Maikling kasaysayan ng dula
-
Upload
kedamien-riley -
Category
Education
-
view
817 -
download
28
Transcript of Maikling kasaysayan ng dula
Maikling Kasaysayan ng Dula
Cherry Y. Osteria
Dula
Dula Ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos.
Ang layunin ng dula ay makapag bigay aliw sa mga manonood.
Sinasabi ring ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood
Kasaysayan ng Dula
Panahon ng Katutubo
Panahon ng Katutubo• Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylanbilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Mga Katutubong DulaBikal at BalakKarilyoBayok at EmbayokaKasayatanDallotPamanhikanDung-awHugas KalawangDalling-Daling
Panahon ng Kastila
Panahon ng Kastila• Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong 3Gs.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
•Moro-Moro•Senakulo•Karagatan•Duplo•Salubong•Paglakad ng Estrella at ng Birhen•Pinetencia•Carillo•Puteje•Juego de Prenda•Bulaklakan•Pananapatan•Moriones•Dalit Alay (Flores de Mayo)•Pangangaluluwa•Panunuluyan•Tibag•Santakrusan•Papuri/Putong
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Amerikano•Patuloy na pumailanlang ang mga tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng anyo ng literatura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano.
Sa panahon ring ito ay sumiklab ang mga pelikula.
Mga Dula Sa Panahon ng Amerikano
•Sarsuwela•Dula sa Makabagong Panahon•Dulang Pantanghalan na may iba’t ibang tema•Dulang Musikal
Panahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
•Sa panahong ito, bumagsak ang dulang seryoso at tinangkilik ang mga pelikula ng Amerikano na katatawanan, awit at sayaw.
Mga dula sa Panahon ng Hapon
•Legitimate- ay binibuo ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsusulat at pagtatanghal• Illegitimate- ay mas kialla sa tawag na stageshows
Kasalukuyang Panahon
Kasalukuyang Panahon•Sa kasalukuyang panahon, mas umunlad, maraming nagbago at marami na tayong iba't-ibang dula gaya ng panradyo,pantelebisyon at pampelikula. Sa panahong ito, ang mga dula ay itinatanghal sa mas malalaking entablado at aktwal nang napapanood ng mga tao.
Konklusyon•Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit isa ang layunin ng mga mandudula: ang mag bigay aliw sa mga mamamayang Pilipino, at higit sa lahat, ang bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.