Ang Soberanya sa Pilipinas
-
Upload
jenver-mojica -
Category
Government & Nonprofit
-
view
4.464 -
download
11
Transcript of Ang Soberanya sa Pilipinas
Ang Soberany
a
Ano nga ba ang
Soberanya
Ang Soberanya Tumutukoy ito sa kapangyarihang pinapairal ng
isang Estado sa kanyang nasasakupan.
Sakop nito ang mga mamamayan, ari-arian, likas-yaman, at lahat ng mga bagay na nasa loob ng
teritoryo.
Ang kapangyarihang ito ay hindi pwedeng saklawin ng ibang bansa.
May dalawang uri: Ang Soberanyang Panloob at Soberanyang Panlabas
Dalawang uri ng Soberanya
Soberanyang Panloob
Soberanyang Panlabas
Ang Soberanyang PanloobTumutukoy sa pinakamataas na
kapangyarihan sa Estado na namamahala at nagpapatupad ng mga
batas at kasulatan sa lahat ng mga mamamayang nasasakupan nito. Kabilang sa karapatang ito ang
paglinang at paggamit ng mga Likas na Yaman ng isang bansa.
Kahalagahan: Nakikita ang kalayaan at karapatan ng bansa na
malinang ang kanyang sariling yaman.
Itinataguyod nito ang pagkakaroon ng kaisahan upang sundin ang kapangyarihang umiiral sa loob ng Estado.
May namumuno sa mamamayan, ari-arian, at tanggapan sa nasasakupan nito.
Nakakapag may-ari ng mga lupain, gusaling pambayan, at tanggapan sa nasasakupan nito.
Ang Soberanyang Panlabas
Tumutukoy ito sa kapangyarihang maging malaya ng estado sa pamamalaka at gawin
ang naisin sa pamamahala nang walang pang hihimasok o pag kontrol ng ibang estado. Ito ang kapangyarihang Estado na kinikilala ng
ibang bansa.
Kahalagahan:Dito nakasalalay ang kalayaan ng isang bansa upang
mapamahalaan ang kanyang nasasakupan nang walang pakiaalm mula sa ibang mga bansa.
Dahil dito, ang mga adhikain ng pamahalaan at mga mamamayan para sa kaunlaran ng bansa ay
maitataguyod base sa kanilang pagpapasya, Sa ganitong paraan, makikita sa kanila ang mga ang pagtutulungan
upang matamo ang inaasam na kaunlaran.
Nakikipag- ugnayan sa ibang bansa.
Nakapagsasarili
Pagsasagisag
Tatlong Bituin
Tatlong malalaking pulo
ng bansa: Luzon, Visayas at Mindanao
Araw Minimithing kalayaan ng
bansa
Agila- Pananakop ng mga Amerikano na Umabot ng 40 na taon.
Leon- Pananakop ng mga Kastila na umabot ng mahigit 300 na taon.
Kapayapaan (Bughaw)
Katapangan/Digmaan(Pula)
Pagsasanay APiliin sa ibaba ang nagpapakita ng kahalagahan ng kapangyarihang
pamahalaan ang Panloob na Soberanya ng bansa.
- Nagpapatupad ng sariling batas.- Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang bansa
- Lumikha ng Sariling batas.- Sumusunod sa batas ng ibang bansa.
- Nangangasiwa sa Sariling Likas na Yaman.- Limitado ang Kapangyarihan
- Malaya ang pagpapasya.- Pagtatanggol sa Lupang Pilipinas.
Pagsasanay BLagyan ng ang pangungusap na
nagpapaliwanag sa kahalagahan ng Soberanyang Panlabas at kung Hindi.
_______1. Ang kabuhayan sa pamahalaan ng bansang may Panlabas na Soberanya ay hindi pwedeng pakiaalaman ninuman.
_______ 2. Ang Bansang may Panlabas na Soberanya ay aasa sa mga bansang makapanngyarihan.
_______ 3. Hindi maaaring utusan o diiktahan ang mga bansang banyaga ang pinuno ng bansang malaya kung paano lutasin ang mga problema/suliranin nito.
_______ 4. Ang bansa ay may kapangyarihang isakatuparan ang mga layunin nito para sa kabutihan ng mamamayan.
_______ 5. Ang Pilipinas bilang isang bansang malaya ay maaaring diktahan ang ibang bansa kaugnay sa suliranin sa Mindanao.