Post on 30-Oct-2020
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 5: WASTONG PANGANGALAGA SA YAMANG
LUPA AT TUBIG
Layunin: Napahahalagahan ng wastong pangangalaga ng yamang lupa at tubig.
PANGANGALAGA SA YAMANG LUPA
Mahalaga ang mga anyong lupa sa ating pamumuhay at sa ating bansa. Dapat natin itong pangalagaan at pahalagahan upang patuloy natin itong mapakinabangan.
Dapat din tayong magpasalamat sa ating Poong Maykapal sa yamang lupa na ipinagkaloob Niya sa atin.
Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan o Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagkontrol ng eksplorasyon at pagpapaunlad ng likas na yaman ng bansang Pilipinas.
Maraming mga anyong lupa ang ating bansa na hindi lamang nagpapaganda ng ating kalikasan at napapakinabangan sa maraming bagay. Kailangan natin itong pahalagahan at pangalagaan.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PANGANGALAGA SA YAMANG TUBIG
Ang mga yamang tubig sa ating bansa ay napapakinabangan din ng tao at ng ating bansa, kung kaya, dapat din natin itong pangalagaan at pahalagahan.
Ipagmalaki at pasalamatan natin ang Poong Maykapal sa mga biyayang bigay ng ating mga anyong tubig.
Ang “Dredging” ay tumutukoy sa paglimas ng lupa sa ilalim ng katubigan upang mahakot ang mga nakabaon na mga yamang-dagat tulad ng mga kabibe at talaba. Ang problema sa pamamaraang ito ay maaari nitong masira at mapatay ang iba pang namumuhay sa ilalim ng dagat.
Maraming mga anyong tubig na nakakaakit sa mga turista at sa mga kapwa nating Pilipino. Malaki rin ang pakinabang ng mga ito sa tao at sa ating bansa. Dapat natin itong ipagmalaki at alagaan.
Paraan ng Pangangalaga ng Yamang Tubig
Dapat iwasan ang paggamit ng dinamita sa pangingisda. Isumbong sa may kapangyarihan. Dapat gamitin sa pangingisda ang malalaking lambat at may mga tamang butas. Panatilihing malinis ang mga anyong tubig. Huwag magtapon ng mga basura dito. Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran upang maiwasan ang pagkakalat saan
mang lugar.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
MGA GAWAIN
A. Kulayan ng BERDE ang dahon kung ang isinasaad ng pangungusap ay tungkol
sa pangangalaga ng mga anyong lupa n gating bansa.
1. Huwag sundin ang mga babala tungkol sa pangangalaga ng likas na yamang lupa ng ating bansa
2. Magtanim ng mga puno at halaman sa gilid ng bundok at sa mga bakanteng lote.
3. Iwasan ang pagsusunog ng mga puno.
4. Gumawa ng mga pataba para sa mga halaman sa pamamagitan ng pagbabaon ng mga tuyong dahon at balat ng prutas at mga bagay na nabubulok.
5. Putulin ang mga puno sa bundok upang gawing bahay at mga kasangkapang yari sa kahoy.
B. Kulayan ng ASUL ang alon kung ang isinasaad ng pangungusap ay tungkol sa
wastong pangangalaga ng mga anyong tubig ng ating bansa.
1. Magtanim ng mga puno sa gilid ng mga anyong tubig.
2. Gumamit ng lambat ng may maliliit na butas upang dumami ang huling isda.
3. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay illegal.
4. Isumbong sa may kapangyarihan o awtoridad ang mga mangingisdang gumagamit ng dinamita, kuryente at kemikal sa pangingisda.
5. Huwag magtapon ng mga basura sa dagat.
C. Gumawa ng akrostik sa salitang:
Y – L – T –
A – U – U –
M – P – B –
A – A – I –
N – G –
G – at
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 6: MGA YAMANG MINERAL AT YAMANG GUBAT
NG ATING BANSA
Layunin: Makikilala ang yamang mineral at yamang gubat
Matatalakay ang paraan ng pangangalaga sa yamang mineral at yamang
gubat
YAMANG MINERAL
Ang mga yamang mineral ng ating bansa ay matatagpuan sa ilalim ng lupaat sa mga kabundukan. Kinikuha o minimina ito ng mga minero.
May dalawang uri ng yamang mineral. Ito ay ang mineral na metal at mineral na di-metal.
Ang mineralohiya ay ang pag-aaral ng mga mineral na pangunahing material na bumubuo sa mga bato.
Bukod sa yamang lupa at yamang tubig na bigay sa atin ng Poong Maykapal, yaman din ng ating bansa ang yamang mineral. Ito ay nauuri sa dalawa. Ang una ay mineral na metal at mineral na di-metal.
YAMANG MINERAL
MINERAL NA METAL MINERAL NA DI-METAL
Ang mga halimbawa ng
mineral na metal ay
ginto, pilak, tanso, bakal
at tingga.
Ang ilan sa mga halimbawa
nito ay ang buhangin, graba,
semento, marmol, at iba’t
ibang uri ng bato.
Ang mga ginto at pilak
ay ginagawang alahas
tulad ng hikaw,
singsing, pulseras, at
kuwintas.
Ginagamit ang mga ito
sa pagpapatayo ng
gusali, paggawa ng
kalsada at tulay.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
Ang mga yamang mineral ay likas na yaman ng ating bansa. Ang
mga ito ay dapat din nating pangalagaan.
YAMANG GUBAT
Sa ating kagubatan matatagpuan ang mga iba’t ibang puno, hayop,
halaman, natatanging bulaklak at iba pa.
Ang yamang gubat ay likas na yaman din ng ating bansa. Dapat
pangalagaan natin ang mga ito.
Ang bansang Pilipinas ay may malawak na kagubatan. Dito
matatagpuan ang mga natatanging hayop, punungkahoy, bulaklak at mga
ibon.
Ang mga yamang gubat ay likas na yaman din ng ating bansa. Ang
mga ito ay dapat din nating pangalagaan sa pamamagitan ng
pagtutulungan ng bawat mamamayan.
Sumunod sa batas tungkol sa pagbabawal ng pamumutol ng mga
punungkahoy sa mga kagubatan ng ating bansa.
Huwag magtapon ng mga basura sa mga kagubatan.
PANGANGALAGA NG
YAMANG MINERAL
Kailangan tipirin ang
paggamit ng mga mineral
dahil habang tumatagal
ang panahon ay mauubos
din ang mga ito.
Dapat din itong linangin
at gamitin nang wasto
dahil ang mga yamang
mineral ay hindi
napapalitan.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
MGA YAMANG GUBAT
MGA NATATANGING HAYOP
1. Tamaraw – ito ay hayop na
kahawig ng kalabaw. Ito ay mas
maliit kaysa. Makikita ito sa
kagubatan ng Mindanao.
2. Haribon - ito ay natatangi kilala sa
tawag na Philippine Eagle. Ibig
sabihin ng haribon ay malakas at hari
ng mga ibon. Ito ay nakatira sa
kagubatan ng Luzon at Mindanao.
3. Pilandok - kilala sa tawag na mouse deer
na tinaguriang pinakamaliit na usa sa
buong daigdig. Matatagpuan ito sa
kagubatan ng Palawan.
4. Tarsier - ito ang pangalawa sa
pinakamaliit na primate sa mundo.
Matatagpuan ito sa kagubatan ng Bohol,
Samar, at iba pang bahagi ng Mindanao.
5. Waling – waling - ito ang pinakatanyag na
uri ng dapo sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa
kagubatan ng Mindanao.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 7: MGA YAMANG TAO AT ANG KAHALAGAHAN NITO SA BANSA
Layunin: Nakikilala ang yamang tao sa bansa
Naipapaliwanag ang kahalagahan ng yamang tao sa bansa.
YAMANG TAO
Ang mga tao ay isa sa pinakamahalagang yaman ng ating bansa. Yamang tao na maituturing ang mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay makikita sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.
Sa Luzon, Visayas at Mindanao makikita ang mga yaman ng bansa. Magkakaiba ang katawagan sa mga yamang tao sa ating bansa.
Pinakamahalagang yaman ng bansa.
Ang mga Pilipino ay yamang-tao.
Ang mga yamang-tao ang lumilinang sa mga likas na yaman ng bansa.
Ang yamang tao ay makikita sa Luzon, Visayas at Mindanao.
MGA KAHALAGAN NG YAMANG TAO
1. Ang mga yamang tao na nagtatrabaho ang tumutulong sa pagpapaunlad ng bansa. Sinu-sino sila?
2. Ang mga yamang tao sa ospital ang nangangalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan. Sinu-sino sila?
3. Ang mga yamang tao sa simbahan ang nagtuturo ng matibay na pananalig sa Diyos. Sinu-sino sila?
4. Ang mga yamang tao sa paaralan ang nagtuturo ng kaalaman at kasanayan. Sinu-sino sila?
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 8: ANG BUMUBUO NG POPULASYON AT PANGKAT NG POPULASYON
Layunin: Nakikilala ang mga bumubuo ng populasyon.
Naiisa-isa ang mga pangkat ng populasyon
Naiisa-isa ang mga bumubuo sapopulasyong umaasa at populasyong
inaasahan.
POPULASYON: MALIIT AT MALAKING POPULASYON
Ang populasyon ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng taong naninirahan sa isang lugar. Ang mamamayang Pilipino na nakatira sa baranggay, bayan, lungsod, lalawigan at rehiyon ay ang bumubuo sa populasyon.
Ang populasyon ay nahahati sa dalawa:
1. Maliit na populasyon 2. Malaking populasyon
Ang populasyon ay binubuo ng dalawang uri. Ito ay ang maliit na populasyon at ang matandang populasyon.
MALIIT NA POPULASYON MALAKING POPULASYON
1. Kakaunti ang mga taong nakatira
2. May mga nakatirang mag-anak sa mga pamayanang rural.
3. Kadalasan magkakamag-anak, magkakakilala o magkakaibigan
ang nakatira. 4. Hindi gaanong marami ang bilang ng miyembro ng mag-
anak. 5. Hindi gaanong maraming
taong nakatira. 6. Ang iba ay nakatira malapit sa
kabundukan.
1. Maraming mga tao ang nakatira.
2. Ang mga mag-anak ay nakatira sa maunlad na lugar.
3. Magkakatabi ang mga bahay nila.
4. Maraming naghahanapbunay sa lungsod.
5. May mga mag-anak na walang sariling tirahan at sa ilalim ng
tulay, kalsada o kahit saan may masisilungan.
6. Ang iba ay nakatira sa pamayanang urban.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
POPULASYONG UMAASA AT POPULASYONG INAASAHAN
Nahahati sa dalawang pangkat ang populasyon ng bansa. Ito ay ang populasyong umaasa at populasyong inaasahan.
Ang populasyong umaasa ay binubuo ng batang populasyon samantalang ang populasyong inaasahan ay ang populasyong naghahanap-buhay at mga matandang populasyon.
Mayroong dalawang pangkat ang populasyon. Ito ay ang populasyong umaasa at populasyong inaasahan.
POPULASYONG UMAASA
Binubuo ng mga batang populasyon o mga bagong silang na sanggol hanggang batang may edad na 14 na taon. Kailangan bigyan ng sapat na pagkain upang lumaki ng malusog. Ang populasyon na ito ay pinag-aaral ng kanilang mga magulang at tinuturuan ng wastong gawi at asal. Kailangan pang alagaan at bigyan ng pagkakataon tamasahin ang mga karapatan.
Wala pang kakayahang mamuhay na mag-isa. Umaasa sa mga magulang o nakakatandang kapatid at nakatatandang kamag-anak.
Kabilang din sa populasyong ito ay ang mga matandang populasyon na may edad na 65 taon pataas. Nabibilang ditto ang mga lolo at lola ninyo. May mga matatanda na naghahanap