Post on 09-Feb-2022
Taon 10 Blg. 4 Oktubre - Disyembre 2011
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph
Ang Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice-Gov. Daniel R. Fernando, ay nag-Lakbay-Aral sa Taiwan noong Setyembre 1 – 5, 2011 sa adhikaing maitaas pa ang antas ng kanilang kaalaman at karanasan upang makapagsabatas ng mga napapanahon at kinakailangang lehislasyon na makapagsusulong pa sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Bulacan. Kabilang din sa delegasyon ng Sangguniang Panlalawigan sina Bokal Michael Fermin, Bokal Therese Cherryl Ople, Bokal Ramon Posadas, Bokal Enrique Dela Cruz, Jr., Bokal Enrique
(Sundan sa P. 3)
GGS 2011 Gabi ng Parangal:
Mga Mambabatas Pinarangalan
Kinilala at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan
ang mga pinakanatatanging sangguniang bayan at
sangguniang panlungsod ng lalawigan, gayundin ang
magagaling na pangalawang punong bayan, kagawad at
kalihim ng sanggunian sa ginanap na Gabi ng Parangal ng
Gawad Galing Sanggunian 2011 noong Disyembre 21,
2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention
Center.
Proyekto ng Sangguniang Panlalawigan, sa
pakikipagtulungan ng Philippine Councilors League-
Bulacan Chapter, na pinangunguluhan ni Bokal Ariel R.
Arceo, at ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang
Panlalawigan, sa pamumuno ni Sec. Ma. Perpetua Santos,
bilang kalihiman, ang GGS 2011 ay may temang
“Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama,
Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na
mabigyan ng pagkilala at parangal ang mahusay at
natatanging pagganap sa tungkulin ng mga lokal na
mambabatas na malaki ang naiambag upang
maisakatuparan ng pamahalaan ang mabuting hangarin nito
sa pagtatamo ng kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan, at
mahikayat sila upang pagbutihin pa ang kanilang
paglilingkod bilang mga lingkod bayan.
Panauhing pandangal ng okasyon si Kgg. Alan D. Zulueta,
Pambansang Tagapangulo ng Philippine Councilors
League. Dumalo rin ang Punong Lalawigan Wilhelmino M.
Sy-Alvarardo at Pangalawang Punong Lalawigan Daniel
R.Fernando, Tagapangulong Pandangal at Ka-
Tagapangulong Pandangal ng GGS 2011.
Kabilang sa mga pinarangalan at tumanggap ng plake ng
pagkilala at kaukulang gantimpalang salapi ang mga
sumusunod:
1. Natatanging Sangguniang Bayan - Sangguniang Bayan
ng Calumpit,
2. Natatanging Sangguniang Panlungsod - Sangguniang
Panlungsod ng Malolos
3. Natatanging Tagapangulo ng Hapag – Pangalawang
Punong Bayan Antonio S. Patawaran ng Pamahalaang
Bayan ng Baliwag
4. Natatanging Kagawad ng Sanggunian – Kagawad Sheila
Ana Enrina R. Enriquez ng Sangguniang Bayan ng
Plaridel
5. Natatanging Kalihim ng Sanggunian - Kalihim Felix P.
Cadiz ng the Sangguniang Panlungosd ng San Jose Del
Monte
6. Natatanging Ordinansa ng Taon - Ordinansa Blg.16-
2010 na akda ni Kagawad Ricardo C. Degala III ng
Sangguniang Panlungsod ng Malolos
Napagkalooban naman ng plake ng pagkilala para sa
Special Awards ang mga sumusunod:
1. Awards for Improved Session Hall - Sangguniang
Bayan ng San Rafael
P. 2
SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MALOLOS
Natatanging Sangguniang Panlungsod 2011 SANGGUNIANG BAYAN NG CALUMPIT
Natatanging Sangguniang Bayan 2011
2
Nakapagpakitang gilas at kahusayan
ang Sangguniang Panlalawigan para
sa taong 2011 kung saan nalampasan
nito ang mga inaasahang
maisasakatuparan para sa taong
2011.
Sa inaasahang 48 bilang ng
maisasagawang sesyon, 51 ang
naisagawa nito, at sa target na 200
kapasiyahan at tatlong kautusan, ang
napagtibay ng Sangguniang
Panlalawigan ay 356 na kapasiyahan
at 12 kautusan. Sa gawaing panlupon
naman, sa target na 100 pulong at
50 pampublikong pagdinig, ang
naisagawa ay 421 na pulong at 285
na pagdinig.
Narito ang kabuuan ng mga
naisakatuparan ng Sangguniang
Panlalawigan:
1. Bilang ng naisagawang sesyon: a. Regular Session - 50 b. Tanging Pagpupulong - 1 2. Bilang ng napagtibay na Kapasiyahan at Kautusan: a. Panlalawigang Kapasiyahan - 356 b. Panlalawigang Kautusan - 12 k. Kautusan sa Paglalaan - 3 3. Bilang ng mga ordinansang naipalathala sa pahayagan, bilang pag-alinsunod sa Seksyon 59 (c) ng RA 7160. - 8
4.Kabilang sa mga kapasiyahan o resolusyong napagtibay ay ang mga sumusunod: a. Memorandum of Agreement - 27 b. Annual Budgets ng mga Munisipyo at Lungsod - 24 k. Kapasiyahang Pambayan/ Panlungsod -13 d. Kautusang Pambayan/ Panlungsod - 186
Ulat ng Naisakatuparan sa 2011
5. Bilang ng Pagpupulong ng Lupon: a. Pagpupulong ng Lupon - 421 b.Pampublikong Pagdinig - 285 Mga Tanging Gawain Naisakatuparan 1. Gawad Galing Sanggunian – sa bisa ng Panlalawigang Kautusan Blg. 05-T’11, muling isinakatuparan ang proyektong ito na nagbibigay ng pagkilala at parangal sa mga natatanging Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod at natatanging pangalawang punong bayan/panlungsod, kagawad at kalihim ng sanggunian. Ginanap ang Gabi ng Parangal para sa mga nagwagi at mga tumanggap ng parangal noong ika-21 ng Disyembre 2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.
2. Pagsasahimpapawid ng radio program na “SP Files” tuwing Miyerkules, ika-9:00 hanggang ika-10 ng umaga sa Radyo Bulacan, 90.3 fm bilang bahagi ng paghahatid ng mga impormasyon sa ating mga kababayan hinggil sa mga huling kaganapan sa ating Sangguniang Panlalawigan. Mula Abri l3 hanggang Disyembre 31, 2011, nakapagbroadcast ang SP ng 30 beses. 3. Publikasyon ng munting pahayagan ng SP, ang Legislative Digest – ito ang quarterly computer-generated newsletter ng SP na naglalaman ng mga kaalaman at impormasyon tungkol sa mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan at ng kanilang mga gampanin, gayundin ng mga gawaing naisakatuparan ng ating Sangguniang Panlalawigan. 4. Pagme-maintain at pag-a-update ng sariling website ng Sangguniang Panlalawigan na naka-link sa website ng ating lalawigan. Matatagpuan dito ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa SP, sa ating mga kagawad ng SP, sa pangunguna ng ating minamahal na pangalawang punong lalawigan, Kgg. Daniel R. Fernando.
5. Pagsasakatuparan ng Digital Conversion Project – P1.5 Million Project of Sangguniang Panlalawigan, in cooperation with Ayala Systems Technology, Inc. – Sa pamamagitan ng proyektong ito, nagkaroon ng back-up copies ang ating humigit-kumulang kalahating milyong pahina ng mga resolusyon, ordinansa, katitikan ng mga sesyon at iba pang mahahalagang dokumento ng Sangguniang Panlalawigan dokumento ng Sangguniang Panlalawigan.
Mga Mambabatas Pinarangalan…
2. Special Project Awards -
Sangguniang Bayan ng Calumpit
3. Awards for Meritorious Support to
Legislation by a Local Chief
Executive –
a. Mayor Paula Carla G. Tan – San
Ildefonso
b. Mayor James P. De Jesus -
Calumpit
c. Mayor Patrick Neil F. Meneses –
Bulakan
4. Awards for Perfect Number of
Sessions Held - 8 sanggunian ang
pinarangalan
5. Awards for Three Termers – 39
kagawad ang pinarangalan
6. Awards for Perfect Attendance – 48
ang tumanggap ng parangal
7. Posthumous Awards para sa
yumaong kagawad – 2 ang tumanggap
Samantala, naging tampok din sa Gabi
ng Parangal ang pagkakaloob ng plake
ng pagkilala kay Bokal Enrique “Boy
Asac” V. Viudez II bilang
pagpapahalaga sa kanya na ngayon ay
nasa kanyang ikatlong termino ng
panunungkulan bilang kagawad ng
Sangguniang Panlalawigan.
3
Ang Legislative Digest ay
inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa aming tanggapan.
Telepono Blg. – (044) 791-0019/ 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph
1. Panlalawigang Kautusan Blg. 01-
2011 - Kautusan Na Nag-Aatas Sa
Lahat Ng Nagmamaneho At May-Ari
Ng Lahat Ng Uri Ng Mga Sasakyan
Na Huwag Gumamit Ng High
Intensity Discharge (HID) Lamps O
Anumang Kaugnay Na Bagay
2. Panlalawigang Kautusan Blg. 02-
2011 - Kautusang Nagsususog Sa
Section 2.G.01 Ng Provincial
Revenue Code Of Bulacan Upang
Maibaba Ang Amusement Tax Mula
20% Na Maging 10% Bilang
Pagsunod Sa Republic Act 9640
3. Panlalawigang Kautusan Blg. 03-
2011 - Kautusang Nagtatakda Ng
Panuntunan Para Sa Pagpapatupad Ng
Section 434 Ng 1991 Local
Government Code Na Nagbibigay Ng
Scholarship Sa Mga Opisyal Ng
Sangguniang Kabataan Sa Lahat Ng
Pampublikong Kolehiyo At
Unibersidad Sa Lalawigan Ng
Bulacan
4. Panlalawigang Kautusan Blg. 04-
2011 - Kautusang Nagtatakda Ng
Hulyo 27 Bilang Iglesia Ni Cristo Day
At Non-Working Holiday Sa
Lalawigan Ng Bulacan
5. Panlalawigang Kautusan Blg. 05-
2011 Panlalawigang Kautusan ng
Pagkilala sa mga Katangi-tanging
Sangguniang Bayan/ Panlungsod,
Tagapangulo ng Hapag, Kagawad ng
Sangguniang Bayan/ Panlungsod at
Kalihim Bayan/Panlungsod na
Tatawaging “Gawad Galing
Sanggunian”
6. Provincial Ordinance No. C-005 -
An Ordinance Enacting The 2011
Revised Environmental Code Of The
Province Of Bulacan
7. Panlalawigang Kautusan Blg. 06-
2011 Kautusang Nagtatakda na ang
Huling Biyernes ng Oktubre ay
Ideklarang Non-Working Holiday sa
Lalawigan ng Bulacan Bilang
Pagpapahalaga sa Pagkakatatag ng
“JIL” o “Jesus Is Lord Movement”
8. Panlalawigang Kautusan Blg. 07-
2011 - Kautusan na Nagbabawal sa
Pagsusunog ng Dayami at Iba Pang
Kahalintulad Nito sa Nasasakupan ng
Lalawigan ng Bulacan
9. Panlalawigang Kautusan Blg. 08-
2011 - Kautusan Na Nagtataguyod Ng
Alituntunin At Patakaran Sa Pagsugpo
At Pagpapataw Ng Parusa Sa
Sinumang Mahulihan Na Nagbebenta,
Nagbibiyahe At Nagtatago Ng
Karneng “Botcha” O “Double-Dead
Meat” Sa Nasasakupan Ng Lalawigan
Ng Bulacan
10. Panlalawigang Kautusan Blg.
08-2011-“An Ordinance Establishing
Systems and Mechanisms for the
Implementation of Maternal
Newborn Child Health and Nutrition
(MNCHN) and Commodity Self-
Reliance (CSR+) Strategy,” na
pinagtibay sa Ikalawang Pagbasa
noong Agosto 24, 2011
11. Panlalawigang Kautusan Blg. 10
- 2011 - Kautusan Ng Pangkalahatang
Pagbabago Sa Pagtatasa Ng Mga Ari-
Ariang Di-Natitinag (General
Revision of Real Property
Assessment)
12. Panlalawigang Kautusan Blg.
11-2011 - - Isang Kapasiyahan Na
Pinagtitibay Ang Panlalawigang
Kautusan Na Nag-Aatas Sa Lahat Ng
Tindahan O Establisimento Na May
Kaugnayan Sa Baril At Bala Sa
Buong Nasasakupan Ng Bulacan Na
Hanapin At Itala Ang Lisensya Ng
Baril Bilang Pangunahing Rekisito
Bago Magsagawa Ng Anumang
Transaksiyon
4
`
VICE-MAYOR ANTONIO S. PATAWARAN GGS Natatanging Tagapangulo ng Sanggunian 2011
COUNCILOR SHEILA ANA ENRINA R, ENRIQUEZ GGS Natatanging Kagawad ng Sanggunian 2011
SECRETARY FELIX P. CADIZ GGS Natatanging Kalihim ng Sanggunian 2011
COUNCILOR JESUS RICARDO C. DEGALA III (may-akda) GGS Natatanging Ordinansa ng Taon 2011
BOARD MEMBER ENRIQUE V. VIUDEZ II Three Termer Awardee
COUNCILOR ALAN D. ZULUETA National Chairman, Philippine
Councilors League GUEST SPEAKER
For more pictures of this event, please go on these links:
http://spbulacan.multiply.com/photos/album/10
http://spbulacan.multiply.com/photos/album/11
POSTHUMOUS AWARDS