Download - The Parent and Family Engagement Connection

Transcript
Page 1: The Parent and Family Engagement Connection

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

Noong bata kami, mayroon kaming "Slip N Slide." Kapag tag-init, inilalatag namin ang mahabang plastic na mat, ikakabit namin ang hose, at magsasaya kami habang nagpapapresko. Magsasama-sama ang mga bata sa kapitbahayan habang dinadaig namin ang isa't isa sa pamamagitan ng mga kakaibang klase ng pag-slide.

Naging mahaba ang taong ito na may mga pagsara ng paaralan, pag-aaral sa tahanan, mga pinaghalong klase, at mabagal na pagbabalik sa harapang pagtuturo sa silid-aralan. Sa kasamaang

palad, maraming mag-aaral ang nahuli sa mga inaasahan sa kanila para sa kanilang baitang. Sa hinaharap, maraming makakaranas ng akademikong summer slide o ang pagbaba ng mga pangunahing kakayahan sa paaralan sa tag-init, na hindi masaya at kinakailangan.Sa tag-init sa 2021, dapat hikayatin ng mga pamilya ang kanilang mga anak na patuloy na magbasa at sanayin ang mga kakayahan sa matematika.

•  Para tiyaking nagbabasa ang iyong anak, magbasa kasama niya. Hilingin sa kanyang basahan ka at pwede ka ring magbasa sa kanila. Tanungin sa kanilang pangalanan ang mga karakter sa kuwento at ilarawan ang kanilang personalidad o pag-uugali.

•  Tingnan ang iyong lokal na silid-aklatan dahil maaaring nag-aalok sila ng ilang uri ng programa sa pagbabasa tuwing tag-init.

•  Humingi ng mga mungkahi mula sa guro ng iyong anak tungkol sa mga estratehiya sa pagbabasa at matematika tuwing panahon ng tag-init o mga online na programa sa pagbabasa na inaalok sa pamamagitan ng distrito ng paaralan.

•  Basahin ang packaging at mga sangkap sa mga produktong pagkain. Hanapin ang mga hindi alam na sangkap sa diksiyonaryo para palawakin ang pag-unawa ng iyong anak.

•  Basahin ang mga pang-promosyon at marketing na impormasyon sa junk mail. Pag-usapan ang isang produkto o serbisyo. Ano ito? Bakit ito kapaki-pakinabang o bakit hindi ito kapaki-pakinabang? Tapat na advertising ba ito o isa ba itong "scam"?

•  Kung gusto ng iyong anak ang sports, kausapin siya tungkol sa kaniyang mga paboritong player. Basahin ang bio ng player na iyon. Tingnan din ang stats ng player na iyon. Maraming uri ng impormasyon ang sports tungkol sa statistics ng mga player, mga porsiyento, average, atbp. Maaaring simple o mas kumplikado ang matematika depende sa mga kakayahan sa matematika ng bata.

•  Kung mayroon kang pagkakataong bumiyahe ngayong tag-init, planuhin sa mapa ang biyahe kasama ng iyong anak. Ipakita sa kanya kung paano gamitin ang legend o simbolo, kung paano kalkulahin ang distansiya, at kung paano tantiyahin ang oras ng biyahe.

•  Kung gumagawa ka ng anumang pag-aayos sa bahay, hilingin sa iyong anak na tumulong sa mga pagsusukat. Ipakita sa kaniya kung paano magbasa ng tape measure (kabilang ang mga fraction), at kung paano mag-set at magbasa ng mitre (tungkol ito lahat sa mga anggulo).

•  Hilig ko ang paghahalaman. Ang pagpapasiya kung saan itatanim ang mga hanay ng hardin, kung gaano kalayo ang mga ito, at kung gaano karaming punla ang itatanim ay tungkol lahat sa matematika at pagsukat. Pagkatapos, ang pag-aalaga ng mga halaman habang lumalaki at namumulaklak ang mga ito ay tungkol sa agham, pati na rin ang mga peste.

Napakasaya ng mga water park o lugar sa lungsod na may tema ng tubig. Ngunit hindi katawa-tawa ang akademikong summer slide. Magpakasaya sa tag-init, sa pagbabago ng pamumuhay, at sa dahan-dahang pagbabalik sa "normal" habang lumuluwang ang mga paghihigpit dahil sa pandemya. Gayunpaman, gamitin ang tag-init para panatilihin ang interes ng iyong anak sa pag-aaral at ang kanyang mga antas ng kakayahan. Bahagyang nakadepende ang kanilang tagumpay sa susunod na taon ng paaralan sa iyong kahandaang hikayatin at tulungan sila ngayong tag-init.

Minamahal na Mga Magulang

Tinulungan ko ang inyong bulaklak para lumaki ito.

Binabalik ko ito ngayon,ngunit gusto kong malaman ninyo.

Mahalaga ang bulaklak na ito,at lubos na minamahal.

Mahalin, alagaan ito,at makikita ninyo.

Ang isang bagong bulaklakkada araw.

Lumaki at namulaklakito sa kamangha-manghang paraan.

Sa Agosto, bagong usbong pa lamang.Sa Enero, bagong sibol.

Ngayon ay isang magandang bulaklakang binabalik ko sa inyo.

Tandaaan, ang bulaklak na ito,na lubos na minamahal.

Bagaman ito ay tunay na inyo,ang bahagi nito ay palaging mananatili sa aking puso!

Hindi Kilalang May-akda.

Skip Forsyth

"Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago"

The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

Tahanan at Paaralan

Bolyum 172021, Ika-4 na Quarter

Page 2: The Parent and Family Engagement Connection

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

2

8 Praktikal na Tip sa Paghahanap ng Pinapangarap mong Trabaho sa Tag-init.Manaliksik. Gamitin ang iyong network ng mga kaibigan at pamilya. Huwag sumuko.

Dahil sa limitadong edukasyon, kakayahan, at koneksyon, nahihirapan ang mga kabataang maghanap ng trabaho sa tag-init. Natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa ng White House na tinanggihan ang 46 na porsiyento ng mga mag-aaral na nag-apply para sa trabaho sa tag-init sa nakaraang taon. Ang sakit naman!Ito ang ilang tip para sa mag-aaral o mga bagong nagtapos na sinisimulan pa lang ang kanilang paghahanap ng trabaho. Magagamit din ang alinman sa mga tip na ito sa paghahanap ng trabaho ng mga taong nagtatrabaho na, ngunit naghahanap ng mas malaki at mas magandang pagkakataon:1. I-focus ang iyong paghahanap. Limitahan ang iyong paghahanap sa ilang industriya, at sa bawat industriya, sa iilang kompanya. Gagawin nitong

mas magaan ang proseso ng paghahanap.

2. Gamitin ang iyong umiiral na network ng mga kaibigan at pamilya. Maliban sa social media, malamang ay mayroon kang mas malaking network ng mga kaugnayan na magagamit mo, na higit pa sa akala mo.

Magsimula sa mga pinakakilala mo--ang iyong pamilya at mga malapit na kaibigan--at tingnan kung mapapakilala ka nila sa mga taong kilala nila. Kailangan mong gawin ang mga unang hakbang at maghanap ng tulong.

Kapag nagsimula ka nang gamitin ang mga network mo, maaaring matuklasan mong isa o dalawang koneksyon lamang ang layo mo mula sa isang taong nagtatrabaho sa iyong mga tina-target na kompanya at nasa posisiyon siyang kunin ka o ipakilala ka sa taong kayang gawin iyon.

3. Tukuyin ang dalawang pinakamalakas mong kakayahan at ipakita kung paano mo magagamit ang mga ito sa trabaho. Mapapalakas mo ang iyong aplikasyon at mas mapapansin ka ng mga recruiter sa pamamagitan ng pagtukoy ng dalawa o tatlong pinakamalakas na kakayahan mo at pagpapaliwanag sa iyong cover letter kung paano magagamit ang mga ito sa kanilang kompanya. Gawing mas kapansin-pansin ang iyong cover letter sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung bakit kanila dapat kunin.

4. Manaliksik tungkol sa kompanya at alamin kung anong ginagawa nila. Nakakatuksong magpadala ng pare-parehong cover letter at resume sa dose-dosenang kompanya. Ngunit isipin kung anong malamang na iisipin (at gagawin) ng recruiter na tatanggap ng naturang pangkaraniwang sulat kapag nakakita sila ng hindi naka-customize na sulat sa kanilang inbox. Maglaan ng oras para unawain ang kompanya at ang posisyon kung saan nag-a-apply ka, at ipakita iyon sa iyong cover letter.

5. Huwag matakot magtanong. Nakakatakot maghanap ng trabaho kapag walang laman ang iyong resume at wala ka pa masyadong kumpiyansa sa sarili. Ngunit napansin kong ang mga mag-aaral na nakakahanap ng trabaho ay ang mga mag-aaral na may tapang na magtanong. Kaya, huwag matakot magtanong.

6. Maging matiyaga. Maraming natatanggap na email ang mga negosyo araw-araw, at ang karamihan ng mga ito ay kaugnay ng mga full-time na posisyon kung saan kailangan nila ng tao. Kung gusto mong mapansin ka, huwag sumuko pagkatapos ng unang beses na nakipag-ugnayan ka at hindi ka nakatanggap ng tugon.

7. Matutong tanggapin ang pagtanggi sa iyo. Mahirap harapin kapag tinanggihan ka kapag nagsisimula ka pa lang. Ngunit masanay dito, at huwag ito personalin. Pwedeng maging larong tsambahan ang paghahanap ng trabaho --maraming hindi tatama sa simula. At ok lang iyon--lahat kami ay naranasan na iyon.

8. Huwag sirain ang mga koneksyon. Kapag tinanggihan ka, manatiling kalmado at propesyonal at pasalamatan ang taong iyon para sa kanyang oras. Huwag din magalit o magreklamo tungkol dito sa social media. Maaaring itago ng kompanya ang iyong resume sa kanilang mga file at maaaring makipag-ugnayan sila sa iyo kapag may nagbukas na oportunidad.

Tukuyin ang iyong mga kalakasan, manaliksik, humingi ng tulong, at huwag sumuko. Good luck sa iyong paghahanap!

May mga sipi mula sa artikulo ni Glenn Leibowitzhttps://www.inc.com/glenn-leibowitz/8-practical-tips-for-fi nding-the-summer-job-or-any-job-of-your-dreams.html

"Makinig nang mabuti sa anumang gustong sabihin ng mga anak mo, anuman ito. Kung hindi ka sabik makinig sa maliliit na bagay kapag bata pa lang sila, hindi nila sasabihin sa iyo ang malalaking bagay kapag malaki na sila, dahil para sa kanila ay malaking bagay iyon lahat."

Catherine Wallace

Page 3: The Parent and Family Engagement Connection

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

3

Mga Panalo sa 2021 Promising Practices (Mga Magandang Gawi sa 2021):CROCKETT ELEMENTARY SCHOOL: Latino Family Literacy Project (Proyekto sa Pagbabasa at

Pagsusulat ng Mga Latinong Pamilya)Ano ang layunin ng gawing ito?1. Itatag at suportahan ang rutina sa pagbabasa ng pamilya.2. Palakasin ang pakikipag-ugnayan ng magulang/anak.3. Pabutihin ang mga kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat sa wikang Espanyol.Paano natukoy bilang pangangailangan ang gawi?

WEIMAR ELEMENTARY SCHOOL: Family Literacy Night—Winter Wonderland (Gabi ng Pagbabasa at Pagsusulat ng Pamilya—Wonderland sa Taglamig)

Ano ang layunin ng gawing ito?Ang layunin ng gabi ng pagbabasa at pagsusulat ng pamilya ay paramihin ang kasiyahang dulot ng pagbabasa at bumuo ng malakas na kaugnayan sa pagitan ng pamilya at mga paaralan.Paano natukoy bilang pangangailangan ang gawi?Wala masyadong pagkakataon para sa pakikipag-ugnayan ng pamilya ang mga magulang para pumunta sa paaralan at

PINE TREE PRIMARY SCHOOL: Bring Your Parent to School (Dalhin ang Iyong Magulang sa Paaralan)

Ano ang layunin ng gawing ito?Ang layunin ng araw na ito ay magbigay sa mga magulang ng mga pagkakataon para maging ang pinakamabuting partner sa pag-aaral ng kanilang anak na kaya nila. Binuo ng mga magulang ang kanilang mga kakayahan habang natututo sila katabi ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga sesyong pinili nila at pinangungunahan ng mga guro, Parent Liaison, at tauhan ng Region 7 ESC. Para suportahan ang mga pagsisikap na ito pag-uwi nila, nakatanggap ang

KLEIN HIGH SCHOOL: Parent Orchestra (Orkestra ng Magulang)Ano ang layunin ng gawing ito?Maraming aspekto ang layunin ng proyektong ito. Ang unang layunin ay paramihin ang pakikilahok ng magulang sa programa ng orkestra sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga magulang na buhayin mula ang kanilang pagmamahal sa musika. Nagbigay din ang proyektong ito ng pagkakataon para sa mga magulang na kumonekta sa kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng parehong interes. Sa pamamagitan ng bagong parehong interes na ito, makakakuha ang mga mag-aaral ng inspirasyong

Mayroong malinaw na koneksyon sa pagitan ng pagbabasa at pagsasalita ng wikang Ingles at kung nagtatapos mula sa mataas na paaralan ang mga batang Latino o sumasali sila sa mga gang. (Departamento ng Edukasyon ng California)

matuto mula sa mga guro kung paano palakasin ang mga kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga mag-aaral, kung saan kabilang ang kapaligirang maraming libro sa tahanan. Ipinakita ng data na 40%-50% ng mga mag-aaral sa K-2 ay hindi nagpakita ng kahandaang akademiko sa simula ng taon ng paaralan.

bawat pamilya ng bag na may mga aktibidad sa pagbabasa at matematika na para sa pre-kindergarten o kindergarten.Paano natukoy bilang pangangailangan ang gawi?Ang Pine Tree Primary ay isang Title I School-wide campus kung saan ang 76% ay mga mag-aaral na may kahirapan sa pananalapi. Para sa marami sa mga mag-aaral na ito, ang pre-kindergarten at kindergarten ang kanilang unang karanasan sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng aming taunang pagsusuri ng mga kinakailangan, nagpahayag ang mga magulang ng kagustuhang matuto kung paano mag-aral kasama ng kanilang anak sa tahanan. Handa sila at gusto nilang gawin ito, pero wala siyang kumpiyansa sa kanilang kakayahan.

PINE TREE ISD: Raising Highly Capable Kids (Pagpapalaki ng Mga Batang May Maraming Kakayahan)Ano ang layunin ng gawing ito?Ang layunin ng labintatlong linggong serye, ang Raising Highly Capable Kids, ay tumulong na bumuo ng mas malalakas na pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magulang ng kumpiyansa, tool, at kakayahang kailangan nila para magpalaki ng mga malusog, nagmamalasakit, at responsableng bata sa pamamagitan ng 44 na asset na batay sa pananaliksik. Hinihikayat ang mga magulang at lalo na ang mga mag-asawa na kumpletuhin ang 13 linggong serye na binubuo ng 1-1/2 oras na klase kada linggo.Paano natukoy bilang pangangailangan ang gawi?Sa pamamagitan ng mga pag-uusap kasama ng mga stakeholder at ang aming Title I na survey sa magulang, nalaman naming kailangan mag-alok ng mga mapagkukunan para sa aming mga magulang na nasa distrito ng paaralan. Naging hamon na hikayatin ang mga magulang na pumunta sa mga paaralan para makibahagi sila sa mga proyekto ng paaralan. Naging karagdagang mapagkukunan ang Raising Highly Capable Kids lalo na sa mga magulang bilang paraan para tugunan ang istruktura ng pamilya.

ganap na makilahok sa programa ng musika at dadami ang pananatili ng mag-aaral.Paano natukoy bilang pangangailangan ang gawi?Napansin ng Direktor ng Orkestra, si G. Creston Herron, kung paano nakipag-usap ang mga magulang tungkol sa hindi pagkonekta sa kanilang mga mag-aaral sa high school. Kasabay nito, madalas niyang naririnig mula sa mga magulang ang tungkol sa kanilang kagustuhang patuloy o magsimulang matutong tumugtog ng instrumento sa musika. Nakita niya ang pagkakataong bumuo ng malalakas na koneksyon sa mga pamilya sa pamamagitan ng musika.

Para makita ang lahat ng isinumiteng Promising Practices, pumunta sa: https://www.esc16.net/page/title1swi._Promising_Practices

Page 4: The Parent and Family Engagement Connection

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

4

Mga Laro sa Sasakyan para sa Mga BataNi Suzanne Rowan Kelleher

Ano ang pinakakinatatakutan ng mga magulang tungkol sa mga pagbiyahe sa kalsada ng pamilya? Hindi ang gastos sa pagpuno ng tangke ng gasolina. Hindi ang trapiko o daanang may toll o mga drayber tuwing Linggo. Ang sagot ay ang ideya na magsisiksikan ang kanilang mga anak sa maliit na lugar nang ilang oras. Ang pag-aaway sa backseat. Ang sundutan. Ang pagrereklamo. Ang mga walang pasensiyang pagsigaw na "Dumating na ba tayo?" Sana ay matigil na ito! Sa kabutihang palad, maraming paraan para aliwin at panatilihing masaya ang mga bata kasama ang isa't isa. At ang pinakamabuting bahagi nito? Magagawa mo ito nang hindi gumagastos.

I Spy (May Nakikita Ako). “I spy with my little eye, something red.” (Nakikita ko gamit ang mata ko, ang isang pulang bagay) Napakabuti para sa mga nasa preschool ang madaling matutunan na larong ito, at mananatiling silang nag-e-enjoy nang matagal. Napakadali lamang ng mga direskyon: May makikitang isang bagay ang isang tao at sasabihin niya ang linya, na nagtatapos sa isang clue. Magsasalitan ang lahat sa paghula ng misteryosong item.

Tic Tac Toe. Ang kailangan mo lamang ay dalawang player at lapis para sa sikat na larong ito. Ilalagay ng Unang Player ang X sa grid, maglalagay ang Pangalagawang Player ng O. Patuloy silang magsasalitan hanggang ang isang player ay may tatlong marka sa isang linya.

Connect the Dots (Ikonekta ang Mga Tuldok). Bakit napakasimple ng mga pinakamagandang laro? Pinakamabuti para sa larong ito para "gumawa ng kahon" kapag gumagamit ang bawat player ng ibang kulay ng lapis o krayola.

I’m Going on a Picnic (Pupunta Ako sa Piknik). Ang laro sa memorya na batay sa alpabetong ito ay napakasaya para sa mga batang 5 taong gulang at higit pa. Hindi mo kailangan ng board ng laro o anumang materyales. Malalaro ito kahit na dalawa lamang ang player, pero mas masaya kapag kasama ang buong pamilya. Sinasabi ng unang player ang "I’m going on a picnic and I’m bringing..." (Pupunta ako sa piknik, at magdadala ako ng...) kasunod ng isang bagay na nagsisimula sa A, tulad ng "apples" (mansanas). Uulitin ng pangalawang player kung anong sinabi ng unang player, pero magdadagdag siya ng isang bagay na nagsisimula sa B. Kaya maaaring sabihin niya ang "I'm going on a picnic and I'm bringing apples and bananas" (Pupunta ako sa piknik, at magdadala ako ng mansanas at saging.) At magpapatuloy ito gamit ang C, D, at ang buong alpabeto. Kung makalimutan ng isang tao ang isang item, out na siya. Para patas, pwedeng padaliin ang laro at magbigay ng mga hint sa mga mas batang player. Ang huling player na makakapagsabi ng lahat ng gamit sa listahan ang panalo.

20 Tanong. Napakainam ng napakadaling larong ito para sa mga mas bata, dahil sa mga simpleng panuntunan nito. Mag-iisip ang Unang Player ng isang tao, lugar, o gamit. Magsasalit-salitan ang lahat sa pagtatanong ng mga bagay na masasagot ng simpleng oo o hindi. Pagkatapos ng bawat sagot, makakahula ang nagtanong nang isang beses. Magpapatuloy ang laro hanggang makahula nang tama ang player.

http://www.minitime.com/trip-tips/10-Best-Car-Games-for-Kids-article/

Mga Nakakagulat na Masustansiyang Meryenda para sa Mga Bata

Siguradong hit ang popcorn sa mga bata, at...whole grain ito! Sa katunayan, ang popcorn ay mayroong 4 na gram ng fiber sa kada 3 cup na serving, kaya nakakabusog na meryenda ito. At napakaraming magagawa gamit ito. Pwede mong baguhin ang air-popped na popcorn gamit ang iba't ibang topping, kabilang ang pira-pirasong keso, nutritional yeast o cinnamon at asukal.

Sobrang dali ring gawin at baguhin ng mga Ice Pop. At kapag ikaw mismo ang gumawa nito, nakokontrol mo kung saan gawa ang mga ito. Ang mga nagyelong orange pop ay nagbibigay ng vitamin C at calcium sa iyong anak, dahil sa mga

pangunahing sangkap nito: orange juice at nonfat na Greek yogurt.

Peanut Butter. Napakabuting opsyon sa meryenda ang natural na peanut butter (iyong walang mga karagdagang asukal at ibang uri ng taba). Binibigyan nito ang mga anak mo ng protina at masusustansiyang taba, at napakagandang kapares ito ng mansanas, saging, celery at mga whole-grain na cracker o tinapay.

Mga Cookie. Ito ang dapat ninyong malaman tungkol sa mga cookie: Pwede niyo itong gawing masustansiya kapag gumamit kayo ng tamang sangkap. Maaaring gamitin ang whole-wheat pastry na arina sa halip na puting arina sa karamihan ng mga cookie. Nagdadagdag

ang rolled oats ng higit pang fiber. Idagdag sa ibang recipe, tulad ng ilang Oatmeal-Chocolate Snack Cake, pwede mong palitan ang kaunting butter ng applesauce para bawasan ang saturated fat. Ihain ang mga ito kasama ng low fat na gatas at mayroon ka nang masustansiya at balanseng meryenda para sa mga anak mo.

MGA TIP SA KALUSUGAN AT NUTRISYON NA BATAY SA KATIBAYAN

Huwag uminom ng mga calorie galing sa asukal. Ang mga maasukal na inumin ang mga pinakanakakatabang bagay na mailalagay mo sa iyong katawan. Pagdating dito, kasingsama ng mga juice na prutas ang soda.

Kumain ng mani. Kahit na maraming tabi ang mga ito, napakasustansiya ng mga mani. Puno ito ng magnesium, bitamina E, fiber at iba't ibang nutrient.

Iwasan ang processed na tsitsirya. Ginawa ang mga pagkaing ito para magbigay ng "higit na kasiyahan," kaya niloloko ng mga ito ang ating utak sa pagkain ng higit pa sa kailangan natin, na humahantong pa sa adiksyon sa ibang tao.

Uminom ng tubig, lalo na bago kumain. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang pag-inom ng kalahating litro ng tubig, 30 minuto bago kumain, ay nagpataas sa pagbabawas ng timbang nang 44%.

https://www.foodnetwork.com/recipes/packages/recipes-for-kids/ healthy-meals-for-kids/10-surprisingly-healthy-snacks-for-kids

Page 5: The Parent and Family Engagement Connection

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

5

CHECKLIST PARA SA KOLEHIYO:Paghahanda sa EmosyonSiguro ay hindi mo pa nararanasang tumira sa isang maliit na kwarto kasama ang isa o dalawang taong hindi mo kakilala. Pero ito ang isang sikreto: Bago rin ito para sa kanilang lahat.Ganito mo maihahanda ang iyong mga emosyon para sa kolehiyo:⇒ Tukuyin ang iyong mga layunin (akademiko, sa pakikisalamuha,

personal).⇒ Ilista ang iyong mga personal na pinaniniwalaan at moral para tiyaking

umaayon sa kung sino ka ang mga desisyong gagawin mo sa kolehiyo.⇒ Alamin kung aling mga aktibidad ang nagbibigay sa iyo ng lakas at

gumawa ng mga plano para ipagpatuloy ang mga iyon sa paaralan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga grupo at aktibidad sa o malapit sa campus. Tingnan ang mga page sa buhay ng mag-aaral sa website ng kolehiyo at mga grupo sa meetup o pakikipagkita sa lokal na lugar.

⇒ Buuin ang iyong kumpiyansa sa sarili sa pamamagitan ng paggawa ng listahan ng lahat ng nakamit mo. Hilingin sa mga kaibigan at kapamilya mo na sabihin sa iyo ang bagay na sa tingin nila ay katangi-tangi tungkol sa iyo.

⇒ Maglaan ng one-on-one na oras kasama ang mga kapamilya.⇒ Maglaan ng one-on-one na oras kasama ang mga malapit na kaibigan.⇒ Magpasiya kung paano makikipag-ugnayan sa mga kaibigan at

kapamilya habang nasa paaralan.⇒ Bumiyahe nang walang plano at maranasan kung anong pakiramdam

ng paggawa ng hindi inaasahang bagay.⇒ Iplano kung paano mo patuloy na isasabuhay ang iyong relihiyon/

pananampalataya/espirituwalidad habang malayo sa bahay.⇒ Alamin na magbabago ka dahil sa mga bagong karanasan mo. Tandaan,

minsan ay baka hindi ka komportable sa pagbabago, pero hindi ibig sabihin nito na masama ito.

Pinansiyal na PaghahandaKung nagkaroon ka na ng trabaho sa tag-init o part-time na trabaho habang nasa mataas na paaralan, siguro ay medyo alam mo na ang tungkol sa pinansiyal na pagpaplano. Pero ang pag-alis papunta sa kolehiyo siguro ang unang pagkakataon sa iyong buhay kung saan gagawa ka ng mga pinansiyal na desisyon araw-araw nang mag-isa.Hindi imposible ang paninirahang may badyet, pero mas madali ito kung gumawa ka na ng maagang pagpaplano nang mag-isa. Ganito maghanda habang may suporta ka pa sa tahanan:⇒ Una: Alamin kung saan manggagaling ang iyong pera para sa tuition o

matrikula (mga scholarship, grant o gawad, pagtatrabaho habang nag-aaral, trabaho, mga magulang, mga ipon, atbp.).

⇒ Gumawa ng badyet para sakop ang lahat ng kinakailangang gastos (mga libro, pagbabayad para sa sasakyan, insurance, atbp.) at para alam mo kung gaano karaming pera ang matitira pagkatapos ng mga gastos.

⇒ Magpasiya kung magkano ang gagastusin mo sa iba pang kinakailangan, tulad ng pagkain at mga gastusin sa kolehiyo (mga event, singil, atbp.).

⇒ Gumamit ng app sa banking o pagbabadyet para masubaybayan ang iyong paggastos.

⇒ Sundin ang iyong badyet sa mga buwan bago ang kolehiyo—tandaan, magiging perpekto dahil sa pag-eensayo!

⇒ Huwag magdagdag sa iyong badyet kada buwan kung may natitira kang pera. Ilagay ang perang iyon sa savings at magkunwaring hindi ito available.

⇒ Tingnan ang iyong mga bank statement kada buwan. Kung posible, tingnan kung hahayaan ka ng iyong badyet na magsimulang magbayad ng mga utang habang nasa paaralan ka pa lang.

Bahagyang kinuha ang artikulo mula sa Nitro: https://www.nitrocollege.com

Ang mga Pederal na Pell Grant ay kadalasang ginagawad lamang sa mga undergraduate na mag-aaral.Depende ang halagang matatanggap mo sa iyong pangangailangang pinansiyal, ang halaga ng iyong pagdalo sa paaralan, at higit pa. Kadalasang ginagawad lamang ang mga Pederal na Pell grant sa mga undergraduate na mag-aaral na nagpapakita ng pambihirang pinansiyal na pangangailangan at hindi pa nakakakuha ng bachelor's, graduate, o propesyonal na degree. (Gayunpaman, sa ilang kaso, maaaring makatanggap ng Pederal na Pell Grant ang isang mag-aaral na naka-enroll sa isang postbaccalaureate (pagkatapos ng bachelor's) na programa para sa sertipikasyon ng guro.) Hindi ka kwalipikadong makatanggap ng Pederal na Pell Grant kung ikaw ay nakakulong sa isang pederal o pang-estadong institusyon ng piitan o napapasailalim ka sa isang hindi boluntaryong sibil na obligasyon pagkatapos ng panahon ng pagkakulong para sa puwersahan o hindi puwersahang seksuwal na pagkakasala (forcible o nonforcible sexual offense).Ang isang Federal na Pell Grant, hindi tulad ng utang, ay hindi kailangang bayaran muli, maliban na lamang sa ilalim ng ilang sitwasyon.

Paano ako mag-a-apply?Dapat kang magsimula sa pamamagitan ng pagsumite ng form na Free Application for Federal Student Aid (FAFSA® o Libreng Aplikasyon para sa Pederal na Tulong sa Pag-aaral). Dapat mong punan ang form na FAFSA kada taon na nasa paaralan ka para manatiling kwalipikado para sa pederal na tulong sa mag-aaral.

Magkano ang makukuha ko?Nagbabago ang mga halaga kada taon. Ang maximum na gawad ng Pederal na Pell Grant ay $6,495 para sa 2021–22 na taon ng paggawad (Hulyo 1, 2021, hanggang Hunyo 30, 2022).

Pero magdedepende ang halagang makukuha mo sa• Iyong Inaasahang Kontribusyon ng Pamilya,• Halaga ng pagpasok (itinatakda ng iyong paaralan para sa

iyong partikular na programa),• Iyong status bilang full-time o part-time na mag-aaral, at• Iyong mga plano na dumalo sa paaralan para sa buong taong

akademiko o mas maikli pa.Sa ilang sitwasyong, maaaring makatanggap ang isang kwalipikadong mag-aaral ng hanggang 150 porsiyento ng kanyang nakaiskedyul na gawad ng Pell Grant para sa taon ng paggawad.Halimbawa, kung kwalipikado ka sa $2,000 na Pell Grant para sa taon ng paggawad at naka-enroll ka nang full-time para sa parehong term ng taglagas at tagsibol, malamang ay makakatanggap ka ng $1,000 sa taglagas at $1,000 sa tagsibol. Gayunpaman, sa ilang sitwasyon, maaaring kwalipikaso kang makatanggap ng hanggang sa karagdagang $1,000 para sa pagdalo sa isang karagdagang term sa loob ng taon ng paggawad na iyon (na nagreresulta sa pagtanggap ng 150% ng iyong orihinal na gawad). Maaaring marinig mong tinatawag ang sitwasyong ito bilang "buong taon na Pell."

Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa:https://studentaid.gov/understand-aid/types/grants/pell

Mag-apply para sa iyong

PELL!

Page 6: The Parent and Family Engagement Connection

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

6

Minsan, kapag parang sobra-sobra ang mga gawain at iskedyul, nakakatulong gumawa ng listahan ng gagawin para mas madaling pamahalaan ang mga bagay at mas magtuon sa mga ito.Maglaan ng one-on-one na oras kasama ang mga bata araw-araw. Kumpara sa ibang bagay, ang pinakamabuting magagawa mo para pabutihin ang pag-uugali ng iyong mga anak ay ang pagbibigay ng iyong oras sa kanila nang indibidwal araw-araw, pagbibigay sa kanila ng positibong atensyon at emosyonal na koneksyon na talagang kailangan nila.Kapag hindi nila nakukuha ang positibong atensyon na iyon, maghahanap sila ng atensyon sa mga negatibong paraan, at hindi na gagana ang mga parusa o ibang pandisiplinang paraan. Gawing layunin ang paglaan ng 10-15 minuto kada araw para sa bawat bata at halos kaagad kang makakakita ng masusukat na pag-unlad.Maging seryoso tungkol sa pagtulog.Isipin kung kumusta ang pakiramdam mo kapag sobrang pagod ka, mainit ang ulo, iritable, masakit ang iyong ulo at tiyan. Pareho rin ito para sa mga bata, at karamihan sa mga toddler (hanggang sa mga tinedyer) ay nakakakuha ng higit na mas kaunting tulog kumpara sa kailangan ng kanilang mga lumalaking katawan.Kailangan ng mga tinedyer ng mas marami pang tulog kumpara sa ilang mga mas maliit na bata. Konsultahin ang doktor ng inyong pamilya tungkol sa dami ng tulog na kailangan ng iyong mga anak depende sa edad nila. Kung kulang sa tulog ang iyong anak, subukang iurong ang kanyang oras ng pagtulog nang mas maaga nang 10 minuto kada ilang gabi. Ang isang

nakapagpahingang bata ay isang batang may mabuting ugali at mas nakakagawa ng mga kailangang gawin buong araw, kabilang ang sa oras ng pag-aaral.

Magtuon sa mga rutina. Mas gumagaling ang mga bata kapag may rutina, kaya magtakda ng mga malinaw na rutina para sa mga pinakamahahirap na oras sa araw, tulad ng umaga, pagkatapos ng paaralan, oras ng pagkain, at oras para matulog.

Hayaan ang iyong mga anak na magpasiya kung paano gagawin ang mga rutina–magbibihis ba muna o magsisipilyo muna? Paano ihahanda ang hapunan?

Para sa mas maliliit na bata, isulat ang pagkakasunod-sunod ng rutina gamit ang mga litrato o salita at hayaan silang pagandahin ito, at isabit ito sa isang lugar kung saan makikita nila ito araw-araw. Pagkatapos ay sundin ito.

Tumutulong ang lahat. Para sa mas mabuting pag-uugali, dapat maunawaan ng mga bata na kailangang tumulong ng lahat para tumakbo nang maayos ang isang sambahayan.

Ang lahat ng bata, mula sa mga toddler hanggan sa mga tinedyer ay dapat na may "mga tulong sa pamilya" (hindi "mga gawaing-bahay!") na ginagawa nila araw-araw – tumutulong itong gawing mas malapit ang iyong pamilya, tinuturuan sila nito ng mga kakayahan sa buhay at tumutulong itong iwasan ang pakiramdam na likas na karapat-dapat ang sarili para sa mga pribilehiyo o espesyal na pagtrato.

Hikayatin ang iyong mga anak na lumutas ng mga problema.Oras na para iretiro ang iyong pito bilang tagahatol – kapag namagitan ang mga magulang sa away ng magkapatid at nagpasiya sa kung sinong may kasalanan at nagbigay ng parusa, pinapalala nito ang sitwasyon.

Para sa mga bata, nakikita nila ang isang nanalo at isang natalo at kailangan nilang palakihin ang away ng magkapatid. Hikayatin ang iyong mga anak na maghanap ng solusyon sa kanilang problema nang mag-isa, na makakatulong sa kanilang lutasin ang mga alitan habang tumatanda sila. Kung kailangan mong mamagitan, huwag pumili ng anumang panig, pero magtanong ng mga bagay na makakatulong sa kanilang maghanap ng solusyon na ayos para sa lahat ng partido.

5 Tip para sa Mas Mabuting Pag-uugali

The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

Tahanan at Paaralan

"Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago"

Bahagyang kinuha ang artikulo mula sa Positive Parenting Solutions

© 2021. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

ADMINISTRASYONRay Cogburn, Punong Tagapagpaganap

Region 16 Education Service Center5800 Bell Street - Amarillo, Texas 79109

Telepono: (806) 677-5000 Fax: (806) 677-5167www.esc16.net

Cory Green, Associate CommissionerKagawaran ng mga Kontrata,

Mga Gawad at Pampinansiyal na AdministrasyonTexas Education Agency

1701 N. Congress Avenue - Austin, Texas 78701Telepono: (512) 463-9734

www.tea.texas.gov

Ang Parent and Family Engagement Connection (Koneksiyon ng Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya) ay naka-post sa aming website apat na beses sa isang taon para sa mga magulang at nagtuturo sa Texas. Available ang newsletter na ito sa Espanyol, Vietnamese, German, Tagalog at Korean.

PATNUGOTTerri Stafford, Tagapag-ugnay

Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

[email protected]