Fil 103 ponolohiya suprasegmental

Post on 26-Jun-2015

5.646 views 8 download

Transcript of Fil 103 ponolohiya suprasegmental

PonolohiyaPonemang Suprasegmental

Edwin L. Del RosarioFil 103

Suprasegmental

• “supra” – above, beyond• tumutukoy ito sa makabuluhang

yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat (Aganan, et al: 8)• (a) haba at diin, (b) tono,

intonasyon, at punto, (c) hinto/antala

Suprasegmental

“Maihahambing ang mga ponemang segmental at mga ponemang suprasegmental sa isang

pagkain – sa sinigang na karneng baboy, halimbawa… Gayon din naman, ano kaya ang

magiging lasa kung basta pakukuluan natin ang isang kilo ng karneng baboy nang walang

anumang rekado?” (Santiago at Tiangco: 15)

Haba, Stress/ Diin

• Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig. Ang diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig. (Santiago at Tiangco: 14)

• Ginagamit ang simbolong /./ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin.

Ang Paghahaba ng Pantig

Paghinto nang bahagya sa pagbigkas ng pantig ang paghahaba na [madalas]

nakikita na kasama ng diin. (Garcia: 16)

Mga Karagdagang Kaalaman:

Karaniwang ginagamit ang simbolong /:/ sa paglalagay ng haba.

Kapag sa pagsulat ay may gitling (-) ang salita, kinakatawan ng /?/ ang gitling. Kapag sa diptonggo, ang paghahaba ay nasa patinig.

Halimbawa

bahay

/ba.hay/

Halimbawa

bata

/ba.ta?/

Halimbawa

kaibigan

/kaibi.gan/

Pagsasanay!

1. Sa pamamagitan ng charades ay ipahula sa mag-aaral ang salitang nabunot.

2. Isulat sa pisara ang salita. Lagyan ng diin ang nararapat lagyan.

Rebyu: Gamit ng /?/

1. Nagsisimula/ nagtatapos sa patinig ang salita. (Ayon sa notasyong ponemik, walang salitang nagsisimula o nagtatapos sa a, e, i, o, u, kaya kung hindi sa katinig nagsisimula ang salita, nagsisimula ito sa /?/.) (Garcia: 14)

2. Mayroong magkasunod na patinig ang isang salita.

3. Mayroong gitling ang salita sa pasulat nitong aspeto.

Rebyu: DiliMAN (paglilipat-diin)

“Kapag ang mga salitang-ugat [ay] nahulapian ng –in /hin at an/, lumilipat ang diin sa susunod na pantig” (Garcia: 16)

hal. (dilim-diliman, daya-dayain)

Karagdagan: Pag-ulit ng Pantig

“…kapag inuulit ang unang pantig, [kadalasang] may diin sa ikatlo’t ikalawang pantig buhat sa huli” (Garcia: 15)

“Kung inuulit naman ang tunog ng huling pantig, nasa huling pantig ang ang diin” (Garcia: 15)

Karagdagan: Salitang Inuulit

“Karaniwang nasa ikalawang pantig buhat sa hulihan ang diin sa mga inuulit na salita” (Garcia: 15)

Diin at Pagbabago ng Kahulugan ng Salita

Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng pantig na binibigyang-diin, karaniwang nababago ang kahulugan ng salita. (Aganan, et al: 8)

paso bagakasama magnanakaw

Pagsasanay!

Ipakita na sa pamamagitan ng paglilipat ng diin, nababago ang kahulugan ng

salita. Sabihin kung anu-ano ang naging kahulugan

tubokaibigan

buhay

gabi

daing

hapon

bukas

Tono

• Ang tono ay tumutukoy sa taas-baba ng bigkas ng pantig. (Santiago at Tiangco: 14)

• Maaari itong maghudyat ng kahulugan ng isang pahayag. (Aganan, et al: 9)

Tono

mababaL1

normalL2

mataasL3

Tono

2

3

1Paturol/ Pagsasalaysay/ Pahayag/ Deklaratibo

Tapos na si Leo.

Dumating sila kahapon.

Maganda talaga si Rona.

Hinagupit ni bagyong Yolanda ang Tacloban.

Tono

Patanong/ interogatib (masasagot ng OO o

HINDI)Totoo?

Malinis na ba ang kwarto mo?

Sapat na ba?

Mahangin ba sa labas?

Tono

Padulong Tanong (Tag Question)

Kailangan nating magtulungan, di ba?

Sila iyon, di ba?

Mahal mo ako, di ba?

May klase bukas, di ba?

Tono

Patanong/ interogatib

Paano matutulungan ang mga nasalanta?

Ano kaya ang nangyari sa kanila?

Tono

Pakiusap

Pakisulat nga ito sa papel.

Pakikuha mo nga ako ng isang basong tubig.

Pakisabi na lang sa kanya lahat.

Tono

Pautos

Magbigay ka dahil mahal mo sila.

Mag-ulat ka tungkol sa kalamidad.

Tono

Padamdam

Kay hirap!

Diyos ko!

May sunog!

Ang sama!

Tono

Pagsagot sa Tanong

Oo, malinis na ang ating kapaligiran.

Hindi. Mali ka.

Magbigay tayo ng pagkain.

Hinto/ Antala/ Juncture

• Ang hinto ay pagtigil sa pagsasalita. (Aganon, et al: 9)

• Mga simbolo: kuwit (,) para sa panandaliang tigil, tuldok (.) para sa katapusan ng pangungusap.

• Maaari ring gamiting simbolo ang # o /// (kapalit ng kuwit).

• Pwede rin ang / (saglit na paghinto) o // (katapusan ng pahayag).

Hinto (Halimbawa)

Tito Juan Anton ang pangalan niya.

Hinto (Halimbawa)

Hindi ang Tacloban ang matinding nasalanta ng

bagyo.

Hinto (Halimbawa)

Kamangha-mangha ang wika ni Juan.

Hinto (Halimbawa)

Si Irineo Jose tawagin mo na.

Palapantigan

“Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pamamagitan ng isang walang antalang bugso

ng tinig” (Santiago at Tiangco: 37)

Pormasyon ng Pantig

Sa Matandang Balarila:

• P (payak)• KP (tambal-una) • PK (tambal-huli) • KPK (kabilaan)

Pormasyon ng Pantig

Mga Karagdagan

• KKP• PKK• KKPK• KPKK • KKPKK

Tuntunin sa Pagpapantig

1. Hindi maaaring magkaroon ng dalawa o higit pang patinig sa

isang pantig.

2. *Kung magkasunod ang dalawang katinig, ang una’y ipinapantig sa

patinig na sinusundan at ang ikalawa’y sa patinig na

sumusunod.*

*Maaaring magbago ayon kina Santiago at Tiangco

Tuntunin sa Pagpapantig

3. *Hindi maaaring magkaroon ng higit sa dalawang katinig sa unahan o sa hulihan ng pantig.*

*Maaaring magbago ayon kina Santiago at Tiangco

Sanggunian

Aganan, F, et al. (1999). Sangguniang Gramatika ng Wikang Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino.

Cubar, E. at Cubar N. (1994). Writing Filipino Grammar: Traditions and Trends. Quezon City: New Day Publishing.

Garcia, L. (1999). Makabagong Gramar ng Filipino. Manila: Rex Bookstore, Inc.

Santiago, A. at Tiangco, N. (2005). Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex Bookstore, Inc.