Ang Pilipinas, Pagkaraan Ng 100 Taon

56
ANG PILIPINAS, PAGKARAAN NG 100 TAON ‘Filipinas Dentro de Cien Años’

Transcript of Ang Pilipinas, Pagkaraan Ng 100 Taon

Page 1: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

ANG PILIPINAS, PAGKARAAN NG 100 TAON

‘Filipinas Dentro de Cien Años’

Page 2: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

“PANG-ARAL Panlipunan-Pampolitika” ang turing ni Jose Rizal sa 4 sanaysay niya sa La Solidaridad, pahayagang nilathala tuwing 2 linggo nuong kataasan ng ‘Panahon ng Kalampag’ o ‘Panawagan’ (Propaganda Movement ) ng mga Pilipino sa España.

Page 3: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

ANG BALANGKAS NG KANILANG NAKARAAN...

Page 4: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

1. ANG BALANGKAS NG KANILANG NAKARAAN...

Sa Barcelona, España, nuong ika-30 ng Septiyembre 1889.

Ugali nating harapin kahit ang pinaka-mahirap at pinaka-maselang suliranin ng Pilipinas nang walang takot sa anumang ipaparusa sa ating pangangahas, kaya tutukuyin natin ngayon itong paksa ng kinabukasan ng ating bayan.

Page 5: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Ang nakaraan ng Pilipino ay masasala sa ganitong balangkas:

Napailalim sa pamumno ng España nabago ang kanilang mga

pamahalaan, batas, ugali, pagsamba at mga paniwala, nalipol ang Pilipinas at namulubi, at natigilan, gimbal sa mga pagbabago, walang tiwala sa nakaraan, walang panalig sa kasalukuyan at walang kaaliw-aliw na pag-asa sa mga darating na araw.

Page 6: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Nuon nagsimula ang bagong buhay ng mga Pilipino. Namatay ang kanilang mga lumang gawi, ang kanilang

mga alaala; nalimot nila ang kanilang mga panulat, mga awit, mga

tula, mga batas, upang maisa-ulo ang mga ibang paniniwala na hindi nila nauunawa, ibang kabutihan, ibang kagandahan, kaiba sa dating nagpasigla sa kanilang lahi, lapat sa kanilang kalagayan at sa gamay ng pag-iisip.

Sumunod ang pagka-aba, kahabag-habag sa sariling tingin, ikinahiya ang mga sariling-kanila at mga nasa bayan, upang humanga at itanghal ang anumang dayuhan at hindi naunawaan; nakuba ang kanilang diwa at sila ay napaluhod.

Page 7: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

At ganito lumipas ang mga taon, ang daan-daang taon.

Ang mga pagtatanghal sa simbahan, ang mga maganda lamang sa tingin, ang mga awit at ilaw, ang mga estatwang dinamitan ng ginto, ang pagdasal sa balaghang wika, ang mga alamat, ang mga himala, ang mga

pangaral na nagpatulog sa diwa ng bayan na likas nang mapagpaniwala simula’t simula pa,

subalit hindi napatay ang diwa nang lubusan, kahit isang buong patakaran ang itinatag pagkatapos at walang awang ipinataw.

Page 8: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Itong pagdurusa ay nagtapos sa mga paglibak, at ang natutulog na diwa ay muling nagkabuhay.

sinuri nila nang unti-unti, at naunawaan ang kanilang pagka-api.

itinuring ng mga palalong naghahari na pagkalaban ang bawat angal, lahat ng pagtutol, at pinarusahan ng kamatayan.

Page 9: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Hindi nawala o napigilan ang diwa ng bayan sa ganitong pananakot.

ang takot at taranta ay nagpaliyab nang nagpaliyab, at bawat yugyog, bawat dagok ay parang sambulat ng ihip na bumuhay sa apoy.

Page 10: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

ANG MGA FRAYLE NUON...

Page 11: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

2. ANG MGA FRAYLE NUON...

Sa Barcelona, España, nuong ika-31 ng Oktubre 1889

Ano ang mangyayari sa Pilipinas sa luob ng 100 taon?

Magpapatuloy bang sakop ng Español?

Ngayon, ang kalagayan ba ng Pilipinas ay tulad sa 3 siglo sa nakaraan?

Page 12: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

para sa mga frayle at mga kabig nila, naiahon ang bayan mula sa ligaw na buhay, samakatuwid, umunlad na.

300 o 500 sa pinaka-malaking bilang ng mga sundalong Kastila, karamihan ay nagkalakal lamang at hiwa-hiwalay at ginugol sa walang puknat na digmaan laban sa mga Muslim sa timog, sa English at sa Dutch

Page 13: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Nanatiling tapat ang mga Pilipino nitong 3 siglo, ipinamigay ang kanilang kalayaan at pagsasarili

minsan-minsang nadadala sa papuri ng alok na pakikipag-kaibigan sa isang magiting at makapangyarihan bayan tulad ng España

Ang mga frayle nuon, nais itatag ang kanilang paghahari sa bayan, ay lumapit sa mga tao at kumampi laban sa pagmamalupit ng mga encomendero.

Page 14: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

tinuring ang mga Frayle na marangal at mas mataas ang salita nagtiwala ang mga tao sa kanila at sinunod ang kanilang mga payo at pangaral kahit nuong mga pinaka-mahirap na panahon.

ipinaglaban nila ang mga karapatan ng mga indio at ipinagsigawan ang kanilang dinaranas na pighatihanggang sa hari ng España

Page 15: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

mistulang ambassadors ng kanilang kaharian, bumuo ng maliliit na kabayanan

na nagpahinahon sa mga nasaring, nakiramay sa mga nasaktan at nakagaling kahit na pabalat-bunga lamang sa lahat ng hinanakit.

Lahat ng iyon ay naglaho na, wala nang tiwala ang bayan sa dati nilang tagapagtanggol

ngayon ay tagapag-usig at tagapag-parusa; mga balatkayo

Page 16: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

KUNG HINDI SILA MAGHIHIMAGSIK...

Page 17: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

3. KUNG HINDI SILA MAGHIHIMAGSIK...

Madrid, España, nuong ika-15 ng Disyembre 1889

Ang Pilipinas, kung magpapatuloy na sakop ng España, ay mapipilitang baguhin ang sarili, ayon sa atas ng sariling kasaysayan at ng pangangailangan ng kanyang mga mamamayan

Itong pagbabago ay magiging marahas at makakamatay kung manggagaling sa pakana ng mga taong bayan; mapayapa at mapagbuya, kung mula sa mga nakatataas sa lipunan.

Page 18: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

lahat ng pagbubuti na pabalat-bunga lamang ay hindi lamang walang silbi, kundi nakakasama pa, kapag ang Pamahalaan ay nakaharap sa mga masama na kailangang lunasan ng sukdulang gamot.

ang Pilipinas, ay nainis sa kawalan niya ng laya, itinatwa ang pamahalaan, at naghimagsik laban sa kanyang mapag-kunyaring manggagamot.

Page 19: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Ang malayang pahayagan sa Pilipinas, dahil bihira umaabot sa España ang mga angal at panawagan, at kung makarating man ay napalabo o napagtakpan na kaya walang pahayagan duon na nagkakalakas-luob na ilimbag ang mga ito; at kung ilathala man, ay huli na o hindi mainam ang paglimbag.

Kailangan ang mga malayang pahayagan ng Pamahalaang nagpapalakad sa isang malayong bayan, at lalo na dito sa España, kung nais magpalakad nang matuwid at karapat-dapat.

Page 20: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Ano ang panganib na nakikita ng Pamahalaan sa kanila? -- kung hindi sila maghihimagsik, magiging mga pusakal sila, o hihiwalay sila sa kasalukuyang pagkatao.

Mananatiling Español ang Pilipinas kung matatahak nila ang landas ng batas at kabihasnan, kung igagalang ang mga karapatan ng mga tao, at ibibigay ang iba pang mga karapatan, kung ang mapagpalayang tuntunin ng Pamahalaan ay tutuparin nang walang lansi at imbot, walang balatkayo at pandaraya.

Page 21: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

ANG MGA BAGONG TAO...

Page 22: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

4. ANG MGA BAGONG TAO...

Sa Madrid, España, nuong ika-31 ng Enero 1890.

Sa mga kasaysayan, walang nagtagal na pagsakop ng isang bayan sa ibang bayan, na iba ang lahi, ugali at kagawian, at salungat o kaiba ang paniniwala

Page 23: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Mga Moro ang ay isa sa mga bayan na pinakamatagal nakasakop ng bayan.

Sinakop nila ang España sa loob ng 700 na taon. Mula 711 hanggang 1492.

Napalayas ng mga España ang mga taga Moro at nabnuo ang bayan ng España nuong ika-15 at ika-16 sandaan taon.

Page 24: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Labag sa kalikasan ang mabuhay ang katipunan ng mga dayuhan kasama-sama ng kaibang mga tao na may katumbas na lakas at sipag.

Napatunayan ng agham na ang mga dayuhan ay nakakatulad ng mga kaibang tao, nalilipol at naglalaho, o nababalot ng nana, tumitigas at nagiging bukol.

Page 25: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Hindi maaaring mabalot at maging bukol ang sumasakop na mga dayuhan, nangangahulugang lubusang naihiwalay, lubusang napigil ang galaw, at napaghingalo ang mga sumakop.

Kaya ang pagiging bukol na ibig sabihin dito ay ang paglibing sa mga dayuhang sumasakop.

Page 26: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kung ipagpapalagay ang mga aral sa Pilipinas, kailangan nating isipin bilang tuos sa lahat ng nasabi na natin,

kung hindi masapi ang mga tao sa bayang España, kung ayaw yakapin ng mga nagpapalakad ang diwa ng kanilang mga mamamayan, kung ang mga mapag-pantay na mga batas at mga pagbubuting walang daya at mapagpa-laya, ay hindi nagpalimot sa bawat tao na kabilang sila sa magkaibang lahi, o kung kapwang mga tao ay hindi mahalo nang sapat upang maging iisang tao, na magkambal ang libunan at pamahalaan na maniwaring hindi magagambala ng magkasalungat na hangarin at magka-away na pag-iisip at kapakanan,

kung gayon, ihahayag ng Pilipinas sa mga darating na araw ang kanyang paghiwalay, hindi mababali at hindi mababawi.

Page 27: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

hindi maaaring lipulin ang bayang Pilipino.

Hinanakit at pagkamuhi sa isang panig, kawalang-tiwala at galit sa kabila, ay magbubunga sa bandang huli ng marahas na salpukan, lalo na at may mga naghahangad magkagulo nga para makinabang sila sa takbuhan, ipakita ang kanilang lakas, magpalawak ng dalamhati at sisihan, o magamit ang kanilang dahas, at iba pa.

Page 28: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Dapat asahang magwawagi ang Pamahalaan, at karaniwang (at ito ang ugali) malupit ang parusa, upang maituro ang lakas ng kapangyarihan o upang gantihan lamang ang mga natalo sa takot at panganib na sinimulan nila.

Page 29: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kani-kanyang gantihan, pagka-kanulo, kalunos-lunos na pagpa-paratang, mga hinanakit, inggit, mapagsamantalang tsismis, madaliang paglilitis sa harap ng hukbong sandatahan, ang mga pagkukunwari ukol sa dangal ng bayan at kaligtasan ng pamahalaan na balatkayo at pagpapatunay sa lahat, kahit sa mga may maselang pag-iisip na, sa malas, ay bihira at, higit sa lahat, ang kimi ng mga nasisindak, ang mga duwag na bumabayo sa mga nalupig, lahat ng ito ay dagdag sa mga kalupitan at sa dami ng nadadamay.

Page 30: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

kung mapanganib ang sobrang pagmamalupit sa bayan na binubuo ng magkakatulad na tao, 100 patong na lalong mapanganib kung ang Pamahalaan ay binubuo ng lahi na kaiba sa mga mamamayan.

sa bayang sakop ng ibang lahi, kahit na pinaka-tamang paghihigpit ay itinuturing na walang katarungan at pagmamalupit, dahil utos ng dayuhan na walang pakisama o kaaway ng bayan

Page 31: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kaya malawak na pag-iisip at maselang pagturing ang dapat tuntunin ng mga sumasakop na bayan

paaralang pinagsasanayan lamang ang turing sa bayan

sa madali o matagal na panahon, ay maghahayag ng kalayaan at magsasarili.

Page 32: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Ganito ang tarik na binabagsakan ng mga tao; kapantay sa dugo nilang ibinubuhos, at babad sa luha at sama ng luob, ang nasasakop na bayan, kung mayruon man itong buhay, ay natututong lumaban at nasasanay sa bakbakan, samantalang ang Inang Bayan, nakasalalay ang buhay sa amo at kalinga ng mga tao, ay lagi nang humihina, at kahit magsikap nang masugid, sa bandang huli, dahil mas maunti, at hindi naman tunay duon ang kanyang buhay, kaya nasasawi siya.

Page 33: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Ang mga kagimbal-gimbal na matutunan at matigas na maituturo sa mga Pilipino ng mga labanang ito ay magsisilbing pagbuti at pampalakas ng kanilang mabuting kaluoban.

Hindi rin masasabi na tutulad tayo sa sinapit ng mga munting republica sa America. Nakamit nila nang madali ang kanilang kalayaan, at ang mga tagaruon ay pinasisigla ng damdaming kaiba sa diwa ng mga Pilipino.

Page 34: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

ang panganib ng mapasa-kamay uli ng iba ay magsusulsol sa mga Pilipino na mag-ingat at magpakatino.

tulad sa hilig ng mga bayang nalupig, kapag naka-kawala sa tali ay pinipili ang pinaka-malayang uri ng Pamahalaan

ang Kapuluan ay malamang maghayag para sa mga sarili ng buklod-buklod na republica...

Page 35: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kung makamit ng Pilipinas ang kalayaan matapos ng magiting at matigas na labanan, matitiyak nilang hindi magtatangka ang Britain o Germany, kahit ang France at lalong hindi ang Netherlands na kunin ang hindi kayang hawakan ng España.

Page 36: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Baka ang malaking republica ng America, na may mga kapakanan sa dagat Pacific at hindi kasali sa sunggaban sa Africa, ay mangarap isang araw na sumakop sa ibang bayan.

Page 37: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Sa pagtubo ng mga bagong tao sa sariling lupa, dala-dala ang alaala ng kanilang lumipas, sila nawa ay magsisigasig pumasok sa malawak na landas ng kaunlaran, at lahat ay sama-samang magsisikap palakasin ang bayan nang kasing gilas ng isang kabataang sumasaka muli ng lupain ng kanyang mga ninuno, lupang natiwangwang nang napakatagal sa kapabayaan ng mga nagdamot ng lupa sa kanya.

Page 38: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

mababawi ng bayan ang mga kabutihang unti-unting naglalaho, at muling mahihirati ang mga tao sa payapa - masigla, masaya, mapag-aruga at magiting.

Ang mga ito at marami pang iba ay maaaring maganap sa luob ng 100 taon humigit-kumulang.

Page 39: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

ANG MGA BAGONG TAO...

Page 40: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

4. ANG MGA BAGONG TAO...

Sa Madrid, España, nuong ika-31 ng Enero 1890.

Sa mga kasaysayan, walang nagtagal na pagsakop ng isang bayan sa ibang bayan, na iba ang lahi, ugali at kagawian, at salungat o kaiba ang paniniwala

Page 41: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Mga Moro ang ay isa sa mga bayan na pinakamatagal nakasakop ng bayan.

Sinakop nila ang España sa loob ng 700 na taon. Mula 711 hanggang 1492.

Napalayas ng mga España ang mga taga Moro at nabuo ang bayan ng España nuong ika-15 at ika-16 sandaan taon.

Page 42: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Labag sa kalikasan ang mabuhay ang katipunan ng mga dayuhan kasama-sama ng kaibang mga tao na may katumbas na lakas at sipag.

Napatunayan ng agham na ang mga dayuhan ay nakakatulad ng mga kaibang tao, nalilipol at naglalaho, o nababalot ng nana, tumitigas at nagiging bukol.

Page 43: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Hindi maaaring mabalot at maging bukol ang sumasakop na mga dayuhan, nangangahulugang lubusang naihiwalay, lubusang napigil ang galaw, at napaghingalo ang mga sumakop.

Kaya ang pagiging bukol na ibig sabihin dito ay ang paglibing sa mga dayuhang sumasakop.

Page 44: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kung ipagpapalagay ang mga aral sa Pilipinas, kailangan nating isipin bilang tuos sa lahat ng nasabi na natin,

kung hindi masapi ang mga tao sa bayang España, kung ayaw yakapin ng mga nagpapalakad ang diwa ng kanilang mga mamamayan, kung ang mga mapag-pantay na mga batas at mga pagbubuting walang daya at mapagpa-laya, ay hindi nagpalimot sa bawat tao na kabilang sila sa magkaibang lahi, o kung kapwang mga tao ay hindi mahalo nang sapat upang maging iisang tao, na magkambal ang libunan at pamahalaan na maniwaring hindi magagambala ng magkasalungat na hangarin at magka-away na pag-iisip at kapakanan,

kung gayon, ihahayag ng Pilipinas sa mga darating na araw ang kanyang paghiwalay, hindi mababali at hindi mababawi.

Page 45: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

hindi maaaring lipulin ang bayang Pilipino.

Hinanakit at pagkamuhi sa isang panig, kawalang-tiwala at galit sa kabila, ay magbubunga sa bandang huli ng marahas na salpukan, lalo na at may mga naghahangad magkagulo nga para makinabang sila sa takbuhan, ipakita ang kanilang lakas, magpalawak ng dalamhati at sisihan, o magamit ang kanilang dahas, at iba pa.

Page 46: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Dapat asahang magwawagi ang Pamahalaan, at karaniwang (at ito ang ugali) malupit ang parusa, upang maituro ang lakas ng kapangyarihan o upang gantihan lamang ang mga natalo sa takot at panganib na sinimulan nila.

Page 47: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kani-kanyang gantihan, pagka-kanulo, kalunos-lunos na pagpa-paratang, mga hinanakit, inggit, mapagsamantalang tsismis, madaliang paglilitis sa harap ng hukbong sandatahan, ang mga pagkukunwari ukol sa dangal ng bayan at kaligtasan ng pamahalaan na balatkayo at pagpapatunay sa lahat, kahit sa mga may maselang pag-iisip na, sa malas, ay bihira at, higit sa lahat, ang kimi ng mga nasisindak, ang mga duwag na bumabayo sa mga nalupig, lahat ng ito ay dagdag sa mga kalupitan at sa dami ng nadadamay.

Page 48: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

kung mapanganib ang sobrang pagmamalupit sa bayan na binubuo ng magkakatulad na tao, 100 patong na lalong mapanganib kung ang Pamahalaan ay binubuo ng lahi na kaiba sa mga mamamayan.

sa bayang sakop ng ibang lahi, kahit na pinaka-tamang paghihigpit ay itinuturing na walang katarungan at pagmamalupit, dahil utos ng dayuhan na walang pakisama o kaaway ng bayan

Page 49: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kaya malawak na pag-iisip at maselang pagturing ang dapat tuntunin ng mga sumasakop na bayan

paaralang pinagsasanayan lamang ang turing sa bayan

sa madali o matagal na panahon, ay maghahayag ng kalayaan at magsasarili.

Page 50: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Ganito ang tarik na binabagsakan ng mga tao; kapantay sa dugo nilang ibinubuhos, at babad sa luha at sama ng luob, ang nasasakop na bayan, kung mayruon man itong buhay, ay natututong lumaban at nasasanay sa bakbakan, samantalang ang Inang Bayan, nakasalalay ang buhay sa amo at kalinga ng mga tao, ay lagi nang humihina, at kahit magsikap nang masugid, sa bandang huli, dahil mas maunti, at hindi naman tunay duon ang kanyang buhay, kaya nasasawi siya.

Page 51: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Ang mga kagimbal-gimbal na matutunan at matigas na maituturo sa mga Pilipino ng mga labanang ito ay magsisilbing pagbuti at pampalakas ng kanilang mabuting kaluoban.

Hindi rin masasabi na tutulad tayo sa sinapit ng mga munting republica sa America. Nakamit nila nang madali ang kanilang kalayaan, at ang mga tagaruon ay pinasisigla ng damdaming kaiba sa diwa ng mga Pilipino.

Page 52: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

ang panganib ng mapasa-kamay uli ng iba ay magsusulsol sa mga Pilipino na mag-ingat at magpakatino.

tulad sa hilig ng mga bayang nalupig, kapag naka-kawala sa tali ay pinipili ang pinaka-malayang uri ng Pamahalaan

ang Kapuluan ay malamang maghayag para sa mga sarili ng buklod-buklod na republica...

Page 53: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Kung makamit ng Pilipinas ang kalayaan matapos ng magiting at matigas na labanan, matitiyak nilang hindi magtatangka ang Britain o Germany, kahit ang France at lalong hindi ang Netherlands na kunin ang hindi kayang hawakan ng España.

Page 54: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Baka ang malaking republica ng America, na may mga kapakanan sa dagat Pacific at hindi kasali sa sunggaban sa Africa, ay mangarap isang araw na sumakop sa ibang bayan.

Page 55: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon

Sa pagtubo ng mga bagong tao sa sariling lupa, dala-dala ang alaala ng kanilang lumipas, sila nawa ay magsisigasig pumasok sa malawak na landas ng kaunlaran, at lahat ay sama-samang magsisikap palakasin ang bayan nang kasing gilas ng isang kabataang sumasaka muli ng lupain ng kanyang mga ninuno, lupang natiwangwang nang napakatagal sa kapabayaan ng mga nagdamot ng lupa sa kanya.

Page 56: Ang  Pilipinas,  Pagkaraan  Ng  100  Taon