Post on 16-Apr-2017
Aralin 14
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA Inihanda ni: ARNEL O. RIVERAAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:• Ano ang ekonomiks?
• Ang ekonomiks ay isang pag-aaral na nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.
• Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks?• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon:
maykroekonomiks at makroekonomiks.
Makroekonomiks• Ang makroekonomiks ay larangan ng
Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo.
Makroekonomiks• Ang makroekonomiks ay tumitingin sa
kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang ekonomiya.
• Pangunahing layunin ng pag-aaral ng pambansang ekonomiya ang malaman kung may paglago sa ekonomiya (economic growth) ng bansa.
Ano ang Pambansang Ekonomiya?• Ito ay tumutukoy sa
lagay ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang kanilang mga pangangailangan. Kung HINDI, paano ito malulutas?
Economic Models• Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng
pamamaraan (economic policies) upang mapatatag ang pambansang ekonomiya.
• Gumagamit ng modelo (economic model) sa pagsusuri ang makroekonomiks. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad. Ipinapaliwanag nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos.
Economic Models• Ito ay representasyon ng isang konsepto o
kaganapan. Ito ang nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks.
• Ito ang naglalarawan ng interdependence ng lahat ng sektor ng isang ekonomiya.
Mga tanong na isinasa alang-alang sa pagbuo ng modelo
• Ano ang bumubuo sa pambansang ekonomiya?• Ito ba ay simple lamang?• Ito ba ay tumututok sa paggalaw ng
komplikadong ugnayan ng mga sektor?• Ito ba ay nakatutok lamang sa panloob na
kaganapan?• Isinasama rin ba nito ang panlabas na
kaganapan?
MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
• Sambahayan – may-ari ng salik ng produksyon (LMKE) at gumagamit ng kalakal at serbisyo.
• Bahay-kalakal – taga-gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa sambahayan (USIT).
• Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob ng serbisyo at produktong pampubliko.
• Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.
Bukas at Saradong Ekonomiya• Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang
dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya.
• Sarado ang ekonomiya kung ang pambansang ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang panlabas.
• Bukas ang ekonomiya kapag ang pambansang ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang panlabas.
Trade surplus- Nagaganap kapag mas malaki
ang export kaysa sa importTrade deficit- Nagaganap kapag mas malaki
ang import kaysa sa export
• Sa iyong palagay, mahalaga ba sa
ekonomiya ng Pilipinas ang
pakikipagkalakalan sa ibang bansa?
Bakit?
PAGPAPAHALAGA
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.1. Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang
bansa. 2. Ginagamit sa pagsusuri ng ekonomiya upang
maipakita nang simple ang realidad.3. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay nakikilahok sa
kalakalang panlabas. 4. Uri ng ekonomiya kapag ang bansa ay HINDI
nakikilahok sa kalakalang panlabas.5. Mga patakaran na ginagamit upang mapatatag ang
ekonomiya ng bansa.
SAGOT:1. Pambansang Ekonomiya2. Economic Model.3. Bukas na Ekonomiya4. Saradong Ekonomiya5. Economic Policies6. panlabas na sektor7. bahay-kalakal8. pamahalaan9. sambahayan10. pamilihang pinansiyal
Isulat kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang gamit ang mga titik bilang gabay.• Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang
ekonomiya. M _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ S• Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom
ng pondo. B _ _ _ _• Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon.
S _ _ B _ _ _ _ _ N• Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.
P _ _ _ H _ _ _ _ N• Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
_ X _ _ _ T