid. Tapos ang skit).

NSL: Si Jesus ang ating manggagamot . . . . Tayo ay malaya! Alam ba ninyo mga bata, ang masaktan ay tulad ng may mahigpit na tali sa buong katawan at nagbibigay ito ng kirot. Maging ang kirot ay galing sa isang bagay o may isang taong gumawa nito sa atin o bagay na ginawa natin sa iba, tiyak na mapapagaling tayo ni Jesus sa lahat ng oras. Para kang pinakawalan mula sa mahigpit na lambat. Pinalaya tayo ni Jesus!

Mga lider, talian ninyo ang isang bata sa inyong grupo, bitagin ninyo siya. Ang pisi ang kumakatawan sa mga masakit na bagay na sinabi sa ating ng ibang tao. (Magbigay ng mga halimbawa). Pagsalitain ang mga bata isa-isa ng magagandang bagay sa nakataling bata na magdudulot ng saya sa kanya at gupitin ang ilang pisi hanggang sa ang bata ay makawala sa tali. Sabihin ang Ihagis at Hatakin nang sabay-sabay kapag tapos na kayo. “Si Jesus ang ating manggagamot….. Tayo ay malaya” (May aksyon).

Mayroon isang maaaring makatulong sa atin gaya ni Jesus! Huhulaan ko maaari ninyong sabihin na “Si Jesus ang ating bayani.” Ang ating superhero! Sa katotohanan, tumayo tayo at awitin ang mga salitang ito.

“God is Forgiving” (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

(Hipan ang sungay) Mga kaibigan. Ang ating oras dito sa Dagat ng Himala ngayong araw na ito ay matatapos na. Alalahanin nating magdala ng ating donasyon bukas upang tumulong sa ating Misyon may kinalaman sa proyekto tungkol sa tubig. Manatili kayo sa inyong upuan kasama ng inyong lider hanggang sa dumating ang inyong mga magulang na susundo sa inyo! Manalangin tayo. (NSL o sinomang may pagnanais ang mananalangin).

Magpatugtog habang lumalabas ang mga bata. (Pumili ng awit mula sa Sea of Miracles DVD).

14

Page 15: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ikatlong Araw---Ang Paglunsad (Panimulang Programa)

Paghahanda ng Lugar: Bago pasimulan ang VBS ayusin ang Oryx na nakatayo sa entablado na makikita ng lahat. Ihanda ang sarangola o lobo na may tali para sa Susing Talata. Magpatugtog ng musika at may slide sa screen habang pumapasok ang mga bata.

Pagtanggap o Pagbati

NSL: (Hihipang ang sungay) Ikatlong araw nang nagsasama-sama tayo dito sa Hilagang Baybayin at natutuwa akong bumabalik kayo! Natitiyak ko na sa ngayon ay natatandaan ninyo kung papaano nating binabati ang bawat isa rito sa Hilagang Baybayin, tama ba ako? (Hinto) Oo, Tama iyan, sinasabi natin, “Shalom.” Ngayon batiin ninyo ang sinomang malapit sa inyo ng “Shalom” (Huminto) Kung narito kayo sa unang pagkakataon, malugod ko kayong tinatanggap!. Ang Hilagang Baybayin ay napagandang lugar para sa bawat isa na makilala ang kanilang mga bagong kaibigan, magkatuwaan kayo, at matutunan ang tungkol sa aking kaibigang si Jesus! Manalangin tayong sama-sama. (Panalangin).

Ngayon pag-uusapan natin kung paano tayo tinutulungan ni Jesus na maging matapang kahit tayo’y natatakot. Tumayo tayo at awitin ang ating theme song, “Forever Mine”

Ang Huli Sa Araw Na Ito

NSL: Mga bata, tingnan ninyo kung gaano na lumago ang ating lambat. (Ituturo ang lambat na pader) Natutuwa na nagagawa nating magdagdag araw-araw. Tiyakin ninyong inyong matatandaan ang bagay na inyong kinawiwilihang natutunan ninyo habang naririto kayo sa Galilee upang maibahagi ninyo sa inyong grupo sa pagtatapos ng programa. Sa katapusan ng sanglinggo inaasahan ko na ang lambat ay mapupuno ng mga natuklasan ninyo tungkol kay Jesus!

Kaibigan Sa Biblia (Abel)

NSL: May dala akong bagong kaibigan ngayon, (tumatango sa dako ni Abel) at Abel ang pangalan. Si Abel ay isang uri ng antelope na tinatawag na oryx. Madalas na naglalaro ang mga oryx at sinusubukan ang kanilang katapangan sa pamamagitan ng pakaskas ng kanilang mga sungay sa kanilang kapwa. (Pumalakpak upang magkaroon ng malakas na tunog). Nang maliit pang oryx si Abel, tumatakot sa kanya ang ingay ng kaskasan ng mga sungay. Ilan sa inyo ang natatakot sa malakas na ingay, gaya ng pagputok ng lobo o malakas na sirena? Nang ganap nang malaki ang sungay ni Abel kailangan niyang malagpasan ang takot para makipaglaro sa lahat niyang kaibigan.

Ngayong linggo pinag-uusapan natin ang tungkol kay Jesus, na siya pa rin ang aking paboritong guro. Tinuruan niyang maaari kong mapagtagumpayan ang aking takot at gumawa ng kahanga-hangang mga bagay na inisip kong imposible kong magawa. Sinabi niya sa akin na may takot din siyang di- tatanggapin ng mga tao, dahil may layuning

15

Page 16: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

siyang babago sa mundo! Nang sabihin ko sa kanya ang aking takot, nakinig Siya at ipinaramdam Niya sa akin ang mawalan ng takot gaya ni Abel. Tumayo tayo at awitin ang “God is Forgiving.”

“God is Forgiving” (Mula sa Sea of Miracles music DVD/CD)

Ihagis at Hatakin

NSL: Bago natin pag-aralan ang ating Ihagis at Hatakin at ang Susing Talata para sa araw na ito, bakit hindi natin ulitin ang natutunan natin sa dalawang araw na tayo’y naririto sa Dagat ng Mga Himala? Handa na ba kayo? (Hintayin ang mga tugon). Marcus 1:17

Unang Araw: Ihagis at Hatakin “Si Jesus ang ating Rabbi. . . Tayo ang kanyang tagasunod” (Nang may aksyon). Susing talata: “Sumunod ka sa Akin! (may aksyon) Marcus 1:17.

Ika-2 Araw: Ihagis at Hatakin: “Si Jesus ang ating manggagamot … Tayo ay malaya! (may aksyon). Susing Talata: “Munting bata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka!” (Marcus 5:41)

Ang Ihagis at Hatakin para sa araw na ito ay tungkol sa katotohanang sinabi sa akin ni Jesus: “Si Jesus ay Anak ng Dios . . . . Tayo ay matapang!” Ngayon pag narinig ninyo may naghagis, “Si Jesus ay Anak ng Dios,” Nais kong ibalik ninyo ang paghatak, “Tayo ay matapang!” Subukan natin ngayon. “Si Jesus ay Anak ng Dios . . . . Tayo ay matapang! (Aksyon).

Wow, mahusay na talaga kayo! Sa palagay ba ninyo matutulungan ninyo akong ibalik ang aking kaibigan sa paggawa ng hangin para sa kanya? Ok, sa bilang na .. Isa, Dalawa, Tatlo! (Hihip sa microphone).

(Ang dalaw ay maitataboy sa entablado na may lobo o saranggola na nakatali sa kanyang baywang. May hawak siyang Biblia.)

Dalaw: Shalom, sa inyong lahat! Talagang magandang makita ko kayong muli! Mayroon akong espesyal na bagay na ibabahagi ko sa inyo. Ngayon naala-ala ko ang aking Biblia! (Hinto sandali). Ngayong araw na ito hinahanap ko ang isa pang talata mula kay Marcus at ito’y nasa kabanata anim, talatang limampu. (Bubuksan ang Biblia) Ah! Sinasabi nito: “Huwag kang matakot.” (Marcus 6:50) Sanayin natin ito! Sundan ninyo ang aking aksyon.

“Huwag kang matakot.” (Aksyon) Marcus 6:60

(Aksyon para sa matakot” Ipihit nang bahagya ang ulo at ihawak ang dalawang kamay para matakpan ang mukha. Ulitin).

Dalaw: Ngayon, Iyan ay super gandang talata! Hindi ba sa palagay ninyo? Kung ganoon oras na para umalis ako. Alam na ninyo kung ano ang inyong gagawin! Handa na? Isa, dalawa, tatlo! (Hihipang paalis ang dalaw.)

16

Page 17: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

NSL: Hindi kailanman ninyo malalaman ang dadalhin ng hangin o kung saan niya tayo dadalhin. Makinig kayong mabuti panoorin ang susunod na bahagi ng ating kuwento sa Pinnacle Peaks

PINNACLE PEAKS – SA TULUKTOK NG BUNDOK

Ipakita ang DVD o isagawa ang skit.

Papasok ang guro, hihinto, pagpapalinga-linga. Papasok ang mag-aaral na may dalang mga patpat.

Guro: Oh, narito na rin tayo sa wakas! Pagmasdan mo ang tanawin!

Mag-aaral: (Tinakpan ng kamay ang mga mata). Opo nga, Ang tanawin -- tunay na kakaiba.

Guro: Anong nangyari? Bakit mo tinatakpan ang iyong mga mata?

Mag-aaral: Hindi. (Ibinaba ang kanyang mga kamay subalit sarado pa rin ang kanyang mga mata). Tingnan ninyo. (Mabilis ang panghinga).

Guro: Oo, nakikita ko. Nakikita mo ba?

Mag-aaral: Sa palagay ko hindi ko nabanggit na medyo takot ako (lumunok) sa matataas.

Guro: Talaga? Takot din naman ako sa matataas!

Mag-aaral: Hindi, hindi ka natatakot!

Guro: Ang ibig kong sabihin dati akong natatakot sa mga matataas na lugar matagal nang panahon, nang kabataan ko pa.

Mag-aaral: O, papanong hindi na kayo natatakot umakyat ng matatarik na mga kabundukan?

Guro: Hula ko, dahil ang bawat isa sa aking pamilya pangingisda ang hanapbuhay, at ang bagay lang nagbibigay takot sa akin nang higit sa mataas na lugar ay ang nasa karagatan!

Mag-aaral: Takot din ako sa dagat. Sa lahat ng katubigan.

Guro: (Lalapit at ipapatong ang kamay sa balikat ng mag-aaral). Lakad na. Buksan mo ang iyong mga mata. Narito lang ako sa tabi mo at hahawakan ka.

Mag-aaral: (Bubuksan ang mga mata). Napakataas na natin!

Guro: Oo, at makikita mo ang kabubuuan ng dagat mula rito sa itaas hanggan doon. (Ituturo ang lugar). Sa palagay mo hindi ba ito kamangha-mangha?

Mag-aaral: Oo nga. Wow at gusto ko ang aking nararamdaman na makita kung gaano kalayo at kalawak ang katubigan iyan!

Guro: Mabuti. Ngayon magagawa natin ang pagpapaapoy. Ipapakita ko sa iyo kung saan ang tamang lugar ng paggagawaan natin ng apoy. Dalhin mo ang mga patpat dito… huwag kang mag-iiwan.

17

Page 18: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

(Iaabot ng mag-aaral ang mga patpat. Bubuntung-hininga ang mag-aaral. Parehas na lalabas ang dalawa. Katapusan ng skit.)

NSL: Kapag kayo’y natatakot, ano ang magbibigay ng mabuting pakiramdam sa inyo? (Hintayin ang mga tugon). Sa palagay ba ninyo na matutulungan tayo ni Jesus na maging matapang? (Hintayin ang mga tugon) Tumayo tayo at awitin ang awit na “You are the Miracle”.

Tunay ang aking kagalakang umawit kasama ninyo, gayunpaman oras na para lumabas at halughugin ninyong muli ang Galilee. Kailangang sundin ninyo ang inyong lider, pakinggan kung ano ang kanyang sasabihin at tandaan ninyong kailangan ninyong maging masaya. Makikita ko kayong muli sa pagbabalik ninyo at tunay na nasasabik akong marinig lahat ang mga natutunan ninyo kung paanong matutulungan tayo ni Jesus na maging matapang!

18

Page 19: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ika-3 Araw – Ang Daungan – (Pagtatapos Na Programa)

Paghahanda ng Lugar: Bago pagpasimula ang pagtatapos na programa, maghanda ng glass jar na may patpat na kumikinang para dalhin ni Mangingisdang Dan sa simula ng skit. Magpatugtog ng musika at ang pinaka tema ay nasa slide sa screen habang parating ang mga bata.

Pagbati/Pagtanggap

NSL: (Hihipan ang sungay) : Wow! Isa muling magandang araw dito sa Galilee! Nahuli ba ninyo ang kwento ni Simona tungkol kay Jesus at Simon? (Hintayin iwasto ng mga bata ang pangalan ni Simon si Peter). Oh, nga naman tama kayo. Peter nga. Kung sabagay, nadadama ko rin kung ano ang nararamdaman ni Peter nang lumulubog siya sa tubig. Kung minsan natatakot din ako gaya ni Peter nang bumagyo at nagsimula rin akong lumubog sa kalungkutan. Gayunpaman ipinaala-ala sa akin ni Jesus kung gaano Niya ako kamahal at ibinigay Niya ang aking mga magulang at mga kaibigan, at ang nasa Biblia, ang wika Niya, Hindi niya ako iiwan kailan paman. Tunay na natulungan akong maging matapang muli! Kung ano man ang inyong kinakatakutan, tandaan na si Jesus ay Anak ng Dios .. .. Tayo ay matapang!

Magbigay tayo ng kaunting oras para sa pagpuri sa Kanya. Awitin natin ang “God is Forgiving”

Napakahusay na pagpupuri iyan! Sabihin natin ang ating Ihagis at Hatakin

Si Jesus ay Anak ng Dios - - - Tayo ay matapang! (aksyon)

Ngayon bigkasin naman natin ang Susing Talata.

“Huwag kang matakot.” Marcus 6:50 (Aksyon)

Panahon Para Mga Larawan Sa Dagat ng Himala (Opsyunal)

NSL: Oras na para sa mga larawan mula sa Dagat ng Himala! Panoorin at tingnan kung makikita ninyo ang ating lihim na artista na humihingi ng tulong kay Jesus dahil natatakot sila. Maari rin ninyong Makita ang sarili?

Ang Huli Sa Araw Na Ito

NSL: At ngayon, oras na para sa ating Huli sa Araw Na Ito! Magkaroon ng ilang sandali sa inyong Grupo na ibahagi ang mga leksyon na inyong nahuli ngayong araw na ito tungkol sa kung papano kayo tinulungan ni Jesus na mawala ang iyong takot.

Narito ang mga tanong na inyong pag-uusapan Anu-ano ang ilang paraan na natulungan ni Jesus na maging matapang? Mga lider, simulan ninyo ibigay niyo ang inyong sariling ideya. Isulat ang mga sagot mula sa mga bata sa isdang ichtus na nasa tote bag ninyo. Pagkatapos pumili ng bata na maglalagay ng isda sa lambat at bumalik din sa inyo.

(Magbibigay ng tatlong minuto ang NSL para sa talakayan).19

Page 20: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Mayroon bang nagnanais na pumarito at isaysay sa atin kung ano ang kanilang nahuli ngayong araw na ito?

Ang Mahuli Ng Mangingisdang Dan

Ika-3 Araw - Tinutulungan Tayo Ni Jesus na Mapagtagumpayan Ang Ating Takot

Object Lesson: Tinutulungan tayo ni Jesus na maging matapang. Kapag hahayaan natin ang ating sarili na umugnay sa Kanya. Binibigyan Niya tayo ng tiwala sa sarili at katatagang magtungo sa mga lugar na ating kinakatakutan at paggawa ng mga bagay na ating kinatatakutan. Tinutulungan tayo ni Jesus na maging matapang.

Skit Props: Dilaw na kapote, Dilaw na Sumbrerong Pang-ulan/Banga o Bote na may kumikinang ng patpat.

VBX Props: “Si Jesus ang Aking Ilaw” glow sticks

(Madilim ang ilaw. Darating si Mangingisdang Dan nasa balikat ang kanyang lambat at sa kanyang kamay ay lalagyang may kumikinang na stiks. Muli binigyan pansin niya ang bata at nakipag-usap sa kanila habang papunta sa entablado. Si Whiskers ay nakatago sa likuran ng bangka. Sumakay sa bangka si Mangingisdang Dan at inihagis ang kanyang lambat sa tubig.)

Mangingisdang Dan: (Sumisipol o umaawit ng “Fear Not” habang naghihintay ng isda. Nagsimulang tumingin sa ibang lugar ng katubigan at tinawag ang pangalan ni Whiskers). Whiskers! Whiskers! Hmm . . . Nasaan ka?

Whiskers: (Itinaas ang ulo mula sa likuran ng bangka, natatakot na umalis sa tubig. Nakaharap siya sa mga bata at tumingin sa kapaligiran na parang may bagay o tao na sumusunod sa kanya). Psst. Dito.

Mangingisdang Dan: (Tumingin sa kapaligiran, nakita si Whiskers at ibinaling ang ilaw sa kanyang mukha) Ano ang iyong ginagawa? Ano ang iyong kinakatakutan?

Whiskers: (Umangat sa tubig). Maraming mga bagay-bagay! Natatakot sa ibang mga hito, dahil nagsimulang pagtawanan ako dahil nakipagkaibigan ako sa iyo. Natatakot sa ilalim ng lawa, dahil nagiging malabo at maputik sa ilalim at wala akong makita anomang bagay! At natatakot din ako sa ulan . . . .

Mangingisdang Dan: (Di makapaniwala) Subalit ang ulan ay tubig lang at nakatira ka sa tubig!

Whiskers: (Nagugulumihanan) Kapag umulan at mahanging, patapon-tapon ako sa buong kapaligiran! (Nakita ang lalagyan na may kumikinang na stiks). Hoy, ano iyan?

Mangingisdang Dan: Oh, Ito? Wala akong ideya, gayunpaman kagilagila-gilas ito! Nakita ko sa nayon ng mga mangingisda.

20

Page 21: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

(Magpatugtog ng ingay ng bagyo na nasa AdventistVBX.net)

Whiskers: Hey, may bagyong darating! O narito na! Natatakot ako! (Lumundag papunta sa bangka at hinawakan nang mahigpit si Mangingisdang Dan). Ang iyong ilaw! Mamamatay iyan!

Mangingisdang Dan: Hindi! Habang hinahawakan ko ito, mananatili ito sa akin. Kahit sa bagyong ito. (Matatapos ang ingay na dulot ng bagyo)

Mangingisdang Dan: Ok, Whiskers, tapos na ang bagyo. Mabuti pang bumalik ka na sa tahanan mo ngayon.

Whiskers: Paano ang lahat ng bagay na kinakatakutan ko pa?

Mangingisdang Dan: Ah, kung ibigay ko kaya sa iyo ang aking ilaw. (Ibibigay ang lalagyang may glow stiks kay Whiskers). Matutulungan ka nito na makakita sa madilim na mga lugar. At maaari mo ring itong ibahagi ito sa ibang mga hito. Halika ka na. Tutulungan kitang bumalik sa tubig. Isa, dalawa, tatlo! Ihagis! Ho! Balik na hayo na!

(Aalis si Mangingisdang Dan sa bangka at lalabas ng silid. Natapos ang skit).

NSL: Mga bata, di ba kamangha-mangha kung paano tayo tinutulungan ni Jesus na wag matakot? Alam ko kung bakit, dahil si Jesus ay ang Anak ng Dios . . . Tayo ay matapang!

Mga lider, bigyan ninyo ang bawat bata sa inyong grupo ng “The Lord is My Light” na glow stick at sabihin “Matutulungan ka ni Jesus kapag ikaw ay natatakot.” Kapag ang lahat ay may kanya-kanya ng ilaw, sabihin ang ating Ihagis at Hatakin, “Si Jesus ay ang Anak ng Dios. . . Tayo ay matapang”.

(Hipan ang sungay) Alam ba ninyong si Jesus ang ating ilaw at kapag mananatili tayong malapit sa Kanya, tutulungan Niya tayo kung anoman ang ating kinakatakutan. . . . Tutulungan tayo ni Jesus na mapagtagumpayan ang ating takot. Tumayo tayo at awitin ang “I will Follow You.”

("I Will Follow You” awit #2 (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Mga lider, makikita ninyo sa loob ng inyong tote bag ang mga Abel ang Orynx Bible Pal tokens. Ibigay ninyo ang mga token sa bawat batang nasa inyong grupo at sabihin ang Ihagis at Hatakin.

(Hihipan ang sungay). Kung ganoon, mga kaibigan, ang ating oras dito sa Dagat ng Himala ay matatapos na. Alalahanin ninyo ang pagdadala ng pera bukas para pantulong sa Misyon na may kinalaman sa proyektong patubig. Manatili sa inyong mga upuan kasama ng inyong mga lider hanggan sa dumating ang inyong mga magulang na susundo sa inyo. Manalangin tayo! (NSL o sinomang nagnanais na manalangin).

(Magpatugtog ng musika habang palabas ang mga bata.)

21

Page 22: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ika-4 Na Araw- Paglulunsad (Panimulang Programa)

Paghahanda ng Lugar - Bago magpasimula ang VBX, maglagay ng simpatikong Suso sa entablado kasama ng mga Kaibigan sa Biblia para makita ng lahat.

Pagbati/Pagtanggap

NSL: (Hihipan ang sungay) Mga bata, nasa ika-apat na araw na tayo rito sa Hilagang Baybayin! Ilang araw lang nakararaan hindi ko kilala ang ilan sa inyo, subalit ngayon nararamdaman kong marami na akong kaibigan at inaasahan kong nararamdaman din ninyo ito. Oras na para sa ating pagbati, kaya bumaling kayo sa inyong kalapit at sabihin ninyo ang “Shalom” (Huminto) Manalangin tayo nang sabay-sabay. (Panalangin).

Ngayong araw na ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa lakas na nanggagaling sa pakakilala kay Jesu Cristo. Si Jesus ang Messiah at naniniwala akong namatay Siya para iligtas tayo nang makasama natin Siya nang walang hanggan. Tumayo tayo at awitin ang “Forever Mine”

Ang Huli Sa Araw Na Ito

NSL: Mga bata may dalawang araw na lang tayo para dagdagan ang ating mga isda sa ating lambat. Tiyaking matatandaan ang mga bagay na kinawilihan ninyo matutunan habang narito kayo sa Galilee upang maibahagi ninyo sa inyong pangkat sa pagtatapos ng ating programa. Di magtatagal ang ating lambat ay mapupuno ng mga natuklasan ninyo tungkol kay Jesus.

Kaibigan sa Biblia (Snazzy)

NSL: Dinala ko ngayon ang isang ko pang kaibigan, (tumatango-tango sa direksyon ni Snazzy) at ang pangalan niya ay Snazzy. Karamihan sa mga suso na nakikita ko sa kapaligiran ay may pagka-berde at abo, subalit si Snazzy ay isang espesyal na suso dahil kulay ube. Ang totoo, kung makakakita kayo ng kulay ubeng suso habang kayo’y narito sa bayan ngayon, dalhin ninyo sa akin dahil sa halaga nito, malaking halaga ng pera ang kahulugan nito!

Kailangan kong sabihin sa inyo maliban kay Snazzy, hindi pa ako nakakita ng susong kulay ube sa tanang buhay ko. Mahirap silang makita at masyadong espesyal. Nang una kong makita si Jesus, maraming mga tao ang nakapalibot sa kanyang nagnanais na makipag-usap sa Kanya. Parang masyado Siyang sikat at mabuti, at dahil damdam ko’y hindi Niya ako mapapansin, nagsimula akong kumilos paalis nang tinawag niya ang aking pangalan. Hindi kapani-paniwala! Nang tawagin Niya ako naramdaman kong para akong espesyal na kulay ubeng suso. Walang katulad si Jesus! At pumarito Siya upang iligtas Niya kayo! (Ituro ang mga bata). Tumayo tayo at awitin ang “God is Forgiving.”

22

Page 23: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ihagis at Hatakin

NSL: Bago nating pag-aralan ang ating Ihagis at Hatakin at Susing Talata. Tingnan natin kong natatandaan pa ninyo ang mga natutunan natin ngayong linggong ito.

Unang Araw: Ihagis at Hatakin: “Si Jesus ang ating Rabbi... Tayo ang kanyang tagasunod!” (may aksyon).

Susing Talata: “Sumunod ka sa Akin! (May aksyon) Marcus 1:17 Ika-2 Araw: Ihagis at Hatakin:”Si Jesus ang ating manggagamot... Tayo ay malaya!”

(aksyon) Susing Talata:“Munting bata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka!” Marcus 5:41

(aksyon)

Ika-3 Araw: Ihagis at Hatakin: Si Jesus ay Anak ng Dios … Tayo ay matapang! (aksyon)

Susing Talata: “Huwag kang matakot” Marcus 6:50 (May aksyon).

Ang ating Ihagis at Hatakin ay tungkol sa dahilan ng pagiging espesyal ni Jesus: “Si Jesus ay ang Messiah. . . . Tayo ay nailigtas!” Subukan natin sa ating Ihagis at Hatakin na galaw: “Si Jesus ay ang Messiah. . . Tayo ay nailigtas!

Kahanga-hanga! Ganyan ba talaga kayo kahusay! Sa palagay ba ninyo matutulungan ninyo akong ibalik ang aking kaibigan sa pamamagitan ng inyong mga hanging para sa kanya! Ok, sa bilang na tatlo… Isa, dalawa, Tatlo! (Hipan ang microphone).

(Ang Dalaw ay mahihipan patungo sa entablado na nakataling sarangola o lobong nakatali sa kanyang baywang. Mayroon siyang pang-apat na susing talata sa isang piraso ng papel na nakatago sa bulsa).

Dalaw: Narito akong muli! Kung minsan nangangamba akong hindi ninyo kayang humihip ng malakas para makarating ako rito, pero lagi ninyong nagagawa! Ngayon tingnan natin, mayroon akong bagong talata na ibabahagi sa inyo mula sa inyong mga Biblia, subalit ngayon isinulat ko ito sa kung saan, (titingnan sa kanyang bulsa) at isang perpektong bagay na dapat gawin sa talata sa Biblia na gusto ninyong matandaan. Oh! narito! Ang sabi nito, “Ikaw ang Messiah,” ang talatang ito ay masusumpungan sa Marcus 8:29! Ngayon magsanay tayo na sabihin ito nang may aksyon.

“Ikaw ang Messiah.” (Aksyon) Marcus 8:29

(Ang aksyon para sa Messiah” Gumawa ng hugis “L” sa inyong kanang hinlalaki at hintuturo. Pasimulan sa kaliwang balikat igalawa ang kamay patungong kanang balakang. Ulitin).

Dalaw: Isa nanaman iyang magandang talata! Ok, oras na para hipan ninyo ako palayo! Handa na! Isa, dalawa, tatlo! (Hihipan palabas ang Dalaw).

23

Page 24: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

NSL: Mga bata, Hindi kailanman ninyo malalaman ang dadalhin ng hangin o kung saan niya tayo dadalhin. Makinig kayong mabuti dahil panoorin natin ang susunod na bahagi ng ating kuwento sa Pinnacle Peaks. Sa palagay ko narating na ng ating mga kaibigan ang eksaktong lugar na kailangan nilang talampas sa itaas ng Hilagang Baybayin!

PINNACLE PEAKS – PINAKATALUKTOK NG BUNDOK

Ipakita ang DVD o isagawa ang skit.

Papasok ang guro at mag-aaral

Guro: Tama, ito ang lugar.

Mag-aaral: Nakikita ko na ang dahilan bakit ito ang pinili nyo. Ito ang pinamataas na lugar na pinakamalapit din sa lawa.

Guro: Tama! Natutuwa ako na nakita mo ang dahilan nang hindi ko sinasabi. Magiging madali sa iyo na makita ang lugar na ito sa susunod.

Mag-aaral: Kaya sisimulan na nating gumawa ng apoy?

Guro: Hindi pa, mag-iipon pa tayo ng mga kahoy at patutuyuin hanggan sa dumilim. Kapag walang buwan sa langit ngayong gabi, mahalagang wag mag-aksaya ng apoy para may magamit kung kinakailangan na.

Mag-aaral: Sa palagay ko, alam ko na kung bakit tayo gumagawa ng apoy.

Guro: Bakit?

Mag-aaral: Dahil marahil maging ang pinakamahusay na mangingisda sa lawa ay maaaring maligaw kung masyado nang madilim. Alam kong iniiwasan nila ang bagyo at maglayag nang gabi, gayun paman hindi kailanman malalaman kung ano ang maaaring mangyari.

Guro: Tama ka, at karagdagan kapag kanilang nakita ang apoy alam nilang maglalayag sila patungo rito at malalaman nila kung papaano dadako sa baybayin nang pakaliwa sa apoy dahil mapanganib ang mga batuhan sa bandang kanan ng apoy.

Mag-aaral: Wow, kaya tunay na nakakatulong ang apoy! Hindi ko alam iyon ah.

Guro: Mga ilang taon na ang nakararaan, bago pa ako ipinanganak, maraming mga tao ay nasaktan o nawala dahil walang apoy noon dito sa bundok. Sa wakas, may isang taong nagkaroon nga magandang ideya na gumawa ng apoy at ginawa itong mahalagang gawain para sa isang tao sa bayan.

Mag-aaral: Kaya sa isang paraan, kayo ang may pinakamahalagang gawain sa nayon: iniingatan nyo ang tao na maligtas!

Guro: Isa itong espesyal na gawain. Hindi ko matiyak kung gaano karaming tao ang nailigtas ng apoy na ito, marahil mga dosena na o daan-daan tao na sa ngayon.

Mag-aaral: Paano ko makukuha ang gawaing ito?24

Page 25: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Guro: Halika sumama ka sa akin. Mayroon pa akong kailangang ipapakita sa iyo.

(Pareho silang lalabas, ang mga patpat ay nasa entablado pa rin. Babalik ang mag-aaral at hahablutin ang mga ito. At lalabas na muli. Natapos ang skit.)

NSL: Anong uri ng trabaho ang ginagawa ng tao ngayon panahon na may kinalaman sa pagliligtas ng ibang tao? (Hintayin ang mga tugon). Kapag kailangan mong iligtas ang sinoman, anong kagamitan ang gusto mong mapasa-iyo? (Hintayin ang mga tugon). Wow, narinig ko ang ilan na may magagandang mga sagot! Tumayo tayo at awitin ang “I Will Follow You”.

Nagagalak talaga akong umawit kasama ninyo, gayunpaman oras na para lumabas at galugarin ninyong muli ang Galilee. Kailangang sundin ninyo ang inyong lider, pakinggan kung ano ang kanyang sasabihin at tandaan ninyo kailangang ninyong maging masaya. Makikita ko kayong muli sa pagbabalik ninyo at tunay na nasasabik akong marinig lahat ang mga natutunan ninyo kung paano tayo iniligtas ni Jesus!

Ang Daungan (Pagtatapos Na Programa)

Pagbati/Pagtanggap

NSL: (Hipan ang sungay) Binabati at tinatanggap ko kayong muli rito sa Hilagang Baybayin ngayong araw na ito! Nalaman ko na si Jesus ang ating Rabbi, ang ating manggagamot, at ang Anak ng Dios! Hindi ba kamangha-mangha na malamang si Jesus ay ang Messiah … Tayo ay nailigtas!. Ngayong araw na ito, ipinapaala-ala sa atin na siya ay si Cristo, ang Pinahiran na pumunta rito upang mamatay nang maaari tayong mabuhay nang walang hanggan kasama Niya! Ilan sa inyo ang nagkaroon ng pagkakataong sumulat ng espesyal na panalangin kay Jesus na nagpapasalamat dahil sa kanyang kagilagilalas na sakripisyo at maipako sa krus! Maganda.

Mag-ukol tayo ngayong ng pagpupuri sa Kanya. Ating awitin and “I Will Follow”

(“I Will Follow” (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD))

Napakahusay iyon ng pagpupuri! Muli natin bigkasin ang ating Ihagis at Hatakin

Si Jesus ay ang Messiah. . . . Tayo ay nailigtas! (aksyon)

Mahusay! At ngayon ating bigkasin ang ating susing talata.

“Ikaw ang Messiah.” Marcus 8:29 (Aksyon).

Oras Para sa Larawan Sa Dagat ng Himala- Opsyunal

NSL: Oras na para sa mga larawan. Tingnan ninyo kung makikita ninyo ang inyong mga sarili nang lumabas kayo sa Galiliee. Tiyakin maingat ninyong titingnan kung makikita ninyo ang ating lihim na panauhing tinanggap si Jesus bilang kanilang Tagapagligtas!

25

Page 26: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ang Huli sa Araw Na Ito

NSL: At ngayon, oras na para sa ating Huli sa Araw Na Ito! Magkaroon ng ilang sandali sa inyong Grupo na ibahagi ang mga leksyon na inyong nahuli sa araw na ito na may kinalaman kung papano tayo iniligtas ni Jesus.

Narito ang mga tanong na inyong pag-uusapan. Ano ang ginawa ni Jesus sa inyo at ano ang naramdaman ninyo tungkol dito? Mga lider, simulan ninyo ibigay ang inyong sariling ideya. Isulat ang mga sagot ng mga bata sa isdang ichtus na nasa tote bag ninyo. Pagkatapos pumili ng bata na maglalagay ng isda sa lambat at bumalik din sa inyo.

(Magbibigay ng tatlong minuto ang NSL para sa talakayan).

Mayroon bang nagnanais na pumarito at isaysay sa atin kung ano ang kanilang nahuli ngayong araw na ito

Ang Mahuli Ni Mangingisdang Dan

Ika-4 Na Araw - Namatay si Jesus para iligtas tayo!

Object Lesson: Tinanggap natin ang kamatayan ni Jesus. Ang kaloob niyang biyaya ang nagpaparamdam sa atin ng kaligtasan at kalakasan. Ang sakripisyo ni Jesus ang nagpapadama sa atin na tayo’y ligtas at lumakas sa ating pananampalataya. Ang malamang iniibig tayo ni Jesus, ang nagligtas sa atin at nais Niyang manirahan tayo sa langit nang walang hanggan kasama Niya, ang dahilan upang magtiwala tayo sa Kanya at manatili sa Kanya.

Skit Props: Lambat, Dilaw na kapote, Dilaw na Pang-ulang Sumbrero

Sound clip –para sa Dan the Fisherman time –(nasa AdventistVBX.org)

(Darating si Mangingisdang Dan dadako sa gitna na pasan ang kanyang lambat, muli niyang babatiin ang mga bata at makikipag-usap sa kanila habang patungo sa entablado. Si Whiskers ay nagtatago sa likod ng bangka.)

Mangingisdang Dan: (Ihahagis niya ang kanyang lambat sa tubig, hahayaan niya itong mahulog) Narito nahulog nang lahat.

Whiskers: (Uultaw nasa kanyang mga kamay ang lambat). Mangingisdang Dan, nahulog mo ang iyong lambat.

Mangingisdang Dan: Alam ko. Sinadya kong inihulog ito. Ayaw ko na,

Whiskers: Anong ibig mong sabihin? May nakuha ka na bang bago?

Mangingisdang Dan: Hindi. (Tatayo sa bangka at ikakaway ang kanyang braso sa kapaligiran ng silid) Ako’y nasa misyong magligtas ng mga isda. Magsimula bukas ng gabi, gagawa ako ng utos na walang mangingisdang papayagan dito sa lawa. Pagkatapos,

26

Page 27: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

at sandaling panahon, ililipat kita sa lagoon kung saan may malinis na tubig at malinaw at protektado mula sa hangin at mga alon. At may saganang pagkain na tatagal nang buong buhay mo.

Whiskers: (Ilalagay ang kanyang palikpik sa kanyang ulo na di makapaniwala). Kung wala ng bangka sa lawa, kung ganoon . Ang ibig sabihin…di na kita makikita kailanman.

Mangingisdang Dan: Whiskers, masyado kang espesyal sa akin. Gusto kong gawin ito sa iyo. Sa totoo lang, maaari mo ring kunin ang aking sombrero.

Whiskers: Bakit mo gagawin iyan sa akin? Hindi ako karapat-dapat para rito! Marami akong bagay na ginawa na di ko dapat ginawa at marami bagay di ko ginawa na dapat kong gawin. Hintay, may kabuluhan ba ito? (Ilalagay ang isang palikpik sa kanyang ulo at ikakamot ang isa sa kanyang pisngi.)

Mangingisdang Dan: Oo, Whiskers. Mayroon. Wala iyang kinalaman. Kung ano ang aking ginagawa ay regalo ko sa iyo dahil kaibigan kita.

Whiskers: Mangingisdang Dan, Hindi ko makakalimutan kung ano ginawa mo sa akin. Ikaw ang pinakadakilang mangingisdang nabuhay sa lawang ito!

Mangingisdang Dan: Natutuwa ako para sa iyo Whiskers. Ngayon, ibabalik na kita sa tubig. Isa, dalawa, tatlo Ihagis. Ho! Balik na!

(Aalis si Mangingisdang Dan sa bangka at lalabas ng silid. Tapos ang skit).

NSL: Wow, Hindi ba ito nagpapaala-ala sa inyo ito kung ano ang sinabi ni Simona ngayong araw na ito? Si Jesus ay ang Messiah … Tayo ay nailigtas! Ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa atin upang maaari tayong manirahan sa langit nang walang hanggan. Namatay si Jesus para iligtas tayo! Anong dakilang kaloob! Hindi natin mababayaran si Jesus sa Kanyang nagawa para sa atin, subalit may magagawa tayong isang bagay. Maaari nating pasalamatan si Jesus sa pagliligtas Niya sa atin at ibahagi ang kamangha-manghang balitang ito sa ating mga kaibigan!

(Hihipan ang sungay) Awitin natin ang panghuling awit!

(“You are the Miracle,” (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Mga Lider, may makikita kayo sa loob ng inyong tote bag na espesyal na Bible Pal tokens. Ibigay ninyo ang mga tokens sa bawat batang nasa inyong grupo at bigkasin ang Ihagis at Hatakin sa araw na ito.

(Hihipan ang sungay) Mga kaibigan, ang oras natin ngayon sa araw na ito sa VBX ay malapit nang matapos. Alalahanin nating magdala ng pera bukas para pantulong sa ating Misyon na may kinalaman sa Proyektong Patubig. Manatili sa inyong mga upuan kasama ng inyong mga lider hanggan sa dumating ang inyong mga magulang na susundo sa inyo. Manalangin tayo! (NSL o sinomang nagnanais na manalangin).

27

Page 28: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Magpatugtog ng musika habang palabas ang mga bata.

Ika-5 Araw :Ang Paglunsad – (Panimulang Programa)

Paghahanda ng Lugar

Bago magpasimula ang VBS, ilagay ang Dash the Donkey sa entablado kasama ng mga nakaraang mga hayop para makita ng lahat. Ihanda ang saranggola o lobo na may tali para sa Susing Talata. Magpatugtog ng musika at may slide sa screen habang papasok ang mga bata.

Pagbati/Pagtanggap

NSL: (Hihipan ang sungay) O mga bata, dumating na tayo sa ating panglimang araw at huling araw ng ating pagsasama-sama rito sa Hilagang Baybayin! Nararamdaman kong parang hinipan ang oras! Ito ang huling pagkakataon natin bigkasin ang ating pagbati, kaya bumaling kayo sa inyong mga kalapit at sabihin sa kanila, “Shalom”. Kung ngayon lang kayo nakarating dito, maligayang pagdalo! Ang Hilagang Baybayin ay napakagandang lugar para sa lahat na makakilala ng bagong kaibigan, magkatuwaan at malaman ang tungkol sa aking kaibigan si Jesus! Manalangin tayo nang sabay-sabay. (Panalangin)

Ngayong araw na ito ating itutuon ang ating pansin bakit si Jesus ang ating Panginoon. Kung si Jesus ang panginoon ng ating buhay, nais kong itaas ninyo ang inyong mga kamay nang mataas! Wow! Kung ang mga kamay ninyo’y nakataas ngayon. Ang ibig sabihin isa kayo sa Kanyang mga katulong, dahil nang pinili natin si Jesus, pinili rin nating pangalagaan ang bawat isa! Sambahin natin Si Jesus at ibigay natin sa Kanya ang ating pagluwalhati sa Kanya sa pamamagitan ng pag-awit ng “Forever Mine”.

(“Forever Mine,” (Mula sa Sea of Miracles music DVD/CD)

Ang Huli sa Araw Na Ito

NSL: Mga bata, ngayong araw na ito ang huli nating pagkakataong maidagdag ang inyong mga isda sa ating lambat! (Ituturo ang lambat na pader). Tiyakin ninyong matatandaan ninyo ang mga bagay na kinawilihan ninyo matutunan habang narito kayo sa Galilee upang maibahagi ninyo sa inyong pangkat sa pagtatapos ng ating programa. Sa katapusan ng araw na ito, inaasahan kong ang ating mga lambat ay mapupuno ng mga natuklasan tungkol kay Jesus.

Bible Pal (Dash) -

NSL: Dinala ko ang aking kaibigan ngayon araw na ito, (tumatango-tango sa dereksyon ng Dash) Dash ang pangalan niya. Ngayon ang donkey gaya ni Dash ay may masamang reputasyon sa pagiging matigas ang ulo, subalit si Dash ay kakaiba. Tunay na gusto nitong tumulong sa tao sa pamamagitan ng pagdadala ng mga bagahe, pagkain, tubig at maging mga taong may sapat ng gulang na kailangang maglakbay sa iba’t ibang lugar.

28

Page 29: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Kung inaakala ninyong parang mahirap ito, tunay tama kayo! At lalong mas mahirap na gawin ito nang may ngiti sa inyong mukha o dahil akala ninyo’y mahalagang tumulong sa ibang tao. Sabagay mga bata, kailangang kong sabihin sa inyo na matagal ko nang di nakita si Jesus, gayon pa man batid kung nais Niyang maging kagaya ako ni Dash naririto ngayon, tumutulong sa mga tao nang may kagalakan sa ating mga puso at may ngiti sa ating mga mukha hanggang sa Kanyang pagbabalik! Pansamantala, tinutulungan Niya tayong sundan ang Kanyang halimbawa ng pagtulong sa iba. Tayo’y tumayo at awitin ang “I Will Follow You.”

“I Will Follow You” awit #2 (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Ihagis at Hatakin

NSL: Malapit na nating mapag-aaralan ang ating huling Ihagis At Hatakin para sa linggong ito. Subalit unahin muna nating balikan ang mga napag-aralan na natin mula sa Unang araw hanggan sa ika-4 na araw. Handa na ba kayo? Ok?

Unang Araw: Ihagis at Hatakin: “Si Jesus an gating Rabbi - - - Tayo ang kanyang tagasunod!” (may aksyon).

Susing Talata: “Sumunod ka sa Akin! (May aksyon) Marcus 1:17 Ika-2 Araw: Ihagis at Hatakin: “Si Jesus ang ating manggagamot... Tayo ay malaya!”

(aksyon) Susing Talata: “Munting bata, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka!” Marcus 5:41

(aksyon) Ika-3 Araw: Ihagis at Hatakin: Si Jesus ay Anak ng Dios - - - Tayo ay matapang!

(aksyon) Susing Talata: “Huwag kang matakot” Marcus 6:50 (May aksyon). Ika-4 Araw: Ihagis at Hatakin: Si Jesus ay ang Messiah. . . . Tayo ay nailigtas! (aksyon)

Susing Talata: “Ikaw ang Messiah.” Marcus 8:29 (May aksyon).

Ngayon araw na ito ang ating Ihagis at Hatakin ay tungkol kung ano ang hinihingi ni Jesus na gawin natin para sa isa’t isa: “Si Jesus ang aking Panginoon . . . . Tayo ang Kanyang katulong!” (May aksyon). Gawin natin ang ating Ihagis at Hatakin galaw: “Si Jesus ang aking Panginoon . . . . Tayo ang Kanyang katulong!” (May aksyon).

Kahanga-hanga! Ganyan ba talaga kayo kahusay! Sa palagay ba ninyo matutulungan ninyo akong ibalik ang aking kaibigan sa pamamagitan ng inyong mga hanging para sa kanya! Ok, sa bilang na tatlo… Isa, dalawa, Tatlo! (Hipan ang microphone).

(Ang Dalaw ay mahihipan patungo sa entablado na nakataling sarangola o lobong nakatali sa kanyang baywang.)

Dalaw: Narinig ito na ang huling araw ninyo sa Galilee, totoo ba? Kaya dahil ito ang huling panahon ko para ibahagi ang talata sa linggong ito, ibabahagi ko ito mula sa aking

29

Page 30: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

memorya. Ngayon tingnan natin kung kaya ko pang maala-ala . . . Oh, tumpak! Ito’y Juan 21:15: Sinabi ni Jesus, “ Pakainin mo ang aking mga tupa.” Sinasabi ni Jesus kay Peter na pangalagaan ang kanyang mga kapatid na lalaki at babae na naniniwala na si Jesus ang Messiah, Panginoon, Anak ng Dios, Manggagamot at Rabbi. Ngayon sanayin natin ang ating susing talata. Sumunod kayo sa akin at sundan ang aking galaw.

“Sinabi ni Jesus, ‘Pakainin mo ang aking mga tupa.” Juan 21:15

(Ang aksyon para sa pakainin” Pagdikitin ang mga palad at ibukang pakuyum at iunat ang mga braso. Ulitin).

Dalaw: Isa namang iyang napakagandang talata! Ok, oras na para hipan ninyo ako palayo! Handa na! Isa, dalawa, tatlo! (Hihipan palabas ang Dalaw).

NSL: Tayo’y tumayo at awitin natin ang “God is Forgiving)

Mga bata, Hindi ninyo kailanman malalaman kung ano ang dadalhin ng hangin o kung saan niya tayo dadalhin. Makinig kayong mabuti habang ating panoorin ang huling bahagi ng kuwento sa Pinnacle Peaks. Sa palagay ko ngayong araw na ito malalaman na natin kung ano ang gusto ng guro at paano makatutulong ang mag-aaral.

PINNACLE PEAKS / SA PINAKATALUKTOK NG BUNDOK

Papasok ang guro at mag-aaral.

Guro: Halika na, bilisan mo, Hintay dinala mo ang mga patpat?

Mag-aaral: Sinabi mo sa aking kailangan kong dalhin sa tuwina!

Guro: Sinabi ko? Oh, tama ka nga! Subalit maaari mo itong iwan sa pagkakataon ito. Hindi mo ito kailangan ngayon. Tumingin ka.

Mag-aaral: Sa ano? Wala namang bagay na naririto.

Guro: Basta tumingin ka sa akin.

Mag-aaral: Sa iyo?

Guro: Sigurado! Isang araw maraming pang taong darating mula ngayon, magiging kagaya kita. Mawawala na ako at magiging gawain mo ang magsindi ng apoy sa bundok. Tingnan mo ang iyong mga kamay, ang iyong mga braso at binti. (Sumunod ang mag-aaral). Ang pangalagaan at ingatan ang iyong kalusugan at lakas ang makatutulong sa iyo sa araw na gagawin mo na ang iyong tungkulin.

Mag-aaral: Ok subalit balang araw hindi ba ang mga kamay, braso at binti ko hindi mapapagod?

30

Page 31: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Guro: Oo, tiyak iyon, Iyan ay mangyayari sa iyo gaya nang nangyari sa akin. Ang magandang balita sa araw na iyon, makakakuha ka ng katulong at tuturuan mo sila ng lahat ng bagay na itinuturo ko sa inyo ngayon.

Mag-aaral: Papaano malalaman kung sino ang aking pipiliin?

Guro: Iyan ang pinakamahirap na bahagi ng iyong trabaho. Kailangan kong humanap ng sinoman na magiging anino ko at matuto mula sa akin gaya ng tupa, na mapagtagumpayan ang bawat pagsisikap gaya ng paru-paro, maging malakas ka at walang takot gaya ng antelope, at handang maglingkod sa akin ng kanyang buong pagkatao gaya ng donkey. Ang ganyang uri ng tao ay kasing espesyal ng walang katulad na suso.

Mag-aaral: Hintay, palagay mo ba ganyan ako kaespesyal?

Guro: Alam ko ganoon ka nga! Gagawin mo ang pinakadakilang gawain kapag dumating na ang aking pagreretiro.

Mag-aaral: Kung gagawin ko ang trabaho nang buong husay, umaasa akong matutunan ko rin ang magsindi ng magandang apoy.

Guro: Iyan ang pinakamadaling bahagi. Sundan mo ako at ipapakita ko sa iyo kung paano magsindi ng apoy na makikita ng mga tao mula saan mang lugar ng lawa.

(Lalabas sila kapwa.)

NSL: Paano natin masasabi kung kailan nangangailangan ng tulong ang sinoman? (Hintayin ang tugon). Mayroon bang sinoman sa inyong buhay ang nangangailangan ng inyong tulong? (Hintayin ang mga tugon) Maaari ang inyong mga kapatid na lalaki o kapatid na babae o ang inyong mommy, o daddy. At maaaring ang tulong na kailangan nila ay iyong iligpit ang mga bagay-bagay sa inyong bahay, o kaya yong pagngiti ninyo at pagiging mabait kung masama ang kanilang pakiramdam. Gaya ni Jesus, Siya ay naririto para tulungan tayo, kailangang lagi tayong handa na tulungan ang isa’t isa. Tumayo tayo at awitin ang “You Are the Miracle.”

“You Are the Miracle, (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Gustung-gusto ko talagang umawit kasama ninyo, gayunpaman oras na para lumabas at galugarin ninyong muli ang Galilee. Kailangang sundin ninyo ang inyong lider, pakinggan kung ano ang kanyang sasabihin at tandaan ninyo kailangang ninyong maging masaya. Makikita ko kayong muli sa pagbabalik ninyo at tunay na nasasabik akong marinig lahat ang mga natutunan ninyo kung papaano kayo makatutulong sa ibang tao.

31

Page 32: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Ang Daungan (Pagtatapos Na Programa)

Paghahanda ng Lugar - Bago magpasimula ang katapusang Programa, maglagay ng dilaw na kapote at sumbrerong pang-ulan sa bangka.

Pagbati/Pagtanggap

NSL: (Hihipan ang sungay) Muli ko kayong binabati at tinatanggap sa huling araw rito sa Hilagang Baybayin. Naranasan ko ang kahanga-hangang panahon na matutunan ang tungkol kay Jesus at kung ano ang ginawa Niya sa atin. Higit sa lahat natutunan natin na si Jesus an gating Rabbi … Tayo ang kanyang tagasunod; Si Jesus ang ating manggagamot. . . Tayo ay malaya; Si Jesus ay ang Anak ng Dios… Wala tayong takot; Si Jesus ang Messiah. . . Tayo ay nailigtas; at ngayong araw na ito, nalaman nating si Jesus ang aking Panginoon… Tayo ang Kanyang katulong! Naisip ba ninyong nais ni Jesus na maging Kanyang espesyal na katulong! O gusto Niyang gamitin kayo na gumawa ng magandang bagay gaya ng pagdadala ng pagkain sa sinomang nagugutom, iparamdam na may nagmamahal sa kaninoman, o kaya magbigay ng pera sa sinoman tunay na nangangailangan nito! Maaari kayong pagpapala sa ibang tao kahit sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila!

Mag-ukol tayo ng panahon na purihin Siya. Awitin natin ang “I Will Follow”

“I Will Follow”, awit #6 (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Napakagandang pagpupuri iyan! Bigkasin natin ang ating Ihagis at Hatakin.

Si Jesus ay ang ating Panginoon . . . . Tayo ang Kanyang katulong! (aksyon).

Mahusay! At ngayon bigkasin nating ang ating Susing talata

“Sinabi ni Jesus, ‘Pakainin mo ang aking tupa.” Juan 21:15. (aksyon).

Oras Para sa Sea of Miracles Picture (Opsyunal)

NSL: Oras na para sa mga larawan mula sa Sea of Miracles. Panoorin ngayon at tingnan kung makikita ninyo ang lihim natin artista na gumawa bilang katulong ni Jesus!

Ang Huli sa Araw na Ito

NSL: Oras na para sa ating Huli sa Araw Na Ito! Magkaroon ng ilang sandali sa inyong Grupo na ibahagi ang mga leksyon na inyong nahuli sa araw na ito na may kinalaman kung papaano tayo maglilingkod sa ibang taon sang-ayon sa kagustuhan ni Jesus.

Narito ang mga tanong na inyong pag-uusapan. Ano ang natutunan ninyo ngayong araw na ito? Paaano tayo makatutulong sa ibang tao: Mga lider, simulan ninyo ibigay ang

32

Page 33: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

inyong sariling ideya. Isulat ang mga sagot ng mga bata sa isdang ichtus na nasa tote bag ninyo. Pagkatapos pumili ng bata na maglalagay ng isda sa lambat at bumalik din sa inyo.

(Magbibigay ng tatlong minuto ang NSL para sa talakayan).

Mayroon bang nagnanais na pumarito at isaysay sa atin kung ano ang kanilang nahuli ngayong araw na ito.

Ang Mahuli Ng Mangingisdang Dan

Ika-5 Araw : Kinakalinga tayo ni Jesus Para Makalinga Natin ang Ibang Tao

Object Lesson: Makapaglilingkod tayo kay Jesus sa pamamagitan ng pagkalinga sa isa’t isa. Ang malamang mahal tayong lahat ni Jesus at iniligtas tayong lahat ang dahilan kaya nais nating sundin ang Kanyang hangarin para sa atin na mahalin at kalingain ang bawat isa.

Skit Props: Lambat, Kapoteng dilaw, Sumbrerong Dilaw na Pang-ulan

(Si Mangingisdang Dan ay pupunta sa gitna, papansinin ang mga bata habang patungo sa kanyang bangka sa entablado. Wala siyang lambat o kapote sa oras na ito. Nagtatago si Whiskers sa likod ng bangka, suot ang sumbrerong dilaw ni Mangingisdang Dan. Tiyaking nakapuwesto nang maayos ang sombrero ni Whiskers sa kanyang balakayong kasuotan).

Mangingisdang Dan: (Tumatawag) Whiskers! Whiskers!

Whiskers: (Lilitaw mula sa tubig) O, hi Dan! Naghihintay ako sa iyo. Nais kong lang magpasalamat sa iyo sa lahat ng bagay na ginagawa sa akin at gusto kong malaman mo na ang buhay ay naging matahimik para sa akin dito sa lagoon

Mangingisdang Dan: Maganda, Whiskers! Gayunpaman, may kakaibang uri ng kapayapaan ang nais ko para sa iyo ngayon.

Whiskers: Anong ibig mong sabihin?

Mangingisdang Dan: May dala akong bagay na inaasahang kong magagamit, Ito’y lisensya ng pangingisda. Ito ang aking lisensya ng pangingisda. Tingnan mo, Whiskers, gusto kong magsimula kang mangisda para sa akin.

Whiskers: Ano? Hindi ko maintindihan. Papaano ako mangingisda – isda sa isda?

Mangingisdang Dan: Gusto kong iwanan mo ang mapayapang lagoon na ito at bumalik ka at tulungan mo ang isda na nasa ibang panig ng lawa gaya ng pagtulong ko sa iyo. Ipaalam mo sa kanila na ang pinakadakilang mangingisda sa lahat ay may pagmamalasakit sa kanila. Huwag kang mangamba sa ano pa mang bagay .. araw-araw naririto ako para pasayahin ka at kakausapin kita tungkol sa iyo araw-araw.

33

Page 34: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

Whiskers: (Kukunin ang lisensya mula kay Mangingisdang Dan) Tinatanggap ko ang lisensya at gagawin ko pinakamahusay kong magagawa, ang maging higit na mapagmalasakit at mapagmahal na hito!

Mangingisdang Dan: Oh! gusto ko ring kunin mo ang aking jacket. Kailangan mo ng proteksyon sa iyong pupuntahan.

Whiskers: Wow, Salamat! Nabalutan mo ako. Nararamdamang kong masyado akong espesyal!

Mangingisdang Dan: Magaling, Whiskers! At ngayon oras na …

Whiskers: Hintay, alam ko! Ihagis mo na ako pabalik, tama? Sige, ok. Dan ang pinakadakilang Mangingisda sa Sansinukob, Lulundag ako ngayon. (Lumundag pakabila) Kita tayo bukas.

Mangingisdang Dan: (Lalakad palayo sa entablado) at sa susunod na araw, at sa susunod na araw, at sa susunod pang mga araw ang susunod pa . . .

(Katapusan ng skit.)

NSL: Alam ba ninyo mga bata, napakaganda na nais ni Jesus na maglingkod tayo sa iba. Pagkatapos ng lahat si Jesus ang ating Panginoon … Tayo ang kanyang katulong! Ang salitang katulong parang hindi pang bata para sa inyo, subalit para rin ito sa inyo! Gaya ng mga may sapat nang gulang na tumutulong sa ibang tao at ibahagi kung gaano minamahal ni Jesus ang lahat sa buong kaya nila, maaari ring ninyong gawin ang mga bagay na ito. Maaari hindi ninyo ito magawa sa harapan ng pulutong ng tao sa sambahan, gayunpaman maaari kayong magmalasakit at magbahagi saanman, kailaman. Minamahal tayo ni Jesus kaya maaari ring mahalin natin ang ibang tao.

Ipakita natin sa isa’t isa na nagmamahal tayo sa pamamagitan ng pagtayo sa isang pabilog at sabihin sa ating katabi sa ating kanan “May pagmamalasakit ako sa iyo” Gawin ninyo ito kasama ng inyong lider.

Mga lider ng mga grupo sa loob ng ng inyong tote bag ay may mga mga espesyal na mga Bible Pal tokens. Ibigay ninyo ang mga token at bigkasin ang ating Ihagis at Hatakin sa bawat bata sa inyong grupo.

(Hihipan ang sungay). Manatili tayong nakatayo at awitin natin an gating theme song sa huling pagkakataon!

“Forever Mine? Awit #2 (Mula sa Sea of Miracles DVD/CD)

Mga kaibigan, ang ating oras ngayong linggong ito sa Dagat ng mga Himala ay dumating na ang pagsasara. Kami ay sobrang naligayahan na pumunta kayo rito na nag-ukol ng panahon nang buong sanglinggo kasama namin dito sa Hilagang Baybain. Umaasa kami na babalik kayo rito sa nalalapit na mga araw! Manatili sa inyong mga upuan kasama ng inyong mga

34

Page 35: clc.adventist.ph · Web viewpastol; saanman pumunta ang kanyang pastol naroroon din sya, sinusundan niya ito saan man ito magtungo. Alam ba ninyo, kung ano ang aking naala-ala tungkol

lider ng grupo hanggang sa dumating ang inyong mga magulang na susundo sa inyo. Manalangin tayo! (NSL o sinomang may pagnanais na manalangin).

Pumili ng inyong gustong musika mula sa Sea of Miracles DVD/CD habang lumalabas ang mga may bahagi.

35