Dula

Post on 12-Jan-2017

2.755 views 14 download

Transcript of Dula

Matapos ang talakayan ang mga mag-aaral ay

inaasahang;

• Nakasusulat ng isang maikling Dula Tungkol sa Karaniwang

Buhay ng Isang Grupo ng Asyano;

• Naisasadula nang madamdamin sa harap ng klase

ang nabuong maikling dula.

DULA

Ano ang pumapasok sa

inyong isipan sa tuwing maririnig

ang salitang DULA?

ANO NGA BA ANG DULA?

Ito ay hango sa salitang

Griyego na “drama” na

nangangahulugang gawin o

ikilos.

Ang dula ayon kay Sauco:

Ito ay isang uri ng sining na may layuning

magbigay ng makabuluhang

mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.

Isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa

tanghalan. Sa pamamagitan ng dula,

nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring

malungkot, masaya,mapagbiro,

masalimuot at iba pa.

Ang dula ayon kay ARROGANTE:

Ang DULA ay isang akdang pampanitikan

na ang layunin ay itanghal ang kaisipan

ng may-akda sa pamamagitan ng

pananalita at kilos o galaw.

Sa madaling salita,

Kahalagahan ng DULA

Gaya ng ibang panitikan,

karamihan sa mga dulang

itinatanghal ay hango sa

totoong buhay.

Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa

buhay ng mga tao at mga suliranin ng

tao.

Inilalarawan nito ang mga

damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular

na bahagi ng kasaysayan ng

bayan.

mga sangkap ng isang dula

Simula

Gitna

WakasTauhan

Sulyap sa Suliranin

Saglit na Kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Kalutasan

Tagpuan

Elemento ng Dula

IskripIto ang pinakakaluluwa ng

isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-

alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang

dula kapag walang iskrip.

DayalogoAng mga bitaw na

linya ng mga aktor na siyang sandata upang

maipakita at maipadama ang mga

emosyon.

Aktor/karakterAng nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at ang kumikilos; sila ang pinanonood na

tauhan sa dula.

TANGHALANAnumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng

isang dula.

DirektorAng nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng

tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa

paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan

ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor

sa iskrip.

ManonoodHindi maituturing na dula

ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na

dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at

kapag sinasabing maitanghal dapat

mayroong makasaksi o makanood.

TemaAng pinakapaksa ng isang

dula. Naiintindihan ng mga manonood ang

palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-

tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa

tanghalan.

BAHAGING DULA

Yugto (Act)Kung baga sa

nobela ay kabanata. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula.

Eksena (Scene)

Ito ay ang paglabas at pagpasok ng

kung sinong tauhang gumanap o

gaganap.

Tagpo (Frame)Ito ay maaaring magbadya ng pagbabago ng

tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang

susunod na pangyayari.

Dyanra (Genre)ng

dula

KomedyaMasaya ang tema,

walang iyakan, magaan sa loob, at ang bida ay

laging nagtatagumpay.

TrahedyaMalungkot ang tema na nauuwi

sa isang matinding

pagkabigo at pagkamatay ng

bida dahil sa kanyang moral na

kahinaan.

TragikomedyaMagkahalong

lungkot at saya ang tema ng dula.

MelodramaEksaherado ang eksena,

sumusobra ang pananalita, at ang

damdamin ay pinipiga para lalong madala ang

damdamin ng mga manonood nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.

Parsa Puro tawanan,

walang saysay ang kwento, at ang mga

aksyon ay puro “Slapstick” na

walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan, at magbitiw ng mga

kabalbalan.

ParodyaMapanudyo, ginagaya ang kakatawang ayos, kilos,

pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo

ng komentaryo, pamumuna o kaya ay

pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit

ng damdamin ng pinauukulan.

 

ProberbyoAng isang dula ay may pamagat na

hango sa bukambibig na salawikain at ang kwento ay pinaiikot

dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang

buhay. 

URI ng dula

DULANG PANTANGHALAN

DULANG PANRADYO

DULANG PANTELEBISYON

DULANG PAMPELIKULA