Ang Pitong Buhay Na Sarili

43
Ang PITONG BUHAY na SARILI Kaibigang ALIKSIS BAGONG LAHI ( Pitong Tatak ) FOUNDATION 2004 1

Transcript of Ang Pitong Buhay Na Sarili

Page 1: Ang Pitong Buhay Na Sarili

AngPITONG BUHAYna SARILI

Kaibigang ALIKSIS

BAGONG LAHI ( Pitong Tatak ) FOUNDATION2004

1

Page 2: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ang

PITONG BUHAY

na SARILI

Kaibigang ALIKSIS

BAGONG LAHI ( Pitong Tatak ) FOUNDATION2004

2

Page 3: Ang Pitong Buhay Na Sarili

PAG-AALAY

Ang munting aklat na ito ay buong pusong iniaalay sa mga magsasagawa ng mga kaalaman na itinuturo ng may akda, upang ang BAGONG LAHI na sisibul ay magtataglay ng mga katangiang kasiyasiya sa lipunan at angkop sa panahon at aakay sa lahat tungo sa pamumuhay na may masiglang kalusugan, masaganang gawain at kapayapaan sa lahat ng pagkakataon.

SALAMAT PO.

COPYRIGHT 2004

Bagong Lahi (Pitong Tatak) Foundation2nd Edition 2012

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval systems without

permission in writing from the copyright owner except by a reviewer who may quote brief passages in a review.

3

Page 4: Ang Pitong Buhay Na Sarili

NILALAMAN

Paunang Salita --------------------------------- 5

Ang Limang Gulong -------------------------------------7Ang Pagpuri ------------------------------------------- 8Dalawang Pamamaraan ng Paglanghap at paglabas ng Hangin -------------------------------------- 9 PagHinga ng POSITIBO ---------------- 9 PagHinga ng NEGATIBO -------------- 10Tamang Posisyon -------------------------------------- 10PagLunok at Pagpigil ng Hangin ---------------------- 12EHERSISYO ---------------------------------------------13Ang Tamang Deriksiyon kung saan dapat Nakaharap --13Pares ng PagHinga ------------------------------------ 14Pagkatapos magEhersisyo ----------------------------- 15Tamang PagPuri --------------------------------------- 19Tamang PagKain ---------------------------------------20Tamang PagTulog --------------------------------------21Kagandahang Asal ------------------------------------- 22Ang Hindi Paghatol ------------------------------------25

4

Page 5: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ang PITONG BUHAY na SARILI ------------------------26Mga Alituntunin --------------------------------------- 27Panghuling Salita -------------------------------------- 28

5

Page 6: Ang Pitong Buhay Na Sarili

PAUNANG SALITA

Ang bawa’t nilalang na nakauunawang siya ay may buhay ay naghahanap. Taglay ng bawat naglalakbay ang taimtim na hangaring maunawaan niya ang kanyang sarili, ang kanyang kapuwa at ang sanlibutan sa kabuuan nito. Patuloy siyang nagsasaliksik ng lunas sa bawat suliranin at masigasig siyang tumutuklas ng paraan upang magkaroon ng isang tagumpay at angkop na pamumuhay.

Ang pangangailangang ito ay nilalayong tugunin ng “ANG PITONG BUHAY NA SARILI”. Ang munting aklat na ito ang magtuturo sa iyo ng PARAAN NG BUHAY. Dito hinahayag ang simulaing hakbang sa pagtuklas na mapanatili ang BUHAY sa katawang pisikal nang mahabang panahon.

Tulad na ibang tagubilin, ang pinaka DAKILANG KAISIPAN na nilalaman ng aklat na ito ay kailangang gamitin sa araw-araw na pagkilos. Kung nais nating ito ay maging kapakipakinabang, ang mga simulaing naririto ay pangkalahatan, matipid, walang kinikilalang sektang pangrelihiyon at angkop sa ano mang gulang ng katawang pisikal.

Ang pinakamahalagang bagay sa lahat ay ang KALUSUGAN ng PISIKAL. Basahin ng marahan at magsanay sa mga pamamaraan bago ito ganap na gawin. Kung ano ang maidudulot ng KAAYUSAN, KALUSUGAN at KALIGTASAN ng pisikal, ang makakabatid lamang ay yaong tumutuklas at gumaganap nito.

6

Page 7: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Layunin ng mensaheng ito na, sa bawa’t magkakaroon ng sipi ng ‘ANG PITONG BUHAY NA SARILI’ na pag-aralan, unawain at lalong higit ay maisagawa ng mahinahon, hanggang maging ganap at palagian ng ginagawa. Ang pagiging ganap ay yaong isinasagawa na ng permanente at hindi ipinagwawalang bahala.

Hindi pakikialam ang layunin ng aklat na ito, subali’t, ito ang pamamaraan upang unti-unting maramdaman ang kasiyahan at manatili ng tuluyan ang BUHAY sa katawang pisikal.

Ipinapaalala na dapat malaman ng makatung- hay ng aklat na ito, na walang itinatanggi ‘o pinipili ano man ang kalagayang panlipunan sa kasalukuyan, ang aral ay pangkalahatan. Angkop sa lahat na kalagayang pantao, sapagkat walang kasing halaga ang bawa’t isa , at iyan ay “ TAYO” na naninirahan sa tao.

Ating mapaninindigan ang kakayahan nating mapagaling ang ating mga sarili at maimumungkahi sa ating kapuwa na pagalingin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kaalamang “Ang Pitong Buhay na Sarili ” bilang paghahayag ng TUTUO na PERPEKSIYON at KAGANAPAN.

Ang mga nakalipas na, na pangyayari, nakatala man ‘o hindi sa kasaysayan, ay hindi ipinagwawalang bahala. Subali’t mayroong higit na napakahalaga at yaon ay ang KASALUKUYAN at higit ang darating na kung papaano ang PITONG BUHAY na SARILI ay mananatili sa katawang pisikal ‘o TAO.

7

Page 8: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ang Inyong Lingkod,

ANG LIMANG GULONG

Mga kaibigan, ang aklat na ito ay nagtataglay ng Limang (5) gawain na maaaring ihalintulad sa gulong ng karaniwang sasakyang panglupa. Ito ang mga sumusunod:

I. PagpuriII. Pagkain

III. PagtulogIV. Kagandahang asal V. Ang hindi paghatol

Ang sasakyang tatalakayin dito ay hindi behikulo ng tao. Ang tao ay kahalintulad ng behikulo na maaaring tumagal ng mahabang panahon kapag maingat ang

8

Kaibigang ALIKSIS

Page 9: Ang Pitong Buhay Na Sarili

nagtataglay ng KAALAMAN, may malay at may alam ang nagmamayari. Ang kailangan ay wastong pangangalaga.

Gayunpaman, kahit ang pangangalaga sa katawan ay sapat na, hindi pa rin masasabi na ito ay magtatagal. Ang nasa larangan ng siyensiya at medisina ay patuloy sa pag-aaral, hangarin na matuklasan ang kung papaano ito makamit, subali’t ang pagsisikap ay hindi pa rin sapat. Sila ay patuloy na tumutuklas ng lunas sa bawat suliranin.

Gayunpaman, ano ang susunod? Ang sarili ay babalik sa katotohanan, na ang lahat ay pinapangarap. Hindi dapat panghinayangan ang bagay na hindi pa magagawa ng sarili sa kasalukuyan, subali’t ang sarili ay higit na NAPAKAHALAGA at ang pisikal na malusog sa tuwina. Ito ngayon at sa pamamagitan mo, bilang napakahalaga, ay kailangan ang pamamaraang ito.

Hindi ito nang-uuri ‘o namimili kung sino ang nararapat, sapagka’t ang lahat ay karapatdapat. Lalong higit na wala itong kinalaman maging ikaw man ang nagtataglay ng pinakamataas na tungkulin, walang katungkulan ‘o walang natapos na pinag-aralan, hindi naniniwala ‘o maniniwala, may salapi man ‘o wala. Lalong higit sa may karamdaman … ay para sa iyo at sa inyong katawang pisikal ang pamaraang ito, KAIBIGAN.

9

Page 10: Ang Pitong Buhay Na Sarili

I. (Pangunahing Gulong) ANG PAGPURI

Ang PAGPURI ‘o PAGDAKILA – ang kahulugan ay PAGGALANG na iniuukol sa isang may napakataas na karangalan ang pinatutungkulan, subalit may taglay na kahulugan na naa-angkop lamang gamitin sa isang NAPAKADAKILANG KAGALANGGALANG . Ang pagbigay galang ay ginagawa bago at pagkatapos mag-ehersisyo (Larawan 1)

Larawan 1

Ano nga ba itong P A G P U R I ?Ang PAGPURI ay nangangahulugang gamit at

pangunahing gulong ng behikulo ang katulad. Ibig sabihin, kung apat ang gulong ng behikulo, alin man sa

10

Page 11: Ang Pitong Buhay Na Sarili

apat na gulong ay hindi maaaring mawala; isa man ang hindi

umikot o makiugnay, ang behikulo ay hindi na uusad, gagalaw at marating ang pupuntahan. Napakalaki ng kaugnayan nito sa sarili at katawang tao. Ang pinakaubod ng pangunahing solusyon, kung papaano ang pangangalaga sa katawang pisikal ay nararapat na panatilihin.

Bakit pagpuri ang salitang ginamit? Napakaraming mga salita ang nagamit na, napakarami pa ang darating na maaaring gamitin. Hindi nangangahulugan na ang isang salita ay nakahihigit sa una. Ang mahalaga ay ang nagpapahalaga. Depende na rin yaon sa antas ng indibiduwal na kung saan ba siya gumagalaw o nakaugnay na pinaniniwalaan. Ang isang matalinong magpapahalaga ay higit ang pag-aaral o pagsusuri, bago pa man umaksiyon at ganapin ang anumang naisin.

Ang pagsasagawa ng Pagpupuri:

1. Dalawang pamamaraang paglanghap at paglabas ng hangin:

Paraang positibo Paraang negatibo

2. Tamang posisyon3. Tamang paglunok at pagpigil ng hangin4. Tamang direksiyon kung saan dapat nakaharap

11

Page 12: Ang Pitong Buhay Na Sarili

5. Paraan kung ano ang nararapat gawin pagkatapos

1. Dalawang Pamamaraang paglanghap at paglabas ng hangin:

o PAGHINGA NG POSITIBO (OoooooHAaaaaa)

Ang “Oooooo-HAaaaaa” ay ang Positibong paraan ng lakas na nagmumula sa ibabaw ng lupa. Gayundin sa kapaligaran ng daigdig

hanggang sa dako pa roon. Sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin sa ilong at paglabas sa bibig ay pumapaloob sa pisikal ang kalahati ng lakas na kailangan ng buong katawan, kung kayat ganyan kahalaga na ang pamamaraang paghinga ng “Ooooooo” at “HAaaaaa” ay dapat maunawaan.

o PAGHINGA ng NEGATIBO ( Aaaaaa-Hooooo)

Ang “Aaaaaa-Hooooo” ang negatibong paraan o lakas na nagmumula sa lupa na dumadaloy sa talampakan at sabay na matatanggap ng katawang pisikal. Mahalaga ang pagsasagawa ng ehersisyong ito.

2. TAMANG POSISYON Larawan 2

12

Walang anumang sapin sa paa ‘o ng gumang pangy a p a k. A n g

Page 13: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ang dalawang kamay

ay nakatihaya paharap

sa kalawakan at ang

braso ay nakadipa

(Larawan 3) .

13

Larawan 4

Ang ulo ay dahan-

dahan ititingala habang

pumapasok ang hangin sa bibig.

[ Larawan 4 ]

Page 14: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Larawan 5

Tunay na may kahirapan ang paglunok ng hangin sa

umpisa. Kailangan ang insayo bago ito tuluyang

isagawa.

Kung ang hangin a nalunok na at ang

sampung segundong pagpigil ay nagawa

14

Pagkatapos, bahagyang iyuyukod ang ulo, sabay paglunok n g hangin, katulad n g positibong paraan na ang ulo ay dahan-dahang iyuyukod kung ang hangin ay lulunukin (Larawan 5).

Page 15: Ang Pitong Buhay Na Sarili

na, dahan-dahang itataas ang ulo at

yaon ang tamang posisyon upang ila-

bas ang hangin sa ilong (Larawan 6).

Larawan 6

3. PAGLUNOK at PAGPIGIL NG HANGIN Ang paraang pagpigil ng hangin ay mahalaga.

Kailangan ang insayo bago ito tuluyang isagawa. Ang pagtaas ng kamay ay dahan-dahan, kasabay ang pagpasok ng hangin sa bibig. Ang mga kamay ay nananatiling nakataas na mayroong humigit kumulang sa isang dangkal ang pagitan. Lunukin ang hangin at pigilin ang paghinga ng sampung segundo.

Pagkatapos dahan-dahan ibababa ang mga kamay at paglabas ng hangin sa bibig ‘o ilong habang ang mga

15

Page 16: Ang Pitong Buhay Na Sarili

braso ay nakadipa at ang mga kamay ay nakatihaya ‘o nakatapat sa kalawakan. (Larawan 7).

Larawan 7

E H E R S I S Y O

4. Ang Tamang DireksiyonKung Saan Dapat Nakaharap

Ang direksiyon kung saan dapat nakaharap ay hindi napakahalaga. Iminumungkahi na mainam kung sa sikatan ng araw maguumpisa at magtatapos sa hilaga, Ang apat na direksiyon ay mainam. Hindi pa nababatid ng karamihan ang pamamaraan o ehersisyong ito kung kaya’t upang maiwasan ang anumang hindi angkop na impresiyon kaya ito ipinauunawa.-

16

Page 17: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ang positibo at negatibong pamamaraan ng paghinga ay isang pares ang katumbas na bilang. Kung naisagawa na ang paglanghap ng hangin sa ilong at paglabas ng hangin sa bibig – iyan ang isang bahagi ng pares. Upang maging isang pares, ulitin lumanghap ng hangin sa bibig at sa ilong ilabas – iyan ang pangalawang bahagi na magbubuo ng isang pares (Larawan 8 sa ibaba).

POSITIBONG ( + ) L A K A S

MULA SA IBABAW NG LUPA AT KAPALIGIRAN

Larawan 8

NEGATIBONG ( - ) L A K A S

MULA SA LUPA

ISANG PARES NA PAGHINGA

POSITIBONG PAGHINGA NEGATIBONG PAGHINGA

PASOK SA ILONG – “Oooooh” PASOK SA BIBIG – “Aaaaah”

LABAS SA BIBIG – “Haaaaa” LABAS SA SA ILONG – “HOooo”

Ilang beses o pares ang kailangang gawin?

LABING DALAWANG (12) PARES.

17

Page 18: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Upang ganap ang lakas na maiipun sa ating katawan, gawin ang pag-ehersisyo, bago matulog sa gabi at pagkagising sa umaga.

Sa simula, apat (4) na pares muna ang gagawin sa gabi at apat (4) na pares uli sa umaga. Pagkaraan ng

unang apat na araw, magdagdag ng isang pares araw-araw hanggang magawa nag labing dalawang pares sa ika labing dalawang araw at gabi.

Sa anim-na-pung (60) araw na isasagawa ang ehersisyo ay may mapapansin na epekto o pagbabago sa pisikal; at nabubuo ang pagtitiwala, pananalig at pasiyang maisabuhay ito sa lahat ng umaga at gabi, hanggang permanente ng ginagawa.

-

5. Mga Dapat Gawin Pagkatapos MagEhersisyo

Matapos gawin ang kung ilang pares na paghinga, gawin din ang mga sumusunod:

Una:

Pagkaraan ng huling bilang ng paghingang negatibo, ibaba dahan-dahan ang mga kamay sa dating posisyon sa umpisa … ihakbang ang kanang paa paharap ng may pitong pulgada mula sa kaliwang paa. Ang mga braso at kamay ay mananatiling nakadipa.

(Larawan 9).

Larawan 9

18

Page 19: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ikalawa: Sa ganitong nakatayong posisyon, biglang ibaling ang katawan paharap sa gawing kaliwa ( Larawan 10 )… pagkatapos ganoon din ang gawin pakanan ( Larawan 11 ):

Larawan 10 Larawan 11

19

Page 20: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Huwag ikagulat kung ang mga dugtungan ng mga butobuto ng katawan ay maglagatukan …

Ikatlo: Muling idipa ang braso na ang palad ay nakaharap sa kalawakan paitaas ( Larawan 12- A ). Itaas dahandahan ang mga kamay kasabay ang paghinga sa ilong … at pagsalikupin ang mga daliri sa may itaas ng ulo ( Larawan 12-B ).

Iyukod ang ulo at lunukin ang hangin.

20

Page 21: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ika Apat:Tumigil ng sampung segundo, pagkatapos ay

dahandahan ibaba ang mga nakasalikop na kamay sa harapan na nakaliyad ang dibdib habang inilalabas ang hangin sa bibig (Larawan 12 C-D-E). Pansinin ang mga paglagatok ng mga balikat, siko at mga daliri.

Larawan 12 A Larawan 12 B Larawan 12 C

Larawan 12 D Larawan 12 E

21

Page 22: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ika Lima: Pagkaraan ay pagsalikupin ang mga kamay sa gawing likuran kung hanggang aabut ito sa itaas (Larawan 15 ) …

Larawan 15

. . .humingang papasok ang hangin sa bibig, lunukin ang hangin at tumugil ng sampung segundo.

Ika Anim: Pagkatapos, dahan-dahan iharap sa lupa ang na- kasalikop na mga kamay at ibaba ng patulak (Larawan 16) kasabay ang paglabas ng hangin sa ilong. Ang ulo naman ay iyuyukod habang isinasagawa ang nabanggit sa una.

Larawan 16

Minsan lang ito gagawin. Hindi uulitin.

22

Page 23: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ika Pito: Pagkaraan ay ihawak ang mga kamay sa ibabaw ng tuhod at maupo ng pabigla. Gawin ito ng dalawang ulit. Ang gawing balakang, tuhod at mga paa ay maglalagatukan (Larawan 17).

Larawan 17

Ika Walo: Pagkaraan nito, huminga sa ilong ng malalim, pisilin ang butas ng ilong ng hintuturo at hinlalaki, na nakatikum ang bibig.

Pagtapos ay suminga. Mapupuna na may lumabas na hangin o sumingaw sa tenga.

Pagkatapos, ay ilabas ang hangin

sa bibig na kasabay ang pag sambit ng “Haaaaaa”

(Larawan 18)

23

Page 24: Ang Pitong Buhay Na Sarili

IPINAPAALALA:

Sa pagsinga, hindi kailangang napakalakas at sadyaing lumabas ang hangin sa tenga. Sapat na ang mararamdaman na parang napuno ng hangin ang tenga.

TAMANG PAG-PURI

Paglanghap at Paglabas ng hanginAng paglanghap ng hangin ay kailangan gawin sa loob ng

sampung segundo ng napakarahan ang pagpasok ng hangin sa ilong. Ang ulo ay papayukod habang ginagawa ito upang malunok ang hangin. Pagkalunok ng hangin, pigilin ang paghinga sa tagal ng sampung segundo.

Ilabas ang hangin sa bibig ng napakarahan sa tagal ng sampung segundo rin … sampung segundong pagpasok ng hangin … sampung segundo pagpigil ng hininga … at sampung segundo paglabas ng hangin … 30 segundo lahat.

May dalawang kataga na ginagamit habang hu-mihinga ng hangin paloob at palabas:

1. Ang katagang “Oooooooh” ay sinsambit habang ipinapasok ang hangin sa ilong. Pagkaraan nito, lulunukin ang hangin, titigil ng sampung segundo at ilalabas ng marahan ang hangin sa bibig na sinsambit ang katagang “Haaaaaa”

2. Ang katagang “Aaaaaaah” ay sinasambit habang dahan-dahan humihinga paloob sa bibig. Pagkaraan nito ay lunukin ang hangin at pigilin ang paghinga sa loob ng sampung segundo at ilalabas ng dahan-dahan ang hangin sa ilong habang sinasambit ang katagang “Hoooooo”.

24

Page 25: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ang mga nabanggit na kataga na kung papaano sisinghut o maglabas ng hangin ay pakatandaan - ito ay napakahalaga.

II. (Pangalawang Gulong) TAMANG PAGKAIN

Ang tatlong (3) ipinapaunawa ay mahalaga:

Wastong pagkain at inumin-

o Ang wastong pagkain at inumin ay may-roong dapat ipag-alala pagsapit ng panahon sapagkat nagkakaroon din ng karamdaman at panghihina ang katawang pisikal.

Labis na pagkain-

o Sa labis na pagkain ay ganoon din ang nararamdaman pagsapit ng panahon.

Kulang sa pagkain-

o Ang kulang sa pagkain ay mabilis na nakakaramdam ng panghihina ng katawan ang resulta.

Sa mga pangyayaring nabanggit, narito ang solusyon:

Sa simulang basahin ang aklat na ito hanggang sa matapus na maunawaan, kailangan pagaralan at gawin ang itinuturo. Ang bunga nito ay tutuong MAPAG-KAKATIWALAAN, KAPAKIPAKINA-BANG at KASIYASIYA na tatamasahin sa hinaharap.

25

Page 26: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ang pagkain at inumin na ipinapasok sa bibig ay tumutugon sa pangangailangan ng pisikal. Tutuo ang bagay na ito. Ngunit mayroon pang hindi pa nahahayag na “pagkain” at iyan ay ang hangin na nasa kapaligiran lang natin.

Mayroong mga nilikha na hindi umiinum ng tubig. Katulad ng bukbok sa kahoy na ni minsan hindi nakatikim ng tubig. Ang nakakagulat ay ang katawan nito ay may tubig, Sila ay karaniwang matatagpuan sa matigas na tuyong kahoy. Ang ilan ay may anyung uod sa dahilang matapos itong kumain ng tuyong kahoy, ito ay wala ng ginawa kapag hindi tulog, ay ang lumanghap ng hangin.

Ang tao ay gayundin. Naiwawasto ang galaw kalikasan ng pisikal sa pamamagitan ng hangin at pagkain sapagkat ito’y hindi lamang gamit na nagha-hatid at nagpapalit ng sangkap sa loob at labas ng kabu-uang pisikal, kung hindi ito ay nagpupuno din ng kakulangan na suportang materyal hindi natanggap ng mga sangkap ng katawang pisikal.

Ang hangin ang nagpapanatili upang tanggalin ang labis na hindi angkop para maging pisikal.

III. (Pangatlung Gulong) TAMANG PAGTULOG

PAGTULOG ANG IKATLONG PARAAN na kailangan upang ang pisikal ay manatiling malusog. Ang pagtulog ay walang bayad. Lahat ay saklaw ng Batas ng Kalikasan. Tunay na ang pagtulog ay isang napakalaking tungkulin upang mapanatili ang pisikal. Ang pagtulog ay katulad ng paggawa ng tinapay o anumang pagkain. Nangangailangan ng humigit kumulang sa walong oras upang ganap na matapos ang pagkakaayos ng bawat bahagi ng buong katawan. Kung ang pagtulog ay sapat sa tagal na kailangan … pagkagising, ang pakiramdam ay maayos at masigla sa buong maghapon.

26

Page 27: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Sa panahong nagaganap ang pagtulog, ang sustansiya na nakakamit na galing sa pagkain at tubig ay nagiging pisikal. Sa tulong ng hangin, kapag natutulog ang sinuman, ang bawat buhay na pisikal, sa dilim nagmumula ang lakas na nakakamit habang natutulog. Ang puhunan o kapital na nakamit sa pagtulog ay yaon ang ginagamit kapag nagising na sa buong maghapon.

Subali’t hindi lahat ay nalulugod kapag dumarating na ang oras ng pagtulog. Mayroong hindi nasisiyahan na ito’y pagusapan. Ang dahilan ay mayroong suliranin kung papaanong makakatulog. Ang ilan ay sanhi ‘o dulot ng karamdaman o kaya walang matulugan.

Mga kaibigan, paumanhin sa bahaging ito, subalit tunay na hindi maiaalis na ang ilan ay may suliranin sa pagtulog. Ang PAGPURI ‘o EHERSISYO ay naka- tutulong upang malunasan dahan-dahan ang karanasang hindi makatulog at gayundin ang may karamdaman pisikal. Ang pangunahing solusyon upang makatulog ay ipanatag ang sarili at gawin ang ehersisyo na iminumungkahi dito.

Kapag palagi nang ginagawa ito, bago matulog, gayundin pagkagising, hindi na muling magkakaroon ng suliranin sa pagtulog ang sinuman. Ang PAGTULOG ang IKATLONG PARAAN upang ang katawan ay makarating sa destinasyon ng permanente.

IV. (PangApat na Gulong) KAGANDAHANG ASAL

Ang IKA 4 NA PARAAN ay ang KAGANDAHANG ASAL.

27

Page 28: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Kailangan pairalin sa lahat ng pagkakataon kapag mayroong kausap upang permanenteng manatili ang pisikal. Ang kagandahang asal ay katangiang dakila. Walang sinuman ang hindi nakababatid sa katangiang ito. Ang kagandahang asal ay kahalintulad ng binhi na itinanim sa lupa na inhanda ng magsasaka. Ang mga magulang ang tunay na magsasaka. Sa kanila nagmula pag-aralin ‘o dahan-dahang turuan ng magaganda at piling salita ang kanilang mga anak. Simula pa lamang sa siyam na buwan, nang ang sanggol ay isilang, unti-unti ng simulan turuan ito ng kagandahang asal. Hindi nakatago ang lahat, ang mga magulang ay hindi nagpapabaya sa minamahal nilang mga anak. At sa kanilang pagmamahal ay kanila itong binabantayan, pinaliliguan, pinupulbusan, ayaw padapuan sa langaw at iba pang insekto katulad ng lamok. Gayunpaman, maligaya sila, sapagkat kinkikitaan na ng pagbabago ang kanilang minamahal na anak.

Ang kasiyahan ng magulang ay nadaragdagan kapag ang isang bata ay nagsimula ng lumakad at magsalita ng “Papa” at “Mama” ‘o “Tatay” at “Nanay”. Sa panahong ito, abalang-abala na ang magulang sa pagtuturo ng ibat-ibang angkop ng salitang ma-iintindihan ng bata. Sa Katagalugan ay ginagamit ang “Po” at “Opo” sa pagtuturo sa mga minamahal nilang anak.

Ang may akda ng aklat na ito ay napatunayan na, na ang “Po” at “Opo” ay napakahalaga. Subali’t hindi ito nangangailangan na parisan o tularan sa mga hindi nakagawian ang paggamit dahil lason ‘o mapait ang katulad. Gayunpaman, ay napatunayan na mabuti ang nagagawa kapag ginagamit ito. Lalong higit sa maliit o maralitang utusan ‘o naglilingkod, nangangailangan at aba ang kalagayan at tungkulin sa lipunan. Maging ang presidente, mga senador at lingkud ay gumagamit ng katagang nabanggit. Gayundin ang ilang mapagsamantala … ginagamit ang paraang ito. Mabilis nilang nakakamit ang kanilang nais, subali’t yaon ay may hangganan.

Ang ilang dalubhasa ay nagtuturo ng kagandahang asal at napakarami pang iba, subali’t kapag nagtatagal ay nakakalimutan. Ang katanungan ay “Bakit ?”. Ano ang dahilan at

28

Page 29: Ang Pitong Buhay Na Sarili

ang isang bakal ay kinakalawang? Hindi mahirap unawain na kaya nagaganap ‘o nagyayari ang kahinaan ay dahil sa pagpapabaya.

Ang mga magulang ‘o ibang tao, ay may ganitong salawikain:

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”.

Ang kasabihang ito ay nakaugnay sa DAKILANG KATANGIAN. Ito ang katangiang hinahanap ng bawa’t buhay na hindi dapat hanapin. Ang bawa’t isa ‘o tayo ay mayroon nito. Hindi lamang nababatid sapagka’t ito ay nakabilanggo at ayaw pairalin ng sarili. Palayain ito!

Gayunpaman ay lumalaya ito paminsanminsan yaon ay kung mas matanda sa kanila ‘o dili naman kaya ay mas nakahihigit ang katungkulan ng kaharap, kaya’t ang kasabihan ay patuloy na nasasabi ng ilan. Ang dahilan ay mayroong nangangarap na dumating na muli at ganapin ang itinuro (ang Kagandahang Asal) ng mga magulang sa pinakamamahal nilang mga anak noong ito’y maliliit pang bata. Ikaw, Kaibigan, ayaw mo pa ba ?

Maraming mga magulang ang tutuong nagugulat sa mga anak na ina-alagaan nila noon. Napakalaki ng ipinagbago … lubhang napakapusok nito ngayon; padalosdalos at napakabilis magpasiya, nahilig sa mga hindi dapat at tutuong kung mangusap ay katulad ng patalim ng magkabilaan ang talim ‘o napakawalang ingat na sumusugat sa sarili, sa kapuwa at sa ibang kaloobang nasa tao.

Narito ang simpleng paraan na may apat (4) na bahagi, na angkop kung papaano ang kagandahang asal ay manatili:

Mababang kalooban o mapagpakumbaba Magalang sa lahat o napakagalang Maunawain o napakamaunawain Mahinahon sa pagsasalita ‘o napakahinahon

29

Page 30: Ang Pitong Buhay Na Sarili

na punungpuno ng pagmamahal

Mga kaibigan, saan po ba tayo papasok? Sa kagandahang asal? ‘o sa kabaliktaran nito? Ang sino man ay malayang mamili kung ano ang nais na katangiang isasabuhay. Ang layunin ng magulang ay umiral at manatili ang KAGANDAHANG ASAL sa lahat ‘o bawa’t tao ay maging permanente nang ginagawa.

Batid ng lahat, lalo na sa mga dalubhasa sa batas, ang napakarami ng paraan ang nagawa para supilin ang kabataang mapupusok sa wastong gulang, upang maisaayos ang kanilang ugali. Sa mga paraang iyan ay kasama na ang pananakot, pag-gamit ng pasigaw na boses, pagsisinungaling, pananakit ng kalooban at katawan, gamit materyal at kuryente, lason … ngunit wala pa ring solusyon.

Ang kailangan lamang ay simulan na … at kung papaano ay:

o Una –----- ay sa sarilio Ikalawa –--ay sa pamilyao Ikatlo – ---ay sa mga kaibigan ato Ika-apat – ay sa ibang kapuwa tao ‘o bagay

Sa bahaging ito ay mababatid na hindi napakahirap isagawa na ang sarili ay malagay sa kaayusan ang kalooban, gayundin ang kapuwa.

Kaibigan, sino ka man, ano man ang inyong posisyon, ay napakahalaga MO. Ikaw ay kasama sa pagsasaayos ng maraming bagay para sa HINAHARAP. Ang daigdig na ito ay kailangang manatili. Ito’y behikulo na hindi na kailangan ang eksperto para tuklasin at muling gumawa ng kapareho nito. Ang behikulong ito ay naglalakbay sa kalawakan na may sapat na panggatong ‘o enerhiya. Ang kailangan lamang ay tamasahin ang lahat na nandirito sa behikulong ito ng pantay na karapatan. Ang behikulong ito ay hindi kailangang pabilisin ‘o pabagalin sa nakaprogramang pagkilos nito. Nakadi-senyo ito sa pananatili.

30

Page 31: Ang Pitong Buhay Na Sarili

Ikaw at ang pisikal ay gayundin ang dapat mangyari. Kung nanaising lisanin ang daigdig ‘o behikulong ito ay walang nagbabawal. Alam ba ninyo na p’wede ng maglakbay (kung nanaisin) ang isang tao patungo sa ibang planeta ‘o sa kalawakan? P’wedeng-p’wede kaya lamang ay napakalaki ng halagang kapalit ang kakailanganin upang matupad yaon.

Kaibigan, kailangan sa daigdig na ito ang isang tao na may lakas pangloob, may tiyak na pag-iisip at may tiyak na gawa. Siya’y nag-tataglay ng tutong KABUTIHAN, KAGANDAHANG LOOB, KALUSUGAN AT KATUGMAAN sa lahat ng bagay upang ang lahat na naririto ay makinabang sa hangarin o mithiing KALIGAYAHAN.

Napakahalaga ng tao; ANG TAO AY TIRAHAN NG BUHAY. Kung ang tao ay mayroong damit, ang buhay naman ay may katawang pisikal at iyan ang pinakadamit. Napakaraming bagay na mahalaga, subalit hindi yaon nahahayag. Ang mga unang nararapat bigyan ng pansin ay ang “SARILI”. Isa-ayos sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kagandahang asal sa lahat ng pagkakataon. Nakapagpapasaya ang pagbibiro, subalit ang labis ay nakapagdudulot ng paglayo ng kalooban ng kapuwa. Ang mga materyal na pangangailangan ay dahan-dahan maiayos. Sa pangyayaring ito ay ligtas na ang tao ‘o pisikal at yaon ay sa tulong ng kagandahang asal.

V. (PangLimang Gulong) ANG HINDI PAGHATOL

Ang hindi paghatol ay ang ika Limang Gulong na magsisilbing katulad na reserba ng “behikulo”. Napakadakilang pangyayari ito

31

Page 32: Ang Pitong Buhay Na Sarili

sa kasaysayan ng panahong darating sapagka’t, kapuwa ang buhay at katawang pisikal, ay mananatili na ng permanente; gayundin ang dahandahang pagkalupig ng sumpa ng kahirapan at higit sa lahat ay pakalimiin ‘o namnamin na ang hatol at kamatayan ay hindi kapuwa magkakaroon ng kapangyarihan sa pisikal na katawan at PITONG BUHAY na SARILI.

PA-ALAALA: Mga Kaibigan, tanggapin man natin ‘o hindi, kilalanin ‘o ipagwalang bahala, ang daigdig na ito ay may isang batas na umiiral na kung tawagin ng iba ay Batas na Kalikasan na:

“Ano man ang iyong itanim, sa isip ‘o gawa, iyan ang iyong aanihin”.

PAKIUSAP PO: Huwag po ang tao at ang daigdig na ito ay puksain. Sapagka’t ang lahat ay napakahalaga … kasama po kayo, Kaibigan.

PAKA-UNAWAIN:

Ang kulang ay daragdagan. Ang pamamaraang natunghayan ay napakalinaw ‘o paghahayag na ang mga naunang pamamaraan ay tutuo. Ang paglalahad na ito ay upang sa bawa’t gagawin ay ikapit ang tunay na PAGPAPAHALAGA at PAGMAMAHAL sa lahat ng PAGKAKATAON.

Ang PITONG BUHAY NA SARILI ay KAYO at TAYO:

1. KATAHIMIKAN2. PANDINIG3. PANINGIN4. PANG-AMOY5. ISIP

32

Page 33: Ang Pitong Buhay Na Sarili

6. PANG-UNAWA7. SALITA

Mga KAIBIGAN, ang TAO ang ating TIRAHAN, kung kaya’t ngayon, ang panahong hinihintay ay yaon ay IKAW ‘o TAYO – ang NAPAKADAKILANG PITONG BUHAY na SARILI.

TANDAAN:

NAPAKADAKILA NG LUMALANG … ANG LAHAT ay NAPAKAHALAGA!

Ang IKA PITO ay ang SALITA. Ang SALITA, na kung saan ay nararapat bantayan ang katulad tuwina sapagka’t SIYA ( SALITA ) ang bukod tanging taga pagpahayag sa Anim ( 6) na kasama na dapat ang ISIP at PANG-UNAWA ay laging nakaalalay.

Ang ISIP at ang PANG-UNAWA ang pinakamagulang na salita.Tuwirang napaka-angkop ang mayroong mapagmahal na pagbigkas ng salita.Nararapat, huwag pairalin ang Tatlong (3) pag-uugali:

Pag-aalalaTakotGalit

Ang mga ugaling nabanggit ay napakalaking sagabal ‘o hadlang tungo sa kadakilaan; bagkus ay panatilihin sa lahat ng PAGKAKATAON ang ipinahayag na mga nilalaman ng aklat na ito…

Ang PITONG BUHAY na SARILI

SALAMAT PO. SALAMAT PO. SALAMAT PO. SALAMAT PO.

Mga ALITUNTUNIN33

Page 34: Ang Pitong Buhay Na Sarili

tungo sa KADAKILAAN, PAGKAMATIBAY at KAPANATAGANupang maging NAPAKADAKILA:

Ano man ang ginawa sa katawang pisikal ay ginawa sa ANAK ng DIYOS AMA.

Ituring na ang bawa’t kausap na katawang pisikal ay ang PITONG BUHAY na SARILI ‘o lumalang sa IYO … upang hindi makapanglapastangan.

Ituring na ang lahat na nakikita ay SIYA upang lubusan ang paggalang.

Ano man ang mapanirang kaisipan ay huwag pahintulutan makapasok sa diwa nang hindi ito makapamahay sa kailaliman ng kamalayan.

Ang tanging gagawin ay iwaksi ang udyuk ng kasamaan ‘o hindi mabuti at isuko ang mga bagay na hindi nakakatulong sa iyo.

Tanggapin lamang at angkinin ang mga NAKATUTULONG, NAKABUBUTI, MAKABULUHAN at WASTONG MUNGKAHI sa kaisipan.

Ang isang ideya na sasagi sa isipang may malay ay makapaghahatid lamang ng isang karanasang KALIGAYAHAN habang nagpapatuloy ang buhay sa katawang pisikal.

Tanggapin, subali’t, huwag sasabihin na kayo ‘o tayo ang PITONG BUHAY na SARILI. Ang pinagmulan ng lahat na siyang dahilan upang ang sarili ay hindi mawala at ang katawang pisikal ay hindi hahatulan ( ng kaharap) .

Ngayon ay naririto at dumating ka na, ang napakahalaga, kung kaya’t ipanata ang sarili, norma ‘o natural na napakadalisay na kalooban at higit sa lahat punong-puno ng pagmamahal kung mangusap.

34

Page 35: Ang Pitong Buhay Na Sarili

PANGHULING SALITA

Ang mga natalang kaalaman sa munting aklat na ito ay panimula pa lamang. Kapag ito ay pumasok na sa inyong kaalaman, lilikha ito ng pagpapatunay sa inyong kalooban at susunod ay gagawin mo ito ng may pagdama, pananalig at kapanatagan.

Kapag ito ay naganap na, muling isisilang ang inyong bagong mga katangian na

PAGMAMAHAL, PANGUNAWA, PAGPAPATAWAD at MABUTING GAWA.

Abangan ang mga susunod pang kaalaman na (karunungan na) ihahayag ng may akda.

Salamat. Salamat. Salamat. Maraming Salamat Po.

35

Page 36: Ang Pitong Buhay Na Sarili

36

Page 37: Ang Pitong Buhay Na Sarili

37