Ang Ating Mga Ninuno

5
Pangangaso gamit ang sibat II. Ang Ating mga Ninuno Aralin 1 Ang mga Unang Pilipino Maraming teorya ang nagbigay suhestiyon kung paano nagkaroon ng mga unang naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa Wave Migration Theory ni H. Otley Beyer, ang pagdating ng mga naninirahan sa bansa ay dumating na parang alon: unang dumating ang tinatawag niyang “Dawn Man” mga 250,000 taon na ang nakalilipas. Ang “Dawn man” ayon kay Beyer, ay may pagkakatulad sa mga sinaunang tao tulad ng Peking Man at java man. Sumunod naman na dumating ang mga Negrito mga 25,000 hanggang 30,000 taon na ang nakalilipas. Sinundan ang mga Negrito ng mga Indones, na nakarating sa Pilipinas gamit ang kanilang mga Bangka mula sa bahagi ng kasalukuyang Indonesia mga 5,000 aon na ang nakalilipas. Sinundan naman ang mga Indones ng pagdating ng mga Malayo taglay ang kanilang teknolohiya sa paggamit ng bakal. Ganunpaman, ang Wave Migration Theory ay hindi ganap na suportado ng mga ebidensya; higit pa rito, ang pagkakatuklas ng mga buto ng Tabon Man at Callao Man na ngayon ay tinatawag na Homo Philippinensis, ay nag dulot ng maraming katanungan sa kawastuhan ng nasabing Teorya ni H. Otley Beyer. Gayunpaman, dahil hindi pa ganap na natutuklasan kung paano nga nagkaroon ng mga tao sa kapuluan, ang ating pagtalakay sa sinaunang mga Pilipino ay babatay na lamang sa mga natuklasang artifak at mga labi ng sinaunang sibilisasyon. Sinasabi na kaiba sa madalas na yugtong pinagdaanan ng mga sinaunang tao sa maraming bahagi ng mundo, ang sinaunang tao sa Pilipinas ay dumaan sa dalawang pangkabuuang yugto: ang yugtong Stone Age at Metal Stage.

Transcript of Ang Ating Mga Ninuno

Page 1: Ang Ating Mga Ninuno

Pangangaso gamit ang sibat

II. Ang Ating mga Ninuno

Aralin 1 Ang mga Unang Pilipino

Maraming teorya ang nagbigay suhestiyon kung paano nagkaroon ng mga unang

naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa Wave Migration Theory ni H. Otley Beyer, ang

pagdating ng mga naninirahan sa bansa ay dumating na parang alon: unang dumating

ang tinatawag niyang “Dawn Man” mga 250,000 taon na ang nakalilipas. Ang “Dawn

man” ayon kay Beyer, ay may pagkakatulad sa mga sinaunang tao tulad ng Peking Man

at java man. Sumunod naman na dumating ang mga Negrito mga 25,000 hanggang

30,000 taon na ang nakalilipas. Sinundan ang mga Negrito ng mga Indones, na

nakarating sa Pilipinas gamit ang kanilang mga Bangka mula sa bahagi ng kasalukuyang

Indonesia mga 5,000 aon na ang nakalilipas. Sinundan naman ang mga Indones ng

pagdating ng mga Malayo taglay ang kanilang teknolohiya sa paggamit ng bakal.

Ganunpaman, ang Wave Migration Theory ay hindi ganap na suportado ng mga

ebidensya; higit pa rito, ang pagkakatuklas ng mga buto ng Tabon Man at Callao Man na

ngayon ay tinatawag na Homo Philippinensis, ay nag dulot ng maraming katanungan sa

kawastuhan ng nasabing Teorya ni H. Otley Beyer.

Gayunpaman, dahil hindi pa ganap na

natutuklasan kung paano nga nagkaroon ng

mga tao sa kapuluan, ang ating pagtalakay sa

sinaunang mga Pilipino ay babatay na lamang

sa mga natuklasang artifak at mga labi ng

sinaunang sibilisasyon.

Sinasabi na kaiba sa madalas na

yugtong pinagdaanan ng mga sinaunang tao sa

maraming bahagi ng mundo, ang sinaunang

tao sa Pilipinas ay dumaan sa dalawang pangkabuuang yugto: ang

yugtong Stone Age at Metal Stage.

Page 2: Ang Ating Mga Ninuno

Tinawag ni F. Landa Jocano ang

unang yugto ng pag-debelop ng lipunang

Pilipino bilang Formative Phase

[c.50,000 - c.500 BC]1. Kakikitaan ang

Formative Phase ng paggamit ng “stone

tools” o kagamitang gawa sa bato at mga

seramikong gawa sa lumad. Isa sa mga

pinakamatatag na ebidensya ng yugtong

ito ay ang pagkakatuklas sa Tabon Man.

Ang Tabon Man2 ay pinangalanan bilang

natagpuan sa kweba ng Tabon sa Palawan. Siansabi na natuklasan sa kweba ng Tabon

ang tatlong bungo ng sinaunang tao [22,000BCE] at iba’t-ibang klase ng kagamitang

gawa sa bato, Sinasabing ang mga natagpuan sa nasabing kweba ay maaring sumuporta

sa pagtingin na ang kweba ay isang uri ng sinaunang pagawaan ng mga kagamitan.

Maliban dito, natukasan rin ang ilang artifak na may kinalaman sa paglikha ng apoy sa

layer ng lupa na kabilang sa Upper Pleistocene o mga 45,000-50,000 taon na ang

nakalilipas.3

Ang ikalawang yugto ng pag-unlad ng sibilisasyong Pilipino ay tinatawag na

Incipient Phase [c.500 BC- c.1 AD]. Sa mga panahong ito, nagsimula nang lumaganap

ang paggamit ng kagamitang gawa sa metal/bakal sa pang-araw araw na pamumuhay ng

mga sinaunang Pilipino. Ang paggamit ng mga kagamitang gawa sa bakal ay nagdulot

rin ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga ito. Sa panahong ito, ang mga dating maliliit na

komunidad ay umusbong sa mas malalaking komunidad na tinatawag na barangay. Ang

barangay ay kapwa representasyon ng komunidad at pampulitikal na organisasyon ng

sinaunang tao. Ang barangay, ayon sa historian na si William Henry Scott ay madalas

binubuo ng 20-100 pamilya na kapwa magkakamag-anak. Sa bahagi ng Katagalugan,

                                                            11 Zaide, Sonia M. (1999), The Philippines: A Unique Nation (Second ed.), All-Nations Publishing, ISBN 971-642-071-4 citing Beyer in the Philippine Studies, Vol. 15:No. 1 (January 1967) available in preview at Google Books, see reference for URL directions 2 Scott, William Henry (1984), Prehispanic Source Materials for the study of Philippine History, New Day Publishers, ISBN 971-10-0226-4. preview available at Google Books see reference for URL directions 3 ibid, p. 14-15

Page 3: Ang Ating Mga Ninuno

Painting ni Carlos Valino, Jr [1971] naglalarawan sa isang pulong na pinangungunahan ng datu 

ang Datu ang siyang tinitingala bilang pinuno ng barangay. Sa ibang bahagi ng

kapuluan, ang datu ay tinawag rin bilang “babacnang” sa ilokano, o kaya naman ay

“apo” para sa mga Igorot, Gayunpaman, ang mga pinunong ito ang may responsibilidad

sa usaping pang-ekonomiya at komersyo gayundin sa tungkuling military at

pampulitikal na madalas ay kinabibilangan ng pagresolba sa mga usapin at tunggalian

sa barangay. Sa ibang bahagi ng Luzon, tulad ng mga Gaddang at Zambal, ang

itinuturing na pinuno ay ang pinakamahusay

at pinakamatapang na mandirigma4. Bagaman

ang datu ang pinakapinuno sa barangay,

mayroon ring ilang pinuno na bahagi ng

pamayanan. Kabilang dito ang bagani [o

bayani], ang babaylan at ang panday.5

Ang mga Bagani ay mga pinunong

tinitingala pagdating sa usapin ng

pagtatanggol at usaping military. Madalas ito

ang pinakamatapang at pinakamalakas sa

barangay. Ipinaliwanag ni Salazar na

“Magkaugnay ang batayang datu at ang bayani

dahil sa ang bayani ay ang naituturing na tagapagtanggol sa balangay laban sa

karahasan, kaya kung hindi ang datu mismo ang nagiging bayani ng balangay ay

mayroon siyang iilang bayani na inaatasan bilang tagapagtanggol ng baranggay.”6

Gayunpaman, kahit tinitingala ang mga bagani, sila’y walang maituturing na tunay na

pampulitikal na kapangyarihan.

Ang mga Babaylan naman ang tinuturing na pinuno sa usaping espiritwal at ng

praktikal na bagay. Ito ang namamahala sa usaping astronomiya, relihiyon at medisina.

Sila rin ang namamahala sa mga pagdiriwang na isinasagawa para sa mga pumanaw na

                                                            4 Samuel K. Tan. A History of the Philippines, UP Press © 1987 p.37 available thru Google Books 5 FPA Demetrio. Ang Demokratikong Sistema at ang mga Sistema ng Pamumuno sa Pilipinas. © 2010 F. P. A. Demeterio http://www.kritike.org/journal/issue_7/demeterio_june2010.pdf [retrieved August 31, 2012] citing Zeus Salazar, Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas, in Bagong Kasaysayan: Mga Pagaaral sa Kasaysayan ng Pilipinas (Quezon City: Palimbagan ng Lahi, 1995) 6 Demetrio citing Salazar, ibid., page 9-10.

Page 4: Ang Ating Mga Ninuno

Ang Babaylan habang ginagamot ang isang maysakit na babae. 

Mga sinaunang Pilipino na kabilang sa Maharlika o Maginoo‐ batay sa Boxer Codex 

kababayan. Tinukoy ni Salazar ang nga babaylan bilang daluyan ng mga

pangkasaysayang alala ng baranggay, tagapaglunsad ng mga ritwal, at tagapamagitan ng

baranggay at ng kanilang mga diyos at diyosa. Ang mga tungkulin ng babaylan ay

pangunahing isinasagawa ng kababaihan. Halimbawa ng

mga sikat na babaylan n gating kasaysayan ay sina

Tamblot ng Bohol at Tapar ng Panay.

Ang Panday naman ang itinuturing na pinuno

pagdating sa usapin ng paggawa ng sandata at

kagamitan sa pagsasaka at pamamahay. Bagaman

walang kapangyarihang pampulitikal, ang mga panday

ay tinitingala sa barangay dahil sa kanilang kakayahan.

Kabilang sa mga sikat na panday ay si Panday Pira,

ang Morong taga-panday ni Raha Sulayman na inanyayahan ng mga Espanyol na

maging taga-gawa ng mga ito ng kanyon.

Ngunit, sa ibang bahagi ng kapuluan, ang

pamumuno sa barangay ay naka-atang di lamang sa

balikat ng iisang datu kundi sa tinatawag na konseho ng

mga nakatatanda [council of elders], tulad ng sa

sinaunang komunidad sa Cebu at Leyte. Mayroon ring

hirarkiyang maituturing sa pamunuan tulad ng

matatagpuan nuon sa mga barangay sa Bohol, kung saan

mayroong tinatawag na chief datu na siyang pangunahing

datu sa isang kulumpon ng dalawa o higit pang barangay

na pinamumunuan ng mga datu.7 Sa mga panulat ni

Plascencia,8hinggil sa mga batas at kagawian ng mga taga-

Pampanga, mapapansin na ang konseho ng mga datu sa

magkakalapit na barangay ay siya ring nagsisilbing

                                                            77 Tan, supra 6, page 37 8 Juan de Plasencia “Instruccio de las Costumbres que antiguamente tenian los naturals de la Pan Panga en sus pleytos” as cited by W.H. Scott in his book Barangay (1994), p. 295-297

Page 5: Ang Ating Mga Ninuno

tagapagdesisyon sa mga usaping may kinalaman sa hustisya at pagpapatupad ng mg

napagkaisahang mga batas sa lugar.

Ang pag-unlad mula sa mga simpleng komunidad sa pagiging maliliit na estado

ng barangay ay sinasabing naganap sa pagitan ng 200AD-500AD. Bagaman di pantay-

pantay ang tukad ng pag-unlad dahil na rin sa katangian ng kapuluan na mabundok at

maraming isla, sa pangkabuuan, mayroon nang sistema ng pamahalaan sa ating bansa

bago pa man dumating ang mga kolonyal na Espanyol. Ilan sa pinaka-abanteng sistema

ng pamahalaan at estado ay sinasabing matutunton sa Mindanao sa ilalim ng sultanato

ng Maguindanao at Sultanato ng Sulu.

Sa mga panahon ring ito, ang mga sinaunang Pilipino, mula 200 A.D. hanggang

sa pagdating at pananakop ng mga Espanyol ay aktibong kalahok sa kalakalan sa mga

bansang Tsina, India, Malaysia at iba pang karatig na isla. Ito ay aking tatalakayin sa

ugnayang Pilipino at Asyano.