Banghay Aralin Sa Hekasi V
-
Upload
ma-theresa-criste -
Category
Documents
-
view
3.068 -
download
6
description
Transcript of Banghay Aralin Sa Hekasi V
BANGHAY ARALIN SA HEKASI V
I. LayuninNatatalakay ang uri ng pamahalaang military at pamahalaang sibil.
II. A.Paksang AralinAng Pamahalaang Militar At Pamahalaang Sibil
B. Sanggunian: BEC – PELC . III.A1
Batayang Aklat sa HEKASI 5
C. Kagamitan: plascard
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan tungkol sa mga pangyayari sa hukbong military ng bansa.
2.Pagsasanay
Magpabigay ng mga kaalaman tungkol sa sumusunod na mga salita.
Polo y servicious pamahalaang sentralisado
Pamahalaang sultanato pamahalaang barangay
Kalakalang galyon
3. Balik – aral
Paano nakaaapekto ang kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga
Pilipino?
B. Panlinang na Gawain
1. Isalaysay ang katapusan ng pananakop ng mga Espanyol at ang simula
ng pananakop ng mga Amerikano.
2. Sabihin ang unang ginawa ng mga amerikano matapos mabawi sa mga
espanyol ang Maynila noong Agosto 13,1898.
3. Ilahad ang paksang aralin.
4. Ipabuo ang suliranin.
Paano ang paraan ng pamamahala sa pamahalaang military at
pamahalaang sibil?
5. Magpalikom ng mga kaalaman sa mga sanggunian.
6. Pangkatin ang mga bata sa apat sa paglikom ng datos.Ipakita ang
retrival chart na magigingpatnubay nila sa pagsasaliksik.
Pamahalaang Militar Pamahalaang Sibil
a. Paraan ng
Pamamahala
b. Petsa ng
Pagkatatag
c. Tagapamahala
d. Mga tungkulin
e. Pagbabagong
naganap
7. Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata sa kanilang paglikom ng mga
kaalaman.
8. Ipaulat ang mga nakalap na datos.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Bigyan ng gabay na tanong ang mga bata upang mabuo ang
paglalapat.
2. Paglalapat
Ipahambing ang pamahalaang military at pamahalaang sibil sa
pamamagitan ng Venn Diagram
IV. PagtatayaPunan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Ang pamahalaang military ay naitatag nong Agosto 14,1098 sa utos ng Estados Unidos
2. Ang nahirang na unang gobernador militar ng Pilipinas ay si ________________
3. Nasa kanya ang kapangyarihang tagapagpaganap 4. Ang pamahalaang sibil ay naitatag noon ay si
__________________________5. Ang kaunaunahang gobernador sibil ay si _________________________
V. Kasunduan
Anu –ano ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaang para sa unti unting paglilipat sa mga pilipino ng kapangyarihang mamahala?