W2 malikot si mingming

Post on 15-Jul-2015

1.873 views 39 download

Transcript of W2 malikot si mingming

1.Paghahawan ng Balakid

*Eskaparate

*Bukod-tangi

Sa apat na magkakapatid, si

Ronnie lang ang mahilig sa

basketbol. Siya ay bukod-tangi.

*Patibong

*madadala

Natatakot nang sumakay sa kalabaw si

Kim nang siya’y nahulog sapagkat

siya’y nasaktan. Madadala na siya.

Bago kayo

pumasok sa

paaralan, ano

ang madalas

sabihin o bilin ng

iyong nanay?

Ano ang laging sinasabi o

ipinangangaral ni Muning kay

Mingming?

Malikot si

Mingming

Isang malikot na kuting si

Mingming.Sa apat na anak ni Muning,siya

ang pinakamalikot. Lahat ng bagay,

nilikot ni Mingming. Walang nakaliligtas sa

likot niya.

“Mingming, huwag kang masyadong

malikot,”madalas sabihin ni Muning sa anak.

“Baka magalit sa atin sina Mang Berto at

Aling Ana”.

Si Alex, anak nina Mang Berto at Aling Ana,

ay mahilig sa mga mamahaling laruan na

may iba’t-ibang tunog. Itinatabi ni Alex nang

maayos ang kanyang mga laruan sa isang

eskaparate kapag siya ay nasa paaralan.

Isang araw, pumasok sa paaralan si Alex.

Naisipang tingnan ni Mingming ang mga

laruan.”Naku,ang gaganda, ang sarap

laruin,”ang sabi ni Mingming. “Pero ang taas

ng eskaparate.”A, alam ko na, lulundag ako

sa itaas,”ang sabi niya. At siya ay lumundag

ng mataas sa ibabaw nang eskaparate.

Ang una niyang hinawakan ay ang

eroplano. Sinusian niya ito at

biglang tumunog ng e-eeng-

eeeeeng”.

Hinila niya ang pisi ng laruang

kampana at narinig niya ang

“kleng-kleng”.

Bumaba siya sa ikalawang bahagi

ng eskaparate. Nakita niya ang

telepono.Ginalaw niya ang pihitan

at tumunog ng “kriiiiing-ng-ng”.

Pinindot naman niya ang busina ng

jeep, “bip-bip-bip”ang tunog.

“Tsug-tsug-tsug” naman ang tunog

ng tren.

Tuwang-tuwang bumaba si Mingming.

Lundag nang lundag siya. Sa kaiikot

niya ay nabunggo niya ang eskaparate

at nahulog ang mga laruan,sa sahig.

Nagalit na si Mang Berto.”Talagang maligalig

na kuting iyan. Nagalit na rin si Aling Ana.

“Nakakainis na ang kuting na’yan” aniya.

“Bukod-tangi ang likot niya.”

Pati si Alex na rin, “Itapon na kaya natin o ipamigay

kaya?” ang sabi niya.

“Huwag, kawawa naman, mahihiwalay sa ina,”

ang sabi ni Mang Berto. ‘’Hayaan mo, ako ang

bahala.”

Isang umaga, nasa hardin si Mingming.

Nakita niya ang isang latang bibitin-

bitin sa sanga ng puno na may

nakalawit na taling halos sayad sa lupa.

Umandar na naman ang likot ni Mingming. Naisip

niyang bumitin sa tali. Isasabit niya roon ang

kanyang kuko at magpaugoy-ugoy.”Siguro mas

malakas ang tunog nito kaysa roon sa maliit na

kampana ni Alex.” naiisip niya.

????

Ang hindi niya alam, patibong ni Mang Berto ang

laruang tali. Puno iyon ng tubig. Pag nahatak ang

pisi, bubukas ang ilalim at bubuhos ang tubig.Tiyak

na mababasa ang hihila ng tali. Lumapit na siya sa

tali. At sa isang talon ay naisabit niya roon ang

kuko at nakita ang tali.

“ Whhoosshhh!”

Napasigaw si Muning nang bumuhos sa

kanya ang tubig mula sa lata. Basang-basa

siya.

Nanginginig siya sa ginaw na tumakbo sa

kinaroroonan ni Muning at ng kanyang mga

kapatid.

“Hindi sana ako nabasa kung sinunod ko si

Ina,”ang sabi ni Mingming sa sarili.

Tawa nang tawa sina Mang Berto sa

nangyari, kitang-kita nila ang nangyari sa

malikot na kuting.

“Ngayon,madadala na sa paglilikot ang

kuting na iyon,”sabi ni Mang Berto.

Isagawa ang sinabi o

ipinangaral ni

Muning kay

Mingming.

Pangkat II: Aking Mga Laruan

Bilugan ang mga laruan ni

Alex na nasa eskaparate.

Lagyan ng ekis ang

ugali ni Mingming.

Matigas ang ulo

Masunurin ba ako?

•Ano ang laging sinasabi o

ipinangangaral ni Muning kay

Mingming?

•Narito ang Pangkat I sa

kanilang pagsasagawa.

•Sino-sino ang naiinis kay

Mingming?

•Ano-ano ang mga laruan

ni Alex?

•Pakinggan ang natin ang

gawa ng Pangkat II.

•Bakit kaya tuwang-tuwa si

Mingming sa mga laruan ni

Alex? Ibigay ang tunog ng

mga laruan niya?

•Anong uri ng kuting si

Mingming? Narito ang gawa

ng Pangkat III.

•Sa palagay mo ba may mga

bata ring tulad ni Mingming?

Dapat ba siyang tularan?

Bakit?•Kung ikaw si Mingming,

ganoon din ba ang gagawin

mo?Bakit?

•Ano kaya ang mangyayari kay

Mingming kung sinunod niya ang

kanyang ina? Bakit?

•Bukod sa patibong, ano kaya ang

puwedeng gawin upang mabago ang

ugali ni Mingming?

•Ano ang mabuting aral na makukuha

natin sa kwento? Bakit? Narito ang

gawa ng Pangkat IV.

Sa mga laruan

ni Alex, alin

ang naiibigan

mo? Gayahin

natin.

Ano-ano ang

laruan ni

Alex?

•Ano-ano ang tunog ng mga

bagay na nasa larawan?

•Aling bagay ang may

mahinang tunog?

•Alin tunog ang may

malakas na tunog?

Ano ang tinalakay

natin ngayon?

Pumalakpak kung ang

larawan ay gumagawa ng

mahinang tunog at

pumadyak naman

kung malakas.

ambulansiya

Ano ang tunog na

nililikha ng bawat

larawan? Isulat ang

letra ng tamang sagot.

•Ano ang pangalan ng kuting

na matigas ang ulo sa ating

kwento ?

•Ano naman ang pangalan

ng kanyang ina?

Magkasing tunog

ba ang mga ito?

Bakit?

Kaibigang baka,Alaga ni ama,Nagbibigay ng gatas,Kaya ako ay malakas.

•Tungkol saan ang

tugma?

•Batay sa inyong narinig,

ano-ano ang mga

salitang magkasingtunog

sa tugma?

baka-ama

gatas-malakas

Ano ang tawag

natin sa mga

salitang mag-

katulad ng

tunog?

Lagyan ng tsek (√) ang

loob ng kahon kung

magkasintunog ang

ngalan ng sumusunod.

Basahin ang tugma at

guhitan ang mga

salitang magka-

singtunog.

Ang tahol ng aso,

Sa may bakuran

ninyo,

Ang batang magulo

Ay hindi matututo.

Ang ngiyaw ng pusa

Sa may kusina,

Magulang ay

natutuwa,

Sa mabait na bata.

Ang unga ng kalabaw

Doon sa lubluban,

Ang batang

magalang,

Tuwa ng magulang.

Ang mee ng kambing,

Sa may puno ng saging

Ang batang maagang

Magising,

Masipag at matulungin

Lagyan ng O bilog ang

patlang kung ang

dalawang salita ay

magkasingtunog at X

kung hindi.

_____1. aso-baso

_____2. silid-balon

_____3. atis-batis

_____4. lapis-ipis_____5. dahon-kahon

Ano ang bumuhoskay Mingming?

Ano kaya ang tunog ng

tubig sa gripo?

Pakinggan ang mga

tunog at kilalanin

ang gumawa ng

bawat tunog.

•Ano ang tunog ng

hangin, kulog, ulan, at

tubig?

•Alin sa mga larawan ang

may malakas na tunog at

mahinang tunog?

• Gayahin ang iyak ng bata

sa mataas na boses.

• Gayahin ang boses ng

nanay kapag tinatawag ang

anak sa mababang boses.

•Anong uri ng boses

mayroon ang iyak ng

bata? ang pagtawag

ng nanay?

•Anong tinalakay

natin ngayon?

•Anong masasabi

ninyo sa mga tunog?

Pag-ugnayin ang

larawan sa katumbas

na tunog nito.

• buuum!Buuum!

• tip-tap! tip-tap!

• wosssh!wosssh!

Bilangin ang mga

larawan ng kalikasan

na may ginagawang

tunog.

Pumili ng isang tunog ng

kalikasan na lalapatan

nila ng isang awit sa

himig ng

“Leron-Leron, Sinta”.

Kulayan ang mga

larawang may malakas

na tunog at lagyan ng X

ang may mahinang

tunog.

Gumuhit ng parihaba

kung ang larawan ay

may malakas na tunog

at bilog kung mahina.

Sa mga nakaraang

aralin, ano-anong

tunog ang ating napag-

aralan?

Basahin ang tugma.

Hanapin ang bawat

grupo ang salitang

magkasingtunog.

Alaga kong manok,

Nagbibigay ng itlog,

Kaya ako’y mabilog,

At saka malusog.

Ang tahol ng aso,

Sa may bakuran ninyo

Ang batang magulo,

Ay hindi natuto.

Pumalakpak kung

malakas ang tunog ng

larawan at ipadyak ang

mga paa kung mahina.

Isulat ang tsek (√)

kung magkasintunog

at ekis (X) kung hindi.

1. Babae - lata

2. Itlog - bilog

3. Kahon - sabon

4. Aso - baso

5.masaya-malungkot