Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa
description
Transcript of Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa
![Page 1: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/1.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
A N G K O S M O L O H I Y A A T S I M B O L I S M O N G M G A S A N D A T A N G P I L I P I N O : I S A N G P A N I M U L A N G
P A G - A A R A L
A B S T R A K
Sa kosmolohiya ng Kapilipinuhan noong Dating Panahon (bago pa mag ika-16 na
daantaon MK), may pinaniniwalaang tatlong antas ang kosmos o uniberso. Ang mga ito ay
ang Kaitaasan (o Kalangitan), ang Lupa, at ang Kailaliman. Buhat sa pinaniniwalaang mga
anito na nananahan sa Kaitaasan at sa Kailaliman, doon kumuha ang mga Pilipino ng
disenyo sa pang-arawaraw na kagamitan, kasama na rin ang disenyo ng mga sandata.
M G A S U S I N G T E R M I N O
anito, sandata, araw, ibon, ahas
ANG KOSMOS NG PILIPINO NOONG DATING PANAHON (O BAGO
PUMASOK ANG ISLAM AT KRISTIYANISMO)
Ang mahabang panahon sa nakaraan ng Pilipinas bago pa dumating ang mga
kolonisador ay karaniwang tinatawag na Dating Panahon (ika-16 na daantaon MK at mas
maaga pa). Austronesyano ang tawag sa mga ninuno ng mga tao sa kapuluan na naging
Pilipinas at sa kapit-isla ng Taiwan, Borneo, atbp. [Bellwood, et al.].
Noong Dating Panahon at mas nauna pa, ang mga Austronesyano ay may tanging
paniniwala sa kayarian ng kosmos o uniberso (Plate 1). Ang kosmos daw ay may tatlong
bahagi: [1] ang Kaitaasan o Kalangitan, na kung saan ang pangunahing anito ay ang araw,
at isa sa simbolo ng araw ay ang ibon; [2] ang Lupa na kung saan nananahan ang mga tao
![Page 2: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/2.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
at iba pang mortal na nilalang; at [3] ang Kailaliman na kung saan ang pangunahing anito
ay ang ahas (o naga, dragon, buaya). Ang pagkakahalo ng Kalangitan at ng Lupa ay
tinatawag na Sansinukob o Santinakpan [ZA Salazar, iba’t ibang akda at personal na
panayam, 2010].
Mula kay Sitoy: “Evidences of similar concepts of a multi-layered universe are also
found in the mythologies of other Philippine groups, as the Ifugaos of northern Luzon,
and the Visayans of Panay, who called the sky-world kahilwayan; the middle world of
men, kamariitan; and the nether-world, kasakitan.” 1
Tungkol sa Kailaliman, sa bersiyon ng mga Manobo sa Mindanao, pagkatapos lalangin
ni Kakalindug ang Lupa, naglagay ang nasabing anito ng isang malaking sawa sa gitnang
posteng tukod sa ilalim ng Lupa, bilang
proteksyon ng mga naninirahan sa Lupa.
Para sa mga Bukidnon (Higaonon) naman,
ang Kailaliman ay pinangangalagaan din ng
isang malaking sawa, ang bakusan o naga,
at ang pangalan nito ay Intumbangel.
Para sa mga Higaonon pa rin, ang
Santinakpan ay hawak na isang
dambuhalang ibon, ang galura. At ang pagpalaspas ng mga pakpak ng galura ang siyang
dahilan ng malakas na hangin sa Lupa [Sitoy, 1985:4-5]. Kung minsan naman ay kumikilos
daw ang bantay na ahas ng Kailaliman. At ito ang dahilan ng paglindol. Sa pagkakataon na
sinusubukang lulunin ng ahas ang araw, ito naman daw ang sanhi ng eklipse.
1 Sinipi ni T. Valentino Sitoy, Jr. mula kay Jocano, Philippine Prehistory, 223, sa The Initial Encounter: A History of Christianity in the Philippines (1985).
Plate 1 - Tatlong lebel ng kosmos [Larawan: Filhistory.com]
![Page 3: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/3.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Sa kasalukuyang panahon ay negatibo ang pananaw ng mga tao tungkol sa ahas.
Ngunit noong Dating Panahon, ang ahas ay itinuturing na isang mapangalaga na anito,
kagaya ng natunghayan sa itaas. Sa Borneo, ang dragon (na maituturing na isang uri ng
ahas) ay siyang kinagigiliwang anito. Ito ay dahil ang dragon (i.e., ahas) ay naninirahan na
mas malapit sa sangkatauhan. Itinuturing din na ang dragon ay may kasarian na babae (at
ang araw o ibon ay may kasarian na lalaki). Dahil ang dragon ay itinuturing na babae,
ipinagpapalagay din na ito kagaya ng isang ina ay mapag-aruga at mas madaling lapitan sa
oras ng pangangailangan [Selato, 1989:44].
Malaki din ang pagpapahalaga at pananalig ng mga Pilipino (at ng lahat ng
Austronesyano) noong Dating Panahon sa anitong araw, at sa simbolo o sugo nito na ibon.
Halimbawa ayon kay Pigafetta, natunghayan sa “Zzubu” (Cebu) kung papaano ang
mga babaylan ay sumasamba sa araw bilang bahagi ng isang ritwal [Pigafetta, 1525]:
“And when they [mga babaylan] are on that cloth, they make a reverence to the
Sun ... and one of them [punong babaylan] puts on her forehead a kerchief with
two horns which she makes of it ... she calls on the Sun ... the other [babaylan]
dances with her, both saying many things to the Sun ... She of the horns
[punong babaylan] continues to speak secretly to the Sun, and the other
answers her.”
Nabanggit din ni Pigafetta na sa “Mattan” (Mactan), na teritoryo ni Lapulapu, ay araw
din ang dinidios: “the people in Mactan Island worshipped the sun, revering it very well” 2.
Si Juan Salcedo, sa kanyang Proyectos de dominacion y colonizacion de Mindanao y
Jolo [1891], ay nag-ulat ng parehong ritwal sa mga Mandaya sa Agusan sa Mindanao. Dito,
ang mga babaylan sa kanilang ritwal ay itinataas ang kanilang kanang kamay sa direksyon
ng araw (o ng buwan kung gabi), para humingi ng tulong sa anitong araw ng Kaitaasan.
2 Pigafetta, 1525, sa salin ni Paige, 1969:71, na sinipi kay Melendres, 2009
![Page 4: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/4.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Madalas ding isalaysay ng mga misyonerong Espanyol na laganap ang pagsamba ng
mga Pilipino sa araw at sa buwan. Sa aklat ni Isabelo delos Reyes na Religion of the
Katipunan [1899], binanggit niya ang pagtatanggol ni Rizal sa kaugalian na ito. Sa sinabi
ni Morga [1609] patungkol sa relihiyon ng mga Filipino noong Dating Panahon, na:
“others [Filipinos] adored the sun and the moon and they held fiestas and bacchanalia
when they met”, ang sagot ni Rizal ay:
“in the worship of the sun and the moon, man is acknowledged to be rational
and gratified ... in this planet of ours there is no being that can provide us a
better idea of God than the sun”
Ani pa ni Morga, at patungkol naman sa pagsamba sa ibon: “There were those who
worshipped a certain bird with yellow color and lives in the mountains, called Batala”. Sa
anotasyon pa rin ni Rizal [1890] sa akda ni Morga, at patungkol pa rin sa relihiyon noong
Dating Panahon, ang komentaryo ni Rizal ay:
“Blue bird, say the Jesuits Chirino and Colin who in their capacity as
missionaries ought to be better informed. ‘Of the size of a thrush that they
called Tigmamanukin they assigned to him the name Bathala,’ says Colin. Well
now, we don’t know any blue bird either of this size or this name. There is a
yellow (though not completely so) bird and it is kuliawan or golden oriole.
Probably this bird never existed and if it existed at one time, it must have been
like the eagle of Jupiter, the peacock of Juno, the dove of Venus, the different
animals of the Egyptian mythology, that is, symbols which the populace and
the ignorant laymen confuse with the divinities. This bird, blue or yellow,
would be the symbol of God the Creator whom they call Bathala May Kapal ...”
Tama nga si Rizal na sa pag-aaral ng relihiyon sa Dating Panahon, hindi dapat
pagkamalian ang sugo (i.e., ang ibon o tigmamanukin) sa nagsugo (i.e., Bathala).
Ang ibon bilang sugo ng araw ay kinikila din sa buong Timog-Silangang Asya at kalapit
na lugar na isang makapangyarihang anito [Maximilianus Transylvanus, 1523]:
![Page 5: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/5.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
“They call this bird Mamuco Diata [Manuk Dewato sa Malay, o Burung Dewata
sa Indiyano, na ang ibig sabihin ay ibon ng mga diwata o mga anito]; and they
venerate it so highly, that the kings [ng Malacca] think themselves safe in battle
under their protection, even when, according to their custom, they are placed
in the front line of the army in battle.”
Ang pagtatangi naman sa iba pang anito ng Kailaliman, kagaya ng buaya, ay
matingkad din, ayon pa rin kay Morga:
“In the rivers and streams there are very large and small scorpions and a
great number of cruel crocodiles ... [which crocodiles] they fear and respect to
the degree of veneration ... these reptiles are involved or mentioned in their
oaths, execrations, etc. ... even among Christians -- in the Buhayan Moro
language thus: ‘May the crocodiles kill him!’ ”
“... they also worshipped and revered the crocodiles when they saw them,
kneeling down with their arms crossed”.
Gayun din ang pagpapahalaga at pagsamba n g mga Bisaya sa buaya [Scott, 1992:118].
Bukod sa pagsamba sa araw at ibon, at sa ahas at sa buaya, ang mga yumaong ninuno
na naging anito na ay sinasamba din ng mga Pilipino noon. Ito ay pinakamatingkad sa
Kabisayaan [Scott, 1992:121]:
“Ancestor spirits specifically were called umalagad ... and they were venerated
as personal guardians or companions ... and were considered essential
shipmates on any sea raid, sometimes going on board in the form of a python.
Indeed, some were said to have been born as snake twins from the same womb
as the persons they were destined to protect. It was these umalagad and kalag
[ang kaluluwa ng tao], rather than the diwata [mga ibang dios at diosa], who
were the main objects of Visayan adoration [ang empasis ay idinagdag]”
Bilang buod, noong Dating Panahon ang araw at ang ibon ang mga pangunahing anito
ng Kalangitan na siyang sinasamba. At sa Kailaliman ay ang ahas ang pinakamahalagang
![Page 6: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/6.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
anito. Ang mga yumaong ninuno na naging anito na ay sinasamba din, lalong-lalo na sa
Kabisayaan.
ANG EKSPRESYON NG RELIHIYON SA KALINANGAN AT SINING
Ang taimtim na paniniwala ng mga Pilipino noon sa kanyang kosmolohiya at relihiyon
ay isinalin niya sa bawat bahagi ng kanyang pamumuhay. Makikita pa ang bakas ng mga
ito, sa kalinangan at sining ng mga pangkat na hindi lubhang napasok ng mga kolonisador
(hal., ang mga Igorot, Panay Bukidnon, Moro, at Lumad sa Mindanao).
Ang unang halimbawa sa artikulong ito ng ekspresyon ng relihiyon noon ay ang
arkitektura ng bahay (i.e., ang bahay kubo 3). Ang disenyo na ito ay ginagamit pa rin
hanggang ngayon sa buong Timog-Silangang Asya. Sa unang tingin ay napakapayak ng
disenyo nito. Ngunit napakagandang isinasalarawan nito ang pinaniniwalaang
kosmolohiya na may tatlong antas ang uniberso.
Ang bahay kubo (Plate 2) sa Timog-Silangang Asya ay may talong lebel na
kumakatawan sa pinaniniwalaang
tatlong antas ng kosmos: (1) ang
espasyo na nasa pagitan ng kisame at
bubungan; (2) ang mismong
kabahayan; at (3) ang hubad na
silong na napapaligiran ng mga
kahoy na poste. Sa Ayala Museum ay
mayroong larawan ng isang lumang
3 Ayon sa mga Pilipinong arkitekto, ang “bahay na bato” (hal., yaong mga nasa Vigan, Ilocos Sur) ay isang uri pa rin ng bahay kubo. Mas madaling isipin ito kapag tatanggalin ang batong dingding na nakapaikot sa unang palapag. Kapag ginawa ito (at maari talagang gawin ito dahil ang sumusuporta sa ikalawang palapag, na yari sa kahoy, ay ang mga poste na nakabaon sa lupa, at hindi ang mga nasabing dingding na bato sa unang palapag), ang matitira ay ang mga naturang poste na lamang at ang kahoy na estraktura sa ikalawang palapag -- ang bahay kubo.
Plate 2 - Pilipinong bahay na may tatlong lebel [Larawan: US archives]
![Page 7: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/7.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
ukit na mula sa Kalimantan sa Borneo. Ang paliwanag sa larawan, na nagpapakita ng
langit, lupa na may mga naninirahan, at tubig ay ito:
“Southeast Asian notions about the upperworld, underworld and the earthly
realm have been linguistically traced to periods prior to contact with Hindu,
Buddhist, Islamic, and Western systems of thoughts. The architecture of
Philippines, Indonesia and Malaysian houses reflect three-tiered organization
of space, with the area below the house reserved for animals, the area within
for humans, and the loft above for ancestral shrines. This tripartite universe is
reaffirmed when sculpted figures of birds are viewed as symbols of the
upperworld, the naga or serpent as representing the underworld, and the
earthbound tree (with its high branches and deep roots as connecting the two
realms).”
Sa Cordillera, ang espasyo sa pagitan ng kisame at bubong ay ginagamit hanggang
ngayon na lagayan ng mga anitong bulul, at kung minsan ay ng mga nakabalot na buto ng
mga ninuno. Ito ay sangayon nga sa paniniwala na ang espasyong ito ay kumakatawan sa
Kalangitan na siyang tahanan ng mga anito at ng mga ninunong yumao.
Makikita din sa Mindanao na ang sarimanok ay inalalagay sa tuktok ng bubong na
bahay. Ito ay tugma pa rin sa nasabing kosmolohiya na ang ibon bilang anito ng Kaitaasan
ay doon sa pinakaitaas na bahagi ng bahay dapat ilagay.
Sa Luzon sa ritwal ng kasal ng mga Itneg (Tingguian), mayroong bahagi na ang bagong
kasal ay nag-aalay ng kanin sa mga anito [Cole, 1922]:
“The girl drops hers through the slits in the bamboo floor as an offering to the
spirits, but the boy tosses his into the air.”
Marahil ay itinuturing din ng mga Itneg na ang anito ng Kailaliman ay babae ang
kasarian, kaya ang babae ang nag-aalay sa kanya. At ang anito ng Kaitaasan ay maaari na
lalaki ang turing, kaya ang lalaki ang nag-aalay sa kanya.
![Page 8: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/8.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Sa sayaw ng mga Panay Bukidnon, makikita ang kahawig na ritwal. Sa tuwituwina ay
pumapadyak sila sa sahig ng bahay na sinasayawan. Ang pagpadyak na ito ay ginagawa
bilang paggalang sa mga anito ng Kailaliman [Alicia Magos at Christine Muyco, personal
na kumunikasyon, 2010], at ang Kailaliman nga ay isinisimbolo ng silong ng bahay. Sa
nasabing sayaw, madalas ding tumitingala papalangit ang mga Panay Bukidnon. Ito
naman daw ay sumasagisag ng pagpupugay sa haring araw (at ang indak ng mga kamay at
katawan na animo’y ibon ay pagpupugay pa din sa anitong araw).
Sa bahay ng mga Maranao, ang panolong ay karaniwang may anyo na naga o ahas.
Muli, malinaw ang simbolismo ng Pilipinong kosmolohiya dito -- na ang silong ng bahay
ay nagsasalarawan ng Kailaliman na binabantayan ng anitong ahas (i.e., ang mga naga sa
panolong, Plate 3).
Ang ikalawang halimbawa ay makikita
sa tatu ng mga Pilipino noon. Sa larawan
ng mga Bisayang “pintado” sa Boxer
Codex [1595], makikita din ang simbolo na
araw at ng ahas (Plate 4).
Ang sagisag ng araw ay makikita sa
magkabilang bahagi ng dibdib ng Bisaya na
nasa kaliwa, at maging sa likurang bahagi ng kanyang mga hita. Sa magkabilang pigi
naman ng Bisaya na nasa kanan ay makikita din ang simbolo ng araw. Ang nakapaikot na
disenyo sa leeg ng dalawa, ay isa pa ring simbolo ng araw. Madalas ding makikita ang
paikot na disenyo na ito sa ‘kwelyo’ mga palyok noong Dating Panahon 4.
4 Barretto-Tesoro, Grace. “Where are the Datu and Catalonan in Early Philippine Societies? Investigating Status in Calatagan,” Philippine Quarterly of Culture & Society. Cebu City: San Carlos Publications. September 2008. pp. 88 & 89.
Plate 3 - Panolong ng Maranaw na torogan na naga (dragon) ang motif [Larawan: A. Madale, The Maranaw Torogan(kaliwa) at M. Saber at D. Orellana, Maranao Folk Art (kanan)]
![Page 9: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/9.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Ang ahas naman ay kadalasang isinasagisag ng mga
zigzag na guhit o sunodsunod na hugis diamante. Kaya
hayag na hayag din sa mga tatu ang simbolo na ahas, i.e.,
sa kanilang likuran at sa kahabaan ng kanilang mga
braso at hita at binti.
Ang arkitektura ng tradisyunal na bahay at disenyo
ng tatu ay ilan lamang sa maraming halimbawa.
Makikita din sa sayaw, inukit na kahoy, palyok, habi,
palaspas 5, at marami pang iba, ang ekspresyon ng
dating relihiyon ng Kapilipinuhan.
ANG SIMBOLO NG ARAW AT IBON SA SANDATANG PILIPINO
Noong Dating Panahon maging hanggang ngayon, alinsunod sa kosmolohiyang
pinaniniwalaan, ang araw at ang ibon ang pangunahing disenyo sa sandata, kalasag, at
kasuotan ng mandirigma.
Sa nahukay na mga gintong puluhan sa Mindanao (Plate 5), malinaw na ulo ng ibon
(at apoy, na simbolo din ng araw) ang isinasalarawan. Ang mga puluhang nasabi ay
tinatayang nagbuhat sa ika-10 hanggang ika-13 na daantaon MK.
5 Nocheseda, Elmer. “Palaspas Vernacular: Towards an Appreciation of Palm Leaf Art in the Philippines,” Philippine Quarterly of Culture & Society. Cebu City: San Carlos Publications. March 2004, at Palaspas: An Appreciation of Palm Leaf Art in the Philippines, Quezon City: Ateneo de Manila Press. 2010.
Plate 4 - “Pintados”, mula sa Boxer Codex [Larawan: Lualo/ Flicker]
![Page 10: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/10.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Dahil ang kalinangan at sining ng mga Moro
(kagaya ng sa Lumad, Panay Bukidnon, at Igorot) ay
halos hindi naimpluwensyahan ng mga kolonisador,
ang mga disenyong Moro ay maituturing na malapit
pa rin doon sa Dating Panahon.
Sa apat ng
pangunahing
patalim na
pangdigma ng mga Moro (i.e., ang barung, pira,
kampilan, at kris), ang anitong ibon ang malinaw din na
isinasalarawan.
Sa barung o barong (Plate 6) ang ulo ng kakatua,
isang uri ng loro na laganap sa Timog-Silangang Asya
(Plate 7), ang ipinapalagay na inspirasyon ng hugis ng
puluhan [Cato, 1996: 36].
Ang puluhan ng barung na nasa pinaka-kanan (Plate
6) ang tradisyunal na anyo ng barung. Makikita dito ang
prominenteng ‘palong’, na hawig sa palong ng kakatua.
Ang mahabang ‘palong’ at ‘tuka’ sa puluhan ng
barung ay maaring sumabit sa kasuotan ng mandirigma,
sa paghugot nito sa kaluban. Dahil dito, ang mga
mandirigma ay pinaliliit ang palong at tuka, kagaya ng
Plate 5 - Gintong puluhan, ika-10 hanggang 13 na daantaon [Larawan: Bulawan/ NCCA]
Plate 7 - Kakatua [Larawan: Doug Janson]
Plate 6 - Mga antigong barung ng mga Moro [Larawan: Filhistory.com]
![Page 11: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/11.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
tatlo pang halimbawa sa Plate 6. Ang apat na barung ay ipinapalagay na hindi bababa ang
edad sa 100 taon.
Ang ibang kaluban ng barung ay may hugis na
dalawang pakpak (Plate 8). Mapapagtanto na kapag
nakasilid ang barung sa kaluban, ibon na ibon nga ang
isinasalarawan ng kabuuan. Sa nasabing larawan,
makikita din ang isang Lumad na patalim, na tila apoy
naman ang isinasalarawan sa puluhan (cf. Plate 5).
Ang lahat ng mga simbolismo na ito ay hinggil pa rin
sa araw.
Hindi masyadong malinaw kung saan nagmula
ang salitang ‘barung’. Maari sigurong ipagpalagay na
hinango ito sa pangalan ng ibon na pinaniniwalaang makapangyarihang anito sa digmaan,
ang ‘Burung-dewata’, kagaya ng nabanggit sa itaas. Sa Borneo naman ay tinatawag na
‘burung enggang’ ang kalaw. Kaya maaari din na ipagpalagay ng ang termino para sa ibon
ang ginamit sa pagpapangalan ng tanyag na patalim ng mga Tausug. Sa ano’t ano pa man,
kailangan pa ng mas masusing pag-aaral sa paksa na ito.
Kung ang barung ang pangbansang patalim ng mga Tausug sa Sulu, ang pira naman
ang katumbas nito sa mga Yakan ng Basilan. Kapunapuna na ulo ng ibon din ang disenyo
ng puluhan (Plate 9).
Plate 8 - Moro na barung (kaliwa) at Lumad na kampilan; magkaiba ang eskala ng dalawa [Larawan: Juynboll/ Leiden Museum]
![Page 12: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/12.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Kapansinpansin na sa pira, ang ‘palong’
ay kadalasang lubhang pinalaki. Mayroon
siguro itong kinalaman sa estilo ng
pakikipaglaban ng mga Yakan. Sa tatlong
halimbawa sa Plate 9, ang taya sa kanilang
edad ay: 100 taon (itaas), 50 taon (gitna), at
70 taon (ibaba).
Ang piling patalim ng mga Maranaw at Magindanawon ay ang kampilan. Makikita din
ang representasyon ng ibon dito, at hindi lang sa puluhan bagkos sa kabuuan.
Ang kampilan sa Plate 10 ay isa pa ring
antigong halimbawa. Hindi bababa sa 100 taon
ang edad nito. Sa crossguard ay makikita ang
paglalarawan ng mga nakabukang pakpak ng
ibon. Ang dulo naman ng talim ay mistulang
ulo ng ibon na may matulis na tuka. Kaya ang
kabilang dulo, ang nakasangang puluhan, ay
maituturing na wala ng ibang representasyon
kundi buntot ng ibon [Cato, 1996].
Mayroon namang nagsasabi na ang nakasangang puluhan ay naglalarawan ng bukas
ng bunganga ng buaya [Cato, 1996]. May batayan din ang argumento na ito, dahil malinaw
na ang buaya ay isa sa mga pangunahing anito sa buong kapuluan.
Ngunit tila mas wasto ang interpretasyon na buntot ng ibon ang nakasangang puluhan,
dahil ang pangkalahatang anyo at indibidwal na bahagi ay tumutukoy sa ibon. Bukod pa
Plate 9 - Iba’t ibang mga antigong pira ng mga Yakan ng Basilan [Larawan: Filhistory.com]
Plate 10 - Ang disenyo ng kampilan ay hinango din sa ibon [Larawan: Kriscutlery.com]
![Page 13: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/13.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
rito, ang ‘mata’ 6 sa puluhan ay tila sinag ng araw ang ipinapakita. Maaalala na ang ibon ay
siyang sugo ng anitong araw. Samakatuwid baga’y ang kampilan ay anitong ibon pa rin ang
isinasalarawan.
At bilang kumpirmasyon, ayon sa mga yumao na Datu Komilao at Datu Dangil ng
Mindanao, pawang mga dalubhasa sa tradisyunal na sining ng mga Moro, ang inspirasyon
ng disenyo ng kampilan ay ang layang-layang. 7
Ang pang-apat na pangunahing
patalim ng mga Moro ay ang kris (o
kalis, sondang, sundang, Plate 11).
Ngunit hindi lang sa Sulu-Mindanao
nag-uugat ang kris. Noong Dating
Panahon, ang kris ay ginagamit na
sandata sa buong kapuluan [Scott, 1994]. Hanggang ngayon ay mayroon pa ring makikita
na mangilan-ngilan na kris ng Luzon at
Kabisayaan. Ngunit dahil ang Sulu-
Mindanao ay hindi talaga nalupig ng
mga kolonisador, mas magandang
aralin ang mga Morong kris patungkol
sa paksa ng papel na ito. At ito nga ay
dahil ang hugis ng Moro na kris ay
6 Bilang paghahambing, ang isa sa mga tawag ng mga Panay Bukidnon sa araw ay matampunay, o mata ng punay na ibon (Christine Muyco, personal na komunikasyon, 2010). 7 Ayon sa personal na kumunikasyon (2010) at hindi nakalathala na pananaliksik ni Arnold Hōkūlani Kīnau ng UP-Diliman. Dagdag pa niya – “The kampilan represents a swift's tail, particularly the Purple Needletail Swift which is a bird known to hunt in large groups, nests in caves, and unlike most birds, it makes no noises or calls – thus warrior-like. It’s also known for its beautiful shiny purple color.”
Plate 11 - Kris ng mga Moro [Larawan: Filhistory.com]
Plate 12 - Iba’t-ibang talim ng Moro na kris: tuwid, alon-alon at tuwid, at purong alon-alon [Larawan: Filhistory.com]
![Page 14: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/14.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
maaaring ipagpalagay na mas malapit sa orihinal na disenyo, kaysa sa kasalukuyang
disenyo ng kris ng Luzon at Visaya na ‘lumabnaw’ na.
Kagaya ng inaasahan, ulo din ng kakatua (Plate 11) ang kadalasang disenyo ng
puluhan. Ang malaking kaibahan ng kris sa barung, pira, at
kampilan ay ang pagsasalarawan ng naga o ahas sa talim.
Sa Plate 12 ay makikita ang tatlong uri ng talim ng kris:
(a) tuwid, i.e., walang ‘alon’; (b) tuwid at maalon; at (k)
maalon mula puno hanggang dulo. Sa wikang Moro, ang
unang uri ay tinatawag na matidto (Magindanaw), sundang
espada (Maranaw), at kalis tulid (Tausug). Ang tuwid at
maalon ay tinagurian namang luma (Magindanaw), ranti
(Maranaw), at kalis taluseko (Tausug). Ang purong maalong
talim ay tinatawag na lanti (Magindanaw), seko (Maranaw), at kalis seko (Tausug).
May kinalaman lahat ito sa ipinapalagay na estado ng anitong naga o ahas (Plate 13),
na isinasalarawan ng talim. Ang tuwid na talim ay ahas daw na nakapirme. Kapag
kasisimula pa lang na kumilos ang ahas ay ito daw yaong sinisimbolo ng talim na kalahati
ay tuwid at kalahati ay maalon. At kapag naman tuloy-tuloy na ang galaw ng ahas ay ito
yaong talim na alon-alon sa kahabaan
niya [Cato, 1996].
Kung magkagayon, katangitangi ang
kris sapagkat pinaghalo dito sa isang
sandata ang simbolo ng araw-ibon at ng
ahas-naga.
Plate 13 - Ang simbolo ng ahas, bukod sa ibon, ay makikita din sa kris [Larawan: Wikimedia]
Plate 14 - Mga antigong palakol: sinawit ng Kalinga (itaas) at pin-nang o pinangas ng Bontok (ibaba) [Larawan: Filhistory.com]
![Page 15: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/15.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Sa mga sandata ng Luzon ay litaw din ang mga disenyong
hango sa anitong araw. Halimbawa, ang palakol ng mga Igorot
(Plate 14) ay ipinagpapalagay na ibon ang sinasagisag. May
nagsasabing maaring ang ibong kalaw ang isinasalarawan nito.
Maging ang kanilang tradisyonal na kalasag ay maari ding
ipakahulugan na ibong lumilipad ang sinasagisag. Ang nasabing
kalasag ay nasa Plate 15 at Plate 16. Maari itong ipagpalagay na
isang ibong lumilipad, na kung saan ang gitnang usli sa itaas ay
siyang ulo ng ibon [Salazar, personal na panayam, 2010].
Kagaya ng nakita sa kris ng mga Moro, kung minsan ay
pinaghahalo din ang mga simbolo ng ibon at ng ahas sa mga
gamit na pang-digma ng mga taga ibang rehiyon. Sa kalasag na
nasa Plate 16, makikita ang larawan ng dalawang ahas.
Marahil ay iniisip ng mandirigma na kung ang parehong
anito ng Kaitaasan at ng Kailaliman ang gabay niya, kung
magkagayon ay mas magiging matagumpay siya sa kanyang
gawain.
Mayaman ang paksa na ito at marami pang kailangang tuklasin. Kagaya ng
naipahiwatig sa panimula, ang papel na ito ay isang introduksyon lamang. Hari nawa ay
maaral pa ng mas mabuti ng mga dalubhasa ang mga paksang tinatalakay.
Plat
e 16
- K
alas
ag n
g Itn
eg? [
Lara
wan
: Filh
istor
y.co
m, n
a ku
ha s
a Pa
dre
Burg
os M
useu
m s
a V
igan
, Ilo
cos
Sur]
Plat
e 15
- K
alas
ag n
g Ka
linga
[La
raw
an: M
acao
M
useu
m e
xhib
it/ Jo
se A
lbov
ias,
Jr.]
![Page 16: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/16.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
ANG AHAS AT MGA ANITONG NINUNO SA SANDATANG PILIPINO
Ang along-along kris na nagsisimbolo ng ahas ay hindi lang makikita sa Sulu-
Mindanao. Noong Dating Panahon, ang kris ay ginanamit din sa buong kapuluhan [Scott,
1994].
Sa mga halimbawa sa Plate
17, ang nasa itaas ay kris na tabak
ng Luzon. Ang nasa ibaba naman
ay kris na punyal ng Luzon pa rin.
Kapunapuna na ang kris ng
Luzon ay simetrikal ang talim, at
ang aksis ng talim ay nakalinya sa aksis ng puluhan. Ang kris ng mga Moro naman ay may
kabaliktaran na mga katangian. Ngunit pareho-parehong ahas ang sinisimbolo ng mga
talim ng mga ito.
Sa Kabisayaan ay makikita din ang
disenyo ng ahas sa mga sandata. Sa
ginunting na halimbawa sa Plate 18,
mapupuna na bukod sa pagsasalarawan ng
serpyente sa puluhan, may mga nakaukit din
na hugis kaliskis sa talim.
Pangkaraniwan sa Kabisayaan ang
Plate 18 - Antigong ginunting ng Panay o Negros [Larawan: Filhistory.com]
Plate 17 - Mga antigong kris ng Luzon [Larawan: Filhistory.com]
![Page 17: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/17.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
ganitong puluhan na may halimaw na disenyo. Mayroong mga nagpapalagay na maari na
ang halimaw ay wala ng iba kung hindi ang bakunawa. Ang bakunawa sa tradisyonal na
paniniwala ng mga Bisaya ay isang malaking anitong ahas dagat.
Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang mga Bisaya ay mas higit na sumasamba sa mga
ninunong yumao na naging mga anito na. Ang katanungan ngayon ay papaano maaring
isinasalarawan ng mga sinaunang Bisaya ang mga anitong ito, sa puluhan ng kanilang mga
patalim na sandata.
Ang mga susunod na talakayan ay wala
pang literaturang nailathala na
mapapagbatayan. Hindi ito kagaya ng mga
lahat na tinalakay sa itaas na may mga nasulat
na kahit papaano.
Ang katangitanging sandata ng mga Panay
Bukidnon ay ang taribong na tinatawag ding
talibong o sanduko (Plate 19). Para sa taga-kapatagan ng Panay naman ay tenegre ang
tawag dito (ang bigkas dito ay tinigre). Ang mga
tradisyonal na anyo ng puluhan ng tinigre ay
nasa Plate 20. Ang pag-ikli ng sungay ang
isang katangian ng tinigre, kung ikukumpara sa
taribong.
Wala ng gumagawa ng taribong at tinigre
ngayon, na kagaya ng makikita sa mga larawan.
Ang tradisyonal na patalim ngayon sa Panay ay yaong tinatawag ng binangon. Sa Plate 21
ay inihahambing ang isang antigong tinigre (pinakakaliwa), sa tatlong bagong binangon.
Plate 20 - Mga antigong tinigre ng Panay [Larawan: Filhistory.com]
Plate 19 - Antigong taribong ng mga Panay Bukidnon [Larawan: Jon Vergara/ eksibit sa museo ng Macau]
![Page 18: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/18.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
Dahil mababanaag ang ugat ng disenyo ng
puluhan ng binangon sa mga antigong taribong
at tinigre, maari sigurong sabihin na ang
taribong, tinigre, at binangon ay tunay nga na
iisang pamilya lamang ng mga patalim.
Ayon sa manuskrito 8 patungkol sa mga
Panay Bukidnon na ginawa para sa Museo Iloilo, ang paliwanag sa larawan ng isang
matandang Panay Bukidnon na may sukbit na sanduko (o talibong) ay: “The handle of his
talebong or sanduko (long knife) has a design called ulo ka maranhig (skeletal head of a
maranhig or someone believed to rise from death).”
Hindi kaya mga yumaong ninuno na
naging anito ang tinutukoy ng mga Panay
Bukidnon, patungkol sa disenyong tila bungo
ng tao na nasa puluhan?
Ayon din sa ibang pang Panay Bukidnon,
ang isinasalarawan ng ulong nasabi sa puluhan
ay wala ng iba kung hindi isang “tao” 9.
Halimbawa sa Nias sa Indonesia, ang mga
ninunong yumao ay isinasalarawan din bilang
tao ng may mahabang sungay (Plate 22). At
8 Ni Muyco at Levi, at nasa Sanggunian sa ibaba ang pamagat ng manuskrito 9 Personal na panayam noong 2010 sa Museo Iloilo ni G. Edwin Bautista (isang kolektor at dalubhasa sa mga sandatang Pilipino, lalong-lalo na ng Panay na sandata), kay G. Federico Caballero (National Folk Artist na Panay Bukidnon) at kay G. Romulo Caballero (panday, na kapatid ni Federico), kasama pa ng ibang mga Panay Bukidnon.
Plate 21 - Antigong tinigre (kaliwa), at mga bagong binangon, lahat galing Panay [Larawan: Filhistory.com]
Plate 22 - Mga pigura ng yumaong ninuno (kaliwa at gitna), at tabak (kanan), mula sa isla ng Nias sa Sumatra [Larawan: JA Feldman, et al., Nias Tribal Treasures, at Oriental-Arms.com]
![Page 19: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/19.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
kapunapuna din na ang mga puluhan ng mga patalim nila ay kahawig ng mga antigong
taribong at tinigre ng Panay.
Kagaya ng nasabi, hindi naglalayon ang maikling artikulo na ito na arukin ang mas
malalim pang simbolismo ng puluhan ng mga patalim ng Panay. Para mangyari ito ay
kailangan pa ng mas marami at mas matagal na pag-aaral ng mga dalubhasa.
Gayunpaman, tila nga mga yumaong ninuno ang sinasasisag ng mga inukit na ulo sa
puluhan ng mga patalim ng Panay.
Kung magkakagayon ay tumutugma pa rin sa relihiyon ng Dating Panahon ang
simbolismo sa mga sandata ng Panay, at karatig ng mga isla.
KONKLUSYON
Malinaw na isinalin ng mga Pilipino noong Dating Panahon sa disenyo ng kanilang
mga sandata ang kanilang pinaniniwalaang kosmolohiya at relihiyon. Mababanaag pa rin
ito hanggang ngayon sa mga patalim sa buong bansa, lalo na sa mga pangkat na hindi
masyadong napasok ng mga kolonisador (i.e., mga Moro, Panay Bukidnon, Igorot, at
Lumad). Marami pang kailangang tuklasin sa mga disenyo ng sandatang Pilipino. Ang
papel na ito ay maaring ituring na isang pangsamantala lamang na pag-aaral. Kaya naman
sana nga ay dumami pa ang mga magsasaliksik sa mayamang paksa na ito, lalo na ang mga
dalubhasa. At para sa mga susunod na pag-aaral, nawa ay mas lawakan ang paningin, at
isali pa ang marami pang rehiyon ng Pilipinas. Bukod dito, dapat ding isama sa pag-aaral
ang buong konteksto ng Timog-Silangang Asya, at maging kalapit lugar na rin kagaya ng
Tsina at India (para sa pag-aaral ng impluwensiya ng Budismo-Hinduismo sa relihiyon at
sining ng Kapilipinuhan noong Dating Panahon), at pati na rin sa sa mga pulo ng
Karagatang Pasipiko.
![Page 20: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/20.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
SANGGUNIAN
AMANTE, Vincent Louise. “Banal na Ahas, Ahas na Banal: Ang Ahas o Na ̂ga bilang motif sa mga piling panitikan ng Pilipinas mula sa impluwensiya ng India”, Dalumat E-Journal. Vol. 1 No. 1 2010.
AMBROSIO, Dante L. “Eclipse and the Snake in the Sky: Bakunawa and Laho”. Philippine Daily Inquirer. February 08, 2009.
AMILBANGSA, Ligaya Fernando. Ukkil: Visual Arts of the Sulu Archipelago. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2008.
CASAL, Gabriel, et al. The People and Art of the Philippines. Los Angeles: University of California. 1981.
CATO, Robert. Moro Swords. Singapore: Graham Brash. 1996.
COLE, Fay-Cooper. The Tinguian - Social, Religious, and Economic Life of a Philippine Tribe. USA. 1922.
DELOS REYES, Isabelo. Religion of the Katipunan, which is the religion of the ancient Filipinos. Madrid. 1899. (republished by the National Historical Institute, Manila, 2009)
DEMETRIO, Francisco R. “The Bukidnon myths of sickness, death and afterlife”, Philippine Studies. Ateneo de Manila University Press. Vol. 42 4th Quarter 1994.
EGERTON [Lord Egerton of Tatton]. Indian and Oriental Arms and Armour [London: 1896]. New York: Dover Publications. 2002.
FELDMAN, J. A., et al. Nias Tribal Treasures - Cosmic reflections in stone, wood and gold. Delft: Volkenkundig Museum Nusantara. 1990.
JOCANO, F. Landa. The Philipppines at the Spanish Contact - Some Major Accounts of Early Filipino Society and Culture. Manila: MCS Enterprises. 1975.
JUYNBOLL, H. H. Catalogus van ‘s Rijks Ethnographisch Museum, Deel XX Philippijnen. Leiden: 1928.
KRIEGER, Herbert W. The collection of primitive weapons and armor of the Philippine Islands in the United States National Museum, Bulletin 137. Washington, USA: 1926.
MACDONALD, Charles. “Earth and sky in Philippine and Indonesian mythology”, Philippine Studies. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. Vol. 40 2nd Quarter 1992.
MADALE, Abdullah T. The Maranaw Torogan. Manila: Rex Book Store. 1996.
MADALE, Abdullah T. The Maranaws - Dwellers of the Lake. Manila: Rex Book Store. 1997.
MELENDRES, Ferdinand V. My Country’s Godly Heritage - The History of the Philippines in Biblical Perspective. Quezon City: New Day Publishers. 2009.
MONTEBON, Marivir R. Retracing our Roots - A Journey into Cebu’s Precolonial and Colonial Past. Cebu: ES Villaver Publishing. 2000.
MORGA, Antonio de. Events in the Philippine Islands [1609], annotated by Jose Rizal [1890]. Manila: The National Historical Institute. 2008.
MUYCO, Ma. Christine M. Ga Sibod Dai-A! [video documentary on the Panay Bukidnon]. 2009.
__________________ at LEVI, Titus. “The Panay Bukidnon”. [isang manuskrito na inihanda para sa mga larawan at artifact ng Museo Iloilo sa Iloilo City]
NOONE, Martin J. The Islands Saw It - The Discovery and Conquest of the Philippines 1521-1581. Richview Browne & Nolan: Ireland, 1983.
![Page 21: Ang Kosmolohiya at Simbolismo Ng Mga Sandatang Pilipino_nirebisa](https://reader034.fdocuments.net/reader034/viewer/2022050622/547edbae5906b5b0718b473d/html5/thumbnails/21.jpg)
Ang Kosmolohiya at Simbolismo ng mga Sandatang Pilipino_nirebisa.docx Saturday, August 21, 2010
NOOR, Farish A., KHOO, Eddin, at LOK, David. Spirit of Wood: The Art of Malay Woodcarving. Kuala Lumpur: Periplus Editions. 2003.
PERALTA, Jesus T. Glimpses - Peoples of the Philippines. Pasig: Anvil Pub. 2003.
_____________. Reflections on Philippine culture and society: Festschrift in honor of William Henry Scott. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2001.
PEREZ, Rodrigo III D., ENCARNACION, Rosario S., and DACANAY, Julian Jr. E. Folk Architecture. Quezon City: GCF Books. 1989.
PIGAFETTA, Antonio [isinalin at inedit ni R. A. Skelton]. Magellan’s Voyage – A Narrative Account of the First Circumnavigation. Yale University. 1969.
QUIRINO, Carlos. Filipinos at War. Philippines: Vera Reyes, Inc. 1981.
QUIRINO, Cecil. Crossing the Sulu Seas - A documentary exploring the various aspects of Philippine and Indonesian martial arts and bladed weapons [video, 57 minutes]. Cecil Quirino Kris Productions. 1996.
RAHMANN, Rudolf. “The horn motif in mythology and folklore with special reference to the Philippines”, Philippine Quarterly of Culture & Society. Cebu: San Carlos Publications. Vol. 2 No. 3 Sept. 1974.
REYES, Jose Calleja. Bikol Maharlika. Goodwill Trading, Inc. 1992.
SABER, Mamitua at ORELLANA, Dionisio G. Maranao Folk Art - Survey of Forms, Designs and Meanings. Marawi City: MSU. 1981.
SALAZAR, Zeus A. Ang Pilipinong Banwa sa Mundong Melano-Polynesiano. Quezon City: Palimbagan ng Lahi. 2006.
____________. Liktao at Epiko - Ang Takip ng Tapayang Libmanan ng Libmanan, Camarines Sur. Quezon City: Bagong Kasaysayan. 2004.
____________. The Malayan Connection - Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Quezon City: Palimbagan ng Lahi. 1998.
____________. Iba’t ibang personal na kumunikasyon, 2010.
SAN MIGUEL, Centeno. “Philippine History in Gold”, Bulawan - Journal of Philippine Arts & Culture. Manila: NCCA. Issue 14.
SCOTT, William Henry G. Barangay - Sixteenth-Century Philippine Culture and Society. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 1994.
__________. Looking for the Prehispanic Filipino. Quezon City: New Day Publishers, 1992.
SELLATO, Bernard. Naga dan Burung Enggang - Hornbill and Dragon - Kalimantan Sarawak Sabah Brunei. Elf Aquitaine Indonesie. 1989.
SITOY, T. Valentino Jr. The Initial Encounter - A History of Christianity in the Philippines. Quezon City: New Day Publishers, 1985.
TONSAY, Omar L. Ang Kasaysayan ng Pakikidigmang Ampibyo sa Pilipinas 300 BK - 1946. Disertasyon na pang-doktorado na hindi pa nalilimbag. Unibersidad ng Pilipinas Diliman. 1997.
VILLAN, Vicente C. Pintados - Mga Hukbong Bisaya sa Armadong Ekspedisyong Espanyol sa Kapuluan ng Pilipinas, 1565-1898. Disertasyon na pang-doktorado na hindi pa nalilimbag, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. 2009.