Ang Sinag Panitik

12
BAGONG GUSALI, HANDA NA SMES, San Marcelino, Zambales - Handa nang gamitin ng mga mag-aaral ng San Marcelino Elementary School (SMES) ang bagong dalawang palapag na gusali na natapos noong Oktubre 24. paggawa. Sa masigasig na pamumuno ni Gng. Nieves I. Peralta, punongguro, ay nagpadala siya ng sulat sa Amang Panlalawigan na si Gobernador Hermogenes Ebdane na ipagpa- tuloy ito. Kaagad itong inaksyunan ng mabuting Gobernador. Nga- yon, ang bagong gusali na may sampung silid-aralan, mga upuan, lamesa at sariling palikuran bawat silid ay maari nang gamitin. Achievers’, pinarangalan ng LGU Ang mga mag-aaral sa ikaapat at ikalimang baitang ang nabigyan ng karapatang gumamit ng gusali. Sa ngayon ay inaantay na lamang ang ‘turn-over’ at pagbabasbas ng bagong gusali. Tinanggap ng mga piling mag- aaral at guro ng SMES ang ‘Award of Excellence’ na iginawad ng LGU (Local Government Unit) ng San Marcelino noong ika-26 ng Nobyembre. Sa pamamagitan ng Municipal Ordinance No. 2012-105 na ipinasa ni SBM Alex Mauricio sa Sangguniang Bayan ng San Marcelino ay ginawaran ng parangal ang mga nagkamit ng unang pwesto sa panlalawigang patimpalak sa iba’t ibang asignatura. ScienceQuiz-Kyhart Fababier; Investigatory Project ni: Rutheza Felarca ni: Ann Jahazielle Suyod Aaliyah Ashvins Mauricio; Math Quiz-Randolf Joseph Alvarez; Copy Reading/Headline Writing-Darla Martina Labio; Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita - Whimberly Sales. Layunin ng parangal na ito na hamunin ang mga mag-aaral ng Bayan ng San Marcelino na lalo pang paigtingin ang kanilang pag-aaral at paghusayan pa sa mga darating na patimpalak upang mapatunayan sa buong Lalawigan ng Zambales na ang Marcelinians ay hindi magpapahuli at susuko sa ano mang hamon ng mga sumusunod pang patimpalak. Ang mga gurong tagasanay ay sina Gng. Ester Yap, Gng. Romiela Reg, Bb. Virginia Paula Fulgueras, Gng. Michelle Anne Beltran, at Bb. Dresden Klette A. Yauder sa pamamatnugot ni Gng. Nieves I. Peralta. Ang ‘Award of Excellence’ ay nagpapatunay lamang na de-kalidad na edukasyon ang natatamo ng mga mag-aaral ng SMES. Ang nasabing gusali ay inumpisahang ipagawa ng dating Gobernador Amor Deloso noong Setyembre 2008. Dahil sa pagpapalit ng administrasyon ay nahinto ang Badyet sa Edukasyon, dinagdagan sa 2013 “Ang guro ang siyang pinakamahalagang haligi ng edukasyon,” ang sambit ni Senator Allan Peter Cayetano sa kanyang ‘rebuttal speech’ sa kongreso sa pagpasa ng National Budget. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay binigyan ng karagdagang Php. 32.8 billion mula sa Php. 2 trillion na badyet na gagamitin ng kagawaran. Subali’t walang nakasaad dito patungkol sa pagtaas sa suweldo ng mga guro na siyang labis na ikinalungkot ng senador. Maliban sa matagal nang hinaing na kakulangan sa suweldo, ay ang kakulangan din ng benepisyong natatamo ng mga guro, kagaya ng libreng ‘medical examination’ at pagpapagamot na nakasaad sa Republic Act 4640 o Magna (sundan sa pahina 3) ni: Karylle Rose Jardin LGU AWARD OF EXCELLENCE. Masayang iginawad nina SBM Alex Mauricio at Vice-Mayor Irene Canlas ang mga sertipiko at medalya sa mga natatanging guro at mag-aaral ng SMES.

description

Rank 10 - Pinakamahusay na Pahayagang PampaaralanRank 9 - Pinakamahusay sa Pahinang LathalainRank 10 - Pinakamahusay sa Pahinang Agham at Teknolohiya

Transcript of Ang Sinag Panitik

Page 1: Ang Sinag Panitik

BAGONG GUSALI, HANDA NA SMES, San Marcelino, Zambales - Handa nang gamitin ng mga mag-aaral ng San Marcelino Elementary School (SMES) ang bagong dalawang palapag na gusali na natapos noong Oktubre 24.

paggawa. Sa masigasig na pamumuno ni Gng. Nieves I. Peralta, punongguro, ay nagpadala siya ng sulat sa Amang Panlalawigan na si Gobernador Hermogenes Ebdane na ipagpa-

tuloy ito. Kaagad itong inaksyunan ng mabuting Gobernador. Nga-yon, ang bagong gusali na may sampung silid-aralan, mga upuan, lamesa at sariling palikuran bawat silid ay maari nang gamitin.

‘Achievers’, pinarangalan ng LGU

Ang mga mag-aaral sa ikaapat at ikalimang baitang ang nabigyan ng karapatang gumamit ng gusali.

Sa ngayon ay inaantay na lamang ang ‘turn-over’ at pagbabasbas ng bagong gusali.

Tinanggap ng mga piling mag-aaral at guro ng SMES ang ‘Award of Excellence’ na iginawad ng LGU (Local Government Unit) ng San Marcelino noong ika-26 ng Nobyembre. Sa pamamagitan ng Municipal Ordinance No. 2012-105 na ipinasa ni SBM Alex Mauricio sa Sangguniang Bayan ng San Marcelino ay ginawaran ng parangal ang mga nagkamit ng unang pwesto sa panlalawigang patimpalak sa iba’t ibang asignatura. ScienceQuiz-Kyhart Fababier; Investigatory Project

ni: Rutheza Felarca

ni: Ann Jahazielle Suyod

Aaliyah Ashvins Mauricio; Math Quiz-Randolf Joseph Alvarez; Copy Reading/Headline Writing-Darla Martina Labio; Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita - Whimberly Sales.

Layunin ng parangal na ito na hamunin ang mga mag-aaral ng Bayan ng San Marcelino na

lalo pang paigtingin ang kanilang pag-aaral at paghusayan pa sa mga darating na patimpalak upang mapatunayan sa buong Lalawigan ng Zambales na ang Marcelinians ay hindi magpapahuli at susuko sa ano mang hamon ng mga sumusunod pang patimpalak.

Ang mga gurong tagasanay ay sina Gng. Ester Yap, Gng. Romiela Reg, Bb. Virginia Paula

Fulgueras, Gng. Michelle Anne Beltran, at Bb. Dresden Klette A. Yauder sa pamamatnugot ni Gng. Nieves I. Peralta.

Ang ‘Award of Excellence’ ay nagpapatunay lamang na de-kalidad na edukasyon ang natatamo ng mga mag-aaral ng SMES.

Ang nasabing gusali ay inumpisahang ipagawa ng dating Gobernador Amor Deloso noong Setyembre 2008. Dahil sa pagpapalit ng administrasyon ay nahinto ang

Badyet sa Edukasyon, dinagdagan sa 2013

“Ang guro ang siyang pinakamahalagang haligi ng edukasyon,” ang sambit ni Senator Allan Peter Cayetano sa kanyang ‘rebuttal speech’ sa kongreso sa pagpasa ng National Budget.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay binigyan ng karagdagang Php. 32.8 billion mula sa Php. 2 trillion na badyet na gagamitin ng kagawaran. Subali’t walang nakasaad dito patungkol sa pagtaas sa suweldo ng mga guro na siyang labis na ikinalungkot ng senador.

Maliban sa matagal nang hinaing na kakulangan sa suweldo, ay ang kakulangan din ng benepisyong natatamo ng mga guro, kagaya ng libreng ‘medical examination’ at pagpapagamot na nakasaad sa Republic Act 4640 o Magna

(sundan sa pahina 3)

ni: Karylle Rose Jardin

LGU AWARD OF EXCELLENCE. Masayang iginawad nina SBM Alex Mauricio at Vice-Mayor Irene Canlas ang mga sertipiko at medalya sa mga natatanging guro at mag-aaral ng SMES.

Page 2: Ang Sinag Panitik

SMES, bumandera sa Division SCI-Fair

Bumandera ang koponan ng SMES sa nakaraang Division Science Fair na ginanap sa Mababang Paaralan ng Subic noong ika-2 ng Oktubre.

Ang Division Science Fair ay dinaluhan ng iba’t ibang distrito ng Zambales. Nagkaroon ng paligsahan sa iba’t ibang kategorya na kung saan nagtunggali ang bawat mag-aaral at guro na may angking talino sa Agham.

Hindi nagpahuli ang mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng San Marcelino na sina Kynier Fababier - Ikatlong Baitang na nanalo ng ikalawang puwesto; Gabriel Kenneth Andres - Ikaapat na

Baitang, ikaapat na puwesto; Rutheza Felarca - Ikalimang Baitang, unang pwesto; Kyhart Fababier - Ikaanim na Baitang, unang pwesto; Aaliyah Asvinhs Mauricio - Ikalimang Baitang, unang pwesto; Neil Patrick Polante at Chelsea Reyes - Ikaanim na Baitang, ikaapat na pwesto. Ang mga gurong tagasanay ay sina Rosalinda Cuison, Anolina Apostol, Virginia Paula Fulgueras, Romiela Reg, Ester Yap, at Marmila Fruto .

Ang mga nanalo ng unang puwesto ay kumatawan sa Regional Science Fair na ginanap noong ika-26 ng Oktubre.

Garma, bagong SDS “My vision as an education leader is to see all sectors

working hand in hand with the Department of Education and making public education as accessible as possible.” Ito ang mga katagang binitiwan ng bagong Schools Division Superintendent ng Zambales sa panuruang taon 2012-2013 na si Sir Malcom S. Garma.

Bago narating ni G. Garma ang kanyang kinalalagyan ngayon ay nag-umpisa siya bilang respetadong classroom instructor’at pinuno sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos niya ng Master’s Degree in Urban and Regional Planning at Business Administration sa Ateneo Graduate School of Business.

Ang kanyang malawak na kaalaman sa pangangasiwa ang kanyang naging

puhunan sa pamumuno sa Kagawaran ng Edukasyon.

Isa pa sa mga layunin ni Sir Garma ay mapalakas ang School Based Management System sa mga pampublikong paaralan upang matulungan ang mga punongguro na mapalawak ang kanilang managerial skills na magreresulta sa mataas na produksyon

sa Kagawaran ng Edukasyon.

SPED G/T, dumalo sa National Conference Teachers’ Camp Baguio City-Siyam na guro ng SPED G/T at punongguro ang dumalo sa SPED National Conference na ginanap noong Oktubre 26-28.

ni: Hans Christer Arcilla

ni: Gabriel Kenneth Andres

ni: Gabriel Kenneth Andres

ni: Karl Roi Gongora

MGA SIYENTIPIKO NG BAGONG MILENYO. Buong kagalakang ipinagbunyi ng mga kalahok ang kanilang matamis na tagumpay.

EARLY INTERVENTION FOR CHILDREN WITH SPECIAL NEEDS. Mga gurong lumahok sa SPED National Conference sa Baguio City.

SMES, tumanggap ng BFP

Ang pondo ay nagkakahalaga ng 44K na ibibigay sa Enero. Layunin ng Breakfast Feeding Program na pakainin ang mga batang nasa kalagayang severely wasted sa mga paaralan.

Sa SMES ay may 23 batang mula sa Una hanggang Ikaanim na Baitang na pakakainin ng almusal sa loob ng 120 na araw. Ang mga pagkaing ihahanda ay ayon sa resipe na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon.

Iba,Zambales - Ang SMES ay isa sa mga paaralan sa lalawigan ng Zambales na tumanggap ng Breakfast Feeding Program ng ipinagkaloob ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III noong Nobyembre 29.

Ang paghahanda ay pamamahalaan ng Nutrition at H.E. Teacher na si Gng. Gina P. Jardin kasama ang mga piling mga magulang na gagabayan ng punongguro na si Gng. Nieves I. Peralta.

Naniniwala ang ahensya ng edukasyon na sa pamamagitan ng Supplementary Feeding Program ay ganap na malulutas ng pamahalaan ang problema sa malnutrisyon na isa ng pangunahing dahilan ng hindi pagtamo ng mga mag-aaral ng tamang edukasyon.

Alinsunod sa DepEd Memo 121 s. 2012, ang lahat ng SPED Teachers ay dadalo sa pagpupulong upang mahasa ang kaalaman ng mga SPED Teachers sa pagtuturo ng mga batang espesyal. Ang paksa ay “Inclusive Education at Early Intervention for the Children with Special Needs” (CSNs). Ibinahagi dito na ang mga CSNs nasa kategoryang G/T, ID at HI ay maaring mailagay sa regular

class.Ang mga dumalo ay

sina Criselda Corpuz, Alma Beltran, Rosela Polante, Anolina Apostol, Virginia Paula Fulgueras, Victoria Estrada, Joy Dado, Aida Esmile, at Anabelle Alitin sa pamamatnubay ni Gng. Nieves Peralta, ang punongguro.

Umuwing dala-dala ng mga guro ang pag-asa na ang “Inclusive Education Program” ay maisakatuparan sa SMES.

Page 3: Ang Sinag Panitik

Cayundong sa CLRAA’ 13

Ginanap ang laro upang matukoy kung sino sa kanilang dalawa ang magiging isa sa kinatawan ng table tennis singles sa darating na Central Luzon Regional Athletics Association (CLRAA) Meet na gaganapin sa Tarlac City sa susunod na taon.

“Mas masaya sana kung dalawa kaming nakapasok sa CLRAA, kaya lang dapat kaming sumunod sa mga hurado kaya

ginalingan ko na lamang,” ani Cayundong matapos ang kanilang

laro. Masaya naman ang kanilang coach na si Bb. Gigi Fulgueras sa ipinakitang determinasyon ng dalawang atleta. Sasabak ngayong Disyembre sa matinding training sa Iba ang mga nanalong atleta mula sa iba’t ibang panig ng sangay ng

Zambales.

ni: Kamyl D. Fruto

Isang matalinong pagpapasya ang ginawa ng pamunu-an ng ating paaralan na kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day(WTD) ay muling sinariwa ang mga laro ng lahi na malapit nang maibaon sa limot ng mga kabataan ngayon.

Malaki ang naging epekto ng modernisasyon at impluwensya ng ibang bansa sa pagbabago ng ating mga nakagisnang tradisyon. Unti-unti , sapag-akap natin sa mga pagbabagong ito ay nakalimutan na natin ang mga larong kinamulatan na ng ating mga ninuno gayundin ng ating mga magulang.

Sa paglalaro ng ating mga guro, buong pagma-malaki nilang ipinakita sa atin ang pagsasagawa ng mga laro ng lahi. Sinong mag-aakala na si titser, bunton man ang gawa sa loob ng klase ay kaya pa ring isagawa ang mga larong tulad ng piko, patintero, sipa at sungka?

Isantabi muna natin ang paglalaro ng PSP, celfon, Ipod o tablet.Lumabas muna tayo at mag-unat ng katawan at isagawa ang mga laro ng lahi.

Dahil dito’y makatwiran lamang na sabihin na natapos man ang pagdiriwang ng World Teachers’ Day(WTD), ang laro ng lahi ay maisasapuso na ng ating mga kabataan at di na muli pang malilimutan.

WTD: sagot sa mga larong limot

Iba, Zambales- Masayang iniuwi ni Jozelle A. Cayundong ang medalya matapos pataubin ang kalaban na si Erica Maezel Erese, sa isang elimination game ng table tennis sa Provincial Palaro na ginanap sa Iba Sports Complex noong Ika- 26 ng Oktubre.

“Ready, set, go!”. Ito ay hindi isang signal ng laban ng takbuhan. Isa lamang ito sa mga Science activities ni Titser Ester .

Mabilis naman siyang kumaripas ng takbo na tila kasintulin ng idol kong si Lydia De Vega. Hiyawan naman ang kanyang mga kaklase.

‘Di ko lubos maisip kung bakit ‘di ito ang sinalihan ni kuya. Dahil kaya sa kanyang taas? O takot lang siyang maungusan ng iba?

Mahilig maglaro ang aking kuya, player nga siya nang table tennis sa aming iskul pero talaga atang ‘di siya kinakapitan ng suwerte pagdating sa paglalaro.Pero tuloy pa rin siya sa pagpupursige.

Kung tulin ng pag-iisip ang pag-uusapan, maaasahan si kuya. Kung pagiging top

sa klase, si kuya ‘di rin pahuhuli. ”Small but terrible” ika nga ng nakararami. Talagang ang isports ‘di sa kanya maiaalis, hilig niya sa panonood sa kanya’y nagdala ng karangalan. Number 1 nga siya sa nakaraang District Presscon sa pagsulat niya ng Isports at pasok pa rin sa pansangay na labanan. Si kuya maliit man sa paningin ng iba, mataas naman ang pagtingin ko sa kanya.Siya ang aking inspirasyon kaya’t yapak niya’y nais kong matunton. Iyan si Kuya Neil Patrick, Bagamat maliit, punong-puno ng sigla, pagmamahal at talas ng isip.

ISPORTS LathalainMaliit Man Sa Paningin

ni: Rosela Polante

ISPORTS

Ang mga Pilipino ay tunay na palaban. Kumpleto man sila o may kapansanan. Anumang mangyari, kulangin man sa bahagi tuloy pa rin sa paglaban. Sa kasabihang “Kung kaya mo, kaya ko rin” ang kanilang sandigan.

Andy Avellana - putol ang kaliwang paa ngunit player siya ng high jump.

Isidro Vildosa - long distance run-ner kahit wala ang-kaliwang kamay.

Roger Tapia

- Sprinter na mai-tuturing kahit kali-wang kamay ay pu-tol din.

Marites Burce - Javelin throw kan-yang napili kahit sa wheelchair siya na-katali.

ni: Hans Christer ArcillaNarito ang mga atletang

binigyang pugay ng ating bansa dahil sa dala nilang parangal sa mga nagdaang “Paralympics”:

Adeline Dumapong - siya ay lumpo subalit bronze medalist sa powerlifting.

Isang Pagpupugay sa mga Atletang May Kapansanan

Page 4: Ang Sinag Panitik

Lahat ng paaralaan ay may iisang layunin, ang makapagbigay ng isang de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Subali’t saan nasusukat ang de-kalidad na edukasyon? Sa pisikal na anyo ba ng paaralan?

Sa mga guro bang nagtuturo? Sa pamunuan ba? O sa makabagong teknolohiya at istratihiya sa proseso ng pagtuturo at pag-aaral?

Ang Kagawaran ng Edukasyon ang siyang unang nakaisip ng paraan kung papaano makasasabay sa bagong hamon ng makabagong uri ng komunikasyon. Ang tinutukoy dito ay ang nagsusulputang mga ‘high-tech’ na gadyet na kasalukuyang ginagamit. Ang nais ng mga mag-aaral ngayon ay puro pangmadalian. Nandiyan sa isang ‘swype’ ng cellphone at ipad at nakakapaglog-in ka na sa mga iba’t ibang ‘social-media’. Isang pindot sa laptop, nasagot na ang mga takdang-aralin sa mga asignaturng kinakailangan ng pagsasaliksik gamit ng ‘google’. Maari ka pang makipag-chat sa kaklase kung ikaw ay lumiban sa klase at hindi mo alam ang pinag-aralan at takdang- aralin. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa lamang sa pagbabagong nangyayari sa kapaligiran gamit ang makabagong uri ng komunikasyon.

Kung pagbabago sa larangan ng komunikasyon, ang SMES ay hindi pahuhuli. Sa ngayon, ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Ikaanim na baitang kasama ang SPED ID/HI ay gumagamit na ng E-Learning Classroom na kung saan ang guro ay nagtuturo sa pamamagitan ng malaking ‘inter-active board’ na nagiging mas makabuluhan at mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin.Sa pagsagot naman ng katanungan ng guro ay may kanya-kanyang kompyuter ang mga mag-aaral na doon inilalagay ang kanilang mga kasagutan - presto! Hindi na gumagamit ng papel at lapis.

Isa pang ipinagmamalaki ng SMES ay ang pagkakaroon ng K-channel na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng isang NGO. Sa tulong ng Knowledge Channel ay mas nagaganyakan ang mga mag-aaral na alalahanin ang kanilang aralin na hindi na ginagamit ang kanilang aklat.

Nagiging makatutuhanan ang kanilang pag-aaral sapagkat napapanood nila mismo kung ano ang ibig sabihin ng kanilang pinag-aaralan lalo na sa asignaturang Matematika, Ingles, Hekasi , Agham at Wastong Pag-uugali.

Sa tugon din ng pamunuan ng SMES sa makabagong komunikasyon, hindi lamang ang mga mag-aaral ang tumugon sa panawagan ng Ama ng Edukasyon - pati mga guro. Sa katunayan ang mga guro ay sumailalim din ng mga pagsasanay kung paano gamitin ang E-Classroom, at K-channel. Higit sa lahat ang mga guro ay gumawa ng sarili nilang e-mail address u p a n g madaling makipag-ugnayan sa Kagawaran, at mabasa at malaman kung ano ang mga pangyayari sa Ahensya ng Edukasyon.

S a ngayon ang mga mag-aaral ng SMES ay may kanya-kanyang Learners’ Reference Number (LRN) upang ang bawat mag-aaral ay magkaroon ng sariling

pagkakakilanlan na kanyang dala-dala saan mang paaralan siya mag-a r a l . Napakagandang malaman na mismong ang pamunuan ng SMES sa

pangunguna ng punonggurong si Gng. Nieves I. Peralta ay kumikilos upang ang komunikasyon sa SMES ay mapabilis at makasabay sa mga

‘high-tech’ na gadyet. Nagpalagay siya ng wi-fi sa kanyang opisina upang ang kanyang mga reports ay maipadala kaagad sa pamamagitan ng e-mail.

Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya sa paaralan, epektibo ngang estratehiya ito upang mas marami pang mag-aaral ang ganahang mag-aral at mas madadagdagan pa ang mga achievers ng paaralan.

Mabuhay ang pamunuan at mag-aaral ng SMES!

SMES sa makabagong teknolohiya...

EPEKTIBONG ESTRATEHIYAni: Nezer Mar Monzales

Page 5: Ang Sinag Panitik

2.57%, itinaas ng ‘enrolment’ Ang enrolment sa SMES sa Panuru-ang Taon 2012-2013 ay tumaas ng 2.57 bahagdan.

Noong Panuruang Taon 2011-2012 ay nagtala ng bilang ng mag-aaral ng 431 na babae at 461 na lalaki na may kabuuang bilang na 892 na magmula sa Pre-Elementarya hanggang Ikaanim na Baitang kasama ang SPED Intellectually Disabled at Hearing Imparaied (SPED ID/HI). Samantalang sa Panuaruan Taon 2012-2013 ay may 459 na babae at 456 na lalaki na nag-

bigay ng 915 na mag-aaral. Ang dahilan ng pagtaas

ng enrolmentay ang paglipat ng mga mag-aaral galing sa pribadong paaralan at paglipat ng tirahan.

Higit sa lahat ang pagsusumikap ng punongguro kasama ng mga guro na mapaghusay ang edukasyong makakamtan ng mag-aaral .

Population Week, isinagawa sa SMESni: Whimberly Sales

Isang patimpalak ang isinagawa ng Municipal Population Development (MPD) sa SMES noong ika-5 ng Disyembre.

Sa pangunguna ni G. Norman V. Montevirgen, ang Provincial Population Officer II (PPO II) ay naipagdiwang ang 2012 Municipal Population Development Week (MPD) sa SMES. Ang tema ng Pop Week ay “Population Health Encouragement and Local Governance”. Ayon kay Montevirgen, “Ang mga kabataan ay masyadong mapagtuklas at kailangan hubugin sa pisikal, moralidad, at ispirituwal na aspeto ng buhay.”

Ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng MPD ay ang pagbibigay ng tamang karunungan sa mga kabataan na maging mapagmasid sa madaling paglobo ng populasyon.

Polante, naiangat sa pwesto ni : Rutheza Felarca

Dahil sa masipag at masigasig si Gng. Rosela C. Polante ay naiangat ang kanyang pwesto mula Guro III-MT1.

Si Gng. Polante ay guro sa Ikatlong Baitang ng SPED Gifted/Talented (G/T) at sumali sa Division Ranking for Master Teachers na ginanap noong Setyembre.

Sa tagal na rin niya sa serbisyo, si Polante ay bihasa na sa pagtuturo lalo na sa asignaturang Matematika.

Naging masusi ang pagpili ng mga Division Supervisor na pinangunahan nina G. Gregorio Yap at G. Patricio E. Labasan. Ang mga kalahok ay nanggaling sa iba’t ibang purok ng Zambales. Hindi naman nagpahuli si Polante at nasungkit niya ang ikalabing-isang pwesto.

Araw ng mga Guro,ipinagdiwang

ni: Karylle Rose Jardin Tuwing ika-5 ng Oktubre ay ipinagdiriwang ng buong sambayanan ang isang pinakamahalagang okasyon sa kasaysayan ng bansa, ang Araw ng mga Guro.

Alinsunod sa Deped Memo no. 378 s. 2012, ay dapat gunitain ang Araw ng mga Guro.

Sa ganap na ika-7:30 ng umaga ay nagkaroon sa SMES ng isang parada na nilahukan ng mga guro, mag-aaral, at magulang. Lumibot ito sa kalapit barangay ng paaralan at pagkatapos ay nagkaroon ng maikling palatuntunan na inihandog sa mga guro ng Supreme Pupil Government (SPGO) at Parents Teachers Association (PTA) na pinamumunuan ni Kyhart Fababier at G. Ramil Paje. Naghandog din ng mga natatanging bilang ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Ikaanim na baitang kasama rin ang mga mag-aaral sa SPED-ID/HI na nagbigay ng ‘Doxology’. Naghanda rin ang PTA ng mga pagkaing pinagsaluhan ng mga kaguruan at mga magulang na opisyales ng paaralan.

Bilang pagpupugay sa mga guro, nagbigay ng regalo ang PTA simbolo ng pasasalamat sa matiyagang pagpapatnubay at paghubog sa mga mag-aaral ng SMES.

ni : Neil Patrick Polante

Badyet... (mula sa pahina 1)for Teachers. Kapag natuklasan na kinakailangan ang pagpapagamot ng isang guro, dapat itong ibigay ng libre ng gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon ang nararapat lamang na sumagot ng mga gastusin.

(The Philippine Star)

POPCOM. Masusing ipinaliwanag ni G. Norman Montevirgen ang katungkulan ng mga kabataan ukol sa mabilis na paglobo ng populasyon.

Page 6: Ang Sinag Panitik

Tunay na makabuluhan at makatotohanan ang ipinatupad na memorandum bilang 180 s. 2012 ng Kagawaran ng Edukasyon, kung saan hinihikayat ang lahat ng pampublikong mga silid-aralan at maging lahat ng tanggapan na magsabit ng paalala na naglalaman ng kawikaang “Honesty is the best policy.” Layunin ng naturang memorandum na sa pamamagitan ng pagsasabit ng paalalang ito sa isang bahagi ng silid-aralan o tanggapan ay maitatak at maimulat ang mga murang kaisipan ng mga mag-aaral, mga kabataan, gayundin ang mga kawani sa kahalagahan ng pagiging matapat at may integridad. Nararapat lamang na mismong mga paaralan ang magsilbing instrumento sa pagtataguyod ng misyong ito. Kaisa ang mga guro, sapagkat bilang pangalawang magulang, malaki ang papel na kanilang ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal at wastong pag-uugali ng mga mag-aaral. Ang kaugaliang ito ang marapat lamang taglayin ng mga kabataan hanggang sa kanilang pagtanda.

Sinasabing ang ating bansa ay patuloy na nalulugmok sa kahirapan at dalawa sa nakikitang pangunahing dahilan ay ang mga tiwaling pinuno at malawakang korapsyon. Kaya naman nagsilbing hamon ito para sa Kagawaran ng Edukasyon. Hangad nito na makalikha ng produkto mula sa milyong kabataan na siyang magsasalba sa ating bansa sa tuluyang pagkakalugmok. Isang kabataang maituturing na hubog sa tunay na kahulugan ng kagandahang asal at mabuting gawi. Nagtataglay ng katangiang matapat, may integridad at may takot sa Diyos. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang pag-

unlad ay matatamo kung ang bawat isa, pinuno man o ang pinakamababang antas sa lipunan ay may tunay na pagpapahalaga sa KATAPATAN.

DepEd Memo Blg. 180, makabuluhan

Epekto ng Pananakot...HUWAG BALEWALAINLaman ng mga balita sa

telebisyon at pahayagan ang matitinding epekto ng “bullying” sa paaralan. Ilan dito ay ang pagkakasangkot ng ilang magulang sa gulo na humahantong sa pisikal na pananakit. Dahil sa pananakot, pagbabanta at pananakit ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral, nangingibabaw ang takot sa biktima, nawawala ang kanyang determinasyon sa kanyang pag-aaral, nagiging purol at humahantong sa malimit na pagliban sa klase.

Ang House Bill 5496 o Anti- Bullying Act of 2012 ay naglalayong mai-

SALAMIN SA ARAW-ARAW

paalam sa mga magulang gayundin sa mga pamunuan ng paaralan ang epekto ng “bullying” at kung paano ito mapipigilan.

Higit na makabubuti kung maipagbibigay-alam kaagad ng magulangsa guro kung ang kanyang anak ay nakararanas ng

ganitong pananakot upang kaagad itong mapigilan.

Ang paaralan ay may tungkuling makapagbigay ng pinakamahusay na pamantayan sa edukasyon para sa lahat ng mag-aaral. Kailangan ang ligtas at seguridad ng kapaligiran nito upang makamit ang mga itinakdang layunin.

At dumating si Pedro at sinabi , Panginoon, ilang beses kong patatawarin ang kapatid kong nagkasala sa akin at patatawarin ko ba siya? Hanggang pitong beses?

At sumagot si Hesus, hindi ko sinabi sa inyo ng 7, subali’t hanggang 70 x 7.

Sa araw-araw nating pamumuhay hindi man natin sinasadya, tayo ay nasasaktan sa maling ginawa sa atin ng ating kapwa. Sa kadalasan kapag tayo ay nasaktan ay napakahirap nating magpatawad. Ang ating galit minsan ay tumatagal ng segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Pero kung ating aalalahanin ang salita ng Dios ay dapat tayong magpatawad kapag ang ating kapwa ay nagkasala sa atin. Dapat din nating isipin na tayo rin ay nakakasakit sa ating kapwa sa hindi natin inaasahang pagkakataon.

Kaya’t mas mabuting magpatawad kaysa manatiling hindi nagpapatawad kagaya ng pagpapatawad ng Dios sa ating mga kasalanan. Muli nating sariwain ang sakripisyong ginawa ng Dios sa krus ng kalbaryo - ang simbolo ng dakilang pagmamahal si Cristo sa tao.

EDITORYAL

Chelsea ReyesPunong Patnugot

Neil Patrick Polante Ann Jahazielle Suyod, Rutheza Felarca Whimberly Sales Karl Roi Gongora, Gabriel Kenneth Andres Tagapangasiwang Patnugot Patnugot sa Balita

Charmaine Palinlin Hans Christer Arcilla, Karylle Jardin Nezer Mar Monzales Justine Jade Pingue Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Isports

Marinyl Gelacio Kamyl Fruto Kartunista Potograper

Gng. Arginia B. Raguini Gng. Marmila M. Fruto Gng. Michelle A. Barantes Bb. Dresden Klette A. Yauder

Tagapayo

Gng. Nieves I. Peralta , SP II Gng. Virginia V. Fulgueras, PSDSKonsultants

Page 7: Ang Sinag Panitik

Isang makabuluhang proyekto ang inilunsad ng Explorers Club dito sa ating paaralan .Noong ika-23 ng Nobyembre naging abala ang mga tagapangasiwa ng nasabing proyekto sa paghahanda ng kauna-unahang mobile planetarium na ginanap dito sa ating paaralan.

Sa pamamagitan ng ‘inflatable dome’ na nagsilbing kalangitan, projector, isang dokumentadong palabas na may ‘sound effects’ , 8 pulgadang “refractor Telescope’ ay nasilayan at napanood ng mga mag-aaral ng SMES ang bituin, planetang Mars, konstelasyon at nagkaroon ng ‘stargazing’ sa gabi.

Ang planetang Mars ang pinakamalapit ng planeta sa ating mundo na ang kanyang ‘atmosphere’ ay hawig sa mundo. Kilala itong pulang planeta na may pinakamalaking bulkan na Olympus Mons sa buong ‘solar system’.

Layunin ng National Museum na sa pamamagitan ng ‘Mo-bile Planetarium’ ay malaman ng mga mag-aaral ang

mga makabagong tuklas sa larangan ng astronu-miya. Makita nang malapitan sa pamamagi-

tan ng higanteng teleskipio ang mga mal-iliit na bituing kumukuti-kutitap at ang

napagandang kabilugan ng buwan kapag gabi.Nadagdagan din ng kaalaman ang

mga mag-aaral sa pinakamalapit na planeta sa mundo ang Mars ng posibleng mabuhay ang bawat likha ng Panginoon. Sa aktual na pagsilip sa telesko-pio ay kanilang napagtanto na ang malabughaw na mukha ng buwan ay parang naging butas na ‘pancake’. Saman-

talang sa kabilang teleskopio ay nagpakita na ang magandang

ibabaw ng mundo na dapat ang nakikita ay luntiang kulay at malani-

yebeng ulap ay unti unti nang nasisira dahil sa ibat ibang dahilan sa gawa ng tao Guro, mag-aaral at mga magulang ay

luhang nasiyahan sa handog na palabas ng ‘Mo-bile Planetarium’

ni: Arginia Raguini

Malaking problema ni Inay ang mabilis na pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Isang masarap na solusyon ang aking nais ibahagi sa inyo upang kahit musmos pa lamang ay maari nang tumulong kay Inay na makagawa ng isang resipe na ‘di lang masustansya at patok sa badyet ni Inay, bagkus makakatulong pa sa pagrerecycle ng mga patapong bagay tulad na lamang ng balat ng saging. SABANA Peel (Saba Banana Peelings) Longganisa

Mga Sangkap: 1k balat ng saging na saba bawang 3 piraso ng itlog toyo asukal suka

Paraan ng Paggawa:

a. Linising mabuti ang balat ng saging at tadtarin ito ng pino. Pakuluan hanggang sa lumambot. Pigain upang matanggal ang tubig nito.

b. Ihalo ito sa iba pang mga sangkap.c. Ilagay ang pinaghalong sangkap sa plastic ng yelo at sukatin ito tulad

ng sa komersyal na longganisa.d. Ilagay ito sa freezer at kinaumagahan ay maaari na itong

iluto at pagsaluhan sa hapag-kainan ng buong pamilya.

TATAK PINOY... Gawang PINOY

ni: Hans Christer Arcilla

Pinakaunang ta-ong naglabas at

gumawa ng yoyo sa USA.

Pedro Flores

Dr. Fe Del MundoNag-imbento ng incubator at Janndice Relieving Device.

Angel Alcala Nag-imbento ng artificial coral reefs na ginagamit sa pangi-ngisda sa Southeast Asia.

Nag-imbento ng Karaoke Sing

Along System.

Roberto Del Rosario Dr. Abelardo Aguilar Nag-imbento ng antibiotic na Eryth-romycin.

Page 8: Ang Sinag Panitik

Epektibo pa bang paraan ang paglalagay ng mga “signages” o paalala sa pagpapabatid ng isang layunin?

“Oo. Bumaba ang bilang ng mga aksidente sa aming lugar mula nang magkaroon ng mga paalala ukol sa kaligtasan sa kalye tulad ng “slow down, accident prone”, “slow down, school zone”. Ma. Luisa Vergara

Grade VI-Molave

“Magiging mabisa lamang at magkakaroon ng kabuluhan ang isang paalala kung makikiisa ang mga tao sa pagsasabuhay at pagsasakilos nito.”

Valerie Cachero Grade V-Aries

“Oo dahil nagsilbing inspirasyon at gabay ko ang mga paalalang nakasulat sa dingding ng aming paaralan. Mga paalalang naglalaman ng mga kawikaan tungkol sa kagandahang asal ang tunay na tumatatak sa aming murang isipan.”

Randolp Joseph Alvarez Grade IV-Diamond

“Madalas hindi na pinapansin ng mga bata ang mga paalalang nakadikit o nakapinta sa mga pader. Kulang na sa disiplina ang iba.”

Le Austin Alvarado Grade VI-Mahogany

“Simula nang maglagay ang pamunuan ng SMES ng mga paalala tungkol sa pagbabawal ng mga sasakyang naghahatid at sumusundo sa mga mag-aaral sa loob ng paaralan, naiwasan na ang sobrang ingay, usok at alikabok na lubhang nakakaperwisyo sa mga mag-aaral at guro lalo na kung oras ng klase.”

Ivan Cayabyab Grade VI-Narra

“Kalimitang mababasa ang paalalang tulad ng “No Smoking” sa mga pampublikong sasakyan. Pero bakit mismong drayber o konduktor nito ay humihitit ng sigarilyo? Walang saysay ang paalala kung mismong namumuno ay pasaway.”

Mico Gelacio Grade V-Capricorn

Ayon kay Asst. Sec. Reynaldo Laguda, ang Pilipinas ay binubuo ng may 200 sangay, 45,000 na paaralan at 7,000 na isla. Kaya napakahirap para sa isang guro ang magpadala ng kanyang sariling dokumento sa Kagawaran ng Edukasyon. Subalit kapag mayroong ‘internet’ at nakapaglog-on ang isang guro sa website ng DepEd, ang lahat ay mapapadali.

Iniutos ni Sec. Armin Luisitro na simula Oktubre hanggang kalagitnaan ng Pebrero, ang 500,000 kawani ng DepEd ay mabibigyan ng pagkakataon na kunin ang kani-kanilang e-mail ad sa pamamagitan ng higanteng google apps. Ipinagdiinan din ni Luistro na mapapadali ang komunikasyon, trabaho at higit sa lahat maiiwasan ang pagkakamali at magiging ligtas ang pagpapadala ng mga dokumentong kaugnay sa mga datos ng paaralan.

Ang DepEd e-mail account ay lubhang nakakatulong upang ang isang guro ay madaling malaman at mabasa ang iba’t ibang DepEd Orders at Memorandum na nagsisilbing gabay ng isang guro kung ano ang kailangan niyang gawin upang maisakatuparan ng mabuti ang kanyang trabaho.

Isang patunay ng kahalagan ng website ay ang mga mag-aaral ay kinakailangan na ring magkaroon ng sariling “Learners Reference Number” o LRN upang saan man siya mag-aral ay madali siyang matatagpuan. Sa ganitong paraan ay maiiwasan na magkadoble-doble ang pangalan ng bata sa bawat paaralan at maitama ang tamang datos ng mag-aaral. Higit sa lahat maiiwasan ang pagkakaroon ng ‘ghost pupil’.

Sa pamamagitan ng “Google Apps” ay malaya na ring makipag-ugnayan ang simpleng guro sa malayong lugar sa mismong Ama ng Kagawaran ng Edukasyon.

SULOK NG PUNONGGURONieves I. Peralta

PATNUGOT

Mahal na Patnugot,

Bilang Presidente ng GPTA SY 2012-2013 kasama ng iba pang mga opisyales ng ating paaralan, kami ay nananawagan sa mga kinauukulan at kapwa mga magulang. Hiling at pakiusap ko na tayo’y magkaisa at ibigay ang kooperasyon ng bawat isa upang maisakatuparan ang mga layunin at mga proyekto na ninanais nating maipatupad para matulungan natin ang ating paaralan para na rin sa ikabubuti ng ating mga anak na mag-aaral ng SMES. Hindi ko po kakayaning mag-isa ang lahat kung wala ang inyong mga tulong at obligasyon.

Sumasainyo,

G. Ramil C. Paje

Page 9: Ang Sinag Panitik

Sandata ng Kabataanni: Charmaine Palinlin

Ano nga ba ang sandata ng kabataan?Ito ba’y espada? Baril? At pananggalang?

O, ang edukasyong isang kayamananna hinding-hindi maaangkin ninuman?

Edukasyon...sandata ng kabataan, gabay sa kanilang kinabukasan.

Magsisilbing espada at pananggalang,sa mga pagsubok na sa kanila’y hahadlang.

Kaya kabataan ating pagbutihinpag-aaral na ibinibigay sa atin.

Panahon at oras ‘wag sayangin,sa mga ‘di kapaki-pakinabang na gawain.

Kabataan...edukasyon ay pahalagahanarmas mo sa magulong lipunan.

Isaisip, isapuso mga napag-aaralan,isabuhay magandang kaugalian.

Pormal man o inpormal na edukasyon,basta’t layunin ay pagkatuto.

Magiging sandata mo’t,‘di ka maliligaw saan man magtungo.

Dalawang Lapis100! At sinulatan ng ‘Very Good’ ng mga titser niya ang mga ipinagawa niya sa akin, sulat o drowing man. Ikaw? Ano ang mga grades na natatamo ng iyong amo kapag ginagamit ka niya? Lapwan: “Ay naku, nakakahiya ang mga grades ng amo ko. Madalas ay itlog o zero. Kung minsan ay hindi ako ginagamit ng amo ko kung may test sila. Nagkukunwari lamang siyang nagsusulat. Minsan nga’y nahuli siya ng titser niya at siya ay pinagalitan. Walang pag-asang pumasa ang amo ko. Mabuti pa’y magtanim na lamang siya ng kamote.” Laptu: “Kawawa ka naman, Teka, bakit nga pala ganyan ang ayos mo? Parang nginatngat ng daga ang pagkakatasa sa iyo.” Lapwan: “Alam mo, kaya ganito ang tasa ko, nakalimutan ng amo ko na patasahan ako sa tatay niya. Kaya kanina ay dali-dali niya akong tinasahan sa pamamagitan ng kanyang ngipin.” Laptu: “ Ay naku. Talaga nga namang nakakaawa ka. Kung matutulungan lamang kita...pero ‘wag kang mawalan ng pag-asa. Baka mapulot ka ng isang mabait at marunong na bata. At ika’y tiyak na papahalagahan at gagamitin ng tama.

www.pinoyedition.com/miguel_arguelles/

Isang hapon, dalawang lapis ang kapwa nalaglag sa playground ng paaralan mula sa dalawang bata ang nag-katagpo at sila ay nag-uusap. Lapwan: “Uy Laptu, kumusta ka?” Laptu: “Mabuti. Ikaw Lapwan, kumusta ka rin?” Lapwan: “Hindi mabuti, kaibigan.” Laptu: “Bakit naman?” Lapwan: “Dahil hindi mabuti ang aking amo. Mahina sa klase. Salbaheng bata. Kung anu-anong kalokohan ang ginagawa at ipinapagawa sa akin.” Laptu: “Anu-anong kalokohan naman kaibigan?” Lapwan: “Ako’y madalas niyang ipinansusulat at ipinan-dodrowing sa baro ng mga kaklase niyang nakatalikod sa kanya ‘pag hindi nakatingin si titser. Pati sa dingding ng classroom, desk, at kung saan-saan pa. At isang araw, nang may nakagalit siya’y ipinansaksak niya ako sa kaklase niya. Mabuti na lamang at nakaiwas ang kamag-aral niya at saka kumaripas ng takbo. Laptu: “Hindi pala talaga mabuti ang iyong amo.” Lapwan: “Ikaw? Bakit mabuti ang buhay mo? Laptu: “Dahil ang amo ko ay isang mabuting amo. Ma-runong siya at mabait. Hindi gumagawa ng anumang kalo-kohan, hindi nakikipag-away. Ako’y ginagamit niya lamang sa pagsulat sa kanyang notebook at pad paper. Sa mga test at examination ay ginagamit din niya ako at madalas ay

TAMPOKuw e n t o

Nirolyong Papelni: Nezer Mar Monzales

Ako’y nagtataka mula ng ako’y bata pa,isang nirolyong papel ‘pag ako’y nakatoga.

Para sa’n ba ang papel na ito?Ito ba’y mahalaga? O pwedeng pangsiga?

Tikom ang bibig, mulat na ang aking isip,aking napagtanto, kahalagahan nito.

Iniisip ng iba, ito’y pirasong papel lamang, ito’y kayamanang kailanma’y ‘di mawawala.

Simbolo ng edukasyon,humuhubog sa pagkatao’t nasyon.

Simbolo ng pagsisikap,pag-asa’t mga pangarap.

Kaakibat ng pagkamit ng nirolyong papel,Sipag, determinasyon, at tiyaga.

Taong matigas ang katawa’y ‘wag umasa,na ito’y kanyang makakamtan t’wina.

Walang patumanggang pagmamalaki’t kagalakan;Masarap pa sa pakiramdam;

Kapag nirolyong papel ay nakamtan,simbolo ng pag-asa sa magandang kinabukasan.

Page 10: Ang Sinag Panitik

ni: Whimberly F. Sales

TV Patrol Bayan Mo Ipatrol Mo, Ako ang Simula, ASAP Rocks, Brigada, T3 Reload...Dito sa mga programa ng iba’t ibang istasyon ko napanood ang tinatawag na Bangkarunungan. Ano nga ba ang Bangkarunungan? Bakit ba ito tinawag na Bangkarunungan? Ilan lamang ito sa mga tanong sa isip ko sa tuwing napa-panood ko ang Bangkarunungan na nasagot ng minsang sumama ako sa paglalayag nito kasama ng aking kabarangay na si Sir Adrian Karl Cobardo na bumuo ng proyekto. Ang Bangkarunungan ay nabuo noong ika-25 ng Nobyembre, 2011. Ito ay isang mini-reading Center kung saan ang mga libro ay inila-lagay sa isang kariton na hugis bangka. Isang bangka na may layag, pisara, globo, tsarts, at iba pang gamit sa pagtutuo. May gulong ito na tinutulak ng mga volunteers mula sa Pambansang Paaralan ng Barretto patungo sa dalampasigan ng Driftwood Beach tuwing araw ng Sabado at sila’y nagtuturo ng pa-nimulang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat, at pagkukuwento. Nakatutuwa na kapag ito’y nakita na ng mga batang kanilang nadadaanan ay sumusunod na sila. Dalawang salita ang pinagsama ni Sir Adrian upang mabuo ang pa-ngalan nito, Bangka at Karunungan. Bangka, dahil ito ang tanging masasakyan upang magtungo sa mala- layong lugar at isla. Katulad ng dala-dala nilang mga kuwento sa mga bata, nakakarating sila sa mala layong kaharian, bansa, paraiso, kabundukan, at kailaliman ng karagatan. Karunungan, na mahala-gang matamo ng lahat ng bata. Adhikain ng Proyektong Bangkarunungan na mabawasan kung ‘di man, maalis ang “non-readers” sa mga mag-aaral sa elementarya at mga batang ‘di nag-aaral. Layunin din nitong maipamulat sa mga bata ang sarap at saya ng pagbabasa. Bukod dito, ito ay hudyat upang magkaroon ng mas maigting na pagtutulungan ang paar-alan, pamayanan, at pamahalaan sa pagpapalaganap ng edukasyon.

Nang mabigyan ang grupo ng bangkang de-motor ng Yellow Boat Founda-tion, nagkaroon sila ng pagkakataong maturuan at mabigyan ng gamit pang-eskwela ang mga batang nakatira sa mga isla ng Olongapo, at Subic, Zam-bales. Sa mga napanood kong episodes tungkol sa Bangkarunungan, tunay ngang ang proyektong ito ay nagsisilbing pag-asa ng mga bata maging ng mga matatanda upang makamtan ang karunungang magiging susi sa pagka-karoon nila ng magandang kinabukasan. Nawa’y yumabong pa at lumawak ang proyektong ito upang dumami pa ang mabigyan ng pag-asa. Kudos Bangkarunungan!

Page 11: Ang Sinag Panitik

“Guys, manood kayo ng TV Patrol sa November 30. Ipapalabas ang Bangkarunungan sa segment nilang ‘Bayan Mo Ipatrol Mo’. GM - Sir Adrian“ Isa lamang ito sa mga group text ng aking kaibigan na isa na sa mga taong nagiging inspirasyon ng kabataan ngayon ukol sa pagtamo ng edukasyong susi sa pagkamit ng kanilang magandang kinabukasan. Sa tuwing lalabas sa telebisyon ang Proyektong Bangkarunungan, asahan na may group text na matatanggap mula sa kanya. Si G. Adrian Karl L. Cobardo, 27 taong gulang, limang taon ng guro sa Pambansang Paaralan ng Barretto, Lungsod ng Olongapo, ay ang bangkero ng Bangkarunungan. Ang hindi alam ng nakararami, siya ay isang maipagmamalaking Marcelinian. Nakatira siya sa Barangay Consuelo Norte, sa Bayan ng San Marcelino, Lalawigan ng Zambales. Bukod dito, siya ay nagtapos ng kanyang elementarya sa Mababang Paaralan ng San Marcelino. Alam ba ninyong ika-siyam siya sa magagaling na batang nagtapos sa paaralang ito at naging

kampeon sa Pansangay na Jose Rizal Drama Contest. Nagtapos naman siya ng sekondarya sa Pambansang Paaralan ng San Guillermo, Bayan ng San Marcelino. Ating atin, ‘di ba? Batid na ng kanyang mga naging kamag-aral at guro ang kagalingang taglay. Kaya naman hindi na nakapagtataka ang mga karangalang

kanyang natatanggap at mga proyektong inilulunsad. Bata pa lamang ay nakitaan na siya ng angking kakayahan ng kanyang mga naging guro sa paaralang ito. Taglay niya ang damdaming makabayan, hangad na makapagbigay ng pag-asa sa

kanyang mga kababayan saan mang sulok, kalupaan man o karagatan, hanggat may mga batang nangangailangan, asahang siya’y nariyan.

Bakit niya naisipang ilunsad ang Bangkarunungan? Sa totoo lang, bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makapaglayag sa malalayong lugar, sa malalayong isla’t dalampasigan. Bukod dito’y naranasan niyang tumira sa isang isla sa Bayan ng Masinloc, Zambales nang pumutok ang Bulkang Pinatubo. Dito niya naranasan ang pagkasalat ng edukasyon ng mga batang nakatira sa mga islang malayo sa kabihasnan. Isa rin ito sa mga paraan niya upang makatulong sa Kagawaran ng Edukasyon sa pagsusulong nila ng

“Education for All”. Marami nang pagsubok ang kanyang pinagdaanan sa patuloy na paglalayag ng kanyang proyekto

ngunit hindi siya nagpadaig bagkus ay lalo pa niyang pinagbuti. Hangad niyang dumami pa ang ma-inspire niya at maging kasagwan ng kanyang adhikain tungo sa edukasyon at kaunlaran ng bansa. Kaya naman mula sa Mababang Paaralan ng San Marcelino, saludo kami sa’yo bangkero ng Bangkarunungan., tunay ka ngang

Marcelinian!“Dininig ko ang sigaw ng aking puso na maglingkod sa simpleng paraan. Ikaw? Kailan mo sisimulan?” - Sir Adrian, Dugong Marcelinian, Bangkero ng Bangkarunungan

ni: Dresden Klette A. Yauder

Page 12: Ang Sinag Panitik

SPED Class Mass Demonstration. Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral mula Grades I-III sa pag-bubukas ng Pandistritong Palaro 2012 na nilahukan ng 17 paaralan ng distrito ng San Marcelino.

Ito ay nilahukan ng mga pampubliko at pampribadong paaralan ng Distrito ng San Marcelino. Pinataob ng mga manlalaro ng Unit 1 ang mga kalaban matapos nitong hakutin ang gintong medalya sa athletics at

Itinanghal na over-all champion ang Unit Mighty 1 matapos itong magdomina sa ginanap na District Meet (DM) 2012 noong Setyembre 28-29 sa Paaralan ng San Marcelino.

table tennis, sa kapwa larong pambabae at panlalaki. Nasukbit din nito ang pagiging kampeon sa balibol at soccer. Magkakasama ang Mababang Paaralan ng San Marcelino, Lawin, at Pili na bumuo

ng Unit Mighty 1.Nakuha naman ng Unit

IV Blue Eagle ang ikalawang puwesto, ikatlo ang Unit III Red Dragon at nasa ikaapat na posisyon ang Unit II

Yellow Thunders.

Spikers, isinukbit ang kampeonato Matinding kasiyahan ang tinamo ng Unit 1 Green Spikers makaraang maisukbit nito ang kampeonato ng Volleyball Boys tournament sa 2012 District Meet. Naisukbit ng Green Spikers ang championship game matapos pataubin ang Unit IV Blue Strikers sa bisa ng panalo sa unang set 25-18, at ikalawang set 25-23 noong Setyembre 29 na ginanap sa Burgos Municipal Covered Court.

Mabigat ang tensyon ng laban na nagpasabik sa mga

supporters ng magkabilang kampo. Pinagbidahan nina Le Austin Alvarado, Jake Hipolito at Kylzter Cababaro ang unang set ng laro.Nagpaulan ang mga ito ng kumbinasyong kills at placings upang itumba ang Strikers. Tinangkang rumesbak ng mga

Strikers sa ikalawang kanto subalit hindi ito umarya

sa koponan ng Spikers bagkus naging desidido pa sila na maikandado ang kwarter na ito. Bago naibuslo

ng Spikers ang kampeonato

a m i n a d o s i l a n g l u m u s o t

sila sa butas ng karayom .

Matapos ang isang kapana-panabik na hatakan, mabilis na pinatumba ng Blazing Blue Team ang Fiery Red Team sa nakaraang Teachers Sportsfest bilang pag-alala sa World Teachers’ Day na ginanap sa SMES Covered Court noong Oktubre 5. “Bagamat mas malalaki ang aking mga kagrupo, matindi ang ibinuhos na depensa ng kalabang team,” ani Bb. Fulgueras, team captain ng

Blazing Blue.Hindi inalintana ng Fiery Red

Team ang laki ng kanilang kalaban dahil sa unang match pa lamang ng tug-of-war ay pinataob na nila ang mga ito kahit naging malaking isyu ang di patas na distribusyon ng manlalaro.

Sa pangalawa at sa huling match ng laban ay di na pinayagan na maagaw pa ang korona sa Blazing Blue Team kaya’t nilubus-lubos na nito ang kanilang lakas upang maitanghal na kampeon.

ni: Neil Patrick C. Polante

ni: Jaylan M. Fruto

Blazing Blue Team, nagdomina sa Sportsfestni: Justine Vince A. Barantes

Mighty 1 naghari sa District Meet ‘12 Ngayong Disyembre ay pakaaabangan ng buong sambayanan ang magkasunod na pakikipaglaban ng “boxing icon” ng ating bansa. Sa Disyembre 8 ay tatapusin na ang unfinished business sa pagitan nina Manny Pacquiao vs Juan Marquez ang sasabak sa Nevada, USA para sa WBO Champion of the Decade. At sa ika-16 naman ay aabangan ang labang Nonito Donaire vs Jorge Arce para sa WBO Ban tamweight Division na gaganapin sa Houston, Texas. Inaasahan na magdodomina pa rin ang ating mga mandirigma at mananatiling kampeon ng bansa.

Pacquiao - Donaire Back2Backbakbakan

ni: Justine Jade Pingue