Iba’t ibang genre ng pelikula

Post on 21-Nov-2014

2.691 views 62 download

description

 

Transcript of Iba’t ibang genre ng pelikula

Iba’t ibang Genre ng Pelikula.

March 7, 2014

Presented by:

Orlando “Lance” Pistan

Ano ang Genre?Ang Genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba

sa iba pang uri. Nagkakaiba-iba ang mga ito dahil sa:

1. Sentral na kwento

2. Emosyong ipinapadama, at

3. Mga kaisipang pinapairal sa bawat palabas.

 

Sa pelikula, ang Genre ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng naratibo na iniikutan ng manunulat ng pelikula

upang ilahad ang pangyayaring kasasangkutan ng mga tauhan sa pelikula.

 

Genre ng Pelikula:Romansa/Pag-ibig

umiikot ang kuwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.

 

Genre ng Pelikula:Bakbakan

umaatikabong bakbakan, suntukan at stunts ang makikita sa pelikulang ito; makapigil hininga ang eksena ng bida lalo na sa pakikipagbakbakan sa kaaway tungo

sa huling bahagi ng pelikula.

 

Genre ng Pelikula:Sci-Fi

kuwentong nakakamangha dahil sa siyensya at teknolohiya; ang tagpo at panahon ng pelikula ay

nakatuon sa hinaharap.

 

Genre ng Pelikula:Katatakutan

ang bisa ng pelikulang ito’y takutin talaga ang mga manonood dahil sa mga aswang, multo at iba pang mga

nilalang at lugar na nakakatakot.

 

Genre ng Pelikula:Katatawanan

ang bisa naman ng pelikulang ito’y patawanin ang manonood sa maraming paraan tulad ng pagbibigay ng joke, paggaya sa nakakatawang kilos o galaw ng ibang

tao, pagpapalitan ng nakakatawang diyalogo at ang paggamit ng slapstick.

 

Genre ng Pelikula:Historikal

binabalikan ng pelikulang ito ang mahahalagang tao, lugar o pangyayari sa ating kasaysayan na malaki ang

impluwensiya kung sino tayo tayo ngayon bilang Pilipino at kung ano ang katayuan natin bilang bansa.

 

Genre ng Pelikula:Fantasya

kuwento ito na umiikot sa mundong puno ng mahika at kakaibang mga nilalang, mga hayop na nagsasalita, mga lugar na kung saan sa panaginip lamang nararating o sa

mga pangyayaring tanging sa imahinasyon ng bata nagkakaroon ng buhay.

 

Genre ng Pelikula:Melodrama

mabigat ang dating ng pelikulang ito sa emosyon ng nanonood dahil tiyak na magpapaiyak sila sa mga

madamdaming tagpo at sa matinding pangyayaring nakakaantig sa sensibilidad ng tao.

 

Tatlong Subok nang Formula para

tumakbo ang Pelikula sa Takilya

1. Pag-ibig

2. Labanan ng kabutihan at kasamaan

3. Paghahanap / Pakikipagsapalaran

4. Kombinasyon ng 3 Formulang nabanggit

Pag-ibig•Dalawang taong nag-iibigan, karaniwang lalaki at babae•Magkakaroon ng balakid sa relasyon•May kontrabida at pagsubok na kakaharapin•Maaaring may masayang ending o trahedya•Hindi limitado sa magkasintahan

Labanan ng kabutihan at kasamaan

•Tunggalian ng dalawang panig•Magkaulayaw sila mula sa simula hanggang sa wakas•Ang kabutihan ang laging nagtatagumpay•Maaapi muna ang bida•Kontrahan sa hitsura ng mga tauhan

Bida Kontrabida

Imahe (hitsura, katawan, kasarian, taas)

Ideya tungkol sa kanilang buhay, pagsubok, kabiguan at tagumpay

Damdamin natin sa kanilang karakter

Paghahanap / Pakikipagsapalaran

•Mapupunta ang bida sa isang sitwasyong na kailangang harapin•Pinagmulang lahi o tunay na pamilya•Maghahanap ng kayamanan•Nakasalalay sa bida ang tagumpay ng isang indibidwal, komunidad o sangkatauhan

Kombinasyon ng 3 Formulang nabanggit

Pamagat Genre Formula

1.

2.

3.

4.

5.

Pang-pangkatang gawain: Alalahanin ang mga Pelikulang kasali sa nakaraang 2013 Metro Manila Film Festival.

Salamat Po.

March 7, 2014

Presented by:

Orlando “Lance” Pistan